You are on page 1of 111

StoryDownloader

Bastard: Joss Deogracia

ISLA DEOGRACIA
Joss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
EPILOGUE

Page 1 / 110
StoryDownloader

ISLA DEOGRACIA
Isla Deogracia series presents..
"JOSS DEOGRACIA"
Bastard No. 3
"Don Crassus Manuel Deogracia is looking for his sixteen unknown sons from
different women. They are his heirs. They will inherit millions, plus this
paradise. The whole island are now theirs... if they will just reveal themselves."
(video trailer available at the upper part of screen)
Original by JamilleFumah. All Rights Reserved 2015
No part of this book may be reproduced in any form or by any means without
the author's consent. Please obtain permission. Names, characters, places and
incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any
resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely
coincidental.
FB Page: JFstories
FB Group: JFam Society
Twitter: @JFstories

Page 2 / 110
StoryDownloader

Joss
PROLOGUE

"'Tangina naman!"

Napalingon ako sa lalaking palapit sa akin.

"Putanginang buhay talaga 'pag sinu-suwerte ka nga naman, Diosdado! Dream


come true ka! Shet!"
Huminto siya sa harapan ko while smiling like an idiot.
"Amera! Idol na idol kita. Lalo iyong FHM na ikaw ang cover, anak ng tokwa!
Ang sexy mo ron!"

Kumunot ang noo ko. He didn't look familiar. Hindi rin pangkaraniwan ang
mukhang taglay ng lalaki.

"Do I know you?" I asked. Tiningala ko siya dahil higit siyang mas matangkad
kesa sakin.

"Ang ganda mo talaga!" Ni hindi niya man lang pinansin ang tanong ko.

Although the guy seemed weird ay hindi ako natatakot sa kanya. May kung
anong pumipigil sa akin na manakbo palayo.

Page 3 / 110
StoryDownloader

Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi mukhang kidnapper o ano pa
man, although looks can be deceiving most of the times.
Gumala pa ang paningin ko sa kabuuhan niya.

He had nice pair of eyes. They are so deep yet playful. His nose was pointed.
And there was so sexy about a few hair strands of his hair that were hanging
down his perfectly sculpted hard-angled face.

Pumalatak siya ng mapansin ang pagmamasid ko sa kanya.

"Ano? Ang guwapo ba?! Approved? Bagay na bagay talaga tayo walang duda!"

My mouth fell open.

Itinuro niya ako. "Maganda ka, sikat 'tapos mayaman. Ako naman guwapo,
macho 'tapos mayaman na rin. Bagay na bagay na talaga! Pa-shake hands
naman diyan!"

Napatitig ako sa palad niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi ko iyon


tinanggap.

"Hindi kita kilala. Please, just leave me alone." Umiling ako at umatras.

Ngayon na ako nakaramdam ng takot. Baliw yata ang isang 'to.

Page 4 / 110
StoryDownloader

Ngumisi siya. "Ang taray mo pala! Sabi na nga ba at hindi totoo ang chismax
na easy-to-get ka! Shet! Mas naging hot ka! Mas nai-in love tuloy ako!"

Tumawa pa ang lalaki. Parang may sapi.

"What?!" God! Is he for real?

"Ngayong bagay na tayo, asahan mo, hinding-hindi kita tatantanan."

Hindi ako nakapagsalita sa kabiglaan sa sinabi niya. At mas lalo pa akong


nabigla ng kuhanin niya ang kamay ko at dalahin sa kanyang mga labi.

He kissed the back of my palm without warning. Nakangisi pa rin siya ng


tumingin sa akin.

"By the way, I'm Joss. Joss Deogracia. Ako nga pala ang magiging forever
mo!"

Page 5 / 110
StoryDownloader

Chapter 1
Chapter 1
HALOS malaglag ang panga ko sa sinabi ng guwapong lalaki sa harapan ko.
Oo, guwapo siya at kamukha ko siya.
Michael Angelo Deogracia, iyon ang pangalan niya.
Deogracia... hmn, tunog pa lang, pang mayaman na. At kapag naayos na ang
mga papel ko ay magiging apelyido ko na rin iyon.
Mag-a-amoy mayaman na rin ako katulad niya.
Medyo mestisuhin siya, kasi nga laging nakakulong sa airconed na kuwarto
samantalang ako ay luto sa araw. Moreno ako, lalaking-lalaki kaya masasabi
kong mas guwapo ako kesa sa kanya.
"Diosdado Deogracia, let's go now. Our other brothers are waiting for us."
Gusto ko pa sanang pagsawain ang mga mata ko sa kagandahan ng
kinaroroonan naming isla kaya lang mukhang di na makakapaghintay ang mga
kapatid naming sinasabi niya.
Siguro hindi sila makatulog sa excitement na makikita na nila ako, isa sa mga
kapatid nila.
Pumasok kami sa isang kuwartong puro lalaki. Siguro nasa sampu ang lahat ng
nasa kuwartong iyon. Lahat sila guwapo, pero mas guwapo pa rin ako.
Lahat sila mukhang lampa, walang-wala sa packs ko. Siguro nga may abs din
sila, pero mas matigas ang sa akin. Pinigil ko na 'wag mapangisi.
Iyong abs nila, malamang gawa ng gym. Eh, iyong sakin? Gawa ng hirap ng
buhay. Kaya mas yummy ang history ng pandesal ko kesa sa kanilang lahat
dito.
Tinawag ulit ang pangalan ko ng nagpakilalang Michael Angelo Deogracia.
Siya ang pinaka-matanda sa lahat sa amin. Siya iyong nagdala sa akin dito.
Ipinakilala niya ako sa sampung nasa kuwarto. Iyong mga lalaki naman,
tumingin lang sa akin. Mukhang mali ang hula ko na gusto nila akong makilala.
Para kasing nanunuri ang mga tingin nila sa akin, kung di ko sila kapatid ay
iisipin kong pinagnanasahan nila ako. Iyong tingin kasi nila, parang hinuhubo
iyong brief ko pababa.
Sinenyasan ako na kamayan daw silang lahat, pero hindi ko ginawa. Hindi sa
natatakot ako at naiilang sa kanila, kundi naisip ko lang na baka marumi ang
kamay nila. Kakatapos ko lang kasing maghugas ng kamay gamit ang
mamahaling sabon ni Ayeza Deogracia, ang asawa ni Michael Angelo. Galing
daw sa France iyong sabon niya kaya nanghihinayang ako.
Tinanguan ko na lang sila. Iilan lang ang ngumiti sa akin, karamihan parang
hindi natutuwang sa wakas ay nakita na ang isa pa nilang guwapo at machong
kapatid.

Page 6 / 110
StoryDownloader

Crab mentality nga naman! Tsk.


Anyway, dalawa sa kanila iyong mukhang mabait, iyong Hades at Martin
Luther.
Medyo mailap nga lang iyong Hades pero nakikita kong magkakasundo kami,
lalo pa't sa silid na iyon ay kami lang pala ang nagmula sa mahirap na pamilya.
Poorito rin siya pero guwapo, iyon nga lang mas guwapo ako.
Si Martin Luther ay mukhang makakasundo ko rin. Attorney pala ito, medyo
bigatin. Guwapo na mukha pang matalino, pero mas guwapo pa rin ako.
Maasikaso siya sa aming lahat, wala siyang ere hindi kagaya nung Falcon na
akala mo kung sino. Tangina, mukha talagang mayabang ang gago.
Ah, wala akong pakialam. Ang ayaw sa akin, ayaw ko rin.
Sabi pala ni kuya Michael Angelo, kulang pa raw kami. Labing anim daw kasi
ang ipinapahanap na kapatid niya sa labas. Sa madaling sabi, itong si Michael
Angelo ay legal na anak. At kami ngang labing-anim na pinaghaha-hanap ang
mga bastardo.
Kami ang bida. Kaming sixteen bastards, hindi kasali ang dalawa pang bastardo
at bastarda ng tatay namin dahil may bukod silang kuwento. Bale, solo namin
ang Isla Deogracia.
Ang ibig kong sabihin ay hati-hati kami sa mala-paraisong isla na 'to. Sabagay,
masyadong malaki itong isla para sa aming labing-anim.
Shet lang. Noon kasi ay pangarap ko lang na makarating sa Boracay pero wala
akong pamasahe. Akalain mo nga namang may sarili pala kaming isla? At di
lang iyon, mas maganda pa ng ilang ulit itong isla namin sa mga resort sa
Palawan!
Napangisi ako. Nilingon ko si Hades na tahimik na nakatungo.
"'Tol."
Umangat ang mukha niya at nagtatanong na tumingin sa akin.
"Mamaya mag-swimming tayo, ha? Naka-trunks lang para lapitan tayo ng mga
girls." Bulong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Saka may plano ka na ba sa mamanahin mo? Ako kasi meron na!"
Lalong kumunot ang noo ni Hades.
"Punta tayong Amerika! Treat ko!"
"Ha?"
Nakangising tinampal ko siya. "Oy, 'wag kang plastic. Alam kong excited ka!
Ako rin e, hindi pa ako nakakakita ng snow."
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 7 / 110
StoryDownloader

Chapter 2
Chapter 2
PINAGITNAAN ako ng dalawa kong kuya. Si Hades at Martin Luther.
"Wala ka bang ibang plano sa buhay? Iyong may kahulugan naman?"
"Kagaya ng?" Tumaas ang kilay ko kay ML. Masyado kasing mahaba ang
Martin Luther.
Medyo na-miss ko siya, kasi matagal siyang nawala matapos niyang
ma-engaged. Hindi pa namin nami-meet iyong mapapangasawa niya, ang
sabi-sabi kasi ay may sapi raw iyon. Nananaksak. Kaya nga na-ospital si ML
nong makalawa, sinaksak kasi ng tinidor sa braso.
"Mag-pi-pitong taon ka na rito sa isla." Tumabi siya sa akin kasunod si Hades.
"I love this place!" Wika ko.
Ang ganda kaya rito sa Isla Deogracia, ito ang paraiso sa lupa. Maganda ang
tanawin at magaganda at mga sexy ang nakatanaw sa tanawin na madalas ay
tinatanaw ko rin.
"Akala ko ba mas type mo sa Amerika?" Saad ni Hades.
Tiningnan ko siya. "Hindi kaya ng balat ko ang lamig. Saka Pinoy ako, sa
puso't diwa. Dito sa Pinas ang bayan ko."
"Very well said." Tumawa si ML, na bihirang mangyari. Para kasing laging
pasan niya ang mundo. Mag-asawa ka ba naman ng may sapi, eh.
"Hey, Joss. Sasabay ako kay Martin mamaya. Babalik ako sa Maynila sa
Huwebes, would you like to come with us?"
Come with them? Parang ang baboy yata non, ah? Napangiwi ako.
"Of course I'd like to cum!" Sabi ko. "Pero hindi ba awkward na kasama at
sabay-sabay tayo?"
Bumunghalit ng tawa si Hades samantalang nagsalubong naman ang mga kilay
ni Martin Luther.
"Come!" Sigaw niya sa akin. Namumula ang buong mukha niya.
Si Hades naman ay biglang sumeryoso, nakakahawa kasi ang pagka-kill joy ni
Martin Luther.
Tumawa ako. "'To si kuya di na mabiro. 'Wag kasing tigang."
"Diosdado!" Lalong sumimangot ang mukha ng lalaki.
Sumimangot din ako. "Ew, just call me Joss."
"Aalis na ang tutor mo sa makalawa." Pag-iiba ni Hades. "Wala ka na bang
kailangan?"
"Hindi ko naman kailangan ng tutor, nakaka-intindi na ako ng English plus
magaling ako sa Math. Saka iyong mga kilos pang-mayaman, yakang-yaka ko
na iyon." Tumulis ang nguso ko.
Umiling-iling si ML. "Joss, hindi isang safe zone itong isla, lalabas at lalabas

Page 8 / 110
StoryDownloader

ka pa rin dito. Magtatayo ka rin ng sarili mong negosyo balang araw. Kailangan
mo pa ang tutor mo para mas marami ka pang matutunan lalo na sa iba pang
bagay tungkol sa corporate world. Pati sa pag-attend sa mga corporate parties
na madalas nangyayari rito sa isla."
"Hindi ko kailangang non." Tumayo ako at namulsa. "Mabubuhay ako nang
masagana na hindi mauubos ang perang minana ko. Isa pa, I am big help here
in Isla Deogracia."
"Anong klaseng help naman 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hades.
Ngumisi ako at tiningnan ang apat na babaeng mga naka-bikini. Dumaan ito sa
harapan ng open cottage na kinaroroonan naming magkakapatid.
Kumindat ako sa kanila at naghagikhikan ang mga ito. Kumaway pa ang isa sa
kanila na parang foreigner ang itsura.
Sumunod naman ng tingin sina Hades sa tinitingnan ko.
"See those babes? Kaya sila bumabalik-balik dito dahil
sa akin."
"You're unbelievable." Paungol na reklamo ni ML.
Ngumisi lang ako at saka bumaba na. "See you around, brothers!"
Naiwan sina Martin Luther at Hades sa open cottage.
"I can't wait na tumino ang isang iyan."
"Yeah, matindi pa siya kay Falcon." Sabi ni Hades saka sumandal sa upuang
rattan.
"Right man."
...

AMERA
AMERA's watch of never-ending love.
I smiled bitterly as I look at the big billboard in front of me.
Amera's watch. It was a gold elite watch. Sinadyang ipinangalan sa akin.
It was my last endorsement this year.
Unti-unting nawala ang mga nag-aalok sa akin ng guestings at endorsements.
Kung may natira man ay mga talk shows na lang o press con na pinipilit akong
magsalita para sa huli ay husgahan din ng taong bayan. At iilang nabinbing
mga projects.
Heck, I'm effing tired of showbiz and paparazzis.
"Ms. Amera?"
Bumaling ako sa payat na lalaking naghihintay sa akin. It was Mang Jude, my
personal driver.
"Alright." I smiled at him. I took a last quick glance at the billboard before I
turn my back at it.
Inalalayan ako ni Mang Jude pasakay sa itim kong SUV.

Page 9 / 110
StoryDownloader

"Let's go now." Saad ko sa kanya ng makalulan na rin ito sa driver's seat.


"Diretso na po sa airpot, Ms. Amera?"
"Yeah."
I need this vacation so badly. Kung hindi ngayon ay baka hindi ko na kayanin
at mamatay na lang ako sa suffocation.
Masyado na akong stressed sa mga nangyayari, at wala ako sa mood na
humarap sa mga press para magpaliwanag. Ayaw kong magsinungaling sa mga
tao kaya hahayaan ko na lang sila na husgahan ako, after all ay totoo naman
ang kumakalat na sex video scandal ko.
Wala akong dapat itanggi. Sawa na ako sa pagma-malinis.
The only thing I want now is to escape the reality. People can call it cowardice
but I really don't care.
Isang lugar lang ang naiisip kong magiging perpekto sa plano kong tahimik na
pamamahinga.
Isang lugar na may maganda at nakakapayapa ng loob na tanawin. Isang
paraiso.
Isang kanlungan.
At doon ngayon ang punta ko. Hoping to find peace in that lovely place...
sa Isla Deogracia.
JAMILLEFUMAH

Page 10 / 110
StoryDownloader

Chapter 3
Chapter 3
IBINATO ko ang remote sa sofa.
Anong klaseng balita iyon? Hindi naman yata totoo iyon. Buntis? Hindi. Hindi
ko pa siya binubuntis! Masyadong atat naman ang media. Kaurat!
"Anong problema mo, Potpot?"
Umungol ang golden retriever na bigay sa akin ni Martin Luther. Apat na
buwan na sa akin si Potpot. Ang pangalan daw talaga nito ay Potter, pero mas
type ko ang Potpot lalo na at madalas niya akong paglinisin ng dumi niya.
Inirapan ko ang aso. "Wag mo akong tinitingnan ng ganyan, badtrip ako!"
"Kayo na nga lang ang magkasama niyang aso mo, inaaway mo pa."
Napalingon ako sa nagsalita.
Lumabas ang isang sexy at nakangising babae mula sa kuwarto ko. Nakasuot
siya ng itim na hapit na bestida at nakalugay ang mahaba at alon-along buhok.
"Bakit ba badtrip ka?" Kumekendeng siyang lumapit sa akin. Tumingin siya sa
TV. "Oh, ba't pinatay mo iyong T.V?"
"Umalis ka muna, may gagawin ako." Iwas ko.
"Pero, honey..."
"Narinig mo ba ako? Sabi ko umalis ka, 'di ba?" Inis ko siyang nilayuan.
"Okay... but, babalik ako mamaya..."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Mami-miss kasi kita, honey..."
"'Wag ka ng babalik."
"Honey?" Lumabi siya. "Ikaw, binibiro mo na naman ako. Sige ka, baka
seryosohin ko iyan!"
Hindi ko siya pinansin pero lalo siyang yumapos sa akin. Gumapang ang isang
kamay niya hanggang sa pagitan ng mga hita ko.
"Mami-miss ako nito... hmn..." inamoy-amoy niya ang leeg ko.
"Ano ba? Bingi ka ba?" Hinawakan ko siya sa braso saka patulak na inilayo sa
katawan ko. "Kailangan ba uulitin ko lahat ng sinasabi ko para maintindihan
mo?!"
"Why are you so mad ba?"
"Nasan ba ang utak mo, ha? Napunta lahat sa dede mo?"
"Honey!" Nanlaki ang mga mata ni Guada.
Nagtagis ang mga ngipin ko sa asar.
"Ba't ka ba nagkakaganyan? You're so lambing naman kanina, sabi mo pa nga
you love my body!"
"Your body not you!" Asik ko.
"Joss!"

Page 11 / 110
StoryDownloader

Binitiwan ko siya. Nahilot ko ang sentido ko.


"Ano bang problema mo? Napanood mo lang yung showbiz report tungkol don
sa pokpokitang Amera na iyon nagkaganyan ka na?! Why are you wasting your
emotions at that bitch?! She's not that pretty at di hamak namang mas malaki
ang boobs ko sa kanya."
"Anong sabi mo?" Nagpanting ang tainga.
Hinila ko sa balikat si Guada saka ko siya inalog.
"Putangina! Anong sabi mo?!"
"You're hurting me!" Napangiwi siya.
"Talagang masasaktan ka!"
"Ano bang problema mo?! Bitiwan mo ako!"
Pakaladkad ko siyang hinila patungo sa pinto palabas ng suite ko. Binuksan ko
ang lock saka ko siya itinulak.
"Labas!"
"Joss!"
"'Wag ka ng babalik dito kung ayaw mong tapyasin ko iyang dede mo!"
Binagsakan ko siya ng pinto.
"Tanginang babaeng iyon."
Tinadyakan ko ang sandals niyang naiwan. Hindi ko na pinansin ang
kaka-doorbell ni Guada, bahala siya mapagod. At bahala siyang bumalik sa
suite niya nang nakapaa.
"At ikaw, Potpot? Bakit ang lagkit ng titig mo sa TV kanina?"
Umungol lang ulit ang aso at saka maamong tumungo. Huling-huli ko kanina
eh, ang lakit ng titig sa picture ni Amera sa TV. Lokong asong 'to ah,
manyakis!
"Gusto mong katayin kita?!"
Doon na ito tumayo saka sumuksok sa ilalim ng sofa.
Saka ko naalala, babae nga pala ang golden retriever na 'to. Shet.

..
AMERA
INAYOS ko ang suot kong malaking summer hat. Maiksi na rin ang buhok ko
na halos nagpabago sa image ko, wala na sigurong makakakilala sa akin nito.
"Ano bang pumasok sa utak mo at lumayas ka?"
"I'm tired, Mindy." Kausap ko sa manager ko. Lumabas ako ng hotel saka
naglakad patungo sa pinakamalaking resto sa isla.
"Nasaan ka? Tell me! Pupuntahan kita."
"No. Gusto ko muna sanang mapag-isa."
"Mapag-isa?! Are you out of your mind? Kapag ipinagpatuloy mo 'to ay
talagang mag-iisa ka na sa buhay mo! Mawawalan ka ng career!"

Page 12 / 110
StoryDownloader

"I don't care." Tinatamad na sagot ko. Mas okay nga iyon, makalimutan na ako
nang tuluyan ng mga tao.
I want a new life, iyong tahimik. Parang dito sa isla. Tingin ko ay mas gusto ko
na nga talaga rito. Maaliwalas ang paligid, masarap ang simoy ng hangin at
relaxing ang view. Nakakawala ng stress at pakiramdam ko ay ang lapit-lapit
ko sa nature.
Walang sinabi ang mga buildings na nakikita ko sa Manila sa ganda ng asul na
karagatan. God, bakit ngayon ko lang ba naisip na magpunta rito?
"Amera! What the hell?!" Nasira ng sigaw ni Mindy ang pangangarap ko.
Kumunot ang noo ko. "Please, Mindy. I really need this time. Hayaan mo muna
akong magpalamig."
"Please tell me kung nasaan ka? Kahit iyon lang, please? Para mapanatag ako.
God! Alam mo bang iniisip ng mga tao na buntis ka at nagtatago? You're all
over the news! Ayaw kong masira ang pinaghirapan mong pangalan. Gusto
kong isalba ang career mo sa kabila ng mga intrigang kinasusuungan mo."
"I'll call you back." Tama na muna sa ngayon.
Ini-off ko na ang phone ko at ibinalik sa bulsa ng suot kong summer dress.
Muli kong inayos ang summer hat ko at saka isinuot ang malaki kong shades na
color orange.
Nakangiti sa akin ang mga foreigners na nakakasalubong ko. Maging ang mga
tauhan sa Isla ay masasaya. Sabagay, ang lakas makapagpa-goodvibes ng
kapaligiran. Sino ang sisimangot sa ganito kagandang paraiso?
Pumasok ako sa restaurant slash bar ng isla. Hapon na kaya medyo dumarami
na ang tao sa loob. Sa gitna ng resto ako dumeretso.
"Martini, please." Order ko sa bartender. Pampainit lang bago ako mamasyal.
Isang order lang naman iyon, hindi nama ganon kalakas ang cocktail kahit
gawa sa gin.
Pinaglaro ko ang mga daliri ko sa makinis na mesa ng bar nang mapansin kong
di pa rin kumikilos ang bartender.
Namimilog ang mga mata nito saka ngumiti nang malawak. May hawig ang
bartender sa komedyanteng si Herbert Bautista na ngayon ay nasa politics na.
"Martini." Ulit ko.
Mabilis naman itong kumilos hanggang sa maiabot niya sa akin ang order ko.
Binayaran ko iyon agad at doon na rin ininom sa bar.
Palingon-lingon sa akin ang bartender hanggang sa di na nakatiis at bumalik sa
harapan ko.
"Miss kayo ba si Ms. Amera?"
"Ha?"
"Iyong artista po?"
"Ha? Ah, eh..." Nakilala niya pa rin ako?
Oh, what do I expect? Hindi naman tuluyang nagbago ang mukha ko. Buhok

Page 13 / 110
StoryDownloader

lang ang nagbago. Hindi pa rin ako kayang itago ng malaki kong summer hat at
big orange shades.
At hindi ako malilimot agad ng mga tao. Sikat pa ako nong isang buwan bago
pumutok ang eskandalong kinasusuungan ko. Kaliwa't-kanan pa ang mga
endorsements ko mapa-TV commercials o billboards.
"Don't worry po, Ma'am." Mabilis na sabi ng bartender. "Pinagbawalan po
kami ng management na chikahin ang mga guests kahit artista ito. Sorry po,
hindi ko lang mapigilan. Idol na idol ko ho kasi kayo. Hindi rin po ako
naniniwala sa chismis, Ma'am. Hindi niyo magagawa iyon, naninira lang iyon.
Kami po ng Nanay ko fan na fan niyo, solid!"
"Salamat..." nakaramdam ako ng tuwa na kahit papaano ay may naniniwala pa
pala sa akin.
"Saka, Ma'am. Tama ang lugar na napili niyo, safe po kayo rito. Pribado po ang
isla na ito at bawal pumasok ang mga paparazzi at saka walang pakialaman ang
mga tao rito."
Tumango ako.
"Enjoy Isla Deogracia, Ms. Amera!"
Nang maubos ko na ang drinks ko ay nagpaalam na ako sa bartender. Somehow
ay nakagaan sa loob ko na makausap ko ito.
Pinaunlakan ko na rin siya ng autograph para sa Nanay niya. Saka hindi ko rin
alam, baka iyon na ang huling fan na magpapa-autograph sa akin.
Napabuntung-hininga ako.
Salamat na lang talaga at may lugar na ganito sa Pilipinas. Hindi ko na
kailangang mangibang-bansa.
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa mapagpasyahan kong magyakap na lang.
Masarap sa paa ang pinong buhangin ng isla kaya hinubad ko ang ang suot
kong sandals at binitbit na lang iyon.
Sa gilid ng isla ay maraming cottages para sa mga guests na ayaw sa hotel, sana
pala ay doon na lang ako nagpa-book. Mukhang mas maganda roon lalo na sa
mga floating cottages. Naisip ko na magpalipat doon bukas. Susulitin ko na ang
bakasyon ko.
May mga batang lumapit sa akin sa beach para magbenta ng mga souvenirs,
bumili ako ng tig-iisa sa lahat sa kanila saka ako muling naglakad-lakad.
"Oh, God! Ang ganda!" Napahinto ako sa isang mini cottage sa tapat ng
dalampasigan. Mukhang simpleng kubo na malalaki ang bintana. Open na open
ito.
Natatakpan ito ng malalaking tipak ng bato kaya hindi masyadong kita mula sa
malayo.
Open cottage iyon na may maliit na duyan sa loob. Maraming nakabitin na
seashells sa loob. Iba-iba ang kulay ng seashells at ang cute-cute tingnan ng
panaka-nakang pag-uga ng mga iyon dahil sa pag-ihip ng hangin. May mga

Page 14 / 110
StoryDownloader

pinunit na lambat pa ang pininturahan ng makukulay na pinta saka ginawang


disenyo sa loob.
Bukas ang maliit na pinto nito kaya pumasok na ako. Parang tambayan ng
coastguard na mukha ring pahingahan ng guests.
May maliit na salamin sa loob, may suklay din at bote ng gel. ang duyan ay
kakasyahan lang ng isang tao. Ang sahig naman ng mini cottage ay makintab at
mukhang alagang-alaga sa linis. Ngunit ang higit na nakapansin sa akin ay ang
frame na nasa tapat ng duyan.
Ang frame ay gawa sa kahoy. Ang nasa loob niyon ay parang ipininta gamit
ang mga daliri lamang. Hindi ko maintindihan kung abstract ba iyon pero ang
napaka-creative nang pagkakagawa. Sa baba ay may nakasulat na 'AJ', siguro
ay initials ng artist na gumawa ng painting.
"Ma'am, bawal ho diyan."
Muntik na akong mapalundag sa gulat nang may sumita sa akin mula sa labas
ng cottage.
"What? Why? I am a guest." Hindi ko alam kung tama ba iyong nasabi ko.
"Private cottage po kasi iyan, Ma'am."
"Private what?" Kung private eh, bakit nakabukas? Nakatiwang-wang at tila
nang-aakit ng guests ang cottage na ito?
"Nakalimutan ko lang ho isara kanina. Bawal po talaga diyan, Ma'am."
"Saglit lang naman, Manong. Baka puwedeng mag-selfie muna ako?"
"Hindi po talaga puwede. Private nga po kasi iyang Amera Cottage. Kay Sir
Joss po iyan, ayaw na ayaw niya pong may pumapasok na ibang tao riyan.
Baka makagalitan po kasi ako."
Napaawang ang mga labi ko. Amera's what?
So this cottage had the same name with me. Gaano ka-weird iyon? Hindi ako
puwedeng pumasok sa cottage na kapangalan ko.
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 15 / 110
StoryDownloader

Chapter 4
Chapter 4
LITERAL na tumigil ang paghinga ko nang matanawan ang isang babaeng
nakatayo sa dalampasigan.
Malayo siya sa karamihan, tila sinasadyang mapalayo sa mga tao. Gustong
mapag-isa.
Kumiling ang ulo ko habang nakatanaw sa kanya. Mabilis at malakas ang
pintig ng puso ko sa loob ng aking dibdib. Hindi ako puwedeng magkamali.
Siya nga iyon. Tama nga ang hinala ko. Tama nga na isa ang Isla Deogracia sa
maaari niyang pagtaguan sa Pilipinas.
Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko saka nagsimulang humakbang patungo
sa kinatatayuan ng babaeng malayo ang tingin sa kadiliman ng gabi.
Muntik na akong mapahiyaw sa galak nang makalapit ako. Siya nga!.
"Tangina naman!" Di ko mapigilang bulalas.
Napalingon siya sa akin at kagyat na nagkunot-noo.
Kahit maiksi ang buhok niya ngayon ay tiyak kong siya nga si Amera! At
napakaganda niya!
"Putanginang buhay talaga 'pag sinu-suwerte ka nga naman, Diosdado! Dream
come true ka! Shet!"
Huminto ako sa mismong harapan niya saka pinagsawa ang paningin ko sa
kanyang magandang mukha. Ito ang unang beses na nakita ko siya sa
malapitan. Gusto ko pang maluha sa happiness.
Akala ko hanggang pantasya na lang ako. Akala ko hindi na mangyayari ang
araw na ito.
"Amera! Idol na idol kita. Lalo iyong FHM na ikaw ang cover, anak ng tokwa!
Ang sexy mo ron!"
Lalong kumunot ang noo niya. Nasa mga mata niya ang pagtatanong at
pagkamangha.
Bumuka ang mapupula niyang mga labi. "Do I know you?"
"Ang ganda mo talaga!" Bulalas ko pa.
Kumibot ang bibig niya saka iginala ang mga mata sa kabuuhan ko. Siguro ay
naga-guwapuhan siya sa akin. Ngiting-ngiti ako habang hinahayaan siyang
hubaran ako ng tingin.
Pero hindi ko na matiis ang init ng mga mata niya. Masyadong malakas ang
epekto ni Amera sa akin, na-conscious ang mga ugat ko sa katawan. Pumalatak
ako at saka nagkamot ng ulo.
"Ano? Ang guwapo ba?! Approved? Bagay na bagay talaga tayo walang duda!"
Umawag ang mga labi niya. Lalo siyang nagmukhang diyosa sa paningin ko at
baka kapag hindi ako nakapagpigil ay mahalikan ko siya. Pero syempre ay iba

Page 16 / 110
StoryDownloader

siya sa mga babaeng nakakasalamuha ko. Hindi siya ang klase na dapat na
binibigla o minamadali.
Gusto ko sanang magkakilala pa kaming dalawa nang maayos. Gusto kong
ma-in love muna siya sa akin. Madali na lang iyon kasi hindi naman ako tipo
na mahirap gustuhin. Sa mga naiisip ko ay napangisi ako.
"Maganda ka, sikat 'tapos mayaman. Ako naman guwapo, macho 'tapos
mayaman na rin. Bagay na bagay na talaga! Pa-shake hands naman diyan!"
Sabay abot ko ng kamay ko sa kanya.
Ang titig niya ay mas bumigat. Naging kulay makopa ang buo niyang mukha.
Umiling siya at bahagyag umatras. "Hindi kita kilala. Please, just leave me
alone."
Napangisi ako lalo. Imbes ma-offend dahil tinanggihan niya ako ay
kabaliktaran ang naramdaman ko. Hindi siya easy na klase ng babae.
"Ang taray mo pala!" Wika ko. "Sabi na nga ba at hindi totoo ang chismax na
easy-to-get ka! Shet! Mas naging hot ka! Mas nai-in love tuloy ako!"
"What?!" Namimilog ang magaganda niyang mga mata.
Tinitigan ko si Amera ng seryoso. "Ngayong bagay na tayo, asahan mo,
hinding-hindi kita tatantanan."
Hinuli ko ang pulso niya at itinaas ang kanyang kamay. Hindi na siya
nakapalag ng halikan ko ang likuran ng kanyang palad.
"By the way, I'm Joss. Joss Deogracia. Ako nga pala ang magiging forever
mo!" Sabi ko sa kanya saka ako sumaludo.
Iniwan ko siyang tulala sa dalampasigan.
I mean it. Ngayong nasa teritoryo ko na siya, hindi ko siya hahayaang
makawala sa akin. Buburahin ko ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.
Isa sa mga araw na darating, magiging isa na ang mga damdamin namin.
Tiyak ko iyon.
Dahil ako si Diosdado Deogracia, hindi ako mahirap mahalin.

AMERA
SHOCKED pa rin ako habang pabalik ako sa Deogracia hotel.
Kung sino man ang lalaking iyon sa tabing dagat kanina ay sayang siya. May
itsura pa naman kaya lang parang may sayad.
Napailing ako. Hindi rin yata ako safe sa lugar na ito.
Nakakatakot. Nakilala niya ako. Hindi malabong katulad siya ng baliw na si
Thad, baka gawan niya ako ng hindi mabuti. May mga ganoong tao na kapag
sobra ang obsesyon sa isang bagay o iniidolo ay may tendency na maging
baliw. Hindi naman lahat ng fans ay ganoon, pero may mga ganoon nga, at
nangyari na sa akin ang isang patunay.
Just like Thad, isang male model na manliligaw ko.

