You are on page 1of 181

Chapter 1

Chapter 1

Ang init naman talaga sa pilipinas mabuti hindi pa ako nagkaroon ng heat stroke
nito. Kahit maaga ka umalis sa inyo ay aabutan ka pa rin ng traffic at dagsa ng
tao.Sabayan mo pa ng init ng araw talagang sira na ang araw mo pero hindi yun pwede
sakin kahit danasin ko pa to araw-araw para lang makapunta sa trabaho ko ay gagawin
ko.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay kailangan ko ng gumising. Magayos at kumain


at lahat ng dapat kong gawin bago pumasok at bago tumuntong ng alasais ng umaga ay
dapat ay wala na ako sa bahay ng hindi ako malate at hindi pa naman ito pupwede sa
kompanyang pinapasukan ko.

Nakaabot na ako sa istasyon ng LRT para mabilis at hindi na ako kailangang


magpapalit-palit ng sasakyan. Sa loob naman ng LRT ay siksikan naman at asahan mo
na hindi ka na makakaupo kaya tumayo na lang ako sa gilid at humanap ng makakapitan
para hindi ako maout of balance kapag umandar na.

Kinuha ko muna yung headset ko at naghanap ng maaaring mapakinggan ng hindi ako


mabagot sa byahe. Lahat ng klase ng tao ay lagi kong nakakasakay meron studyante,
senior o mga katulad ko rin na nagtatrabaho kaya minsan hindi ko rin ramdam yung
hirap ko kasi alam ko na hindi rin naman ako yung nakakaranas ng mga paghihirap ko.

Pagbaba ko ng LRT ay sasakay pa ako ng jeep at kailangan ko pa rin na sumakay ng


MRT naman para makarating na ako sa dapat kung puntahan. Bago ka makapagtrabaho ay
ubos na agad yung inipon kong energy sa pagbyahe pa lang paano pa kapag hinarap ko
na yung mga gagawin ko na sandamakmak na mga files at kung anu-ano pa.

Nakarating na rin ako sa wakas sa Villacorte Corporation. Isa ito sa mga sikat na
kompanya ngayon sa buong pilipinas at nagsisimula na rin makilala sa ibang bansa.
Ibat iba kasi ang line ng kompanyang ito meron sa food, fashion, real properties at
marami pang iba.

Hindi kasi sila nagcoconcentrate sa isang produkto lang kaya lumaki ito at ngayon
ay nakagawa na ng sariling pangalan. Isa rin ito sa pinakamataas na building sa
Makati at nakapaskil sa harap ang malalaking letter na VILLACORTE COMPANY. Kaya
lahat ng taong napapadaan rito ay mapapatigil talaga para hangaan ito.

Papasok na ako sa main entrance ng makita ko si Manong Roel. Isa siya sa matagal ng
security guard rito. I think nandito na siya noong hindi pa ako empleyado rito.
Mabait siya at isa siya sa mga una kong naging close ng magumpisa ako. Siya ang
nakaassign sa main entrance kaya lagi kaming nagkikita.

"Good morning po"

"Good morning rin, iha. Maaga ka ngayon para sa start ng working time mo."

"Okay na po ang maaga kesa sa late po at magkaroon pa ako ng bad record."

"Alam ko pa naman sa inyo ay nagkakaroon agad ng record kapag malate ka lang ng


isang minute ay bibigyan na agad kayo ng warning."

"Opo kaya nga po uunahan ko na yung orasan sa department namin bago pa biglang
umikot ng mabilis at pagiwanan ang time card ko."

"Ikaw talaga palabiro ka talagang bata ka. Sige umakyat ka na at baka malate ka
pa." nagpaalam na ako kay manong Roel at nagtungo na ako sa elevator at pinindot
ang 25 para sa foor namin.
Habang naghihintay ay may mangilan rin na nakakasabay ako. Maging sila rin ay
pumapasok ng maaga. Sigurado ay ayaw rin nilang mawarningan. Noong nagsimula ako
rito ay wala pa naman akong nababalitaan na nagkaroon ng record ng tardiness dahil
sa hindi pagpasok sa takdang oras.

Sa wakas ay nakarating na ako sa floor namin at nakita ko na rin ang iba ko pang
kateam. Nasa Financial Department kasi ako. Merong ibat ibang team para rito. Sa
bawat team ay may limang miyembro. Kami ay nakaassign sa clothing. May mga branch
kasi ang Villacorte ng clothing line at bawat branch ay may nakaaasign na team para
tingnan yung financial status nito.

"Good morning Cass"

"Good morning"

"Good morning Cassandra"

Sabay na bati nila Hanz, Kim at Laurel. Sa team namin ay may ibat ibang role si
Hanz ang auditor, si Kim ang gumagawa sa income statements, si Laurel sa tax
compution at ako ay sa financial statements. Si Brix ay sa cashflows naman. Kaya
lahat kami ay tulungan kapag pinapapasa na yung mga report sa management.

"Good morning rin sa inyo. May kulang pa sa atin. Na saan na si Brix?"

"Hay wala pa nga kanina pa kami rito pero siya wala pa" sabi ni Laurel.

"Maaga pa naman baka natraffic lang sa daan" tanggol naman ni Hanz.

"Pustahan tayo last minute nandito yan" hamon sa amin ni Kim. Ito talagang babaeng
ito mahilig makipagpustahan sa amin.

Tiningnan ko naman yung orasan 20 minutes pa bago mag-8. Saktong 8 am kasi ang
start ng working time namin at kapag lumampas ka patay ka dahil nakarecord ito sa
system ng kompanya. Bigla na lang may susulpot para tawagin ka. Ang alam ko kapag
nakadalawang report ng tardiness ay matatanggal ka na.

"Huwag ka naman ganyan, Kim. Huwag kang magdilang-anghel at baka magkatotoo yang
sinasabi mo"

"Ano ka ba Cassandra. Hindi ka pa ba sanay dun kay Brix. Kung hindi last minute ay
nasasaktuhan niya yung pagpatak ng 8 sa orasan. Ang galing nga nun laging ganun ang
ginagawa niya pero wala pa siyang record"

"Bakit ba kasi ganun si Brix at laging late. Sa ating lima siya naman yung malapit
lapit yung bahay pero siya naman ang laging late" ang alam ko ay dalawang sakay
lang mula sa kanila papunta rito ay makakarating na siya.

"Ewan ko ba naman sa lalaking yun at parang laging puyat at hindi makagising ng


maaga para pumasok"

"Ang sabihin niyo ay mahirap lang gisingin kaya ganun siya" sangayon ako kay
Laurel. Baka nga ganun.

"Dinaig ka pa nga nun Cass. Ikaw ang pinakamalayo sa ating lima pero nagagawa mong
makarating ng maaga. Bahagian mo nga ng kasipagan mo ng maging masipag rin sa
paggising ng maaga."

"Talagang ako pa ang ginawa mong example, Hanz"


"Wait tingan niyo last minute na pagpatak ng last 10 seconds bilangan natin si
Brix. Tingnan natin kung aabot siya"

"Ang kulit mo talaga, Kim"

"Okay sige na, Game?" Tanong ko sa kanila.

"Game"

"Game"

"Game"

Tiningnan ko yung orasan at ilang sandali na lang ay mag10 seconds na lang. Kapag
wala ka pa rin Brix patay kang bata ka. Mapapatawag ka mamaya.

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"I'M HERE!" sigaw ng kararating lang na si Brix. Saludo na ako sa kaniya at


talagang sumigaw pa kahit alam niyang late na siya.

"Hoy anong 'I'M HERE' pang sinasabi mo anong oras na at late ka na." patay ka
ngayon kay Kim.

"Anong late ka dyan. Hindi pa kaya hindi mo ba nakita sakto ako sa oras."

"Pinagmamalaki mo pa yung sakto mo Brix at tingnan mo kaya yung orasan 8 am na at


ngayon ka lang dumating!"

"Bakit 8 am naman yung pasok natin? Nagbago na ba yung oras at may memo na bang
nilabas na nagbago na ang oras ng pagpasok?"

Wala na malala na siya. Hindi niya nagets yung gustong sabihin ni Kim. Dapat ay
maaga sa 8 am ay kailangan niyang pumasok. Tinanong pa sa amin kung nagbago yung
oras?

"Bahala ka sa buhay mo Brix at kami ay magsisimula ng magtrabaho."

"Ano nga?. Cass nagbago na yung oras ng papasok?"


"Huwag mo na siyang pansinin Cassandra at mukhang mayhangover pa yan sa puyat
niya."

Hindi ko na siya pinansin at kailangan ko ng umpisahan ng matapos kami agad sa mga


trabaho namin at paniguradong mas dadami pa ito bukas kapag hindi pa nasimulan.

Chapter 2
Hindi ba mauubos itong mga documents na kailangan namin mareview dahil malapit na
kasi ang pagpass namin ng mga report sa management. Bawal pa man kami malate sa
pagpasa into at malilintikan kami.

Yung nakatoka pa naman sakin ay importante sa report na ipapasa namin. Magkamali


lang ako at lahat na ng mga iba pang trabaho ng mga kasama ko ay mali na rin kaya
kailangan ko talagang pag-aralang mabuti.

"Cassandra tapos na ba yung sayo?"

"Hindi pa Brix. Huwag kang mag-alala tatapusin ko rin agad para matingnan mo kung
nagtugma lahat ng amounts sayo"

"Okay lang. Take your time. Hindi ko pa naman kailangan kaya huwag ka masyadong
mataranta dyan baka bigla na lang sumulpot si Kim at batukan ako dahil inaapura
kita."

"Ikaw talaga puro ka biro. Hindi naman ganun kabrutal si Kim"

"Anong hindi lagi kaya ako nun pinapalo ng mga makakapal na mga folder o kaya naman
laging nakasigaw akala mo nanay ko"

"Malilintikan ka talaga nun kapag hindi ka tumigil sa kakareklamo mo sa kanya"

"Ano ka ba naman sanay na sa ko kaya hindi na ko takot kung marinig niya"

"CASS!"

Napatingin naman ako sa taong sumigaw sa pangalan ko, si Kim lang pala.

"O bakit ka ba sumisigaw dyan?"

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!"

"Ano ba yun at nasaan ba si Laurel?"

"Ayon nauna na sa restroom para magayos. Inunahan pa nga ako."

"Ano nga ba kasi yung sinasabi mo kanina?"

"Si sir Clyde. Bibisita siya sa bawat floor ngayon."

"Ahh si Mr. Villacorte lang pala. O bakit natataranta kayo dyan?"

"Dyusko naman Cassandra nilalang mo lang siya. Isa siya sa sikat na bachelor ngayon
tapos successful pa siyang businessman. Hindi lang yun sobrang gwapo pa niya at-"

"Sobrang istrikto rin. Kapag nagkamali ka tanggal ka agad. Wala kang second chance
at hindi rin uso sa kanya yun. Sa secretary na lang niya ilang beses na ba siyang
nakapagpalit? Hindi na mabilang di ba? Kaya kesa alamin ko lahat ng tungkol sa
kanya at magpaganda para lang mapansin niya. Magtatrabaho na lang ako kesa
makipagsabayan sa pagpapansin sa kanya"

"Wow Cassandra ang haba ng sinabi mo at parang may pinanghuhugutan ka sa lagay na


yan" sabi ni Kim. Bakit totoo naman yung mga sinabi ko sa kanya.

"Magsabi ka nga ng totoo talaga bang hindi ka pa nagkakaboyfriend?"

"Bakit naman yun napasok sa usapan?"

"Para ka kasing may experience na kung magsalita ka dyan"

"Huy!! Ano ba yang ginagawa niyo dyan malapit na silang pumunta sa floor natin. Kim
pumunta ka na ng restroom kung mag-aayos ka at ikaw Cass sumama ka na kay Kim."

Dumating na si Laurel. Talagang todo ayos sila at nakamake-up pa. Sinunod na ni Kim
yung sinabi ni Laurel.

"Hindi ko na kailangan mag-ayos. Okay na ko."

"Bahala ka dyan. Ikaw naman Brix linisin mo naman young table mo. Ang kalat at
nakakahiya kapag nakita ni sir"

Bahala na sila may binabasa pa akong documents ngayon. Para konti na lang mamaya.
Aayusin ko lang naman yung buhok ko at maglalagay lang ng lip gloss pwede na yun.

"Guys paparating na sila." Sabi ni Hanz. Natatanaw niya kasi yung elevator mula sa
table niya.

Binaba ko muna yung hawak ko at inayos yung buhok ko. Messy bun yung ginawa ko.
Kahit ano naman ang gawin ko magulo pa rin yung buhok ko hindi kasi pantay-pantay
at naglagay na ako ng lip gloss.

Tumayo na kami para salubungin sila pero bago yun at kinuha ko ulit yung binabasa
ko kanina mahaba naman yung oras bago sila makarating sa table namin. Nasa bandang
dulo kasi kami. Kaya okay lang kung magbabasa ako habang naghihintay.

So wala naman palang pagbabago yung status ng botique. Mabenta pa rin at hindi
naman nalulugi. Ang dapat ko lang gawin ay iestimate yung mga amounts ng mga assets
tapos tingnan kung ano pa yung mga bayarin para magawa ko na. Kaya ko to- siniko
ako ni Laurel. Bahala siya ang ganda na ng mga naiisip kong plano para mamaya
tapo-.

"Aray! Masakit na yun ha! Ang tulis ng siko mo Kim. Mababalian pa yata ako sa
ginawa mo"

Pinandidilatan ako ni Kim. Iba na ba yung trip niya. Kahit anong gawin niya hindi
na lalaki yung mga mata niya singkit kasi. Parang may tinuturo siya hindi ko man
magets.

Napatingin ako sa harapan ko at may taong nakatayo sa harap ko. Kinakabahan ako.
Unti-unti akong tumingala para makita kung sino siya at pagtingin ko si sir Clyde
Villacorte. Patay ako nito.

"You are so busy of reading that documents of yours that's why you were not aware
that I am standing in front of you."

"Umm I am s-sorry sir"


"No it's okay but next time do the reading part in your desk."

"Y-yes s-sir" umalis na siya kasama yung iba pang head ng ibat ibang department
pero hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti niya.

Bakit siya napangiti. Nakakatawa ba yung ginawa ko?

Hindi nga nagsisinungaling si Kim. Ang gwapo niya nga pero ang hindi ko makalimutan
ay ang kanyang green eyes na parang inaakit ako.

Chapter 3
Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari at hanggang ngayon ay tulala pa rin ako.
Bakit parang pakiramdam ko ng tingnan niya ako ay nang-aakit siya. Ganon ba talaga
siya tumingin o may iba pang ibig sabihin.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng may kamay na nagwawagayway sa mukha ko at natauhan


ako natapos na pala at nakaalis na sila.

"Cass okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kim sa akin.

"O-okay lang"

"Grabe ka girl siniko na kita pero wala epekto sayo" sabi ni Laurel.

"S-sorry akala ko lang kasi na may gusto ka lang itanong o sabihin sa akin kaya
hindi muna kita pinansin dahil may iniisip ako nung time na yun"

"Pero grabe talaga yung kanina"


"Bakit ano ba yung nangyari?"

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Meron ba akong hindi nalalaman at kung


makareact sila wagas.

"Kasi naman kanina nung papunta sila sir Clyde. Grabe nakakakaba kasi nga di ba
balita na isrikto siya. Nang malapit na tayo at akala ko hindi ka na niya
mapapansin na nagbabasa kaya hindi ka na namin inabala"

"Pero bigla siyang tumigil ng magawi siya sayo. Ang tagal ka niyang tinitigan na
parang hinihintay ka niyang tumingin sa kaniya pero ikaw parang wala kang pakialam
sa paligid mo na hindi mo na napansin na tinititigan ka niya"

"Pasensya na kanina sa inyong dalawa"

"Hindi ka natinag ng sikuhin ka ni Laurel kaya ng ako na yung sumiko sayo ay


nilakasan ko na para mapansin mo na nakatayo na si sir sa harap mo.

Kinabahan nga ako para sayo akala ko magagalit pero mabuti naman hindi"
"Kinabahan rin ako pero napansin ko lang green yung mga mata niya."

"Hay nako naman Cassandra. Ngayon mo lang nalaman. Kaya sikat si sir dahil rin sa
kaniyang mata at huwag ka ngang mainggit diyan maganda rin yung sayo kulay light
brown kaya nga naiinggit kami ni Laurel sayo"

"Kayo naman maganda rin naman yung sa inyo" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.
Namana ko kasi kay daddy yung mata ko kaya ganon.

"Kayong tatlo diyan balik na sa trabaho at tigilan niyo na ang tsismisan"


napatingin kami kay Hanz.

Natawa na lang kami kasi sa aming lima siya yung tinuturing naming kuya kaya
sinunod na namin siya at bumalik na kami sa trabaho.

Nakauwi na ako sa wakas para makapagpahinga na. Ang daming nangyari ngayong araw na
to at talagang naubos lahat ng lakas ko.

Mukhang kailangan ko ng maghanap pa ng isa pang trabaho para makahanap ng


malilipatan dahil nahihirapan na ako sa layo ng binabyahe ko pauwi.
Tinawagan ko si Kim para magtanong kung meron siyang alam na pwede ko pang pasukan
ng magkaroon naman ako ng extra income para magamit ko sa paglipat.

calling Kim.........

"Hello..Kim"

"Oh! Napatawag ka Cass?"

"Meron ka bang pwedeng pasukan ko? Yung hindi weekdays yung pasok. Alam mo naman na
yung weekdays yung pasok natin. Kasi kailangan kong magkaroon ng extra income para
magamit ko sa paglilipat."

"Hay salamat natauhan ka rin. Matagal ka na namin pinapalipat pero sabi mo ayaw mo.
What made you change your mind?"

"Nahihirapan na kasi ako. Sa pagbyahe ko ang dami ng oras ang nagugugol ko kaya
naisip kong lumipat."

"Tanong ko kay Sarah kung meron siyang alam."


"Yung secretary ni sir Clyde?"

"Oo wait lang tawagan ko siya tapos tawagan kita ngayon kung may magandang balita"

"Sige"

Binaba na niya. Sana naman ay meron siyang mahanap. Konti pa lang kasi yung ipon
ko. Kung lilipat ako malapit sa Makati paniguradong mahal ang mga upa dahil sa
maraming kompanyang nagtatayuan sa lugar kaya yung mga may-ari ng mga apartment at
nagmamahalan din.

Alam kasi nila na maraming mga empleyado ang maghahanap ng mga apartments kaya
naging praktikal sila.

Napansin ko na tumatawag si Kim kaya sinagot ko.

"Hello.."

"Good news Cass! Ang sabi ni Sarah ay naghahanap daw si sir ng secretary pero for
weekends lang. Di ba yun ang hinahanap no. Pinaalis kasi ni sir yung dating
secretary niya kaya naghahanap sila ngayon. Pinasama ko na yung pangalan mo for
applicants kay Sarah para hindi ka na mahirapan."

"Thank you talaga Kim"

"Wala yun. Sana makuha ka"

Binaba ko na yung tawag. Salamat naman ay may nakita akong trabaho at sana ako yung
makuha para dun. Para makalipat na ako.

Kinabukasan ay busy kaming lahat sa kanya kanyang trabaho namin. Kailangan na namin
may matapos. Konti na lang naman ay sa akin kaya hindi ako masyadong kinakabahan na
mahuli kami sa pagpasa.

"Cassandra pinapupunta ka ni sir sa office niya" napatingin ako sa nagsalita at


nakita na si Sarah.

"Bakit?"

"Di ba nagapply ka bilang secretary ni sir. Gusto ka niyang makausap"


Sumama na ako sa kanya at nang pumasok na kami sa elavator ay pinindot niya yung
letter p for penthouse.

Nang bumukas na yung elevator ay ginala ko yung tingin ko para makita yung kabuuan
nito. Buong floor ay kay sir pero napansin ko lang parang condo ang style into. Mga
usual na makikita mo katulad ng kitchen,living room at may mga rooms din.

Kaya siguro na hindi na umaalis at dito na natutulog si sir Clyde dahil kompleto na
ang kailangan niya.

Pumasok kami sa isang room at nakita kong nakaupo siya sa swivel chair niya.
Sobrang busy niya at hindi man niya narinig yung katok kanina ni Sarah.

"Sir-"

"Next time Sarah, you'll wait for my signal before you enter in my office"

"S-sorry sir. Kasama ko na po si m-miss Del Rio." Pati ako kinabahan. Ganito pala
siya kaistrikto pano pa kung makukuha ako bilang secretary niya baka mahimatay ako
kapag nakatrabaho siya sa sobrang takot.
Nakita ko siyang napatigil sa ginagawa niya at tumingin sa amin. Mali nakatingin
siya direkta sa akin at nakita ko na naman yung mga mata niya bakit biglang bumilis
ang tibok ng puso ko. Dahil ba ito sa takot o sa kaba.

Chapter 4
Alam mo yung pakiramdam na hindi ka makalunok ng dahil sa sobrang kaba? Na hindi mo
kayang makipagsabayan ng titigan sa isang tao kahit gaano pa siya kagwapo!?

Tumingin ulit ako sa gawi ni sir Clyde at nakita kong nakatingin pa rin siya.
Inalis ko kasi yung tingin ko sa kanya kanina ng napansin kong sa akin talaga siya
nakatingin at hindi man lang niya pinapansin si Sarah na katabi ko.

Jusko po lord. Huwag niyo po sana akong hayaan na maiwang mag-isa kasama ang ubod
ng gwapo pero sobrang istrikto naman na nagngangalang Clyde Villacorte na akala
niya na lahat ng tao ay dapat sumunod sa lahat ng rules niya. Hindi pwede magkamali
or else fired ka o kusa kang aalis dahil alam naman ng lahat na walang second
chances sa vocabulary niya.

" You can go now, Sarah"

Natigil ang aking paghinga ng marinig ko yun. Tiningnan ko si Sarah at tumango lang
sa akin at umalis na rin. Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto at lalo lang
akong kinabahan. Sana pala hindi na lang ako nagapply ng hindi ako napunta sa
sitwasyong ito pero kung hindi naman ako magapply paano ako makakaipon?

" Miss Del Rio, you may sit down "

Natigil ako sa pagiisip ng marinig ko ulit yung boses niya. Sinunod ko na lang ang
sinabi niya at naupo ako sa upuan malapit sa table niya.

" Why are you applying for this job?"

Nakita ko siyang tinanggal ang kanyang reading glass at nakita ko na naman ang
kanyang green na mga mata.

" W-well sir, I-I need to have an extra i-income "

Nakita kong napangiti siya. Ano yung nginingiti niya? Natutuwa siya pag-uutal ko sa
harap niya. Kasi naman eh kinakabahan talaga ako. Intimidating kasi yung aura niya.

" Relax hindi naman ako nangangagat kaya huwag kang kabahan. Interesado lang kasi
ako kung bakit nangangailangan ka ng trabaho. Saan mo ba gagamitin yung magiging
sahod mo kung sakaling kuhanin kita bilang secretary ko?"

Nagtatagalog pala siya pinahirapan pa niya akong magenglish. Magaling naman ako sa
pagsasalita ng English pero kapag kinabahan ako nababaliktad ko yung mga words kaya
mabuti talagang nagtatagalog siya. Pero kung titingnan ko si sir Clyde akala ko
hindi siya nagtatagalog. Totoo nga talaga ang kasabihan 'looks can be deceiving'.

" Kailangan ko lang po ng extra income para magamit ko sa paglilipat. Malayo pa po


kasi yung byahe ko kapag pumapasok at umuuwi ako galing rito."

" Ganoon ba. Kung sakaling kukuhanin kita meron kang pipirmahan na kontrata. Handa
ka bang pirmahan yun?"

" Before I sign the contract, I need to read the entire contract first to know if
it acceptable on my part as your employee "
Kailangan ko munang makasigurado na hindi ako dehado sa kung anumang kontrata yun.
Ano ba kasi yun? Mag-apply lang kasi bilang secretary niya ang dami pang
requirements"

Bigla na lang itong tumawa ng malakas. Lalaking lalaki talaga yung boses niya na
may accent tapos yung tawa niya parang ang sarap pakinggan ng paulit- ulit. Gusto
ko tuloy irecord para mapakita ko kay Kim at Laurel na yung kinababaliwan nilang
big boss namin ay marunong rin palang tumawa. Panigurado hihingi ng mga kopya yun.
Mga baliw pa man din yun kapag usapin na may kinalalaman to.

" I like your attitude. Ok , you're hired now. I just want to remind you that
tomorrow is Saturday and start of your job as my secretary. You need to be here at
8 am in my office and about the contract, I will give it to you tomorrow and you
can read it to know your responsibility to me"

Parang nabuhayan ako ng dugo. Hindi bale na istrikto basta may trabaho. Titiisin ko
nalang yung ugali niya para makalipat na ko.

" Thank you "

Nginitian ko siya at nagpaalam na ako para bumalik sa trabaho ko sa baba. Hindi ba


pinatawag niya lang ako ngayon pero may trabaho pa akong naiwan. Haharangin na
naman ako ng dalawa nito kapag nakarating na ako sa table ko. Gusto nilang malaman
ano ang resulta ng application ko. Si Kim alam na nag-aapply ako pero si Laurel
hindi. Mahaba habang paliwanagan na naman ito.

Tumayo na ako para magtungo sa pinto ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko.
May nagsalita malapit sa tenga ko.

" You should keep smiling. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka"

Napaharap ako ng di oras kay sir Clyde. Pagtingin ko sa kanya ay nagulat ako ng
malapit na yung mukha niya sa mukha ko. Maling galaw isa man sa amin ay maglalapat
ang mga labi namin. Hindi ako sanay sa mga pinapakita niya. Ganito ba talaga siya
makisalamuha sa iba o sa akin lang?

Chapter 5
Nandito na ako sa tapat ng pinto ng opisina ni sir Clyde pero hanggang ngayon ay
wala ako ng lakas ng loob para katokin yung pinto. Tiningnan ko ang aking relo at
nakitang 7: 25 pa lang. Nasanay na kasi akong maagang pumasok pero ngayon ko lang
naramdaman na hindi ako excited pumasok.

Kasi naman naalala ko yung nangyari kahapon lalo tuloy akong nailang. Hindi ko na
alam ang gagawin ko papasok ba ako o mamaya na lang 8 am. Kung hindi lang talaga
nangyari yun papasok na talaga ako.

Flashback

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko kasi nga maling galaw lang ng isa sa amin ay
maglalapat na ang aming mga labi. Tiningnan ko naman si sir Clyde kung may balak ba
siyang lumayo man lang pero nakatingin lang siya sa mga labi ko. Hindi nagtagal ay
unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hindi naman sa assuming ako na hahalikan ako ni
sir Cyde pero yun lang yung nakikita kong posibleng mangyari ngayon. Ang naisip ko
na lang na solusyon para masolve ang problema namin sa 'space' ay ako na lang ang
lumayo.

Pag- atras ko ng ulo ko ay napalakas ang pwersa na ginawa ko at ang resulta ay


nauntog lang naman ako sa pinto. Napaupo ako at himas himas ang aking ulo. 'Ang
sakit!!'. Napikit ko na ang mga mata ko.

" hahahahaha....."

Tumingala ako at nakitang tawa ng tawa si sir Clyde. Kainis naman eh. Siya ang may
kasalanan nito. Tumayo na ako at tiniis ko na lang yung kirot ng ulo ko at taas
noong nagpaalam.

"Goodbye, sir"

Lumabas na ako at naririnig ko pa rin yung tawa niya mula sa loob. Puro na lang
kahihiyan ang inaabot ko ngayon.

Flashback end

'Hingang malalim Cassandra, kaya mo yan! Papasok ka lang na parang walang nangyari
and be professional to your boss.'

Tama ganoon ang gagawin ko. Kalimutan ang kahihiyan at umakto ng normal.

" Bakit hindi ka pa pumasok?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siya. Hindi siya nakaformal suit ngayon.
Naka v- neck T-shirt siya at short lang. Mukhang bagong ligo siya dahil basa pa
yung buhok niya.

"Good morning, sir"

" Good morning rin. Kanina ka pa nakatayo diyan sa tapat ng pinto pero bakit hindi
ka pa pumapasok?"

Patay kanina pa yata siya. Narinig niya kaya yung pagkausap ko sa sarili ko?
Binuksan niya yung pinto at sabay na kaming pumasok.

" Miss Del Rio, this is the contract. You can read it first before you sign it."

Inabot ko na yung kontrata at umupo sa isang upuan malapit sa table niya. Pagbukas
ng folder nakalagay ang salitang 'confidential'. Nilipat ko yung pahina at nakita
ko yung nilalaman nito.

This contract is between Mr. Clyde Gabriel Villacorte, CEO of the Villacorte group
of companies and Ms. Cassandra Sabrina Jane Del Rio, the applicant. The said
applicant should obliged herself to comply with all the rules that Mr. Villacorte
made.

1.Follow all my instructions.

2. You should be always available for me.

3. I want your full attention.

4. You will go with me when I have out of town meetings.

5. Don't talk to other people without my permission.

6. You will always tell me where you are.

7. Be there whenever I need you.

8. No more questions when I asked you to do something.

9. You will not say other names when we are together.

10. I want you to be honest with me.

This will be a confidential contract between the involve persons. No one shall
discussed this agreement to other people or else,the one who violated the said
condition shall be punish by the other person.

Natapos ko ng mabasa yung nilalaman ng contract and I felt that there was something
wrong with this contract. Parang wala na akong privacy kung susundin ko lahat ng
nakasaad dito. Lahat ng mga gagawin ko dapat alam at lahat ng gusto kong puntahan
dapat sabihin ko sa kanya.

Pagiging secretary ba talaga yung trabaho ko o pagiging girlfriend niya? Kung


pipirmahan ko to hindi ba dehado ako nito? Tumingin ako sa kanya para magtanong.
"Sir Clyde, sigurado po ba kayong ito talaga yung contract na pipirmahan ko?" Baka
malay ko nagkamali lang siya ng bigay o na mali lang siya ng pagpapagawa niyo sa
lawyer niya.

" Is there something wrong with it?" Nagtatanong ka pa at alam kong bago mo binigay
sakin to nabasa mo muna.

Hindi tuloy ako makapagdecide kung pipirma ba ako o hindi. Pero kung iisipin ko
parang pagiging girlfriend ang pinapasok ko nito. Kung totoo lang sana eh di kanina
ko pa to pinirmahan. Siyempre di na ko talo kung magiging girlfriend ako ng isang
super hot bachelor ng bansa.

Stop thinking such thing Cassandra. You will just his secretary. Nothing more,
nothing less. Ok na nga. Mapirmahan na wala naman akong choice kailangan ko ng pera
ngayon.

Kinuha ko na yung pen na nasa table niya at pinirmahan ko na. Wala ng atrasan to.
Binigay ko na yung folder sa kanya.

" You made the right decision and you will call me Clyde when we are working
together, understood?"

"Yes, sir Cly- I mean Clyde"

"Good that we understand each other and now----"

You are mine.

____________________________
Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate marami kasi akong exams. Salamat po sa
pagbabasa ng story ko and check my other stories if you like. Sa susunod ulit.

Do vote, leave a comment and follow me.

Chapter 6
Hindi ko na lang pinansin yung huling sinabi ni sir Clyde. Mukha namang hindi
importante. Nakita ko sa desk niya na puro mga nagtataasang mga papeles. Ganto ba
talaga kabusy ang isang Clyde Villacorte? Mahirap magpatakbo ng negosyo kapag nag-
iisa ka lang pero bakit siya parang ang dali lang niya na namanage itong company.
Ang balita ko ay pinasa sa kanya ng kanyang ama ang pagpapatakbo nito ng
makagraduate siya. Kaya siguro sobrang istrikto nito sa trabaho dahil maagang
namulat siya sa ganitong mundo.

"Miss del Rio, you will use the other table and you can start now." Nakita ko yung
sinasabi niya kaya lumapit na ako sa table ko at umupo. Itinabi ko muna yung bag
ko.

"Sir, ano po ba yung mga dapat kong gawin?"

"You need to have a planner so that I can dictate to you all of my appointments,
meetings and out of town business transactions."

"I do have a planner,sir and I would like to know all of your appointments so I can
make a schedule." I saw him smirk at me then he started to tell me what I should
know.

" Monday - 8 am meeting with Mr. Castillo


11 am lunch meeting with branch managers
Tuesday - 10 am meeting with Mr. Tuazon
1 pm board meeting
4 pm appointment with Ms. Salazar
7 pm dinner with Ms. Perez
Wednesday - 3 pm appointment with Dr. Walter
5 pm appointment with CEO of Chemix
Thursday - none
Friday - out of town meeting in Cebu
11 am lunch meeting with Mr. Villacorte."

"Sir may I ask you something?"

"What is it?"

"Why don't you have any appointments in weekends? And what should I do to help you
in weekends?"

" I want you to remind me about my schedule and the things you need to do to help
me are fixing my files, follow all my instructions and so on"

Madali lang pala yung trabaho ko sa kanya. Pero nagtataka ako sa kanya. Binigay
niya yung mga appointments niya ng weekdays pero magtatrabaho lang ako ng weekends?

"Miss del Rio can I call you Sandra?Para hindi naman masyadong formal at ang haba
masyado ng pangalan mo. Wala naman sigurong magagalit kapag tinawag kitang Sandra?"

"Naku sir Cly- I mean Clyde wala naman magagalit at ikaw pa lang ang tumatawag
sakin ng Sandra" nakangiti akong tumingin sa kaniya para ipakitang ok lang na
tawagin niya ko sa pangalang Sandra.

"Mabuti naman kung ganoon dahil ayokong may karibal sayo" napakunot ako ng noo ng
hindi ko na naman marinig yung huli niyang sinabi.

Nag-umpisa na akong magtrabaho. Binigyan niya ako ng mga files para basahin at
ibigay ko daw yung mga opinions ko about it. Pinapaayos niya rin sakin yung mga
contracts na dapat niya pirmahan ngayon. Mahilig naman akong magbasa kaya hindi na
ako mahihirapan para mareview yung gusto niyang lagyan ko ng opinion ko.

Marami-rami na rin yung mga nababasa ko ng marinig ko ng sumigaw si Clyde kaya


napatingin ako sa kanya at nakitang nakatayo ito malapit sa kanyang table habang
hawak hawak ang kanyang phone na mukhang may pinag-uusapan.

"Mr. Reyes,you know how much I want that contract then YOU JUST TOLD ME THAT THEY
GOT THAT DAMN CONTRACT!"

Natigil ako sa ginagawa ko ng sumigaw siya. Nakikita kong galit na siya kaya
natakot naman ako sa kanya baka ako mabuntunan niya ng galit niya.

"Listen very carefully Mr.Reyes if you can't get that damn contract from them. You
are fired, got it! I don't want to see you in my company if I can't see that
contract in my office within this week."

Binaba na niya yung phone at ginulo ang buhok nito."Damn why they are so stupid!"
Bigla itong tumigin sa akin kaya kinabahan ako baka masigawan ako.

"Sorry about that. I can't control my anger if I can't get what I want" I just
nodded. Bumalik na kami sa mga ginagawa namin pero paminsan minsan ay tumitingin
ako sa kanya kung ok na siya.

Tiningnan ko yung wrist watch ko at malapit na palang maglunch. Hindi ko pa alam


kung saan ako kakain. Sa fastfood na lang para mabilis akong makabalik.

"Ok iakyat mo na lang dito." May kausap na naman siya sa landline. Tumayo siya at
walang sabi sabing kinuha niya ang kamay ko at hinatak patayo. Lumabas na kami ng
office niya at nagtungo sa kitchen niya.

"Maglunch na muna tayo. Kaya umupo ka na dyan at kukunin ko lang yung pinadeliver
ko."

"Pero Clyde sa labas ako kakain-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng umalis na
siya at wala na akong nagawa kaya umupo na ako. Pumasok siya na may dala dalang mga
plastic at may tatak ng kilalang restaurant. Kumuha siya ng mga pinggan at
tinulungan ko na siyang magsalin ng mga pagkain.

"Pasensya ka na kung ito yung mga pinadeliver ko hindi ko alam kasi ang gusto
mo."nagpapatawa ba siya eh ang dami niya kayang pinadeliver na pagkain parang may
fiesta lang at dalawa lang kaming kakain.

Yung ibang putahe ay hindi ko kilala kaya yung mga alam ko lang yung kinain ko.
"Try this,its my favorite. Masarap to " tinapat niya na yung spoon niya sa bibig ko
at ng malasahan ko ay masarap nga.

"Masarap nga" ngumiti siya at natigilan ako ng gamitin din niya niya yung spoon na
ginamit ko.

Did we had an indirect kiss!!??

_______________________________________

Sorry for late update guys and don't worry I will update more after my exams.
Thanks for support. Love you all.

Please do vote, comment , and follow me.


Chapter 7
Hindi ako makatingin sa kanya at ramdam ko na namumula pa rin ang mga pisngi ko sa
ginawa niya. Kung sa ibang babae ay nagsasaya na dahil isa sa mga kinababaliwan
nilang bachelor ay gagawin ang isang indirect kiss. Hindi ako komportable sa mga
ganitong bagay no boyfriend since birth nga ako kaya sa mga libro ko lang nalalaman
ang mga ganitong bagay.

Tiningnan ko si Clyde na ganadong kumakain. Siguro nga wala namang malisya sa kanya
yung kanina kaya hindi ko na lang rin gagawing big deal at malabo naman na sinadya
niyang gawin at napakaassuming ko naman na isang Clyde Villacorte ay magkakainteres
sa isang tulad ko.

Hindi na nga palaayos at simple lang kung manamit tapos maghahangad pa ng isang
taong kagaya niya. Isang mayaman na katulad niya ay para lang sa mayayaman at ako
naman na mahirap ay para lang rin sa mahihirap. Isa siyang langit at ako ang lupa
kailanman ay hindi magtatagpo dahil may mananatiling puwang na naghihiwalay sa
dalawa.

"Bakit hindi mo pa ipinagpatuloy ang pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan yung mga
pagkain?"

"Naku hindi. Masarap silang lahat may iniisip lang ako kanina."

Nang matapos kami ay nagprisinta na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan


namin para naman makabayad man lang ako. Si Clyde naman ay nauna ng bumalik sa
office niya dahil nagtext si Sarah na nagkaroon daw ng problema sa schedule ni
Clyde.

Nagpunta na ako sa office niya para mabalikan ko na yung naudlot na ginagawa ko


kanina. Pagkabukas pa lang ng pinto ay naririnig ko na ang boses niya.

"Sarah, did he tell you why he wants to have our meeting earlier than we agreed
upon?"

Hindi pa ako nangangalahati sa mga ginagawa ko kaya kailangan kong bilisan para
hindi ako magahol kapag kinailangan na ni Clyde yung ibang files niya.

"Sandra,we have to go."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tagaytay. Go fix yourself. Gamitin mo na lang yung restroom sa kwarto ko"
tumayo na ko para hanapin yung sinasabi niya. Ngayon ko lang na pagmasdan yung
buong floor. Para lang siyang condominium yung style niya. May nakita akong
dalawang pinto pero hindi ko alam kung ano ba dito yung kwarto ni Clyde. Binuksan
ko yung isang pinto pero nakalock siya kaya sigurado na akong yung isa yun.

Pumasok na ako at humanga ako sa interior design ng kwarto niya. Yung theme nito ay
black and white tapos may mga paintings rin nakasabit sa dingding.

Pumasok na ako sa restroom. Naghilamos muna ako bago mag-apply ng make-up. Powder
lang at lipgloss yung ginamit ko. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang nakasuot na
ng long sleeves at slacks.

"Let's go" sumunod na ako sa kanya at sumakay na kami sa elevator para makarating
na kami sa parking area ng building.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa reflection ni Clyde na


makikita sa pinto ng elevator. Tama nga sila Kim at Laurel na ideal man siya.
Mayaman, gwapo at kilala ng lahat dahil napasama siya sa 1st batch ng bachelor
series ng isang magazine. Sikat itong magazine na nagfeature ng mga bachelor ng
bansa.

Nakarating na kami sa parking area at sumakay na ng kotse niya. Lumapit siya sa


akin at ilang inches na lang yung layo ng mukha ni Clyde sa akin ng maramdam ko na
kinabit lang pala niya yung seatbelt ko.

"You should always remember to fasten your seatbelt" I nodded with him.

Mahaba rin ang naging biyahe namin at mabuti na lang hindi masyadong matraffic sa
daan. Ilang oras na rin ang nakakalipas at para malibang ko yung sarili ko ay
tinitingnan ko na lang yung labas na dinadaanan namin.

"Hindi ka ba nangangalay sa kakatingin sa labas?"

"Hindi naman...at nalilibang naman ako na pagmasdan yung labas."

"Bakit kailangan mo pa kasing tumingin sa labas kung nandito naman ako" napatingin
ako sa kanya pero this time narinig ko na yung huling sinabi niya. Seryoso ba siya
sa sinabi niya?

"Huwag kang mag-alala mas maganda yung pupuntahan natin at malapit na rin tayo"

Pumasok kami sa malaking gate at meron rin itong nagtataasang mga pader na
nakapalibot sa buong lugar. Napansin ko rin na automatic na nagbubukas yung gate
kaninang pumasok kami dahil wala naman akong nakitang nagbukas.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natatanaw ko na yung mga establishments like hotel,
restaurants at marami pang iba. Pumasok na kami sa hotel at dumeretso sa
receptionist ng hotel.

"Miss,Is there Alex Ferrero check in here?"

"Sorry sir but its against our policy to give any information about our members"
may kinuha siya sa kanyang wallet at pinakita ito sa receptionist.
"I am a member so answer my question." Ang istrikto talaga nito.

"S-Sorry sir, Mr.Alex Ferrero check in 5 hours ago"

"Thank you" umalis na kami at may tinawagan na siya sa phone niya.

"Answer your phone...Alex!" Nakailang dial pa siya pero wala yata talagang
sumasagot sa tawag niya.
Bigla na lang tumunog yung tiyan ko at napahawak ako rito. Bakit ngayon pang
sumabay itong pagkulo ng tiyan ko!

"Is that your stomach?" Tumango na lang ako kesa ikaila ko pa mas lalong
nakakahiya.

"I am sorry I forgot to feed you"

"Ok lang Clyde alam ko naman na busy ka kaya huwag mo na akong alalahanin"

"No its not ok for me" hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa isa sa mga
restaurant na nakita ko kanina. Naghanap kami ng pwedeng maupuan at nang may nakita
na kami ay umupo na kami.

Bigla namang tumunog yung cellphone niya at nagexcuse siya na sasagutin lang pero
mamili na daw ako ng gusto kong kainin at hintayin ko na lang daw siya dahil
babalik rin siya.

Kinuha ko na yung menu para mamili na dahil gutom na ako ng maramdaman ko na may
umupo sa kabilang upuan na kaharap ko. Pagbabako ng menu ay akala ko na nakabalik
na si Clyde pero hindi pala kundi ibang tao yung nakaupo.

"Hi....Sorry kung umupo ako rito napansin ko kasing wala kang kasama kaya
pinuntahan kita and by the way,I'm Ren." Naglahad siya ng kamay para makipagkilala
kaya tinanggap ko na.

"I'm Cassandra"nginitian ko siya dahil mukha naman siyang mabait

"What a lovely name. Sige pili ka lang ng gusto mo coz its my treat now that I know
your name" he smiled at me and I noticed that he has a dimple on his left cheek.

"A-Ano kasi may hinihintay ako"

"Wala naman akong nakitang kasama mo kanina. Bakit ka niya iniwan na mag-isa rito
and-"
"It's none of your business" nakita ko si Clyde na nakatayo sa likod ni Ren at
nakakuyom ang kanyang mga palad.

"Pare nandito ka pala hindi mo man lang sinabi sa amin na dadating ka. Cassandra
siya ba yung sinasabi mo na hinihintay mo?"

"Oo" lumipat naman yung tingin ni Clyde sa akin na parang galit. Ano ba yung ginawa
ko?

"Aalis na ako mukhang nakakaistorbo ako and it's nice to meet you,Cassandra" he
kissed my hand and then he left. Umorder na kami ng pagkain at hindi na nagusap pa.
Nang matapos na kami ay sinundan ko na lang siya kung saan siya pupunta at nagtungo
kami ulit sa hotel na pinuntahan namin kanina.

"We need two rooms" he said to the receptionist.

"Sorry sir but we only have one room available in this moment because one of the
members held a convention in here and most of the rooms were occupied by his
guests." Saan ako pwedeng matulog nito. Paniguradong si Clyde na ang gagamit ng
room na yun.

"Ok we will take it. Cassandra, get the card and follow me"

Magsasama kami sa iisang kwarto!?

_______________________________________

Thank you for all your support and comments in the previous chapters and I really
appreciated it. Just like I promised that I would update again and enjoy this
chapter. Love you all....
Can I have a favor to all of my readers?

15 votes and 15 comments in this chapter then I will update the next chapter. I
just want to know your feedbacks about my story. Thank you.

Please do vote, comment and follow me.

Chapter 8
Nang makuha ko na ang card para sa room na kinuha ni Clyde ay sumunod na ako sa
kanya. Nakita ko siya na naghihintay sa pagbukas ng elevetor.

Hindi nagtagal ay bumukas na ito at naglabasan ang mga taong sakay nito. Nauna na
akong pumasok at sumunod siya. Pagkasara ng pinto ay bigla itong humarap sa akin at
nakita ko ang galit sa mga mata nito.

"BAKIT KASAMA MO SI REN!?" Nabigla ako sa pagsigaw niya sa akin.


"A-Ano kasi C-Clyde nakita niya daw akong m-mag-isa sa table natin kaya nilapitan
niya ako." Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita dahil natatakot na ako sa kanya.

"UMALIS LANG AKO SANDALI PAGBALIK KO MAY KASAMA KA NG IBA! SINABI KO NAMAN NA
HINTAYIN MO AKO!" Mas lalo pang lumakas ang sigaw niya kaya napaatras ako upang
makalayo sa kanya.

"S-sinabi ko naman sa kanya yun at gusto lang naman niyang m-makipagkilala. Mukha
naman siyang mabait kaya k-kinausap ko siya" hindi niya nagustuhan ang sagot ko
kaya lumapit ito sa akin. Lalo pa akong umatras kaso ay nasa pinakasulok na ako ng
elavator. He trapped me between his arms to stop me from moving away from him.

"Ayoko sa lahat ng sinusuway ang lahat ng inuutos ko at alam mo naman yun hindi
ba!?" Sa bawat bigkas niya ng mga salita ay mapapansin mo ang diin niya na
nagsasabing malaki ang kasalanang nagawa ko. Yumuko ako dahil hindi ko kayang
salubungin ang talim ng kanyang titig, baka umiyak ako.

"Do you still remember the contract that you signed back in my office?" I nodded.

"Then you damn know my rules and there is a punishment for every rule you will
break"

"Y-Yes..."

"I need to punish you because you broke my rules..." Kinuha niya ang dalawang kong
kamay at tinaas ito sa ulo ko at ang isa naman niyang kamay ay pumulupot sa bewang
ko at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya kaya hindi ako makagalaw.

"What-" he didn't let me finish to talk because he took my chin up and claimed my
lips.

Naramdaman ko ang pagkasabik niya dahil pagkalapat pa lang ng aming labi ay gumalaw
na ito upang palalimin ang halik niya. Ang bawat galaw ng kanyang labi na
nagbibigay ng kakaibang pakiramdam at ang paghapit niya ay nagbibigay ng kakaibang
init sa aking katawan. Hindi ko alam kung pano tumugon sa halik niya at napansin
ito ni Clyde.

"Kiss me back,Cassandra!"

"I don't know how to do it"

"Gayahin mo lang ang ginagawa ko..." Hinalikan na naman niya ako at tinugon ko na
ito kahit hindi ako marunong ay unti-unti ko ng nasasabayan ang bawat galaw niya.

Hindi naman siya nagreklamo at lalo pang humigpit ang braso niya sa bewang ko.
Nagtagal ang halikan namin at nang maghiwalay kami ay parehas kaming hiningal dahil
ilang minuto rin ito nagtagal.

"Three..."

"What?"

"You broke my three rules...this is just the beginning of your punishment and there
are two more to go so let's start..." He kissed me again but this time it is more
aggressive and demanding.

Pinakawalan niya na ang mga kamay ko pero lumipat naman ito sa likod ng ulo ko para
lalo pang palapitin ang labi ko sa labi niya. Pinulupot ko ang mga braso sa batok
niya dahil feeling ko ano mang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko.

"Open your mouth, Cassandra" umiling ako para sabihing ayoko.

"I said OPEN YOUR DAMN MOUTH!" pero hindi ko pa rin siya sinunod kaya nabigla ako
when he grab my butt then he used that chance to devour my mouth entirely. I felt
his tounge move inside my mouth and instead to feel disgusted but I felt something
that I can't explain and it feels good to me.

Finally he stopped and when I stared at him, I saw lust in his eyes.

" There is one more, Cassandra and be ready coz it will be the worst punishment you
will get from me."

Napalunok ako sa sinabi niya. Kung yung dalawang punishment kanina ay hindi ko na
makayanan pa tong huling punishment na sinasabi niya baka bumigay na ako.

Nakita kong malapit na kami sa floor ng room. Nasa 15th floor kasi ang punta namin
at habang palapit ng palapit ito ay siya namang pagbilis ng pintig ng puso ko.
Bumukas na ang pinto at nauna na siyang lumabas pero ako ay nanatili sa
kinatatayuan ko. Ayokong gumalaw at sumama sa kanya. Kung tumakas kaya ako? Isang
pindot ko lang ay makakaalis na ako palayo sa kanya.

"Huwag mo ng tangkain na tumakas Cassandra dahil kahit matakasan mo ako ngayon pero
hindi ka naman makakaalis sa lugar na ito hanggat hindi ko pinahihintulutan"
lumapit na siya sa akin at hinatak ako palabas ng elevator. Nawala na ang last
chance ko na makatakas.

Hinanap namin ang room namin at ng makita ito ay nagsimula na akong manginig.

"Swipe the card, Cassandra!" Sinunod ko ito kahit hindi ko magawa ng maayos ang
pagswipe lang ng card. Bumukas ito at pumasok na kaming dalawa. Sinarado ko ang
pinto at si Clyde naman ay umupo sa mahabang couch na nakalagay sa gilid ng kwarto.
Napatingin ako sa malaking kama sa gitna pero naalis lang ang tingin ko rito ng
marinig ko ang tawag niya.

"Come here, Cassandra!" Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya lumapit na ako.

"Sit on my lap"

"Are you kidding me!"

"Don't make me force you and JUST DO WHAT I SAY!"

"Ano ba kasi ang ginawa ko sayo!? Lahat naman ng sinabi mo ginawa ko, lahat ng
iutos mo sinusunod ko, bakit ngayon ako pa ang lumalabas na may atraso sayo!"

"YOU BROKE MY RULES, CASSANDRA! AND YOU DAMN KNOW THE CONSEQUENCE FOR WHAT YOU DID!
And this is my way of punishing you so be a good girl and FOLLOW ME!"

"What are you saying? DON'T TREAT ME LIKE I'M A SL*T! YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO
DO THIS TO ME!" Dahil na rin sa kaba ko ay hindi ko na rin na kontrol ang emosyon
ko. Nagbreak-down na ako at sa harap niya ay umiyak ako.Natigilan siya at namutla
ng makitang patuloy sa paglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

First time kong maranasang mahalikan ng lalaki pero hindi ko pinangarap na ang
first kiss ko ay magiging ganito ang mangyayari. Dahil lang kailangan kong
maparusahan ay nasira lahat ng mga pinangarap ko. I'm a hopeless romantic at ngayon
sira na lahat ng mga pangarap ko. Iyak ko lang ang maririnig sa buong kwarto at
wala akong pakialam kung makita niya akong kamiserable ngayon.

Siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko man alam kung ano
yung kasalanan ko pero kung parusahan niya ako ang hindi ko maintindihan.
Naramdaman ko ang paglapit niya at hindi ko inaasahang yayakapin niya ako.

"Huwag ka ng umiyak, Sandra" hinimas niya ang buhok ko na parang batang inaalo
kapag umiiyak. Hindi ko mapigilan na yakapin siya pabalik dahil alam kong bumalik
na yung Clyde na kilala ko.

"Patawarin mo ako sa nagawa ko. Alam kong galit na galit ka na sa akin pero please
lang huwag ka ng umiyak. Ayokong makita kang nagkakaganyan at alam ko pang ako ang
dahilan ng pagluha mo. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina kaya nagawa ko
yun. Sana mapatawad mo ko." Lalo pa akong napaiyak dahil ramdam ko ang sinseridad
niya sa paghingi ng tawad.

"B-Bakit ka ba kasi galit s-sa a-akin?" Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil
sa pagiyak ko.

"Hindi ako galit sayo. Naiinis lang ako sa sarili ko na hinayaan kitang maiwan
kanina kaya nadikitan ka ng lalaking yun at nang makita kita ay ginusto kong
maramdaman na sa akin lang ang atensyon mo kaya nahalikan kita."

"B-Bakit gusto mong sayo lang ang atensyon ko?" Kumalas na ako sa pagkakayakap sa
kanya para harapin siya at marinig mismo sa bibig niya ang reason niya.

"Because I like you, Cassandra."

_______________________________________
Umamin na rin sa wakas si Clyde!!!
Ano ng mangyayari sa kanila? Tatanggapin ba ni Cassandra si Clyde o hindi? Hindi ko
mapigilan na mag-update dahil may free time ako ngayon.

Please do vote, comment and follow me.

Chapter 9

"Because I like you, Cassandra"

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang braso. Hindi siya makatingin ng deretso sa


mga mata ko. Wala na ba siyang naisip na pwedeng idahilan para mapatawad ko siya sa
ginawa niya. Akala ko pa naman matalino to yun pala palpak magisip para makalusot.

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko na mapigilan and tawa ko. Kung anu-ano pa
man din yung tumatakbo sa utak ko na pwede niyang sabihin pero hindi ko
napaghandaan ang sinagot niya.

"Hahahaha......"hindi ko na nakayanan kaya natawa na ako at siya naman ay nakakunot


ang noong nakatingin sa akin na parang nagtatanong kung ano ang nakakatawa. Lalo pa
akong natawa sa reaction niya. Nahihirapan na akong makahinga pero hindi pa rin ako
tumitigil. Kulang na lang ay maglumpasay ako dito.

"Ano ang nakakatawa?" Tanong niya.

"I-ikaw! Hahaha..."

"Tumigil ka nga, Sandra! Hindi ko maintindihan kung bakit ka tawa ng tawa diyan.
Ano ba ang nakakatawa?" Napansin ko na nakasimangot na ito kaya tumigil na ako pero
maririnig pa rin bungisngis ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago siya harapin
muli.

"A-Ano ba kasing pumasok sa utak mo kaya nasabi mo yan? Naubusan ka na ba ng


idadahilan sa akin?"

"What do you mean?"

I pat his shoulder,"Bumenta sa akin ang joke mo, Clyde. May talento ka pala sa
pagpapatawa hindi mo man lang sinabi. Sige na nga pinapatawad na kita pero sana
huwag mo na ulit gagawin yun. Napasaya mo naman ako ngayon kaya kakalimutan ko na
kung anuman ang nangyari ngayon." Nagthumb-up pa ako para maipakita kong ayos na
kami. Lalo pang kumunot ang noo nito. Ano na naman ang problema nitong tao na to?

Nakatingin lang siya sa akin. "Bakit?" Pero hindi pa rin ito tumitigil kaya nailang
naman ako sa paraan ng pagtitig niya. Tiningnan ko naman yung damit ko kung marumi
na akong tingnan at hinamas ko yung mukha ko kung may dumi bang nakadikit sa mukha
ko. Wala naman.

"Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka ngayong araw" tumalikod na ito para lumabas
ng kwarto. Bakit ang sungit ng isang to? Hinawakan ko ang braso niya para pigilan
siya.

"Clyde meron ka bang alam na bilihan ng damit? Gusto ko kasing makapagpalit dahil
ang alikabok na ng suot ko. Meron bang boutique rito?"

"Ako ng bahala. Maligo ka muna bago ka magpahinga para mahimbing ang tulog mo"
tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas
at ako naman ay dumeretso sa banyo para makaligo na.

Pagkapasok ko ay hinubad ko na ang mga suot ko. Ang mahabang palda kong lagpas ng
tuhod ko at ang long sleeve na pangitaas ko. Ang lagkit na ng pakiramdam ko.

Sobrang dami ng nangyari ngayon at ang gusto ko na lang na itulog at kalimutan ang
lahat.
Kinuha ko na ang towel at pinulupot sa katawan ko. Umabot lang ito sa kalahati ng
hita ko. Lumabas na ako sa banyo at nakita ang mga bagong damit na nakalagay sa
kama.

Napansin ko na merong bagong underwares. Kinuha ko ito at tiningnan ang disenyo


nito. Paniguradong mahal ang mga ito. Sakto lang ang sizes sa akin pero paano niya
nalaman yun? May lahing manghuhula yata si Clyde.

Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na kaya pala ganun siya makatingin dahil
tinitingnan niya kung anong size ko!? NAKAKAHIYA!! Pero ang galing niya. Bigla na
lang bumukas yung pinto.

"Sandra, nakita mo na ba yung...damit-"nanlaki ang mata ko at nabitawan ko yung mga


underware na tinitingnan ko. Siya naman ay umiwas ng tingin at nagmamadaling
pumasok sa banyo.

"Magbihis ka na. Maliligo lang ako." pumasok na siya at ako naman ay mabilis na
nagbihis bago pa niyang maabutan akong nakatowel na naman.

Kumuha na ako ng unan at extrang blanket at humiga na sa couch. Alangan namang siya
yung humiga dito at ako sa kama. Narinig ko na tumigil ang shower kaya pumikit na
ako. Lumabas na ito at naramdaman kong lumapit ito sa akin.

"Ang pasaway talaga"


Kinumutan niya ako at may sinabi siya bago ako tuluyang makatulog.

"Dream of me, mio amore"

***********

Kaninang nagising ako ay may nakahanda ng breakfast at may note niya. Hindi ko na
siya naabutan baka maagang umalis. May nakita na naman akong bagong set ng damit sa
ibabaw ng kama katulad ng brand ng boutique na binigay niyang damit kagabi.

Good morning, hindi na kita ginising dahil alam kong napagod ka kahapon. Kapag
natapos ka sumunod ka na lang sa restaurant na pinuntahan natin kahapon. I left you
a set of clothes on top of the bed.Eat your breakfast first before you go and
that's an order!

Clyde

Nakaligo na ako at nasuot ko na yung damit. It is a simple dress. Umabot lang ito
sa aking tuhod pero makikita mong maganda ang design nito.

Itinali ko ng papusod ang buhok ko at may ilang hibla ng buhok ko ang malayang
nakababa at sinuot ko na ang salamin ko. Medyo malabo kasi ang mga mata ko kaya
kailangan kong magsuot nito.

Nakarating na rin ako sa restaurant at hinanap na si Clyde. Nakita ko siyang may


kausap na lalaki at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Lumapit na ako at napansin
agad ako ng lalaki dahil nakaharap siya sa akin samantala nakatalikod si Clyde sa
direksyon ko.

"Alex, I need your help to assist our new project that I want to launch in next
month."

"But you just gave me a deadline to finish the research about your new project.
Hindi biro ang pag-aralan lahat ng yun kaya kung gusto mo habaan mo pa yung period
na ibigay mo sa kompanya ko dahil hindi magandang madaliin ang lahat"

Napansin na ni Clyde ang presensya ko kaya lumingon ito at nakita na niya ako.
Tumayo ito at pinaghila niya pa ako ng upuan katabi ng upuan niya.

"May kasama ka pala pare hindi mo man lang sinasabi" napatingin ako sa lalaki. Siya
pala si Alex Ferrero na kameeting namin. Gwapo rin ito at malalaman mong
businessman rin ito dahil sa tindig niya.

"Tigilan mo ko, Alex. Let's continue our discussion. Ok pumapayag na ako pero ang
ibibigay kong date ay hanggang doon lang. Ayoko na may sisira sa schedule ko kaya
tumupad ka sa usapan."

"Chill ka lang. Alam mo na hindi ako bumabali sa usapan nataon lang na madaming
kailangan gawin sa project mo"

"It's a deal" nagkamay sila na hudyat na nagkasundo na sila. Nabaling ang atensyon
nito sa akin.

"Are you his girlfriend? I'm Alex Ferrero by the way." Nilahad niyo ang kanyang
kamay.

"I'm Cassandra and I'm not his girlfriend but his secretary." aabutin ko na yung
kamay ni Alex ng unahan ako ni Clyde at siya ang nakipagkamay rito. Nagtitigan ang
dalawa at isa man sa kanila ay ayaw magpatalo. Naguguluhan na ako sa drama ng
dalawang to. Nagulat ako ng biglang tumawa si Alex at bumitaw na rin sila sa wakas
sa isa't isa.

"Sobrang possessive mo namang boss,Clyde. Kahit pakikipagkamay lang bawal. Alam na


ba niyang binabakuran mo na siya?"

"Don't even think about interfering on my personal business, Alex."

"Magandang balita ito kapag nalaman ng kambal yang issue mo kung ako sayo daanin mo
na sa dahas kung ayaw mo pang maagaw ng iba" lumingon yung dalawa sa akin. Anong
problema nila? May nakita kasi akong mga kabayo sa labas na malayang tumatakbo kaya
hindi ko na sila pinakinggan tapos ngayon ay titigan nila ako?

"Its nice to meet you, Cassandra. Until we meet again" he smiled at me and I do the
same. Umalis na rin ito. Naiwan kaming dalawa ni Clyde.

"Kailangan na natin bumalik ng Manila, Sandra" tumango ako at dumeretso na kami sa


kotse niya. Kumain na naman kami kaya sa daan na lang kami bibili ng pagkain kapag
nagutom.

Ilang oras rin tumagal ang biyahe namin at ng akala ko ay ibaba niya ako sa harap
ng company niya pero hindi ito tumigil kaya nagtanong na ako kung saan kami
pupunta.

"Clyde, pwede mo naman ako ibaba na lang sa tapat ng company niyo at ako na lang
ang bahalang umuwi mag-isa"

"Do you think that I will let you go by yourself? Ihahatid kita."

"Pero hindi mo naman ang alam ang address ko at mapapalayo ka pa"

"Basta ihahatid kita. Responsibilidad kong gawin yon"

Hindi na ako umimik at hinayaan na siyang magdrive. Dalawang oras rin ang itinagal
papunta sa apartment ko. Huminto ang sasakyan sa tapat nito. Inalis ko na ang
seatbelt at lumabas na.

Sumilip ako sa bintana, "Thank you, Clyde" tumalikod na ako para makapasok na ako
ng tawagin niya ulit ako.

"Bakit?"

"Yung mga sinabi ko sayo kagabi."

"Huwag kang mag-alala kakalimutan ko na yun"

"I don't want you to forget what I said yesterday because its true. I really like
you and I want you to be mine"

Chapter 10
Ang sakit ng ulo ko na parang binibiyak ito. Dinaig ko pa ang uminom ng alak
kagabi. Kasalanan ni Clyde ito, kung sana hindi niya sinabi yun bago siya umalis
hindi ako mapupuyat at hindi tuliro ang utak ko kakaisip tungkol sa mga sinabi
niya. Para itong player na paulit ulit na nagrereplay sa utak ko kaya lalo akong
naiinis.

Flashback
Nasa tapat na kami ng apartment na inuupahan ko kaya lumabas na ako ng kotse niya
para makauwi na siya at makapagpahinga na rin ako.

"Sandra..." Lumingon ako ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?" Sabihin na sana niya agad yung kailangan niya para makauwi na siya. Malayo
pa man din ang biyahe niya mula rito hanggang sa company na kung saan siya
naninirahan.

