You are on page 1of 1

Krizha Mae L.

Gauran November 19, 2019


11- HUMSS Rousseau

Abstract: Aladdin

Isang gabi sa bayan ng Agrabah, ang simula ng pagbabago ng buhay ng isang palaboy na nagngangalang
Aladdin. Kagaya ng karaniwang mga palaboy, si Aladdin ay nabubuhay sa pamamagitan ng panguguha ng mga tinapay at
prutas upang makakain siya pati narin ang kaniyang alagang unggoy na si Abu. Ngunit sa kabila nito, malambot ang
pagkatao ni Aladdin lalo na sa kapwa palaboy nito. Nangingibabaw ang kabutihan ni Aladdin sa lahat ng pagkakataon
ngunit mas nabibigyang pansin ng mga tao sa kanilang bayan ang pagnanakaw nito ng pagkain. Hanggang sa isang araw,
isang binibini ang namalagi sa pamilihang bayan ng Agrabah. Isang batang palaboy ang lumapit sa binibini na tila bang
gutom na gutom. Dahil sa awa, kumuha ang binibini ng ipinagbebentang tinapay sa katabing lamesa at ibinigay sa bata na
siyang ikinagalit ng may-ari. Nang akmang sasaktan na ng may-ari ang binibini sa kadahilanang walang maibayad ang
dalaga ay agad namang lumapit si Aladdin at nagpanggap na pinsan ng binibini at sinabing baliw ito kaya nagawa ng binibini
ang aksyon. Dahil dito, ibinayad ni Aladdin ang porselas na suot ng binibini na syang ikinabigla nito. At sa kanilang pag-
alis, napagtanto ng may-ari na nanakaw nang muli ng unggoy ni Aladdin ang ibinayad na porselas kaya naman hinabol sila
ng mga kawal. Sa madaling sabi, nakatakas silang lahat at nagpunta sa tinutuluyan ni Aladdin kung saan sira sira ang mga
pader at mga tela lamang ang nagsisilbing harang. Ngunit sa kabila nito ay ang napakagandang tanawin kung saan makikita
ang buong bayan ng Agrabah. Hindi maikakaila ang pagkagusto ni Aladdin sa nasabing dalaga na si Jasmin na prinsesa ng
Agrabah. Dahil sa isa siyang prinsesa ay agad na itong nagpaalam at umalis. Umaasa si Aladdin na muli silang magkikita
ngunit napakaimposible sa isang hamak na tulad niya. Matapos ang nangyari, may nag-alok sa kaniya ng isang gawain kung
saan wala pang nagtatagumpay. Ang natatangi lamang niyang gagawin ay kukunin ang lampara sa kweba ng hiwaga nang
hindi ginagalaw ang anumang yaman sa loob nito. Ang nag-utos nito ay ang kanang kamay ng sultan ng Agrabah na si Jafar
na matagal nang nagnanais na makuha ang trono bilang sultan. At napagtagumpayan nga ni Aladdin ang utos ngunit bago
pa man sila makalabas ng kweba ay hinawakan ni Abu ang isang diyamante kung kaya’t nagsimulang gumuho ang lahat ng
nasa kanilang paligid. Nang naiabot na ni Aladdin ang lampara bilang katuparan sa utos ay sinipa siya ni Jafar na syang
nagresulta sa pagkahulog nito ngunit sa bilis ng kamay ng alaga niyang si Abu ay nabawi nito ang lampara mula kay Jafar
at agad silang sinagip ng isang mahiwagang mat na tinulungan ni Aladdin habang isinasagawa ang utos. Kaya naman, si
Aladdin ang naging tagapagpasunod ng genie sa loob ng mahiwagang lampara. Binigyan siya nito ng tatlong kahilingan na
siyang agad na tutuparin ng genie. Ang una niyang hiling ay inilaan niya sa kanilang paglabas sa mahiwagang kweba.
Ngunit sa pangalawa niyang kahilingan, winika niyang nais niyang maging isang prinsipe upang mapakasalan niya si
Prinsesa Jasmin na agad naming tinupad ng genie. Sa pagpasok nila Aladdin sa Agrabah, isang engrandeng parade ang
sumalubong sa lahat na siyang ikinamangha ng karamihan. Walang nakakakilala sa kanya bilang Aladdin at tanging isang
prinsipe lamang ang kilala ng mga tao sa Agrabah. Ngunit maliban kay Jafar, alam nito ang tunay na pagkatao ng prinsipe.
Hanggang sa pagdating ng isang gabi, naglayag sa himpapawid ang nagpapanggap na si Aladdin at ang prinsesa. At
pagkatapos ng kanilang paglalayag, sa pagdating ni Aladdin sa kaniyang silid-tulugan sa loob ng palasyo, dumating ang
mga kawal ni Jafar at dinakip siya. At sa kaniyang pagkakadakip ay pinaamin siya ni Jafar kung nasaan ang mahiwagang
lampara ngunit pilit itinatago ni Aladdin ang kinalalgyan nito. Kaya naman ipinatapon niya si Aladdin sa dagat ngunit agad
naman itong sinagip ng mahiwagang genie. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkagalit si Aladdin at ang genie na
syang dahilan kung bakit napabayaan ni Aladdin ang lampara kaya naman nakua ito ni Jafar at ginamit laban sa sultan.
Hiniling niyang siya ang maging sultan ng Agrabah at pinahirapan ang prinsesa pati narin ang dating sultan. Hanggang
dumating sa huling hiling ni Jafar na gawin siyang pinakamakapangyarihan sa lahat kaya naman nagging isang mahiwagang
genie din siya sa tulong ni Aladdin. Nakulong si Jafar sa sarili niyang itim na lampara at itinapon sa kweba ng hiwaga at di
na muling Nakita pa. At sa huling hiling ni Aladdin, pinalaya nya ang genie at sila ay ikinasal ng prinsesa at mapayapang
namuhay at namuno sa bayan ng Agrabah.

You might also like