You are on page 1of 4

Ang Pag-ibig ni Rosa

Ang panahon ng kabataan ang pinakamasarap sa parte ng buhay


ng isang tao. Dito mo mararanasan ang maraming bagay tulad ng
pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Panahon na mas makikilala mo
iyong sarili. Ang pagbibinata at pagdadalaga, at kung anu anong mga
bagay na ibig mong masubukan tulad ng pag-inom, ang pag-attend sa
JS Prom at pag - uwi ng dis oras ng gabi kasama ang iyong barkada. Si
Rosa ay kasalukuyang nag-aaral bilang isang “4th year high school”,
maganda si Rosa at iniidolo ng maraming kalalakihan. Kaklase niya si
Adrian mula nang sila ay nasa unang baitang pa lamang. Masyadong
malapit si Rosa kay Adrian. Sila ay matalik na magkaibigan. Kilala na
nila ang ugali ng bawat isa. Tampulan ng tuksuhan ng mga kaklase nila
sila parehas. Sa mga taong dumaan, nararamdaman ni Rosa na may
iba na siyang pakiramdam kay Adrian. Di pa niya lubusang
naiintindihan ang kahulugan ng pag-ibig. Si Adrian ay matipuno at
makisig, marami ang nagkakagusto sa kanyang mga kababaihan. At sa
mga taon pang lumipas mas lalong lumalim ang pag-ibig ni Rosa kay
Adrian. Di niya alam kung paano ito ipagtatapat kay Adrian.
Isang gabi nagkayayaan ang barkada, nalasing si Rosa. Inihatid
siya ni Adrian sa bahay nila. Dahil sa kalasingan at sa bigat ng
nararamdaman niya kay Adrian, di niya napigilang ipagtapat kay
Adrian ang kanyang nararamdaman. “Adrian, Mahal kita. Bakit ang
manhid mo?” wika ni Rosa. Di alam ni Adrian ang kanyang
mararamdaman dito..
Kinaumagahan pagpasok sa paaralan nagkakailanganan ang
dalawa. Ngunit sa mga araw na dumating nagkamabutihan din ang
dalawa at naging magkasintahan. Mas lalong sumaya ang buhay pag-
ibig ni Rosa.
Pag-unawa sa Binasa:
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1.Ayon sa teksto, anong panahon ang masasabing pinakamasarap na


bahagi ng
buhay?
A. panahon ng kabataan C. panahon ng katandaan
B. panahon ng pag-aasawa D. wala sa nabanggit

2. Ano ang nangyari kay Rosa kung kaya’t ito’y biglang nagtapat sa
kaibigan?
A. nalasing B. nabigla C. nawalan ng malay D. nawala sa
sarili

3. Ayon sa teksto ang mga gawaing ito ang nais masubukan ng


nagdadalaga at nagbibinata maliban sa ______.

A. panonood ng sine C. pag - attend sa JS Prom


B. pag-iinom D. pag-uwi ng dis-oras ng gabi
4. Sa huli, ano ang nagging relasyon ng magkaibigang Rosa at Adrian?
A. mag-asawa B. magkasintahan C. magkaibigan D. magkaaway

5. Alin sa mga katangian ni Adrian ang hindi binanggit sa teksto?


A. matipuno C. marami ang naiinis
B. makisig D. marami ang nagkakagusto
Ang Pinag-isa ng Diyos ay di-Maaaring Paghiwalayin
ng Tao.

Maaari nga kayang magkahiwalay ang dalawang


tao na itinakda ng Diyos na magkasama? Maaaring sa
mata ng tao ay oo, ngunit sa Dakilang Lumikha ay hindi,
sapagkat kasabay nito, panibagong tungkulin ang
kailangang tugunin, ang tungkulin ng magulang sa
kanilang anak. Ang anak na balang araw ay
magkakaroon ng mabigat na papel sa lipunang kanyang
ginagalawan. Kaya sa murang isipan pa lamang dapat na
mapangalagaan na ang kanilang kinabukasan, ang
kanilang pangangailangan, mula sa sapin sa paa, sa
pagkain, sa damit, sa edukasyon, at iba pa.
Tunay na dapat pangalagaan at paghandaan
ang kinabukasan ng anak upang hindi sila maging batik
ng lipunan. Manapa’y matibay na moog sa sandigan
tungo sa matatag na kabuhayan.
Pag-unawa sa Binasa:
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Sa pahayag na “Ang anak ay moog na sandigan tungo sa matatag na
kabuhayan,” mahihinuha na ang anak ay ________.
A. pag-asa ng bayan C. ugat ng kinabukasan
B. pagmumulan ng kabuhayan D. tatak ng kabuhayan

2. Ayon sa akda, ang mga magulang ay _______.


A. hindi maaaring magkahiwalay C. tinakdaang magkasama sa
buhay
B. biniyayaan ng Panginoon ng anak D. may tungkuling gagampanan sa
anak

3. Alin ang totoo ayon sa akda?


A. ang kinabukasan ng anak
B. ang mga anak ay may karapatan din
C. dakilang papel ang maging magulang
D. dapat sundin ang lahat ng kahilingan ng anak

4. Layunin ng akda na ______


A. magpaliwanag B. magsalaysay C. maglarawan D.
mangaral

5. Alin ang nangingibabaw na kaisipan sa akda?


A. sumunod sa anak C. tumupad sa tungkulin
B. manalig sa Diyos D. magplano sa kinabukasan

You might also like