You are on page 1of 110

Bastard: Joss Deogracia

by JFstories

Sinusuka ka na ng lipunang dating ginagalawan mo. Lahat ng nagsabing mahal ka,


iniwan ka na. Pero hindi lahat tatalikuran ka. Dahil kung sino pa iyong hindi mo
kilala, siya pa pala ang hindi ikahihiyang ipaglaban ka.

Sa lahat ng pinagdaraanan mo, aalalay siya sa'yo. Matagal ka na niyang minamahal at


nakahanda siyang ipagsigawan iyon sa buong mundo.

Hindi ka iiwan at mas lalong hindi ka papabayaan.

Pero anong klaseng tao nga ba siya kapag siya naman ang iyong nasaktan?

Isla Deogracia Series. Bastard No. 3 Joss Deogracia


ⓒJamilleFumah2016

=================

ISLA DEOGRACIA

Isla Deogracia series presents..

"JOSS DEOGRACIA"

Bastard No. 3

"Don Crassus Manuel Deogracia is looking for his sixteen unknown sons from
different women. They are his heirs. They will inherit millions, plus this
paradise. The whole island are now theirs... if they will just reveal themselves."

(video trailer available at the upper part of screen)

Original by JamilleFumah. All Rights Reserved 2015

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the
author's consent. Please obtain permission. Names, characters, places and incidents
are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance
to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

FB Page: JFstories

FB Group: JFam Society

Twitter: @JFstories
=================

Joss

PROLOGUE

"'Tangina naman!"

Napalingon ako sa lalaking palapit sa akin.

"Putanginang buhay talaga 'pag sinu-suwerte ka nga naman, Diosdado! Dream come true
ka! Shet!"

Huminto siya sa harapan ko while smiling like an idiot.

"Amera! Idol na idol kita. Lalo iyong FHM na ikaw ang cover, anak ng tokwa! Ang
sexy mo ron!"

Kumunot ang noo ko. He didn't look familiar. Hindi rin pangkaraniwan ang mukhang
taglay ng lalaki.

"Do I know you?" I asked. Tiningala ko siya dahil higit siyang mas matangkad kesa
sakin.
"Ang ganda mo talaga!" Ni hindi niya man lang pinansin ang tanong ko.

Although the guy seemed weird ay hindi ako natatakot sa kanya. May kung anong
pumipigil sa akin na manakbo palayo.

Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi mukhang kidnapper o ano pa man,
although looks can be deceiving most of the times.

Gumala pa ang paningin ko sa kabuuhan niya.

He had nice pair of eyes. They are so deep yet playful. His nose was pointed. And
there was so sexy about a few hair strands of his hair that were hanging down his
perfectly sculpted hard-angled face.

Pumalatak siya ng mapansin ang pagmamasid ko sa kanya.

"Ano? Ang guwapo ba?! Approved? Bagay na bagay talaga tayo walang duda!"
My mouth fell open.

Itinuro niya ako. "Maganda ka, sikat 'tapos mayaman. Ako naman guwapo, macho 'tapos
mayaman na rin. Bagay na bagay na talaga! Pa-shake hands naman diyan!"

Napatitig ako sa palad niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi ko iyon tinanggap.

"Hindi kita kilala. Please, just leave me alone." Umiling ako at umatras.

Ngayon na ako nakaramdam ng takot. Baliw yata ang isang 'to.

Ngumisi siya. "Ang taray mo pala! Sabi na nga ba at hindi totoo ang chismax na
easy-to-get ka! Shet! Mas naging hot ka! Mas nai-in love tuloy ako!"

Tumawa pa ang lalaki. Parang may sapi.


"What?!" God! Is he for real?

"Ngayong bagay na tayo, asahan mo, hinding-hindi kita tatantanan."

Hindi ako nakapagsalita sa kabiglaan sa sinabi niya. At mas lalo pa akong nabigla
ng kuhanin niya ang kamay ko at dalahin sa kanyang mga labi.

He kissed the back of my palm without warning. Nakangisi pa rin siya ng tumingin sa
akin.

"By the way, I'm Joss. Joss Deogracia. Ako nga pala ang magiging forever mo!"

=================

Chapter 1

Chapter 1
HALOS malaglag ang panga ko sa sinabi ng guwapong lalaki sa harapan ko.

Oo, guwapo siya at kamukha ko siya.

Michael Angelo Deogracia, iyon ang pangalan niya.

Deogracia... hmn, tunog pa lang, pang mayaman na. At kapag naayos na ang mga papel
ko ay magiging apelyido ko na rin iyon.

Mag-a-amoy mayaman na rin ako katulad niya.

Medyo mestisuhin siya, kasi nga laging nakakulong sa airconed na kuwarto


samantalang ako ay luto sa araw. Moreno ako, lalaking-lalaki kaya masasabi kong mas
guwapo ako kesa sa kanya.

"Diosdado Deogracia, let's go now. Our other brothers are waiting for us."

Gusto ko pa sanang pagsawain ang mga mata ko sa kagandahan ng kinaroroonan naming


isla kaya lang mukhang di na makakapaghintay ang mga kapatid naming sinasabi niya.

Siguro hindi sila makatulog sa excitement na makikita na nila ako, isa sa mga
kapatid nila.

Pumasok kami sa isang kuwartong puro lalaki. Siguro nasa sampu ang lahat ng nasa
kuwartong iyon. Lahat sila guwapo, pero mas guwapo pa rin ako.

Lahat sila mukhang lampa, walang-wala sa packs ko. Siguro nga may abs din sila,
pero mas matigas ang sa akin. Pinigil ko na 'wag mapangisi.

Iyong abs nila, malamang gawa ng gym. Eh, iyong sakin? Gawa ng hirap ng buhay. Kaya
mas yummy ang history ng pandesal ko kesa sa kanilang lahat dito.

Tinawag ulit ang pangalan ko ng nagpakilalang Michael Angelo Deogracia. Siya ang
pinaka-matanda sa lahat sa amin. Siya iyong nagdala sa akin dito.

Ipinakilala niya ako sa sampung nasa kuwarto. Iyong mga lalaki naman, tumingin lang
sa akin. Mukhang mali ang hula ko na

gusto nila akong makilala. Para kasing nanunuri ang mga tingin nila sa akin, kung
di ko sila kapatid ay iisipin kong pinagnanasahan nila ako. Iyong tingin kasi nila,
parang hinuhubo iyong brief ko pababa.

Sinenyasan ako na kamayan daw silang lahat, pero hindi ko ginawa. Hindi sa
natatakot ako at naiilang sa kanila, kundi naisip ko lang na baka marumi ang kamay
nila. Kakatapos ko lang kasing maghugas ng kamay gamit ang mamahaling sabon ni
Ayeza Deogracia, ang asawa ni Michael Angelo. Galing daw sa France iyong sabon niya
kaya nanghihinayang ako.

Tinanguan ko na lang sila. Iilan lang ang ngumiti sa akin, karamihan parang hindi
natutuwang sa wakas ay nakita na ang isa pa nilang guwapo at machong kapatid.

Crab mentality nga naman! Tsk.

Anyway, dalawa sa kanila iyong mukhang mabait, iyong Hades at Martin Luther.

Medyo mailap nga lang iyong Hades pero nakikita kong magkakasundo kami, lalo pa't
sa silid na iyon ay kami lang pala ang nagmula sa mahirap na pamilya. Poorito rin
siya pero guwapo, iyon nga lang mas guwapo ako.

Si Martin Luther ay mukhang makakasundo ko rin. Attorney pala ito, medyo bigatin.
Guwapo na mukha pang matalino, pero mas guwapo pa rin ako. Maasikaso siya sa aming
lahat, wala siyang ere hindi kagaya nung Falcon na akala mo kung sino. Tangina,
mukha talagang mayabang ang gago.

Ah, wala akong pakialam. Ang ayaw sa akin, ayaw ko rin.

Sabi pala ni kuya Michael Angelo, kulang pa raw kami. Labing anim daw kasi ang
ipinapahanap na kapatid niya sa labas. Sa madaling sabi, itong si Michael Angelo ay
legal na anak. At kami ngang labing-anim na pinaghaha-hanap ang mga bastardo.

Kami ang bida. Kaming sixteen bastards, hindi kasali ang dalawa pang bastardo at
bastarda ng tatay namin dahil may bukod silang kuwento. Bale, solo namin ang Isla
Deogracia.

Ang ibig kong sabihin ay hati-hati kami sa mala-paraisong isla na 'to. Sabagay,
masyadong malaki itong isla para sa aming labing-anim.

Shet lang. Noon kasi ay pangarap ko lang na makarating sa Boracay pero wala akong
pamasahe. Akalain mo nga namang may sarili pala kaming isla? At di lang iyon, mas
maganda pa ng ilang ulit itong isla namin sa mga resort sa Palawan!

Napangisi ako. Nilingon ko si Hades na tahimik na nakatungo.

"'Tol."

Umangat ang mukha niya at nagtatanong na tumingin sa akin.

"Mamaya mag-swimming tayo, ha? Naka-trunks lang para lapitan tayo ng mga girls."
Bulong ko.

Kumunot ang noo niya.

"Saka may plano ka na ba sa mamanahin mo? Ako kasi meron na!"

Lalong kumunot ang noo ni Hades.

"Punta tayong Amerika! Treat ko!"

"Ha?"

Nakangising tinampal ko siya. "Oy, 'wag kang plastic. Alam kong excited ka! Ako rin
e, hindi pa ako nakakakita ng snow."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 2
Chapter 2

PINAGITNAAN ako ng dalawa kong kuya. Si Hades at Martin Luther.

"Wala ka bang ibang plano sa buhay? Iyong may kahulugan naman?"

"Kagaya ng?" Tumaas ang kilay ko kay ML. Masyado kasing mahaba ang Martin Luther.

Medyo na-miss ko siya, kasi matagal siyang nawala matapos niyang ma-engaged. Hindi
pa namin nami-meet iyong mapapangasawa niya, ang sabi-sabi kasi ay may sapi raw
iyon. Nananaksak. Kaya nga na-ospital si ML nong makalawa, sinaksak kasi ng tinidor
sa braso.

"Mag-pi-pitong taon ka na rito sa isla." Tumabi siya sa akin kasunod si Hades.

"I love this place!" Wika ko.

Ang ganda kaya rito sa Isla Deogracia, ito ang paraiso sa lupa. Maganda ang tanawin
at magaganda at mga sexy ang nakatanaw sa tanawin na madalas ay tinatanaw ko rin.

"Akala ko ba mas type mo sa Amerika?" Saad ni Hades.

Tiningnan ko siya. "Hindi kaya ng balat ko ang lamig. Saka Pinoy ako, sa puso't
diwa. Dito sa Pinas ang bayan ko."

"Very well said." Tumawa si ML, na bihirang mangyari. Para kasing laging pasan niya
ang mundo. Mag-asawa ka ba naman ng may sapi, eh.

"Hey, Joss. Sasabay ako kay Martin mamaya. Babalik ako sa Maynila sa Huwebes, would
you like to come with us?"

Come with them? Parang ang baboy yata non, ah? Napangiwi ako.

"Of course I'd like to cum!" Sabi ko. "Pero hindi ba awkward na kasama at sabay-
sabay tayo?"

Bumunghalit ng tawa si Hades samantalang nagsalubong naman ang mga kilay ni Martin
Luther.

"Come!" Sigaw niya sa akin. Namumula ang buong mukha niya.

Si Hades naman ay biglang sumeryoso, nakakahawa kasi

ang pagka-kill joy ni Martin Luther.

Tumawa ako. "'To si kuya di na mabiro. 'Wag kasing tigang."

"Diosdado!" Lalong sumimangot ang mukha ng lalaki.

Sumimangot din ako. "Ew, just call me Joss."

"Aalis na ang tutor mo sa makalawa." Pag-iiba ni Hades. "Wala ka na bang


kailangan?"

"Hindi ko naman kailangan ng tutor, nakaka-intindi na ako ng English plus magaling


ako sa Math. Saka iyong mga kilos pang-mayaman, yakang-yaka ko na iyon." Tumulis
ang nguso ko.
Umiling-iling si ML. "Joss, hindi isang safe zone itong isla, lalabas at lalabas ka
pa rin dito. Magtatayo ka rin ng sarili mong negosyo balang araw. Kailangan mo pa
ang tutor mo para mas marami ka pang matutunan lalo na sa iba pang bagay tungkol sa
corporate world. Pati sa pag-attend sa mga corporate parties na madalas nangyayari
rito sa isla."

"Hindi ko kailangang non." Tumayo ako at namulsa. "Mabubuhay ako nang masagana na
hindi mauubos ang perang minana ko. Isa pa, I am big help here in Isla Deogracia."

"Anong klaseng help naman 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hades.

Ngumisi ako at tiningnan ang apat na babaeng mga naka-bikini. Dumaan ito sa harapan
ng open cottage na kinaroroonan naming magkakapatid.

Kumindat ako sa kanila at naghagikhikan ang mga ito. Kumaway pa ang isa sa kanila
na parang foreigner ang itsura.

Sumunod naman ng tingin sina Hades sa tinitingnan ko.

"See those babes? Kaya sila bumabalik-balik dito dahil

sa akin."

"You're unbelievable." Paungol na reklamo ni ML.

Ngumisi lang ako at saka bumaba na. "See you around, brothers!"

Naiwan sina Martin Luther at Hades sa open

cottage.

"I can't wait na tumino ang isang iyan."

"Yeah, matindi pa siya kay Falcon." Sabi ni Hades saka sumandal sa upuang rattan.

"Right man."

...

AMERA

AMERA's watch of never-ending love.

I smiled bitterly as I look at the big billboard in front of me.

Amera's watch. It was a gold elite watch. Sinadyang ipinangalan sa akin.

It was my last endorsement this year.

Unti-unting nawala ang mga nag-aalok sa akin ng guestings at endorsements. Kung may
natira man ay mga talk shows na lang o press con na pinipilit akong magsalita para
sa huli ay husgahan din ng taong bayan. At iilang nabinbing mga projects.

Heck, I'm effing tired of showbiz and paparazzis.


"Ms. Amera?"

Bumaling ako sa payat na lalaking naghihintay sa akin. It was Mang Jude, my


personal driver.

"Alright." I smiled at him. I took a last quick glance at the billboard before I
turn my back at it.

Inalalayan ako ni Mang Jude pasakay sa itim kong SUV.

"Let's go now." Saad ko sa kanya ng makalulan na rin ito sa driver's seat.

"Diretso na po sa airpot, Ms. Amera?"

"Yeah."

I need this vacation so badly. Kung hindi ngayon ay baka hindi ko na kayanin at
mamatay na lang ako sa suffocation.

Masyado na akong stressed sa mga nangyayari, at wala ako sa mood na humarap sa mga
press para magpaliwanag. Ayaw kong magsinungaling sa mga tao kaya hahayaan ko na
lang sila na husgahan ako, after all ay totoo naman ang kumakalat na sex video
scandal ko.

Wala akong dapat itanggi. Sawa na ako sa pagma-malinis.

The only thing I want now is to escape the reality. People can call it cowardice
but I really don't care.

Isang lugar lang ang naiisip kong magiging perpekto sa plano kong tahimik na
pamamahinga.

Isang lugar na may maganda at nakakapayapa ng loob na tanawin. Isang paraiso.

Isang kanlungan.

At doon ngayon ang punta ko. Hoping to find peace in that lovely place...

sa Isla Deogracia.

JAMILLEFUMAH

=================

Chapter 3

Chapter 3

IBINATO ko ang remote sa sofa.

Anong klaseng balita iyon? Hindi naman yata totoo iyon. Buntis? Hindi. Hindi ko pa
siya binubuntis! Masyadong atat naman ang media. Kaurat!

"Anong problema mo, Potpot?"

Umungol ang golden retriever na bigay sa akin ni Martin Luther. Apat na buwan na sa
akin si Potpot. Ang pangalan daw talaga nito ay Potter, pero mas type ko ang Potpot
lalo na at madalas niya akong paglinisin ng dumi niya.

Inirapan ko ang aso. "Wag mo akong tinitingnan ng ganyan, badtrip ako!"

"Kayo na nga lang ang magkasama niyang aso mo, inaaway mo pa." Napalingon ako sa
nagsalita.

Lumabas ang isang sexy at nakangising babae mula sa kuwarto ko. Nakasuot siya ng
itim na hapit na bestida at nakalugay ang mahaba at alon-along buhok.

"Bakit ba badtrip ka?" Kumekendeng siyang lumapit sa akin. Tumingin siya sa TV.
"Oh, ba't pinatay mo iyong T.V?"

"Umalis ka muna, may gagawin ako." Iwas ko.

"Pero, honey..."

"Narinig mo ba ako? Sabi ko umalis ka, 'di ba?" Inis ko siyang nilayuan.

"Okay... but, babalik ako mamaya..."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Mami-miss kasi kita, honey..."

"'Wag ka ng babalik."

"Honey?" Lumabi siya. "Ikaw, binibiro mo na naman ako. Sige ka, baka seryosohin ko
iyan!"

Hindi ko siya pinansin pero lalo siyang yumapos sa akin. Gumapang ang isang kamay
niya hanggang sa pagitan ng mga hita ko.

"Mami-miss ako nito... hmn..." inamoy-amoy niya ang leeg ko.

"Ano ba? Bingi ka ba?" Hinawakan ko siya sa braso saka patulak na inilayo sa
katawan ko. "Kailangan ba uulitin ko lahat ng sinasabi ko para maintindihan

mo?!"

"Why are you so mad ba?"

"Nasan ba ang utak mo, ha? Napunta lahat sa dede mo?"

"Honey!" Nanlaki ang mga mata ni Guada.

Nagtagis ang mga ngipin ko sa asar.

"Ba't ka ba nagkakaganyan? You're so lambing naman kanina, sabi mo pa nga you love
my body!"

"Your body not you!" Asik ko.


"Joss!"

Binitiwan ko siya. Nahilot ko ang sentido ko.

"Ano bang problema mo? Napanood mo lang yung showbiz report tungkol don sa
pokpokitang Amera na iyon nagkaganyan ka na?! Why are you wasting your emotions at
that bitch?! She's not that pretty at di hamak namang mas malaki ang boobs ko sa
kanya."

"Anong sabi mo?" Nagpanting ang tainga.

Hinila ko sa balikat si Guada saka ko siya inalog.

"Putangina! Anong sabi mo?!"

"You're hurting me!" Napangiwi siya.

"Talagang masasaktan ka!"

"Ano bang problema mo?! Bitiwan mo ako!"

Pakaladkad ko siyang hinila patungo sa pinto palabas ng suite ko. Binuksan ko ang
lock saka ko siya itinulak.

"Labas!"

"Joss!"

"'Wag ka ng babalik dito kung ayaw mong tapyasin ko iyang dede mo!"

Binagsakan ko siya ng pinto.

"Tanginang babaeng iyon."

Tinadyakan ko ang sandals niyang naiwan. Hindi ko na pinansin ang kaka-doorbell ni


Guada, bahala siya mapagod. At bahala siyang bumalik sa suite niya nang nakapaa.

"At ikaw, Potpot? Bakit ang lagkit ng titig mo sa TV kanina?"

Umungol lang ulit ang aso at saka maamong tumungo. Huling-huli ko kanina eh, ang
lakit ng titig sa picture ni Amera sa TV. Lokong asong 'to ah, manyakis!

"Gusto mong katayin kita?!"

Doon na ito tumayo saka sumuksok sa

ilalim ng sofa.

Saka ko naalala, babae nga pala ang golden retriever na 'to. Shet.

..

AMERA

INAYOS ko ang suot kong malaking summer hat. Maiksi na rin ang buhok ko na halos
nagpabago sa image ko, wala na sigurong makakakilala sa akin nito.

"Ano bang pumasok sa utak mo at lumayas ka?"

"I'm tired, Mindy." Kausap ko sa manager ko. Lumabas ako ng hotel saka naglakad
patungo sa pinakamalaking resto sa isla.

"Nasaan ka? Tell me! Pupuntahan kita."

"No. Gusto ko muna sanang mapag-isa."

"Mapag-isa?! Are you out of your mind? Kapag ipinagpatuloy mo 'to ay talagang mag-
iisa ka na sa buhay mo! Mawawalan ka ng career!"

"I don't care." Tinatamad na sagot ko. Mas okay nga iyon, makalimutan na ako nang
tuluyan ng mga tao.

I want a new life, iyong tahimik. Parang dito sa isla. Tingin ko ay mas gusto ko na
nga talaga rito. Maaliwalas ang paligid, masarap ang simoy ng hangin at relaxing
ang view. Nakakawala ng stress at pakiramdam ko ay ang lapit-lapit ko sa nature.

Walang sinabi ang mga buildings na nakikita ko sa Manila sa ganda ng asul na


karagatan. God, bakit ngayon ko lang ba naisip na magpunta rito?

"Amera! What the hell?!" Nasira ng sigaw ni Mindy ang pangangarap ko.

Kumunot ang noo ko. "Please, Mindy. I really need this time. Hayaan mo muna akong
magpalamig."

"Please tell me kung nasaan ka? Kahit iyon lang, please? Para mapanatag ako. God!
Alam mo bang iniisip ng mga tao na buntis ka at nagtatago? You're all over the
news! Ayaw kong masira ang pinaghirapan mong pangalan. Gusto kong isalba ang career
mo sa

kabila ng mga intrigang kinasusuungan mo."

"I'll call you back." Tama na muna sa ngayon.

Ini-off ko na ang phone ko at ibinalik sa bulsa ng suot kong summer dress. Muli
kong inayos ang summer hat ko at saka isinuot ang malaki kong shades na color
orange.

Nakangiti sa akin ang mga foreigners na nakakasalubong ko. Maging ang mga tauhan sa
Isla ay masasaya. Sabagay, ang lakas makapagpa-goodvibes ng kapaligiran. Sino ang
sisimangot sa ganito kagandang paraiso?

Pumasok ako sa restaurant slash bar ng isla. Hapon na kaya medyo dumarami na ang
tao sa loob. Sa gitna ng resto ako dumeretso.

"Martini, please." Order ko sa bartender. Pampainit lang bago ako mamasyal. Isang
order lang naman iyon, hindi nama ganon kalakas ang cocktail kahit gawa sa gin.

Pinaglaro ko ang mga daliri ko sa makinis na mesa ng bar nang mapansin kong di pa
rin kumikilos ang bartender.

Namimilog ang mga mata nito saka ngumiti nang malawak. May hawig ang bartender sa
komedyanteng si Herbert Bautista na ngayon ay nasa politics na.

"Martini." Ulit ko.


Mabilis naman itong kumilos hanggang sa maiabot niya sa akin ang order ko.
Binayaran ko iyon agad at doon na rin ininom sa bar.

Palingon-lingon sa akin ang bartender hanggang sa di na nakatiis at bumalik sa


harapan ko.

"Miss kayo ba si Ms. Amera?"

"Ha?"

"Iyong artista po?"

"Ha? Ah, eh..." Nakilala niya pa rin ako?

Oh, what do I expect? Hindi naman tuluyang nagbago ang mukha ko. Buhok lang ang
nagbago. Hindi pa rin ako kayang itago ng malaki kong summer hat at big orange
shades.

At hindi ako malilimot agad ng

mga tao. Sikat pa ako nong isang buwan bago pumutok ang eskandalong kinasusuungan
ko. Kaliwa't-kanan pa ang mga endorsements ko mapa-TV commercials o billboards.

"Don't worry po, Ma'am." Mabilis na sabi ng bartender. "Pinagbawalan po kami ng


management na chikahin ang mga guests kahit artista ito. Sorry po, hindi ko lang
mapigilan. Idol na idol ko ho kasi kayo. Hindi rin po ako naniniwala sa chismis,
Ma'am. Hindi niyo magagawa iyon, naninira lang iyon. Kami po ng Nanay ko fan na fan
niyo, solid!"

"Salamat..." nakaramdam ako ng tuwa na kahit papaano ay may naniniwala pa pala sa


akin.

"Saka, Ma'am. Tama ang lugar na napili niyo, safe po kayo rito. Pribado po ang isla
na ito at bawal pumasok ang mga paparazzi at saka walang pakialaman ang mga tao
rito."

Tumango ako.

"Enjoy Isla Deogracia, Ms. Amera!"

Nang maubos ko na ang drinks ko ay nagpaalam na ako sa bartender. Somehow ay


nakagaan sa loob ko na makausap ko ito.

Pinaunlakan ko na rin siya ng autograph para sa Nanay niya. Saka hindi ko rin alam,
baka iyon na ang huling fan na magpapa-autograph sa akin.

Napabuntung-hininga ako.

Salamat na lang talaga at may lugar na ganito sa Pilipinas. Hindi ko na kailangang


mangibang-bansa.

Naglakad-lakad pa ako hanggang sa mapagpasyahan kong magyakap na lang. Masarap sa


paa ang pinong buhangin ng isla kaya hinubad ko ang ang suot kong sandals at
binitbit na lang iyon.

Sa gilid ng isla ay maraming cottages para sa mga guests na ayaw sa hotel, sana
pala ay doon na lang ako nagpa-book. Mukhang mas maganda roon lalo na sa mga
floating cottages. Naisip
ko na magpalipat doon bukas. Susulitin ko na ang bakasyon ko.

May mga batang lumapit sa akin sa beach para magbenta ng mga souvenirs, bumili ako
ng tig-iisa sa lahat sa kanila saka ako muling naglakad-lakad.

"Oh, God! Ang ganda!" Napahinto ako sa isang mini cottage sa tapat ng dalampasigan.
Mukhang simpleng kubo na malalaki ang bintana. Open na open ito.

Natatakpan ito ng malalaking tipak ng bato kaya hindi masyadong kita mula sa
malayo.

Open cottage iyon na may maliit na duyan sa loob. Maraming nakabitin na seashells
sa loob. Iba-iba ang kulay ng seashells at ang cute-cute tingnan ng panaka-nakang
pag-uga ng mga iyon dahil sa pag-ihip ng hangin. May mga pinunit na lambat pa ang
pininturahan ng makukulay na pinta saka ginawang disenyo sa loob.

Bukas ang maliit na pinto nito kaya pumasok na ako. Parang tambayan ng coastguard
na mukha ring pahingahan ng guests.

May maliit na salamin sa loob, may suklay din at bote ng gel. ang duyan ay
kakasyahan lang ng isang tao. Ang sahig naman ng mini cottage ay makintab at
mukhang alagang-alaga sa linis. Ngunit ang higit na nakapansin sa akin ay ang frame
na nasa tapat ng duyan.

Ang frame ay gawa sa kahoy. Ang nasa loob niyon ay parang ipininta gamit ang mga
daliri lamang. Hindi ko maintindihan kung abstract ba iyon pero ang napaka-creative
nang pagkakagawa. Sa baba ay may nakasulat na 'AJ', siguro ay initials ng artist na
gumawa ng painting.

"Ma'am, bawal ho diyan."

Muntik na akong mapalundag sa gulat nang may sumita sa akin mula sa labas ng
cottage.

"What? Why? I am a guest." Hindi ko alam kung tama ba iyong nasabi ko.

"Private cottage po kasi iyan, Ma'am."

"Private what?" Kung private eh, bakit nakabukas? Nakatiwang-wang at tila nang-
aakit ng guests ang cottage na ito?

"Nakalimutan ko lang ho isara kanina. Bawal po talaga diyan, Ma'am."

"Saglit lang naman, Manong. Baka puwedeng mag-selfie muna ako?"

"Hindi po talaga puwede. Private nga po kasi iyang Amera Cottage. Kay Sir Joss po
iyan, ayaw na ayaw niya pong may pumapasok na ibang tao riyan. Baka makagalitan po
kasi ako."

Napaawang ang mga labi ko. Amera's what?

So this cottage had the same name with me. Gaano ka-weird iyon? Hindi ako puwedeng
pumasok sa cottage na kapangalan ko.

JAMILLEFUMAH
@JFstories

=================

Chapter 4

Chapter 4

LITERAL na tumigil ang paghinga ko nang matanawan ang isang babaeng nakatayo sa
dalampasigan.

