akin ng ama ko’y itong ako’y paliluhin, agawan ng sinta’t panasa-nasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
104 “May para akong anak na
napanganyaya, Ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha, Hindi nakasalap kahit munting tuwa Sa masintang inang pagkadaka’y nawala!” 105 Napahinto rito’t narinig na muli Ang panambitan niyong natatali, Na ang wika’y-“Laurang aliw niring budhi, paalam ang abang kandong ng pighati!
106 “Lumagi ka nawa sa kaligayahan
sa harap ng di mo esposang katipan, at huwag mong satnin yaring kinaratnan, ng kasing nilimot at pinagliluhan . 107 “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, mahal ka ring lubha dini sa panimdim, at kung mangyayari, hanggang sa malibing ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”