You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA

Biyernes ` Pebrero 08, 2019

I. LAYUNIN:
A. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan.
B. Natatalakay ang wastong pag-aalaga ng iba’t ibang gulay.
C. Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga gulay na maaaring itanim ayon sa lugar,
panahon, pangangailangan, at gusto ng mga mamimili na maaaring pagkakakitaan.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pakinabang sa Pagtatanim ng Gulay
Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran; Edukasyong Pangkabuhayan
Kagamitan: Laptop, Projector, White Screen, Tsart

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng mga pangalan ng halamang gulay na inyong kilala

3. Balik-aral
1. Pagsasalaysay ng mga bata ng kanilang naging karanasan, mga kaalaman at kasanayang
natutuhan sa nakaraang aralin; ang Elektrisidad.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
1.1 Pagpapakita ng mga iba’t ibang larawan ng gulay.
1.2 Itanong sa mga mag-aaral: “Paano nakakatulong ang pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya,
at pamayanan?”
1.3 Magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga pakinabang na naidudulot ng mga gulay.

2. Pag-aalis ng Sagabal
2.1 CAR – Cordillera Administrative Region
2.2 Lupang Loam – buhaghag ito at karaniwang nakukuha sa gilid ng ilog
2.3 Sandy Loam – may halong buhangin at maliliit na bato ang lupang ito

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Ano-ano ang mga pakinabang sa pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan
3.2 Paano itanim at alagaan ang ilang gulay na maaaring itanim sa bakuran
3.3 Paano malalaman ang tamang panahon at lugar sa pagtatanim at pangangailangan ng
mamimili.

4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Mga Pakinabang ng Paghahalaman
4.2 Pagsasagawa ng Survey
4.3 Wastong Pag-aalaga ng Iba’t ibang Gulay
5. Paggawa
5.1 Paggawa ng isang halimbawa ng survery table

6. Paglalagom
Ang pagtatanim ng gulay ay malaking pakinabang para sa sarili, pamilya, at kumunidad. Ito’y
nagbibigay pagkain at hanapbuhay para sa pamilya. Nagsisilbing libngan para sa sarili. Ang pagpili
ng gulay na itatanim ay nakadepende sa uri ng klima ng panahon.

7. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit tyo natatanim?


a. Upang maglaro
b. Para mayroong mapaglibangan
c. Upang may aanihin
d. Upang may mapagkunan tayo ng pagkain at para kumita
2. Ano ang pakinabang ng paghahalaman para sa sarili.
a. Nagsisilbing libangan at ehersisyo
b. Nagbibigay ng pagkain sa pamilya
c. Nagsisilbing hanapbuhay
d. Nagdudulot ng lilim at lamig sa paligid
3. Ang paghahalaman ang nagsisilbing hanapbuhay at nakadaragdag ng pa panustos sa
pangangailangan ng_____.
a. Sarili
b. Pamilya
c. Pamayanan
d. Kaibigan
4. Ano ang pangunahing kahalagaan ng pagsasagawa ng survery bago magplano sa pagtatanim?
a. Upang mapadali ang pagtatnim
b. Upang mabilis ang paglaki ng mga pananim
c. Upang makabenta agad ng mga inaning gulay
d. Upang malaman kung akma sa lugar, panahon, pangangailangan, at kagustuhan ng mga
mamimili.
5. Ang gulay na ito ay tumutubo sa lahat ng bahagi ng bansa. Ito ay mapait at nabubuhay sa kahit
anong uri ng lupa at panahon. Anong gulay ito?
a. Talong b. Ampalaya
c. bataw d. labanos

C. Pandamdamin
- sa kaalaman sa kahalagaan ng pagtatanim
- pagiging matulungin sa pamilya

IV. Pagpapayaman ng Gawain


Pangkatang paguulat tungkol sa ginawang halimbawa ng survey table.

V. KASUDUAN/TAKDA
Atasan ang mga bata na kapanayamin ang isang kakilalang mahilig magtanim ng gulay at tanungin
kung bakit gusting-gusto niyang magtanim ng mga gulay sa kaniyang bakuran. Ipabahagi sa klase
ang kaniyang nakalap na impormasyon.

You might also like