Malayo siya sa karamihan, tila sinasadyang mapalayo sa mga tao. Gustong mapag-isa.

Kumiling ang ulo ko habang nakatanaw sa kanya. Mabilis at malakas ang pintig ng
puso ko sa loob ng aking dibdib. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya nga iyon. Tama
nga ang hinala ko. Tama nga na isa ang Isla Deogracia sa maaari niyang pagtaguan sa
Pilipinas.

Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko saka nagsimulang humakbang patungo sa


kinatatayuan ng babaeng malayo ang tingin sa kadiliman ng gabi.

Muntik na akong mapahiyaw sa galak nang makalapit ako. Siya nga!.

"Tangina naman!" Di ko mapigilang bulalas.

Napalingon siya sa akin at kagyat na nagkunot-noo.

Kahit maiksi ang buhok niya ngayon ay tiyak kong siya nga si Amera! At napakaganda
niya!

"Putanginang buhay talaga 'pag sinu-suwerte ka nga naman, Diosdado! Dream come true
ka! Shet!"

Huminto ako sa mismong harapan niya saka pinagsawa ang paningin ko sa kanyang
magandang mukha. Ito ang unang beses na nakita ko siya sa malapitan. Gusto ko pang
maluha sa happiness.

Akala ko hanggang pantasya na lang ako. Akala ko hindi na mangyayari ang araw na
ito.

"Amera! Idol na idol kita. Lalo iyong FHM na ikaw ang cover, anak ng tokwa! Ang
sexy mo ron!"

Lalong kumunot ang noo niya. Nasa mga mata niya ang pagtatanong at pagkamangha.

Bumuka ang mapupula niyang mga labi. "Do I know you?"

"Ang ganda mo talaga!" Bulalas ko pa.

Kumibot ang bibig niya saka iginala ang mga mata sa kabuuhan

ko. Siguro ay naga-guwapuhan siya sa akin. Ngiting-ngiti ako habang hinahayaan


siyang hubaran ako ng tingin.

Pero hindi ko na matiis ang init ng mga mata niya. Masyadong malakas ang epekto ni
Amera sa akin, na-conscious ang mga ugat ko sa katawan. Pumalatak ako at saka
nagkamot ng ulo.

"Ano? Ang guwapo ba?! Approved? Bagay na bagay talaga tayo walang duda!"

Umawag ang mga labi niya. Lalo siyang nagmukhang diyosa sa paningin ko at baka
kapag hindi ako nakapagpigil ay mahalikan ko siya. Pero syempre ay iba siya sa mga
babaeng nakakasalamuha ko. Hindi siya ang klase na dapat na binibigla o minamadali.

Gusto ko sanang magkakilala pa kaming dalawa nang maayos. Gusto kong ma-in love
muna siya sa akin. Madali na lang iyon kasi hindi naman ako tipo na mahirap
gustuhin. Sa mga naiisip ko ay napangisi ako.

"Maganda ka, sikat 'tapos mayaman. Ako naman guwapo, macho 'tapos mayaman na rin.
Bagay na bagay na talaga! Pa-shake hands naman diyan!" Sabay abot ko ng kamay ko sa
kanya.

Ang titig niya ay mas bumigat. Naging kulay makopa ang buo niyang mukha.

Umiling siya at bahagyag umatras. "Hindi kita kilala. Please, just leave me alone."

Napangisi ako lalo. Imbes ma-offend dahil tinanggihan niya ako ay kabaliktaran ang
naramdaman ko. Hindi siya easy na klase ng babae.

"Ang taray mo pala!" Wika ko. "Sabi na nga ba at hindi totoo ang chismax na easy-
to-get ka! Shet! Mas naging hot ka! Mas nai-in love tuloy ako!"

"What?!" Namimilog ang magaganda niyang mga mata.

Tinitigan ko si Amera ng seryoso. "Ngayong bagay na tayo, asahan mo, hinding-hindi


kita tatantanan."

Hinuli

ko ang pulso niya at itinaas ang kanyang kamay. Hindi na siya nakapalag ng halikan
ko ang likuran ng kanyang palad.

"By the way, I'm Joss. Joss Deogracia. Ako nga pala ang magiging forever mo!" Sabi
ko sa kanya saka ako sumaludo.

Iniwan ko siyang tulala sa dalampasigan.

I mean it. Ngayong nasa teritoryo ko na siya, hindi ko siya hahayaang makawala sa
akin. Buburahin ko ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.

Isa sa mga araw na darating, magiging isa na ang mga damdamin namin.

Tiyak ko iyon.

Dahil ako si Diosdado Deogracia, hindi ako mahirap mahalin.

AMERA
SHOCKED pa rin ako habang pabalik ako sa Deogracia hotel.

Kung sino man ang lalaking iyon sa tabing dagat kanina ay sayang siya. May itsura
pa naman kaya lang parang may sayad.

Napailing ako. Hindi rin yata ako safe sa lugar na ito.

Nakakatakot. Nakilala niya ako. Hindi malabong katulad siya ng baliw na si Thad,
baka gawan niya ako ng hindi mabuti. May mga ganoong tao na kapag sobra ang
obsesyon sa isang bagay o iniidolo ay may tendency na maging baliw. Hindi naman
lahat ng fans ay ganoon, pero may mga ganoon nga, at nangyari na sa akin ang isang
patunay.

Just like Thad, isang male model na manliligaw ko.

God! Napahingal ako. Naninikip ang dibdib ko sa kaba. Ayaw ko na sanang isipin pa
si Thad pero heto at bumabalik sa alaala ko ang lalaking iyon.

Isang taong akala mo ay santo sa kabaitan subalit napakasama pala ng budhi.

Nag-ring ang cellphone ko kaya natigil ako sa paglalakad. Huminto ako sa gilid ng
hotel's lobby. Sa tabi ng malaking fountain kung saan maraming turista ang naka-
tambay.

Medyo malayo lang ng kaunti sa mga tao ang napili kong puwestuhan upang sagutin ang
tawag ni Mindy, my manager.

"Nakuha na ni Estelle ang project ng Fashion Elite!" Iyon ang agad na bungad niya
sa akin.

I bit my lip as I heard the news. "Well, great. Good for her."

"Amera!" Gulat na sigaw ni Mindy.

Estelle or Estelita Mariano. Isang baguhan at promising na artista. Maganda ito at


talentado. Mataas ang pangarap. Kung sakaling hindi pumutok ang video scandal namin
ni Thad ay ako pa rin siguro ang pinag-aagawan ng mga producers ngayon.

Pero nagbago na ang lahat dahil sa walang hiyang Thad na iyon. Ang lalaking iyon na
akala mo ay matino ngunit malaki pala ang pagnanasa sa akin, sukdulang sirain niya
ang buhay ko makuha lamang ang kanyang gusto.

"Galit na galit si Sandejas." Ani Mindy.

Napayuko ako. Ayaw ko na muna sanang isipin ang mga iniwanan kong problema. Gusto
ko na lang sanang magpahinga sa ngayon.

"Sampung milyon ang tinakasan mong kontrata kay Sandejas, Amera. Kailan mo ba balak
magpakita?!" Galit na ang tono ni Mindy. "Kapag hindi ka pa bumalik ay tuluyan nang
maaagaw ng ambisyosang cheap na Estelita na iyon ang trono mo! Aba baka maging
primetime queen pa ang bruha kapag umere na ang teleserye niya! Kaya please,
bumalik ka na!"

Malungkot akong napapikit. Sana kasi ganoon lang kadali na bumalik.

Ayaw na sa akin ng mga fans. Ano pa ba ang babalikan ko?

"Amera, please... ayusin mo ang career mo."


"I am very sorry, Mindy..." anas ko.

Pero sa ngayon, durog na durog na ako. Hindi ko na kayang balikan ang mundong
tinakasan ko. At least not now.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 5

Chapter 5

PALINGON-LINGON ako sa paligid. Natatakot ako na makita ulit ang lalaki kagabi.

Imbes na ang walang hiyang si Thad, si Estelle o ang manager kong si Mindy ang
gumugulo sa isip ko ngayon ay hindi. Hindi rin ang tuluyang pagkawala sa akin ng
'Fashion Elite' project ang ikinaba-balisa ko. At mas lalong hindi ang pagre-relax.

Ang hindi mawala-wala sa isip ko ngayon ay ang guwapo at maangas na mukha ng


lalaking nagngangalang Joss Deogracia.

Siya pala talaga ang isa sa may ari ng isla na ito. Hindi siya nagsi-sinungaling
dahil nalaman ko iyon mismo sa mga guwardiya ng hotel. Kilala nila si Joss, sa
pangalan at itsura.

So?

Napailing ako. Bakit ko ba pinagkakaabalahang alamin kung sino talaga siya? Wala
naman akong pakialam kung sino siya.

Medyo weird lang ang taong iyon kaya nag-worry ako. Baka kasi bigla na lang siyang
lumitaw at gumawa ng hindi maganda. Baka baliw. Baka psychopath nga.

Mabuti at hindi naman. Sayang kasi, may itsura iyong tao. Hindi lang basta may
itsura. Guwapo. Matikas, maganda ang katawan, parang hinulma nang perpekto at
walang kamalian.

Hindi normal sa mga nakakasalamuha ko iyong lalaking hindi maputi at pino kumilos
na parang de numero ang bawat galaw. Iyong tipong takot magkamali.

Joss was differend from other men. Hindi siya tulad ng mga kasamahan ko sa show
business.

His skin was tanned. Pantay ang kulay at kinis. Lalaking-lalaki.

Hindi rin ang uri na palaging ayos na ayos.

Magulo lagi ang buhok, pero in a way na mas nagmumukhang nang-aakit. Ang mga mata
niya ay tila bagong gising
o inaantok. Malalantik kasi ang mga pilik-mata, ang tanging nagpaa-amo sa mukhang
may pagka-pilyo.

Ang mapulang labi ay laging may nakahaing ngisi. Hindi lang basta ngiti kundi
ngisi. Dagdag pa ang matangos na ilong na talagang nagpapa-angas sa dating.

Parang iyong lalaking nakatayo sa dulo ng batong hagdanan papunta sa floating


cottage.

Maliwanag sa kinatatayuan ng lalaki kaya kitang-kita ko ang tila naaaliw nitong


pagngiti habang nakatingin din sa akin.

Nakatingin sa akin?!

Binundol ng kaba ang dibdib ko nang magsimula itong humakbang.

Nakasuot ang lalaki ng kulay orange na boardshorts at puting sando pang-itaas. Ang
mga balikat nito, braso at dibdib na sakto sa muscles, maging ang balahibuing binti
ay larawan ng isang lalaking matikas. Parang pang hero sa mga palabas, parang
leading man o matinee idol.

Gosh.

"Hi!" The man waved at me.

It's him! My heart hammered inside my chest.

"You again?!" Bulalas ko.

He laughed. "Destiny."

I shook my head in annoyance.

Kaya naman pala kamukha, kaya pala kahulma at kaya pala feeling ko siya, kasi siya
naman pala talaga!

Iyong mahangin na lalaki. Iyong maangas na sabing hindi ako tatantanan. Ang isa sa
may ari ng isla na ito.

Akala siguro ng lalaki ay porket mayaman at taglay ang kapangyarihan ng apelyidong


'Deogracia' ay maaari na niyang landiin ang lahat ng babaeng guests sa isla.

"Uy, uy! Saan ka pupunta?!" Dahil mahahaba ang bias ay madali siyang nakahabol sa
akin.

Agad na humarang sa harapan ko ang makulit na lalaki.

"Can you please leave me alone?"

Mataray na singhal ko sa kanya.

Ngumisi siya saka nagkamot ng batok. "Ito naman, KJ. Ngayon nga lang ulit tayo
nagkita, ganyan ka pa?"

Pinamewangan ko siya. "At anong gusto mong gawin ko, ha?! Batiin kita? Yakapin kita
nang mahigpit? Kumustahin na parang matagal ng kilala?"

"Pwede rin."
Hambog talaga!

Naglungkot-lungkutan ang hudas. "Ni hindi mo man lang ba ako na-miss? Kasi ako,
miss na miss na kita."

Miss?! Eh, kagabi lang binu-buwiset mo ako diyan! Miss agad! Gusto ko siyang
singhalan at kalmutin sa mukha, kung di lang sayang ang mukha niya.

Grabe, hindi ko akalaing makakaisip ako ng ganito kabayolenteng bagay laban sa


kapwa ko. He just unleashed the devil in me!

"Tara, ipapasyal kita."

"No need." Umingos ako.

"At bakit hindi? Maraming magagandang tanawin dito sa isla, lalo kapag gabi. Puwede
kitang i-tour, libre."

Itinulak ko siya sa dibdib saka nilagpasan. Muntik pa akong mapasinghap nang


lumapat ang mga palad ko sa matigas at mainit niyang dibdib.

"Uy!"

Patuloy sa paglalakad ang mga paa ko. Hindi ko na alam kung saan na patungo ang mga
hakbang ko, ang gusto ko lang ay mawala na sa paningin ko ang maangas na lalaki.

"Ako si Joss. Diosdado Deogracia. Joss for short."

"Nasabi mo na iyan kagabi."

"Pinapaalala ko lang, baka kasi makalimutan mo."

Inirapan ko siya. Sumabay siya ng lakad sa akin.

"Kumain ka na?"

"Oo." Tipid kong sagot.

"Kumusta ang araw mo?"

"Okay kanina, ngayon hindi na."

"Ay, mabuti na lang nandito ako. Pagagandahin ko ang mood mo."

Inis ko siyang hinarap.

"Don't you fuc king get it? You're the reason kaya hindi ako okay ngayon.
Naaangasan ako sa'yo. Wag mong isipin na papatulan kita, okay? Nandito ako para mag
relax at hindi makipag flirt!"

"Whoa!" Napataas sa ere ang mga kamay ni Joss.

Tumigil ako sa paglalakad ng makita kung nasaan na kami. Malayo na pala kami sa
ibang guests na nagtatampisaw sa dalampasigan. Nasa dulong bahagi na kami na medyo
tago. Iyong may malaking bato na nagsisilbing harang.

Nasa tapat na pala kami ng cute na cottage na pinanggi-gigilan kong i-explore.

Hindi ko pa halos makilala ang cottage dahil hindi ko kita ang magandang loob niyon
ngayon.

Saradong-sarado kasi iyon. Madilim ang loob dahil walang liwanag sa bawat bintana.
Pero alam kong ito nga iyon. It was the Amera Cottage na weird na kapangalan ko pa.

"Ako ang may ari ng cottage na iyan."

Gulat akong napalingon kay Joss. Seryoso siya ron?

"Akala ko alam mo na." Nagkibit-balikat siya. "Nakuwento sa akin ng isang


coastguard na napagawi ka raw rito."

"You named it after me?" Namilog ang mga mata ko. Gusto kong pagsisihan ang tanong,
baka kasi mali ako, baka masyado lang akong assuming.

But the guy nodded his head. "Yes."

"What? Why?" Naguguluhang tanong ko.

"Gusto mo bang pumasok sa loob?" Sa halip ay sagot niya.

"Bakit Amera ang ipinangalan mo sa cottage na iyan?!" Nanlalaki ang mga matang
pasinghal na tanong ko sa kanya.

"Dahil mahal kita." Walang gatol na sagot ni Joss.

"What?!"

"Hey, 'wag mong isipin nababaliw ako, okay?"

Tumaas ang kilay ko. "Okay... so, you're a fan?"

"Hindi

lang basta fan. Halika na sa loob." Akma niya akong aakbyan pero umiwas ako.

Tiningnan ko siya nang masama.

He chuckled which sounded very sexy. At nakakainis kasi nase-sexihan ako!

"Tara?"

Hindi ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Uy, mabait ako. Wag kang matakot sa akin."

Hindi pa rin ako kumikilos.

Ngumisi ang lalaki saka inilapit ang mukha sa akin. "Mukha ba akong rapist?"

Pinagmasdan ko ang mukha ni Joss. Guwapo. Hindi nga lang maamo. Mukhang bastos pero
mukha rin namang maginoo. Guwapo ulit.

Capable nga ba talaga siyang gumawa ng masama?

Mayaman siya, may angas at iyon nga, guwapo ang lalaki. Pero wala naman sa itsura
makikita ang ganoon. Hindi pa rin dapat pagkatiwalaan lalo na't hindi ko siya lubos
na kilala. Isa pa rin siyang estranghero.
Iyon ngang kilalang-kilala ay puwede pa ring makagawa ng hindi maganda, what more
na lang ang hindi kakilala.

And to think na ipinangalan niya sa akin ang cottage na ito? At iyong sinasabi
niyang mahal niya ako? That's so weird.

What if isa pala siyang baliw na fan? May mga ganoong klase. Iyong kayang patayin
ang idolo nila o gawan ng masama... just like what Thad did to me.

"Era..." malambing na pukaw niya sa akin.

Naningkit ang mga mata ko. "What did you call me?"

Muling ngumisi ang lalaki. Tila hindi nangangalay sa kakangisi. "Era, ang ganda, di
ba?"

"It's Amera." Mariing pagtatama ko. Walang tumatawag sa akin ng 'Era', and God, ang
weird ng pakiramdam!

Naghimas ng baba si Joss saka hinagod nang malagkit na tingin ang kabuuhan ko. Pero
sa halip na mabastusan ay parang kinuryente ang pakiramdam ko. Nakakailang ngunit
hindi nakakatakot.

"Please, stop calling me 'Era'."

"Marami na kasing tumatawag sa'yo nang Amera, gusto ko lang maiba. So, Era?"

"Kahit na... hindi ako sanay na hindi ganoon ang tawag sa akin!"

"Pwes, umpisahan mo ng masanay na ganoon ang tawag ko sa'yo." Walang ano mang sabi
niya.

God! Mukhang baliw nga talaga!

Nagulat ako nang bigla niyang hulihin ang pulso ko. Daig ko pa dumikit sa basang
wire na may ground. Ang init ng malaking palad ni Joss ay mabilis na tumulay mula
sa pulso ko hanggang sa lahat ng ugat sa aking katawan.

"What the hell are you doing?" Nakangangang tanong ko nang hilahin niya ako.

"Don't worry, okay? Hindi kita gagahasain, promise!"

Wala na akong nagawa nang tuluyan niya na akong ipasok sa loob ng madilim na
cottage.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 6

Chapter 6
NANG nasa tapat na kami ng pintuan ng cottage ay may dinukot sa loob ng bulsa niya
si Joss. Gamit ang isang kamay ay inilabas niya ang bungkos ng mga susi. Cool na
cool lang siya habang pinipili ang tamang susi.

Nabuksan ni Joss ang pinto gamit ang isang kamay lang. Hindi niya talaga binitiwan
ang kamay ko na para bang tatakbuhan ko siya.

"Pasok ka." Binuhay niya ang ilaw sa pamamagitan ng switch sa tabi ng pinto.

Ang bumukas ay ang isang may kalakihang lamp sa gitna ng cottage. Parang tagpi-
tagping makukulay na pambalot ng pastillas. Nagdulot iyon ng iba-ibang kulay sa
paligid. Asul, dilaw, berde at pula.

Na-amazed ako sa itsura ng cottage kapag gabi at bukas ang ilaw na ganito. Ang
cozy, ang magical at ang romantiko.

Binitawan ni Joss ang kamay ko saka niya inisa-isang nilapitan ang malalaking
bintanang Capiz upang buksan. Lahat ay binuksan niya, wala siyang itinira. Agad na
pumasok ang malamig na hanging pang gabi mula sa mga bukas na bintana.

Napangiti ako at muling iginala ang paningin sa paligid.

Mas maganda nga pala talaga sa loob ng cottage. Iyong walang nagbabawal sa'yo na
pumasok ay pagsawain ang iyong mga mata sa pagmamasid sa bawat sulok.

Dahil sa hangin mula sa labas ay gumalaw ang mga nakasabit na makukulay na sigay.
Lumikha iyon ng magandang tunog na parang musika na mula sa karagatan.

Ang cute na duyan na napapalibutan ng seashells ay mas matingkad ngayon dahil sa


ilaw na mula sa nakasabit na lamp. Mas maganda ang cottage kapag gabi. At dahil
binuksan ni Joss ang malalaking capiz na bintana ay tagos-tagusan ang liwanag ng
buwan papasok

sa loob.

Ang mga sigay na disenyo sa paligid ay may kanya-kanyang kulay. Parang may magic na
sumasabay sa liwanag ng colorful lamp at ng buwan.

Huminto ang paningin ko sa kuwadradong painting sa dingding. Iyong tila abstract.


Ang painting na may nakalagay na 'AJ'.

"Nagustuhan mo ba? Ako ang gumawa niyan."

Napalingon ako kay Joss na nakatingin pala sa akin. "'A' stands for me- I mean,
Amera?"

Ngumiti nang simpatiko ang lalaki. "At 'J' ay ako."

"Bakit?"

"Dahil mahal kita." Sagot niya.

Napangiti na ako. "Palabiro ka, Joss."

"Minsan lang ako magbiro."


Pinilit kong tumawa kahit naiilang na ako. "Gaya ngayon?"

"Hindi ako nagbibiro ngayon." Seryoso na ang mukha niya nang lingunin ko siya, at
aaminin ko, biglang nag-iba ang tibok ng puso ko.

"Ha?"

Humakbang siya palapit. "Hindi ako nagbibiro kapag kasama ka."

Napalunok ako at tumingin sa pinto. "Ah, labas na tayo." Mabilis akong tumalikod at
humakbang. Bigla kasi ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.

"Era!" Pigil niya sa braso ko.

Ipinagpag ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka ko siya tinapunan ng matalim
na tingin. "Ano ba?!"

"Era..."

Napupunong tiningala ko ang mukha niya dahil magkalapit na kami. At gusto kong
pagsisihan iyon dahil sobrang lapit nga pala namin. Halos mauntog na tuloy ako sa
mapula niyang mga labi. At hindi ako handa na saluhin ang matiim na tingin ng mga
mata niya. Para akong malulunod.

"Era..." he repeated, huskily.

Pinilit kong kumalma. "Wag mo nga sabi akong tatawagin ng ganyan. It's Amera not
Era!"

"Hindi...

mas gusto kong tawagin kang 'Era', para palagi mo akong maalala... kasi ako lang
ang tatawag nang ganoon sa'yo..."

"Joss..."

Lalo niya pang inilapit ang mukha sa akin kaya tumatama na sa mukha ko ang mainit
at mabango niyang hininga.

Ngumiti si Joss, lumitaw ang pantay at maputi niyang mga ngipin. "O kaya naman,
'baby'."

Itinulak ko siya. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya at sa nararamdaman ko!


"Bitiwan mo nga ako! You're creeping me out!"

Pero lalo lang siyang lumapit sa akin. Bawat paglayo ko ay paglapit niya. Nanigas
ako nang idikit niya ang kanyang matangos ilong sa buhok ko saka suminghot-singhot.

"Ang bango mo..."

"Ano ba..." kulang sa lakas at tapang na sita ko sa kanya.

Hanggang sa namalayan kong hinahaplos niya na ang pisngi ko. Ang mainit niyang
palad ay nasa balat ko na at naghahatid ng nakakakiliting kilabot.

"Era, hindi ko akalaing makakalapit ako sa'yo nang ganito." Anas niya sa punong-
tainga ko.

Napapikit ako. Sa sobrang lapit namin ay halos marinig ko na ang pintig ng puso
niya.

"Era, matagal na kitang gusto. Kahit nong mahirap palang ako... palagi kong
pinapanood ang mga shows mo. Kahit may inaayos akong sasakyan sa talyer, kahit rush
iyon, titigil ako kapag simula na ang palabas mo sa TV."

Ang mainit niyang labi ay pumalit sa kanyang palad sa aking pisngi. Marahan, may
pagsuyo at pag-iingat na dinadama ang balat ko.

"Ang mga diyaryo, magazine o kahit kalendaryo... basta nandoon ka, kinokolekta ko."

"You're crazy."

"Ganyan ba ang tingin mo sa mga fans mo? Baliw?"

Sa wakas ay nahanap

ko muli ang lakas at katinuan ko. Itinulak ko si Joss saka ako lumayo sa kanya.
"Bitiwan mo ako, babalik na ako sa hotel."

"Era..."

"Ano ba?!" Akma siyang lalapit ulit kaya inunat ko ang isang paa ko saka ipinukol
sa kanya.

Huli na ng marealize ko kung saang parte siya tinamaan ng tadyak ko.

"Ouch!" Ang kaninang cool na mukha ni Joss ay napalitan ng di matatawarang sakit.


Namula ang mukha niya hanggang sa leeg.

Nabigla rin naman ako. "Oh, God! I'm so sorry!"

"Putanginga ang sakit!" Sapu-sapo niya ang harapan habang namimilipit.

"Sorry- sorry! Ikaw kasi! Tinakot mo ako!" Nagpa-panic na paliwanag ko. "Para ka
kasing baliw, eh. Natatakot ako! Okay ka lang ba?!"

"Tangina, ang sakit! Pasalamat ka mahal kita! Argh!" Nagtatalon pa si Joss.

Ilang saglit siyang tumahimik habang nakatungo. Kinakabahan na ako habang


nakatingin sa kanya.

"Okay ka na ba?!"

Tumingala siya saka ngumiwi. "Mukha ba akong okay? Tinadyakan mo ang itlog ko!
Kasalanan mo kapag naging scrambled eggs 'to!"

"Sorry talaga..."

Umayos na siya ng tayo saka sumandal sa dingding ng cottage. "Sorry, may magagawa
ba ang sorry mo kapag nabaog ako? Paano tayo magkaka-anak?!"

Di ko na napigil ang pagngiti. Mukhang okay na siya.

Tumingin siya sa akin. "O, bat ngingiti-ngiti ka diyan? Nagpapa-cute ka lang para
di ako magalit sa'yo, eh."

"Galit ka ba sakin?" Hindi pa rin mabura ang ngiti sa mga labi ko.
Ngumiti na rin siya. "Pasalamat ka talaga, naku..."

"Okay ka na ba? Masakit pa?" Humakbang ako papunta sa kanya.

"Bakit kung masakit pa, hihilutin

mo ba?"

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "Bastos!"

Ang lakas ng tawa ni Joss.

Napangiti na ulit ako. Iyong tawa niya kasi, nakakadala.

At unti-unti na akong napapalagay sa presensiya niya. Hindi na ako takot. Parang


nasasabi ko na agad na okay naman pala si Joss. I know it't too early to say this,
pero mukhang mabuti naman siyang tao.

Nag-enjoy akong panoorin siya. Na hindi ko na namalayan kung gaano katagal. Hindi
na pala tumatawa si Joss bagkus ay nakatingin na lamang siya sa akin.

"Halika nga rito."

Napapitlag ako sa aking kinatatayuan. "Ha? Dito na lang ako."

"Halika... may ipapakita ako."

"Ano naman?" I pouted my lips.

Nakangiti siyang lumapit. Hinila niya ako papunta sa duyan. "Wag kang mag-alala,
safe ka." Nakatayo siya sa harapan ko.

"Eh, ano nga ang ipapakita mo?"

"Scrambled eggs."

"Joss!" Pinandilatan ko siya.

"Joke lang." Tumawa na naman ang kumag. Isa pa ito, mukhang masiyahin siyang tao.

Lumabi ako habang nakatingala sa kanya. "Akala ko ba hindi ka nagbibiro kapag


kasama ako?"

"Well, ngayon lang, he-he."

Pinaupo niya ako sa duyan saka may dinukot sa bulsa niya. Iyong bulsa niya na
mukhang maraming laman, parang kay Doraemon.

"Ano ba kasi iyon?" Hindi ko naitago ang excitement sa boses ko, nakakahiya.

"Here. Para sa'yo." Isang pulang kahita ang inabot niya sa akin. Sa tatak palang
niyon ay kinabahan na ako.

"A-ano iyan?" Tinanggap ko ang kahita saka tiningnan. Baka naman kahon lang pero
iba ang laman, sa isip-isip ko. Imposible naman kasi na bigyan niya ako ng-

"Singsing."

Putol niya sa pag-iisip ko.