Page 17 / 110
StoryDownloader

God! Napahingal ako. Naninikip ang dibdib ko sa kaba. Ayaw ko na sanang


isipin pa si Thad pero heto at bumabalik sa alaala ko ang lalaking iyon.
Isang taong akala mo ay santo sa kabaitan subalit napakasama pala ng budhi.
Nag-ring ang cellphone ko kaya natigil ako sa paglalakad. Huminto ako sa gilid
ng hotel's lobby. Sa tabi ng malaking fountain kung saan maraming turista ang
naka-tambay.
Medyo malayo lang ng kaunti sa mga tao ang napili kong puwestuhan upang
sagutin ang tawag ni Mindy, my manager.
"Nakuha na ni Estelle ang project ng Fashion Elite!" Iyon ang agad na bungad
niya sa akin.
I bit my lip as I heard the news. "Well, great. Good for her."
"Amera!" Gulat na sigaw ni Mindy.
Estelle or Estelita Mariano. Isang baguhan at promising na artista. Maganda ito
at talentado. Mataas ang pangarap. Kung sakaling hindi pumutok ang video
scandal namin ni Thad ay ako pa rin siguro ang pinag-aagawan ng mga
producers ngayon.
Pero nagbago na ang lahat dahil sa walang hiyang Thad na iyon. Ang lalaking
iyon na akala mo ay matino ngunit malaki pala ang pagnanasa sa akin,
sukdulang sirain niya ang buhay ko makuha lamang ang kanyang gusto.
"Galit na galit si Sandejas." Ani Mindy.
Napayuko ako. Ayaw ko na muna sanang isipin ang mga iniwanan kong
problema. Gusto ko na lang sanang magpahinga sa ngayon.
"Sampung milyon ang tinakasan mong kontrata kay Sandejas, Amera. Kailan
mo ba balak magpakita?!" Galit na ang tono ni Mindy. "Kapag hindi ka pa
bumalik ay tuluyan nang maaagaw ng ambisyosang cheap na Estelita na iyon
ang trono mo! Aba baka maging primetime queen pa ang bruha kapag umere na
ang teleserye niya! Kaya please, bumalik ka na!"
Malungkot akong napapikit. Sana kasi ganoon lang kadali na bumalik.
Ayaw na sa akin ng mga fans. Ano pa ba ang babalikan ko?
"Amera, please... ayusin mo ang career mo."
"I am very sorry, Mindy..." anas ko.
Pero sa ngayon, durog na durog na ako. Hindi ko na kayang balikan ang
mundong tinakasan ko. At least not now.
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 18 / 110
StoryDownloader

Chapter 5
Chapter 5
PALINGON-LINGON ako sa paligid. Natatakot ako na makita ulit ang lalaki
kagabi.
Imbes na ang walang hiyang si Thad, si Estelle o ang manager kong si Mindy
ang gumugulo sa isip ko ngayon ay hindi. Hindi rin ang tuluyang pagkawala sa
akin ng 'Fashion Elite' project ang ikinaba-balisa ko. At mas lalong hindi ang
pagre-relax.
Ang hindi mawala-wala sa isip ko ngayon ay ang guwapo at maangas na
mukha ng lalaking nagngangalang Joss Deogracia.
Siya pala talaga ang isa sa may ari ng isla na ito. Hindi siya nagsi-sinungaling
dahil nalaman ko iyon mismo sa mga guwardiya ng hotel. Kilala nila si Joss, sa
pangalan at itsura.
So?
Napailing ako. Bakit ko ba pinagkakaabalahang alamin kung sino talaga siya?
Wala naman akong pakialam kung sino siya.
Medyo weird lang ang taong iyon kaya nag-worry ako. Baka kasi bigla na lang
siyang lumitaw at gumawa ng hindi maganda. Baka baliw. Baka psychopath
nga.
Mabuti at hindi naman. Sayang kasi, may itsura iyong tao. Hindi lang basta
may itsura. Guwapo. Matikas, maganda ang katawan, parang hinulma nang
perpekto at walang kamalian.
Hindi normal sa mga nakakasalamuha ko iyong lalaking hindi maputi at pino
kumilos na parang de numero ang bawat galaw. Iyong tipong takot magkamali.
Joss was differend from other men. Hindi siya tulad ng mga kasamahan ko sa
show business.
His skin was tanned. Pantay ang kulay at kinis. Lalaking-lalaki.
Hindi rin ang uri na palaging ayos na ayos.
Magulo lagi ang buhok, pero in a way na mas nagmumukhang nang-aakit. Ang
mga mata niya ay tila bagong gising o inaantok. Malalantik kasi ang mga
pilik-mata, ang tanging nagpaa-amo sa mukhang may pagka-pilyo.
Ang mapulang labi ay laging may nakahaing ngisi. Hindi lang basta ngiti kundi
ngisi. Dagdag pa ang matangos na ilong na talagang nagpapa-angas sa dating.
Parang iyong lalaking nakatayo sa dulo ng batong hagdanan papunta sa floating
cottage.
Maliwanag sa kinatatayuan ng lalaki kaya kitang-kita ko ang tila naaaliw
nitong pagngiti habang nakatingin din sa akin.
Nakatingin sa akin?!
Binundol ng kaba ang dibdib ko nang magsimula itong humakbang.

Page 19 / 110
StoryDownloader

Nakasuot ang lalaki ng kulay orange na boardshorts at puting sando pang-itaas.


Ang mga balikat nito, braso at dibdib na sakto sa muscles, maging ang
balahibuing binti ay larawan ng isang lalaking matikas. Parang pang hero sa
mga palabas, parang leading man o matinee idol.
Gosh.
"Hi!" The man waved at me.
It's him! My heart hammered inside my chest.
"You again?!" Bulalas ko.
He laughed. "Destiny."
I shook my head in annoyance.
Kaya naman pala kamukha, kaya pala kahulma at kaya pala feeling ko siya,
kasi siya naman pala talaga!
Iyong mahangin na lalaki. Iyong maangas na sabing hindi ako tatantanan. Ang
isa sa may ari ng isla na ito.
Akala siguro ng lalaki ay porket mayaman at taglay ang kapangyarihan ng
apelyidong 'Deogracia' ay maaari na niyang landiin ang lahat ng babaeng
guests sa isla.
"Uy, uy! Saan ka pupunta?!" Dahil mahahaba ang bias ay madali siyang
nakahabol sa akin.
Agad na humarang sa harapan ko ang makulit na lalaki.
"Can you please leave me alone?" Mataray na singhal ko sa kanya.
Ngumisi siya saka nagkamot ng batok. "Ito naman, KJ. Ngayon nga lang ulit
tayo nagkita, ganyan ka pa?"
Pinamewangan ko siya. "At anong gusto mong gawin ko, ha?! Batiin kita?
Yakapin kita nang mahigpit? Kumustahin na parang matagal ng kilala?"
"Pwede rin."
Hambog talaga!
Naglungkot-lungkutan ang hudas. "Ni hindi mo man lang ba ako na-miss? Kasi
ako, miss na miss na kita."
Miss?! Eh, kagabi lang binu-buwiset mo ako diyan! Miss agad! Gusto ko
siyang singhalan at kalmutin sa mukha, kung di lang sayang ang mukha niya.
Grabe, hindi ko akalaing makakaisip ako ng ganito kabayolenteng bagay laban
sa kapwa ko. He just unleashed the devil in me!
"Tara, ipapasyal kita."
"No need." Umingos ako.
"At bakit hindi? Maraming magagandang tanawin dito sa isla, lalo kapag gabi.
Puwede kitang i-tour, libre."
Itinulak ko siya sa dibdib saka nilagpasan. Muntik pa akong mapasinghap nang
lumapat ang mga palad ko sa matigas at mainit niyang dibdib.
"Uy!"
Patuloy sa paglalakad ang mga paa ko. Hindi ko na alam kung saan na patungo

Page 20 / 110
StoryDownloader

ang mga hakbang ko, ang gusto ko lang ay mawala na sa paningin ko ang
maangas na lalaki.
"Ako si Joss. Diosdado Deogracia. Joss for short."
"Nasabi mo na iyan kagabi."
"Pinapaalala ko lang, baka kasi makalimutan mo."
Inirapan ko siya. Sumabay siya ng lakad sa akin.
"Kumain ka na?"
"Oo." Tipid kong sagot.
"Kumusta ang araw mo?"
"Okay kanina, ngayon hindi na."
"Ay, mabuti na lang nandito ako. Pagagandahin ko ang mood mo."
Inis ko siyang hinarap. "Don't you fuc king get it? You're the reason kaya hindi
ako okay ngayon. Naaangasan ako sa'yo. Wag mong isipin na papatulan kita,
okay? Nandito ako para mag relax at hindi makipag flirt!"
"Whoa!" Napataas sa ere ang mga kamay ni Joss.
Tumigil ako sa paglalakad ng makita kung nasaan na kami. Malayo na pala
kami sa ibang guests na nagtatampisaw sa dalampasigan. Nasa dulong bahagi
na kami na medyo tago. Iyong may malaking bato na nagsisilbing harang.
Nasa tapat na pala kami ng cute na cottage na pinanggi-gigilan kong i-explore.
Hindi ko pa halos makilala ang cottage dahil hindi ko kita ang magandang loob
niyon ngayon.
Saradong-sarado kasi iyon. Madilim ang loob dahil walang liwanag sa bawat
bintana. Pero alam kong ito nga iyon. It was the Amera Cottage na weird na
kapangalan ko pa.
"Ako ang may ari ng cottage na iyan."
Gulat akong napalingon kay Joss. Seryoso siya ron?
"Akala ko alam mo na." Nagkibit-balikat siya. "Nakuwento sa akin ng isang
coastguard na napagawi ka raw rito."
"You named it after me?" Namilog ang mga mata ko. Gusto kong pagsisihan
ang tanong, baka kasi mali ako, baka masyado lang akong assuming.
But the guy nodded his head. "Yes."
"What? Why?" Naguguluhang tanong ko.
"Gusto mo bang pumasok sa loob?" Sa halip ay sagot niya.
"Bakit Amera ang ipinangalan mo sa cottage na iyan?!" Nanlalaki ang mga
matang pasinghal na tanong ko sa kanya.
"Dahil mahal kita." Walang gatol na sagot ni Joss.
"What?!"
"Hey, 'wag mong isipin nababaliw ako, okay?"
Tumaas ang kilay ko. "Okay... so, you're a fan?"
"Hindi lang basta fan. Halika na sa loob." Akma niya akong aakbyan pero
umiwas ako.

Page 21 / 110
StoryDownloader

Tiningnan ko siya nang masama.


He chuckled which sounded very sexy. At nakakainis kasi nase-sexihan ako!
"Tara?"
Hindi ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Uy, mabait ako. Wag kang matakot sa akin."
Hindi pa rin ako kumikilos.
Ngumisi ang lalaki saka inilapit ang mukha sa akin. "Mukha ba akong rapist?"
Pinagmasdan ko ang mukha ni Joss. Guwapo. Hindi nga lang maamo.
Mukhang bastos pero mukha rin namang maginoo. Guwapo ulit.
Capable nga ba talaga siyang gumawa ng masama?
Mayaman siya, may angas at iyon nga, guwapo ang lalaki. Pero wala naman sa
itsura makikita ang ganoon. Hindi pa rin dapat pagkatiwalaan lalo na't hindi ko
siya lubos na kilala. Isa pa rin siyang estranghero.
Iyon ngang kilalang-kilala ay puwede pa ring makagawa ng hindi maganda,
what more na lang ang hindi kakilala.
And to think na ipinangalan niya sa akin ang cottage na ito? At iyong sinasabi
niyang mahal niya ako? That's so weird.
What if isa pala siyang baliw na fan? May mga ganoong klase. Iyong kayang
patayin ang idolo nila o gawan ng masama... just like what Thad did to me.
"Era..." malambing na pukaw niya sa akin.
Naningkit ang mga mata ko. "What did you call me?"
Muling ngumisi ang lalaki. Tila hindi nangangalay sa kakangisi. "Era, ang
ganda, di ba?"
"It's Amera." Mariing pagtatama ko. Walang tumatawag sa akin ng 'Era', and
God, ang weird ng pakiramdam!
Naghimas ng baba si Joss saka hinagod nang malagkit na tingin ang kabuuhan
ko. Pero sa halip na mabastusan ay parang kinuryente ang pakiramdam ko.
Nakakailang ngunit hindi nakakatakot.
"Please, stop calling me 'Era'."
"Marami na kasing tumatawag sa'yo nang Amera, gusto ko lang maiba. So,
Era?"
"Kahit na... hindi ako sanay na hindi ganoon ang tawag sa akin!"
"Pwes, umpisahan mo ng masanay na ganoon ang tawag ko sa'yo." Walang ano
mang sabi niya.
God! Mukhang baliw nga talaga!
Nagulat ako nang bigla niyang hulihin ang pulso ko. Daig ko pa dumikit sa
basang wire na may ground. Ang init ng malaking palad ni Joss ay mabilis na
tumulay mula sa pulso ko hanggang sa lahat ng ugat sa aking katawan.
"What the hell are you doing?" Nakangangang tanong ko nang hilahin niya
ako.
"Don't worry, okay? Hindi kita gagahasain, promise!"

Page 22 / 110
StoryDownloader

Wala na akong nagawa nang tuluyan niya na akong ipasok sa loob ng madilim
na cottage.
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 23 / 110
StoryDownloader

Chapter 6
Chapter 6
NANG nasa tapat na kami ng pintuan ng cottage ay may dinukot sa loob ng
bulsa niya si Joss. Gamit ang isang kamay ay inilabas niya ang bungkos ng mga
susi. Cool na cool lang siya habang pinipili ang tamang susi.
Nabuksan ni Joss ang pinto gamit ang isang kamay lang. Hindi niya talaga
binitiwan ang kamay ko na para bang tatakbuhan ko siya.
"Pasok ka." Binuhay niya ang ilaw sa pamamagitan ng switch sa tabi ng pinto.
Ang bumukas ay ang isang may kalakihang lamp sa gitna ng cottage. Parang
tagpi-tagping makukulay na pambalot ng pastillas. Nagdulot iyon ng iba-ibang
kulay sa paligid. Asul, dilaw, berde at pula.
Na-amazed ako sa itsura ng cottage kapag gabi at bukas ang ilaw na ganito.
Ang cozy, ang magical at ang romantiko.
Binitawan ni Joss ang kamay ko saka niya inisa-isang nilapitan ang malalaking
bintanang Capiz upang buksan. Lahat ay binuksan niya, wala siyang itinira.
Agad na pumasok ang malamig na hanging pang gabi mula sa mga bukas na
bintana.
Napangiti ako at muling iginala ang paningin sa paligid.
Mas maganda nga pala talaga sa loob ng cottage. Iyong walang nagbabawal
sa'yo na pumasok ay pagsawain ang iyong mga mata sa pagmamasid sa bawat
sulok.
Dahil sa hangin mula sa labas ay gumalaw ang mga nakasabit na makukulay na
sigay. Lumikha iyon ng magandang tunog na parang musika na mula sa
karagatan.
Ang cute na duyan na napapalibutan ng seashells ay mas matingkad ngayon
dahil sa ilaw na mula sa nakasabit na lamp. Mas maganda ang cottage kapag
gabi. At dahil binuksan ni Joss ang malalaking capiz na bintana ay
tagos-tagusan ang liwanag ng buwan papasok sa loob.
Ang mga sigay na disenyo sa paligid ay may kanya-kanyang kulay. Parang may
magic na sumasabay sa liwanag ng colorful lamp at ng buwan.
Huminto ang paningin ko sa kuwadradong painting sa dingding. Iyong tila
abstract. Ang painting na may nakalagay na 'AJ'.
"Nagustuhan mo ba? Ako ang gumawa niyan."
Napalingon ako kay Joss na nakatingin pala sa akin. "'A' stands for me- I mean,
Amera?"
Ngumiti nang simpatiko ang lalaki. "At 'J' ay ako."
"Bakit?"
"Dahil mahal kita." Sagot niya.
Napangiti na ako. "Palabiro ka, Joss."

Page 24 / 110
StoryDownloader

"Minsan lang ako magbiro."


Pinilit kong tumawa kahit naiilang na ako. "Gaya ngayon?"
"Hindi ako nagbibiro ngayon." Seryoso na ang mukha niya nang lingunin ko
siya, at aaminin ko, biglang nag-iba ang tibok ng puso ko.
"Ha?"
Humakbang siya palapit. "Hindi ako nagbibiro kapag kasama ka."
Napalunok ako at tumingin sa pinto. "Ah, labas na tayo." Mabilis akong
tumalikod at humakbang. Bigla kasi ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.
"Era!" Pigil niya sa braso ko.
Ipinagpag ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka ko siya tinapunan ng
matalim na tingin. "Ano ba?!"
"Era..."
Napupunong tiningala ko ang mukha niya dahil magkalapit na kami. At gusto
kong pagsisihan iyon dahil sobrang lapit nga pala namin. Halos mauntog na
tuloy ako sa mapula niyang mga labi. At hindi ako handa na saluhin ang matiim
na tingin ng mga mata niya. Para akong malulunod.
"Era..." he repeated, huskily.
Pinilit kong kumalma. "Wag mo nga sabi akong tatawagin ng ganyan. It's
Amera not Era!"
"Hindi... mas gusto kong tawagin kang 'Era', para palagi mo akong maalala...
kasi ako lang ang tatawag nang ganoon sa'yo..."
"Joss..."
Lalo niya pang inilapit ang mukha sa akin kaya tumatama na sa mukha ko ang
mainit at mabango niyang hininga.
Ngumiti si Joss, lumitaw ang pantay at maputi niyang mga ngipin. "O kaya
naman, 'baby'."
Itinulak ko siya. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya at sa nararamdaman
ko! "Bitiwan mo nga ako! You're creeping me out!"
Pero lalo lang siyang lumapit sa akin. Bawat paglayo ko ay paglapit niya.
Nanigas ako nang idikit niya ang kanyang matangos ilong sa buhok ko saka
suminghot-singhot.
"Ang bango mo..."
"Ano ba..." kulang sa lakas at tapang na sita ko sa kanya.
Hanggang sa namalayan kong hinahaplos niya na ang pisngi ko. Ang mainit
niyang palad ay nasa balat ko na at naghahatid ng nakakakiliting kilabot.
"Era, hindi ko akalaing makakalapit ako sa'yo nang ganito." Anas niya sa
punong-tainga ko.
Napapikit ako. Sa sobrang lapit namin ay halos marinig ko na ang pintig ng
puso niya.
"Era, matagal na kitang gusto. Kahit nong mahirap palang ako... palagi kong
pinapanood ang mga shows mo. Kahit may inaayos akong sasakyan sa talyer,

Page 25 / 110
StoryDownloader

kahit rush iyon, titigil ako kapag simula na ang palabas mo sa TV."
Ang mainit niyang labi ay pumalit sa kanyang palad sa aking pisngi. Marahan,
may pagsuyo at pag-iingat na dinadama ang balat ko.
"Ang mga diyaryo, magazine o kahit kalendaryo... basta nandoon ka,
kinokolekta ko."
"You're crazy."
"Ganyan ba ang tingin mo sa mga fans mo? Baliw?"
Sa wakas ay nahanap ko muli ang lakas at katinuan ko. Itinulak ko si Joss saka
ako lumayo sa kanya. "Bitiwan mo ako, babalik na ako sa hotel."
"Era..."
"Ano ba?!" Akma siyang lalapit ulit kaya inunat ko ang isang paa ko saka
ipinukol sa kanya.
Huli na ng marealize ko kung saang parte siya tinamaan ng tadyak ko.
"Ouch!" Ang kaninang cool na mukha ni Joss ay napalitan ng di matatawarang
sakit. Namula ang mukha niya hanggang sa leeg.
Nabigla rin naman ako. "Oh, God! I'm so sorry!"
"Putanginga ang sakit!" Sapu-sapo niya ang harapan habang namimilipit.
"Sorry- sorry! Ikaw kasi! Tinakot mo ako!" Nagpa-panic na paliwanag ko.
"Para ka kasing baliw, eh. Natatakot ako! Okay ka lang ba?!"
"Tangina, ang sakit! Pasalamat ka mahal kita! Argh!" Nagtatalon pa si Joss.
Ilang saglit siyang tumahimik habang nakatungo. Kinakabahan na ako habang
nakatingin sa kanya.
"Okay ka na ba?!"
Tumingala siya saka ngumiwi. "Mukha ba akong okay? Tinadyakan mo ang
itlog ko! Kasalanan mo kapag naging scrambled eggs 'to!"
"Sorry talaga..."
Umayos na siya ng tayo saka sumandal sa dingding ng cottage. "Sorry, may
magagawa ba ang sorry mo kapag nabaog ako? Paano tayo magkaka-anak?!"
Di ko na napigil ang pagngiti. Mukhang okay na siya.
Tumingin siya sa akin. "O, bat ngingiti-ngiti ka diyan? Nagpapa-cute ka lang
para di ako magalit sa'yo, eh."
"Galit ka ba sakin?" Hindi pa rin mabura ang ngiti sa mga labi ko.
Ngumiti na rin siya. "Pasalamat ka talaga, naku..."
"Okay ka na ba? Masakit pa?" Humakbang ako papunta sa kanya.
"Bakit kung masakit pa, hihilutin mo ba?"
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "Bastos!"
Ang lakas ng tawa ni Joss.
Napangiti na ulit ako. Iyong tawa niya kasi, nakakadala.
At unti-unti na akong napapalagay sa presensiya niya. Hindi na ako takot.
Parang nasasabi ko na agad na okay naman pala si Joss. I know it't too early to
say this, pero mukhang mabuti naman siyang tao.

Page 26 / 110
StoryDownloader

Nag-enjoy akong panoorin siya. Na hindi ko na namalayan kung gaano katagal.


Hindi na pala tumatawa si Joss bagkus ay nakatingin na lamang siya sa akin.
"Halika nga rito."
Napapitlag ako sa aking kinatatayuan. "Ha? Dito na lang ako."
"Halika... may ipapakita ako."
"Ano naman?" I pouted my lips.
Nakangiti siyang lumapit. Hinila niya ako papunta sa duyan. "Wag kang
mag-alala, safe ka." Nakatayo siya sa harapan ko.
"Eh, ano nga ang ipapakita mo?"
"Scrambled eggs."
"Joss!" Pinandilatan ko siya.
"Joke lang." Tumawa na naman ang kumag. Isa pa ito, mukhang masiyahin
siyang tao.
Lumabi ako habang nakatingala sa kanya. "Akala ko ba hindi ka nagbibiro
kapag kasama ako?"
"Well, ngayon lang, he-he."
Pinaupo niya ako sa duyan saka may dinukot sa bulsa niya. Iyong bulsa niya na
mukhang maraming laman, parang kay Doraemon.
"Ano ba kasi iyon?" Hindi ko naitago ang excitement sa boses ko, nakakahiya.
"Here. Para sa'yo." Isang pulang kahita ang inabot niya sa akin. Sa tatak palang
niyon ay kinabahan na ako.
"A-ano iyan?" Tinanggap ko ang kahita saka tiningnan. Baka naman kahon
lang pero iba ang laman, sa isip-isip ko. Imposible naman kasi na bigyan niya
ako ng"Singsing." Putol niya sa pag-iisip ko.
Kasabay ng pagbukas ko ng kahita. Tumambad sa akin ang diamante na alam
kong hindi biro ang halaga. Alam kong tunay ito, maski ang white gold na
singsing. Marunong ako sa alahas at maging sa mga tatak, mamahalin ito at
hindi ako puwedeng magkamali.
"K-k-kaya nga... b-bakit mo ipinapakita sa akin ito?" Nauutal na tanong ko.
"Para sa'yo nga 'yan."
Umusok na ang ilong ko. Pinagti-tripan niya ba ako? "Seriously, Joss?! Bakit
mo ako bibigyan nito?!"
"Isuot mo kapag mahal mo na rin ako."
Napatanga ako.
"Nang yumaman ako, iyan ang una kong binili mula sa pamana sa'king pera ng
yumaong ama ko. Sabi ko, sa wakas, baka puwede na tayo. Balak ko sanang
hanapin ka para pormahan, kaya lang destiny na mismo ang nagdala sa'yo rito
sa isla ko."
Mangha pa rin ako. Seryoso pala talaga siya?! Hindi pa rin ako makapaniwala.
"But why?" I managed to ask.

Page 27 / 110
StoryDownloader

"'To naman, daming tanong."


"Pero..."
Hinila niya ulit ako sa kamay. "Halika na, hatid na kita sa hotel." Kinuha niya
ang kahita ng singsing sa kamay ko saka ipinasok sa bulsa ng suot kong
summer dress.
"Joss..."
Pilyo siyang ngumisi. "Oh, gusto mong makasama pa ako rito? Bilis mo
namang ma-in love sa'kin, di mo man lang ako pinahirapan."
Natatawang hinampas ko siya sa balikat. "Yabang mo! Hindi iyon!"
"Eh, ano?"
"Hindi ko ito matatanggap." Tukoy ko sa singsing.
Dumilim ang mukha niya. "Sige, tapon mo na lang."
"Joss!"
"Kung di mo tatanggapin, sa basurahan mo na lang ilagay. Okay lang, four
hundred thousand pesos lang naman iyan."
Napamulagat ako. "Oh! You're impossible!"
"And incredible!" Hinila niya na ako palabas ng cottage.
"Di mo ba isasara ang mga bintana?"
"Babalikan ko na lang mamaya."
"Ha?"
"Dito ako matutulog kasi galing ka rito. Mukhang masarap ang tulog ko ngayon
dito dahil sa alaala mo."
Hindi na ako nagsalita. Para akong manikang walang lakas na nagpapatangay
sa kanya. Na parang kontrolado niya ako.
Namalayan ko na lang na nasa hotel na kami. Ang mga guwardiya ay nakangiti
sa amin ni Joss. Sa loob ng elevator ay tahimik pa rin ako. Tinitimbang ko pa
rin ang mga nangyari.
Pinindot ni Joss ang numero ng floor ko. Hindi na ako nagtaka na alam niya
iyon. Lalo pa ng pagbaba namin ay alam niya rin ang numero ng mismong
kuwarto ko. Mukhang lahat ay alam niya na. Pero imbes na matakot ay parang
mas gusto kong kiligin. Nakakalito lang dahil hindi naman ako dating ganito.
Hindi ako ang mabilis kiligin dahil sa mga ganito. Marami na rin naman ang
nanligaw sa akin at halo i-stalk na ako, pero tanging ngayon lang kay Joss ako
nakaramdam ng ganito. Na para bang kilala ko na siya, tiwala na ako sa kanya
at higit sa lahat posible ring magustuhan ko siya.
Ngunit hindi iyon ang sadya ko rito sa isla. Hindi pag-ibig kundi pahinga.
Pahinga sa lahat ng mga nagpapasakit ng ulo ko. Gusto ko ng kapayapaan, at
mukhang hindi ganoon ang dala ng tila bagyo na si Joss sa buhay ko.
"Good night." He said.
"Goodnight." Mahinang saad ko. Binuksan ko ang pinto ng hotel room ko saka
siya tiningna muli.

Page 28 / 110
StoryDownloader

"Era..."
"Ha?"
"Seryoso ako, ha."
"Ha?"
"Kapag sinuot mo ang singsing na iyan, ibig sabihin mahal mo na rin ako."
I swallowed. "Paano kung... kung hindi kita magawang mahalin?"
Tumamlay ang ngiti sa mga labi niya. "Itapon mo na lang iyan. Bahala ka na
kung anong gusto mong gawin sa singsing na iyan."
"Joss..." bakit ang sakit sa loob ko na makitang nasasaktan siya?
"Yeah?"
"B-bakit... bakit mo ako mahal?"
Ngiti lang ang sagot niya sa akin saka tumalikod na muli.
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 29 / 110
StoryDownloader

Chapter 7
Chapter 7
MAGANDA ang gising ko kinabukasan. I glanced at my cellphone. Naunahan
ko pa sa pagising ang pagtunog ng alarm sa fone ko, hindi masakit ang ulo ko
at hindi ako tinatamad. Ang weird lang ng feeling.
Baka dahil kay Joss?
Napailing ako. Anong kinalaman niya sa maganda kong gising? Tinapik ko ang
ulo ko, kung anu-ano na naman ang pumapasok na kalokohan sa isip ko.
Nadawit pa tuloy Joss Deogracia na iyon.
Ayaw ko pa ring aminin sa sarili ko na baka nga nakaapekto sa mood ko ang
makulit na lalaking iyon.
Umalis ako sa kama at saka hinanap ang bathrobe ko, ipinatong ko iyon sa suot
kong pantulog.
Papasok na ako sa banyo ng tumunog ang doorbell. Sino naman kaya ang
magdo-doorbell dito sa kuwarto ko ng ganito kaaga?
"Good morning, Ma'am!"
Nakangiting mukha ng bellboy ang sumalubong sa akin sa pagbukas ko ng
pinto. May hawak itong isang tangkay ng pulang rosas na may nakataling laso
na may maliit na card.
"Kanino galing-"
Inabot ng bellboy ang rosas sa akin kaya wala na akong nagawa kundi
tanggapin iyon.
Tumalikod na ang bellboy ng nasa akin na ang isang pirasong bulaklak.
Mukhang nagmamadali kaya hindi ko na hinabol.
May ideya ako kung kanino galing ito pero gusto ko pa ring makasigurado.
Tiningnan ko ang card.
'Para sa pinakamagandang babaeng naririto ngayon sa Isla Deogracia'
Mukhang siya nga ang nagpadala nito.
Nakakapagtaka lang, bakit isang piraso lang? Ang weird talaga ng lalaking
iyon.
Bumalik ako sa kama. Hindi ko alam kung ilang minuto rin akong nakatitig sa
pulang-pulang rosas sa harapan ko.
Naalimpungatan lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Isa lang naman ang
tatawag sa personal number ko ng ganito kaaga. Inabot ko iyon at dinala sa
aking tainga.
"Hello, Mindy?"
"So, kailan mo ba balak bumalik? Alam mo na bang halos lulunin na ako ng
buhay ni Mr. Sandejas-"
"Babalik din ako, Min." Kung hindi ko puputulin ang pagsasalita niya ay di na

Page 30 / 110
StoryDownloader

ako makakasingit.
Pinutol ko na rin ang tawag. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin kay
Mindy. Wala pa akong maipapangakong petsa kung kailan ako babalik, sapat
na muna na masabi ko sa kanyang may balak pa rin naman akong bumalik ng
Maynila.
Muling tumunog ang doorbell.
Sino na naman kaya iyon?
Ganoon na lang ang pag-rigodon ng puso ko ng ang guwapo at preskong
mukha ni Joss ang mapagbuksan ko. Nakangiti ang lalaki habang bitbit ang
isang pumpon ng pulang rosas.
"Oh!"
"Hi!" Simpatikong bati niya sakin.
Napakurap ako. Mula sa kinatatayuan ko ay nalalanghap ko ang mabangong
amoy ng gamit niyang cologne. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko,
malamang sabog-sabog pa ang buhok ko at amoy kama pa ako. Worse baka
may panis na laway at muta pa ako!
"Maganda ka pa rin kahit may bakat ng higaan ang mukha mo."
"What?!" Namilog ang mga mata ko. "A-ano nga palang ginagawa mo rito?"
Itinaas niya ang mga rosas. "Iaabot ko lang ito sa'yo. Baka kasi nalulungkot
iyang rose mo, mag-isa lang kasi siya. Kaya ito, dinala ko ang ibang kasama
niya."
"P-para saan ba ito?" Shit. Bakit ako nauutal? At bakit ba parang mas
gumuguwapo ang lalaking ito sa bawat pagkikita namin?
"Para sa'yo."
Para lang akong robot na tumango sa kanya. Tinanggap ko ang mga rosas mula
sa kanya habang nakatingala pa rin ako sa nakangiting mukha ni Joss
Deogracia.
"May gagawin ka ba mamaya?" he asked.
Tumaas ang isang kilay ko. Is he going to ask me for a date?
"Siguro naman hindi ka na takot sa akin?" he asked again.
"Ha?"
"Wala naman akong ginawang masama sa'yo kagabi, di ba? Ikaw nga to diyang
nanakit sa akin. Remember? Muntik mo ng gawing scrambled eggs ang-"
"Oo wala akong gagawin mamaya!" Mabilis kong sabi bago pa kung anu-ano
ang lumabas sa bibig niya.
Lumawak ang ngiti niya. "Good. Babalikan kita after lunch." Sabi niya sabay
talikod.
"Wait! Joss!" Hahabol sana ako sa kanya pero ang bilis ng lakad ng hudyo!
"See you later, baby!" Ni hindi niya na ako nilingon pa. Dire-diretso siya sa
elevator hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"He's so impossible!" Napahingal na lang ako sa inis.