"Yung mga sinabi ko sayo."

"Huwag kang mag-alala kakalimutan ko na yun." Nginitian ko siya para mapakitang


totoo ang sinabi kong balewala na sa akin yung joke niya. Nakakatawa siya para
kasing sobrang apektado siya. Bumenta naman yung joke niya bakit hindi siya
mapakali?

"I don't want you to forget what I said yesterday because its true. I really like
you and I want you to be mine" pinaandar na niyo ang makina ng kotse at tuluyan ng
umalis.

Nanatili pa rin ako sa labas at tinatanaw ang kanyang kotseng papalayo. Nang hindi
ko na ito matanaw ay pumasok na rin ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga na ako sa kama. Hindi ko na kayang magbihis o


malinis man lang. Pagod na ang katawan ko at pinapagod naman ni Clyde ang isipan
ko. Itutulog ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko lahat.

Flash nd

Nandito na ako sa loob ng building ng Villacorte. Sumakay na ako ng elevator


papunta sa floor namin. Napatingin ako sa aking relo para tingnan kung anong oras
na. Sobrang aga ko ngayon malamang iilan pa lang ang tao o hindi kaya baka ako pa
ang nauna na pumasok sa floor namin.

Nagpunch muna ako ng time card ko at demeretso na sa table ko. Pagkaupo ko ay


napatingin ulit ako sa relo ko at nakitang isa't kalahating oras pa bago mag-alas
otso kaya napagdesisyunan kong umidlip muna para hindi ako antukin mamaya. Pinatong
ko na ang dalawa kong braso sa mesa at iniyuko ko na ang ulo ko sa mga braso ko
para makatulog na ako.

***************

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya nagising na ako. Nakita kong nandito na
pala sila Kim at Laurel. Si Kim ang gumigising sa akin kanina.

"Nandito napala kayo" tuluyan na akong nagising at umayos ng upo.

"Kakarating lang namin ni Laurel. Bakit dito ka natutulog?" Tanong ni Kim sa akin.

"Napaaga kasi ang pagpasok ko ngayon kaya umidlip muna ako dahil mahaba pa ang oras
ng dumating ako."

"Anong oras ka ba pumasok at tingnan mo nga yang sarili mo. Halatang puyat ka."
Napatingin ako kay Laurel. Ano ba ang itsura ko? Kailangan ko talagang dumaan sa
restroom para matingnan ko ang mukha ko sa salamin.

Nakita kong dumating na rin sila Hanz at Brix. Halos magkasabay lang sila pero
nakakapagtaka na maaga si Brix.
"Good morning guys. Bakit kayo nakakumpol diyan?" Lumapit sila sa amin na sabay
silang napagawi sa akin.

"Wow... Cassandra saang costume party ka galing at nakalimutan mo yatang tanggalin


ang make-up mo?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Brix. Anong costume party?

Nakita kong binatukan ni Kim si Brix,"Anong pinagsasabi mo diyan! Nakita mo na


ngang walang tulog yung tao bibiruin mo pa!"

"Masakit ang batok mo Kim! Malay ko bang puyat lang si Cassandra. Tingnan mo kaya
yung mata niya nangingitim akala mo tuloy may eyeliner at mamula mula pa yung mata
niya." Ganon na ba kalala yung itsura ko?

"Maghilamos ka na sa restroom, Cassandra at huwag mo ng pansinin itong si Brix. Mas


malakas ang tama nito sa utak dahil maaga siya ngayon"

"Ang sakit mo naman magsalita, Hanz. Nagbabagong buhay na nga tapos uusugin mo pa.
Sige ka baka magdilang anghel ka at matuluyan nga akong masiraan"

"Matagal ka ng may deperensya."

Iniwan ko na silang nagbabangayan sa office namin. Nagpunta na ako sa restroom para


mag-ayos. Pagkatingin ko sa salamin ay hindi nga nagbibiro si Brix sa sinabi
niya.Namumula ang mga mata ko at nangingitim ang ilalim ng mga ito. Naghilamos na
ako para mahimasmasan at maayos ang sarili ko.

Pagkabalik ko ay nasa kanya kanyang upuan na ang mga kasama ko. May limang table sa
office namin at bawat isa sa amin ay may sariling table na ginagamit kapag nag
tatrabaho kami.

Umupo na ako para masimulan na ang naiwan kong trabaho. Kailangan ko ng ipasa ang
mga statements sa mga kasama ko para magawa na nila yung mga trabaho nila.

"Brix, natapos mo na yung sayo?"

"Oo...sandali lang ibibigay ko sayo para macheck mo kung tugma yung sa atin" inabot
na niya yung mga files niya at kinuha ko ito.

"Cassandra balak naming lumabas ngayon. Pupunta kami sa malapit na bar mula rito.
Gusto mong sumama?" Bar? Hindi naman ako umiinom.

"Hindi naman ako umiinom."

"Huwag kang mag-alala may mga juice naman silang inooffer kaya yun na lang ang
sayo. Para makapagbonding naman tayong lima."

"Sumama ka na Cassandra o kakaladkarin ka namin ni Laurel para hindi ka na


makaangal. Gusto mo yun? Puro ka na lang trabaho at kailangan mo rin ng pahinga."
Nakalapit na pala sa amin si Kim. Kapag sinabi nito ang isang bagay ay gagawin
niya.

"Kasama naman natin si Hanz. Tingnan mo siya sumama at alam naman natin na minsan
lang yan sumama sa lakad natin." Kinukonsensya na naman ako ng mga to.

"Oo na basta walang iwanan kapag nasa bar tayo." Natatakot kasi akong pumasok sa
mga bar dahil maraming lasing at baka mabastos ako. Uso pa naman ang hipuan doon o
hindi naman ay hihilahin ka nila kahit hindi mo naman kilala.
"Deal. Kapag out natin deretso na tayo dun." Bumalik na rin sa upuan si Kim at
pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.

**************

Sumakay na kami ng taxi para makarating na sa sinasabing bar nila. Ilang minuto
lang ang itinagal dahil malapit nga lang ito sa office namin. Pagkababa namin ay
mapapansin mo na ang ibat ibang kulay ng ilaw sa entrance na nagmumula sa loob.
Malaki itong bar at ngayon ko palang ito nakita.

May nakalagay na sign board sa itaas nito 'PARADEUX'. Pumasok na kami sa loob.
Humanap kami ng table na kasya kaming magkakaibigan. Hindi naman mahirap makahanap
dahil sa laki nito at kasya ang maraming tao.

"Hindi yata tayo bagay sa bar na to" kasi naman nakaoffice attire kami tapos ako
naman ay mukhang napadaan lang. Mahabang palda na naman at long sleeve. Ito kasi
ang office attire ko pero iba naman yung mga styles.

"Ano ka ba ok lang ang damit natin hindi naman tayo katulad ng mga tao rito na
makikipagflirt." Sabi ni Laurel. Tiningnan ko naman yung suot niya. Nakacorporate
attire at nakaskirt. Mas ok naman yung ayos niya.

"Order na tayo para makarami." Sabi ni Brix.

Nagorder na sila ng drinks nila. Hindi ko naman maintindihan yung mga sinabi nila
at pineapple juice lang yung sa akin. Pinagmasdan ka na lang ang mga taong
nagsasayawan sa dancefloor. Mga babaeng nakasuot ng maiiksing damit na halos kita
na ang lahat na meron sila. Mga lalaking halos lasing na at nakikipagsayawan sa mga
babae.

May nakikita nga akong nababastos na ng lalaki pero yung babae naman ok lang sa
kanya.Grabe sila hinihipuan na sila pero hindi nagrereklamo. Hindi ko na makayanan
ang mga nakikita ko.
Humarap ako sa mga kasama ko at napansin kong nakakailang shots na sila pero hindi
pa sila lasing. Si Hanz naman ay nakakadalawang shots pa lang.

"Huwag kayong maglasing at walang mag-uuwi sa inyo."sita ko sa kanila. Hindi ko pa


man din alam yung mga bahay nila.

"Ilang shots na lang at titigil na kami" Tipsy na sila Laurel at Kim. Si Brix naman
ay hindi pa. Palibhasa kasi lalaki mataas ang tolerance niya sa alak.

Pinabayaan ko na lang sila. Wala naman akong magagawa kung gusto pa nilang uminom.
Nakailang baso na rin ako ng pineapple juice dahil ito lang naman ang kaya kong
inumin.

Kanina pa ako hindi mapakali dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin kanina
pa. Mula sa pagpasok rito hanggang ngayon ay nandun pa rin yung feeling na may
nagmamasid sa bawat galaw ko. Tumingin tingin ako sa paligid na nagbabakasakali na
may makitang taong nakatingin sa gawi namin. Huminto ang tingin ko ng matanaw ang
isang taong nakatingin sa gawi namin. Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil paiba
iba ang kulay ng ilaw pero ng tumama sa kanya ang ilang ilaw ay natigilan ako.

Bakit siya nandito?

_______________________________________

Sobrang saya ko na umabot ng 1k ang reads ko. Maraming salamat sa mga readers ko na
nagbabasa ng story na to. Thank you....
Do vote, comment and follow me. :)

Chapter 11
Bakit siya nandito?

Kahit malakas ang tugtog na nagmumula sa speaker nitong club ay walang epekto sa
nararamdaman ko ngayon. Siya pala yung nararamdaman kong nakatingin kanina pa, si
Ren. Mukhang may problema siya at balak talagang maglasing dahil sa dami ng mga
baso at boteng nakalagay sa table niya.

Ngumiti siya sa akin pero hindi katulad noong una naming pagkikita. He gave me a
sad smile that showing what he feels right now.
Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na may pupuntahan lang. Ayaw pa nga akong
payagan dahil baka mapano daw ako kung mag-isa akong aalis. Marami na daw lasing sa
mga tao dito. Sinabi kong malapit lang dahil may nakita akong kakilala. Ilang table
lang naman yung layo ni Ren sa amin kaya hindi ko na kailangan ng kasama.
Makakarating naman siguro ako ng ligtas doon.

Tumayo na ako para mapuntahan siya. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao dahil
dadaanan ko yung dancefloor na kung saan maraming taong nagsasayawan. Ilang beses
akong natulak at muntik ng matumba pero nakalabas na rin ako sa kumpol ng mga tao.

Nang malapit na ako sa kanya ay tumungga na naman siya ng alak. Inisang lagok niya
lang ito pero alam ko na matapang ito dahil katulad ito ng iniinom nila Kim kanina.

"Ren..." Pero hindi man siya lumingon sa akin. Hindi niya yata narinig yung sinabi
ko dahil sa lakas ng tugtog.

Kailangan kong sumigaw para mapansin niya ako, "REN!" This time ay lumingon na
siya. Yung kaninang naaaninag ko lang sa kanyang mukha na malungkot siya pero
ngayon ay kitang-kita ko. Yung kislap ng kanyang mga mata nung tinanong niya yung
pangalan ko dati ay hindi ko na nakikita sa kanyang mata.

"Cassandra..." Pinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako. Nang makaupo na
kaming dalawa ay nagsalin na naman siya ng alak sa baso at ininom ito.

"Bakit ka naglalasing?" Napatingin siya sa akin at malungkot na namang ngumiti.

"May mga reasons kung bakit umiinom ang isang tao. Kapag gustong magsaya, makalimot
o may hinihintay na tao." Nang sabihin niya yung huli ay parang nahihirapan siyang
sabihin. Hindi kaya yun ang dahilan?

"Sa tatlong sinabi mong reasons. Ano ka dun sa tatlo?"may hinala na ako pero gusto
kong marinig sa kaya iyon.

"Yung huli..."
"Sino ba yung hinihintay mo?"Nakatingin lang siya sa baso niya na wala ng laman.

"Isang taong nagawan ko ng kasalanan at hinihintay ko na magkrus ulit yung landas


namin para makahingi man lang ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya."

"Bakit hindi mo na lang hanapin siya kesa naghihintay ka kung kailan mo siya
makikita muli" useless kasi yung paghihintay niya kung wala naman siyang gagawin
para magkita sila.

"Yun na nga ang problema, Cassandra. Kaya ko siyang ipahanap sa kahit ilang private
investigator ang ihire ko para mahanap siya kaso hindi ko kayang harapin siya.
Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Dahil sa akin ay nasira ko ang buhay niya
at hindi man lang niya alam na ako ang may gawa nun. Kahit man lang aminin sa kanya
yung nagawa ko,hindi ko man magawa" ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya
at gusto ko siyang tulungan. Kahit pangalawang beses pa lang kami nagkikita ay
magaan ang loob ko sa kanya. Gusto ko man tumulong pero hindi ko alam kung paano.

"You reminds of her" napatingin ako sa kanya.

"Me?" He nodded and gave a smile again.

"Yes. Noong una ko siyang nakita ay hindi siya katulad ng mga kakilala ko. Simple
lang kung manamit katulad mo. Walang kulorete o make-up sa kanyang mukha. Powder
lang yung nilalagay niya sa mukha niya tapos kapag nakakakita siya ng mga babaeng
makapal ang make-up kukunot yung noo niya tapos kapag wala na yung mga babae bigla
na lang siyang tatawa" habang pinapakinggan ko siyang magkwento ay bumabalik ang
kislap ng kanyang mga mata.

"Ang nagustuhan ko sa kanya ang pagiging dedicated kung anuman ang ginagawa niya.
Wala siyang sinasayang na oras kapag may kailangan siyang gawin. Minsan nakita ko
siyang gabi ng umuwi dahil tinapos niya yung pinagawa sa kanya." Hinayaan ko na
lang siyang magsalita para bumalik yung sigla niya.

"She is amazing" sabi ko.

"Yeah...she is." Ngumiti siya at hindi na to katulad kanila na malungkot pero


ngayon ay saya na ang nakita ko.

"Thank you, Cassandra. Sa pakikinig sa problema ko at pagpapagaan ng loob ko.


Pasensya ka na kung hindi ko pa kayang sabihin sayo yung ginawa ko. Hindi pa ako
handa na sabihin iyon sa ibang tao dahil baka magbago yung tingin nila sa akin.
Sana ituring mo na akong kaibigan kahit pangalawang beses pa lang na nagkita tayo.
Para may masasabihan ako ng sama ng loob." Sincere siya sa mga sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala magkaibigan na tayo at kung gusto mo man na magbuhos ng sama
ng loob o kailangan mo ng makakausap ay nandito lang ako para makinig sayo."
Nagpaalam na rin si Ren na aalis na dahil lasing na daw ito. Hinatid ko na siya
hanggang sa kotse niya dahil hindi na ito makapaglakad ng maayos pero kaya pa daw
magdrive. Kahit ayokong payagan ay wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako
marunong magdrive.
Bumalik na ako sa loob para makabalik sa mga kasama ko.

Kailangan na naming umalis at baka hindi ako makauwi nito. Alas otso na ng gabi at
baka hindi ko abutan ang last trip ng jeep sa amin. Nakita kong bagsak na yung
tatlo sa kalasingan at sobrang dami na ng baso at bote sa table namin.

"Cassandra saan ka ba nagpunta at kanina pa kita hinahanap." Tanong ni Hanz. Sa


kanilang apat ay siya lang ang matino pa.

"Nakipagkwentuhan lang ako sa kakilala ko at hinatid ko na rin sa labas. Bakit


nagkaganyan sila?"

"Ayaw magpapigil sa kakainom. Minsan lang naman daw na umiinom kaya sasamantalahin
na daw nila. Hindi nila inisip kung papaano sila uuwi ng ganyang lagay nila."

"Papaano natin sila iuuwi?" Hindi ko pa naman alam.

"Ako na lang ang maghahatid sa mga lasing na to at magbayad na tayo para makaalis
na" binayaran ni Hanz ang bill ng tatlo pero nagbanta ito na dodoblehin kapag
nagising na sila.

Nakatatlong baso lang si Hanz kaya maliit lang yung bill niya kaso naman itong
tatlo sa sobrang daming ininom wala naman iniwang pambayad kung sakaling malasing.
Kawawa tuloy si Hanz. Babayaran ko na rin yung sa akin at nakadalawang baso lang
naman ako ng pineapple juice. Iaabot ko na sana yung bayad kaso hindi man tinanggap
nung waiter. Binayaran na daw ng kasama ko kanina yung bill ko. Si Ren siguro yung
nagbayad kanina.

Nasa labas na kami ng bar. Nagpatulong pa kami sa isang bouncer para alalayan si
Brix. Ang akay ko naman si Kim at si Hanz naman ay si Laurel. Humingi kami ng
tulong sa guard para magpatawag ng dalawang taxi.

Ang bigat naman ni Kim dahil halos ako na ang tumatanggap ng lahat ng bigat niya.
Nang dumating na yung mga taxi ay nauna ng ipinasok si Brix tapos si Laurel at huli
si Kim.

"Cassandra sumakay ka na sa isang taxi para makauwi ka na at baka lalo kang gabihin
sa daan. Ako na ang bahala sa kanila" sumakay na si Hanz sa passenger seat ng taxi
at nauna na silang umalis.

Sumakay na rin ako ng taxi. Inaantok na ako habang nasa byahe ako at mukhang
gagabihin na talaga ako sa pag-uwi.
*************

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko mapigilang humikab. Alas onse na ako
nakauwi at natulog na agad ako ng makarating sa apartment ko kagabi.

Ayoko na talagang sumama kapag nagkayayaan na naman na magbar. Ang sakit ng katawan
ko. Kailangan ko pang gumising ng maaga ngayon para hindi abutin ng traffic. Ayan
tuloy inaantok pa ko. May ilang empleyado na akong nakakasalubong kanila pa pero
dedma lang ako eh sa inaantok ako. Masama bang humikab? Bahala nga sila.

Malapit na ako sa office namin. Paniguradong late sila ngayon. Sa dami ba naman ng
ininom may hangover sila niyan. Siguro magtatanda na sila. Nagyaya ba naman
kahapon tapos may pasok kinabukasan? Malalagot sila kapag nalate ngayon. Humikab na
naman ako at napansin ko na may nakatayo sa pinto ng office namin. Hindi ko pa alam
kung sino nakatagilid kasi yung tao at malayo pa ako.

Bigla na lang ito humarap sa gawi ko ng maramdaman ang presensiya ko. Nanlaki ang
mata ko ng mapagtanto kung sino ito.

"Saan ka nagpunta kagabi, Sandra?"

_______________________________________
Akala niyo si Clyde yung nasa bar no!? I want you all to have a little background
of Ren and now we had a glimpse of his past. Thank you for reading this story.

Do vote, comment and follow me. ;)

Chapter 12
Nang marinig ni Cassandra ang boses ni Clyde ay parang nawala ang antok nito. Bigla
na lang nagising ang diwa niya dahil sa tono ng pananalita nito. Nanlaki pa ang mga
mata niya dahil naabutan niya si Clyde sa tapat ng office nila. Tuwing may
inspection at floor checking lang kung pumunta ang mga head ng mga different
departments at si Clyde pero ngayon ay nakatayo ito sa harapan niya at nanlilisik
ang mga mata na parang pinahihiwatig niya na may mali na naman itong nagawa.

"Good morning,Sir." bati ko. Para naman mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at
para may dahilan akong makapagsalita.

Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay kaya kinabahan na naman ako. Bakit mas
lalo yatang nagalit siya sa ginawa ko?

"Hindi maganda ang umaga ko ngayon, Sandra. Alam mo ba kung bakit!" Bad mood siya
ngayon. Ako pa yata ang unang makakaranas ng pagkaistrikto niya ngayong umaga. Ang
pinagtataka ko ang layo ng office niya sa floor namin para mapadpad siya rito.

"B-Bakit po?"

"There was this girl that I kept texting and even calling last night because I am
so worried to the point that I had to go to her place just to make sure if she was
in her apartment. When I was there, I kept knocking at her door but no one answered
so I stayed for 4 FUCKING HOURS to wait for her." Napansin ko ang pagdiin niya sa
pagsasabi kung gaano siya katagal naghintay sa bahay nung babae. Talagang
mararamdaman mo yung pag-aalala nito pero sa huli niyang sinabi ay naramdaman ko
yung galit niya. Mag-aalala tapos magagalit?

"D-Did you saw her last night while w-waiting for her?" Naintriga na ako sa kwento
ni Clyde kaya nagtatanong na ako. Gusto lang pala niya ng makakausap kaya siya
pumunta rito. Basta ba hindi niya ibubunton yung galit niya sa akin at makikinig
ako sa kanya.

May narinig akong paparating sa direksyon namin kaya nagpanic ako. Baka yung mga
empleyado na yun na nagtatrabaho sa katabi lang ng office namin at makita kami ni
Clyde na naguusap nito. Ang alam ko pa naman ay mga tsismosa yun. Ang sabi ni Kim
kapag may nakita agad silang kakaiba ay kinukwento na nila sa iba kaya nga ayokong
naglalapit sa kanila. Kahit wala naman kaming ginagawa ni Clyde ay bigla silang
gumagawa ng kwento. Tapos na ang tahimik kong buhay kapag nangyari yun. Pero
napaisip ako, wala bang kakaiba sa amin ni Clyde? He confessed that he likes me but
I didn't took it seriously even though he said that he was serious that time.

Napansin ni Clyde ang pagkabalisa ko at pagtingin sa direksyon na naririnig kong


may paparating kaya hinatak niya ako papasok sa office namin.

Umupo ako at siya naman ay nakasandal lang sa may pinto. Nakahinga na rin ako ng
maluwag na alam kong safe na ang tahimik kong buhay sa office.

"You did not answer my question a while ago,Sandra" lumingon ako sa kaniya.

"What is it again,sir?" Oo nga pala may tinanong siya kanina at nakalimutan ko ng


sagutin kanila dahil nagkwento na siya.

"Saan ka nagpunta kagabi?"

"Lumabas lang kami kasama yung mga katrabaho ko. Nagyaya kasi sila kaya umalis na
agad kami ng makapagout na kami kahapon. May problema po ba?"

"Saan kayo nagpunta?"

"Sa bar." napansin kong tumayo ito ng maayos at nagsalubong na naman yung kilay
niya. Unti- unting lumalapit ito sa akin. He put his hands in both side of my
armchair.

"Sino ang mga kasama mong nagpunta sa bar?"

"Sila Hanz. May bago kasing tayong bar malapit lang dito kaya nagyaya sila"

"A guy! YOU WENT TO THAT BAR WITH A GUY!"

"Y-Yes. Kasama rin namin si B-Brix."

"Umalis ka ng maaga kahapon para lang sumama sa mga lalaking yon! You didn't even
think that they can do whatever they want to do with you. TELL Me,Sandra! Did they
touch you!?"

"Y-Yes. Inalalayan ako ni Hanz pagkababa namin ng taxi kahapon."

"Yun lang ba ang ginawa niya sayo o meron pang iba?" Napansin ko ang paghigpit ng
hawak niya sa armchair ng upuan ko. Mas lalo pa siya lumapit sa akin kaya nailang
na ako.

"Wala na. Kasama rin naman namin sila Kim at Laurel ng pumunta kami sa bar."
Nawala na ang pagkunot ng noo nito and he sighed. Sinabi ko lang yung pangalan ng
dalawa, kumalma na siya. May mali ba sa pagsama sa mga kaibigan ko. Bakit
pakiramdam kong hindi na ako pwedeng sumama kay Hanz o Brix kapag nagyaya sila.

"Mabuti naman dahil kapag may ginawa sila na hindi ko nagustuhan ay matitikman nila
kung paano ako magalit lalo pa na hindi dapat nila pinakikialam ang pag-aari ko."

Ako naman ang napakunot noo sa sinabi niya. Ano yung pag-aari niya na pinakialaman
nung dalawa?

Umalis na sa harap ko si Clyde at nagtungo na sa pintuan. Babalik na yata ito sa


office niya matapos ang interrogation na ginawa niya sa akin. Nakakaintimidate
siya kung makatingin kanina kaya talagang kakabahan ka kung paano ka sasagot sa
lahat ng tanong niya.

"Always remember that you are mine, Sandra" he said and then he left. Umalis na
siya pero nakatingin pa rin ako sa pintong nilabasan niya. Bumilis ang tibok ng
puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya?

May pumihit na naman ng doorknob kaya napatayo ako sa kinauupuan ko, bumalik siya.
Pagbukas ng pinto ay nadismaya ako ng makita sila lang yung dumating, sila Kim lang
pala.

"Anong nangyari sayo. Nang makita mo kaming pumasok bigla ka na lang sumimangot
dyan, Cassandra. Sige aalis na lang kami para magsolo ka dito. Ang ganda ng bati mo
sa amin."this time naman si Kim ang nakasimangot. Hindi ko na napansin ang itsura
ko ng pumasok sila.

"Hindi naman sa ganon. May naalala lang ako. Kamusta naman kayo? Para kayong
zombies ngayon?"

Parang hindi dinaanan ng suklay yung buhok ni Kim na dating napakaayos nito tuwing
pumapasok siya. Si Laurel naman ay sobrang putla. Hindi man lang ito nakapaglagay
ng lipstick na dati naman ay mapapansin agad ang red lips niya tuwing umaga at si
Brix naman ay kung dati nakagel pa kung pumapasok ngayon naman ay parang pugad na
yung buhok niya. Si Hanz lang ang normal sa kanilang apat.

"Maglalasing kasi hindi naman ayan ang napala niyong tatlo. Alam niyo na may pasok
pa tayo kinabukasan tapos nagpakalango kayo sa alak" sita ni Hanz sa kanila.

"Oo na, Hanz. Huwag mo na kaming pagalitan. Masakit pa nga ang ulo namin dadagdagan
mo pa" pagsusungit ni Laurel.

"Bago magkalimutan. Kayong tatlo bayaran niyo ang lahat ng ininom niyong alak
kagabi. Naglasing kayo pero hindi man lang nagiwan ng pambayad."

"Magkano ba?" Tanong ni Brix.

"3500 kay Laurel,3000 kay Kim at 6000 sayo Brix"

"ANO! BAKIT ANG LAKI NAMAN NG BILL KO!?"

"Nagtanong ka pa yung pinasukan nating bar kagabi ay sikat na bar sa buong


pilipinas. Anong tingin mo sa presyo ng alak nila dun katulad sa tindahan. Sarap na
sarap ka sa kakainom kaya magdusa ka. Magbayad ka."

"May mark-up yata yung bill namin sayo. Tingin ko hindi man aabot ng 4000 yung
sakin. Pinatungan mo no!!"
"Kung gusto mong magreklamo, bumalik ka sa bar para tanungin mo yung presyo ng mga
nainom mo at kapag totoo ang sinabi kong bill mo ngayon. Doble na ang ibabayad mo
sakin. Ano laban ka?"

"Oo na magbabayad na lang ako. Bwisit talaga wala na akong allowance nito."
Nagsikuha na sila ng kaniya kaniyang pera sa mga wallet at nagbayad kay Hanz.
Siguro madadala na sila.

Natapos na rin ang bangayan nila at ilang sandali ay nagsimula na kaming


magtrabaho. Kahit masama ang pakiramdam nila ay wala silang magagawa kundi ang
magtrabaho dahil may deadline pa kaming hinahabol ngayon. Sa ilang sandali lang ay
nakalimutan ko rin ang nangyari sa pagitan namin ni Clyde kanina.

*********************
Kinuha ko na ang susi ng apartment ko sa bag ko. Kakauwi ko lang ngayon at may
kailangan pa akong tapusin. Binaba ko na ang lahat ng files na bitbit ko at ang bag
ko sa lamesa.

Pumasok na muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit dahil naiinitan na ako
sa suot ko. Nang matapos ako ay umupo na ako sa sofa at kinuha ang files na bitbit
ko kanina. May itatanong pala ako kay Laurel. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag
ko. Mula pa kagabi ay hindi ko man lang nagalaw ang cellphone ko. Nakasilent rin
ito dahil maingay sa bar kagabi at hindi ko rin naman maririnig.

Pagkaswipe ko pa lang sa screen ng cellphone ko ay may lumitaw na agad na messages


at missed calls from unknown number

58 messages
76 missed calls

Sino kaya to!?

____________________________________
Sorry talaga sa sobrang late ng update ko. Naging busy lang sa competition na
sinalihan namin kaya kailangan kong magfocus dun. Salamat sa mga nagvote sa mga
chapters ng story ko. Sa mga bagong followers ko at lalong lalo na sa mga comments
niyo. Sobrang saya ko kapag nababasa ko ang mga comments niyo dahil naappreciate
niyo ang story ko.

Sana suportahan niyo pa rin ang story nila Cassandra at Clyde. Magcomment na rin
kayo. Salamat ulit.

Do vote, comment and follow me. :)

Chapter 13
Salamat po sa bagong followers ko at mga nag-add ng story ko sa reading list nila.I
dedicate this to the one who commented first on the last chapter, loveyoukitty.
Kung gusto niyo pong mapasama kayo sa mga author's note ko. Leave your comments or
suggestions.Thank you again.

Do vote, comment and follow me.

******************

Bakit ang daming miscalls and messages sa cellphone ko? Tiningnan ko yung number
pero hindi siya nakalist sa mga contacts ko. Wala naman akong inaasahang tawag o
text sa boutique na nakaassign sa amin. Nacheck ko na lahat ng files na kailangan
ko kaya malamang hindi kanila ang number na to.
Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda kapag
binuksan ko yung mga messages na nasa inbox ko. Kapag nasimulan ko ng basahin yung
mga messages baka malaman ko kung sino pero parang sinasabi ng konsensya ko na
hayaan na lang at huwag ko ng basahin dahil baka magsisi ako.

Pero namayani ang curiosity ko kaya lakasan na lang ng loob at babasahin ko na kung
sinuman ang mga nagpadala ng mga messages na to para matahimik ang kalooban ko.
Hanggat hindi ko nalalaman kung sino to ay hindi ako makakatulog at iisipin kung
sinuman siya. Binuksan ko na ang unang messages sa inbox ko.

From: 093966XXXXX

Where are you?

Napakunot- noo ako ng mabasa ito. Bakit tinatanong kung na saan ako?

From: 093966XXXXX

Why did you not pick up your phone? I was calling you.

From: 093966XXXXX

I'm starting to get mad at you. ANSWER MY CALLS!

From: 093966XXXXX

If you will not answer my damn call after this, I will go to your place!! You
better have a good reason of why you were neglecting all of my calls.

Habang binabasa ko ang mga messages ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko
dahil parang familiar kung sinuman ito.

Siguro kung hindi text ang mga ito ay aakalain ko si sir Clyde ang nagtetext sa
akin. Ganito kasi siya makipagusap sa akin. Pero malabo namang magkaroon siya ng
number ko at tawagan ako dahil hindi naman niya hiningi ang number ko pero kung
meron siyang kopya ng profile- Wait a minute! Binasa ko ulit yung mga messages sa
cellphone ko at napansin na nagcuss ito. Kaninang binasa ko ay hindi ko man
napansin pero ngayon malinaw pa sa tubig ang nabasa ko. Narinig ko may kumakatok sa
pinto ng apartment ko kaya binatawan ko muna ang cellphone ko.

Tumayo ako para mapagbuksan kung sinuman ang kumakatok. Pagkabukas ko ng pinto ay
nabungaran ko ang landlady ko, si Aling Celia.

"Good evening po. Bakit po kayo naparito?" Tanong ko sa kanya.

"Magandang gabi rin iha. Bibigyan lang sana kita ng ulam para hindi ka na magluto.
Naparami kasi ang luto ko kaya naisipan kong bigyan ka."

"Maraming salamat po. Pasok po kayo sa loob. Sakto po hindi pa ako nakakapagluto."
Pinapasok ko siya at nagtungo naman ako sa kusina para isalin ang binigay ni aling
Celia na ulam sa pinggan.

"Iha may dumating na binata kagabi rito sa lugar natin."

Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni aling Celia.

"Sabi ng iba pang tenants na katabi lang ng apartment mo ay may pumarada raw na
magarang kotse at lumabas ang isang gwapong binata. Hindi nila matukoy kung sino
ang sadya nito."

Binilisan ko na ang pagtapos sa ginagawa ko para makausap ko si aling Celia ng


masinsinan. May kailangan akong makumpirma sa kanya. Nang matapos ako ay umupo ako
sa sofa kung saan nakaupo si aling Celia habang naghihintay.

"Aling Celia, tungkol po sa sinasabi niyong binatang nagpunta sa lugar natin. Alam
niyo po ba kung sino ang sinadya niya rito?" Please po lord, huwag po sana niyang
sabihing dito nagpunta kung sinumang lalaking iyon.

"Ang sabi ng mga tenants ay hindi agad daw pumunta ito sa kung kaninong apartment
ang pinunta nito. Naghintay daw ito sa labas ng kotse pero noong ilang oras na daw
naghihintay ay pumunta na ito sa apartment na sadya nito." Habang tumatagal ay lalo
akong kinakabahan sa takbo ng usapan namin.

"Kanino pong apartment siya nagpunta?" Please po lord, huwag po sanang sabihin niya
na dito.

"Sayo. Ang tagal daw na naghintay yung tao sa pinto mo pero wala man sumasagot.
Ilang oras rin itinagal nito bago umalis. O sya, aalis na ako iha at mukhang
nakakaistorbo na ako sayo." Hinatid ko na siya palabas ng apartment at nang masara
ko na ang pinto ay lutang pa rin ang utak ko sa mga narinig ko.

Kahit anong pilit kong itangging hindi siya ay mas lalong pinatutunayan na siya
yun, si sir Clyde. Naalala ko tuloy ang paguusap naming dalawa kaninang umaga. Yung
pagkukwento niya tungkol sa babaeng hinintay niya kagabi pero hindi man lang nito
nakita. Ang sobrang pag-alala niya sa kalagayan ng babae kaya pinuntahan niya pa sa
tinutuluyan nito para macheck kung nakauwi ng ligtas ay walang iba kundi ako. Kaya
pala pinuntahan niya pa ako sa office namin para alamin kung saan ako nagpunta at
yung galit niya sa akin kanina ay may rason naman pala siya. Naguilty tuloy ako at
ang lakas pa talaga ng loob kong magtanong kung sino yung babaeng eh ako pala yun.
Hindi niya ako sinagot ng tanungin ko siya kung nakita niya yung babaeng sinasabi
niya dahil alam nito na malalaman ko rin once na gamitin ko na ang cellphone ko.

Hindi ko siya kayang harapin. Nahihiya ako at naiinis sa sarili ko kung bakit ba
naman hindi ko tiningnan kagabi ng makauwi ako yung cellphone ko eh hindi sana
nakapagsorry agad ako sa kanya kanina. Paano kung pumunta ulit siya sa office namin
bukas?

What should I do?

*******************

Nandito ako ngayon sa kanto ng pasukan ng restroom sa floor namin. Sinisilip ko


kung may taong nakatayo sa tapat ng pinto ng office namin. Kaso ang layo ko kaya
hindi ko maaninag ko may tao o wala. Ayoko namang lumapit dahil wala akong
mapagtataguan kung sakaling lumapit ako ng konti sa office. Paano ko ba kasi
malalaman kung nandun siya? Pasok nga muna nga ako ng restroom para makapag-isip.

"HAY HALIMAW KA!" napahawak ako sa bibig ko ng mabungaran ko ang mukha ni Kim ng
lumingon ako. Napalakas kasi ang pagkakasabi ko kaya nahiya ako at nakasimangot na
naman ang mukha niya.

"Grabe ka Cassandra. Matatanggap ko pa na mukha akong halimaw kahapon dahil may


hang-over pa ako pero ngayon hindi na."

"Sorry na Kim. Nagulat kasi ako sayo. Malay ko bang mabubungaran ko ang mukha mo
paglingon ko eh ako pa lang naman ang tao dito."
"Oo nga. Ang aga mo pero bakit pasilip silip ka dyan? May pinagkakautangan ka ba
kaya nagtatago ka?" Pinaalis na niya ako sa pwesto ko at ginaya niya yung ginawa
kong pagsilip.

"Wala naman tao. Sino ba yung tinitingnan mo?" Hindi pwede niya malaman. Malakas pa
man din ang radar nito sa mga ganitong bagay.

"Ano ka ba naman Kim. Wala akong pinagtataguan. Binabalisawsaw lang ako kaya
nakatambay ako dito malapit sa restroom" tiningnan niya ako kung nagsasabi ako ng
totoo. Please maniwala ka! Please! Please!

"Tapos ka na? Para sabay na tayong pumunta sa office." Mabuti naman at naniwala
siya.

"O-Oo tapos na ako. Tara na." Nagsimula na kaming maglakad. Mabuti na lang may
kasama na ako. Para hindi ako makonpronta ni sir Clyde kung nandoon man siya.

Pagkabukas ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala siya. Nag-aalala pa


naman ako baka nasa loob siya kaya hindi ko siya makita kanina.

"Cassandra, tapos ka na ba sa nakaassign sayo?"

"Hindi pa. Kailangan ko pa kasing idouble check para walang mali sa mga statements
ng boutique. Mahirap na baka madagdagan pa ang gagawin natin kapag nagkamali ako."

"Magpatulong ka na kay Brix. Para matapos mo agad. Utusan mo yung lalaking yun para
mapagod naman. Mabawi man niya yung mga late niya kapag nagagahol na tayo sa
pagaasikaso ng mga dapat ma-file. Sitting pretty lang siya ng mga nakaraang buwan.
Bawian natin "natawa ako sa sinabi niya. Kahit kailangan talaga para silang aso't
pusa.

"Ikaw talaga. Lagi mo na lang ginaganyan si Brix. Maaasahan naman siya pero late
lang nga." Bumukas ang pinto at pumasok na ang tatlo.

"Wow himala! Ang aga ng isa dyan. Magpamisa na ba kami para magtuloy tuloy na yan?"

"Ang aga aga nang-aasar ka na Kim. Huwag mong usugin at baka bumalik sa dati."

"Isa ka pa Hanz. Akala ko ba kakampi kita? Nang-aasar ka na rin sa akin." sabi ni


Brix. Siya na naman ang masuwerteng taong aasarin buong araw.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan,pare. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki"


pang-aasar ni Hanz.

Natawa ako sa banat ni Hanz. Minsan lang siya bumanat pero nakakatawa. Narinig ko
ring tumatawa yung dalawa.

"Ang ganda talaga ng bungad niyo sa akin. Ramdam na ramdam ko. Kainis!"

Tinigilan na nila ang pang-aasar kay Brix. Kahit hindi madaling mapikon si Brix
pero alam namin kung kailan titigil. Ganito kami lagi. Kulitan muna bago magtrabaho
para maganda ang mood namin.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit. Alas nuwebe na pala ng umaga. Nag-inat
ako dahil mag-isang oras na akong nakaupo. Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.
Tumayo naman si Laurel para buksan. Nakita namin si Sarah na pumasok at may
hinahanap. Napatingin siya sa gawi ko at nang makita niya ako ay lumapit siya sa
akin.
"Cassandra pinapatawag ka ni sir. Pumunta ka daw sa office niya ngayon." Bumalik na
naman ang kaba sa dibdib ko.

Ano ng gagawin ko nito?

Chapter 14
Salamat sa mga taong nagbabasa ng story ko. Sa mga votes niyo sa bawat chapters at
pagfollow niyo po sa akin. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya at lalong lalo na
kapag nababasa ko yung mga previous comments ng ilang readers ko. Naiinispire pa
akong magsulat. Maraming salamat sa inyong lahat.

Do vote,comment and follow me.

*******************
Naglalakad na kami ni Sarah papunta sa office ni sir Clyde. Kanina ng sabihin
niyang pinatatawag ako ay may kutob na ako kung bakit niya ako pinapatawag. Siguro
nga kahit anong pag-iwas ko na makaharap siya ay makakagawa pa rin si sir Clyde ng
paraan para magkaharap kami.

Nilingon ko si Sarah sa aking harapan. Mas nauuna kasi siya kesa sa akin. Kailangan
ko siyang makausap kung para saan ang pagpapatawag sa akin.

"Sarah, bakit daw ako pinapatawag?" Tumingin siya sa akin.

"Hindi ko rin alam, Cassandra. Basta ang sabi niya lang puntahan kita at sabihing
pinapatawag ka niya. Baka naman may itatanong lang sayo." Sabi niya.

Siguro nga. Sa lahat ba naman ng mga messages at tawag niya noong isang araw
talagang kakausapin ako at may kutob na akong alam niya na alam ko na siya yun.

Nakarating na kami sa private elavator na papunta sa office ni sir. Tumigil kami ng


nasa harap na kami ng pinto niyo. Humarap si Sarah sa akin para makapagpaalam.

"Cassandra hanggang dito na lang ako. Ikaw na lang ang dumeretso sa office ni sir.
May inuutos pa kasi siya at kailangan kong gawin yun"

"Ok lang, Sarah. Salamat sa pagsama sa akin hanggang dito." Pero sa isip-isip ko ay
gusto kong hatakin siya para samahan ako sa office. Kahit man lang ilang minuto
lang ay may makasama ako sa pagharap kay sir Clyde.

Umalis na si Sarah. Tinatanaw ko pa rin siya hanggang lumiko na siya marahil ay


doon banda ang papunta sa table niya. Napabuntong-hininga ako. Ako na lang talaga.
Pumasok na ako sa loob at naramdaman kong umaandar na ang elavator.

Ilang minuto ay nagbukas na ang pinto ng elavator. Lumabas na ako at nagsimula ng


maglakad. Natanaw ko na ang pinto ng office niya. Habang palapit ako ng palapit ay
parang may tambol sa dibdib ko. Ito na talaga.Wala ng atrasan to. Kumatok na ako at
narinig ko ang boses niya.

"Come in." Naalala ko kasi na ayaw niyang pumapasok agad kapag hindi pa niya
sinasabi.

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at may
pinipirmahan na mga dokumento. Sinarado ko ang pinto at nanatili akong nakatayo
lang sa pwesto ko. Napagmasdan ko ang itsura niya mula sa aking kinatatayuan.
Nakasuot siya ng long sleeve na polong kulay puti at nakabukas ang dalawang butones
nito. Messy style yung buhok niya at nakasuot siya ng reading glass.
"Tapos ka na bang titigan ako." Narinig kong sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.
Paano niya nalaman na tinitingnan ko siya?

"Ok lang sa akin kahit titigan mo ako buong araw. Mas maganda na yun kesa iwasan at
pagtaguan ako hindi ba?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun?
Nakita niya ba ako kaninang umaga kaya nasasabi niya ito sa akin.

"Wala ka ba talagang balak magsalita, Sandra?" He sighed. He took off his glasses
and stared at me.

Hindi ko sinalubong ang tingin niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Ayoko
siyang tingnan dahil nagi-guilty ako. Kahit busy siya ay nakuha pa niyang tingnan
ang lagay ko at pumunta pa siya sa apartment ko tapos ako nakuha ko pang iwasan at
taguan siya.

Binaba niya yung pen na ginagamit niya kanina at tumayo siya. Nakita kong papunta
siya sa direksyon ko kaya yumuko ako para hindi niya makita kung gaano ako nahihiya
sa ginawa ko kaninang umaga. Hindi ko man alam kung paano niya nalaman yung
pagtatago ko pero alam kong may epekto iyon sa kanya.

"What's wrong, Sandra? Why can't you look at me? Did I do something that you didn't
like?" Umiling ako sa sinabi niya. Bakit ganito ka umasta,Clyde! Dapat magalit ka
sa akin! Ginawa kitang tanga sa kakahintay but you still used your gentle voice.
Gusto ko man sabihin lahat ng nasa utak ko pero walang lumalabas sa bibig ko.

"May nagawa ba akong kinagalit mo? Sabihin mo naman sa akin para makahingi ako ng
tawad." Umiling ulit ako. Naramdaman kong nangingilid na ang mga luha ko. Hindi ito
ang inaasahan kong gagawin niya.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito. Yung pinipigilan kong mga luha ay unti-
unti ng bumagsak ng makita ko ang mukha niya.

"Why are you crying, Sandra?" He wipe my tears but I can't stop my tears to fall.

"W-Why?" At last ay nakuha ko ng matanong ito sa kanya.

"Why? Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit ka ganyan! DAPAT GALIT KA SA AKIN! HUWAG MO AKONG ITRATO NG GANITO NA PARANG
WALA AKONG KASALANAN SAYO! Mas matatanggap ko pang sinisigawan mo ako kesa sa
pinapakita mo ngayon." I hid my face with my hands because I don't want him to see
me crying more than I cried before.

I felt that he put his arms around me then embraced me tightly.


"Stop crying now, Sandra. I told you that I don't wanna see you cry
again,remember?" I nodded.

"I know that you already knew who was the girl that I was talking about yesterday."

"She was m-me."

"Yes and don't worry I'm not mad at you. So please stop crying." Tiningnan ko siya
at nakita ang pag-aalala sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi para
ilapit sa mukha ko.

"Hindi ka talaga galit? Sabi mo kasi sa text mo, galit ka na sa akin." Then I saw
him smiled.

"Nasabi ko lang yun dahil hindi ko alam kung nasaan ka at kahapon na makita kita
nawala na ang galit ko dahil ayos ka lang" I finally smiled.

Nakayakap pa rin siya sa akin. Komportable ako sa kanyang mga braso at ayoko ng
umalis pa.
"Ok ka na?" Tumango ako kaya ineexpect ko na tatanggalin na niya ang kanyang mga
braso pero lalo itong humigpit. Hindi naman sobrang higpit na hindi na ako
makakahinga, parang mas pinalapit niya lang ako sa kanya.

"Bago ko pala makalimutan. Hindi mo na naman sinunod yung mga rules ko, Sandra" he
smirk at me. Parang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.

"You will punish me again?" He nodded. Ok lang sa akin kung mapaparusahan ako pero
huwag sana katulad noon.

"Syempre kailangan kong parusahan ang secretary ko for being unobedient lady to her
boss. Kailangan mo ring bumawi sa paghihintay ko sayo ng apat na oras sa bahay mo"
kinabahan tuloy ako sa klase ng ngiti niya na may naisip na naman siyang ipaparusa
sa akin.

"Ok..."

**************
Nakapangalumbaba na ako sa table dahil nabobore na ako. Sa lahat ba naman na naisip
ni sir Clyde na parusa ay ito pa. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya
napatingin ako sa gawi niya.

"Bakit ka nakasimangot dyan?" Nagtatanong pa siya. Ang parusang binigay lang naman
niya ay maghawakan kami ng kamay buong araw. Naglagay pa nga siya ng isa pang upuan
sa tabi ng upuan nito para daw mas mahawakan ko ang kamay niya. Nag-aalala pa nga
ako dahil hindi siya makakapagtrabaho ng maayos kaso sabi niya ok lang daw.

Ang trabaho ko lang ngayon ay iabot ang mga files na kailangan niya na nakalagay
malapit sa akin tapos wala na. Kaya nga nababagot na ako kung nasa office lang ako
marami na akong matatapos.

"Hindi naman ako nakasima-"


nakarinig kami ng tunog at napahawak ako sa tiyan ko. Napatingin rin ito sa akin at
natawa.

"Gutom ka na pala, bakit hindi ka nagsasabi?" Kinuha niya ang cellphone nito at may
tinawagan.

"Sarah,magorder ka ng lunch for 2 at dalhin mo rito sa office ko." Binaba na niya


ang tawag at tumingin sa akin.

"Sir Clyde talaga bang ganito tayo buong araw?"

"Sir? Ang sabi ko huwag mo akong tatawaging sir kapag tayo lang. At sa tanong mo
naman ay oo. Ganito lang tayo buong araw" seryoso lang talaga siya.

Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya at wala na naman akong magawa. Tiningnan ko
na lang ang magkahawak naming kamay. Maliit ang kamay ko kumpara sa kanya but it
feels like it fit together. Mas maputi ang kamay ko sa kanya at napansin kong
malambot rin ang kamay nito. Nakakainggit.

Hinarap ko yung kamay niya at napansing may konting balahibo siya sa kamay. Nang
mapalingon ako kay Clyde ay nakatingin na siya sa akin.

"B-Bakit?" Nahuli niya akong tinitingnan ang kamay nito.


"Nothing. I just found out that your hand is fit with mine and I know that you
noticed too." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Naramdaman kong inangat niya ang kamay naming dalawa kaya napatingin ako sa kanya.
Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

"Huwag kang mahiya sa mga ganitong simpleng bagay,Sandra. Ito pa lang ang kayang
kong gawin kapag kasama kita. Lagi kong sinasasabi sayo na akin ka lang pero sa
oras na bigyan mo na talaga ako ng karapatan sayo, hindi ko na mapapangako na
makakapagtimpi at makakatiis pa ako na hindi ka halikan katulad noon."

Chapter 15
Happy 10k guys!!! Kagabi ko lang nakita na umabot na pala ng ganon karami ang
nagbabasa nito. Kaya naexcite akong mag-update kahit wala pa sa plano ko dahil
marami pa akong ginagawa. Check my other stories if you like.

My Snobbish Heart- Teen Fiction

The Black Archer- Fantasy

Mas mahaba ng konti itong naupdate ko kasi gusto kong magpasalamat sa inyo. Can I
have a favor? Pwede bang madagdagan ang mga comments na nababasa ko sa story na
ito? Mas ginaganahan kasi akong magsulat kapag nababasa ko yung mga feedbacks niyo.
:)

Do vote, comment and follow me.

**************

Wala ni isa sa amin ang gustong putulin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Bigla na lang nawalan kami ng pwedeng sabihin. Nang sabihin ni Clyde iyon ay hindi
ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Nakatitig lang siya na parang
naghihintay ng kahit anumang gawin o sabihin ko sa sinabi niya pero wala siyang
nakuhang sagot mula sakin.

Napabuntung-hininga na lang siya at bumalik sa ginagawa niya. Inabala ko na lang


ang sarili ko sa pag-aayos ng mga files at documents niya sa mesa. Habang nag-aayos
ako ay may pumasok na tanong sa utak ko. Ano ba dapat ang sabihin ko sa kaniya
kanina?

Mukhang nadismaya siya sa inasal ko. Hindi ko naman siya masisisi kung ako man ang
nasa katayuan niya at sabihin ko iyon sa ibang tao. Mag-eexpect talaga ako na
reaksyon sa taong iyon. Ano ba kasi ang magagawa ko? Nablanko ang utak ko. Anu-ano
kasi ang sinasabi niya na first time kung sabihin sa akin ng ibang tao kaya wala
akong alam na gawin kundi ang tumahimik.

Tumingin ako sa gawi niya. Blanko lang ang expression ng mukha niya. Ako ba ang
dahilan kung bakit siya ganyan? Hindi ako sanay sa inaasal niya ngayon. Hinayaan ko
na lang at bumalik na lang sa ginagawa ko. Wala rin naman akong alam kung paano
makakabawi sa kanya.

May narinig akong kumakatok sa pinto. Nagkasabay kaming tumingin sa pinto at ng


mapansin ko ito. Ako na ang unang yumuko dahil hindi ko naman kilala kung sino ang
kumakatok.

"Sir, I brought the lunch that you ordered." Si Sarah pala. Oo nga pala hindi pa
kami naglunch at gutom na ko. Nahatak ni Clyde ang kamay ko ng may kinuha siyang
nalaglag na files sa mesa niya. Hassle talaga kapag may kahawakan ka ng kamay kapag
may ginagawa ka. Wait! Hindi pwedeng makita ni Sarah na magkahawak kami ng kamay ni
Clyde. Malaking gulo ito! Nang makuha na ni Clyde yung mga nalaglag ay balak na
nitong papasukin si Sarah.

"Come-" hindi natuloy ni Clyde ang sasabihin niya ng takpan ko ng bibig niya ng
kamay ko.

"Huwag mo siyang papapasukin!" Mahina lang ang boses ko baka marinig ni Sarah sa
labas. Nakita kong parang nagulat siya. Bakit ganon ang reaksyon niya? Napansin
kong hindi ko pa pala natatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"S-Sorry..." Kumunot ang noo nito sa inasal ko.

"Bakit ayaw mong papasukin si Sarah?"

Inangat ko ang kamay namin."Hindi niya dapat makita ito. Baka ano ang isipin niya."

"Ano ba ang iisipin niya? Hawak ko lang naman ang kamay ng future girlfriend ko.
Ano ba ang mali sa ginagawa natin?" Hindi talaga ako masasanay sa mga pinagsasabi
niya. Seryoso ang usapan namin bigla niyang ipapasok ang girlfriend thingy na yan.

"Basta hindi niya dapat makita tayo sa sitwasyong ito. Hindi mo naman ako
girlfriend tapos makikita niya tayong ganito. Ano iisipin niya sa akin!" Naiinis na
ako sa kanya.

"Sagutin mo na kasi ako para wala ng problema." Seriously!? Hindi nga siya
nanliligaw tapos sagot agad ang gusto niya. Wala pa man kaming isang linggong
magkakilala tapos ganito siya umasta. Kaya nga hindi ako naniniwala sa mga sinasabi
niya kahit boss ko pa siya. Hindi ako magpapadala sa kanya.

"SIR CLYDE, hindi po ako katulad ng ibang babae na sasagutin ang isang lalaki na
kakakilala pa lang niya at maging girlfriend nito ng ganun-ganon lang. Kaya sir
kung laro lang po ito sa inyo pwede bang tigilan niyo na lang." Dineretsa ko na
siya para malaman niya na hindi niya ako madadala sa kung ano mang laro ang gusto
niya.

"So iniisip mong laro lang to!? Sa palagay mo ba sanay ako sa ganitong sitwasyon.
Yung taong gusto mo na sobrang lapit lang pero hindi mo man lang maangkin. Hindi
ako sanay ng ganito, Sandra. Ikaw pa lang ang babaeng kaya kong hintayin kahit
gaano katagal basta alam kong akin lang siya sa huli. At matagal na rin kitang
kilala." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko rin narinig ang huling sinabi niya
dahil ang tumatak sa utak ko na kaya niya akong hintayin. Magtatagal kaya siya?

"Can I court you?" He said while staring at me.

Kaya ko bang sumugal? O palagpasin ang isang taong unang nagpakita sa akin ng
interes? Sasagot sana ako ng marinig ulit namin ang katok ni Sarah.

"S-Sir Clyde.... Nandyan po ba kayo?" Iniwas ko muna ang tingin ko kay Clyde dahil
hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa kanya.

"Sarah, put it in the kitchen and you may go." Narinig kong nagsimula ng maglakad
si Sarah mula sa likod ng pinto. Ilang sandali lang ay kumatok ulit si Sarah.

"Sir nalagay ko na po. Aalis na po ako."

"Thank you, Sarah."


Tumayo si Clyde at tumingin sa akin. "Kumain na tayo."

Sumunod na rin ako kasi hawak pa rin niya ang kamay ko. Nang makapunta kami sa
kusina ay nakalagay na sa mga pinggan ang mga pagkain na dala ni Sarah. Isinalin na
siguro niya. Kumuha na kami ng pinggan at umupo na.

Tiningnan ko ang mga pagkain. Natakam ako dahil seafoods lahat ang mga binili ni
Sarah. Bibitaw na ako sa pagkakahawak kay Clyde ng higpitan nito ang pagkakahawak
sa kamay ko.

"What are you doing?"

"Bibitaw na. Kakain na tayo." Nagtry ulit akong alisin ang kamay ko sa kamay niya
kaso ayaw niyang bumitaw. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"We will stay like this while eating that's our deal remember?"

"But-"Paano ako kakain nito. Kaliwang kamay lang ang pwede kong magamit kaso hindi
naman ako kaluwete. Siya makakain ng maayos. Alam naman niyang gutom na ako,
pinaparusahan ba niya ako sa mga nasabi ko sa kaniya kanina?.Unfair naman
siya.Favorite ko pa naman yung mga pagkain.

Wala na akong magagawa kaya nagsimula na rin ako kumain. Sa bawat kuha ko ng ulam
may mga natatapon na sauce sa mesa. Kapag sumusubo naman ako ng kanin sobrang
kakaunti lang. Hindi ako mabubusog nito.

Ang dami pa ang hindi ko natitikman, gusto ko pa naman matikman lahat. Tiningnan ko
si Clyde. Ganado siyang kumain.Tiningnan ko naman ang pinggan niya at malapit ng
maubos. Samantala yung sa akin hindi pa nangangalahati.

"Clyde,sige na... Bitawan mo muna yung kamay ko. Para makakain ako ng maayos.
Please..." Tumingin siya sa akin. Please pumayag ka na! Alang-alang sa seafoods na
nasa mesa. Pumayag ka na!

"No..."Bumalik na ulit siya sa pagkain. Ano ba ang dapat kong gawin para payagan
niya ako? Ilang minuto na lang at matatapos na ang lunch break. Panigurado susunod
si Clyde sa oras. He is strict and I'm sure that he also follows his rules when it
comes of break hours. Baka hilahin na lang ako nito kahit hindi pa ako tapos
kumain.

"Ano ba ang dapat kong gawin para payagan mo ko?" Tumigil siya sa aktong susubo at
ibinaba ang kutsara niya.

"Kahit anong gawin mo,Sandra. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. Pero kung
gusto mo talagang makakain ng maayos...may alam akong pwedeng gawin natin." He
smirked and I had the feeling that I would not be happy for his proposal.

"Ano iyon?"

"Susubuan kita. Ano papayag ka?" Sabi na nga ba wala talagang masasabi si Clyde na
hindi papabor sa kanya.

"Bilisan mong mag-isip at malapit ng matapos ang lunch break. Alam mo naman na
kahit ako ang CEO ng company na ito ay sumusunod ako sa mga rules na binibigay ko
sa mga employees ko. Ang sarap pa naman ng mga pagkain, SEAFOODS. Sino kaya ang may
favorite nito?" Kunyari pa ito. Alam ko naman na alam niyang favorite ko iyong mga
pinaorder niya. Nagmamaangan pa. Panigurado binasa niya ang profile ko kaya may
alam siya tungkol sa akin. Number ko nga nakuha niya, ito pa kaya ang hindi niya
malalaman?
"Fine.." Inabot ko sa kanya ang kutsara ko at tinanggap naman niya. Na-eexcite
tuloy akong matikman yung nilalagay niya sa kutsara.

"Open your mouth, Sandra" Sinunod ko siya at ng matikman ko ito ay lalo akong
nagutom.

"Isa pa?"Tumango ako. Kahit nginunguya ko pa ang kakasubo niya lang. Naglagay ulit
si Clyde at isinubo na naman sa akin. Napangiti ako. Ang sarap talaga. Saan kaya
ito binili ni Sarah? Matanong nga siya mamaya.

"Hindi ko pa natitikman ito kaya itry ko rin." Ang sabi niya. Akala ko papalitan
niya ang kutsara ko sa kutsara niya kaso hindi man siya nagpalit. Nakita kong
napatango ito habang ngumunguya.

"Masarap nga pero lalo itong sumarap dahil galing ito sa bibig mo." Natigilan ako
sa sinabi niya. I can't believe he said that. I read a lot of romance books so I am
familiar with the styles of male protagonist who interacting with his lover but I
am not prepared that Clyde would do this with me. We had done an indirect kiss
again but this time he vulgarly said it infront of me!

"Hey! What are you thinking of? You just spaced out?" he said.

"N-Nothing..." Sinubuan niya ako ulit. Kahit naiilang na ako ay hindi ko na lang
siya pinigilan sa ginawa niya.Parang normal lang sa kanya yung sinabi niya. Hindi
man lang siya natigilan ng sabihin niya. Kahit kailan talaga ay hindi ako masanay
sa mga sinasabi niya.

"Sandra,masarap rin ito. Tikman mo, sigurado magugustuhan mo."

"S-Sige..." Nawala na ang focus ko sa mga pagkain at nawalan na ako ng gana.


Nakakain na naman ako kaya hindi na ako masyadong gutom. Sinabi ko sa kaya na busog
na ako. Naramdaman siguro ni Clyde na may mali kaya tumingin siya sa akin.

"May problema ba,Sandra?"

"W-Wala naman. Nabusog na talaga ako. Hindi naman kasi ako malakas kumain kaya
ipagpatuloy mo na lang ang pagkain mo. Huwag mo akong intindihin." Ngumiti ako para
hindi na siya mag-usisa.

Natapos na rin siya kaya pinagtulungan na naming ligpitin ang mga pinagkainan
namin. Babalik na kami sa office ng tumigil si Clyde sa paglalakad kaya napatingin
ako sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.Will you let me court you, Cassandra?"

Chapter 16
Sobrang natawa ako sa mga comments ng iba. Ito po ang pambawi ko sa mga readers ko.
Comment po ulit at magvote.Sorry kung may wrong grammar kasi hindi ko na
nacheck.Enjoy reading.

My Snobbish heart-Teen Fiction

The Black Angel- Fantasy

Do vote, comment and follow me.


****************

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng huling makita ko si Clyde. Hindi na siya
biglang sumusulpot sa office o hindi naman ay ipapatawag ako kay Sarah. Inisip ko
baka binigyan niya ako ng space para makapag-isip sa itinanong niya noong huling
pagkikita namin. Dapat masaya ako kasi finally matatahimik na rin ako kahit ilang
araw lang kaso wala yata sa vocabulary niya ang hindi tumigil na magparamdam sa
akin.

Flashback

"Will you let me court you, Cassandra?"

Nakita ko sa mga mata niya na gusto na niyang marinig ang magiging sagot ko. Kaso
meron pa rin akong doubt na baka katulad lang siya ng iba. Mapaglaro sa mga babae.
Ayokong maging padalos-dalos sa magiging desisyon ko at baka ako rin ang masaktan
sa huli.

Napabuntong-hininga ito at ngumiti. "You don't have to answer me right away but I
hope that you can give me your answer when I see you again."

Kinabukasan, ang unang taong nakita ko sa pinto ng office ay si Kim. Mukhang may
hinihintay siya pero ng makita ako ay bigla na lang niya akong hinatak para pumasok
na sa loob. Kami pa lang ang tao. Pero nagtaka ako kung bakit ang aga niya?

"May hindi ka sinasabi sa amin,Cassandra!"

"Ha? Ano bang yang sinasabi mo?" Hindi siya nagsalita at lumapit sa isang mesa at
may kinuha.

Pagkalapit niya sa akin. Ang hawak niya ang nakakuha ng atensyon ko. Isang malaking
rosas na kulay pula.

"Wow! Ang ganda naman ng rose na yan. Saan mo nabili?" Nakakatuwa naman. Ngayon pa
lang ako nakakita nito.

"Seryoso ka ba sa tanong mo, Cassandra!? Bakit ako bibili ng ganitong bulaklak na


alam kong mahal at wala naman akong paggagamitan."

"Bakit may ganyan ka?" Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Hay naku! Ang slow mo naman. Hindi sa akin ito kundi sayo. Pagkapasok ko kanina ay
nakita ko ito." Kinuha ko ito kay Kim. Sino ang magbibigay nito? Sabay pa kaming
napalingon ng dumating sila Laurel at Hanz. Wala na naman si Brix.

"Wow! Kanino galing yan,Cassandra?" Lumapit na sa amin si Laurel.

"Kanina ko pa gustong alamin, Laurel. Cassandra, may card na kasama yan. Baka
malaman mo kung sino ang nagbigay."

Nakita ko yung card at binasa.


A beautiful rose for my beautiful lady.

Love,
CGV

"CGV?" Hindi kaya si Clyde ito? Hindi pwede nilang malaman. Ayoko munang may
makaalam ng tungkol sa amin.
"Kilala mo ba,Cassandra?"

"Hindi. Baka nagkamali lang ang naglagay nito. Itatabi ko na lang muna baka balikan
ng kung sinuman ang naglagay."

Hindi na sila nag-usisa pa kaya napanatag ako. Huwag na sanang maulit ito.

Flash end

Yung hinihiling kong huwag mangyari kaso naman ayaw talagang makisama ni Clyde at
inulit ba naman kahapon yung paglalagay niya ng rosas. Hindi na talaga ako
tinantanan ng tanong ng mga kasamahan ko.

