You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Kakayahan: Naitutukoy ang uri pangungusap ayon sa gamit

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga


sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).

____ 1. Aray, ang sakit!


____ 2. May kumagat ba sa iyo?
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan.
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
____ 11. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 12. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____ 13. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____ 14. Umaambon na po ba?
____ 15. Ay, mababasa ang mga sampay ko!
____ 16. Bilis, pumasok na tayo sa loob!

© 2015 Pia Noche samutsamot.com


Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit (Mga Sagot)


Kakayahan: Naitutukoy ang uri pangungusap ayon sa gamit

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga


sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).

PD 1. Aray, ang sakit!


____
PT
____ 2. May kumagat ba sa iyo?
PS
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
PU 4. Huwag kang tumayo riyan.
____
PK
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
PT
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
PS
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
PS
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
PD
____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
PU 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
____
PS 11. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____
PK 12. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____
PU 13. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____
PT 14. Umaambon na po ba?
____
PD 15. Ay, mababasa ang mga sampay ko!
____
PD 16. Bilis, pumasok na tayo sa loob!
____

© 2015 Pia Noche samutsamot.com

You might also like