You are on page 1of 1

El FiliBusterisMo (buod ng Kabanata 14 Ang bahay ng Mga Mag-aaral)

Ang bahay ng mga estudyanteng pagmamay-ari ni Makaraig ay malaki, maluwang at


may dalawang palapag na entresuwelong may mga eleganteng rehas. Magulo ang
paligid dahil sa mga nangangasera. May mga nagbabaraha, nag-aaral ng kanilang
aralin sa kanilang silid, nagkwekwentuhan at nagtutugtugan sa balkon at nagtatalo-talo
habang ang iba’y parang mga batang naglalaro. Iba-iba ang kanilang edad ayt pag-
uugali.

Sa ibaba ng hagdan ay naroon ang isang intsik. Nagtitinda siya ng kakanin sa


mga estudyante.

Madalas lokohin at biruin ng mga pilyong estudyante ang kawawangh intsik na


maninsang umiiyak at nagmamakaawa mabili lang ang kanyang paninda.

Iba’t-ibang klase rin ang ugali ng mga mag-aaral. May sobrang palaaral, may
bulakbol, may maramdamin, may mainitin ang ulo at ang iba naman ay hindi na
matapos-tapos ang kaharutan sa iba pang kapwa mag-aaral.

Nabawasan lang ang kaguluhan ngng dumating ang mga kagrupo ni Makaraig
na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez. Makikisig ang mga estudyanteng ito at
disente kung manumit. Nag-usap ang mga ito habang hinihintay ang pagdating ni
Makaraig para tyalakayin nila ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila.

Malaki ang sampalataya nina Isagani at Sandoval na pinagbigyan lang ang kanilang
kahilingan. Tiyak na raw ang kanilang karangalan sa ginagawa para sa kapwa mag-
aaral. Samantala, si Juanito Pelaez ay hindi napigilan ang pagkahambog sapagkat siya
raw ang bumuo ng panukalang ito para sa pangkat.

Nagkaroon pa ng mainitang usapin sa pagitan ng mga ginoo kung anu-anung


kaalaman ang binahagi nila sa isa’t-isa at isa sa aydeyang naisip nila ay ang kunin si
Ginoong Pasta para maging abogado nila.

SI ISAGANI ANG NAGPRISINTANG PUPUNTA KAY GINOONG PASTA SAPAGKAT ANG ABOGADO AY
NAGING KAKLASE AT KAIBIGAN NG KANYANG TIYUHING SI PADRE FLORENTINO. BUKOD DOON AY
PILIPINO ITO KAYA ’T NAKATITIYAK NA SILA NA PAPANIG ITO SA KANILA.

You might also like