You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: __________________________________________________________Iskor: _________________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot na pangkat ng taong nakapanirahan sa Mesopotamia na tinutukoy sa bawat
bilang. (15 pts.)

A. Sumerian B. Akkadian C. Babylonian


D. Hittite E. Assyrian F. Chaldean

Question 1
Sila ang kauna-unahang nagtayo ng imperyong nabuo sa Asya at sa mundo.
Question 2
Naimbento nila ang gulong na hanggang sa kasalukuyan ay ating ginagamit pa.
Question 3
Ipinatayo ng kanilang hari ang Hanging Gardens of Babylon.
Question 4
Tanyag sa pamumuno ni Haring Hammurabi ang kanyang batas na may prinsipyong

“Mata sa mata, ngipin sa ngipin”.


Question 5
Ang ating mga kaalaman ukol sa algebra, fraction, square root at pagbibilang ay

nagmula sa kanila.
Question 6
Natuklasan nila ang pagpapanday ng bakal na ating ginagamit sa pagpapaunlad ng industriya sa
kasalukuyan.
Question 7
Ipinatayo ang kauna-unahang silid-aklatan sa Asya at sa mundo ng kanilang pangkat.
Question 8
Tinatawag silang “Stargazers of Babylon” sapagkat sa kanila nagmula ang ating kaalaman sa zodiac
sign.
Question 9
Sa kanila nagmula ang paglikha ng chariot na ginamit sa pakikidigma.
Question 10
Nagpatayo sila ng ziggurat na siyang ginamit nila sa kanilang mga ritwal at imbakan rin ng mga
inaaning pananim.
Question 11
Nagmula sa kanila ang pagkakaroon ng titulo ng lupa bilang batayan ng pagmamay-ari ng lupain.
Question 12
Ang cuneiform na kanilang ginamit bilang sistema ng kanilang pagsulat ay kanilang nilinang.
Question 13
Kinilala sila bilang mga malulupit at mararahas na mga mandirigma.
Question 14
Sila ang kauna-unahang pangkat ng taong nakapanirahan sa Mesopotamia.
Question 15
Nagpatayo sila ng serbisyo-postal sa kanilang nasasakupan upang mapaunlad ang sistema ng
komunikasyon.

II. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama, palitan naman ang salitang nakasalungguhit
kung ito ay mali. (10 pts.)
Question 1
Ang tawag sa politikal at espiritwal na pinuno ng mga Sumerian ay mga Patesi.
Question 2
Ang mga Babylonian ang kauna-unahang pangkat ng taong nakapanirahan sa Mesopotamia.
Question 3
Monoteismo ang tawag sa paniniwala sa maraming Diyos tulad ng mga Sumerian, Akkadian at
Babylonian.
Question 4
Si Haring Saricon I na pinuno ng mga Akkadian ang namuno sa pagtatatag ng unang imperyo sa
mundo.
Question 5
Si Naramsin na apo ni Haring Sargon I ay tinaguriang “Diyos ng Akkad” at Hari ng Ikaapat na
Bahagi ng Daigdig”.
Question 6
Tinawag ang mga Chaldean na “Ang Lumang Babylonia”.
Question 7
Ang paghuhuli at pang-aalipin ng mga Chaldean sa mga taga-Israel ay tinawag na
“Babylonian Captivity”.
Question 8
Ang batas ni Haring Hammurabi ay tinawag na Klasiko ni Hammurabi.
Question 9
Ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar II ang Hanging Gardens of Babylon.
Question 10
Ipinatayo ni Ashurbanipal ang kauna-unahang silid-aklatan sa mundo.

III.
Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa bawat bilang. (5 pts.)

Question 1
Bakit nakapagtayo ang mga unang tao sa Mesopotamia ng kabihasnan?

A. May dalawang lambak-ilog na matatagpuan dito.

B. Disyerto ang Mesopotamia kaya naman maraming petrolyo rito.

C. Ginamit ng mga taga-Mesopotamia ang Indian Sea sa pakikipagkalakalan.

D. lahat ng pagpipilian ay wasto.


Question 2
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na imperyo?
A. Nomadiko ang mga tao sa Mongolia.

B. Sinakop ng mga Akkadian ang mga Sumerian at pinalawak ang kanilang lupain.

C. Nagtatag ang mga Sumerian ng pamayanan at tinawag itong Sumer.

D. Isinabatas ni Hammurabi ang kanyang batas na “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”.


Question 3
Bakit ipinatayo ang Hanging Gardens of Babylon?

