You are on page 1of 38

CONTENTS

• HEOGRAPIYA
• PINAGMULAN
• POLITIKA, EKONOMIYA,
KULTURA, RELIHIYON,
PANINIWALA
• KONTRIBUSYON
OBJECTIVES

 ANG AKING MGA KAMAG-ARAL AY


MAGKAKAROON NG KAALAMAN
UKOL SA TSINA
 INASAHANG MAKASAGOT SA MGA
TANONG ANG MGA MAGAARAL
 INAASAHANG MAKINIG ANG MGA
MAGAARAL
 HEOGRAPIYA
HEOGRAPIYA
Ang Tsina, opisyal na Republikang Bayan ng Tsina, ay isang
bansa sa Silangang Asya na siyang pinakamatáong bansa sa
buong mundo sa populasyon nitong higit sa 1.38 bilyon.] Sa
lawak nitong umaabot sa humigit-kumulang 9.6 milyong
kilometrong parisukat, ito ang ikalawang pinakamalaking bansa
batay sa kalupaan, at ikatlo o ikaapat naman sa kabuoang
lawak Ang Tsina ay pinamamahalaan ng Partidong Komunista
ng Tsina, na may sakop sa 22 lalawigan, limáng awtonomong
rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan
(Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing), at ang mga Espesyal
na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau, at
inaangkin din nito ang soberanya ng Taiwan.
HEOGRAPIYA
Ang kahalagan ng Tsina sa daigdig ngayon ay mapapansin dahil
sa kanilang bahaging ginagampanan bilang ikatlong
pinakamalaking ekonomiya nominal (o ikalawang
pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o
PPP) at isang permanenteng kasapi ng Mga Nagkakaisang
Bansa, Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang
Bansa at kasapi rin sila ng iba-ibang kapisanan katulad
ng Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, APEC, East Asia
Summit, at Shanghai Cooperation Organization.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ayon sa populasyon
ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong
Kong at Inner Mongolia. Ang Beijing ang kasalukuyang
kabisera ng bansa
HEOGRAPIYA
Ang China ay may lawak at habang 5, 026 papunta sa mga bansa
ng Silangang Asya. Ito ay napaliligiran ng East China Sea, Korea
Bay, Yellow Sea, Taiwan Strait, South China Sea at ng mga bansang
mula sa North Korea hanggang Vietnam. Ang klimang nararanasan
sa bansa ay iba - iba, mula sa Tropikal na nararanasan sa Timog
(Ang Tropikal ay tumutukoy sa katamtamang klima, at hindi
masyadong mainit o malamig, at nagtataglay ng mapuno o hindi
gaanong mapuno ngunit mamasa-masa na pinaninirahan ng mga
hayop. Kabilang ang Pilipinas sa bansang taglay ang ganitong
klima) Subarctic sa Hilaga (Ang klimang subarctic ay karaniwan
nakalamig at maikli lamang ang taginit.) at Alpine sa mga
matataas sa lugar sa Tibetan Plateau. Tuwing tag - init, ang East
Asian Monsoon ang nagdadala ng basang hangin sa bansa na
nagdudulot ng mga pag - ulan
HEOGRAPIYA
Ang ilog na ito ay nagmula sa kabundukan ng
kanlurang china at may habang halos 3,000
milya.ito ay dumadaloy sa yellow sea. Ang
dinaraanan ng ilog na ito ay nagpabagu-bago ng
makailang ulit sa mahabang panahon at
humantong sa pagbuo ng iasang malawak na
kapatagan ng north china plain, katulad ng nile
river, ang pag-apaw ng huang-ho ay nagudulot ng
pataba sa lupa.sa kasamaang palad, dahil sa
pagiging patag ng north china plain, madalas ang
nagaganap na mga pagbaha sa lugar na ito.
 PINAGMULAN
PINAGMULAN
Sa katotohanan, madalang na makitang malinis
ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng
palagiang inilalahad, at madalang din talaga para
sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at
kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang
bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya
bago mamatay ang isang nangangasiwang
pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang
