You are on page 1of 2

Kasaysayan

Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timog-silangang baybayin ng


Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga
pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina. Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng
Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon
bilang bunga ng Ikalang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa Digmaang Sibil ng
Tsina ang ROC sa Partido Komunista ng Tsina at umurong sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang bumubuo
sa karamihan ng teritoryo ng ROC at ang ROC mismo ay karaniwang kilala bilang "Taiwan". Ang Taiwan ay
kasapi sa Apat na Tigre ng Asya.

Ano ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937
sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng
mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak,
pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang
lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.

Heograpiya

Ang Taiwan ay matatagpuan 180 kilometro timog - silangan ng Tsina sa may Taiwan Strait. Napalilibutan
ito ng East China Sea sa Hilaga, Philippine Sea sa Silangan, Luzon Strait sa Timog at South China Sea sa
Timog - Kanluran. Binubuo ng Taiwan ang 99 bahagdan ng Republika ng Tsina. Ang Taiwan ay nabuo sa
hangganan ng Philippine Sea Plate at ng Eurasian Plate. Nakararanas ang bansa ng Humid Subtropical
Climate na naapektuhan ng East Asian Monsoon.

Kultura

Picture

Ekonomiya

Ang Taiwan ay ang ika-19 sa pinakamalaking ekonomiyang developed capitalist dahil sa Purchasing
Power Party o PPP, ika-18 sa mundo pagdating sa GDP at ika-24 sa nominal GDP sa palitan ng investment
at produkto sa ibang bansa sa Republic of China.

Pera: New Taiwan dollar (NT$) 1 USD = 29.82 TWD (April 2013)(2007 avg. exchange rate)GDP Nominal:
$466.8 billion (2011 est.)

PPP: $887.3 billion

GDP per capita Nominal: $18,300 (2010)

PPP: $38,200 (2011 est.)

GDP by sector: (2009) services (tertiary) (69.2%)


industry (secondary) (29.2%), agriculture (primary) (1.6%)

Inflation: (CPI) 1.4% (2011 est.)

Population below poverty line: 1.16% (2010 est.)

Labour forc:e 11.2 million (2011 est.)

Labour force by occupation agriculture: (5.2%), industry (35.9%), services (58.8%) (2011 est.)

Relihiyon

Ang paniniwala sa relihiyon ng mga Taiwanese ay ang pinaghalong - halong Buddhismo, Taoismo, Chinese
folk religion at maging ang pagsamba sa mga ninuno. Naging aktibo ang mga Kristiyanong simbahan sa
bansa lalo na ang Protestantismo. 93 bahagdan ng kabuuang populasyon ay Buddhismo-Taoismo, 4.5
bahagdan ay Kristiyano at 2.5 bahagdan ang ibang relihiyon.

Pagkain at Wika

Naimpluwensyahan na ng kulturang Taiwanese ang mga bansa sa Kanluran tulad ng Pearl Milk Tea na
kilala din sa tawag na bubble tea o boba. Ang mga pagkain sa bansa ay impluwensya ng mga probinsya sa
Gitna at Timog Tsina lalo na sa probinsya ng Fujien o Hokkien. Maaaring ang sanhi nito ay ang malaking
bilang ng mga Tsinong lumipat sa Taiwan matapos ang Chinese Civil War at dahil din pinamunuan ng ROC
ang bansa.

Karamihan sa mga taong naninirahan sa bansa ay nagsasalita ng Mandarin Chinese at Taiwanese. Ang
wikang Hakka ay ginagamit ng mga Hakka na bumubuo ng 10 bahagdan ng populasyon. Ilan sa mga
salitang Hapon ang ginagamit pa rin sa kanilang wika.

You might also like