You are on page 1of 6

Geography

➢ Salitang Griyego na “geo” (lupa) at “graphein” (pagsusulat)

➢ Pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksyon ng tao kanyang kapaligiran

➢ Eratothenes – unang gumamit ng salitang “geography”; isang Griyegong matematiko,


astronomo, at heograpo

➢ Dalawang saklaw ng heograpiya—pisikal at pantaong heograpiya

LIMANG TEMA SA PAG-AARAL NG HEOGRAPIYA

1. LUGAR

➢ Tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan dito

➢ Katangiang pantao – binubuo ng mga katangiang kultural (gamit sa lupa, uri ng kabuhayan, relihi
yon, sistemang politikal, pagkain, paraan ng komunikasyon at transportasyon)

➢ “Ano ba ang naririto?”

2. LOKASYON

➢ Dalawang paraan ng pagtukoy sa lokasyon—absolute o tiyak at relatibo (relative)

➢ Absolute – gamit ang latitudinal at longitudinal line

➢ – degree/digri (°): panukat ng distansya

➢ Relative – ginagamit na pantukoy ng lokasyon ang mga anyong lupa o anyong tubig na
nakapalibot sa isang lugar

➢ “Saan ito?”

EQUATOR
North – South

PRIME MERIDIAN
West - East

LATITUDE LONGITUDE
(pahalang/horizontal) (patayo/vertical)

3. Rehiyon
➢ Inilalarawan ang pook na nagtataglay ng magkakaugnay na katangian
➢ “Bakit at paanong ang isang lugar ay kahawig ng iba pang lugar? Paano sila nagkakaiba?”

4. INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN


➢ Tatlong kaisipan na bumabalot sa relasyon ng tao at kapaligiran:

 Ang tao ay umaasa sa kanyang kapaligiran.

 Binabago ng tao ang kanyang kapaligiran upang matugunan ang pangunahing pangangailangan.

 Ang tao ay umaayon sa kanyang kapaligiran

➢ “Ano ang relasyon ng tao at kapaligiran?”

5. PAGGALAW NG TAO
➢ Paggalaw ng tao, ideya, at materyal na bagay, maging likas na penomeno tulad ng hangin
➢ Ang pagkilos ay nagdudulot ng pagbabago
➢ “Paano at bakit konektado ang mga lugar?”

ESTRUKTURA NG DAIGDIG

➢ Solid, Liquid, Gas – tatlong pangunahing elementong bumubuo sa daigdig


➢ Litosphere (Litospera) – binubuo ng solidong bagay; inner at outer core, at mantle

➢ Hydrosphere (Haydrospera) – binubuo ng mga katubigan; kumakatawan sa 75% ng ibabaw ng


daigdig

➢ Atmosphere (Atmospera) – nagbibigay buhay sa mga nilalang sa daigdig

ANYONG PISIKAL NG DAIGDIG

➢ Diastrophism – paggalaw ng ibabaw na lupa na nagdudulot ng pagkawala ng hugis ng mga bato


at pagkakahiwa-hiwalay ng masa ng lupa
➢ Alexander von Humboldt – German; may teorya na ang mga kontinenteng nakapaligid sa
Karagatang Atlantiko ay minsang magkakarugtong (1800)
➢ Alfred Wegener – nagsulong ng Continental Drift Theory

MGA ANYONG LUPA


PULO (Island)

➢ Kalupaan na mas maliit kaysa kontinente at napaliligiran ng tubig

TANGWAY (Peninsula)

➢ Isang malaking bahagi ng lupa na nakaungos sa kontinente at halos napaliligiran ng tubig

DALAHIKAN (Isthmus)

➢ Isang maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa dalawang malaking masa ng lupa

BUNDOK (Mountain)

➢ Pinakamataas na anyong lupa

BULKAN (Volcano)

➢ Butas (vent) o bitak (fissure) na matatagpuan sa crust ng daigdig

BUROL (Hill)

➢ Umbok ng lupa na karaniwang matatagpuan sa mababang bahagi ng kabundukan

KAPATAGAN (Plains)

➢ Malawak at patag na anyong lupa

LAMBAK (Valley)

➢ Patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok

DISYERTO (Desert)
➢ Isang malawak na tuyo at mabuhanging lupa

MGA ANYONG TUBIG


ILOG (River)

➢ Isang bahagi ng tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar patungo sa higit na mababang
lugar tulad ng lawa o sapa

LAWA (Lake)

➢ Isang malawak na anyong tubig na nakukulong ng lupa

LOOK (Bay)

➢ Anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong na karagatan o dagat

GOLPO (Gulf)

➢ Higit na mas malaki kaysa look

DAGAT (Sea)

➢ Bahagi ng karagatan na napaliligiran ng lupa

KARAGATAN (Ocean)

➢ May pinakamalawak na saklaw sa lahat ng anyong tubig

You might also like