A. Libingan ito ng hari at reyna.

B. Sikat na destinasyon ito ng mga tao noong sinaunang panahon.

C. Napaparami nito ang mga pananim na makikita sa Mesopotamia.

D. Para ito sa asawa ng hari sapagkat dati itong nakatira sa kagubatan.


Question 4
Alin ang nagpapakita ng sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?

A. Nagsusulat sila sa pinatigas na putik o ladrilyo.

B. Sa papel nagsusulat ang mga tao sa Mesopotamia.

C. Gumagamit na ang mga tao sa Mesopotamia ng mga makabagong teknolohiya.

D. Nagsusulat sila sa pader ng yungib o kuweba sa Mesopotamia.


Question 5
Ano ang nagpapakita ng relihiyon ng mga Sumerian?

A. Naniniwala sila sa relihiyong Kristiyanismo.

B. Nananampalataya ang mga Sumerian sa iisang Diyos.

C. Ang mga Sumerian ay sumasamba sa maraming Diyos.

D. Wala silang Diyos na sinasamba, tanging mga pinuno lamang ang kanilang sinasamba.

IV. Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa likod ng papel
gamit ang apat hanggang anim na pangungusap. Gamiting gabay sa pagmamarka ang rubriks sa ibaba. (5 pts.)

Question 1
Kilala si Hammurabi sa kanyang kalipunan ng batas na ginamit noon sa sinaunang Mesopotamia. Kung ikaw ang
tatanungin, sakaling gamitin ito sa Pilipinas, mababawasan ba nito ang bilang ng krimen na nagaganap sa ating
bansa? Patunayan
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: __________________________________________________________Iskor: _________________

I. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa bawat bilang. (8 pts.)

Question 1
I. Puno II. Isda III. Ginto IV. Tubig

V. Petrolyo VI. Pananim VII. Marmol

Alin sa mga sumusunod na likas na yaman ang renewable?

A. I, III, V at VII

B. I, II, IV at VI

C. I, IV at VII

D. II, V, VI at VII
Question 2
I. Puno II. Isda III. Ginto IV. Tubig

V. Petrolyo VI. Pananim VII. Marmol

Alin naman ang mga likas na yaman na non-renewable?

A. I, II, V at VII

B. I, II, IV at VI

C. II, III, IV at VI

D. III, V at VII
Question 3
Anong bansa sa Silangang Asya ang kakikitaan ng halos lahat ng anyong lupa at napakaraming mga
yamang mineral?

A. North Korea

B. China

C. Japan

D. Mongolia
Question 4
Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang matinding pananagutan sa maingat na paggamit ng
kapaligiran upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan at sa susunod pang henerasyon?

A. Sustainable Development

B. Sustainable Generation

C. Sustainable Planet

D. Sustainable World
Question 5
Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng global warming at ng climate change?
A. Numinipis ang ozone layer ng mundo.

B. Lumalaganap ang urbanisasyon.

C. Natutunaw ang mga yelo sa Hilaga at Timog Polo.

D. Lumalaganap ang mga nakahahawang sakit sa mundo dulot na rin ng pagbabago sa klima.
Question 6
Alin sa mga sumusunod ang totoo ukol sa likas na yaman ng Silangang Asya?

A. Maraming mga yamang mineral sa Silangang Asya na magagamit sa pagpapaunlad ng teknolohiya.

B. Maraming mga tropical rainforest ang Silangang Asya kaya pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay.

C. Maraming mga mina ng langis sa SIlangang Asya kahit na ang kabuuan ng Silangang Asya ay disyerto.

D. Ang bansang Pilipinas ay kakikitaan ng mga yamang tubig tulad ng perlas, isda at iba pa.
Question 7
Alin sa mga sumusunod ang totoo ukol sa likas na yaman ng Kanlurang Asya?

A. Malawak ang pataniman ng mga sunflower sa Kanlurang Asya na kanilang iniluluwas sa ibang mga bansa.

B. Maraming mga tropical rainforest ang Kanlurang Asya kaya pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay.

C. Maraming mga mina ng langis sa Kanlurang Asya kahit na ang kabuuan ng rehiyon na ito ay disyerto.

D. Ang bansang Iraq ay sagana sa yamang tubig tulad ng mga korales, perlas, at mga isda.
Question 8
Alin sa mga sumusunod ang hindi wasto ukol sa likas na yaman?