Page 31 / 110
StoryDownloader

Ano ba iyong lalaking iyon?!


Pabalibag kong isinara ang pinto. Bumalik ako sa kama at inilapag doon ang
mga roses.
Tumulis ang nguso ko nang may ma-realize ako.
"Bakit after lunch? Hindi kaya kuripot siya kaya umiiwas na mapagastos ng
tanghalian?"
Bakit nga ba?
"Pero hello? He's a Deogracia! At walang Deogracia na walang pera!"
Maliban na lang kung talagang kuripot siya!
Tiningnan ko ulit ang mga bulaklak sa ibabaw ng kama ko. "At isa pa,
mamahalin kaya itong mga roses."
Hindi ako mapakali sa buong oras na paghihintay kong sumapit ang alas-dose.
Para lang akong tanga ng paroo't-parito sa kuwarto ko. Naroon ang magsuklay
ulit ako o tumingin sa salamin at tumingin sa wallclock. Pero alas-dos na ay
wala pa ring paramdam si Joss.
Nagsimula na akong makaramdam ng asar.
Ito ang unang beses na naghintay ako sa isang lalaki. Nakaka-trauma na tuloy.
Kung after lunch ay mahigit dalawang oras na siyang late!
Tumingin ulit ako sa orasang nasa dingding. Sakto namang tumunog ang
doorbell.
"Hello, baby Era!" Nakangiting bati ng lalaking kanina ko pa china-chop-chop
sa isipan ko.
"After lunch ba sa'yo ang alas dos?!" Hindi ko na naitago at inis sa boses ko.
Pinamewangan ko siya.
"Sorry."
"First date 'tapos late?!" Huli na para ma-realize ko ang sinabi ko. Nanlaki ang
mga mata ko nang ngumisi ang loko.
Bumungisngis siya na para bang sobrang nakakatuwa ang sinabi ko. "Di bale,
may next pa naman. 'Tapos sisiguraduhin kong masusundan pa nang
masusundan."
Hindi na ako kumibo.
"So, tara?"
"Ano pa nga ba!"
Nagmeryenda kami sa isang floating restaurant sa isla at pagkatapos ay
naglakad-lakad sa dalampasigan. Wala kaming kibuan, hindi rin ako nagtangka
na mag-umpisang magsalita.
Taong showbiz ako. At mortal sin sa akin ang pagiging 'late'. Nasanay na ako
na laging on time. At ang mokong na 'to ay mukhang masaya pa na na-late siya.
"Pasensiya ka na, ha?" Basag niya sa katahimikan.
Hindi ako nagsalita.

Page 32 / 110
StoryDownloader

"Biglaan iyong meeting namin, hindi ako makatakas. Kasi ang daming utos ng
mga kuya ko. Apat na lang kasi kami rito sa isla ngayon na namamahala. Iyong
iba kong kapatid, busy sa kanya-kanyang negosyo."
Napatingin ako sa kanya. "Ikaw ba? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?"
"Hmn, surfing? Iyon lang ang hilig ko sa ngayon."
Sumimangot ako. "I mean, negosyo?"
"Wala."
"So, itong isla lang talaga?" Huminto ako sa paglalakad. Huminto rin siya.
"Yup. Co-owner ako rito. Katulad ng iba ko pang kapatid. Bawal ibenta ang
shares. Puro lalaki kami na nagma-manage nitong isla, pamana samin ng tatay
naming pogi."
"I see..."
"Well, naiisip ko rin namang magnegosyo ng sarili ko."
"Bakit di mo gawin?"
Namulsa si Joss at itinapon ang paningin sa karagatan. "Wala pa kasi akong
naiisip na paglalaanan ng pera ko. Kaya ayun, pinapatulog ko muna sa
bangko."
"I see."
Narinig ko ang maiksi niyang pagtawa. "Puro 'I see' ah?"
"Wala kasi akong masabi." At naiinis pa rin kasi ako sa'yo, gusto ko sanang
idugtong.
"Ganon talaga. Kahit iyong ibang nakakasama kong mga babae, speechless 'pag
katabi ko na sila."
"Mahangin talaga dito." Napangiti na ako. Nakakainis talaga, bakit ba ang dali
kong mapangiti sa mga banat niya?
"Oo naman. Fresh air pa."
"Ewan ko sa'yo." Nagsimula na ulit akong lumakad pabalik sa hotel.
"Hoy, Era!"
"Sinabi ng wag mo akong tatawaging 'Era', di ba?"
Sumabay siya ng lakad sa akin.
"Bakit mo pala pinagupitan ang buhok mo, Era?"
"Trip ko lang. Bakit ang pangit ba?" Napahawi tuloy ako sa may kaiksian ko ng
buhok. Bigla tuloy akong naconscious.
"Hindi." Mabilis na sagot ni Joss. "Actually kahit ano naman bagay sa'yo. Kahit
nga magpakalbo ka pa."
Hinila niya ako patungo sa batuhan bago makarating sa hotel. "Dito muna tayo.
Maaga pa, eh."
Hindi na rin ako nagpakipot. Sumama ako sa pagsampa sa mga batong nililok
na malalaking upuan. Kaunti lang mga turista ron at layu-layo pa ng puwesto.
Umupo kami ni Joss sa pinakadulong bahagi.
"Puwede bang magtanong?" Nilingon ko siya. Nakatingin na naman siya sa

Page 33 / 110
StoryDownloader

karagatan.
"Nagtatanong ka na." Wika niya na hindi tumitingin sakin.
Magaan ko siyang hinampas sa braso. "Tigilan mo nga iyang pagiging pilosopo
mo."
"Okay, sorry na. Ano ba iyon?" Doon palang siya tumingin sa akin. At kagaya
ng palagi, nakangiti siya. Pati ang mga mata niya ay parang nakangiti. Parang
wala siyang kaproble-problema.
"Sabi mo kasi sa akin kagabi, nagtrabaho ka sa isang talyer?"
"Oo. Bakit?"
"Kaninong talyer? I mean, business niyo ba iyon?" Nacu-curious kasi ako at
hindi ko rin maintindihan kung bakit.
Bahagya siyang umiling. "Ah, hindi. Kay Ka Tonyo iyon. Kapitbahay ko dati.
Marami pa akong napasukang talyer. Mahal ko talaga ang mag-ayos ng
sasakyan, eh."
"Ka Tonyo? Iyong Tony Vehicles?"
Tumawa siya saka nangalumbaba. "Hindi. Pang sosyal yata iyong sinasabi
mo."
Parang gusto ko ring matawa sa sinabi ko. Hindi naman kasi talyer ang 'Tony
Vehicles'. Pero sikat iyon.
Nagulat ako nang dumukwang siya haplusin ang kabilang pisngi ko. "Ganto
yan, Era. Hindi naman kasi ako dating mayaman."
"Ha?" Kung sa sinabi niya o sa paghaplos niya sa mukha ko kaya ako
napapa-tanga sa kanya ngayon ay hindi ko alam. Basta biglang nagblangko ng
ilang segundo ang utak ko.
"Iyong nanay ko, ano, ano bang tawag don? Low profile. Karaniwan lang ba!
'Tapos, nakursunadahan ni Don Crassus! Iyong tatay ko nga. Ayun, ako ang
bunga."
"Oh!"
"Eh, wala. Maganda nanay ko, eh. Kahit low profile, yayamanin naman ang
itsura! Kaya nagkaron sila ng relasyon ng tatay ko. Hindi na ako
magmamalinis, kabit iyong nanay ko. Kaya hindi ako agad kinilala ng tatay ko.
Inilayo kasi ako ng nanay ko ng malaman niyang hindi lang pala siya ang kabit
ng tatay ko. Isang batalyon pala sila."
"Oh!" Ipinilig ko ang ulo ko saka matipid na ngumiti. Pasimple rin akong
umusod kasi magkadikit na magkadikit na pala kami.
"Deogracia. Alam mo naman siguro. Iyong tatay ko, chickboy. Marami kaming
hindi lehitimong anak. Labing-anim nga kaming may ari nitong isla.
Pakonswelo-de-bobo ni erpat." Patuloy niya sa pagku-kuwento.
Tumango ako. "Sina Leony, Michael Angelo, Cloud Deogracia lang at Martin
Luther ang kilala ko sa mga Deogracia." Madalas ko kasing mabasa sa mga
magazines ang pangalan ng mga iyon.

Page 34 / 110
StoryDownloader

Hinimas niya ang kanyang baba saka ngumisi. "Ah, iyong Leony kasi model.
Hindi ko ka-close iyon, masyadong suplada. Iyong Cloud naman, matagal na
siyang kilalang Deogracia plus pa na celebrity iyon. Sina kuya Martin Luther at
Michael, mga nakakatanda sa amin, kilala na sila kasi malalaking tao sila sa
business industry."
"Oo nga..."
"Bale labing anim kaming huling ipinahanap. Kami-kami na pinamanahan ng
isla na ito. Mga huling Deogracia."
"Parang pang pelikula pala." Komento ko.
"Tsss."
Tiningnan ko siya nang matiim. "Thank you, Joss."
"Para saan?" Takang tanong niya.
Nginitian ko siya. "Kasi ipinagkatiwala mo sa akin ang kuwento ng buhay mo."
"Open book naman ang buhay namin. Lalo na ng chickboy naming tatay."
"Pero iba pa rin na ikinuwento mo sa akin. Pati mismong buhay mo."
Kinuha niya ang isang kamay ko saka marahang pinisil. "Wala naman akong
dapat ikahiya sa dati kong buhay. Wala naman akong inagrabyadong tao,
maliban na lang na sa lugar namin ay ako ang pinaka-guwapo. Ayun nga, may
hinanakit sa akin iyong ibang kalalakihan sa inalisan kong baranggay."
I just smiled at his joke.
"So, ikaw naman."
"Me?"
"Bakit ka narito sa Isla Deogracia, Era?" Bigla siyang sumeryoso. "Ano ang
dahilan?"
"Tara na sa isla." Tumayo ako mula sa batuhan. Biglang nagbago ang mood ko.
"Era..."
Nagpakawala ako nang malalim na buntung-hininga bago ko siya tingnan.
"Joss..."
Nakatayo na rin pala siya at nakatitig sa akin. "Bakit ka nagtatago rito? Bakit
mo tinataguan ang limelight?"
"G-gusto ko lang mag-relax."
Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. "Iyong totoo?"
"Joss..."
Ikinibit niya ang mga balikat. "Okay, hindi na kita pipiliting magkuwento.
Basta anytime na maisip mong kailangan mo ng makakausap, nandito lang
ako."
"Salamat."
"You're welcome for life." Muli niyang kinuha ang kamay ko, pero this time ay
para alalayan akong makababa mula sa batuhan.
Hanggang makabalik kami sa hotel ay hindi na muli pang nagsalita si Joss sa
tabi ko, pero hindi na rin niya binitawan ang kamay ko.

Page 35 / 110
StoryDownloader

JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 36 / 110
StoryDownloader

Chapter 8
Chapter 8
NATATAWANG iniharang ko ang mga braso ko sa paparating na tubig. "Hey!
Stop! Stop it!"
Tumigil sa pagsaboy ng tubig-dagat sa akin si Joss. Nag-uunahan kami pabalik
sa puting buhanginan.
"Okay ka lang?" Tanong niya na nakangiti pa rin.
"Yeah!" Nakangiti ring sagot ko. God, ngayon na lang ako nag-enjoy ng ganito.
Para kaming mga batang naghaharutan kanina. Napaka-harot naman pala kasi
ng lalaking ito. Noong una ay hindi ako lumalaban kaya lang halos malunod na
ako sa kagaslawan niya, kaya sa huli nauwi kami sa pagbabasaan.
Natigilan ako nang makitang nakatitig sa akin si Joss. Noong wala pa kami sa
tubig at ganito rin niya ako tingnan. Naiilang akong umiwas ng tingin sa kanya.
Two piece color pink bikini ang suot ko samantalang siya ay itim na
boardshorts. Katulad niya sa akin ay napatanga rin ako sa kanya kanina. He
was topless, for heaven's sake! His six-packed abdomen and wide chest are
perfect on his height. Dagdag pa ang guwapong mukha niya, sino ang hindi
mapapatanga?
Hindi ko lang alam kung ano ang impression niya sa akin. Kampante naman
ako na okay ang itsura ko, maliban na lang sa kung napapayatan na siya sa
katawan ko. Ang laki na kasi ipinayat ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa
stress, nevertheless, the sizes of my breasts never changed.
"Tara?" Yaya niya.
"San na naman? Ikaw, ang gala mo!"
Bago kami maligo sa dagat ay kung saan-saan pa ako dinala ni Joss. Pumunta
kami sa penthouse ng main hotel kung saan nandon ang tinutuluyan niya at ng
mga kapatid niya, mga tila dikit-dikit na pad na karugtong ang last floor ng
hotel. Halos bumagsak ang panga ko sa ganda ng lugar na iyon. Sa paglabas
mo kasi ng penthouse ay mistulan ka ng nasa bahaghari sa dami ng makukulay
na halaman.
Ginawang garden ang labas ng mga glass walls ay orchidarium and roses
pavilion. Marami ring nagagandahang paso at mga mesa at upuang kahoy na
halatang libu-libo ang halaga.
Matapos naming maglibot sa penthouse ay dinala naman ako ni Joss sa
kabilang hotel kung saan naroon ang VIP rooms, doon matatagpuan ang mga
kuwarto ng ibang Deogracia. Parang malaking mansion iyon at nakakalula ang
mga disenyo. Sa mga dingding naman ay mapapanganga ka dahil sikwenta
porsyento ay gawa sa mother of pearl.
Bago kami tumuloy sa dagat para magsurf ay humanga muna ako nang bongga

Page 37 / 110
StoryDownloader

sa kung gaano kayaman ang mga Deogracia.


"Basta." Hinawakan niya ako sa kamay, at mukhang wala na naman akong
choice kundi sumama sa kanya.
"Hindi ba muna ako magbibihis?" tanong ko.
"Okay na iyan."
Sa kabilang dulo ng isla niya ako dinala. Maraming sasakyang pandagat doon
at karamihan ay luxurious yachts. Huminto kami sa isang yate.
"Sasakay tayo diyan?"
"Oo." Inalalayan niya ako paakyat sa loob. "Isa itong yate sa mga binili ko
nong yumaman na ako."
May isang crew doon na kinausap si Joss at pagkatapos ay iniwanan na rin
kami.
"Where are we going ba kasi, Joss?" Bumaba siya sa loob ng yate at nang
bumalik siya at may dala na siyang puting bathrobe. Inabot niya iyon sa akin.
"Come."
Isinama niya ako sa engine room at pagkatapos ay tumuloy kami sa malaking
salamin kung saan kita ang karagatan. Pumuwesto si Joss sa hem ng yate.
"Wow!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Nakalayo na kami sa Isla
Deogracia. Halos malula ako sa ganda ng itsura ng karagatan at puting
buhanginan ng isla mula malayo.
"Ang ganda ng isla. Ang ganda, Joss!"
Lumiko ang yate at bumilis ang andar nito. Nawili ako sa pagtingin sa paligid
hanggang sa unti-unti nang bumagal ang takbo ng sasakyang pandagat. Nasa
Isla Deogracia pa rin kami pero tila tagong bahagi.
"Nasaan tayo, Joss?" Nilingon ko siya.
"Nandito tayo sa likuran ng isla."
Unti-unting dumaong sa pinaka-pantalan ang yate. Iba ang lugar na ito sa
harapan ng isla. Mas tahimik at walang katao-tao rito.
Naghahalo ang berde at puti sa kabuuhan ng lupang binabaan namin.
Maraming halaman na at walang mga cottages. Nagkalat ang mga wild flowers
and wild plants. May mga mga maririnig ka ring mahihinang huni ng mga ibon
mula sa kakahuyan.
Ngayon ko lang nakita ito. Para itong kapitak ng isang paraiso. Napakatahimik
at napakaganda ng paligid.
"May rest house dito?" Manghang tanong ko nang sa paglalakad namin ay may
matanaw akong bubong ng isang bahay.
Isang malaking bahay ang natanawan ko sa dulo. May mayayabong na puno sa
palibot nito. Ang bahay ay tila gawa sa kahoy at salamin. Kitang-kita mula sa
labas ang malaki at kulay gintong garbosang chandelier.
"Iyang bahay na iyan, pinasadya talaga iyan para sa amin. Kapag gusto mo ng
katahimikan, iyong malayo talaga sa mga guests ng isla."

Page 38 / 110
StoryDownloader

"Oh gosh! Ang ganda rito." Parang batang bulalas ko.


"Tara sa Issa." Inakbayan niya ako.
"Issa?"
"Ang pangalan ng bahay na iyan. Ipinangalan sa tunay na asawa ng daddy
namin."
"Ah... si Donya Isadora Cline."
"Nagustuhan mo ba?"
"Ilan ang kuwarto diyan?" Tanong ko rin.
"Sampu."
Kaya pala napakalaki. Mukhang malawak pa sa pinaka-dulo iyon. Parang hindi
lang basta-basta rest house. Parang palasyo sa gitna ng kagubatan.
Pumasok kami sa kahoy na gate.
"Welcome to Issa Glass Mansion."
"Joss! This is so amazing!"
"Kung talagang gusto mong mag-relax, puwede rito."
"A-ayos lang ba na dinala mo ako rito? Baka magalit ang mga kapatid mo..."
nag-aalalang tanong ko.
"Isa ako sa may ari ng islang ito. Ibig sabihin, akin din ang bahay na ito."
"Thank you, Joss..."
"Gusto ko lang na makapag-relax ka nang maayos, Era."
"Thank you." Sobrang na-touched ako. Sa isipin pa lang na pinagkatiwalaan
ako ni Joss na dalahin sa sanctuario na ito. Ni hindi ko sure kung alam ng ibang
guests na may ganitong lugar sa Isla Deogracia.
Hindi lang ang kuwento ng buhay niya ang ipinagkatiwala niya sa akin. Pati na
rin ang magandang lugar na ito. The thought na pinag-isipan ko pa siya ng
masama noon ay parang gusto kong makonsensiya.
Mabait si Joss. Pinag-aaksayahan niya ako ng oras. Hindi naman siya ganoon
ka-pilyo, sa totoo lang ay maginoo pala siya. May pagka-makulit nga lang. At
higit sa lahat, hindi niya ako hinusgahan sa kabila ng marumi ko ng
repustasyon. Ni hindi niya ako pinipilit na magkuwento tungkol sa sarili ko o
maging sa eskandalong kinasangkutan ko kaya naririto ako.
"Puro ka na lang 'thank you' diyan." Wika niya.
"Ano ba dapat?" Lumabi ako.
Hindi siya sumagot. Parang biglang may anghel na dumaan.
Natigilan din ako nang matigilan si Joss. Nakatitig lang din siya sa akin,
partikular sa mga labi ko. And his eyes never blinking.
"J-Joss?"
Ipinilig niya ang ulo. "Halika, ipapakita ko sa'yo ang magiging kuwarto mo."
"Joss!"
Huminto siya pero hindi lumingon sa akin.
"Era, hangga't maaari 'wag kang pa-cute!"

Page 39 / 110
StoryDownloader

"What?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.


"Shit."
"Minumura mo ako?!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi!" Humarap siya sa akin. "Syempre, hindi! Tangina, hindi kita
minumura! Magagawa ba naman kitang murahin eh, putangina, mahal kita!"
Imbes na mainis ako sa kagarapalan ng bunganga niya ay nase-seksihan pa ako.
Oh, my! I'm being weird now.
"What, Joss?" lumapit ako sa kanya at napaurong naman siya palayo.
Kamuntik na akong matawa sa itsura niya. Nakakunot ang noo niya at
namumula ang buong mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
He let out a loud groan of frustration.
"Joss, bakit nga?" natatawa na talaga ako sa itsura niya. Para siyang maiihi na
ewan.
Lalong kumunot ang noo niya. Inis niya akong tiningnan. "Kasi ang cute-cute
mo 'pag ginaganyan mo ang labi mo. Ang hirap, eh!"
"Anong mahirap?"
Matagal siya bago nagsalita. "Kasi... natutukso akong halikan ka, Era."
There. Doon na nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Joss sighed. "Kalimutan mo na. Tara na sa taas."
"Joss..."
"Ano na naman?"
Lumunok muna ako. Pilit kong hinahanap sa isip ko ang sasabihin ko, nang
bumukas ang mga labi ko ay maski ako nagulat sa nasabi ko. "It's okay..."
"Ano?"
Kimi akong ngumiti. "It's okay if you wanna kiss me."
"Ano?!" Napatanga siya sa akin. "Ano ba iyang sinasabi mo?"
Wala na rin akong balak bawiin iyon, I also want to kiss him. Biglang nawala
ang mga inhibisyon ko. Hindi ko alam kung saan napunta, pati utak ko hindi ko
alam kung saan nagagala ngayon. Ang tanging gusto ko lang ay pagbigyan ang
sarili ko... I want to feel Joss' lips on mine...
"Era..." hirap niyang salita. Para siyang kinakapos sa paghinga habang
nakatingin sa mukha ko.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Alam kong kulay kamatis na ako
ngayon, but I don't care. Nagsalita muli ako habang sinasalubong ang mga titig
niya sa akin. "Look, Joss, artista ako. Marami na akong nakahalikang lalaki. Isa
pa, kaibigan na ang turing ko sa'yo at may tiwala na ako sa'yo-"
"Tiwala?" Napaungol siya.
"Ayos lang sa akin na... halikan mo ako."
"Hindi mo alam kung ano ang hinihingi mo sa akin."
"Alam ko..." humakbang ulit ako palapit sa kanya. Inabot ko ang braso niya,
ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Joss.

Page 40 / 110
StoryDownloader

"Era..."
"C'mon..."
"Gusto mo 'to," napasabunot siya sa kanyang buhok. Ilang beses na
bumaba-taas ang Adam's apple ni Joss.
"Yeah, gusto ko. Kaya nga sinasabi ko na-" hindi ko na natapos ang
pagsasalita.
Joss Deogracia shut my mouth with his mind-numbing kiss. Kumawala ang
isang impit na ungol mula sa akin, at dahil doon ay mas lumalim pa ang
paghalik niya.
Namalayan ko na lang na wala na akong ibang kikilusan. Na salaming pader na
ng rest house ang nasa likuran ko at ang mga braso ni Joss ay parang hawla na
nakaharang sa tagiliran ko. Hindi na ako makakilos dahil mismong katawan
niya ay binilanggo na ako.
His mouth ravaging mine like he was eating me! And his tongue urged me to
open my lips so he could invade my mouth. Nagawa niya rin ang gusto niya
dahil naging alipin na ako ng mainit niyang paghalik sa akin.
Yes, it's true, marami ng lalaki ang humalik sa mga labi ko. Matagal na akong
artista, at hindi na mabilang sa mga daliri kung ilan ang mga nakapareha ko sa
mga pelikula at teleserye na pinagbidahan ko. Pero bakit iba ang dating ng
halik na ito ni Joss? Bakit kakaiba? His kiss was heavenly.
Bakit nalulunod ako? Nalulunod ako sa init, sa tamis at sa pagkasabik. Hindi ko
maintindihan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hanggang sa tinutugon ko na
rin ang bawat pagalaw ng mga labi niya at ang pagkiskis ng katawan niya sa
akin. I could almost feel his hard thing there between his thighs.
"Damn, Joss..." I rasped when he pulled away.
Namumungay ang mga mata naming dalawa. Ipinatong niya ang noo sa noo ko
at ikinulong ang mukha ko sa mainit niyang mga palad. Ang mainit niyang
hininga ay nasa tapat pa rin ng bibig ko.
"Joss..."
"Putanginang labi iyan, ang sarap..."
Bumaba ang isang kamay ni Joss sa balakang ko at marahang pumisil doon.
"Umakyat ka na sa taas, Era. Go, habang nakakapagpigil pa ako."
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "M-mabuti pa nga..."
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 41 / 110
StoryDownloader

Chapter 9
Chapter 9
MATAPOS ang unang gabi sa glass mansion sa kabilang bahagi ng isla ay
dinala naman ako ni Joss sa falls. Ilang lakad lang iyon mula sa likuran ng
malaking rest house. Isa raw ang malaking falls na iyon sa dahilan kaya sa
bahaging ito ng malaking isla itinayo ang glass mansion na ipinangalan pa kay
Donya Isadora Cline Deogracia, ang legal na asawa ng ama nila Joss.
Hindi na sila nag-abala pa na magpagawa ng pool para sa rest house, nariyan
ang bughaw na karagatan at ang nakakabighaning talon para sa gustong
magtampisaw sa tubig. Bahagyang tago ang talon pero madaling matagpuan
kapag alam mo na ang daan.
"Oh my God! This is breath-taking!" Hindi ko napigilang humanga sa
magandang tanawin na bumulaga sa akin.
Malaking talon na napakalinaw. Ang ilog naman ay parang kristal na
kumikinang dahil sa tama ng araw mula sa itaas. Hindi man buong ilong ay
naaarawan pero maliwanag naman ang paligid. Bitbit ang tig isa naming
tuwalya at basket ng pananghalian ay dito na agad kami dumeretso ni Joss
matapos naming mag-almusal.
Malalaki ang tipak ng bato ngunit hindi nakakatakot. Parang eksena sa paraiso
ang malayang pag-agos ng tubig sa talon, ang mabining pag-alon ng ilog, ang
huni ng mga ibon at ang pagalaw ng mga puno at halaman. Ang lilim na sapat
para hindi maging mainit ang paligid.
"Walang binago sa mga iyan. Iyan pa rin iyan, natural na kalikasan. Mula sa
mga lumot, bato at mga halaman sa paligid."
"Ang ganda, Joss!" Lingon ko sa kanya. Ibinababa niya na ang dalang basket.
"Tara? Ligo na?"
"Oo ba!" Hinubad ko ang suot kong hanggang tuhod na dress. Sa loob niyon ay
ang pares ng royal blue bikini.
Ang guest room na tinuluyan ko kagabi sa rest house ay may sadya ng mga
damit pambabae para sa kung sino mang guest na tutuloy doon. Ang karamihan
sa mga damit sa closet ay may mga tag pa kaya tiyak na bago, ang iba naman
ay nilabhan na siguro ngunit bago pa rin at wala pang nagsu-suot. Sabi sakin ni
Joss ay okay lang na gamitin ko ang alin man doon.
"Ano?" Sita ko sa kanya. Hindi pa rin kasi kumikilos si Joss. Naka-pamewang
siya habang nakatingin sa ilog.
"Mauna ka na." Sagot niya na di pa rin tumitingin sa akin.
"Nge, ano iyon? Nilalamig ka, noh?" Tudyo ko sa kanya.
Ngumiti siya saka umiling. "Sige, lusong na. Walang ahas at buwaya diyan."
"Bahala ka." Bumaba ako sa batuhan, kung ayaw niya pang maligo eh, di

Page 42 / 110
StoryDownloader

bahala siyang mainggit. Ang sarap yatang maligo.


"Dahan-dahan ka."
"Opo, Lolo." Kinawayan ko siya nang tuluyan na akong lumubog sa tubig.
"Ay! Ang lamig! Parang may yelo!" Napahagikhik pa ako habang lumalangoy.
This is the best! Mas maganda at masarap maligo rito kumpara sa mga
magagandang beach na napuntahan ko na.
Pabalik-balik ako sa paglangoy hanggang sa mag-floating na ako pero hindi pa
rin lumulusong si Joss. Tuwang-tuwa ako sa tubig, naroon ang sumahod pa ako
sa talon at sumisid sa ilalim.
"Hoy?!" Umahon ako matapos ang ilang minuto ng pagso-solo.
Nakatayo pa rin si Joss sa batuhan habang seryoso ng nakatingin sa akin.
"Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Nakakatuwa ka lang kasing panoorin." Sagot niya na seryoso pa rin. "Para
kang sirena slash diyosa."
Sinimangutan ko siya, medyo sanay na rin ako na gandang-ganda siya sa akin.
Hindi ko alam kung minsan ba ay binobola niya na lang ako o ano, pero sa
loob-loob ko ay kinikilig ako. Hindi ko maawat ang sarili ko na makaramdam
ng kasiyahan tuwing pinupuri niya ako.
"Sige na langoy ka pa."
Inirapan ko siya. "Tse! Kaya siguro ayaw mong lumusong kasi binobosohan
mo ako!" Biro lang naman iyon pero mukhang sineryoso ng loko.
Nagsalubong ang mga kilay ni Joss at nag-isang linya ang manipis na mga labi.
"Joke lang, uy!" Binato ko siya ng sinalok kong tubig sa mga palad ko. "Come!
Join me here na kasi!"
"Mamaya na." Naupo na si Joss sa batuhan. Nakabuka ang mga hita niya
habang nakapatong ang magkabilang siko sa mga tuhod.
"Ang kill joy mo. Sige na, langoy na tayo, Joss!"
"Mayamaya na ako, Era."
"Di ka mag-e-enjoy sa kakatingin lang sa akin, hmp." Sumisid na ulit ako.
Kahit pa alam kong useless lang na magtago ako sa ilalim ng ilog, sa linaw ng
tubig ay kitang-kita pa rin naman ako ni Joss.
Nang biglang umalon ang ilog, iyon pala ay nag-dive na siya. Pag-ahon ko ay
nakita kong naglalangoy na rin si Joss. Hubad-baro na ang lalaki. Ang tanging
suot ay isang kulay abong brief na may tatak na Calvin Klein. Para siyang isang
Adonis ng kagubatan na naglulunoy sa tubig ng talon.
Nang huminto si Joss ay nakangiti ang mukha niya nang humarap sa akin.
Malayo lang siya ng isang dipa mula sa kinaroroonan ko. Tumutulo ang tubig
mula sa basa niyang buhok patungo sa matangos na ilong, pisngi at mga labing
lalong naging mapupula dahil sa tubig. Basa ang leeg, ang malapad na balikat
maging ang ibabaw ng matikas na dibdib.
"Mas hot ako kapag wet." He said while looking at my lips.

Page 43 / 110
StoryDownloader

Napalunok ako. Bakit siya nakatingin sa mga labi ko?