Kasabay ng pagbukas ko ng kahita. Tumambad sa akin ang diamante na alam kong hindi
biro ang halaga. Alam kong tunay ito, maski ang white gold na singsing. Marunong
ako sa alahas at maging sa mga tatak, mamahalin ito at hindi ako puwedeng
magkamali.

"K-k-kaya nga... b-bakit mo ipinapakita sa akin ito?" Nauutal na tanong ko.

"Para sa'yo nga 'yan."

Umusok na ang ilong ko. Pinagti-tripan niya ba ako? "Seriously, Joss?! Bakit mo ako
bibigyan nito?!"

"Isuot mo kapag mahal mo na rin ako."

Napatanga ako.

"Nang yumaman ako, iyan ang una kong binili mula sa pamana sa'king pera ng yumaong
ama ko. Sabi ko, sa wakas, baka puwede na tayo. Balak ko sanang hanapin ka para
pormahan, kaya lang destiny na mismo ang nagdala sa'yo rito sa isla ko."

Mangha pa rin ako. Seryoso pala talaga siya?! Hindi pa rin ako makapaniwala.

"But why?" I managed to ask.

"'To naman, daming tanong."

"Pero..."

Hinila niya ulit ako sa kamay. "Halika na, hatid na kita sa hotel." Kinuha niya ang
kahita ng singsing sa kamay ko saka ipinasok sa bulsa ng suot kong summer dress.

"Joss..."

Pilyo siyang ngumisi. "Oh, gusto mong makasama pa ako rito? Bilis mo namang ma-in
love sa'kin, di mo man lang ako pinahirapan."

Natatawang hinampas ko siya sa balikat. "Yabang mo! Hindi iyon!"

"Eh, ano?"

"Hindi ko ito matatanggap." Tukoy ko sa singsing.

Dumilim ang mukha niya. "Sige, tapon mo na lang."

"Joss!"

"Kung di mo tatanggapin, sa basurahan mo na lang ilagay. Okay lang, four hundred


thousand pesos lang naman iyan."

Napamulagat

ako. "Oh! You're impossible!"

"And incredible!" Hinila niya na ako palabas ng cottage.

"Di mo ba isasara ang mga bintana?"

"Babalikan ko na lang mamaya."


"Ha?"

"Dito ako matutulog kasi galing ka rito. Mukhang masarap ang tulog ko ngayon dito
dahil sa alaala mo."

Hindi na ako nagsalita. Para akong manikang walang lakas na nagpapatangay sa kanya.
Na parang kontrolado niya ako.

Namalayan ko na lang na nasa hotel na kami. Ang mga guwardiya ay nakangiti sa amin
ni Joss. Sa loob ng elevator ay tahimik pa rin ako. Tinitimbang ko pa rin ang mga
nangyari.

Pinindot ni Joss ang numero ng floor ko. Hindi na ako nagtaka na alam niya iyon.
Lalo pa ng pagbaba namin ay alam niya rin ang numero ng mismong kuwarto ko. Mukhang
lahat ay alam niya na. Pero imbes na matakot ay parang mas gusto kong kiligin.
Nakakalito lang dahil hindi naman ako dating ganito.

Hindi ako ang mabilis kiligin dahil sa mga ganito. Marami na rin naman ang nanligaw
sa akin at halo i-stalk na ako, pero tanging ngayon lang kay Joss ako nakaramdam ng
ganito. Na para bang kilala ko na siya, tiwala na ako sa kanya at higit sa lahat
posible ring magustuhan ko siya.

Ngunit hindi iyon ang sadya ko rito sa isla. Hindi pag-ibig kundi pahinga. Pahinga
sa lahat ng mga nagpapasakit ng ulo ko. Gusto ko ng kapayapaan, at mukhang hindi
ganoon ang dala ng tila bagyo na si Joss sa buhay ko.

"Good night." He said.

"Goodnight." Mahinang saad ko. Binuksan ko ang pinto ng hotel room ko saka siya
tiningna muli.

"Era..."

"Ha?"

"Seryoso ako, ha."

"Ha?"

"Kapag sinuot mo ang singsing na iyan, ibig sabihin mahal mo na rin ako."

I swallowed. "Paano kung... kung hindi kita magawang mahalin?"

Tumamlay ang ngiti sa mga labi niya. "Itapon mo na lang iyan. Bahala ka na kung
anong gusto mong gawin sa singsing na iyan."

"Joss..." bakit ang sakit sa loob ko na makitang nasasaktan siya?

"Yeah?"

"B-bakit... bakit mo ako mahal?"

Ngiti lang ang sagot niya sa akin saka tumalikod na muli.

JAMILLEFUMAH
@JFstories

=================

Chapter 7

Chapter 7

MAGANDA ang gising ko kinabukasan. I glanced at my cellphone. Naunahan ko pa sa


pagising ang pagtunog ng alarm sa fone ko, hindi masakit ang ulo ko at hindi ako
tinatamad. Ang weird lang ng feeling.

Baka dahil kay Joss?

Napailing ako. Anong kinalaman niya sa maganda kong gising? Tinapik ko ang ulo ko,
kung anu-ano na naman ang pumapasok na kalokohan sa isip ko. Nadawit pa tuloy Joss
Deogracia na iyon.

Ayaw ko pa ring aminin sa sarili ko na baka nga nakaapekto sa mood ko ang makulit
na lalaking iyon.

Umalis ako sa kama at saka hinanap ang bathrobe ko, ipinatong ko iyon sa suot kong
pantulog.

Papasok na ako sa banyo ng tumunog ang doorbell. Sino naman kaya ang magdo-doorbell
dito sa kuwarto ko ng ganito kaaga?

"Good morning, Ma'am!"

Nakangiting mukha ng bellboy ang sumalubong sa akin sa pagbukas ko ng pinto. May


hawak itong isang tangkay ng pulang rosas na may nakataling laso na may maliit na
card.

"Kanino galing-"

Inabot ng bellboy ang rosas sa akin kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon.

Tumalikod na ang bellboy ng nasa akin na ang isang pirasong bulaklak. Mukhang
nagmamadali kaya hindi ko na hinabol.

May ideya ako kung kanino galing ito pero gusto ko pa ring makasigurado. Tiningnan
ko ang card.

'Para sa pinakamagandang babaeng naririto ngayon sa Isla Deogracia'

Mukhang siya nga ang nagpadala nito.

Nakakapagtaka lang, bakit isang piraso lang? Ang weird talaga ng lalaking iyon.

Bumalik ako sa kama. Hindi ko alam kung ilang minuto rin akong nakatitig sa pulang-
pulang
rosas sa harapan ko.

Naalimpungatan lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Isa lang naman ang tatawag
sa personal number ko ng ganito kaaga. Inabot ko iyon at dinala sa aking tainga.

"Hello, Mindy?"

"So, kailan mo ba balak bumalik? Alam mo na bang halos lulunin na ako ng buhay ni
Mr. Sandejas-"

"Babalik din ako, Min." Kung hindi ko puputulin ang pagsasalita niya ay di na ako
makakasingit.

Pinutol ko na rin ang tawag. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin kay Mindy.
Wala pa akong maipapangakong petsa kung kailan ako babalik, sapat na muna na masabi
ko sa kanyang may balak pa rin naman akong bumalik ng Maynila.

Muling tumunog ang doorbell.

Sino na naman kaya iyon?

Ganoon na lang ang pag-rigodon ng puso ko ng ang guwapo at preskong mukha ni Joss
ang mapagbuksan ko. Nakangiti ang lalaki habang bitbit ang isang pumpon ng pulang
rosas.

"Oh!"

"Hi!" Simpatikong bati niya sakin.

Napakurap ako. Mula sa kinatatayuan ko ay nalalanghap ko ang mabangong amoy ng


gamit niyang cologne. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko, malamang sabog-sabog
pa ang buhok ko at amoy kama pa ako. Worse baka may panis na laway at muta pa ako!

"Maganda ka pa rin kahit may bakat ng higaan ang mukha mo."

"What?!" Namilog ang mga mata ko. "A-ano nga palang ginagawa mo rito?"

Itinaas niya ang mga rosas. "Iaabot ko lang ito sa'yo. Baka kasi nalulungkot iyang
rose mo, mag-isa lang kasi siya. Kaya ito, dinala ko ang ibang kasama niya."

"P-para saan ba ito?" Shit. Bakit ako nauutal? At bakit ba parang mas gumuguwapo
ang lalaking ito sa bawat pagkikita

namin?

"Para sa'yo."

Para lang akong robot na tumango sa kanya. Tinanggap ko ang mga rosas mula sa kanya
habang nakatingala pa rin ako sa nakangiting mukha ni Joss Deogracia.

"May gagawin ka ba mamaya?" he asked.

Tumaas ang isang kilay ko. Is he going to ask me for a date?

"Siguro naman hindi ka na takot sa akin?" he asked again.

"Ha?"

"Wala naman akong ginawang masama sa'yo kagabi, di ba? Ikaw nga to diyang nanakit
sa akin. Remember? Muntik mo ng gawing scrambled eggs ang-"

"Oo wala akong gagawin mamaya!" Mabilis kong sabi bago pa kung anu-ano ang lumabas
sa bibig niya.

Lumawak ang ngiti niya. "Good. Babalikan kita after lunch." Sabi niya sabay
talikod.

"Wait! Joss!" Hahabol sana ako sa kanya pero ang bilis ng lakad ng hudyo!

"See you later, baby!" Ni hindi niya na ako nilingon pa. Dire-diretso siya sa
elevator hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"He's so impossible!" Napahingal na lang ako sa inis.

Ano ba iyong lalaking iyon?!

Pabalibag kong isinara ang pinto. Bumalik ako sa kama at inilapag doon ang mga
roses.

Tumulis ang nguso ko nang may ma-realize ako.

"Bakit after lunch? Hindi kaya kuripot siya kaya umiiwas na mapagastos ng
tanghalian?"

Bakit nga ba?

"Pero hello? He's a Deogracia! At walang Deogracia na walang pera!"

Maliban na lang kung talagang kuripot siya!

Tiningnan ko ulit ang mga bulaklak sa ibabaw ng kama ko. "At isa pa, mamahalin kaya
itong mga roses."

Hindi ako mapakali sa buong oras na paghihintay kong sumapit ang alas-dose. Para
lang akong tanga ng paroo't-parito

sa kuwarto ko. Naroon ang magsuklay ulit ako o tumingin sa salamin at tumingin sa
wallclock. Pero alas-dos na ay wala pa ring paramdam si Joss.

Nagsimula na akong makaramdam ng asar.

Ito ang unang beses na naghintay ako sa isang lalaki. Nakaka-trauma na tuloy. Kung
after lunch ay mahigit dalawang oras na siyang late!

Tumingin ulit ako sa orasang nasa dingding. Sakto namang tumunog ang doorbell.

"Hello, baby Era!" Nakangiting bati ng lalaking kanina ko pa china-chop-chop sa


isipan ko.

"After lunch ba sa'yo ang alas dos?!" Hindi ko na naitago at inis sa boses ko.
Pinamewangan ko siya.

"Sorry."

"First date 'tapos late?!" Huli na para ma-realize ko ang sinabi ko. Nanlaki ang
mga mata ko nang ngumisi ang loko.

Bumungisngis siya na para bang sobrang nakakatuwa ang sinabi ko. "Di bale, may next
pa naman. 'Tapos sisiguraduhin kong masusundan pa nang masusundan."

Hindi na ako kumibo.

"So, tara?"

"Ano pa nga ba!"

Nagmeryenda kami sa isang floating restaurant sa isla at pagkatapos ay naglakad-


lakad sa dalampasigan. Wala kaming kibuan, hindi rin ako nagtangka na mag-umpisang
magsalita.

Taong showbiz ako. At mortal sin sa akin ang pagiging 'late'. Nasanay na ako na
laging on time. At ang mokong na 'to ay mukhang masaya pa na na-late siya.

"Pasensiya ka na, ha?" Basag niya sa katahimikan.

Hindi ako nagsalita.

"Biglaan iyong meeting namin, hindi ako makatakas. Kasi ang daming utos ng mga kuya
ko. Apat na lang kasi kami rito sa isla ngayon na namamahala. Iyong iba kong
kapatid, busy sa kanya-kanyang negosyo."

Napatingin

ako sa kanya. "Ikaw ba? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?"

"Hmn, surfing? Iyon lang ang hilig ko sa ngayon."

Sumimangot ako. "I mean, negosyo?"

"Wala."

"So, itong isla lang talaga?" Huminto ako sa paglalakad. Huminto rin siya.

"Yup. Co-owner ako rito. Katulad ng iba ko pang kapatid. Bawal ibenta ang shares.
Puro lalaki kami na nagma-manage nitong isla, pamana samin ng tatay naming pogi."

"I see..."

"Well, naiisip ko rin namang magnegosyo ng sarili ko."

"Bakit di mo gawin?"

Namulsa si Joss at itinapon ang paningin sa karagatan. "Wala pa kasi akong naiisip
na paglalaanan ng pera ko. Kaya ayun, pinapatulog ko muna sa bangko."

"I see."

Narinig ko ang maiksi niyang pagtawa. "Puro 'I see' ah?"

"Wala kasi akong masabi." At naiinis pa rin kasi ako sa'yo, gusto ko sanang
idugtong.

"Ganon talaga. Kahit iyong ibang nakakasama kong mga babae, speechless 'pag katabi
ko na sila."

"Mahangin talaga dito." Napangiti na ako. Nakakainis talaga, bakit ba ang dali kong
mapangiti sa mga banat niya?
"Oo naman. Fresh air pa."

"Ewan ko sa'yo." Nagsimula na ulit akong lumakad pabalik sa hotel.

"Hoy, Era!"

"Sinabi ng wag mo akong tatawaging 'Era', di ba?"

Sumabay siya ng lakad sa akin.

"Bakit mo pala pinagupitan ang buhok mo, Era?"

"Trip ko lang. Bakit ang pangit ba?" Napahawi tuloy ako sa may kaiksian ko ng
buhok. Bigla tuloy akong naconscious.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Joss. "Actually kahit ano naman bagay sa'yo. Kahit nga
magpakalbo ka pa."

Hinila niya ako patungo sa batuhan bago makarating

sa hotel. "Dito muna tayo. Maaga pa, eh."

Hindi na rin ako nagpakipot. Sumama ako sa pagsampa sa mga batong nililok na
malalaking upuan. Kaunti lang mga turista ron at layu-layo pa ng puwesto. Umupo
kami ni Joss sa pinakadulong bahagi.

"Puwede bang magtanong?" Nilingon ko siya. Nakatingin na naman siya sa karagatan.

"Nagtatanong ka na." Wika niya na hindi tumitingin sakin.

Magaan ko siyang hinampas sa braso. "Tigilan mo nga iyang pagiging pilosopo mo."

"Okay, sorry na. Ano ba iyon?" Doon palang siya tumingin sa akin. At kagaya ng
palagi, nakangiti siya. Pati ang mga mata niya ay parang nakangiti. Parang wala
siyang kaproble-problema.

"Sabi mo kasi sa akin kagabi, nagtrabaho ka sa isang talyer?"

"Oo. Bakit?"

"Kaninong talyer? I mean, business niyo ba iyon?" Nacu-curious kasi ako at hindi ko
rin maintindihan kung bakit.

Bahagya siyang umiling. "Ah, hindi. Kay Ka Tonyo iyon. Kapitbahay ko dati. Marami
pa akong napasukang talyer. Mahal ko talaga ang mag-ayos ng sasakyan, eh."

"Ka Tonyo? Iyong Tony Vehicles?"

Tumawa siya saka nangalumbaba. "Hindi. Pang sosyal yata iyong sinasabi mo."

Parang gusto ko ring matawa sa sinabi ko. Hindi naman kasi talyer ang 'Tony
Vehicles'. Pero sikat iyon.

Nagulat ako nang dumukwang siya haplusin ang kabilang pisngi ko. "Ganto yan, Era.
Hindi naman kasi ako dating mayaman."

"Ha?" Kung sa sinabi niya o sa paghaplos niya sa mukha ko kaya ako napapa-tanga sa
kanya ngayon ay hindi ko alam. Basta biglang nagblangko ng ilang segundo ang utak
ko.

"Iyong nanay ko, ano, ano bang tawag don? Low profile.

Karaniwan lang ba! 'Tapos, nakursunadahan ni Don Crassus! Iyong tatay ko nga. Ayun,
ako ang bunga."

"Oh!"

"Eh, wala. Maganda nanay ko, eh. Kahit low profile, yayamanin naman ang itsura!
Kaya nagkaron sila ng relasyon ng tatay ko. Hindi na ako magmamalinis, kabit iyong
nanay ko. Kaya hindi ako agad kinilala ng tatay ko. Inilayo kasi ako ng nanay ko ng
malaman niyang hindi lang pala siya ang kabit ng tatay ko. Isang batalyon pala
sila."

"Oh!" Ipinilig ko ang ulo ko saka matipid na ngumiti. Pasimple rin akong umusod
kasi magkadikit na magkadikit na pala kami.

"Deogracia. Alam mo naman siguro. Iyong tatay ko, chickboy. Marami kaming hindi
lehitimong anak. Labing-anim nga kaming may ari nitong isla. Pakonswelo-de-bobo ni
erpat." Patuloy niya sa pagku-kuwento.

Tumango ako. "Sina Leony, Michael Angelo, Cloud Deogracia lang at Martin Luther ang
kilala ko sa mga Deogracia." Madalas ko kasing mabasa sa mga magazines ang pangalan
ng mga iyon.

Hinimas niya ang kanyang baba saka ngumisi. "Ah, iyong Leony kasi model. Hindi ko
ka-close iyon, masyadong suplada. Iyong Cloud naman, matagal na siyang kilalang
Deogracia plus pa na celebrity iyon. Sina kuya Martin Luther at Michael, mga
nakakatanda sa amin, kilala na sila kasi malalaking tao sila sa business industry."

"Oo nga..."

"Bale labing anim kaming huling ipinahanap. Kami-kami na pinamanahan ng isla na


ito. Mga huling Deogracia."

"Parang pang pelikula pala." Komento ko.

"Tsss."

Tiningnan ko siya nang matiim. "Thank you, Joss."

"Para saan?" Takang tanong niya.

Nginitian ko siya. "Kasi ipinagkatiwala mo sa akin ang kuwento ng buhay mo."

"Open book naman ang buhay namin. Lalo na ng chickboy naming tatay."

"Pero iba pa rin na ikinuwento mo sa akin. Pati mismong buhay mo."

Kinuha niya ang isang kamay ko saka marahang pinisil. "Wala naman akong dapat
ikahiya sa dati kong buhay. Wala naman akong inagrabyadong tao, maliban na lang na
sa lugar namin ay ako ang pinaka-guwapo. Ayun nga, may hinanakit sa akin iyong
ibang kalalakihan sa inalisan kong baranggay."

I just smiled at his joke.

"So, ikaw naman."


"Me?"

"Bakit ka narito sa Isla Deogracia, Era?" Bigla siyang sumeryoso. "Ano ang
dahilan?"

"Tara na sa isla." Tumayo ako mula sa batuhan. Biglang nagbago ang mood ko.

"Era..."

Nagpakawala ako nang malalim na buntung-hininga bago ko siya tingnan. "Joss..."

Nakatayo na rin pala siya at nakatitig sa akin. "Bakit ka nagtatago rito? Bakit mo
tinataguan ang limelight?"

"G-gusto ko lang mag-relax."

Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. "Iyong totoo?"

"Joss..."

Ikinibit niya ang mga balikat. "Okay, hindi na kita pipiliting magkuwento. Basta
anytime na maisip mong kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako."

"Salamat."

"You're welcome for life." Muli niyang kinuha ang kamay ko, pero this time ay para
alalayan akong makababa mula sa batuhan.

Hanggang makabalik kami sa hotel ay hindi na muli pang nagsalita si Joss sa tabi
ko, pero hindi na rin niya binitawan ang kamay ko.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 8

Chapter 8

NATATAWANG iniharang ko ang mga braso ko sa paparating na tubig. "Hey! Stop! Stop
it!"

Tumigil sa pagsaboy ng tubig-dagat sa akin si Joss. Nag-uunahan kami pabalik sa


puting buhanginan.

"Okay ka lang?" Tanong niya na nakangiti pa rin.

"Yeah!" Nakangiti ring sagot ko. God, ngayon na lang ako nag-enjoy ng ganito.

Para kaming mga batang naghaharutan kanina. Napaka-harot naman pala kasi ng
lalaking ito. Noong una ay hindi ako lumalaban kaya lang halos malunod na ako sa
kagaslawan niya, kaya sa huli nauwi kami sa pagbabasaan.

Natigilan ako nang makitang nakatitig sa akin si Joss. Noong wala pa kami sa tubig
at ganito rin niya ako tingnan. Naiilang akong umiwas ng tingin sa kanya.

Two piece color pink bikini ang suot ko samantalang siya ay itim na boardshorts.
Katulad niya sa akin ay napatanga rin ako sa kanya kanina. He was topless, for
heaven's sake! His six-packed abdomen and wide chest are perfect on his height.
Dagdag pa ang guwapong mukha niya, sino ang hindi mapapatanga?

Hindi ko lang alam kung ano ang impression niya sa akin. Kampante naman ako na okay
ang itsura ko, maliban na lang sa kung napapayatan na siya sa katawan ko. Ang laki
na kasi ipinayat ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa stress, nevertheless, the
sizes of my breasts never changed.

"Tara?" Yaya niya.

"San na naman? Ikaw, ang gala mo!"

Bago kami maligo sa dagat ay kung saan-saan pa ako dinala ni Joss. Pumunta kami sa
penthouse ng main hotel kung saan nandon ang tinutuluyan niya at ng mga kapatid
niya, mga tila dikit-dikit na pad na karugtong

ang last floor ng hotel. Halos bumagsak ang panga ko sa ganda ng lugar na iyon. Sa
paglabas mo kasi ng penthouse ay mistulan ka ng nasa bahaghari sa dami ng makukulay
na halaman.

Ginawang garden ang labas ng mga glass walls ay orchidarium and roses pavilion.
Marami ring nagagandahang paso at mga mesa at upuang kahoy na halatang libu-libo
ang halaga.

Matapos naming maglibot sa penthouse ay dinala naman ako ni Joss sa kabilang hotel
kung saan naroon ang VIP rooms, doon matatagpuan ang mga kuwarto ng ibang
Deogracia. Parang malaking mansion iyon at nakakalula ang mga disenyo. Sa mga
dingding naman ay mapapanganga ka dahil sikwenta porsyento ay gawa sa mother of
pearl.

Bago kami tumuloy sa dagat para magsurf ay humanga muna ako nang bongga sa kung
gaano kayaman ang mga Deogracia.

"Basta." Hinawakan niya ako sa kamay, at mukhang wala na naman akong choice kundi
sumama sa kanya.

"Hindi ba muna ako magbibihis?" tanong ko.

"Okay na iyan."

Sa kabilang dulo ng isla niya ako dinala. Maraming sasakyang pandagat doon at
karamihan ay luxurious yachts. Huminto kami sa isang yate.

"Sasakay tayo diyan?"

"Oo." Inalalayan niya ako paakyat sa loob. "Isa itong yate sa mga binili ko nong
yumaman na ako."

May isang crew doon na kinausap si Joss at pagkatapos ay iniwanan na rin kami.

"Where are we going ba kasi, Joss?" Bumaba siya sa loob ng yate at nang bumalik
siya at may dala na siyang puting bathrobe. Inabot niya iyon sa akin.

"Come."

Isinama niya ako sa engine room at pagkatapos ay tumuloy kami sa malaking salamin
kung saan kita ang karagatan.

Pumuwesto si Joss sa hem ng yate.

"Wow!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Nakalayo na kami sa Isla Deogracia.
Halos malula ako sa ganda ng itsura ng karagatan at puting buhanginan ng isla mula
malayo.

"Ang ganda ng isla. Ang ganda, Joss!"

Lumiko ang yate at bumilis ang andar nito. Nawili ako sa pagtingin sa paligid
hanggang sa unti-unti nang bumagal ang takbo ng sasakyang pandagat. Nasa Isla
Deogracia pa rin kami pero tila tagong bahagi.

"Nasaan tayo, Joss?" Nilingon ko siya.

"Nandito tayo sa likuran ng isla."

Unti-unting dumaong sa pinaka-pantalan ang yate. Iba ang lugar na ito sa harapan ng
isla. Mas tahimik at walang katao-tao rito.

Naghahalo ang berde at puti sa kabuuhan ng lupang binabaan namin. Maraming halaman
na at walang mga cottages. Nagkalat ang mga wild flowers and wild plants. May mga
mga maririnig ka ring mahihinang huni ng mga ibon mula sa kakahuyan.

Ngayon ko lang nakita ito. Para itong kapitak ng isang paraiso. Napakatahimik at
napakaganda ng paligid.

"May rest house dito?" Manghang tanong ko nang sa paglalakad namin ay may matanaw
akong bubong ng isang bahay.

Isang malaking bahay ang natanawan ko sa dulo. May mayayabong na puno sa palibot
nito. Ang bahay ay tila gawa sa kahoy at salamin. Kitang-kita mula sa labas ang
malaki at kulay gintong garbosang chandelier.

"Iyang bahay na iyan, pinasadya talaga iyan para sa amin. Kapag gusto mo ng
katahimikan, iyong malayo talaga sa mga guests ng isla."

"Oh gosh! Ang ganda rito." Parang batang bulalas ko.

"Tara sa Issa." Inakbayan niya ako.

"Issa?"

"Ang

pangalan ng bahay na iyan. Ipinangalan sa tunay na asawa ng daddy namin."

"Ah... si Donya Isadora Cline."

"Nagustuhan mo ba?"

"Ilan ang kuwarto diyan?" Tanong ko rin.


"Sampu."

Kaya pala napakalaki. Mukhang malawak pa sa pinaka-dulo iyon. Parang hindi lang
basta-basta rest house. Parang palasyo sa gitna ng kagubatan.

Pumasok kami sa kahoy na gate.

"Welcome to Issa Glass Mansion."

"Joss! This is so amazing!"

"Kung talagang gusto mong mag-relax, puwede rito."

"A-ayos lang ba na dinala mo ako rito? Baka magalit ang mga kapatid mo..." nag-
aalalang tanong ko.

"Isa ako sa may ari ng islang ito. Ibig sabihin, akin din ang bahay na ito."

"Thank you, Joss..."

"Gusto ko lang na makapag-relax ka nang maayos, Era."

"Thank you." Sobrang na-touched ako. Sa isipin pa lang na pinagkatiwalaan ako ni


Joss na dalahin sa sanctuario na ito. Ni hindi ko sure kung alam ng ibang guests na
may ganitong lugar sa Isla Deogracia.

Hindi lang ang kuwento ng buhay niya ang ipinagkatiwala niya sa akin. Pati na rin
ang magandang lugar na ito. The thought na pinag-isipan ko pa siya ng masama noon
ay parang gusto kong makonsensiya.

Mabait si Joss. Pinag-aaksayahan niya ako ng oras. Hindi naman siya ganoon ka-
pilyo, sa totoo lang ay maginoo pala siya. May pagka-makulit nga lang. At higit sa
lahat, hindi niya ako hinusgahan sa kabila ng marumi ko ng repustasyon. Ni hindi
niya ako pinipilit na magkuwento tungkol sa sarili ko o maging sa eskandalong
kinasangkutan ko kaya naririto ako.

"Puro ka na lang 'thank you' diyan." Wika niya.

"Ano

ba dapat?" Lumabi ako.

Hindi siya sumagot. Parang biglang may anghel na dumaan.

Natigilan din ako nang matigilan si Joss. Nakatitig lang din siya sa akin,
partikular sa mga labi ko. And his eyes never blinking.

"J-Joss?"

Ipinilig niya ang ulo. "Halika, ipapakita ko sa'yo ang magiging kuwarto mo."

"Joss!"

Huminto siya pero hindi lumingon sa akin.

"Era, hangga't maaari 'wag kang pa-cute!"

"What?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.


"Shit."

