Professional Documents
Culture Documents
Vdocuments - MX - Araling Panlipunan k12 4th Quarter Grade 7 PDF
Vdocuments - MX - Araling Panlipunan k12 4th Quarter Grade 7 PDF
Mga Paksa
1. 1986 EDSA People Power Revolution
1.1 Mga Pangyayari tungo sa 1986 EDSA People Power Revolution
1.2 Ang 1986 EDSA People Power Revolution
2. Panunumbalik ng Demokrasya
2.1 Panunumpa ni Corazon Aquino bilang Pangulo
2.2 1986 Freedom Constitution
2.3 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
Mga Kakayahan:
1. Naisasalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naging dahilan
upang maibalik ang demokrasya noong 1986
2. Naipahahayag ang paggalang sa opinyon at paniniwala ng kapwa mag-aaral
tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa 1986 EDSAPeople Power
Revolution
3. Natatalakay ang mga salik na nakatulong sa pagtatagumpay ng 1986 EDSA
People Power Revolution
4. Napahahalagahan ang mga kontribusyong ng 1986 EDSA People Power
Revolution sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksiyon
5. Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa kalayaan,
demokrasya at karapatang pantao
6. Nasusuri ang talumpati ni Pang. Corazon Aquino sa kaniyang inagurasyon bilang
pangulo hinggil sa kinaharap na hamon sa bayan sa pagpapanatili ng demokrasya
7. Naiuugnay ang mga kasalukuyang pangyayari sa mga hangarin noong 1986 EDSA
People Power Revolution
8. Nasusuri ang mga suliraning hindi pa nalulutas sa kasalukuyan
9. Naipaliliwanag kung bakit mahirap lutasin ang mga suliraning ito
10. Nailalahad ang mga mungkahi na dapat gawin ng pamahalaan at ng kabataan
upang makamit ang hinahangad na pagbabago.
1
Panimula
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang mga dahilan at epekto ng pagdedeklara ni
Pangulong Marcos ng Batas Militar sa ating bansa. Ilan sa mga hindi mabuting epekto nito ay
ang pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag at ang pagkawala ng kapangyarihan sa kamay ng
taong bayan. Sa kabila ng mga panganib, patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang
mga karapatan bilang isang demokratikong bansa. Sa modyul na ito ay susuriin mo kung paano
napanumbalik ang diwa ng demokrasya sa Pilipinas na panandaliang nawala sa ilalim ng Batas
Militar.
2
PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
KAWALANG TIWALA SA
SANDATAHANG LAKAS
Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the
Philippines(AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng
pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang
padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may
mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na
kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas.
ASASINASYON KAY
SEN. NINOY AQUINO
Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa
Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila
International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa
kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Gaman na sinasabing pumatay
kay Sen. Ninoy Aquino.
Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit
ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod
ng nasabing krimen.
3
1986 SNAP ELECTIONS
Weblink
Batas Militar(8/10). http://www.youtube.com/watch?v=-GN8OHufNwI.
Batas Militar (9/10) .http://www.youtube.com/watch?v=hX-. Para sa karagdagang kaalaman,
Batas Militar (10/10)http://www.youtube.com/watch?v=Bvfv3c3YRnI&feature=relmfu basahin ang batayang aklat: Pilipinas
Retrieved on November 20, 2012. isang sulyap at pagyakap pahina …
4
1986 EDSA People Power Revolution
Basahin ang mga pangyayaring naganap sa 1986 EDSA People Power Revolution.
Pebrero 22, 1986 Pebrero 23, 1986 Pebrero 24, 1986 Pebrero 25, 1986
Pakinggan/awitin ang kantang Handog ng Pilipino sa Mundo. Suriin ang nilalaman nito.
Gumuhit ng simbolo na sa iyong palagay ay maglalarawan sa mensahe ng awitin. Ipaliwanag ito
sa klase.
Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan Pamprosesong Tanong:
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat. 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit?
Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat!
6
2. Sanggunian 1:
Makikita sa larawan ang mga kaganapan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power
Revolution.
LARAWAN B
LARAWAN A
LARAWAN D
LARAWAN C
Gawain 1: Photo-Suri
Suriin ang mga larawan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power Revolution.