isang kapanahun matapos na malupig sila.
PINAGMULAN
Dinastiyang Chin
Pinaniwalaan ni Qin Shi Huang, ang unang
emperador ng Imperyong Tsina/ dinastiyang Qin, na
magtatagal ang kaniyang imperyo ng may 10,000
salinlahi. Subalit nang mamatay siya, nagkaroon ng
isang pag-aalsang nagpaalis sa kaniyang anak na
lalaki mula sa palasyo, kaya't napalitan ng isa pang
emperador. Mayroong ganitong mga paghihimagsik sa
loob ng 20,000 mga taon, na nagaganap kapag
mahina o mahigpit ang isang emperador. Ayon sa
kasabihang Intsik, nawawala ang pagtangkilik ng
Kalangitan kapag napalitan ang isang naghaharing
mag-anak o angkan.
PINAGMULAN
Dinastiyang Song: Paglaganap ng mga Imbensyon
Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham
sa Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng may 300
taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na
mga panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking
ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga
dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos
na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning
kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit
mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song,
kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa
Mongolia.
PINAGMULAN
Dinastiyang Song: Paglaganap ng mga Imbensyon
Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa
Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng may 300 taon.
Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga
panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking
ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga
dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos
na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning
kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit
mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song,
kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa
Mongolia.
PINAGMULAN
Dinastiyang Yuan: Panahon ng mga Mongol
Sa kalagitnaan ng ika-13 daantaon, nilusob ng mga dayuhang Mongol ng
Gitnang Asya ang Tsina. Ito ang unang pagkakataong nasakop ng mga
banyaga ang Tsina. Pinamunuan ni Genghis Khan ang pananakop ng
Tsina, halos kabuoan ng Asya, at Hilagang Europa. Ang apo ni Genghis
Khan, na si Kublai Khan, ang nagpatuloy sa paglusob sa Tsina, at naging
emperador ng Tsina noong 1260 at itinayo ang Dinastiyang Yuan.
Ginusto at minahal ni Kublai Khan ang mga gawi at kaugaliang Intsik.
Tinangkilik niya ang mga paaralang maka-Confucius. Noong panahon
niya nakarating si Marco Polo sa Tsina, na nanirahan sa bansa sa loob
ng maraming mga taon at nagsulat ng patungkol dito. Subalit, bagaman
namuhay na parang isang emperador na Intsik si Kublai Khan ng may
100 taon, naghimagsik ang mga Intsik laban sa mga Mongol noong 1368,
kaya't nailunsad ang dinastiyang Ming.
PINAGMULAN
Dinastiyang Ming: Ang Huling Dinastiyang
Tsino
Sa ilalim ni emperador Yongle ng
dinastiyang Ming, napalayas ang mga
Mongol mula sa Tsina patungong Siberia.
Naging makapangyarihan ang hukbong
pandagat ng dinastiyang ito, na nakarating
magpahanggang Aprika. Tumagal ang
dinastiyang ito ng may 3 daantaon.
 POLITIKA
POLITIKA
Ipinahayag kamakailan ni Wang Yuanhong, dalubhasa sa marco-economy
ng State Information Center ng Tsina, na ang sistema ng pamamahala sa
Tsina na iniharap ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral
ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay sumasaklaw sa kabuhayan,
pulitika, lipunan, at iba pang larangan.