"Minumura mo ako?!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi!" Humarap siya sa akin. "Syempre, hindi! Tangina, hindi kita minumura!
Magagawa ba naman kitang murahin eh, putangina, mahal kita!"

Imbes na mainis ako sa kagarapalan ng bunganga niya ay nase-seksihan pa ako. Oh,


my! I'm being weird now.

"What, Joss?" lumapit ako sa kanya at napaurong naman siya palayo.

Kamuntik na akong matawa sa itsura niya. Nakakunot ang noo niya at namumula ang
buong mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

He let out a loud groan of frustration.

"Joss, bakit nga?" natatawa na talaga ako sa itsura niya. Para siyang maiihi na
ewan.

Lalong kumunot ang noo niya. Inis niya akong tiningnan. "Kasi ang cute-cute mo 'pag
ginaganyan mo ang labi mo. Ang hirap, eh!"

"Anong mahirap?"

Matagal siya bago nagsalita. "Kasi... natutukso akong halikan ka, Era."

There. Doon na nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Joss sighed. "Kalimutan mo na. Tara na sa taas."

"Joss..."

"Ano na naman?"

Lumunok muna ako. Pilit kong hinahanap sa isip ko ang sasabihin ko, nang bumukas
ang mga

labi ko ay maski ako nagulat sa nasabi ko. "It's okay..."

"Ano?"

Kimi akong ngumiti. "It's okay if you wanna kiss me."

"Ano?!" Napatanga siya sa akin. "Ano ba iyang sinasabi mo?"

Wala na rin akong balak bawiin iyon, I also want to kiss him. Biglang nawala ang
mga inhibisyon ko. Hindi ko alam kung saan napunta, pati utak ko hindi ko alam kung
saan nagagala ngayon. Ang tanging gusto ko lang ay pagbigyan ang sarili ko... I
want to feel Joss' lips on mine...

"Era..." hirap niyang salita. Para siyang kinakapos sa paghinga habang nakatingin
sa mukha ko.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Alam kong kulay kamatis na ako ngayon, but I
don't care. Nagsalita muli ako habang sinasalubong ang mga titig niya sa akin.
"Look, Joss, artista ako. Marami na akong nakahalikang lalaki. Isa pa, kaibigan na
ang turing ko sa'yo at may tiwala na ako sa'yo-"
"Tiwala?" Napaungol siya.

"Ayos lang sa akin na... halikan mo ako."

"Hindi mo alam kung ano ang hinihingi mo sa akin."

"Alam ko..." humakbang ulit ako palapit sa kanya. Inabot ko ang braso niya, ramdam
ko ang paninigas ng katawan ni Joss.

"Era..."

"C'mon..."

"Gusto mo 'to," napasabunot siya sa kanyang buhok. Ilang beses na bumaba-taas ang
Adam's apple ni Joss.

"Yeah, gusto ko. Kaya nga sinasabi ko na-" hindi ko na natapos ang pagsasalita.

Joss Deogracia shut my mouth with his mind-numbing kiss. Kumawala ang isang impit
na ungol mula sa akin, at dahil doon ay mas lumalim pa ang paghalik niya.

Namalayan ko na lang na wala na akong ibang kikilusan. Na salaming pader na ng rest


house ang nasa likuran ko at ang mga braso ni Joss ay parang hawla na nakaharang sa
tagiliran ko. Hindi na ako makakilos dahil mismong katawan niya ay binilanggo na
ako.

His mouth ravaging mine like he was eating me! And his tongue urged me to open my
lips so he could invade my mouth. Nagawa niya rin ang gusto niya dahil naging
alipin na ako ng mainit niyang paghalik sa akin.

Yes, it's true, marami ng lalaki ang humalik sa mga labi ko. Matagal na akong
artista, at hindi na mabilang sa mga daliri kung ilan ang mga nakapareha ko sa mga
pelikula at teleserye na pinagbidahan ko. Pero bakit iba ang dating ng halik na ito
ni Joss? Bakit kakaiba? His kiss was heavenly.

Bakit nalulunod ako? Nalulunod ako sa init, sa tamis at sa pagkasabik. Hindi ko


maintindihan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hanggang sa tinutugon ko na rin ang
bawat pagalaw ng mga labi niya at ang pagkiskis ng katawan niya sa akin. I could
almost feel his hard thing there between his thighs.

"Damn, Joss..." I rasped when he pulled away.

Namumungay ang mga mata naming dalawa. Ipinatong niya ang noo sa noo ko at
ikinulong ang mukha ko sa mainit niyang mga palad. Ang mainit niyang hininga ay
nasa tapat pa rin ng bibig ko.

"Joss..."

"Putanginang labi iyan, ang sarap..."

Bumaba ang isang kamay ni Joss sa balakang ko at marahang pumisil doon.

"Umakyat ka na sa taas, Era. Go, habang nakakapagpigil pa ako."

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "M-mabuti pa nga..."

JAMILLEFUMAH
@JFstories

=================

Chapter 9

Chapter 9

MATAPOS ang unang gabi sa glass mansion sa kabilang bahagi ng isla ay dinala naman
ako ni Joss sa falls. Ilang lakad lang iyon mula sa likuran ng malaking rest house.
Isa raw ang malaking falls na iyon sa dahilan kaya sa bahaging ito ng malaking isla
itinayo ang glass mansion na ipinangalan pa kay Donya Isadora Cline Deogracia, ang
legal na asawa ng ama nila Joss.

Hindi na sila nag-abala pa na magpagawa ng pool para sa rest house, nariyan ang
bughaw na karagatan at ang nakakabighaning talon para sa gustong magtampisaw sa
tubig. Bahagyang tago ang talon pero madaling matagpuan kapag alam mo na ang daan.

"Oh my God! This is breath-taking!" Hindi ko napigilang humanga sa magandang


tanawin na bumulaga sa akin.

Malaking talon na napakalinaw. Ang ilog naman ay parang kristal na kumikinang dahil
sa tama ng araw mula sa itaas. Hindi man buong ilong ay naaarawan pero maliwanag
naman ang paligid. Bitbit ang tig isa naming tuwalya at basket ng pananghalian ay
dito na agad kami dumeretso ni Joss matapos naming mag-almusal.

Malalaki ang tipak ng bato ngunit hindi nakakatakot. Parang eksena sa paraiso ang
malayang pag-agos ng tubig sa talon, ang mabining pag-alon ng ilog, ang huni ng mga
ibon at ang pagalaw ng mga puno at halaman. Ang lilim na sapat para hindi maging
mainit ang paligid.

"Walang binago sa mga iyan. Iyan pa rin iyan, natural na kalikasan. Mula sa mga
lumot, bato at mga halaman sa paligid."

"Ang ganda, Joss!" Lingon ko sa kanya. Ibinababa niya na ang dalang basket.

"Tara? Ligo na?"

"Oo ba!" Hinubad ko ang suot kong hanggang

tuhod na dress. Sa loob niyon ay ang pares ng royal blue bikini.

Ang guest room na tinuluyan ko kagabi sa rest house ay may sadya ng mga damit
pambabae para sa kung sino mang guest na tutuloy doon. Ang karamihan sa mga damit
sa closet ay may mga tag pa kaya tiyak na bago, ang iba naman ay nilabhan na siguro
ngunit bago pa rin at wala pang nagsu-suot. Sabi sakin ni Joss ay okay lang na
gamitin ko ang alin man doon.

"Ano?" Sita ko sa kanya. Hindi pa rin kasi kumikilos si Joss. Naka-pamewang siya
habang nakatingin sa ilog.
"Mauna ka na." Sagot niya na di pa rin tumitingin sa akin.

"Nge, ano iyon? Nilalamig ka, noh?" Tudyo ko sa kanya.

Ngumiti siya saka umiling. "Sige, lusong na. Walang ahas at buwaya diyan."

"Bahala ka." Bumaba ako sa batuhan, kung ayaw niya pang maligo eh, di bahala siyang
mainggit. Ang sarap yatang maligo.

"Dahan-dahan ka."

"Opo, Lolo." Kinawayan ko siya nang tuluyan na akong lumubog sa tubig. "Ay! Ang
lamig! Parang may yelo!" Napahagikhik pa ako habang lumalangoy. This is the best!
Mas maganda at masarap maligo rito kumpara sa mga magagandang beach na napuntahan
ko na.

Pabalik-balik ako sa paglangoy hanggang sa mag-floating na ako pero hindi pa rin


lumulusong si Joss. Tuwang-tuwa ako sa tubig, naroon ang sumahod pa ako sa talon at
sumisid sa ilalim.

"Hoy?!" Umahon ako matapos ang ilang minuto ng pagso-solo.

Nakatayo pa rin si Joss sa batuhan habang seryoso ng nakatingin sa akin.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Nakakatuwa ka lang kasing panoorin." Sagot niya na seryoso pa rin. "Para kang
sirena slash diyosa."

Sinimangutan

ko siya, medyo sanay na rin ako na gandang-ganda siya sa akin. Hindi ko alam kung
minsan ba ay binobola niya na lang ako o ano, pero sa loob-loob ko ay kinikilig
ako. Hindi ko maawat ang sarili ko na makaramdam ng kasiyahan tuwing pinupuri niya
ako.

"Sige na langoy ka pa."

Inirapan ko siya. "Tse! Kaya siguro ayaw mong lumusong kasi binobosohan mo ako!"
Biro lang naman iyon pero mukhang sineryoso ng loko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Joss at nag-isang linya ang manipis na mga labi.

"Joke lang, uy!" Binato ko siya ng sinalok kong tubig sa mga palad ko. "Come! Join
me here na kasi!"

"Mamaya na." Naupo na si Joss sa batuhan. Nakabuka ang mga hita niya habang
nakapatong ang magkabilang siko sa mga tuhod.

"Ang kill joy mo. Sige na, langoy na tayo, Joss!"

"Mayamaya na ako, Era."

"Di ka mag-e-enjoy sa kakatingin lang sa akin, hmp." Sumisid na ulit ako. Kahit pa
alam kong useless lang na magtago ako sa ilalim ng ilog, sa linaw ng tubig ay
kitang-kita pa rin naman ako ni Joss.

Nang biglang umalon ang ilog, iyon pala ay nag-dive na siya. Pag-ahon ko ay nakita
kong naglalangoy na rin si Joss. Hubad-baro na ang lalaki. Ang tanging suot ay
isang kulay abong brief na may tatak na Calvin Klein. Para siyang isang Adonis ng
kagubatan na naglulunoy sa tubig ng talon.

Nang huminto si Joss ay nakangiti ang mukha niya nang humarap sa akin. Malayo lang
siya ng isang dipa mula sa kinaroroonan ko. Tumutulo ang tubig mula sa basa niyang
buhok patungo sa matangos na ilong, pisngi at mga labing lalong naging mapupula
dahil sa tubig. Basa ang leeg, ang malapad na balikat maging ang ibabaw ng matikas

na dibdib.

"Mas hot ako kapag wet." He said while looking at my lips.

Napalunok ako. Bakit siya nakatingin sa mga labi ko?

Bumilis ang paghinga ko at dumadagundong ang dibdib ko.

May lethal effect siya sa akin. Ikinaila ko iyon noong una. Pero hindi ko na maita-
tanggi iyon ngayon. Mas naging malinaw sa akin ng halikan niya ako kahapon.

At ngayon, nakatingin siya sa mga labi ko...

Get a grip, Amera! I scolded myself.

May gusto sa akin si Joss! Malamang na gusto niya akong halikan ulit! Baka nga
higit pa ron! Sa isiping iyon ay nagbago ang pakiramdam ko. Ang tila pananabik ay
nahaluan ng pangamba. Just like any other man, gagawin niya ang lahat para makuha
ang loob ko. Pag nakuha niya na ang loob ko, ano na ang kasunod? God-knows-what!

Pero ito at nakuha na nga ni Joss ang loob ko. Sumama na nga ako sa kanya sa parte
ng islang ito. Natulog kami sa iisang bubong. Sa kabila ng maraming pagkakataon ay
wala siyang ginawang masama. Hinalikan niya ako pero ako ang nag-utos sa kanya na
gawin iyon because I want to kiss him too.

Gusto niya ako. At nagugustuhan ko na rin siya.

"Era..."

Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Nakalapit na pala siya sa akin.

"Kung gaano kaganda 'tong lugar na ito... sampung ulit na higit ka pa."

"Mambobola ka." Sagot ko.

Ano ba talaga ang gusto ni Joss sa akin? Kung gusto niya akong gawan ng masama, ang
dami niyang pagkakataon pero hindi naman niya ginawa. Hindi niya ako sinamantala
kahit kailan. Hindi siya masama.

Kung hindi siya masama, ayos lang din kaya na magustuhan ko siya?

Damn it. Mukhang ganoon na nga ang

nangyayari.

"Tara na. Baka giniginaw ka na." Nakangiting yaya niya.

Tumango ako at saka nagpatiuna ng umahon sa ilog. Ibinalabal ko sa katawan ko ang


baon kong tuwalya. Sumunod si Joss sa batuhan. Binuksan niya ang dala naming basket
saka inilabas ang niluto niyang hotdogs, friedchicken at kanin. Inilabas niya ang
mga styro plates at mga kubyertos na plastik saka sinimulang lagyan ako ng pagkain
sa plato.

"Kain na, papatabain kita." Nakangising yaya niya.

Ngiti lang ang naisagot ko. Hindi na kami gumamit ng kutsara, ibinalik din namin
iyon sa basket dahil pauso si Joss, magkamay na lang daw kami. Sa ibabaw ng batuhan
ay binusog namin ang aming mga sarili sa dala naming lunch. Picnik sa tabi ng
talon. Ako naman ay siyang-siya na pinagmamasdan ang walang arteng pagkain ni Joss.

It felt like everything stopped moving as I stare at him. Imbes sa katawan ay


nakapandong sa ulo ni Joss ang tuwalya. Nakaladlad ang katawan niya sa paningin ko.
Kahit nakaupo ay wala siyang katiyan-tiyan. He had a perfect washboard abdomen.
Lalaking-lalaki ang dating. Masibang kumain pero sakto at maganda ang katawan.

And funny because he's still handsome even while his mouth was full with food.
Aware kaya siya na kahit ngumunguya at puno ng kanin ang bibig ay guwapo siya? Ang
cute lang niyang panoorin. He looked like a playful god with bronze skin. Moreno na
mamula-mula ang kutis niya.

"Uy, wag mo naman akong tingnan ng ganyan."

Naputol ang pagmamasid ko sa kanya nang mapansing nakatingin na rin siya sa akin.

"Kung makatingin ka diyan, para kang mangungutang."

Natatawang hinampas ko siya ng binti. "Siraulo ka talaga!"

"Magsabi ka lang, papautangin naman kita kahit hindi mo ako tingnan ng ganyan, eh."

"Sira ka!"

"Sabihin mo, pinagnanasaan mo ako."

Nangingiti na lamang ako. Mayamaya ay tiningnan ko siya muli. "Thank you for
sharing this wonderful experience to me." Sinserong pasasalamat ko.

"You're welcome for life." Aniya sabay kindat. Sinandukan niya pa ulit ako ng
maubos na ang pagkaing laman ng hawak kong styro.

Pagkatapos kumain ay nauwi na kami sa pagha-harutan sa tubig. Hapon na ng bumalik


kami sa rest house.

Nagbanlaw lang ako at nagbihis, pagbaba ko sa kusina ay nalinis na ni Joss ang mga
pinagkainan namin sa falls. Nakapagbihis na rin ang lalaki at ngayon ay naghahanda
na para sa kakainin namin sa gabi. Maging ang tupperware na ginamit namin at basket
ay nahugasan at naitabi niya na rin. Nakapag-salang na rin siya ng kanin para sa
hapunan namin.

"Bilis mo ah..."

"Syempre, nagpapa-pogi ako sa'yo, eh." Sabay kindat niya. Naka-apron pa ang mokong
habang naga-gayat ng uulamin namin for dinner. "Ipapatikim ko naman ngayon sa'yo
ang 'Joss-caldereta'! Pag di ka pa ma-in love sa akin after mo matikman 'to, naku,
ewan ko na lang talaga!"

Paano ko nga ba hindi magugustuhan ang ganitong lalaki? Hindi siya mahirap
magustuhan. Ibang-iba siya sa lalaking akala ko ay siya. Hindi dahil maangas,
prangka, madaldal at pilyo si Joss... kundi dahil ramdam ng puso ko na totoong tao
talaga siya.
Ang sarap na naman ng tawa ko sa mga kalokohan niya habang pinapanood ko siyang
magluto sa kusina. I just realized that I never had a good time like this, ngayon
lang. Ngayon lang dahil si Joss ang kasama ko.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 10

Chapter 10

SA PAGOD ko sa pagliliwaliw sa kakahuyan ay di ko na namalayan ang oras. Alas-


kuwatro na ako ng hapon nagising. Maaga kasi kaming lumabas ni Joss kanina, sa
labas na naman kami nag-lunch. Doon sa kasukalan, sinamahan ko kasi si Joss na
manghuli ng baboy-ramo. Noong una takot na takot ako, pero mukhang sanay si Joss sa
mga ganoong ka-delikadong gawain kaya kahit paano ay nawala na ang kaba ko.

Magkatulong naming nilinis ang baboy saka iniluto sa ginawa niyang apoy. Dala ang
mga gamit at ilang ingredients ay nakaluto kami ng tanghalian. Panibagong karanasan
na naman sa akin. Para kaming nag-camping ng ilang oras sa pinaka-pusod ng Isla
Deogracia Ngunit pinagsabihan ako ni Joss na wag pupunta sa parteng iyon ng
kakahuyan ng nag-iisa. Delikado raw dahil may mga ligaw na hayop nga roon.

Lalabas sana ako ng silid para uminom ng tubig sa kitchen. Kakabukas ko lang ng
pinto nang mapatili ako sa gulat. Muntik na akong bumangga sa katawan ni Joss kung
hindi ako napaatras.

"Joss! Anong ginagawa mo rito?" Nasa tapat siya ng pinto ng kuwarto ko, saktong
pagbukas ko nito. "K-kanina ka pa ba?"

Nakatitig lang siya sa akin. Walang kakurap-kurap.

"Joss? Okay ka lang?"

Saka ko naalala ang ayos ko. Isang manipis na dress at wala pala akong suot na bra
dahil init na init ako kanina bago ako matulog. At bakat na bakat ang dulo ng
dibdib ko, at doon ko nakitang napatitig si Joss kanina!

"Damn..." anas ko nang makita ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. Hindi siya
santo at lalaki siya! At dalawa lang kami sa bahay na ito. I bit my lower lip.
"I... I'm sorry! Hapon na pala,

nawala ako sa sarili. Ang tagal kong nakatulog. Nakalimutan ko na narito ako sa
rest house niyo. Wait, magbibihis lang ako."

Pero hindi ako nakaalis dahil parang magnet ang mga mata ni Joss. "Kinakagat mo na
naman ang labi mo..."
"Joss... I..." umatras ako ng isa pero umabante naman siya.

"Hey... wag ka munang umalis."

Nagulat ako nang kuhanin niya ang isang kamay ko saka dalahin sa kanyang bibig.
Napaigtad ako ng sipsipin niya ang hintuturo ko habang hindi inihihiwalay ang
paningin sa mukha ko. Nag-aalab ang mga mata niya. He was looking at me as if he
was going to eat me whole.

"Joss..."

"Go..."

"Ha?"

"Sige na pala. Pumasok ka na ulit sa kuwarto mo..."

Napalunok ako.

"Hindi mo naman siguro gusto na lunukin kita."

"Ha?"

"Kainin, rather."

"Joss!"

Tila namimigat ang mga talukap ng mga mata niya habang sinasalubong ang paningin
ko. Tila inaarok ang kabuuhan ko at binabasa pati ang kaluluwa ko.

"Para kang bawal na pagkain... bawal pero masarap. Iniiwasan ko kasi bawal. Pero
gustong-gusto ko namang tikman. Gusto kong kainin. Gusto kong ipagdamot sa iba.
Gusto kong walang itira..."

"A-ano bang s-sinasabi mo?" nabubulol na tanong ko. Halos mabingi ako sa lakas ng
pintig ng puso ko.

"Pero bawal ka. Bawal dahil ayaw kong pilitin ka. Ayaw ko kasi mahal kita... hindi
ka kagaya nong ibang kinakain ko, puwede kahit kailan. Ikaw, iginagalang ko... kaya
iniiwasan ko... pero masakit. Masakit kasi natatakam ako..."

"Joss..."

"'Tapos tinatakam mo pa ako... Gusto ko tuloy isiping galit ka sa akin. Gusto mo


yata akong patayin, eh. Hindi mo alam kung gaano kahirap

maglaway sa pagkaing bawal."

He moved an inch closer to me. And I could almost feel his growing arousal against
the fabric of my dress.

"Era..."

"Joss... kung sakaling hindi na bawal..."

Ang mabilis niyang paghinga ay literal kong narinig na tumigil. Dumiin ang hawak
niya sa isang kamay ko.

"Masama akong biruin." He said to me.


I smiled at him. "Ikaw lang ang joker sa ating dalawa."

Bumitiw siya sa kamay ko saka tumalikod.

"Hindi ako nagbibiro, Joss..."

"Pasok na sa kuwarto. Wag ka na ulit lalabas ng walang bra, kundi gagahasain na


talaga kita."

Tatawa sana ako sa sinabi niya kung naiba lang ang pagkakataon. Kaya lang hindi ako
natatawa ngayon. My body was aching for his touch. Hindi ko alam pero biglang
naging hungkag ang pakiramdam ko ng nawala ang mainit na singaw ng katawan niya na
kanina'y halos nakadikit sa akin.

"Joss..." wala na akong pakialam kahit maging tunog desperada na ako.

Ito ang unang beses na gusto kong kumawala sa image na matagal ko ng pinanga-
ngatawanan kahit hindi na ganoon ang tingin sa akin ng mga tao. Kahit ngayon lang,
ayaw ko munang maging si Amera, iyong artistang feeling virgin kahit daan-daan na
ang naka-kissing scene sa mga teleserye at pelikula. Iyong Amera na hindi
nagpapaligaw off cam. Iyong babaeng feeling virgin at man-hater daw pero may sex
scandal naman.

"Joss... sandali."

Nang lumingon siya sa akin ay iba na ang reaksyon ng mukha ni Joss. Nakakalunod ang
nababasa kong pagnanasa at pagibig sa mga mata niya. Yes, I could see love in his
eyes. His burning passion and desire for me. He wasn't lying. Gusto

niya ako pero naroon ang pagpipigil kasi gusto niya akong irespeto. Nire-respeto
niya ako sa kabila ng pangit ko ng reputasyon.

Inilang hakbang ko ang pagitan namin saka ako na mismo ang umabot sa mga labi niya.
Nanigas ang buong katawan niya sa kapangahasan ko ngunit sa huli ay parang uhaw na
hayop na rin niyang ginaganti at hinihigitan pa ang paghalik ko sa kanya. Nakayapos
ako sa leeg niya at ang mala-bakal niyang mga braso naman ay halos mapitpit na ako
sa higpit ng pagkakayap niya.

Mas malalim sa halik na pinagsaluhan namin noong isang hapon. Mas mapaghanap ang
halik na ito. Iyong tipo ng halik na hindi puwedeng mahinto sa wala lang. Iyong
halik na maraming pangako na dapat matupad ngayon mismo. May tensyon na namumuo sa
puson ko sa bawat pagalugad ng dila niya sa loob ng bibig ko at pagdaiti ng palad
niya sa katawan ko.

Sumapo ang palad ni Joss sa balakang ko, naglakbay pataas sa likuran ko hanggang sa
gilid ng dibdib ko. Ang mga kamay ko naman ay naglalaro sa buhok niya at humahaplos
sa kanyang batok.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nagtagal ito ron hanggang sa bumaba sa isang
balikat ko. Humahagod ang mainit niyang labi na tila may dalang maliliit na titis
ng apoy. Ang mainit na pakiramdam sa ilalim ng pusod ko ay kumalat na sa buong
katawan ko at halos kainin na ako nang buo.

"Joss..." bahagya akong umurong upang sumagap ng hangin.

Inulalol niya ng halik ang leeg ko patungo sa pagitan ng aking dibdib.

"Era, baby..." he rasped. "Okay lang ba na buksan ko na ang zipper ko? Puputok na
kasi."

"Alright." Napapangiting sagot ko.

Nang ibaba

niya ang zipper niya ay dagli ko na ring itinaas ang suot niyang V-neck shirt.
Dinama ko ng palad ko ang mainit at matigas niyang katawan. Malalim ang naging pag-
ungol ni Joss ng humagod sa kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib ang mga palad
ko.

"Sa kuwarto mo tayo..." hirap na yaya niya sa akin.

Hindi ko na maalala ang isinagot ko. Namalayan ko na lamang na nakahiga na ako sa


kama habang ang buong bigat niya ay nasa ibabaw ko na.

He gently took off my clothes. Walang pagmamadali, parang ninanamnam ang bawat
minuto. Nang wala ng matirang saplot sa katawan ko ay hinawakan niya ang
magkabilang pulso ko para itaas iyon sa uluhan ko. Pinagsawa niya muna ang mga mata
sa kahubaran ko saka hinalikan ang bawat parteng maibigan niya.

And he was now dominating my body with his lips and both hands. Walang parte ng
katawan ko ang hindi niya pinaraanan ng mga labi niya at dinama ng kanyang palad.
Matapos salitang sambahin ng bibig niya ang magkabilang dibdib ko ay bumaba naman
ang isang kamay niya sa pagitan ng mga hita ko. Marahan lang ng una hanggang sa
bumibilis ang paghaplos niya sa pagkababae ko. And he was now rubbing my sex with
his palm.

He tried to insert his two fingers inside my core, pero iisa lang ang kumasya kahit
basa na. Napapiksi pa ako ng sumagad iyon sa pinakadulo. Mabuti na lang talaga at
basang-basa na ako, kung hindi ay baka namilipit na ako sa sakit sa daliri pa
lamang niya.

"Masikip, baby Era..."

Ngumiti lang ako at saka hinila siya sa batok.

"Akala ko hanggang pantasya ka lang..." malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa
akin. "Sana noon

pa hinanap na kita. Sana hindi ako nagsayang ng oras para matagpuan na agad kita...
sana hindi ka na nasaktan."

"Ako ang nakahanap sa'yo... at least nagkita tayo..." Wala akong balak sabihin sa
kanya na siya ang una. Malalaman din naman niya iyon mamaya. Gusto kong ibigay kay
Joss ang sarili ko at wala akong pag-aalinlangan don. Wala akong pagsisisihan sa
huli.

"Amera..."

"Era..." anas ko habang hinahaplos ang guwapong mukha niya. "Mas gusto kong tawagin
mo ako sa pangalang ikaw lang ang tumatawag sa akin."

Ngumiti siya at saka muling inangkin ang mga labi ko. Naramdaman ko ang paghugot
niya ng daliri sa loob ko at ang paghihiwalay niya sa mga hita ko. I know what he's
about to do. And I am ready for it. I am ready for him.

Nang maghubad sa harapan ko si Joss ay hindi ako pumikit. Gusto ko ring makita ang
kabuuhan niya, at nagpapasalamat ako na hindi ako umiwas ng tingin. He was perfect,
kagaya ng iniisip ko. His male part was huge and hard. Agad siyang pumuwesto at
isinentro ang kanya sa akin.

Hindi ko napigil ang pag-alpas ng impit na daing pagkatapos. Parang may napigtal sa
pagitan ng mga hita ko. Parang hinati ako mula sa gitna. Sandali ring natigilan si
Joss sa ibabaw ko.

"Era..." nanlalaki ang mga mata niya habang nakaawang ang mapula niyang mga labi
habang nakatunghay sa mukha ko.

Masakit pero hindi ko siya gustong tumigil. Parang hindi ko mapapatawad ang sarili
ko kapag hindi namin natapos ito. Kapag hanggang dito lang ito. At alam kong ganoon
din siya, alam kong mahirap para sa kanya na huminto.

