You are on page 1of 4

Isang Mapagpalang Araw po sa ating Lahat!

kami nga po pala ang ikatlong grupo na handang mag bigay


kaalaman sa inyo tungkol sa Taiwan. Narito nga pala ang mga miyembro ng grupong ikatlo na sina:

Salva, Herald DR. – Wika

Santos, Erylle Kaye M. – Sining

Burga, Kian Clark C. - Panitikan

Reyes, Prince Clarenz S. – Klima

Manabat, Geosh Mickoh A. - Relihiyon

Mendoza, Michael Angelo, F. & Kroman, Zara Annaiah V. - history

at sina Silvestre, Margarett, O. & Yaranon, Eunice S. para sa Tourist spots ng Taiwan

Upang ating maumpisahan ang ating bagong kaalaman sa Taiwan narito si Kian Burga upang umpisahan
Ang Mga panitikan ng Taiwan.

Kian: Magandang Araw po sa ating lahat ako nga po pala si Kian At narito ang Panitikan ng Taiwan
Kian: Sa pagtatatag ng rehimeng Komunista sa mainland China noong 1949, ang mga libro mula sa
mainland China ay hindi madalas na nai-publish sa Taiwan. Noong 1986, ang unang nobela, Tatlong Hari,
na isinulat ng isang manunulat na Tsino sa mainland na si Ah Cheng, Ang ilang mga libro mula sa
mainland China ay nakarating Bilang mga edisyong pirata, sa ilalim ng parehong magkaibang pamagat at
sagisag ng pangalan para sa may-akda, ngunit hindi binago ang pangalan ng may-akda, sa ilalim ng isang
sagisag-panulat at hindi binago ang teksto nito.

: Salamat kay Kian sa pag bibigay ng makabuluhang impormasyon sa panitikan ng Taiwan

: Narito naman po ang pangalawang miyembro na mag bibigay kaalaman tungkol sa Relihiyon na si
Manabat, Geosh Mickoh, A.

Geosh: Magandang Araw sa ating lahat Ako nga pala si Geosh at narito ang Relihiyon ng Taiwan

Geosh: Ang Taiwan ay isang magkakaibang bansa na may iba't ibang relihiyon na pinaniniwalaan. Ang
mga relihiyon sa Taiwan ay ang Buddhism at Taoism.Ang Budismo ay isa sa pinakaganap na relihiyon sa
Taiwan at may malakas na impluwensya sa kultura at lipunan ng bansa. Maraming Buddhist templo at
monasteryo sa buong Taiwan.Ang Taoism ay isa pang makabuluhang relihiyon sa Taiwan. Ito ay isang
katutubong relihiyong Tsino, Ang mga Taoist na templo ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Taiwan.
Mahalagang tandaan na pinahahalagahan ng Taiwan ang kalayaan sa relihiyon, na nagbibigay-daan sa
mga indibidwal na malayang isagawa ang kanilang relihiyon na pinili.

: Maraming Salamat Geosh

: Sumunod naman ay ang dalawang miyembro na mag bibigay aral tungkol sa kasaysayan o history ng
Taiwan na sina Mendoza, Michael Angelo, F. at Kroman, Zara Annaiah V.