Mabuti na lang at nalusutan ko yung mga pagtatanong nila. Kaya ngayon naman kami
ang magtutuos ni Clyde. May trabaho rin ngayon ako sa kanya kaya masasabi ko na ang
sagot ko. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan.

Kumatok na ako sa pinto para malaman ni Clyde na dumating na ako. Wala naman
sumasagot mula sa loob kaya binuksan ko. Walang tao. Nasaan siya? Lumabas na muna
ako at hinanap siya.

Nakarating ako sa living room pero hindi ko pa rin siya makita."Sandra?" Tumingin
ako sa direksyon kung saan ko narinig iyon at finally nakita ko na siya.

"Cly-" nanlaki ang mata ko ng makitang topless siya! Katatapos lang niyang
magshower. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang katawan niya. Mula sa kanyang mukha ay
bumaba ang tingin ko sa dibdib niya at nakita ko rin ang abs niya. Alaga sa gym
ito.

"Are you done on checking me out?" He smirked when he caught me staring at his
body.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. "Hindi mo na kailangan magnakaw ng
tingin. Pwedeng pwede mo naman hawakan." Inilapat niya ang kamay ko sa dibdib niya
pababa sa abs niya kaya hinatak ko bigla ang kamay ko.

"B-Bakit mo i-iyon ginawa!" Panigurado sobrang pula na ng mukha ko.

Narinig ko siyang tumawa ng malakas.Pinaglalaruan niya ba ako?

"I'm sorry but I can't help myself to tease you." Nakakatawa pa siya ngayon pero
kapag nasabi ko na sa kanya ang gustong kong sabihin baka kahit ngiti lang hindi
niya magawa.

"Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa office para hindi ka na napagod na maghanap
sa akin?"

"May kailangan kasi akong sabihin sayo." Napakunot-noo siya sa sinabi ko

"Ano yun?" Wala ba siyang balak magbihis?

"May sagot na ako sa tanong mo" natigilan siya at ngumiti. Umupo kami sa sofa at
hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

"I will let you court me" Niyakap niya ako. Sobrang saya niya talaga na pinayagan
ko siya.

"You will not regret giving me a chance,Sandra."


"Clyde, there is one condition that I want you to agree to it" here it comes..

"I want my contract with you to be void"

"WHAT! Sandra, hilingin mo na ang lahat huwag lang yan. Hindi ako papayag!" Sabi na
nga ba ganito ang magiging reaksyon niya.

"Clyde,pinayagan kita sa gusto mo at sana naman ganon ka rin. Hindi ko hahayaan ang
sarili ko na nakatali sa isang kontrata na limitado lang ang galaw ko lalo pa na
nanliligaw ka. Akala mo ba na hindi ko napansing kakaiba yung kontratang pinapirma
mo!"kanina galit siya pero ngayon hindi na makatingin ng deretso sa akin. Para
siyang isang bata na nahuling gumawa ng kalokohan kaya hindi makatingin sayo.

"What are you talking about? All of my past secretaries also signed in that same
contract then what makes it different from them." Ayaw niya talagang umamin.

"So pwedeng kong tanungin si Sarah kung may pinirmahan siya katulad ng sa akin?
Sabi mo lahat ng mga secretary mo pumirma. Sigurado siya din may alam nito kaya
tatawagan ko muna ang SECRETARY mo para makompirma ko,hindi ba?" Kinuha ko na ang
cellphone ko kaso inagaw naman niya sa akin.

"Give it back!"

"No. Ok you got me so please stop this? I don't want anybody to know our contract
or else you would want them to know our relationship" hindi ko pa nga siya
sinasagot tapos relationship agad.

"Pumapayag ka na?"

"Fine. I don't have a choice."Napangiti ako sa sinabi niya. Ako ang masusunod sa
aming dalawa.

****************

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Pagkatapos kasi niyang pumayag nagbihis
lang siya tapos hinatak na niya ako papuntang elevator. Sabi niya sisimulan na daw
niya ang panliligaw para mas mabilis ko daw siyang sagutin. Hindi pa ba siya
nagsimula ng magbigay siya ng bulaklak? As if naman ganon lang yun. Maghirap muna
siya bago ko siya sagutin.

"Sandra ano ang gusto mo?" Kanina pa ako tumitingin sa menu kaso wala akong
makitang mura sa mga pagkain. Ayoko naman na gumastos siya ng malaki para lang sa
akin. Hindi kaya ng konsensya ko.

"Wala bang mas bababa sa mga ito. Kalahati na ng sahod ko ang bawat isa! Sana
nagjollibee na lang kami. Marami pa." Bulong ko sa sarili ko.

"Sandra huwag mong intindihin ang presyo dahil mas may halaga ka kesa sa kanila
kaya huwag mong intindihan ang gastos dahil ayokong nagugutom ang future girlfriend
ko kapag kasama ako." Namili na lang ako baka ano na naman ang sabihin niya.

Ilang sandali lang ay dumating na rin inorder namin. Nakakatakam ang amoy ng
pagkain kaya bigla akong nagutom.

Pinatong ko ang isang kamay ko sa mesa habang hinahalo ang sauce ng pasta. Nang
maramdaman kong hinawakan ni Clyde ang kamay ko. Nakita ko siyang busy rin sa
paghahalo ng pasta niya pero nakita kong nakangiti siya. Ang hilig niyang hawakan
ang kamay ko.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya hinanap ko kung sino. Napatingin ako sa
isang mesa. Isang grupo sila. Tatlong babae at dalawang lalaki. Ang sama ng tingin
sa akin ng mga babae. Ano ang problema ng mga yun? Nakita kong kinindatan ako ng
isa sa mga lalaki kaya umiwas na ako ng tingin.

Nakatingin pala sa akin si Clyde. Tumingin siya sa mga iyon at bumitaw sa kamay ko.
Pumunta siya sa grupong iyon. Anong gagawin niya? Nakita kong may sinabi siya at
natigilan ang mga ito. Hindi nagtagal ay bumalik na rin sa table namin.

"Ano ang sinabi mo sa kanila at bakit ganon na lang ang reaksyon nila?"

"They will not staring at you again" ano ba ang sinabi niya?

"What did you do,Clyde!?" Tumingin siya at kinuha muli ang aking kamay.

"Hindi ko hahayaang tingnan ka ninuman at makita kung ano ang nagustuhan ko sayo
para wala ng magtangka pang manggulo sa panliligaw ko sayo. Huwag mo na lang silang
pansinin basta ang mahalaga tayong dalawa."

Chapter 17
Welcome sa mga bagong followers at readers ko. Sa mga nag-add ng story ko sa mga
reading list nila. Thank you. :)

Pwedeng bang humingi ng request? 25+ comments for this chapter? Para malaman ko
kung sino ang mga active readers ko. Enjoy this chapter.

My Snobbish heart - Teen Fiction

The Black Angel- Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*****************

Natapos na rin ang filing ng mga statements na dapat na maipasa sa head namin. Sa
sobrang busy ko ay hindi ko man namalayan na ilang araw ko na pala na hindi siya
nakikita. Ngayon ko lang naramdaman na parang may kulang sa araw ko.

Kahit kasama ko ang mga kaibigan ko ay hindi nito maibsan ang nararamdaman ko.
Ngayon wala na kami masyadong ginagawa kaya mas marami akong oras para mapansin ang
lahat ng nasa paligid ko.

"SA WAKAS AY NATAPOS NA RIN!" Napatingin ako kay Brix ng sumigaw siya.

"Huwag ka ngang sumigaw dyan at nakakaistorbo ka sa kabila. Baka sitahin pa tayo sa


lakas na boses mo!"

"Huwag ka ngang kj, Laurel. Masaya lang ako at natapos na ang paghihirap natin.
Ilang araw rin na gahol tayo sa pag-aasikaso sa mga naka-assign sa atin"

"Huwag mo kaming idamay dyan sa pagiging gahol mo sa mga ginagawa mo. Hangga't
hindi pa kasi malapit ang deadline ay hindi mo pa sisimulan." Nagsimula na naman
ang bangayan. Sermon na naman ni Kim ang maririnig sa office.

"Bakit ako na naman ang nakikita mo,Kim. Hindi naman ako ang huling natapos kundi
si Cassandra. Dapat siya naman ang pagalitan mo ng hindi puro ako." Dinamay pa ako
nito. Nananahimik lang ako dito tapos gusto pa niya akong mapagalitan ni Kim.
"Huwag ka ngang nagtuturo dyan. Para sabihin ko sayo mas naunang siyang matapos
kesa sayo. Hindi mo lang napansin dahil tinuon mo na ang atensyon mo sa ibang
bagay." Sa kanya ko kasi binigay yung natapos ko dahil siya naman talaga ang
nangongolekta ng lahat tapos ibibigay niya sa head namin. Tumahimik na lang si Brix
dahil kapag sumagot pa siya mas lalong hindi titigil si Kim sa kakasermon.

"May narinig ako kanina ng mag-cr ako." Mabuti na lang at nagsalita si Laurel para
matapos na sila Brix at Kim.

"Tungkol saan naman iyan?"

"Usap-usapan na may pinatalsik daw ni sir Clyde dahil hindi daw nagawa yung inutos
niya. Hindi ko alam kung saang department siya. Ang narinig ko ay nagmakaawa daw
yung tao para huwag tanggalin kaya lang mas lalo daw nagalit si sir at pinakaladkad
sa guard palabas ng building."

"Baka naman sobrang importante ng pinapagawa sa kanya kaya ganon na lang si sir
kung magreact." Pagtatanggol ni Hanz. May katwiran naman siya at tingin ko sa ugali
ni Clyde ay hindi niya gagawin iyon ng walang dahilan.

"Basta nakakatakot pa rin magalit si sir. Lahat ng hindi sumusunod sa kanya ay


tanggal agad kaya nga kailangan nating mag-ingat kung ayaw natin mawalan ng
trabaho." Malaking kawalan sa isa sa amin kung matatanggal kami. Maayos naman ang
sahod dito at kilala pa.

"Cassandra hindi mo pa nababasa yung note dyan sa rose mo." Napalingon ako kay
Laurel at ngayon ko lang namalayan na hindi ko pa nagagalaw yung binigay niya.
Binuksan ko ito.

Waiting for someone is not my style but if it is you, I can endure everything just
to have you.

Love,
CGV

Nagulat ako ng marinig ko ang tilian nung dalawa. Hindi ko napansin na nasa tabi ko
pala sila nung binabasa ko yung note. Mas naapektuhan sila sa sinabi ni Clyde pero
aaminin ko kinilig ako. Niyuyugyog pa nila ako na akala mo sila ang sinabihan ni
Clyde.

"Sino ba yan, Cassandra!? Ang lakas makapagpakilig ng nagpapadala sayo. Parang


naiimagine ko na sobrang gwapo nyan." Tama ka sa hula mo Laurel.

"Magtapat ka nga sa amin. Hindi mo ba talaga kilala kung sino iyang nagpapadala
sayo! Bakit parang kilala ka niya" ang lakas talaga ng radar ni Kim. Si Laurel nga
hindi naisip iyon tapos siya iyon agad itinanong sa akin.

"H-Hindi nga. Kung alam ko lang sana eh di sinabi ko na s-sa inyo."


Sorry...kailangan ko lang talaga magsinungaling this time.

"Pero kapag nalaman mo na kung sino, sabihin mo agad sa amin. Para makilala namin
kung karapat-dapat siya sayo." Natouch ako kay Kim kaya naguilty ako dahil
nagsisinungaling ako sa kanila.

"S-Sige..."

*******************
Lunch break namin ngayon at napag-usapan na sa labas na kami kumain. Sa labas kasi
ng building ay maraming fastfoods na pwedeng kainan. Nauna na yung tatlong bumaba
at ang natira ay kaming dalawa ni Kim. Hinintay niya na ako dahil hindi ko pa
naaayos ang gamit ko. Nakalimutan ko kasi kung saan ko naipatong yung wallet ko.
Inilabas ko kanina kaso hindi ko naman naibalik sa bag ko kaya nag-aayos ako para
mahanap ko.

"Hindi mo pa nakikita?"

Nang maitaas ko yung mga folders sa mesa ko ay nakita ko na ito. Natabunan lang
pala kaya hindi ko agad makita.

"Nakita ko na!" Pinakita ko pa sa kanya yung wallet ko.

"Tara na at baka mainip yung tatlo sa baba. Sabi ko naman sayo na pahihiramin muna
kita kaso ayaw mo naman." Ayoko kasing nangungutang kung meron naman ako kaya hindi
ko tinanggap yung alok niya. Alam rin naman nila ang ugali ko kaya hindi na niya
ako pinilit.

Dagsa na rin ang mga sumasakay sa elevator mula sa iba't -ibang floor kaya
kailangan pa naming makipagsiksikan para lang makasakay kami.

Ilang floors rin ang dinaanan namin para makababa kami sa ground floor. Nakahinga
na ako ng maluwag dahil nakalabas na kami. Sobrang sikip at naiipit na ako sa loob
kanina. Tiningnan ko si Kim at mukhang siya rin ay ganon rin.

Naglakad na kami para makalabas na ng makita namin si Hanz at Brix. Nasaan si


Laurel?

"Bakit kulang kayo?"tanong ko sa kanila. Saan na naman nagsuot si Laurel.

"Iniwan niya kami para makipagsiksikan sa kanila." May tinuro si Brix na direksyon
at nakita ko ang daming mga babaeng nakakumpol at pinagkakaguluhan ang isang
matangkad na lalaki.

Nakasuot ito ng long sleeves na polong white at may shades din. Kahit ako ay
napatigil ng makita ko ito.

"Sino ba yan at inuna pa ni Laurel ang lalaki kesa sa pagkain." Naiinis na sabi ni
Kim. Pumunta na si Kim kung saan nagpunta si Laurel para makakain na kami. Sumama
na rin ako para mas mabilis namin makita siya.

Nagugutom pa man din kami at baka hindi kami umabot at matapos na ang lunch
break."Cassandra?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nakita kong natigilan ang lahat dahil papalapit na sa akin yung lalaking
pinagkakaguluhan nila. Bakit niya ako kilala? Nang malapit na siya ay hindi ko pa
rin siya makilala.

"Do I know you?" Tinanggal niya yung shades niya kaya nanlaki ang mga mata ko ng
makilala ko siya.

"BAKIT KA NANDITO!" Natawa ito sa reaksyon ko. Kinuha niya ang kamay ko.

"Nandito ako para sunduin ka." Sabay kindat sa akin. Bakit niya ako susunduin?

"Saan mo ako balak dalhin,Ren?"

"It's a secret so let's go?"

Napansin ko na nag-alisan ang mga babaeng kaninang pinagkakaguluhan si Ren at


tumingin ako kung saan halos nakatingin ang lahat. Nakita ko si Clyde na
nakabusiness suit na papunta sa direksyon namin.

"What are you doing here, Ren?" Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Kahit anong
expression niya bakit ang gwapo niya pa rin.

Itinaas ni Ren ang kamay ko na hawak niya at doon napunta ang atensyon ni Clyde
"Pare itatakas ko muna si Cassandra ngayon"

"Who said that you can drag her away from here?" Seryoso na ang mukha niya. Ayaw
niya akong payagan.

"We have a lunch date,right Cassandra?" Nabaling tuloy ang atensyon niya sa akin.

"Ahhh... A-Ano..." Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ako man ay walang alam sa
mga pinagsasabi ni Ren.

"Is it true, Ms. Del Rio?" Lagot na iba na yung tono ng boses niya. Ngayon na lang
ulit kami nagkita pagkatapos ng first date namin tapos ganito pa ang mangyayari.

"It's was a surprise that's why she doesn't know about this. I don't have her
number so I came here to ask her. Let's go, Cassandra."

Lumapit na sa amin si Clyde at kinuha ang isang kamay ko."Huwag mong pangunahan na
sasama siya sayo,Ren. Hindi lahat ng gusto mo ay magagawa mo kaya bitawan mo na
siya dahil hindi siya sasama sayo."

Ano ba itong napasukan ko. Parang naglalaro kami ng tug of war at ako ang ginagawa
nilang lubid. Nakakahiya na dahil marami na ang nakakapansin sa amin. Hindi pa rin
nawawala ang tensyon sa pagitan nila.

"Pwede niyo na po ba akong bitawan? Kayo na lang po ang mag-usap at aalis na kami
ng mga kasama ko para kumain."

Binitawan ni Clyde ang kamay ko pero si Ren ay hindi. "Thanks pare." Hinatak na ako
ni Ren. Hindi na kami napigilan ni Clyde ng balak pa niya ulit hawakan ang kamay ko
dahil nahila na ako ni Ren palayo sa kanya. Nadaanan pa namin yung mga kasama ko.
Nakita kong nakatingin sa akin si Kim. "Sorry..."

Nakalabas na kami ng building at dinala niya ako sa isa sa mga kotseng nakaparada.
Binuksan niya ang pinto at hindi na ako nagprotesta at hinayaan na lang siya kung
saan niya ako dalhin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makarecover sa
nangyari kanina.

*****************

Nandito kami sa kitchen at hinihintay siyang matapos. Dinala niya ako sa isang
restaurant. Akala ko ay nagpareserve siya ng table para sa amin pero dumeretso kami
sa kitchen area. Nagtaka naman ako kung bakit walang sumisita sa amin at
naliwanagan lang ako ng may makasalubong kami. Manager yata nitong restaurant.

"Good afternoon, Sir." Tumango lang siya at pumasok na kami sa loob.

Pinaupo niya ako sa isang high chair at nagsimula na siyang magluto. Nagsuot na
siya ng apron.May gusto daw siyang ipatikim sa akin kaya niya ako dinala rito.

Nilagay na niya sa pinggan. Ang bango ng amoy kaya lalo akong nagutom. Inilapag na
niya sa harap ko at ngumiti sa akin.
"Tikman mo na. It's my newly invented dish and I want you to be the first one to
try it." Sumubo na ako para matikman at siya naman ay naghihintay sa magiging
reaksyon ko.

"Ang sarap nito, Ren! Hindi ko alam na marunong ka palang magluto."

Natawa siya sa sinabi ko, "I am a chef, Cassandra and I own this place." Wow kaya
pala naging kaibigan siya ni Clyde. Mayaman rin siya.

"What is the name of this dish?" Tinanong ko siya habang pinagpapatuloy ang pagkain
ko. Bigla na lang lumungkot ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I named that dish with her name 'Angel'. I really want to see her again,
Cassandra. When I invented this dish, she was the one who I was thinking of during
that time." Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.

"Ren, kung gusto mo talaga siyang makita. Huwag mo ng hintayin ang tadhana na
tulungan kang magkrus ulit ang landas ninyong dalawa. Kung nakagawa ka ng kasalanan
ay dapat harapin mo para maging masaya ka na. Kung hindi ka pa rin niya kayang
tanggapin kapag nasabi mo na sa kanya kung ano ang nagawa mo, nandito pa rin ako
para damayan ka." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"Kung hindi lang siguro nakatali ang puso ko sa kanya, baka ikaw na ang babaeng
gusto kong makasama, Cassandra. Ikaw ang klase ng babaeng iniingatan at hindi
pinapakawalan kaya hindi ako magtataka na dumating ang araw na magkagusto ako
sayo."

Chapter 18
Treat ko sa inyo ang chapter na ito. Kahit kakaupdate ko lang ay pinilit kong
isulat ito para sa inyong lahat. Kahit hindi umabot sa comments na nirequest ko ay
salamat sa mga lagi nagbibigay ng comments nila. Sa comments niyo kasi ako
nagbabase kung ano ang susunod na mangyayari.Kung may tanong po kayo ay magmessage
lang kayo sa akin at pipilitin ko pong sagutin. Enjoy reading.

My Snobbish Heart - Teen fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

****************

Hinagis ko ang bag ko sa lamesa at pabagsak na umupo sa sofa. Tinanggal ko ang


salamin ko at ipinatong ito sa lamesa. Pinikit ko ang mga mata ko para mapahinga
ito. Habang nagpapahinga ay naisip ko na naman ang mga sinabi ni Ren.

Bakit biglang nag-iba siya? Bigla na lang siya magsasabi ng ganoon na parang
seryoso siya na mangyayari yung sinabi niya. Tingin ko naman ay imposible iyon.
Meron nga siyang hinihintay na babaeng nagmamay-ari na ng puso niya kaya sana ay
gumawa na talaga siya ng paraan para magkita na sila. He deserves to be happy and
to be free from guilt for what he had done.

Nahinto ako sa pag-iisip ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tumayo ako
para kunin sa bag ko yung cellphone ko. Pagkatingin ko kung sino ang tumatawag ay
nakita kong si Kim kaya sinagot ko.

"Hello..." Naghintay pa ako ng ilang minuto bago may sumagot sa kabilang linya.
"NAKAKAHELLO KA PA TALAGA, CASSANDRA!" Mabilis kong inilayo ang cellphone ko sa
tenga ko ng sumigaw siya. Narindi ako sa sigaw niya. Inilapit ko ng kaunti sa tenga
ko yung cellphone para in case na sumigaw siya ulit.

"CASSANDRA, nakikinig ka ba!?"

"Huwag ka kasing sumigaw! Naririnig naman kita kahit hindi ka sumigaw" tumahimik
siya.

"Saan ka nagpunta kasama yung lalaki humatak sayo kanina?"

"Sa restaurant. May nangyari ba ng umalis kami?" Hindi agad nakasagot si Kim sa
tanong ko.

"Cassandra, lahat kami ay nagulat ng bigla ka na lang hatakin ng lalaking iyon


kanina pero ang mas ikinagulat namin ng tangkain pa ni sir Clyde na hatakin ang
kamay mo para pigilan kang umalis." It made me sad that I left Clyde just like that
but I don't know what to do at that time.

"Ano bang nangyari, Kim?" Gusto kong malaman kung ano na ng nangyari kay Clyde
pagkaalis namin.

"Pagkaalis niyo ay nagtagal pa si sir sa kinatatayuan niya habang tinatanaw kayong


umalis ng building. Lahat kami ay nakatingin sa kanya dahil ngayon lang namin
siyang nakitang ganoon.Hindi ko mahulaan kung anong sunod na gagawin niya,
Cassandra." Kasalanan ko ito kung hindi sana ako sumama kay Ren hindi mangyayari
to.

"Ilang minuto rin siyang nakatayo at umalis rin pero nakita kong ang pagkuyom ng
kamay niya habang hawak niya yung brief case niya." Ano ng gagawin ko kapag nagkita
ulit kami? Mahigit dalawang linggo rin kaming hindi nagkita tapos ito pa ang
naabutan niya. Ang pagtangay ni Ren sa akin.

"Salamat sa pag-inform sa nangyari,Kim"

"Walang anuman. Kapag nagkita ulit tayo ay kailangan mong magkwento sa amin kung
anong nangyari sa inyo ng kasama mo."

"Sige." Binaba ko na. Nagkaroon na naman akong alalahanin kung paano ako
makakapagpaliwanag kay Clyde tungkol kay Ren. Pero bago ko isipin kung ano ang mga
sasabihin ko kailangan ko munang mag-isip kung paano ko siya kakausapin.

Narinig kong tumunog ulit ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay may nagtext lang
pala. Binasa ko kung sino ang nagtext.

From: 092615XXXXX
I'm happy that I spent my time with you, Cassandra. I hope this is not the last and
don't worry about Clyde. I already explained to him about us.

Si Ren lang pala. Ang akala ko naman si Clyde. Binigay ko ang number ko sa kanya
para hindi na siya biglang susulpot at para hindi rin siya pagkaguluhan ng mga tao.
Ano naman kaya ang sinabi niya kay Clyde tungkol sa amin? Huwag na sana niyang
sasabihin yung sinabi niya sa akin at tiyak na magagalit iyon.

Tiningnan ko ulit yung cellphone ko.Bakit wala man lang isang text mula kay Clyde?
Dati naman lagi niya akong tinatawagan o magtetext.

**************
Mabuti na lang at weekends ngayon. Paniguradong kalat na sa office ang nangyari sa
aming tatlo. Kung si Kim nga ay ganoon na lang magreact. Paano pa yung ibang taong
nakakita kung paano akong gawin lubid ng dalawa. Iintindihin ko muna ang sarili ko
ngayong makakaharap ko na naman siya.

Hingang malalim, Cassandra. Kaya mo to! Kumatok na ako at ng marinig kong pwede na
akong pumasok ay binuksan ko na ang pinto.

Nakaupo siya sa swivel chair at may tinatype sa computer niya. Mukhang seryoso siya
sa ginagawa niya dahil hindi man siya lumingon ng pumasok ako.

"Good morning, Clyde." Hindi man lang ito natinag at patuloy lang ito sa ginagawa.
Parang nagsalita lang ako sa hangin at hindi niya yata narinig ang sinabi ko.
Hindi naman ako pwedeng umupo na lang kung hindi niya sinasabi kaya naghintay ako
ng reply niya sa pagbati ko kahit gaano katagal abutin.

"You don't just stand there and go to your workplace." Mabilis kong tinungo ang
table ko at inayos na ang mga dapat kong gawin sa araw na ito. Inayos ko na yung
mga documents na pinapacheck niya.

"Ms. Del Rio!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Clyde. Kailan pa niyang sinimulang
tawagin ako sa surname ko?

"Y-Yes...S-Sir?" Tinawag ko na rin siyang sir dahil formal ang pakikitungo niya sa
akin ngayon.
"Type this documents and I want you to finish this exactly 10 am." Napatingin ako
sa pinapagawa niya. Mga folders na kasing taas ng isang ruler. Seryoso ba siya!?
Kahit sino ay hindi kayang gawin yung gusto niya. Tiningnan ko ang relo ko at
nakitang 8 am na. Hindi ko kakayaning itype lahat ito sa loob ng dalawang oras.

Hindi naman ako pwedeng magreklamo sa mga pinapagawa niya dahil ito naman talaga
ang dapat gawin ko bilang secretary niya. Kinuha ko na yung mga folders. Ang bigat
naman nito! Dinala ko na ito sa table ko at nagsimula na dahil mahaba-habang
pagtype ito.

Pagkabukas ko pa lang ng isang folder ay ang liit ng mga nakatype. Bakit hindi
normal ang font nito? Tiningnan ko yung iba. Pare-pareho talaga yung mga font nila.
Ang normal size para sa mga documents ay 12 bakit ito parang 9 or 8 ang size tapos
makapal pa yung mga folder.

Sinimulan ko na para may matapos at sana naman ay makagawa ako ng milagro na


matapos ko ito.

30 minutes na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako tapos sa isa. Sumasakit na yung
likod ko sa matagal na pagkakaupo.

"Ms.Del Rio, fax this and send it to Mr. Perez." Lumapit ako at inabot yung files
at mabilis na pumunta sa fax machine. Matagal tagal kasi bago macomplete yung
pagsend nito. Nang matapos na ay bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

Binilisan ko at natapos na rin ako sa unang folder. Kinuha ko na ang susunod. Ayoko
tingnan ang relo ko dahil lalo akong mapepressure. Ang sakit na ng daliri ko at
mata ko. Natapos na rin yung pangalawa. Mas kailangan kong bilisan.

"Call Sarah ang tell her to confirmed my orders to the supplier!"sabi niya.

Kinuha ko yung telephone at tinawagan na si Sarah. "S-Sarah sabi ni s-sir Clyde na


iconfirm mo d-daw yung orders niya sa supplier."
"Sabihin mo,Cassandra kay sir na naconfirm ko na kahapon. Bakit parang nauutal kang
masalita?"

"Wala lang ito. Sige sabihin ko na lang kay sir Clyde. Bye." Halos takbuhin ko na
yung table ko para makabalik sa ginagawa ko.

"Sir, she already confirmed your orders" hindi na naman siya tumingin. Bakit
nasasaktan ako sa pagbabalewala niya sa akin?

Natapos ko na yung pangatlo at may dalawa pa. This time tiningnan ko yung relo ko.
Wala ng isang oras ang palugit ko. Namamanhid pa yung mga daliri ko.

"You have to finish that because I need that files" hindi ko na lang siya nilingon
para magawa ko ito. Ngayon ramdam ko na yung pressure at naiiyak na ako dahil alam
kong imposible ko na siyang matapos.

Sana huwag siyang titingin muna sa orasan. Napatingin ulit ako sa relo at nakitang
2 minutes before 10 am. "Give me the files, Ms. Del Rio!"

"B-But s-sir hindi pa po ako natatapos" tumingin na siya sa akin at kinabahan ako
sa paraan ng pagtingin niya.

"NAPAKASIMPLE LANG NG PINAPAGAWA KO SAYO, HINDI MO PA NAGAWA, MS. DEL RIO! IF YOU
ARE LIKE THAT THEN I DON'T NEED YOU AS MY SECRETARY!" Nasaktan ako sa sinabi niya
at ramdam ko na anumang oras ay tutulo na ang mga luha ko na kanina ko pa
pinipigilan. Hindi niya na pala ako kailangan kaya hindi na dapat ako magtagal
rito. Pinilit kong huwag umiyak sa harap niya at hinarap siya.

"I-Im sorry sir that you hired a useless secretary and I think you need to hire a
new one that will fit to your standards. Thank you and Goodbye sir." Tumayo na ako
at kinuha ang gamit ko.

"W-Wait..." Lumabas na ako at nagmamadaling makapunta sa elevator para makaalis na.


Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit
ganoon na lang ang trato niya sa akin. Bigla na lang siya nag-iba. Hindi pa rin
tumitigil ang pagluha ko kahit ilang beses ko na itong pinupunasan. Ang sakit ng
nararamdaman ko ngayon.

Nang nasa tapat na ako ng elevator ay pipindutin ko na para magbukas at makaalis na


ako lugar na to ng bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likuran ko at
pinigilan ako. Alam kong siya ang yumakap sa akin kaya nagpumiglas ako para
makaalis sa pagkakayakap niya.

"Pwedeng pakawalan mo ako sir!" Hindi siya natinag at lalo pa niyang hinigpitin ang
pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko ang mukha niya sa leeg ko at marahang itong
hinalikan. Unti-unti tumataas ang paghalik niya at umabot na ito sa pisngi ko.
Ipinaling niya ang mukha ko kaya ang sunod niyang nahalikan ang labi ko. Naramdaman
ko agad ang paggalaw ng labi niya pero mariin kong pinagdikit ang labi ko para
malaman niyang hindi ko siya hahayaan sa gusto niya. Hindi ito tumigil at
naramdaman kong marahan niyang kinakagat ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay
parang may paru-paro sa tyan ko habang patuloy niyang ginagawa ito. I can't help
myself to moaned because of the pleasure and he used that chance to kissed me
entirely without stopping him.

I respond to his kisses and I heard that he moaned too. He no longer embraced me
too tightly but he made me face him. He put my arms in his shoulders then he pulled
me.

Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako kaya napakapit ako sa kanya. Hindi pa rin
kami tumitigil hanggang sa maramdaman kong umupo siya sa sofa at ako naman ay
nakaupo sa lap niya. Humiwalay ako sa kanya pero ayaw pa rin niyang tumigil kaya
hinakawan niya ang magkabilang pisngi ko at muli niya akong hinalikan kaya
nagpaubaya na lang ako. Sinusundan ko na lang ang bawat galaw niya at hindi naman
siya nagrereklamo sa paraan ng pagtugon ko sa kanya. Naghiwalay na kami at pareho
kinakapos ng hininga. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang hawak pa rin ang
pisngi ko.

"Gusto ko laging ganito lang tayo, Sandra. Walang istorbo at laging na sa akin lang
ang atensyon mo. Gusto kong malayang nahahagkan ang mga labi mo, nayayakap ka kung
kailan ko gusto at laging ako lang ang tinitingnan mo. Pasensya ka na kung
ipagdadamot kita sa iba dahil ipagdadamot ko rin naman ang sarili ko para sayo."

Chapter 19
Sa wakas nakapag-update ulit. Nagawa ko pang makapag-update kahit may exam ako
mamaya kasi ganyan ko kayo kamahal. Sana habaan niyo pa ang pasensya niyo kung
hindi ako makapagupdate regularly kasi graduating ako ngayon at marami akong
inaasikaso kaya sana pagpasensyahan niyo na kung matagal. Babawi na lang sa mga
next update ko. Don't forget to leave a comment and vote my story. Enjoy... :)

My Snobbish Heart - Teen fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment, and follow me.

**************

Nakatingin lang siya sa akin sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang pisngi ko at
umabot iyon sa aking labi na namumula dahil sa kanya. Nakaupo pa rin ako sa lap
niya at sobrang lapit namin sa isa't isa.

Wala ni isa sa amin ang gustong humiwalay sa pagkakalapit ng aming katawan sa isa't
isa pero ng maalala ko ang nangyari kanina bago kami umabot sa ganitong posisyon ay
inilayo ko ang mukha ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa lap niya.

"Where are you going?" I heard from him. I did not face him and I started to walk
away.

"Away from you." I don't want to see him right now.

Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Hinatak
niya ako at pinaharap para mayakap ako. Pinilit ko ulit lumayo sa kanya kaso hindi
talaga ako makaalis.

"B-Bitawan mo nga ako, Sir!" Hindi na ako magpapadala sa mga ginagawa niya. Akala
niya ba na ok na kami. Kahit hinayaan ko siyang halikan ako at tumugon sa mga halik
niya ay hindi nito maiibsan ang sakit na naramdaman ko ng sigawan niya ako at
iparamdam na wala akong silbi sa paningin niya.

"P-Please don't leave me..." Narinig kong sinabi niya. Bakit tayo umabot sa ganito,
Clyde?

"Why..." I finally said to him. There should be a reason why he acts this way.

Umigpit ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi pa rin siya nagsasalita. Bakit
ayaw mong magsalita, Clyde!
"Clyde if you can't give me a reason why should I not leave you then you don't have
a choice to let me go..." Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya pero hindi
pa rin niya ako binibitawan.

Tiningnan ko siya pero hindi siya makatingin sa akin. "Hindi mo ba ako bibigyan ng
reason kung bakit bigla ka na lang hindi mamamansin t-tapos b-bigla ka na l-lang
magagalit at m-maninigaw." Bumalik na naman sa akin yung pakiramdam na sigawan niya
ako kanina. Excited pa naman akong makita siya tapos ito lang pala ang mapapala ko,
ang masabihin niya na hindi niya na ako kailangan.

"Sorry, Sandra sa mga sinabi ko sayo kanina. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos.
Nang makita kita kanina na masaya ay naalala ko na naman na hindi ko nagawang
makuha ka kay Ren. Na hinayaan ko lang makuha ni Ren ang pinakaimportanteng tao sa
buhay ko ngayon. Tapos mukhang nag-enjoy ka pang kasama siya kaya hindi ko
napigilang maghigpit sayo" pinunasan niya ang luha ko na hindi ko na pala
namalayang lumuluha na ako.

"Bakit hindi mo na lang tinanong sa akin kung ano ang dahilan ko kung bakit masaya
ako"

"Ayokong marinig mula sayo na mas masaya kang kasama ang ibang lalaki kesa sa akin.
Alam mong ayokong may kahati sayo kaya nga mas ok na wala akong alam para matanggap
ko na hindi ko pala kayang ako lang ang makapagpasaya sayo" hindi niya naman
kailangang makipagkompetensya sa iba dahil siya lang naman ang lalaki sa buhay ko.
Ngayong alam ko na ang dahilan niya at napatawad ko na siya.

"Hindi mo talaga gustong malaman, Clyde?"

"Ayoko... Masaya na akong na sa akin ka na at hindi ko na ulit hahayaan na kunin ka


ulit ni REN!" Bakit may diin sa pagkakasabi niya sa pangalan ni Ren?

"Sandra, sorry for being a jerk a while ago I'm just jealous about what Ren said
last night"

"Ano ba ang sinabi niya sayo?"Naghintay ako ng sagot sa kanya ng mapansin ni Clyde
ito kaya wala siyang nagawa kundi magsalita.

"He said that he was happy to met you and spent some time with you. He also said
that you were a special girl that needs to be treasure because you were one of a
kind. He told me what you two did in your DATE and the last thing that he said that
makes me feel threaten that he likes you too."

"Don't think too much, Clyde. The reason why I am happy is because I can finally
see you again and just ignored what Ren said,ok?"

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin, Sandra para hindi na maisip ni Ren na pwede ka pa
niyang maagaw sa akin." Tingin ko ginagawa niya lang excuse si Ren para sagutin ko
na siya.

"Mag-iisang buwan ka palang nanliligaw tapos gusto mo na agad kitang sagutin?"


Nakakaisang date pa nga lang kami at hindi na nasundan dahil naging busy kami.

"Kailan mo ba akong balak sagutin?"

"Pagkatapos ng isang taon. Mahihintay mo naman ako hindi ba?"

"ISANG TAON! Ang tagal naman, Sandra. Pwede bang bukas o next week. Ok akong
maghintay ng ganoon katagal." Ngumiti pa ito na parang simple lang ang solusyon sa
problema niya.
"Hindi. Maghintay ka, Clyde o baka gusto mong basted ka na ngayon pa lang." Umiling
ito at niyakap ako.

"Ok na akong maghintay basta alam kong sasagutin ako ng babaeng kayakap ko ngayon.
Sandra, sorry ulit kanina"

"Huwag mo na lang ulit uulitin, Clyde baka next time ay hindi mo na ako maabutan at
tuluyan na akong umalis sa tabi mo."

"I will not let that happen but if it indeed happened, I will find you. Always
remember that Sandra." I nodded and I enjoy being in his arms.

*************

Nandito ako ngayon sa kusina at tumutulong sa pagluluto ng mga pagkain ng mga bata.
Pagkatapos kasi namin mag-usap ni Clyde ay hindi na kami bumalik sa office dahil
wala naman daw siya masyadong ginagawa dahil tinapos na niya ang lahat para
makasama ako. Kaya pala nawala siya ng ilang araw para asikasuhin ang mga dapat
niyang gawin. Dinala ko siya sa orphanage kung saan nagvovolunteer ako kapag wala
ako masyadong ginagawa o may free time ako.

Dapat daw ay yayayain niya akong lumabas kahapon kaso bigla daw dumating si Ren
kaya hindi na natuloy.

"Iha bumalik ka na lang sa mga bata at kami na ang bahala dito. Samahan mo yung
boyfriend mo sa labas at baka maagaw ng iba."

"Sister, hindi ko pa po boyfriend si Clyde. Manliligaw ko pa lang po siya."

"Ikaw na bata ka, pakipot ka pa at obvious naman na gusto mo rin siya kaya ano pa
ang pumipigil sayong sagutin siya?"

"Gusto ko po kasing malaman kung hanggang saan po niya ako kayang hintayin at para
mas makilala ko po siya. Ayoko pong wala man lang akong alam tungkol sa kanya"
nakitang kong ngumiti si sister at hinawakan ang kamay ko.

"Tama ang ginawa mo. Huwag mo agad ibigay ang sagot mo sa kanya kung hindi ka pa
sigurado. Nagbibiro lang ako kanina sa mga sinabi ko sayong sagutin mo agad siya
pero Sandra sa nakikita ko sa batang iyon na mabait siya at masaya ka kapag kasama
mo siya."Napangiti ako sa sinabi niya at pumunta na sa labas kung saan ko iniwanan
si Clyde kasama ang mga bata.

Habang naglalakad ay napaisip ako kung kailan ko nga ba balak sagutin si Clyde.
Hindi naman talaga ako seryoso sa isang taon at iniisip ko nga mga ilang linggo na
lang bago ko siya sagutin.

Natatanaw ko na siya at napapaligiran siya ng mga tao. Pagkalapit ko ay napakunot


ang noo ko na sa halip na mga bata ang kasama niya ay mga babaeng hindi nalalayo sa
edad namin. Kapwa ko rin silang volunteer sa orphanage at ngayon ko palang sila
nakitang nagsama sama at paligiran si Clyde.

Tumatawa pa si Clyde at mukhang nag-eenjoy sa atensyon na nakukuha. Mga bata ang


ipinunta namin at hindi mga volunteers. Naramdaman kong may humatak sa kamay ko at
pagtingin ko ay si Chloe, isang 5 years old na iniwan dito ng baby pa lang.

Binuhat ko siya at hindi naman ito tumanggi. "Bakit mag-isa ka dito, baby?

"Ayaw nila ako sali sa laro. Liit po ako." Yumakap si Chloe sa akin habang buhat
ko.

"Gusto mo tayo na lang ang mag-laro?" Natuwa ito at pumunta na kami sa playground
ng orphanage. May sand sa bandang gilid at doon kami pumunta. Mahilig si Chloe
magbuild ng kung anu-ano gamit ang sand.

"Baby, ingat ka sa buhangin at baka mapuwing ka."

"Opo, ate Cass" nagsimula na kaming magbuild ng iba't ibang shape at sumama na rin
ang ibang mga bata sa ginagawa namin. Bakas sa mga bata ang saya at talagang
kailangan nila ay atensyon kaya nga pinipilit kong makapunta rito para makipaglaro
sa kanila para may makalaro sila.

Hindi ko namalayan ang oras at tinatawag na kami para sa meryenda ng mga volunteers
at ng mga bata.

"Mga bata, itigil muna natin ito at maghugas muna kayo ng kamay bago kumain"

"Opo, ate Cass." Nag-alisan na sila at tinabi ko muna yung mga ginamit namin para
kapag naglaro sila ay makikita nila agad.

"Hindi ko alam na volunteer ka sa isang orphanage" tumingin ako para makita kung
sino iyon, si Clyde lang pala.

"Kapag may time ako ay pumupunta ako rito para may makatulong sila sisters sa pag-
aalaga sa mga bata." Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Pinagpag ko ang mga
buhangin sa kamay ko. Nakita kong kinuha ni Clyde ang panyo niya at ginamit ito sa
pagpunas sa pisngi ko.

"Mukhang nag-enjoy kang kalaro ang mga bata" napangiti ako. Hinawakan niya ang
kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papasok ng orphanage.

"Saan tayo pupunta, Clyde?" Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Kailangan ko rin hugasan ang mga kamay ng baby ko dahil naglaro rin siya ng lupa
at ayoko rin mapuwing siya" namula ako sa sinabi niya. Iyon kasi ang sinabi ko sa
mga bata. Kanina pa siya sa playground? Anong nangyari sa mga babaeng kasama niya?

Kami na lang ang nasa kusina at nagsimula na ngang hugasan ni Clyde ang kamay ko.
Kaya ko namang mag-isang hugasan ang mga kamay ko kaya lang gusto niyang siya na
lang. Natapos na rin kami at kumuha na rin ng pagkain. Magkahawak kamay kaming
nagtungo sa mga pagkain at naghanap ng vacant na mesa.

"Bakit wala kang dalang pagkain, Clyde?" Hindi ba siya nagugutom? Kanina pa kami
dito at paniguradong gutom na rin siya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Umiling ito. Gutom naman siya bakit hindi siya kumuha.

"Clyde, kumuha na tayo ng pagkain mo para makakain ka na" umiling ulit ito.

"Ano ba ang gusto mo?" Tumingin ito,"Subuan mo na lang ako,Sandra para hindi na
tayo dumagdag sa hugasin"

Tumayo ako at kinuha ang pagkain ko,"Saan ka pupunta, Sandra"

"Magdadagdag ng pagkain kasi nagugutom na yung baby ko at kailangan ko siyang


subuan hindi ba?" Iniwan ko siyang tulala at kumuha ng pagkain. Masaya rin pala
minsan na sakyan ang gusto ni Clyde. Nakakatuwa ang reaction niya sa tinawag ko sa
kanya. 'Baby ko' ito ba ang magiging endearment namin kapag naging kami? Kinilig
ako kanina ng tawagin niya ako ng ganoon kanina. Ok lang pala kung ito ang magiging
tawagan namin.

Pagkatapos kong kumuha ay bumalik agad ako sa table namin kaso hindi na siya nag-
iisa. May kasama na siyang tatlong volunteer na kaninang kasama niya rin.

"Sino ang kasama mong pumunta rito, Clyde?" Narinig kong tanong ng isa.

Nakita ako ni Clyde na papalapit sa table namin dala ang pagkain naming dalawa at
ngumiti ito, " Isinama ako ng baby ko dito. Hindi ko pala alam na mahilig sa bata
ang baby ko. Kaya mas lalo akong nainlove sa kanya"

"Sino ba yang baby mo?" Napansin kong naiinis na sila sa paulit ulit na pagsasabi
ni Clyde nito. Bakit hindi ba kasi sila makakuha ng hint na may nagmamay-ari na sa
gusto nila.

Tumayo si Clyde at pinaupo ako sa tabi niya at inakbayan ako, "Siya ang baby ko."

Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ng tatlo at baka matawa lang ako sa kanila.
Lumapit si Clyde sa akin hanggang sa maramdaman kong malapit siya sa tenga ko.

"Gusto mo palang itawag ko sayo 'baby ko'. Nagbibiro lang ako kanina ng tawagin
kita sa endearment na iyon pero ng ikaw naman ang tumawag sa akin ay gusto ko na
talagang hatakin ka at halikan sa harap nila para mapatunayan kong hindi ako
nananaginip. Kaya kitang hintayin, Sandra dahil kahit anuman ang mangyari ay
sisiguraduhin kong magiging akin ka"

Chapter 20
Pasensya na sa late na update guys. Alam kong yung iba naiinis na sa akin dahil sa
sobrang tagal. Wala kasi kaming internet sa bahay at nakakapagupdate lang ako sa
WiFi ng school namin.

I'm being resourceful. :) Sana pagbigyan rin ni Lord yung hiling ko. I really hope
that he will grant my wish. To my beloved readers, don't forget to leave a comment
and vote. My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**************

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Clyde sa akin sa orphanage. Sigurado
talaga siyang mapupunta ako sa kanya kahit anuman ang mangyari. Napakaconfident
niya. Masasabi pa kaya niya yun kung may ibang taong magkagusto rin sa akin?

Inalis ko na lang sa isipan ko na baka may magkagusto pa sa aking ibang lalaki.


Impossible na yun. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nagustuhan sa akin ni Clyde.
Hindi naman niya kasi sinasabi kaya nga wala pa rin sagot sa tanong ko.

Malapit na ako sa entrance ng company at nakita ko si manong Roel.

"Good morning po!" Napangiti ito ng makalapit na ako sa kanya.


"Good morning rin iha. Ang aga mo na naman ngayon."

"Maaga po kasi akong nagising kaya pumasok na po ako at maghihintay na lang po ako
sa office." Napansin ko na lumungkot ang mukha niya kaya nagtaka ako. May problema
ba siya?

"Ano pong problema,manong Roel?" Hinawakan nito ang kamay ko. Bakit kaya?

"Basta huwag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nila, Cassandra." Hindi ko siya
maintindihan.

"Ano po yung sinasabi niyo?" Binitawan na niya yung kamay ko at ngumiti ulit.

"Pasok ka na. Tandaan mo yung mga sinabi ko. Kilala kita kaya hindi ako naniniwala
sa mga sinasabi nila. Isa kang mabait na bata kaya magpakatatag ka." Naglalakad na
ako papuntang elevator at ng makasakay ako ay hindi ko pa rin makalimutan yung mga
sinabi ni manong Roel. Sino ba yung sinasabi niyang 'nila'?

Pagkabukas ng elevator ay may nakakasalubong akong ibang employees ng iba't ibang


department. Pero ang pinagtataka ko bakit sila tumitigil at tinititigan ako ng
masama. Bakit ganon sila tumingin? Tiningnan ko naman yung damit ko kung maayos ito
at wala naman akong nakitang dumi. Bahala nga sila at papasok na lang ako. Hindi
lang siguro maganda ang gising nila at ako ang napansin.

Nagsimula na ulit akong maglakad pero ganoon pa rin yung binibigay nila sa aking
tingin tapos yung iba nagbubulungan tapos titingin sa akin. Ano ba talaga ang
nangyayari?

Binilisan ko na lang ang pagpunta sa office. Napapikit ako at nakahinga na ako ng


maluwag dahil hindi ko na sila makikita. Pagbukas ko ulit ng mga mata ko ay
napansin na wala pa rin sila. Nagtungo na ako sa table ko.

Sa ibabaw nito ay napansin ko ang rose na laging binibigay ni Clyde pero meron pang
isa? Kanino naman ito.

Kinuha ko muna yung galing kay Clyde at binasa yung note na kasama ng rose.

Every second, I want to hear your voice. Every hour, I want to hold you in my arms.
Each day, I want to see you when I woke up. Can you grant my wish? Can I keep you
for myself?

Your baby,

CGV

Napangiti ako sa note niya. Pinalitan na niya ang tawag sa akin at talagang tinuloy
na niya ang pagtawag sa akin ng 'baby'.

"Wow, Cassandra! Ang dami mong roses ngayon." Nabitawan ko tuloy yung mga bulaklak
dahil nagulat ako kay Kim.

"Ano ba naman,Kim! Nanggugulat ka naman. Bakit hindi ko narinig na pumasok ka?"


Humarap ako sa kanya.

"Ewan ko sayo. Basta pumasok lang ako tapos nakita kong may hawak kang roses. Malay
ko bang hindi mo ako narinig." Lumapit ito at tiningnan yung mga bulaklak.

"Kanino galing yung isa?" Tanong niya.


"Hindi ko alam, Kim." Kanina kaya galing ito?

"Cassandra may note sa rose. Basahin mo para malaman natin." Kinuha ko at binasa
ito.

Thank you for giving me strength to be able to forget my problem when we were
together. I hope you will let me take you out again.

Ren

"Sino naman si Ren, Cassandra?" Napangiti ako sa binigay ni Ren. Nag-enjoy naman
akong kasama siya at naalala ko rin yung dish na pinatikim niya sa akin na masarap.

"Siya yung lalaking sumundo sa akin."

Narinig namin na bumukas yung pinto at sabay-sabay na naman na pumasok yung tatlo.

"Good morning." Bati ko sa kanila. Nang makita ako ay lumapit sila. Pinaupo pa nila
ako.

"Saan kayo nagpunta?"

"Anong pangalan ni Mr. Hot Guy?"

"Anong ginawa ng lalaking iyon sayo?"

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin dahil sabay-sabay silang
nagtanong. "Tumigil nga kayo. Paano kayo sasagutin ni Cassandra kung sabay-sabay
kayong nagtanong." Mabuti na lang at nandyan si Kim para maging referee.

"Saan kayo nagpunta?" Nauna na si Hanz na magtanong kaya sinagot ko. "Sa
restaurant"

"Bakit hindi ka nagtake-out, Cassandra. Gusto ko rin ng pagkain galing sa


pinuntahan niyo!" Napatingin ako kay Brix at nakitang binatukan ni Kim. "Tumigil ka
nga. Puro ka pagkain!"

"Ano ang pangalan ni Mr. Hot Guy?" Si Laurel talaga. Hindi papalagpasin ang
pangalan ni Ren.

"Ren"Nakita ko siyang kinikilig. Nalaman niya lang ang pangalan kinilig na?

"Ako na. Ako na." Nakataas pa yung kamay ni Brix. Natawa ako sa kanya.

"Cassandra..."

"Itatanong mo kung ano ang ginawa sa akin ni Ren?" Ang tanong na iyon ang narinig
ko sa kanya kanina.

Umiling ito, "Papalitan ko na. Cassandra, hindi ka talaga nagtake-out?" Mukhang


seryoso talaga siya. Napangiti ako at sinagot siya.

"Oo. Hindi ako nagtake-out" Pagkain lang yata ang mahalaga sa kanya.

"Tapos na akong magtanong. Kim, wala kang itatanong?" Napatingin ako kay Kim at
nakatingin pala siya sa akin.

"Meron ba kayong relasyon ng Ren na iyon o ni sir Clyde?" Natigilan ako sa sinabi
niya. Ano ng gagawin ko. Deretsa na niya akong tinanong, magsisinungaling na naman
ba ako o magsasabi na ako ng totoo?

"A-Ano... K-Kim..." Patay. Nakita kong sumingkit lalo yung mga mata niya dahil sa
hindi ko pagsagot agad sa tanong niya.

"Sumagot ka, Cassandra." Nakuha na rin namin ang atensyon ng tatlo at lumapit sila.

Yumuko ako, "Nanliligaw siya..."

"Sino ang nanliligaw si Ren o sir Clyde?" Wala na talaga akong choice.

"Clyde..."

Napangiti si Kim at ako naman ay namumula sa pag-amin kung ano ang namamagitan sa
amin ni Clyde.

"Finally inamin mo na rin." Nagulat ako sa kanya. "Paano mo nalaman?"

"Its a secret"napatingin kami sa tatlo at hindi man lang nagsasalita.

"Cassandra, yung nagbibigay sayo ng rose araw-araw si sir?" Tumango ako at napatili
ito. "Ang suwerte mo, Cassandra!" Ganito lang pala nila kadaling tanggapin eh hindi
sana sinabi ko na sa kanila dati pa kung alam ko lang.

"Bakit ang sama makatingin sa akin ng mga nakakasalubong ko kanina?" Nagkatingin


sila.

"Cassandra, kalat na yung nangyari sa inyong tatlo nila sir." Sabi ni Laurel.

"Anong problema nila tungkol sa amin" napabuntong-hininga siya at tumingin ulit sa


akin.

"Masama ang kumakalat na rumors tungkol sayo. Na inakit mo daw yung dalawa kaya
pinag-aagawan ka nila." Nang marinig ito ay bumigat ang pakiramdam ko. First time
kong makarinig ng mga ganito tungkol sa akin. Wala naman akong ginagawang masama at
lalong hindi ko sila inakit para mapag-agawan nila.

"Iyon lang ba?" Umiling ito. "Ang sabi pa nila, hindi ka naman daw palaayos tapos
nakuha mo ang atensyon nila sir. Iniisip nila na nagpapanggap ka lang na manang
pero nasa loob ang kulo mo" hindi na talaga ako nakapagsalita ng marinig iyon. Kaya
ayokong malalaman ng iba dahil ibang klase silang mag-isip. Ito ang kinatatakutan
kong mangyari pero ngayon ay nangyari na.

************

Umuwi agad ako para matakasan ang problema ko kahit sandali lang. Hindi ko
makayanan ang mga tingin nila at naalala ko pa rin ang mga sinabi ni Laurel.

Bakit ganoon sila mag-isip? Tingin nila wala akong karapatang magkaroon ng lalaking
magkakagusto sa akin.

Nagpunta ako sa mall para makapagpalamig at maglibang. Ayoko muna umuwi dahil mas
lalo ko lang maiisip ang sitwasyon ko ngayon. Ilang oras na ako paikot-ikot pero
hindi nakatulong ito para makalimot.

"S-Sorry..." May nabunggo akong babae pero hindi ko naman sinasadya.

"Next time nga miss tumingin ka sa dinadaanan mo! Hindi yata nakatulong ang salamin
mo kaya nakakabunggo ka pa!" Umalis rin ito pero may mga nakarinig na mga
naglalakad rin sa mall at tinititigan ako. Lumayo na ako dahil nakakahiya. Uuwi na
ako baka makita ko pa ulit yung babae.

Dumaan na muna ako sa supermarket para maggrocery. Idadaan ko na lang sa pagkain


ang problema ko ngayon. Kung anu-ano na lang nilagay ko sa pushcart. Junkfoods at
chocolates. Bumili na rin ako ng stocks sa apartment ko.

Halos makalahati ko na yung pushcart kaya pumunta na ako sa counter para magbayad.
Ang haba ng pila kaya kailangan ko pang maghintay ng matagal.

Nilagay ko na yung mga pinamili ko sa counter para macompute na ng cashier. Nang


lumabas na yung total ay kumuha na ako ng pambayad sa kanya. Wala pala akong cash
kaya debit card na lang ibinigay ko.

"Sorry ma'am. Hindi muna po kami tumatanggap ng cards. Wala po ba kayong cash?"

"Wala kasi akong cash ngayon. Pwede bang iwan ko muna itong pinamili ko.
Magwithdraw lang muna ako at balikan ko na lang." Napatingin ako sa pila ang haba.
Nakakahiya na naman.

"Isabay mo na lang sa bill ko miss." May nag-abot ng cash kaya tiningnan ko kung
sino.

"Thank you,miss" binuhat na niya yung mga plastics na pinamili ko.

"Tara na, Cassandra." Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa isang restaurant.
Umupo na kami at itinabi niya ang mga pinamili ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Bakit nandito siya?

"Anong ginagawa mo sa supermarket, Ren?" Coiincidence lang ba ang pagkikita namin?

Napangiti ito, "Naghahanap kasi ako ng ingredients sa dish na ginagawa ko. Mabuti
na lang talaga nagpunta ako sa supermarket dito dahil nakita ulit tayo."

Nilabas ko yung debit card ko at nagbabalak na tayo para magwithdraw,"Wait lang


Ren. Magwithdraw lang ako para mabayaran kita."

Pinigilan niya ako, "Huwag na, Cassandra. Samahan mo na lang akong magdinner
ngayon" umupo na lang ulit ako.

"Salamat kanina. Kung hindi dahil sayo malamang hanggang ngayon hindi pa ako
nakakaalis sa counter at aawayin pa ako ng mga taong nakapila dahil wala akong
pambayad." Ngumiti ito at yumuko pa. "Its my pleasure to save my damsel in
distress"

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami. Sa entrance ng supermarket ay maraming


tao rin ang palabas na. Nagkakabungguan na ang iba. Nabunggo ako ng isang lalaki at
muntik na kong maout balance kung hindi lang ako naalalayan ni Ren. Ang sakit pa
man din ng pagkakabunggo at kumikirot ang natamaan kong balikat kaya hinawakan ko
ito.

"Ayos ka lang?" Tumango ako kahit makirot pa rin.

Nang makatayo ako ng maayos ay naramdaman kong hinawakan ni Ren ang kamay ko.
"Hawakan ko na ang kamay mo para hindi ka mawala sa tabi ko. Ayokong masaktan ka
ulit kapag kasama ako, Cassandra. Kung kailangan kong masaktan ay gagawin ko dahil
worth it naman kasi para naman sayo"
Nakalabas na rin kami, "Dito na lang ako, Ren. Thank you ulit" kukunin ko na sana
yung mga plastics ng mga grocery ko kaso inilayo niya. "Ihahatid kita,
Cassandra.Wala kang magagawa kasi hindi ko ibibigay ito kung hindi mo ako hahayaan
na malaman kung saan ka nakatira." Ngumiti ito dahil alam naman niyng wala akong
choice kung hindi pumayag sa gusto niya.

Hinatak na niya ang kamay ko kaya sumunod na lang ako. Nakarating na kami sa
parking lot at sumakay sa kotse niya.

Lumingon sa akin, "Cassandra, pwede ko bang hawakan ang kamay mo hanggang sa


makarating tayo sa apartment mo?" Bakit gustong niya pa ring hawakan ang kamay ko?

"Please..." Hinayaan ko na lang kahit nagtataka ako sa inaasal niya.

Mabilis lang naman ang byahe kasi hindi naman matraffic. Nakarating na kami sa
apartment ko at ng bababa na ako ay naramdaman ko na naman na hinawahan ni Ren ang
kamay ko, "Sana lagi kitang nakikita, Cassandra. Masaya ako kapag nakakasama kita.
Hindi ko na siya masyadong naiisip dahil iyon sayo. Ngayon ko na lang ulit
naranasan na may pahalagahang muling babae. Sana hayaan mo akong makasama ka dahil
importante ka rin sa buhay ko ngayon."

Pagkababa ko ay hinintay ko muna siyang umalis at naglakad na ako papasok ng


apartment ko. May humatak sa braso ko at nabitawan ko ang hawak kong plastic ng
grocery kaya tumapon ito.

"Bakit magkasama kayo ni Ren, Sandra?"

Chapter 21
Another treat sa inyo. Gusto ko ang pagiging possessive ni Clyde. Kayo rin ba?
Gusto ko sa lalaking ako lang ang babae sa buhay nila kaya gustong-gusto ko ang
character ni Clyde. Huwag niyo awayin si Clyde kung minsan napapaiyak niya si
Sandra. Bumabawi naman siya sa pagpapakilig kay Sandra. Check other my stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Tiningnan ko ang mga groceries kong nagkalat sa daan dahil sa nabitawan ko ang
plastic dahil sa biglang paghatak ng lalaking ito sa braso ko.

Ano na naman ba ang problema ng lalaking ito kung makahatak akala mo tatakbuhan ko?

"Sumagot ka, Sandra!" Tiningnan ko siya. Paiiralin na naman niya ang selos at hindi
na naman ako hahayaang magpaliwanag.

"Bakit ayaw mong magsalita! Mas gusto mo na ba siyang kasama? Kaya umalis ka agad
sa office niyo para makipagkita sa kanya!" Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa
utak niya. Kung hinahayaan niya sana akong magsalita eh di tapos na ang usapang
ito. Ang sakit na ng ulo ko at dinadagdag niya pa.

"Pwede ba,Clyde! Manahimik ka muna kahit sandali. Hindi ako makapagsalita dahil
hindi mo ako hinahayaan na magsalita. PINAPAIRAL MO NA NAMAN ANG PAGIGING SELOSO
MO!" Natahimik ito at nagulat sa pagsigaw ko sa kanya. Mabuti naman at talagang
naiinis na ako sa kanya ngayon.

"Hindi ako nakipagkita kay Ren. Nagkataon lang na nandoon rin siya sa supermarket
na pinuntahan ko! Mabuti na nga lang at napadaan siya at tinulungan niya ako.
Malinaw na ba? Kung wala ka ng gustong sabihin ay makakaalis ka na" tinalikuran ko
siya at nagsimula ng maglakad papuntang apartment ko. Naiinis ako sa kanya! Hindi
ko muna siya papasinin para magtanda.

"Sandra!" Narinig ko tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingunan.

"Galit ka ba sa akin?" Hindi naman ako galit pero hindi ko na siya sinagot at
pumasok na sa apartment ko. Bahala siya sa labas. Nagpalit na ako ng oversize na t-
shirt at maikling short. Ganito kasi ang mga pambahay ko. Hindi naman ako lumalabas
kaya ok lang ang ayos ko.

Nakalimutan kong pulutin ang mga pinamili ko sa labas. Siguro naman wala na si
Clyde sa labas. Pagbukas ko ng pinto at siya ang nabungaran ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tinaas niya yung plastic na buhat niya. Mabuti naman at
pinulot niya. Siya naman ang may kasalanan kaya dapat marunong siyang magpulot.

Pumasok siya at sinarado ko ang pinto, "Saan ko ito ilalagay?" Naghihintay siya ng
sagot kaya wala akong nagawa kundi sagutin siya.

"Ilagay mo na lang sa lamesa at makakaalis ka na" wala akong balak na kausapin siya
para malaman niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Umupo ako sa sofa at
manonood na lang ako ng TV.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko. Hinayaan ko siya
pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Baby, please talk to me." Bahala siya dyan.

Naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko at unti-unti itong tumataas hanggang sa
mapunta ito sa balikat ko. Nang hahalikan na niya ang pisngi ko ay tumayo ako at
umupo sa dulo ng sofa.

"Baby, stop this cold treatment towards me. I was jealous a while ago. Please
forgive me." Huwag kang bibigay, Cassandra! Dapat magtanda siya.

"Baby, Sige na naman. Patawarin mo na ako. Hindi na agad ako magseselos kapag
kasama mo si Ren kaya huwag ka ng magalit. Baby ko..." Tiningnan ko siya at
nakitang nakatitig rin siya.

"Hindi mo na uulitin ang ginawa mo ngayon, Clyde? Hindi ka na ulit magseselos kapag
kasama ko ang mga kaibigan ko?" Umiwas ito ng tingin. Sinasabi ko na nga ba! Hindi
pa rin siya titigil sa pagiging seloso niya. Sinabi niya lang iyon para tumingin
ako sa kanya.