A. Ito ay mula sa mga anyong lupa at tubig.

B. Binubuo ito ng mga hilaw na materyales na maaaring magamit sa industriya.

C. Pantay-pantay ang distribusyon nito sa mga bansa sa Asya at sa buong mundo.

D. May mga likas na yaman na napapalitan at hindi napapalitan.

II.
Isulat sa unang patlang ang titik ng mga epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na makikita sa Hanay
B. Bilang naman ang isulat sa ikalawang patlang ng mga posibleng solusyon na makikita sa Hanay B.

Question 1
Nauubos ang mga puno sa kagubatan.

Ang mga hayop ay walang-habas na hinuhuli upang ipagbili.


Nagtatapon ng mga nakalalasong kemikal ang ilang mga pabrika sa mga katubigan.

Lumalaganap ang mga maiitim na usok sa kalangitan na mula sa mga sasakyan at ilang
pabrika.

Walang habas ang pagmimina sa mga kabundukan upang makakuha ng mga mamahaling
bato.

Dumadami ang mga tao sa mga megacity sa Asya.


III. Suriin nang mabuti ang apat na mga salita. Isulat sa unang patlang ang titik ng salitang naiiba. Isulat naman
sa ikalawang patlang ang bilang na nagbibigay paliwanag kung bakit magkakagrupo ang tatlong mga salitang
natira sa pamamagitan ng mga pagpipilian sa ibaba. (10 pts.)

1. Uri ng Likas na Yaman


2. Yamang Mineral
3. Yamang Tubig
4. Yamang Lupa
5. Bansa sa Silangang Asya na maraming yamang mineral
6. Bansa sa Kanlurang Asya na mayaman sa petrolyo

Question 1
A. Ginto B. Palay C. Tanso D. Marmol

A. Palay B. Puno C. Hayop sa kalupaan D. Perlas

A. Apoy B. Tubig C. Lupa D. Hangin

A. Isda B. Perlas C. Troso D. Korales

A. Kuwait B. Mongolia C. Saudi Arabia D. Qatar

IV. Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong gamit ang apat
hanggang anim na pangungusap. Gamiting gabay sa pagmamarka ang rubriks sa ibaba. (5 pts.)
Question 1
Ang mga likas na yaman sa mundo ay patuloy na nauubos habang ang populasyon naman ng mundo ay patuloy na
lumalaki. Kung ikaw ang tatanungin, paanong paraan kaya matutugunan ang ganitong problema? Magbigay ng
konkretong panukalang solusyon at paanong paraan ito ipatutupad.
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: __________________________________________________________Iskor: _________________

Suriin ang mga pahayag. Isulat sa nakalaang patlang ang titik na angkop sa bawat bilang. (12 pts.)
A- Tama ang una at ikalawang pahayag
B- Tama ang unang pahayag ngunit mali ang ikalawa
C- Mali ang unang pahayag ngunit tama ang ikalawa
D- Mali ang una at ikalawang pahayag

Question 1
Ayon sa teoryang Creationism, nilikha ng Diyos ang mundo at ang mga may buhay sa mundo. Pitong
araw niya itong ginawa at sa ikawalong araw siya nagpahinga.
Question 2
Si Charles Dickens ang isa sa mga may-akda ng Teoryang Ebolusyon. Ayon sa teoryang ito, ang mga
nilalang sa mundo ay dumaan sa mga pagbabago upang mabuhay (survival of the fittest).
Question 3
Ang mga sinaunang tao ay pagala-gala at walang permanenteng tirahan. Nomadiko ang tawag dito.
Question 4
Anthropologist ang tawag sa mga siyentistang nag-aaral ng kultura at gawi ng mga tao. Arkeologo
naman ang mga taong nag-aaral ng kasaysayan ng sinaunang panahon sa pamamagitan ng paghuhukay ng mga
ebidensiya.
Question 5
Fossils ang tawag sa mga gamit tulad ng alahas at banga na nahuhukay ng mga
siyentista. Artifacts naman ang tawag sa mga labi ng tao, hayop at halaman na nahukay ng mga siyentista.
Question 6
Nagkaroon ng migrasyon ng sinaunang tao sa iba’t ibang lugar sa mundo upang makapamuhay.
Naninirahan pansamantala ang mga tao sa mga yungib o kuweba upang makaiwas sa mababangis na hayop.
Question 7
Sa Kuweba ng Manunggul sa Palawan natagpuan ng mga arkeologo ang mga banga na may
nakalibing na tao. Ang Kuweba naman ng Tabon ay makikita sa Batangas.
Question 8
Ang panahon ng bato ay nahahati sa tatlong yugto. Samantala, ang panahon ng metal ay nahahati sa
apat.
Question 9
Bakal ang unang natuklasan ng mga tao. Mas malambot ang tanso kumpara sa bakal.
Question 10
Ang kabihasnan ay nangangahulugang “paninirahan sa lungsod”. Ang Mesopotamia ay isa sa mga
pinakamatandang kabihasnan sa Asya at sa mundo.
Question 11
Ang Mesopotamia ay nangangahulugang “Lupain sa pagitan ng mga disyerto”. Ang bansang Iran ang
kasalukuyang Mesopotamia.
Question 12
Ang Tigris at Euphrates ang kambal na ilog ng Mesopotamia. Fertile Circle naman ang tawag sa lupain
sa Mesopotamia na hugis kalahating buwan na mainam pagtamnan.
II. Lagyan ng / kung ang mga pangungusap ay katangian ng kabihasnan, X naman kung hindi. (5 pts.)
Question 1
May kasanayan ang mga tao sa pagtatanim at paggawa ng mga kasangkapan.
Question 2
May mga kaisipan at paniniwala ang mga tao na madalas ay naiimpluwensiyahan ng kapaligiran.
Question 3
Walang batas na sinusunod ang mga tao sapagkat walang pamahalaang naitatag.
Question 4
May mga dalubhasang manggagawa na siyang naging dahilan sa pag-unlad ng mga lungsod.
Question 5
Pagala-gala at walang permanenteng tirahan ang tao.