Bumilis ang paghinga ko at dumadagundong ang dibdib ko.
May lethal effect siya sa akin. Ikinaila ko iyon noong una. Pero hindi ko na
maita-tanggi iyon ngayon. Mas naging malinaw sa akin ng halikan niya ako
kahapon.
At ngayon, nakatingin siya sa mga labi ko...
Get a grip, Amera! I scolded myself.
May gusto sa akin si Joss! Malamang na gusto niya akong halikan ulit! Baka
nga higit pa ron! Sa isiping iyon ay nagbago ang pakiramdam ko. Ang tila
pananabik ay nahaluan ng pangamba. Just like any other man, gagawin niya
ang lahat para makuha ang loob ko. Pag nakuha niya na ang loob ko, ano na
ang kasunod? God-knows-what!
Pero ito at nakuha na nga ni Joss ang loob ko. Sumama na nga ako sa kanya sa
parte ng islang ito. Natulog kami sa iisang bubong. Sa kabila ng maraming
pagkakataon ay wala siyang ginawang masama. Hinalikan niya ako pero ako
ang nag-utos sa kanya na gawin iyon because I want to kiss him too.
Gusto niya ako. At nagugustuhan ko na rin siya.
"Era..."
Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Nakalapit na pala siya sa akin.
"Kung gaano kaganda 'tong lugar na ito... sampung ulit na higit ka pa."
"Mambobola ka." Sagot ko.
Ano ba talaga ang gusto ni Joss sa akin? Kung gusto niya akong gawan ng
masama, ang dami niyang pagkakataon pero hindi naman niya ginawa. Hindi
niya ako sinamantala kahit kailan. Hindi siya masama.
Kung hindi siya masama, ayos lang din kaya na magustuhan ko siya?
Damn it. Mukhang ganoon na nga ang nangyayari.
"Tara na. Baka giniginaw ka na." Nakangiting yaya niya.
Tumango ako at saka nagpatiuna ng umahon sa ilog. Ibinalabal ko sa katawan
ko ang baon kong tuwalya. Sumunod si Joss sa batuhan. Binuksan niya ang
dala naming basket saka inilabas ang niluto niyang hotdogs, friedchicken at
kanin. Inilabas niya ang mga styro plates at mga kubyertos na plastik saka
sinimulang lagyan ako ng pagkain sa plato.
"Kain na, papatabain kita." Nakangising yaya niya.
Ngiti lang ang naisagot ko. Hindi na kami gumamit ng kutsara, ibinalik din
namin iyon sa basket dahil pauso si Joss, magkamay na lang daw kami. Sa
ibabaw ng batuhan ay binusog namin ang aming mga sarili sa dala naming
lunch. Picnik sa tabi ng talon. Ako naman ay siyang-siya na pinagmamasdan
ang walang arteng pagkain ni Joss.
It felt like everything stopped moving as I stare at him. Imbes sa katawan ay
nakapandong sa ulo ni Joss ang tuwalya. Nakaladlad ang katawan niya sa
paningin ko. Kahit nakaupo ay wala siyang katiyan-tiyan. He had a perfect

Page 44 / 110
StoryDownloader

washboard abdomen. Lalaking-lalaki ang dating. Masibang kumain pero sakto


at maganda ang katawan.
And funny because he's still handsome even while his mouth was full with
food. Aware kaya siya na kahit ngumunguya at puno ng kanin ang bibig ay
guwapo siya? Ang cute lang niyang panoorin. He looked like a playful god
with bronze skin. Moreno na mamula-mula ang kutis niya.
"Uy, wag mo naman akong tingnan ng ganyan."
Naputol ang pagmamasid ko sa kanya nang mapansing nakatingin na rin siya sa
akin.
"Kung makatingin ka diyan, para kang mangungutang."
Natatawang hinampas ko siya ng binti. "Siraulo ka talaga!"
"Magsabi ka lang, papautangin naman kita kahit hindi mo ako tingnan ng
ganyan, eh."
"Sira ka!"
"Sabihin mo, pinagnanasaan mo ako."
Nangingiti na lamang ako. Mayamaya ay tiningnan ko siya muli. "Thank you
for sharing this wonderful experience to me." Sinserong pasasalamat ko.
"You're welcome for life." Aniya sabay kindat. Sinandukan niya pa ulit ako ng
maubos na ang pagkaing laman ng hawak kong styro.
Pagkatapos kumain ay nauwi na kami sa pagha-harutan sa tubig. Hapon na ng
bumalik kami sa rest house.
Nagbanlaw lang ako at nagbihis, pagbaba ko sa kusina ay nalinis na ni Joss ang
mga pinagkainan namin sa falls. Nakapagbihis na rin ang lalaki at ngayon ay
naghahanda na para sa kakainin namin sa gabi. Maging ang tupperware na
ginamit namin at basket ay nahugasan at naitabi niya na rin. Nakapag-salang na
rin siya ng kanin para sa hapunan namin.
"Bilis mo ah..."
"Syempre, nagpapa-pogi ako sa'yo, eh." Sabay kindat niya. Naka-apron pa ang
mokong habang naga-gayat ng uulamin namin for dinner. "Ipapatikim ko
naman ngayon sa'yo ang 'Joss-caldereta'! Pag di ka pa ma-in love sa akin after
mo matikman 'to, naku, ewan ko na lang talaga!"
Paano ko nga ba hindi magugustuhan ang ganitong lalaki? Hindi siya mahirap
magustuhan. Ibang-iba siya sa lalaking akala ko ay siya. Hindi dahil maangas,
prangka, madaldal at pilyo si Joss... kundi dahil ramdam ng puso ko na totoong
tao talaga siya.
Ang sarap na naman ng tawa ko sa mga kalokohan niya habang pinapanood ko
siyang magluto sa kusina. I just realized that I never had a good time like this,
ngayon lang. Ngayon lang dahil si Joss ang kasama ko.
JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 45 / 110
StoryDownloader

Chapter 10
Chapter 10
SA PAGOD ko sa pagliliwaliw sa kakahuyan ay di ko na namalayan ang oras.
Alas-kuwatro na ako ng hapon nagising. Maaga kasi kaming lumabas ni Joss
kanina, sa labas na naman kami nag-lunch. Doon sa kasukalan, sinamahan ko
kasi si Joss na manghuli ng baboy-ramo. Noong una takot na takot ako, pero
mukhang sanay si Joss sa mga ganoong ka-delikadong gawain kaya kahit paano
ay nawala na ang kaba ko.
Magkatulong naming nilinis ang baboy saka iniluto sa ginawa niyang apoy.
Dala ang mga gamit at ilang ingredients ay nakaluto kami ng tanghalian.
Panibagong karanasan na naman sa akin. Para kaming nag-camping ng ilang
oras sa pinaka-pusod ng Isla Deogracia Ngunit pinagsabihan ako ni Joss na
wag pupunta sa parteng iyon ng kakahuyan ng nag-iisa. Delikado raw dahil
may mga ligaw na hayop nga roon.
Lalabas sana ako ng silid para uminom ng tubig sa kitchen. Kakabukas ko lang
ng pinto nang mapatili ako sa gulat. Muntik na akong bumangga sa katawan ni
Joss kung hindi ako napaatras.
"Joss! Anong ginagawa mo rito?" Nasa tapat siya ng pinto ng kuwarto ko,
saktong pagbukas ko nito. "K-kanina ka pa ba?"
Nakatitig lang siya sa akin. Walang kakurap-kurap.
"Joss? Okay ka lang?"
Saka ko naalala ang ayos ko. Isang manipis na dress at wala pala akong suot na
bra dahil init na init ako kanina bago ako matulog. At bakat na bakat ang dulo
ng dibdib ko, at doon ko nakitang napatitig si Joss kanina!
"Damn..." anas ko nang makita ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. Hindi
siya santo at lalaki siya! At dalawa lang kami sa bahay na ito. I bit my lower
lip. "I... I'm sorry! Hapon na pala, nawala ako sa sarili. Ang tagal kong
nakatulog. Nakalimutan ko na narito ako sa rest house niyo. Wait, magbibihis
lang ako."
Pero hindi ako nakaalis dahil parang magnet ang mga mata ni Joss. "Kinakagat
mo na naman ang labi mo..."
"Joss... I..." umatras ako ng isa pero umabante naman siya.
"Hey... wag ka munang umalis."
Nagulat ako nang kuhanin niya ang isang kamay ko saka dalahin sa kanyang
bibig. Napaigtad ako ng sipsipin niya ang hintuturo ko habang hindi
inihihiwalay ang paningin sa mukha ko. Nag-aalab ang mga mata niya. He was
looking at me as if he was going to eat me whole.
"Joss..."
"Go..."

Page 46 / 110
StoryDownloader

"Ha?"
"Sige na pala. Pumasok ka na ulit sa kuwarto mo..."
Napalunok ako.
"Hindi mo naman siguro gusto na lunukin kita."
"Ha?"
"Kainin, rather."
"Joss!"
Tila namimigat ang mga talukap ng mga mata niya habang sinasalubong ang
paningin ko. Tila inaarok ang kabuuhan ko at binabasa pati ang kaluluwa ko.
"Para kang bawal na pagkain... bawal pero masarap. Iniiwasan ko kasi bawal.
Pero gustong-gusto ko namang tikman. Gusto kong kainin. Gusto kong
ipagdamot sa iba. Gusto kong walang itira..."
"A-ano bang s-sinasabi mo?" nabubulol na tanong ko. Halos mabingi ako sa
lakas ng pintig ng puso ko.
"Pero bawal ka. Bawal dahil ayaw kong pilitin ka. Ayaw ko kasi mahal kita...
hindi ka kagaya nong ibang kinakain ko, puwede kahit kailan. Ikaw,
iginagalang ko... kaya iniiwasan ko... pero masakit. Masakit kasi natatakam
ako..."
"Joss..."
"'Tapos tinatakam mo pa ako... Gusto ko tuloy isiping galit ka sa akin. Gusto
mo yata akong patayin, eh. Hindi mo alam kung gaano kahirap maglaway sa
pagkaing bawal."
He moved an inch closer to me. And I could almost feel his growing arousal
against the fabric of my dress.
"Era..."
"Joss... kung sakaling hindi na bawal..."
Ang mabilis niyang paghinga ay literal kong narinig na tumigil. Dumiin ang
hawak niya sa isang kamay ko.
"Masama akong biruin." He said to me.
I smiled at him. "Ikaw lang ang joker sa ating dalawa."
Bumitiw siya sa kamay ko saka tumalikod.
"Hindi ako nagbibiro, Joss..."
"Pasok na sa kuwarto. Wag ka na ulit lalabas ng walang bra, kundi gagahasain
na talaga kita."
Tatawa sana ako sa sinabi niya kung naiba lang ang pagkakataon. Kaya lang
hindi ako natatawa ngayon. My body was aching for his touch. Hindi ko alam
pero biglang naging hungkag ang pakiramdam ko ng nawala ang mainit na
singaw ng katawan niya na kanina'y halos nakadikit sa akin.
"Joss..." wala na akong pakialam kahit maging tunog desperada na ako.
Ito ang unang beses na gusto kong kumawala sa image na matagal ko ng
pinanga-ngatawanan kahit hindi na ganoon ang tingin sa akin ng mga tao. Kahit

Page 47 / 110
StoryDownloader

ngayon lang, ayaw ko munang maging si Amera, iyong artistang feeling virgin
kahit daan-daan na ang naka-kissing scene sa mga teleserye at pelikula. Iyong
Amera na hindi nagpapaligaw off cam. Iyong babaeng feeling virgin at
man-hater daw pero may sex scandal naman.
"Joss... sandali."
Nang lumingon siya sa akin ay iba na ang reaksyon ng mukha ni Joss.
Nakakalunod ang nababasa kong pagnanasa at pagibig sa mga mata niya. Yes, I
could see love in his eyes. His burning passion and desire for me. He wasn't
lying. Gusto niya ako pero naroon ang pagpipigil kasi gusto niya akong
irespeto. Nire-respeto niya ako sa kabila ng pangit ko ng reputasyon.
Inilang hakbang ko ang pagitan namin saka ako na mismo ang umabot sa mga
labi niya. Nanigas ang buong katawan niya sa kapangahasan ko ngunit sa huli
ay parang uhaw na hayop na rin niyang ginaganti at hinihigitan pa ang paghalik
ko sa kanya. Nakayapos ako sa leeg niya at ang mala-bakal niyang mga braso
naman ay halos mapitpit na ako sa higpit ng pagkakayap niya.
Mas malalim sa halik na pinagsaluhan namin noong isang hapon. Mas
mapaghanap ang halik na ito. Iyong tipo ng halik na hindi puwedeng mahinto
sa wala lang. Iyong halik na maraming pangako na dapat matupad ngayon
mismo. May tensyon na namumuo sa puson ko sa bawat pagalugad ng dila niya
sa loob ng bibig ko at pagdaiti ng palad niya sa katawan ko.
Sumapo ang palad ni Joss sa balakang ko, naglakbay pataas sa likuran ko
hanggang sa gilid ng dibdib ko. Ang mga kamay ko naman ay naglalaro sa
buhok niya at humahaplos sa kanyang batok.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nagtagal ito ron hanggang sa bumaba sa
isang balikat ko. Humahagod ang mainit niyang labi na tila may dalang maliliit
na titis ng apoy. Ang mainit na pakiramdam sa ilalim ng pusod ko ay kumalat
na sa buong katawan ko at halos kainin na ako nang buo.
"Joss..." bahagya akong umurong upang sumagap ng hangin.
Inulalol niya ng halik ang leeg ko patungo sa pagitan ng aking dibdib.
"Era, baby..." he rasped. "Okay lang ba na buksan ko na ang zipper ko?
Puputok na kasi."
"Alright." Napapangiting sagot ko.
Nang ibaba niya ang zipper niya ay dagli ko na ring itinaas ang suot niyang
V-neck shirt. Dinama ko ng palad ko ang mainit at matigas niyang katawan.
Malalim ang naging pag-ungol ni Joss ng humagod sa kanyang tiyan pataas sa
kanyang dibdib ang mga palad ko.
"Sa kuwarto mo tayo..." hirap na yaya niya sa akin.
Hindi ko na maalala ang isinagot ko. Namalayan ko na lamang na nakahiga na
ako sa kama habang ang buong bigat niya ay nasa ibabaw ko na.
He gently took off my clothes. Walang pagmamadali, parang ninanamnam ang
bawat minuto. Nang wala ng matirang saplot sa katawan ko ay hinawakan niya

Page 48 / 110
StoryDownloader

ang magkabilang pulso ko para itaas iyon sa uluhan ko. Pinagsawa niya muna
ang mga mata sa kahubaran ko saka hinalikan ang bawat parteng maibigan
niya.
And he was now dominating my body with his lips and both hands. Walang
parte ng katawan ko ang hindi niya pinaraanan ng mga labi niya at dinama ng
kanyang palad. Matapos salitang sambahin ng bibig niya ang magkabilang
dibdib ko ay bumaba naman ang isang kamay niya sa pagitan ng mga hita ko.
Marahan lang ng una hanggang sa bumibilis ang paghaplos niya sa pagkababae
ko. And he was now rubbing my sex with his palm.
He tried to insert his two fingers inside my core, pero iisa lang ang kumasya
kahit basa na. Napapiksi pa ako ng sumagad iyon sa pinakadulo. Mabuti na
lang talaga at basang-basa na ako, kung hindi ay baka namilipit na ako sa sakit
sa daliri pa lamang niya.
"Masikip, baby Era..."
Ngumiti lang ako at saka hinila siya sa batok.
"Akala ko hanggang pantasya ka lang..." malamlam ang mga mata niyang
nakatitig sa akin. "Sana noon pa hinanap na kita. Sana hindi ako nagsayang ng
oras para matagpuan na agad kita... sana hindi ka na nasaktan."
"Ako ang nakahanap sa'yo... at least nagkita tayo..." Wala akong balak sabihin
sa kanya na siya ang una. Malalaman din naman niya iyon mamaya. Gusto
kong ibigay kay Joss ang sarili ko at wala akong pag-aalinlangan don. Wala
akong pagsisisihan sa huli.
"Amera..."
"Era..." anas ko habang hinahaplos ang guwapong mukha niya. "Mas gusto
kong tawagin mo ako sa pangalang ikaw lang ang tumatawag sa akin."
Ngumiti siya at saka muling inangkin ang mga labi ko. Naramdaman ko ang
paghugot niya ng daliri sa loob ko at ang paghihiwalay niya sa mga hita ko. I
know what he's about to do. And I am ready for it. I am ready for him.
Nang maghubad sa harapan ko si Joss ay hindi ako pumikit. Gusto ko ring
makita ang kabuuhan niya, at nagpapasalamat ako na hindi ako umiwas ng
tingin. He was perfect, kagaya ng iniisip ko. His male part was huge and hard.
Agad siyang pumuwesto at isinentro ang kanya sa akin.
Hindi ko napigil ang pag-alpas ng impit na daing pagkatapos. Parang may
napigtal sa pagitan ng mga hita ko. Parang hinati ako mula sa gitna. Sandali
ring natigilan si Joss sa ibabaw ko.
"Era..." nanlalaki ang mga mata niya habang nakaawang ang mapula niyang
mga labi habang nakatunghay sa mukha ko.
Masakit pero hindi ko siya gustong tumigil. Parang hindi ko mapapatawad ang
sarili ko kapag hindi namin natapos ito. Kapag hanggang dito lang ito. At alam
kong ganoon din siya, alam kong mahirap para sa kanya na huminto.
"Shit. Puta. 'Tangina." Itinukod niya ang isang kamay sa tabi ng ulo ko. "Ayos

Page 49 / 110
StoryDownloader

ka lang? Anak ng pitong tupa, bakit di mo naman sinabi? Sana nag-slow


motion ako!"
"Okay lang..." pinilit kong makapagsalita sa kabila ng hapdi na tila pumupunit
sa akin.
"Sigurado ka? Dudugo pepe mo saka di ka makakalakad mamaya. Shit, bakit
kasi di mo sinabi, eh. Sana pala dinila-dilaan ko muna para madulas na-"
"Ano ba?! Itutuloy mo ba iyan o hindi?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.
"Ang dami mong satsat."
Tumingin pa siya sa akin.
Kinurot ko ang isang pisngi ng matambok na puwitan ni Joss. "Come on! I
want it to be you. I want you to be the first. Continue what you've started!"
Nagtagis ang mga ngipin niya, ang mga mata ay nahaluan ng ningas. Ningas ng
pinaghalu-halong galit, pagpipigil at ang di nawawalang pagnanasa. Napapikit
ako nang dumiin at mas bumaon sa loob ko ang pagkalalaki niya. Kagat ko ang
pang-ibabang labi ko habang tinatanggap ang bawal pag-ulos ni Joss.
Magkahalong tamis at sakit ang pumapaloob sa akin hanggang sa tuluyan nang
mag-isa ang mga katawan namin. Mahigpit ang kapit ko balikat ni Joss na tila
ba doon ako kumukuha ng lakas. Ang pagalaw niya ay unti-unting bumibilis.
"Era..."
"Hmn..." ungol na lamang ang kayang lumabas sa bibig ko. Hinawakan ni Joss
ang mukha ko at pinagdikit ang aming mga noo.
"Makinig ka sa akin, hindi lang una ang gusto ko." He said while thrusting
inside me. I could feel him staring at me even with my eyes closed.
Tumango ako kahit hindi ko maunawaan ang sinasabi niya. Ang malinaw lang
sa akin ay ang kakaibang sensasyon na dulot ng pag-iisa namin. Malinaw din sa
akin ang pinagsamang tibok ng magkadikit naming dibdib maging ang pagkilos
niya sa loob ko.
Bawat segundo ay mas nag-iinit at mas rumarahas ang paghugot at pagbaon
niya sa pagitan ng mga hita ko. His manhood was throbbing against my walls.
"Ah..." hindi ko na alam kung sino sa amin ang nagpakawala nang mahabang
pag-ungol.
Next thing I knew was I am consumed by a powerful climax. Kasunod ay ang
pagpapakawala ng mainit na likido ni Joss sa loob ko.
He didn't let go of my body. Kahit tapos na at humupa na ang init sa pagitan
naming dalawa ay nanatili siyang nakayakap sa akin, at ako ay nakakulong sa
kanyang mga braso. Dinampian niya ako ng maliliit na halik mula sa aking
noo, sa pisngi at sa bridge ng aking ilong. Ang mainit niyang mga labi ay hindi
rin umaalis sa balat ko.
"I love you, Era..." hinihingal niyang sambit.
Hindi na ako nakasagot sa sobrang pagod. Pero hindi ako lumayo sa kanya.
Nanatilli ako sa mga braso ni Joss. At gusto kong manatili pa roon nang mas

Page 50 / 110
StoryDownloader

matagal pa.

JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 51 / 110
StoryDownloader

Chapter 11
Chapter 11

ITINAAS ko ang kumot hanggang sa leeg ko. Gabi na, nakabukas ang mga
sliding window sa kuwarto kaya pumapasok ang hamog mula sa labas.
Naririnig ko na rin ang huni ng mga kuliglig.
"Joss?"
"Halika rito..." nakapikit na inaabot niya ako pero umiwas ako.
Nakadapa siya sa kama at nakatagilid ang kanyang mukha. Wala siyang saplot
maski isa kaya nakabalandra sa paningin ko ang hubad niyang likod. Pantay
ang kulay ni Joss, moreno at makinis. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag
napapatingin ako sa matambok niyang pang-upo. Mabuti na nga lang nakadapa
siya, baka hindi ako makakilos nang maayos kapag iyong nasa harapan niya
ang makikita ko.
"Tara na, bangon na muna..." pinindot ko ang isang pisngi niya.
"Hmn..."
"Hindi pa tayo nagdi-dinner, gabi na po."
"Gutom ka na ba?" Doon siya dumilat.
"Yes."
Biglang balikwas si Joss. Nawala bigla ang antok sa mukha. "Dito ka lang."
"Ha?" Iniwas ko agad ang mga mata ko nang umupo siya sa kama, ang mokong
ni hindi man lang nag-abala na takpan iyon 'ano' niya.
Bigla siyang dumukwang saka humalik nang mabilis sa labi ko. "Dapat kanina
mo pa ako ginising, nagugutom ka na pala, eh."
"Masarap ang tulog mo, naghihilik ka pa nga." Nakalabing sagot ko.
Ngumisi siya. "Nag-re-charge lang ako, pinagod mo kasi ako."
Inirapan ko siya, kahit green ang biro niya nakakaaliw pa rin. Nababaliw na
nga yata ako talaga.
Umalis siya sa kama saka hinagilap sa sahig ang nahubad niyang boxers.
Pagkasuot niya ay nilingon niya ako. "Ako na bahala. Dito ka lang, pahinga ka
lang, okay?"
"Lagi na lang ikaw ang nagluluto."
"Bawi ka na lang sa susunod." Kumindat pa siya bago lumabas ng kuwarto.
Napapangiti na lang ako nang mapag-isa na ako. Muli akong nahiga sa kama,
nananakit ang buong katawan ko pero wala akong makapang ni katiting na
pagsisisi. Masaya ako, at natitiyak ko iyon.
Nang bumalik si Joss matapos ang ilang minuto ay may bitbit na siyang tray ng
pagkain na pinagsaluhan naming dalawa. At pagkatapos ay sabay kaming
nag-shower, at muli ay nagpatangay na naman ako sa kabaliwan ko.

Page 52 / 110
StoryDownloader

Ilang ulit pa ng gabing iyon na buong pusong nagpa-angkin ako kay Joss
Deogracia.

...
PARANG walang problema, parang magaan lang ang lahat ng bagay at walang
iniisip habang nasa piling niya ako. Nauubos ang bawat oras sa pagku-kulitan,
pagha-harutan at paglilibot-libot namin sa parteng iyon ng isla. Tuluyan ng
nawala ang inhibisyon ko.
Hindi nabawasan ang sweetness at kakulitan niya kahit pa ilang beses ng may
nangyari sa amin. Sa kuwarto ko na rin siya natutulog, magkayakap kami
tuwing gabi at magkayakap pa ring gigising sa umaga. Hindi siya nagsasawang
halikan ang mga labi ko at pagkatapos ay sabihin sa akin kung gaano ako
kaganda.
Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ako inaangkin ni Joss... sa kama, sa
sofa, sa terrace at sa batuhan sa tabi ng talon. Sa lilim ng mga puno matapos
naming mapagod sa pagtatampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Amin ang
mundo habang magkasama kaming dalawa.
"When are we going back to the hotel?" Tanong ko. Nasa tabi ako ng malaking
bintana ng guestroom na kinaroroonan namin.
"Ayaw mo na ba rito?" Nakasandal si Joss sa headboard habang nakapikit.
Walang pang-itaas at ang suot na jeans ay nakabukas ang zipper at butones,
nakalitaw ang puting brief mula sa loob.
"Of course not. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto rito." Lumakad ako
palapit sa higaan at saka naupo sa tabi niya. Bahagya kong tinapik ang isang
hita niya.
"Dito ka na tumira."
"Joss..."
Dumilat ang lalaki at saka matamang tumitig sa mga mata ko. "Kasama ako...
dito ka na lang."
"Alam mong hindi puwede iyan." Iling ko.
"Baka lang makalusot."
"Ikaw talaga." Pinisil ko ang bridge ng matangos niyang ilong saka humilig sa
kanyang dibdib.
Kung hindi ko lang inaalala ang mga naiwan kong responsibilidad sa siyudad
ay baka gustuhin ko pang magtagal dito. Dito ko lang kasi naranasan iyong
kalayaan na gawin ang mga gusto ko. Narito ko lang din nasumpungan ang
kapanatagan. Dito sa islang ito. Dito sa piling ni Joss.
...

Page 53 / 110
StoryDownloader

SA HOTEL ROOM.
Hindi ako pumayag kahit anong pilit ni Joss na sa penthouse niya ako dalahin.
Hindi rin ako pumayag sa pag-i-insist niya na dito siya sa kuwarto ko. Ayaw
kong mag-isip ang ibang tao. Mabuti sana kung hindi ako artista at wala ako
kinasusuungang eskandalo. Ayaw kong ma-chismis siya sa akin. Kahit pa
sabihing tapat ang mga tauhan ng Isla Deogracia ay hindi pa rin ako
nakakasiguro, lalo sa ibang guests na ang iilan ay kilala ako.
"Where the hell are you?! Ilang beses kitang kino-contact!"
"I'm so sorry, Mindy..." ang cellphone ko agad ang hinanap ko. Twenty three
missed calls, fifty two text messages and five voice mails. Hindi lahat galing
kay Mindy, sa driver ko at sa ilang kaibigan sa show business. May ilan ding
unknown numbers.
"Sorry?" Gagad niya.
Nakikinita ko ang mukha ni Mindy na sambakol habang nanggi-gigil sa hawak
na fone. Malamang na nakakunot ang noo ng may edad at may katabaan kong
manager.
"'Teh, anong sorry?! Ayan at kailangan mo ng bumalik kung hindi iilitin na ang
condo mo sa QC! Laman ka ng tabloids! Nag-atrasan na iyong kukuha sana
sa'yong producers! 'Tapos iyong tinakbuhan mong kontrata na milyon lang
naman ang halaga, naghahabol na!"
"I will handle it." Napabuntung-hininga ako. God! Lumalala pa ang sitwasyon.
"Handle? Paano eh iyan at nagtatago ka nga! Harapin mo, Amera! Wag mo
takasan! Hindi lang ikaw ang naiipit kundi pati ako na manager mo!"
Ibinaba ko sa tabi ko ang cellphone ko. Sumubsob ako sa aking mga palad.
Kahit walang nagsasabi sa akin ay alam kong katapusan na ng career ko.
Sira na ako sa mga tao. Sa mga fans ko na dati ay halos sambahin ako ay
ngayo'y nakakahiyang basura na lang ako. Sira na ang image ko. Tama naman
si Mindy, duwag kasi ako. Hindi ko kasi ipinag-tanggol ang sarili ko. Pero
paano ko naman kasi gagawin iyon? Paano ko ikakaila ang totoo? Ako naman
talaga ang nasa video na iyon, malinaw pa sa sikat ng araw na ako at si Thad
iyon! Hindi naman sila maniniwala kung sabihin kong walang nangyari sa amin
at si Joss Deogracia ang unang lalaki sa buhay ko.
...

"ERA..."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako lumingon. Iisa lang naman
ang alam kong papasok sa kuwarto ko, si Joss. Hindi na ako nagtaka na may
susi na rin siya ng hotel room na ito.
"Kanina pa kita hinihintay, akala ko tulog ka- hey!" Natigilan siya nang makita
ang maleta sa ibabaw ng kama ko. "Aalis ka?"

Page 54 / 110
StoryDownloader

Hinila ko ang maleta pababa sa sahig saka ko siya hinarap. "I'm going back to
Manila."
"Babalik ka ulit?"
"Ulit?" Tumaas ang isang kilay ko.
"Bumalik ka noong ilang araw ka palang sa isla. Sumunod ako sa'yo, hindi mo
lang alam."
"What?" Nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan niya ako noon?
Lumapit siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Bumalik ka rin naman
ulit dito, kaya ito tayo. Aalis ka na naman ba? Gusto mo bang samahan kita?"
I'd love to. But no. Umiling ako. "Hindi. Wag na." Baka madamay pa si Joss sa
kinasasangkutan kong gulo.
Nagkaroon ng lungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ko.
"Kailan ka naman babalik niyan dito?"
"Mabilis lang ako." Kahit hindi ako sigurado ay sabi ko. Parang ang hirap kasi
na makitang malungkot si Joss. Sisikapin ko na lang na makauwi kagaad.
He nodded his head.
"Joss..." hinaplos ko ang pisngi niya.
"O?" Wala na sa akin ang kanyang paningin.
"Babalik ako agad, ha?"
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kanyang pisngi, dinala niya iyon sa
kanyang bibig at saka magaang hinalikan. "Hihintayin kita."
And that night, we made love again before I leave.

JAMILLEFUMAH
@JFstories

Page 55 / 110
StoryDownloader

Chapter 12
Chapter 12
"AMERA!"
"Mindy." Sa condo niya agad ako dumeretso, dito sa Quezon City.
"I am so glad you're back."
"Hindi ako magtatagal."
"Oh," parang balewalang react niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang
paa. "You looked different. Saan ka ba nanggaling?"
I took a deep breath and slowly let it out. "Iiwan ko na ang showbiz."
"Is that so?"
"Minds..."
"Nagpasya ka na pala na wala ako." Ipinagsalin niya ako ng wine sa kopita at
iniabot sa akin. Dama ko ang hinanakit sa tinig niya.
Tinanggap ko ang kopita ngunit para ibaba lang iyon sa mesitang nasa harapan
ko. "Mindy, alam mo naman ang sitwasyon. Sa tingin mo ba may lugar pa ako
sa show business? Sa tingin nila mababa akong babae. That I am loose woman.
Nang pumutok ang scandal namin ni Thad, nawala na halos lahat ng projects na
dapat ay sa akin."
"Susuko ka na lang?"
"I'm tired..."
Umiling-iling ang manager ko. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. I
know you more than you know yourself, Amera. Show business is your life.
Masaya ka rito."
"Not anymore." Dahil may iba ng nagpapasaya sa akin, gusto ko sanang
idugtong.
"Puwes, kailangan mong malaman ito."
"Ano?"
Tumuwid siya ng tayo at tumitig nang deretso sa mga mata ko. "Idedemanda ka
ni Sandejas."
"What?" Kinabahan agad ako. Si Mr. Sandejas ay isa sa mga malaking tao na
stockholder ng pinanggalingan kong istasyon, bukod doon ay ito ang may
hawak ng ilang produkto na ini-endorso ng mga artista.
"May pinirmahan kang kontrata. Mahigit limang milyon."
Napahilamos ako sa aking palad.
"Honey, paano mo mababayaran iyon? Kulang ang halaga ng condo at kotse
mo para mabayaran iyon. Hinahabol ka rin ng Guadalupe Scents. Iniwan mo
sila sa ere ng umalis ka. Mabuti nga at mabilis kong naayos ang gusot na iyon,
hindi natuloy sa demanda. Pero sisingilin ka rin nila, binbin na ang proyekto,
wala na silang balak ipagawa pa iyon sa'yo."

Page 56 / 110
StoryDownloader

Gusto kong maiyak. Ito ang ilan sa maraming dahilan kaya ako umalis. Ang
pressure at ang stress ng trabaho ko. Magiging maayos sana ang lahat kung
hindi lang ako iniwan sa ere ng mga endorser. Oo sila ang nang-iwan, hindi
kagaya ng pinapalabas nila ngayon na ako ang tumakbo sa kanila.
Nakatali ako sa maraming kontrata. Pero pinapahirapan nila ako na mas ginusto
ko pang takasan silang lahat. At ang ibang endorsement naman ay hindi na
natuloy pa dahil sa nakikita nilang sitwasyon ko.
Naramdaman kong nakalapit na pala sa akin si Mindy. "Amera, ang hindi ko
maintindihan ay kung saan mo dinadala ang mga perang kinikita mo. Ang dami
mo noong pelikula, teleserye at endorsement. Nasaan ang kinita mo, Amera?"
"I can't tell you." Malungkot ko siyang tiningnan.
Nanlaki ang mga mata ng may edad na babae. "Oh, God! Don't tell me na totoo
ang..."
"Ang alin?"
"Na sugar mommy ka ng isang-"
Ako naman ang pinanlakihan ng mga mata. "What?! Where the hell did you
fucking get that?!"
"Kung ganon ay ano? Nagsusugal ka? Hindi kita kasama beinte-kuwatro oras
kaya baka nga nagca-casino ka or-"
Mapakla akong tumawa. "Ang dami na palang haka-haka, ano? Ang dami ng
bagong chismis na idinidikit sa akin."
"So, hindi totoo ang mga iyon?"
"Hindi."
"Nasaan ang mga kita mo kung ganoon?" Litong tumitig sa akin si Mindy.
Tinalikuran ko siya. "I'm sorry, but I can not tell you."
"Amera, sa lahat ng talents ko ikaw ang pinakamalapit sa akin. Ikaw na nga ang
favorite ko. Binibitawan ko ang iba pagdating sa'yo. Kaya sana naman, wag mo
naman na akong ilaglag this time."
"Aayusin ko ang gulong ito." Saad ko, kahit hindi ko pa alam kung paano at
saan ako magsisimula.
"Umpisahan mo sa pagbabayad kay Sandejas. Sinasabi ko sa'yo, ma-koneksyon
ang matandang iyon. Kahit sira ka na, kaya ka pa rin niyang sirain hanggang sa
magkapira-piraso ka at madadamay ako!"
I'm so fucked up.
"Anyway, you have a new project."
"Ano?" Walang ganang tanong ko.
"Ang Divine." Iminuestra niya akong maupo sa couch. "Ten million project.
Sexy pictorials and videos... nagpo-pose ka naman sa men's mag before so
hindi na bago ito-"
"How sexy?" Kabadong tanong ko.
"Hmn, may takip pa naman sa katawan mo."

Page 57 / 110
StoryDownloader

"Two piece?"
"Pintura."
"What?!"
"This is the only hope you have right now."
"Or?" pigil-hiningang tanong ko.
"Mahuhulog ka sa kamay ni Sandejas. Ngayon ko lang na-realize, that old man
likes you... a lot."
Bigla ang gapang ng kilabot sa katawan ko.
"No!"
"Yes, darling..." malungkot niyang saad.
...

