You are on page 1of 2

Pagkaing Inihahain

Karla Roxanne M. Lagman


Isa akong kalderong puno ng laman
Walang takip, bukas sa kahit kaninuman
Handang ihain luto kong malinamnam
Sabik na sabik malamanan kanilang tiyan

Sa aking pagkasabik sinimulan ang paghahanda


Lahat ng rekado’y sinigurong mailista
Walang maiiwan walang hindi maililista
‘pagkat nais gawing espesyal pagkaing ihahanda

Nang ito’y inihain ang lahat ay nagsimulang kumain


Ngunit hindi lahat ninamnam nakalatag na pagkain
Ang iba’y sinubo atdalidaling nilunok
Hindi man lang nilasahan sunod sunod lang ang pagsubo

Ako na naghanda, nalungkot at natulala


Tinanong ang sarili may mali ba sa aking handa?
Bakit kay bilis lunukin ang matagal inihanda?
Hindi man lang ninamnam hindi man lang nakitang natuwa

Nagsimulang mawalan ng gana ang magiting na kusinera


Lahat ng kanyang niluto’y nawalan lahat ng lasa
Lahat ay nagulat nagtaka at nabigla
Anong nangyari at ang linamnam ay Nawala?

Isang tinig ang hindi mapigilang magsabi


Isinawalat ang lahat ng nasa puso at nasa isip
Ipinahayag ang sakit ibinigkas ng mga labi
Sa kung bakit Nawala pagkaing lageng laman ng isip
Winikang sa linamnam ng kanyang inihahain
Dulot ay sigla kalakasan at nagtutulak na abutin
Pinapangarap ng isipan at nakakapaglayag kahit saan
Natututong mangarap at abutin ang kalangitan

Sa tinuran ng batang lumapit sa akin


Mata’y nag-ulap at ginising ang maalab na damdamin
Na lutuin ang masarap at masustansyang pagkain
Ihain sa lahat kahit sa ayaw itong kainin

May ngiti sa labing nagsimulang maghanda ng rekado


Sinisigurong may pagmamahal sa bawat kong paghalo
Aasaming magustuhan at masarapan ang lahat ng kakain
At magtutulak sa kanyang kainin, namnamin at nguyain mga aral na inihain.

You might also like