You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Calauan
BARANGAY MABACAN

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

SINIPI MULA SA PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG


BARANGAY NG MABACAN, CALAUAN, LAGUNA NA GINANAP NOONG IKA- 06 NG
ABRIL 2013 SA GANAP NA IKA-9:00 NG UMAGA SA TANGGAPAN NG PUNONG
BARANGAY.

Mga Dumalo: Kgg. Darwin P. Guevarra (Tagapangulo) Punong Barangay


Kgg. Victorino L. Rasdas Kagawad
Kgg. Thelma M. Dela Cruz Kagawad
Kgg. Teodora M. Arcillas Kagawad
Kgg. Carina A. Bigal Kagawad
Kgg. Adelaida A. Hernandez Kagawad
Kgg. Domingo M. Mundin Kagawad
Kgg. Rolando M. Ilagan Kagawad
Kgg. Lara Tereza M. Arcillas SK Chairman
Gng. Sherrylin P. Ricafort Kalihim

Di-Dumalo: WALA

KAPASIYAHAN BLG. 06 - 2013

SAPAGKAT, si Gng. Sherrylin P. Ricafort, dating Brgy. Clerk/BRK ng barangay ay


naitalaga na bilang bagong Kalihim ng Sangguniang Barangay;

SAPAGKAT, lubhang marami ngayong gawain sa Barangay tulad ng pag-upgrade sa mga


datos ng barangay at pag-e-encode sa computer;

SAPAGKAT, marami ring tungkulin ang ginagampanan ng Kalihim ng Barangay gayundin


ang mga Kagawad kung kaya ang nasabing mga gawain ay di na magampan ng bawat isa;

SAPAGKAT, kailangang kumuha ng isang Barangay Book Keeper (BRK) upang siyang
gumawa at magtala ng mga gawaing pangpinansyal;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. Thelma M. Dela Cruz na


pinangalawahan ni Kgg. Victorino L. Rasdas at buong pagkakaisang sinang-ayunan ng lahat ng
dumalo ay;

PINAGTIBAY, na gaya ng dito ay pinagtitibay na hirangin si Gng. Sarah Jane D. Paña,


bilang bagong Brgy. Clerk/BRK ng Barangay Mabacan, Calauan, Laguna na magsisimula sa
ika-08 ng Abril 2013;

PINAGTIBAY: Abril 06, 2013

IPINAG-UUTOS: Na padalhan ng sipi ng Kapasiyahang ito ang mga kinauukulang


tanggapan para sa kanilang lubos na kabatiran ukol sa bagay na ito.
Cont. Res. 06-2013
p.2

PINATUTUNAYAN KO ang kawastuhan ng lahat ng nasasaad sa kapasiyahang ito.

SHERRYLIN P. RICAFORT
Kalihim

PINAGTIBAY:

DARWIN P. GUEVARRA
Punong Barangay

VICTORINO L. RASDAS THELMA M. DELA CRUZ TEODORA M. ARCILLAS


Kagawad Kagawad Kagawad

CARINA A. BIGAL ADELAIDA A. HERNANDEZ DOMINGO M. MUNDIN


Kagawad Kagawad Kagawad

ROLANDO M. ILAGAN LARA TEREZA M. ARCILLAS


Kagawad SK Chairwoman

You might also like