HINDI niya alam ang bagong number ko. Imposibleng siya ito.
Kung sana ay siya nga ito...
Tumaas ang isang kilay ko habang pinapanood ang pagalaw ng Iphone ko sa
mesa. Patuloy sa pagba-vibrate dahil walang tigil ang unknown number sa
pagtawag doon.
Gustong-gusto ko iyong sagutin pero pinangungunahan ako ng takot. Baka
kung sino ang tumatawag. Baka reporters, mga dating fans na ngayon ay galit
na sa akin o baka si Thad. Ayaw ko silang makausap lahat.
At kahit si Joss... ayaw ko ring makausap. Natatakot ako na baka pumikit ang
mga mata ko at muli akong magpatihulog sa pantasya at iwan muli ang
realidad.
It's been two week since I left the island of love, Isla Deogracia.
Dalawang linggo na rin akong walang balita sa kanya.
Hindi ko natupad ang pangako na babalik agad. Ni hindi ko nagawa ang sinabi
ko na tatawagan ko siya.
Siguro galit na galit na sa akin ang isang iyon. Baka nga isinusumpa niya na
ako ngayon.
If only things were different. Kung sana bibigyan ako ng universe ng chance na
ulitin ang buhay ko mula sa umpisa... pero malabo iyon. Malabo ng baguhin
ang mga nangyari na.
Napangiti ako habang inaalala ang masayang bukas ng mukha niya.
I still misses him, kahit ikaila ko sa sarili ko o kahit pigilan ko ang buong
sistema ko. Hinahanap-hanap ko siya.
Ang paglalambing niya, ang walang kasawa-sawang pamumuri niya kung
gaano ako kaganda at ang mga pag-aalala niya para sa akin.
Ngayong nasa realidad na ako, napakahirap para sa akin na hindi siya maalala.
Pero parte lang siya ng isang napakagandang bakasyon. Parang panaginip.
Karugtong ng mala-paraisong isla na nagpasaya sa akin sa sandaling panahon.

Page 58 / 110
StoryDownloader

At kagaya ng islang iyon, hindi ko makakalimutan si Joss Deogracia.


...

SIX-THIRTY palang ay naghihintay na ako sa table na reserved para sa


sandaling meeting about the Divine project. Wala si Mindy dahil may sakit siya
kaya ako lang mag-isa ang pumunta. Saglit lang naman ang meeting na ito,
hindi pa ganoon ka-formal, parang paniniguro lang na nakabalik na ako mula sa
pagtatago ko.
Lampas alas-siete na pero wala pa rin ang kakaharapin ko. Hindi sumasagot si
Mindy kaya naisipan ko nang tumayo. Baka hindi tuloy, mabuti na rin dahil
hindi pa ako handa.
"Long time no see."
Napaatras ako ng may lalaking humarang sa daraanan ko.
Ganoon na lang ang sulak ng dugo ko nang makilala ko ito. "What the hell are
you doing here?" pigil ang boses na tanong ko.
Ngumiti ito na para bang magkaibigan kaming dalawa na simpleng
nagku-kuwentuhan lamang. Na parang wala siyang malaking atraso sa akin.
"Isa ako sa co-owner ng resto na ito." Ani Thad.
Oh, darn him! Hindi ko nga dapat kinakausap ang lalaking ito. Ni hindi ko na
nga ito nais makita pa.
What a small fucking world, isn't it?! Kapag minamalas ka nga naman.
"Hey, aalis ka na?"
Hindi ko ito pinansin, tuloy-tuloy ako sa paglalakad ngunit sumunod sa akin si
Thad.
"Matagal tayong hindi nagkita. I think we have a lot of things to catch up with,
don't we?"
Inismiran ko ito. "I don't think so."
"All right." Tatawa-tawang itinaas nito ang dalawang kamay na tila
sumusukong kriminal. Na kriminal naman talaga!
"Jerk." I hissed as I turned my back at him. Kung hindi lang magiging
takaw-pansin sa mga tao rito ay gusto ko pa sana itong sampalin.
Ang kapal ng mukha na harapin ako after all! May mga tao palang sagad sa
kapal ang pagmumukha.
Binilisan ko ang paglalakad ko nang biglang magring ang phone ko mula sa
loob ng bitbit kong shoulderbag. Kinuha ko iyon at pasalpak na dinikit sa
tainga ko.
"Hello, Minds? Akala ko ba narito sa Seaside restaurant si Mr. Sandejas?" inis
kong tanong.
"I'm sorry, dear. Hindi raw tuloy ngayon, nasa out of town siya. Ang secretary
ni Mr. Sandejas ang kakausapin natin nextweek. Pasensiya ka na di ko agad

Page 59 / 110
StoryDownloader

nasagot calls mo, nakatulog kasi ako."


I groaned in frustration. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng bag ko saka
tinungo ang exit ng resto.
"Era!"
Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang matigas at pamilyar na boses.
Napalingon ako kaagad.
Nanlamig ang mga palad ko at tila nag-rambol sa loob ng aking katawan ang
mga laman-loob ko.
"Joss!" God, napakalakas ng epekto niya sa akin!
"O, nandito ka pala." Flat ang tonong wika ng lalaki, na hindi naman mukhang
shocked na makita ako rito. Na para ngang kanina pa niya alam na naririto ako
at naghahanap lang siya ng tyempo na lapitan ako.
Humakbang siya palapit at saka hinawakan ang isang braso ko. Simpleng
hawak ngunit ramdam ko ang higpit na mukhang walang balak bumitiw.
"Tara na." He said. Dinaig ko pa ang papel na walang lakas dahil natangay niya
agad ako sa isang hila lamang.
Nang mahimasmasan ay hinatak ko ang aking sarili mula sa pagkakahawak
niya. "Teka-ano ba? Bakit ka nandito?!"
Hindi bumitiw si Joss. Nang tingnan niya ako ay kasing talim na ng patalim
ang mga mata niya.
Nang tingnan ko ang paligid ay may mangilan-ngilang nakatingin sa amin,
nakaagaw na pala kami ng pansin. Ang ilang babaeng guests ay nakanganga
kay Joss at masama ang tingin sa akin.
Nakita ko rin si Thad na nakasunod ng tingin sa amin ni Joss habang nakakunot
ang noo, tila nagtataka.
"Joss, you're making a scene." Mahinang sabi ko. "Bitiwan mo na ako."
"Hindi, hangga't hindi ko natitiyak na nailayo na kita rito."
"Bakit ba?"
"Wag mong sagarin ang pasensiya ko, Amera." Magkalapat ang mga ngiping
banta niya.
Sandali lang ay lumamlam na muli ang mga mata niya saka gumuhit ang
mapang-akit na ngisi sa mapupula niyang mga labi.
"Tara na, baby..."
Tumungo sa amin ang ilang waiter sa daan. "Thank you for coming! Come
again, Ma'am, Sir!"
"Hindi na kami babalik."
"Joss!" Gulat akong tumingala sa kanya.
Seryoso na siya ulit at mukhang galit na naman. "Sisiguraduhin kong
magsasara ang lintek na restaurant na ito bago matapos ang buwan na ito."
JAMILLEFUMAH
jfstories

Page

60

110
StoryDownloader

Chapter 13
Chapter 13
JOSS DEOGRACIA was dragging me to his car.
"Joss, ano ba?!" Mabuti na lang at walang masyadong tao sa parking lot.
Binuksan niya ang passenger side saka itinulak ako papasok. "Sakay!"
Pabagsak niyang isinara ulit iyon saka mabilis na sumakay sa driver seat.
Nakakunot ang noo niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Paharurot
niya iyong pinatakbo kaya sa takot ko na maaksidente kami ay nagsuot agad
ako ng seatbelt.
"Will you please slow down!" Sita ko sa kanya. Paesi-esi kami sa kalsada.
Salitan ang tapak sa clutch, preno at gas. Para siyang hinahabol ng sampung
kabayo kung makapag-maneho siya.
"Ihihinto ko lang ito kung sasabihin mo kung ano ang nararamdaman mo sa
akin."
"What?"
Napasigaw ako ng mag-over take si Joss sa bus na halos ilang dipa pa ang layo
sa amin. Nakikinikita ko na ang driver at konduktor niyon na minumura kami.
Kumaskas nang maigi ang gulong ng sasakyan ni Joss at lumikha iyon ng
nakakangilong tunog.
"What the heck?!" Sigaw ko na takot na takot.
"Sabihin mo muna! Ano ba ako sa'yo?!"
Wala akong choice kundi pagbigyan siya. "Okay, I like you!"
Pasagitsit na tumabi sa gilid ng kalsada ang kotse na sinasakyan namin. Kung
wala lang akong seatbelt ay baka nabagok na ako sa lakas ng preno ni Joss.
He glared at me. "Like?" Ulit niya sa sinabi ko. Nakasimangot ang guwapo
niyang mukha.
"Oo nga. Gusto kita." Lie! Damn it. Alam ko sa sarili ko na hindi lang basta
gusto ang nararamdaman ko for him.
"Gusto lang?" lumala ang pagkakakunot ng noo niya.
Tumango ako. Kabado sa galit na nakikita ko sa mga mata niya.
"Nakipag-sex ka sa akin, paulit-ulit." Mariing sabi niya. "'Tapos, gusto lang?!
Trip mo lang ganon?!"
"So?! What do you want me to do?!" Umiwas ako ng tingin.
"Pakasalan mo ako." Tumagilid siya para maharap ako nang maayos.
Lumapit pa siya at hinila ang mga kamay ko sanhi para mapatingin ulit ako sa
kanya. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa.
And his breath's already fanning my face.
"Magpakasal na tayo. Iyang like mo, magiging love din iyan. Pero hindi na ako
makakapaghintay, Era. Ilang linggo palang kitang di nakikita halos mabaliw na

Page 61 / 110
StoryDownloader

ako. Kaya please, magpakasal na tayong dalawa."


"Joss..." napalunok ako sa kaseryosohan niya.
Magpakasal?
Umiling ako, kahit tila pinipiga ang puso ko. "Masisira ka dahil sa akin.
Madudungisan ang apelyido mo kapag dumikit sa akin. Hindi mo ba alam
iyon? Isinusuka ako ng buong mundo."
"Era... hindi naman importante sakin 'tong apelyido ko. Mas importante ka pa
rito. Mas importante ka pa sa kahit ano. Wag mo ng isipin ang ibang tao... ako
na lang ang isipin mo... Doon tayo sa isla titira, walang manghuhusga sa'yo
roon. Ikaw lang at ako. Iiwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."
Oh, God! It was tempting. Pero masyadong mabuting tao si Joss para gamitin
ko sa pansarili kong kapakanan.
"I'm sorry..." kanda-iling ako. "I just like you..."
"Era..."
"I like you, but not enough for me to marry you and be with you. I'm sorry."
His jaw's tightened. Nanlisik ang mga mata niya. "Mahal mo naman na ako, eh!
Hindi mo lang maamin sa sarili mo!"
"I couldn't be in love with a complete stranger!" Nilangkapan ko ng iritasyon
ang boses ko sabay bawi ng mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Natulala siya sa akin. Kita ko ang pagbakas ng di matatawarang sakit sa mukha
ni Joss.
"Paano kita mamahalin, ha? Hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kahit pa
nagkasama na tayo, hindi pa rin kita ganoon kakilala! At hindi ko kayang
mabuhay sa isla nang matagal! I am a city woman! I'm a fuck ing actress! Hindi
ko maiiwan ang buhay kong iyon kahit pa marumi na ang tingin ng lahat sa
akin. Ito ang buhay ko at hindi ako sasama sa'yo."
"Sabihin mo ulit..." he was looking intently at me, as if he was looking at my
soul. "Sabihin mo na hindi mo ako mahal..." puno ng pait na ang boses na utos
niya sa akin.
God, I hurt him so much...
"Sabihim mo, Era..."
"H-hindi kita... mahal..." I tried to keep my face straight, as I felt myself
coloring with guilt. "I'm sorry... what we had is just a casual relationship."
I'm so sorry, Joss. I have to hurt you like this.

...
NAUPO ako sa gilid ng kama. Dito sa kuwarto ko, ang pinakaunang pag-aari
na nagkaroon ako, my condo. Bukod dito ay ang kotse ko, iyon lang na dalawa.
Kung sana ay may pag-aalayan ako ng isang magandang bahay ay matagal na
akong bumili, ngunit wala. Nagiisa lang ako sa mundo.

Page 62 / 110
StoryDownloader

I smiled bitterly at the thought.


Dating beauty queen ang mommy ko. Pangarap niyang maging artista at ang
pagsali sa mga beauty pageant ang ginawa niyang daan. Pero kagaya ko ay
nasira rin siya sa mata ng mga tao. Pati sa mata ng mga kamag-anak niya na
noon ay pinagmamalaki siya. Itinakwil siya ng lahat pagkatapos ng eskandalo.
She got pregnant right after the pageant. Pero walang may alam ng totoo
maliban kay Lola Des, her nanny since she was a kid. Lumaki si mommy sa
piling ng yaya niya, nang mamatay kasi sa car crash ang parents niya ay naiwan
siya sa pangangalaga nito. Malayo siya sa ibang kamag-anak na naging malapit
lang sa kanya ng mapanalunan niya ang korona at makilala siya sa T.V.
Pero hindi nagtagal ay naging laman din ng pahayagan si mommy sa
negatibong paraan. My mom was raped. Hindi niya na rin sinabi sa mga tao
ang nangyari dahil para saan pa? Sira na siya. Kahit ang lalaking mahal niya ay
hindi siya pinaniwalaan. She was so devastated during that time, pinili niya na
lamang sumuko.
Umalis siya at umiwas sa liwanag ng camera hanggang sa ipanganak niya ako.
Nagiging malungkutin si mommy hanggang sa nalulong ito sa ipinagba-bawal
na gamot at maubos ang minana mula sa mga yumaong magulang. Namatay
din si mommy matapos ang ika-apat na kaarawan ko. I was left with my Lola
Des na sa kalaunan ay iniwan din ako sa isang ampunan.
Hindi sa hindi ako gusto ni Lola Des, kundi dahil hindi naman talaga kami
magkadugo. Yaya lang siya dati ni mommy, siya na ang nag-alaga kay mommy
hanggang sa maulila ito. Pero may sariling buhay si Lola Des, may mga anak at
mga apo siyang umaasa sa kanya. Pero hindi niya kailanman ako nakalimutan.
Pinangarap ko rin na maging kilala sa telibisyon, because of my mom. Gusto
ko sanang ako ang tumupad ng pangarap niya na nahinto dahil sa akin. Ilang
taon matapos kong iwan ang Holy Mary's Angels Orphanage ay nakapasok ako
sa isang workshop kung saan ko nakilala si Mindy, my manager.
Nang tuluyan na akong makapasok sa showbiz ay napakasaya ko. Pakiramdam
ko ay natupad ko na ang pangarap ng mommy ko. At hindi ko ikakaila na
nalulunod ako sa kasikatan. Nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko,
nakakapunta sa mga bansang dati ay pangarap ko lang na puntahan. Nabibili ko
na rin lahat ng dati ay pangarap ko lang makamtan. At tinitingala ako ng mga
tao.
Sa kabila ng kasikatan ko ay hindi ko nakalimutan ang mga taong
pinagkaka-utangan ko ng loob. Palihim kong pinapadalhan ng pera ang pamilya
ni lola Des. Wala silang alam na sa akin galing ang perang ginamit ng anak ni
lola Des na nagkaroon ng tumor sa utak. Ang akala lang nila ay galing iyon sa
kung sino mang anonymous sponsor.
Maging ang pinanggalingan kong ampunan ay hindi ko pinabayaan. Sikwenta
porsyento ng kinikita ko ay dino-donate ko ron, kaya kahit muntik ng magsara

Page 63 / 110
StoryDownloader

ang ampunan ay hindi iyon natuloy. Mas gumanda na iyon ngayon, mas lumaki
at higit sa lahat ay mas dumami na ang mga batang natutulungang magkaroon
ng maayos na tirahan, pagkain at edukasyon.
Ang iba sa kita ko ay sa ibang donasyon na napupunta. Marami akong
foundation na palihim na sinusustentuhan. At walang may alam sa gawain kong
ito. Halos ang natitira lang sa akin ay sapat para sa akin.
Ang nasa isip ko, saka ko na iintindihin ang sarili ko. Marami pa naman akong
proyekto. Sikat pa ako. Uunahin ko na muna ang pagtulong sa mga
nangangailangan.
Pero kasing bilis pala ng pagsikat ko ang aking paglubog. Ni hindi pa ako
nakaka-buwelo. Ni hindi ko pa naisasa-ayos ang lahat ay ganito na ang
nangyari.
Malungkot kong tiningnan ang tablet sa tabi ng lampshade ko. Doon ko iyon
iniwan bago ako umalis patungo sa Isla Deogracia.
"Thad..."
Umalingaw-ngaw sa tahimik kong silid ang ungol na nagmumula sa binuhay
kong tablet. Nagtagis ang mga ngipin ko habang pinapanood na nagpi-play ang
video.
It was me and that asshole Thad Andres.
"Please..." I kept on moaning. Nakapikit ang mga mata ko habang lumiliyad
ang katawan ko.
"Yes, baby..." the asshole was sucking my nipple, habang ang isang kamay ay
abala sa pagpiga sa kabila kong dibdib.
Kalahati lamang ng katawan namin ang kita sa video, pero pareho kaming
hubad. Nakikita sa video ang kahubaran ko mula sa aking dibdib pababa sa
aking kalamnan. Putol ang video sa parteng bumababa na ang ulo ni Thad sa
aking dibdib patungo sa ibaba ko pang bahagi. Mas mabibistahan na ang
malulusog kong dibdib dahil wala ng nakaharang doon, kitang-kita sa camera
ang dalawang umbok at ang naninigas at mamula-mulang korona sa tuktok
niyon.
"Fuck, you're really hot, baby..." paos ang boses ni Thad, naririnig din ang
tunog ng basa niyang bibig na lumalapat sa aking balat.
I was saying 'please' like I was asking more from him, but it's the other way
around! Dahil sumisigaw ang buong katawan ko na hindi ko gusto ang
ginagawa niya sa akin. Gusto ko siyang pigilan kaya nagmamaka-awa ako.
Pero ni wala akong lakas para itulak siya palayo. Nanghihina at nahihilo ako na
parang hindi lang lasing kundi na-droga.
Galing kami sa isang party. Hindi ko alam kung bakit sa iilang kopita ng wine
ay nalasing ako. Nahilo na lang ako at si Thad ang naroon.
Thad was nice to me. Gentleman din siya. Ilang buwan niya na akong
nililigawan at kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng kahit anong maling

Page 64 / 110
StoryDownloader

pag-uugali. I thought I was safe with him, he even promised to take me to my


home that night.
Pero nang magising ako ay laking gulat ko na wala ako sa condo ko. Naroon pa
rin kami sa hotel na dinadausan ng party, pero nasa isang pribadong silid kami
ng hotel. Hinuhubaran niya na ako habang pinapaliguan ng halik ang aking
buong katawan.
Ngunit bago niya maisakatuparan ang masama niyang balak ay tumunog ang
cellphone ni Thad sa tabi ng kama. Kahit nahihilo ay nakita ko ang picture ni
Mindy sa screen, she was the one who's calling Thad.
Tuloy-tuloy ang ring at message alert tones. Gulat at nagmumurang
napabalikwas nang bangon si Thad, hubo't-hubad siya ng sagutin niya ang
telepono. Naulinigan ko ang galit na boses ni Mindy on the other line. Hindi ko
alam kung paano ako natunton ng manager ko, pero labis-labis ang pasasalamat
ko.
Ilang sandali lang ay dumating na si Mindy. Galit na galit siya. Pero ang
walang hiyang si Thad ay pinangatawanan na may nangyari raw sa aming
dalawa. Ilang araw lang mula noon ay kumalat na ang sex video namin.
Sino ang maniniwala na hindi natuloy ang masamang balak ni Thad sa akin? At
sino rin bang maniniwala na hindi ko gusto ang nangyari?!
Sinubukan kong magpaliwanag sa press, sinabi kong wala kaming relasyon ni
Thad pero mas nakasama pa iyon. Nagpa-interview si Thad, sinabi niya sa mga
reporters na matagal na kaming nagli-live in. Na kunwari lang daw na
nililigawan niya palang ako, for the sake of my image daw! That bastard!
Nagdrama pa siya sa interview na may ibang lalaki ako bukod sa kanya. Na
paubos na ang pera ko dahil may ibang lalaki akong ginagastusan na mas bata
raw sa akin.
And Estelle or Estelita Mariano na ex ni Thad-bigla-bigla ay nalipat na lang sa
kanya ang mga projects ko. Inayawan na rin ako ng ilang producers dahil sa
sira ko ng image. Ang mga fans na dati ay mahal na mahal ako ay unti-unti na
ring tinalikuran ako.
Nakasiksik ako paupo headboard ng kama habang nakapatong ang baba ko sa
aking yakap-yakap na nakatiklop na tuhod. Wala ng luhang gustong bumagsak
mua sa mga mata ko pero dama ko pa rin ang pagluha ng puso ko.
Hindi ko alam at ni hindi ako handa sa pagiging ganito ng buhay ko. Kung
narito si mommy, malulungkot siya. Malulungkot siya dahil parang naulit lang
ang nangyari sa kanya. Hindi ko rin natupad ang pangarap niya.
Sa pagmumukmok ko ay sumingit sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Joss
Deogracia. Mapait akong napangiti.
I'm no good for you, baby...

Page 65 / 110
StoryDownloader

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page 66 / 110
StoryDownloader

Chapter 14
Chapter 14
WALA ni isang saplot. Ang magsisilbing bra at panty ko ay pintura.
Maglalakad ako catwalk na ganoon ang itsura, sa harap ng mga tao.
Hindi lang iyon, ang mga pictures ko ay ilalagay sa men's magazine. Mas
daring kumpara sa iba. Ano nga ba ang sinabi ng two-piece suit compared sa
painting? Two piece din pero pintura.
I smirked. Ten million for that project. Makikita ng lahat ang nakita na sa
scandal ko, ang kaibahan lang ay may nakatakip na manipis na pintura. I don't
have a effing idea kung bakit 'Divine' ang tawag doon. Wala akong nakikitang
Divine sa ipapagawa nila sa aking kahalayan na suggestion ni Sandejas.
And that Mr. Sandejas? Gusto kong kilabutan sa indecent proposal niya sa akin
kahapon. Gusto kong manakbo ng hawakan niya ang kamay ko. Puno iyon ng
malisya habang inaalok niya akong maging mistress niya.
But no, itong Divine lang ang tinanggap ko. Bahala na sa akin ang Diyos kung
may iba pang binabalak na masama sa akin ang gurang na iyon.
"Amera, fancy meeting you here."
"Estelle." Inilapag ko ang maleta ko sa malaking couch. Nasa studio kami kung
saan gaganapin ang photoshoot ko para sa RED Magazine. Hindi pa naman ako
maghuhubad ngayon, kumbaga patikim lang para sa gaganapin sa catwalk.
Kakatapos lang din ng photoshoot ni Estelle. "Sorry about what happened,
Amera." Nakangiting sabi niya.
Lalong gumanda si Estelle ngayon kesa noong huli ko siyang makita. Nang
panahong hindi pa malalaking role ang ginagampanan niya.
Umikot ang bilog sa mga mata ng babae. "Baliw talaga iyong si Thad. He's a
perverted jerk, sana nabalaan pala kita."
"Bakit 'di mo ginawa?" Di ko napigilang itanong.
Bumungisngis si Estelle. "Hmn, busy ako kasi."
Kumuyom ang mga kamay ko.
"Saka, tingnan mo ang nangyari. Nagka-break ako ng mawala ka. Big break,
darling!"
"Nakikita ko nga." Mapakla kong tugon.
"Wala ka na palang shows, noh? Balita ko iyong mga endorsement mo, parang
may problema pa ngayon? Iyong ibang endorser naman, hindi na tumuloy. So,
anong feeling?"
"What?" Mukhang lumalabas na ang tunay na anyo niya dahil dadalawa na lang
kami ngayon dito sa dressing room.
"I mean, dati kasi in-demand ka. Lahat yata ini-endorse mo... mula toothpaste,
roll on, shampoo pati condiments etcetera. Ngayon biglang nawala na sa T.V.

Page 67 / 110
StoryDownloader

ang mga iyon. Ayaw na kasi sa'yo ng tao, balita ko pa nga nababastos ka na sa
daan, di ba? Dati tinitilian ka, ngayon 'boo' na ang naririnig mo."
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko lamang si Estelle.
"Mahirap kasi sa kalagayan mo, mas marami kasi ang bagets na fans mo.
Sobrang taas kasi ng tingin nila sa'yo. Kahit nga nagpose ka na sa mens' mag,
wholesome ka pa rin. Love na love ka nila at nakikipag-away talaga ang fans
for you. Kahit sinong leading man mo, suportado ka pa rin nila. Maski
panliligaw sa'yo ni Thad o ng ibang artista, pinapakialaman ng fans mo, ganoon
ka nila kamahal. You are their queen. Before."
"'Tapos ka na?" Sarkastikang tanong ko.
Ngumisi ang babae. "Not yet. So, ano ngang feeling? Galit na galit ang fans
sa'yo. Feeling nila niloko mo sila. Hurt sila sa totoong kulay mo. Na fake ka
naman pala. Bait-baitan, hinhin-hinhinan pero nasa loob ang kulo. Iyon pa,
poorita ka na pala ngayon. Inubos mo raw ang pera mo sa sugal at mas batang
lalaking sa'yo. Nandidiri na tuloy ngayon ang fans sa'yo pati ang
AMERANIANS, sinusuka ka na. So, ano nga? Anong feeling?"
"Gusto mo talagang malaman?"
"Oo."
"Ito." Isang suntok ang pinawalan ko sa mukha ni Estelle.
"Oh, gosh!" Napaupo siya sa couch habang sapo ang ilong na ngayon ay may
umaagos ng dugo.
Hinihingal ko siyang tiningnan. "So, ano ngayon ang feeling ng masapak?
Gusto mo pa ba?"
"You slut!" Nanlalaki ang mga mata ng babae, lumabas na ang sungay. "How
dare you?!"
"Ikaw ang slut! And how dare you too?!" Bago pa makatayo si Estelle ay
sinugod ko na ulit siya.
Hindi na naka-buwelo ang bruha dahil hawak ko na ang buhok niya at nasa
ilalim ko siya. Gumanti siya ng mga kalmot at sunod-sunod na mura habang
sinasabunutan ko sa buhok.
Mahapdi na ang balat ko sa kuko niya pero naibuhos ko naman ang lahat ng
inis ko sa pagkalbo sa kanya, hindi ako bumibitaw hangga't hindi ko tiyak na
mapa-panot ko man lang siya.
Hindi ko alam na kaya kong maging ganito ka-palengkera. Wala naman sa
plano ang patulan siya, pero sobra na. Minsan kapag sobra na, dapat talaga
pinapalagan na.
Natitiis ko ang panglalait ng mga tao. Masisikmura ko ang mga patutsada sa
akin. Ang mga nandidiri at mapanghusgang tingin ng mga kapwa ko artista o
kahit ng mga crew. Pero hindi ko kaya tiisin ang talipandas na babaeng ito.
Kung meron mang fake at mapagpanggap sa aming dalawa ay natitiyak kong
hindi ako iyon.

Page 68 / 110
StoryDownloader

"What the hell is happening here?!" Dumadagundong ang boses ni Direk


Benjo.
Pinaghiwalay agad kami ng mga crew. Nasa mga nakatikom ko pang palad ang
bente porsyento ng buhok ng hitad.
"Direk, iyang babaeng iyan..." lumuluha pati ang duguang ilong ni Estelle.
Masama ang tingin sa akin habang nagpapaawa sa mga taong dumating.
Lahat ay iisa ang tingin sa akin, na ako ang may kasalanan.
"Amera!" Tawag ng ewan ko kung sino pero hindi na ako nag-abalang lingunin
pa.
Naiiyak habang nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Ang mga
nakakasalubong ko ay iba-iba ang reaksyon. Marahil dahil sa itsura ko na gusot
ang damit, magulo ang buhok at hulas ang makeup dahil sa luha.
"God, is she Amera? Yong actress na may scandal?" Pabulong na tanong ng isa
sa mga grupong nakasalubong ko.
Kahit anong bulong nila ay umaabot sa pandinig ko. Iyong iba naman ay
parang sinasadya talaga na iparinig sa akin ang mga usapan nila.
"Yeah, balita ko nga nagpalaglag daw iyan kaya biglang nawala."
Mga fans, ilang bagitong artista o tao sa floor na sumasanga sa daan ko bago ko
marating ang parking lot ng studio.
"Oo nga, idol pa naman iyan ng daughter ko. Ganyan pala iyan."
"Sayang, maganda pa naman. Sinasayang ang ganda sa sugal at lalaki."
Ang mga kalalakihan naman, mapa-modelo, artista o fan ay malalagkit ang
tinging ipinupukol sa akin.
"Hi, babe! Nice pair of tits!"
Napahumindig ako sa mga parinig. To the point na mga dati ko pang katrabaho
ang mga iyon.
"She's a bombshell. Have you seen her vid? Pare, tinigasan ako. Boobs palang
iyon, huh!"
"If I am Thad, I really won't mind sharing that kind of girl. I will be very proud
to share her." Sabay tawa habang hinahagod ako ng malisyosong tingin.
"Not my type, dude. Mas gusto ko na ngayon si Estelle kesa sa kanya. Iyon
sariwa pa, but that Amera, pinagsawaan na ng kung sinu-sino."
Umismid ako saka tumuloy sa parking lot. Kahit isuka niyo ako, wala akong
pakialam.
Sumakay ako sa kotse ko at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
Nagsisi-sigaw ako, umiyak at saka pinagmumu-mura sa isip ang mga taong
umaalipusta sa akin.
Malamang bukas ay nasa diyaryo at balita na kami ng sweet-sweetang new
actress na Estelle na iyon. At malamang ako ang kontra-bida!
So what kung iniisip nilang bitter ako kay Estelle dahil napunta sa kanya ang
role na dapat sa akin? Shit silang lahat! Pakialam ko!

Page 69 / 110
StoryDownloader

Iisipin pa nilang bitter ako kay Thad o may ibang lalaki ako? Hindi lang nila
alam. Iba ang laman ng puso ko! It was Joss at walang iba. Because Joss
Deogracia had branded me already!
Iyong lalaking iyon, ipinagmamalaki ako! Tanggap ako kung ano ang nakaraan
ko. Pinapasaya ako kapag malungkot ako. Hinahabol ako kahit iniiwan ko.
Iyong taong iyon mahal ako!
Sana sumama na lang ako sa kanya. Sana hinayaan ko na lang siyang itago ako,
alagaan ako at protektahan. Gusto ko na lang maglaho ng parang bula! I'm so
dead tired of all of this!
Kusa akong natigilan sa naisip ko.
Napatitig ako sa sariling repleksyon ko sa rearview mirror. Ang itsura ko ay
itsura ng isang babaeng wasted.
"Oh, God..." bulalas ko.
Anong nagawa ko? Anong sinayang ko?
Joss was effin' willing to give up everything for me, but I turned him down flat!
Itinaboy ko ang nag-iisang taong naniniwala at nagmamahal sa akin!

...

JOSS
INALIS ko ang aviator ko, saka isinara ang pinto ng Audi S8 Sedan na binili
ko mula sa tubo ng pera ko sa pinaglagakang negosyo ni Martin Luther. Noong
isang araw ko lang nailabas ang kotse dahil marami pang inasikasong papeles.
Good thing at magaling ang kapatid ko sa pagpapabilis ng proseso.
Sa Deogracia Hotel ay sinalubong agad ako ng mga dalawa sa mga kapatid ko.
Hades and Martin Luther Deogracia. Parehong naka tux ang dalawa. Mga aura
na parang hindi magandang biruin dahil seryoso at masyadong matayog. Pero
iba ako. Hindi ako nalulula kahit kanino, kahit sa mga kapatid ko.
"Mga brod."
Tinapik ako ni Hades sa balikat. "Bagay talaga sa'yo ang pormal, mas guwapo
ka."
Ngumisi ako. "Kahit anong isuot ko, guwapo ako."
Iiling-iling bagamat nakangiti si ML, sa aming tatlo ay mas matanda ito. Mas
seryoso.
Paliko kami sa hallway nang biglang may humila sa braso ko. Isang babaeng
nakasuot ng kulay itim na fitted na bestida at itim ding stilleto.
"Baby, I miss you so..."
"Guada." Nahinto kami sa paglalakad.
Magalang na yumuko ang babae sa mga kapatid bago ako hinarap.

Page 70 / 110
StoryDownloader

Nagnining-ning ang mga mata at senswal ang pagkakangiti.