Punan ng tamang sagot ang chart.
Pamprosesong Tanong
1. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang
kalayaan? Bakit?
2. Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari?
Patunayan.
3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power
Revolution? Ipaliwanag.
Gawain 2 Guhit-Kasaysayan
Gumuhit ng comic strip na may walo hanggang sampung story frames tungkol sa mga
kaganapan noong 1986 EDSA People Power Revolution.
Ang iyong nabuong comic strip ay bibigyan ng marka batay sa mga sumusunod na pamantayan:
8
Rubric para sa pagmamarka ng Comic Strip
9
Gawain 3 TULONG-ISIPAN
Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas dulot ng 1986 EDSA People
Power Revolution. Isulat ito sa loob ng kahon.
PAMAHALAAN KALAYAAN SA
PAMAMAHAYAG
UGNAYAN NG DIWA NG
MGA DEMOKRASYA
MAMAMAYAN
10
Gawain 5 Mind Map
Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa paksang tinalakay.
Ayusin ang mga ito upang makabuo ng flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga
konsepto sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo hanggang limang
pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong flowchart.
KALAYAAN
1986 EDSA SAMA-SAMANG PAGKILOS
PEOPLE POWER
REVOLUTION
11
Bagama’t hindi kinilala ng Batasang Pambansa ang kaniyang pagkakapanalo nanumpa si
Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Isinagawa ang kaniyang
panunumpa sa Club Filipino na pinamunuan ni Supreme Court Associate Justice Claudio
Teehanke.
Inaugural Address of
CORAZON C. AQUINO
Club Filipino, San Juan, Metro Manila
February 25, 1986
My brothers and sisters:
I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer
all that I can do to serve you.
It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken
away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights
and liberties in the full light of the day.
Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a tyranny
so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring about the unity,
the strength, and the phenomenon of People Power. That power has shattered the
dictatorship, protected the honorable military who have chosen freedom, and today has
established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the
people’s rights and liberties.
We were exiles in our land – we, Filipinos, who are at home only in freedom –
when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and unity,
through the power of the people, we are home again.
And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation,
which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I am very
magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not yet with
us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful
country.
As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to
continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.
Pinagkunan: Monina Allarey Mercado, ed., An Eyewitness to History: People Power (The Philippine Revolution of 1986) (Manila: The James B.
Reuter, S.J. Foundation, 1986), 215 Teodoro Locsin, Jr.
- Mentioned in the book … So Help Us God. The Presidents of the Philippines and their inaugural addresses. Malaya J. Eduardo,
and Malaya, Jonathan, 2004. ANVIL Publishing, Inc. 8007-B Pioneer St., Bgy. Kapitolyo Pasig City, 1603. Philippines
12
Gawain 7 Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon
4. Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok sa kaniya sa pagiging pangulo ng bansa?
5. Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng kaniyang talumpati “… I call on all those countrymen
of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our
beautiful country.”
Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution ayon sa talumpati
ni Pangulong Corazon Aquino?
2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin para sa iyo ang pinakamahirap na masolusyunan? Bakit?
3. Paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya ayon kay Pangulong Corazon Aquino?
4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakahalal kay Pangulong Corazon Aquino bilang kapalit
ni Pangulong Ferdinand Marcos?
13
Gawain 9 Suri-Teksto. Makibahagi sa inyong pangkat. Makikita ang mga bahagi ng
talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Sumulat ng lima hanggang sampung
pangungusap na paliwanag ukol sa iyong pagkakaunawa sa mga ito. Ilahad ang sagot ng
inyong pangkat sa klase.
Pangkat 1
Pamprosesong Tanong
14
Gawain 10 Pagsulat ng Sanaysay
Punan ng sagot ang exit card batay sa iyong mga natutunan at naunawaan ukol sa mga
nakaraang paksa.
PAKSA/ARALIN: __________________________________
Isulat din ang mga bahagi ng paksa na hindi mo gaanong naunawaan o nais mo pa ng
karagdagang paliwanag.
