You are on page 1of 5

Pagpupulong

Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat ng kanyang kampon para
malaman niya ang kayang gawin ng bawa’t isa.

Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na sila ay may higit na kakayahan kaysa
iba.

Sabi ng kalabaw, “Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil nakahihila ako ng mabibigat na dala-
dalahan.”

Sabi ng bubuyog, “Nakagagawa ako ng pinakamatamis na pulut-pukyutan.”

Wika naman ng usa, “Walang makatatalo sa bilis kong tumakbo.”

Sabi ng aso, “Binabantayan ko gabi’t araw ang bahay ng aking amo.”

At nagturing din ang pusa, “Ang dagang kumakain ng palay ng amo ko ay aking nililipol.”

Ang manok ay nagtanong, “Kaya ba ninyong umitlog? Pang-almusal ng tao’y araw-araw kong
ibinibigay.”

Tumingin ang hari sa ibon. “Hindi ka nagsasalita, munting ibon. Ano ang kaya mong gawin?”

“Umaawit po ako,” sabi ng ibon, “para sila’y maging masaya habang sila’y may ginagawa.”
TEKSTONG
NARATIBO
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

 Aladdin- Si Aladdin ay isang binatang lalaki na ang hanapbuhay ay ang pagnanakaw


kasama ang kanyang alagang unggoy na nangangalang Abu. Siya ay isang mabuting tao
na may mabuting kalooban.

 Jasmine- Si Jasmine ay isang prinsesa na nagtataglay ng kagandahan na anak ng sultan


ng Agrabah na siyang susunod na tagapagmana ng sultan. Nais niyang mabuhay ng
tahimik at payapa na makakapabuti sakanya. Siya ay may mabuting kalooban at
pagmamalasakit sa kapwa.

 Genie- Si Genie ay isang makapangyarihang nilalang na nakakulong sakanyang lampara


siya ay may kakayahang tumupad ng tatlong kahilingan. Siya ay may nakakatawang
paguugali at pagpapahalaga sa mga taong nakapaligid sakanya.

 Jafar- Si Jafar ay isang mapanlinlang at makasarili na tagapayo ng sultan. Siya ay may


tanging kakayahan na mag manipula ng tao gamit ang kanyang mahiwagang tungkod.

PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN

 Aladdin- Si Aladdin ay napaibig kay Prinsesa Jasmine nang makilala niya ito noong
tumakas ang prinsesa sakanyang palasyo. Nakalagay sa batas ng Agrabah na dapat
magpakasal ang prinsesa sa prinsipe kaya naman nagpanggap si Aladdin bilang prinsipe
sakanyang kahilingan kay Genie. Si Aladdin ay nagging sakim sa takot na sabihin sa
prinsesa ang totoo ngunit bumalik din siya sa kanyang dating sarili na hindi makasarili at
may pagmamalasakit sa kapwa.

 Jasmine- Si Jasmine ay nagging emosyonal dahil narin sakanyang mga pinagdadanaan at


sa mga ala-ala ng kanyang ina. Siya ay napakatapang sa pagpapahayag ng kanyang mga
damdamin at siya ay unti-unting napaibig kay Aladdin dahil sakabutihan at pagsisikap
nito.

 Genie- Si Genie ay may mabuting kalooban na nilalang at may malambot na puso. Sa


kailaliman ng kanyang puso ay nais niyang maging Malaya salampara at mabuhay ng
pangkaraniwan,yun ay kung hihilingan ng kanyang panginoon nagawin ito para
sakanyang sarili. Laking tuwa niya nang hiniling ito ni Aladdin sakanya at siya ay
nagingmalaya at nakapagasawana din.

 Jafar- Si Jafar ay nagbabalak namamuno sa Agrabah at maging sultan kaya naman


ginagawa niya ang lahat matupad lang ito.
PAGLALARAWAN SA TAGPUAN

 Agrabah- Ang Agrabah ay isang napakalaking lugar na kung saan pinamumunuan ito ng
isang sultan. Nakatira ang mga matataas o mayayaman sa palasyo at ang mga
mamamayan naman ay sa labas nito. Mahilig sa musika ang mga tao at simple lang ang
pamumuhay dito.

PAGLALARAWAN SA MAHALAGANG BAGAY

 Mahiwagang Lampara- Ito ay matatag puan sa cave of wonders. Sa lampara na ito


nakaalipin si Genie na kung saan kung sino magpalaya sakanya ay may tatlong
kahilingan sakanya.

 Mahiwagang Karpet- Ito ay natagpuan din ni Aladdin sa cave of wonders. May


kakayahan itong lumipad at pumunta sa ibat-ibang lugar. Ito ay tumulong at nagligtas kay
Aladdin.

You might also like