Ipininid sa Beijing noong Ika-12 ng Nobyembre ang nasabing sesyon at


inilabas ang komunike hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng
reporma. Ipinahayag ni Wang na, sa larangan ng kabuhayan, binubuo
nito ang sistema ng pananalapi, sistema ng pinansya, sistema ng
seguridad panlipunan, at iba pa. Aniya pa, hindi lamang mababawasan
ng bagong sistema ang mga hindi magandang elemento sa kasalukuyang
sistema, kundi mailalatag din ang mabuting batayan para sa pagpapataas
ng kakayahan ng pamamahala ng bansa.
POLITIKA
 Nang mabanggit ang pagsasaayos sa kabuhayan na gagawin
sa hinaharap, ipinahayag ni Wang na ang nasabing
pagsasaayos ay may kinalaman sa sistema at kakayahan ng
pamamahala ng bansa. Tinukoy pa niyang ayon sa bagong
sistema, ang mga larangang walang espisipikong atas mula
sa pamahalaan na di-maaring buksan sa pribadong
puhunan, ay maari nang paglagakan ng mga puhunang di-
pampamahalaan. Ang ideyang ito aniya ay may malaking
pagkakaiba kumpara sa dati. Aniya pa, natapos na ang
reporma sa larangan ng mga produkto, ngunit, huli pa rin
ang reporma sa interest rate, exchange rate, pamilihang
kapital, at iba pang larangan. Ang mga ito ay pokus ng
reporma sa hinaharap, dagdag ni Wang.
EKONOMIYA
EKONOMIYA
Mula ng itatag ang PRC noong 1949 hanggang sa mga huling buwan
ng 1978, ang Republikang Bayan ng Tsina ay may ekonomiya na
katulad ng Unyong Sobyet. Ang mga negosyong pribado at
capitalismo ay pinigilan. Para umunlad at maging industrializado
ang ekonomiya, sinimulan ni Mao Zedong ang Great Leap
Forward na ngayon ay naging kilala sa bansa nila at
sa mundo bilang isang malaking pagkakamali at isang makataong
sakuna. Sa pagkamatay niya, si Deng Xiaoping at ang bagong
Tsinong pinunoan (leadership) at pinatigil ang Rebolusyong
Kultural at gawin na maging market-oriented ang ekonomiya sa
pamumuno ng isang partido lamang. Ginawang pribado ang
taniman upang dumami ang aanihin; maramihang maliliit na
negosyo ay pinayagan dumami habang ang pamahalaan ay
binawasan ang "sapilitang presyohan"; at nagtawag sila ng mga
ibang bansa upang mag-invest.
EKONOMIYA
Ang pakikipag-kalakalan sa ibang bansa ay ang pokus upang
maging pamamaraan sa paglago ng ekonomiya, kaya ginawa nila
ang Special Economic Zones (SEZs) na matatagpuan sa Shenzhen
(malapit sa Hong Kong) at sa iba pang lungsod. Ang mga negosyo
na pag-aari ng pamahalaan ay binago sa pamamagitan ng pag-
gamit ng pamamaraan ng mga kanluranin habang ang mga
malapit na maluging negosyo ay pinasara na, kaya nagkaroon ng
pagkawala ng trabaho.

Gumaganda ang ekonomiya ng PRC, at ang kanilang pamilihang


pagtingi (retail market) ay may halagang RMB8921 bilyon
(US$1302 bilyon)noong 2007 at lumalaki sa porsyentong 16.8%
kada taon.
EKONOMIYA
Ang ekonomiya ng bansa ay pumapangalawa
sa buong mundo, pagkatapos ng Estado
Unidos. Ito ay ang pinakamabilis sa mundo
pagdating sa pagtaas ng ekonomiya na may
10 bahagdan sa nakaraang 30 taon. Ang
Tsina ang pinakamalaking exporter sa
mundo at pangalawa sa pinakamalaking
importer.
EKONOMIYA
Currency Renminbi (RMB); Unit: Yuan (CNY)
GDP growth: 7.8% (2012)
GDP per capita: $6,076 (nominal: 87th; 2012)
GDP by sector agriculture: 10.1%, industry: 45.3%, services: 44.6%% (2012 est.)
Inflation (CPI): 2.5% (December 2012)
Population below poverty line: less than $1.25 / 13.1% (2008)
less than $2 / 29.8% (2008)

ni coefficient: 0.48
Labour force: 795.5 million (1st; 2010)
Labour force by occupation agriculture: 36.7%, industry: 28.7%, services:
34.6% (2008 est.)
Unemployment: 4.1% (Q4 2012)[5]
Average gross salary: $457 monthly (2010)[6]
 KULTURA
KULTURA
Ang sinaunang kulturang Tsino ay mas luma kaysa sa 5000
taon. Ang kasaysayan ng kultura ng Tsino ay may malaking
pagkakaiba-iba at pagkakaiba-iba. Ang sopistikadong Intsik
sibilisasyon ay mayaman sa Sining at Sciences, masalimuot
pagpipinta at Pagpi-print ng mga diskarte at pinong palayok at
iskultura. Ang mga tradisyonal na arkitektura ng Tsino ay
lubhang iginagalang sa buong mundo. Ang wikang Tsino at
literatura, pilosopiya at pulitika ay itinuturing pa rin bilang isang
malakas na impluwensiya. Ang kulturang Tsino ay
pinamamahalaang upang mapanatili ang natatanging
pagkakakilanlan hanggang sa pagdating ng kultura ng Kanluran
sa kalagitnaan ng ika-19 siglo.
 RELIHIYON
RELIHIYON
 MGA RELIHIYON NG TSINA
-Ang 59% ng populasyon ng Tsina, o tinatayang
nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay
walang relihiyon. Subalit, ang mga ritwal at
relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang
kaugalian ngConfucianismo at Taoismo - ay may
malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan.
Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay
sumusunod sa magkahalong paniniwala na
kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na
"Tradisyunal na Paniniwala" o bilang "Iba".
RELIHIYON