15
Isa sa mga unang ginawa ni Pangulong Corazon Aquino ay ang pagpapalabas ng
Proklamasyon Bilang 3 kung saan ay inihayag niya ang pagbuo ng pansamanalang saligang
batas na siyang magiging batayan ng kaniyang pamahalaan.
Proclamation NO. 3
DECLARING A NATIONAL POLICY TO IMPLEMENT THE REFORMS MANDATED BY THE PEOPLE, PROTECTING THEIR
BASIC RIGHTS, ADOPTING A PROVISIONAL CONSTITUTION, AND PROVIDING FOR AN ORDERLY TRANSITION TO A
GOVERNMENT UNDER A NEW CONSTITUTION.
WHEREAS, the new government was installed through a direct exercise of the power of the Filipino people
assisted by units of the New Armed Forces of the Philippines;
WHEREAS, the heroic action of the people was done in defiance of the provisions of the 1973 Constitution, as
amended;
WHEREAS, the direct mandate of the people as manifested by their extraordinary action demands the complete
reorganization of the government, restoration of democracy, protection of basic rights, rebuilding of confidence
in the entire governmental system, eradiation of graft and corruption, restoration of peace and order,
maintenance of the supremacy of civilian authority over the military, and the transition to a government under a
New Constitution in the shortest time possible;
WHEREAS, during the period of transition to a New Constitution it must be guaranteed that the government will
respect basic human rights and fundamental freedoms;
WHEREAS, I, CORAZON C. AQUINO, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the
sovereign mandate of the people, do hereby promulgate the following Provisional Constitution:
ARTICLE II
THE PRESIDENT, THE VICE PRESIDENT, AND THE CABINET
Section 1. Until a legislature is elected and convened under a new Constitution, the President shall continue to
exercise legislative power.
The President shall give priority to measures to achieve the mandate of the people to:
(a) Completely reorganize the government and eradicate unjust and oppressive structures, and all iniquitous
vestiges of the previous regime;
16
(d) Recover ill-gotten properties amassed by the leaders and supports of the previous regime and protect
the interest of the people through orders of sequestration or freezing of assets of accounts;
(e) Eradicate graft and corruption in government and punish those guilty thereof; and,
(f) Restore peace an order, settle the problem of insurgency, and pursue national reconciliation based on
justice.
Section 2. The President shall be assisted by a Cabinet which shall be composed of Ministers with or
without portfolio who shall be appointed by the President. They shall be accountable to and hold office
at the pleasure of the President.
ARTICLE III
GOVERNMENT REORGANIZATION
Section 1. In the reorganization of the government, priority shall be given to measures to promote
economy, efficiency, and eradication of graft and corruption
Section 4. The records, equipment buildings, facilities and other properties of all government offices shall
be carefully preserved. In case any office or body is abolished or reorganized pursuant to this
Proclamation, its funds and properties shall be transferred to the office or body to which its powers,
functions, and responsibilities substantially pertain.
ARTICLE V
ADOPTION OF A NEW CONSTITUTION
Section 1. Within sixty (60) days from date of this Proclamation, a Commission shall be appointed by the
President to draft a New Constitution. The Commission shall be composed of not less than thirty (30) nor
more than fifty (50) natural born citizens of the Philippines, of reorganized probity, known for their
independence, nationalism and patriotism. They shall be chosen by the President after consultation with
various sectors of society.
Section 2. The Commission shall complete its work within as short a period as may be consistent with the
need both to hasten the return of normal constitutional government and to draft a document truly
reflective of the ideals and aspirations of the Filipino people.
Section 3. The Commission shall conduct public hearings to ensure that the people will have adequate
participation in the formulation of the New Constitution.
Section 4. The plenary sessions of the Commission shall be public and fully recorded.
Section 5. The New Constitution shall be presented by the Commission to the President who shall fix the
date for the holding of a plebiscite. It shall become valid and effective upon ratification by a majority of
the votes cast in such plebiscite which shall be held within a period of sixty (60) days following its
submission to the President.
Pinagkunan: 1986 Provisional “FREEDOM” Constitution of the Philippines. www.chanrobles.com. Date retrieved, November 20, 2012.
