You are on page 1of 2

Tamad ba talaga ang mga Pilipino? (Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino ni Dr.

Jose Riza;)

Ayon sa pananaw ni Rizal sa kanyang akda na La Indolencia de los Filipinos o mas kilala sa pahayag
na “Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino”, inamin nga ni Rizal ang pagkakaroon ng katamaran ng
kaniyang mga kababayan. Nagbigay siya ng matuwid na rason kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi
ngang tamad. Isa sa mga pangunahing sanhi ng katamaran ay ang mainit na singaw ng lupa. Sinasabi niya na
ang init ay nag-uudyok sa mga tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ng lamig na pinapakilos ang mga
tao.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino ay dahil sa mga maling katuruan ng mga
prayle. Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang
mga inaapi ay pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit.

Ang kawalan din ng edukasyon at maling sistema ng pamamahala ay nag-uudyok sa mga Pilipino na
manatili na lamang na mga tamad sa kadahilanang hindi naman sila aangat sa buhay dahil kamangmangan
pagdating sa pakikinegosyo, kakulangan sa pangunahing pangangailangan at ang kawalan ng katarungan sa
ating sistema

Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nawawala/nauubos ang mga Pilipino?

Maraming kadahilanan kung bakit nawawala/nauubos ang mga Pilipino hindi lang sa usapang tauhan
ngunit ang paghina narin ng mga Pilipino pagdating sa kultural at ekonomiya. Ang labis na pandirigma at
pananakop na nagdulot ng gulo sa mga komunidad ay isa sa mga dahilan kung bakit nawawala ang mga
Pilipino. Dahil sa kaguluhan na naidudulot ng digmaan at mga kaguluhang panloob, nagkaroon ng mga
pagbabaka, mga patay, mga pagsuko at pagbitay.

Maraming mga Pilipino and dinala sa ibang bansa upang makipagdigma para sa espanya, ayon kay
Gaspar de San Agustin, tinukoy niya isang bayan na puno ng maraming tao dati ngunit dahil sa kahusayan
ng mga mamayan sa bayan na ito pagdating sa pagiging mandaragat, ang Alkalde-Mayor ng Ilo-Ilo
kumukuha sa bayang ito ng pinakamaraming tayo upang ipadala sa labas.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit nauubos ang mga Pilipino ay ang pagsalakay ng mga tulisang-dagat
at kawalang bahala ng mga kastila sa nasasakupan nito. Hinahayaan lamang ng mga kastilang namumuno sa
kanilang sinasakupan ang mga tulisan na sumalakay sa mga bayan na ito upang una ay sila ang unang
takbuhan ng mga Pilipino laban sa mga tulisan at ang pangalawa ay mawalan ng mga armas ang
nasasakupan niya.

Dahil din sa sapilitang paggawa, karamihan ay napunta sa paggawa ng galyon at ang mga natirang
katutubo ay naabuso sa kabundukan. Isa sa mga stratehiya ng mga kastila noon ay ang sapilitang paggawa at
pagpapaalis sa mga sariling pamamahay upang maangkin ang mga lupain na nasasakupan nila lalo na’t para
sa ikabubuti ito ng kanilang pangangalakal

Iba’t ibang anyo ng karahasan ay nagdulot din sa pagkamatay, kawalan ng dangal at pagtago o
pamumundok ng mga Pilipino upang maiwasan lamang ang ganitong karahasan
Ano ang mga nagpalubha/nagpalala ng katamaran ng mga Pilipino?

Ang mga Pilipino noon ay likas na masisipag, matiyaga at malalakas pagdating sa paggawa at
pagtulong ngunit dahil sa mga problemang kinaharap ng ating mga mamayang Pilipino sa pagdating ng mga
espanyol, mas humirap ang kalagayan nila sa iba’t ibang gawain. Ang dalawang pinaka sanhi sa katamaran
ng mga Pilipino ay ang kasamaan ng pagtuturo ng mga prayle pagdating sa doktrina ng Kristiyanismo at ang
kawalan ng damdaming pambansa sa bawat mamayang Pilipino. Nawala ang pagkakaisa sa ating mga
kapwa na nagdulot ng mabagal na pagtapos ng mga gawain at ang katamaran na nararanasan nila noon.

Maraming mga bagay ang nagpalubha sa katamaran ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagbabawal sa
mga Pilipino na mangalakal. Ayaw ng mga espanyol na matuto ang ating mga kababayan pagdating sa
negosyo at pangangalakal kaya’t sila’y pinagbawalan.

Ang mataas na buwis na ipinapataw sa mga manggagawa at magsasaka ay nagsilbing isang mabigat
na pasanin sa kanila sapagkat ang mga ani nila’y hindi na kumikita at hindi na sapat ang mga pangunahing
pangagailangan nila para sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Isa rin sa mga dahilan ay ang mabagal na pagproseso ng mga pangasiwaan at korporasyon na
nababalot dito. Ang mga Pilipino rin ay nagkaroon ng pagkawala ng identidad at nagkaroon ng kaisipan na
kapares ng mga mananakop.

Ang maling turo ng mga prayle noon ay nag-udyok sa mga Pilipino na wag na magtrabaho. Ang sabi
ng mga prayle ay hindi pupunta sa langit ang mga mayayaman at mga maralita lamang ang makakapunta sa
langit. Nagbigay ito ng maling kaisipan sa mga Pilipino na huwag nalang magtrabaho kung ang yayaman ay
hindi naman aangat sa langit kaya’t mananatili nalang silang mahirap upang makaangat sila sa langit.

Ang huli ay ang sugal at baraha na ipinalaganap ng mga kastila sa mga indiyong nasasakupan nila.
Ang sugal ay binibigyan luwag ng gobyerno at hinahayaan lamang ito. Ang mga Pilipino at umaasa nalang
sa mabilisang pera na kayang mapanalunan sa sugal kaya’t dito sila umaasa na yumaman nalang.

You might also like