"Anong ginagawa mo rito?" Inis kong tanong. Pinagpag ko ang pagkakahawak
niya sa akin.
"Nakiparty sa isang kaibigan." Tumingkayad ang babae at bumulong.
"Anyway, nakikita ko iyong dog mo sa isla, nami-miss ko tuloy ang dog mo..."
doble ang kahulugan na turan nito sa mapang-akit na tinig.
"Excuse us, Miss. We really have to go." Boses ni Martin Luther.
"Oh, sure." Lumayo naman sa akin si Guada. "See you again, Joss! Sana makita
kita sa isla nextweek." At kumekendeng na ang balakang na iniwan kaming
tatlo.
"Whoa! Hindi kaya karma mo na iyan?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng boses.
"Ano?!" Gigil na singhal ko sa bagong dating. Mukhang kanina pa ito ron.
"Brothers." Nakangiti ito sa aming tatlo nila Hades.
"Falcon." Nangangalit ang mga ngiping bigkas ko sa pangalan nito. Sa lahat ng
mga kapatid ko, ito ang pinaka-kinaaasaran ko. Ito lang kasi ang hindi
makatanggap sa katotohanang lamang ako rito ng sampung paligo.
"Where's PD?" Tumingin ito kay Martin Luther.
Nagkibit-balikat ang pinaka-kuya namin. "Ilang araw ng hindi nagpapakita si
Prince Declan, panay na nga ang tawag ng mommy niya sa akin. Wala naman
akong masabi kasi hindi ko rin siya nakikita. Wala siya sa isla, 'di rin
ma-contact ang phone niya."
"Puwede ba? Wag niyong hanapin ang ayaw magpakita." Sabat ko. Narito kami
para sa AKIN. Kaya ko sila pinatawag dahil may kailangan ako. At
nagmamadali ako, pakiramdam ko ay nauubos na ang panahon ko.
"So, para saan ba itong meeting na ito?" Tanong ni Falcon na sa akin
nakatingin, may naglalarong ngisi sa mga labi.
Bakit nga ba ito narito? Si Hades at ML lang ang tinawagan ko.
"Sorry, Falc." Inakbayan ito ni Hades. "Tinawagan lang naman kita just to say
thank you. Okay na ang mga papeles ng kambal kong chikiting. By next month
na rin ang kasal namin ni Lala."
"Sana tinext mo na lang ako, ayos ka rin mang-istorbo." Nakasimangot na sagot
ni kuwago.
"Umalis ka na nga, Falcon. 'Tangina mo, mang-aagaw pa ng moment."
Mabilis pa sa alas-kuwatro na kwinelyuhan ako ni kwagong may itim na itim
na mga mata.
Natitigilan ang ilang guests na nagdaraan. Takaw-pansin kami sa hallway dahil
lahat kaming apat ay malalaking lalaki, akala siguro ng mga tao ay may mga
kapreng nag-aaway. I mean, mga guwapo at hot na kapreng naka-business suit.
"Falc..." hinila ito ni Hades. Agad naman itong bumitiw ngunit pulado pa rin
ang buong mukha ng gago.

Page 71 / 110
StoryDownloader

Ipinilig ko ang ulo ko saka inayos ang nagusot kong polo. "Tanginang 'to,
ginusot pa ang damit ko."
"Stop it, Joss." Saway ni ML. "Tuwing magkikita na lang ba kayo ay ganyan?
Damn it. Nakakaubos kayo ng dugo."
"Okay, sori na. Masyadong hot kasi ito si kwago."
"What did you call me?!" Nagliyab na naman si Falcon.
"Wala, wag mo ng i-stress si ML, stress na nga sa misis niya dadagdagan mo
pa."
"Joss!" Mukhang may nasapul ako. Namumula na rin si ML at Hades. Oo nga
pala, sensitibong topic ang married life ni Martin Luther.
"Sori." Nakonsensiya naman ako. Busy silang lahat pero inistorbo ko at
pinapunta rito kaya dapat lang na humingi ako ng pasensiya.
Pumasok kami sa isa sa mga restaurant ng hotel. Kanya-kanya kaming upo sa
harap ng bilog na mesa.
"Hades, ML..."simula ko. "Kaya kayo ang tinawagan ko kasi maiintindihan
niyo ako. Seryoso mga brod. Naranasan niyo ng masaktan kaya alam kong
mauunawaan niyo ang sitwasyon ko."
"Are you brokenhearted?" Gusto kong pitserahan sa mukha si Falcon sa tanong
nitong may halong pang-iinsulto.
Hindi ko ito sinagot, nagtimpi ako. Lalo itong napangisi.
"Oh, look at you half brother. Tinatablan ka rin pala ng sakit."
"Oo, naman." Inismiran ko ito. "Kahit pogi, nasasaktan din."
"So what is your plan?" Si Hades.
Hinarap ko si Martin Luther. "ML, kailangan ko na ang pera ko. At kailangan
ko rin kayo."
Napatingin ako kay Falcon, kahit banas ako rito ay mukhang kakailanganin ko
rin ito sa pagkakataong ito. Kahit gago ito ay magaling namang abogado.
Napapalatak ito. "Wow, kailangan mo kami? Bago iyon."
"Seryoso ako."
"Ano ba iyon?" Tanong ni Martin Luther. Sa lahat talaga ng pagkakataon ay ito
ang pinaka-ready at always willing to help.
"Kailangan ko ng pera at koneksyon."
"For?"
"Para mapasaakin na ang babaeng pinakamamahal ko."
"Anong nakahanda mong bitawan para diyan?" Nanghahamon ang mga mata ni
Falcon nang lumapit sa akin.
Lumunok ako. "Ang pride ko."
Ngumisi ito. "Tatanggapin mo na ba ang katotohanang mas guwapo ako
sa'yo?"
Nagtagis ang mga ngipin ko.
Tumawa ang kuwago. "Don't worry, brother. We will help you."

Page 72 / 110
StoryDownloader

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page 73 / 110
StoryDownloader

Chapter 15
Chapter 15

SUOT ko ang manipis na kamison, sa ilalim niyon ay ang two piece swimsuit
na kulay royal blue. Bagong extension ang buhok ko, fake hair that will last for
three months. Ang mukha ko ay may makapal na make-up.
"Holy mackerel!" Bulalas ni Mr. Sandejas. "Gorgeous! Hindi ako nagkamali
sa'yo, hija!"
"Puwede bold star ito." Sabat ng intsik na producer. Dalawa sila sa project na
Divine, si Sandejas ang nag-refer sa akin.
Pumalakpak si Mindy. "Sexy star, Mr. Pachingco." Pagtatama nito. "Level up
lang ang alaga ko. Pagpapa-sexy na ang career niya ngayon."
Kinuha ko na ang coat ko at isinuot niyon. "Tuesday naron na ako sa venue."
Nauna na akong lumabas ng studio. Ngunit mabilis na nakahabol sa akin si
Mindy.
"This is a big break for you, darling." Masayang saad niya. "For sure
pagkakaguluhan ang magazine kapag lumabas na iyon, patikim pa lang iyon,
huh!"
"Yeah, big break." Ungol ko na walang lakas. "Malamang pagkatapos nito ay
sunod-sunod na ang sexy projects na darating sa akin. Iyan ay kung hindi sila
masusuka sa akin."
"At least artista ka pa rin. Pagbutihin mo na lang para mag-trend ka."
Ibineso-beso ako ni Mindy bago niya ako iniwan sa hallway ng studio.
Napailing na lang ako.
Trend? Ano? Laos na artista na naghubad na lang para lang magka-project? At
mabuti nga kung sexy star lang ang magiging tingin nila sa akin after nito.
Bagsak na ako.
...

MATAPOS kong mag-shower ay isinuot ko ang puti kong roba na umabot


hanggang sa aking tuhod. And my fake wet hair was tied in a messy bun. Hindi
na ako nag-abalang i-blower pa iyon.
Naubos na ang oras ko sa pagligo. Pakiramdam ko kasi ay kahit anong sabon
ang gawin ko sa katawan ko ay naiwan pa rin doon ang malalagkit na titig nina
Mr. Sandejas at Mr Pachingco kanina.
Lumabas ako ng banyo dahil sa sunod-sunod na doorbell. Mukhang hindi na
makapaghintay si Mindy na chikahin ako at i-push ang spirit ko. Hindi ko

Page 74 / 110
StoryDownloader

naman kasi maitago sa kanya na pinaghihinaan ako ng loob.


Pero hindi si Mindy ang nagdo-doorbell. Binuksan ko ang pinto kahit halos
mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Joss?"
Anong ginagawa niya rito?
"Ito pala ang lugar mo?"
Hindi ko na siya napigilan nang pumasok siya sa loob ng unit ko. Dere-deretso
siya hanggang sa sala. Nasa loob ng magkabilang bulsa ng slacks na pantalon
ang kanyang mga kamay.
Pormal ang suot niya na halos hindi ko na makita sa kanya ang aura ng makulit
na Joss na nakasama ko sa isla.
"Hmn, maganda."
"P-paano mo nalaman na-"
"Isa akong Deogracia," lumingon siya sa akin, nakaguhit sa mga labi niya ang
kakaibang ngiti. "Walang imposible sa akin."
Wala akong maapuhan na sabihin. I was really shocked to see him.
Hindi ko maiwasang hindi bahain ng pananabik nang muli ko siyang makita.
Pakiramdam ko ay lahat ng pagod ko sa maghapon ay bigla na lamang nawala.
And how I wanted to give him a hug right now.
"Maganda." He said.
"Ha?"
"Maganda 'tong lugar mo, pero masyadong simple."
Ipinilig ko ang ulo ko, saka ko naalala na wala pala akong maski isang suot sa
ilalim ng suot kong roba. Sukat doon ay tila may tumulay na kuryente mula sa
talampakan ko pataas sa aking katawan.
"Ang inaasahan ko ay iyong magarbo. Iyong bawat gamit ay tubog sa ginto."
Pinagapang ni Joss ang dalawang mahahabang daliri sa sandalan ng sofa ko
habang nagmamasid ang mga mata niya sa paligid.
"Ito ba ang buhay na nami-miss mo habang nasa isla ka?"
"G-gusto mo ba ng kape?" Alok ko sa kanya sa kawalan ko ng sasabihin.
Pero hindi niya ako pinansin. "Sana sinabi mo na lang sa akin na ganito pala
ang gusto mo, nakahanda naman akong ibigay sa'yo ang lahat. Kaya pa nga
kitang bigyan ka ng higit pa rito."
Malungkot ko siyang tiningnan. He looked different now. The Joss I used to
know was soft and playful. Pero iba ang nakikita ko ngayon, a man who's hard
and cold.
"Kotse, condo, bahay... ano pa ba?" Bumaling sa akin ang walang emosyon
niyang mga mata. "Ah, mga mamahaling damit, sapatos at alahas?"
Daig ko pa ang sinampal dahil sa sinabi niya.
"Oo nga pala, hindi lang iyon ang mga gusto mo. Gusto mo rin ng kasikatan.
Gusto mo ring sinasamba ka ng mga tao. Iyong pinagkakaguluhan ka."

Page 75 / 110
StoryDownloader

"Joss..."
"At wala non sa isla. Sa buhay na ipinangako ko sa'yo... iyong sa isla na
malayo sa kabihasnan. Sa islang iilan lang ang nakakakilala sa'yo. Sa isla na
ang tanging gusaling makikita mo ay ang Deogracia Hotels, sa islang puro
buhangin at halaman ang magigisnan mo. Ano nga ba naman ang simpleng
buhay na iyon kapalit na modernong buhay mo rito sa lungsod?"
Nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Wala. Walang-wala."
Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko. "Ano bang sadya mo rito?"
"Anong gusto mo?" He retorted.
I chose not to answer his question.
Natapik ng lalaki ang noo. "Shet, Joss! Bakit ba nakalimutan mo na?" Kausap
niya sa sarili habang nakangisi sa akin. "Ang gusto ng babaeng iyan ay tigilan
mo na siya."
Sinikil ko ang urge na lapitan siya at sabihing nagkakamali siya.
"Pasensiya ka na at nanggugulo pa ako sa'yo rito. Hindi ko lang kasi matanggap
na naisipan kong isuko ang lahat para makasama ka lang. Na inisip kong sapat
na iyong sandaling nagkasama tayo para piliin mo ako." He said sarcastically.
"At pasensiya na rin ako dahil hindi ako ang pinili mo."
Tinatagan ko ang disposisyon ko. I don't want him to see how weak I am.
"What are you doing here?! What do you need from me?!"
Ayon na naman ang ngisi sa mga labi niya. "Kung sasabihin ko ba kung ano
ang gusto ko ay ibibigay mo?"
If only things had been different, Joss... If only...
"Wag kang mag-alala, hindi naman kita yayain na magpakasal sakin o sumama
ka sa akin na tumira sa gitna ng gubat."
Masyado ng masakit sa akin ang mga binibitawan niyang salita pero ginusto
kong makinig pa sa ibang sasabihin niya. Kahit anong sabihin niya, basta
marinig ko lang ulit ang kanyang boses.
"So what do you need from me, Mr. Joss Deogracia?" Malumanay ko ng
tanong.
Umismid si Joss. "Wag mo na akong inglisen, naiintindihan naman kita kahit
Tagalog o English, eh. Pero mas okay iyong Tagalog, hindi naman kasi ako
kano, dati lang akong mekaniko. Sinuwerte lang kaya naging ganito. Pero
iyong pagiging guwapo ko, in born."
"So ano ngang kailangan mo?"
"Ikaw." Walang gatol na sagot niya.
"What?"
"Wag ka munang mag-panic." Itinaas niya ang isang kamay.
Pero nagpa-panic na agad ako ngayon!
"Na-miss lang kita," wika niya sa mababang boses. "Na-miss ko lang iyong

Page 76 / 110
StoryDownloader

mga nangyari sa atin sa isla... kaya ako pumunta rito kasi magbabaka-sakali
sana ako... kahit sa huling pagkakataon, malay natin iyon lang pala ang
kailangan natin."
"Closure?" Daig ko pa ang sinikmurahan nang na-proseso ko nang maigi sa isip
ko kung ano ang pinupunto ng sinasabi ni Joss.
"Higit pa ron." Makahulugan niyang tugon.
Natigilan ako sa nakikitang damdamin sa mga mata niya. "A-ang... katawan ko
ba?"
Ngumisi siya habang ang katawan ko naman ngayon ang hinahagod ng
kanyang paningin. "Hindi ka naman lugi sa akin. Kahit pagod ako sa biyahe,
kaya pa rin kitang i-full tank."
Napailing ako at napahawak sa aking noo. Biglang sumakit ang ulo ko, gusto
ko siyang awayin dahil sa harapang pambabastos niya pero hindi ko kaya.
Hindi ko siya kayang sumbatan dahil ginusto ko naman ang lahat ng ito. Kung
ano ang tingin niya sa akin, hindi naman naiiba sa tingin sa akin ng
taong-bayan.
Malungkot akong tumitig sa mga mata niya pagkatapos. "Then, fine."
Namilog ang mga mata ni Joss.
"Sige, let's have that closure. On bed." I said to him.
"Amera!"
"Kunin mo. Pero pagkatapos nito, hindi ka na magpapakita pa sa akin."
Matapang na saad ko, pilit itinatago ang sakit ng bawat salita.
His expression hardened. "Okay." He uttered.
Lumapit ako sa kanya at saka hinubad ang suot kong roba, nalaglag iyon sa
sahig bago pa dumikit ang katawan ko sa naninigas na katawan ni Joss.
Yumakap ako sa leeg niya at sinalubong ang mga mata niyang may bahid ng
galit.
"Take me..." I commanded him.
Hindi na ako nagdalawang sabi, mabilis na pumulupot sa bewang ko ang
matigas niyang mga braso kasabay nang pag-angkin ni Joss sa mga labi ko.
Walang nagbago sa halik niya. His kiss was still toe-curling and mind blowing.
Kinakain ng halik niya ang natitirang logic sa isip ko. Kahit marahas ang
paraan ng paghalik niya ngayon, wala pa ring kasing tamis ang mga labi niyang
nakalapat sa akin.
Tumaas ang mga palad niya mula sa tagiliran ko pataas, hanggang sa marating
ang aking hinaharap. Marahas na pumipisil, pumipiga at tila ba sinusukat ang
laki ng magkabila kong dibdib.
"Joss..." ungol ko ng saglit na maghiwalay ang aming mga labi.
Ngunit saglit lang niya akong pinakawalan, upang parehas kaming maghabol
ng hangin. Hinalikan niya ulit ako nang mas mariin pa kesa sa una. He sucked
my lower lip, adoring it with his wet and hot tongue. Bawat sulok ng bibig ko

Page 77 / 110
StoryDownloader

ay ginalugad ng mapaglaro niyang dila.


Kusang tumaas ang isang hita ko papulupot sa kanya habang ang mga kamay
ko ay inaalis ang belt sa kanyang pantalon. Itinaas ni Joss ang isa ko pang hita
hanggang sa maiangat niya ako, nang sumunod na sandali ay ihini-higa niya na
ako sa kama sa loob ng aking kuwarto.
Mabilis niyang inalis ang mga sagabal sa katawan niya, wala siyang itinira
kahit ang relong suot niya. Nang umibabaw siya sa akin ay wala ng foreplay
pang nangyari.
I was already soaking wet when he pinned me down to the bed. Joss was on top
of me, and I could feel his hardness against my skin.
I gasped and closed my eyes shut. I don't want to see the anger in his eyes,
gusto kong alalahanin iyong pinaghalong pagnanasa at pag-ibig sa mga mata
niya tuwing inaangkin niya ako noon sa isla. Iyon ang gusto kong maalala.
In a swift powerful thrust Joss took me, my walls instantly clamped around
him. Mahabang ungol ang pinakawalan niya nang mag-isa ang katawan naming
dalawa.
Mabilis at walang pag-iingat, na para bang layunin akong masaktan. Pero sa
kabila non ay mas nananaig ang init at pananabik ko kay Joss. I was also
enjoying the sound of his ragged breath as he kept on thrusting inside me.
Bumilis pa nang bumilis ang kilos niya hanggang sa unti-unti niya na ngang
pinupuno ang kaloob-looban ko. He's right when he said na kahit pagod siya sa
biyahe, he can still make me full.
"Ah..." I let out a sigh of pleasure.
Hinihingal siyang huminto. He withdrew himself inside my swollen core.
Ramdam ko ang pag-alis niya sa ibabaw ko ngunit pinili kong wag ng dumilat.
Nanubig ang nakapikit kong mga mata nang tumayo na si Joss. I missed his
weight already.
Ilang minuto pa ay narinig ko na ang tunog ng zipper sa kanyang pantalon.
Nang makapagbihis ay tunog na lang ng sumaradong pinto ang aking
naulinigan.
He left.
Sex. Iyon lang.
A closure.

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page

78

110
StoryDownloader

Chapter 16
Chapter 16
SAMPUNG araw na mula ng iwan ako ni Joss sa condo ko. Hindi ko siya
maalis sa isip ko. Na kahit saan ako tumingin ay mukha niya ang nakikita ko.
Hinahanap-hanap ko siya...
He's a nice guy, he's sweet and very charming. Nahulog ang loob ko sa kanya
sa maiksing panahon.
Joss was good to be true. Also too frank. He had no qualms in speaking his
mind. And when he said he loves me, I believed him.
I believed him but not enough to accept his love.
Gusto ko syang habulin para sabihing mahal ko siya. Pero galit na galit siya sa
akin. Nasaktan ko siya. I disappointed him.
Makakasira lang ako sa reputasyon niya.
God! Why does it have to be this complicated?!
Ayaw ko ng manisi at magsisi. Siguro ito lang talaga ang drama ng buhay ko.
Ito ang kapalaran ko, forever alone.
Ulila, tinakwil pa ng sambayanan, sinukuan ng lover at ngayon kapit sa patalim
para makabayad sa utang at maipagpatuloy ang pagtustos sa mga
nangangailangan sa akin, ang mga pinagbubuhusan ko ng pera ko, ang mga
foundation.
Tama, ang foudation at orphanage lang talaga ang pamilya ko. Sila lang ang
nakakaunawa sa akin kaya sila lang ang dapat kong mahalin.
"Really, Guada?"
"Yes. Kaya medyo nag-enjoy ako sa Isla Deogracia."
Napatingin ako sa mga kasama ko sa elevator nang marinig ang pinaguusapan
nila.
Isla Deogracia, parang nabuhay ang mga ugat ko pagkarinig ko sa paraisong
minsang kumupkop sa sawi kong kaluluwa.
"Makakarinig na ba kami ng wedding bells?" Tanong ng isa sa mga babaeng
kasabay ko, maiksi ang buhok nito.
Apat kami sa loob at magkakasama ang tatlo. Nasa gawing likuran nila ako at
hindi naman nila pansin ang aking presensiya.
"Wala pang nababanggit si Joss." Pamilyar sa akin ang mukha, parang nakita
ko na nga ito sa isla.
Pero mas pamilyar sa akin ang sinabi nitong pangalan!
"Baka walang balak?" Tanong ng isa pa sa mga babae.
"Excuse me? Tunog bitter ka. Palibhasa single ka ngayon." Nakangiting biro
nong tinawag na Guada, ang babaeng bumanggit sa pangalan ni Joss.
Nagkataon lang ba na kapareho ng lugar at pangalan? Iilan ba ang may

Page 79 / 110
StoryDownloader

pangalang 'Joss' sa Isla Deogracia?


Tumawa ang kausap nitong babae. "Just kidding! Wala naman akong doubt sa
kamandag mo."
"Sana nga yayain niya na ako. Pero ako lang kasi ang nagtagal na babae ron.
Nong wala pa ako sa isla, kaliwa't kanan ang babae niya."
"So he's a lady killer?"
"Hindi na siya womanizer mula ng maging kami." Guada proudly said. "Kaya
lang nagkalabuan kami, kaya nga babawi ako sa kanya ngayon."
"Wag mo ng pakawalan, Guads."
"Of course, I won't. I think I'm already falling for him. I'll do my best para
maging okay na kami."
"Wish you luck, sissy."

NANG makalabas na ako sa elevator ay hindi ko pa rin magawang humakbang.


Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan ko pang isipin ang usapan ng mga
babaeng nakasabay ko sa elevator kanina.
Hindi ko alam kung para saan ang kaba ko.
Hindi ko rin matumbok kung bakit gusto ko silang sundan.
Ano pa bang sense? Kung si Joss nga ang pinag-uusapan nila ay di ba dapat
maging masaya pa ako? Kasi at least talagang tatantanan na ako ni Joss kapag
pinakasalan niya na iyong Guada na iyon? Hindi niya na ako guguluhin pa.
Pero bakit ang sakit?
Parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na may iba siyang babaeng pupurihin,
hahabulin at... mamahalin.
Hindi ko matanggap na may iba siyang babae na dadalhin sa glass rest house sa
kabilang parte ng Isla Deogracia. Na may iba siyang babaeng dadalhin sa talon.
Na may iba siyang babaeng kukulitin, lalambingin at papangakuan ng
pagmamahal niya.
Hindi ko pala kaya. Iniisip ko palang pero ang sakit-sakit na. Kahit wala akong
karapatan, nasasaktan ako.
Siya nga kaya ang Joss na kinukuwento nong Guada sa mga kaibigan niya?
'Stop being paranoid!' I scolded myself.
It isn't Joss, okay?! Pag-aalo ko sa sarili ko. Wala naman akong ibang babaeng
nakitang kasama niya non sa isla.
Ako lang naman ang kinukulit niya noon. Halos araw-gabi ko siyang kasama
doon, kaya malabong siya iyong pinag-uusapan ng mga babae sa elevator.
Hindi iilang beses niyang ipinangalandakan na mahal niya ako.
Natigilan ako nang maalala ko ang huling paghaharap namin. We had sex, a

Page 80 / 110
StoryDownloader

wild one. And it was also a good-bye sex. Saka lang ako sinalakay ng realidad.
Bakit ko ba papaniwalaan lahat ng sinasabi ni Joss?
Kung patay na patay siya sa akin ay dapat hanggang ngayon ay naghahabol pa
rin siya. Pero wala ng Joss na humahabol. Pagkatapos ng nangyari ay parang
okay na sa kanya na matapos na sa amin ang lahat.
Iyong sex lang ang hinabol niya sa akin nong huli. Iyon lang. Pagkatapos ay
nag-evaporate na siya sa buhay ko.
It was all my fault dahil itinaboy ko siya. Pero ganon na lang ba iyon? If he
really loves me, kahit galit siya hindi niya ako iiwan matapos ang nangyari sa
amin. I submitted to him... hindi niya ba naramdaman na mahal ko siya?
Bakit sinukuan niya ako agad?
"Ano bang tinatayo-tayo mo riyan?"
Naglalakad si Mindy patungo sa kinatatayuan ko. "Mindy..."
"Let's go, darling. Kanina ka pa hinihintay."
Saglit lang ang meeting namin with Divine's crew. Pagkatapos ay lumabas din
kami ng meeting room sa isa sa mga pamosong hotel, ang Montemayor Hotel.
Tulala pa rin ako, ni wala akong masyadong naunawaan sa pinag-meetingan
dahil hindi mawala sa isip ko si Joss.
Sinalubong kami ng mga nakaunipormeng tauhan at inihatid kami hanggang sa
elevator.
Tahimik lang ako habang pababa kami sa ground floor. Nagpaalam sandali si
Mindy na magba-banyo kaya naiwan ako sa hallway.
Ilang minuto akong nakatayo ron, matagal kasi talagang magbanyo si Mindy,
medyo maselan kasi ito. Nagpalingon-lingon ako nang maramdaman kong
parang may nakatingin sa akin.
Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang matangkad na lalaki na nasa
dulo ng hallway, iyong sa pagliko ay dingding na. Nakatitig siya sa akin at
hindi ko alam kung gaano na siya katagal don.
It was Joss. He was leaning on the wall, with his hands inside his pockets.
Naka-brown na poloshirt, abong pantalon at itim na sapatos.
Napakurap ako. Baka naman namamalik-mata lang ako?
But it was really him. In flesh.
Kahit anong kurap ko ay siya talaga.
Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humawak sa braso niya. The
woman in the elevator! Ang babaeng ang pangalan ay Guada!
Para akong sinikmurahan sa pagkabigla. So it was really him! Iyong Joss na
boyfriend ng babaeng ito?!
"Baby, I've been looking for you. Narito ka lang pala. My friends wanna meet
you." Malambing na yumakap pa ito sa kanya.
"Okay, tara." Sagot ni Joss rito na para bang wala ako roon na nanonood sa
kanila.

Page 81 / 110
StoryDownloader

Ni hindi ko magawang kumilos hanggang sa makarating na sila sa kinatatayuan


ko. Ni hindi ko alam na nakaharang pala ako sa daan.
"Will you please excuse us, Miss?" Mataray na sabi ni Guada ng hindi pa rin
ako kumikilos, nakatingin lang kasi ako sa kanilang dalawa.
Bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Guada kanina sa mga kaibigan niya at
parang gusto kong maiyak. Ang sabi ni Joss ay ako lang, pero sino ang babaeng
ito?!
Matagal na tinitigan din ng babae ang mukha ko hanggang sa mapanganga ito.
"Amera!" Bulalas ni Guada. Biglang nagningning ang mga mata. "Hey, you're
the actress right?" He seemed really nice.
"Ah, yeah..." pinilit kong sumagot kahit nanunuyo ang lalamunan ko sa tensyon
at pait.
"Fan mo ako. Fancy meeting you here!" Ngumiti sa akin si Guada. "I'm Guada.
This is my man, Joss Deogracia. Baka kilala mo siya, he's one of Manuel
Crassus Deogracia's sons."
Of course I know him. At bakit parang gusto kong manapak nang sabihin nito
ang salitang 'My Man'. Damn it!
Bumaling ito kay Joss. "Ay, baby? Is it okay na kuhanan mo kami ng picture?
Please, iu-upload ko lang sa Facebook at IG ko? Please?"
"Sure, baby." Joss was grinning from ear to ear. Walang nakakatawa kaya
naiinis ako kung bakit ganon na lang ang ngisi niya.
Tumabi na sa akin si Guada. Umakbay pa sa akin ang babae habang
ngiting-ngiti na nakatutok ang mga mata kay Joss na ngayon ay naka-ready na
sa pagkuha ng picture gamit ang IPhone.
Smile, Amera. Utos ko sa sarili ko. Pero hindi ko magawa, para akong
tino-torture ng mga mata ni Joss. Nanunuot ang mga titig niya sa akin, pero
hindi ko mahulaan ang tumatakbo sa isipan niya. Mabuti at hindi naramdaman
ni Guada na nate-tensyon ako.
"Okay, one-two-three!" Nang biglang sumimangot si Joss.
"Why, baby?" Worried na tanong ni Guada.
Tumingin sa akin si Joss at ngumiwi. "Ikaw lang ang masaya sa pic niyo, baby.
Ni hindi man lang ngumiti si Amera. I think she's not in the mood."
Napanganga ako. Lintek na lalaking ito!
Ngumiti sa akin si Joss. "Ulitin na lang natin, kung okay lang kay Ms. Amera?"
"Amera? Is it okay?" baling sakin ni Guada. "Okay lang if not, baka kasi busy
ka at-"
"No... it's okay..." Agap ko. "Picture na lang ulit..."
"Okay, pose na ulit kayo." Ngising-ngisi ang gago.
This time ay ngumiti na ako kahit pilit na pilit.
"Thank you, baby!" Tuwang-tuwa ang babae. "Thank you rin, Amera! I'm so

Page 82 / 110
StoryDownloader

happy! You know what, I'm really a fan! Napanood ko halos lahat ng palabas
mo."
Nang tingnan ko si Joss ay nakangisi pa rin siya. Kabagan sana!
Bumeso sa akin si Guada. "Sige, we'll go ahead. Nice to meet you, Amera!
Thanks!"
"Thanks!" Joss mouthed. Hindi ko alam pero parang iba ang tunog sa akin ng
pasasalamat niya.
Gayunpaman, pinilit ko pa ring maging kaswal sa kanila.
"W-welcome..." halos pabulong na saad ko. "Ingat kayo..."
And the bastard grinned even more.
Mukhang masaya siya na pasakitan ako. O baka naman talagang ako na lang
ang nag-a-assume dito?

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page 83 / 110
StoryDownloader

Chapter 17
Chapter 17
UMALIS ako sa table na reserved sa amin ng manager kong si Mindy. Kasama
siya ngayon ng ibang talents niya, mga talents na mas nag-aakyat na ngayon sa
kanya ng pera kesa sa akin.
"You're here?!"
Ibinaba ko ang wine glass sa lamesa. "Estelle."
"So, you're invited, huh?" nakangisi ang kulay indigo niyang mga labi. Kakulay
ng makintab na gown na napaka-wholesome ng dating.
Magandang-maganda ang babae, parang diwata ng talong. Nakakatawang
pakinggan pero kabaliktaran kung titingnan, she was really stunning tonight
with her all violet fashion.
Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako palayo. Hindi na rin humabol sa
akin si Estelle dahil pinagkaguluhan na siya ng mga reporters.
Maraming tao sa event, ang ball na para sa mga artista ng TV6. Taon-taon
itong ginaganap. Kung noon ay ako lagi ang sentro ng event, ngayon ay hindi
na. Mas excited na sila kay Estelle dahil ang babae ang nakakuha ng remake
teleserye na dati ay pumatok sa mga manonood.
Binilisan ko ang paglakad ko patungo sana sa ladies' room. May
mangilan-ngilang reporters din na lumalapit sa akin, siguro ay shocked na
makita ako dito. Ang akala siguro nila ay nagtatago pa rin ako. Pero wala ako
sa mood magpa-interview kung ang itatanong lang din naman nila sa akin ay
tungkol sa video namin ni Thad Andres.
"Amera!"
Speaking of the devil.
Naka-abuhing tuxedo ito, nakangiti at papalapit sa akin. Kumabog ang dibdib
ko dahil malamang na may mga matang nakatingin sa amin ngayon. Ayaw
kong mapabalita na naman!
"Let's talk, Era!" Habol nito sa akin.
Asar akong lumingon. "What did you call me?!"
Thad smiled. "Okay naman, di ba? Era for short."
"Wag mo na ulit akong tatawaging ganyan," mahina pero mariing sabi ko.
Naagaw ang atensyon namin ng magkagulo sa entrance ng party hall. May apat
na lalaking pumasok, hindi mga artista subalit mukhang mga artista ang itsura
at dating. Pero iisa lang sa mga iyon ang nakaagaw ng buong pansin ko.
"Is he Joss Deogracia?!" Narinig kong sabi ng isang batang babaeng artista,
kasunod nito ang mga kasama na palapit sa bagong dating.
They are all looking at Joss. But what the hell is he doing here? And gosh, Josh
looked hot on his all black corporate suit. Hindi ako sanay na makita siyang

Page 84 / 110
StoryDownloader

ganito kapormal! Ni hindi nakangiti ang mga labi niya.


