You are on page 1of 2

Dugo sa Ulo ni Corbo

Merong isang pamilya na matahimik at masayang namumuhay sa bukiran. Kasa-kasama nila ang
kanilang kalabaw na si Inahin na siyang magsisilang sa bida natin.

Isang madaling araw, inatake sila ng malakas na ulan. Nagsisi-ungaan ang mga kalabaw dahil sa
lamig at ginaw na nararamdaman. Nagising si Ador at kanyang naalala ang alagang kalabaw sa
kural. Nang humina ang ulan ay dali dali siyang bumangon, kumuha ng kumot at nagpunta sa
kural upang bigyan na kumot ang buntis na kalabaw.

Sa kanyang pagpasok sa kural ay merong narinig na isang hindi kilalang unga. Bagamat maputik
na ang nilalakaran, tumungo pa rin siya papunta kay Inahin at laking gulat nang Makita ang
guya. Nanganak na pala si Inahin!

Tuwang tuwa ang Corbo na tila hindi na niya namamalayan na sumasayad na sa putikan ang
dalang kumot. Lumapit siya sa guya, himas himas ang ulo habang lumalapit at sumususo ito sa
Inahin.

Ayan, sumisikat na ang araw at nakabantay pa rin si Ador sa guying kapapanganak lang. aliw na
aliw yata. Hindi rin nagtagal ay pumanhik siya papasok ng bahay. Sigaw naman din siya agad sa
kanyang amang si Tata Pedro. Tuwang tuwa niyang ibinalita ang lahat.

(dialog)

Ninais ni Tata Pedro na Makita ang guya kung kayat nagyaya ito papuntang kural. Sa sobrang
pananabik nito ni Ador ay inihagis niya nalang sa isang sulok ang dalang kumot at nauna pa
siyang bumaba ng hagdan.

(dialog)

Nakita nilang ang guya ay lalaki at Corbo na ang binigay na pangalan dito. Medyo nadismaya si
Tata Pedro dahil babaeng guya ang gusto niya. Pero dahil andiyan na, wala na siyang magagawa.

Nang umagang iyon, walang ibang ginawa si Ador kundi ang bantayan si Corbo at himashimasin
ang ulo nito. Laking gulat niya ng Makita na ang lagkit na nararamdamn niya sa paghaplos ng
ulo ni Corbo ay dugo pala.

(dialog)

Takot na takot itong si Ador sa kanyang nakita.

Ilang taon din ang lumipas ay lumaki-laki narin si Corbo. Kasabayan ito ni Ador sa kanyang
paglaki. Maganda ang kalagayan ng kalabaw, masigla at matipuno. Walang ibang kinilalang
kalaro at barkada si Ador maliban lamang kay Corbo.

Nang binatilyo na si Ador, pinapakinabangan nila ang kalabaw sa kanilang pagsasaka at


pagdadala ng mga gulay. Nailalaban din nila ito sa mga karera tuwing kapistahan ni San Isidro.
Maganda rin ang tingin ng ibang magsasaka sa mag-among ito. Larawan daw kasi sila ng isang
nayon, kalooban ng isang bata at ng buong mundo.

(nakafreeze lang si Ador na nakasakay sa kalabaw)


Isang tanghali, itinali ni Ador si Corbo sa puno ng mangga at iniwan para matulog muna.
Tatlong bagito ang napadaan at nagulat ng Makita ang kalabaw. Napaurong sila, nang mayamot
ang isa sa mga ito ay tinira niya ng tirador si Corbo. Umunga ng malakas si Corbo nang
matamaan siya. Nagwala at nawala sa pagkakatali sa mangga. Hinabol ni Corbo ang mga bagito
at napalayo.

(magigising si Ador at hahanapin si Corbo)

Hinanap ng hinanap ni Ador si Corbo at talagang hindi niya Makita kahit saan pa siya magpunta.
Napagod ang binatilyo at napauwi na lang. sa pagod niya ay agad siyang nakatulog.

Sa gitna ng kanyang pagtulog ay may gumising sakanyang mahabang unga. Unga pala ni Corbo
iyon. Nagising si Ador at ipinasok na ang kalabaw sa kural. Hinimas himas niya ito sa ulo,
pinagmasdan at nakita niyang may nakabara sakanyang lalamunan. Kitang kita niya ang
pagkahirap sa paghinga ni Corbo.

(dialog nila Pedro at Ador)

Sa nakikita ni Tatang Pedro ay hindi na mabubuhay ang kalabaw ng matagal. Makalipas ang
tatlong araw, dumating ang tenyenteng pinatawag ni Tata. Kinilabutan si Ador sa pinaguusapang
kakarnihin si Corbo.

(dialog ni Pedro at ng tenyente)

Sisimulan na ang pagpatay gamit ang maso. Pinagpupupuk-pok ang ulo ni Corbo. Umunga ito
ng malakas, dahan dahan siyang nanlambot at tuluyan nang nalugmok. Nabasag ang bungo ni
Corbo, nangangatog habang dumadanak ang dugo sa ulo. Sumabay ang kalikasan sa
kalungkutan ng pagkawala ni Corbo. Nang yumao si Ador, yumayanig pa ang larangan, waring
ang dugo ng lagim ay patulo’y na isasaboy sa ulo ng mga kawal.

(ipapakita ang eksena na kinakatay si Corbo. Pag patay na, lahat nakafreeze lang na nakapaligid
kay Corbo)

You might also like