"Hindi kita papansinin kapag hindi ka nangako na hindi mo na pagseselosan ang mga
kaibigan ko"

"Sandra wala namang ganyanan. Bati na tayo para mahalikan na kita"

"Anong sabi mo!" Narinig ko yun.


Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Gusto mong ulitin ko talaga, Sandra? Kapag sinabi ko ulit yun ay may kasama ng
gawa." nanood na lang ako. Inisin ko kaya siya?

May naisip ako para siya naman ang mahirapan. Pinagcross ko yung mga hita ko para
makita niya. Tinanggal ko ang tali ko sa buhok at ginulo ito at ang huli ay kinagat
ko ang iba-ibang labi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para
gawin ito.

Nakita kong nakatitig siya sa akin, "Don't seduce me too much, Sandra or else I
will bit that lips of yours and make you remember who owned you."

"You can't kiss my lips, Clyde. Mangako ka muna sa akin at baka magbago ang isip ko
at payagan kang halikan ako." he smirked and this time I am nervous for what he was
thinking.

"Ok, I promised. Pwede ko na bang makuha ang kapalit ng pagpayag ko, Sandra? Every
deal should be sealed and I know how to seal it." Lumapit na siya sa akin at walang
sabi-sabing hinalikan na ako.

Kinuha niya ang isang kamay ko at pinalupot sa leeg nito. Ang bilis ng galaw ng
labi niya kaya hindi ko masabayan.

"Pwede bang huwag kang magmadali at wala naman humahabol sayo, Clyde!" Humiwalay
muna ako para masabi ko ito.

"You seduced me, baby. I can't control myself anymore." Hinalikan niya ulit ako at
nagpaubaya ako. Sobrang pagkasabik niya sa mga labi ko at naramdaman kong kinagat
niya ang lower lip ko.

"I am the only man who could bit this luscious lips of yours" tumango ako. Siya
lang naman ang hinayaan kong halikan ako.

"Your lips is the sweetest thing I've ever taste, Cassandra. Can I taste this lips
forever?" Tumango ulit ako. Mas lumalim pa ang halik niya at nalulunod na ako sa
ginagawa niya.

"Can you accept me as your man now?" Tumigil kami sandali. Nakatingin siya sa mga
labi ko.

"Kapag ba sinabi kong hindi, papayag ka?" Lumipat na ang tingin niya sa mga mata
ko.

"I can't take no for an answer. I will not stop kissing you until you say yes. Do
you like that idea?" Tumango ako. Mas nagustuhan niya ang sagot ko.

"Good answer, baby." Then he start to kiss me again. Now, I am officially his
girlfriend and I could not ask for more.

***********

"Lumipat ka na doon Clyde!" Ang kulit niya.

"Mas gusto ko dito at sasakit lang ang katawan ko doon" Paano ko ba mapapaalis ito?

"Clyde, inaantok na ako. Pwede bang matulog ka na sa sofa para makapagpahinga na


tayo" hindi niya ako pinansin.

"Gusto ko ngang katabi ang girlfriend ko. Kaya dito ako matutulog katabi mo"

"Hindi nga pwede!" Ayokong mangyari ulit yung kanina.


"Bakit ayaw mo? Hindi mo gustong makatabi ako?"

"Basta! Ayokong maulit yung nangyari kanina! Kaya humiga ka na sa sofa." Napaisip
siya at nakangiti itong tumingin sa akin.

"Iniisip mo pa rin yun? Pangako hindi ko na gagawin yun. Nakalimot lang." Nakangiti
pa rin ito. Ayoko munang lumapit sa kanya.

"Anong hindi mo sinasadya! Habang h-hinahalikan m-mo ko t-tapos yung kamay mo n-


napunta sa loob ng shirt k-ko. Kaya kailangan mong lumayo sa akin"

"Magbebehave ako,baby. Please tulog na tayo. Pananagutan naman kita kapag may
nangyari." Anong sinasabi niya hindi ko narinig yung huli.

Hinatak na niya ako at pinahiga sa tabi niya. Pinaunan niya ako sa braso niya.

"Finally, your mine, Cassandra. I will take care of you. Goodnight, baby. Magkita
na lang tayo sa panaginip mo." niyakap ko siya. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Goodnight too, baby"

*************

Magkasabay kaming papasok ngayon. Hinahawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho
siya. Nakangiti ito kaya hindi ko napigilan na mapangiti rin.

Nang makita kong malapit na kami kaya pinahinto ko sa tabi yung kotse. "Bababa na
ako" pinigilan niya ako.

"Bakit ka bababa dito? Malapit na tayo."

"Clyde, pwede bang humingi ng favor? Sana wala munang makaalam na boyfriend na
kita."

"Bakit ayaw mong malaman nila? Hindi ba mas maganda yun para malaman nilang akin ka
na"

"Please huwag muna ngayon. Hindi naman natin itatago ng matagal. Pagbigyan mo na
ako,baby"

"Shit! Paano pa ako makakatanggi sayo kung tinawag mo na akong baby!" Hindi niya
talaga ako matitiis kaya kiniss ko siya sa lips pero smack lang.

"Thank you,baby"

"Kulang pa ang bayad mo,baby. Maniningil ako mamaya kaya humanda ka!"

Naglakad na ako pero may sumasabay na kotse sa akin. Nakita kong kotse ni Clyde
ito. Ang kulit niya talaga.

"Mauna ka na, Clyde!" Umiling ito.

"Sasabayan na lang kita habang naglalakad ka tapos ako dito sa kotse ko. Para kahit
wala ka dito sa tabi ko, nakikita pa rin kita" kumindat pa siya.

Pumasok na ako sa building. Tiningnan ko ang kotse ni Clyde sa labas kaso hindi ko
na nakita ito. Baka nagpunta na sa parking area.
May mga nakakasalubong na naman akong masamang makatingin. Hindi pa rin ba sila
makalimot sa nangyari at ako ang pinag-iinitan. Kaya gusto kong itago muna ang
relasyon namin para hindi muna lumalala ang usapin tungkol sa akin.

Sumakay na ako ng elevator at may nakasabay ako. Hindi ko na lang sila pinansin at
nakatingin ako sa harapan para hindi ko sila makita.

"Siya pala yung sinasabi nila!""

"Oo, tingnan mo siya. Akala mo mabait at simpleng employee lang. Malandi naman!"

Nagbubulungan sila pero rinig ko naman. Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin ng
hindi sila mahirapan.

"Hindi ko nga alam paano niya naakit si sir at yung gwapong lalaki. Ano kaya ang
ginawa niya?"

"Oo nga. Baka lahat ng lalaki dito akitin niya. Hindi nga siya nahirapan sa dalawa
at malamang kaya niya rin sa iba"

Mabuti na lang at bumukas na ang pinto ng elevator at umalis na ako. Hindi ko na


kaya ang mga sinasabi nila. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap nila. Baka pagtawanan
lang nila ako.

Nakapasok na ako sa office namin at nakita ko si Kim kaya tumakbo ako sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Anong nangyari sayo, Cassandra? Bakit ka umiiyak?" Umiling ako at niyakap ko lang
siya.

Nang maibuhos ko na ang lahat ng sama ng loob ko at humiwalay na ako sa kanya,


"Sino ang nagpaiyak sayo?"

"Bakit ganoon sila, Kim? Hindi naman nila ako kilala pero kung makapagsalita sila
akala nila alam na nila ang lahat tungkol sa akin."

"Sino ang mga sinasabi mo? Tara sugurin natin at talagang malilintikan sila sa
akin. Wala silang karapatan na paiyakin ka." Tatayo na siya ng pigilan ko.

"Huwag na. Hayaan na lang natin sila. Baka lalong magkagulo kapag nakipag-away ka
pa sa kanila" umupo ulit ito at hinawakan ang kamay ko.

"Cassandra, kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo. Huwag mo silang hayaan na
patuloy kang sabihan ng masasakit na salita. Alam kong mabait ka pero huwag ngayon.
Lumaban ka. Labanan mo sila" Paano ko gagawin ang mga sinasabi niya?

"Ayoko ng lumaki ang issue kaya mananahimik na lang ako. Ayoko talaga ng gulo, Kim"
mukhang naintindihan niya ako.

"Huwag ka lang nilang sasaktan at talagang susugurin ko sila at isasama ko yung


tatlo para pangback-up." Napangiti ako at masaya ako na nakilala ko sila. Lalong
lalo na si Kim.

"Salamat"

Bumukas ang pinto at nakita kong hinihingal si Brix. Anong nangyari sa kanya?

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Kinakapos na siya ng hininga. May problema ba siya?
"Kailangan niyong bumaba ngayon sa ground floor dahil may announcement si Sir Clyde
at lahat ay dapat nandoon! Nagpaiwan na yung dalawa sa baba kaya bumaba na tayo"

Ano kaya ang announcement ni Clyde?

Chapter 22
Sorry kung nabitin kayo sa last update ko. Sa mga matiyagang naghintay at sa mga
bagong followers ko ay welcome sa inyo. Kung may gusto kayong sabihin sa akin ay
magmessage lang kayo at sasagutin ko katulad ng mga nagmessage na sa akin before at
nagreply rin ako sa kanila. Don't forget to vote and leave comments in this
chapter. Other stories;

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Nagmamadali na kaming bumaba at may mga nakakasabay rin kaming ibang employee na
papunta sa ground floor. Para saan ba ang announcement ni Clyde?

"Bakit daw ba biglang nagkaroon ng announcement?" Narinig kong itinanong ni Kim kay
Brix.

"Hindi ko rin alam. Basta ng pagpasok lang namin ay may mga tao na sa ground floor
at nang tanungin namin. May announcement daw si sir Clyde." Bakit hindi man namin
nalaman at kanina pa kami dito.

"Cassandra meron bang sinabi sayo si sir?" Bulong ni Kim. Umiling ako. Kahit ako
man ay walang alam.

"Wala naman siyang sinabi na may announcement siya,Kim"

Nang makababa kami ay sobrang dami ng tao. Lahat talaga ng employees sa company ay
nandito. Hinanap namin sila Hanz pero hindi namin makita.

"Nasaan na sila Hanz?"Hindi ko sila makita.

"Sabi nila sa bandang harap sila maghihintay."Paano kami pupunta sa harapan. Ang
daming tao.

Hinawakan ni Kim ang kamay ko at nakipagsiksikan kami para lang makapunta kami sa
harapan. Sa wakas nakita na rin sila Hanz at tumabi kami sa kanila.

"Bakit ang tagal niyo!"

"Nakitang mong maraming tao at magtatanong ka pa talaga,Laurel! Ikaw kaya ang


makipagsiksikan sa mga tao kung makarating ka pa rito sa harapan"

"Sorry naman,Kim. Ang init ng ulo mo. Huwag ako ang pag-initan mo" hindi na lang
nagsalita si Kim sa sinabi ni Laurel at alam kong iniisip pa rin niya ang nangyari
kanina.

Ilang minuto ang hinintay namin at nakita na namin na nagsidatingan ang mga head ng
ibat-ibang department at kasama nila si Clyde.
Napansin ko na wala na ang ngiti niya ng magkasama kami at seryoso siya ngayon.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa sasabihin niya.

Umakyat ito sa mini stage at binigyan ito microphone para marinig ng lahat ang
sasabihin niya.

"I am not used to speak to all of my employees but this time I had to because I
heard that there were rumors about me and an employee. In the past years, you all
knew that rumors in my company was not allowed and I forbid it. I dont want this
trash thing inside my company but I heard from my secretary that this rule was not
effective nowadays! I pay you all to work not to meddle in my private life or
anything that I do!

You all knew how I want to control this company with my set of rules and I want
everything and everyone to follow what I damn say!" Natahimik ang lahat dahil sa
nakikitang galit ni Clyde ngayon. Ngayon lang namin na makita na magalit siya at
ipinakita pa niya sa lahat ito. Kahit ako ay natatakot sa kung ano pa ang mga
sasabihin niya.

"I did not spent my money to pay you all to spread this rumors of how I treated my
employee because it is my damn business. If I heard another thing about this rumors
then I would not hesitate to fire that person. Treat this announcement as a warning
to all of you." Binigay na niya ang mic sa isa sa mga head na nabigla rin sa mga
sinabi ni Clyde. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa mga sinabi niya. Ano ba
ang mga narinig niya at nagalit siya ng ganito.

"Nakakatakot si sir!"

"Muntik na tayong mawalan ng trabaho dahil lang sa tsismis na yan!"

"Hindi na talaga akong sasali sa mga tsismis at ayoko pang mawalan ng trabaho"

"Wala naman akong alam sa mga kumakalat na tsismis bakit pati ako nadamay!"

Iba-iba ang reaksyon ng mga tao pero iisa lang ang nakikita kong magandang resulta
sa ginawa ni Clyde,matatapos na rin ang tsismis tungkol sakin.

Bumalik na ang lahat sa kanilang mga trabaho. Wala na akong naririnig tungkol sa
pagiging involved ko sa dalawang lalaki at napalitan ito ng usapin kay Clyde pero
hindi katulad ng sa akin ay patago na lang silang mag-usap dahil sa takot na
masisante.

"Grabe si sir! Ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit sa atin."

"Huwag mo ngang idamay tayo sa mga taong yun at naiirita lang ako!" Hindi pa rin
niya makalimutan ang nangyari sa akin.

"Bakit kanina ka pa ganyan, Kim? Wala naman kaming ginagawang masama sayo"huwag mo
ng dagdagan ang init ng ulo niya, Laurel.

"Bakit hindi niyo tanungin kay Cassandra para maramdaman niyo na rin ang
nararamdaman ko ngayon." Tumingin silang tatlo pero yumuko lang ako at nagkunwaring
may inaayos na mga files sa table ko.

"Anong nangyari habang wala kami, Cass?" Wala akong sasabihin dahil hindi ko na
kayang pigilan kung dalawa na sila ni Laurel ang susugod sa mga babae kanina sa
elevator.

"Wala kang aasahan kay Cassandra na magsasabi sayo. Ako na lang ang magsasabi para
may kasama akong susugod sa mga yun! Kaninang umaga ay dumating si Cassandra na
nagmamadali tapos ng makita ako ay niyakap ako at umiyak. Hindi ko naman alam kung
anong nangyari pero ng ikwento niya na may mga babaeng matabil ang dila na gusto
kong hilahin na kung anu-ano ang mga sinabi sa kaibigan natin. Alam niyo naman na
hindi lalaban si Cassandra kaya tayo ang lalaban sa kanya"

"Sama ako dyan! Saan ba ang sabunutan para may pagkakitaan ako" puro kalokohan na
naman ang mga sinasabi ni Brix.

"Tumigil ka at baka ikaw ang pagpraktisan namin ni Laurel para siguradong tanggal
ang buhok ng mga inggitera na yun" tumahimik na siya sa takot na totohanin ni Kim
yung sinabi niya.

"Cassandra, hindi sa lahat ng oras ay paiiralin mo ang pagiging mabait mo. Hindi ko
sinabing gantihan mo sila pero sana marunong ka rin na lumaban para sa sarili mo.
Nandito man kaming kaibigan mong handa kang tulungan pero hindi sa lahat ng oras ay
kasama mo kami kaya huwag mong hayaan na makita ka nilang mahina at lalo lang
silang magkakalakas ng loob na gawin ulit ito" lahat ng sabihin ni Hanz ay alam
kong para sa kapakanan ko. Siya na ang itinuring kong kuya ko.

"Ayoko lang ng gulo, Hanz. Pero next time gagawin ko ang lahat ng sinabi niyo na
ipagtatanggol ko na ang sarili ko" ngumiti sila at alam kong masaya silang marinig
ito mula sakin.

Tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko ay may text. Binasa ko.

From: Your baby

Can you come to my office, baby? I really need you right now.

Ipinasok ko muna sa bag ko ang cellphone ko at tumayo na ako para puntahan siya.

"Saan ka pupunta, Cassandra?" Nilingon ko sila at ngumiti.

"Kay Clyde"

Habang naghihintay na magbukas ang elevator ay kung anu-ano na ang naiisip ko kung
bakit ganoon ang text niya.

Nang bunukas na ito ay halos takbuhin ko na para makapunta sa office niya. Kumatok
muna ako bago buksan ang pinto.

"Clyde.. its me" bago ko pa mabuksan ang pinto ay bumukas ito at hinatak na ako ni
Clyde papasok.

Umupo siya at kinandong niya ako sa kanya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
"Baby what's wrong?"

"I will definitely fire them if they made you cry again!" Kumalas ako sa
pagkakayakap niya at hinawakan ko ang mukha niya. Paano niya nalaman na umiyak ako?

"Baby, look at me... Sino ang nagsabi sayong umiyak ako?"

"Cassandra, hindi ko na kailangang malaman sa ibang tao na umiyak ka dahil kita


naman sa mga mata mo kanina." Hindi ko naman siyang nakitang tumingin sa akin.

"I was so mad that they made my baby cry. I really want to fire them all but I know
you would be sad when I do that."Ang swerte ko naman kay Clyde. Hindi ko alam kung
bakit ako nagkaroon ng boyfriend na katulad niya.
"Bakit mo ako pinatawag dito?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Are you ok? Sinabi sa akin ni Sarah na kung anu-ano ang mga sinasabi nila sa baby
ko. Kaya nagpatawag ako ng meeting para malaman nilang ayokong may kumakalat na
masama tungkol sayo." Niyakap ko siya at sobrang saya ko sa ginawa niya.

"Salamat...baby" hinaplos nito ang buhok ko habang yakap ko siya.

"Para sa taong mahal ko ay gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan. Kaya kong
mawalan ng mga employees o lahat sila para maprotektahan kita. Mawala man sila ay
kaya kong palitan. Pero ang baby ko ay nag-iisa lang."

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay hindi ko mapigilang maging masaya. This guy
really loves me. Nilapit ko ang mukha niya sa akin at hinalikan siya. Nabigla siya
sa ginawa ko pero hindi nagtagal ay tumugon rin siya. This is the first time that I
am the one who initiate the kiss. Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog sa
lalaking ito at hindi ako takot na malunod sa pagmamahal niya. Hindi na ako takot
na magmahal kung siya naman ang mamahalin ko.

"Clyde...I love you." Nang humiwalay kami sandali. Nakatitig siya sa akin at
ngumiti.

"I love you too,baby"

***********

Hindi ako nakapagtrabaho ng buong araw at ang ginawa lang namin ni Clyde ang manood
ng mga movies dito sa penthouse niya. Hindi na siya pumayag na bumalik pa ako sa
office namin. Paano pa ako susuweldo kung wala akong ginagawang trabaho buong araw?
Masaya man na nakakasama ko siya pero ang dami kong bayarin sa bahay.

"Huwag mo ng isipin ang ibang bagay kapag magkasama tayo, baby. Nagseselos ako. "
naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Iniisip ko lang na hindi ako nakapagtrabaho ngayon at baka wala akong sweldo nito.
Hindi ako pwedeng hindi sumahod dahil ang dami kong bayarin sa bahay." Napatingin
ito.

"Huwag kang mag-alala at hindi maapektuhan ang regular na trabaho mo kapag


pinatatawag kita o gusto kitang makasama buong araw. Wala silang magagawa dahil ako
ang CEO ng company. Kung gusto kong makasama ang girlfriend ko ay gagawin ko dahil
ako ang masusunod." Paano naman ako? Walang gagawin. Mas nakakabagot kapag walang
ginagawa.

"Clyde huwag na sanang mangyari na ganito lang tayo. Marami kang ginagawa sa office
mo at ganoon rin ako.Hindi ko gustong makaabala sayo."

Hinalikan niya ang likod ng kamay ko,"Kailanman ay hindi ka abala sa akin. You are
my girlfriend, my love and my future. You are important too. I wanna spend some
time with you and no one can stop me."

Natapos na rin yung movie na pinapanood namin. Nagpunta muna ako sa kitchen niya
para maghanda ng meryenda para sa kanya. Lagi naman siyang may stock ng pagkain sa
ref niya ng minsan na mabuksan ko ito. Hindi yata siya marunong magluto pero ang
dami niyang pagkain. Marunong akong magluto pero wala namang laman ang ref ko sa
bahay.

"Anong niluluto ng baby ko?" Niyakap niya ako at pinatong ang ulo niya sa balikat
ko. Magluluto ako ng spaghetti.

"Kumakain ka ba ng spaghetti?" Tumango ito.

"Kahit ano naman ang iluto mo ay kakainin ko. Basta ba gawa ng taong mahal ko.Pero
mas maganda kung hindi ka na lang magluto at ikaw na lang ang kainin ko." Hinalikan
niya pa ang leeg ko at kinagat ito. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang leeg ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Hindi naman masakit pero namula ako sa ginawa niya.

"Tingin ko kasi mas masarap kang tikman kaysa sa spaghetti. Gusto mong itry natin?"
Nakita kong kinagat niya pa ang labi niya.

Nanlaki ang mata ko at kumuha ako ng sandok para gamitin sa kanya. "Huwag kang
lalapit, Clyde! Ipapalo ko sayo to!"

"Sa tingin mo mapipigilan ako ng sandok na hawak mo,baby. Hindi kayang pigilan ng
simpleng sandok ang gutom ko sayo." Nagbibiro pa ba siya o totoo na to?

Lumapit siya at ako naman ay lumalayo. Hindi naman kasi siya tumatawa kaya hindi ko
alam kung nagbibiro pa ba siya.

Tatakbo na sana ako para makalayo sa kanya pero nahawakan niya ang braso ko at
sinandal ako sa pader.

"Tinakot ba kita, baby. Nagbibiro lang ako."

"H-Huwag mo na kasing uulitin i-ito, Clyde." Kinabahan talaga ako kanina.

"Hindi ka dapat matakot sa akin. May respeto ako sayo at alam kong iniingatan mo
ang sarili mo para sa tamang lalaki. Huwag mo ng hanapin ang tamang lalaki para
sayo dahil nasa harapan mo na siya, Cassandra. Ako lang at wala ng iba. Sigurado
naman akong hindi ko na kailangan na hanapin ang tamang babae para sa akin dahil
nahanap na kita."

Chapter 23

Sorry talaga sa sobrang late na update ko. Katatapos lang ng finals namin kaya
kailangan kong magfocus na magreview kaya hindi agad nakapag-update. Sinamahan pa
ng walang pumapasok sa utak ko na dapat kong isulat kaya hindi ako makapag-update.
Worth it ba ang paghihintay sa update ko? Leave your comments and suggestions kung
meron. :) Next update ko ay magdedicate ako sa mga magcomment sa chapter na to.
My other stories:
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
Do vote, comment and follow me.
************
Sa mga nakalipas na linggo ay bumalik na sa dati ang takbo ng buhay ko. Walang
issue, wala na akong naririnig mula sa ibang tao at hindi na muling pinag-usapan
ang tungkol sa akin. Kinalimutan ng lahat sa takot na mawalan ng trabaho dahil sa
banta ni Clyde.
Wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin kahit mag-iisang buwan na
kami. Hindi ko man gustong itago ito sa lahat pero mas maganda na ito. Alam kong
pinagbibigyan lang ako ni Clyde pero alam niyang may dahilan ako kung bakit ko ito
hiniling sa kanya.
"Ang ganda ng ngiti ng isa dyan. Baka mahipan ng masamang hangin at hindi na
bumalik sa dati" binaba ko ang note na binigay ni Clyde kasama ng rose na laging
niyang binibigay tuwing umaga.
"Baka naman may sinabi na naman si sir Clyde kaya ganyan ang ngiti niya" sabi ni
Kim. Bakit ako na naman ang nakita nila.
"Patingin naman ng note ni Sir" binigay ko kay Laurel. Habang binabasa niya ay
nakita kong napangiti din siya.
"Grabe talaga ang mga sinasabi ni sir. Hindi mo aakalain na ganito siya. Istrikto
sa lahat pero ang sweet pagdating sayo. Ikaw na talaga,Cassandra" napangiti ako sa
sinabi niya. Sila rin pala napansin rin.
"Pabasa nga,Laurel. At nang malaman ko kung bakit ganyan ka makapagreact sa
simpleng note lang" binigay ni Laurel ang note kay Kim. Hindi naman interesado yung
dalawa kay Clyde at hindi kami pinapansin.
Hindi talaga mawala ang ngiti ko sa note ni Clyde. Nang naging kami ay lalo siyang
naging sweet katulad na lang ngayon. Ang nakasulat kasi sa note:
You are the girl who stole my heart but I have no plan to take it back. You need to
take responsibility for stealing it by staying at my side forever.
Your baby,
CGV
"Cassandra tanong mo nga kay sir kung pwede siyang mahiram para maexperience ko
kung gaano siya kasweet kapag kasama ako."
"Huwag ka ng mag-ilusyon,Laurel. Hindi mo ba napapansin na kay Cassandra lang siya
ganyan. Baka kapag ikaw na ang kasama ni sir ay gawin ka lang utusan." Minsan lang
magsalita si Brix at hindi pa maganda ang lumalabas.
"Manahimik ka dyan! Ok lang maging utusan kung kasama ko naman si sir. Ang gwapo
kaya niya. Siyempre lagi ko siyang kasama kung mahihiram ko siya kay Cassandra.
Marami sigurong maiinggit sa akin na mga babae kapag dumadaan kami."
"Anong gusto mo makasama si sir o may trabaho? Pili ka lang sa isa sa dalawa. Yung
una ay hindi ka pa sigurado kung malalapitan mo si sir at yung pangalawa naman kung
ipipilit mo talagang makalapit sa kanya ay magligpit ka na ng gamit mo ngayon pa
lang at mapapaalis ka dito. Gusto mo pa rin?"
Hindi na ulit nagsalita si Laurel sa takot na magkatotoo ang sinabi ni Hanz sa
kanya. Pero kahit kaibigan ko si Laurel ay alam kong hindi papayag si Clyde kapag
lumapit ito sa kanya.
"Baby? Bakit sinabi ni sir sa note niya na 'your baby', Cassandra?"
"K-Kasi...kami na" hinanaan ko yung boses ko.
"Ano? Baka pwede mo namang lakasan ang boses mo dahil hindi namin marinig."
"Ang sabi ko kami na." Hindi ako makatingin sa kanya. Sigurado akong namumula na
ang mukha ko ng sabihin ko iyon.
"FINALLY! Sinagot mo na rin si sir. Halata naman kasing gusto mo siya pero ayaw mo
pang sagutin yung tao. Mabuti naman ay natauhan ka na habang hindi pa nauuntog si
sir." Natawa ako sa sinabi niya. Masyado ko ba talagang pinatagal ang panliligaw ni
Clyde? Pinaabot ko naman ng mahigit dalawang buwan para mapatunayan ko kung seryoso
siya.
"Ang swerte mo talaga. Gwapo, mayaman at may kompanya ang naging boyfriend mo!
Huwag mo na yang pakawalan at aagawin ko siya sayo."
"Huwag ka ng magbalak, Laurel. Wala kang chance kay sir. Hindi ka niya mapapansin
kasi si Cassandra lang ang nakikita niya. Hindi mo pa ba napansin sa mga notes
niya. Wala ka talagang pag-asa. Move on, girl!" Naawa na ako kay Laurel.
Pinagkakaisahan siya ng tatlo.
"OO NA! Huwag niyo ng ipagdiinan sa akin. Pero tandaan niyo ito makakahanap rin ako
ng katulad ni sir at tatawanan ko kayo kapag nangyari yun!" Tumawa siya. Pinabayaan
ko na lang silang magkulitan.
"Cassandra, magcelebrate tayo sa pagiging official girlfriend ng isang Clyde
Gabriel Villacorte. "
"Saan tayo magcelebrate?"
"Sa 'Paradeux'." Sa bar na naman at baka maulit na naman ang nangyari noon kaso
wala akong choice kundi pumayag.
"Sige."
************
Nag-aayos na kami ng gamit para makaalis na kami agad. Kailangan ko munang
magpaalam kay Clyde baka hanapin niya ako. Mas mabuting alam niya para hindi na
siya magalit kapag hindi niya ako makita kapag umalis kami.
"Tara na, Cassandra!"
"Wait lang, Kim. Magpapaalam muna ako kay Clyde. Baka kasi magalit yun kapag hindi
niya alam kung saan tayo pupunta."
"Sige sumunod ka na lang sa baba. Hintayin ka na lang namin doon"
Umalis na siya at tinawagan ko na si Clyde. Ilang minuto ang itinagal bago niya
sinagot ito.
"Hi baby! Pauwi ka na ba?"
"Oo pero may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko." Hindi siya umimik sa sinabi ko.
"Baby nandyan ka pa?"
"Saan kayo pupunta, Sandra?"
"Magcelebrate lang kami kasi sinabi ko na sa kanila na sinagot na kita. Pwede ba
akong sumama, Clyde?"
"Fine but make sure that you will take of yourself. Kahit gusto ko man sumama sa
inyo kaso marami pa akong ginagawa sa office." Mabuti na lang at pumayag siya.
"Ok lang na hindi ka makasama. Alam ko naman na marami kang ginagawa ngayon. Huwag
mong papagurin ang sarili mo at baka magkasakit ka, Clyde."
"Yes baby. I love you."
Napangiti ako sa huling sinabi niya, "I love you too"
Naabutan ko silang nag-aabang na sakin sa entrance ng building. Nakita na nila ako.
Nagmadali na akong makarating sa kanila para makaalis na kami.
"Pinayagan ka?" Tumango ako.
"Akala namin ay hindi ka na sasama. Pero mas maganda kung isasama mo si sir para
masaya." Pinalo siya ni Kim.
"Tumigil ka nga,Laurel. Iwan ka namin dito. Puro ka na lang si sir. Magcecelebrate
tayo para sa kanila dahil BOYFRIEND niya na si SIR!"
"Oo na huwag mo ng ipagdiinan sa akin. Masaya naman ako para kay Cass. Huwag kang
magalit sa akin kung gusto ko lang makilatis ang BOYFRIEND ng kaibigan natin."
Naghanap na kami ng taxi at pumunta na kami sa PARADEUX. Nang makarating kami ay
katulad pa rin ng huli naming pagpunta rito na madaming tao ang nagpapasukan sa
loob. Maraming kotse ang nakaparada sa parking lot na alam mong puro mayayaman ang
mga may-ari nito.
Pagkapasok namin sa loob ay malakas ang tugtog na nagmumula sa speaker. Marami na
rin ang nagsasayaw sa dance floor.
"Humanap muna tayo ng vacant seats na sakto para sa atin" sa dami kasi ng tao ay
hindi ko na makita yung mga bakante at natatakpan na nila.
"May nakita ako sa bandang dulo. Pumunta na tayo dun at baka makuha pa ng iba!"
Sinundan na namin si Brix kung saan siya nakakita ng vacant seats.
Nang makarating kami ay maganda ang pwesto nito dahil wala masyadong taong dito.
"Ano ang mga order niyo?"
"Gaya ng dati yung sa akin."
"Margarita!" Matapang na naman yata yung mga inorder nila.
"Pineapple Juice" hindi naman ako umiinom kaya juice ulit yung sa akin.
"Pineapple na naman!? Tumikim ka naman kahit hindi matapang na alcohol, Cassandra.
Kailangan mong maexperience ang uminom kahit minsan lang." Umiling ako. Ayoko
talagang tumikim kahit konti lang baka mahilo ako.
"Ayokong subukan. Kayo na lang uminom basta pineapple yung sa akin."
"Hayaan niyo si Cassandra. Huwag niyo ng turuan uminom dahil baka matulad sa inyo
na hindi na kayang maglakad at umuwi sa mga bahay nila kapag nakakainom na." Sabi
ni Hanz.
"Huwag kang mag-alala, Hanz. Hindi na ako magpapakalasing dahil masyadong mahal ka
magpabayad kapag ikaw ang nag-aabono sa mga ininom ko"
Tumawag na sila ng waiter para ibigay ang order namin. Nilibot ko ang tingin ko sa
mga tao. Hindi pa rin pala nagbago ang mga babaeng nandito na sobrang ikli ng suot
nila.
Dumating na ang order namin at nagsimula na silang uminom. Nag-eenjoy naman ako
kahit hindi ako umiinom kasi nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano tungkol sa mga
buhay namin.
"Kamusta naman ang pagiging girlfriend ng isang Clyde Villacorte?" Binaba ko muna
ang pineapple juice ko at ngumiti kay Kim.
"Masaya"
"Bakit masaya? Ano ba ang ginagawa niyo kapag magkasama kayo?"
"Nanood ng movies at kumakain sa labas"
"Yun lang ginagawa niyo? Anong masaya doon?" Nakita kong binatukan ni Kim si Brix,
"Ang bigat ng kamay mo, Kim!"
"Masaya ako kapag kasama ko siya. Lagi niyang sinasabi na gusto niya ako kahit
noong nanliligaw siya. May mga sinasabi siya na nagpapabilis ng puso ko lalo na at
alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya." Tuwing may sinasabi siya sa akin ay
bumibilis ang tibok ng puso ko . Hindi ko alam kung kinikilig lang ako o isa na
iyon sa sign na nahuhulog na ako sa kaniya.
"Alam kong seryoso si sir Clyde sayo. Kaya magtiwala ka lang sa kanya, Cassandra.
Magtatagal ang isang relasyon kung may tiwala ang dalawang taong sa isa't isa." May
tiwala ako kay Clyde na hindi niya ako lolokohin. Sana lang talaga ay laging ganito
lang kami ni Clyde. Walang problema at laging masaya.
"Mag-order pa ako. Gusto niyo pa bang uminom?"
Nakailang round pa sila ng alcohol pero hindi katulad noon ay hindi pa naman sila
sobrang lasing. Nakakadalawa na akong pineapple juice. May mga pagkain naman na
maoorder dito.
"Is this seat taken?" Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Nang tingnan ko ay
lalaking nakajeans at white shirt siya. Hindi siya katulad ng ibang tao na magagara
ang suot.
"No."
Umupo na ito sa seat na katabi ko. Nakita kong tinititigan ni Laurel itong katabi
ko. Gusto niya yatang makatabi. Makipagpalit kaya ako sa kanya para hindi si Clyde
ang laging pinagtutuunan nito ng pansin.
"Lau-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita itong katabi ko.
"Hi. I'm Lance and you are?"nilahad nito ang kamay niya. Tumingin ako sa mga
kasamahan ko at nakitang nasa amin pala ang atensyon nila. Pinanlakihan ako ng mata
ni Laurel at tumingin sa kamay ng lalaking ito.
"I'm Cassandra." I saw him smirked.Nakipagkamay ako sa kanya pero ng bibitawan ko
na ay nilapit nito ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan ito. Nailang ako kaya
bumitaw na ako mula sa pagkakahawak niya.
Nakipagkilala rin si Lance sa mga kasama ko pero hindi ko na siya pinansin. Bakit
niya ba kasi ginawa iyon at kakakilala lang namin.
"Do you have a boyfriend, Cassandra?" Kahit narinig ko yung tanong niya ay hindi ko
pa rin siya pinansin.
"Meron na siyang BOYFRIEND kaya off limits na siya, Lance. Kaming dalawa rito ay
wala pang sabit kaya pwede kami" natawa ako sa mga sinasabi ni Laurel. Type niya
itong lalaking ito. Hindi na masama dahil gwapo rin itong katabi ko.
"Tumahimik ka dyan, Laurel! Parang binubugaw mo na ang saril mo at sinama mo pa
ako. Desperado ka na ba talagang magkaboyfriend!?" Nag-away na yung dalawa.
Napatingin ako kay Lance pero hindi siya nakatingin sa dalawa kundi sa akin.
"Meron ka na palang boyfriend. Sayang!"
"Kaya humanap ka na lang ng ibang babaeng kakausapin mo dahil may boyfriend na ako.
Yung dalawang kasama ko na lang ang kausapin mo."
"Kaso ikaw ang gusto kong makilala. Pwede namang kilalanin kita di ba?" Bakit ang
kulit nito!
"Please tumigil ka na at baka makita ka pa ng boyfriend ko."
"Nasaan na ba ang boyfriend mo?" Bahala siya dyan at hindi ko na siya kikibuin.
"Cassandra, meron akong alam na paraan para pumunta dito ang boyfriend mo."
Napalingon ako sa kanya.
"Ano ba yang sinasa-" naramdaman kong dumikit sa akin ang labi nito kasabay ang
pagflash ng camera ng cellphone nito.
He kissed me!

Chapter 24
I'm happy because I'm celebrating my birthday in this day. I want to share my
happiness with my readers so I update this story for you guys. Thank you for
supporting me and my works. I hope that you will not get tired waiting my updates.
I am happy whenever I read comments in every chapter I made and it inspires me to
make this story exciting. :) Thank you again guys and support also my other
stories:
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
Do vote, comment and follow me.
**************
Hindi ko magawang gumalaw sa pagkakadikit ng mga labi namin. Nabigla ako sa ginawa
niya. He kissed me! He knows I have a boyfriend but he still do this act without my
permission.
Lumayo na si Lance at nakita ko na ngumiti pa siya. May ginawa siya sa cellphone
niya at tumingin sa akin.
"I sent our picture to your boyfriend" then he smirked. Gusto kong alisin ang
nakakaloko niyang ngiti pero bakit wala akong lakas gawin yun.
Narinig ko ang tunog ng upuan na pabalyang tinulak at nakita ko si Hanz na
papalapit kay Lance. Kinuwelyuhan niya ito,"BAKIT MO GINAWA YUN KAY CASSANDRA!"
Naramdaman kong hinatak ako ni Kim at pinunta sa sulok para hindi kami madamay sa
maaaring away sa pagitan ng dalawa.
"Chill pare! Bakit ganyan ka umasta na parang ikaw ang boyfriend ni Cassandra?"
Bigla na lang sinuntok ni Hanz si Lance. Tumumba ito at hawak ang pisnging sinuntok
ni Hanz. "SIRAULO KA PALA! Kaibigan ko ang binastos mo at gusto mong hindi ako
makialam sa ginawa mo!"
Hinawakan ko si Kim sa braso niya, "Kim, patigilin natin sila." Tumingin ito,
"Hayaan mo si Hanz sa gagawin niya sa Lance na yun,Cassandra! Binastos ka ng taong
yun kaya hayaan mong ipagtanggol ka ni Hanz."
"P-Pero baka masaktan din siya kapag gumanti si Lance."
"Hindi hahayaan ni Hanz na masuntok ng lalaking iyon kaya magtiwala lang tayo sa
kanya." Tumango ako dahil hindi ko naman kayang patigilan sila kaya kailangan ko na
lang magtiwala.
"Ang lakas mong sumuntok pero hindi pa rin ako kayang patulugin nito." Tumayo ito.
Nakitang kong pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi nito.
"KULANG PA YAN SA GINAWA MO! Pumili ka na lang ng ibang babaeng babastusin mo at
huwag ang kaibigan namin!" Balak pa sanang suntukin ni Hanz si Lance kaso ay
nasangga nito at siya naman ang gumanti kay Hanz.
"HANZ!" Nasaktan siya pinipilit kong alisin ang pagkakahawak ni Kim sa akin para
mapuntahan si Hanz.
"Huwag kang lumapit sa kanila at baka madamay ka pa." Hindi pa rin niya ako
binibitawan. Sana ayos lang siya.
"Akala mo ba ay hahayaan ko pang masuntok mo ako sa pangalawang beses. Hinayaan
lang kita kanina pero hindi na ako papayag na masuntok ulit." Napansin kong tumigil
ang mga tao sa mga ginagawa nila malapit sa pwesto namin. Napansin na rin nila na
may away kaya nasa amin na atensyon nila. Yung iba ay nakikiusyoso kung bakit
nagkaroon ng away at ang iba naman ay nagvivideo.
Hindi pa rin tumitigil yung dalawa at nakita kong pumutok na ang labi ni Hanz at
may dugo na rin sa gilid ng labi nito. Bakit walang nagtatangkang pigilan ang away
nila! Bakit walang bouncer na malapit sa amin kung kailan na kailangan namin sila!
"Tumigil na kayo!" Kahit anong sigaw ko ay hindi pa rin sila tumitigil. Naiiyak na
ako sa sitwasyon ni Hanz dahil nasasaktan na siya sa pagtatanggol sakin.
Sa wakas ay may nakita na akong bouncer at hinawakan si Lance para ilayo siya at
nakita ko naman na hawak na rin ni Brix si Hanz.
"Huwag mong igagaya si Cassandra sa mga babaeng nababastos mo!" Kahit hawak ni Brix
ay parang gusto pa rin lumapit ni Hanz kay Lance.
"Ang galing mo naman magsalita na akala mo girlfriend mo ang hinalikan ko! Wala
kang karapatan na gumanti sa ginawa ko kay Cassandra dahil hindi ikaw ang
boyfriend! Humanap ka muna ng girlfriend mo tapos hahalikan ko at doon mo ako
balikan!" Mas nagalit si Hanz sa sinabi ni Lance. Bakit ganito siya magsalita na
parang simple lang ang ginawa niya?
"TAR*NTADO KA PALA! Makalapit lang ako sayo at sisiguraduhin kong hindi ka na
makakapagsalita sa gagawin ko sayo!" Pinipilit na makaalis ni Hanz pero hindi siya
binitawan ni Brix. Mabuti na lang at kayang niyang pigilan ito.
"Tatanggapin ko pa ang suntok ng boyfriend ni Cassandra kaysa sayo dahil siya ang
may karapatang magalit at hindi ikaw!" Ayaw pa talagang magpatalo ni Lance.
"Then accept my grudge for kissing what's mine!" Napatingin ako sa nagsalita at
nakita kong sinuntok nito si Lance habang hawak ng bouncer kaya nabitawan ito.
Sa harap ng napahigang si Lance ay nakatayo si Clyde na galit na galit."The real
boyfriend is here! So kumpleto na pala ang cast!" Tumawa ito na parang nakakatawa
ang mga nangyayari.
"Natanggap mo na pala yung picture na pinadala ko sayo. Ang ganda ng pagkakakuha ko
di ba,Clyde! Sakto sa paghalik ko sa labi ng girlfriend mo!"
"YOU BASTARD! I WILL KILL YOU FOR KISSING MY GIRLFRIEND!" Hindi tumigil si Clyde sa
pagsuntok kay Lance kahit pinipigilan na siya ng mga bouncer ay hindi pa rin siya
tumitigil. Lumapit na ako sa kanya baka mapatay niya nga si Lance.
"Sir tama na po. Hindi na po makatayo si sir Lance."hindi pa rin siya nakikinig sa
pakiusap ng mga bouncer.
Niyakap ko siya,"B-Baby t-tama na. Hindi na niya kayang lumaban. P-Please tumigil
ka na." Tumigil ito at humarap sakin para mayakap ako.
"Shhhh...titigil na ako,baby. Huwag ka ng umiyak. Hindi mo dapat iyakan ang
nangyari sa kanya. Kasalanan niya kung bakit siya nagkaganyan" Umiiyak ako hindi
para kay Lance kundi para sa kanya. Nakasakit siya ng ibang tao para sa akin.
Inaalala ko rin na baka galit siya sa nangyari.
"C-Clyde g-galit ka ba s-sa akin?" Pinunasan nito ang luha ko at ngumiti.
"Hindi kasalanan ng baby ko kung bakit nangyari to. Alam kong hindi mo gusto ang
nangyari kaya ka ba umiiyak dahil akala mo galit ako sayo?" Tumango ako.
"Hindi ako galit sayo kundi sa lalaking ito" tiningnan niya si Lance na
nakahandusay sa sahig.
Pinagtulungan ng dalawang bouncer na itayo ang walang malay na si Lance. "Sir saan
po po namin dadalhin si sir Lance?"
"Bring him to the hospital and close this bar. Check all the cellphones of the
customers who recorded this scandal and make sure you delete them!" They nodded.
"FOR THOSE WHO WANTS TO SPREAD THIS SCANDAL OR INVOLVE THE MEDIA ABOUT THIS, I WILL
MAKE SURE THAT YOU ALL SPEND YOUR DAYS IN JAIL SO YOU BETTER KEEP YOUR MOUTH SHUT."
Tumahimik ang lahat at yung mga taong kumukuha ng picture at nagvivideo ay tinago
ang mga cellphones nila.
"Baby, we need to go. Did you bring anything with you?"
"My bag."hinawakan niya ang kamay ko.
"Where did you put your bag?" Tinuro ko kung saan kami umiinom kanina. Nakita kong
nandoon pa rin ang mga kasama ko. Kinuha na ni Clyde ang bag ko habang hawak ang
kamay ko. Tumingin siya sa mga kasamahan ko,"Thank you for protecting my
girlfriend. Don't mind your bills anymore, it's my treat.If you don't want to work
for tomorrow is fine with me. I will just talk to your head department. Let's go,
Cassandra."
Umalis na kami. Nagsisilayuan ang mga taong nadadaanan namin.Hindi ko sila masisisi
dahil alam kong hindi pa rin humuhupa ang galit ni Clyde.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at pumasok na ako. Nakasakay na rin
siya kaya pinaandar na nito ang kotse. Walang may balak na magsalita sa amin. Hindi
ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi man siya galit sakin pero may
kasalanan rin ako.
"Are you ok, Cassandra?"
"Yes,I am." Tumingin ako sa labas para doon matuon ang atensyon ko at para
makalimot.
"No,you're not" bigla niyang iniba ang direksyon ng sasakyan.
"Where are we going?"
"You will spend your night with me, Cassandra." hindi ko na pinagpilitan ang gusto
ko at hinayaan na lang siya kung saan man niya ako dalhin.
Nakita kong malapit na kami sa company. Nang makarating na kami sa loob ay pinarada
niya ang kotse at bumaba na. Kinuha niya ang bag ko sa loob at hinawakan niya ulit
ang kamay ko.
Habang sakay kami ng elevator ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko
alam kung ano ang iniisip niya. Wala rin akong maisip kung paano ko siya kausapin.
Pagkabukas ng elevator ay hinatak niya ako papunta sa kusina niya, "Gutom ka ba,
Cassandra? Kung gusto mo magpaorder ako para makakain ka. Anong gusto mo, baby?"
"Busog pa ako, Clyde." Hindi ko maramdaman ang gutom kahit hindi pa ako nakakain ng
dinner. Parang nawalan ako ng ganang kumain.
"Gusto mong magpahinga na?" I nodded. I just want to sleep and forget what happened
a while ago.
Dinala niya ako sa kwarto niya. Ito pa lang ang pangalawang beses kong nakapasok
dito. Hindi pa rin nagbago ang design nito sa una kong kita rito.
"Baby, you can use the bathroom if you want to take a bath?" Umalis rin siya dahil
may nakalimutan siya sa office niyang tapusin.
Naiwan akong mag-isa sa room niya. Wala akong pampalit kahit gusto kong maligo.
Pumunta ako sa drawer niya at binuksan ito. Nakita kong may boxer shorts siya at T-
shirts. Hindi naman siguro magagalit si Clyde kung hihiramin ko ang mga ito. Kumuha
na ako at pumasok na sa bathroom niya.
Pakiramdam ko ang dumi ko kahit sa bar lang kami nagpunta. Pagkatapos kong maligo
ay pumunta ako sa lababo at tumingin sa salamin. Nakikita ko ang repleksyon ko sa
salamin at nang mapatingin ako sa labi ko ay naalala ko na naman ang ginawa ni
Lance. Binuksan ko ang faucet at sinimulan ko na namang kuskusin ang labi ko.
Ayokong maalala ang ginawa niya kaya kailangan kong hugasan ang bibig ko.
Lumabas ako at nakitang nakaupo si Clyde sa kama at boxer short lang ang suot niya.
Mukhang kakaligo rin niya. Tumingin ito sa akin kaya nahiya ako sa suot ko.
"W-Wala kasi a-akong damit kaya nanghiram muna a-ako ng damit mo" lumapit siya at
hinawakan ang pisngi ko para mapatingin sa kanya.
"Mas gusto ko ang suot mo ngayon,baby."
"Clyde bakit wala kang suot pang-itaas? Baka magkasakit ka at naka-aircon pa naman
ang room mo"
"Ganito talaga akong matulog. Nakaboxer lang. Kung gusto mo gayahin mo ako para
malaman mo na hindi tayo magkakasakit kapag tinanggal mo ang t-shirt kong suot
mo.Kapag nilamig ka ay ako ang magpapainit sayo. Gusto mong itry?" Ngumiti ito at
niyakap pa ako. Hindi ako magpapadala sa pagyakap niya dahil hindi ko gagawin ang
gusto niya.
Kumalas ako sa kanya,"Anong sinasabi mong magpapainit? Anong gagawin mo sakin?"
Hindi na maganda ang naiisip ko.
Kumunot ang noo niya, "Aakapin kita kapag nilamig ka. Ano ba ang iniisip mo,baby?"
"W-Wala." Nagtataka na siya sakin. Ano-ano naman kasi ang pumapasok sa utak ko na
idea sa mga sinasabi niya. Iba kasi ang naisip kong gagawin niya.
Biglang ngumisi si Clyde at nilapit ang mukha niya sa akin, "Alam ko na ang iniisip
mo, Cassandra. Gusto mong painitin kita sa ganoong paraan? Ok lang sakin pero handa
ka na bang ibigay sakin yun?" Bigla siyang sumeryoso.
"Hindi ko pa kaya gawin yun, Clyde."
"I thought so. Pero kung mangyari man yun, Cassandra. Lagi mong tatandaan na hindi
kita iiwan at pananagutan kita kapag nangyari yun. Tara matulog na tayo." Ganito na
ba siya kaseryoso sa relasyon namin?
Humiga na kami sa kama niya. Magkaharapan kami at nakapatong ang braso niya sa
bewang ko. "Clyde, hindi ka ba talagang galit sa akin sa nangyari?"
"Wala kang kasalanan at alam kong si Lance ang nagplano ng lahat. Galit ako sa
kanya dahil hinalikan niya ang mahal ko." Pareho pala kaming naapektuhan.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at lumapit sa kaniya, "Tulungan mo akong
makalimot sa ginawa niya, Clyde"
"Anong gusto mong gawin ko,baby?"
"Kiss me. Make me forget what he done to me,baby."
Hindi na nag-aksaya ng oras si Clyde at naramdaman kong dumampi ang labi niya
sakin. "My pleasure,baby" Ginawa nga ni Clyde ang sinabi ko. He made me forget
everything and his kisses is the only thing that matters to me.
Chapter 25
Sorry talaga sa sobrang late ng karugtong ng story na to. Sobrang busy lang talaga.
Muntik na akong maiyak sa mga bumati noong birthday ko. I love you my beloved
readers!! Naappreciate ko yung pagcomment niyo. Natouch talaga ako sa inyo. T_T.
Comment ulit :).As I promised, I dedicate this chapter to this list of my readers;

Ariesjean1985
maxidudz
lovingjess13
mjd0616
lobsey01
BernardRebaya
2ATAYLOR4
WyndhamArchers
cyrusmay17
yummymontenegro
sagittarius143
pinkishblue08
ZilistarcLlona
lhekxie
Sw8_angel18
pressettia
boobybird27
JennylenDivino

Salamat sa pagbati ulit hanggang sa next update. :)

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Nang imulat ko ito ay umaga
na. Napahaba yata ang tulog ko. Napansin ko ang kwarto ko na iba ang disensyo.
Tatayo na sana ako ng maramdaman kong may nakadagan sa bewang ko. Napatingin ako sa
gilid ko at nakita na mahimbing na natutulog si Clyde. Inalis ko ang buhok na
nakatakip sa mata niya at nasilayan ko ang maamo niyang mukha. Gusto ko siyang
titigan buong araw.

Ang mga mata niya na kapag tumitingin sa akin na parang ako lang ang nakikita niya,
ang ilong niyang matangos at ang mapupula niyang labi. Hinaplos ko ito at nagulat
ako ng marahan niyang kinagat ang daliri ko. Kanina pa ba siya gising?

Minulat na niya ang mga mata niya. Nagising ko yata siya,"Good


morning,baby"hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Good morning" bati ko.

"Bakit gising ka na? Matulog ka pa."pumikit ulit siya.

"Natatamaan kasi ng sinag ng araw ang mata ko kaya hindi ko na magawang matulog"
naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at lumipat ako sa kabilang side ng kama
niya. Nagkapalit kami ng pwesto.

"Hindi ka na masisinagan ng araw kaya tulog pa tayo. Gusto kong katabi ka buong
araw." Hindi na ako inaantok.

Hinawakan ko ang pisngi niya, "Hindi pwedeng nakahiga lang tayo buong araw,baby.
Hindi na rin mauulit ito."

"Bakit hindi na mauulit? Ayaw mo na ba akong katabi sa kama?" Namula ako sa sinabi
niya. Hindi kasi maganda na sa iisang kama kami natutulog. Boyfriend ko siya pero
hindi asawa.

"Mali na natulog tayo sa iisang kwarto. Kapag nalaman ito ng iba ay mag-iisip sila
ng masama kung ano ang ginawa natin."

"Huwag mo silang isipin dahil wala silang pakialam kung anuman ang gawin natin.
Kung gusto kitang halikan ngayon ay gagawin ko" hinalikan niya nga ako. Nagtagal
rin ito at nang mahiwalay kami ay nakangiti siya.

"See...Hindi ko na kailangang magpigil kapag gusto kitang halikan at yakapin kapag


magkasama tayo. Walang silang karapatang alamin ang mga ginagawa natin. Ang
mahalaga ay ikaw at ako."

Pumikit ulit siya pero gusto ko na talagang tumayo.

"Clyde, bumangon na tayo. Umaga na at may mga trabaho pa tayo."

"Wala tayong trabaho ngayon."

"Ano?"Ano ba ang sinasabi niya.

"Tinawagan ko si Sarah na hindi ako tatanggap ng kahit anong appointment ngayon at


pinasabi ko na rin na hindi ka papasok para masabihan ang head niyo."

"Bakit mo ginawa yun?"

"Kailangan ba may dahilan kapag gusto mong makasama ang taong mahal mo. Kung pwede
nga sana dito ka na lang tumira para wala na akong problema." Tinanggal na niya ang
braso niya sa bewang ko at bumangon na. Anong nangyari sa kanya?

Bumangon na rin ako,"Kung gusto mong maligo ay gamitin mo na lang ulit yung damit
ko" Lumabas na siya ng kwarto. May nasabi ba akong ikinagalit niya? Maganda naman
ang gising niya pero bakit bigla na lang siyang hindi namamansin?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako para hanapin siya. Nakita ko siyang nasa
kusina,"Anong gusto mong kainin at ipagluluto kita."

Alam kong narinig niya ako pero hindi man siya lumingon. Hindi ba niya ako
titingnan?

"Ikaw na bahala,Sandra." Balik na naman sa Sandra ang tawag niya. Akala ko ba


'baby' ang tawagan namin.

Nagtungo na ako sa ref. niya para maghanap na pwedeng lutuin. Kumuha ako ng bacon,
hotdog at itog para iprito. Minsan ay tumitingin ako sa gawi niya pero hindi pa rin
siya nakatingin sakin. May nagawa ba akong ikinagalit niya?

Natapos na akong magluto at nilagay ito sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng kape at
orange juice dahil hindi ko alam kung ano ang iniinom niya sa umaga. Ayaw naman
niya akong pansinin baka hindi rin niya ako sagutin kung magtatanong ako.

Nagsimula na kaming kumain pero wala akong gana. Hangga't hindi ko alam kung anong
problema namin.

"Clyde-"

"Baby, pwedeng dito ka na lang tumira?" Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko hindi
siya seryoso sa sinabi niya kanina.

"Clyde, alam mong hindi pwede ang gusto mo."

"Bakit hindi pwede,Sandra? Akin ka naman di ba? Bakit hindi ko pwedeng angkinin ka
at tumira dito kasama ko?" Nakakunot na ang noo niya. Hindi niya ba makita ang
problema.

"Boyfriend lang kita, Clyde. At hindi ko kayang ibigay ang gusto mo." Natahimik
siya at hindi na muling tumingin sakin.

Kahit mahal ko siya ay hindi ko kayang makipagleave-in sa kanya,"I have a better


idea how we are going to solve this problem, Sandra."

"What is it?"

"Let me change your name with mine. In that case, there are no restrictions or
limitations when we are together and you will be officially mine." Nabitawan ko ang
hawak kong kutsara. Nagpopropose ba siya?

"What do you think, baby?"

Napatayo ako sa upuan ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya,"Nagpopropose ka ba,


Clyde?"

Tumayo rin ito at lumapit sakin,"Yes. Kapag tinanggap mo ang proposal ko ay


magiging akin ka na talaga. You can't run away from me and you will stuck with
me,baby"

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kaseryoso sa


relasyon namin. Mahal namin ang isa't isa pero hindi pa ako handa."I c-can't."

Hinawakan niya ang pisngi ko para tumingin sa kanya, "I thought so. I know that you
are not ready to face another stage of our relationship but remember this, your
future is to be my wife and to be the mother of my child, baby"Then he kissed me.
This man will be my partner someday and I know that I can't love anyone else but
him.

Humiwalay ako sa kanya,"Bakit ayaw mo akong pansinin kanina?"

"Sa tingin mo ba kaya pa kitang tingnan pagkatapos mong maligo at suot mo pa ang
damit ko. Hindi mo lang alam kung gaano ko kinokontrol ang sarili ko na pigilan
itong nararamdaman ko."

Nagtaka ako sa sinagot niya, "Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Its a guy thing. Only man can understand what I've been through when a girl went
out of the shower wearing their clothes" Ano yun? Itanong ko kaya kay Brix para
malaman ko naman kung ano ang pinagdadaanan niya.

Tumunog ang cellphone ni Clyde. Tinitingnan ko lang siya habang kinakausap niya
yung tumawag sa kanya.

"Is he okay?" Hindi kaya si Lance yung pinag-uusapan nila.


"Huwag niyong hayaan na umalis siya sa hospital. Pupunta na ko."binaba niya ang
cellphone niya at humarap sakin.

"Baby, I need to go. Do whatever you want to do. I need to speak to someone."

"Si Lance ba yung pinag-uusapan niyo kanina?"

Napabuntong hininga ito, "Yes. Nagpupumilit siyang lumabas na ng hospital at


kailangan kong pumunta doon"

"Pwede bang sumama? Please gusto ko lang malaman kung okay siya"pumayag si Clyde.
Sana ay maging maayos ang pagkikita ulit namin.

***********

Bumaba na kami ng kotse niya at dumeretso sa receptionist.

"What room Lancen Mercado is?"

"He is in room 308, sir" hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami sa room ni
Lance.

Nang makita na namin ang room ay binuksan na agad ni Clyde ang pinto at nakita kong
nagbabasa ng magazine ito.

"Sa wakas dumating ka na kuya. Bakit ayaw mo akong lumabas sa hospital?"

"Hindi ka pa magaling kaya dumito ka lang." Nakita ako ni Lance.

"Nagkita ulit tayo, Cassandra. Binibisita mo ba ako." Ngumiti ito pero hindi ko
alam kung paano ko siya kakausapin.

"Huwag mong kausapin si Cassandra. Nandito lang kami para alamin kung okay ka
lang." Ang cold ng magkakasabi ni Clyde kay Lance.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya at nakainom lang ako kagabi kaya nagawa ko yun.
Hindi ka pa ba sanay sakin kuya."

Bakit kanina pa niya tinatawag na kuya si Clyde? Anong relasyon ng dalawa.

"Kaya ko pang pagbigyan ang mga prank mo kung hindi mo dinamay si Cassandra. Hindi
mo dapat ginagawang biro ang paghalik sa girlfriend ko."

"Dati ko pa naman ginagawa ito sa mga kasama mong babae. Ano ba pinagkaiba ni
Cassandra sa kanila?"

"Wala akong pakiaalam kung halikan mo ang lahat pero huwag ang pagmamay-ari ko. Sa
akin lang si Cassandra. Kaya kahit pinsan kita ay hindi ko hahayaan na gawin mo sa
kanya ang ginagawa mo sa iba."

Ibinaba ni Lance ang magazine na binabasa niya, "Ganyan ka ba kaseryoso sa kanya,


Clyde?" Nag-iba na ang tawag ni Lance. Kinakabahan ako sa takbo ng usapan nila.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo, Lance. Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't
hindi pa magaling ang mga pasa mo. Mag-aalala si tita sayo."

"Ikaw kaya ang may gawa nito kaya nagiguilty ka lang kapag nakita ni mommy ito."
"Kasalanan mo yan. Bago ko makalimutan, say sorry to my girlfriend!" Tumingin sakin
si Lance at nagsorry.

"O-Okay lang, Lance." Tumingin sakin ng masama si Clyde.

"Hindi okay sakin ang ginawa niya kaya huwag mong sabihin na okay lang sayo,
Cassandra. Baka ulitin niya ang paghalik sayo at babalik rin siya sa hospital."
Napaubo si Lance. Napakapossessive niya kahit sa pinsan niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Tumingin ito sa amin at pumunta siya
sa gilid ng kama.

"Sir, icheck ko lang po yung kondisyon niyo" ginawa na nito ang trabaho niya.
Nakatingin lang kami ni Clyde kay Lance.

Seryoso pa rin ang expression niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya para tumingin
siya sa akin.

"Huwag ka ng magalit sa kanya. Hindi na naman niya uulitin kaya ngumiti ka na,
baby"

"May bayad ang ngiti ko, bab-" hinalikan ko siya sa labi. Smack lang dahil may
ibang tao sa room ni Lance at makikita kami.

"Ayan binigay ko na ang bayad ko sayo kaya ngumiti ka na"

"Bakit ang bilis naman ng bayad mo. Hindi ko man lang naramdaman. Ulitin mo ulit
para ibigay ko ang sukli mo." Anong sukli ang sinasabi niya?

Hinalikan ko ulit siya pero pinigilan niya akong makalayo sa kanya. Tumagal rin ng
isang minuto. I finally saw his smile.

Nakarinig kami ng ingay at nang tingnan namin ay nakatingin na sa amin yung nurse
at si Lance.

Nahiya ako kaya tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Clyde, "Kuya, sa kwarto mo
dapat ginagawa yan at hindi sa hospital. Mas may privacy kayo dun. Huwag mo naman
akong inggitin at baka hatakin ko na lang ang nurse sa tabi ko at gayahin kayo."

"Sir-" Sumilip ako kung ano ang ginawa ni Lance. Hinawakan niya ang kamay ng nurse.

"Gusto mong gayahin natin ang ginawa nila,miss nurse" hinatak ng nurse ang kamay
niya at lumabas.

"Ang sungit naman ng nurse na yun." Hinawakan niya kaya ang kamay nung nurse at
gusto halikan tapos magtatanong siya kung bakit siya nilayasan!

Tumunog ang cellphone ni Clyde. Nakatingin ako sa kanya habang binabasa ito, "I
will take this call,baby. Lalabas muna ako."

Tumingin si Clyde sa gawi ni Lance, "Iiwan ko lang sandali si Cassandra dito.


Binabalaan kita na huwag mong hahawakan ang girlfriend ko."

"Ano naman ang gagawin ko Kuya. Nakaconfine ako dito tapos gagawa pa ako ng
kalokohan sa girlfriend mo."

Lumabas na si Clyde at naiwan kaming dalawa, "Gaano na katagal ang relasyon niyo ng
pinsan ko?"
Nag-iba ang pakikitungo niya. Kung kanina ay nagbibiro siya pero ngayon ay ang
seryoso niya, "Dalawang buwan na."

"Ngayon ko lang nakita siyang sobrang possessive sa isang tao. Ano ba ang ginawa mo
bakit ganyan ka na lang niya ipagdamot sa ibang tao?"

"W-Wala akong ginawa para g-gawin ni Clyde yun."

He stared at me then he smirked, "I am not interested to know what you did to make
him noticed you but I am more interested to know what might happen to him."

"What are you talking about?"

"Nakita ko na rin ang kahinaan niya at ikaw yun, Cassandra. Ano kayang mangyayari
sa kanya kung kukunin ko ang pinahahalagahang babae sa buhay niya ngayon."

