You are on page 1of 3

HARD

Sinampal ko muna bago inalok.


Sagot: Sampalok
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.
Sagot: Karayom
Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
Sagot: Yelo
Dalawang magkaibigan, habulan nang habulan.
Sagot: Paa
Pag-aari mo, dala-dala mo, datapuwa't madalas gamitin ng iba kaysa iyo.
Sagot: Pangalan
Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan; matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitan.
Sagot: Gunting
Heto, heto na, di mo nakikita.
Sagot: Hangin
Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
Sagot: Alon
Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
Sagot: Makahiya
EASY
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
Dalawang bolang itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mata
Hindi tao hindi hayop, ngunit lumuluha.
Sagot: Kandila
Ayan na si kaka, bubuka bukaka
Sagot: Palaka
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan
Sagot: Yoyo
Dugtong-dugtong, magkakarugtong, tanikalang umuugong.
Sagot: Tren
Kadena'y isinabit, sa batok nakakawit.
Sagot: Kuwintas
Ginto sa kalangitan, Di matitigtitigan
Sagot: Araw
Bahay ng Salita, Imbakan ng Diwa
Sagot: Aklat
Heto na si lulong, Bubulong bulong.
Sagot: Bubuyog
Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso.
Sagot: Matsing
Maitim na parang alkitran, Pumuputi kahit hindi labhan.
Sagot: Buhok
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat

You might also like