You are on page 1of 2

Una sa lahat, wala itong pamagat kasi hindi naman ako primyadong manunulat.

Daming rhymes pucha naman. Kung ano man yung mga susunod mong mabasa, sinulat ko
lang for the purpose of immortalizing the idea. Bale yan yung Disclaimer no. 1. Disclaimer
no. 2: Any resemblance to actual persons, living or dead, is entirely coincidental.

Sa palagay ko, naiintindihan na kita. Alam kong wala ka namang balak magpaliwanag pero
fortunately, naiintindihan ko na – completely.

“The concept of intimate relationship has been out of my life’s context since I’ve decided to
take my time slowly and enjoy the bliss of being single. Well, masaya naman kasi talagang magfocus
sa sarili while, of course, taking into consideration your family, friends, and other given circles.
Overall, the sense of freedom is the real catch – travelling (malayo or malapit man yan), discovering
new hobbies, getting busy being productive and efficient, and more that will surely help yourself
become your best companion.” And that, my friends, is how we make being single sound as if it’s
something we have to achieve by middle 20s. With all due respect to your shattered dreams and
broken hearts, masaya talaga maging single. That’s it. No more further qualifications needed. Why?
Kasi hindi naman natin inaalis na masaya rin namang magmahal: makakita ng someone na sa mga
unang banda palang ng pag-uusap niyo, CLICK AGAD; makakilala ng someone na swabeng swabe
yung timpla ng sense of humor sa mga bagay na trip na trip mo rin; magkaroon ng tao sa buhay mo
na makikinig sa mga kwento mong saksakan ng weird, random or even downright stupid, without
judging you; makasama siya kahit biglaan yung notice; and the likes na tanging puso na lang
nakakaalam at wala ka nang idea kung ano nangyayari specifically pero wala, ang saya saya mo na.

Eto na. Tangina ka bigla kang dumating at walang habas na ni-revise yung context ng buhay
ko. Pero teka, let me explain myself. Sobrang panalo mo kausap. Gusto kong balikan yung araw na
unang beses kitang nakausap para marefresh yung memory ko kung paano ba nagsimula ‘tong
lahat. Ang naalala ko lang, nagkaroon ako ng idea na okay kang kausap and pooooffff tama ako
hahaha. Nalaman ko yung past mo, nagkwento rin ako ng sa’kin. We had talked about the things
we’re up to, things that make us happy, that make us cringe, cry, break ourselves, and the things
that keep us moving forward papalapit sa kanya kanya nating life goals.

I read people more than I read the fucking newspaper. Wala rin akong pake sa “terms and
conditions” basta “I agree” agad. Sino ba may pake dun in the first place? So, going back, nakita ko in
a short span of time na special ka. I admire you for that kasi considering this generation, naglaganap
na yung fake people. Uso kasi ata ngayon yung maging poser. Kawawa. Haha. Anw, gusto ko lang
talagang sabihin na may sense yung mga bagay from your perspective and I could stay awake for a
day or two exchanging thoughts with you na hindi manlang nag-eexert ng extra effort kasi.....ang
saya.

Malinaw naman, masaya. Di ko sinabing mahal na kita. Ang bilis naman kasi, ‘di ba? Mahal
na ba kita agad kung gusto kitang makausap araw-araw? Mahal na ba kita agad kung cino-consider
ko yung principles mo, mga ayaw tsaka gusto mo, pati na rin yung overall growth mo as a person, sa
mga bagay na iniisip ko in relation to the future? Mahal na ba kita agad kapag comfortable ako
magkwento ng mga bagay na sobrang personal tungkol sa’kin? Mahal na ba kita agad kung sobrang
naaappreciate ko yung buong existence mo? Ano, mahal na ba kita agad? Sa tingin ko hindi pa. Sa
tingin ko gusto talaga kita munang makilala nang lubusan. Gusto ko rin talagang magpakilala sa’yo
nang lubusan. Alam kong hindi ka judgmental pero mabuti na yung alam mo kahit yung mga hindi
maganda tungkol sa’kin. Ako rin, gusto ko rin malaman yung hindi magagandang bagay tungkol
sa’yo para makumpira ko sa sarili ko na despite all the not so good about you, totoong special ka.
Siya nga pala, sa sobrang na-hook na ako sa conversations natin, lately ko na lang napagtuunan ng
pansin na ang ganda mo pala.

Ang ganda mo kasi sobrang totoo mo. Ang ganda mo kasi aba hindi ko alam tangina nakita
ko na lang bigla na ang ganda mo. Ang ganda mo kapag masaya ka, kapag seryoso ka or kahit kapag
naiinis ka. Tsaka uy ang ganda mo kapag zoned ka. Para sa’kin yun yung isa sa pinakamagandang
version mo, yung zoned ka – yung sobrang focused mo. Isang beses ko pa lang naman nakitang
ganun ka. Buti nga nasulyapan ko kasi bihira lang naman makakuha ng ganung timing. That
moment, I also wanted to focus on the movie we were watching but the fact that you’re just inches
away from me prevailed. Kinain ako nung moment then I caught myself in that perfect situation –
ikaw, ako, magandang pelikula. Pero wag kang feeling dyan hoy di ako marupok gago split seconds
lang nangyari yang mga yan. Nabalik ko naman agad yung focus ko sa movie. Akala mo ha. Ngayon
pa ba ako mahuhulog sa’yo ngayong di na tayo madalas mag-usap katulad dati? Ngayon pa ba na
hindi ko na alam kung pareho ba tayong nagbigay ng importance dun sa kakagarampot nating
pinagsamahan? Baka nga mamaya ako lang pala talaga. Balka nag-assume lang ako. Masyado ata
akong futuristic na hinaluan ng maling formula ng pagiging optimistic.

‘Wag kang mag-alala. Naiintindihan ko. Wala ka mang gustong ipaliwanag pero mukhang
naiintindihan ko naman. Baka kasi: alam mong may pwedeng kalagyan ‘to kung itutuloy natin pero
hindi ka ready; hindi ka lang busy talaga nung mga panahong yun pero this time gusto mo na
magfocus sa personal stuff mo which is good for you kasi okay yan, dapat talagang magfocus sa
sarili lalo na sa career kasi malaking part ng self-actualization yung career; nakulitan ka sa’kin; wala
lang di mo na trip; or iniisip mo na baka makasagabal ka sa’kin; OR WALA LANG TALAGA DI MO NA
TRIP KAYA ‘WAG NA AKO MAG ASSUME AND MAG OVERTHINK. Eyyyy. Nice.

Matalino ka. Alam kong magiging successful ka. You deserve to be successful and you
deserve all the good things in life. Kung dito na nagtatapos ‘tong chapter na ‘to, masaya ko ‘tong
isasara kasabay ng huling virtual thumbs up ko para sa lahat ng pangarap mo. Kung sakali namang
hindi pa ‘to yung ending, gago nakangiti ako ngayon. I’ll leave it all to the natural flow of things then.

You might also like