17
Gawain 12: Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon
Batay sa iyong mga sagot sa Gawain 7, tukuyin ang mga probisyon (maaaring seksiyon o
artikulo) ng Freedom Constitution na sumasagot sa mga suliranin o hamon na kinaharap ng mga
Pilipino.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mo nasabi na maaaring malutas ng mga napili mong probisyon ang mga suliranin o hamon?
2. Sapat na ba ang mga probisyon ng Freedom Constitution upang masolusyunan ang mga nabanggit na
suliranin o hamon? Pangatwiranan.
18
Nagpalabas si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Bilang 9 na siyang bumuo sa
tinawag na Constitutional Commission na naatasang bumuo ng Saligang Batas ng Pilipinas
upang palitan ang 1973 Saligang Batas. Ito ay pinamunuan ni Cecilia Muñoz-Palma. Natapos
ang draft ng saligang batas noong Oktubre 12, 1986. Nagkaroon ng plebisito para sa
ratipikasyon ng Saligang Batas noong Pebrero 2, 1987 kung saan 17 milyon ang nagpahayag ng
pagsang-ayon at 5 milyon lamang ang hindi. Noong Pebrero 11, 1987, iprinoklama ang
ratipikasyon ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
ARTIKULO VI
ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGBATAS
Seksyon 1. Dapat masalalay sa isang Kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang
Tagapagbatas, na dapat binubuo ng isang Senado at isang Kapulungan ng mga
Kinatawan, maliban sa lawak na inilaan sa mga taongbayan ng tadhana tungkol sa
pagpapatiuna at referendum.
Seksyon 12. Ang lahat ng mga Kagawad ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan,
sa simula ng panunungkulan, ay dapat na magsagawa ng ganap na pagsisiwalat ng
kanilang mga interes na pampananalapi at pangnegosyo. Dapat ipabatid nila sa
kinauukulang Kapulungan ang maaaring umusbong na salungat na interes sa paghaharap
ng isang panukalang pagsasabatas na sila ang may-akda.
19
Seksyon 27.
(1) Ang bawat panukalang-batas na mapagtibay ng Kongreso ay dapat iharap sa
Pangulo bago maging batas. Dapat niyang lagdaan ito kung sinasang-ayunan niya, kung
hindi, dapat niyang i-veto at ibalik na kalakip ang kanyang mga tutol sa Kapulungang
pinanggalingan nito, na dapat magpasok ng mga tutol sa kabuuan sa katitikan nito at
muling isaalang-alang ang panukalang batas. Kung, pagkaraan ng gayong muling
pagsasaalang-alang , ang dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang
iyon ay magkaisang pagtibayin ang panukalang-batas, ito'y dapat ipadala, kalakip ang
mga tutol, sa kabilang Kapulungan upang muling isaalang-alang niyon, at kung
pagtibayin ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon, ito'y
magiging batas. Sa lahat ng gayong pangyayari, ang mga boto ng bawat Kapulungan ay
dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga "Oo" o "Hindi", at dapat itala sa Journal
nito ang mga pangalan ng mga Kagawad na bumoto nang sangayon o salungat. Dapat
ipabatid ng Pangulo ang kanyang pag-veto sa alin mang panukalang-batas sa
Kapulungang pinanggalingan nito sa loob ng tatlumpung araw matapos matanggap ito;
at kung hindi, ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya.
ARTIKUO VII
ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGPAGANAP
Section 5. Before they enter on the execution of their office, the President, the Vice-
President, or the Acting President shall take the following oath or affirmation:
"I do solemnly swear [or affirm] that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties
as President [or Vice-President or Acting President] of the Philippines, preserve and
defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself
to the service of the Nation. So help me God."
20
SEKSYON 5. Bago magsimula sa pagtupad ng kanilang katungkulan ang Pangulo, ang
Pangalawang Pangulo, o ang Nanunungkulang Pangulo, ay dapat magsagawa ng
sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:
"Matimtim kong pinanunumpaan [o pinatotohanan] na tutuparin ko nang buong
katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo [o Pangalawang
Pangulo o Nanunungkulang Pangulo] ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol
ang kanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan
sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa
ako ng Diyos."