Isang makabuluhan at makasaysayan araw sa inyong lahat! Ako nga po pala si Michael at Zak ngayong
araw ay ating aalamin ang kasaysayan ng bansang Taiwan.
Bago ang 1600s, ang Taiwan ay may sariling pamamahala, bagama't walang sentral na
naghaharing awtoridad. Ito ay isang kolonya ng Netherlands sa loob ng humigit-kumulang 40
taon sa simula hanggang kalagitnaan ng ika-17 siglo at pagkatapos ay naging independiyenteng
muli sa loob ng humigit-kumulang dalawang dekada. Nakuha ng Tsina ang kontrol doon noong
huling bahagi ng ika-17 siglo at pinamunuan ang Taiwan sa loob ng mga dalawang siglo.
Nakuha ng Japan ang Taiwan noong 1895 pagkatapos ng unang Sino-Japanese War, at naging
kolonya ito.
Zara:Ang ROC ay itinatag noong 1912 sa China. Noong panahong iyon, ang Taiwan ay nasa
ilalim ng kolonyal na pamumuno ng Hapon bilang resulta ng 1895 Treaty of Shimonoseki, kung
saan ibinigay ng Qing ang Taiwan sa Japan. Ang gobyerno ng ROC ay nagsimulang gumamit ng
hurisdiksyon sa Taiwan noong 1945 pagkatapos sumuko ang Japan sa pagtatapos ng World War
II.
Michael:Gayunpaman, noong 1949 tinalo ng mga hukbong komunista ng Tsina ang mga
pwersang Nasyonalista sa mainland at itinatag ang People's Republic of China doon. Ang
Nasyonalistang pamahalaan at mga hukbo ay tumakas sa Taiwan, na muling nagresulta sa
paghihiwalay ng Taiwan sa China. Sa mga sumunod na taon, inangkin ng ROC ang hurisdiksyon
sa mainland ng Tsina pati na rin sa Taiwan, bagaman noong unang bahagi ng dekada 1990 ay
inalis ng gobyerno ng Taiwan ang paghahabol na ito sa China. Nanindigan ang gobyerno ng
China sa Beijing na may hurisdiksyon ito sa Taiwan at patuloy na nagpanukala ng patakarang
one-China—isang posisyon na pinagtatalunan ng ilang bansa sa mundo. Walang kasunduan,
gayunpaman, kung paano o kailan, kung sakaling, muling pagsasama-samahin ang dalawang
entidad.
: Maraming Salamat at nandito si Zara & Michael upang malaman natin ang kasaysayan ng
Taiwan na talaga namang nakakahanga
: At Narito naman ang Panglimang miyembro sa ikatlong grupo na si Reyes, Prince Clarenz S.
upang mag bigay kaalaman tungkol sa Klima ng Taiwan
Prince:Magandang araw ako nga po pala si Prince Clarenz at narito ang Klima sa Taiwan
Prince: Ang mga likas na yaman ng Taiwan ay karbon, lagis at natural na gas. Ang Klima sa
Taiwan ay taglamig, tag araw at tag lagas
Sa Tsina ay mayroong apat na panahon:
Tag-sibol, Tag-araw, Tag-lagas at Ang Tag-Lamig, Ang Tagsibol ay mula marso hanggang
mayo, Ang tag araw ay mula hunyo hanggang Agosto, ang taglagas ay mula setyembre hanggang
nobyembre at ang tag lamig ay mula disyembre hanggang pebrero.
: Ang Klima pala sa Taiwan ay may apat na panahon
: Narito naman si Salva, Herald DR. upang ating malaman kung ano-ano nga ba ang Wika sa
Taiwan.
Herald : Mapagpalang araw po sa ating lahat ako nga pala si Herald at narito ang Wika ng
Taiwan
Ano nga ba ang wika ng Taiwan? Ang wika ng Taiwan ay ang wikang Mandarin Chinese at
Taiwanese.Ito ay naging wika nila noong 1945. Ang pangunahing lokal na wika nila ay ang
Hokkien and Hakka. Ang Hakka ay unti-unti na mamatay at napapalitan ng Mandarin at
Taiwanese. Ang Taiwanese naman ay ang karaniwan na wika sa Taiwan. Bago Ito ang ituro sa
eskuwelahan, ang dating wika nila ay Japanese. Kahit ang wika nila ay Mandarin Chinese, may
