You are on page 1of 2

Mga Puwesto

Mga puwesto sa pagpapasuso


Ang pagkargang parang nakaduyan | Ang pagkarga na cross-cradle | Pagkarga na parang sa football | Nakahiga

Mga puwesto sa pagpapasuso


Kailangan mong makahanap ng puwesto o mga puwesto na pinakakomportable para sa inyong
mag-ina. Iminumungkahi ng ilang mga dalubhasa ang halinhinang mga puwesto. Sa ganong
paraan hindi maisusubo ng iyong anak at madidiinan palagi ang parehong bahagi. Subukan
ang mga puwestong ito at tingnan kung ano ang pinakamainam para sa iyo.

Ang pagkargang parang nakaduyan


… Umupo nang kumportable sa upuan, na may suporta ang iyong mga braso at likod –
huwag sumubsob sa iyong anak. Gumamit ng unan o malambot na nakabalumbon na
kumot, tuwalya, o iba pang malambot na gamit upang masuportahan ang iyong braso
at maitaas ang iyong anak kapantay ng suso. Ang ilang mga ina ay mas kumportable sa
paggamit ng bangko upang mapanatiling kapantay ng kanilang balakang ang kanilang
mga tuhod.
… Iharap ang iyong anak malapit sa iyong tiyan, nang magkaharap ang inyong tiyan, paloob
ang kaniyang mukha at mga tuhod.
… Ipuwesto ang ulo ng iyong anak sa baluktot ng iyong siko, na ang kanyang bibig ay nasa
harap ng iyong utong, at ilagay ang ibabang braso ng iyong anak sa iyong baywang, nang
hindi nakakasagabal.
… Ilapit ang iyong anak sa suso kapag nakabukas na nang malawak ang kanyang bibig, na
medyo malayo sa suso upang ang kanyang ilong, pisngi, at baba ay malapit sa iyong suso.

Ang pagkarga na cross-cradle


Ang puwestong ito ay mahusay para sa mga inang nagkakaproblema sa pagpapasubo at may maliit o
premature na mga anak.
Maaari mong makita ang pagsubo nang mas maayos kaysa sa pagkarga na parang duyan. Para
sa pagkargang ito, ipuwesto nang kumportable ang iyong sarili, na may unan sa iyong likod.
Sumandal nang kaunti upang hindi nakasubsob sa iyong anak.
… Kargahin ang iyong anak malapit sa iyong katawan, na ang braso ay nasa tapat ng iyong
suso kung saan sususo ang iyong anak. Suportahan ang leeg at ulo ng iyong anak gamit
ang kamay na ito habang ang kanyang katawan ay nakahiga sa haba ng iyong braso.
… Gamitin ang kamay sa gilid ng susong iyong pinasususuhan mula sa pagsuporta ng suso.
… Ipuwesto ang bibig ng iyong anak kapantay ng iyong utong, na nakatagilid ang kanyang
katawan at nakaharap sa iyo.
… Ilapit ang iyong anak sa suso kapag nakabukas na nang malawak ang kanyang bibig, na
medyo malayo sa suso upang ang kanyang ilong, mga pisngi, at baba ay malapit sa iyong
Kailangan
ng payo o tulong
sa pagpapasuso ? ibabaw »
OK lang na humingi ng tulong:
Tawagan ang iyong doktor, pediatrician, o nurse » Makipag-ugnay sa kinokonsulta sa paggagatas » Sumangguni sa maraming mga pinagkukunang kaalaman
na nakalista sa www.abbottnutrition.com/breastfeeding

Ginarantyang kalidad kasama ang: 24/7 live help. Available ang mga nars at mga lactation consultant.
Tawagan ang Feeding Expert: 1-800-986-8800.
o Mga Tip at Pamamaraan sa Pagpapasuso: Mga Puwesto

suso.

