You are on page 1of 4

Esp 10

MALAYANG PAGPIPILI
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik
ng iyong napiling sagot sa iyong papel.

1. Ito ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga.


A. Takot B. Karuwagan C. Kahinaan D. Angkop
2. Tinatawag ito na “ina” ng mga birtyd ng katapangan, kahinahunan at katarungan.
A. Karuwagan B. Prudentia C. Pamimili D. Foresight
3. Ito ay tugon sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon at bukas – ang kwento n gating pagkatao.
A. Karuwagan B. Prudentia C. Pamimili D. Angkop

Para sa bilang 4-19 : Mga Pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa
bayan.
A. Kaayusan F. Katarungan J. Pagpapahalaga sa
B. Kabayanihan G. Katotohanan buhay
C. Kalayaan H. Paggalang K. Pagsunod sa batas
D. Kapayapaan I. Pagkakaisa L. Pananampalataya
E. Kasipagan

4. Ang mga batang Pilipino ay may malusog na pangagatawan at isipan.

5. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari, tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa
katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman.

6. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos , na ang lahat ay makakaya at posible.

7. Ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan
ang dignidad niya bilang tao.

8. Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa
kanya at para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.

9. Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan.

10. Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging disiplinado
sa lahat ng pagkakataon.

11. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may pagmamahal.

12. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa iisang layunin.

13. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?

14. Ang pagiging Malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-tangap na kilos na ayon sa batas na ipinapatupad bilang
pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad.

15. Ang pagkilala, paghihikayat at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng
bawat mamamayan.

16. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima.
A. Global Warming C. Ubanisasyon D. Quarrying
B. Climate Change
17. Ang patuloy na pagtaas ng temperature bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ang cabon dioxide sa
ating atmospera.
A. Global Warming C. Urbanisasyon
B. Climate Change D. Quarrying
18. Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.
A. Urbanisasyon C. Global Need
B. Komersiyalismo D. Hoarding
19. Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
A. Kristiyanismo C. Islam
B. Buddhismo D. Hinduismo
20. Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ay matatagpuan sa Koran.
A. Kristiyanismo C. Islam
B. Buddhismo D. Hinduismo
Para sa bilang 21-25 : Limang Haligi ng Islam
A. Ang Shahadatain D. Ang Zakah
B. Ang Salah E. Ang Hajj
C. Ang Sawm

21. Ito ay isa sa Limang Haligi ng Islam. Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulang ng pagsamba
maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo.

22. May limang takdang pagdarasal ang Islam sa araw-araw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan.

23. Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramahdan.

24. Ito ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah.

25. Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay
nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.

26. Ito ay nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Budha , na isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo.
A. Kristiyanismo C. Buddhismo
B. Islam D. Hinduismo

Para sa bilang 27 – 32
A. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
B. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa
espiritwalidad
C. Pagmamahal sa Kapuwa
D. Pagsisimba o Pagsamba
E. Panahon ng Pananahimik o
Pagninilay
F. Panalangin
27. Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos.

28. Ito ay makatutulong sa tao upang makapag-isip at mauunawaan ang tunay na mensahe ng Diyos sa
kanyang buhay.

29. Ito ay nakatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at
maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot.

30. Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral.

31. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.

32. Malaki ang maitutulong nito sa tao para lubos nyang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng
mga ito.

You might also like