28.5% sa kanila ay nagsasalita din ng ingles. Pero tandaan na ang Ingles ay hindi ang opisyal na
wika nila. Ang opisyal na wika nila ay ang Mandarin Chinese.
: Ang wika pala na kanilang ginagamit ay ang Mandarin Chinese, Maraming Salamat Herald!
: Ngayon na ating natutunan ang mga wika sa Taiwan Dumako naman tayo sa mga Sining sa
Taiwan na ipapaliwanag at bibigyan linaw ni Santos, Erylle Kaye M.
Erylle : Magandang Araw sa ating lahat! Ako nga pala si Erylle at narito ako upang mag bigay
aral tungkol sa Sining ng Taiwan
Erylle: Ano-ano nga ba ang mga Sining na binubuo ng Taiwan.. Unang una sa lahat ay Narito
ang tradisyonal na "templo" ng Taiwan ano nga ba ito? Ito ay tahanan ng mga natatanging
likhang sining na kumakatawan sa taas ng sining para sa panahon nito. Sa partikular, ang mga
pintuan ng mga templong buddhist at taoist ay kadalasang napakaganda ng inukit at pininturahan
ng marami sa Taiwan na naglalarawan kay "Guan Yu" Ang tradisyunal na templong ito ay ang
1. Longshan Temple Ano nga ba ang Longshan Temple Ang Longshan Temple o tinatawag
na "spesyal na templo ng Taipei City" ay isang templo na maraming kwento. Alam nyo
ba na ang templo na ito ay binuo noong 1738 Ito ay halos mag tatatlong daang taon na Ito
rin ay hindi nasira kahit na ito ay ginamitan ng 3,800 na bomba noong May 31, 1945.
Dumako naman tayo sa mga ukit at disenyo ng Taiwan Narito ang Ang bayan ng Sanyi,
Miaoli ang kasalukuyang sentro ng industriya ng pag-ukit ng kahoy sa Taiwan. Marami
sa mga wood carver sa Sanyi ay puro sa Shuimei Street.
: Napaka ganda pala ng sining sa Taiwan
: Tayo naman ay dumako sa huling dalawang miyembro ng ikatlong grupo na mag bibigay aral
tungkol sa Tourist spot na sina Silvestre, Margarett, O. at Yaranon, Eunice S.
Eunice: Kamusta mga manonood!! Ako si Eunice at ipapasyal ko kayo sa mga sikat na tourist
spots sa Taiwan
1.)Kung ikaw ay isang Matipid na Nature Lover ang Taroko National Park ang perpektong
destinasyon para sa iyo,magaganda ang mga tanawin at libre ang entry fee dito!!! ito ay
matatagpuan mo sa Hualien County, Xiulin Township, Taiwan
2.)At Kung ikaw naman ay isang Art Lover ang National Palace Museum ang perpektong lugar
para sa iyo,ang National Palace Museum ay may napakalaking koleksyon ng chinese artifacs,
Kaligrapya, Porselana, at mga pinta. Ang museum na ito ay mapupuntahan mo sa Shilin, Taipei!
3.)Kung ikaw ay interesado sa Relihiyon ng mga Taiwanese ang Bangka Longshan Temple sa
Wanhua District, Taipei ang tamang destinasyon para sa iyo!!
4.)Ang Sun Moon Lake naman sa Yuchi Township ay para rin sa mga nature lover, malinaw ang
tubig ng Lawa dito, Berde ang mga bundok, at magaganda ang mga tanawwin!!
Margarett: Magandang Araw po sa inyong lahat ako nga pala si Margarett at narito ako upang
ating pag aralan ang mga tourist spots sa Taiwan.
1. Wen We Temple Ang wen we temple ay isang sikat na Buddhist temple na matatagpuan
sa Fuzhou China Itp Ay kilala sa Nakamamanghang arkitektura at yamang kultura.
2. Jiufen Kilala ito sa makitid na kalye, makasaysayang gusali at nakamamanghang tanawin
ng bundok. Ito ay maunlad din sa pagmimina ng ginto
: Maraming Salamat Margarett at Eunice
: At dito napo nagtatapos ang Talakayan tungkol Sa Taiwan, Naway may natutunan po kayo
Maraming salamat po sa pakikinig!

You might also like