SEKSYON 21. Hindi dapat maging balido at may-bisa ang ano mang kasunduang-bansa o
kasunduang internasyonal namg walang pagsang-ayon ng dawalang-katlo ng lahat ng
mga Kagawad ng Senado.
ARTIKULO XIII
SOCIAL JUSTICE AND HUMAN RIGHTS
Seksyon 1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priority ang pagsasabatas
ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga
mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na
panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay
na pagkalinangan sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at
kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat. Tungo sa mga mithiing ito,
dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at paglilipat ng
ariarian at ng mga bunga nito.
PAGGAWA
Seksyon 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at
sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang pupusang
employment at pantay na mga pagkakataon… para sa lahat. Dapat nitong garantiyahan
ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa na magtatag ng sariling organisasyon,
sama-samang pakikiapagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na
pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang naaalinsunod sa batas…
21
REPORMANG PANSAKAHAN AT PANLIKAS NA KAYAMANAN
Seksyon 4. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ng programa sa
repormang pansakahan na nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga regular na
manggagawa sa bukid, na mga walang lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng
mga lupang kanilang sinasaka o, sa kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid,
tumanggap ng karampatang kaparte sa mga bunga niyon…
KABABAIHAN
Seksyon 14. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa
pamamagitan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho,
nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga
pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo
ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod.
Seksyon 15. Dapat igalang ng Estado ang bahaging ginagampanan ng malayang mga
organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan, sa
loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama-samang interes at
hangarin sa pamamagitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas.
Ang mga organisasyon ng sambayanan ay mga asosasyong bona fide ng mga
mamamayan na may subok na kakayahang itaguyod ang kapakanang pambayan at may
mapagkikilalang pamiminuno, kasapian, at istruktura.
Seksyon 16. Hindi dapat bawalan ang karapat ng sambayanan at ng kanilang mga
organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng
pagpapasiyang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan. Dapat padaliin ng Estado, sa
pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa
pakikipagsanggunian
22
MGA KARAPATANG PANTAO
Seksyon 17.
(1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon
sa Mga Karapatang Pantao.
.
Seksyon 18. Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga
sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain:
(1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga
paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga sibil at pulitikal
(4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga
pasilidad sa detensyon;
(6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisng mga hakbangin upang maitaguyod ang mga
karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang
mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao;
Pinagkunan: 1987 Constitution of the Philippines. www.chanrobles.com. Date Retrieved, Nov. 25, 2012
23
Gawain 14 Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon
Gawain 15 Paghahambing
Batay sa iyong mga sagot sa Gawain 7 at Gawain 13, tukuyin ang mga probisyon
(maaaring seksiyon o artikulo) ng Freedom Constitution na sumasagot sa mga suliranin o hamon
na kinaharap ng mga Pilipino.
Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga ang mga dokumento tulad ng Freedom Constitution at 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas sa pagtugon sa mga suliranin o hamon na iyong nabanggit?
24
Makalipas ang mahigit dalawang dekada, sariwa pa din sa alaala ng mga Pilipino ang
mga pangyayaring naganap noong 1986 EDSA People Power Revolution. Subalit sa kasalukuyan
magkakaiba ang pananaw ng mga Pilipino kung totoong bang nakamit ang mga layunin ng 1986
EDSA People Power Revolution.
Basahin at suriin mo ang ilan sa mga artikulo sa pahayagan ukol sa mga obserbasyon at
opinyon ng mga Pilipino tungkol sa 1986 EDSA People Power Revolution at ang kasalukuyang
kalagayan ng Pilipinas.
Sanggunian 5 Sipi ng 26 years of freedom, isang editoryal, 26 years after EDSA where did we
go wrong at 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution
26 Years of Freedom
The land of people power marks the 26th anniversary of its peaceful revolution today . . . The
story of post-EDSA Philippines should provide precious lessons on the complexities of building a
nation on the foundations of a revolution.
Many of the problems during the dictatorship, however, have not been fully eradicated. The
same politics of patronage persists, breeding corruption and preventing the development of a
merit-based society. Hundreds of left-wing militants, legal professionals and journalists have
disappeared or been murdered since 1986, with many of the crimes attributed to state forces.
