You are on page 1of 1

Hindi ka pa handa . . .

Sa mga nakalipas na buwan, naging mainit ang usapin sa pakikipaglaban ng LGBTQ+ sa


kanilang karapatan. Mas lalo pa itong umigting sa biglaang pagsulpot ni Gretchen Diez na
pinagbawalang umihi sa palikuran ng kababaihan sa Cubao Mall. Umusbong muli an gang
pagpapatupad ng Senate Bill No. 689 na “Anti-Discrimination on the basis of Sexual orientation
and Gender Identity and Expression” o mas kilala sa Anti-Discrimination Act na SOGIE Bill. Isa
itong panukalang batas para sa mga kapatid nating LGBT na may layuning protektahan sila sa
diskriminasyon na natatanggap nila mula sa lipunan.

Dalawang dekada nang isinusulong ang panukalang ito na inumpisahan pa ni dating


Senador Miriam Defensor Santiago at Former AKBAYAN Rep. Loretta Rosales. Isinusulong
nito ang pantay na pagtingin natin sa mga kapatid bakla at tomboy, transman at transwoman,
hindi lang basta naaalispusta ng mga mapanghusgang mata ng lipunan. Naging buhay ulit ang
panukalang ito noong nagkaroo ng ng Pride March kasama ang iba’t ibang lupon ng LGBTQ na
nagkaisa upang maisuplong ang karapatang batas para sa kanila. Sinasabing sa ating bansa
naganap ang kauna-unahang Pride march sa Asya na pinangunahan ng PROGay Philippines.

Sa kabila ng aktibong pakikibakang ito ay hindi pa rin umusad ang panukala sa senado
dahil sa basehan nilang imoral at hindi pa tanggap ang ganitong sistema. Noong ika-11 ng
Oktubre, 2014 isang transwoman ang napatay ng isang US Marine, siya ay si Jennifer Laude.
Muling umusbong ang diskusyon at gumawa ng aksyon ukol sa pagpaslang sa isang miyembro
ng LGBT, naging dahilan ito upang magkaroon ng Gender Fair Ordinance sa Quezon City.
Isinulong muli ni rosales ang nasabing panukala, ngunit kagayan noon ay tinutulan pa rin ito sa
pangunguna ni Senate President Titi Sotto, Se. Manny Pacquiao at Sen. Noel Villanueva at nag-
iwan pa ng markang “masahol pa sa hayop” at “homo-sapiens”.

Isang malaking hakbang ang pag-apruba sa batas na ito, bagaman maganda ang layunin
ng batas at marapat ng bigyang pansin at maisakatuparan naging pangit naman ang imahe nito
dahil sa maling paraan na ipinakita ni Gretchen Diez sa pagsusulong nito na tila pa humuhiling
ng espesyal na pagtrato sa kanila. Kung susuriin isa itong Anti-Discrimination Law na layuning
protektahan sila mula sa mapang-aping lipunan.

Hindi pa handa ang ating bansa sa mga ganitong usapin, hindi pa handa na tanggapin ang
bagong sistema. Mahirap nga bang tanggapin ang mga kapwa tao natin? Hindi naman ito lalabag
sa sakop na karapatan nating lahat. Hindi pa hustong bukas ang kaisipan natin sa mga posibleng
pagbabagong ito. Matuto nating silipin ang tunay na adhikain nito, huwag magpagdala sa naging
maling pagkilala rito dahil sa huli ang batas sa ating bansa ay ilang beses ng pumalya at hindi
naman nasiguro ang maunlad na ekonomiya. Nawa’y pagtanggap ang manguna sa lahat at huwag
bigyan ng limitasyon ang ating pang-unawa sa mg ganitong usapin. Maging malawak sana ang
hangganan n gating konsepto upang tuluyan ng makilala ang mga batas nadapat na mas nakikita.

You might also like