"He is so young, huh?!" Bulungan ng mga babae, kahit ng mga lalaking artista.
Seriously? What's happening?! What is he doing here?!
"Gosh! He looked delish!"
"Hmn..." Tatango-tango ang mga humahawi sa daan. "Pero may girlfriend na
raw yan and they're already getting married."
Parang tinarakan ng punyal ang dibdib ko. Hindi ko na gusto pang makinig sa
bulungan. Wala na rin akong pakialam kung bakit nandito sa ball si Joss.
"Amera!"
Inis kong tiningnan si Thad, hindi pa pala umaalis ang kumag. "Ano ba?!"
"I'm sorry, okay?" Hinila niya ako patungo sa bakanteng table.
"Sorry?" tumaas ang isang kilay ko.
"I've been an ass."
"'Glad you know that!"
Inabot niya ang kamay ko at pinisil. "May sasabihin ako sa'yo. Please try to
consider this."
Wala sa kanya ang atensyon ko kahit nakatingin ako kay Thad. Hindi mawala
sa isip ko si Joss.
"Sabihin natin sa mga tao na may relasyon tayo."
"What?" doon ako nag-react. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya.
"Listen, Amera. This is for you, okay? To save your ass. Normal na lang naman
ngayon ang mga artistang nagli-live in. Sabihin natin na nagmamahalan tayo.
Na may pangarap na tayong magpakasal. Maililipat natin ang paniniwala ng
mga tao, ng mga fans. Baka nga from bashers ay ma-convert pa natin sila into
fans, 'di ba?"
"You're impossible." Inis na iling ko.
Pero seryoso ang lalaki sa planong binuo. "That is possible. Mahal ka ng mga
fans mo, they're just hurt. Feeling nila naloko sila because you're a wholesome
actress. Kasi ang taas ng tingin nila sa'yo, 'di ba? Pero come to think of it...
puwedeng palabasin na ikaw ang biktima. Na nagmahal ka lang, natakot ka
lang na mawala ako sa'yo kaya pinili mong ilihim muna ang relasyon natin.
Alam naman ng lahat kung gaano kagulo ang show business. You'll see,
makukuha mo ang simpatya ng mga tao. Ang ganda ng puwedeng kalabasan
nito."
"Ano?"
"Project. You'll be getting many projects again! Magiging maingay ang
pangalan mo, 'natin'. Malay natin magkaroon pa tayo ng pelikula dahil dito sa
naiisip ko. We can be a loveteam. Iisipin kasi nilang napaka-romantic ng
nangyari 'tapos biglang tragic dahil hinusgahan ka ng mga tao. Puwede nating
palabasing set-up ang lahat, including the video scandal."
Nagtagis ang mga ngipin ko. "At sino ang nasa likuran ng pagkuha ng video?"

Page 85 / 110
StoryDownloader

"Estelle." Malapad ang ngiti ni Thad subalit kita ko sa mga mata niya ang
pagliliyab ng tila galit na kinikimkim.
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagdagsa ng realisasyon.
Muling kinuha ni Thad ang kamay ko at pinisil. "It's like hitting two birds in
one stone, honey. Mabawi ang career mo at mapabagsak ang babaeng iyon, I
know you hate her."
"Si Estelle?"
"Yeah, si Estelita Mariano! That ambitious bitch. Pababagsakin natin siya. Ako
ng bahalang gumawa ng paraan para sa kanya matutok ang sisi. Kakainisan
siya ng lahat. Mababawi mo na ang trono, ikaw na ulit ang magiging reyna ng
primetime dahil malamang mag-flop ang mga palabas niya dahil sa inis ng tao
sa kanya. Malamang din na babahain ka na naman ng projects... and of course
ako ang leading man mo."
"Thank you for the information." Tumayo ako at binawi ang kamay mula sa
kanya.
Naiwang nakanganga si Thad ng nagmamadali na akong umalis. Nangingilid
ang mga luha ko pero pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga ito.
No. Not now.
Tama na ang pagiging mahina.
Bakit hindi ko pa naisip ang lahat ng ito noon?
Thad and Estelle are ex-lovers. Parehong baguhang artista. Hindi ko lang
mapunto kung bakit galit sa akin si Estelle at ang ibang artista. Hindi ko naman
ginamitan ng mahika para maging paborito ako ng network noon. Kusa iyong
nangyari. Pinaghirapan ko naman ang lahat sa malinis na paraan.
"Estelle!"
Gulat na tumingin sa akin ang babae na abala sa pakikipagtawanan sa ibang
ka-network namin. "Oh? Why, darling?" Napakabait ng bukas ng mukha na
parang isang anghel.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya.
"What the fuck!" Tili ni Estelle. Katulad ng nakaraan, lumalabas ang sungay ng
babae kapag nasasaktan.
"Bagay lang sa'yo yan!" Nanginginig ang buong katawan na sigaw ko. "You
manipulative ambitious evil woman! Sinira mo ang pangalan ko to get what
you want! Ginamit mo pa si Thad Andres! Wala kang kaluluwa!"
"What the hell are you saying?!" Nagsimulang umiyak ang babae, dumamay
agad dito ang ibang artistang nakasaksi.
"I will sue you! I will sue the both of you!" Duro ko sa kanya sabay tingin kay
Thad na nakasunod na rin pala sa akin. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki.
Ang mga umaawat sa akin ay pilit kong itinutulak palayo, nang mabitawan nila
ako ay saka ako nanakbo palabas ng hotel na pinagdadausan ng ball.
Sa gilid ng hotel ay naka-ilang missed calls sa akin si Mindy bago ko ito

Page 86 / 110
StoryDownloader

sagutin.
"Ano bang problema, Amera?! Bakit ka gumawa ng eksena sa party?! Hindi
mo ba alam na sa ginawa mo ay magiging laman ka na naman ng mga balita?!"
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko, hindi alam ng manager ko na naririto
pa ako at wala akong balak sabihin iyon sa kanya. "Wala akong pakialam kung
anong sabihin ng mga tao, Mindy! Kahit sabihin pa ng mga fans ni Estelle na
bitter ako at sinisiraan ko lang siya!"
"Amera!"
"Alam ko na, Mindy! Si Estelle ang may kagagawan ng video na iyon.
Isinet-up nila ako ni Thad! Ang walanghiyang mag-ex na iyon!"
"Paano mo nasasabi iyan?"
"Kinausap ako ni Thad. Sa mga sinabi niya ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat.
Hindi ako puwedeng magkamali sa kutob ko. And that stupid Thad, alam ko na
gusto niyang gumanti kay Estelle dahil iniwan siya nito sa ere. He wanted to
use me. Mga sabik sila sa kasikatan!"
Pinatay ko ang cellphone, inalis ang battery at saka ibinalik sa sling bag na
dala-dala ko. Umupo ako sa gutter ng kalsada habang naghihintay ng cab dahil
wala akong dalang sasakyan.
I don't care kung ano ang lumabas sa mga newspaper bukas, o kahit sa mga
showbiz news. Bahala na silang lahat sa buhay nila!
Marahas kong pinahiran ang mga luha ko saka inayos ang naputol na takong ng
suot kong stilleto shoes.
"Amera." Isang matigas ang malamig na boses ang nagpa-angat ng mukha ko
mula sa pagkakayuko ko.
"Joss..." Sa nanlalabo kong mga mata dahil sa luha ay nakilala ko ang
nakatayong lalaki sa harapan ko.
Ganoon na lang ang pagrigodon ng puso ko.
Madilim at tanging maliliit na ilaw lang mula sa hotel ang nagsisilbing liwanag.
Ang buwan naman ay tila sinasadyang magtago sa mga ulap. Ang itim na itim
na tuxedo ni Joss ay humahalo sa kadiliman ng gabi subalit tiyak kong siya nga
ito.
Ang mabangong amoy na nakasanayan ko na, at ang boses niya na may
kakayahang pabilisan ang tibok ng puso ko at higit sa lahat ay ang puso ko na
kilalang-kilala siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tumabi siya sa akin sa gutter.
Napaawang ang mga labi ko. Kaparehas ng tanong niya sa akin ang gusto ko
sanang itanong sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" Tumitig siya sa mga mata ko. Sa puwesto naming ito ay
malinaw ko na siyang nakikita, lumiwanag na rin muli ang buwan.
Napahikbi ako, tila nakakita ng isang kakampi sa katauhan niya. "Nagkamali
ako, Joss..."

Page 87 / 110
StoryDownloader

Kumunot ang kanyang noo.


"Nagkamali ako... I'm sorry..."
"Nagkamali?"
Humawak ako sa braso niya. "Isama mo na ako. Isama mo na ako pabalik sa
Isla Deogracia... I want to be with you, Joss. Ilayo mo na ako rito."
"Joss? Ikaw ba iyan?"
"Guada!"
Napatayo ako ng tumayo si Joss. Nasa katapat na kalsada si Guada. Naiilawan
siya ng lamppost. Makinang din ang suot nitong damit na kulay pula at
tumutunog ang takong ng sapatos sa bawat paghakbang.
Nang makalapit ang babae ay agad itong yumakap kay Joss. "Tapos ka na ba
mag-smoke? Tara na sa loob-" Nang matigilan ng mapatingin sa akin. "Oh,
Amera!"
Déjàvu.
Ganitong-ganito rin iyong nakaraan. Very funny, mapait kong naisip.
"Sige, aalis na ako." Ngumiti ako kay Guada, nagsisikip ang dibdib ko.
Nakakailang hakbang palang ako ng may matigas na kamay ang pumigil sa
akin. "Amera!"
"Joss?" Manghang bulalas ko.
Nasalo ko ang nagliliyab niyang mga mata. Pero kanino siya nagagalit? Sa akin
ba?
"Hinihintay ka na ng girlfriend mo..." mahinang sabi ko.
"Saan ka pupunta?" Sa halip ay tanong niya.
"Joss!" Tawag sa kanya ni Guada.
Inis niya itong nilingon. "Mauna ka na, Guada!"
"Pero-" hindi na nakahabol ang babae ng hilahin na ako ni Joss palayo.
"Tara!"
"Joss!" Halos magkanda-tali-talisod ako sa bilis ng paglalakad niya.
Bumalik kami sa parking lot ng Montemayor Hotel, kung saan naroon ang ball.
Huminto kami sa isang itim na sasakyan.
"Sakay!" Pinapasok niya ako sa passenger side at saka mabilis siyang umikot sa
driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" Disoriented pa ring tanong ko.
"Sa condo ko." He maneuvered the car out of the parking lot.
"Joss..."
"Anong nangyari sa party?" He asked while his eyes on the road.
"Si Estelle..."
"Estelle?" Mabilis niya akong sinulyapan sa rearview mirror. "Ang babaeng
pumalit sa'yo bilang reyna ng network?"
How did he know that? Sabagay, he told me that he's a fan. Noon. Baka
updated siya noon sa mga nangyayari sa career ko.

Page 88 / 110
StoryDownloader

"Hinding-hindi ka niya kayang higitan." Nagulat ako sa sinabi ni Joss.


Napatitig ako sa kanya. He was dead serious. Ni wala akong nakikitang kahit
anong playfulness sa mga mata niya.
Bumuka ang mga labi ni Joss, mas humigpit ang pagkakahawak niya sa
manibela. "Ipinapangako ko, Amera... walang makakahigit sa'yo habang nasa
akin ka."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko, mabilis na mabilis ang
pagkabog ng dibdib ko.
"Nakakalimutan mo na ba?" itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at
saka pinatay ang makina.
"Ha?"
Nang tumingin sa akin si Joss ay nakangisi na siya. "Hindi lang ako guwapo,
mayaman at makapangyarihan din ako."
"I don't get it." Pero may kutob na akong namumuo.
He let out an empty laugh saka tumitig sa mga mata ko. "Hindi mo pa rin ba
gets kung anong ginagawa ko sa network party niyo?"
Hindi ako sumagot. Nakatanga lang ako kay Joss.
"Amera, ako na ang bagong vice president ng TV6 network."
"Ano?!" Gulat na bulalas ko.
"Kung kinakailangan na sa lahat ng palabas mula umaga hanggang gabi ay
naroon ka at ikaw ang bida at si Estelle ay kontra-bida, e 'di go."
Hindi ako makapaniwa. "B-bakit mo ito ginagawa... a-anong balak mo..."
He smiled. "Isa lang ang kapalit, Amera... ikaw."

JAMILLEFFUMAH
JFstories

Page 89 / 110
StoryDownloader

Chapter 18
Chapter 18
SA condo niya nga talaga ako dinala. Sa mismong sala niya na rin binitiwan
ang kamay ko na pinagpawisan na sa pagkakahawak niya mula sa parking lot
ng building.
"Dito ka lang, wag na wag kang lalabas!"
Nagtatagisan kami ng titig sa isa't-isa, siya ang unang bumawi. Hinubad niya
ang suot na tuxedo, naiwan ang puting polo sa loob, itinupi niya ang manggas
hanggang sa kanyang mga siko.
Humalukipkip ako habang tinitingnan siya. Kinuha niya ang cellular phone sa
loob ng pantalon. Um-order siya ng pagkain at pagkatapos ay hinila ako
papunta sa sofa.
"Upo."
Naupo naman ako para wala ng gulo. Nakahalukipkip pa rin ako habang
masama ang tingin sa kanya.
Hinawi niya ang ilang piraso ng buhok na tumatakip sa pisngi ko. Lumuhod
siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong binti.
Gusto ko siyang itulak palayo pero nagustuhan ng traidor kong pakiramdam
ang init na nagmumula sa mga palad ni Joss. Tila ba sa isang haplos niya lang
sa balat ko ay napawi ng lahat ng pangangalay at pagod ko sa maghapon.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo pang magsuot ng ganitong
klaseng sapatos." Nakasimangot niyang sabi.
Inalis niya ang suot kong heels at saka itinabi sa gilid ng mesita. Itinaas niya
ang isang paa ko at marahang pinisil-pisil ang sakong ko hanggang sa mga
daliri.
Sa ginagawa niya ay nakamasid lang ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa
seryosong mukha ni Joss. Pawisan ang noo at ang tulay ng matangos niyang
ilong habang nakatungo siya sa paanan ko.
Tumayo lang siya nang tumunog ang doorbell.
Isang malaking paperbag ang ang kinuha niya mula sa delivery boy. Isinara
niya ulit ang pinto saka nagtungo sa kusina. Ilang sandali pa ay naririnig ko na
ang kalansingan ng mga kubyertos at plato sa lamesa.
Itinapak ko ang hubad kong mga paa sa malambot na carpet ng condo ni Joss.
Sumilip ako sa kusina, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakikita ko.
Mabilis ang kilos ni Joss pero pulido. Mula sa pagsa-sandok ng pagkain,
paglilipat sa mangkok ng sopas mula sa plastic bowl. Pagsasalin ng tubig sa
baso at pati pagti-timpla ng kape. Sanay na sanay sa kusina ang mokong,
kabisado kung saan nakalagay ang mga gamit.
Nahinto siya sa pagkilos nang mapansing pinapanood ko siya. Tumigil siya at

Page 90 / 110
StoryDownloader

humila ng isang upuan.


"Kain na," lumakad siya palapit sa akin. "'Di ko alam kung ano'ng gusto mong
kainin ngayon kaya dinamihan ko na iyong order ko."
Sopas, fried chicken, rice, siomai, cake, Lasagna at ilang sliced na prutas ang
nasa mesa. Galing sa kilalang resto ang lahat ng orders niya. Umuusok din sa
tasa ang bagong timpla niyang kape.
"Salamat pero hindi ako nagugutom."
Ngumisi siya saka tumingin sa tiyan ko. "Kanina ko pa sa kotse naririnig ang
pamamaktol ng mga bituka mo, Miss."
Inirapan ko siya. "Guni-guni mo lang iyon." Tanggi ko kahit nag-iinit na ang
muka ko sa hiya.
Kanina pa nga kumukulo iyong tiyan ko. Pero siyempre, nunca na aminin ko
iyon.
"Kumain ka."
"Uuwi na ako." Patalikod na ako ng hilahin niya ako sa braso.
Napatingin ako sa mga mata ni Joss, para akong pinanghinaan ng makita ang
kaseryosohan sa mga titig niya.
"A-ayoko nga... hindi ako gutom... uuwi na lang a-"
Hinila niya ako papunta sa upuan. "Upo. Wag mo akong artehan, hindi iyan
uubra sa akin."
"Hindi nga ako-"
"Kumain ka sabi." Matigas na ulit niya, parang napipikon na.
Natakot naman ako kaya hindi na ako umalis sa upuan. Ramdam ko ang
pagwawala ng anaconda ko sa tiyan. Nakakagutom nga naman ang mga
pagkain sa harapan ko.
"Kain." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.
Hindi na ako nag-pakipot. Kinuha ko na ang kutsara at tinidor. Gutom na talaga
ako. Mayamaya pa ay sunod-sunod na ang subo ko. Ni wala na akong pakialam
kahit pinapanood ako ni Joss habang lumalamon ako.
"Kumain ka ng prutas." Nilagyan niya ako ng sliced apple and watermelon sa
plato. "Nangangayayat ka na, pinapabayaan mo siguro ang sarili mo."
Isang subuan lang sa akin ang isang sliced ng mansanas. Isinunod ko ang isa
pa. Maagap naman sa pag-abot ng tubig sa akin si Joss dahil mukha na akong
nabubulunan sa dami ng isinubo ko.
"Pagkatapos mong kumain, pumasok ka sa dulong kuwarto. May mga damit na
pamalit sa closet. Maligo ka 'tapos magpahinga."
Doon ako napatingin sa kanya, kunot ang noo at tikom ang punong bibig.
"Hindi ka muna uuwi sa condo mo at baka makapatay pa ako." Aniya.
Nilagok ko ang tubig sa baso para malulon ko ang pagkain sa bibig ko. Nang
clear na ang bunganga ko ay saka ko siya hinarap.
"Hindi ako uuwi tonight?!"

Page 91 / 110
StoryDownloader

Namulsa siya at sinalubong ang matalim kong tingin sa kanya. "Oo. Dahil
siguradong susundan ka ng Thad Andres na iyon."
Anong koneksyon ni Thad?!
"Bubuksan ko na ang aircon sa kuwarto para malamig na pagpasok mo. Wag
mo'ng tatangkaing tumakas kung ayaw mong sesantihin ko lahat ng empleyado
sa building na ito."
"Joss, bakit mo ba ito ginagawa?"
"Nasabi ko na sa'yo ang dahilan."
Bago siya umalis ay tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin
bago sinagot ang tumatawag.
"Hello? Falc? Oo. So, ano na?"
Falc? Kapatid niya yata iyon, si Falcon Deogracia. Nagulat ako nang biglang
namula ang mukha ni Joss hanggang leeg.
"'Tangina naman! Anong silbi mo niyan? Oo, gago! Madaliin mo. Magkano ba
ibabayad ko? Cash? No problem! Triplehin mo pa ang halaga kasi wala akong
barya. Kung gusto mo sagot ko na rin ang lifetime supply mo ng condom!"
Nang matapos ang tawag ay si Joss naman ang nag-dial. Hindi pa rin
nagbabago ang reaksyon ng mukha niya, badtrip pa rin.
"Hello! Si Joss Deogracia 'to. Pakibilisan ang trabaho niyo! Anak ng tinapa,
anong petsa na?!"
Tumayo na ako. Tapos na akong kumain pero hindi pa tapos si Joss sa
pakikipag-away sa cellphone niya, kulang na lang makipagsuntukan siya sa
kawawang gadget.
Naku-curious tuloy ako kung tungkol saan iyong pinapamadali niya sa mga
kausap niya. Gaano kaya ka-importante iyon at parang it's a matter of life and
death kung maka-react siya?
Pinagpatong-patong ko na ang mga plato at inilagay sa plastic bag ang mga
styro ng pinaglagyan sa pagkain. Akmang ilalagay ko na sa lababo ang mga
pinagkainan ko nang sumitsit si Joss sa akin.
"Wag mo ng hugasan ang mga iyan at baka mapano pa ang mga kamay mo."
Kumunot ang noo ko.
"Sige na, magpahinga ka na, ako ng bahala diyan."
Hindi na ako nag-insist pa na maghugas ng plato dahil mukhang hindi rin
naman siya papayag.
E, di wag! E, di ikaw na! Maigi nga iyon at hindi masisira ang nail polish ko!
Tumalikod na ako dumeretso sa kuwartong sinabi niya, ako na rin ang
nagbukas ng aircon. Ini-lock ko muna ang pinto bago ako nag-shower.
Tama nga si Joss, may mga pamalit na damit pang-babae sa closet. Para tuloy
gustong tumaas ng mga kilay ko. Kanino naman kayang mga damit ito?
O, baka kagaya sa glass resthouse sa isla ay may mga nakahanda talagang
damit para sa mga bisitang babae? Baka nga...

Page 92 / 110
StoryDownloader

Pero teka? Really? Dito sa mismong condo ni Joss?


Lalaki siya! Malamang magkakaroon talaga iyan ng mga bisitang babae! Sita
ko sa isip ko. Bakit ba nakikialam pa ako?
At bakit ba ako apektado?!
Nang matuyo na ang buhok ko ay nahiga na ako sa kama.
Mabilis naman akong hinila ng antok pagkalapat na pagkalapat ko sa malambot
na kutson.
Sa pagod ko sa maghapon ay kusa ng nagpahinga ang isip at katawan ko. Hindi
ko alam kung ilusyon o panaginip lang na narinig kong bumukas ang pinto na
kanina ay tiniyak ko pang nai-lock ko.
Hindi ko rin tiyak kung panaginip din o ilusyon na may mainit at matigas na
mga brasong yumakap sa bewang ko at katawang tumabi sa akin sa pagtulog.
Ang alam ko lang ay kagaya ng nasa Isla Deogracia ako noon... ay payapa ang
naging tulog ko.
...

"JOSS?"
Iginala ko ang paningin sa buong kuwarto. Maliwanag na ang paligid, mukhang
mataas na rin ang sikat ng araw.
Bumalikwas ako ng bangon sabay kapa sa tabi ko.
Ganoon na lang ang kahungkagang naramdaman ko nang makita ang espasyo
bakanteng espasyo.
Wala na siya sa tabi ko.
Sigurado akong tinabihan ako ni Joss kagabi. Naramdaman ko siya. At naiwan
pa sa mga unan ang amoy ng gamit niyang pabango.
"Shit!" Nasapo ko ang aking ulo.
Ano bang problema ko? Bakit ba hinahanap ko ang lalaking iyon? Maganda
nga na wala siya para makauwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Mindy.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko sa sidetable. Agad ko iyong dinampot
at sinagot.
"Hello, Amera?"
"Mindy, I'm sorry about last night."
"Pumunta ako sa condo mo pero wala ka. Saan ka tumuloy? Nag-hotel ka?"
"Ah... yeah..." Pagsi-sinungaling ko. Hindi ko alam kung gusto ni Joss na may
makaalam na magkakilala kaming dalawa.
Baka hindi niya gusto...parang biglang pumait ang pakiramdam ko. Sino nga ba
ang gustong ma-link sa tulad ko?
Tumayo na ako at saka isinuot ang damit ko kagabi. Hindi naman bongga
masyado ang dress na sinuot ko sa party, hindi rin weird kung mag-ka-cab ako
pauwi na ganito ang itsura.

Page 93 / 110
StoryDownloader

Naghilamos ako nag-ayos bago lumabas ng kuwarto. Gaya ng inaasahan ko


wala na si Joss.
Ikaw ba naman VP ng isang network company e di ka magiging busy?
Malamang hindi pa tirik ang araw ay lumarga na iyon!
Kusang umismid ang mga labi ko.
E, di ikaw na ang rich! Ikaw na ang VP at ako ay hamak na artista na maraming
haters at bashers!
Pero in fairness. Ang VP ng istasyong halos isuka na ako ay nag-aksaya sa akin
ng panahon kagabi. At hinugasan pa ang pinagkainan ko at minasahe ang mga
paa ko!
Hindi ko na pinigilan ang kilig na nararamdaman ko, mukha namang di na
papapigil ang kilig na ito. Halos lamunin na kasi ang buong sistema ko.
Pero hindi pa ron natatapos ang lahat.
Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ang note sa mesa sa sala. May
pulang rosas pa sa ibabaw niyon kaya agaw-pansin talaga.
Binasa ko ang nakasulat...

Good morning, Sexy!


Kumain ka na lang, nasa mesa na ang almusal mo. Hinabilin na kita sa driver
ko, magdo-doorbell siya mamaya. Ihahatid ka niya kung saan ka pupunta.
-Joss Na Pinaka-Guwapo

Dinampot ko ang pulang rosas at saka dinala sa ilong ko para amuyin.


Nakangiting tinitigan ko iyon pagkatapos.
"Oo, guwapo ka na. Ten pogi points for you, Diosdado Deogracia."
Kung ano man ang larong ito, Joss... aaminin ko na, nag-e-enjoy ako.
Nakakatakot lang kasi baka katulad ng proposal mo, may expiration date din
ito.

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page 94 / 110
StoryDownloader

Chapter 19
Chapter 19
TANGHALI na ng makarating ako sa condo ko. Hapon na ako makikipag-meet
kay Mindy para sa briefing ng next pictorial ko for Divine. Ang sabi may ilang
pagbabago raw na magaganap.
"Bitch."
Napahinto ako sa paghakbang nang may humarang sa aking babae.
"Guada?"
Nakilala ko siya agad. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Sa likuran niya ay dalawa pang babae, iyong mga kaibigan niyang natatandaan
kong kausap niya sa elevator.
"What are you doing here?" Sinubukan kong maging kalmado kahit parang
alam ko na ang sadya niya.
Hindi na ako nakapagtanong ulit nang bigla niya akong sugurin ng sampal at
sabunot.
"Mang-aagaw! Malandi ka pala talaga! I hate you!!!"
"Hey! Stop!" Sinubukan kong lumayo pero mahigpit na ang hawak niya sa
buhok ko.
"Ikakasal na kami, alam mo ba iyon?! Minamadali na nga namin ang lahat!
Wala pa man kuma-kabit ka na!" Sunod-sunod ang kalmot, sampal at sabunot.
Sa pagkabigla ay hindi na talaga ako nakabawi. Ni hindi ko namalayang tatlo
na silang nagtu-tulong-tulong sa akin. Ipinagpa-pasalamat ko na lang na
dumating ang mga guwardiya ng condominium building.
"Malandi ka!!! Makati!!!" Hindi pa maawat si Guada ng isang guwardiya lang
dahil pati mga kaibigan niya ay nakikialam. Ilan pang mga guwardiya sa
building na iyon ang pumigil sa kanya sa pagsugod ulit sa akin.
Mahapdi ang balat ko at anit sa mga atake niya kanina. Pero mas mahapdi ang
nasa loob ng dibdib ko.
Ikakasal na sila ni Joss at minamadali na nila ito. Iyon pala ang
pinagkaka-abalahan ni Joss kaya hindi ito magkandaugaga.
At sa nangyaring ito, hindi malabong bukas ay laman na naman ako ng mga
balita.
May iilang kumukuha na ng video at photos sa nangyari. At isa na sa mga iyon
ang isa sa mga kaibigan ni Guada. Nakangisi ito habang nakatutok sa akin ang
hawak na gadget.
"Serves you right, bitch." Ani pa nito.
Hinihingal naman sa galit si Guada habang pigil-pigil ng mga guwardiya. "He's
mine! You know that! You're just gonna ruin his name, you loose woman!"
Tigmak ang mga luhang pumiksi ako mula sa guwardiyang pumipigil sa akin.

Page 95 / 110
StoryDownloader

Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid, mabilis na akong nanakbo


patungo sa elevator paakyat sa unit ko.
....

JOSS
"So hows the new Vice President?"
"Ito, stressed." Tumayo ako at inabot ang isang goblet na may lamang Vodka
kay Hades.
"Bakit naman? Mahirap ba ang responsibilidad as VP?" Tinanggap niya ang
alak at saka inisang lagok.
"Hindi. Nai-stress ako sa ibang bagay. Kay Amera."
"Bakit?"
"Gusto kong ibigay ang lahat sa kanya, Hades. Lahat. Iyong tipong wala na
siyang hahanapin pa."
"Hindi ba siya naku-kuntento sa mga naibigay mo na?" Nakataas ang isa sa
makakapal niyang kilay.
"Kung hindi ako si Joss Deogracia, baka kahit tingnan niya lang ako ay di pa
mangyari." Mapaklang kong sabi. Nagsalin muli ako sa mga baso ng Vodka.
Hindi siya umimik. Inubos ko ang laman ng goblet at nagsalin pa ulit ng isa pa
bago ko matamang tiningnan ang isa sa mga half brothers ko.
"Hades... sa kauna-unahang pagkakataon. Sa kauna-unahang beses,
nagpapasalamat ako na anak ako ng tatay nating maraming sperm!
Nagpapasalamat ako dahil nabuo ako! Nagpapasalamat ako kasi Deogracia
ako!"
"Gago." Ngumisi siya.
"'Di nga."
"Matagal ka ng thankful, ah."
Sumimangot ako. "Iyong tungkol sa mana? Uy, 'di ah."
Tatango-tango siya habang hinihimas ang baba.
"Kung papipiliin ako, pera o pamilya. Pamilya, syempre. Alam mo yan. Oo,
masaya maging mayaman. Pero mas masaya kung lumaki akong may pamilya."
Mabuti pa nga si Hades, kahit natsugi ang family, at least naranasan pa ring
magkaroon ng family. 'Tapos heto ngayon, may sarili na ring pamilya... ang
asawa at mga anak niyang ipinaglihi sa kiti-kiti.
Tumingin ako sa kadiliman ng kalangitan mula sa labas ng glass window ng
opisina ko. "Tangina mo, Manuel Crassus Deogracia!" Mariing anas ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hades ngunit hindi na siya nagsalita pa.
"Hindi mo ba alam na buong buhay ko daig ko pa ang pulubi?! Tangina! Ang
yaman mo pala, pero ako?! Naranasan kong kumain ng tira-tira mula sa kinain

Page 96 / 110
StoryDownloader

ng ibang tao para lang malamnan ang sikmura ko!"


"Brod, kung nasaan man si Dad, malamang nagsisisi na iyon. Pinagsisisihan
niya ng hindi lumaki sa poder niya ang pinaka-guwapo sa mga bastardo niya."
Umiling ako. "Hindi sapat ang pagsisisi lang, Manuel Crassus!
Pinagpasa-pasahan ako ng mga kamag-anak ko mula ng mategi ang nanay ko!
Hindi ako nakatapos ng pag-aaral kasi mas inuna ko ang mag-trabaho para
mapakain ang sarili ko! Pero hindi ako nawalan ng pag-asa! Hindi ako sumuko!
Kasi cool lang, 'Dre! Cool lang ako!"
Si Hades naman ang nagsalin ng alak sa akin, inisang tunggaan ko lang iyon
bago ko kinausap muli ang madilim na langit.
"Ipinanganak akong guwapo!" Sigaw ko. "Wala man ako noong nanay, tatay o
kapatid! Kahit na kulang na lang kumain ako ng basura para makakain nong
bata pa ako! At least, mukha pa rin akong mayaman! Mukha pa akong fresh
kesa don sa mga naging amo kong milyonaryo! Itong mukhang 'to! Ito lang ang
ipagpapa-salamat ko sa'yo!"
Buong buhay ko, tuwing sinasabi ng mga tao na napulot lang ako mula sa tae
ng kalabaw. Isa lang ang ibinabalik ko sa kanila.
'Saan kayo nakakita ng tae na ganito ka-guwapo? Shit kayong lahat, mga
panget! Saan?! Marami nga kayong pera pero ang papanget ng mukha niyo at
panget pa ng mga ugali niyo!'
Iyon lang naman ang pinanghahawakan ko. Kahit muntik-muntikan na akong
ma-molestiya ng kung sino-sinong bading sa dating lugar na tinitirahan ko.
Kahit iyong mismong malayong tiyahin ko na tinangka akong hipuan nong
katorse anyos ako.
Pero dahil din sa mukhang 'to, natatanggap ako sa trabaho. Kahit wala akong
diploma, job-experience ay meron naman akong pleasing personality at sipag!
Iyon lang ang puhunan ko sa buhay noon.
Iyon lang ang pakonswelo ko sa sarili ko. Na ayos lang kahit magdildil ako ng
asin, kahit hindi ako makaligo dahil mahaba ang pila sa poso at kahit wala
akong makain. Guwapo ako. May maaawa at maaawa sa akin.
Sipag at mukha lang!
Pero ngayon ay hindi na sapat iyon. Hindi na sapat ang mukha lang at sipag,
kahit samahan ko pa ng bait at lambing.
Hindi sapat dahil ang napili kong mahalin ay napakahirap abutin. Kung mukha,
abs, muscles, performance at sipag plus pa ang resistensya... hindi iyon sasapat.
Kukulangin pa rin.
Tiningnan ko nang matiim si Hades. "Hindi ako magpapasalamat sa tatay natin
sa perang iniwan niya."
Nakatingin lang din siya sa akin, siguro parehas lang kami ng pinagdaanan.
Naging tulay din ang perang minana niya para maabot ang babaeng minamahal
niya.