III. Isulat ang A kung ang mga pangyayari ay naganap sa panahong Paleolitiko, B naman kung sa
Mesolitiko, C para sa Neolitiko at D para sa metal. (10 pts.)

Question 1
Nomadiko ang mga tao sa panahong ito upang makakalap ng mga pagkain.
Question 2
Permanente nang nakapaninirahan sa isang lugar ang mga sinaunang tao.
Question 3
Magagaspang ang mga kasangkapang yari sa bato ang ginamit ng mga tao sa kanilang pamumuhay.
Question 4
Mas makikinis na ang mga batong ginamit ng mga tao at gumagamit na rin sila ng mga banga sa
pagluluto.
Question 5
Tinatawag din ang panahong ito bilang “Panahon ng Gitnang Bato”.
Question 6
Tinatawag itong “Panahon ng Bagong Bato”.
Question 7
Natuklasan ng mga Hittites ang bakal na ginamit sa pakikidigma tulad ng paggawa ng mga sandata at
chariot.
Question 8
Ang mga sinaunang tao ay marunong nang magtanim upang makakain.
Question 9
Unang gumamit ng apoy ang mga tao sa panahong ito.
Question 10
Ginamit ang ginto, tanso, pilak at bakal bilang palamuti at kagamitan.
Question 11
Ang mga tao sa panahong ito ay unang natutuhan ang paggamit ng balat ng hayop at mga halaman
upang gawing kasuotan.
Question 12
Bumuo na ang mga tao ng sistema ng pamahalaan.
Question 13
Tinatawag din itong “Panahon ng Lumang Bato”.

IV. Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong gamit ang apat
hanggang anim na pangungusap. Gamiting gabay sa pagmamarka ang rubriks sa ibaba. (5 pts.)
Question 1
Ang mga tao mula noon hanggang ngayon ay patuloy na nakaiimbento ng mga kagamitan upang mas mapadali ang
kanilang pamumuhay. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pinakanegatibong epekto sa iyo ng teknolohiya at sa
paanong paraan mo ito nais masolusyonan?
Correct Answers

Likas na yaman LUMANG BATO


1. D 1. B
2. B 2. C SUMERIAN
3. C
3. B
4. C 1. D
5. B 4. D
5. B 2. A
6. B
6. B 3. E
7. A
8. A 7. A 4. A
8. C 5. D
1. C, c 9. A 6. F
2. 3 10. A 7. D
3. B, b 11. A 8. F
4. 5 9. A
12. D
5. E, e 10. E
6. 2 11. E
7. F, f 1. X
2. / 12. C
8. 6
9. D, d 3. X 13. A
10. 1 4. / 14. B
11. A, a 5. / 15. A
12. 4
1. C 1. SARGON I
1. B, b 2. TAMA
2. 2
2. A
3. A, B 3. SUMERIAN
3. D, d 4. BAGO
4. 4 4. C
5. A 5. KODIGO
5. A, a
6.1 6. B 6. TAMA
7. C, c 7. A 7. TAMA
8. 3 8. D 8. TAMA
9. B, b 9. C 9. TAMA
10. 6
10. D 10. TAMA
11. C 11. POLITEISMO
12. B
1. B
2. C
3. A
4. D
5. A

You might also like