"Shit. Puta. 'Tangina." Itinukod niya ang isang

kamay sa tabi ng ulo ko. "Ayos ka lang? Anak ng pitong tupa, bakit di mo naman
sinabi? Sana nag-slow motion ako!"

"Okay lang..." pinilit kong makapagsalita sa kabila ng hapdi na tila pumupunit sa


akin.

"Sigurado ka? Dudugo pepe mo saka di ka makakalakad mamaya. Shit, bakit kasi di mo
sinabi, eh. Sana pala dinila-dilaan ko muna para madulas na-"

"Ano ba?! Itutuloy mo ba iyan o hindi?" Nakangiwing tanong ko sa kanya. "Ang dami
mong satsat."

Tumingin pa siya sa akin.

Kinurot ko ang isang pisngi ng matambok na puwitan ni Joss. "Come on! I want it to
be you. I want you to be the first. Continue what you've started!"

Nagtagis ang mga ngipin niya, ang mga mata ay nahaluan ng ningas. Ningas ng
pinaghalu-halong galit, pagpipigil at ang di nawawalang pagnanasa. Napapikit ako
nang dumiin at mas bumaon sa loob ko ang pagkalalaki niya. Kagat ko ang pang-
ibabang labi ko habang tinatanggap ang bawal pag-ulos ni Joss.

Magkahalong tamis at sakit ang pumapaloob sa akin hanggang sa tuluyan nang mag-isa
ang mga katawan namin. Mahigpit ang kapit ko balikat ni Joss na tila ba doon ako
kumukuha ng lakas. Ang pagalaw niya ay unti-unting bumibilis.

"Era..."

"Hmn..." ungol na lamang ang kayang lumabas sa bibig ko. Hinawakan ni Joss ang
mukha ko at pinagdikit ang aming mga noo.

"Makinig ka sa akin, hindi lang una ang gusto ko." He said while thrusting inside
me. I could feel him staring at me even with my eyes closed.

Tumango ako kahit hindi ko maunawaan ang sinasabi niya. Ang malinaw lang sa akin ay
ang kakaibang sensasyon na dulot ng pag-iisa namin. Malinaw din sa akin ang
pinagsamang tibok ng magkadikit naming dibdib maging ang pagkilos niya sa loob ko.

Bawat segundo ay mas nag-iinit at mas rumarahas ang paghugot at pagbaon niya sa
pagitan ng mga hita ko. His manhood was throbbing against my walls.

"Ah..." hindi ko na alam kung sino sa amin ang nagpakawala nang mahabang pag-ungol.
Next thing I knew was I am consumed by a powerful climax. Kasunod ay ang
pagpapakawala ng mainit na likido ni Joss sa loob ko.

He didn't let go of my body. Kahit tapos na at humupa na ang init sa pagitan naming
dalawa ay nanatili siyang nakayakap sa akin, at ako ay nakakulong sa kanyang mga
braso. Dinampian niya ako ng maliliit na halik mula sa aking noo, sa pisngi at sa
bridge ng aking ilong. Ang mainit niyang mga labi ay hindi rin umaalis sa balat ko.

"I love you, Era..." hinihingal niyang sambit.

Hindi na ako nakasagot sa sobrang pagod. Pero hindi ako lumayo sa kanya. Nanatilli
ako sa mga braso ni Joss. At gusto kong manatili pa roon nang mas matagal pa.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 11

Chapter 11

ITINAAS ko ang kumot hanggang sa leeg ko. Gabi na, nakabukas ang mga sliding window
sa kuwarto kaya pumapasok ang hamog mula sa labas. Naririnig ko na rin ang huni ng
mga kuliglig.

"Joss?"

"Halika rito..." nakapikit na inaabot niya ako pero umiwas ako.

Nakadapa siya sa kama at nakatagilid ang kanyang mukha. Wala siyang saplot maski
isa kaya nakabalandra sa paningin ko ang hubad niyang likod. Pantay ang kulay ni
Joss, moreno at makinis. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag napapatingin ako sa
matambok niyang pang-upo. Mabuti na nga lang nakadapa siya, baka hindi ako
makakilos nang maayos kapag iyong nasa harapan niya ang makikita ko.

"Tara na, bangon na muna..." pinindot ko ang isang pisngi niya.

"Hmn..."

"Hindi pa tayo nagdi-dinner, gabi na po."

"Gutom ka na ba?" Doon siya dumilat.


"Yes."

Biglang balikwas si Joss. Nawala bigla ang antok sa mukha. "Dito ka lang."

"Ha?" Iniwas ko agad ang mga mata ko nang umupo siya sa kama, ang mokong ni hindi
man lang nag-abala na takpan iyon 'ano' niya.

Bigla siyang dumukwang saka humalik nang mabilis sa labi ko. "Dapat kanina mo pa
ako ginising, nagugutom ka na pala, eh."

"Masarap ang tulog mo, naghihilik ka pa nga." Nakalabing sagot ko.

Ngumisi siya. "Nag-re-charge lang ako, pinagod mo kasi ako."

Inirapan ko siya, kahit green ang biro niya nakakaaliw pa rin. Nababaliw na nga
yata ako talaga.

Umalis siya sa kama saka hinagilap sa sahig ang nahubad niyang boxers. Pagkasuot
niya ay nilingon niya ako. "Ako na bahala. Dito

ka lang, pahinga ka lang, okay?"

"Lagi na lang ikaw ang nagluluto."

"Bawi ka na lang sa susunod." Kumindat pa siya bago lumabas ng kuwarto.

Napapangiti na lang ako nang mapag-isa na ako. Muli akong nahiga sa kama, nananakit
ang buong katawan ko pero wala akong makapang ni katiting na pagsisisi. Masaya ako,
at natitiyak ko iyon.

Nang bumalik si Joss matapos ang ilang minuto ay may bitbit na siyang tray ng
pagkain na pinagsaluhan naming dalawa. At pagkatapos ay sabay kaming nag-shower, at
muli ay nagpatangay na naman ako sa kabaliwan ko.

Ilang ulit pa ng gabing iyon na buong pusong nagpa-angkin ako kay Joss Deogracia.

...

PARANG walang problema, parang magaan lang ang lahat ng bagay at walang iniisip
habang nasa piling niya ako. Nauubos ang bawat oras sa pagku-kulitan, pagha-harutan
at paglilibot-libot namin sa parteng iyon ng isla. Tuluyan ng nawala ang inhibisyon
ko.

Hindi nabawasan ang sweetness at kakulitan niya kahit pa ilang beses ng may
nangyari sa amin. Sa kuwarto ko na rin siya natutulog, magkayakap kami tuwing gabi
at magkayakap pa ring gigising sa umaga. Hindi siya nagsasawang halikan ang mga
labi ko at pagkatapos ay sabihin sa akin kung gaano ako kaganda.

Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ako inaangkin ni Joss... sa kama, sa sofa,
sa terrace at sa batuhan sa tabi ng talon. Sa lilim ng mga puno matapos naming
mapagod sa pagtatampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Amin ang mundo habang
magkasama kaming dalawa.

"When are we going back to the hotel?" Tanong ko. Nasa tabi ako ng malaking bintana
ng guestroom

na kinaroroonan namin.

"Ayaw mo na ba rito?" Nakasandal si Joss sa headboard habang nakapikit. Walang


pang-itaas at ang suot na jeans ay nakabukas ang zipper at butones, nakalitaw ang
puting brief mula sa loob.

"Of course not. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto rito." Lumakad ako palapit
sa higaan at saka naupo sa tabi niya. Bahagya kong tinapik ang isang hita niya.

"Dito ka na tumira."

"Joss..."

Dumilat ang lalaki at saka matamang tumitig sa mga mata ko. "Kasama ako... dito ka
na lang."

"Alam mong hindi puwede iyan." Iling ko.

"Baka lang makalusot."

"Ikaw talaga." Pinisil ko ang bridge ng matangos niyang ilong saka humilig sa
kanyang dibdib.

Kung hindi ko lang inaalala ang mga naiwan kong responsibilidad sa siyudad ay baka
gustuhin ko pang magtagal dito. Dito ko lang kasi naranasan iyong kalayaan na gawin
ang mga gusto ko. Narito ko lang din nasumpungan ang kapanatagan. Dito sa islang
ito. Dito sa piling ni Joss.

...

SA HOTEL ROOM.

Hindi ako pumayag kahit anong pilit ni Joss na sa penthouse niya ako dalahin. Hindi
rin ako pumayag sa pag-i-insist niya na dito siya sa kuwarto ko. Ayaw kong mag-isip
ang ibang tao. Mabuti sana kung hindi ako artista at wala ako kinasusuungang
eskandalo. Ayaw kong ma-chismis siya sa akin. Kahit pa sabihing tapat ang mga
tauhan ng Isla Deogracia ay hindi pa rin ako nakakasiguro, lalo sa ibang guests na
ang iilan ay kilala ako.

"Where the hell are you?! Ilang beses kitang kino-contact!"

"I'm so sorry, Mindy..." ang cellphone ko agad ang hinanap ko. Twenty three missed
calls, fifty

two text messages and five voice mails. Hindi lahat galing kay Mindy, sa driver ko
at sa ilang kaibigan sa show business. May ilan ding unknown numbers.

"Sorry?" Gagad niya.

Nakikinita ko ang mukha ni Mindy na sambakol habang nanggi-gigil sa hawak na fone.


Malamang na nakakunot ang noo ng may edad at may katabaan kong manager.

"'Teh, anong sorry?! Ayan at kailangan mo ng bumalik kung hindi iilitin na ang
condo mo sa QC! Laman ka ng tabloids! Nag-atrasan na iyong kukuha sana sa'yong
producers! 'Tapos iyong tinakbuhan mong kontrata na milyon lang naman ang halaga,
naghahabol na!"

"I will handle it." Napabuntung-hininga ako. God! Lumalala pa ang sitwasyon.

"Handle? Paano eh iyan at nagtatago ka nga! Harapin mo, Amera! Wag mo takasan!
Hindi lang ikaw ang naiipit kundi pati ako na manager mo!"

Ibinaba ko sa tabi ko ang cellphone ko. Sumubsob ako sa aking mga palad.

Kahit walang nagsasabi sa akin ay alam kong katapusan na ng career ko.

Sira na ako sa mga tao. Sa mga fans ko na dati ay halos sambahin ako ay ngayo'y
nakakahiyang basura na lang ako. Sira na ang image ko. Tama naman si Mindy, duwag
kasi ako. Hindi ko kasi ipinag-tanggol ang sarili ko. Pero paano ko naman kasi
gagawin iyon? Paano ko ikakaila ang totoo? Ako naman talaga ang nasa video na iyon,
malinaw pa sa sikat ng araw na ako at si Thad iyon! Hindi naman sila maniniwala
kung sabihin kong walang nangyari sa amin at si Joss Deogracia ang unang lalaki sa
buhay ko.

...

"ERA..."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako lumingon. Iisa lang naman ang alam
kong papasok sa kuwarto ko, si Joss. Hindi na ako nagtaka na may susi na rin siya
ng hotel room na ito.

"Kanina pa kita hinihintay, akala ko tulog ka- hey!" Natigilan siya nang makita ang
maleta sa ibabaw ng kama ko. "Aalis ka?"

Hinila ko ang maleta pababa sa sahig saka ko siya hinarap. "I'm going back to
Manila."

"Babalik ka ulit?"

"Ulit?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Bumalik ka noong ilang araw ka palang sa isla. Sumunod ako sa'yo, hindi mo lang
alam."

"What?" Nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan niya ako noon?

Lumapit siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Bumalik ka rin naman ulit dito,
kaya ito tayo. Aalis ka na naman ba? Gusto mo bang samahan kita?"

I'd love to. But no. Umiling ako. "Hindi. Wag na." Baka madamay pa si Joss sa
kinasasangkutan kong gulo.

Nagkaroon ng lungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ko. "Kailan ka
naman babalik niyan dito?"

"Mabilis lang ako." Kahit hindi ako sigurado ay sabi ko. Parang ang hirap kasi na
makitang malungkot si Joss. Sisikapin ko na lang na makauwi kagaad.
He nodded his head.

"Joss..." hinaplos ko ang pisngi niya.

"O?" Wala na sa akin ang kanyang paningin.

"Babalik ako agad, ha?"

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kanyang pisngi, dinala niya iyon sa kanyang
bibig at saka magaang hinalikan. "Hihintayin kita."

And that night, we made love again before I leave.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

=================

Chapter 12

Chapter 12

"AMERA!"

"Mindy." Sa condo niya agad ako dumeretso, dito sa Quezon City.

"I am so glad you're back."

"Hindi ako magtatagal."

"Oh," parang balewalang react niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You
looked different. Saan ka ba nanggaling?"

I took a deep breath and slowly let it out. "Iiwan ko na ang showbiz."

"Is that so?"

"Minds..."

"Nagpasya ka na pala na wala ako." Ipinagsalin niya ako ng wine sa kopita at


iniabot sa akin. Dama ko ang hinanakit sa tinig niya.

Tinanggap ko ang kopita ngunit para ibaba lang iyon sa mesitang nasa harapan ko.
"Mindy, alam mo naman ang sitwasyon. Sa tingin mo ba may lugar pa ako sa show
business? Sa tingin nila mababa akong babae. That I am loose woman. Nang pumutok
ang scandal namin ni Thad, nawala na halos lahat ng projects na dapat ay sa akin."
"Susuko ka na lang?"

"I'm tired..."

Umiling-iling ang manager ko. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. I know you
more than you know yourself, Amera. Show business is your life. Masaya ka rito."

"Not anymore." Dahil may iba ng nagpapasaya sa akin, gusto ko sanang idugtong.

"Puwes, kailangan mong malaman ito."

"Ano?"

Tumuwid siya ng tayo at tumitig nang deretso sa mga mata ko. "Idedemanda ka ni
Sandejas."

"What?" Kinabahan agad ako. Si Mr. Sandejas ay isa sa mga malaking tao na
stockholder ng pinanggalingan kong istasyon, bukod doon ay ito ang may hawak ng
ilang produkto na ini-endorso ng mga artista.

"May pinirmahan kang kontrata. Mahigit limang milyon."

Napahilamos ako sa aking palad.

"Honey, paano mo

mababayaran iyon? Kulang ang halaga ng condo at kotse mo para mabayaran iyon.
Hinahabol ka rin ng Guadalupe Scents. Iniwan mo sila sa ere ng umalis ka. Mabuti
nga at mabilis kong naayos ang gusot na iyon, hindi natuloy sa demanda. Pero
sisingilin ka rin nila, binbin na ang proyekto, wala na silang balak ipagawa pa
iyon sa'yo."

Gusto kong maiyak. Ito ang ilan sa maraming dahilan kaya ako umalis. Ang pressure
at ang stress ng trabaho ko. Magiging maayos sana ang lahat kung hindi lang ako
iniwan sa ere ng mga endorser. Oo sila ang nang-iwan, hindi kagaya ng pinapalabas
nila ngayon na ako ang tumakbo sa kanila.

Nakatali ako sa maraming kontrata. Pero pinapahirapan nila ako na mas ginusto ko
pang takasan silang lahat. At ang ibang endorsement naman ay hindi na natuloy pa
dahil sa nakikita nilang sitwasyon ko.

Naramdaman kong nakalapit na pala sa akin si Mindy. "Amera, ang hindi ko


maintindihan ay kung saan mo dinadala ang mga perang kinikita mo. Ang dami mo noong
pelikula, teleserye at endorsement. Nasaan ang kinita mo, Amera?"

"I can't tell you." Malungkot ko siyang tiningnan.

Nanlaki ang mga mata ng may edad na babae. "Oh, God! Don't tell me na totoo ang..."

"Ang alin?"

"Na sugar mommy ka ng isang-"

Ako naman ang pinanlakihan ng mga mata. "What?! Where the hell did you fucking get
that?!"

"Kung ganon ay ano? Nagsusugal ka? Hindi kita kasama beinte-kuwatro oras kaya baka
nga nagca-casino ka or-"
Mapakla akong tumawa. "Ang dami na palang haka-haka, ano? Ang dami ng bagong
chismis na idinidikit sa akin."

"So, hindi totoo ang mga iyon?"

"Hindi."

"Nasaan

ang mga kita mo kung ganoon?" Litong tumitig sa akin si Mindy.

Tinalikuran ko siya. "I'm sorry, but I can not tell you."

"Amera, sa lahat ng talents ko ikaw ang pinakamalapit sa akin. Ikaw na nga ang
favorite ko. Binibitawan ko ang iba pagdating sa'yo. Kaya sana naman, wag mo naman
na akong ilaglag this time."

"Aayusin ko ang gulong ito." Saad ko, kahit hindi ko pa alam kung paano at saan ako
magsisimula.

"Umpisahan mo sa pagbabayad kay Sandejas. Sinasabi ko sa'yo, ma-koneksyon ang


matandang iyon. Kahit sira ka na, kaya ka pa rin niyang sirain hanggang sa
magkapira-piraso ka at madadamay ako!"

I'm so fucked up.

"Anyway, you have a new project."

"Ano?" Walang ganang tanong ko.

"Ang Divine." Iminuestra niya akong maupo sa couch. "Ten million project. Sexy
pictorials and videos... nagpo-pose ka naman sa men's mag before so hindi na bago
ito-"

"How sexy?" Kabadong tanong ko.

"Hmn, may takip pa naman sa katawan mo."

"Two piece?"

"Pintura."

"What?!"

"This is the only hope you have right now."

"Or?" pigil-hiningang tanong ko.

"Mahuhulog ka sa kamay ni Sandejas. Ngayon ko lang na-realize, that old man likes
you... a lot."

Bigla ang gapang ng kilabot sa katawan ko.

"No!"

"Yes, darling..." malungkot niyang saad.

...
HINDI niya alam ang bagong number ko. Imposibleng siya ito.

Kung sana ay siya nga ito...

Tumaas ang isang kilay ko habang pinapanood ang pagalaw ng Iphone ko sa mesa.
Patuloy sa pagba-vibrate dahil walang tigil ang unknown number sa pagtawag doon.

Gustong-gusto ko iyong

sagutin pero pinangungunahan ako ng takot. Baka kung sino ang tumatawag. Baka
reporters, mga dating fans na ngayon ay galit na sa akin o baka si Thad. Ayaw ko
silang makausap lahat.

At kahit si Joss... ayaw ko ring makausap. Natatakot ako na baka pumikit ang mga
mata ko at muli akong magpatihulog sa pantasya at iwan muli ang realidad.

It's been two week since I left the island of love, Isla Deogracia.

Dalawang linggo na rin akong walang balita sa kanya.

Hindi ko natupad ang pangako na babalik agad. Ni hindi ko nagawa ang sinabi ko na
tatawagan ko siya.

Siguro galit na galit na sa akin ang isang iyon. Baka nga isinusumpa niya na ako
ngayon.

If only things were different. Kung sana bibigyan ako ng universe ng chance na
ulitin ang buhay ko mula sa umpisa... pero malabo iyon. Malabo ng baguhin ang mga
nangyari na.

Napangiti ako habang inaalala ang masayang bukas ng mukha niya.

I still misses him, kahit ikaila ko sa sarili ko o kahit pigilan ko ang buong
sistema ko. Hinahanap-hanap ko siya.

Ang paglalambing niya, ang walang kasawa-sawang pamumuri niya kung gaano ako
kaganda at ang mga pag-aalala niya para sa akin.

Ngayong nasa realidad na ako, napakahirap para sa akin na hindi siya maalala.

Pero parte lang siya ng isang napakagandang bakasyon. Parang panaginip. Karugtong
ng mala-paraisong isla na nagpasaya sa akin sa sandaling panahon.

At kagaya ng islang iyon, hindi ko makakalimutan si Joss Deogracia.

...

SIX-THIRTY palang ay naghihintay na ako sa table na reserved para sa sandaling


meeting about the Divine project. Wala si Mindy
dahil may sakit siya kaya ako lang mag-isa ang pumunta. Saglit lang naman ang
meeting na ito, hindi pa ganoon ka-formal, parang paniniguro lang na nakabalik na
ako mula sa pagtatago ko.

Lampas alas-siete na pero wala pa rin ang kakaharapin ko. Hindi sumasagot si Mindy
kaya naisipan ko nang tumayo. Baka hindi tuloy, mabuti na rin dahil hindi pa ako
handa.

"Long time no see."

Napaatras ako ng may lalaking humarang sa daraanan ko.

Ganoon na lang ang sulak ng dugo ko nang makilala ko ito. "What the hell are you
doing here?" pigil ang boses na tanong ko.

Ngumiti ito na para bang magkaibigan kaming dalawa na simpleng nagku-kuwentuhan


lamang. Na parang wala siyang malaking atraso sa akin.

"Isa ako sa co-owner ng resto na ito." Ani Thad.

Oh, darn him! Hindi ko nga dapat kinakausap ang lalaking ito. Ni hindi ko na nga
ito nais makita pa.

What a small fucking world, isn't it?! Kapag minamalas ka nga naman.

"Hey, aalis ka na?"

Hindi ko ito pinansin, tuloy-tuloy ako sa paglalakad ngunit sumunod sa akin si


Thad.

"Matagal tayong hindi nagkita. I think we have a lot of things to catch up with,
don't we?"

Inismiran ko ito. "I don't think so."

"All right." Tatawa-tawang itinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusukong
kriminal. Na kriminal naman talaga!

"Jerk." I hissed as I turned my back at him. Kung hindi lang magiging takaw-pansin
sa mga tao rito ay gusto ko pa sana itong sampalin.

Ang kapal ng mukha na harapin ako after all! May mga tao palang sagad sa kapal ang
pagmumukha.

Binilisan ko ang paglalakad ko nang biglang

magring ang phone ko mula sa loob ng bitbit kong shoulderbag. Kinuha ko iyon at
pasalpak na dinikit sa tainga ko.

"Hello, Minds? Akala ko ba narito sa Seaside restaurant si Mr. Sandejas?" inis kong
tanong.

"I'm sorry, dear. Hindi raw tuloy ngayon, nasa out of town siya. Ang secretary ni
Mr. Sandejas ang kakausapin natin nextweek. Pasensiya ka na di ko agad nasagot
calls mo, nakatulog kasi ako."

I groaned in frustration. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng bag ko saka tinungo


ang exit ng resto.
"Era!"

Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang matigas at pamilyar na boses.


Napalingon ako kaagad.

Nanlamig ang mga palad ko at tila nag-rambol sa loob ng aking katawan ang mga
laman-loob ko.

"Joss!" God, napakalakas ng epekto niya sa akin!

"O, nandito ka pala." Flat ang tonong wika ng lalaki, na hindi naman mukhang
shocked na makita ako rito. Na para ngang kanina pa niya alam na naririto ako at
naghahanap lang siya ng tyempo na lapitan ako.

Humakbang siya palapit at saka hinawakan ang isang braso ko. Simpleng hawak ngunit
ramdam ko ang higpit na mukhang walang balak bumitiw.

"Tara na." He said. Dinaig ko pa ang papel na walang lakas dahil natangay niya agad
ako sa isang hila lamang.

Nang mahimasmasan ay hinatak ko ang aking sarili mula sa pagkakahawak niya. "Teka-
ano ba? Bakit ka nandito?!"

Hindi bumitiw si Joss. Nang tingnan niya ako ay kasing talim na ng patalim ang mga
mata niya.

Nang tingnan ko ang paligid ay may mangilan-ngilang nakatingin sa amin, nakaagaw na


pala kami ng pansin. Ang ilang babaeng guests ay nakanganga kay Joss at masama ang
tingin sa akin.

Nakita ko rin si Thad na nakasunod ng tingin sa amin ni Joss habang nakakunot ang
noo, tila nagtataka.

"Joss, you're making a scene." Mahinang sabi ko. "Bitiwan mo na ako."

"Hindi, hangga't hindi ko natitiyak na nailayo na kita rito."

"Bakit ba?"

"Wag mong sagarin ang pasensiya ko, Amera." Magkalapat ang mga ngiping banta niya.

Sandali lang ay lumamlam na muli ang mga mata niya saka gumuhit ang mapang-akit na
ngisi sa mapupula niyang mga labi.

"Tara na, baby..."

Tumungo sa amin ang ilang waiter sa daan. "Thank you for coming! Come again, Ma'am,
Sir!"

"Hindi na kami babalik."

"Joss!" Gulat akong tumingala sa kanya.

Seryoso na siya ulit at mukhang galit na naman. "Sisiguraduhin kong magsasara ang
lintek na restaurant na ito bago matapos ang buwan na ito."

JAMILLEFUMAH

jfstories
=================

Chapter 13

Chapter 13

JOSS DEOGRACIA was dragging me to his car.

"Joss, ano ba?!" Mabuti na lang at walang masyadong tao sa parking lot.

Binuksan niya ang passenger side saka itinulak ako papasok. "Sakay!"

Pabagsak niyang isinara ulit iyon saka mabilis na sumakay sa driver seat.

Nakakunot ang noo niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Paharurot niya
iyong pinatakbo kaya sa takot ko na maaksidente kami ay nagsuot agad ako ng
seatbelt.

"Will you please slow down!" Sita ko sa kanya. Paesi-esi kami sa kalsada.

Salitan ang tapak sa clutch, preno at gas. Para siyang hinahabol ng sampung kabayo
kung makapag-maneho siya.

"Ihihinto ko lang ito kung sasabihin mo kung ano ang nararamdaman mo sa akin."

"What?"

Napasigaw ako ng mag-over take si Joss sa bus na halos ilang dipa pa ang layo sa
amin. Nakikinikita ko na ang driver at konduktor niyon na minumura kami. Kumaskas
nang maigi ang gulong ng sasakyan ni Joss at lumikha iyon ng nakakangilong tunog.

"What the heck?!" Sigaw ko na takot na takot.

"Sabihin mo muna! Ano ba ako sa'yo?!"

Wala akong choice kundi pagbigyan siya. "Okay, I like you!"

Pasagitsit na tumabi sa gilid ng kalsada ang kotse na sinasakyan namin. Kung wala
lang akong seatbelt ay baka nabagok na ako sa lakas ng preno ni Joss.

He glared at me. "Like?" Ulit niya sa sinabi ko. Nakasimangot ang guwapo niyang
mukha.

"Oo nga. Gusto kita." Lie! Damn it. Alam ko sa sarili ko na hindi lang basta gusto
ang nararamdaman ko for him.

"Gusto lang?" lumala ang pagkakakunot ng noo niya.

Tumango

ako. Kabado sa galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"Nakipag-sex ka sa akin, paulit-ulit." Mariing sabi niya. "'Tapos, gusto lang?!


Trip mo lang ganon?!"

"So?! What do you want me to do?!" Umiwas ako ng tingin.

"Pakasalan mo ako." Tumagilid siya para maharap ako nang maayos.

Lumapit pa siya at hinila ang mga kamay ko sanhi para mapatingin ulit ako sa kanya.
Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. And his
breath's already fanning my face.

"Magpakasal na tayo. Iyang like mo, magiging love din iyan. Pero hindi na ako
makakapaghintay, Era. Ilang linggo palang kitang di nakikita halos mabaliw na ako.
Kaya please, magpakasal na tayong dalawa."

"Joss..." napalunok ako sa kaseryosohan niya.

Magpakasal?

Umiling ako, kahit tila pinipiga ang puso ko. "Masisira ka dahil sa akin.
Madudungisan ang apelyido mo kapag dumikit sa akin. Hindi mo ba alam iyon?
Isinusuka ako ng buong mundo."

"Era... hindi naman importante sakin 'tong apelyido ko. Mas importante ka pa rito.
Mas importante ka pa sa kahit ano. Wag mo ng isipin ang ibang tao... ako na lang
ang isipin mo... Doon tayo sa isla titira, walang manghuhusga sa'yo roon. Ikaw lang
at ako. Iiwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."

Oh, God! It was tempting. Pero masyadong mabuting tao si Joss para gamitin ko sa
pansarili kong kapakanan.

"I'm sorry..." kanda-iling ako. "I just like you..."

"Era..."

"I like you, but not enough for me to marry you and be with you. I'm sorry."

His jaw's tightened. Nanlisik ang mga mata niya. "Mahal mo naman na ako,

eh! Hindi mo lang maamin sa sarili mo!"

