You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

PANGALAN:________________________________________________________ PUNTOS:___________
Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
a. bansa b. teritoryo c. pangkat etniko d. pamayanan
2. Ang ________ ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
a. bansa b. teritoryo c. pangkat etniko d. pamayanan
3. Ang ________ ay isang grupo ng tao na naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
a. bansa b. teritoryo c. pangkat etniko d. pamayanan
4. Ang ________ ay isang samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpapanatili ng isang sibilisadong lipunan.
a. tao b. teritoryo c. pamahalaan d. pamayanan
5. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na namamamahala sa kanyang nasasakupan.
a. tao b. teritoryo c. pamahalaan d. pamayanan
6. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog-silangang Asya at nasa ________ hilagang latitude at _________ longhitud.
a. 5° - 21° , 117° - 127° c. 4° - 21° , 117° - 127°
b. 4° - 21° , 116° - 127° d. wala sa nabanggit
7. Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng ________.
a. tao b. lupa c. tubig d. hayop
8. Ito ay pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera,
temperatura at iba pang makakaapekto sa pamumuhay ng nilalang dito.
a. panahon b. klima c. mainit d. maulan
9. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran.
a. panahon b. klima c. mainit d. maulan
10. Ano ang tawag sa pagbabago ng klima na sanhi ng mga gawain ng tao na maaring makapagpabago
sa komposisyon ng atmospera?
a. hanging amihan b. hanging monsoon c. hanging habagat d. climate change
11. Ang paiba-ibang ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang lugar ay tinatawag na ________.
a. hanging amihan b. hanging monsoon c. hanging habagat d. climate change
12. Ang malamig na hangin buhat sa hilagang – silangan ay tinatawag na ________.
a. hanging amihan b. hanging monsoon c. hanging habagat d. climate change
13. Ang malamig na hangin buhat sa timog – kanluran ay tinatawag na ________.
a. hanging amihan b. hanging monsoon c. hanging habagat d. climate change
14. Anong uri ng klima ang may kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan?
a. Unang Uri b. Ikalawang Uri c. Ikatlong Uri d. Ikaapat na Uri
15. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao na nasa lalawigan ng kanlurang bahagi ng Cagayan
at silangang Palawan?
a. Unang Uri b. Ikalawang Uri c. Ikatlong Uri d. Ikaapat na Uri
16. Tumutubo sa lahat ng dako ng bansa ang ________.
a. palay b. tubo c. mani d. mais
17. Kinakailangan ng katamtamang dami ng ulan sa pagpapalaki ng ________.
a. palay b. tubo c. mani d. mais
18. Ang tinaguriang hari ng ibon sa bansa ay ________.
a. pigeon Luzon heart b. kalaw c. Philippine Eagle d. kalapati
19. Ang isa sa pinakamaliit na isda sa buong mundo na matatagpuan sa Pilipinas ay ________.
a. tilapia b. Pandaca pygmea c. bangus d. lapu-lapu
20. Ano ang sinasabing pinakamapanganib at pinakamalaki sa hanay ng buwaya sa bansa?
a. bangus b. tabios c. estuarine d. lapu-lapu
21. Alin ang bahaging tubig na nasa gawing hilga ng bansa?
a. Dagat Celebes c. Karagatang Pasipiko
b. Bashi Channel d. Dagat Kanlurang Pilipinas
22. Anyong tubig na nasa gawing silangan ng bansa.
a. Dagat Celebes c. Karagatang Pasipiko
b. Bashi Channel d. Dagat Kanlurang Pilipinas
23. Dagat sa gawing timog ng bansa.
a. Dagat Celebes c. Karagatang Pasipiko
b. Bashi Channel d. Dagat Kanlurang Pilipinas
24. Dagat sa gawing kanluran ng bansa.
a. Dagat Celebes c. Karagatang Pasipiko
b. Bashi Channel d. Dagat Kanlurang Pilipinas
25. Ang pinakamataas na bundok sa buong bansa ay ang ________.
a. Bundok Apo c. Bundok Caraballo
b. Bundok Sierra Madre d. Arayat
26. Ang pinakatanyag na burol sa bansa ay ang ________.
a. Burol sa Rizal c. Chocolate Hills
b. Batangas Hills d. Samar Hills
27. Ano ang pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig?
a. dagat b. look c. golpo d. karagatan
28. Alin sa mga anyong tubig ang daungan ng mga barkong pampasahero at pangkargamento?
a. dagat b. look c. golpo d. karagatan
29. Ang mga metal tulad ng ginto, bakal at tanso ay mauuri sa yamang ________.
a. yamang mineral b. yamang lupa c. yamang tubig d. yamang tao
30. Ang mga palay, sari-saring prutas at mga hayop ay mauuri na ________.
a. yamang mineral b. yamang lupa c. yamang tubig d. yamang tao
31. Ang pook pasyalan sa Mindanao na makikita sa lungsod ng Iligan sa Lanao Del Norte ay ________.
a. Bulkang Mayon b. Bundok Apo c. Talon ng Maria Cristina d. Bulkang Taal
32. Ano ang pook pasyalan sa Luzon na makikita sa lalawigan ng Alaminos Pangasinan?
a. Governor’s Island c. Quezon Island
b. Hundred Island d. Children’s Island
33. Ang ________ ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar.
a. mabundok b. maburol c. topograpiya d. heograpiya
34. Anong lalawigan sa Rehiyong Ilocos ang may malawak na kapatagan?
a. Pangasinan b. Cagayan c. Tarlac d. Vigan
35. Aling rehiyon ang may pinakamaraming naninirahan?
a. CALABARZON b. Gitnang Luzon c. CAR d. NCR
36. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?
a. CALABARZON b. Gitnang Luzon c. CAR d. NCR
37. Tumutukoy sa lugar o bahagi ng mundo kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung
saan nagaganap ang madalas na mga paglindol.
a. Pacific Ring of Fire b. PAGASA c. PHILVOLCS d. Philippine Ring of Fire
38. Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa pagkilos ng bulkan.
a. Pacific Ring of Fire b. PAGASA c. PHILVOLCS d. Philippine Ring of Fire
39. Saan makikita ang pinong-pino at maputing buhangin na dalampisigan na dinarayo ng mga turista?
a. Lingayen Beach b. Binmaley Beach c. Boracay Beach d. La Union Beach
40. Ito ay may mahabang ilog sa ilalim ng yungib na may mga batong mineral.
a. Puerto Princesa Subteranean River c. Boracay Beach
b. Binmaley Beach d. La Union Beach
ANSWER KEY

1 A
2 B
3 A
4 C
5 D
6 B
7 C
8 B
9 A
10 D
11 B
12 A
13 C
14 A
15 C
16 A
17 B
18 C
19 B
20 C
21 B
22 C
23 A
24 D
25 A
26 C
27 D
28 B
29 A
30 B
31 C
32 B
33 C
34 A
35 A
36 C
37 A
38 C
39 C
40 A

You might also like