Page 97 / 110
StoryDownloader

"Alam mo kung bakit, Hades? Dahil karapatan nating makuha ang manang
iyon. At iyon ang gagamitin ko para makuha naman ang babaeng mahal ko."
"Brod,"
"May isa pa pala tayong namana sa tatay nating matulis." Naalala ko.
"Ito iyong namana natin kay Dad, masyadong mapagmahal." Si Hades na ang
nagtuloy.
Ngumisi ako. "Si Martin Luther malala rin. Battered jowa na, push pa rin ang
lolo mo."
Iba-iba lang ang takbo ng buhay namin. Iba-iba ang palad namin. Pero sa
babae, iisa lang ang likaw ng mga bituka namin.
"Hindi mo pa ba alam?"
Nagkibit-balikat siya, nasa mukha ang interes. "Hindi ko alam. Napapansin ko
lang na palagi siyang may malalim na iniisip lately."
"Ikakasal na siya talaga don sa kapatid-kapatiran niyang may sapi."
"Love wins." Dinampot niya ang goblet na bagong salin at ibinigay sa akin. "Sa
ngalan ni Manuel Crassus Deogracia." Kinuha niya rin ang kanya matapos
punuin ng Vodka.
"Sa ipinamana niyang pagmamahal na siksik, liglig at nag-uumapaw."
"Let's cheers to that!"
Oo, mapagmahal ako. Pero kahit gaano karami at nag-uumapaw ang
pagmamahal sa puso ko, iisang babae lang ang gusto kong lunurin sa
pagmamahal ko.
Iisa lang.
Sa ganong aspeto, hindi ako nagmana kay Dad.
....

AMERA
ITO pala ang ipinagbago?
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Mindy. Nasa mga mata niya ang
pag-aalala. "This is your first photo-shoot. May kasunod pa..."
Suot ko ang puting silk na roba, sa loob nito ay wala na kahit ano.
"Yeah..." marahang tango ko. Kahit ang totoo ay kinakain ako ng hiya.
Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot at kaba.
Walang kaso kung sana ay tamang two piece na lang ang susuutin ko. Pero
hindi. Ang gusto ng Divine ay wala kahit ano...maliban sa pintura. At makikita
ng lahat ng narito sa studio ang katawan ko.
Malalaman ng lahat na pumayag ako sa ganitong proyekto. Pilit ko mang
isaksak sa isip ko na art ang gagawin ko ay hindi ko magawa. Ilang ulit sinabi
sa akin at ipinaliwanag ang dapat kong gawin.
Magpo-pose ako ng daring habang nasa katawan ko ang kakapirasong pintura

Page 98 / 110
StoryDownloader

na halos kakulay lang din ng balat ko. Lalabas sa mga magazines ang
mahahalay kong litrato. Oo mahalay, dahil iyon ang sinabi sa briefing!
Napirmahan ko na at wala akong pambayad kung aatras ako!
Sisikmurahin kong maglambitin sa pole na hubo't-hubad!
Nakangiti ang intsik na kasosyo ni Sandejas. "Ikaw sexy, ha! Ikaw kiskis dede
sa pole ha! Iyon maganda! Pakita mo matibay pintura! Ikaw the best Divine
Project! Ikaw giling sa video, ha!"
Ikinuyom ko ang mga kamay ko.
Hindi maliit na kuwarto, kundi isa lang bahagi ng studio na may tabing na tela
ang pu-puwestuhan ko. Sa loob niyon ay may nakatayong lalaki; payat, may
edad na at malalim makatingin.
"His name is Pete, siya ang magpi-pintura sa katawan mo, Amera." Ani Mindy.
"Babalikan kita mamayang gabi."
Naiwan ako kasama si Pete.
"Hello, Miss Amera! Asahan niyo ang pagiging professional ko. Hindi pa ako
ganon katagal sa larangang ito pero maaasahan niyo na gagawin ko ang lahat
para maging maganda ang kakalabasan ng body paint niyo."
Napalunok ako. Nakakakilabot ang klase ng pagkakangisi nito, kumikinang!
Hindi ko tiyak kung tunay na mga ngipin o pustiso lamang ang nasa loob ng
nakabukas na bibig.
"Pektong!!!"
Sabay kaming napalingon sa isang may edad na babaeng chubby na biglang
dumating.
"Hindi mo nainom ang vitamins mo! Bakit ba excited ka e hindi naman
kagandahan iyang pe-paintingan mo?! Hindi ako nagseselos I'm just
blah-blah-blah..."
Agad namang dumating ang mga guard sa studio para kaladkarin palabas ang
babaeng chubby. Tumikhim si Pete.
"Sorry, stage wife." Nag-peace finger pa ang payat.
Tumango na lang ako, shocked pa rin.
"Sige na, hubad na!" Utos niya, nakangisi.
Seriously? Color gold talaga iyong gilagid ng pustiso niya?
Sure na! Naka-pustiso siya. Pustisong kakulay ng ginto at may glitters pa yata!
Pahubad na ako sa suot kong roba nang makarinig kami ng komosyon sa labas
ng nakatakip na tela.
"Amera!" Malagom na boses kasabay ng pagbagsak ng telang nakatabing sa
puwesto namin ni Pete.
"Joss!" Gulat na bulalas ko.
Nakatayo si Joss, may hawak na itim na jacket habang ang ang nagliliyab na
mga mata ay nakatunghay sa mukha ko. Nagtatagis ang mga ngipin niya at
magkasalubong ang mga kilay.

Page 99 / 110
StoryDownloader

Mabilis niyang hinagilap ang isang pulso ko at saka ako hinatak.


"Sir, maghuhubad pa siya-" di na natapos ni Pete ang speech niya ng panlisikan
siya ng mga mata ni Joss.
Nagsilapitan naman ang mga crew ng Divine, lahat ay nakatanga at di
makapaniwala ng makilala si Joss.
"Pararaanin niyo kami o pasasabugin ko 'tong studio niyo!"
Nagpulasan ang mga ito, binigyan kami ng daan. Bago umalis ay nilapitan ni
Joss ang intsik na kasosyo ni Sandejas. Iniwanan niya ito ng cheke, halos
malula ako ng mabasa ang nakasulat na halaga ron.
Thirty million pesos!
"Joss..."
Bumaling siya sa akin. "Your worth is more than that."
Hindi ako napatulala dahil in-English ako ni Joss, kundi dahil sa klase ng
pagkakatitig niya ngayon sa akin. Nang isuot niya sa akin ang bitbit na jacket
ay parang tinakpan niya na rin pati ang kaluluwa ko.
"Tara na... hindi ka nababagay dito." At saka niya na ako hinila palabas ng
studio ng Divine.

JAMILLEFUMAH
JFstories

Page 100 / 110


StoryDownloader

Chapter 20
Chapter 20

PAKALADKAD niya akong hinila papasok sa loob ng isang bakanteng room


sa TV6.
"Iyan ba ang gusto mo?! Ha?! Iyan ba?" Nanggi-gigil na tanong niya.
Pigil na pigil ko ang paghikbi.
"Ganyan? Maghuhubad ka na lang sa harapan ng kung sino-sino?! Don sa
payatot na painter na iyon?! Tangina! Putangina!!!"
Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko kayang makita siyang
ganito. Galit na galit siya, para siyang papatay ng tao. Narinig ko na lang ang
kalabog ng pagbagsakan sa sahig ng mga upuan.
"Ganon ba kahalaga sa'yo ang career mo? Ang pagkaguluhan ka ng mga tao?
At ano ang susunod? Magbo-boldstar ka?! Ano pa ang kaya mong gawin para
mapanatili ang pangalan mo sa showbiz?!"
Sunod-sunod ang yabag niya, papalayo. Pagkatapos ay pagkalabog ulit ng kung
ano sa loob ng kuwartong kinaroroonan namin.
"Ako! Halos lumuhod ako sa harapan ng kuya ko para ibigay sa akin ang
pagiging VP. Malaking responsibilidad, Amera! Napakalaki! Pero ginagawa ko
ito hindi para sa punyetang network na iyan! Para lang sa'yo! Narinig mo? Para
sa'yo! Oo, sa'yo lang!"
Humihingal na huminto siya sa paghahagis ng kung ano-anong mga gamit.
"Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng role na gusto mo! Magpo-produce ako ng
pelikula kung kinakailangan! Bakit hindi mo pa mahintay?! Bakit?!"
"B-bakit mo rin ginagawa lahat ng ito?" mahinang tanong ko. "H-hindi ba ang
dapat na pinagkaka-abalahan mo ay ang... k-kasal niyo ni Guada?"
"Kasal?!" Gulat na ulit niya. "Tanginang kalokohan iyan! Saan mo narinig
iyan?! Sino nagsabi sa'yo ng mahila ko ngala-ngala ng pukinginang iyan!"
Napahikbi ako. Umusod ako palayo pero humakbang siya palapit.
"Ano ba, Amera?! Bakit ba kung kani-kanino ka nakikinig?! Bakit kung
saan-saan ka pa tumitingin?! Nandito ako! Nandito ako sa harapan mo!
Ginagawa ko ang lahat para ibalik sa'yo ang dating buhay mo! Ibabalik ko
sa'yo, sinusumpa ko! Kahit ikamatay ko pasisikatin kita ulit! Kung
kinakailangang alisin ko lahat ng artista sa network at ikaw na lang ang itira
ko! Gagawin ko!"
"A-ayaw ko! Hindi!" Kumawala na ang mga luha ko. Ang sikip-sikip sa dibdib.
Ang sakit ang hirap sa pakiramdam.
"Era..." natigilan si Joss.
Umiyak na lang ako. "Para ano, Joss? Lalo akong magmukhang kawawa?!

Page 101 / 110


StoryDownloader

Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Lalo mo lang pabababain ang pagkatao ko!
Anong iisipin nila? Desperada ako? Pati ikaw na VP gagamitin ko? Ano?!
Namokpok ako?! Ganyan ang iisipin nila-"
"Hindi ko hahayaang isipin nila iyon." Matigas na salo niya.
Magsa-salita pa sana ako nang mag-ring ang cellphone niya. Tinalikuran niya
ako saka sinagot ito.
"Hello, Falcon? Good."
Nakatanga lang ako habang kinakausap niya ang kapatid niya. Nang ibaba niya
na ang cellphone ay hinarap niya ulit ako.
"Manood ka ng news."
"Ha?"
Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at saka hinilot ang sintido.
"Pasensiya ka na..."
Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagtipa siya sa cellphone niya, ilang saglit lang
ay may kumakatok na sa kuwartong kinaroroonan namin.
Si Joss ang nagbukas. Isang babaeng crew ng network ang nasa labas ng pinto,
dala ang mga gamit at damit ko mula sa studio ng Divine. Sinenyasan niya
itong umalis na pagkatapos. Inilapag ni Joss sa harapan ko ang mga gamit ko.
"Joss..."
Tumingin siya sa akin at saka malungkot na ngumiti. "Magbihis ka na. Wag
kang mag-alala hinding-hindi na kita guguluhin. Pero iyong pangako ko sa'yo,
tutuparin ko iyon. Ibabalik ko sa'yo ang dating buhay na kinasanayan mo."
Nang lumabas na si Joss ng kuwarto ay napatitig na lamang ako sa mga gamit
ko habang hindi maampat ang mga luha sa mga mata ko.

KINAGABIHAN.
"Showbiz chika! Papunta na ang bagitong aktor na si Thad Andres sa SG
bukas, mga ka-chika! Inamin niya na ang tungkol sa ginawa niya kay Amera.
At yes, tama ang nasa blind item, mga kapatid! Si Estelle ang itinuturo niyang
kasabwat niya sa pagpa-plano sa ating beloved Amera. Maraming tumestigo na
isa-isa ng lumantad mula sa ma crew ng hotel na pinangyarihan ng putol na
video scandal!"
Napatitig ako nang mabuti sa screen ng flat LED TV ko sa aking sala.
Kitang-kita ko si Estelle habang umiiyak ito at nagtatakip ng bandana sa ulo at
hinahabol ng mga reporters.
Muling nagsalita ang showbiz anchor.
"Grabe po. Hindi rin kami makapaniwala. Pero bukod sa inamin niya na ay
lumabas pa ang isang CCTV footage sa hotel kung saan saglit na nag-usap ang

Page 102 / 110


StoryDownloader

dating mag-ex na si Estelle at Thad kung saan nagtatalo ang dalawa.


Hindi pa po pumapayag sa ngayon na magbigay ng pahayag si Estelle pero
nabinbin ang lahat ng proyektong iniwanan niya. Samantalang si Thad ay aalis
na nga bukas patungong Singapore! Nagsara na ang restaurant business nito na
nalugi na rin pala dahil sa hinihinalang pagkalulong sa ipinagba-bawal na
gamot.
Sobrang sakit sa part ni Amera dahil sa panghuhusga ng taong-bayan. Pero
hindi pa naman huli para bumawi, hindi ba? Sa mga nagtampong fans ni A,
hindi pa huli. Love, love, love!
Sa bagong chika pala, sa pagbabalik ni Amera, tatlong big projects na agad ang
inihahanda sa kanya ng TV6! Excited na ba kayo sa pagbabalik ng ating
primetime queen?"

Ini-off ko na ang remote.


Mariin akong napapikit.
"Joss... tinupad mo ang pangako mo."
...

PANGATLONG ARAW na. Halos mapudpod na ang mga daliri ko kaka-text


at tawag sa kanya pero wala, nakapatay ang cellphone niya. Wala rin siya sa
TV6.
"Nakakulong na si Thad. Nahulihan siya sa airpot ng ilang gramong shabu."
Malakas ang boses na sabi ni Mindy. "Kumakalat na rin ang video kung saan
nag-usap ang sila ni Estelle sa isang resto habang pinagpa-planuhan ka. Si Thad
mismo ang nagpa-video non, ang gago, talagang naniguro."
Kumuyom ang mga palad ko. "Kilala ko na si Estelle, Mindy. Kaya ganoon
kalaki ang galit niya sa akin."
"What do you mean na kilala?" Umupo siya sa tabi ko.
"Estelita Mariano... natatandaan ko na siya. Isa siya sa mga nakasama ko sa
orphanage ng iwanan ako ng yaya ko noon."
"Oh, my God!"
"Siya iyong naampon ng mag-asawang nambu-bugbog... ibinalik siya sa
ampunan pagkatapos. Hindi naging maganda ang pagsasama namin... palagi
kaming nag-aaway, iniintindi ko siya pero sarado ang isip niya, Mindy.
Nalaman ko na lang na galit talaga siya sa akin... dahil ako ang dapat na
aampunin ng mag-asawang umampon sa kanya, pero hindi natuloy dahil
nagkasakit ako noon."

Page 103 / 110


StoryDownloader

"May pinaghuhugutan pala ang lukaret!" Bulalas ni Mindy. "Sabi na may toyo
yon, eh! Iyong interview palang niya kahapon para siyang baliw!"
"She was a battered child, hindi ko alam kung totoong na-molestiya rin siya.
Pero iisa lang ang alam ko, naging ilag na siya sa mga kapwa-bata namin mula
noon. Nakalimutan ko na rin siya ng umalis ako ng ampunan. Nong pumasok
ako sa showbiz at sumunod siya, hindi ko na talaga siya matandaan. Malaki na
ang ipinagbago ng itsura niya."
"E, kasi nga retokada!"
Kinuha ko ang isang kamay ni Mindy. "Mindy... ang tungkol pala sa mga
kinikita ko..."
"Alam ko na, Amera." Ngumiti siya at gumanti ng pisil sa kamay ko.
"Ha? Paano?"
"Nasa news na! Ikaw talaga napakalihim mo." Ngumiti siya.
News? Paano?
Nagpatuloy si Mindy. "At talagang humahanga sa'yo ang mga tao. You donated
your money sa mga kawang-gawa. At ang orphanage mismo na pinanggalingan
mo ang nagpa-interview para sa'yo. Sa'yo galing ang mahigit fifty million pesos
na ipinangpagawa sa ampunan, kumbento at ilang gamit ng mga bata roon.
Higit pa ron marami ka pang foundation na sinusuportahan."
Namasa ang mga mata ko. Ginawa nina Mother Superior iyon?
Nagpa-interview sila para sa akin?
"Good things happen to good people... at iyon ang magagandang bagay na
mangyayari sa'yo dahil mabuti kang tao."
Hindi ko naman hinihintay ang kahit anong kapalit. Hinila ako ni Mindy at
saka niyakap.
"Kahit ang tungkol sa pag-papaaral mo sa mga apo ng yaya mo, at sa
pagpapagamot sa yaya mo at sa mga batang patuloy na sinusuportahan mo sa
pagpapagamot, lahat iyon, Amera. Lahat alam na ng mga tao. Hindi ka totoong
nagda-drugs, nagka-casino o nagsu-sustento sa kung sinong lalaki. Ito ang
totoo, isa kang selfless na tao."
Napaiyak na ako sa balikat niya.
"You're back, Amera."
Nang humiwalay ako ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Bakit hindi ka masaya? Nakita mo ba? Bumalik na ang fans club mo. Marami
na ulit pages sa Facebook na sumusuporta sa career mo. Marami ka na ulit
offers sa ibat-ibang kumpanya na gustong magpa-endorso sa'yo."
"Nasaan si Joss, Mindy?" Bigla kong tanong.
Alam kong alam niya na ang tungkol kay Joss dahil sa naglilipanang blind
items. Alam din niya na kaya hindi natuloy ang Divine Project ay dahil kay
Joss Deogracia.
"Joss?" Ulit niya.

Page 104 / 110


StoryDownloader

"Oo! Si Joss Deogracia! Wag kang magkaila na hindi mo alam! Please, nasaan
siya?!"
Umiling siya. "Hindi ko alam, Amera..."
Pinahiran ko ang mga luha ko saka ako biglang tumayo. "Pupunta ako sa Isla
Deogracia." Desisyon ko. Kailangan kong makausap si Joss.
"Hindi puwede. May interview ka sa-"
"Ayaw kong magpa-interview!"
"Amera!" Tumayo na rin si Mindy.
"Hindi ko kailangan ng kasikatan na ito!"
"Amera..."
Kumapit ako sa balikat niya. "Mindy... si Joss?"
Malungkot lang siyang nakatingin sa akin, at ramdam ko, nagsasabi siya ng
totoo. Hindi niya alam kung nasaan ang lalaking iyon.
Nang mag-ring ang cellphone ko ay ganoon na lang ang bilis ng kabog ng
dibdib ko. Agad kong kinuha ang fone sa bag ko para sagutin iyon.
Nanginginig pa ang mga kamay ko ng i-accept ko ang call sa isang unregistered
number.
"Hello?!"
Walang sagot. Pero sapat na iyong narinig kong buntong-hininga sa kabilang
linya. Mabilis na nagtubig muli ang mga mata ko.
"Hello?! Hello, Joss?! Alam kong ikaw iyan! Kahapon pa ako tumatawag sa'yo
bakit naka-off ang fone mo? Hello, Joss? Magusap naman tayo kasi-"
"Era..."
Oh, God... sobra kong na-miss ang boses niya. Maging ang pagtawag niya sa
pangalan ko sa ganoong paraan...
"N-nasaan ka?" Garalgal na boses na tanong ko.
Buong katawan ko na ang nanginginig. Mamamatay na ako sa kakaisip kung
paano ko siya makikita.
"Joss... please, nasaan ka? Mag-usap tayo, please!"
Pero iba ang sagot niya. "I love you. Mahal na mahal kita..." anas niya sa
mahina at mababang boses.
"Nasaan ka nga?!" Iyak ko. "Joss naman!"
"Ingat ka."
"Joss!"
Wala na.
"Hello? Hello?! Joss?!"
Off na ang kabilang linya.
...

Up next... The Epilogue

Page 105 / 110


StoryDownloader

EPILOGUE
EPILOGUE

HINAGOD ni Mindy ang likod ko.


"Tanginang lalaking iyan!" Walang habas ang pagtulo ng mga luha ko.
Mula ng huli kaming magkita ni Joss ay walang araw na hindi ako umiiyak.
"Hindi ba niya maramdaman? Manhid ba siya?! Bakit ba iniisip niya na ang
importante lang sa akin ay ang letseng kasikatan ko?! Bakit ayaw niyang
makinig sa akin?! Bakit ayaw niya akong makita at kausapin?! Bakit?! Marami
akong gustong sabihin! Napakarami!"
Biglang natigilan si Mindy, napanganga ito habang tulala. Nagpatuloy naman
ako sa paglalabas ng nilalaman ng puso ko, pakiramdam ko hindi ko na talaga
kaya. Parang sasabog na ang puso ko.
"Mahal ko siya, Mind! Mahal ko ang kumag na iyon! Kahit saksakan ng daldal
iyon noon, minahal ko na siya! Mahal ko siya, Mindy! Kahit ang korni niya
minsan! Kahit sobrang taas ng confidence niya! Kahit ang sakit niya sa ulo!
Kahit pinipigilan ko, mahal ko siya..."
Wala pa ring imik si Mindy.
"Delayed ako, Mindy. Kung ayaw ng Joss Deogracia na iyan na pag-piyestahan
na naman ako ng media ay magpakita siya-"
"Buntis ka?"
Mindy?
Napatitig ako sa mukha ni Mindy. Bakit hindi ko naman nakitang bumuka ang
mga labi nito. At hindi ganoon katigas at kalaki ang boses nito.
Ako naman ang napanganga. Parang may naghahabulang mga daga sa dibdib
ko.
"Buntis ka?"
This time ay tiyak ko na talagang hindi si Mindy iyon. At iisa lang ang taong
may ganoong boses. Iisa lang ang boses na iyon na kayang pakabugin nang
ganito ang dibdib ko.
I bit my lower lip. Marahan ang ginawa kong paglingon.
"Iiwan ko muna kayong dalawa." Paalam ni Mindy at saka ito naglakad palabas
ng dressing room.
Ilang minuto ang lumipas ng makalabas ng silid si Mindy. Nanatiling nakapako
ang paningin ko kay Joss na ngayon ay nakatayo ilang dipa ang layo sa akin.
Sa wakas nagpakita na ulit siya sa akin...
Seryoso ang mukha niya ngunit nasa mga mata niya ang kakaibang emosyon.
Kagaya ng huli ay pormal ang ayos niya, polo at slacks. Maayos ang buhok
niya, kumikislap ang rolex sa pulso. Naaamoy ko mula sa kinatatayuan ko ang

Page 106 / 110


StoryDownloader

mamahalin niyang pabango.


This is Joss. My love.
Para sa akin, siya pa rin iyong lalaking nakasama ko noon sa isla. Iyong
lalaking makulit, maingay at laging nagpapangiti sa akin.
Kahit ilang ulit ko siyang itinaboy, bumabalik at bumabalik siya sa akin. At
ngayon, hindi ko na siya hahayaang umalis. Hindi ko kailangan ang lahat ng
ibinalik niya sa akin, higit ko siyang kailangan kesa sa ano pa man.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi ni Joss. "Hindi ko pala kayang hindi
ka makita nang matagal. Para akong masisiraan ng ulo."
"Joss..."
"Ang hirap ng work ng isang VP. Ang daming iniintindi, 'tapos hindi ka pa
mawala sa isip ko. Kahit nagmi-meeting kami ikaw pa rin ang nasa utak ko,
pati sa kape ko mukha mo ang nakikita ko. Kailangan kitang makita ngayon,
baka kasi mabaliw na ako."
Sunod-sunod ang paghikbi at pagsigok ko habang nakatingin sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa impis kong tiyan. "Mahal kita... 'tapos buntis ka pa,
malamang ako ang ama."
Oh, God... I miss this man.
"Malamang din kasing pogi ko iyan kung lalaki man yan. 'Tapos narinig ko,
mahal mo rin ako... Wala ka ng takas." Humakbang siya patungo sa
kinaroroonan ko.
Umiiyak na hinampas ko siya sa balikat. Iyak pa rin ako nang iyak nang sagutin
ko ang sinabi niya. "Ang yabang mo talaga... pero namiss kita nang sobra...
namiss kita... nami-miss ko ang kaangasan mo... ang kakornihan mo... ang
guwapo mong mukha... ang lahat sa'yo... saan ka ba nagsususuot... pinag-alala
mo ako..."
Biglang humawak sa pulso ko ang mainit na kamay ni Joss, hinila niya ako
palapit at saka ako niyakap nang ubod nang higpit.
"Shhh, tahan na..."
Yakap-yakap niya lang ako sa loob ng ilang minuto habang panay halik niya sa
buhok ko.
"Miss na miss din kita, Era... Miss na miss."
Nang lumuwag na ang pagkaka-pulupot ng mga braso niya sa katawan ko ay
saka ako lumayo nang kaunti sa kanya.
Tumungo siya, idinikit ang noo sa akin. "Mahal mo ba ako?" Magaang tanong
niya, nakangiti pa rin ang mga labi.
Sinalubong ko ang malagkit na titig ni Joss, kahit pumapatak pa rin ang mga
luha ko ay nakangiti na ang mga labi ko.
"Mahal mo rin ako, di ba? Hindi mo lang maamin, alam ko naman. Sige na,
Era... wag mo na akong pahirapan. Gagawin ko naman lahat para sa'yo. Kahit
ano pipilitin kong gawin kahit iyong hindi ko kaya, sisikapin ko pa ring

Page 107 / 110


StoryDownloader

magawa para sa'yo. Please, gustong-gusto na kitang makasama... mamamatay


na ako sa lungkot..."
"Paano kung sabihin ko na, oo? Oo, mahal kita. Na oo ikaw ang ama nito kung
sakali mang buntis talaga ako." Itinaas ko ang isang kamay ko at itinapat sa
mukha niya.
Namilog ang mga mata ni Joss nang mapatingin siya sa singsing na suot-suot
ko.
"Natatandaan mo ba ng ibigay mo sa akin ang singsing na ito? Iyong gabi na
hindi ko alam kung mate-turn off ba ako o hahanga sa lakas ng fighting spirit
mo. Iyong gabi na hindi ka na rin nawala sa isip ko. Sabi mo noon, isuot ko
lang ito kapag narealize ko na mahal din kita at itapon ko kung tingin ko hindi
talaga kita kayang mahalin. Hindi ko ito itinapon, Joss. Weird pero itinabi ko
ito. Iningatan ko... at ito na, suot ko na."
"You mean?" Lalo pang namilog ang mga mata niya.
Mahina akong tumawa, para na akong baliw. Umiiyak ako tapos tumatawa.
Kinurot ko sa pisngi si Joss. "Ikaw ha? Naging VP ka lang ingglisero ka na.
Pero lalo kang gumuwapo alam mo ba iyon? You're so hot, baby... and I miss
you so much."
"Era..."
"At oo, gusto kong magpakasal sa'yo. Gusto kong maging asawa mo at oo,
gusto kitang makasama habambuhay... Joss, I'm sorry. Sana hindi mo ako
tanggihan kagaya ng pagtanggi ko sa'yo noon. I'm so sorry..."
Nagulat ako nang bigla siyang bumitaw. Humakbang siya patungo sa pinto ng
dressing room at saka ini-lock iyon bago bumalik sa akin.
"Joss, ano ba? Baka-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bihag na ng mga labi ni Joss ang
mga labi ko. Ilang minuto na magkalapat lang ang mga labi naming dalawa.
Nang maghiwalay kami ay saka ko napansin na tumutulo na ang luha niya,
umiiyak na rin siya.
"Mahal na mahal kita." Itinaas niya ang isang kamay ko at dinala sa mga labi
niya.
"I love you too, Joss. I love you..." gamit ang isang libreng kamay ko ay
hinaplos ko ang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya. "I'm sorry... I'm
sorry kasi nasaktan pa kita... I'm sorry..."
Ngumisi siya. Ikinulong ang mukha ko sa pagitan ng mga palad niya, tinuyo
ang mga luha ko gamit ang mga labi niya. "Mahal na mahal na mahal na mahal
kita..."
Maiksi at mahina siyang tumawa. "Mabuti umamin ka na. Alam ko namang
mahal mo talaga ako. Ito bang mukhang 'to, hindi mo mamahalin? Plus
romantiko pa at maginoo?"
Natawa na rin ako. "Kaya nga patay na patay ako sa'yo!"

Page 108 / 110


StoryDownloader

At muli ay nagsalo ang mga labi namin para sa isa pang mas mainit at mas
matagal na halik.
...

NAKANGITING hinaplos ko ang frame na nasa kandungan ko. Doon sa


parteng nakalilok ang dalawang letra, 'AJ'.
Inililipad ng panggabing hangin na mula sa karagatan ang hanggang balikat
kong buhok. Malamig ang simoy ng hanging panggabi. Bukas ang lahat ng
malalaking mga bintana ng paborito naming cottage, ang Amera Cottage.
Mula sa kinauupuan kong duyan ay tanaw ang mga bituin sa langit at dinig ang
hampas ng mga alon at tunog ng mga nakabitin na sigay.
"Uy," tumabi sa akin sa duyan si Joss sabay halik sa pisngi ko.
"Akin na lang 'to, ha?"
"Sa'yo naman talaga iyan." Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. "Lahat ng sa
akin ay sa'yo. Kahit nga ako, sa'yong-sayo rin."
Oh, I miss Joss so much. Kakarating niya lang kanina from Manila. Dito ako sa
Isla Deogracia na matiyagang naghihintay sa kanya. Pero ngayon ay mas
matagal ko ng makakasama ang lalaking ito.
Hindi na ako bumalik pa sa pag-aartista dahil naging maselan ang pagbu-buntis
ko, at gusto ko rin kasing ipakita kay Joss na handa kong iwan ang lime light
para sa simple at tahimik na buhay na ipinangako niya noon pero tinanggihan
ko.
Lahat din ng may kasalanan sa akin ay pinatawad ko na. Kung hindi naman
dahil sa kanila ay wala ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi na rin nagpakita si
Guada sa amin ni Joss matapos i-announce ng super poging ito ang pag-ibig
niya sa akin. Gosh! Ang haba ng hair ko that day!
Sa tulong din ni Joss ay tuloy-tuloy pa rin ang suporta ko sa lahat ng foundation
na sinusuportahan ko noon. Supportive ang mahal ko sa lahat ng bagay
pagdating sa akin. Nakilala ko na rin ang pamilya niya, at naipakilala ko na rin
siya sa mga nakasama ko noon sa orphanage.
Lahat ng iniwanan kong show ay areglado na ng new VP ng network.
Pinapatunayan din ni Joss sa mga kapatid niya na kaya niya ang responsibilidad
bilang VP. Pero ngayon ay on leave siya para alagaan ako at itong baby na
ilang buwan na lang ay lalabas na sa mundo.
Lahat ay masaya para sa amin. Naging wedding of the year pa ang beach
wedding namin. At syempre, si Mindy ang aking maid of honor. Magagaang
halik sa pisngi ko ang iginawad ni Joss habang hinahaplos ng palad niya ang
tiyan ko.

Page 109 / 110


StoryDownloader

"Mula ng makita kita sa TV noon, sinabi ko na sa sarili ko; shet! para sa akin
ang babaeng iyan. Hindi ako papayag na hindi kami magkatuluyan!"
Humagikhik ako. Kinikilig pa rin ako sa kalokohan nitong mister ko.
"Kahit naaasar ako sa buhay ko non ay masaya pa rin ako kasi ipinanganak
akong guwapo, pera na lang ang kulang 'tapos puwede na tayo."
"Pera?" Umangat ang tingin ko sa kanya.
"Oo. Syempre, paano kita malalapitan kung ni pamasahe at pang-date e wala
ako? Sikat na sikat ka kaya. Artista ka, syempre maraming lalaki ang gustong
maging girlfriend ka. Pero sorry na lang sila kasi ipinanganak si Joss
Deogracia. Pero kahit hindi ako naging isang Deogracia, magsisikap pa rin ako
para maabot kita"
Lumabi ako. "Paano pala kung hindi tayo nagkita dito sa isla?"
"Destiny nga, di ba? Magkikita at magkikita pa rin tayo."
Napatango ako. Yes, it's destiny. "Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, kahit
iyong scandal na sumira sa career ko noon, gusto ko ng ipagpasalamat ngayon.
Super thankful ako kasi dahil don napadpad ako sa paraisong ito... 'tapos
nagkita tayo. Nakita ko ang lalaking nakatakda sa akin."
Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo, may dahilan. Maganda man o mabuti
ay may nakalaang kahulugan, may ibig sabihin at gustong iparating.
"I love you, Misis Amera Deogracia..."
Habang nakatitig ako sa mga mata ni Joss ay nasasalamin ko na rin ang mga
susunod pang pangyayari sa mga buhay namin. Ano mang pagsubok ang
dumating, confident ako na hindi niya ako papabayaan at ganoon din ako sa
kanya...
Ako, si Joss at ang future little Joss and little Era. Kahit gaano kasimple ang
buhay sa isla, basta kasama namin ang bawat isa ay wala na akong maihihiling
pa...
Oh, good God! Thank you for this beautiful life.
WAKAS
JAMILLEFUMAH

Page 110 / 110

You might also like