"I couldn't be in love with a complete stranger!" Nilangkapan ko ng iritasyon ang


boses ko sabay bawi ng mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Natulala siya sa akin. Kita ko ang pagbakas ng di matatawarang sakit sa mukha ni


Joss.

"Paano kita mamahalin, ha? Hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kahit pa nagkasama
na tayo, hindi pa rin kita ganoon kakilala! At hindi ko kayang mabuhay sa isla nang
matagal! I am a city woman! I'm a fuck ing actress! Hindi ko maiiwan ang buhay kong
iyon kahit pa marumi na ang tingin ng lahat sa akin. Ito ang buhay ko at hindi ako
sasama sa'yo."

"Sabihin mo ulit..." he was looking intently at me, as if he was looking at my


soul. "Sabihin mo na hindi mo ako mahal..." puno ng pait na ang boses na utos niya
sa akin.

God, I hurt him so much...

"Sabihim mo, Era..."


"H-hindi kita... mahal..." I tried to keep my face straight, as I felt myself
coloring with guilt. "I'm sorry... what we had is just a casual relationship."

I'm so sorry, Joss. I have to hurt you like this.

...

NAUPO ako sa gilid ng kama. Dito sa kuwarto ko, ang pinakaunang pag-aari na
nagkaroon ako, my condo. Bukod dito ay ang kotse ko, iyon lang na dalawa. Kung sana
ay may pag-aalayan ako ng isang magandang bahay ay matagal na akong bumili, ngunit
wala. Nagiisa lang ako sa mundo.

I smiled bitterly at the thought.

Dating beauty queen ang mommy ko. Pangarap niyang maging artista at ang pagsali sa
mga beauty pageant ang ginawa niyang daan. Pero kagaya ko ay nasira rin siya sa
mata ng

mga tao. Pati sa mata ng mga kamag-anak niya na noon ay pinagmamalaki siya.
Itinakwil siya ng lahat pagkatapos ng eskandalo.

She got pregnant right after the pageant. Pero walang may alam ng totoo maliban kay
Lola Des, her nanny since she was a kid. Lumaki si mommy sa piling ng yaya niya,
nang mamatay kasi sa car crash ang parents niya ay naiwan siya sa pangangalaga
nito. Malayo siya sa ibang kamag-anak na naging malapit lang sa kanya ng
mapanalunan niya ang korona at makilala siya sa T.V.

Pero hindi nagtagal ay naging laman din ng pahayagan si mommy sa negatibong paraan.
My mom was raped. Hindi niya na rin sinabi sa mga tao ang nangyari dahil para saan
pa? Sira na siya. Kahit ang lalaking mahal niya ay hindi siya pinaniwalaan. She was
so devastated during that time, pinili niya na lamang sumuko.

Umalis siya at umiwas sa liwanag ng camera hanggang sa ipanganak niya ako. Nagiging
malungkutin si mommy hanggang sa nalulong ito sa ipinagba-bawal na gamot at maubos
ang minana mula sa mga yumaong magulang. Namatay din si mommy matapos ang ika-apat
na kaarawan ko. I was left with my Lola Des na sa kalaunan ay iniwan din ako sa
isang ampunan.

Hindi sa hindi ako gusto ni Lola Des, kundi dahil hindi naman talaga kami
magkadugo. Yaya lang siya dati ni mommy, siya na ang nag-alaga kay mommy hanggang
sa maulila ito. Pero may sariling buhay si Lola Des, may mga anak at mga apo siyang
umaasa sa kanya. Pero hindi niya kailanman ako nakalimutan.

Pinangarap ko rin na maging kilala sa telibisyon, because of my mom. Gusto ko


sanang ako ang tumupad ng pangarap niya na nahinto dahil sa akin. Ilang taon
matapos

kong iwan ang Holy Mary's Angels Orphanage ay nakapasok ako sa isang workshop kung
saan ko nakilala si Mindy, my manager.

Nang tuluyan na akong makapasok sa showbiz ay napakasaya ko. Pakiramdam ko ay


natupad ko na ang pangarap ng mommy ko. At hindi ko ikakaila na nalulunod ako sa
kasikatan. Nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko, nakakapunta sa mga bansang dati ay
pangarap ko lang na puntahan. Nabibili ko na rin lahat ng dati ay pangarap ko lang
makamtan. At tinitingala ako ng mga tao.

Sa kabila ng kasikatan ko ay hindi ko nakalimutan ang mga taong pinagkaka-utangan


ko ng loob. Palihim kong pinapadalhan ng pera ang pamilya ni lola Des. Wala silang
alam na sa akin galing ang perang ginamit ng anak ni lola Des na nagkaroon ng tumor
sa utak. Ang akala lang nila ay galing iyon sa kung sino mang anonymous sponsor.

Maging ang pinanggalingan kong ampunan ay hindi ko pinabayaan. Sikwenta porsyento


ng kinikita ko ay dino-donate ko ron, kaya kahit muntik ng magsara ang ampunan ay
hindi iyon natuloy. Mas gumanda na iyon ngayon, mas lumaki at higit sa lahat ay mas
dumami na ang mga batang natutulungang magkaroon ng maayos na tirahan, pagkain at
edukasyon.

Ang iba sa kita ko ay sa ibang donasyon na napupunta. Marami akong foundation na


palihim na sinusustentuhan. At walang may alam sa gawain kong ito. Halos ang
natitira lang sa akin ay sapat para sa akin.

Ang nasa isip ko, saka ko na iintindihin ang sarili ko. Marami pa naman akong
proyekto. Sikat pa ako. Uunahin ko na muna ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Pero kasing bilis pala ng pagsikat ko ang aking paglubog. Ni hindi pa ako nakaka-
buwelo.

Ni hindi ko pa naisasa-ayos ang lahat ay ganito na ang nangyari.

Malungkot kong tiningnan ang tablet sa tabi ng lampshade ko. Doon ko iyon iniwan
bago ako umalis patungo sa Isla Deogracia.

"Thad..."

Umalingaw-ngaw sa tahimik kong silid ang ungol na nagmumula sa binuhay kong tablet.
Nagtagis ang mga ngipin ko habang pinapanood na nagpi-play ang video.

It was me and that asshole Thad Andres.

"Please..." I kept on moaning. Nakapikit ang mga mata ko habang lumiliyad ang
katawan ko.

"Yes, baby..." the asshole was sucking my nipple, habang ang isang kamay ay abala
sa pagpiga sa kabila kong dibdib.

Kalahati lamang ng katawan namin ang kita sa video, pero pareho kaming hubad.
Nakikita sa video ang kahubaran ko mula sa aking dibdib pababa sa aking kalamnan.
Putol ang video sa parteng bumababa na ang ulo ni Thad sa aking dibdib patungo sa
ibaba ko pang bahagi. Mas mabibistahan na ang malulusog kong dibdib dahil wala ng
nakaharang doon, kitang-kita sa camera ang dalawang umbok at ang naninigas at
mamula-mulang korona sa tuktok niyon.

"Fuck, you're really hot, baby..." paos ang boses ni Thad, naririnig din ang tunog
ng basa niyang bibig na lumalapat sa aking balat.

I was saying 'please' like I was asking more from him, but it's the other way
around! Dahil sumisigaw ang buong katawan ko na hindi ko gusto ang ginagawa niya sa
akin. Gusto ko siyang pigilan kaya nagmamaka-awa ako. Pero ni wala akong lakas para
itulak siya palayo. Nanghihina at nahihilo ako na parang hindi lang lasing kundi
na-droga.

Galing kami sa isang party. Hindi ko alam kung bakit sa iilang kopita ng wine ay
nalasing
ako. Nahilo na lang ako at si Thad ang naroon.

Thad was nice to me. Gentleman din siya. Ilang buwan niya na akong nililigawan at
kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng kahit anong maling pag-uugali. I thought I
was safe with him, he even promised to take me to my home that night.

Pero nang magising ako ay laking gulat ko na wala ako sa condo ko. Naroon pa rin
kami sa hotel na dinadausan ng party, pero nasa isang pribadong silid kami ng
hotel. Hinuhubaran niya na ako habang pinapaliguan ng halik ang aking buong
katawan.

Ngunit bago niya maisakatuparan ang masama niyang balak ay tumunog ang cellphone ni
Thad sa tabi ng kama. Kahit nahihilo ay nakita ko ang picture ni Mindy sa screen,
she was the one who's calling Thad.

Tuloy-tuloy ang ring at message alert tones. Gulat at nagmumurang napabalikwas nang
bangon si Thad, hubo't-hubad siya ng sagutin niya ang telepono. Naulinigan ko ang
galit na boses ni Mindy on the other line. Hindi ko alam kung paano ako natunton ng
manager ko, pero labis-labis ang pasasalamat ko.

Ilang sandali lang ay dumating na si Mindy. Galit na galit siya. Pero ang walang
hiyang si Thad ay pinangatawanan na may nangyari raw sa aming dalawa. Ilang araw
lang mula noon ay kumalat na ang sex video namin.

Sino ang maniniwala na hindi natuloy ang masamang balak ni Thad sa akin? At sino
rin bang maniniwala na hindi ko gusto ang nangyari?!

Sinubukan kong magpaliwanag sa press, sinabi kong wala kaming relasyon ni Thad pero
mas nakasama pa iyon. Nagpa-interview si Thad, sinabi niya sa mga reporters na
matagal na kaming nagli-live in. Na kunwari lang daw na nililigawan niya palang
ako, for the sake of my image daw! That bastard! Nagdrama pa siya sa interview na
may ibang lalaki ako bukod sa kanya. Na paubos na ang pera ko dahil may ibang
lalaki akong ginagastusan na mas bata raw sa akin.

And Estelle or Estelita Mariano na ex ni Thad-bigla-bigla ay nalipat na lang sa


kanya ang mga projects ko. Inayawan na rin ako ng ilang producers dahil sa sira ko
ng image. Ang mga fans na dati ay mahal na mahal ako ay unti-unti na ring
tinalikuran ako.

Nakasiksik ako paupo headboard ng kama habang nakapatong ang baba ko sa aking
yakap-yakap na nakatiklop na tuhod. Wala ng luhang gustong bumagsak mua sa mga mata
ko pero dama ko pa rin ang pagluha ng puso ko.

Hindi ko alam at ni hindi ako handa sa pagiging ganito ng buhay ko. Kung narito si
mommy, malulungkot siya. Malulungkot siya dahil parang naulit lang ang nangyari sa
kanya. Hindi ko rin natupad ang pangarap niya.

Sa pagmumukmok ko ay sumingit sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Joss Deogracia.


Mapait akong napangiti.

I'm no good for you, baby...

JAMILLEFUMAH
JFstories

=================

Chapter 14

Chapter 14

WALA ni isang saplot. Ang magsisilbing bra at panty ko ay pintura. Maglalakad ako
catwalk na ganoon ang itsura, sa harap ng mga tao.

Hindi lang iyon, ang mga pictures ko ay ilalagay sa men's magazine. Mas daring
kumpara sa iba. Ano nga ba ang sinabi ng two-piece suit compared sa painting? Two
piece din pero pintura.

I smirked. Ten million for that project. Makikita ng lahat ang nakita na sa scandal
ko, ang kaibahan lang ay may nakatakip na manipis na pintura. I don't have a effing
idea kung bakit 'Divine' ang tawag doon. Wala akong nakikitang Divine sa ipapagawa
nila sa aking kahalayan na suggestion ni Sandejas.

And that Mr. Sandejas? Gusto kong kilabutan sa indecent proposal niya sa akin
kahapon. Gusto kong manakbo ng hawakan niya ang kamay ko. Puno iyon ng malisya
habang inaalok niya akong maging mistress niya.

But no, itong Divine lang ang tinanggap ko. Bahala na sa akin ang Diyos kung may
iba pang binabalak na masama sa akin ang gurang na iyon.

"Amera, fancy meeting you here."

"Estelle." Inilapag ko ang maleta ko sa malaking couch. Nasa studio kami kung saan
gaganapin ang photoshoot ko para sa RED Magazine. Hindi pa naman ako maghuhubad
ngayon, kumbaga patikim lang para sa gaganapin sa catwalk.

Kakatapos lang din ng photoshoot ni Estelle. "Sorry about what happened, Amera."
Nakangiting sabi niya.

Lalong gumanda si Estelle ngayon kesa noong huli ko siyang makita. Nang panahong
hindi pa malalaking role ang ginagampanan niya.

Umikot ang bilog sa mga mata ng babae. "Baliw talaga iyong si Thad. He's a
perverted jerk, sana nabalaan

pala kita."

"Bakit 'di mo ginawa?" Di ko napigilang itanong.

Bumungisngis si Estelle. "Hmn, busy ako kasi."

Kumuyom ang mga kamay ko.

"Saka, tingnan mo ang nangyari. Nagka-break ako ng mawala ka. Big break, darling!"

"Nakikita ko nga." Mapakla kong tugon.


"Wala ka na palang shows, noh? Balita ko iyong mga endorsement mo, parang may
problema pa ngayon? Iyong ibang endorser naman, hindi na tumuloy. So, anong
feeling?"

"What?" Mukhang lumalabas na ang tunay na anyo niya dahil dadalawa na lang kami
ngayon dito sa dressing room.

"I mean, dati kasi in-demand ka. Lahat yata ini-endorse mo... mula toothpaste, roll
on, shampoo pati condiments etcetera. Ngayon biglang nawala na sa T.V. ang mga
iyon. Ayaw na kasi sa'yo ng tao, balita ko pa nga nababastos ka na sa daan, di ba?
Dati tinitilian ka, ngayon 'boo' na ang naririnig mo."

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko lamang si Estelle.

"Mahirap kasi sa kalagayan mo, mas marami kasi ang bagets na fans mo. Sobrang taas
kasi ng tingin nila sa'yo. Kahit nga nagpose ka na sa mens' mag, wholesome ka pa
rin. Love na love ka nila at nakikipag-away talaga ang fans for you. Kahit sinong
leading man mo, suportado ka pa rin nila. Maski panliligaw sa'yo ni Thad o ng ibang
artista, pinapakialaman ng fans mo, ganoon ka nila kamahal. You are their queen.
Before."

"'Tapos ka na?" Sarkastikang tanong ko.

Ngumisi ang babae. "Not yet. So, ano ngang feeling? Galit na galit ang fans sa'yo.
Feeling nila niloko mo sila. Hurt sila sa totoong kulay mo. Na fake ka naman pala.
Bait-baitan, hinhin-hinhinan pero nasa loob ang kulo.

Iyon pa, poorita ka na pala ngayon. Inubos mo raw ang pera mo sa sugal at mas
batang lalaking sa'yo. Nandidiri na tuloy ngayon ang fans sa'yo pati ang
AMERANIANS, sinusuka ka na. So, ano nga? Anong feeling?"

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo."

"Ito." Isang suntok ang pinawalan ko sa mukha ni Estelle.

"Oh, gosh!" Napaupo siya sa couch habang sapo ang ilong na ngayon ay may umaagos ng
dugo.

Hinihingal ko siyang tiningnan. "So, ano ngayon ang feeling ng masapak? Gusto mo pa
ba?"

"You slut!" Nanlalaki ang mga mata ng babae, lumabas na ang sungay. "How dare
you?!"

"Ikaw ang slut! And how dare you too?!" Bago pa makatayo si Estelle ay sinugod ko
na ulit siya.

Hindi na naka-buwelo ang bruha dahil hawak ko na ang buhok niya at nasa ilalim ko
siya. Gumanti siya ng mga kalmot at sunod-sunod na mura habang sinasabunutan ko sa
buhok.

Mahapdi na ang balat ko sa kuko niya pero naibuhos ko naman ang lahat ng inis ko sa
pagkalbo sa kanya, hindi ako bumibitaw hangga't hindi ko tiyak na mapa-panot ko man
lang siya.

Hindi ko alam na kaya kong maging ganito ka-palengkera. Wala naman sa plano ang
patulan siya, pero sobra na. Minsan kapag sobra na, dapat talaga pinapalagan na.
Natitiis ko ang panglalait ng mga tao. Masisikmura ko ang mga patutsada sa akin.
Ang mga nandidiri at mapanghusgang tingin ng mga kapwa ko artista o kahit ng mga
crew. Pero hindi ko kaya tiisin ang talipandas na babaeng ito.

Kung meron mang fake at mapagpanggap sa aming dalawa ay natitiyak kong hindi ako
iyon.

"What the hell is happening here?!" Dumadagundong ang boses ni Direk Benjo.

Pinaghiwalay agad

kami ng mga crew. Nasa mga nakatikom ko pang palad ang bente porsyento ng buhok ng
hitad.

"Direk, iyang babaeng iyan..." lumuluha pati ang duguang ilong ni Estelle. Masama
ang tingin sa akin habang nagpapaawa sa mga taong dumating.

Lahat ay iisa ang tingin sa akin, na ako ang may kasalanan.

"Amera!" Tawag ng ewan ko kung sino pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa.

Naiiyak habang nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Ang mga nakakasalubong ko
ay iba-iba ang reaksyon. Marahil dahil sa itsura ko na gusot ang damit, magulo ang
buhok at hulas ang makeup dahil sa luha.

"God, is she Amera? Yong actress na may scandal?" Pabulong na tanong ng isa sa mga
grupong nakasalubong ko.

Kahit anong bulong nila ay umaabot sa pandinig ko. Iyong iba naman ay parang
sinasadya talaga na iparinig sa akin ang mga usapan nila.

"Yeah, balita ko nga nagpalaglag daw iyan kaya biglang nawala."

Mga fans, ilang bagitong artista o tao sa floor na sumasanga sa daan ko bago ko
marating ang parking lot ng studio.

"Oo nga, idol pa naman iyan ng daughter ko. Ganyan pala iyan."

"Sayang, maganda pa naman. Sinasayang ang ganda sa sugal at lalaki."

Ang mga kalalakihan naman, mapa-modelo, artista o fan ay malalagkit ang tinging
ipinupukol sa akin.

"Hi, babe! Nice pair of tits!"

Napahumindig ako sa mga parinig. To the point na mga dati ko pang katrabaho ang mga
iyon.

"She's a bombshell. Have you seen her vid? Pare, tinigasan ako. Boobs palang iyon,
huh!"

"If I am Thad, I really won't mind sharing that kind of girl. I will be very proud
to share her." Sabay tawa habang

hinahagod ako ng malisyosong tingin.

"Not my type, dude. Mas gusto ko na ngayon si Estelle kesa sa kanya. Iyon sariwa
pa, but that Amera, pinagsawaan na ng kung sinu-sino."
Umismid ako saka tumuloy sa parking lot. Kahit isuka niyo ako, wala akong pakialam.

Sumakay ako sa kotse ko at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Nagsisi-
sigaw ako, umiyak at saka pinagmumu-mura sa isip ang mga taong umaalipusta sa akin.

Malamang bukas ay nasa diyaryo at balita na kami ng sweet-sweetang new actress na


Estelle na iyon. At malamang ako ang kontra-bida!

So what kung iniisip nilang bitter ako kay Estelle dahil napunta sa kanya ang role
na dapat sa akin? Shit silang lahat! Pakialam ko!

Iisipin pa nilang bitter ako kay Thad o may ibang lalaki ako? Hindi lang nila alam.
Iba ang laman ng puso ko! It was Joss at walang iba. Because Joss Deogracia had
branded me already!

Iyong lalaking iyon, ipinagmamalaki ako! Tanggap ako kung ano ang nakaraan ko.
Pinapasaya ako kapag malungkot ako. Hinahabol ako kahit iniiwan ko. Iyong taong
iyon mahal ako!

Sana sumama na lang ako sa kanya. Sana hinayaan ko na lang siyang itago ako,
alagaan ako at protektahan. Gusto ko na lang maglaho ng parang bula! I'm so dead
tired of all of this!

Kusa akong natigilan sa naisip ko.

Napatitig ako sa sariling repleksyon ko sa rearview mirror. Ang itsura ko ay itsura


ng isang babaeng wasted.

"Oh, God..." bulalas ko.

Anong nagawa ko? Anong sinayang ko?

Joss was effin' willing to give up everything for me, but I turned him down flat!
Itinaboy ko ang nag-iisang taong naniniwala

at nagmamahal sa akin!

...

JOSS

INALIS ko ang aviator ko, saka isinara ang pinto ng Audi S8 Sedan na binili ko mula
sa tubo ng pera ko sa pinaglagakang negosyo ni Martin Luther. Noong isang araw ko
lang nailabas ang kotse dahil marami pang inasikasong papeles. Good thing at
magaling ang kapatid ko sa pagpapabilis ng proseso.

Sa Deogracia Hotel ay sinalubong agad ako ng mga dalawa sa mga kapatid ko. Hades
and Martin Luther Deogracia. Parehong naka tux ang dalawa. Mga aura na parang hindi
magandang biruin dahil seryoso at masyadong matayog. Pero iba ako. Hindi ako
nalulula kahit kanino, kahit sa mga kapatid ko.
"Mga brod."

Tinapik ako ni Hades sa balikat. "Bagay talaga sa'yo ang pormal, mas guwapo ka."

Ngumisi ako. "Kahit anong isuot ko, guwapo ako."

Iiling-iling bagamat nakangiti si ML, sa aming tatlo ay mas matanda ito. Mas
seryoso.

Paliko kami sa hallway nang biglang may humila sa braso ko. Isang babaeng nakasuot
ng kulay itim na fitted na bestida at itim ding stilleto.

"Baby, I miss you so..."

"Guada." Nahinto kami sa paglalakad.

Magalang na yumuko ang babae sa mga kapatid bago ako hinarap. Nagnining-ning ang
mga mata at senswal ang pagkakangiti.

"Anong ginagawa mo rito?" Inis kong tanong. Pinagpag ko ang pagkakahawak niya sa
akin.

"Nakiparty sa isang kaibigan." Tumingkayad ang babae at bumulong. "Anyway, nakikita


ko iyong dog mo sa isla, nami-miss ko tuloy ang dog mo..." doble ang kahulugan na
turan nito sa mapang-akit na tinig.

"Excuse us, Miss. We really have to go." Boses ni Martin Luther.

"Oh,

sure." Lumayo naman sa akin si Guada. "See you again, Joss! Sana makita kita sa
isla nextweek." At kumekendeng na ang balakang na iniwan kaming tatlo.

"Whoa! Hindi kaya karma mo na iyan?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng boses.

"Ano?!" Gigil na singhal ko sa bagong dating. Mukhang kanina pa ito ron.

"Brothers." Nakangiti ito sa aming tatlo nila Hades.

"Falcon." Nangangalit ang mga ngiping bigkas ko sa pangalan nito. Sa lahat ng mga
kapatid ko, ito ang pinaka-kinaaasaran ko. Ito lang kasi ang hindi makatanggap sa
katotohanang lamang ako rito ng sampung paligo.

"Where's PD?" Tumingin ito kay Martin Luther.

Nagkibit-balikat ang pinaka-kuya namin. "Ilang araw ng hindi nagpapakita si Prince


Declan, panay na nga ang tawag ng mommy niya sa akin. Wala naman akong masabi kasi
hindi ko rin siya nakikita. Wala siya sa isla, 'di rin ma-contact ang phone niya."

"Puwede ba? Wag niyong hanapin ang ayaw magpakita." Sabat ko. Narito kami para sa
AKIN. Kaya ko sila pinatawag dahil may kailangan ako. At nagmamadali ako,
pakiramdam ko ay nauubos na ang panahon ko.

"So, para saan ba itong meeting na ito?" Tanong ni Falcon na sa akin nakatingin,
may naglalarong ngisi sa mga labi.
Bakit nga ba ito narito? Si Hades at ML lang ang tinawagan ko.

"Sorry, Falc." Inakbayan ito ni Hades. "Tinawagan lang naman kita just to say thank
you. Okay na ang mga papeles ng kambal kong chikiting. By next month na rin ang
kasal namin ni Lala."

"Sana tinext mo na lang ako, ayos ka rin mang-istorbo." Nakasimangot na sagot ni


kuwago.

"Umalis ka na nga, Falcon. 'Tangina

mo, mang-aagaw pa ng moment."

Mabilis pa sa alas-kuwatro na kwinelyuhan ako ni kwagong may itim na itim na mga


mata.

Natitigilan ang ilang guests na nagdaraan. Takaw-pansin kami sa hallway dahil lahat
kaming apat ay malalaking lalaki, akala siguro ng mga tao ay may mga kapreng nag-
aaway. I mean, mga guwapo at hot na kapreng naka-business suit.

"Falc..." hinila ito ni Hades. Agad naman itong bumitiw ngunit pulado pa rin ang
buong mukha ng gago.

Ipinilig ko ang ulo ko saka inayos ang nagusot kong polo. "Tanginang 'to, ginusot
pa ang damit ko."

"Stop it, Joss." Saway ni ML. "Tuwing magkikita na lang ba kayo ay ganyan? Damn it.
Nakakaubos kayo ng dugo."

"Okay, sori na. Masyadong hot kasi ito si kwago."

"What did you call me?!" Nagliyab na naman si Falcon.

"Wala, wag mo ng i-stress si ML, stress na nga sa misis niya dadagdagan mo pa."

"Joss!" Mukhang may nasapul ako. Namumula na rin si ML at Hades. Oo nga pala,
sensitibong topic ang married life ni Martin Luther.

"Sori." Nakonsensiya naman ako. Busy silang lahat pero inistorbo ko at pinapunta
rito kaya dapat lang na humingi ako ng pasensiya.

Pumasok kami sa isa sa mga restaurant ng hotel. Kanya-kanya kaming upo sa harap ng
bilog na mesa.

"Hades, ML..."simula ko. "Kaya kayo ang tinawagan ko kasi maiintindihan niyo ako.
Seryoso mga brod. Naranasan niyo ng masaktan kaya alam kong mauunawaan niyo ang
sitwasyon ko."

"Are you brokenhearted?" Gusto kong pitserahan sa mukha si Falcon sa tanong nitong
may halong pang-iinsulto.

Hindi ko ito sinagot, nagtimpi ako. Lalo itong napangisi.

"Oh, look at you half brother. Tinatablan ka rin pala ng sakit."

"Oo, naman." Inismiran ko ito. "Kahit pogi, nasasaktan din."

"So what is your plan?" Si Hades.


Hinarap ko si Martin Luther. "ML, kailangan ko na ang pera ko. At kailangan ko rin
kayo."

Napatingin ako kay Falcon, kahit banas ako rito ay mukhang kakailanganin ko rin ito
sa pagkakataong ito. Kahit gago ito ay magaling namang abogado.

Napapalatak ito. "Wow, kailangan mo kami? Bago iyon."

"Seryoso ako."

"Ano ba iyon?" Tanong ni Martin Luther. Sa lahat talaga ng pagkakataon ay ito ang
pinaka-ready at always willing to help.

"Kailangan ko ng pera at koneksyon."

"For?"

"Para mapasaakin na ang babaeng pinakamamahal ko."

"Anong nakahanda mong bitawan para diyan?" Nanghahamon ang mga mata ni Falcon nang
lumapit sa akin.

Lumunok ako. "Ang pride ko."

Ngumisi ito. "Tatanggapin mo na ba ang katotohanang mas guwapo ako sa'yo?"

Nagtagis ang mga ngipin ko.

Tumawa ang kuwago. "Don't worry, brother. We will help you."

JAMILLEFUMAH

JFstories

=================

Chapter 15

Chapter 15

SUOT ko ang manipis na kamison, sa ilalim niyon ay ang two piece swimsuit na kulay
royal blue. Bagong extension ang buhok ko, fake hair that will last for three
months. Ang mukha ko ay may makapal na make-up.

"Holy mackerel!" Bulalas ni Mr. Sandejas. "Gorgeous! Hindi ako nagkamali sa'yo,
hija!"
"Puwede bold star ito." Sabat ng intsik na producer. Dalawa sila sa project na
Divine, si Sandejas ang nag-refer sa akin.

Pumalakpak si Mindy. "Sexy star, Mr. Pachingco." Pagtatama nito. "Level up lang ang
alaga ko. Pagpapa-sexy na ang career niya ngayon."