Chapter 26

Ilang araw rin na hindi ko matuloy ang kasunod ng chapter na to kasi wala talagang
pumapasok sa utak ko. Pasensya na kayo kung natagalan. Lagi kasing nauudlot kapag
nagsusulat ako kaya nakakalimutan ko na. May pinapagawa pa sakin kaya kailangan ko
muna yun unahin. Sana huwag kayong magalit sa sobrang late ng update. Hindi ko na
nacheck ito kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga maling grammar o spelling.
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
Do vote, comment and follow me.
***********
Nakatingin lang siya sa akin. Anong ba ang gusto niya? Pinsan niya si Clyde pero
iniisipan niyang gawan ng masama. Hindi ko maintindihan kung ano ang rason niya.
"Ano ba ang gusto mong mangyari!?" Naiinis na ako. Hindi na kasi siya nakakatuwa.
"Gusto mo ba talagang malaman, Cassandra? Kapag sinabi ko sayo ngayon ang mga plano
ko at sisimulan ko ng gawin. Handa ka ba sa mga gagawin ko." Ngumiti ito. Hindi na
siya yung nakita kong Lance na palabiro kung kausapin ni Clyde at ngayon ang
nakikita ko sa kanya na may binabalak siya.
"A-Ayokong malaman kung anuman yang plano mo!" Natatakot ako na totohanin niya ang
sinasabi niya.
"Alam kong yan ang sasabihin mo. Ayaw mong sabihin ko dahil natatakot kang simulan
ko na ngayon ang mga pinaplano ko sa inyo ni Clyde." Bumalik ulit siya sa
pagbabasa.
"Bakit mo ba ito ginagawa, Lance?" Binababa nito ang binabasa niya at tumingin
sakin.
"Simple lang. Gusto kong makitang bumagsak ang isang Clyde Villacorte. Maganda
siguro makita yun. Matagal ko ng hinihintay na malaman kung ano ang kahinaan niya
pero tao pala ang dapat kong hinahanap. Ngayon nakilala kita ay magagawa ko na ang
mga plano ko."
"Kahit anong gawin mo ay hindi ko hahayaan na sirain mo kami. Ayoko man alamin kung
ano ang mga pinaplano mo pero hindi ako magpapaapekto sayo."
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
Nakita kong si Clyde kaya sinagot ko.
"Hello..."
"Baby,sorry na hindi na kita nabalikan dyan. Napahaba ang pag-uusap namin ng kausap
ko at may kinuha rin ako sa kotse kaya pumunta na ako dito. Nandito ako sa parking
lot. Dito na lang kita hihintayin."
"Aalis na ba tayo?"nakatingin lang sa akin si Lance habang nakikipag-usap ako.
"Yes. Magkita na lang tayo dito."
"Ok." Ibaba ko na sana ng magsalita ulit siya.
"I love you,baby" napangiti ako sa sinabi niya.
"I love you too,baby" binaba ko na at tumingin kay Lance.
"I have to go." Tumalikod na ako sa kanya at nang bubuksan ko na ang pinto ng
magsalita ulit siya.
"Last night was not the first time I saw you. You were with your friends too but
you left them to met someone, right?"
Humarap ulit ako sa kanya, "What are you talking about?"
"I knew the guy who you met with. Was it Renzell Salazar?" Si Ren ba yung sinasabi
niya? Ano namang problema kung nakipagkita ako sa kanya.
"Paano na lang kung malaman ni Clyde na nakikipagkita ka sa ibang lalaki. Ano ang
iisipin niya sa girlfriend niya? Paniguradong magagalit yun at maaaring mag-away
kayo dahil kay Ren. Sino ba talaga sa kanilang dalawa ang gusto mo?"sabi nito.
Balak niya bang isumbong ako? Isa ba ito sa mga plano niya para pabagsakin si
Clyde.
Aalis na lang ako dahil habang tumatagal ay lalo akong naiinis sa lalaking ito,
"Wait, hindi ka ba makikiusap na huwag kong sabihin kay Clyde? Kilala ko siya ayaw
niyang may kahati sa atensyon ng taong gusto niya."
"Hindi kita pipigilan kung gusto mong sabihin kay Clyde dahil kahit ano naman ang
gawin mo ay may tiwala kami sa isa't isa. Alam kong magagalit siya pero hindi iyon
ang magiging dahilan para masira ang relasyon namin, Lance."
Lumabas na ako ng room niya at pinuntahan na si Clyde. Nakahinga ako ng maluwag ng
masabi ko iyon. Nakita ko siya na nakasandal sa kotse niya at nang makita ako ay
ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nakasakay na rin siya at umalis na kami.
"May ginawa ba sayo si Lance?" Napatingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya?
Ayoko naman na mag-away sila.
"Wala naman. Nag-usap lang kami habang wala ka."
"Ano naman ang pinag-usapan niyo?" Naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa
kamay ko.
"Bakit gusto mong malaman, baby?" Napansin kong simimangot siya. Bakit ba gusto
niyang malaman.
"Gusto ko lang malaman kung nag-enjoy kang kausap ang pinsan ko. Pero hindi ko na
uulitin ang iwan ka sa kanya at baka ano na naman ang gawin niya sayo at dagdagan
ko pa ang pasa niya."
"Nag-usap lang kami tungkol sa atin. Tinanong niya kung gaano na katagal ang
relasyon natin kaya sinabi ko."
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito, "Dapat sinabi mo sa kanya na walang
expiration ang relasyon natin at hindi magtatagal ay matatali ko na sa lalaking
kasama mo ngayon. Di ba mas magandang sabihin iyon sa pinsan ko?" Tumango ako. Mas
maganda ngang sabihin iyon para malaman ni Lance na kahit anong gawin niya ay hindi
niya masisira ang relayon na meron kami.
*************
Dinala niya ako sa isang restaurant. Dito na lang kami kakain ng lunch ang sabi
niya dahil masarap daw ang mga pagkain. Namimili na kami kung ano ang oorderin at
naghahanap ako kung anong pwedeng kong kainin. Hindi kasi ako familiar sa mga
pagkain sa menu.
"Nakapili ka na ba?" Binaba ko ang menu at hinarap siya.
"Wala pa. Hindi kasi ako familiar sa mga nakalagay sa menu kaya nahihirapan akong
pumili." Inaalala ko rin kung magkano ang bawat isa pero hindi ko na lang sinabi at
baka magalit siya. Ayaw pa naman niya na magkaissue kami kung pera lang ang
problema.
"Kung gusto mo ako na lang ang pipili sayo? Natikman ko na rin halos lahat ng
nandito para hindi ka na mahirapan pumili." Pumili na siya at hinihintay na lang
namin.
"Ano ang impression mo sa pinsan ko,baby?" Bakit kaya bigla na lang siya nagtanong
ng ganito sakin? Napansin kaya niya ang pagbabago kay Lance kapag kasama namin.
"Ok lang." Kahit iba ang pakikitungo niya ay hindi ko na lang papansinin. Ayokong
maging dahilan para mag-away sila.
"Maloko lang si Lance. Nasanay kasi siya na hinahayaan lang namin ang mga kalokohan
niya pero alam naman niya kung kailan titigil sa mga ginagawa niya."
"Close ba kayong dalawa?" Hinihintay ko ang sagot niya para malaman ko kung ano ba
ang tingin ni Clyde sa pinsan niya.
"Yeah. Mula pagkabata ay laging pumupunta ang tita ko at lagi niyang sinasama si
Lance sa mansion namin kaya masasabi kong lagi kaming magkasama noon. Pareho rin
kaming galing sa iisang university kaya kapag may kalokohan siya ay ako ang lagi
niyang takbuhan kapag tinatakasan na niya kung sinuman ang biktima niya noon."
Masaya siyang nagkukwento tungkol sa pinsan niya. Ngumiti rin ako ng makita ko
siyang napangiti pero hindi ko maramdaman na maging masaya para sa kanya.
May mga dahilan ang tao kung bakit sila gumagawa ng isang bagay na makakasakit sa
iba kahit malapit sa kanila. Hindi ko man alam kung bakit ganoon na lang mag-isip
si Lance pero ang mahalaga ngayon ay kaming dalawa.
"Ang ganda pala ng samahan ninyong dalawa. Masaya sigurong magkaroon ng pinsan na
katulad mo. Sakit sa ulo siguro ang mga kalokohan niya at ikaw lagi ang umaayos ng
lahat. Gusto kong makita kung saan kayong university nag-aral para makita ko kung
ano ang uniform na suot niyo."
"We don't need to go to my university just to see what I looked like back then. I
still have my uniform in our house."
"Ang cute mo siguro kapag suot mo ang uniform mo. I really want to see it."
Dumating na rin ang order namin. Mukhang alam nga ni Clyde ang mga gusto ko. May
seafoods kasi siyang inorder. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil kaninang umaga
pa ang huling kain naming dalawa. Sa pagbisita namin sa pinsan niya ay akala ko
magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Mas mahirap na may alam kang gagawin
ng isang tao pero hindi mo masabi sa taong mahal mo.
"Masarap ba?" Tumango ako.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Isa ito sa mga pinupuntahan kong restaurant na
nagseserve ng ibat-ibang Filipino cuisine kaya dinala kita dito."
"Sino ang kasama mo kapag nagpupunta dito?"
"Mga business partners ko. Pero madalas ako lang dahil wala na naman akong isasama
dahil busy ako sa pagpapatakbo ng kompanya at wala naman akong gustong isama noon."
Sobrang busy talaga niya.
"Bakit wala kang isasama? Wala ka bang girlfriend na pwedeng isama sa pagpunta
rito?"
"Wala akong oras para makipagrelasyon at ayokong nahahati ang oras ko. Ang priority
ko ay ang kompanya at hindi ang magkaroon ng girlfriend. Gusto ng mga babae na sila
ang maging priority mo kaya ayokong magkagirlfriend. Sagabal lang sila sa mga
ginagawa ko." Kung ayaw pala niya bakit niya pa ako niligawan? Hindi ko nagustuhan
ang sinabi niya tungkol sa mga babae.Hindi lahat ng babae ay ganoon mag-isip at
lalong lalo na at hindi ako katulad nila. Alam ko kung saan ako lulugar sa relasyon
namin ni Clyde.
"Kung ayaw mo palang ng may sagabal sayo, bakit niligawan mo pa ako?" Nakatingin
lang ako sa pinggan ko at ayokong tumingin sa kanya.
"Sa tingin mo ba ay ganoon ang tingin ko sayo? Ako ang may gusto na maging parte ka
ng buhay ko, Sandra. Wala akong pakiaalam sa mga babae noon dahil lahat sila ay
pare-pareho lang. Ang mga bagay na kaya kong ibigay ang gusto nila. Sila ang
lumalapit sakin na ayoko sa lahat pero pagdating sayo ay kahit hindi ka interesado
sakin ay pinilit ko pa rin na makuha ang atensyon mo kaya huwag mong isipin na
sagabal ka lang dahil pinaghirapan kong makuha ang atensyon ng babaeng kaharap ko
ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Sandra, hindi ka katulad ng mga babaeng sinasabi ko dahil ako mismo ang lumapit
sayo. Gusto kong makuha ang atensyon mo mula noon pa kaya hindi ka na makakawala
sakin. Ako lang ang boyfriend mo at lalaking mamahalin mo." He always say that he
loves me whenever he have a chance. I want to stay in his side forever.
"Clyde, hindi mo naman ako iiwan di ba? Lagi ka lang sa tabi ko kapag kailangan
kita o gusto kitang makita. Panghahawakan ko ang mga sinabi mo na ikaw lang ang
lalaking mamahalin ko."
Natapos na kaming kumain at masaya ako sa mga sinabi niya. May tiwala ako na hindi
kami mapaghihiwalay ni Lance. Hindi niya magagawa ang binabalak niya sa aming
dalawa.
Lumapit yung waiter na kaninang nagserve sa amin pero nagtaka ako kung bakit may
dala ulit siyang mga pagkain.
Binaba ng waiter yung mga pagkain sa table namin,"Sir, enjoy your food and have a
nice day."
"Wait, I did not order for this." Narinig kong sinabi ni Clyde. Akala ko siya ang
nag-order nito.
"Someone instructed me to give this in this table, Sir."
"I will not accept it so take it back and give it to that someone you were
referring to."
"B-But sir-"
"You can go now, Noel. I will handle this." May nagsalita mula sa likuran ko kaya
si Clyde ay nakita na kung sino ito.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Clyde. Ayaw mo pa rin tumanggap ng mga bagay mula sa
ibang tao."

Chapter 27
Another update! Hindi ko na paghihintayin ng sobrang tagal ang mga readers ko.
Hehehe. May matutuklasan kayo sa chapter na to. Nakakatuwa na may naglalagay pa rin
ng story ko sa reading list nila. Leave your comments pa rin kung nagustuhan niyo
ang chapter na to. Welcome sa mga bagong followers ko. :)
My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***************
"Anong ginagawa mo dito?" Nakatingin lang ako sa nagpapabbigay ng pagkain sa amin.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Bakit bawal na ba akong kumain dito, Clyde?" Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi
ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Alex." Tumawa siya at tumingin sa akin.

"Napakaseryoso naman ng boss mo, Cassandra. Kung hindi mo na matagalan ang


pagkamasungit at pagkaistrikto niya, lumipat ka na lang sa kompanya ko. Mabait
akong boss." Kinindatan pa ako kaya natawa ako sa kanya. Paniguradong iniinis lang
niya si Clyde kaya niya sinasabi ito.

"Sandra, lumipat ka dito sa tabi ko at baka hindi ako makatimpi sa katabi mo at


uuwi siyang may pasa." Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Clyde at baka totohanin
niya ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan ang matawa sa inaasal niya.

"Last time na nagkita tayo ay ayaw mong pahawakan ang kamay ni Cassandra pero
ngayon ay bawal na siyang tumabi sakin. Binakuran mo na talaga siya."

"Kapag gusto mo, babakuran mo pero kapag mahal mo, aangkinin mo." Hinawakan ni
Clyde ang kamay ko at doon natuon ang atensyon ni Alex.

"KAYO NA!?" Tumango ako at natulala siya sa pagkompirma ko sa tanong niya.

"Cassandra, sinunod ba ni Clyde ang sinabi ko? Dinaan ka ba niya sa dahas para
sagutin mo siya? Alam kong nakakatakot siya kapag business na ang pinag-uusapan but
I assumed that he i even more scarier when he court someone." Sabi nito. Hindi
naman nakakatakot si Clyde noong nanliligaw siya pero kapag nagselos na siya ay
lumalabas ang pagkapossessive niya.

"No. He courted me for almost 2 months and during that days he did his best."
"Clyde, binata ka na! Akala ko hihintayin mo pang malaman ng kambal ang tungkol sa
sinisinta mo bago ka pa gumawa ng paraan para makuha siya." Inambahan ni Clyde na
ibabato ang kutsara niya kaya umilag ito.

"Tumigil ka na at ibabato ko na sayo to."

"Okay...Titigil na. Hindi to mabiro."

Lumapit ulit yung waiter na kaninang nagbibigay ng pagkain sa amin at dala niya ang
mga pagkain na kaninang binibigay niya na order ni Alex.

"Tanggapin niyo na to. Minsan lang ako manlibre, Clyde. Lubusin mo na ang kabaitan
ko ngayon di ba, Cassandra?" Makulit rin ito. Kaya nakakatawa siya kapag nakikipag-
usap siya. Hindi na umangal si Clyde ng maserve na ng waiter ang mga pagkain.

"Kamusta na ang pinagagawa ko sayo, Alex?"

"Pwede bang pag-usapan natin iyon sa office mo? May mga itatanong ako sayo tungkol
sa gusto mong ipagawa."

"Let's go."

**************

Nakatingin lang ako sa labas habang nag-uusap silang dalawa. Wala naman akong alam
sa pinapagawa ni Clyde kaya mananahimik na lang ako. May ibang bagay akong iniisip
ngayon.

Kamusta na kaya si Hanz? Pumasok kaya siya ngayon kahit may mga pasa pa siya.
Pumasok kaya sila Kim. Sabi kasi ni Clyde na hindi kami papasok pero ngayon ay
pupunta kami sa office niya at sana makita ko sila.

Sana hindi kami sa main entrance pumasok para hindi kami makitang sabay na
dumating. Katatapos lang ng issue noon at baka magkaroon na naman ng panibago kung
makikita nila si Alex.

Nakita kong malapit na kami at ang akala ko na dederetso kami sa parking area sa
loob ng building kaya lang ay huminto kami sa harap ng building.

Bumaba na sila kaya bumaba na rin ako. Pinauna ko muna silang dalawa sa paglalakad
bago ako sumunod sa kanila. Hindi ako pwedeng makita ng iba na magkakasabay kaming
dumating para makaiwas na ako.

Hindi naman napapansin ng dalawa ang distansya ko sa kanila. Pumasok na kami at


napansin kong may mga ibang empleyado rin na naglalakad at siguro ay babalik na sa
kanilang mga department.

"CASSANDRA!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya lumingon ako kung saan
nagmula yung boses.

Pagharap ko ay nabigla ako sa pagyakap ni Laurel. Siya pala ang tumatawag sakin.
Tiningnan ko rin sila Hanz na palapit sa amin. Nang makalapit sila ay agad kong
napansin ang mga pasa ni Hanz. May sugat rin siya sa labi ng masuntok ito ni Lance.

"Bakit nandito ka?" Hindi na ba ako pwedeng pumasok?

"Bakit ganyan ang tanong mo sakin, Kim?"


"Nakausap ko kaya si Sarah na hindi ka daw papasok kaya tinatanong kita kung bakit
ka nandito. Pinagpaalam ka na niya kanina." Totoo nga ang sinabi ni Clyde kanina.
Tumingin ako kay Hanz.

"Bakit ka pumasok ngayon?" Pinayagan siyang hindi pumasok pero bakit pinilit pa
niya. Hindi naman siya mapapagalitan dahil si Clyde mismo ang nagsabi sa kanya.

"Wala naman akong gagawin sa bahay at hindi na rin masakit ang mga pasa ko kaya
pumasok na rin ako." Mabuti naman ay ayos siya.

"Cassandra, ano ang gagawin mo ngayon? Sasama ka ba sa amin sa office natin?" Paano
ko ba sasabihin na may kasama ako ngayon.

"Ano kasi-"

"Sandra." Lumingon ako at nakitang papalapit sila sa amin. Akala ko nauna na sila.

"Bakit hindi ka na sumunod?"

"Nakita ko kasi sila kaya kinausap ko muna bago ako sumunod sa inyo." Tumingin si
Clyde sa mga kasama ko. Nakita ko naman si Alex na may tinitingnan kaya tumingin
ako kung saan siya tumitingin. Bakit niya tinitingnan si Kim?

"Vanilla?" Sino ang tinatawag niya? Wala namang lumilingon kay Alex sa pagtawag
niya.

"VANILLA!" Nagulat ako sa pagsigaw niya at maging ang mga malapit sa amin ay
napalingon rin.

Naglakad siya papunta sa amin pero hindi ko pa rin kilala kung sino ang tinatawag
niyang 'vanilla'?

Nagulat kami ng bigla na lang niyang hatakin ang kamay ni Kim at mahigpit na
niyakap ito. Maging si Kim ay nagulat sa ginawa ni Alex sa kanya.

"Nakita na rin kita!" Hindi pa rin binibitawan ni Alex si Kim pero napansin kong
pinipilit ng tanggalin ni Kim ang pagkakayakap sa kanya.

"Pwede bang bitawan mo ako! Hindi kita kilala kaya lumayo ka sakin!" Lumayo si Kim
at lumapit sa amin.

Sinundan pa rin siya ni Alex, "Hindi ako naniniwalang hindi mo ako kilala. Huwag ka
ng magpanggap na parang wala tayong pinagsamahan noon."

Hinatak na ni Kim si Laurel, "Mauna na kami, Cassandra. Baka mapagalitan kami kapag
hindi pa kami bumalik. Kita na lang tayo bukas."

Lumingon si Kim kay Alex pero napansin kong naging seryoso siya, "Baka napagkamalan
mo lang na ako ang hinahanap mo pero kung ako man yung babaeng sinasabi mo, hindi
na siguro siya lalapit sayo at huwag mo na rin siyang lapitan kung makita mo siya.
Sabi mo nga meron kayo 'noon' pero tapos na ngayon."

Naunang umalis sila Kim at Laurel at sumunod na lang yung dalawa. Tumingin ako kay
Alex at nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Si Kim ba talaga ang hinahanap niya?

"Alex, let's go." Nauna ng naglakad si Clyde para makapunta na sa office niya.
Sumunod na rin kami pero napansin kong wala na yung Alex na kasama namin kanina.
Ano ba talagang nangyayari sa kanila ni Kim?
Dumeretso na kami sa office ni Clyde. Nagpaalam akong ikukuha ko sila ng maiinom
kaya iniwan ko muna sila para makapagum-usap.

Hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ni Kim. Ngayon ko lang siyang nakitang
ganoon sa ibang tao. Alam kong palaban siya kaya nga lagi niya akong pinagtatanggol
pero iba kanina ng kaharap niya si Alex. Pakiramdam ko na may hindi sinasabi sa
amin si Kim.

Nilagay ko na sa tray yung hinanda ko at kailangan ko ng bumalik sa office at baka


nauuhaw na sila. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang pagsigaw ni Clyde.

"Ano ba ang nangyayari sayo, Alex!" Lumapit ako sa kanila at binaba ang tray na
dala ko.

"Pwede bang next time na lang natin ito pag-usapan, Clyde. Nakalimutan ko na ang
mga dapat kong itanong sayo."

"Ikaw ang nagsabi sakin na kailangan nating mag-usap kaya nandito tayo sa office
ko!"

"Hindi ko naman inasahan na makikita ko siya dito kaya pasensya na pare kung hindi
ako makapag-isip ng maayos ngayon. Matagal ko na siyang hinahanap..." Kumalma na si
Clyde pero alam kung galit pa rin siya.

"Alex, si Kim ba talaga yung hinahanap mo?" Tumingin siya sa akin at tumango.

"Hindi ko alam kung bakit niya tinatanggi na siya yung sinasabi ko pero alam kong
siya yun." Kapag nagtanong kaya ako kay Kim tungkol kay Alex, ikakaila niya kaya
iyon sakin? Pakiramdam ko kasi na may galit si Kim kay Alex kaya hindi ko alam
kung sasagutin niya ako.

"Pwede ka naman bumalik dito kung gusto mo ulit siyang makita. Magkakasama kami sa
iisang office kaya kung gusto mo pumunta ka doon." Napansin kong natuwa siya sa
sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa na tulungan siya pero alam kong
kailangan nilang mag-usap.

"Pwede naman siyang pumunta dito, Clyde?" Hinihintay ko ang sagot niya at nang
makita kong napabuntong-hininga siya.

"Wala na akong magagawa kung nakapagdesisyon na ang baby ko sa bagay na to. Ayoko
naman na ikaw ang magalit sa akin kapag hindi ako pumayag."

"May permiso ka na mula sa boyfriend ko kaya dapat huwag mong sayangin ang chance
na to."

"Salamat, Cassandra." Nagulat ako ng yakapin niya ako. Nakita kong napatayo si
Clyde at hinatak ako papunta sa kanya.

"Huwag mong yayakapin ang baby ko, Alex o babawiin ko ang pagpayag ko sa pagpunta
mo dito."

"Oo na. Hindi na po ako lalapit sa 'baby mo' dahil may sarili akong 'vanilla' na
susuyuin. Next time na lang natin pag-usapan ang tungkol sa project mo pare dahil
kailangan ko ng umalis. Pag-iisipan ko pa ang mga dapat kong gawin para makausap si
Kim."

Umalis na rin si Alex pero hindi pa rin pinapakawalan ni Clyde, "Pwede mo na ba


akong pakawalan? Wala na si Alex."
"Ayoko. Gusto ko ang posisyon natin ngayon." Nasa bewang ko ang mga kamay niya at
nakadikit naman ang mukha niya sa buhok ko. Humarap ako sa kanya at tumingin siya
sa akin.

"Clyde, mangyayari ba sa atin na maghihiwalay tayong dalawa? Hahanapin mo rin ba


ako katulad ng ginawa ni Alex sa paghahanap kay Kim kapag umalis ako sa tabi mo?"

Hinaplos niya ang pisngi ko at bahagya itong tinaas, " Bakit mo pa iisipin ang mga
imposibleng mangyari. Nakatali ka na nga sa lalaking kaharap mo ngayon at basbas na
lang ang kulang pero sa akin ka na, Cassandra."

"May nakalimutan pala akong ibigay sayo." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano naman iyon?" Pinulupot ko ang mga bisig ko sa leeg niya at hinatak siya para
mahalikan ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"This is your reward for letting Alex to visit my friend." He smirked and embraced
me.

"Hindi ko naman naramdaman yung reward na sinasabi mo. Pwede mo bang ulitin para
handa na akong tanggapin at isasauli ko pa ang sobra sayo kung gusto mo." Hindi pa
rin siya makontento sa isang halik.

"Alam ko naman na susulitin mo ang reward mo sa akin, baby"

"Ano ang magagawa ko kung binibigyan ako ng reward ng baby ko. Mas maganda ng
sulitin para hindi sayang ang chance na to, di ba?" Hindi na ako nakasagot ng muli
ulit na magdikit ang mga labi namin. Alam kong totohanin ni Clyde ang sinabi niya
at wala akong magagawa kundi tugunin ang halik ng mahal ko.

Chapter 28
Nakakatuwa namang mabasa ang mga comments niyo sa last chapter. Sana ipagpatuloy
niyo pa rin ang pagcomment sa story na to. Ang saya ko na umabot na ng 500 ang
followers ko. Salamat sa inyo.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment, and follow me.

************

Ilang araw na nakakalipas pero hindi pa rin nagpapakita si Alex sa office namin.
Hindi pa rin ba siya nakakaisip ng paraan para makapag-usap sila ni Kim.

"Bakit ka nakatingin sa akin, Cassandra?" Hindi ko na napansin na nakatingin na ako


kay Kim. Wala namang pagbabago sa kanya pagkatapos nilang magkita ni Alex.

Nagtataka na ako kung totoo ba ang sinasabi ni Alex na may 'past' sila. Hindi naman
apektado si Kim. Wala akong magawa ngayon at ayokong namang itext si Clyde dahil
nagtatampo ako sa kanya.

"Cassandra..." Bakit wala akong natanggap ngayon mula sa kanya? Araw-araw naman
siyang nagbibigay at ngayon lang wala.
"Cassandra!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kim.

"Bakit ka ba sumisigaw dyan? Ang lapit ko lang sayo kaya huwag mo ng isigaw ang
pangalan ko."

"Tinawag na kita kaso hindi ka naman lumingon. Anong ba ang problema at kanina pa
kita nakikitang malungkot ka dyan." Pinaalala niya pa. Ayoko na ngang isipin.

"Alam ko na ang problema mo?" Hinayaan ko na lang siyang manghula kung bakit
malungkot ako.

"Si sir Clyde." Masyado na ba akong halata? Kaya nalaman agad niya na si Clyde ang
dahilan kung bakit malungkot ako.

"Ano ang pinag-uusapan niyo? Isali niyo naman ako at wala akong magawa dito."
Nilapit ni Laurel ang upuan niya malapit sa amin.

"Malungkot ang kaibigan natin dahil sa kanyang boyfriend na nagngangalang Clyde


Villacorte." Kailangan ba talaga niyang sabihin ang buong pangalan ni Clyde.

"Ano ba ang ginawa ni sir, Cass?" Sasabihin ko ba sa kanila? Baka pagtawanan lang
nila ako sa dahilan ko.

"A-Ano kasi... Si Clyde kasi..."

"Umayos ka nga, Cassandra. Hindi ka namin maintindihan kung ganyan ka. Gusto mo
tawagan ko si Sarah para makausap namin si sir." Hindi pwede niyang tawagan si
Clyde!

"Huwag! Wala naman talaga akong problema kaya hindi niyo na kailangang abalahin si
Clyde."

"Bakit malungkot ka ngayon kung wala kang problema?"

"Nagtatampo lang." Nagkatinginan ang dalawa tapos tumingin sakin.

"Ano na ba ang nagawa ni sir?"tanong ni Laurel.

Nahihiya akong magsabi. Hindi ba nila ako pagtatawanan kapag sinabi kong nagtatampo
ako kay Clyde dahil lang sa hindi siya nagbigay ng rose na lacing niyang binibigay
sakin ngayon.

"Magsasalita ka ba, Cassandra o pipindutin ko na ang call sa cellphone ko? Kilala


mo naman ang boyfriend mo, kapag ikaw na ang pinag-uusapan ay sasagutin niya agad
ang tawag ko kapag sinabi ni Sarah." Hindi naman siguro siya seryoso sa sinabi
niya.

Ilang minuto pa akong nakatingin sa kanya at nagulat ako ng pindutin niya. Nilagay
niya pa sa loud speaker at naririnig namin na nagriring.

"Sasabihin ko na! Ibaba mo na yan, Kim!" Nag-end call na yung cellphone niya.
Kinabahan ako sa ginawa niya.

Napalingon sa amin sila Brix at Hanz ng sumigaw ako. Pakiramdam ko namula ako sa
kahihiyan.

"Bakit ka sumisigaw dyan, Cassandra?" Lumapit si Brix sa amin.


"Hindi ka pwede dito, Brix! Girl talk lang to." Pinipigilan ni Laurel. Wala naming
masama kung sumali sila.

"Isali niyo din kami. Wala rin kaming magawa ngayon. Hanz! Sumali tayo sa usapan
nila. Kapag sumali ka, wala ng magagawa si Laurel kundi pumayag!" Naglakad na
papunta sa amin si Hanz at kumuha ng upuan.

"Ano ba ang pag-uusapan niyo?"sabi nito. Kapag nakisali si Hanz ay wala ng magagawa
sila Kim at Laurel. Mautak rin si Brix at ginamit si Hanz para lang makasali sa
usapan namin.

"Simulan mo ng sabihin ang dahilan ng pagtatampo mo kay sir."nakatingin silang


apat.

"H-Hindi niya kasi ako binigyan ng rose ngayon." Hindi ako makatingin sa kanila sa
sobrang hiya. Napakasimple lang ng dahilan ko kaya nga ayokong sabihin sa kanila.

"Iyon lang?"tumingin ako kay Brix at tumango. Bigla na lang itong tumawa kaya
yumuko ako para hindi nila makita ang mukha ko.

"Manahimik ka nga dyan, Brix. Para sayo ay simple lang ang dahilan ni Cassandra
pero sa kanya hindi. Kapag nakakatanggap pa rin ng bulaklak ang isang babae mula sa
boyfriend, ibig sabihin ay hindi nila nakakalimutan ang girlfriend nila. Sa case
kasi ni Cassandra, may message lagi si sir kasama ng bulaklak na binibigay ito na
tinatabi niya kaya ng hindi siya makatanggap ngayon ay nalungkot siya. Mabuti na
lang at wala kang girlfriend kundi kawawa ang babaeng iyon." Pagtatanggol sa akin
ni Kim. Mabuti na lang at naiintidihan niya ako.

"Ako na naman ang nakita mo, Kim. Malay ko bang ganyan kayong mga babae. Kailangan
pala kayong bigyan ng bulaklak araw-araw. Hindi ba mamumulubi ang magiging
boyfriend ninyo? Si sir Clyde pwede pa. Paano yung sa inyo, Kim? Laurel?"

Lumapit yung dalawa kay Brix at hinampas ng mga folder. Sobra naman kasing
magsalita si Brix pero alam kong nagbibiro lang siya para lang mainis yung dalawa.

"Akala mo ba hindi kami makakakita ng katulad ni sir! Hintayin mo lang at


ipapamukha ko sayo ang magiging boyfriend ko!"sabi ni Laurel. Siya ang obsess na
makakita ng gwapo at mayamang na magiging boyfriend niya. Maganda naman si Laurel
kaya hindi siya mahihirapan.

"Kapag nagkagirlfriend ka, sasabihin namin sa kanya ang lahat ng pinagsasabi mo!
Kuripot ka kasi kaya ayaw mong gumastos kahit man lang sa magiging girlfriend mo.
Anong gusto mo, mga babae pa ang magbibigay sayo!" Natawa ako sa sinabi ni Kim.
Kapag nagbabangayan na sila ay hindi maaaring hindi ka matawa sa mga sagutan nila.

Tiningnan ko si Hanz at napahawak na lang sa noo nito sa sobrang gulo ng tatlo.


Mamaya pa matatapos sila hanggat hindi pa nawawala ang inis ng dalawa. Kawawa na
naman si Brix.

"Tigilan niyo na ako. Masakit na. May mga fastener pa yata ang mga hawak niyong
folder at tumatama sa gwapo kong mukha!" Umiilag ito.

"Ang kapal mo, Brix! May salamin ba sa inyo? Baka naman hindi mo napupunasan kaya
malabo mong nakikita ang mukha mo. Pag-uwi mo nga sa bahay palitan mo ng mas
malinaw o punasan mo para magising ka sa katotohanan." Napagod na yung dalawa at
umupo na ulit sa upuan nila.

"Mabuti naman at natapos na kayo. Baka mapagalitan na tayo sa ingay ninyo."


Tumingin sa akin si Hanz, "Huwag ka ng malungkot kung hindi ka nabigyan ni sir ng
bulaklak. Alam mo naman na busy lang siya at baka nakaligtaan niya lang o may plano
siya para sayo."

***********

Malapit ng maglunch break. May isang oras pa ang hihintayin namin at pwede na
kaming lumabas para kumain.

"Sasabay ka ba sa amin, Cassandra?"tanong ni Kim.

"Oo. Wala namang sinabi sa akin si Clyde na sabay kami ngayon." Wala pa akong
natatanggap na text o tawag mula sa kanya.

Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya binuksan ni Brix. Nakita namin na may isang
delivery man na may hawak na bouquet ng tulips at chocolates.

"Cassandra, baka sayo naman ito." Tumayo ako at lumapit sa delivery man. Tiningna
ko ang mga bulaklak, bakit mga tulips?at chocolates? Bakit ako bibigyan ni Clyde ng
ganito na alam niyang roses ang gusto ko.

"Para kanino iyang mga bulaklak at chocolates?" Nakayuko kasi yung delivery man at
nakacap pa kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Cassandra!" Tumingala ito at nakita ko kung sino ito, si Alex! Hinawakan ko ang
doorknob ng pinto at bahagyang sinarado ang pinto.

"Nandyan ba si Kim?" Mahina lang ang boses niya at baka marinig sa loob.

"Oo. Bakit ngayon ka lang nagpunta dito?"

"May inasikaso kasi ako kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras na puntahan siya."
Tiningnan ko ang suot niya. Saan niya ba nakuha ang uniform na suot niya ngayon?

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tumingin ito sa suot nito at ngumiti.

"Kailangan kong magdisguise para hindi muna ako makilala ni Kim. Tatakbuhan niya
lang ako kapag nakita niya ang mukha ko."
Ngumisi pa ito sa naisip niyang paraan.

"Tatawagin ko na si Kim?" Tumango ito kaya binuksan ko ulit ang pinto at lumapit
kay Kim.

"Bakit ang tagal mo sa labas, Cassandra?"

"Nagkamali lang yung delivery man at akala sa akin yung mga dala niya. Pumunta ka
na doon dahil sayo nakapangalan ang mga iyon" nagtaka ito pero tumayo na siya at
nagpunta sa pinto.

Tiningnan ko lang si Kim habang kinukuha ang mga bigay ni Alex. Natuwa ito sa mga
chocolates, "Kung sino man ang nagbigay nito,mahahalikan ko talaga! Matagal na
akong hindi nakakakain nito."

Kumuha agad ito ng isang chocolate at kinain. Napansin ko ang pagngiti ni Alex ng
makitang nakain na ni Kim ang binigay niya. Tinanggal na nito ang cap niya. Hindi
pa siya nakikita ni Kim dahil nakatalikod ito sa kanya.

"Nasaan na ang halik ko, vanilla? Nasarapan ka sa chocolates na bigay ko kaya


ibigay mo rin sa akin ang ipinangako mo" naubo ito at nanlaki ang mata ng makita si
Alex.
"Ano ang ginagawa mo dito?"

Nakatingin lang ako sa kanila. Napatingin ako sa hawak na bulaklak ni Kim at naisip
ko na naman si Clyde.

"Cassandra!" Tumingin ako kay Alex.

"B-Bakit?" Tumingin ito sa tinitingnan ko kanina at ngumisi. Ano na naman ang


iniisip nito?
May tinatawagan siya sa cellphone niya.

"Pare..." Sino kaya ang tinatawagan nito at napapalingon ito sa akin.

"Nasa office ka ba ngayon?"

"Nandito ako ngayon sa company mo. Nasa office ako ng girlfriend mo at nang vanilla
ko." Tumingin ito kay Kim pero ang sama ng tingin nito.

"Oo. Pumunta ka nga dito at iwan mo muna iyang trabaho mo dyan." Tumayo si Kim at
pumunta sa pinto.Hinaharangan ni Alex ang pinto kaya hindi siya makalabas.

"Ayaw mo bang makita si Cassandra? Kapag hindi ka pa pumunta dito at itatakas ko


siya ngayong araw." Niloud speaker niya ang cellphone niya.

"Subukan mong gawin yan at ipapaban na kita sa kompanya ko!" Pinatay na ni Alex ang
tawag at tumingin sa akin.

"Papunta na dito ang possessive mong boyfriend. Nakalimutan ka niyang bigyan ng


bulaklak ngayon kaya pahirapan mo. Huwag mo agad pansinin para madala."tumingin ito
kay Kim,"Nasaan na yung kiss na sinasabi mo?"

Ilang minuto lang at nakita kong nakatayo na sa likuran ni Alex si Clyde at ang
sama makatingin nito.

"Nandyan ka na pala. Nagbago na pala ang isip ko. Hindi na si Cassandra ang
itatakas ko kundi ang vanilla ko. Goodluck sayo pare." He tapped him and left.

Pumasok si Clyde at sinarado ang pinto. Umiwas ako ng tingin sa kanya at susundin
ko ang payo ni Alex.

"Cassandra..." Hindi ako lumingon. Kumuha ito ng upuan at umupo sa gilid ko.
Napansin kong kanina pa nanonood ang tatlo.

"Baby look at me." Umakto ako na walang narinig.

"You can have your early lunch and leave us now." Tumayo na sila at naiwan na
kaming dalawa.
"Baby, what's wrong? Please look at me... I want to see your face." Hinayaan ko
siya makita ang mukha pero hindi ko pa rin siya tingnan.

"Bakit ayaw mo kong tingnan? Ayaw mo na bang makita ang baby mo? Iniwan ko pa naman
ang trabaho ko para hindi ka lang matakas ni Alex tapos ayaw pa akong pansinin ng
baby ko."Paano ko matatagalan ang pagbabalewala sa kanya kung ganito ang mga
sinasabi niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito, "Baby... Bakit ayaw mo akong pansinin?"

Hindi ko na kayang hindi siya pansinin kaya tiningnan ko na siya, "Wala ka bang
nakalimutan na dapat mong gawin o ibigay sakin?"

"Wala naman." Nakalimutan niya nga. Tumayo ako at bubuksan ko na ang pinto ng
pigilan niya ako, "Ano ba yung nakalimutan kong dapat na ibigay ko sayo?"

Humarap ako sa kanya, "Nakalimutan mong akong bigyan ng rose at note ngayon."
Nasanay na akong iyon ang lagi kong nakikita sa table ko at nababasa ang note.
Masaya ako na note niya ang una kong nababasa bago ako magtrabaho.
Siya na ang nagbukas ng pinto at may kinuha sa gilid. Isang tangkay ng rose na
katulad ng binibigay niya.

"Naghanap pa ako kaninang umaga kasi wala na sa dati kong pinagbibilhan."

"Bakit sinabi mong wala kang nakalimutan?"ngumisi ito at hinatak ako papalapit sa
kanya.

"Tiningnan ko lang ang magiging reaksyon mo kapag sinabi kong wala akong
nakalimutan.Sorry kung nagsinungaling ako, baby."

"Ang sama mo. Pero kulang pa itong rose. Nasaan na yung note ko mula sayo"

Ngumiti ito, "Gusto kong personal na sabihin iyon sa mahal ko." Naramdaman ko ang
mga bisig niya sa bewang ko at pinagdikit niya ang noo namin.

"This woman in my arms is my life, my everything and my love. You are my happiness
and I will make sure to keep you for myself." Then he kissed me.

"Kailangan ko ng umalis." Inalis na niya ang pagkakahawak sa bewang ko at hinawakan


ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?"

"Nangako akong sasabay sa mga kaibigan kong kumain ngayon kaya kailangan ko ng
pumunta doon"

Naglakad na si Clyde at hawak niya pa rin ang kamay ko, "Puntahan na natin sila,
baby."

Chapter 29
Happy Mother's Day sa lahat ng nanay at sa mama ko. Batiin niyo rin ang mga nanay,
mommy, mama o anuman ang tawag niyo sa kanila.
Masaya ako at naka-100 k na ang reads ko. Hindi ito aabot ng ganito kundi dahil sa
inyo mga readers ko kaya salamat sa inyo at sa mga comments niya na minsan
nagpapatawa sakin. Sana huwag kayong magsawa sa paghihintay.
My other stories:
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
Do vote, comment and follow me.
***********
Hawak pa rin niya ang kamay ko habang papunta kami sa fastfood na lagi naming
kinakainan. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Wala naman palang basehan
ang pagtatampo ko.
"Saan ba yung fastfood na sinasabi mo, baby?" Lumingon siya sa akin.
"Akala ko naman alam mo kung saan kasi kanina pa tayo naglalakad." Napahawak siya
sa batok niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ayokong magutom ka kaya hindi ko na tanong kung saan yung pupuntahan natin.
Sorry..." Ngayon ko palang nakitang ganito siya, na parang nahihiya sa nagawa niya.
"Ang hilig kasing manghatak ng baby ko kaya napalayo tayo sa pupuntahan natin."
Kanina pa kaming naglalakad at ang napansin ko lang ay paikot-ikot na lang kami.
Ang akala ko naman ay alam niya kaya hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako
dalhin.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Laurel.
"Hello..."
"Cass, hindi na kami natuloy sa fastfood na pinag-usapan natin. Nandito kami sa
karinderya ni Aling Rosa. Sasabay ka ba sa amin?"
"Kayong tatlo lang ba ang nandyan?" Nakatingin lang sa akin si Clyde habang
nakikipag-usap ako.
"Oo. Hindi ba itinakas nung kaibigan ni sir si Kim kaya tayo lang ang magkakasabay
kumain."
"Pwede mo bang padagdagan ng isa pang upuan? May sasabay kasi sa atin." Narinig ko
ang boses ni Brix at Hanz sa kabilang linya.
"Sige. Hintayin ka na lang namin dito. Bye" Itinago ko na ang cellphone ko.
"Hindi na sa fastfood ang pupuntahan natin, Clyde. Hinihintay na nila tayo." Ako na
ang naunang naglakad at sumusunod siya. Baka hindi na kami makarating sa pupuntahan
namin kapag siya na naman ang mauuna.
Nakarating na rin kami. Napansin kong kakaunti pa lang ang tao dahil alas onse pa
lang. Pagkapasok namin ay hinanap ko kaagad sila Laurel.
Nakita ko sila sa bandang likod kaya hinatak ko na si Clyde palapit sa kanila. Si
Brix ang unang nakakita sa amin. Natawa ako sa kanya ng isusubo na niya ang pagkain
niya pero ibinaba niya ulit ng makita kami.
"S-Sir Clyde... Kain po." Tumayo pa ito kaya napatingin rin sa amin ang tatlo.
"Kain po sir." Tumango lang si Clyde. Pinaghatak ako ng upuan ni Clyde at umupo na
ako. Magkatabi ang upuan na pinareserve ni Laurel.
Napatingin ako sa kanila at napansin ko lang na ang tahimik nila. Kapag kumakain
kasi kami ay laging maingay lalong lalo na si Brix at Laurel.
"Anong nangyari sa inyo?" Umiling lang ang dalawang maingay sa amin. Tumingin ako
kay Hanz at pasimpleng itinuro ang katabi ko.
Iniwan ko muna sila at pumunta sa counter para mamili ng ulam namin. Ang mga pinili
ko ay menudo, adobong pusit at kaldereta. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto ni
Clyde kaya mas magandang marami siyang pagpilian.
Dalawang tray ang binigay sa akin kaso paano ko ito dadalhin? Dapat pala ay
nagpasama ako sa isa sa kanila. Kinuha ko na ang isa at nagulat ako ng may kumukuha
ng isa.
"Dapat isinama mo ako para hindi ka nahirapan." Nauna na siya kaya sumunod na ako.
Ibinaba na namin ang mga tray sa table at umupo. Ang tahimik pa rin nila. Hindi ako
sanay na ganito kami.
"Hindi naman ako nangangain ng tao bakit ang tahimik niyo?" Napansin rin pala niya
ang pananahimik ng mga kasama namin.
"S-Sir...Hindi naman po ba kayo magagalit kapag nag-ingay kami? Baka po maistorbo
namin kayo." Ibang-iba ngayon si Brix, parang bumait ngayon.
"Just do whatever you want and don't mind me. I'm here because of my girlfriend and
I also want to meet her friends." He said. I didn't know that he wants to meet
them.
Nilalagyan ako ng ulam ni Clyde sa pinggan ko. Napansin kong wala pa siyang
kinukuhang kahit anong ulam kaya kumuha ako ng kaldereta at sinubo sa kanya.
"Masarap di ba?" Tumango siya at kumuha na rin ng ulam.
Naramdaman kong mahina akong siniko ni Laurel kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit mo ko siniko?"
"Hindi mo sinabi na si sir yung kasama mo. Muntik na nga akong mahimatay pagkakita
sa kanya. Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend mo?"pabulong na sabi niya para hindi
marinig ng katabi ko.
Nakalong sleeve polo siyang kulay black at slacks. Madalas ay ganito ang lagi kong
nakikitang suot niya kaya sanay na ako. Bakit sobrang makapagreact ni Laurel?
"Gusto niya yatang sabay kaming kumain kaso nakapangako na ako sa inyo kaya sumabay
na lang siya sa atin."
"Nasaan na kaya si Kim? Sayang hindi siya nakasama sa atin."sabi ni Brix. Hindi ko
rin alam baka may plano si Alex.
Naramdaman kong may kumalabit sa akin mula sa likuran ko at nakitang hingal na
hingal si Kim na nakatayo sa likuran ko.
"M-Mabuti...na lang n-nahanap ko...na kayo!" Nahihirapan pa itong magsalita. Anong
nangyari sa kanya?
Pinagkuha siya ng upuan at umupo sa tabi ni Hanz, "Pinag-uusapan ka palang namin.
Anong nangyari sayo?"
"T-Tinakasan ko kasi yung...siraulong lalaking yun! P-Pinaglakad ba naman ako
ng...napakalayo dahil malayo raw ang pinagtaguan niya ng kotse niya. Kaya ng dumami
ang tao at mabitawan niya ako, nagtago ako at nilayasan ko siya." Binigyan siya ng
tubig.
"Kawawa naman si poging delivery man. Nilayasan mo lang." Ang sama ng tingin ni Kim
kay Laurel.
"Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto mo sayo na lang. Ayoko sa mga lalaking
makulit." Napatingin si Kim sa tabi ko at nagulat na kasama ko si Clyde.
"N-Nadyan po pala kayo sir. Sorry po pala sa mga sinabi ko."
"Huwag kang mag-alala, tama lang ang ginawa mo kay Alex. Hindi dapat pinipilit ang
mga babae para sumama sa kanila."
Dumami na ang mga tao at patapos na rin kaming kumain. Hindi na pinagbyad ni Clyde
ang mga kasamahan ko dahil treat niya daw sa kanila ang lunch namin. Nagpunta muna
ako ng cr para maghugas ng kamay ng pumasok rin si Kim sa loob nito. Sinarado niya
ang pinto at tumingin sa akin.
"Bakit mo hinayaan sumabay sa atin si sir, Cassandra!" Bakit parang nainis siya na
nakasama namin si Clyde?
"Anong masama sa ginawa ko?" Hinawakan niya ako sa balikat at mahinag niyugyog.
"Akala ko ba ayaw mo munang may makaalam sa relasyon niyo ni sir. Sa ginawa mo
ngayon ay alam na ng ibang tao ang tungkol sa inyo. Hindi mo ba napansin na
tinitingnan kayo ng ibang tao na kumakain rin kanina. Nagtatrabaho rin iyon sa
company ni sir. Paniguradong narinig rin nila ang mga usapan natin." Nanghina ako
sa sinabi niya.
Hindi ko na napansin ang mga taong nakapaligid sa amin. Hindi sa kinakahiya ko si
Clyde pero ayoko lang mapag-usapan muli kapag nalaman nila.
"Anong gagawin ko, Kim?" Tumingin lang siya sa akin at tinanggal ang pagkakahawak
sa balikat ko.
"Its time to face them, Cassandra. Hindi mo na matatago ang relasyon ninyo sa ibang
tao. Kailangan mo na lang magpakatatag dahil hindi na madali ang magiging sitwasyon
mo." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
***************
Pagpasok pa lang namin sa entrance ay ramdam ko na may mga tumitingin sa amin. Kung
hindi ko lang kasama ang mga kaibigan ko at kasabay ngayon ay hindi ko nanaisin na
pumasok pa at uuwi na lang ako.
Iba kasi ang klase ng tingin nila na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Ang
nagpapalakas pa ng loob ko, si Clyde. Magkahawak-kamay pa rin kami.
Para hindi ko na lang sila mapansin ay yumuko na lang ako habang naglalakad.
Nakarating na kami sa elevator. Dumeretso na ang mga kaibigan ko elevator para
pumila. Madami rin kasi nagsisibalik sa kanilang department dahil tapos na ang
lunch break.
Huminto kami ni Clyde sa harap ng private elevator niya. Ang pwede lang gumamit
nito ay siya lang pero may pinapayagan rin siya ibang tao.
Hinawakan niya ang bewang ko at nilingon ang mga kasama ko.
"Hihiramin ko muna ang girlfriend ko at mamaya ko na siya ibabalik sa office niyo."
Hindi ko na nakita ang mga reaksyon ng mga tao sa sinabi niya dahil pumasok na kami
at nagsara na ang elevator.
Pinaharap niya ako sa kanya, "Galit ka ba?"
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Sinabi kong girlfriend kita sa harap ng ibang tao. Kaya gusto kong malaman kung
nagalit ka ba sa ginawa ko." Tiningnan ko siya at hindi makatingin sa kin.
Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti, "Hindi ako galit sayo, Clyde. Wala naman
dapat na ikagalit ko sa ginawa mo."
"Ayaw mong malaman ng ibang tao ang relasyon natin kaya hiniram muna kita para
malaman ko kung nagalit ang baby ko. Ayoko pa naman nag-aaway tayo."
"Sorry kung hiniling ko sayo yun pero ngayon ay wala na akong pakiaalam kung
malaman nila. Alam mo ba kung bakit, baby?" Umiling siya.
"Dahil iyon sayo. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin. Pero naisip ko na
wala akong dapat itago sa iba kasi napakaswerte ko sa mahal ko. Kaya mo akong
pagbigyan kahit ayaw mo pero pumayag ka pa rin para sumaya ako."
Napatingin siya sa gilid ko para tingnan kung anong floor na kami, "Lahat ng gusto
mo ay ibibigay ko basta ipangako mo lang na tayong dalawa lang, Cassandra." Ngumiti
ako at hinalikan siya.
"Pangako."
*****************
Binuksan ko na ang pinto ng apartment ko at ibinaba ang mga gamit ko sa sofa.
Nakakapagod. Mas napagod ako sa biyahe kaysa sa ginugol ko sa office kanina Ngayon
pa lang ako nakauwi at pagtingin ko sa relo ko ay alas otso na ng gabi.
Umupo ako at pinikit ang mga mata ko. Sumakit ito sa usok at alikabok kanina. Hindi
ko pa nacheck kung may text si Clyde at kailangan ko rin siyang itext na nakauwi na
ako.
Kinuha ko ang bag at kinuha ang cellphone ko. May 10 messages ako. Baka nag-aalala
na siya dahil hindi pa ako nagrereply.
Binuksan ko ang isang message pero number lang.
From: 0939XXXXXXX
Good evening, Cassandra.
Binuksan ko pa ang mga kasunod.
From: 0939XXXXXXX
I heard an interesting news about you. Do you want to know what I heard?
From: 0939XXXXXXX
Ayaw mo na pala ng sikretong relasyon. Siguro masaya si Clyde na alam na ng lahat
ang tungkol sa inyo.
Sino ba ang nagpadala ng mga messages na to! Tinatawagan ko ang number at sinagot
rin niya.
"Good evening, Cassandra." Boses lalaki ang sumagot.
"Sino ka ba?"
"Nakalimutan mo agad ang boses ko. Akala ko pa naman makilala mo agad ako." Parang
familiar nga ang boses niya pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig.
"Hindi kita kilala kaya pwede bang tigilan mo na ang pagtext sakin." Hindi agad ito
sumagot kaya ibaba ko na sana ng magsalita ulit siya.
"Bakit kita titigilan kung ngayon pa lang ako nagsisimula. Hindi ba sabi ko sayo na
paghihiwalayin ko kayo ni Clyde." Naputol na ang tawag at binaba ko na ang
cellphone ko. Ngayon alam ko na kung sino siya.
Lance...

Chapter 30
Napapansin ko na konti na lang ang nagkocomment kaya nalungkot ako pero sa mga
nagcomment pa rin last chapter ay naappreciate ko yung mga sinabi niyo. Hindi niyo
na ba nagugustuhan ang mga past chapters?

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Nagtungo ako sa restroom para maghilamos ng mukha. Nahihilo ako nitong mga
nakaraang araw at pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
Pagkatapos iannounce ni Clyde na girlfriend niya ako ay wala pa naman akong
naririnig na kahit anong issue sa amin.

Bago ako lumabas ay pumasok muna ako sa isa sa mga cubicle para umihi. Ang sakit ng
ulo ko. Naka-aircon pa ang office namin kaya mas lalong nakakahilo.

Nakarinig akong may pumasok. Hindi ko na dapat sila papansinin kung hindi lang
nila nakuha ang atensyon ko.

"Ano kayang pumasok sa isip ni sir at pinatulan niya si Cassandra? Ang manang kaya
nun!"

"Huwag kang maingay at baka may makarinig sayo! Hindi ba ang sabi ni sir na wala ng
tsismis sa company niya. Masesesante ka kapag may nakarinig sayo!"

"Sobrang takot mo naman. Wala namang makakaalam at tayo lang ang nandito! Maliban
na lang kung may magsusumbong sa isa sa inyo."

Parang kilala ko yung boses ng kanina pang nagsasalita. Kaya pala wala akong
naririnig dahil patago pala silang mag-usap.

"Marami ngang nagsasabi na ginayuma lang ni Cassandra si sir Clyde. Ang layo kaya
ng itsura niya. Ang gwapo ni sir tapos nagkaroon ng girlfriend na manang! Kahit
sino naman ay hindi maniniwala na nagkagusto si sir sa kanya."

Bakit sobra silang judgemental? Wala naman akong ginawa sa kanila pero kung
husgahan nila ako ay ganun na lang! Hindi ba kapani-paniwala na pwede akong
magustuhan ni Clyde kahit ganito lang ako.

"Alam niyo ba na may mga taga ibang department na gustong kausapin si Cassandra.
Hindi ko alam kung para saan yun, ang alam ko lang ay may mga gusto rin yun kay
sir."

"Baka naman aawayin dahil malandi siya! Ang taas naman ng pangarap niya. Ang
katulad ni sir Clyde ay para sa mga kalevel niya lang. Anong tingin niya sa sarili
niya, maganda?! Malabo kasi ang mata kaya hindi niya makita kung gaano siya
kailusyunada!"

Hindi ko sila pipilitin na maniwala sakin na hindi ko ginayuma si Clyde. Hindi ko


nga alam kung ano yun. Kung kanina ay nakakapagtimpi pa ako pero ngayon ay hindi
na!

Nang sabihin ni Clyde na kami na sa harap ng ibang tao ay nakapagdesisyon akong


kailangan kong maging handa sa mga ganitong mangyayari pero hindi ko inasahan na
kung kailan nahihilo ako ay makakarinig ako ng ganito.

Kahit umiikot na ang paningin ko ay lumabas ako para makita ko kung sinu-sino ang
mga babaeng pinag-uusapan ako. Natahimik sila ng lumabas ako. Naghugas muna ako ng
kamay at humarap sa kanila.

Nakita ko si Chloe at dalawang kasamahan niya. Kaya pamilyar ang boses niya. Siya
ang mahilig gumawa ng kwento sa floor namin. Siya ang iniiwasan kong tao na katabi
lang ng office namin.

"Bakit kayo natahimik?" Ang dalawang kasama niya ay hindi makatingin sakin pero si
Chloe ay nakipagtitigan sakin.

"So nandito pala yung babaeng nakagayuma kay sir Clyde." Talagang pinagdidiinan
niya yun. Baka siya naman ang may alam ng mga ganon at hindi niya lang nagamit kay
Clyde.

"Bakit alam mo ang gayuma, Chloe? Siguro ikaw ang may planong gumamit nun pero
hindi mo lang nagamit dahil hindi ka man lang makalapit kay Clyde" natahimik siya.
So tama ang hinala ko sa kanya.

"Hindi ko alam na sumasagot ka rin pala. Ang akala ko ay tatahimik at iiyak ka lang
sa isang tabi katulad ng ginawa mo noon." Ano ang sinasabi niya? Ngumisi ito.

"Nakakatuwa ka ngang pagmasdan. Umiiyak ka ng pumasok ka sa office niyo." Paano


niya nalaman? Nangyari iyon ng may kumalat na issue sa amin. Hindi dapat ako
magpaapekto sa mga sinasabi niya.

"So iniiba mo ang topic, Chloe? Ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa gayuma. Sa
tingin ko ang dami mong alam sa mga ganyan baka pwede mo naman sabihin sakin kasi
sa totoo lang ay wala akong alam sa mga ganyan. Baka kapag pinainom ko ng gayumang
gusto mong ipainom sa boyfriend ko ay lalo kaming magtagal, di ba!" Nakita kong
naiinis na siya sa mga sinabi ko. Ayoko ng umiyak sa isang tabi katulad ng ginawa
ko. Nangako ako sa mga kaibigan kong lalaban ako at ipagtatanggol ko ang sarili ko
sa mga katulad ni Chloe.

Hindi pa rin tumitingin sakin yung dalawang kasama niya, "Kung gusto niyong
magpatulong na makuha ang lalaking gusto niyo, magpatulong lang kayo kay Chloe at
sa tingin ko ay matutulungan niya kayo. Ang boyfriend ko nga ay naging target niya
baka mas madali na lang sa kanya ang ibang lalaki."

Nagdesisyon akong umalis na dahil alam kong nainis ko na si Chloe. Masaya palang
lumaban at patunayan sa ibang tao na hindi nila akong pwedeng maliitin.

Tumabi ang dalawa pero bago ko pa mahawakan ang pinto ng may humablot ng buhok ko.
Napahamak ako sa kamay na sumasabunot sakin.

"Akala mo ba magtatagal kayo ni sir, Cassandra! Hindi tipo mo ang nababagay sa


kanya."

Sa pagsabunot niya ay lalo lang sumasakit ang ulo ko. Ang dalawang kasama naman
namin ay nakatingin lang sa amin at takot na madamay.

"Sa tingin mo mas nababagay ka kaysa sakin, Chloe! Mas ilusyunada ka pala!
Nagustuhan ako ni Clyde kahit hindi ako gumamit ng gayuma pero ikaw ay gagamit para
lang magustuhan ka niya." Sinabunutan ko rin siya.

Tumama ang likod ko sa cubicle ng itulak niya ako. Nauntog ang ulo ko sa pinto
nito. Binitawan ko ang buhok niya at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa
buhok ko.

"Bitawan mo ako!" Inalis niya ang kamay niya sa buhok ko. Napahawak ako sa ulo ko.
Umiikot na ang paningin ko. Namanhid ang pisngi ko ng bigla na lang niya akong
sampalin.

Napahawak ako sa labi ko at pagkatingin ko sa kamay ko ay may bahid ng dugo, "Dapat


lang sayo ang masampal. Hindi lang ako ang may galit sayo, Cassandra. Marami kami
pero ako na lang ang gaganti para sa kanila sa panlalandi kay sir Clyde!"

Hindi pa siya nasiyahan at tinulak pa ako kaya napaupo ako sa sahig. Narinig kong
bumukas ang pinto at pumasok si Kim.

"Cassandra-" nagtaka ito noong una pero nang mapadako ang tingin niya sa gawi ko ay
nagulat siya at tumakbo papunta sakin.

"Anong nangyari sayo!" Tinulungan niya akong makatayo pero sa sobrang hilo ko ay
makailang beses pa akong muntik ng tumumba. Mabuti na lang ay inaalalayan ako ni
Kim.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko, Chloe?!" Napansin ko ang paghigpit ng pagkakahawak


sakin ni Kim. Nanggigigil siya sa galit.

"Nararapat lang yan sa malandi mong kaibigan! Akala mo kung sino kung makaasta
dahil sa girlfriend siya ng CEO ng kompanya."sabi pa nito.

Hindi naman ako nagmamayabang na boyfriend ko si Clyde. Siya ang may gusto kay
Clyde at kung anu-ano ang sinasabi niya tungkol sakin. Hindi ko naman siya
sasagutin kung tumigil na siya sa mga kasinungalingang kinakalat niya.

"Sino ba ang tinutukoy mo, Chloe?! Magdahan-dahan ka sa panunuro mo dahil alam


naman ng lahat kung sino ang malandi dito! Sino ba ang iba-iba ang lalaking kasama
araw-araw? Ang alam ko ay lagi kaming umuuwi ni Cassandra ng sabay at ewan ko na
lang sa babaeng nasa harap ko ngayon kung saan siya nagpupunta tuwing uwian?"

Natahimik ito. Naglalakad na kami palabas ng huminto si Kim kaya napahinto rin ako.

"Akala niyo ba ay palalampasin ko ang ginawa niyo sa kaibigan ko? Ano kayang
gagawin sa inyo ni sir Clyde kapag nalaman niyang pinagtulungan niyong saktan ang
girlfriend niya? Kung ako sa inyo ay simulan niyo ng ayusin ang gamit niyo, baka
bigla na lang kayo kaladkarin palabas ng CEO ng kompanya na to."

Mabuti na lang at hindi na kalayuan ang office namin. Pagkabukas pa lang ng pinto
ay naghihintay na pala sa amin ang tatlo.

"Anong nangyari kay Cassandra?" Pinaupo nila ako at naghanap agad ng pwedeng ilagay
sa mga sugat ko.

"Sino sa inyo ang may band aid?"

"Kailangan muna mating linisin ang mga sugat niya!" May kinuha si Laurel sa bag at
binigay kay Kim. Isang alcohol at mga band aid.

"Ano ba ang nangyari sa restroom, Kim? Bakit ang dami niyang sugat?" Tanong ni
Brix.

"Pinagtulungan siya nila Chloe. Kung hindi ako dumating ay baka mas malala pa ang
gawin nila. Isusumbong ko talaga sila kay sir Clyde. Tingnan niyo naman ang ginawa
nila kay Cassandra." Napapapikit na lang ako kapag binubuhusan nila ng alcohol ang
mga sugat ko.

"Mga inggitera! Hindi lang nila matanggap kaya sinaktan ka. Kapag nakita ko yang
Chloe na yan, sasabunutan ko siya hanggang malagas ang buhok niyang sunog sa
sobrang rebond!" Galit na rin si Laurel.

"Pwede bang huwag niyo ng sabihin kay Clyde ang nangyari..." Sabi ko. Alam kong
magagalit si Clyde kaya pinipigilan ko na malaman niya.

