You are on page 1of 2

Ang panitikan naman ng Persia, o Iran sa kasalukuyan ay may impluwensiya ng literatura ng

Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Central Asia. Ang istilo at kultura ng literatura ng
dalawang bansa ay nakapag ambag ng malaking pagbabago sa panitikan sa pamamagitan ng
paglalahad ng kanilang paniniwalang Sufism. Ito ay naging daan para mapagyaman ang panitikan
sa larangan ng pilosopiya at paniniwala.

Nagpagawa nang isang mahabang kalsada na nagdugtong sa mga lungsod ng Persia mula Susa
hanggang Ephesus sa Asia minor na umabot sa 2,400.Ang persia ay gumamit ng pilak at gintong
barya sa pakikipaglaban.

Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong
Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E
– 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor
(Turkey)

Ang pinaka laganap na relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Persyano ay ang Zoroastrianismo.


Tinatawag ring Mazdaismo at Magianismo ay isang relihiyong batay sa mga katuruan ng
propetang si Zoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay dating isa sa
pinakamalaking mga relihiyon.

Ang mga tao ay laging binabanggit kasama ng mga Medo, kapuwa sa Bibliya at sa sekular na
kasaysayan. Maliwanag na ang mga Medo at mga Persiano ay magkamag-anak na mga bayan ng
sinaunang mga tribong Aryano (Indo-Iraniano), at samakatuwid, ang mga Persiano ay mga inapo
ni Japet, marahil sa pamamagitan ni Madai, na ninuno rin ng mga Medo. (Gen 10:2) Sa isang
inskripsiyon, tinatawag ni Dariong Dakila ang kaniyang sarili na “isang Persiano, anak ng isang
Persiano, isang Aryano, mula sa binhing Aryano.”

Isa ito sa magandang makikita mo sa Persia ang Chabahar Port. Ito ay isang seaport sa Oman
sea sa timog silangang bahagi ng Iran, kung saan ang coastal area ng Oman sea. Ang panahon
ng taglamig ay ang pinakamainam sa water sports at pag aaliw.

Ibang-iba ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga Persiyano. Nakakaloko mang isipin ngunit
mayroong mga pinaniniwalaang mitolohiya itong mga Persiyano. Mayroon itong mga Persian
Folklore at storya, kung saan ito at kinapapalooban ng mga hindi pangkaraniwang tao. Kung
tutuusin, hindi talaga ito kapanipaniwala. Ang aking magiting na kaibigan, si Frederiko, ay
naghanap ng mga sagot patungkol sa mga misteryosong paniniwala na ito. Nagkaroon man kami
nang mga ideya ngunit walang sinuman ang nagkwento tungkol rito. "Di nga?", iyon na din
lamang ang nasasabi ng aking mga kaibigan noong ikunukwento ko ang tungkol sa mitolohiya
nina Taurvi at Zairicha. Ngunit hanga padin ako rito sa paniniwala ng mga Persiyano pagkat ito ay
kakaiba at iyon ang bumubuo ng kanilang bansa ngayon.

You might also like