Pagkarga na parang sa football


Ang puwestong ito ay mahusay para sa mga inang may malalaking suso, para sa nangangak nang
cesarean, may problema sa pagpapasubo, o mga inang may maliit o premature na mga anak.
Ang pagkargang ito ay hindi na nangangailangan ng paghawak, o nagpapaubaya sa iyong
makapagpapasuso ng dalawang sanggol nang magkasabay. Ang kainaman ng pagkargang
itong ay maaaring mahusay mong makita ang pagsubo.
… Umupo nang kumportable sa upuan, na may suporta ang iyong mga braso at likod—
huwag sumubsob sa iyong anak. Gumamit ng unan o malambot na binalumbon na
kumot, tuwalya, o iba pang malambot na bagay upang masuportahan ang iyong braso.
… Gumamit ng unan o binalumbon na kumot, tuwalya, o iba pang malambot na bagay sa
iyong tagiliran upang masuportahan ang iyong siko at puwitan ng sanggol.
… Ilagay ang ulo ng iyong anak sa iyong palad, ipantay sa iyong suso, at kipkipin ang iyong
anak sa gilid ng iyong baywang, kargahin sa ilalim ng iyong braso.
… Suportahan ang ibabang bahagi ng ulo ng iyong anak sa pagitan ng iyong hinlalaki at
hinliliit. Maglagay ng malambot na kumot sa pagitan ng iyong kamay at ng ulo ng iyong
anak para sa sapin, kung sa tingin mo ay hindi siya kumportable.
… Ilapit ang iyong anak sa suso kapag nakabukas na nang maluwag ang kanyang bibig,
na medyo malayo sa suso upang ang kanyang ilong, pisngi, at baba ay malapit sa iyong
suso. Kung may mga problema ang iyong anak sa kabag, maaari mong baguhin ang
pagkargang ito upang nakaupo nang bahagya ang iyong anak, para magkaroon kaunting
lugar para sa kabag sa kanyang tiyan.

Nakahiga
Mahusay para sa mga pagpapasuso sa gabi at kapag hindi kumportable ang nakaupo.
… Humiga nang patagilid, gamit ang unan upang masuportahan ang iyong ulo at leeg, at isa
pa sa iyong likod kung kinakailangan, o humiga nang patagilid na nakalagay ang isang
braso sa ilalim ng iyong ulo at ang isang kamay ay sumusuporta sa iyong suso.
… Humiga sa tabi ng iyong anak sa kama, upang ang kanyang bibig ay nasa tapat ng iyong
utong, at ilagay ang maliit na nakabalumbong kumot, tuwalya, o malambot na tela sa
likod ng iyong anak. Suportahan ang ibabang bahagi ng ulo ng iyong anak sa pagitan ng
iyong hinlalaki at hinliliit.
… Ilapit ang iyong anak sa suso kapag nakabukas na nang maluwag ang kanyang bibig, na
medyo malayo sa suso upang ang kanyang ilong, mga pisngi, at baba ay malapit sa iyong
suso.
… Kung kinakailangan mong ilipat ng suso ang iyong anak, kargahin nang malapit sa iyong
katawan ang iyong anak at tumihaya, at pagkatapos ay tumagilid sa kabila.
Kahit na anong puwesto sa pagpapasuso ang iyong piliin, ang mahalagang bagay na tandaan
ay dapat kapantay ng iyong utong ang bibig ng iyong anak. Ang kanyang ulo ay dapat na
kapantay ng kanyang tiyan—direktang nakaharap sa iyo – hindi nakatagilid. Tandaang kung
nakapihit ang ulo ng iyong anak, mahirap para sa kanya ang lumulon. (Subukan mo: ipihit ang iyong
ulo at lumulon. Pagkatapos ay humarap at muling lumulon. Nakita mo ang kaibahan?) Gayundin, kung nakapihit
ang ulo ng iyong anak, mas mahirap na masubo nang maayos ng iyong anak ang utong at
suso.
Kailangan
ng payo o tulong °
sa pagpapasuso ?
OK lang na humingi ng tulong:
Tawagan ang iyong doktor, pediatrician, o nurse » Makipag-ugnay sa kinokonsulta sa paggagatas » Sumangguni sa maraming mga pinagkukunang kaalaman
na nakalista sa www.abbottnutrition.com/breastfeeding

©2011 Abbott Laboratories Inc. Ene 2011 73153 Tagalog – Positions

You might also like