Kinuha ko na ang coat ko at isinuot niyon. "Tuesday naron na ako sa venue."

Nauna na akong lumabas ng studio. Ngunit mabilis na nakahabol sa akin si Mindy.

"This is a big break for you, darling." Masayang saad niya. "For sure
pagkakaguluhan ang magazine kapag lumabas na iyon, patikim pa lang iyon, huh!"

"Yeah, big break." Ungol ko na walang lakas. "Malamang pagkatapos nito ay sunod-
sunod na ang sexy projects na darating sa akin. Iyan ay kung hindi sila masusuka sa
akin."

"At least artista ka pa rin. Pagbutihin mo na lang para mag-trend ka." Ibineso-beso
ako ni Mindy bago niya ako iniwan sa hallway ng studio.

Napailing na lang ako.

Trend? Ano? Laos na artista na naghubad na lang para lang magka-project? At mabuti
nga kung sexy star lang ang magiging tingin nila sa akin after nito.

Bagsak na ako.

...

MATAPOS kong mag-shower ay isinuot ko ang puti kong roba na umabot hanggang sa
aking tuhod. And my fake wet hair was tied in

a messy bun. Hindi na ako nag-abalang i-blower pa iyon.

Naubos na ang oras ko sa pagligo. Pakiramdam ko kasi ay kahit anong sabon ang gawin
ko sa katawan ko ay naiwan pa rin doon ang malalagkit na titig nina Mr. Sandejas at
Mr Pachingco kanina.

Lumabas ako ng banyo dahil sa sunod-sunod na doorbell. Mukhang hindi na


makapaghintay si Mindy na chikahin ako at i-push ang spirit ko. Hindi ko naman kasi
maitago sa kanya na pinaghihinaan ako ng loob.

Pero hindi si Mindy ang nagdo-doorbell. Binuksan ko ang pinto kahit halos mabingi
na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Joss?"

Anong ginagawa niya rito?

"Ito pala ang lugar mo?"

Hindi ko na siya napigilan nang pumasok siya sa loob ng unit ko. Dere-deretso siya
hanggang sa sala. Nasa loob ng magkabilang bulsa ng slacks na pantalon ang kanyang
mga kamay.
Pormal ang suot niya na halos hindi ko na makita sa kanya ang aura ng makulit na
Joss na nakasama ko sa isla.

"Hmn, maganda."

"P-paano mo nalaman na-"

"Isa akong Deogracia," lumingon siya sa akin, nakaguhit sa mga labi niya ang
kakaibang ngiti. "Walang imposible sa akin."

Wala akong maapuhan na sabihin. I was really shocked to see him.

Hindi ko maiwasang hindi bahain ng pananabik nang muli ko siyang makita. Pakiramdam
ko ay lahat ng pagod ko sa maghapon ay bigla na lamang nawala. And how I wanted to
give him a hug right now.

"Maganda." He said.

"Ha?"

"Maganda 'tong lugar mo, pero masyadong simple."

Ipinilig ko ang ulo ko, saka ko naalala na wala pala akong maski isang suot sa
ilalim ng suot kong roba. Sukat doon ay

tila may tumulay na kuryente mula sa talampakan ko pataas sa aking katawan.

"Ang inaasahan ko ay iyong magarbo. Iyong bawat gamit ay tubog sa ginto."

Pinagapang ni Joss ang dalawang mahahabang daliri sa sandalan ng sofa ko habang


nagmamasid ang mga mata niya sa paligid.

"Ito ba ang buhay na nami-miss mo habang nasa isla ka?"

"G-gusto mo ba ng kape?" Alok ko sa kanya sa kawalan ko ng sasabihin.

Pero hindi niya ako pinansin. "Sana sinabi mo na lang sa akin na ganito pala ang
gusto mo, nakahanda naman akong ibigay sa'yo ang lahat. Kaya pa nga kitang bigyan
ka ng higit pa rito."

Malungkot ko siyang tiningnan. He looked different now. The Joss I used to know was
soft and playful. Pero iba ang nakikita ko ngayon, a man who's hard and cold.

"Kotse, condo, bahay... ano pa ba?" Bumaling sa akin ang walang emosyon niyang mga
mata. "Ah, mga mamahaling damit, sapatos at alahas?"

Daig ko pa ang sinampal dahil sa sinabi niya.

"Oo nga pala, hindi lang iyon ang mga gusto mo. Gusto mo rin ng kasikatan. Gusto mo
ring sinasamba ka ng mga tao. Iyong pinagkakaguluhan ka."

"Joss..."

"At wala non sa isla. Sa buhay na ipinangako ko sa'yo... iyong sa isla na malayo sa
kabihasnan. Sa islang iilan lang ang nakakakilala sa'yo. Sa isla na ang tanging
gusaling makikita mo ay ang Deogracia Hotels, sa islang puro buhangin at halaman
ang magigisnan mo. Ano nga ba naman ang simpleng buhay na iyon kapalit na modernong
buhay mo rito sa lungsod?"
Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Wala. Walang-wala."

Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko. "Ano bang sadya mo rito?"

"Anong

gusto mo?" He retorted.

I chose not to answer his question.

Natapik ng lalaki ang noo. "Shet, Joss! Bakit ba nakalimutan mo na?" Kausap niya sa
sarili habang nakangisi sa akin. "Ang gusto ng babaeng iyan ay tigilan mo na siya."

Sinikil ko ang urge na lapitan siya at sabihing nagkakamali siya.

"Pasensiya ka na at nanggugulo pa ako sa'yo rito. Hindi ko lang kasi matanggap na


naisipan kong isuko ang lahat para makasama ka lang. Na inisip kong sapat na iyong
sandaling nagkasama tayo para piliin mo ako." He said sarcastically. "At pasensiya
na rin ako dahil hindi ako ang pinili mo."

Tinatagan ko ang disposisyon ko. I don't want him to see how weak I am. "What are
you doing here?! What do you need from me?!"

Ayon na naman ang ngisi sa mga labi niya. "Kung sasabihin ko ba kung ano ang gusto
ko ay ibibigay mo?"

If only things had been different, Joss... If only...

"Wag kang mag-alala, hindi naman kita yayain na magpakasal sakin o sumama ka sa
akin na tumira sa gitna ng gubat."

Masyado ng masakit sa akin ang mga binibitawan niyang salita pero ginusto kong
makinig pa sa ibang sasabihin niya. Kahit anong sabihin niya, basta marinig ko lang
ulit ang kanyang boses.

"So what do you need from me, Mr. Joss Deogracia?" Malumanay ko ng tanong.

Umismid si Joss. "Wag mo na akong inglisen, naiintindihan naman kita kahit Tagalog
o English, eh. Pero mas okay iyong Tagalog, hindi naman kasi ako kano, dati lang
akong mekaniko. Sinuwerte lang kaya naging ganito. Pero iyong pagiging guwapo ko,
in born."

"So ano ngang kailangan mo?"

"Ikaw." Walang gatol na sagot niya.

"What?"

"Wag

ka munang mag-panic." Itinaas niya ang isang kamay.

Pero nagpa-panic na agad ako ngayon!

"Na-miss lang kita," wika niya sa mababang boses. "Na-miss ko lang iyong mga
nangyari sa atin sa isla... kaya ako pumunta rito kasi magbabaka-sakali sana ako...
kahit sa huling pagkakataon, malay natin iyon lang pala ang kailangan natin."

"Closure?" Daig ko pa ang sinikmurahan nang na-proseso ko nang maigi sa isip ko


kung ano ang pinupunto ng sinasabi ni Joss.

"Higit pa ron." Makahulugan niyang tugon.

Natigilan ako sa nakikitang damdamin sa mga mata niya. "A-ang... katawan ko ba?"

Ngumisi siya habang ang katawan ko naman ngayon ang hinahagod ng kanyang paningin.
"Hindi ka naman lugi sa akin. Kahit pagod ako sa biyahe, kaya pa rin kitang i-full
tank."

Napailing ako at napahawak sa aking noo. Biglang sumakit ang ulo ko, gusto ko
siyang awayin dahil sa harapang pambabastos niya pero hindi ko kaya.

Hindi ko siya kayang sumbatan dahil ginusto ko naman ang lahat ng ito. Kung ano ang
tingin niya sa akin, hindi naman naiiba sa tingin sa akin ng taong-bayan.

Malungkot akong tumitig sa mga mata niya pagkatapos. "Then, fine."

Namilog ang mga mata ni Joss.

"Sige, let's have that closure. On bed." I said to him.

"Amera!"

"Kunin mo. Pero pagkatapos nito, hindi ka na magpapakita pa sa akin." Matapang na


saad ko, pilit itinatago ang sakit ng bawat salita.

His expression hardened. "Okay." He uttered.

Lumapit ako sa kanya at saka hinubad ang suot kong roba, nalaglag iyon sa sahig
bago pa dumikit ang katawan ko sa naninigas na katawan ni Joss. Yumakap ako

sa leeg niya at sinalubong ang mga mata niyang may bahid ng galit.

"Take me..." I commanded him.

Hindi na ako nagdalawang sabi, mabilis na pumulupot sa bewang ko ang matigas niyang
mga braso kasabay nang pag-angkin ni Joss sa mga labi ko.

Walang nagbago sa halik niya. His kiss was still toe-curling and mind blowing.
Kinakain ng halik niya ang natitirang logic sa isip ko. Kahit marahas ang paraan ng
paghalik niya ngayon, wala pa ring kasing tamis ang mga labi niyang nakalapat sa
akin.

Tumaas ang mga palad niya mula sa tagiliran ko pataas, hanggang sa marating ang
aking hinaharap. Marahas na pumipisil, pumipiga at tila ba sinusukat ang laki ng
magkabila kong dibdib.

"Joss..." ungol ko ng saglit na maghiwalay ang aming mga labi.

Ngunit saglit lang niya akong pinakawalan, upang parehas kaming maghabol ng hangin.
Hinalikan niya ulit ako nang mas mariin pa kesa sa una. He sucked my lower lip,
adoring it with his wet and hot tongue. Bawat sulok ng bibig ko ay ginalugad ng
mapaglaro niyang dila.

Kusang tumaas ang isang hita ko papulupot sa kanya habang ang mga kamay ko ay
inaalis ang belt sa kanyang pantalon. Itinaas ni Joss ang isa ko pang hita hanggang
sa maiangat niya ako, nang sumunod na sandali ay ihini-higa niya na ako sa kama sa
loob ng aking kuwarto.

Mabilis niyang inalis ang mga sagabal sa katawan niya, wala siyang itinira kahit
ang relong suot niya. Nang umibabaw siya sa akin ay wala ng foreplay pang nangyari.

I was already soaking wet when he pinned me down to the bed. Joss was on top of me,
and I could feel his hardness against my skin.

I gasped and closed my eyes shut. I don't want to see the anger in his eyes, gusto
kong alalahanin iyong pinaghalong pagnanasa at pag-ibig sa mga mata niya tuwing
inaangkin niya ako noon sa isla. Iyon ang gusto kong maalala.

In a swift powerful thrust Joss took me, my walls instantly clamped around him.
Mahabang ungol ang pinakawalan niya nang mag-isa ang katawan naming dalawa.

Mabilis at walang pag-iingat, na para bang layunin akong masaktan. Pero sa kabila
non ay mas nananaig ang init at pananabik ko kay Joss. I was also enjoying the
sound of his ragged breath as he kept on thrusting inside me.

Bumilis pa nang bumilis ang kilos niya hanggang sa unti-unti niya na ngang pinupuno
ang kaloob-looban ko. He's right when he said na kahit pagod siya sa biyahe, he can
still make me full.

"Ah..." I let out a sigh of pleasure.

Hinihingal siyang huminto. He withdrew himself inside my swollen core. Ramdam ko


ang pag-alis niya sa ibabaw ko ngunit pinili kong wag ng dumilat.

Nanubig ang nakapikit kong mga mata nang tumayo na si Joss. I missed his weight
already.

Ilang minuto pa ay narinig ko na ang tunog ng zipper sa kanyang pantalon. Nang


makapagbihis ay tunog na lang ng sumaradong pinto ang aking naulinigan.

He left.

Sex. Iyon lang.

A closure.

JAMILLEFUMAH

JFstories

=================

Chapter 16
Chapter 16

SAMPUNG araw na mula ng iwan ako ni Joss sa condo ko. Hindi ko siya maalis sa isip
ko. Na kahit saan ako tumingin ay mukha niya ang nakikita ko. Hinahanap-hanap ko
siya...

He's a nice guy, he's sweet and very charming. Nahulog ang loob ko sa kanya sa
maiksing panahon.

Joss was good to be true. Also too frank. He had no qualms in speaking his mind.
And when he said he loves me, I believed him.

I believed him but not enough to accept his love.

Gusto ko syang habulin para sabihing mahal ko siya. Pero galit na galit siya sa
akin. Nasaktan ko siya. I disappointed him.

Makakasira lang ako sa reputasyon niya.

God! Why does it have to be this complicated?!

Ayaw ko ng manisi at magsisi. Siguro ito lang talaga ang drama ng buhay ko. Ito ang
kapalaran ko, forever alone.

Ulila, tinakwil pa ng sambayanan, sinukuan ng lover at ngayon kapit sa patalim para


makabayad sa utang at maipagpatuloy ang pagtustos sa mga nangangailangan sa akin,
ang mga pinagbubuhusan ko ng pera ko, ang mga foundation.

Tama, ang foudation at orphanage lang talaga ang pamilya ko. Sila lang ang
nakakaunawa sa akin kaya sila lang ang dapat kong mahalin.

"Really, Guada?"

"Yes. Kaya medyo nag-enjoy ako sa Isla Deogracia."

Napatingin ako sa mga kasama ko sa elevator nang marinig ang pinaguusapan nila.

Isla Deogracia, parang nabuhay ang mga ugat ko pagkarinig ko sa paraisong minsang
kumupkop sa sawi kong kaluluwa.

"Makakarinig na ba kami ng wedding bells?" Tanong ng isa sa mga babaeng kasabay ko,
maiksi ang buhok nito.

Apat kami sa

loob at magkakasama ang tatlo. Nasa gawing likuran nila ako at hindi naman nila
pansin ang aking presensiya.

"Wala pang nababanggit si Joss." Pamilyar sa akin ang mukha, parang nakita ko na
nga ito sa isla.

Pero mas pamilyar sa akin ang sinabi nitong pangalan!

"Baka walang balak?" Tanong ng isa pa sa mga babae.

"Excuse me? Tunog bitter ka. Palibhasa single ka ngayon." Nakangiting biro nong
tinawag na Guada, ang babaeng bumanggit sa pangalan ni Joss.
Nagkataon lang ba na kapareho ng lugar at pangalan? Iilan ba ang may pangalang
'Joss' sa Isla Deogracia?

Tumawa ang kausap nitong babae. "Just kidding! Wala naman akong doubt sa kamandag
mo."

"Sana nga yayain niya na ako. Pero ako lang kasi ang nagtagal na babae ron. Nong
wala pa ako sa isla, kaliwa't kanan ang babae niya."

"So he's a lady killer?"

"Hindi na siya womanizer mula ng maging kami." Guada proudly said. "Kaya lang
nagkalabuan kami, kaya nga babawi ako sa kanya ngayon."

"Wag mo ng pakawalan, Guads."

"Of course, I won't. I think I'm already falling for him. I'll do my best para
maging okay na kami."

"Wish you luck, sissy."

NANG makalabas na ako sa elevator ay hindi ko pa rin magawang humakbang. Hindi ko


alam kung bakit pinag-aaksayahan ko pang isipin ang usapan ng mga babaeng nakasabay
ko sa elevator kanina.

Hindi ko alam kung para saan ang kaba ko.

Hindi ko rin matumbok kung bakit gusto ko silang sundan.

Ano pa bang sense? Kung si Joss nga ang pinag-uusapan nila ay di ba dapat maging
masaya pa ako? Kasi at least talagang tatantanan

na ako ni Joss kapag pinakasalan niya na iyong Guada na iyon? Hindi niya na ako
guguluhin pa.

Pero bakit ang sakit?

Parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na may iba siyang babaeng pupurihin, hahabulin
at... mamahalin.

Hindi ko matanggap na may iba siyang babae na dadalhin sa glass rest house sa
kabilang parte ng Isla Deogracia. Na may iba siyang babaeng dadalhin sa talon. Na
may iba siyang babaeng kukulitin, lalambingin at papangakuan ng pagmamahal niya.

Hindi ko pala kaya. Iniisip ko palang pero ang sakit-sakit na. Kahit wala akong
karapatan, nasasaktan ako.

Siya nga kaya ang Joss na kinukuwento nong Guada sa mga kaibigan niya?

'Stop being paranoid!' I scolded myself.


It isn't Joss, okay?! Pag-aalo ko sa sarili ko. Wala naman akong ibang babaeng
nakitang kasama niya non sa isla.

Ako lang naman ang kinukulit niya noon. Halos araw-gabi ko siyang kasama doon, kaya
malabong siya iyong pinag-uusapan ng mga babae sa elevator.

Hindi iilang beses niyang ipinangalandakan na mahal niya ako.

Natigilan ako nang maalala ko ang huling paghaharap namin. We had sex, a wild one.
And it was also a good-bye sex. Saka lang ako sinalakay ng realidad.

Bakit ko ba papaniwalaan lahat ng sinasabi ni Joss?

Kung patay na patay siya sa akin ay dapat hanggang ngayon ay naghahabol pa rin
siya. Pero wala ng Joss na humahabol. Pagkatapos ng nangyari ay parang okay na sa
kanya na matapos na sa amin ang lahat.

Iyong sex lang ang hinabol niya sa akin nong huli. Iyon lang. Pagkatapos ay nag-
evaporate na siya sa buhay ko.

It was all my fault dahil itinaboy

ko siya. Pero ganon na lang ba iyon? If he really loves me, kahit galit siya hindi
niya ako iiwan matapos ang nangyari sa amin. I submitted to him... hindi niya ba
naramdaman na mahal ko siya?

Bakit sinukuan niya ako agad?

"Ano bang tinatayo-tayo mo riyan?"

Naglalakad si Mindy patungo sa kinatatayuan ko. "Mindy..."

"Let's go, darling. Kanina ka pa hinihintay."

Saglit lang ang meeting namin with Divine's crew. Pagkatapos ay lumabas din kami ng
meeting room sa isa sa mga pamosong hotel, ang Montemayor Hotel. Tulala pa rin ako,
ni wala akong masyadong naunawaan sa pinag-meetingan dahil hindi mawala sa isip ko
si Joss.

Sinalubong kami ng mga nakaunipormeng tauhan at inihatid kami hanggang sa elevator.

Tahimik lang ako habang pababa kami sa ground floor. Nagpaalam sandali si Mindy na
magba-banyo kaya naiwan ako sa hallway.

Ilang minuto akong nakatayo ron, matagal kasi talagang magbanyo si Mindy, medyo
maselan kasi ito. Nagpalingon-lingon ako nang maramdaman kong parang may nakatingin
sa akin.

Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang matangkad na lalaki na nasa dulo ng
hallway, iyong sa pagliko ay dingding na. Nakatitig siya sa akin at hindi ko alam
kung gaano na siya katagal don.

It was Joss. He was leaning on the wall, with his hands inside his pockets. Naka-
brown na poloshirt, abong pantalon at itim na sapatos.

Napakurap ako. Baka naman namamalik-mata lang ako?

But it was really him. In flesh.


Kahit anong kurap ko ay siya talaga.

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humawak sa braso niya. The woman in the
elevator! Ang babaeng

ang pangalan ay Guada!

Para akong sinikmurahan sa pagkabigla. So it was really him! Iyong Joss na


boyfriend ng babaeng ito?!

"Baby, I've been looking for you. Narito ka lang pala. My friends wanna meet you."
Malambing na yumakap pa ito sa kanya.

"Okay, tara." Sagot ni Joss rito na para bang wala ako roon na nanonood sa kanila.

Ni hindi ko magawang kumilos hanggang sa makarating na sila sa kinatatayuan ko. Ni


hindi ko alam na nakaharang pala ako sa daan.

"Will you please excuse us, Miss?" Mataray na sabi ni Guada ng hindi pa rin ako
kumikilos, nakatingin lang kasi ako sa kanilang dalawa.

Bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Guada kanina sa mga kaibigan niya at parang
gusto kong maiyak. Ang sabi ni Joss ay ako lang, pero sino ang babaeng ito?!

Matagal na tinitigan din ng babae ang mukha ko hanggang sa mapanganga ito.

"Amera!" Bulalas ni Guada. Biglang nagningning ang mga mata. "Hey, you're the
actress right?" He seemed really nice.

"Ah, yeah..." pinilit kong sumagot kahit nanunuyo ang lalamunan ko sa tensyon at
pait.

"Fan mo ako. Fancy meeting you here!" Ngumiti sa akin si Guada. "I'm Guada. This is
my man, Joss Deogracia. Baka kilala mo siya, he's one of Manuel Crassus Deogracia's
sons."

Of course I know him. At bakit parang gusto kong manapak nang sabihin nito ang
salitang 'My Man'. Damn it!

Bumaling ito kay Joss. "Ay, baby? Is it okay na kuhanan mo kami ng picture? Please,
iu-upload ko lang sa Facebook at IG ko? Please?"

"Sure, baby." Joss was grinning from ear to ear. Walang nakakatawa kaya naiinis ako
kung bakit ganon na lang ang ngisi niya.

Tumabi na sa akin si Guada. Umakbay pa sa akin ang babae habang ngiting-ngiti na


nakatutok ang mga mata kay Joss na ngayon ay naka-ready na sa pagkuha ng picture
gamit ang IPhone.

Smile, Amera. Utos ko sa sarili ko. Pero hindi ko magawa, para akong tino-torture
ng mga mata ni Joss. Nanunuot ang mga titig niya sa akin, pero hindi ko mahulaan
ang tumatakbo sa isipan niya. Mabuti at hindi naramdaman ni Guada na nate-tensyon
ako.

"Okay, one-two-three!" Nang biglang sumimangot si Joss.

"Why, baby?" Worried na tanong ni Guada.


Tumingin sa akin si Joss at ngumiwi. "Ikaw lang ang masaya sa pic niyo, baby. Ni
hindi man lang ngumiti si Amera. I think she's not in the mood."

Napanganga ako. Lintek na lalaking ito!

Ngumiti sa akin si Joss. "Ulitin na lang natin, kung okay lang kay Ms. Amera?"

"Amera? Is it okay?" baling sakin ni Guada. "Okay lang if not, baka kasi busy ka
at-"

"No... it's okay..." Agap ko. "Picture na lang ulit..."

"Okay, pose na ulit kayo." Ngising-ngisi ang gago.

This time ay ngumiti na ako kahit pilit na pilit.

"Thank you, baby!" Tuwang-tuwa ang babae. "Thank you rin, Amera! I'm so happy! You
know what, I'm really a fan! Napanood ko halos lahat ng palabas mo."

Nang tingnan ko si Joss ay nakangisi pa rin siya. Kabagan sana!

Bumeso sa akin si Guada. "Sige, we'll go ahead. Nice to meet you, Amera! Thanks!"

"Thanks!" Joss mouthed. Hindi ko alam pero parang iba ang tunog sa akin ng
pasasalamat niya.

Gayunpaman, pinilit ko pa ring maging kaswal sa kanila.

"W-welcome..." halos pabulong na saad ko. "Ingat kayo..."

And the bastard grinned even more.

Mukhang masaya siya na pasakitan ako. O baka naman talagang ako na lang ang nag-a-
assume dito?

JAMILLEFUMAH

JFstories

=================

Chapter 17

Chapter 17

UMALIS ako sa table na reserved sa amin ng manager kong si Mindy. Kasama siya
ngayon ng ibang talents niya, mga talents na mas nag-aakyat na ngayon sa kanya ng
pera kesa sa akin.

"You're here?!"
Ibinaba ko ang wine glass sa lamesa. "Estelle."

"So, you're invited, huh?" nakangisi ang kulay indigo niyang mga labi. Kakulay ng
makintab na gown na napaka-wholesome ng dating.

Magandang-maganda ang babae, parang diwata ng talong. Nakakatawang pakinggan pero


kabaliktaran kung titingnan, she was really stunning tonight with her all violet
fashion.

Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako palayo. Hindi na rin humabol sa akin
si Estelle dahil pinagkaguluhan na siya ng mga reporters.

Maraming tao sa event, ang ball na para sa mga artista ng TV6. Taon-taon itong
ginaganap. Kung noon ay ako lagi ang sentro ng event, ngayon ay hindi na. Mas
excited na sila kay Estelle dahil ang babae ang nakakuha ng remake teleserye na
dati ay pumatok sa mga manonood.

Binilisan ko ang paglakad ko patungo sana sa ladies' room. May mangilan-ngilang


reporters din na lumalapit sa akin, siguro ay shocked na makita ako dito. Ang akala
siguro nila ay nagtatago pa rin ako. Pero wala ako sa mood magpa-interview kung ang
itatanong lang din naman nila sa akin ay tungkol sa video namin ni Thad Andres.

"Amera!"

Speaking of the devil.

Naka-abuhing tuxedo ito, nakangiti at papalapit sa akin. Kumabog ang dibdib ko


dahil malamang na may mga matang nakatingin sa amin ngayon. Ayaw kong mapabalita na
naman!

"Let's talk, Era!" Habol nito sa akin.

Asar akong lumingon.

"What did you call me?!"

Thad smiled. "Okay naman, di ba? Era for short."

"Wag mo na ulit akong tatawaging ganyan," mahina pero mariing sabi ko.

Naagaw ang atensyon namin ng magkagulo sa entrance ng party hall. May apat na
lalaking pumasok, hindi mga artista subalit mukhang mga artista ang itsura at
dating. Pero iisa lang sa mga iyon ang nakaagaw ng buong pansin ko.

"Is he Joss Deogracia?!" Narinig kong sabi ng isang batang babaeng artista, kasunod
nito ang mga kasama na palapit sa bagong dating.

They are all looking at Joss. But what the hell is he doing here? And gosh, Josh
looked hot on his all black corporate suit. Hindi ako sanay na makita siyang ganito
kapormal! Ni hindi nakangiti ang mga labi niya.

"He is so young, huh?!" Bulungan ng mga babae, kahit ng mga lalaking artista.

Seriously? What's happening?! What is he doing here?!

"Gosh! He looked delish!"

"Hmn..." Tatango-tango ang mga humahawi sa daan. "Pero may girlfriend na raw yan
and they're already getting married."

Parang tinarakan ng punyal ang dibdib ko. Hindi ko na gusto pang makinig sa
bulungan. Wala na rin akong pakialam kung bakit nandito sa ball si Joss.

"Amera!"

Inis kong tiningnan si Thad, hindi pa pala umaalis ang kumag. "Ano ba?!"

"I'm sorry, okay?" Hinila niya ako patungo sa bakanteng table.

"Sorry?" tumaas ang isang kilay ko.

"I've been an ass."

"'Glad you know that!"

Inabot niya ang kamay ko at pinisil. "May sasabihin ako sa'yo. Please try to
consider this."

Wala sa kanya ang atensyon ko kahit nakatingin ako kay

Thad. Hindi mawala sa isip ko si Joss.

"Sabihin natin sa mga tao na may relasyon tayo."

"What?" doon ako nag-react. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya.

"Listen, Amera. This is for you, okay? To save your ass. Normal na lang naman
ngayon ang mga artistang nagli-live in. Sabihin natin na nagmamahalan tayo. Na may
pangarap na tayong magpakasal. Maililipat natin ang paniniwala ng mga tao, ng mga
fans. Baka nga from bashers ay ma-convert pa natin sila into fans, 'di ba?"

"You're impossible." Inis na iling ko.

Pero seryoso ang lalaki sa planong binuo. "That is possible. Mahal ka ng mga fans
mo, they're just hurt. Feeling nila naloko sila because you're a wholesome actress.
Kasi ang taas ng tingin nila sa'yo, 'di ba? Pero come to think of it... puwedeng
palabasin na ikaw ang biktima. Na nagmahal ka lang, natakot ka lang na mawala ako
sa'yo kaya pinili mong ilihim muna ang relasyon natin. Alam naman ng lahat kung
gaano kagulo ang show business. You'll see, makukuha mo ang simpatya ng mga tao.
Ang ganda ng puwedeng kalabasan nito."