Human rights abuses continue in the police and military.
The revolution also did not put an end to corruption and dirty elections. As the four-day
remembrance of the people power revolt got underway, the second Philippine president to be
arrested and held without bail pleaded not guilty to electoral sabotage. In the lower rungs of
government, a clerk who owns a Porsche and was caught on CCTV assaulting a young man
tendered his resignation from the Bureau of Customs, still perceived to be one of the most
corrupt agencies. The head of the government’s gaming firm is embroiled in a scandal over
perks he and his family accepted from a private casino operator.
All these persistent problems surely contribute to the fact that 26 years after EDSA, the country
has become Asia’s economic laggard. Today, with the annual celebration of the restoration of
democracy, there must be a greater national resolve to move the country forward.
25
26 years after EDSA, where did we go wrong?
This week is the 2th anniversary of the EDSA Revolution, and I was to have former
Jesuit Father Provincial Fr. Romeo “Archie” Intengan and former National Security Adviser
Norberto Gonzales as guests of my talk show, “Straight from the Sky” to talk about the
lessons we can gain from the two EDSA revolts. One thing is sure, more than half of the
Filipino people living today were not yet born when we had a People’s Power revolt that
reverberated all over the globe. It was indeed a proud time to be Filipino.
But 26 years later, despite give Presidents after the Marcos Dictatorship left in a
huff . . . we’re still a 3rd world country, woefully left behind against the rest of the world . . .
The big question to ask is, “Where did we go wrong?” In truth, our badly educated people
simply put their trust and confidence in the hand of politicians whose only agenda is selfish
lust for political power which brings them money as money assures of them of a continued
hold on that political power… if we don’t get out of this vicious cycle, we will continue on
the same path well into our next generation.
Pinagkunan: Avila, Bobi S. 26 Years after EDSA, where did we go wrong? Philippine Star. February 21, 2012. pg. 9-10.Date
Retrieved, Nov. 27, 2012.
26
5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution
Here are some learnings every Filipino should take from the People Power
Revolution. By Gia Recio
This peaceful revolution lasted three days. On February 25, 1986, our nation finally
saw the end of 14 years under a cruel dictatorship: the president and his family fled
to Hawaii, and Corazon Aquino, Ninoy’s widow, became the country’s new
president.
Twenty-five years later—and for decades more to come—our nation still recognizes
the significance of that particular period in our history. Today, as we celebrate the
anniversary of the EDSA Revolution, let us revisit five principal things that we may
glean from this historical event:
The multitudes who gathered in EDSA 25 years ago were composed of ordinary
citizens united by the desire to stop the oppression suffered at the hands of
President Marcos. People from all walks of life prayed together, sought comfort
and strength from each other, and bravely faced the militia Marcos dispatched to
disperse the crowds. What we achieved that day was no small feat. We were able
to unite as a nation and use our collective strength to topple a seemingly
impregnable dictatorship.
27
2. THERE IS POWER IN DEMOCRACY.
The People Power Revolution, as this came to be known, was also proof that sovereignty
indeed resides in the Filipino people. … But democracy comes with responsibility, and since the
power of democracy rests in the hands of the people, it’s important that people understand
exactly what they’re responsible for. Maria Ressa has this to say about the People Power
Revolution, "People power should have never become a political tool; it was a once-in-a-
lifetime act that should have been followed by the hard work of building democratic
institutions. That never happened. That is the work that, twenty years later, desperately needs
to be done."
The events in EDSA taught us the importance of fighting for what you believe in, especially
when it involves what is right and what benefits the majority. Integrity isn’t just about knowing
what’s right; it’s also about doing what’s right. We should remember that this applies to the
little things, the everyday things, as well as the big ones.
Apart from having faith in God--as shown by the people during the prayer rallies and the
processions that punctuated the three-day revolution--we must also remember to have faith
in ourselves. In the midst of the countless political issues that divide us at present, we must
believe that we can still rise up as one nation . . . And while the Catholic Church played a
significant part in the People Power Revolution, we must remember that the Church and the
State are separate.