 BUDISMO
-Ang Budismo ay pumasok sa Tsina
noong mga Unang Siglo, pagkatapos ng
Ika-4 Siglo, ito ay nagsimula nang
magpalaganap; ang Budismo ay unti-
unting naging isang relihiyon na may
pinakamalaking impluwensiya sa Tsina.
RELIHIYON
 TAOISM
-Ang Taoism ay katutubong relihiyon ng Tsina,
at nag-umpisa noong ika-2 Siglo; hanggang
ngayon, ito ay may mahigit sa 1800 taong
kasaysayan.
-Ang Taoism ay umangkin sa pagsamba ng
kalikasan at pagsamba ng ninuno .
-Ang Taoismo ay walang matinding
seremoniya ng paglahok sa relihiyon at mga
tadhana, kaya mahirap bilangin ang mga taong
nananampalataya sa Taoismo.
RELIHIYON
 KATOLISISMO
-Ang Katolisismo ay ilang ulit na pumasok sa
Tsina mula noong ika-7 Siglo, at malawakang
pumasok sa Tsina pagkatapos ng Digmaang Opiyo
noong 1840. Nitong mahigit sa taong nakalipas,
mga 1500 kabataang Pari ng hinubog at
kinogsagra ng China Catholic Church, kabilang
dito, mga 100 kabataang Pari ang ipinadalo ng
Crurch sa ibayong dagat para sa patuloy na pag-
aaral .
PANINIWALA
PANINIWALA
 Ang paniniwala ng mga Tsino ay umiikot sa
pangunahing relihiyon ng Tsina, ang Budismo. Parte
ng kaugalian ng mga Tsino ang pagiging magaling
pagdating sa matematika at sa negosyo. Bukod dito,
ang prinsipyo ng Confucianism ay may impluwensiya
sa kultura ng Tsina: tinuturuan nito ang mga Tsino na
sundin at respetuhin ang mga nakatatanda, maging
mabuting miyembro ng pamilya, maging tapat sa mga
kaibigan, maging mapagkumbaba at maging
magalang.
PANINIWALA
Ilan sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino ay
ang sumusunod

1. pagbubuntis at panganganak
Dapat iwasan ng babaeng nagbubuntis na tumingin o
saktan ang mga bagay o hayop na may di kaaya-aya ang
itsura sapagkat maaaring makuha ng kaniyang
ipinagbubuntis ang ganoong itsura.
PANINIWALA
2. pagpapalibing
Kung maglalamay, ang salamin sa loob ng tahanan, lalo na
yaong malapit sa kabaong, ay kailangang alisin o takpan ng tela.
Ang sino mang mapatingin sa salamin at makita ang repleksyon
ng kabaong ay pinaniniwalaang ay inaasahang may darating na
kasawian sa pamilya.

3. pag-iisang dibdib
Mahigpit na ipinagbabawal ng paniniwalang Tsino ang
pagsusukat ng traje de boda ng ikakasal sa bisperas ng kasal
nito, at kung malabag ay maaaring magdulot nang di
pagkakatuloy ng kasalan kinabukasan.
 KONTRIBUSYON
KONTRIBUSYON
Napakalaking ambag ang nagawa ng
kabihasnang umusbong sa Tsina
lalo na sa larangan ng pakikidigma,
komersyo, panitikan,
relihiyon,kultura, at marami pang iba.
KONTRIBUTION
Ilsan sa mga ito ay ang mga sumusunod
1. Kaligrapiya
2. Confucianismo
3. Gunpowder
4. Art of War
5. Panghuhula/Geomancy
6. Paglilimbag
7. Compass
8. Papel

You might also like