You are on page 1of 2

Heograpiya ng Daigdig

Ano ang heograpiya?

• Nagmula sa salitang greek na “GEOGRAPHIA”

• Ang “geo” ay nangangahulugang “LUPA” samantalang ang “graphein” ay “sumulat”.

• Ang heogra-piya ay nangangahulugang “sumulat ukol sa lupa o paglalarawan ng daigdig.”

• Ang heograpiya ay nauukol sa pag-aaral ng daigdig at mga taong naninirahan dito. Sakop din nito
ang pag-aaral sa:

• Katangiang pisikal ng daigdig

• Iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig

• Klima at panahon

• Likas na yaman ng isang pook

Ano ang Heograpo?

• Tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya.

• Sumusuri ng pagbabago sa daigdig at ang kaugnayan at interaksyon nito sa mga taong


naninirahan dito.

Limang tema sa Pag- aaral ng Heograpiya

• Lokasyon

• Lugar

• Rehiyon

• Interaksyon ng Tao at Kapaligiran

• Paggalaw

Lokasyon

• Sumasagot sa tanong na “Nasaan ito?”

• Gamit sa pagtukoy ng kinaroonan at distribusyon ng tao at lugar sa daigdig.

Dalawang paraan upang matukoy ang kinaroroonan sa daigdig

• Absolute/Tiyak na lokasyon

- eksaktong kinaroroonan ng tao o lugar ay natutukoy sa pamamagitan ng paglandas ng line of


latitude at line of longitude.

• Relatibong Lokasyon

- ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang tao o lugar sa pamamagitan ng mga nakapaligid


dito.

Sistemang Grid
- Sistema ng pagtukoy ng lokasyon batay sa pinagkrus na line of latitude at line of longitude

Lugar

• sumasagot sa tanong na “Anong mayroon dito?”


• Tumutokoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook

• Nagsasaalang – alang sa pisikal at kultural na katangian ng isang lugar na kaiba sa iba pang
lugar sa daigdig.

Dalawang Aspekto ng lugar

• Pisikal na katangian

- tumutokoy sa likas na kapaligiran ng isang lugar tulad ng kalupaan, katubigan, vegetation, klima at
likas na yaman.

• Katangiang Pantao

- may kinalaman sa wika,relihiyon, gawi at kultura ng tao, tulad ng kabuhayan.

Rehiyon

• Tumutukoy sa isang bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangian.

• Ang bawat rehiyon ay pinagbubuklod ng higit sa isang pagkakatulad sa aspektong pisikal,


politikal, ekonomiko, at kultural.

Interaksiyon ng Tao at ng Kapaligiran

• Ang kaugnayan ng tao sa kanyang pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan.

• Kapaligiran bilang pinagkukunan ng yaman ng tao, gayundin ang pakikiayon ng tao sa mga
pagbabagong naganap sa kanyang kapaligiran.

Paggalaw

Paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.

Tatlong uri ng distansya ng isang lugar

 Linear - gaano kalayo ang isang lugar


 Time – gaano katagal ang paglalakbay sa isang lugar

 Psychological – paano tiningnan ang layo ng isang lugar

You might also like