Professional Documents
Culture Documents
Rito NG Banal Na Pagtatalaga NG Simbahan Sample
Rito NG Banal Na Pagtatalaga NG Simbahan Sample
PAGTATALAGA NG SIMBAHAN
1
RITO NG BANAL NA PAGTATALAGA NG SIMBAHAN
UNANG BAHAGI: PAGTITIPON SA HARAP NG SIMBAHAN
Commentator:
Magandang araw po sa inyong lahat!
2
PAG-AALIS NG TAKIP AT PAGBASA NG MARKER
PAGGUPIT NG LASO
Hindi hahalik sa dambana ang Obispo at mga pari, bagkus, dadako agad sila sa
nakatakdang lugar sa kanila. Kukunin ng tagapaglingkod sa Obispo ang mitra at
bacculo.
3
PASIMULA
4
PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG
Lalapit ang mga tagapaglingkod na may dalang tubig.
Amang maawain,
tinawag Mo ang bawa’t nilalang
sa liwanag ng buhay,
at nilipos Mo kami ng Iyong dakilang pagmamahal,
upang kung kami ma’y maligaw ng landas,
lagi Mo kaming mapanumbalik
kay Kristong aming ulo.
6
Awit sa pagwiwisik: ISANG PANANAMPALATAYA
GLORIA
7
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Isusuot ang mitra sa Obispo. Lalapit ang dalawang lektor sa Obispo dala ang
leksyonaryo na nakabukas.
8
PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS
Aklat ng Salita ng Diyos pp. 1407-1408 (1793-1794)
Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan,
nabagbag ang kanilang kalooban, anupa’t sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay
dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga
Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “Huwag kayong
umiyak.” Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at
inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito’y dakila sa
Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.”
9
SALMONG TUGUNAN Salmo 18B,8.9.10.15
10
IKALAWANG PAGBASA 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17
Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-
Corinto.
Mga kapatid, kayo ang gusali ng Diyos. Ayon sa kaloob ng Diyos sa akin,
ako ang naglagay ng pundasyon, bilang mahusay na tagapagtayo. Iba naman
ang nagpapatuloy ng pagtatayo ng gusali. Ngunit maging ang bawat nagtatayo,
sapagkat wala nang ibang pundasyon na maaaring ilagay liban sa nailagay na, si
Hesukristo.
ALELUYA
11
MABUTING BALITA Juan 4, 19-24
Aklat ng Mabuting Balita p. 635
“Ang mga tunay na sumasamba sa Ama
ay sasamba sa kanya sa espiritu at katotohanan”
HOMILYA
matapos ang homily magkakaroon ng sandaling katahimikan
12
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
13
PANALANGIN NG PAGTATALAGA AT PAGPAPAHID NG LANGIS
PAANYAYA SA PANANALANGIN
Obispo: Halina’t tayo’y manawagan sa mga banal
upang kanilang tuwangan ang ating mga pagsamo
sa Diyos Amang Makapangyarihan.
Siya ang lumikha sa puso ng bawat isa
upang maging karapat-dapat na templo
ng Kanyang Espiritu.
LITANYA NG MGA BANAL
Kapag Araw ng Linggo at Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay mananatiling
nakatayo ang lahat, subalit sa ibang araw ay luluhod ang lahat.
15
Matapos ang litanya, darasalin ng Obispo ang mga sumusunod nang
nakaunat ang kamay.
Obispo: Panginoon,
ang mga panalangin nawa ng
Mahal na Birheng Maria
at ng lahat ng mga banal
kalakip ng aming mga panalangin
aymaging kaaya-aya sa Iyo.
Ang simbahan nawang ito,
na itinatalaga namin ngayon sa Iyong pangalan
ay maging pook ng pagpapala at kaligtasan
nang ang mga Kristiyanong dito’y
natitipon bilang magkakapatid
ay makasamba sa Iyo sa Espiritu at katotohanan.
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
PANALANGIN NG PAGTATALAGA
16
Obispo: Amang makapangyarihan,
bukal ng pagpapala at kabanalan,
tunay ngang marapat
na purihin at dakilain ang Iyong ngalan.
Sa araw na ito,
kami’y natitipon sa harap mo,
upang italaga sa paglilingkod na tatagal
ang bahay dalanginang ito,
ang templo ng pagsamba,
ang pook kung saan aming tinatanggap
ang Iyong salita at mga sakramento.
17
Ang Simbahang kalugod-lugod,
na tahanan ng Diyos sa daigdig:
templong binuo ng mga batong buhay,
nakasalig sa mga apostol
at kay Hesukristo na batong panulukan.
Amang makapangyarihan,
isugo mo ang iyong Espiritu
upang mamalaging banal ang Simbahang ito,
at ito namang dambana
ay mamalagi ring hapag
ng sakripisyo ni Kristo.
Bayan: Amen.
19
PAGPAPAHID NG LANGIS SA DAMBANA AT MGA PADER NG SIMBAHAN
Aalisin ng Obispo ang kasulya kung kinakailangan at matapos isuot ang puting
gremyal ay pupunta sa dambana; dala ang Krisma. Isusuot sa kanya ang mitra.
Kapag ang apat na Krus ang nakalagay, ang ibig sabihin nito ay larawan ng
Simbahan ng banal na Jerusalem. At kung labindalawa naman, para sa 12
apostol na siyang pinagtatagan ng simbahan ni Kristo.
20
Lektor: Mahal ko ang Iyong Templo, O Makapangyarihang Diyos!
Nasasabik ang lingkod Mong sa patyo Mo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod.
Sa masayang pag-awit ko, pinupuri’y buhay na Diyos. (Tugon)
21
Lektor: Kahit isang araw lamang, gusto ko pang sa templo Mo
kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng Iyong templo.
kaysa ako’y mapasama sa masamang mga tao. (Tugon)
23
Lektor: Kahit ako’y nababatbat ng maraming suliranin,
Ako’y walang agam-agam, panatag sa Iyong piling.
Nahahandang harapin Mo, mapupusok kong kaaway
Ligtas ako sa piling Mo, sa lakas na Iyong taglay.
Yaong mga pangako Mo ay handa Mong tupding lahat.
Ang dahilan nito, Panginoon, pag-ibig Mo’y di kukupas
at ang mga sinimulang gawain Mo’y magaganap. (Tugon)
24
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
AWIT PARA SA PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Kasunod ng kandila para sa dambana, tatanggapin ng Obispo ang iba
pang handog. Ihahanda naman ng diyakono at iba pang lingkod ang
hapag. Kung handa na ang hapag, aalisin ang mitra, tutungo ang
Obispo sa dambana upang ito ay halikan. Wala nang pag-iinsenso sa
mga alay at sa dambana, maging sa sambayanan. Ipagpapatuloy na
ang pagdiriwang ayon sa nakaugalian.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito
ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang
mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito
ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang
mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!
28
29
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.
Obispo: Ama,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilaan sa Iyo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at
kalis, samantalang dinarasal:
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Obispo: Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang Kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y
aming iniaalay sa Iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Nakikipagdiwang 1:
Kami nawa ay gawin Niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit ng Iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose na kanyang kabiyak ng puso,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir,
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.
Nakikipagdiwang 2:
Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag:
Obispo:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.
34
ANG PAKIKINABANG
Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
35
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang
panalangin sa ganitong pagbubunyi:
Amen.
36
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga
kamay sa pagpapahayag.
At sumaiyo rin.
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
38
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang
habang sinasbi:
Katawan ni Kristo.
Amen.
39
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
MAIKLING PASASALAMAT
MARINGAL NA PAGBABASBAS
40