Tumingin sila sa akin, "Bakit ayaw mong malaman ni sir? Karapatan niyang malaman
ang nangyari sayo para masesante ang tatlong bruha na yun!"

"Pero ayoko naman matanggal sila... Alam kong may kasalanan sila pero ayokong
mawalan sila ng trabaho dahil lang sakin. May pamilyang umaasa sa kanila kaya pwede
bang itago na lang natin? Please..." Alam kong naiintindihan nila ang reason ko
dahil may pamilya rin sila.

"Igalang na lang natin ang gusto ni Cassandra. Wala tayong magagawa kung iyon ang
gusto niya. Pero ito lang ang masasabi ko sa gusto mo, Cassandra, malalaman rin ni
sir ang nangyari sayo. Alam kong kapakanan nila ang iniisip mo pero isipin mo rin
na hindi man lang nila naisip na pwede silang mawalan ng trabaho sa ginawa nila.
Inuna nila ang pansarili nilang kagustuhan kaysa sa ibang tao, hanggang kailan mo
ba iisipin ang iba kaysa sa sarili mo, Cassandra?" Sabi ni Hanz.

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko na ba nabibigyan ng importansya ang sarili


ko?

*********

Nagpunta ako sa kusina para makainom sa sakit ng ulo at sa katawan ko. Sumaglit ako
kanina sa drug store para makabili ng gamot at panlinis sa mga sugat ko.

Mabuti na lang ay nakapagpahinga ako sa office ng isang oras. Nakatulog ako ng


mapainom ako ng gamot ni Kim at hinayaan nila akong matulog dahil wala namang
masyadong ginagawa.

Tinitingnan ko ang cellphone kung may messages galing kay Clyde. Wala akong
natanggap mula pa kanina at baka sobrang busy niya lang. Sana talaga ay hindi
malaman ni Clyde ang nangyari. Nakakaawa kasi sila Chloe kapag nawalan ng trabaho.
Alam kong tama si Hanz na hindi ko matatago ang nangyari pwera na lang kung makita
ni Clyde ang itsura ko.

May sugat ako sa gilid ng labi sa pagkakasampal ni Chloe at ilang gasgas at sugat
sa mga braso ko dahil sa mga kuko niya ng itulak niya ako.

Hindi dapat ako magpakita kay Clyde hanggat hindi pa magaling ang mga ito. Kinuha
ko na panlinis sa mga sugat ko para mas mabilis gumaling.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko.

From: Kim

Uminom ka ng gamot, Cassandra. May sinat ka kaya dapat magpahinga ka na. Kung hindi
mo kaya pumasok ay magtext ka para masabi ko.

From: Laurel

Cass, magpagaling ka and take your medicine.

From: Brix

Kung lalaki lang sila ay igaganti kita kaso tatlong mangkukulam kaya ipapaubaya ko
na lang sa dalawa. Pagaling ka. :)

From: Hanz

Magpagaling ka, Cassandra.

Ibinaba ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang paglilinis sa mga sugat ko. Mabuti
na lang at may mga kaibigan akong laging nakasuporta sa akin. Mali man ang desisyon
ko para sa kanila pero nandyan pa rin sila.

Itinabi ko na ang mga gamit ko at nagtungo na sa kwarto ko. Sana naman ay mawala na
ang sinat ko para makapasok ako. Nagring ang cellphone ko at si Clyde ang
tumatawag.

"Baby, sorry kung ngayon lang ako nakatawag at nakalimutan kong magtext."

"Okay lang, Clyde. Nasaan ka buong araw?"

"Nasa mga meeting ako kaya hindi kita matawagan. Namiss ko ang boses mo, baby."
Napangiti ako sa panlalambing niya.

"Lagi naman tayong nag-uusap, baby. Pahinga ka na at alam kong pagod ka na sa mga
meetings mo." Narinig ko ang paghikab niya mula sa kabilang linya kaya alam kong
inaantok na rin siya.

"See you tomorrow, baby. Babawi ako sayo. I love you."

"I love you, too"Binaba na niya.

Ipinatong ko ang cellphone ko sa maliit na drawer sa gilid ng kama ko.Masaya ako at


magkikita na kami bukas pero nang maalala ko ang kalagayan ko ay napawi ang saya ko
napalitan ng pangamba. Hindi dapat kami magkita.

Chapter 31
Salamat sa mga nagcomment. Ngayon alam kong may nagbabasa pa rin nito. Pinapaulit
ulit kong binabasa ang comments niyo at ang iba ay natawa ako. Ipagpatuloy niyo
lang po ang magandang gawain niyong magcomment. :)

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil nasisilaw ang mga mata. Paniguradong umaga
na sa labas kaya kailangan ko ng bumangon. Nagtry akong bumangon kaso ang bigat ng
katawan ko at nanghihina ako.

Inabot ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. Alas nuebe na. Hindi
ako nagising ng maaga. Nag-alarm naman ako kaso hindi ko narinig na tumunog ito.

Napansin kong may mga misscalls ng mga kaibigan ko. Wala man akong nasagot ni isa
sa kanila at paniguradong nag-aalala na sila.

10 misscalls from Kim

3 misscalls from Laurel

Kailangan ko silang matext para mapanatag na sila. Tumunog na naman ang cellphone
ko at tumatawag na naman si Kim.

"Hello...Cassandra?"

"H-Hello..."Namamaos ang boses ko.


"Mabuti na lang at sinagot mo. Kanina ka pa namin tinatawagan at hindi mo naman
sinasagot." Sabi niya.

"S-Sorry...ngayon lang ako nagising."

"Bakit ganyan ang boses mo? Natuloy na ba sa trangkaso ang sinat mo?" Alam kong
nag-aalala na siya. Sinalat ko naman ang noo ko. Nakalimutan kong hindi ko
malalaman kung may lagnat ako kung hindi ko kukunin ang thermometer.

"S-Siguro nga. P-Pwede bang pasabi na lang kung bakit hindi ako nakapasok."

"Sige ipagpapaalam na lang kita. Kumain ka na para makainom ka ng gamot. Huwag mong
papagurin ang sarili mo, Cassandra." She ended her call.

Bumangon na ako. Pumunta ako sa kusina kung meron akong pwedeng kainin. Gusto ko ng
mainit na sabaw. Hindi ko lang alam kung may aabutan pa akong nagtitinda ng sopas
sa labas.

Hahanap na lang ako para magkalaman lang tiyan ko. Wala pala akong gamot sa lagnat.
Isasabay ko na sa pagbili ng pagkain sa labas.

Nakalabas na ako sa apartment ko at kinakailangan ko pang humawak sa gate para


alalayan ang sarili ko. Nahihilo ako.

Sa kabilang kanto pa ang nagtitinda ng mga pagkain at mahabang paglalakad pa ito.


May nakita akong nagtitinda kaya nilapitan ko ito.

"Meron pa po ba kayong tindang sopas?"

"Mabuti at nakaabot ka pa, iha. Isang order ba?" Tumango ako. Pagkabigay niya ay
nagtungo na ako sa drug store. Kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang
kalsada pa ito.

Bumili ako ng limang tableta para sa lagnat. Mas magandang may extra para hindi na
ako mahirapan. Pagkabigay ng pharmacist ay lumabas na ako.

Nilabas ko ulit ang gamot para makita kung anong gamot ang binigay niya.

"MISS TUMABI KA!" Nakarinig akong may sumigaw at napatingin ako sa gilid ko ng may
paparating na kotse sakin.

Nabitawan ko ang mga hawak ko. Hindi ko magawang gumalaw at hinihintay na lang na
mabangga ng kotse. Huminto ang sasakyan na isang metro na lang ang layo sa
kinatatayuan ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng tuluyan ng magdilim
ang paningin ko.

**********

Pagmulat ko ay puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako? Hindi ko pa masyadong
maaninag ang paligid at nang luminaw na ang paningin ko. Nasa ospital ako. Hindi ko
matandaan kung anong nangyari pagkatapos huminto ng sasakyan.

Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito. Bakit siya nandito? Siya
kaya ang nagdala sa akin dito?

"Okay na ba ang pakiramdam mo, Cassandra?" Tumango ako. Nalilito pa rin ako kung
bakit siya nandito.

"A-Ano ba ang nangyari sakin?"umupo ito sa upuan malapit sa kama ko.


"Nawalan ka ng malay ng muntikan ka ng masagasaan." Naalala ko na.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito?" Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry... Ako ang muntik ng makasagasa sayo, Cassandra. Bigla ka na lang tumawid sa
kalsada at mabuti na lang ay napahinto ko agad ang kotse ko. Nahimatay ka kaya
dinala kita rito."

"Salamat sayo, Ren." Bumangon ako pero pinigilan niya ako.

"Magpahinga ka muna at may sinat ka pa. Ang init mo kanina ng buhatin kita kaya
nag-alala ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko.

"I don't know what to do. I was scared that you would be hit if I didn't stop it.
Don't do this again, Cassandra. I told you that you are important to me." I can
tell that he was really scared, it was written in his eyes.

"I'm sorry if scared you...and thank you for bringing me here." Ngumiti ito at
hinaplos ang pisngi ko. Natamaan niya ang sugat ko sa labi kaya napapikit ako at
napansin niya ito.

"Bakit ang dami mong sugat, Cassandra? Kanina ko pa ito napansin ng buhatin kita.
Saan mo nakuha ang mga yan?" Nakatingin lang siya na parang galit sa mga nakita
niya. Siguro ay pwede ko naman sabihin sa kanya. Kaibigan ko naman siya.

"Napaaway lang sa ibang empleyado sa floor namin kaya hindi maiiwasan na masugatan
ako."

Napansin ko ang pagtahimik niya at naging seryoso na rin siya, "Sinabi mo na ba sa


management ang nangyari sayo? Violence is a major offence, Cassandra. They should
be fired! Alam na ba to ni Clyde? Hindi niya mapapalampas ito."

Ngayon lang siya nagtaas ng boses sa harap ko. Kinabahan ako sa naging reaksyon
niya. Galit siya sa nangyari at hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

"Alam na ba niya ito?" Hindi ako sumagot at alam kong alam na niya ang sagot sa
tanong niya, "Kailangan mong sabihin sa kanya para matanggal na ang mga taong iyon!
Kapag pinalagpas mo ang ginawa nila, hindi na sila matatakot na gawin ulit itong
pananakit nila sayo!"

"Please...Ren, huwag mo ng sabihin."

Kinuha nito ang cellphone nito at tumingin sakin, "Hindi kita mapagbibigyan sa
hiling mo at hindi rin ako ang taong dapat magsabi sa kanya kundi ikaw, Cassandra.
Papupuntahin ko na lang ang boss mo para siya mismo ang makakita kung ano ang
sitwasyon mo ngayon."

Iniwan niya akong mag-isa at alam kong gaaawin niya ang sinabi niya. Wala na akong
magagawa para hindi makita ni Clyde ang mga sugat ko.

************

Hindi ko magalaw ang kamay ko. Parang may pumipigil upang maigalaw ko ito.
Napatingin ako sa gilid ko ng mapansin kong may taong nakahawak sa kamay ko at
natutulog ito. Hindi ko pa alam kung sino. Iginalaw ko muli ang kamay ko at mukhang
nagising ko siya.

"Mabuti ay gising ka na, baby...Gusto mo bang kumain? Sasabihan ko ang nurse na


dalhan ka ng pagkain."

"Kanina ka pa ba dito, Clyde?" Nakacorporate attire siya at gusot na rin ito.


Magulo rin ang buhok niya at halatang pagod siya.

"Kagabi pa ako dito, baby. Natutulog ka ng dumating ako kaya hindi na ako umuwi
para may magbantay sayo. Ayoko na rin umalis at baka mawala ka ulit." Hinalikan
niya ang kamay ko.

"Umuwi ka muna. Okay na rin naman ang pakiramdam ko. Magpahinga ka muna at mukhang
pagod na pagod ka." Umiling siya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Ayokong umalis...Baka mahirapan akong mahanap ka ulit. I was so worried. I can't


find you. I went in your apartment but you were not there. Tinanong ko na rin ang
mga kaibigan mo pero hindi mo naman sinasagot ang tawag nila. Kung hindi pa ako
tinawagan ni Ren, hindi ko pa malalaman na nasa ospital ka at may sakit. Sa tingin
mo ba kaya kong umalis kung alam kong may sakit ang girlfriend ko? Dito lang ako.
Babantayan kita hanggang sa makalabas ka." Natahimik ako sa sinabi niya. Sa tingin
ko ay hindi na magbabago ang isip niya at mananatili siya sa tabi ko. Bumalik ulit
siya sa pagtulog. Hindi siya komportable na matulog na nakaupo kaya umusog ako sa
kama para bigyan siya ng space sa tabi ko. Malaki naman ang kama ko at magkakasya
naman kami.

"Dito ka na lang sa tabi ko matulog, Clyde para makapagpahinga ka." Sumunod ito.
Pagkahiga niya ay inalalayan niya ako para makalapit sa kanya. Pinaunan niya ako sa
braso niya at ang isa naman ay nakahawak sa bewang ko.

Nakatulog agad siya kaya hinayaan ko na lang munang maging komportable sa posisyon
namin. Ayokong magising siya. Kailangan niya magpahinga dahil nangingitim na ang
ilalim ng kanyang mga mata.

Hindi ko naman naisip na ganito pala ang mangyayari. Nangyari nga na hindi ako
nakita ni Clyde sa opisina pero nakita naman niya ako sa ospital. Kahit anong gawin
kong itago ito para sa kapakanan ng iba, hindi ko na mapipigilan ang gagawin ni
Clyde sa kanila.

Biglang pumasok sa isip ko si Ren, sinabi niya kaya kay Clyde? Pero sabi naman niya
ay ako ang magsasabi. Bakit wala pang sinasabi si Clyde kaninang nag-uusap kami?
Alam na ba niya o hindi pa rin sinasabi ni Ren? Ang daming tanong ang pumapasok sa
isip ko at masasagot lang ito kapag nagising si Clyde.

Pumasok ang isang nurse at tumingin sa amin. Nagulat ito sa sitwasyon namin ni
Clyde, "Payagan mo na siyang matulog sa tabi ko,please... Kailangan niya lang ng
pahinga ngayon." Mahina lang ang boses ko at baka magising ito.

Napabuntong-hininga ito at tiningnan ang dextrose ko. Pagkatapos niyang icheck ito
at umalis na rin. Salamat naman at pumayag siya.

Nakaramdam ako ng antok kaya mas nilapit ko pa ang sarili ko kay Clyde at niyakap
na rin siya. Sasabihin ko na sa kanya kapag nagising siya. Tama nga si Ren, hindi
ko maitatago kay Clyde ang nangyari at mas lalo pa itong magagalit kapag pinatagal
ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog pero may naririnig akong boses sa
tabi ko.

"Thank you pare sa pagsabi sakin kung nasaan si Cassandra. Nandito pa rin kami sa
ospital at pwede ko na rin siya mailabas kapag nagising na siya." Boses ni Clyde at
may kausap siya.
"Sorry pala sa pagsuntok ko sayo kahapon. Akala ko kasi ikaw ang may gawa ng mga
sugat niya kaya nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na nahintay ang paliwanag mo,
pasensya ka na pare. Kapag si Cassandra na ang pinag-uusapan, hindi ko na naiisip
ang ibang bagay at nasa kanya lang ang atensyon ko."

"Yeah I know. I will make sure that they will pay for what they done to my
girlfriend!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nananaginip pa rin ba ako o
totoo ang mga naririnig ko?

"Sarah, tell everyone that I have an announcement to make tomorrow. Ready the files
that I asked you and put it in my table. Tell the security team to produce a copy
of CCTV near at the restroom in floor 20."

May nararamdaman akong may humahaplos ng buhok ko, "Magpahinga ka lang, baby. Ako
na ang bahala sa mga taong nanakit sayo. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila. I
will punished them for hurting you, mia amore."

Chapter 32
Sa mga wrong spelling o grammar, pagpasensyahan niyo na. Hindi ko na kasi macheck.
Naiintindihan pa naman yung mga words ko, di ba? Huwag niyong kalimutan ang
magcomment. Sa next update ulit.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Pakiramdam ni Cassandra na may hindi magandang mangyayari ngayon. Kanina pa siya


kinakabahan at mas lalo pa siyang kinutuban na may mangyayari ng mapansin na ang
seryoso ni Clyde. Nang tanungin ko siya kanina ay wala naman siyang sinabi.

Nakalabas na rin ako ng ospital kahapon pa at ngayon ay papasok na ako dahil


dalawang araw na akong absent sa trabaho.

"Clyde, may problema ba tayo?" Nakatingin ito sa harapan dahil nagmamaneho ito pero
nang marinig niya ako ay saglit siyang tumingin sakin.

"Bakit mo naman nasabi na may problema tayo?"

"Bakit kanina ka pa tahimik at seryoso dyan? Galit ka ba sakin kaya ayaw mo man
lang akong tingnan mula pa ng lumabas ako kahapon?"

"May dapat ba akong ikagalit, Cassandra?" Tungkol kaya ito sa mga sugat ko?

"Clyde, tungkol ba to sa nangyari sakin kaya ayaw mo akong pansinin?"

Hindi siya umimik at parang walang narinig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin
sa kanya. Pakiramdam ko may alam na siya at ang hindi niya pagpansin sakin ang
hindi ko inaasahan na gagawin niya.

"Clyde..." Napansin ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela at pagkunot


rin ng noo nito.
"Kailan mo ba balak sabihin sakin ang nangyari sayo?"

Hindi ko siya matingnan dahil alam kong may mali ako at natatakot ako na makita ang
reaksyon niya.

"Ang dapat ko pa lang itanong kung may balak ka bang sabihin sakin, Cassandra?!"
Napapikit ako ng bahagyang tumaas ang boses niya.

"Clyde, let me explain please... Pakinggan mo muna ako. Tatanggapin ko ang lahat ng
gusto mong sabihin sakin o kahit anong punishment but just listen to me first."

He sighed then I felt that he holds my hand without looking at me. It gave me
courage to tell him what he really wanted to know.

"Sa totoo lang ay wala akong balak sabihin sayo ang nangyari dahil alam kong
magagalit ka. Ayokong makita mo ako sa sitwasyon ko kaya mas minabuti ko na lang na
hindi pumasok dahil masama na rin ang pakiramdam ko noong araw na iyon."

"Alam kong mali ang maglihim dahil alam kong magagalit ka pero natatakot lang ako
sa maaari mong gawin sa kanila."

"Violence is a major offence and they knew what the consequence of their actions so
why are you protecting them!"

"Maaapektuhan ang pamilya nila, Clyde. Alam kong paalisin mo sila kapag nalaman
mo."

Malapit na kami at hindi ko alam kung ano na ang iniisip ni Clyde. Alam kong galit
siya at ayoko ng magtanong kung tinanggap niya ba o hindi ang reason ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto na lagi niyang ginagawa kapag
sumasakay ako sa kotse niya at bumaba na ako. Lumapit siya a akin at kinuha ang
kamay ko at sabay na kaming pumasok sa entrance ng building.

Ang daming tao. Napatingin sila sa amin at alam kong ang iba sa kanila ay nagtataka
kung bakit may band-aid ako sa braso ko.

Pumunta kami sa harapan at binigyan ng mic si Clyde. Hindi niya pa rin ako
binibitawan kaya pati ako ay nakatayo sa tabi niya.

"I didn't know that policies in this company are breakable. I thought that the last
time we had this talk were over about this damn rumors! But I was wrong. I didn't
know that my employees have their own way to continue spreading this damn trash
things!"

"And recently, I discovered that they were not contented in talking secretly so
they decided to tell to my girlfriend what they wanted to say. They said bullshit
things and what made me really angry when they hurted her in my territory! So I
want you all to witness the consequence when someone broke my rules."

Napansin kong may tatlong security guard ang papunta sa amin na may kasamang
tatlong empleyado. Sila Chloe at ang dalawa niyang kasama sa restroom. Nakayuko
sila at hindi man lang makatingin sa gawi namin.

Nang makalapit na sila ay may inabot na folders kay Clyde si Sarah. Hindi ko alam
kung para saan iyon.

"These three employees who were very valiant to do this things without considering
the outcome of their selfish acts. They will be released in this company and never
be able to work in other company." Nakita kong naiyak ang dalawang empleyadong
natanggal. Ito ang iniiwasan kong mangyari dahil naaawa ako sa kanila.

Alam ko ang kayang gawin ni Clyde. Lagi naman niya ginagawa ang magfire ng
empleyado kapag nakakagawa ng hindi niya gusto.

Paalis na sana ang tatlo dahil sa kahihiyan na inabot nang magsalita pa ulit si
Clyde sa tabi ko, "I am not done with you, Ms. Sorson." Napatigil si Chloe.

"I filed a case against you for physical injury. We will see each other again in
court. I hoped you understand what I am capable of if you mess with me." Napaiyak
na rin ito. Kahit sinaktan niya ako ay hindi ko maiwasang maawa rin sa kanya.

Tumingin si Clyde sa lahat, "If you don't want to happen to you what I did to them
then don't mess with me."

Umalis na kami at sumakay sa private elevator niya. Ang tahimik niya. Alam kong
dadalhin niya ako sa office niya kaya hindi na ako tumutol dahil isa ako sa dahilan
kung bakit galit siya.

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Hindi ako sanay na hindi siya nagsasalita kapag
kasama ko siya. Parang ibang tao siya ngayon.

Bumukas ang elevator at naglakad na kami papunta sa office niya. Binuksan niya ang
pinto at nang makapasok kami ay sinandal niya ako sa pader habang nakatingin sa
akin.

"Hindi pa rin ako tapos sayo, Cassandra. Ayoko sa lahat na naglilihim ka sakin kaya
hindi ko mapapalampas ang ginawa mo." Nakaramdam ako ng kaba sa paraan ng tingin
niya. Gagawin rin ba niya ang ginawa niya kay Chloe sakin?

Ang nagtataka ako ay paano niya nalaman na kung sino ang mga kasama ko noon?

"C-Clyde, alam mo na ba ang nangyari sakin bago ko pa sabihin sayo?"

"Oo. Kaya kong alamin ang lahat kahit gamitin ko pa ang connections ko para sayo."
Ngayon ko lang nalaman kung ano ang kaya niyang gawin. Kaya niyang malaman ang kung
anuman ang gugustuhin niya.

"Galit ka pa rin ba?" naramdaman kong malapit lang sa tenga ko ang labi niya.

"Sabi ko naman sayo na hindi pa ako tapos sayo, Cassandra. Humanda ka kung paano
ako magalit sayo at ano ang gagawin mo para mawala ang galit ko."

"A-Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

Hinawakan niyang muli ang kamay ko at lumapit sa table niya. Hinawi niya ang mga
files niya at pinaupo ako sa table. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko.

"A-Anong gagawin m-mo?" Seryoso pa rin siya at hinawakan ang batok ko at inangkin
ang mga labi ko.

The kiss is not as gentle as we used to had but this kind of kiss is more demanding
and more intense. He pulled me more so there would no space between our bodies.

I don't know how long will it takes for me to hold my breath and be able to
continue responding to his kisses. He doesn't stop. He just kissing me like it his
way to lessen his angry for what happened.
Pareho kaming kinakapos ng hininga ng maghiwalay kami. Mabuti na lang ay nakaupo
ako sa mesa niya. Nakakapanghina ang ginawa niyang paghalik. Hawak niya ang pisngi
ko at ang isa naman ay nakapulupot sa bewang ko.

"Galit ka pa rin ba?" Sa pangalawang pagkakataon ay itanong ko ulit ito. Hindi


naman niya sinasabi kung napatawad na ba niya ako.

"Sa tingin mo ba makokontento lang ako sa isang halik? Nagsisimula pa lang tayo at
hindi pa rin maaalis ang galit ko sa isang halik lang. May kasalanan ka rin sakin
kaya kailangan kitang parusahan para hindi mo na gawin muli ang maglihim." Hinaplos
niya ang labi ko.

"Itong mga labi mo ang paparusahan ko sa paglilihim mo sakin, baby. Kaya humanda ka
dahil ito lang ang gagawin natin buong araw. Ang pahupain ang galit ko sa
pamamagitan ng halik mo."

"P-Paano ang trabaho ko ngayon?"

"Ako ang trabaho mo ngayon, baby. Ako ang masususnod dahil ako ang boss mo at
lalong lalo na ako ang boyfriend mo."

Ano pa ba ang magagawa ko kung ginamitan na niya ako ng pagiging boss at possessive
boyfriend niya.

***********

"Hindi ka na babalik sa apartment mo." Napatingin ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo dyan, Clyde?! Kailangan ko ng umuwi at maggagabi na."

"Hindi na kita hahayaan na tumira mag-isa sa lugar na yon at lalong hindi ko na


hahayaan na may mangyari ulit sayo."

Nakaupo kami sa sofa sa living room niya. Nag-aayos na kasi ako ng gamit ko para
makaalis na nang sabihin niya na hindi na ako babalik sa apartment ko.

"Saan mo ako balak pauwiin? Hindi pa ako nakakakita ng malapit na apartment dito
kaya hindi pa ako makakalipat." Nakapag-ipon na ako ng pwedeng ipang-advance at
deposit sa apartment na pwede kong lipatan.

"Huwag ka ng maghanap ng apartment dahil dito ka na titira sa penthouse ko."


Napatayo ako at tinitigan siya.

"Hindi ako papayag sa gusto mo, Clyde! Hindi magandang tingnan na magsama tayo
dito. Boss kita at empleyado mo ako. Walang magandang maidudulot ang pagtira ko
dito."

"Ano ba ang masama kung gusto ko lang makasama ka, Cassandra! Hindi ka na rin
mahihirapan kapag nandito ka at ano pa ba ang problema! I make your life easier but
you keep pushing every damn proposal I made for you."

Umalis siya at iniwan niya akong mag-isa. Nagalit na naman siya. Masyado ko na bang
iniisip ang sasabihin ng iba kaysa sa gusto ni Clyde?

Napuno na ba siya sa laging pagtanggi ko sa mga alok niya? Hinanap ko siya kung
saan siya nagpunta. Pumunta ako sa office niya, sa kitchen at ang huli kong
pinuntahan ang kwarto niya.
Pagkabukas ko ay nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nakatalikod siya sa
akin. Hindi ko alam kung natutulog siya o hindi.

Tumabi ako sa kanya at inakap siya, "Baby, galit ka na naman ba?"

Hindi siya nagsalita kaya sinilip ko kung tulog siya pero nakita kong gising ito.

"Bakit ayaw mo akong kausapin, baby? Gusto mo bang halikan kita para mawala ulit
ang galit mo?"

"Hindi na makukuha ng halik mo ang galit ko ngayon, Cassandra." Mag-isip ka


Cassandra kung ano ang dapat mong gawin para hindi na siya magalit.

Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumayo na. Naglakad na ako para lumabas
na sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta, Cassandra?" Umupo ito sa kama habang nakatingin sakin.

"Kailangan ko ng umuwi." Kumunot ang noo nito.

"Aalis ka na hindi pa tayo ayos ngayon?! Hahayaan mong galit ako sa pag-ayaw mo sa
proposal ko!"

Ngumiti ako sa kanya kaya nagtaka siya, " Kailangan ko ng umuwi. Para maayos ko ang
gamit ko para makalipat na ako dito. Galit ka pa rin ba?"

Ngumisi ito, "Alam mong hindi na, baby"

Chapter 33
Nakakainis naman at hindi man lang nasave yung unang draft ko sa chapter na to.
Nagloko kasi yung app ko at biglang nag-exit kaya nirush kong matapos ito. Leave
your comments again guys!!

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Naglilinis ako ng kusina at pumunta naman si Clyde sa office niya. Simula ng tumira
ako sa penthouse niya ay napansin kong maagang pumupunta si Clyde sa office niya.
Ganito ba siya lagi?

Mag-iisang linggo na ako dito. Naging maayos naman ang paglipat ko. Noong una nga
lang ay nag-aaway kami dahil ang mga desisyon ay laging siya ang nagbebenefit.
Kapag naman hindi ako pumapayag, gagawa siya ng paraan para sa huli ay sumunod ako
sa gusto niya.

Flashback

First night

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko. Wala naman sinasabi si Clyde
kung saan ko ilalagay basta iniwan niya ako sa sala.
Nakaupo lang ako habang hinihintay sa pagbabalik niya. Dinala ko ang lahat ng mga
damit at gamit ko. Nagpaalam na rin sa landlady ko na lilipat na ako ng apartment.
Hindi ko na sinabi na titira ako sa bahay ng boyfriend ko para aalis ako sa lugar
na iyon ng maayos.

Dumating na rin si Clyde at nakangiti itong lumapit sa akin.

"Nandito na ba ang lahat ng gamit mo, baby?" Tumango ako. Sigurado akong wala na
akong naiwan sa apartment.

"Saan ko pala ilalagay ang mga damit ko, Clyde?" Kinuha niya ang mga bag ko na
naglalaman ng lahat ng mga damit ko na galing sa apartment ko.

Sinundan ko siya at natigilan ako ng pumasok siya sa kwarto niya. Pumasok na rin
ako sa loob at nakita kong nilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga bag.

"Inayos ko na ang mga damit ko, baby. Pwede mo ng ilagay ang mga damit mo sa mga
cabinet."

"Bakit ko ilalagay ang mga damit ko sa cabinet mo, Clyde? Dito ba ako matutulog sa
kwarto mo?" Tumingin ito.

"Oo. Hindi ba napag-usapan na natin ito. Na dito ka na titira at dito ka rin sa


kwarto ko." Parang wala naman akong natatandaan na pumayag rin ako na magsama kami
sa iisang kwarto.

"Wala na bang ibang kwarto na pwede kong gamitin, Clyde? Nakakahiya naman sayo kung
magkasama pa tayo sa room mo" lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko.

"Wala na at huwag ka ng mahiya sa akin, baby. Sinasanay na kita dahil ganito rin
naman tayo kapag pinalitan ko na ang apelyido mo ng Villacorte."nag-init ang pisngi
ko at lumayo sa kanya para makaiwas.

Lumabas ako ng kwarto niya at sumunod siya. Umiiwas muna ako sa kanya pero
sinusundan niya pa rin ako.

"Sa sofa na lang ako matutulog kung wala ng akong ibang pwedeng tulugan, Clyde."

"Wait, baby. Hindi ka pwede sa sofa." Tumingin ako sa kanya,"Bakit hindi ko pwedeng
gamitin?"

"Ipapatanggal ko na sa security yon para wala ka ng magamit at sa kwarto na kita


matutulog." Ngumisi pa ito. Naalala ko na may couch sa office niya kaya pupunta ako
doon. Akala niya ba wala na akong mahahanap.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Sa office mo. May couch don. Pwede ko ng tulugan iyon." Hinawakan niya ang braso
ko kaya nahinto ako sa pagpunta sa office niya.

"Hindi ka rin pwede doon."

"Bakit ipapatanggal mo rin?" Lahat na lang ba na pwede kong tulugan ay ipapatanggal


niya.

"Hindi. Ilalagay ko ang lahat ng files ko sa couch na sinasabi mo para hindi mo


magamit. Wala ka ng choice kundi sumama na sa kwarto ko."ngumisi na naman siya.
"Fine. Wala na akong magagawa at lagi kang may naiisip na paraan para masunod ang
gusto mo." Hinayaan ko siyang hatakin ako pabalik sa kwarto niya.

Lumapit ako sa mga bag ko at kukuha ng damit pamalit. Nakaisip ako para makabawi sa
kanya. Kumuha ako ng oversized na t-shirt na aabot sa kalahati ng hita ko at
maikling short. Humarap ako kay Clyde pero itinago ko ang damit ko sa likod ko.

"Ngayon nasunod ang gusto mo, Clyde. Ako naman ang sundin mo. Magbebehave ka kapag
magkasama tayo. Magagawa mo ba?" Nagtaka ito pero pumayag rin.

Nagpalit na ako at lumabas na ng banyo. Nakita kong nakahiga na siya sa kama at


hinihintay ako. Nang makita niya ako ay bigla siyang napaupo at tinititigan ako
habang palapit sa kama. Humiga na ako sa tabi niya at bago ako pumikit ay napangiti
ako sa sinabi niya, "Paano ko magagawa ang ipinangako ko kung ganyan ang suot mo,
baby. Mahihirapan akong makatulog nito."

Flash end

Nang matapos ko ng hugasan ang lahat ng ginamit namin ay umupo ako para
makapagpatuyo ng kamay.

Napatingin ako sa may pintuan ng kusina ng may pumasok na isang babae.

"Gabriel!...Sino ka?" Ako dapat ang magtanong kung sino siya at bigla na lang
pumapasok dito.

"Ikaw ba ang tagalinis ng penthouse ni Gabriel? Alam mo ba kung saan ko makikita si


Gabriel? Saan ko makikita ang amo mo?" Pinagkamalan niya akong tagalinis! Tawag ng
tawag siya ng Gabriel? Si Clyde yata ang hinahanap nito.

"Bakit ayaw mong magsalita!? Wala kang kwentang kausap at ako na lang ang
maghahanap kay Gabriel. Ipagdala mo na lang kami ng juice para hindi kita
ipatanggal sa amo mo." Umalis ito.

Ako pa ang ipapatanggal niya, hindi naman ako tagalinis dito. Bahala siya sa buhay
niya at hindi niya ako utusan. Kung makaasta siya parang siya ang may-ari.

Kumuha ako ng juice sa ref pero hindi ko ibibigay sa kanya at nagsalin sa baso.
Umupo ako at uminom nito. Bahala siyang maghanap kay Clyde.

Hindi nagtagal ay bumalik ulit ito at nakita akong umiinom ng juice na pinapakuha
niya.

"Bakit hindi ka sumunod sa utos ko! Ipapatanggal talaga kita dahil hindi ka
sumusunod sa amo mo. Maghanap ka ng malilipatan mo at sisiguraduhin kong mapapaalis
ka ni Gabriel dito!" Pumasok si Clyde at marahil ay narinig ang pagsigaw ng babaeng
to.

"Bakit ka ba sumisigaw, Thalia?!" Nakita ako ni Clyde.

"Tanggalin mo nga yang babaeng yan dito. Ang sama ng ugali at hindi kumikilala ng
amo niya. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan kita makikita pero hindi sumagot
at hindi man lang niya ako dinalhan ng juice at uminom pa siya" dinuduro pa niya
ako habang nagsusumbong kay Clyde. Tinintingnan ko lang siya.

Ako pa daw ang masama ang ugali o baka naman nagkakamali lang siya ng tinuturo at
sarili pala niya ang sinasabi niya.

Lumapit sa akin si Clyde at hinalikan ang noo ko bago hinarap ang Thalia sa harap
namin.

"Hindi ko tagapaglinis si Cassandra dito at huwag mong sinisigawan ang baby ko."

"Sinong baby ang sinasabi mo?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Siya ba ang sinasabi mo!" Dinuro na naman niya ako.

"She is my baby and watch your words, Thalia. I don't want to hear any bad words
against my girlfriend from you." He said.

"Are you crazy, Gabriel?! Pinatulan mo ang babaeng yan. Alam na ba ni tita ito.
Paniguradong magagalit siya kapag nalaman na siya ang girlfriend mo. Isusumbong
kita sa pinaggagawa mo." ang sama ng tingin niya sa akin.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo, Thalia. Wala akong pakialam kung magsumbong ka
o sabihin mo kay mommy. Wala kayong magagawa sa desisyon ko at sa girlfriend ko."

Mas lalong sumama ang tingin nito at umalis. Umupo sa tabi ko si Clyde. Kinuha niya
ang iniinom ko at inubos ito.

"Okay ka lang ba, baby?"

"Okay lang. Hindi ko na lang siya pinatulan kaya hindi na lang ako nagsasalita
kapag nagtatanong siya sa akin. Sino ba siya, Clyde?"

"She is my childhood friend. Anak siya ng bestfriend ni mommy. Laging nagpupunta


sila sa bahay noon." Kaya pala parang malapit siya kay Clyde.

"Ganoon ba talaga ang ugali niya?" Hindi ko na napigilan na itanong.

"Nasanay kasi siya na nasusunod ang gusto niya at laging pinagbibigyan. Naspoiled
namin siya noon kaya nagalit siya ng hindi ko ginawa ang gusto niya." Kaya naman
pala.

"Ayaw mo ba siyang pumunta dito, baby?" Kahit gustuhin ko man ay hindi pwede. Hindi
ko pwedeng pagbawalan ang taong pumunta dito.

"Okay lang na bumalik siya dito basta huwag niya na akong sigawan. Ayoko kasing may
naninigaw na lang sa akin katulad ng ginawa niya."

"Pagsasabihan ko siya at ayoko rin naman na may naninigaw sa baby ko."

**********

Katatapos ko lang gawin ang mga trabaho ko. At malapit na rin mag-uwian kaya
nagliligpit na ang mga kasamahan ko ng mga gamit nila.

Wala pa naman masyado kaming ginagawa pero nagrereview kami ng mga files ng hawak
naming branch.

Pagkatapos naming mag-ayos at sabay-sabay na kaming lumabas ng office namin. Silang


apat ay pababa at ako naman ay papunta sa penthouse ni Clyde. Alam na rin nila na
lumipat na ako.

Hindi ko naman itinatago sa kanila at hindi rin nila ako hinusgahan ng tumira ako
kay Clyde. Alam naman nilang wala kaming ginagawang masama.

Nakalimutan ko na rin si Thalia at sana naman ay hindi na katulad kanina ang trato
niya sa akin kapag bumalik siya.

Mapagsabihan sana siya ni Clyde. Iniisip ko rin ang sinabi niya sa mommy ni Clyde.
Hindi ko pa pala nakikilala ang mommy niya. Sana naman kung magkita kami ay hindi
siya katulad ni Thalia.

Pumasok na ako ng elevator ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. May
tumatawag pero number lang.

"Hello..."

"Nakilala mo na pala si Thalia, Cassandra."

"Sino ka ba?" Bakit niya kilala si Thalia?

"Hindi mo ba nilagay ang number ko sa contacts mo, Cassandra? Nagsisimula na nga


ako sa mga plano ko tapos hindi mo man lang ako makilala."

"Ikaw ba yan, Lancen?" Akala ko ay tumigil na siya.

"Bingo! Nakita mo na pala si Thalia. Hingin ko kaya ang tulong niya, Cassandra.
Maganda sigurong isali siya. Hanggang dito muna ang pag-uusap natin. Isave mo na
rin ang number ko para alam mo na kapag tumatawag ako."

Pinatay ko na tawag niya at bumukas na rin ang elevator. Ano na ba ang mga
pinaplano niya at nababalisa na naman ako sa tawag niya. Ano ba talaga ang gusto
mo, Lancen?

Chapter 34
I am feeling so tired after my classes on saturday. 3 hours per subject. Sumasabog
na ang utak ko sa mga lessons at review. Dont forget to leave your comments. Pwede
ng stress reliever ang mga comments niyo. :)

My other stories:

My Snobbish Heart- Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

****************

Nagising ako na wala na si Clyde sa tabi ko kaya tiningnan ko ang orasan para
malaman kung anong oras ako nagising. Maaga pa naman kaya tumayo na ako at pumunta
ng banyo para ayusin ang sarili ko.

Naabutan kong nagbabasa ng mga files si Clyde sa dining table habang umiinom ng
kape. Mukhang kanina pa ito gising.

"Good morning, baby" ang sabi nito na hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya
sa akin.

"Good morning rin, baby. Anong gusto mong almusal, Clyde?"

"Ikaw na ang bahala." pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa at nagpunta na ako sa
ref. para maghanap na pwedeng iluto. Kumuha ako ng hotdog, bacon at egg.
Magsisinangag ako para makakain ng maayos si Clyde.
Nang matapos ako ay hinanda ko na at nagsimula na kaming kumain. Naalala ko na
kailangan kong magpaalam sa kanya. Kailangan kong pumunta sa orphanage.

"Baby, aalis ako ngayon." natigilan ito at tumingin sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa orphanage. Nagkulang ang mga volunteers ngayon at may program pa naman kaya
nangangailangan sila sister ng mga taong tutulong sa kanila. Pwede ba akong
umalis?" napabuntong-hininga siya.

"Ok lang naman. Gusto man kitang samahan pero marami akong dapat tapusin ngayon.
Susubukan ko na lang na humabol, baby."

"Hindi mo naman kailangan samahan ako kung busy ka. Alam ko naman mas kailangan
mong magfocus sa company mo."

Natapos na kami at niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Naghuhugas ako ng mga
pinaggamitan namin ng maramdaman kong may pumulupot na mga braso sa bewang ko.

"Hintayin mo ako dun at gagawa ako ng paraan para makahabol ako, baby."

Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Hindi ko rin siya mapipigilan sa mga gusto
niya.

Papunta na ako sa orphanage. Pagkatapos kasing sabihin ni Clyde iyon ay nagpunta na


siya sa office niya at umalis na rin ako para mas maaga akong makapunta at
makatulong kay sister.

Naabutan kong inaasikaso ng mga volunteer ang mga upuan na gagamitin. Dumiretso ako
sa loob at hinanap si sister. Nakita ko siya na nasa kusina at inaasikaso ang mga
pagkain.

Napansin niya ang pagdating ko at ngumiti itong sinalubong ako, "Nandito ka na


pala, iha. Pasensya ka na kung pinatawag kita ngayon. Alam kong busy ka at
nakaabala pa yata ako sa iyo."

"Wala po iyon. Hindi naman po ako busy ngayon. Gusto ko rin pong makatulong. Para
po saan yung program ngayon?" Hindi naman nasabi sa akin basta may nagtext lang
kung available ako ngayon.

"Dadating ang mga sponsors ng orphanage kaya naghanda kami ng program sa pagdating
nila." Kaya pala sobrang busy nila.

Tumulong na rin ako sa pag-aasikaso ng pagkain. Ang iba ay tapos na rin sa mga
ginagawa nila. Hindi muna hinayaan ang mga bata lumabas ng mga kwarto nila.
Pinaayos na rin sila dahil sila ang isa rin na titingnan ng mga sponsors.

Nakaayos na ang lahat at isang oras na lang ang hihintayin at dadating na ang mga
hinihintay namin. Tutulong rin ako sa pag-aasikaso ng mga bisita dahil hindi na
magagawa ni sister.

Lumipas na ang isang oras na nagsisidatingan na ang mga hinihintay namin. Ginawa
namin ang makakaya namin para maging maayos ang lahat.

Napatingin ako sa gate ng orphanage ng mapansin ko ang pagpasok ng isang kotse.


Lumabas ako para malaman kung sino ang dumating. Huminto at lumabas si Clyde sa
kotse. Nakita niya ako kaya ngumiti ako sa kanya.
Naglakad ito pero ang akala ko ay lalapitan niya ako ng pumunta siya sa passenger
seat at binuksan ang pinto. May lumabas mula rito at nakita ko kung sino ang taong
iyon, si Thalia.

Anong ginagawa niya dito? Lumapit si Clyde sa akin at hinalikan ako. Napansin ko
ang pagtitig ni Thalia sa amin pero hindi na lang nagsalita.

Pumasok na kami at hinawakan naman ni Clyde ang kamay ko. Dinala ko sila sa kusina
para hanapin si sister.

"Late na ba kami, baby?"

"Kanina pa nagsimula yung program pero okay lang naman na malate kayo dahil busy pa
ang mga bisita.".

"Gabriel, bakit dinala mo ako dito?" Napalingon ako kay Thalia ng magsalita ito.
Tumingin si Clyde sa kanya.

"You were the one who wanted to come with me, Thalia."

"I didn't know that you are going in this place." She said. I think she didn't
expect that Clyde would go in this kind of place.

"It was not my fault that you wanted to come, Thalia. I told you I need to go to my
girlfriend and you insisted to come."

Kaya lang siguro sumama siya dahil pupuntahan ako ni Clyde. Pakiramdam ko ang sama
na ng tingin niya sa akin kahit hindi ko pa siya lingunin.

"Gusto niyo na bang kumain? Ikukuha ko kayo." Tumango si Clyde at hinihintay ko na


lang ang sagot ni Thalia.

Napatingin ito kay Clyde, "Fine."

Pinaghanda ko sila at madali na lang iyon dahil nandito sa kusina ang ibang
pagkain. Iniwan ko sila at nagpunta sa pinagdadarausan ng program. Mukhang natapos
na ang program at ang ibang sponsors ay masayang lumapit sa mga bata.

Inayos ko ang mga upuan na nagulo. Hindi ko pa nakikita si sister mula pa kanina at
hindi magtatagal ay magsisiuwian na rin ang mga tao kaya mag-aayos ulit kami. May
kailangan akong itanong sa kanya.

"Miss..." natigil ako sa ginagawa ko ng may marinig akong tumatawag sa akin.

"Pwede ka bang maistorbo kahit saglit lang?" Isa siya sa mga dumating ngayon.

"Okay lang naman."

"Kailangan lang kitang mainterview about sa orphanage. Pwede ba miss?" Nagtaka ako
kung bakit ako? Si sister dapat ang kausapin niya.

"Hindi ba dapat si sister ang dapat ang mainterview mo dahil mas marami ang alam
niya tungkol sa orphanage." Umiling ito.

"Kailangan ko lang ng information tungkol sa mga volunteers dito. Gusto lang


malaman ng boss ko kung sapat ba ang donations niya o kailangan pangdagdagan."

Namili kami ng lugar na malayo sa ingay para magkarinigan kami. Wala naman masama
sa sinabi niya. Madami siyang tinanong at sinagot ko ang mga nalalaman ko ang.

"Miss, last na. Pwede ka bang mapicturan para makompleto ang report ko?" Pumayag
ako.

Nakailang shots pa siya at tinitingnan ang mga nakuha na niya, "Pwede na ba akong
umalis?"

"Miss, pwede bang humingi ng last favor. Pwede mo bang tanggalin ang salamin mo at
kukuhanan ulit kita. Mas maganda ka kapag walang salamin." Nagtaka ako sa sinabi
niya. Kahit anong picture naman ay pwede sa report bakit kailangan ko pang
magtanggal ng salamin.

"Alam kong maganda ang girlfriend ko kaya huwag mo ng sabihin sa kanya dahil ako
lang ang may karapatang sabihin iyon sa kanya." Hindi ko napansin na nakatayo si
Clyde sa likod ko. Kanina pa ba siya?

"Kanina ka pa dyan, Clyde?"

"Hindi naman at tama lang ang dating ko na bakuran ang pag-aari ko." Ang sama ng
tingin niya sa kausap ko.

"Sige miss. Thank you pala. This is my calling card." binibigay niya sa akin pero
si Clyde ang kumuha.

"Hindi mo na kailangang magbigay ng ganito dahil wala siyang balak tawagan ka kung
meron naman siyang katulad ko na kasama niya sa bahay." Umalis na ito. Binulsa ni
Clyde ang calling card.

"Bakit parang galit ka sa tao, baby?"

"Ayoko lang na kuhanan ka niya na hindi na kasama sa report niya at nagbigay pa ng


calling card para sayo, baby." Pinipigilan kong mapangiti sa inaasal ni Clyde.

"Nasaan si Thalia?"

"Iniwan ko siya dahil kailangan kitang hanapin."

"Cassandra..." papunta sa direksyon namin si sister. Nakita niya rin si Clyde na


kasama ko.

"Nakapunta ka pala, iho. Pasensya ka na at hindi kita nasalubong ng dumating ka."

"Sinalubong naman po ako ng girlfriend ko, sister." Nagpalipat-lipat ang tingin


niya sa amin at ngumiti.

"Mabuti naman. Cassandra, salamat sa pagtulong sa amin ngayon. Kung gusto niyong
magpahinga na ay kami na lang ang mag-aayos dito. Hinahanap na kayo ng babae sa
kusina ng magpunta ako roon."

Binalikan namin si Thalia at ng makita kami ay nakasimangot na ito.

"Why did you left me, Gabriel?!"

"You wanted to stay in here so I left you, Thalia. Dont make a scene in here and we
have to go now."

"Finally"
Kinuha ko na ang bag ko at nagtungo na kami sa kotse ni Clyde. Bubuksan ko na ang
passenger seat ng biglang buksan ito ni Thalia at siya ang pumasok sa loob. Wala na
akong nagawa at binuksan ko ang pinto sa back seat. Ayoko na lang ng gulo kapag
pinilit ko pang umupo doon dahil pagod na rin. Sa kanya na ang upuan.

Umalis na kami at pinikit ko ang mga mata ko habang bumibyahe kami. Sila na lang ni
Clyde ang mag-usap.

"Gabriel, kailangan ka pupunta sa bahay? Gusto ko ng makita nila mommy."

"I can't, Thalia. I am busy with my company."

"If you are busy then why do you have time with her!?" Alam kong ako ang tinutukoy
nito kaya nakikinig lang ako sa kanila.

"She is my girlfriend and I will always have time to spend just for her."

Tumahimik na ulit at hindi ko na narinig ang boses ni Thalia. Hindi ko na alam kung
saang banda na kami pero alam kong malapit na kami. Hindi naman masyadong kalayuan
ang orphanage.

"Saan ka namin ibaba ni Gabriel?" Ako ba yung kausap niya. Dinilat ko ang mga mata
ko at tumingin sa pwesto ni Thalia. Nakatingin siya sa akin.

"Bakit mo tinatanong si Sandra kung saan siya bababa, Thalia? Ikaw ang dapat naming
tanungin kung saan kita ibababa?" Ang sabi ni Clyde.

"Hindi ba siya uuwi sa kanila? Ihatid na muna natin siya para makapasyal pa tayo,
Gabriel."

"Deretso na lang tayo sa company at umuwi ka na, Thalia. Pagod na rin ako kaya
gusto ko na rin magpahinga."

Huminto na ang kotse at nasa parking lot na kami ng company. Lumabas na kami at
lumapit si Thalia sa pulang sasakyan sa tabi ng kotse ni Clyde.

"Umuwi ka na, Thalia."

Hinintay ako ni Clyde at hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming naglakad


papuntang elevator.

"Wait... Saan kayo pupunta?"

Lumingon kami sa kanya, "Uuwi na sa penthouse ko."

"Huwag mong sabihing doon din siya nakatira, Gabriel!"

"Yeah. Just go home, Thalia and we need to rest, too."

Chapter 35
Nawala na sa isip ko na kailangan ko pa lang mag-update sa mga stories ko. Kung
hindi ko pa nabasa ang mga message niyo malamang na mas tatagal ang update nito.
Salamat sa mga nagmessage at sorry rin. Comment na rin kayo. :)

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction


The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~♡~*

Kanina pa ako nananahimik pero ayaw pa rin sabihin ng katabi ko kung saan kami
pupunta. Tinakot ko na siya na hindi ko siya papansinin pero hindi pa rin ito
umepekto sa kanya.

Basta na lang niya sinabi kagabi na may pupuntahan kami at wala man lang sinabi
kung bakit kami aalis. Magdala daw ako ng damit at baka magtagal kami sa pupuntahan
namin.

"Don't make that face." Bahala siya. Alam kong alam niyang naiinis ako.

"Don't be mad at me, baby. I want to surprise you by keeping it a secret.''

Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyon na pansinin na siya. Hindi ko rin


naman siya matitiis na hindi pansinin kapag naglalambing na siya.

"I'm sorry, baby if I'm acting like a child when you did not tell me. I want to
fill my curiousity and I thought if I would not talk to you, you would tell me."
Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Ngayon ko palang nagawa ito.

"I thought our endearment was not suitable for both us but now I was wrong, you
know why?" Siya naman ang nagsimula ng tawagan namin noon tapos ito pala ang
iniisip niya.

"No."

I saw him smirked and he return his vision on the road, "I will tell it to you,
later."

I bit my lower lip because of frustration. He left me hanging for his answer again.

Habang tumatagal ang biyahe namin ay nalilibang ako sa mga tanawin na nadadaanan
namin. May natatanaw akong bundok at puro puno na ang halos madaanan namin kaya
malilim sa daan. Ang sarap ng simoy ng hangin. Mahangin sa lugar.

Pakiramdam ko ay parang familiar ang dinadaanan namin. Parang nakarating na ako


dito pero hindi ko lang matandaan kung kailan.

May natanaw akong malaking gate at alam ko na kung saan ito. Dito kami pumunta ni
Clyde ng hanapin namin si Alex.

Nakapasok na ang sasakyan namin at dumeretso na kami sa loob. Katulad pa rin ito ng
makapunta ako dito.

Hininto ni Clyde ang sasakyan sa harap ng hotel. Kinuha na namin ang gamit namin sa
likod ng sasakyan. Hindi na ako hinayaan na magbuhat at siya na nagbitbit ng gamit
namin. May lumapit na lalaki kay Clyde at binigay ang susi ng kotse.

Pagkapasok namin ay napansin ko na maraming tao ngayon. Pinaupo muna ako ni Clyde
at siya na daw ang bahala sa room namin.

Pinagmamasdan ko ang mga tao. Halos lahat naman ay puro babae ang nakikita ko at
mga nakadress sila. Napatingin ako sa suot ko na nakapalda at blouse.
Kailangan ko bang gayahin sila. Dapat ba ay nakadress ang lahat ng babae dito.
Lumapit na si Clyde sa akin na may hawak ng card.

"Pumunta na tayo sa room natin."

Naghihintay kami sa pagbubukas ng elevator pero hindi nakaligtas sa akin ang


pagtitig ng mga babae na kapwa naghihintay rin ng elevator sa tabi namin.
Tinititigan nila ang nakatalikod na si Clyde. Hindi ba nila napansin na kasama ko
ang lalaking tinititigan nila.

"Cassandra..." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nagulat ng makita ko kung sino.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tumakbo ito at niyakap ako.

"Salamat at nandito ka! Wala akong kakilala dito at mabuti na lang ay nag-ikot ako
sa hotel at nakita kita!"

"Paano ka ba nakapunta rito, Kim?" Nagulat ako na nakita ko siya. Hindi naman
mahilig si Kim sa mga ganitong lugar.

"Walangya talagang lalaking iyon. Kinidnap niya ako tapos nagising na lang ako na
nasa isang kwarto ako ng hotel na ito. Humanda talaga siya."

"Si Alex ba ang sinasabi mo?"

"Sino pa ba ang siraulong gagawa ng ganito! Kapag nakita ko talaga siya,


sasabunutan ko siya hanggang wala ng buhok ang matira sa kaniya."

Narinig kong bumukas ang elevator kaya napatingin ako sa mga taong pumapasok na.

"Aakyat na kami, Kim."

"Wait!... Sir Clyde, pwede po bang sa room ko na lang magstay si Cassandra para
hindi na kayo kumuha ng pangalawang kwarto para sa kanya?"

"I don't need your proposal because we are staying in one room, my room."

Hinatak ako ni Kim at binulungan, "Cassandra, pilitin mo naman iyang boyfriend mong
humiwalay naman sayo para may kasama ako dito. Huwag ka ng pumayag na magsama kayo
sa iisang kwarto para makatakas ka muna sa kanya."

Napaisip ako sa sinabi ni Kim. Lagi nga naman kami magkasama ni Clyde kaya hindi
ako makakapaglibot dito, "Sige."

Lumapit ako kay Clyde at hinalikan siya. Smack lang at kinuha ko na ang bag ko sa
kanya. Mabilis kong hinatak si Kim at sumakay sa kabilang elevator.

"Sandra!" Narinig ko pang sumigaw si Clyde na tinatawag ako pero sumara na ang
elevator.

"Wow. Ngayon ko lang nakitang ikaw ang unang gumawa ng first move kay sir at
tinakasan pa natin. Ikaw na!"

"Kapag hindi ko ginawa iyon. Hindi siya papayag na magshare tayo ng room. Hindi rin
ako makakapaglibot na ako lang dahil paniguradong kasama siya."

Umabot kami sa 10th floor at binuksan na ni Kim ang room niya. Malaki ang kinuha ni
Alex para sa kanya. Sinadya niya siguro para hindi magalit sa kanya pero hindi
naman nadadaan si Kim sa mga ganito.

Binaba ko lang ang bag ko at lumabas rin kami. Maglilibot para mag-enjoy kung anu-
ano ang pwedeng gawin dito.

May mga boutique kaya pinuntahan namin. Ang daming magagandang damit na nakadisplay
na suot ng mga mannequin at ang gaganda ng mga design. Pumasok kami at may mga
namimili na sa loob ng mga dress. Talaga bang dress ang dapat na isuot dito.
Paaalisin ba kami kapag hindi kami nagsuot ng mga ganon?

"Cassandra, kanina ko pa napapansin na may mga dalang dress ang bawat taong
nakakasalubong ko kanina. Ano ba ang nangyayari dito?"

"Hindi ko rin alam. Napansin ko rin lang kanina ng dumating kami."

Tumingin na rin kami ng damit pero wala kaming balak bumili. Paniguradong mahal ang
bawat isa nito dahil branded ang mga tatak ng mga damit. Hindi naman kami
mapapagalitan kung titingin lang.

Iba-iba ang mga style ng mga dress na tinitingnan ko. Nagagandahan ako sa mga
design ng mga damit at ang ganda rin ng tela nito. Malambot kung isusuot mo ito.

"Cassandra!" Lumapit ako kay Kim. Napansin ko na may hawak na itong mga dress.

"Bakit ka kumuha ng mga iyan, Kim?! Wala tayong ipapambayad sa mga yan." May nakita
akong tag price kanina at binitawan ko agad yung damit ng makita kong P20000 ang
presyo. Simple lang yung hinawakan ko at ganon na yung presyo, paano pa kaya yung
iba.

"Isukat natin ito, Cassandra." Pinakita niya pa yung hawak niya sa akin. Maganda
nga yung dress pero wala akong balak gawin ang gusto niya. Baka masira pa at
pagbayarin ako.

"Ibalik mo na yan. Akala ko ba titingin lang tayo dito. Baka masira pa yan, Kim."

"Susukatin lang naman yung damit. Huwag kang masyadong matakot dahil kapag nasira
ko man ito, pagbabayarin ko yung siraulong Alex na yun! Gaganti ako sa ginawa
niya!"

Pumasok na si Kim sa fitting room para makapagpalit. Umupo ako habang hinihintay
siya. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko tiningnan kung sino ito.

"Bakit kaya natataranta sila sa pagpili ng damit?"

"May party kasi mamaya kaya ganyan sila."

Napalingon ako sa katabi ko. Ako ba ang kausap niya? Tumingin siya sa akin at
nginitian ako.

"Hindi ka rin ba titingin ng damit na isusuot mo mamaya o meron ka na?"

Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi. Basta na lang kasi siya
nagsasalita, hindi naman niya ako kilala pero sa tingin ko naman na mabait siya.
Hindi naman niya ako kakausapin kung masama ang ugali niya at baka nga hindi pa ito
tumabi sa akin katulad ng iba.

"May dumi ba ako sa mukha, miss?" Umiling ako. Ang tagal naman magbihis ni Kim.

"Gusto mo tulungan kitang maghanap ng damit mo? Mukha kasing wala ka pang isusuot
mamaya."

"Hindi naman ako pupunta sa party na sinasabi mo."

Hindi ko alam kung bakit ba kami nagpunta dito. Dapat pala tinanong ko si Clyde
pero as if naman na sasabihin niya sa akin.

"Hindi ka pwedeng hindi pumunta. Kung isang member ang nagsama sayo dito, ibig
sabihin ay ikaw ang date niya sa party."

"Ano bang mangyayari kung hindi ako pumunta?"

"Maaaring matanggal ang membership nila dito."

Napatingin kami ng bumukas na ang fitting room at lumabas si Kim.

"Bagay ba?" Bumagay sa kaniya ang damit. She wore an elegant emerald dress. It is a
long tube dress.

Umikot ito para mas makita ko kung maganda ba ito sa kanya, "Bumagay sayo, Kim."

"Kukunin niyo ba yan?" Lumapit na rin sa amin yung kausap ko kanina.

"H-Hindi. Ibabalik rin niya yung damit. Kim! Magpalit ka na. Baka makita tayo ng
may-ari ng boutique." Bumalik na ulit ito sa loob.

"Pwede bang huwag mo na lang isumbong ang ginawa niya?" Tumango ito. Binalik na rin
namin ang lahat na damit na kinuha ni Kim. Pabalik na kami sa room namin ng matanaw
ko si Clyde na nakatayo malapit sa pinto. Malayo pa lang kami ay nahalata ko ng
galit siya.

Napansin niya kaming papunta sa kanya, lumapit na siya at kinuha ang kamay ko at
hinatak ako. Sumakay ulit kami ng elevator at dumeretso sa room niya.

"We have a party to attend to, baby." Nakahinga ako ng maluwag na hindi naman siya
galit.

"Wala akong isusuot, Clyde."

"Nasa kama na ang isusuot mo. I already ordered your dress a while ago. You can try
it or even change it if you don't like them. May pupuntahan lang ako pero babalik
rin ako." Hinalikan niya ako sa labi bago umalis.

Pumasok ako sa kwarto para tingnan ang dress na sinasabi niya. May nakita akong
dalawang box sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang isa at nakita ang kulay itim na
long gown na sleeveless. Tiningnan ko na rin yung isa at kulay pula naman ito na
mas revealing kumpara sa isa. Ano ba ang susuotin ko dito?

Narinig kong tumutunog ang telephone na nakonekta sa buong hotel. Kinuha ko ito.

"Good afternoon, Mr.Villacorte. We received a call from the entrance security that
there is someone who needs your approval. She said that she is your date for the
party."

Chapter 36
Wala akong pasok ngayon kaya nakapag-update na rin. Sana maintindihan ako ng mga
readers ko na puro test kami ngayon at hindi na mapahinga ang utak ko sa kakareview
at sabayan pa ang pagpapatuloy sa kwento ng dalawa. Lagot na. Guys sana ipagpray
niyo ako may problema kasi ako ngayon. Sana malampasan ko. :(

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~♡~*

Natigilan ako sa sinabi ng caller. Date ni Clyde? Ang sabi niya sa akin ako ang
kadate niya. Ano ba talaga ang totoo, Clyde?

"Sir, Are you still there?"

Hindi ko na sinagot ang tanong nito at ibinaba ko na. Kailangan kong malaman kung
sino iyon.

Lumabas ako sa room at nagmamadaling pumunta ng elevator. Pagkapasok ko ay


napapatingin ang kasabay ko sa akin. Wala akong pakiaalam kung ano ang iniisip nila
mas may kailangan akong gawin kaysa intindihan sila.

Nauna na akong lumabas ng nasa ground floor na. Tinitingnan ko ang mga nadadaanan
ko kung makikita ko si Clyde. Nasaan na kaya siya, alam na ba niya na may
naghahanap sa kanya?

Pagkalabas ko ng hotel ay naghanap ako ng pwede kong sakyan papunta sa entrance


kung saan naghihintay yung taong sinasabi ng caller kanina. May nakita akong guard
kaya nagtanong ako kung ano ang pwede kong sakyan.

"Excuse me, saan ako makakakita ng taxi dito?"

"Sorry po ma'am. Wala pong taxi dito pero may mga mini van po na pwede niyong
masakyan."

"Saan ko makikita yung sinasabi mong van?"

Mabuti na lang at tinulungan ako ng guard na makahanap ng sinasabi niya. Pagkasakay


ko ay nakatingin na sa akin ang driver.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa entrance gate po."

Hindi nagtagal ay natatanaw ko na ang malaking gate. Nang mas malapit na kami ay
may nakita akong pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa gate. Isang pulang
kotse na alam kong nakita ko na.

May dumating pang isang kotse at lumabas mula roon si Clyde. Lumapit ito sa mga
guard na malapit sa pulang kotse. Kinakabahan na ako. May kutob na ako kung sino
ang may-ari ng kotse, lumabas si Thalia at lumapit kay Clyde. Hindi ko inaasahan
ang gagawin niyang paghalik kay Clyde.