In spite of the threatening presence of the military forces in EDSA, not a single shot was fired
against the civilians. Throughout the three days of the revolution, not once did the people take
up arms or cause widespread panic to achieve their goal. Solidarity, kindness, and a sincere
adherence to a common endeavor were our people’s weapons of choice, and despite the
absence of force, they succeeded in achieving the liberty that had long been due them.
Pinagkunan: Recio, Gia. 5 Lessons to Remember from the EDSA People Powere Revolution. http://www.femalenetwork.com/news-features/5-
lessons-to-remember-from-the-edsa-people-power-revolution. Date Retrieved, Nov. 27, 2012.
28
Gawain 16 Paghahambing
Pamagat:
Pamagat:
Naging tanyag ang Pilipinas dahil sa tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Maraming lider ng ibang bansa ang pumuri sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, ang
mga mamamayan sa ibang ang nagsulong ng pagbabago sa pamamagitan ng mapayapang
pagkilos – tulad ng pinasimulan ng mga Pilipino. Makikita sa mapa ang mga impormasyon
tungkol dito. Sagutan ang chart mula sa impormasyong makukuha sa mapa.
Pamprosesong Tanong:
1. Bilang Pilipino, ano ang iyong naramdaman matapos mabatid na tinularan ng ibang bansa
ang ginawa noong 1986 EDSA People Power Revolution? Bakit?
3. Ano ang katangian ng 1986 EDSA People Power Revolution na naging modelo ng ibang bansa
sa daigdig?
30
Gawain 18 Dokyu-Kasaysayan
2. Ilang taon po kayo noong naganap ang 1986 EDSA People Power Revolution?
4. Bakit po kayo nakilahok (hindi nakilahok) sa iba pang Pilipino na nagtungo sa EDSA?
5. Ano po ang inyong naramdaman nang magtagumpay kayo sa inyong layunin? (mapaalis si Pangulong
Marcos sa puwesto?)
6. Sa inyong palagay bakit dapat (hindi dapat) ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution?
7. Masasabi mo bang tagumpay ang 1986 EDSA People Power Revolution? Bakit?
8. Nabago ba ng 1986 EDSA People Power Revolution ang kalagayan ng Pilipinas mula noong 1986
hanggang sa kasalukuyan? Patunayan.
9. Ilahad ang inyong mensahe sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan ukol sa kanilang dapat gawin
upang maging isang mapanagutang mamamayan ng ating bansa.
31
Ang inyong dokyumentaryo ay bibigyan ng marka gamit ang sumusunod na pamantayan:
32
GAWAIN 19: Pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution
Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution
na dapat mong patuloy na pagyamanin at ipagmalaki. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Paliwanag
Pinakamahalagang
Pamana ng 1986 EDSA
People Power
Revolution
Sumulat ng repleksiyon ukol sa mga hakbang na maaari mong gawin bilang isang mag-
aaral upang mapanatili ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution at matugunan ang mga
hamon at suliranin na kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan.
33
Produkto/Pagganap
Nilalaman 30
Partisipasyon 30
Presentasyon 20
Organisasyon 20
Kabuuan 100
34
Rubric sa pagmamarka ng Sulat
35
Pagtatapos ng Modyul
Nakasalalay sa pagtutulungan, paggalang, at pagkakaisa ng mga mamamayan at pamahalaan ang pagkamit ng mga
hinahangad na pagbabago at kalayaan. Kalayaan hindi lamang mula sa mga banta sa ating karapatan kundi kalayaan mula sa
kahirapan, pagkakawatak-watak, katiwalian sa pamahalaan, kawalan ng pagkakakilanlang Pilipino at patuloy na pagsasawalang
bahala sa mga suliraning pangkalikasan. Bilang isang mag-aaral, tungkulin mo na pagbutihin ang iyong pag-aaral upang maging
mulat sa mga nangyayari sa iyong bansa at sa daigdig. Makatutulong din ito upang ikaw ay maging handa sa mga hamon na iyong
kakaharapin bilang isang mahalagang bahagi ng lipunan.
