You are on page 1of 38

MAGANDANG

ARAW! 
ARALIN 1

ANG HEOGRAPIYA
BILANG ISANG
LARANGAN
HEOGRAPIYA
 Ito ang pag-aaral sa kalupaan,
topograpiya, kalikasan, mga
pagbabago sa kalikasan, mga likas
na yaman, klima at panahon,
direksiyon at mapa, at ang epekto ng
mga aksiyon at desisyon ng
sangkatauhan.
 Ang kasalukuyang epekto ng
mga aksiyon at desisyon ng
sangkatauhan na nagkakaroon
ng epekto sa kalikasan ng
buong mundo.
 Ang salitang HEOGRAPIYA ay hango sa
dalawang salitang Griyego:
 GEO- “EARTH” o “LUPA”
 GRAPHIA- “PAGSULAT o PAGTATALA”
 Nabuo ang konsepto ng pagtatala ng datos
ukol sa mga kaganapan sa kalikasan na
hanggang sa ngayon ay nagagamit ng mga
eksperto.
 Dahil sa pag-aaral ng heograpiya, natuto ang
mga tao na makiayon sa kapaligiran at gamitin
ang iba’t ibang likas na yaman para tugunan ang
kanilang mga natural na kalamidad tulad ng
pagbaha dulot ng pag-apaw ng mga ilog.
ERATOSTHENES

 AMA NG HEOGRAPIYA
 Unang gumamit ng salitang HEOGRAPIYA
 Komputasyon sa sukat ng daigdig sa
batay ng kaniyang obserbasyon sa
pagtama ng araw sa daigdig.
CLIMATE ZONE

1. Torrid
2. Temperate
3. Frigid
PTOLEMY
 Isang Griyego
 GEOGRAPHIA- Naglalarawan sa lagay ng
heograpiya noong panahon ng Imperyong Romano
1. Ang hamon ng pagguhit sa isang bilog sa patag na
papel o ang tinatawag na PROJECTION.
-PAGGUHIT NG MAPA- paglalakbay
 Nagmula kay PTOLEMY ang sistema ng
COORDINATES gamit ang LATITUD at
LONGHITUD
 CONICAL, CLOAK at OVAL- Tatlong
pamamaraan sa projections ng mapa
 CONICAL- inaayon lamang sa pantay
na linya ng longhitud sa hilaga.
 CLOAK- Kinukurba ang parehong latitud
at longhitud upang magkaroon ng mas
angkop na representasyon ng daigdig.

 OVAL- Ang karaniwang ginagamit sa mga


mapa sa kasalukuyan.
DALAWANG
SANGAY NG
PAG-AARAL NG
HEOGRAPIYA
PISIKAL NA HEOGRAPIYA
 Anyong likas ng daigdig
 Ang mga natural na puwersang
nakaaapekto sa kalagayan ng daigdig.
 Ang takbo ng mga element sa daigdig
tulad ng klima at panahon, pagbabago
sa mga lupa at katubigan.
 Ang mga epekto dulot ng bagyo, lindol
at iba pang natural na kalamidad.
HEOGRAPIYANG
PANTAO
 Impluwensiya ng heograpiya sa sangkatauhan
at ang epekto ng pamumuhay ng tao sa lagay
ng kalikasan at kaniyang kapaligiran.
ANG LIMANG TEMA
NG HEOGRAPIYA
1. LOKASYON
 “Nasaan ito?”
 Gamit sa pagtukoy ng kinaroroonan at
distribusyon ng tao at lugar sa daigdig.
DALAWANG PARAAN NG
PAGTUKOY NG LOKASYON
TIYAK NA LOKASYON
 Eksaktong kinaroroonan; paglandas ng linyang
longhitud at latitud.
RELATIBONG LOKASYON
 Pagtukoy ng kinaroroonan sa pamamagitan
ng mga nakapaligid dito (maaaring bisinal o
insular)
2. LUGAR
 “Anong mayroon dito?”
 PISIKAL NA KATANGIAN- likas na
kapaligiran
 KATANGIANG PANTAO- ideya, gawi at
kultura ng tao.
3. REHIYON
 “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang
mga lugar?”
 Tumutukoy sa isang bahagi ng daigdig
na may pagkakatulad na katangian.
4. INTERAKSYON
NG TAO AT
KAPALIGIRAN
 “Ano ang ugnayan ng tao sa
kaniyang kapaligiran?”
 Tumatalakay sa kung paano
umaasa sa, nililinang ang, at
nakikiangkop sa kapaligiran ang
tao.
PAGGALAW NG
TAO
 “Bakit at paano nagkakaugnay
ang mga lugar sa isa’t isa?”
 Tumatalakay sa kung paano
nakaaapekto ang paglipat ng
kinaroroonan ng tao, ideya,
bagay, at iba pang sistemang
pisikal sa ugnayan ng mga tao sa
magkakaibang lugar.
TATLONG URI
NG DISTANSYA
1. Distansiyang Linear- “Gaano kalayo?”
2. Distansiya sa Oras- “Gaano katagal ang
paglalakbay?”
3. Distansiyang Sikolohikal- Tumutukoy sa
pananaw ng tao tungkol sa distansiya
MARAMING
SALAMAT! 

You might also like