"Ma'am nandito na po tayo."

Ngayon ko lang napansin na nakahinto na ang van at nakatingin na sa akin ang


driver. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako sa kanila o lalayo sa lugar na ito.
Napatingin ulit ako sa gawi nila. Nakahawak na sa braso ni Clyde si Thalia habang
kinakausap ang mga guard.

"M-Manong pwede niyo po akong ihatid pabalik sa hotel?"

"Sige po."

Pinaandar na niya ang van. Hindi ko na kayang magtagal na makita silang dalawa.
Ngayon ko palang naramdaman ito. Na ayokong makita muna si Clyde at gusto ko munang
mapag-isa.

Huminto na kami sa tapat ng hotel at kumuha ako ng pera para ipambayad sa driver.

"Wala pong bayad ang pagsakay sa mga mini van po dito. Pinapasahod po kami ng may-
ari kaya hindi ko po matatanggap ang bayad niyo po ma'am."

"Salamat po."

Pagkababa ko ay nakatitig lang ako sa entrance ng hotel. Ayoko pang bumalik sa loob
kaya naglakad ako palayo dito.

Napatingin ako sa isang restaurant, nakaramdam na rin ako ng gutom at pumasok.


Walang masyadong customer. Nakahanap ako ng table na malayo sa mga tao.

Umorder na ako at hinihintay ko na lang. Nakatingin lang ako sa labas. Glass ang
paligid ng restaurant kaya nakikita ko pa rin ang labas.

May nagbaba na ng mga pagkain sa table ko.

"Thank you."

Hindi ko na tingnan kung sino ang nagserve ng pagkain ko pero nang hindi ito
umaalis sa tabi ko kaya tiningnan ko na kung may kailangan pa ito.

"Bakit mag-isa ka lang na kumakain?"

Binalik ko sa pagkain ang atensyon ko, "Busy pa sa ibang babae si Clyde kaya ako
lang mag-isa."

"Hindi ka dapat niya iniiwang mag-isa, Cassandra. Sasamahan kita kung hindi ka niya
priority ngayon."

Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Nakangiti siya kaya napangiti


rin ako sa sinabi niya.

"Thank you, Ren."

*~♡~*

Napahawak na ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ng malakas. Ang dami kasing
sinasabi si Ren na mga jokes pero kahit alam mong corny ang ilan sa mga iyon ay
matatawa ka pa rin dahil sa facial expression niya.

"T-Tama na. H-Hindi na ako makahinga sa kakatawa, Ren!"

"Marami pa akong hindi nasasabi sayo. Suko ka na?"

"Nakakahiya na sa ibang tao dito at kanina pa tayong maingay. Baka batuhin tayo
kapag hindi pa tayo tumigil."

Tingnan naman ni Ren ang mga taong sinasabi ko. Humarap ulit siya sa akin.

"Hayaan mo sila. Ako naman ang may-ari ng restaurant na ito. Kaya gagawin ko ang
gusto ko at wala silang pake sa ingay natin at kapag binato tayo, doble na ang
bills nila."

"Sira ka talaga!"

Masayang kasama si Ren at nagpapasalamat akong siya ngayon ang kasama ko. Nawala na
sa isip ko ang nangyari kanina at nakukuha ko ng tumawa na alam kong kapag nagkita
ulit kami ni Clyde ay babalik na naman sa akin ang nakita ko.

"Maganda sa pakiramdam na napapangiti na kita ngayon. Huwag ka ng malungkot at


sisiguraduhin kong lagi kang nakangiti kapag kasama ako."

I smiled. This guy can make me laugh even though I was in pain. I am really
grateful to met him.

"Renzell!"

Napatingin kami sa tumawag sa kaniya. Nawala ang ngiti ko ng makita ko silang


magkasama. Nakatingin ako kay Clyde at napansin ko ang seryoso niya habang
lumalapit sila sa amin.

"Hi! Ngayon na lang tayong nagkita. Mabuti na lang at pumunta ako dito. Namiss ko
na ang mga pagkain dito. Nandito ka pala, Cassandra..."

Ngayon mo lang ako napansin?! Magkatabi lang kami ni Ren, mas malabo yata ang mata
nito kaysa sa akin!

"Bakit hindi mo sinabing aalis ka, Sandra?"

"Bakit hindi mo rin sinabing aalis ka, Clyde?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tanungin si Clyde pero
hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya.

"May mahalaga akong pinuntahan kaya iniwan muna kita." Talagang sinabi niya pang
mahalaga! Napansin ko ang pagngisi ni Thalia sa tabi ni Clyde. Hindi ako
bayolenteng tao pero sa pagngisi ng babaeng ito, parang gusto ko siyang sabunutan!

Iniwas ko ang tingin sa kanila para makontrol ko ang galit ko. Tingnan ko na lang
si Ren.

"Anong ginagawa mo dito kasama si Ren?!"

"Pare, nakita kong mag-isa si Cassandra kanina kaya sinamahan ko muna siya."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Renzell kundi ang girlfriend ko!"

May gana pa siyang magalit. Dapat ako ang naglalabas ng sama ng loob pero kung
umasta siya parang ang laki ng ginawa kong kasalanan. Siya nga may kahalikang babae
pero hindi ako nagpakita ng galit sa kanya.

"Nagugutom ako kaya lumabas ako, pwede na ba iyong rason para tigilan mo na ang
pagsigaw dyan. Sinamahan lang ako ni Ren dahil may isang tao dyan na hindi man lang
nagpaalam na aalis at pinuntahan ang mahalagang tao na sinasabi niya"
Katahimikan qng namayani sa pagitan naming apat. Wala na akong pakiaalam kung ano
ang iniisip ni Clyde ngayon.

"R-Renzell, meron ka na bang date mamaya?" Mabuti naman nagsalita ang babaeng ito.

"Wala nga. Malalagot ako nito."

"Sayang naman. Kung hindi lang ako ang date ni Clyde ay papayag akong maging date
mo kaso alam mo naman na uunahin ko si Clyde kaysa sa ibang lalaki." Nagpaparinig
ba siya! At talagang sa harap ko pa niyang sinabi iyon.

"Thalia you are not-"

"Ako na lang ang date mo, Ren. Wala naman akong tinanguang imbitasyon na magiging
date ako ng kung sinuman."

Hindi ko tiningnan kung ano ang reaksyon ni Clyde at nakatingin lang ako kay Ren.
Hindi ko naman gustong gumanti sa kanya pero alam kong maaaring matanggal ang
membership ni Ren. Ito na lang ang pwede kong gawin kay Ren sa pagsama niya sa
akin. Wala namang problema kay Clyde, nandyan si Thalia para maging date niya.

"Okay lang ba? Isa sa mga problema ko kung sino ang isasama ko mamaya. Wala akong
makitang babae na pwede kong isama." Tumango ako.

"Pare, pwede ko bang maging date ang girlfriend mo? Ipapangako kong aalagaan ko
siya habang kasama ako."

Hindi agad sumagot ito pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Ayokong
salubungin ang tingin niya. Wala akong ginagawang masama at gusto ko lang tulungan
si Ren.

"Ano pa ba ang magagawa ko kung nagdesisyon na ang girlfriend ko... Kahit ano ang
gustuhin niya ay ibibigay ko kahit sa huli ako naman ang mahihirapan."

Chapter 37
Salamat sa paghihintay. Alam kong masyado ng late ang mga update ko, ang dami
kasing ginagawa si author kaya sana pagpasensyahan ninyo. Don't forget to leave
your comment!!!
My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment, and follow me.

~¤♡¤~

Napatingin ako sa kanila ng magsimula ng maglakad si Clyde papalayo sa amin. Nagawa


ko na rin na humarap sa kanya pero siya naman ang nakatalikod at habang tinitingnan
ko siya ay parang ang bigat sa pakiramdam ko.

Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko mapigilang maitanong ito sa sarili ko.

"May problema ba kayo ni Clyde, Cassandra?"

Hindi na ako nagtaka sa tanong niya dahil kahit sino naman ay mapapansin na may
mali sa pakikitungo namin sa isa't isa.

"Ang alam ko wala kaming problema ng magpunta kami dito."

"Kung ganon bakit hindi mo man lang siya tiningnan kanina ng dumating sila. At sa
tingin ko ay hindi ka nagsasabi ng totoo ng sabihin mong wala kayong problema."

Nakalimutan kong may pagkaobservant siya sa mga bagay bagay kaya wala akong choice
kundi magsabi sa kanya. Sa tingin ko rin baka gumaan rin ang nararamdaman ko kung
sasabihin ko sa kanya.

"Umalis siya na hindi nagpapaalam tapos nalaman ko na pinuntahan niya si Thalia


para lang sunduin."

"Hindi mo na sana pinansin yung ginawa ni Clyde. Alam mo na sigurong kababata niya
si Thalia kaya niya sinundo ang kaibigan niya."

Tiningnan ko ng masama si Ren at natigilan ito. Ngayon lang ako nainis sa sinabi
niya. Hindi pa niya alam ang ginawa ng babaeng iyon kaya nasasabi niyang normal
lang ang ginawa ni Clyde.

Tinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko ng hindi ko pa rin inaalis ang
tingin ko sa kanya.

"Hindi ako lalaban sayo, Cassandra." Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o
maiinis. Ang seryoso kaya namin dito tapos magbibiro siya.

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo alam kung ano ang ginawa ng Thalia na iyon.
May kababata ba na hahalikan ka na alam niyang may girlfriend ka!"

"Paano mo naman nalaman na hinalikan ni Clyde si Thalia? Umalis nga siya, di ba?"

"May tumawag sa room namin at sinabing may taong nangangailangan ng approval ni


Clyde bago makapasok. Pumunta ako kaya nakita ko yung ginawa ng babaeng iyon!
Masisisi mo ba ako na hindi magalit kay Clyde at kay Thalia?!"

Napabuntong hininga ito at natahimik sa sinabi ko. May dahilan naman kung bakit
ganito ang nararamdaman ko at hindi ko ugaling magalit kay Clyde kapag alam kong
simple lang ang nagawa niyang kamalian.

"There is no perfect relationship, Cassandra. What you saw was just part of being
in a relationship. There will be time that someone will do what Thalia did but the
question is? Do you trust him?"

Ako naman ang natahimik sa sinabi niya.

"I am not saying you have to forget what you saw. I know Clyde. He is loyal to you
and he will not make something that will destroy your relationship with him."

Siguro nga na hindi dapat ako nagalit agad. Alam ko na ang gagawin ko mamaya para
maayos ito.

Tumayo si Ren sa kinauupuan niya. Nagtaka ako sa ginawa niya. Saan siya pupunta.
Iiwan rin ba niya ako dito.

"Where are you going?"

"I will bring you to my friend to help me pick your dress for the party. She will
help me transform you to be more beautiful than your boyfriend's date, do you like
my plan?" Then he smiled like he was planning something.

"Yeah."

~¤♡¤~

Nakailang subok na ako ng mga pinagbibigay nilang gown sa akin. Pero parang wala pa
silang nagugustuhan sa mga iyon. Nakakapagod rin ang magpalit, hindi ko naman
akalain na ganito ang plano nila. Pagurin ako bago umatend ng party.

Lumabas na ako. Hindi ko na alam kung pang-ilan ko ng labas sa fitting room. Bakit
walang pumapasa sa kaibigan ni Ren.

"Masyadong simple kung ikukumpara ko sa mga taste na damit ni Thalia. Baka nga sa
international designer pa iyon nagpagawa ng gown niya para sa party mamaya."

Kahit hindi ko na mahigitan ang damit ni Thalia basta matapos lang ako dito.
Pinaikot niya ako at tiningnan ang suot ko.

"There should be something that would be showing your curves and fitted to your
body! Dapat pala pinaghanap na kita ng magpunta kayo ng kaibigan mo kanina."

Nagulat ako na ang kaibigan ni Ren na tutulong sa akin ay ang babaeng nakausap ko
rin. Siya pala ang may-ari ng boutique na ito. Napagkamalan ko pang customer siya
noong una.

"Kailangan talagang matalo ng gown mo ang gown niya. Hindi ako papayag na maungusan
ka ng babaeng iyon, Cassandra."

Hindi ko alam na may iba rin palang may ayaw kay Thalia dito. Katulad nitong si
Janna kaya sa tingin ko ay naging close agad kami dahil pareho kaming naiinis sa
ugali nito.

Umalis ito at nang bumalik ay may dala na itong itim na gown at binigay sa akin.

"Itry mo iyan. Tingnan natin kung kasya sayo."

Bumalik ulit ako sa loob at hinubad ang gown na suot ko. Nahirapan pa ako kung
paano ko isusuot ang binigay niya. Napatingin ako sa salamin ng makita ko ang suot
kong gown. Maganda ito at sana naman ay pasado na kay Janna.

"Janna, tapos na ako."

Humarap ito sa akin at tumili ng makita ako.

"I knew it! Bagay sayo. Umikot ka nga para makita ko kung may adjustment pa akong
gagawin."

Sinunod ko ang sinabi niya at nang masatisfy siya ay pinagpalit niya na ako.

"May konti lang akong gagawin sa gown mo. Kapag natapos ko na ito ay pwedeng mo ng
suotin. Tatawagan ko muna ang mag-aayos sayo habang inaayos ko ito."

Pumunta kami sa isang kwarto at iniwan niya ako. Hindi rin nagtagal ay may dalawang
babaeng pumasok na may dala ng make up at mga pampaayos sa buhok.

"Gusto ko sa buhok niya na nakabun ito. Kayo na ang bahala sa make up niya basta
babagay sa black gown niya. Iwan na muna kita, Cassandra. Sila na ang bahala sayo."
Pinaupo na ako at sinimulan ng ayusan. Sa una, hindi ako komportable sa ginagawa
nila pero ng tumagal na ito ay nasanay na ako sa mga nilalagay nila sa buhok at
mukha ko.

Nang matapos sila ay pinaikot ako upang makita ko sa salamin ang ginawa nila. Hindi
ko makuhang magsalita sa naging resulta ng ginawa nila. Hindi ko makilala ang
nakikita ko sa salamin. Ako ba to?

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Janna at dala ang isusuot ko.

"Dala ko na yung go- Wow! Hindi kita nakilala sa ayos mo!"

Lumapit pa ito at tingnan ako ng mas malapitan. Nailang ako sa pagtitig niya.

"Siguradong may laban ka sa date ni Clyde! Baka matalbugan mo pa siya. Dali! Isuot
mo na ito para handa ka na sa party. Yung date mo nasa baba na at naiinip ng makita
ka."

"Kanina pa si Ren sa baba?"

"Hindi naman. Pinagmamadali lang ako para makita ka na niya. Excited yata at kulang
na lang na sumama sa akin dito."

Tinulungan niya akong magpalit at nang matapos kami ay kulang na lang talaga ay
tumili siya. Natatawa na lang ako sa kanya.

"Grabe dapat pala lagi kang naaayusan para lalong lumabas ang ganda mo. Maganda ka
naman kahit hindi mag-ayos pero kung mag-iiba ka lang ng style ng ayos mo baka
hindi ka na hiwalayan ni Ren! Hindi mo sinabing siya pala ang ang nagsama sayo."

"H-Hindi siya... I mean nagkita lang kami-"

"Huwag ka ng mahiya. Mabait naman si Ren kaya alam kong nasa mabuti kang kamay.
Basta ba huwag kang lalayo sa kanya at maraming playboy na member dito.
Paniguradong lapitin ka mamaya."

"Hindi ka ba pupunta sa party?"

Kanina pa siya abala sa akin pero hindi ko siya makitang naghahanda para mamaya.
Akala ko ba invited ang lahat pero siya naman ang walang balak pumunta.

"Paano ako pupunta kung wala namang nagyaya sa akin. Hindi naman pwedeng ako lang
ang pumunta, masyado namang halatang tigang ang lovelife ko."

"Bakit hindi ka niyaya ni Ren? Sabi niya wala siyang date kaya nagprisinta ako para
may kasama siya tapos ikaw na kaibigan niya, hindi man lang niya niyaya?"

"Ayoko nga sa kanya! Mapagkamalan pa na kami, lalabo pa ang chance ko sa crush ko


kapag nakita niya kami. Kilala pa naman niya si Ren. Tara na at baka umakyat pa
dito ang lalaking iyon!"

Tinulungan niya ako sa gown ko. Ang haba kasi ang laylayan at baka maapakan ko pa.
Mataas rin ang heels na pinasuot niya.

Nakita kong nakatalikod si Ren sa gawi namin at tumitingin ito sa relo niya. Hindi
niya pa kami napapansin.

"Renzell, nandito na ang date mo!"


"Bakit ang tagal mong bu..ma..lik"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Janna sa likod ko. Ano ba ang nakakatawa?

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo?"bulong ni Janna.

"Ano ba ang sinasabi mo?"

"Hindi na aalisin ni Ren ang tingin niya sayo mula ngayon."

Ngumiti siya at lumapit na kami kay Ren.

"Napantayan ko ba ang expectation mo sa ginawa ko, Ren?"

"Nahigitan mo pa..." bulong nito.

"Umalis na kayo. Nagsisimula na ang party at hindi pwede kayong malate. Sayang
naman ang ayos ni Cassandra."

"Shall we, my lady?"

Nilagay ko na sa braso niya ang kamay ko at lumabas na kami sa boutique. Inalalayan


niya akong makaupo sa passenger seat at umalis.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at natatanaw ko na ang malaking mansion.
Maririnig mula rito ang sound system at mga nagkikislapang ilaw mula sa party.
Napansin kong nakapila ang kotse ni Ren.

"Ren, bakit nakapila tayo?"

"Ang bawat member ay isa isang maglalakad sa red carpet na kasama ang mga date
nila. Inaanounce ang bawat pangalan kaya alam na ng mga nasa loob ng party kung
sino ang mga dumadating."

Nang kami na sumunod sa pila, lumabas si Ren at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Mga flash ng camera ang bumungad sa akin.

"Are you ready to face them?"

"Yes, I am."

Chapter 38
Kapag tinitingnan ko ang notification ko ay nakakatuwang may nag-add ng story as
their favorite. Salamat sa inyo. Sa pag-appreciate sa story ko. Kung may gusto
kayong sabihin sa akin. Mag-message lang kayo at susubukan kong magreply agad.
Comments... don't forget.
My other stories;

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~💞~

Pagkalabas ko sa kotse ay nakakasilaw ang kislap ng mga camera. Humawak ako sa


braso ni Ren. Nakangiti ito habang naglalakad kami.

"Why are you so happy today?"

"I am proud to be your date, Cassandra."

"What do you mean?"

Huminto kami sa gitna ng red carpet. Hindi ko alam kung bakit kaming dalawa lang
ang gumawa nito.

'Mr. Renzell Salazar has arrived together with his date.'

Naglakad na ulit kami papasok. Ganito ba lagi sa mga party. Kailangan iannounce na
dumating na ang mga bisita.

Nakita kong marami na rin ang mga dumating. Nagtaka ako sa kanila ng tumingin sila
sa gawi namin. Bahagya akong hinila ni Ren papunta sa isang table.

Hindi ko pa rin siya makita. Dumating na kaya sila?

"Hinahanap mo ba sila?" Napatingin ako kay Ren.

"Look at the other side and you will see him. He has been staring at you since we
got here."

Tumingin ako sa sinabi niya at nakita si Clyde at Thalia. Nakatingin sila sa amin.
Napansin ko ang pagkapit ni Thalia sa braso ni Clyde kaya inalis ko ang tingin sa
kanila.

May mga taong nakaupo na sa napiling table ni Ren. Pinaupo niya ako sa bakanteng
upuan at umupo sa tabi ko.

"Bakit kayo nakatingin sa amin?"

"Grand entrance ba naman ang ginawa niyo kanina, paanong hindi namin kayo
tititigan."

Ano ang sinasabi nila? Tumingin ako kay Ren pero tumawa lang ito sa sinabi ng
kaibigan niya.

"Anong magagawa ko kung gusto kong ipagmalaki sa lahat ang date ko at hinintay lang
naman namin na sabihin na dumating kami at ano namang mali doon?Ginawa niyo rin
naman iyon."

"Hindi naman kami tumigil sa gitna! Dumeretso lang kami papasok. Hindi rin naman
kita masisisi sa ginawa mo, pare."

Bumaling ang mga tingin nila sa akin. Para maiwasan ko sila, tinuon ko na lang ang
atensyon ko sa paligid.

"What's your name, beautiful?"

"Hey! She is my date so back off. You have your date and she is furious right now."

Nakita ko ang pagpalo ng isang babae ng kanyang pouch sa ulo ng kaibigan ni Ren.
Nakakatawa sila dahil umiilag lang ito para hindi tamaan.

"He's name is Sean and the girl is Ally. They are always like that so we are used
to them and watch until they stopped."

"Are they in a relationship?"

"No. He brought her here to be his date. She only knows that she was invited by the
celebrant and wanted to meet her. It was the alibi he made to have someone to be
his date."

"I think she will be more furious when she found out that she was manipulated by
him."

"Yeah. He was desperate to keep his membership but I bet he needs to ready himself.
Ally will not forgive him easily."

Napansin ko ang kanina pang nakatingin sa akin na babae sa harap ko. Mula ng umupo
kami hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Tumingin rin si Ren sa
tinitingnan ko.

"Bakit ganyan ka makatingin sa date ko?"

"Nothing. I think I saw her somewhere but I can't remember. Her face is familiar to
me."

"Paano naman mangyayari iyon, ngayon pa lang nakapunta sa ganitong party si


Cassandra. Baka nagkamali ka lang."

"Cassandra pala ang pangalan mo. I will remember it from now on. Siguro nga
nagkamali lang ako."

Napatingin kami sa harapan ng magsimula na ang party. Lahat ay nakatuon ang mga
mata sa harap ng magsimula na ang host para ipakilala kung sino ang celebrant at
anu-ano ang mga gagawin ngayon.

Ladies and Gentlemen, we are gathered here to witness the celebration of one of the
most known bachelor in our country and even in other countries. He is powerful and
a true leader. The owner of the 'Bachelor Haven' Mr. Gleidon Stanson.

Masigabong palakpakan ang lahat ng lumabas ang taong pinakilala ng host lumabas ang
isang lalaki at binigyan ng microphone.

"Thank you for attending this party and also for the compliment to boost my
confidence." Natawa kami sa sinabi niya.

"Sa mga members na pumunta dito kahit alam kong napakabusy niyo sa mga business
niyo pero nagbigay talaga kayo ng oras para sa gabing ito."

'Wala kaming magagawa kung ginawa mong compulsory ang pagpunta sa party mo.'

Napatingin kami sa sumigaw na isang member rin. Natawa ang nakarinig dahil totoo
naman ang sinabi nito.

"I will remember what you said, Mr. Freir. You will not come to this party anymore
and you are no longer a member here."

'Nagbibiro lang ako pare.'

"Enjoy your night and don't leave your date because there are chances that members
will change their woman at the end of this party."
Bumaba na ito sa stage at nakihalubilo sa mga bisita niya. Hinawakan ni Ren ang
kamay ko kaya tiningnan ko siya.

"They will serve the food but do you like wines while we are waiting for them?"

Paano ko ba sasabihin na hindi ako umiinom sa kanya. Ayoko naman na idecline yung
offer niya ng ialok niya sa akin ito gayon na inaalala niya lang ako.

"Sige..."

Tumawag siya ng waiter na may dala ng mga wines na nag-iikot para sa mga bisita.
Kumuha ito ng dalawa at binigay niya sa akin. Ngumiti ako at inabot sa akin.

"Hindi siya umiinom ng wine kaya ako na lang ang iinom para hindi masayang ang
kinuha mo pare."

May kumuha ng wine bago ko pa ito mahawakan at tumingin ako kung sino ito, si
Clyde. Pagkaubos niya ay umupo ito sa tabi ko ng hindi man lang ako tinitingnan
pero nakatingin siya kay Ren.

"Ikaw pala pare. Hindi ko naman alam na hindi siya umiinom. Sorry, Cassandra.
Napipilitan ka lang na tanggapin yung wine."

"Ako dapat ang magsorry. Dapat tumanggi na ako. Gusto ko rin naman sanang itry kaya
huwag kang magsorry sa akin."

"Hindi ka pwede uminom, Sandra."

Tiningnan ko ng masama si Clyde. Kararating niya lang pero kung makautos siya,
akala mo siya ang date ko at pwede niya ng kontrolin ang mga gagawin ko. Bakit
hindi na lang niya asikasuhin iyang Thalia niya. Tutal naman hindi man lang niya
ako pinuntahan ng dumating kami tapos ngayon balik na sa lahat na parang walang
nangyari. Bumalik na naman ang pagkainis ko sa kanya.

"Long time no see, Clyde! Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang date mo?!"

"Pumunta siya sa restroom."

Nagserve na ang mga waiter ng mga pagkain. Ibat ibang sikat na cuisine na alam mong
international na mga chef ang nagluto dahil sa maayos na pagkakaarrange ng pagkain
sa plate.

May steak rin kaya hiniwa ko muna ng maliliit. Pinagpalit ng katabi ko ang plate
namin at nakita kong nahiwa na ang steak nito.

"You should eat before it gets cold. If you still hungry, you can have my share,
Sandra."

"Clyde, bakit nandito ka? Umalis lang ako sandali at may kasama ka ng iba?"

"Wala akong kailangang ipaliwanag sayo, Thalia. Mas importante ang pinunta ko dito
kaysa hintayin ka. Umupo ka na lang para maserve na nila ang para sayo."

Pinipigilan kong mapangiti. Nakita ko kasi ang naging reaksyon ni Thalia. Mukhang
nainis siya sa sinabi ni Clyde pero hindi na lang siya nagpahalata. Umupo siya sa
tabi ni Clyde at nagserve na ang mga waiter ng para sa kanya.

Nakakaramdam na ako ng pagkailang dahil sa mga taong kasama namin sa table. Kanina
pa sila mula ng sumali sa table namin sila Clyde at Thalia. Bawat galaw namin ay
nakasunod sila kaya nakakailang na.

"Clyde, tama na. Hindi ko na mauubos ang mga nilalagay mo sa plate ko."

"Kailangan mong kumain. Ubusin mo ang lahat ng ito para mabusog ka. Hindi pa kita
nakikitang kumain maliban sa restaurant kanina kaya nag-aalala ako baka malipasan
ka."

"Cassandra, gusto mo pa ba ng juice? Magpapakuha pa ako sa waiter."

"Hindi na, Ren....Salamat."

Ano ba ang nangyayari sa dalawang ito? Puro na lang ako ang inaalala at hindi pa
sila nakakain ng maayos.

"Mga pare, may ibang tao pa kayong kasama at hindi lang si Cassandra ang nandito.
Baka gusto niyo namang tumigil pansamantala para makakain siya ng maayos"

Mabuti naman at tumigil sila at nakinig sa lalaking nagsalita. Hindi na ako


makakain sa mga pinaggagawa nila.

Natapos na kami at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa mga business nila. Wala
naman akong alam sa mga iyon kaya nanahimik na lang ako habang nakikinig sa kanila.

"I didn't expect that Ren would find a beautiful girl to be his date. He is always
in his kitchen and who knows how he met you, Cassandra."

Napunta na naman sa akin ang topic nila kaya wala akong choice kundi sumagot,
"Well, we met in this place when my boss brought me here. He was the first person
who approach me."

"She was a lovely girl when I first met her but now she became a woman that you
could be proud of to introduce her to everybody."

Napansin ko ang pagdantay ng kamay ni Clyde sa kamay ko at bahagyang pinisil ito.


Napakaseryoso niya habang nakikinig sa sinabi ni Ren.

"Ikaw naman, Clyde. Parang kilala mo rin si Cassandra. Nakita mo rin ba siya dito o
nakilala mo na lang siya na girlfriend ni Ren?"

Nabigla ako sa sinabi ni Ally. Wala akong natatandaan na may sinabi si Ren o ako na
kami. Pagiging date lang ang sinabi namin at saan niya nakuha ang idea na iyon.
Nakita kong ngumisi si Thalia at nagugustuhan ang tanong ni Ally.

"Oo nga naman. Bakit hindi mo sinabing kayo pala ni Ren, Cassandra? Para hindi na
kami nagtaka na ikaw ang date ni Ren." Sumosobra na ang babaeng ito. Nagmamaangan
pa na walang alam pero alam naman niyang si Clyde ang boyfriend ko.

"Stop your sarcasm, Thalia." Walang nagawa kundi tumahimik.

"I knew Cassandra before Ren knows her. I was the one who brought her here and she
is not Ren's girlfriend."

"Then who is it? I think she has a boyfriend. With her looks, no one would not be
tempted to claim her." Sean said.

"She's MINE!"

Natahimik ang table namin ng bahagyang tumaas ang boses ni Clyde. Alam kong
naguguluhan sila sa nagyayari pero hindi ko na nagawang magpaliwanag ng magsalita
ulit ang host.

'Ladies and Gentlemen. Mr. Gleidon wants to have a little competition to make this
party more exciting. We will turn off the lights and the one who will be spotted by
light will be joining. Mr. Gleidon said that whoever won, he will grant anything
she wish for so ready girls because it is your time to shine'

Namatay ang ilaw kaya dumilim ang paligid. Hawak pa rin ni Clyde ang kamay ko kaya
hinintay ko na lang na buksan nila ulit para malaman ko kung sino ang kasali.
Lumiwanag ang table namin pero nakatuon ito sa akin at sa tabi ni Clyde.

'The two ladies will be joining and the competition will be 'dancing'. So girls
choose your partner.'

Paano na ito? Bakit ba ako nasali at wala na akong magagawa dahil naanounce na sa
lahat na kasali ako.

"Marunong ka bang sumayaw, Clyde? Ren?" Tumingin ako sa kanila pero umiling lang
sila.

"Paano ba iyan, Cassandra...Talo ka na. Kung wala kang kapartner ay hindi ka


pwedeng sumali. Mabuti na lang ay may kaibigan ako na makakasama ko."

Hindi naman halatang handa siya. May back up plan agad siya. Paano ako nito. Ayoko
naman na magpatalo sa kanya.

Napalingon ako ng may marinig akong nagsalita sa likuran ko.

"We are going to be her partner."

Chapter 39
May mga bagong pangalan kayong mababasa sa chapter na ito. Pagpasensyahan niyo sana
ang pagdescribe ko sa sayaw nila at sana mag-enjoy kayo habang binabasa niyo ito.
Salamat sa pag-aabang ng mga sunod na chapters. Hanggang sa muli.
My other stories;

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~💞~

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ko
sa nagprisintang maging kapartner ko.

"Pare, isa lang ang kailangan naming kapartner ni Cassandra. Ano na naman ba ang
nakain ninyong dalawa at nagprisinta kayo ngayon? May binabalak na naman ba kayong
kalokohan?"

"Kami na nga ang tumutulong tapos ganyan pa ang iniisip niyo." Ang sabi ng isa.

"Minsan na lang namin gawin ito kaya lubusin niyo na. Hindi kami basta gumagawa ng
pabor sa mga taong hindi malapit sa amin kaya tanggapin niyo na lang."

Tumingin yung dalawa sa akin at ngumiti. Hindi ako makakilos ng makita ko sila.
Lumapit sila at pinatayo ako.

"I'm Cellon and this guy over here is my twin brother Callen. Nice to meet you."

Nakalahad ang kanilang kamay at hinihintay na kamayan sila. Hindi ko alam kung
tatanggapin ko o hindi dahil pareho silang nakangisi. Kinakabahan ako na baka
gumawa nga sila ng kalokohan.

"Wala kaming gagawin sayo kung iniisip mo ang sinabi nila. Alam mo naman iyon, di
ba?"

"Isa pa gusto ka naming makapartner ngayon. Matagal na rin ng huli naming gawin ito
at iisa lang ang taong nakapilit sa amin na sumayaw para makapartner siya."

Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin dahil sa sinabi nila. Wala na akong


narinig sa mga kasama namin na umaapela sa pagtulong sa akin.

"Siguraduhin niyo lang na wala kayong kalokohan na naman. Hindi pa rin kami
naniniwala, the devil twins will help someone without gaining something." Ren said
while staring them.

Hinawakan ni Clyde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Win or lose, I'm
still here to support you, baby."

Nilingon nito ang dalawa, "I will hunt you down if my girlfriend lose or hurt
during the competition."

"Yes, sir!" They both said while saluting to him.

Hindi ko alam kung anong oras magsisimula at hindi ko na rin makita si Thalia.
Paniguradong naghahanda na ito.

"Hindi ka ba maghahanda, Cassandra? Hindi ka man lang ba magpapalit o ganyan na ang


suot mo mamaya?" Tiningnan ko ang suot ko. Hindi ako makakagalaw nito. Fitted ito
sa katawan kaya hindi ako makakakilos.

"Wala naman akong pamalit."

"Hindi pwede yan. Si Thalia nga nagpalit na tapos ikaw ganyan lang. Ren, tawagan mo
si Janna. Hindi pwedeng sumayaw si Cassandra na fitted ang gown."

Sinunod ni Ren ang sinabi ni Ally. Hinalikan ng katabi ko ang kamay ko kaya sa
kanya ako napatingin.

"Don't stress yourself, baby."

Dumating si Janna makalipas lang ang 30 minutes. Hinatak niya ako papuntang
restroom para makapagpalit. Kanina habang naghihintay kami sa kanya ay nag-announce
na after 1 hour ay magsisimula na.

Pagkabukas ng pinto ay lumabas si Thalia na iba na ang suot. Nakangisi ito habang
tinitingnan kami.

"Nandito pala kayo. Kailangan ko na palang bumalik sa loob at naghihintay na sila


sa akin. Huwag ka ng mastress sa gagawin mo mamaya dahil ako naman ang mananalo
pero kung gusto mo pa rin lumaban, okay lang naman basta binalaan na kita."

Naglakad na ito paalis pero huminto ito ng malapit na siya sa akin.


"Kapag ako ang nanalo, alam mo ba ang hihilingin ko?" bulong nito.

"Makasama si Clyde sa isang isla na kami lang dalawa. Wala siyang iisipin kundi ako
at baka nga pagbalik namin ay makipagbreak na siya sayo dahil sisiguraduhin kong
aayawan ka na niya."

Umalis siya na nakangiti sa nakitang reaksyon ko. Pumasok na kami sa loob at


binigay ni Janna ang susuotin ko.

"Magpalit ka na. Ilang minuto na lang at magsisimula na."

Ang binigay niya ay ang sinusuot ng babae kapag ballroom ang sinasayaw.

"Huwag mo na lang pansinin kung anuman ang sinabi niya. Kailangan mong manalo para
mapahiya ang babaeng iyon. Sa tingin ko nga ay planado ang pagpili sa inyo. Handa
siya sa mangyayari ngayon."

Nagpalit na ako at inayos ni Janna ang buhok ko. May nilagay siyang mga beads at
inayos rin niya ang make-up ko.

"Kailangan nating gawing fierce ang make-up mo para bumagay sa suot mo."

Kulay pula kasi ang pinasuot niya. Natapos kami at bumalik sa table namin.
Nakikipagkwentuhan si Thalia at ng dumating kami ay natahimik sila. Umupo ako sa
tabi ni Clyde. Naramdaman ko ang pagpulupot ng bisig niya sa bewang ko kaya
napasandal ang likod ko sa dibdib niya.

"Goodluck sayo, Cassandra. Sana maging maayos ang performance natin."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Thalia. Kanina lang todo pagbabanta niya, ngayon
naman ay umaakto siya na parang anghel sa lahat.

"Hindi ko kailangan ng 'goodluck' mo, Thalia, kaya sarilihin mo na lang iyan. Mukha
kasing mas kailangan mo para makuha ang gusto mo, di ba? Pero ito lang ang
sasabihin ko sayo, akin lang siya!"

Sinimulan na ng host ang pagpapaliwanag sa mangyayari sa competition kaya nakinig


na kaming lahat. Kailangan kong manalo para hindi magawa ni Thalia ang gusto niya.
Hindi ako papayag na magkaroon siya ng oras kasama si Clyde.

'I am here to introduce the two ladies that was chosen a while ago. They are the
lovely ladies who will show to us their graceful dance together with their chosen
partner. The lady who will be the one who will own the dance floor first, the date
of Mr. Villacorte. Let's welcome and give a big hands of applause to Ms. Thalia.'

Pumunta na siya sa gitna at may lumapit rin sa kanyang lalaki. Pareho silang
nakabihis na pangballroom. Hinawakan ng lalaki ang bewang ni Thalia para mapalapit
sa kanya.

Nang magsimula ang intro ng kanta ay nagsimula na rin silang gumalaw. Sa bawat beat
ng tugtog ay nag-iiba ang kanilang galaw. Tiningnan ko ang steps na ginamit nila at
napansin ko lang na kapareho ito sa napanood ko noon. Minsan kapag wala akong
ginagawa ay nanonood ako ng mga ballroom competition ng ibat-ibang bansa.

Natutuwa ako sa kanila kapag sumasayaw sila kasama ang kanilang partner. Kahit
mahirap na sumayaw na nakaheels ay nagagawa nila kaya may alam naman ako kapag
ballroom na ang pinag-uusapan.

Sana lang ay magawa namin na hindi magkamali kapag kami na ang nagperform. Marami
ang manonood sa amin at nakakahiya kung matapilok o matumba ako.

Inabot ng dalampung minuto bago natapos ang performance nila. Nagpaalam na sila at
lumapit na sa table namin si Thalia.

"Magaling ka pa rin sumayaw, Thalia."

"Kailangan kong galingan. May gusto kasi akong makuha kapag nanalo ako at alam kong
ibibigay ni Gleidon iyon." Bahagya pa itong hinihingal pero tumingin ito sa gawi
namin at tiningnan ang katabi ko.

"May kapartner ka na ba, Cassandra? Ikaw na ang susunod." Hindi ko siya pinansin.
Kahit kinakabahan ako, hindi ko ipapakita sa kanya baka matuwa pa siya sa
nararamdaman ko.

"We need our partner now, Clyde. Mamaya mo na yakapin si Cassandra." Sabi ni
Cellon. Inalis na ni Clyde ang bisig niya at tumayo na ako.

"Cellon, bakit mo siya isasama?"

"Hindi ka ba nakikinig, Thalia? Sinabi niya na kailangan na nila ako kasi sila ang
magiging kapartner ko. Kailangan na naming umalis. Enjoy our performance, Thalia."

Humawak ako sa bisig nilang dalawa kaya nasa gitna nila ako. Alam kong marami na
ang nakatingin sa amin dahil kasama ko ang dalawang members.

"I will fix the song then you two can go now. Callen, make sure to guide her during
your turn." He nodded.

Hinintay muna namin na tawagin kami ng host bago pumunta sa gitna.

'Now lets welcome the last lady who take our breath away when she walked on the red
carpet, the date of Mr. Salazar, Ms. Cassandra together with her partner Mr. Callen
Garfin.'

Pinatay ang lahat ng ilaw. Nasa gitna na kami at hinihintay na lang na magsimula.
Nakapatong ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat ni Callen at siya naman ay
nakahawak sa bewang ko.

Nang magsimula na ang tugtog ay siya rin na pagbukas ng spot light at nakatutok sa
amin. Magkatinginan kami at ngumiti ng magsimula na kaming gumalaw.

Lahat ng tao ay nakatingin lang sa dalawang sumasayaw sa gitna. Wala man lang na
makikitang tao na hindi mapapahanga sa pinapakita nila. Para silang professional na
dancer at parang normal lang sa kanila ang ginagawa nila.

Marami rin ang nabigla na sumayaw ang isang member at ang isa pa sa devil twins ng
club. Ang suot nito ay hindi katulad ng naunang sumayaw dahil nakalong sleeves na
polo lang ito. Tinanggal lang nito ang tuxedo na suot. Laging nakaalalay ito sa
babaeng kapartner. Nakayakap si Callen upang alalayan si Cassandra sa gagawin nito.
Bumilis ang tugtog at maging ang kanilang galaw at nang maging slow ito ay pinaikot
ni Callen si Cassandra at sinalo naman ni Cellon.

Umalis na si Callen at sila naman ang sumayaw. Kabaliktaran naman ang naging sayaw
nila Cellon at Cassandra. Kung kanina ay mabilis pero ngayon ay slow ang tugtog.
Naging waltz ang sayaw nila. Hinawakan ni Cellon sa kamay si Cassandra at inikot
ito sa kanya at nagsimula na naman ang kanilang movements ng bahagyang bumilis ang
beat. May ginawa pa ang dalawa na habang umikot si Cassandra ay binubuhat siya ni
Cellon. Natapos ang tugtog na nakahawak ang kamay ni Cellon sa hita ni Cassandra na
bahagyang nakataas at nakapulupot naman ang bisig ni Cassandra sa batok ni Cellon.

Narinig ang palakpakan ng lahat at lumapit naman si Callen sa dalawa para magbow sa
pagtatapos ng kanilang performance.

'That was a wonderful performance from Ms. Cassandra. The crowd still overwhelmed
with their performance and can't take their eyes from her.'

Bumalik ako sa table at sumama na rin yung dalawa. Umupo kami at bumalik na naman
ang bisig ni Clyde sa bewang ko. Hinalikan niya ako sa noo.

"Ang galing ng baby ko." Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.

"Sumasayaw pala kayo! Bakit ngayon lang namin nalaman iyon. Kayo talagang dalawa
ang dami niyong itinatago at nabibigla na lang kami sa ginagawa niyo." Ang sabi ni
Sean.

"Pare, sabihin mo na lang na magaling kami at huwag ka ng magpaligoy na purihin


kami."

"Alam naman namin na gusto mo na rin kaming halikan katulad ng ginawa ni Clyde kay
Cassandra."

"Mga gag*. Lumaki naman agad ang ulo niyo! Napuri lang kayo."

Ang tahimik ni Thalia mula ng bumalik kami. Hindi man lang siya nagsalita o
nagcomment sa ginawa namin. Hinihintay na lang namin ang resulta kung sino ang
mananalo.

Hindi na rin ito masyadong nakikipagkwentuhan sa iba. Malayo sa pinapakita niya


kanina. Nagsalita ulit ang host para sabihin kung sino ang nanalo.

'The lady who wins the majority vote of our members and has the priviledge to grant
any wishes she may have by the owner of the club, Mr. Gleidon, is Ms. Cassandra Del
Rio.'

Maraming bumati sa akin na kahit hindi ko kilala. Masaya ako sa naging resulta. Ang
sarap sa pakiramdam na manalo at proud yung taong ipinaglaban mo.

"Congratulation, Cassandra." Hindi siya masaya sa pagkapanalo ko dahil ang sama ng


tingin niya sa akin. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina kaya ako naman ang
napangisi.

"Sorry kung hindi na matutupad ang plano mo. Sabi ko naman sayo akin lang siya. Sa
akin lang si Clyde."

Chapter 40
Another update. Sa bago kong followers, salamat sa pagfollow. Comment please.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~💞~

Nakatakip na ang dalawang kong kamay sa magkabilang tenga ko pero ayaw pa rin
tumigil ni Kim. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit kung hindi ko lang siya
kaibigan, matagal ko na siyang sinita. Hindi pa rin siya makaget over sa party at
kinuwento pa sa mga kaibigan namin.

"Ang galing niya! Grabe! Taob yung maputing payatot na yun." Sabi nito. Kanina pa
iyan ganyan. Kung anu-ano na ang tinatawag niya kay Thalia.

"Sana nandoon din ako para nakita ko si Cassandra. Bakit ba naman wala akong
kilalang member para nakasama rin ako." Pagmamaktol ni Laurel.

"Hindi rin maganda na may kakilala ka. Katulad na lang ng sa akin. May sira sa ulo
ang kumidnap sa akin na member ng club na iyon. Magsisisi ka, Laurel!"

"Ikaw lang naman ang nagsasabi na may sira si sir Alex. Ang gwapo kaya niya kaya
swerte ka, may isang katulad niya ang nababaliw sayo. Ganyan pala epekto mo sa
kanya." Binato ng lukot na papel ni Kim si Laurel dahil sa sinabi nito.

Salamat naman at nakalimutan na ni Kim ang party. Ilang araw na rin ang lumipas.
Pagkatapos kong sabihan si Thalia ay umalis rin ito. Hindi matanggap na ako ang
nanalo o nasaktan sa sinabi ko. Wala naman akong pakialam kung ano ang naramdaman
niya dahil ganon rin naman ang ginawa niya. Pinapunta naman ako sa stage at
naghihintay si Mr. Gleidon. Nakangiti ito habang papalapit ako at hinalikan ang
kamay ko.

"You are the star of this evening and because I promised that whoever wins this
unexpected competition, I shall grant anything she wants so Ms. Cassandra, what is
your wish?"

Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Nakalimutan ko na may ganito palang reward sa
mananalo. Gusto ko lang naman matalo si Thalia at pigilan siya. Hindi ko alam kung
ano ang sasabihin ko.

"What about us?! We also performed, Gleidon! We have the right for the reward too."

Narinig kong sigaw ng isa sa kambal. Hindi ko lang alam kung si Callen o Cellon.
Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila. They helped to win this competition.
Without them, I was not able get Clyde from her.

"The reward was referring to the winner who was chosen to participate with it. You
were a great help with her but the reward is for her only."
Naawa ako sa dalawa. Wala silang nakuha sa pagtulong nila.

"Can I postpone that reward? I don't know what I want and I do want to keep it in
case there might be circumstance that you could help me." I smiled and he did too.

"Very well said. This is my calling card and if you want to claim it just call me"

Kinuha ko ang binibigay niyang calling card at bumaba na sa stage. Kung ang iba
siguro ay gagamitin ang chance na iyon pero iniisip ko na wala pa akong
paggagamitan at masasayang lang kung wala naman katuturan ang ihihiling ko.

"Cassandra!" Napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Laurel.

"Ano?"

"Napagkasunduan na magcelebrate tayo sa pagkapanalo mo! Game kahit saan tayo, gusto
mo ba?"

"Okay lang pero wala akong alam kung saan ang magandang lugar para magcelebrate."
Nag-usap sila. Wala naman akong maitutulong dahil hindi naman ako madalas lumabas
kaya limitado lang ang alam kong lugar.

"Maganda siguro kung iinom tayo! Matagal na rin ng huli nating punta sa bar."

"Saan naman ang naiisip mo, Brix? Basta maganda ba naman iyang sinasabi mo, pwede
na." Kahit saan naman ay pwede sila.

"Baka kasi magalit kayo kung saan ang naiisip ko kaya huwag na lang."

"SAAN NGA?!" Napikon na yung dalawa sa kaniya. Hindi sanay yung dalawa na
pinaghihintay. Baka bago kami makapunta sa sinasabi niya ay masaktan siya.

"SA PARADEUX! Sabi ko naman sa inyo huwag na lang dahil hindi naman kayo papayag.
Ang kulit niyo kasing dalawa tapos ngayon tatahimik kayo."

Alam kong gusto nilang pumunta sa Paradeux pero ako lang ang pumipigil sa kanila
dahil sa nangyari noong huling punta namin. Napapatingin pa sila sa gawi ko kung
ano ang magiging reaksyon ko.

Hindi nila ako pipilitin kung ayaw ko pero kung iyon naman ang gusto ng mga
kaibigan ko ay okay na sa akin basta iiwas na lang ako kung makita ko man si Lancen
sa bar.

"Doon na lang tayo. Mas maganda naman talaga yung facility nila at mag-eenjoy
tayo."

"Sigurado ka? Marami namang bar ang pwede nating puntahan at mag-eenjoy rin tayo.
Kung hindi ka komportable na bumalik sa lugar na iyon ay ayos lang sa amin. Ikaw
naman ang dahilan kung bakit tayo may celebration." Nginitian ko na lang si Hanz.
Ako na lang ang lagi nilang iniisip pero this time sila naman ang dapat magsaya
ngayon.

"Sigurado ako, Hanz. Basta ba handa kang maging bodyguard ulit."

"Alam mo naman na poprotektahan ko kayo kahit hindi mo sabihin."

~💞~

Naiwan kaming tatlo sa office at ang dalawa naman ay pumunta na sa restroom para
maretouch. Gusto pa sana akong isama kaso wala naman akong gagawin doon. Aayusin ko
na muna ang gamit ko bago kami umalis. Nagkalat ang files sa mesa ko at ngayon lang
ako nagkaroon ng oras para ayusin ito.

"Alam na ba ni sir Clyde na aalis tayo?"

Nakalimutan ko pa lang sabihan si Clyde. Baka pumunta pa iyon dito at makitang wala
kami.

"Hindi pa. Nakalimutan ko siyang itext na aalis tayo."

"Bakit kayo aalis?"

Tumingin kaming tatlo sa pinto at nakitang nakasandala sa pinto si Clyde at


nakatingin sa akin. Hindi naman siguro siya galit, hindi pa naman kami umaalis at
naabutan niya pa kami dito.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Naramdaman ko ang mga kamay niya
sa beywang ko at nakatingin sa akin.

"Saan kayo pupunta, baby?"

"Magcecelebrate lang kami dahil sa pagkapanalo ko sa party, remember? Si Kim ang


nakaisip kaya sorry kung hindi kita naitext na aalis kami."

"Sa Paradeux." Naging seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako na baka hindi siya
pumayag.

"Kasama ko naman sila. Si Brix at Hanz ang magiging bodyguard namin doon kaya
pumayag ka na please..."

"Sasama ako kaya ako na lang ang magiging personal bodyguard mo. Baka magkaroon na
naman ng gulo at ako na ang makikipag-away para sayo." Hindi ko mapigilang kiligin
sa sinabi niya.

"Hindi ka ba busy ngayon?" Umiling ito at tumingin sa mga kasama ko.

"We will use my car. Hintayin na lang namin kayo sa baba at mauuna na kami ni
Cassandra."

Kinuha ko ang bag ko at pumunta na kami sa parking area dahil doon nakaparada ang
kotse niya.

Pagkapasok namin sa kotse ay siya na lang naglagay ng seatbelt at pinaandar na


niya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago ko nakita sila na papalapit sa kotse.
Ang tahimik nila kaya hindi ako sanay lalong lalo na sila Laurel, Kim at Brix. Sila
ang pinakamaingay pero parang napipi naman ngayon.

Tinitingnan ko sila. Magbibilang lang ako ng lima at isa sa kanila ay hindi na


makakatagal na hindi makapagsalita. 1..2..3..4..5

"Ayoko na! Hindi ko na kaya ang katahimikan dito. Sorry sir pero ganito kasi kami
kaingay kapag magkakasama."

"I don't mind. Continue what you are usually do when you all going out. Pretend
that I am one of you."

Natawa ako sa reaksyon ni Brix. Siya kasi ang hindi nakatagal. Natatawa na rin yung
iba dahil nanlaki ang mata nito sa sinabi ni Clyde. Akala nito ay papagalitan siya.

Nakarating kami sa Paradeux. Madali lang kami nakahanap ng space sa parking area
dahil meron daw talagang nakareserve para sa kanya dito. Pinsan nga pala niya ang
may-ari nito kaya kilala talaga siya.

Tuloy- tuloy lang kami sa pagpasok at bumabati ang ilang bouncer na nakakasalubong
namin kay Clyde. Dinala niya kami sa isang private room dito. Masaya ang mga kasama
namin dahil ngayon lang sila nakapunta sa isa sa mga private room sa Paradeux.
Mahal kasi kung magpareserve ka.

Umupo ako sa tabi ni Clyde at umorder na ang mga kasama ko at bumulong ang katabi
ko sa akin.

"Pwede bang huwag kang uminom, baby? Para naman may mag-aalaga sa akin kapag
nalasing ako. Ikaw naman ang personal na mag-aasikaso sa akin. Ikaw lang ang may
karapatan na hawakan ang katawan ko, baby."
Chapter 41
This is a warning for my readers. May eksena dito na hindi angkop sa iba sa inyo.
Hindi ako nagsusulat ng mga ganoon kaya pagpasensyahan niyo na. Hindi siya katulad
ng mga nababasa niyo, lilinawin ko lang. Bago lang ako sa ganito.

Do vote, comment and follow me.

*~💞~*

Ilang oras na kami sa private room na ito at puro kwentuhan lang ang ginawa ng mga
kaibigan ko tungkol sa akin. Masyado namang attentive ang katabi ko habang
nakikinig sa kanila. Nahihiya na lang ako sa pinagsasabi nila kay Clyde pero hindi
ko naman sila magawang pigilan kahit kanina ko pa ginagawa.

Kapag sinusubukan ko, kung hindi si Kim ang hindi papansin sa akin ay tinitingnan
naman ako ni Clyde na parang nagugustuhan niya ang mga naririnig niya. Puro
kapalpakan ko ang mga sinasabi nila kapag umaalis kami o may nagyaya na pumunta sa
ibang lugar para makapagrelax.

"Alam niyo po sir, minsan ay nadulas si Cassandra at nahablot niya ang damit ni
Brix kaya pareho silang naligo sa putikan. Hindi po kasi niya napansin na basa yung
lupa at mabuti na lang na malayo kami sa kanya at kami pa ang nakasama niya sa
paglanding."

"Kinailangan naming maghanap ng ilog para makapaghugas sila kaso natapilok na naman
si Cassandra kaya natulak niya si Brix sa ilog."

Nakasimangot na si Brix. Naalala ko pa iyon na talagang sobrang malas ko ng araw na


iyon. Nadamay pa siya pero hindi naman siya nagalit. Tinawanan na lang niya ang
nangyari sa amin.

"I didn't know that my girlfriend was a clumsy girl. Do I need to carry you in case
we plan to do an adventure activities?" Seryoso ba siya o nagbibiro lang?

"You don't need to do that."

Nakalipas pa ang isang oras ng magyaya na silang umuwi. Halatang lasing na sila Kim
dahil nakasandal na sila sa upan at nakayuko na. Ang tatlong lalaki naman ay tipsy
na.

Inalalayan ko si Clyde sa paglalakad. Hindi na siya masyadong makapaglakad ng


maayos sa kalasingan. Tinulungan na ako ng isang bouncer papunta sa kotse nito.

"Ma'am, marunong po ba kayong magdrive?"

"Hindi. Meron ba kayong kilalang pwedeng maghatid sa amin?"

"I can still drive, baby. Give me 5 minutes then we will go home."

Pinaalis na niya ang bouncer at sumakay na kami. Hinayaan ko muna siyang


makapagpahinga. Nakahawak siya sa noo at hinihilot ito.

"Sure ka bang kaya mo pa?"

Dumilat ito at ngumiti. Ayos naman siya. Pinaandar na niya ang kotse at umalis na
kami. Nakarating na kami at hindi ko hinayaan na ipagbukas pa ako ng pinto ni Clyde
at lumabas na ako. Nakita kong pinatay na niya ang kotse at nilagay sa bulsa ang
susi.
Tinulungan ko siya makalabas sa kotse dahil nahihilo pa ito.

"Clyde, give me your keys." Kailangan ko muna ilock yung loob ng kotse bago kami
umakyat.

"Get them on my pocket, baby."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hindi ko napansin kung saan sa bulsa niya
nilagay. Pinasok ko na ang kamay ko. Bakit wala akong makapa? Ang lalim naman kasi
ng pantalon nito. May nakapa na ako pero napansin ko ang pag-ungol ni Clyde.

"May masakit ba sayo?" Umiling ito kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Pinasok ko pa ang kamay ko pero nagtaka ako bakit malambot ang nahahawakan ko kaya
pinisil ko ito. Lumakas ang ungol nito.

"Ano ba ang nangyayari sayo, Clyde?"

"You grabbed my 'thing' not my keys, baby"

Ano ba ang sinasabi niyang thing? Naramdaman ko biglang tumigas ang hawak ko kaya
napatingin na ako sa hinahawakan ko. Nakatingin ako kay Clyde habang kinakapa ang
bulsa niya kaya hindi ko alam ano na ba ang nahahawakan ko.

Nanlaki ang mata ko kaya tinanggal ko agad ang kamay ko. Nararamdaman ko ang titig
niya. Hindi ko naman sinasadya at napatingin ako sa kamay ko na nakahawak ng
'thing' niya. Did I just do that?

"Don't reminiscing what you did because it turns me on, Sandra. I felt it came
alive again and if you don't want me to do something to ease your curiosity."

Naglakad na ito kaya lumapit ako sa kanya para alalayan. Nakapasok na kami sa
elevator at nakatingin lang sa harapan ko. Ayokong tumingin sa kanya dahil hindi pa
rin ako makapaniwala na nahawakan ko iyon.

"Pasaway talaga." Bulong nito.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong halata na inaalala pa rin
yung kanina. Bumukas ang elevator at dumeretso na kami sa kwarto namin. Pinahiga ko
siya sa kama. Hinubad ko muna ang sandals ko bago siya asikasuhin. Kumuha ako ng
bimpo para punasan siya.

"Clyde, pupunasan muna kita."

"You can touch my body in anyway you would like or it is better to do what you did
a while ago, Sandra?" Mabuti na lang at nakapikit ito kung hindi nakita niya ang
pamumula ng pisngi ko.

Sa bawat pagtanggal ko ng butones ng polo niya ay kinakabahan ako. Ngayon ko palang


ginawang hubaran ang isang lalaki. Natanggal ko na ang lahat at inaalis na ang
damit sa katawan niya kaso biglang umupo ito at siya na ang nagtanggal.

Nakita ko ang katawan niya na pinagpapawisan at napalunok ako sa nakita ko.

"You have my body now." Pinunasan ko muna ang mukha niya para mahimasmasan tapos
sinunod ang braso niya at hinuli ang katawan nito. Nakadilat na ito ng magsimula
kong punasan ang dibdib niya pababa sa tiyan niya. Nanginginig ang kamay ko habang
ginagawa ito.
Lumapit ito sa akin at bumulong, "Did my body made you nervous? You should more
aware to what my 'thing' will going to do with your delicious body."

Mabilis akong lumayo sa kanya at napansin na nakangisi ito. Ganito ba siya kapag
nalalasing, iba na ang lumalabas sa bibig niya.

"M-Magpahinga ka na, Clyde, lasing ka na."

Umalis ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Parang ang init sa loob
kanina. Lahat ng mga sinasabi ni Clyde ay ang lakas ng epekto sa akin. Kung ang iba
sigurong magsasabi ng mga sinabi niya ay tatakbo ako palayo pero iba ang dating ng
sinabi niya, hindi man lang ako nandidiri? May tiwala ako sa kanya baka lasing lang
talaga kaya kakalimutan ko na.

Nagtagal pa ako sa kitchen para siguradong tulog na siya kapag pumasok ako sa
kwarto. Uminom ako ng gatas para makatulog.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakipikit na ito at nakadapa habang natutulog kaya


kumuha ako ng damit para makapaglinis ng katawan. Lumabas na ako ng banyo at ganoon
pa rin ang posisyon ni Clyde. Tinanggal ko ang tali sa buhok at dahan-dahan ang
pag-akyat sa kama para hindi siya magising.

Nakatalikod ako sa kanya at pumikit. Hindi pa ako tuluyang nakakatulog na may


maramdaman ako kamay sa katawan ko. Ang mainit na hininga niya na dumadampi sa
tenga ko kaya napadilat ako.

"Why you took so long to join me here,baby..."

"A-Akala ko natutulog ka na!"

"Kanina pa kita hinihintay..." Lumapit pa siya at ang kalahati ng katawan niya ay


nakadagan na sa akin. Dumampi ang labi niya sa tenga ko papunta sa pisngi ko at ang
kamay naman niya ay nasa tiyan ko.

"Ang bango naman ng baby ko. Mas lalo nag-iinit ang pakiramdam ko ngayon"

Unti-unti niya akong pinaharap sa kanya at siniil ng halik ang labi ko. Tuluyan na
siyang dumagan sa katawan ko at hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagtugon
sa maiinit niyang paghalik. Nalalasahan ko ang alak na ininom niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko ito at itinaas sa ulo ko. Hindi pa rin siya
tumitigil at lalo pa niyang idiniin ang katawan niya sa akin. Kinakapos na ako ng
hininga sa ginagawa namin. Humiwalay siya at pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko
habang ako'y hinahabol pa rin ang paghinga.

I felt his hand move and lift my shirt slightly to touch my body. His lips stayed
on my neck but continue kissing it. I can't help myself to moan his name.

"Clyde..."

Umakyat pa ang kamay nito at hinawakan ko ang buhok niya. Ibinalik niya ang labi
niya sa labi ko kaya napahawak pa ako sa buhok niya. Naramdaman ko na nahawakan
niya hook ng bra ko at natigilan ako. Natigil rin siya at tumingin sa akin.

"What's wrong?"

Kaya ko na bang gawin ito? Hindi pa ako sigurado kung dapat bang gawin namin ito at
lasing pa siya.
"I'm sorry, Clyde. I can't... I am not ready."

Lumayo siya kaya bumigat ang pakiramdam ko. Nagalit siya sa sinabi ko. Hindi na
siya tumingin sa akin at umupo. Ginulo ang buhok at huminga ng malalim. Tumalikod
ako sa kanya at humiga ng maayos. Ayokong makita siyang galit ngayon. Bukas ko na
lang iisipin kung ano ang dapat kong gawin. Pumikit ako para makatulog.

Naalimpungatan ako ng may tumabi sa akin.

"I'm sorry, Sandra. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko ngayon na sobrang lapit
mo lang. I love you, baby."

*~💞~*

Nagising ako na mag-isa sa kwarto. Nasaan kaya si Clyde. Tumayo na ako at lumabas
para hanapin siya. Naabutan ko siya sa kusina na may suot ng apron ko.

"What are you doing?" Napatingin siya at muntik na akong matawa ng makita kong may
hawak siyang sandok.

"Bakit gising ka na? Hindi ko pa tapos itong niluluto ko."

Lumapit ako sa kanya at tiningnan iyong sinasabi niyamg niluluto niya. Hindi ko na
mapigilan ang tawa ko ng makita ang niluluto niya. Sunog na itlog at hotdog.

Kinuha ko ang sandok sa kanya, "Ako na lang ang maluluto at umupo ka na. Baka
maubos mo na ang itlog at wala na tayong makain."

Sinuot niya sa akin ang apron na suot niya. Hindi ito lumayo. Pumunta siya sa likod
at niyakap ako.

"Gusto kong ipagluto ka kaso walang matino sa mga niluto ko. Breakfast in bed dapat
ang plano ko, nagising ka naman."

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang nakikinig sa kanya.

"Baby, sorry kagabi. Hindi ko dapat ginawa iyon sayo."

"Akala ko galit ka sa akin."

"Hindi ako magagalit sayo. Lasing ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at
tumugon ka kaya lalo kong gustong makalapit sayo. Too much alcohol makes any man do
something he can not control when their girlfriend is around."

Natapos na ako at hinarap siya, "Meron din pala akong kasalanan kung bakit nangyari
iyon kagabi dahil tumugon ako sa mga halik mo. Dapat pala umiwas na ako sayo, baby,
kapag gusto mo akong halikan?"

Napasimangot siya at hinalikan ako. Smack lang sa labi ko.

"Akala ko ba bawal na ang kiss? Ayaw na natin maulit kaya lalayo na ako sayo."

Hinapit niya ang katawan ko papunta sa kanya, "Sabi ko kapag lasing ako. Kaya kapag
hinalikan kita katulad nito..." Hinalikan niya ako at tumugon ako dahil alam kong
ito ang gusto niya.

"Tama na. Nakakarami ka na kagabi kaya wala kang kiss ng ilang araw."

Hinanda ko na ang pagkain namin at nagrereklamo pa rin siya.


"Baby, hindi ka seryoso sa sinabi mo di ba?"

"Seryoso ako, Clyde."

Umupo na kami at nakakunot ang noo nito.

"Hindi na ako iinom ng marami. Ano ng gagawin ko nito kung hindi ko na siya
mahahalikan?! Ilang araw kaya ang parusa ni Sandra sa akin. Pinapahirapan niya
ako." bulong nito pero naririnig ko.