36
References:
A. Books
B. Newspapers
C. Weblinks
Pictures
RAM logo
http://en.wikipedia.org/wiki/Reform_the_Armed_Forces_Movement
Corazon Aquino -
http://www.google.com.ph/imgres?q=snap+election+cory+marcos&hl=fil&biw=1214&bih=497&tbm=isc
h&tbnid=AZ-
Ninoy Aquino –
http://www.google.com.ph/imgres?q=assassination+of+ninoy+aquino&hl=fil&sa=X&biw=1214&bih=497
&tbm=isch&prmd=imvnso&tbnid=kjtmKRQ4Q8Oi6M:&imgrefurl=http://www.monacome.com/2008/08
/ninoy-aquino-25-years-assassination.
37
Enrile at Ramos -
http://www.google.com.ph/imgres?q=enrile+at+ramos&hl=fil&sa=X&biw=1024&bih=499&tbm=isch&pr
md=imvns&tbnid=HMJEXBDbdAU9QM:&imgrefurl=http://library.thinkquest.org/15816/therevolution.ar
ticle1.html&docid=tpMTyNsAFypocM&imgurl=http://library.thinkquest.org/15816/media/therevolution
.article1.image1.jpg&w=210&h=158&ei=kYmYULajNqiLmQW-
6IHQCQ&zoom=1&iact=hc&vpx=419&vpy=289&dur=437&hovh=126&hovw=168&tx=70&ty=82&sig=113
308888925793296799&page=1&tbnh=126&tbnw=168&start=0&ndsp=8&ved=1t:429,r:5,s:0,i:80
Marcos at Ver -
http://www.google.com.ph/imgres?q=general+ver&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch&tbnid=sREJii9
-QVDXtM:&imgrefurl=http://www.filipinofightingartsintl.com/Publications/history/plaza-miranda-
bombing.html&docid=8w_u3jJFWBp2jM&imgurl=http://www.filipinofightingartsintl.com/Publications/h
istory/images_plaza-miranda-bombing/plaza-miranda-
bombing6.jpg&w=400&h=330&ei=KI2YUKrDCu_vmAXywYHgAw&zoom=1&iact=hc&vpx=736&vpy=162&
dur=2991&hovh=204&hovw=247&tx=124&ty=113&sig=113308888925793296799&page=1&tbnh=169&
tbnw=231&start=0&ndsp=11&ved=1t:429,r:5,s:0,i:77
People at EDSA -
http://www.google.com.ph/imgres?q=edsa+revolution&num=10&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch
&tbnid=ytZO3WV2nAl8dM:&imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wiki/People_Power_Revolution&docid=j
nKP-
MsXiVlCxM&imgurl=http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/3/3b/EDSA_Revolution_pic1.jpg/
250px-EDSA_Revolution_pic1.jpg&w=250&h=179&ei=pJCYUOySF46ImQXz-
YDoDw&zoom=1&iact=hc&vpx=502&vpy=105&dur=97&hovh=143&hovw=200&tx=93&ty=84&sig=1133
08888925793296799&sqi=2&page=1&tbnh=143&tbnw=189&start=0&ndsp=9&ved=1t:429,r:2,s:0,i:68
38
&w=400&h=400&ei=kVGkUMajF-
PzmAWb3YG4Cg&zoom=1&iact=rc&dur=16&sig=109266282319643317836&page=1&tbnh=124&tbnw
=124&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:0,s:0,i:65&tx=64&ty=83
World map -
http://www.google.com.ph/imgres?q=world+map&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch&tbnid=EVYnN
pYzzAhtWM:&imgrefurl=http://www.theodora.com/maps/&docid=LV_o6Djrx2o7NM&imgurl=http://w
ww.theodora.com/maps/new5/802649.jpg&w=1343&h=737&ei=MFSkUO61Me6NmQXdqoGgAQ&zoom
=1&iact=hc&vpx=563&vpy=241&dur=4025&hovh=166&hovw=303&tx=202&ty=140&sig=109266282319
643317836&page=1&tbnh=143&tbnw=261&start=0&ndsp=7&ved=1t:429,r:5,s:0,i:77
39
40
41