You are on page 1of 1

Pabigat na Sagwan

Alam naman, hindi na kailangan. Ang layo ng tingin natin, na tila ba’y tayo ay
namamangka sa ibayong kulturang ilog samantalang ang sariling ilog natin ay mas gusto nating
paularin sa pamamagitang ibang kulturang ilog. Kung sabagay, bakit pa nga iisipin ang sariling
ilog na binabaybay ay alam naman natin ang ilog natin ito at hindi naman maaalis ito sa ating
mga pagkatao. Kumbaga sa pamamangka, ito yung sagwan na isinantabi muna dahil may
makinarya ng magpapagana na mas magpapabilis sa pag-usad ng bangka. Magiging karagdagan
lamang sa bigat ang sagwan at upang mabilis makatapos, ang mga hindi na kailangan sa pinag-
aaralan sa pamamangka, isasantabi na muna si sagwan.

Ang pabigat na sagwan naman ay maiiwan sa sulok, hindi na raw kailangan. Bakit pa nga
ba siya kailangan ipakita sa susunod na henrasyon kung magiging pabigat siya sa pag-usad ng
bangka? Ito na ang mahirap sa atin, dahil alam na natin ang gamit ng sagwan ay tumaliwas na
tayo upang mas lubusan pang kilalanin ito dahil sapat ng alam natin ito. Sa napakaraming
maaaring kalimutan ay ang sagwan pa? Mulat tayong ang sagwan ay unti-unti ng binabalewala,
hindi na natin napapayabong ang taglay na nasyonalismo ng sagwan.

Mulat tayo sa katotohanang tuluyan ng inaalis ang pagtututro sa sagwan sa mga susunod
na namamangka, alam natin ang gagawin ngunit tayo ay patuloy na pumipikit at isinasantabi ang
katotohanag mawawala na ang sagwan.

Naging usapin ang pagpapaalis ng sagwan na ito, maraming sektor ng mga namamangka
ang hindi sang-ayon. Maraming grupo ang umusbong upang ipagtanggol ang pag-aalis sa
naturang sagwan. Sinasabing nasa batas ito, ibig bang sabihin lumalabag tayo sa batas?

Aalisin kasi pabigat na? Hindi ba lahat naman ng mabibigat ay gumagaan kapag nasanay
ka na at alam mong mahal mo na? Walang mabigat kung mahal mo. . . . . ang sagwan na ito.
Nawa’y huwag kalimutan si sagwan, imulat ang mata, tingnan nang magaan at mahalin si
sagwan.

You might also like