Hindi niya marahil napapansin. Sa tingin ko hindi ko rin matitiis si Clyde kaya
hahayaan ko munang isipin niya ang sinabi ko.

Chapter 42
Sorry sa sobrang paghihintay. Kakatapos lang ng midterm namin at kailangan ko
munang magsunog ng kilay bago ko mapagpatuloy ito. Baka mahalo ang mga ASSSETS ni
Clyde sa mga binabasa ko. Hahaha. Pero masaya akong umabot sa #30 slot in romance
ito kapag tinitingnan ko si wattpat. Patawarin niyo sana si author.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~💞~*

Tiningnan ko na naman ang relo ko kung anong oras na ako makakarating sa pupuntahan
ko. Nagmamadali na akong makaalis sa office para mapuntahan ko ang hindi inaasahan
text message sa akin.

Kailangan kong makarating para malaman yung unknown number na sinasabing kakilala
ko at naghihintay sa akin. Hindi ko sana sisiputin kaso sinabing may utang daw ako
at kung hindi ko pupuntahan ay lalaki ang babayaran ko sa kanila.

Mabuti na lang ay may meeting si Clyde at hindi siya makakapunta sa office kaya
pwede akong umalis kahit sandali lang. Hindi na ako nagpaalam dahil wala naman
akong balak magtagal at aalamin ko lang kung sino ang makulit na kanina pa
nagtetext.

Bumaba na ako ng taxi ng makarating ako sa hotel na sinabing naghihintay sila. May
nakita akong restaurant at pumasok. May sumalubong na sa akin.

"Good morning, ma'am. Are you Miss Del Rio?"

"Yes."

"This way ma'am."

Sinundan ko siya. Sa tingin ko ay hindi biro ang kanina ko pang natatanggap na text
message. Pero nagtataka ako kung bakit ako sinisingil kung isang sikat na hotel ang
meeting place na sinabi nila.

Tumigil kami sa isang table at nakita ang taong gustong makipagkita sa akin.

"We meet again, Cassandra." He smiled.


Pinaghila niya ako ng upuan at pinaupo. Nasa tapat niya ako at nakatingin lang sa
akin.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Naniningil nga kami sayo. Hintayin muna natin ang kambal ko bago tayo mag-order.
May pinuntahan lang sandali."

"Sige."

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng restaurant. Sobrang formal ng mga kumakain at


alam mong mayayaman lang nagpupunta dito.

"Kamusta ka na?"

Tumingin ulit ako sa kanya, "Mabuti naman, Cellon."

"Ang huli naming kita sayo ay yung party ni Gleidon at hindi man lang tayo
nakapagcelebrate sa pagkapanalo mo."

"Hindi naman ako mananalo kung hindi dahil sa inyo kaya thank you again sa
pagtulong sa akin."

"We will always help you, Cassandra."

Dumating na ang hinihintay namin at umupo na sa tabi niya si Callen. Parehas silang
nakaformal at parang kagagaling sa isang meeting.

"Pasensya na. May makulit lang na babaeng ayaw akong tigilan kaya pinatahimik ko
muna. Glad to see you again, Cassandra."

Umorder na sila at ginaya ko na lang ang kinuha nila. Sinabi naman nilang treat
nila ito kaya nahihiya ako dahil dapat ako ang manlibre sa kanila.

"Totoo ba yung sinabi niyong maniningil kayo kaya pinapunta niyo ako dito?"

Nagkatinginan ang dalawa at natawa sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Masyado ka namang seryoso sa text ko. Ayaw mo kasing magreply kaya sinabi ko iyon.
Nakakatuwa ka nga. Sinabi ko lang may utang ka sa amin at ang bilis mong
nakapagreply." Sabi ni Callen.

"Balak naming pumunta sa office ni Clyde para malaman kung saan ka makikita kaso
alam namin na hindi niya kami papayagan puntahan ka. May pagkamadamot kasi at ayaw
man lang ipaalam kung saan kang floor kaya naisip namin na ikaw na lang ang kusang
pumunta sa amin."

Now I know why most of the members said that they are evil twins. They love to
manipulate others for their own benefit.

"Bakit gusto niyo akong makita?"

"Matagal ka na nga kasi naming hindi nakikita at dapat magcelebrate tayong tatlo sa
pagkapanalo natin."

"Hindi na sana kayo nag-abala. Ako dapat ang magtreat sa inyo dahil kung hindi
dahil sa inyo ay hindi ako mananalo."

Ngumiti sila. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga order namin. Nagkwento sila
kung bakit nandito sila. Isang business meeting ang ipinunta nila at naisip lang na
makipagkita. Ang saya nilang tingnan na magkapatid. Ang sarap sigurong magkaroon ng
kapatid na makakasama o katulong mo sa lahat ng bagay.

"Kamusta naman kayo ni Clyde?"

"Okay lang naman."

"Nalaman namin na nagsasama na kayong dalawa sa penthouse niya, totoo ba iyon?"

Hindi ako makatingin sa kanila at naiilang ako sa pagtitig nila. Hindi ko naman
ikinahihiya na magkasama na kami sa iisang bahay ni Clyde. Wala naman kaming
ginagawang masama kaya dapat masanay na ako sa mga taong nagtatanong sa amin ng
ganitong bagay.

"O-Oo."

"Kailan pa, Cassandra? Hindi sa nakikialam kami sa inyo ng kaibigan namin. Kilala
namin si Clyde. Isnabero sa mga babae pero kapag nagmahal wala kaming masabi."

"May ipinakilala ba si Clyde sa inyo na naging girlfriend niya?"

"Wala pero meron kaming nalalaman na hindi alam ng ibang members tungkol kay
Clyde."

"Ano ang alam niyo tungkol kay Clyde?"

Nagkatinginan ang dalawa at hindi pinansin ang itinanong ko. Lalo akong nacurious
sa ginawa nilang pag-iwas, may dapat ba akong malaman na sila lang ang
makakapagsabi sa akin.

"Huwag mo kaming titigan ng ganyan, Cassandra. Kahit anong gawin mo, wala kaming
sasabihin sayo kung hindi kinakailangan. Mas mabuting wala kang alam sa boyfriend
mo para maging maayos ang relasyon niyo." Sabi ni Cellon.

"Huwag kang magpapaapekto sa ibang tao para mas lalo kayong tumagal."

Nagdesisyon na akong umalis at baka tapos na ang meeting ni Clyde. Sigurado akong
pupunta ng office iyon para sabay na kaming aakyat kapag maaga siyang natapos.

May pumigil para makaalis na ako. Nakita kong si Callen ang nakahawak sa braso ko.

"May kailangan pa kayo?"

"May ibibigay kami sayo kaso naiwan namin sa room na tinutuluyan namin. Pwede ka
bang sumama sa amin para ihatid ka na namin."

Sumabay na ako sa kanila. Ano kaya ang ibibigay nila.

Nakarating na kami sa tapat ng room nila. Naghintay na lang ako sa pinto at


sinamahan si Callen. Ang kumuha na lang ng ibibigay nila ay si Cellon. Bumakas ulit
ang pinto at lumabas ito.

"Hindi ko makita. Saan mo ba nilagay, Callen!"

"Nilagay ko lang sa drawer! Tingnan mo na rin sa mga kama at baka nandoon."

"Ikaw na ang kumuha. Nagprisinta kang ikaw na lang ang magtatago tapos hindi ka
sigurado kung nasaan."
Ito naman ang pumasok sa loob hindi ko napigilan ang matawa sa kanila. Nag-aaway
sila sa simpleng bagay lang. Napatingin si Cellon at ngumiti.

"Gusto mong pumasok muna tayo sa loob? Sigurado akong wala sa mga sinabi niya kung
nasaan ang ibibigay namin sayo. Hintayin mo na lang kami at tutulungan ko na rin
siyang maghanap."

Pumasok kami at umupo ako sa sofa. Nilibot ko ang tingin ko sa room na kinuha nila.
Simple lang ang design at ito na marahil ang ordinary style ng room ng hotel na ito
kabaliktaran sa iniisip kong room na tutuluyan nila.

Lumabas na sila at nakita kong may bitbit silang maliit na pahabang kahon na pula.
Lumapit sila at umupo rin sa sofa. Binuksan ni Cellon at nakita ko ang isang white
gold na necklace. Cresent moon ang style ng pendant na may nakaukit na letter C
dito.

Sinuot niya sa leeg ko at napahawak ako sa pendant nito.

"Nakita namin sa isa sa mga jewelry collection at pwedeng magpa-engrave sa pendant


at naisip ka namin."

Nakangiti sila habang nakatingin sa akin. Hindi ko napigilan na yakapin sila sa


binigay nila.

"Thank you for this gift. I really appreciated it."

"Masaya kaming nagustuhan mo."

Kinuha na nila ang gamit nila at lumabas na kami. Hinahawakan ko pa rin ang pendant
na binigay nila. Dumeretso na kami ni Cellon sa kotse at hinihintay na lang si
Callen at inayos pa niya ang mga babayaran sa hotel. Dumating na rin ito at umalis
na kami.

Nagpababa na ako sa harap ng building. Maaga pa at alam kong wala pa si Clyde


niyan. Sumilip ako sa bintana ng kotse.

"Thank you ulit dito." Sa hawak kong pendant.

"Ilagay mo na sa contact mo yung number ni Callen. Para alam mo na kung sino ang
nagtext sayo. Isend ko na lang yung number ko mamaya sayo."

"Sige." Tumalikod na ako sa kanila at narinig ko na naman ang boses nila.

"Ilagay mo sa speed dial ang number namin para alam namin kung kailangan mo ng
tulong, Cassandra." Tumango ako.

Pumasok na ako. Dumaan muna ako sa office at alam kong hindi pa umuuwi yung mga
kasama ko.

"Saan ka ba nanggaling, Cassandra?"

"May pinuntahan lang. Dumaan ba dito si Clyde?."

"Hindi pa. Hindi ka naman nagpapaalam kung saan ka pupunta. Alam mo naman yung
boyfriend mo, kapag wala ka dito hahanapin ka agad at wala man lang kaming
masasabing lugar. Malalagot kami nito."

"Sorry na, Kim."


Pumunta na ako sa table ko at ginawa ang naiwan kong trabaho. Mabuti na lang at
hindi pa dumating si Clyde kaya napabuntong-hininga ako sa nalaman ko.

Lumapit si Laurel sa akin at tinitigan ako. Nakatingin siya sa leeg ko.

"Ang ganda naman ng necklace mo. Si sir ba ang nagbigay?" Lumapit si Kim at
napataas ang kilay nito.

"Hindi pwedeng si sir, Laurel. Wala naman iyan ng umalis siya at hindi pa sila
nagkikita ngayong araw na ito kaya malabo."

"Para kasing familiar yung design ng suot ni Cassandra. Parang nakita ko na sa isa
sa magazine na nabasa ko. Wait lang."

May kinuha ito sa drawer niya. Puro naman magazine ang laman tungkol sa iba't-ibang
feature ng mga fashion ngayon. Kumuha siya ng isa at may hinanap.

"Katulad ng suot mo, Cassandra!"

Pinakita niya sa amin at nakita ko ngang magkapareho sa suot ko. It was one of the
most known jewelry designer who designed this necklace just like mine. Nabasa ko
rin na limited lang ito at sold-out rin ang mga design nito.

"Isa sa mga iyan ay worth a million kaya nga tinitigan ko talaga yung necklace mo.
Sino ang nagbigay, Cassandra?"

"A friend."

"Grabe ka. Hindi ka na namin mareach! Puro mayayaman ang mga kaibigan mo. Baka
magulat na lang kami na mayaman ka pala at kilala mo talaga sila."

"Ito naman puro biro. Nakasama natin si Cassandra ng dalawang taon tapos sasabihin
mong mayaman siya. Nagpapatawa ka ba?! Nagpapakahirap siyang bumiyahe noon ng
pagkalayo-layo kaya tumigil ka na dyan, Laurel."

"Ang high blood mo talaga sa akin, Kim. Nagbibiro lang ako, Cassandra. Kung sinuman
ang nagbigay sayo niyan, special ka sa kanya. Balik na ako sa trabaho."

Tiningnan ko ang suot kong necklace parang hindi yata magandang isuot ito. Sobrang
mahal at baka mawala ko lang. Nilagay ko ito sa lalagyan nito at nilagay sa bag ko.

Umuwi na ang mga kasama ko at naiwan ako sa office para hintayin si Clyde.
Nakatingin lang ako sa box ng necklace habang nagpapalipas ng oras. Narinig kong
bumukas ang pinto at ibinalik ko na ito sa bag ko.

"Kanina ka pa, baby?"

"Hindi naman. Kamusta naman ang meeting mo?"

"I got the contract, baby. Can I receive a reward from you?"

Nakasakay na kami ng elevator, "What do you want for your reward?"

"Cuddle my girlfriend all night and many kisses from her without limitation."

"Is that all?" Hinapit niya ako at bumulong sa tenga ko.

"Hanggang doon muna pero kapag mas malaking kontrata ang nakuha ko. Ihanda mo ang
sarili mo at hindi kita titigilan, baby."

Chapter 43
Bakit may mga obstacles ngayon sa buhay ko na nakakapagpahina ng loob ko. Kahit
mag-effort ka kaso parang pakiramdam mo na kulang pa tapos nakakaiyak pa ang sinabi
ng prof ko na huwag sumuko. Ang bigat tuloy ng nararamdaman ko. 😢

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

¤~💞~¤

Nakakangalay na ang posisyon ko. Ang bigat naman kasi niya. Hindi ko naman
mapagbawalan at maganda ang mood niya baka masira pa.

Pinaglalaruan niya ang kamay habang nakaunan ang ulo niya sa mga hita ko.
Napagdesisyunan naming manood ng movie. Kanina pa nagsimula ito kaso si Clyde ay
hindi man lang nanonood at ang kamay ko lang ang pinagtutuunan ng pansin.

"Hindi ka naman nanonood, Clyde. Ano ba ang tinitingnan mo sa kamay ko?"

"Sinusukat ko lang."

"Para saan naman?"

"Tinitingnan ko kung anong size ng daliri mo para alam ko kapag bumili na ako ng
singsing kapag niyaya na kitang magpakasal."

Binalik ko ulit ang tingin ko sa pinapanood namin para makaiwas sa sinabi niya.
Kahit kinilig ako ay dapat huwag akong magpahalata at baka lalo pa siyang mangulit.

"Ang aga mo naman magsukat ng daliri ko. Matagal pa iyang sinasabi mo."

Tumayo na ito sa pagkakahiga niya at dumeretso ng upo. Tinititigan niya ako kaya
hindi ako tumitingin sa kanya.

"Kailan mo ba balak magpakasal? Gusto kong dalhin mo ang pangalan ko para malaman
na ng lahat na akin ka na."

Masyado siyang naapektuhan sa sinabi ko. Hindi ko naman sinabing hindi ako
magpapakasal pero hindi lang ngayon.

"After 2 years siguro pwede na, Clyde."

"What?! Bakit ang tagal naman."

"Ilang buwan pa lang ng sagutin kita tapos ngayon nakatira na ako sa bahay mo.
Sobrang bilis ng nangyari sa relasyon natin tapos gusto mo kasal naman ngayon?."

"Doon din naman ang kahahantungan ng relasyon natin. Magiging Mrs. Clyde Villacorte
ka at dadalhin mo iyon hanggang sa tumanda tayo."

Hindi ko na talaga maintindihan si Clyde. Ang dami niyang palusot at lahat ng ito
pumapabor sa gusto niyang mangyari. Talagang businessman marunong makipagnegosasyon
at mapapaisip ka na lang sa mga sinasabi niya.
"Basta hindi pa ako handang magpakasal ngayon. Gusto ko pang maranasan na lumabas
na tayong dalawa at mag-enjoy muna tayo sa relasyon natin."

"Mas mag-eenjoy tayo kapag kasal na tayo. Buntusin ko na lang kaya siya para hindi
na ako maghintay ng matagal."

May binulong ito na hindi ko narinig. Tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto.
Pinagpatuloy ko ang panonood ko at malapit na rin matapos. Sa huli ako lang ang
nanood at hindi na bumalik si Clyde.

Pagkatapos ng movie ay pinatay ko na. Lumabas ako para hanapin siya at nakitang
nasa office niya. Nakabukas ang laptop niya at may ginagawa.

"Work na naman, baby? Magpahinga ka na muna at bukas mo na lang ipagpatuloy yan."

"Hindi ko pwedeng gawin ito bukas. Kailangan kong makakuha ng ideas para mapadali
kong makuha ang sagot na gusto kong makuha."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo?"

Lumapit ako at sumilip sa ginagawa niya. Nakabukas ang google niya at tiningnan
kung ano ang hinahanap niya. Hindi ko mapigilang matawa ng malakas sa nabasa ko.

"Huwag mo akong tawanan, baby. Seryoso ako sa ginagawa ko."

"Bakit hindi mo na lang itanong sa akin iyan para hindi ka na naghihirap maghanap."

"Sasabihin mo ba sa akin ang mga gusto kong malaman?"

Pinaupo niya ako sa lap niya. Natawa na naman ako sa seryoso niyang mukha habang
nakatingin sa akin. Ang hinahanap niya kasi sa google, 'Steps to make your woman
say yes to your proposal'

Ito pala ang kanina pa niyang pinagkakabalahan kaya hindi pa siya bumabalik sa
kwarto namin. Ayaw niya talagang magpatalo pero nakakatuwang makitang sobrang
effort ang ginagawa niya.

"Matulog na muna tayo at bukas ko na lang sasabihin."

Tumayo na ako at kinuha naman nito ang kamay ko para pigilan akong makalayo.

"Hindi ba pwedeng ngayon na?"

Hinatak ko siya para makatayo at makabalik na kwarto namin. Hindi pa rin siya
tumitigil sa pangungulit. Nakapasok na kami sa kwarto.

"Magpahinga na tayo dahil alam kong pagod ka na sa buong araw, Clyde."

Hinalikan niya ako sa noo, "Promise me,you will tell me. Good night baby."

"Good night too, baby."

Humiga na kami kami at nilagay niya ang kamay ko sa beywang niya para magkalapit
kami.

¤~💞~¤

Naramdaman ko ang pagdampi ng kung ano sa labi ko. Bumaling ako sa kabilang side
para tumigil na iyon. Lumundo ang kama at nagpatuloy na naman ang pagdikit sa labi
ko. Kahit inaantok pa ako ay idinilat ko ang mga mata ko para malaman kung ano ito.

Nakita ko ang mukha ni Clyde na ang lapit sa akin. Nakangiti ito. Bumaling ulit ako
sa kabilang side para matulog ulit.

"Baby, gumising ka na."

"Inaantok pa ako, Clyde. Mamaya ka na manghalik dyan at hayaan mo muna akong


matulog."

Dinaganan na niya ako kaya pilit ko siyang tinutulak. Ang bigat niya at parang lalo
pa niyang dinidiin ang sarili niya para gumising na ako.

"Clyde! Umalis ka nga sa ibabaw ko. Ang bigat mo at bakit parang may matigas na
tumutusok sa tiyan ko?"

"Nagising yung hinawakan mo dati kaya kung ayaw mo siyang magalit ay tatayo ka na o
hindi na kita paalisin sa kama ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tinulak ko siya at nagpatangay ito at
mabilis akong pumasok sa banyo.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa loob. Lumabas ako na wala na siya kaya
pumunta ako sa kusina ng may maamoy ko ang kape na nagmumula roon.

"Anong gusto mong breakfast, baby?"

"Huwag ka ng maghanda at sa labas na lang tayo magbreakfast."

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Off ko ngayon at sinabi ko na kay Sarah na ireschedule ang lahat ng mga meetings
ko."

Nagtimpla rin ako ng sarili kong kape at umupo sa tabi nito, "Pwede mo na bang
sabihin ang gusto kong malaman kagabi, Sandra?"

Akala ko nakalimutan na niya. Napaisip tuloy ako kung nakatulog ito kagabi sa
kakaisip.

"Kaya mo ba ako ginising ng maaga?" Tumango ito.

"Pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko kagabi kaso wala naman akong makitang
magandang gawin na magugustuhan mo."

"Simple lang naman ang gusto ko, Clyde. Maranasan ang mga ginagawa ng mga
magkasintahan."

Hindi ko pa nararanasan na lumabas kaming dalawa na walang trabahong inaalala. I


want to experience having a whole day date with him.

"Ginagawa naman natin, baby. Hinahalikan, niyayakap at lagi tayong magkasama.


Hinahatid sundo kita sa floor mo at sabay tayong kumakain. Ano pa ba ang hindi
natin nagagawa?"

"A date with no work involved."

Kinuha niya ang kamay ko, "If that was your wish then wish granted. Change your
clothes and we will having our first date today."

Malapit na kami sa gusto kong puntahan. Kakatapos lang naming kumain at pumunta na
kami sa lugar ng date namin. Nakita ko na ang parking area at naghanap na kami ng
space. Lumabas na kami ng kotse. Parehas kami ng suot na damit. T-shirt na black at
pants. Pumila kami para makabili ng ticket para makapasok.

"Ito pala ang gusto mong date. Sa isang amusement park. Hindi ko ineexpect na dito
tayo pupunta, baby."

Nakakasawa na ang kumain lang sa labas at manood ng sine. Mas mag-eenjoy kami dito.

"Ayaw mo ba dito? Kung ayaw mo ikaw na lang ang magdesisyon kung saan tayo
magdate." Umiling ito at pinalapit ako sa kanya.

"I didn't expect that you would like this kind of date but I really want to try
this. To have fun and make my girl happy is all I want to do."

Sinubukan namin ang iba't ibang mga games sa mga stalls. Merong babatuhin ang mga
bote ng bola o papalusutin ang mga ring dito. Shooting game na nakailang try pa si
Clyde bago manalo ang stuff toy.

Sumakay kami sa viking at umupo sa dulo para ramdam namin ang pagsway nito. Kahit
nakakahilo ay game kaming subukan ang mga extreme rides dito.

Kung anu-ano ring mga pagkain ang mga tinikman namin. Napapansin ko naman na nag-
eenjoy si Clyde kaya tama lang ang lugar na ito para makapagrelax rin siya sa
trabaho.

Sa una ay hindi ko aakalain na papayag si Clyde sa amusement park ang gusto kong
puntahan namin kaya nagdadalawang isip ako sa isusuot ko kanina pero pumayag ito.

Sa last na gusto kong sakyan namin ay ang malaking ferris wheel. Maraming nakapila
kaya hinatak ko na si Clyde para mas mabilis kaming makakasakay. Isang ikot lang
ito pero sulit naman dahil malaki at mabagal naman ang pag-ikot nito.

Puro couples rin ang madalas kong nakitang pumipila dito. Hinawakan ko ang kamay
niya dahil may nakita akong mga babaeng na kanina pa tumitingin kay Clyde.
Nakakainis lang ang lantaran nilang pagpapakita sa akin na may gusto sila sa
boyfriend ko.

Nakaramdam ako ng pagkauhaw at sinabi ko ito sa kanya. Nagpaalam ito na bibili


lang. Gusto ko sanang sumama na rin ng makitang kong sumunod ang mga babae sa
kanya. Nabawasan ang mga nakapila kaya napalapit ako sa mga sasakay na. Kailangan
ng dumating ni Clyde at susunod na akong sasakay.

"Ma'am pumasok na po kayo sa loob?"

"Miss pwede bang maghintay lang sandali? Wala pa yung kasama ko may binili lang."

"Marami po kasing nakapila at nagagalit na po yung mga sumusunod sa tagal niyong


pumasok. Maghintay na lang po kayo sa loob at hihintayin natin kahit 2 minutes ang
kasama niyo o kayo na lang po ang sumakay."

"Salamat."

Pumasok na ako at tumitingin ako sa labas baka dumating na si Clyde. Dapat pala
hinintay ko na lang na matapos ang ride na ito bago ako nagpabili ng tubig. Lumapit
ulit yung babaeng kausap ko.
"Ma'am dumating na po yung kasama niyo."

May pinapasok siyang lalaking nakawhite na t-shirt at nakacap. Hindi ito ang suot
ni Clyde. Hindi ko kilala ang kasama ko. Sinasarado na ang pinto kaya sumigaw ako
para marinig nila.

"Miss hindi na ako sasakay! Patigilin niyo na ito at bababa ako!"

Umandar na ito at umakyat ang sinasakyan namin.

"Miss!"

Napatingin ako sa kasama ko ng marinig ko itong magsalita.

"Hindi ka na makakababa kaya wala ng saysay ang ginagawa mo. Mag-enjoy ka na lang
na kasama ako dahil wala ang boyfriend mo para samahan ka."

Chapter 44
Salamat sa nagmessage sa akin para sayo ang chapter na ito. 😙

mariz_jp

I love your message. Kung pwede isa pa ulit. Hahaha. Sana yung iba rin magmessage
katulad mo.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Tumingin ako sa kasama ko. Hindi ko siya kilala at paano niya nalaman na boyfriend
ko ang kasama ko kanina?

"Sino ka ba?"

"Hindi mo na ako matandaan. Sabagay matagal na rin ng kausapin kita, Cassandra?"

Tinanggal niya ang suot na cap. Umupo ako malayo sa kanya ng makilala ko na kung
sino siya. Wala akong balak na kausapin siya. Akala ko ay hindi na siya manggugulo
pero nagkamali ako. Nandito na naman siya at sigurado akong magbabanta na naman
siya sa amin ni Clyde.

"Bakit ang layo mo naman sa akin? Hindi naman ako nangangagat kaya lumapit ka naman
parang hindi tayo magkakilala."

Umurong pa ako at halos isiksik ko na ang sarili ko sa dulo. Tumingin ako sa labas
para aliwin ang sarili kaysa makinig sa kanya.

"Galit ka pa rin ba sa sinabi ko noon?"

Lumapit ito at naupo sa tapat ko. Katulad ng suot ni Clyde ang suot niya kaya hindi
na ako magtataka kung napagkamalan siya kanina ng kausap ko na boyfriend ko.

"Bakit ka ba nandito?"
"Naglilibang lang. Nakakabored kasi sa bar kapag ganitong oras. Mamaya pa ng gabi
ang dating ng mga tao dun."

"Hindi mo sinasadyang pumunta rin dito? Baka naman nalaman mo na pupunta kami kaya
nandito ka?"

"Gusto mo bang palabasin na sinusundan ko kayo ni Clyde?"

"Hindi ba?!"

Tumawa ito ng malakas na kinairita ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa ito tumitigil.

"Tama lang na nagpunta ako dito. Hindi man ako nag-enjoy sa mga rides pero ikaw
naman ang nagpatawa sakin ngayon."

"Tumigil ka nga! Wala naman nakakatawa!"

Kung hindi lang siya ang taong laging nambabanta sa akin. Okay lang ang sitwasyon
namin ngayon, hindi ako naiilang at naiinis sa kanya.

Pababa na ang sinasakyan namin at malapit na akong makalayo sa kanya. Hindi ko na


matagalan na kasama siya.

"Salamat naman at makakababa na ako."

"Nag-enjoy akong kasama ka ngayon, Cassandra."

Hindi ko siya pinansin at hinihintay ang pagbaba namin.

"May nakalimutan pala akong sabihin."

Nilingon ko siya, "Ano naman iyon, Lancen?"

"You will see another side of your boyfriend. Don't tell him that you saw me,
Cassandra."

Bumakas na ang pinto at inalalayan ako ng lalaking staff dito. Napansin ko na may
nagkakagulo at nang tingnan ko si Lancen ay wala na ito.

"Excuse me, ano ang nanayayari dun?"

"May lalaki po kasing nagrereklamo, ma'am. Kawawa nga po yung kasamahan namin at
baka matanggal sa trabaho."

Nasaan na ba si Clyde. Dapat nakabalik na siya o baka naman iniwan niya ako at
sumama sa mga babaeng kanina.

"WHERE IS MY GIRL?!"

Hindi na ako nakatiis at pumunta na ako sa mga taong nakapalibot sa taong kanina
pang sumisigaw. Hindi ko makita at ang daming tao. Mabuti na lang at matangkad ako
kaya nakita ko kung sino ang lalaki. Nagulat ako na si Clyde pala ang kanina pang
sumisigaw.

Umiiyak na ang babaeng staff kaya nakipagsiksikan na ako sa mga tao.

"Excuse me!"
Narinig ko ang mga sinasabi ng mga taong nadadaanan ko.

"Kawawa naman yung babae kanina pa umiiyak."

"Nakakatakot siya. Gwapo pa naman sana."

"Nasaan na ba yung girlfriend niya? Lumalayas kasi ng hindi nagpapaalam."

Kung pinapadaan ba naman nila ako, sana napatigil ko na si Clyde! Nakakainis sila
kung makapagsalita akala mo na may naiitulong.

"WHERE IS YOUR MANAGER?! I WANT TO TALK TO HIM!"

"S-Sir, ayusin na lang po natin ito. H-Hanapin ko na lang po yung girlfriend niyo."

"NO! YOU LET MY GIRL WITH A STRANGER! WHAT IF, HE IS A BASTARD AND HURT HER!"

Hinawakan ko si Clyde sa braso kaya napatingin ito sa akin at agad akong niyakap.
Tiningnan ko ang babae at naawa ako sa kanya. Nabuntungan siya ng galit ni Clyde.
Hinayaan kong yakapin niya ako para kumalma siya. Sa gulo na nangyari ay may
dumating na tao at mukhang ang manager ng amusement park ito.

"Sir and Ma'am, I'm sorry for what our employee done to you. We could aid you for
anything to compensate for what happened."

"I want her fired! She made a huge mistake that could cause danger to someone. I am
making this situation an example to your other employees. I don't care if you will
consider this exagerated reaction but if you were in my shoes, you would react like
this too."

Kailangan ko ng matigilin si Clyde. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinarap ang


manager.

"Don't fire her. There was nothing happened to me but we would consider your offer
to end this issue."

"Cassandra!"

Hindi ko pinansin si Clyde. Ayaw pa nito palampasin ang nangyari kaya tiningnan ko
siya ng masama para matigil na siya. Tumahimik na ito. Hindi ko inaasahan na
masisira ang date namin ngayon. Naglakad na kami papunta sa parking area para
makaalis pero bago kami tuluyang umalis ay napatingin ako sa ferris wheel. Gusto ko
talagang makasama si Clyde doon. Tumigil rin siya ng mapansin ang pagtitig ko dito.

Nanghihinayang ako. Sumakay na kami sa kotse at tahimik lang kami. Ang aga pa para
matapos ang date namin kaso nasira na. Napansin ko na ibang daan ang pinupuntahan
namin. Tumigil kami sa isang mall.

"Bakit tayo nandito, Clyde?"

"We could still continue our date by watching a movie together."

Namimili kami ng papanoorin kaso hindi ako makapagdecide. Nakatingin lang siya
phone niya.

"Clyde, hindi ko alam kung anong magandang panoorin."

"How about a horror movie?"


Horror? Pwede rin. Hindi ko gusto ang romance movie nila. Bumili kami ng ticket at
bago kami pumasok ay bumili kami ng malaking popcorn at softdrink. Isa lang ang
binili niya.

Pagkapasok namin ay may naririnig na kaming sumisigaw sa loob. Sa taas kami umupo.
Nilagay namin sa gitna ang pagkain. Kumakain ako ng popcorn at tahimik lang kaming
nanonood habang ang kasama namin ay sumisigaw na. Puro couples ang mga nandito at
siguradong sinadya nilang dalhin ang mga babae para matakot.

"Are you not scared, baby?"

"No."

"Shit! Bakit hindi siya katulad ng mga babae dito! Mali yata itong sinusunod ko.
Dapat nakayakap siya sa akin ngayon."

"May sinasabi ka, Clyde?"

Nasa part na kami na malalaman na ng bida na may hindi tamang nagyayari sa mansion
nang maramdaman kong isinandal ni Clyde ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan ang
kamay ko. Nawala na sa movie ang focus ko at nasa kanya na. Hindi na siya nanonood
at nakatingin lang sa kamay namin.

Kanina ko pa napapansin na iba ang ikinikilos niya. Kapag nasa part na maraming
sumisigaw ay titingin siya sa akin at parang may hinihintay na gagawin ko. Bakit
hindi na lang kaya sabihin para hindi na siya mahirapan na maghintay?

Uminom ako ng softdrink at nang matapos ako ay siya naman ang iinom tapos kapag
kumakain ako ng popcorn ay susubuan rin niya ako. Malapit ng matapos ay bigla na
lang lumabas ang mukha ng human doll na nakangisi sa screen kaya nagulat ako at
napakapit kay Clyde. Bakit kasi may ganon! Mabuti na lang at hindi ako napasigaw sa
gulat at napayakap ako kay Clyde.

"Yes!"

Tingnan ko siya ng masama, narinig ko yun! Ang laki ng ngiti niya sa ginawa ko.
Gusto niya palang matakot ako kaya horror ang napili niya.

Lumabas na kami. Hinawakan niya ang kamay ko dahil marami rin ang nakakasabay namin
sa paglabas. Nagpaalam muna ako sa kanya para pumunta sa restroom.

Pagbalik ko ay nakatingin na naman siya sa cellphone niya. Nacurious na ako. Kanina


pa siya tingin ng tingin dun tapos ngingiti. Dahan dahan akong lumapit at nang
hindi pa rin niya ako napansin ay hinablot ko ang cellphone niya.

"Ano ba kasi ang tinitingnan mo sa cellphone mo?"

Pinipilit niyang kunin pero iniiwasan ko siya. Alam ko ang password ng phone niya.
Date kung kailan ko siya sinagot kaya pwede kong makita kung ano ba ang nasa phone
niya.

"Baby, give my phone back."

"No! There is something on your phone that makes you smile. I want to know."

"Baby, please give it back."

Natigilan ako sa sinabi niya. Mas mahalaga ba ang nasa cellphone niya at ayaw niya
ipaalam sa akin? I stared at him and he is desperate to get his phone.

"May babae ka ba?"

"No! Where did you get that idea?!"

"Did you give your number to other girl?"

"Wala akong babae at pinagbigyan ng number, baby."

Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Meron talaga sa cellphone niya na
tinatago niya. Binigay ko na at hindi na siya pinansin. Bahala siya. Ayaw niyang
ipaalam, magsama sila ng cellphone niya.

"Baby, are you mad?"

Nagsimula na akong maglakad. Sinusundan niya lang ako. Nandito na rin kami sa mall
bibili na ako ng books na mababasa ko kapag walang ginagawa.

Pumunta na ako sa section ng mga english romance book. Hindi na pumasok si Clyde at
naghintay na lang sa labas. Nagtagal rin ako sa pamimili at nang ako na ang
magbabayad ng may nag-abot ng card sa cashier. Binigay ni Clyde habang may kausap
siya sa phone.

"I will wait for you outside." Then he kissed me.

Natapos na rin kaya pumunta na ako sa kanya. May kausap siya sa phone.

"Is everything is set? If you said something about that to Cassandra, I will kill
you."

"Clyde, sino ang kausap mo?"

"W-Wala baby. May pupuntahan ka pa?"

Gusto ko pa sana dumaan sa department store kaso nawalan na ako ng gana. May
tinatago talaga siya na kahit sa akin ay ayaw man lang sabihin. Feeling ko may
babae siya!

Sumakay na kami sa kotse at pauwi na. Hindi na ako nagtangka pa na magtanong ulit
at wala naman akong makukuhang sagot sa kanya.

Pinikit ang mga mata ko habang hinihintay na makauwi na kami. Nakaidlip ako.
Nagising ako sa pagtawag ni Clyde.

"Baby, we are here."

Kinusot ko ang mga mata ko kung hindi ako namamalikmata. Bakit nandito na naman
kami?

"Bakit tayo bumalik dito?"

Hindi siya sumagot at nilagyan niya ng blindfold ang mga mata ko. Naglakad kami at
inaalalayan niya ako. May hagdan kaming inakyatan at tinanggal na niya ang takip sa
mata ko.

"Do you like it?"

I was speachless. The only thing that still operating in this amusement park is the
ferris wheel. He gave me a bouquet of roses and when we are finally in the platform
to ride of its enclosed seats. There is a small table inside of it.

We are on top of the ferris wheel when it stopped from moving. I looked outside if
there was a problem and I felt his arms on my waist.

"Clyde, how will we go down from here?!"

"Relax. I instructed them to do this. I want us to have our dinner on top of this
ferris wheel."

"You planned this all?" He nodded.

I kissed him to show how happy I am. He responded and he kissed me back with the
same intensity. He made this day memorable to the point that I already forgave him
for what he was hiding a while ago.

"I love you, Clyde."

"I love you too, Cassandra."

We ate our dinner and enjoyed the beauty of the city. It was amazing to watch
different lights coming from every establishment.

"Did you enjoy our date?"

"So much, baby. How did you set this all?"

"Thanks to my cousin. He did a great job to prepare what I planned for you."

Bago ko makalimutan, dapat mapaamin ko siya ngayong araw.

"Mas magiging masaya ako kapag sinabi mo kung ano ang nasa cellphone mo na ayaw mo
ipakita."

Nilabas niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang list na ginawa namin ngayon.
Mula simula hanggang ngayon sa ferris wheel.

Naiyak ako sa ginawa niya. Iniisipan ko pa siya tapos ito pala ang pinaghandaan
niya.

"I'm sorry, Clyde. Akala ko may babae ka pero wala naman pala."

Pinahid niya ang luha ko at bumulong, " Totoo naman na may babae ako, baby"

"Anong sabi mo!"

Tumawa siya at niyakap ako. Pinalo ko siya sa dibdib niya.

"May babae naman talaga ako at ikaw iyon. Maliban sa mama ko ay ikaw lang ang isa
pang babaeng iingatan ko at mamahalin kaya huwag ka ng magselos, baby."

"Ikaw lang rin ang lalaking mamahalin ko, Clyde. Siguraduhin mong ako lang at wala
ng iba."

Chapter 45
Enjoy this chapter. Kakasimula pa lang ng sem break namin at kakatapos lang ng
finals kaya nagfocus muna ako sa mga test ko. Sorry kung hindi nakapag-update agad.
My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Tumingin ulit ako sa mga nagkikislapang mga ilaw sa baba ng may maramdaman akong
malamig na bagay sa leeg ko. Hinawakan ko ito at tiningnan. Isa itong singsing na
ginawang pendant.

Humarap ako kay Clyde, "Bakit mo ako binigyan nito?"

"May dahilan ba para bigyan kita ng ganyan?"

"Clyde. Seryoso ako sa tanong ko." Hindi ko matatanggap ito. Alam naman niya ang
desisyon ko sa bagay na ito.

"Hayaan mo munang nakasabit ang singsing sa leeg mo para maaalala mo na handa akong
maghintay sa sagot mo, Cassandra."

Sa mga sinabi niya ay hindi ko maiwasan na makonsensya. Ang singsing na binigay


niya ay isang engagement ring kaya hindi ko kayang tanggapin. Alam niyang hindi pa
ako handa pero sa ginawa niya ay mas lalo kong naramdaman kung gaano niya ako
kamahal.

Ang lahat ng mga ginagawa niya ay laging nagpapasaya sa akin pero wala pa akong
nagagawa na magpapasaya sa kanya. Kahit hindi man niya sabihin ay alam kong may mga
bagay na gusto niya na hindi ko maiibigay. Pero gusto ko pa ring subukan kung may
kaya akong gawin para sa kanya.

"Clyde, Can I ask you something?"

"What is it, baby?"

"If I will grant one of your wish tonight then what will it be?"

"Marry me right now."

Sabi na nga ba. Sinimangutan ko siya. Natawa ito. Ang ayos ng tanong ko tapos
tatawa lang siya.

"Sorry, baby. I wanted to see your reaction even though I was serious a while ago."

"May sinasabi ka?" Umiling ito.

Kumuha ito ng dalawang glass at nilagyan ng wine. Binigay sa akin ang isa.

"Akala ko ba bawal akong uminom,baby?"

"Gusto ko kapag ginawa mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa ay kasama mo ako.
Kapag nalasing ka, nandito ako para buhatin ka kapag hindi mo na kayang lumakad."

"Iyon lang ba talaga ang rason?" Pakiramdam ko ay meron pang iba sa tono ng
pananalita niya.

"Ayokong may hahawak sayo kaya hindi ka dapat sumasama sa kahit sinong kakilala
mo."

"Kahit kaibigan?"

"Oo. Kahit kaibigan dahil meron posibilidad na may gawin sila sayo kapag pareho
kayong lasing."

"Paano kapag tayong dalawa ang lasing? Walang kang gagawin sakin?"

Umiwas ito ng tingin at parang ayaw sagutin ang tanong ko. Tama ang nasa isip ko na
may iba pa siyang motibo sa pagbabawal sa aking uminom.

"Clyde..."

Huminga muna ito bago sumagot, "Masama bang gusto kong ako lang ang makakita sayo
kapag nalasing ka? May nabasa akong article about women's behavior when they got
drunk."

"Ano naman iyon?"

"When they got drunk, they became clingy to someone who were with them and do a lot
of things which was unusual."

Umiiral na naman ang pagiging possessive niya. Kahit alam kong ganoon na siya ay
hindi ako masanay. Iba ang ugali niya kapag nasa trabaho at kapag kasama ako.

"Bakit sobrang possessive mo, Clyde?"

"Dont ask why I am like this, baby, because this is my way of sealing my territory.
This is me as a lover and I can be more possessive when you bear my child with you
if you will accept me as your official man and hopefully as your husband."

"I will accept your possessiveness as a lover in the mean time, baby."

~¤💞¤~

Malapit na naman ang pagfile namin sa management kaya inaayos na muna namin ang mga
documents na gagamitin para mabilis na lang ang proseso at hindi na kami malito.

"Nasaan na si Kim?"

"Hindi namin alam. Dalawang araw ng hindi pumapasok. Wala namang sinabi kung bakit
at lagi pang nakapatay ang cellphone kapag tinatawagan ko."

Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi nito ugaling mag-absent lalo na at ganitong
mga araw na sobrang busy ng team namin.

"May pumunta ba sa inyo sa bahay nila?"

"Wala pa. Akala kasi namin ay may pinuntahan lang kahapon pero kung magkasunod na
araw na wala siya ay may kakaiba na."

"Gusto niyo pumunta tayo sa kanila? Tanungin lang natin kung bakit hindi siya
pumasok."

Sumang-ayon ang lahat kaya bumalik na kami sa mga ginagawa at mamaya na lang namin
iisipin si Kim.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.
Dalawa ito. Mula kay Ren at Clyde. Inuna ko muna ang kay Ren at baka importante.

Good morning, Cassandra.


Nasaan ka ngayon?

Ren

Napakunot ang noo ko sa text niya. Bakit kaya niya tinatanong?

Nasa office ako ngayon. Workdays, remember?!

Hinintay ko ang reply niya. Baka may itanong ulit ito.

Sige. Have a nice day.

Ren

Tiningnan ko ang text ni Clyde. Napangiti ako sa nabasa ko.

I love you, baby.

Nagreply rin ako para patas lang kami.

I love you, too, baby.

Nilagay ko na sa table ang phone ko. Kinuha ko sa drawer ang mga files ng sales ng
boutique. Nagtagal rin ako dahil tingnan ko kung magkakasunod ang months nito. May
nagulo sa mga ito kaya tingnan ko ang bawat folder.

Bumalik na ako sa table ko ng magsalita si Laurel.

"Cass, kanina pa umiilaw ang cellphone mo. Baka marami ng text o tawag dyan si
sir."

Binaba ko na ang mga dala ko. Muling umiilaw ito at nakita kong ang dami ng text ni
Clyde. Lagot na naman ako nito.

Binuksan ko na ang mga ito.

Anong ginagawa mo ngayon?

Busy ka ba, baby?

Bakit hindi ka na nagreply?

Nakalipas pa ang tatlong minuto bago ulit ito magtext.

Baby,busy ka pa rin?

Cassandra!

Okay. I think you are busy. I will just go to your office when you have your break.

Nakahinga ako. Akala ko nagalit na naman siya. Dapat pala dinala ko ito para
namonitor ko ang mga text niya.

"Nagalit?"

"Hindi naman. Kinabahan ako sa sinabi mo kanina."


"Kanina pa kaya umiilaw yan at parang may bubuyog dahil sa vibration ng phone mo."

"Sorry. Naistorbo ko pa yata kayo ng phone ko."

"Huwag kang mag-alala. Alam naman namin kung gaano kademanding si sir kapag hindi
ka nagrereply sa kaniya."

Bumalik na kami sa mga ginagawa namin. Binuksan ko ang mga kinuha kong folder at
tingnan kung nagmatch sa system. Mas madali kapag ganito. Kahit papaano ay
nagmamanual din kami kapag ganitong checking ng amounts.

Natapos ko na ang isang buwan na sales ng boutique ng may kumalabit sa balikat ko.

"Bakit?"

"Lunch break na. Tigilan mo muna yan at kumain na tayo. Ituloy mo na lang mamaya."

"Sige."

Itinabi ko muna ang hawak ko. Nag-ayos na rin sila nang may kumatok. Binuksan ni
Hanz at nakita ang isang delivery man na may hawak ng mga plastic.

"Nandyan ba si Miss Del Rio?"

"Cassandra, ikaw ang hinahanap."

Lumapit ako sa pinto at hinarap ang delivery man.

"Ako si Miss Del Rio."

"Special delivery para sa magandang babae noong party."

"Wala akong pinadeliver at sino ka ba?"

Inalis nito ang cap niya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Pumasok ito at
nilagay sa table ko ang mga dala niya.

"Anong ginagawa mo dito, Ren?"

"Nagdala lang ng mga niluto ko. Ang hirap palang hanapin ng office niyo. Ang dami
ko pang pinagtanungan bago ko napuntahan ito."

Lumapit kami sa mga dala niya. Ang dami niyang dinala. Ano kaya okasyon bakit
naisipan ni Ren na magdala nito.

"Wow! Mukhang masarap. Hindi na pala natin kailangan bumaba. Sa dami niyan ay kasya
na tayo."

Binatukan ni Hanz si Brix, "Huwag kang patay gutom. Dinala yan para kay Cassandra
kaya umalis na tayo."

"No. You can join us. I made them for the co-workers of Cassandra too."

Sumabay na rin sila. Hindi naman namin mauubos ito kung kaming dalawa lang. Inalis
namin sa styro at inilagay sa mga pinggan. May mga nakahanda kaming mga pinggan at
kutsara sa office dahil minsan ay dito na kami kumakain.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Clyde at nakatingin lang sa katabi ko.
"What are you doing here, Ren?"

"Pinagdala ko ng pagkain si Cassandra."

Nakakunot ang noo nitong lumapit sa amin. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi
ko para mapaharap sa kanya at siniil ako ng halik sa labi.

"I'm hungry, baby."

"Sumabay ka na rin sa amin. Marami ang dala ni Ren kaya kasya sa atin ito."

"Okay. We will share a single plate."

Ano na naman ang nasa isip niya at iisa na naman ang pinggan na gagamitin namin.
Ang daming pinggan dito pero nagtitipid siya. Sinunod ko na lang ang gusto niya at
dinamihan ang mga nilagay ko sa pinggan. Kumuha ako ng dalawang kutsara. Umupo ako
sa tabi niya.

"Bakit dalawa ang kinuha mong kutsara?"

"Para tig-isa tayo."

Hindi na ito nagsalita. Kumuha na ako ng kanin at ulam ng may marinig kaming
kalansing na nalaglag na kutsara. Napatingin ako sa tabi ko at parang wala lang
nangyari sa kanya.

"Brix, paabot naman ng isa pang kutsara. Nalaglag ni Clyde ang sa kanya."

Binigyan niya ako at binigay ito kay Clyde. Sumubo na ako at nakarinig na naman
kami ng ingay. Nagkakatinginan na ang mga kasama namin sa amin. Nagpakuha ulit ako
at binigay sa kanya ulit.

"Huwag mo ng ilaglag yan, Clyde! Wala ka ng gagamitin."

Hindi pa ako nakakasubo ng may ingay na naman kaming narinig. Binaba ko na ang
kutsara ko at tiningnan siya ng masama.

"Ano bang problema mo, Clyde?!"

"Wala na akong gagamitin, baby, kaya subuan mo ako."

Hindi ito nakatingin sa akin kundi kay Ren na kanina pa kami pinapanood.

"Dapat sinabi mo na lang noong una para hindi ka nag-iingay. Sabi mo gutom ka na
kaya kumain ka na."

Sinubuan ko siya. Pangiti ngiti pa siya habang ngumunguya. Parang bata siyang
umasta ngayon.

Nakita ko naman na nagbubulungan ang tatlong kaibigan ko at tinitingnan kami.


Naririnig ko ito dahil katabi ko lang si Laurel.

"Grabe si sir. Makapagbakod kay Cass wagas."

"Hindi ko na nga manguya ang kinakain ko sa sobrang tensyon kanina." Sabi ni Brix.

"Huwag kayong maingay kung ayaw niyong may magalit sa isa sa kanila." Sabi ni Hanz.
"Para silang love triangle pero ang totoo sila sir at Cass ang legal."

"One point for sir Clyde and zero for sir Ren."

Natapos na kami at niligpit na ang mga pinagkainan. Pinagsama sama ko. Kinuha ko
ang mga ito para hugasan.

"Ako na lang ang maghuhugas, Cassandra."

"I'll wash them, baby."

Nagkasabay sila at nagkatinginan. Bakit ang sipag nila ngayon? Lumapit na sa amin
si Laurel.

"Ako na lang po ang maghuhugas. Cassandra ako na lang at baka magkaroon ng world
war III sa office natin."

Binulong niya sa akin ang huli niyang sinabi.

Hindi na kami makapagtrabaho ng maayos at may dalawang supervisor sa office. Hindi


pa umaalis ang dalawa at parehong palakad lakad lang. Kanina pa silang ganyan.

"Pumunta na lang tayo sa bahay nila Kim."

Parang natuwa ang mga kasama ko at nagligpit na ng mga ginagawa nila.

"Pwede ba akong sumama sa inyo, Cassandra?"

"Wala ka bang gagawin sa restaurant mo, Ren?"

"Naayos ko na ang lahat bago ako pumunta dito."

Nakarating na kami sa parking lot. Iisa na lang ang gagamitin naming sasakyan.
Pumayag naman si Clyde na sa kanya ang gagamitin.

"Gusto niyo sa dala kong van na lang ang gamitin natin?"

Mas maganda nga kung iyon ang gagamitin namin.

"Clyde, iyong dala na lang ni Ren ang gamitin natin?"

Ang tagal niyang sumagot kung pumapayag siya, "Fine."

"One point for sir Clyde and one point for sir Ren."

Chapter 46
Bawi na ako sa matagal na hindi pag-update. Nagreply ako sa isa sa inyo kung kailan
ulit ang update ko. Ang sabi ko monday pero naging saturday. Sinusulit ko ang load
ko at gusto ko rin na maging masaya kayo. Shout your comments, readers! Tinapos ko
ito ngayon para sa inyo. Sana suportahan niyo rin ang ibang stories ko.😘

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Sinundan namin si Ren kung saan siya nagpark ng sasakyan niya. Hindi naman kalayuan
ito at natanaw ko na ang sinasabi niya. Nakita ko na minsan ang van na sinasabi
niya ng minsan dinala niya ako sa restaurant.

"Sa passenger seat ka na lang, Cassandra."

"Bakit mo pauupuin ang girlfriend ko sa tabi mo, Ren?"

"Hindi ko alam kung saan ang pupuntahan natin. Si Cassandra ang nakakaalam kung
saan ang bahay ng kaibigan niya."

Nagulat si Laurel ng hawakan ni Clyde ang braso niya at dinala sa harapan ni Ren.

"Alam niya rin kung saan ang lugar kaya sa akin tatabi si Sandra."

Binuksan nito ang pinto at pinauna na akong pumasok sa loob at sumunod siya.
Nagsipasukan na rin ang mga kasama ko at ang dalawa ay nasa likod at kami ni Clyde
ang nasa gitnang mga upuan.

Umalis na kami at itinuro ni Laurel kung saan ang bahay nila Kim. Sumandal ako sa
balikat ni Clyde para maiwasan ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Alas dos
pa lang ng hapon at masakit sa balat kapag natatamaan ako.

"Nasisinagan ka ba, baby?"

"Oo, ang sakit kapag tumatama sa balat ko, baby."

Hinawakan nito ang beywang ko at binuhat ako papunta sa katabing upuan. Hindi
naiwasan na napaupo ako sa lap niya sa ginawa niya.

"Eyes on the road, Ren."

Sinandal ko ulit ang ulo ko sa balikat niya habang tumitingin sa labas. Hindi ko
alam kung nasaan na kami. Mabuti na lang at si Laurel ang magtuturo ng daan. Hindi
ko rin matutulungan si Ren dahil hindi ko kabisado ang daan.

"Cassandra, may load ka?"

Tumingin ako sa likod, "Wala na, Brix. Ano ba ang gagawin mo?"

"Tatawagan ko ulit si Kim. Baka sumagot na at malaman na pupunta tayo sa kanila."

Nilabas ni Clyde ang cellphone niya, "Use my phone."

"S-Salamat po sir Clyde."

Sumandal ulit ako sa kanya. Nasaan na ba kami? Tinutulungan ni Laurel si Ren sa mga
daan at nagtataka ako, bakit iba na ang dinadaanan namin.

May kumalabit sa balikat ko. Umalis ako sa pagkakasandal at tumingin kay Brix.
Napakamot ito sa ulo at ipinakita ang cellphone ni Clyde.

"Hindi ko mabuksan. May password, Cassandra!" mahinang sabi nito.

Kinuha ko at nilagay ang password at ibinalik sa kanya. Nilagay niya sa loudspeaker


ito para marinig namin. Lowbat kaya ang cellphone ni Kim at kanina pa kaming
tumatawag sa kanya.

Nakailang try pa si Brix pero wala pa rin at ibinalik na sa akin. Binigay ko kay
Clyde ang phone niya kaso hindi niya kinuha.
"Ikaw muna ang magtabi, baby."

"Baka tumawag ang mga kliyente mo o si Sarah."

"Tinawagan ko na si Sarah. I've cleared my schedule for this day to see you and
guard you from Renzell."

Nakarating kami sa kanto na pasukan papunta na sa bahay ni Kim. Ito ang palatandaan
ko. Inayos ko na ang bag ko at nilagay ang phone nito. Huminto kami sa gate at
nakita ang nanay ni Kim na nagwawalis sa tapat ng bahay nila.

Binuksan ko ang pinto at isa isa kaming lumabas. Nauna na ang dalawa sa likod para
makita sila ni nanay. Nauna akong bumaba at hinintay na bumaba si Clyde bago
lumapit.

"Nay, magandang hapon po. Nandyan po ba si Kim?"

"Hindi pa siya umuuwi mga anak. Akala ko ay kasama niyo at may pinuntahan kayo."

"Hindi pa po namin nakikita si Kim mula pa kahapon at hindi rin po siya pumasok
ngayon."

"Pumasok na muna kayo at doon na lang natin pag-usapan kung nasaan na ang anak ko."

Pinapasok kami sa loob ng bahay. Tama lang ang laki ng bahay nila Kim para sa
kanilang dalawa. Naupo kami sa sofa. Nagbigay na maiinom si nanay sa amin.

"Wala bang text si Kim sa inyo? Hindi naman nagpaalam ang batang yun na aalis."

"Hindi po siya sumasagot sa tawag namin."

Naubos ko agad ang binigay sa akin at nauuhaw pa ako. Nahihiya akong manghingi ng
tubig at nag-uusap sila. Ibinaba ko ang baso ko sa maliit na lamesa sa harap namin.
Titiisin ko na lang at mamaya na lang ako ulit iinom.

Kinuha ni Clyde ang sa kanya at binigay sa akin, " You can drink this, baby."

Kinuha ko ito at inubos. Napawi na ang uhaw ko. I kissed him on his cheek and
smiled.

"Thank you, baby."

Umalis si nanay at naiwan kami dito. Tumayo ako at nagpaalam na mag-cr. Sumama si
Laurel at iniwan namin sila sa sala. Napapatingin ako sa kanya dahil kanina pa ito
nakangisi mula pa ng bumaba kami.

"Anong nangyari sayo? Kanina ka pa ganyan."

"Kinikilig ako, Cass!"

"Kanino?" Malayo na kami sa sala at hindi na niya napigilan ang pagtili nito.

"Grabe ang swerte ko ngayon! Hinawakan ako ni Sir Clyde at kinausap naman ako ni
Sir Ren! Pwede na akong kuhanin ni Lord."

Pinalo ko siya sa braso. Hindi tama ang sinabi niya. Masyado siyang OA kung
makapagreact akala mo katapusan na ng mundo na mahawakan at makausap lang ng
lalaki.
"Tumigil ka nga! Tigilan mo na yan na kukunin ka ni Lord. Bahala ka baka magkatotoo
yon."

Ako muna ang pumasok sa loob. Sa dami ng ininom ko at kailangan kong ilabas.
Lumabas na ako baka naiihi na si Laurel.

"Ikaw na."

"Hindi naman ako mag-ccr. Gusto lang kitang makausap at hindi ko magagawa yon kung
nandoon ang dalawang gwardya mo."

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Wala bang sinabi sayo si Sir Ren? Yung parang nagpapahaging?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Napahawak ito sa noo nito na parang naiinis.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at bahagyang inalog.

"Wala ka bang napapansin, Cass?! May gusto sayo yung tao. Hindi mo ba napapansin na
may kompetisyon sa pagitan ni Sir Clyde at Sir Ren?!"

"Hindi pwedeng mangyari iyon, Laurel! May hinihintay si Ren na babaeng gusto niya
kaya malabo ang sinasabi mo at isa pa boyfriend ko kaya si Clyde at alam niya yun."

"Ang slow mo sa ganitong bagay. Hindi ibig sabihin na may hinihintay siya ay hindi
siya pwedeng magkagusto sa ibang tao, sayo! Napakaobvious kaya niya. May lalaki
bang pupunta sa office mo at pagdadalhan ka ng pagkain? O kaya sasamahan ka?"

"Si Ren. Magkaibigan kami at ganoon rin naman sila Brix at Hanz?"

"Bahala ka nga. Basta sinabi ko sayo ang kanina ko pang napapansin. Ayoko lang na
dumating araw na mahirapan ka."

~¤💞¤~

Umuwi rin kami at babalitaan na lang daw kami ni nanay kung dumating na si Kim.
Saan naman kasi ito nagpupunta at pati si nanay ay hindi alam. Kailangan niya
talagang magpaliwanag sa amin kapag pumasok na siya. Hindi namin mapapalagpas ito.

"Baby, tapos ka na?"

Narinig ko ang pagkatok ni Clyde. Nasa banyo ako at naliligo. Nagbibihis ako at
siya na ang susunod.

"Sandali lang matatapos na ako. Nagbibihis na lang."

Lumabas ako at nakitang nakaupo ito sa kama habang nanonood ng tv. Tumayo ito at
lumapit.

"Sabi ko naman sayo na sabay na lang tayong maligo para makatipid sa tubig."

"Alam ko naman na hindi tubig ang iniintindi mo, Clyde. Mayaman ka kaya hindi kaso
sayo kung pabayaan kong nakabukas ang lahat ng gripo dito. Maligo ka na."

"Ayaw mo talaga? Pwede ka pang maligo ulit. I don't mind sharing with you my body.
You can wash it and I'll do the same with you."

Nag-init ang pisngi ko at binato sa kanya ang towel na ipinamunas ko sa ulo ko.
"Pumasok ka na at maligo, Clyde!"

Naririnig ko pa ang tawa nito habang papasara ang pinto. Kung anu-ano na naman ang
lumalabas sa bibig niya. Lagi niyang pinagmamalaki ang katawan niya. May
ipagmamalaki naman kasi.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Hindi pa kami kumakain ng dinner.


Kakauwi lang namin.

Adobo na lang ang iluluto ko para mabilis. Nagugutom na rin ako at lalo na ang
lalaking nasa banyo. Baka magpadeliver pa siya kapag inabutan pa niya akong hindi
pa nagsisimulang magluto.

Hinihintay ko na lang na kumulo. Nakapagsaing na ako at kakain na kami. May pumasok


sa kusina at alam kong si Clyde na iyon.

"Clyde, kuma- Ano yang suot mo!"

Naibagsak ko ng ang hawak kong sandok sa table ng makita si Clyde. Talagang nang-
iinis talaga siya.

"Magbihis ka! Bumalik ka sa room natin!"

"Ayoko nga gusto ko itong suot ko."

"Clyde, wala kang suot na damit at towel lang ang nakapulupot sayo."

"Bakit gusto mo akong magdamit, Sandra? Ang lakas ba ng epekto ng katawan ko sayo?"

Nakangisi ito habang papalapit sa akin. Lumayo ako at tiningnan siya ng masama.
Inaalala ko lang na baka magkasakit siya. Kahit maganda ang nakikita ko- I mean
hindi pala ay dapat nagsusuot siya ng damit.

"Isa, Clyde! Huwag kang lalapit sa akin nang hindi ka pa nagbibihis. Talagang
lalayuan kita ng buong gabi. Matutulog ako sa office mo."

Napakamot ito sa ulo at naglakad na palayo sa akin pero bago umalis ito, "Baby, ako
na lang kaya ang kainin mo? Parang mas masarap ako kaysa sa adobo mo di ba?"

"CLYDE!"

Umalis na ito at nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa mga simpleng
banat ni Clyde na ganoon ay lagi itong bumibilis. Kinakabahan ba ako sa mga
sinasabi niya? Minsan talaga ay may ganitong side siya na bigla na lang magiging
pilyo.

Bumalik na ulit ito na suot ay sando at boxer short. Umupo ito at nagsandok na ng
ulam at kanin.

"Ang sarap talaga ng luto ng girlfriend ko parang siya, masarap din."

"Clyde!"

"Masarap ka naman talagang mahalin. Ano ba ang iniisip mo, baby?"

"Wala! Kumain ka na dyan at huwag ka na munang magsalita, baby, please? Baka hindi
ako matunawan nito."
Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa kwarto at manonood muna bago matulog.
Narinig ko may tumutunog at kinuha ang bag ko. May tumatawag sa cellphone ni Clyde.
Sasagutin ko ba o hihintayin na bumalik siya?

Hindi ko sinagot pero nagriring ulit. Anong gagawin ko? Tingnan ko ang caller at
nakitang si Thalia ang nakalagay. Sinagot ko na para malaman ko kung ano ang
kailangan niya.

"Hello, Clyde!"

"Wala si Clyde dito, Thalia. May sasabihin ka ba sa kanya?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo?! Ibigay mo nga kay Clyde at siya ang gusto kong
kausap!"

Patayan ko kaya ang babaeng ito para matigil kahit sa tawag ay ang sama ng ugali.

"Lumabas siya at hindi pa bumabalik. Kung ayaw mong sabihin bahala ka."

Pinatay ko na ang tawag niya. Ako na nga nagmamagandang loob na sabihin na lang kay
Clyde kung ano ang gusto niyang sabihin tapos ganoon pa siya.

"Sino yon, baby?"

"Si Thalia."

"Ano daw ang sabi?"

"Ayaw niyang sabihin. Ikaw daw ang dapat makaalam kung ano ang gusto niyang
sabihin."

Tumunog ulit ang cellphone niya at kinuha. Tinitingnan ko lang siya habang kausap
si Thalia.

"Bakit ka tumawag?"

"Kailan ba? Bakit ikaw ang nagsabi at hindi si mommy?"

"Sige pupunta ako. Pasabi na may kasama ako."

"Si Cassandra ang kasama ko. Its a family dinner, Thalia, and I want them to meet
my girlfriend. Bye."

Nilagay niya sa side table ang cellphone nito, "Sino ang ang itinutukoy mong dapat
kong makilala, Clyde?"

"My parents. We have to attend my family dinner. I want you to meet them, baby."

You might also like