You are on page 1of 1

TULFO, UMANI NG BATIKOS MATAPOS PWERSAHANG

PAGBITIWIN ANG ISANG GURO SA TRABAHO.

Hindi nagustuhan ng mga taong bayan ang naging pahayag ni Raffy Tulfo nang
kanyang puwersahang pagbitiwin sa trabaho ang inirereklamong guro na si
Melita Limjuco dahil sa umano'y pamamahiya nito sa isa sa kanyang mga
estudyante sa silid aralan na labis namang ikinagalit ng pamilya ng bata na
humantong sa pagrereklamo ng mga ito kay Tulfo.

"Para po hindi na humantong sa kahit ano ang kasong ito, pwede naman kayong
mag resign nalang sa trabaho niyo para hindi na kayo sampahan ng Child abuse"
ani ni Tulfo na labis na ikinagalit ng mga tao.

Ayon sa ilan, hindi makatwiran ang ginawang ito ni Tulfo sapagkat hindi siya ang
may hawak ng hustisya o May karapatan na magdesisyon para sa nasabing guro.
"Eh wala namang karapatan yang si Tulfo na pag-resign si Ma'am Limjuco dahil
don? Anyare na sa Pilipinas? Siya na ba ang bagong May hawak ng justice dito?"
Ani ng isang guro na katrabaho ni Limjuco.

Dahil sa nangyari ay labis itong ikinagalit ng mga guro at mga estudyante. Kaya't
sila ay humihingi ng tulong sa iba't ibang ahensya upang makasuhan ang
nasabing news reporter.

"Please, ihinto niyo na po ang pangbabash sa bata, sa parents, at sa akin, kahit


ano Pong gawin niyo ay hindi parin ako titigil sa pagpapahayag ng nararapat para
doon sa bata." Banat ni Tulfo sa kanyang mga bashers.

Nagsimula ito noong ireklamo ng magulang ng isang bata si Gng. Limjuco sa di


umano'y pagmamalupit nito sa bata at pamamahiya nito sa loob ng paaralan na
nagdulot umano ng depresyon sa bata ngunit wala silang matibay na ebidensya
laban sa nasabing insidente na labis namang ikinagalit ng taong bayan partikular
na ang mga guro.

You might also like