You are on page 1of 4

ESP Q1 W3

Tandaan:
Ayon sa nakatatanda ang
problema o pagsubok sa
buhay ay parang kakambal
na ng tao, tila ba kasama na
niya ito mula sa kaniyang
pagsilang sa mundo. Kaya,
kung mapapansin mo, halos
lahat ng tao ay may kani-
kaniyang problemang
dinadala. Para bang hindi
normal ang buhay kung wala
nito. Nakalulungkot isipin na
dahil sa matinding pagsubok
sa buhay ay may mga taong
humahantong sa hindi
magandang sitwasyon o
gawain. Sa halip na harapin
ang problema o pagsubok ay
tinatakasan ito sa
pamamagitan ng iba’t-ibang
paraan; ang iba ay
nagpapabaya sap ag-aaral o
pagtatrabaho, samantalang
ang iba naman ay sumasama
sa mga barkadang may ‘di
magandang Gawain
hanggang sa huli ay maging
suliranin ng pamilya at
lipunan. Ang Malala pa nito,
ang iba ay umaabot sa
pagbawi ng sariling buhay.
Anuman ang iyong
problemang dinadala, gaano
man ito kabigat o kagaan,
hindi makatwiran na ito ay
iyong talikuran at gumawa
ka ng mga bagay na
makasisira sa iyong sariling
buhay at makaaapekto sa
ibang tao. Lagi nating
tandaan na ang lahat ng
problema ay malulutas kung
ito ay ating haharapin ng
buong tatag ng loob at may
pananalig sa Diyos.
Sa Corinto 10:13 sinabi ng
Diyos,”Wala pang pagsubok
na dumating sa inyo na hindi
nararanasan ng ibang tao.
Tapat ang Diyos, at hindi
Niya ipahihintulot na kayo’y
subukin nang higit sa inyong
makakaya. Sa halip pagdating
ng pagsubok, bibigyan Niya
kayo ng lakas upang
makayanan ito at ng paraan
upang malampasan ito.”
Sa tuwing mahaharap ka sa
iba’t-ibang pagsubok ang
isipin mo’y kaya mo ito. Kapit
ka lang sa ating mapagmahal
na Diyos at sigurado, tulad ng
pangako Niya, bibigyan ka ng
lakas upang malampasan ang
anumang pagsubok. Sabihin
mo sa iyong sarili, “Kaya ko
ito!”

You might also like