You are on page 1of 3

Pangalan: ___________________________________________________ Baitang : _________________________

Guro: ____________________________________________ Petsa: _______________________ Iskor: _________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
______1.Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan ng komunidad?
A. Ang komunidad ay isang malaking pamayanan.
B. Ang komunidad ay binubuo ng ng anyong lupa.
C. Ang komunidad ay binubuo ng mga kapatagan.
D. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga taong naninirahan sa isang pook.

______2.Alin sa mga sumusunod ang wasto tungkol sa komunidad?


A. Pare-pareho ang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
B. Ang lahat ng komunidad ay malapit sa karagatan.
C. Maraming maunlad na komunidad sa kabundukan.
D. Ang uri ng pamumuhay sa komunidad ay naaayon sa kapaligiran

______3.Piliin ang tumutukoy sa pisikal na paglalarawan ng komunidad?


A. May ibat-ibang anyong lupa at anyong tubig sa komunidad
B. Ang komunidad ay may malaking populasyon.
C. Iba-iba ang hanapbuhay sa isang komunidad.
D. Nagkakaisa ang mga tao sa komunidad.

______4.Ang komunidad ni Bong ay isang kapatagan.Anong uri ng hanapbuhay ang angkop para dito?
A. pangingisda C. pagtotroso
B. pagmimina D. pagsasaka

______5.Paano mo pahahalagahan ang inyong komunidad?


A. Linisin ang kapaligiran paminsan-minsan.
B. Magtapon ng basura sa ilog na malapit dito.
C. Sabihin sa punong-barangay na paunlarin ang komunidad.
D. Panatilihing malinis ang komunidad at makiisa sa mga proyekto dito

______6.Bakit mahalaga ang komunidad?


A. Ito ay nagsisilbing tirahan ng mga taong may iisang layunin.
B. Ito ay nagsisilbing libangan ng mga tao.
C. Ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao.
D. Ito ay nagsisilbing pasyalan ng mga tao.

______7.Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa isang komunidad?


A. paaralan, simbahan,ospital,palengke,palaruan at munisipyo
B. tatay, nanay, ate, kuya, lolo at lola
C. guro, pulis, doktor, magsasaka, bumbero
D. bundok,dagat,burol, sapa,ilog at batis
______8.Nais ni Ben na maglibang. Saan siya dapat pumunta?
A. simbahan B. munisipyo C. palaruan D. palengke
______9.Dito sama-samang nagdarasal at nakikinig sa salita ng Diyos ang mga tao.
A. ospital B. munisipyo C. paaralan D. simbahan
______10. Magluluto ng masarap na ulam ang nanay. Saan siya dapat pumunta?
A. palaruan B. simbahan C. palengke D. ospital

______11.Dito nagbibigay ng libreng gamot at bakuna para sa mga tao ang isang komunidad.
A. munisipyo B. paaralan C. Health Center D. simbahan

______12.Dito pumupunta si Dina upang mahubog ang kanyang isipan tungo sa


pag-unlad.
A. paaralan B. simbahan C. munisipyo D. ospital

______13.May sakit si Roy. Saan siya dadalhin ng kanyang mga magulang?


A. paaralan B. ospital C. palaruan D. simbahan

______14.Dito bumibili ng pangunahing pangangailangan ang mga tao sa komunidad?


A. simbahan B. ospital C. palengke D. munisipyo

______15.Si Rico ay nakatira sa komunidad ng Mabuhay.Si Pipoy naman ay nakatira sa komunidad ng


Malabon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad.
B. Ang bawat bata ay may sariling pamumuhay
C. Ang bawat bata ay may tirahan.
D. Ang bawat bata ay nag-aaral.

______16.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama?


A. May mga batang hindi kabilang sa komunidad.
B. Ang lahat ng bata ay nakatira sa iisang komunidad.
C. May mga batang namumuhay sa labas ng komunidad.
D. Ang lahat ng batang isinilang ay kabilang sa komunidad.

______17.Si Liza ay nakatira sa Barangay Ayuti. Ang salitang may salungguhit ay impormasyong
tumutukoy sa
A. pinuno C.populasyon
B. pangalan ng komunidad D. wikang sinasalita

______18.Ang aking ama at ina ay Tagalog. Kaming magkakapatid ay Tagalog.Ang wikang aming
sinasalita ay Tagalog.
Anong impormasyon ang ibinibigay tungkol dito?
A. relihiyon C. pinuno
B. wika D. populasyon

______19.Ang kabuuang bilang ng tao sa lugar nina Rina at Karen ay 1 675. Ito ay impormasyon
ng ___________sa kanilang komunidad.
A. relihiyon C. wika
B. populasyon D. etniko

______20.Ang bilang ng mga taong naninirahan sa Lucban,Quezon census 2015 ay___


A.54,469 B.51,469 C.53,469 D.52,469

______22.Ang bayan ng Lucban ,Quezon ay binubuo ng_____


A.34 barangay B.32 barangay C.33 barangay D.3 barangay
Panuto: Pag-aralan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

______23. Saan matatagpuan ang simbahan?


A. Ito ay nasa tabi ng paaralan.
B. Ito ay nasa gawing Kanluran ng palengke.
C. Ito ay nasa gawing Silangan ng palengke.
D. Ito ay nasa gawing Kanluran ng paaralan.
______24. Ano ang matatagpuan sa pagitan ng simbahan at paaralan?
A. palengke B. bahay C. paaralan D. palaruan

Iguhit ang masayang mukha kung sang-ayon sa isinasaad ng pangungusap at malungkot


na mukha kung hindi.

_____25. Tungkulin ng paaralan na bigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga magaaral.

_____26. Iba-iba ang kinabibilangang komunidad ng mga bata.

_____27. Magkakapareho ang kinalalagyan ng komunidad ng mga bata.

_____28. Nahuhubog ang pagkakaisa at pagtutulungan sa isang komunidad.

Iguhit ang mga sumusunod sa likod ng sagutang papel

29-30.Isang sagisag na makikita sa inyong komunidad.

You might also like