Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid niVergil.
Uri ng panitikan
Dalawang Uri ang Panitikan
1. Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan. 2. Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita ateditoryal.