"Ano?"

"Project. You'll be getting many projects again! Magiging maingay ang pangalan mo,
'natin'. Malay natin magkaroon pa tayo ng pelikula dahil dito sa naiisip ko. We can
be a loveteam. Iisipin kasi nilang napaka-romantic ng nangyari 'tapos biglang
tragic dahil hinusgahan ka ng mga tao. Puwede nating palabasing set-up ang lahat,
including the video scandal."

Nagtagis ang mga ngipin ko. "At sino ang nasa likuran ng pagkuha ng video?"

"Estelle." Malapad ang ngiti ni Thad subalit kita ko sa mga mata niya ang
pagliliyab

ng tila galit na kinikimkim.

Kumunot ang noo ko kasabay ng pagdagsa ng realisasyon.


Muling kinuha ni Thad ang kamay ko at pinisil. "It's like hitting two birds in one
stone, honey. Mabawi ang career mo at mapabagsak ang babaeng iyon, I know you hate
her."

"Si Estelle?"

"Yeah, si Estelita Mariano! That ambitious bitch. Pababagsakin natin siya. Ako ng
bahalang gumawa ng paraan para sa kanya matutok ang sisi. Kakainisan siya ng lahat.
Mababawi mo na ang trono, ikaw na ulit ang magiging reyna ng primetime dahil
malamang mag-flop ang mga palabas niya dahil sa inis ng tao sa kanya. Malamang din
na babahain ka na naman ng projects... and of course ako ang leading man mo."

"Thank you for the information." Tumayo ako at binawi ang kamay mula sa kanya.

Naiwang nakanganga si Thad ng nagmamadali na akong umalis. Nangingilid ang mga luha
ko pero pinipigilan ko ang pagbagsak ng mga ito.

No. Not now.

Tama na ang pagiging mahina.

Bakit hindi ko pa naisip ang lahat ng ito noon?

Thad and Estelle are ex-lovers. Parehong baguhang artista. Hindi ko lang mapunto
kung bakit galit sa akin si Estelle at ang ibang artista. Hindi ko naman ginamitan
ng mahika para maging paborito ako ng network noon. Kusa iyong nangyari.
Pinaghirapan ko naman ang lahat sa malinis na paraan.

"Estelle!"

Gulat na tumingin sa akin ang babae na abala sa pakikipagtawanan sa ibang ka-


network namin. "Oh? Why, darling?" Napakabait ng bukas ng mukha na parang isang
anghel.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya.

"What the fuck!" Tili ni Estelle. Katulad

ng nakaraan, lumalabas ang sungay ng babae kapag nasasaktan.

"Bagay lang sa'yo yan!" Nanginginig ang buong katawan na sigaw ko. "You
manipulative ambitious evil woman! Sinira mo ang pangalan ko to get what you want!
Ginamit mo pa si Thad Andres! Wala kang kaluluwa!"

"What the hell are you saying?!" Nagsimulang umiyak ang babae, dumamay agad dito
ang ibang artistang nakasaksi.

"I will sue you! I will sue the both of you!" Duro ko sa kanya sabay tingin kay
Thad na nakasunod na rin pala sa akin. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki.

Ang mga umaawat sa akin ay pilit kong itinutulak palayo, nang mabitawan nila ako ay
saka ako nanakbo palabas ng hotel na pinagdadausan ng ball.

Sa gilid ng hotel ay naka-ilang missed calls sa akin si Mindy bago ko ito sagutin.

"Ano bang problema, Amera?! Bakit ka gumawa ng eksena sa party?! Hindi mo ba alam
na sa ginawa mo ay magiging laman ka na naman ng mga balita?!"
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko, hindi alam ng manager ko na naririto pa ako
at wala akong balak sabihin iyon sa kanya. "Wala akong pakialam kung anong sabihin
ng mga tao, Mindy! Kahit sabihin pa ng mga fans ni Estelle na bitter ako at
sinisiraan ko lang siya!"

"Amera!"

"Alam ko na, Mindy! Si Estelle ang may kagagawan ng video na iyon. Isinet-up nila
ako ni Thad! Ang walanghiyang mag-ex na iyon!"

"Paano mo nasasabi iyan?"

"Kinausap ako ni Thad. Sa mga sinabi niya ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat. Hindi
ako puwedeng magkamali sa kutob ko. And that stupid Thad, alam ko na gusto niyang
gumanti kay Estelle dahil iniwan siya nito sa ere. He wanted to use me. Mga sabik

sila sa kasikatan!"

Pinatay ko ang cellphone, inalis ang battery at saka ibinalik sa sling bag na dala-
dala ko. Umupo ako sa gutter ng kalsada habang naghihintay ng cab dahil wala akong
dalang sasakyan.

I don't care kung ano ang lumabas sa mga newspaper bukas, o kahit sa mga showbiz
news. Bahala na silang lahat sa buhay nila!

Marahas kong pinahiran ang mga luha ko saka inayos ang naputol na takong ng suot
kong stilleto shoes.

"Amera." Isang matigas ang malamig na boses ang nagpa-angat ng mukha ko mula sa
pagkakayuko ko.

"Joss..." Sa nanlalabo kong mga mata dahil sa luha ay nakilala ko ang nakatayong
lalaki sa harapan ko.

Ganoon na lang ang pagrigodon ng puso ko.

Madilim at tanging maliliit na ilaw lang mula sa hotel ang nagsisilbing liwanag.
Ang buwan naman ay tila sinasadyang magtago sa mga ulap. Ang itim na itim na tuxedo
ni Joss ay humahalo sa kadiliman ng gabi subalit tiyak kong siya nga ito.

Ang mabangong amoy na nakasanayan ko na, at ang boses niya na may kakayahang
pabilisan ang tibok ng puso ko at higit sa lahat ay ang puso ko na kilalang-kilala
siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tumabi siya sa akin sa gutter.

Napaawang ang mga labi ko. Kaparehas ng tanong niya sa akin ang gusto ko sanang
itanong sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" Tumitig siya sa mga mata ko. Sa puwesto naming ito ay malinaw
ko na siyang nakikita, lumiwanag na rin muli ang buwan.

Napahikbi ako, tila nakakita ng isang kakampi sa katauhan niya. "Nagkamali ako,
Joss..."

Kumunot ang kanyang noo.

"Nagkamali ako... I'm sorry..."


"Nagkamali?"

Humawak ako sa braso niya. "Isama

mo na ako. Isama mo na ako pabalik sa Isla Deogracia... I want to be with you,


Joss. Ilayo mo na ako rito."

"Joss? Ikaw ba iyan?"

"Guada!"

Napatayo ako ng tumayo si Joss. Nasa katapat na kalsada si Guada. Naiilawan siya ng
lamppost. Makinang din ang suot nitong damit na kulay pula at tumutunog ang takong
ng sapatos sa bawat paghakbang.

Nang makalapit ang babae ay agad itong yumakap kay Joss. "Tapos ka na ba mag-smoke?
Tara na sa loob-" Nang matigilan ng mapatingin sa akin. "Oh, Amera!"

Déjàvu.

Ganitong-ganito rin iyong nakaraan. Very funny, mapait kong naisip.

"Sige, aalis na ako." Ngumiti ako kay Guada, nagsisikip ang dibdib ko.

Nakakailang hakbang palang ako ng may matigas na kamay ang pumigil sa akin.
"Amera!"

"Joss?" Manghang bulalas ko.

Nasalo ko ang nagliliyab niyang mga mata. Pero kanino siya nagagalit? Sa akin ba?

"Hinihintay ka na ng girlfriend mo..." mahinang sabi ko.

"Saan ka pupunta?" Sa halip ay tanong niya.

"Joss!" Tawag sa kanya ni Guada.

Inis niya itong nilingon. "Mauna ka na, Guada!"

"Pero-" hindi na nakahabol ang babae ng hilahin na ako ni Joss palayo.

"Tara!"

"Joss!" Halos magkanda-tali-talisod ako sa bilis ng paglalakad niya.

Bumalik kami sa parking lot ng Montemayor Hotel, kung saan naroon ang ball. Huminto
kami sa isang itim na sasakyan.

"Sakay!" Pinapasok niya ako sa passenger side at saka mabilis siyang umikot sa
driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" Disoriented pa ring tanong ko.

"Sa condo ko." He maneuvered the car out of the parking lot.

"Joss..."

"Anong nangyari sa party?" He asked while his eyes on the road.


"Si Estelle..."

"Estelle?" Mabilis niya akong sinulyapan sa rearview mirror. "Ang babaeng pumalit
sa'yo bilang reyna ng network?"

How did he know that? Sabagay, he told me that he's a fan. Noon. Baka updated siya
noon sa mga nangyayari sa career ko.

"Hinding-hindi ka niya kayang higitan." Nagulat ako sa sinabi ni Joss.

Napatitig ako sa kanya. He was dead serious. Ni wala akong nakikitang kahit anong
playfulness sa mga mata niya.

Bumuka ang mga labi ni Joss, mas humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Ipinapangako ko, Amera... walang makakahigit sa'yo habang nasa akin ka."

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko, mabilis na mabilis ang pagkabog
ng dibdib ko.

"Nakakalimutan mo na ba?" itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at saka


pinatay ang makina.

"Ha?"

Nang tumingin sa akin si Joss ay nakangisi na siya. "Hindi lang ako guwapo, mayaman
at makapangyarihan din ako."

"I don't get it." Pero may kutob na akong namumuo.

He let out an empty laugh saka tumitig sa mga mata ko. "Hindi mo pa rin ba gets
kung anong ginagawa ko sa network party niyo?"

Hindi ako sumagot. Nakatanga lang ako kay Joss.

"Amera, ako na ang bagong vice president ng TV6 network."

"Ano?!" Gulat na bulalas ko.

"Kung kinakailangan na sa lahat ng palabas mula umaga hanggang gabi ay naroon ka at


ikaw ang bida at si Estelle ay kontra-bida, e 'di go."

Hindi ako makapaniwa. "B-bakit mo ito ginagawa... a-anong balak mo..."

He smiled. "Isa lang ang kapalit, Amera... ikaw."

JAMILLEFFUMAH

JFstories

=================
Chapter 18

Chapter 18

SA condo niya nga talaga ako dinala. Sa mismong sala niya na rin binitiwan ang
kamay ko na pinagpawisan na sa pagkakahawak niya mula sa parking lot ng building.

"Dito ka lang, wag na wag kang lalabas!"

Nagtatagisan kami ng titig sa isa't-isa, siya ang unang bumawi. Hinubad niya ang
suot na tuxedo, naiwan ang puting polo sa loob, itinupi niya ang manggas hanggang
sa kanyang mga siko.

Humalukipkip ako habang tinitingnan siya. Kinuha niya ang cellular phone sa loob ng
pantalon. Um-order siya ng pagkain at pagkatapos ay hinila ako papunta sa sofa.

"Upo."

Naupo naman ako para wala ng gulo. Nakahalukipkip pa rin ako habang masama ang
tingin sa kanya.

Hinawi niya ang ilang piraso ng buhok na tumatakip sa pisngi ko. Lumuhod siya sa
harapan ko at hinawakan ang magkabila kong binti.

Gusto ko siyang itulak palayo pero nagustuhan ng traidor kong pakiramdam ang init
na nagmumula sa mga palad ni Joss. Tila ba sa isang haplos niya lang sa balat ko ay
napawi ng lahat ng pangangalay at pagod ko sa maghapon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo pang magsuot ng ganitong klaseng
sapatos." Nakasimangot niyang sabi.

Inalis niya ang suot kong heels at saka itinabi sa gilid ng mesita. Itinaas niya
ang isang paa ko at marahang pinisil-pisil ang sakong ko hanggang sa mga daliri.

Sa ginagawa niya ay nakamasid lang ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa seryosong
mukha ni Joss. Pawisan ang noo at ang tulay ng matangos niyang ilong habang
nakatungo siya sa paanan ko.

Tumayo lang siya nang tumunog ang doorbell.

Isang malaking paperbag

ang ang kinuha niya mula sa delivery boy. Isinara niya ulit ang pinto saka nagtungo
sa kusina. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang kalansingan ng mga kubyertos at
plato sa lamesa.

Itinapak ko ang hubad kong mga paa sa malambot na carpet ng condo ni Joss. Sumilip
ako sa kusina, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakikita ko.

Mabilis ang kilos ni Joss pero pulido. Mula sa pagsa-sandok ng pagkain, paglilipat
sa mangkok ng sopas mula sa plastic bowl. Pagsasalin ng tubig sa baso at pati
pagti-timpla ng kape. Sanay na sanay sa kusina ang mokong, kabisado kung saan
nakalagay ang mga gamit.

Nahinto siya sa pagkilos nang mapansing pinapanood ko siya. Tumigil siya at humila
ng isang upuan.
"Kain na," lumakad siya palapit sa akin. "'Di ko alam kung ano'ng gusto mong kainin
ngayon kaya dinamihan ko na iyong order ko."

Sopas, fried chicken, rice, siomai, cake, Lasagna at ilang sliced na prutas ang
nasa mesa. Galing sa kilalang resto ang lahat ng orders niya. Umuusok din sa tasa
ang bagong timpla niyang kape.

"Salamat pero hindi ako nagugutom."

Ngumisi siya saka tumingin sa tiyan ko. "Kanina ko pa sa kotse naririnig ang
pamamaktol ng mga bituka mo, Miss."

Inirapan ko siya. "Guni-guni mo lang iyon." Tanggi ko kahit nag-iinit na ang muka
ko sa hiya.

Kanina pa nga kumukulo iyong tiyan ko. Pero siyempre, nunca na aminin ko iyon.

"Kumain ka."

"Uuwi na ako." Patalikod na ako ng hilahin niya ako sa braso.

Napatingin ako sa mga mata ni Joss, para akong pinanghinaan ng makita ang
kaseryosohan sa mga titig niya.

"A-ayoko nga... hindi ako gutom...

uuwi na lang a-"

Hinila niya ako papunta sa upuan. "Upo. Wag mo akong artehan, hindi iyan uubra sa
akin."

"Hindi nga ako-"

"Kumain ka sabi." Matigas na ulit niya, parang napipikon na.

Natakot naman ako kaya hindi na ako umalis sa upuan. Ramdam ko ang pagwawala ng
anaconda ko sa tiyan. Nakakagutom nga naman ang mga pagkain sa harapan ko.

"Kain." Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Hindi na ako nag-pakipot. Kinuha ko na ang kutsara at tinidor. Gutom na talaga ako.
Mayamaya pa ay sunod-sunod na ang subo ko. Ni wala na akong pakialam kahit
pinapanood ako ni Joss habang lumalamon ako.

"Kumain ka ng prutas." Nilagyan niya ako ng sliced apple and watermelon sa plato.
"Nangangayayat ka na, pinapabayaan mo siguro ang sarili mo."

Isang subuan lang sa akin ang isang sliced ng mansanas. Isinunod ko ang isa pa.
Maagap naman sa pag-abot ng tubig sa akin si Joss dahil mukha na akong nabubulunan
sa dami ng isinubo ko.

"Pagkatapos mong kumain, pumasok ka sa dulong kuwarto. May mga damit na pamalit sa
closet. Maligo ka 'tapos magpahinga."

Doon ako napatingin sa kanya, kunot ang noo at tikom ang punong bibig.

"Hindi ka muna uuwi sa condo mo at baka makapatay pa ako." Aniya.


Nilagok ko ang tubig sa baso para malulon ko ang pagkain sa bibig ko. Nang clear na
ang bunganga ko ay saka ko siya hinarap.

"Hindi ako uuwi tonight?!"

Namulsa siya at sinalubong ang matalim kong tingin sa kanya. "Oo. Dahil siguradong
susundan ka ng Thad Andres na iyon."

Anong koneksyon ni Thad?!

"Bubuksan ko na ang aircon sa kuwarto para

malamig na pagpasok mo. Wag mo'ng tatangkaing tumakas kung ayaw mong sesantihin ko
lahat ng empleyado sa building na ito."

"Joss, bakit mo ba ito ginagawa?"

"Nasabi ko na sa'yo ang dahilan."

Bago siya umalis ay tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin bago
sinagot ang tumatawag.

"Hello? Falc? Oo. So, ano na?"

Falc? Kapatid niya yata iyon, si Falcon Deogracia. Nagulat ako nang biglang namula
ang mukha ni Joss hanggang leeg.

"'Tangina naman! Anong silbi mo niyan? Oo, gago! Madaliin mo. Magkano ba ibabayad
ko? Cash? No problem! Triplehin mo pa ang halaga kasi wala akong barya. Kung gusto
mo sagot ko na rin ang lifetime supply mo ng condom!"

Nang matapos ang tawag ay si Joss naman ang nag-dial. Hindi pa rin nagbabago ang
reaksyon ng mukha niya, badtrip pa rin.

"Hello! Si Joss Deogracia 'to. Pakibilisan ang trabaho niyo! Anak ng tinapa, anong
petsa na?!"

Tumayo na ako. Tapos na akong kumain pero hindi pa tapos si Joss sa pakikipag-away
sa cellphone niya, kulang na lang makipagsuntukan siya sa kawawang gadget.

Naku-curious tuloy ako kung tungkol saan iyong pinapamadali niya sa mga kausap
niya. Gaano kaya ka-importante iyon at parang it's a matter of life and death kung
maka-react siya?

Pinagpatong-patong ko na ang mga plato at inilagay sa plastic bag ang mga styro ng
pinaglagyan sa pagkain. Akmang ilalagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan ko nang
sumitsit si Joss sa akin.

"Wag mo ng hugasan ang mga iyan at baka mapano pa ang mga kamay mo."

Kumunot ang noo ko.

"Sige na, magpahinga ka na, ako ng bahala diyan."

Hindi na ako

nag-insist pa na maghugas ng plato dahil mukhang hindi rin naman siya papayag.

E, di wag! E, di ikaw na! Maigi nga iyon at hindi masisira ang nail polish ko!
Tumalikod na ako dumeretso sa kuwartong sinabi niya, ako na rin ang nagbukas ng
aircon. Ini-lock ko muna ang pinto bago ako nag-shower.

Tama nga si Joss, may mga pamalit na damit pang-babae sa closet. Para tuloy gustong
tumaas ng mga kilay ko. Kanino naman kayang mga damit ito?

O, baka kagaya sa glass resthouse sa isla ay may mga nakahanda talagang damit para
sa mga bisitang babae? Baka nga...

Pero teka? Really? Dito sa mismong condo ni Joss?

Lalaki siya! Malamang magkakaroon talaga iyan ng mga bisitang babae! Sita ko sa
isip ko. Bakit ba nakikialam pa ako?

At bakit ba ako apektado?!

Nang matuyo na ang buhok ko ay nahiga na ako sa kama.

Mabilis naman akong hinila ng antok pagkalapat na pagkalapat ko sa malambot na


kutson.

Sa pagod ko sa maghapon ay kusa ng nagpahinga ang isip at katawan ko. Hindi ko alam
kung ilusyon o panaginip lang na narinig kong bumukas ang pinto na kanina ay
tiniyak ko pang nai-lock ko.

Hindi ko rin tiyak kung panaginip din o ilusyon na may mainit at matigas na mga
brasong yumakap sa bewang ko at katawang tumabi sa akin sa pagtulog.

Ang alam ko lang ay kagaya ng nasa Isla Deogracia ako noon... ay payapa ang naging
tulog ko.

...

"JOSS?"

Iginala ko ang paningin sa buong kuwarto. Maliwanag na ang paligid, mukhang mataas
na rin ang sikat ng araw.

Bumalikwas ako ng bangon sabay kapa sa tabi ko.

Ganoon na lang ang kahungkagang naramdaman

ko nang makita ang espasyo bakanteng espasyo.

Wala na siya sa tabi ko.

Sigurado akong tinabihan ako ni Joss kagabi. Naramdaman ko siya. At naiwan pa sa


mga unan ang amoy ng gamit niyang pabango.

"Shit!" Nasapo ko ang aking ulo.

Ano bang problema ko? Bakit ba hinahanap ko ang lalaking iyon? Maganda nga na wala
siya para makauwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Mindy.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko sa sidetable. Agad ko iyong dinampot at
sinagot.

"Hello, Amera?"

"Mindy, I'm sorry about last night."

"Pumunta ako sa condo mo pero wala ka. Saan ka tumuloy? Nag-hotel ka?"

"Ah... yeah..." Pagsi-sinungaling ko. Hindi ko alam kung gusto ni Joss na may
makaalam na magkakilala kaming dalawa.

Baka hindi niya gusto...parang biglang pumait ang pakiramdam ko. Sino nga ba ang
gustong ma-link sa tulad ko?

Tumayo na ako at saka isinuot ang damit ko kagabi. Hindi naman bongga masyado ang
dress na sinuot ko sa party, hindi rin weird kung mag-ka-cab ako pauwi na ganito
ang itsura.

Naghilamos ako nag-ayos bago lumabas ng kuwarto. Gaya ng inaasahan ko wala na si


Joss.

Ikaw ba naman VP ng isang network company e di ka magiging busy? Malamang hindi pa


tirik ang araw ay lumarga na iyon!

Kusang umismid ang mga labi ko.

E, di ikaw na ang rich! Ikaw na ang VP at ako ay hamak na artista na maraming


haters at bashers!

Pero in fairness. Ang VP ng istasyong halos isuka na ako ay nag-aksaya sa akin ng


panahon kagabi. At hinugasan pa ang pinagkainan ko at minasahe ang mga paa ko!

Hindi ko na pinigilan ang kilig na nararamdaman ko, mukha namang di na papapigil


ang kilig na ito. Halos lamunin na kasi ang buong sistema ko.

Pero hindi pa ron natatapos ang lahat.

Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ang note sa mesa sa sala. May pulang rosas
pa sa ibabaw niyon kaya agaw-pansin talaga.

Binasa ko ang nakasulat...

Good morning, Sexy!

Kumain ka na lang, nasa mesa na ang almusal mo. Hinabilin na kita sa driver ko,
magdo-doorbell siya mamaya. Ihahatid ka niya kung saan ka pupunta.

-Joss Na Pinaka-Guwapo

Dinampot ko ang pulang rosas at saka dinala sa ilong ko para amuyin. Nakangiting
tinitigan ko iyon pagkatapos.

"Oo, guwapo ka na. Ten pogi points for you, Diosdado Deogracia."

Kung ano man ang larong ito, Joss... aaminin ko na, nag-e-enjoy ako. Nakakatakot
lang kasi baka katulad ng proposal mo, may expiration date din ito.

JAMILLEFUMAH

JFstories

=================

Chapter 19

Chapter 19

TANGHALI na ng makarating ako sa condo ko. Hapon na ako makikipag-meet kay Mindy
para sa briefing ng next pictorial ko for Divine. Ang sabi may ilang pagbabago raw
na magaganap.

"Bitch."

Napahinto ako sa paghakbang nang may humarang sa aking babae.

"Guada?"

Nakilala ko siya agad. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sa
likuran niya ay dalawa pang babae, iyong mga kaibigan niyang natatandaan kong
kausap niya sa elevator.

"What are you doing here?" Sinubukan kong maging kalmado kahit parang alam ko na
ang sadya niya.

Hindi na ako nakapagtanong ulit nang bigla niya akong sugurin ng sampal at sabunot.

"Mang-aagaw! Malandi ka pala talaga! I hate you!!!"

"Hey! Stop!" Sinubukan kong lumayo pero mahigpit na ang hawak niya sa buhok ko.

"Ikakasal na kami, alam mo ba iyon?! Minamadali na nga namin ang lahat! Wala pa man
kuma-kabit ka na!" Sunod-sunod ang kalmot, sampal at sabunot.

Sa pagkabigla ay hindi na talaga ako nakabawi. Ni hindi ko namalayang tatlo na


silang nagtu-tulong-tulong sa akin. Ipinagpa-pasalamat ko na lang na dumating ang
mga guwardiya ng condominium building.

"Malandi ka!!! Makati!!!" Hindi pa maawat si Guada ng isang guwardiya lang dahil
pati mga kaibigan niya ay nakikialam. Ilan pang mga guwardiya sa building na iyon
ang pumigil sa kanya sa pagsugod ulit sa akin.
Mahapdi ang balat ko at anit sa mga atake niya kanina. Pero mas mahapdi ang nasa
loob ng dibdib ko.

Ikakasal na sila ni Joss at minamadali na nila ito. Iyon pala ang pinagkaka-
abalahan ni Joss kaya hindi ito magkandaugaga.

At sa nangyaring

ito, hindi malabong bukas ay laman na naman ako ng mga balita.

May iilang kumukuha na ng video at photos sa nangyari. At isa na sa mga iyon ang
isa sa mga kaibigan ni Guada. Nakangisi ito habang nakatutok sa akin ang hawak na
gadget.

"Serves you right, bitch." Ani pa nito.

Hinihingal naman sa galit si Guada habang pigil-pigil ng mga guwardiya. "He's mine!
You know that! You're just gonna ruin his name, you loose woman!"

Tigmak ang mga luhang pumiksi ako mula sa guwardiyang pumipigil sa akin. Hindi ko
na pinansin ang mga tao sa paligid, mabilis na akong nanakbo patungo sa elevator
paakyat sa unit ko.

....

JOSS

"So hows the new Vice President?"

"Ito, stressed." Tumayo ako at inabot ang isang goblet na may lamang Vodka kay
Hades.

"Bakit naman? Mahirap ba ang responsibilidad as VP?" Tinanggap niya ang alak at
saka inisang lagok.

"Hindi. Nai-stress ako sa ibang bagay. Kay Amera."

"Bakit?"

"Gusto kong ibigay ang lahat sa kanya, Hades. Lahat. Iyong tipong wala na siyang
hahanapin pa."

"Hindi ba siya naku-kuntento sa mga naibigay mo na?" Nakataas ang isa sa makakapal
niyang kilay.

"Kung hindi ako si Joss Deogracia, baka kahit tingnan niya lang ako ay di pa
mangyari." Mapaklang kong sabi. Nagsalin muli ako sa mga baso ng Vodka.

Hindi siya umimik. Inubos ko ang laman ng goblet at nagsalin pa ulit ng isa pa bago
ko matamang tiningnan ang isa sa mga half brothers ko.

"Hades... sa kauna-unahang pagkakataon. Sa kauna-unahang beses, nagpapasalamat ako


na anak ako ng tatay nating maraming sperm! Nagpapasalamat
ako dahil nabuo ako! Nagpapasalamat ako kasi Deogracia ako!"

"Gago." Ngumisi siya.

"'Di nga."

"Matagal ka ng thankful, ah."

Sumimangot ako. "Iyong tungkol sa mana? Uy, 'di ah."

Tatango-tango siya habang hinihimas ang baba.

"Kung papipiliin ako, pera o pamilya. Pamilya, syempre. Alam mo yan. Oo, masaya
maging mayaman. Pero mas masaya kung lumaki akong may pamilya."

Mabuti pa nga si Hades, kahit natsugi ang family, at least naranasan pa ring
magkaroon ng family. 'Tapos heto ngayon, may sarili na ring pamilya... ang asawa at
mga anak niyang ipinaglihi sa kiti-kiti.

Tumingin ako sa kadiliman ng kalangitan mula sa labas ng glass window ng opisina


ko. "Tangina mo, Manuel Crassus Deogracia!" Mariing anas ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hades ngunit hindi na siya nagsalita pa.

"Hindi mo ba alam na buong buhay ko daig ko pa ang pulubi?! Tangina! Ang yaman mo
pala, pero ako?! Naranasan kong kumain ng tira-tira mula sa kinain ng ibang tao
para lang malamnan ang sikmura ko!"

"Brod, kung nasaan man si Dad, malamang nagsisisi na iyon. Pinagsisisihan niya ng
hindi lumaki sa poder niya ang pinaka-guwapo sa mga bastardo niya."

Umiling ako. "Hindi sapat ang pagsisisi lang, Manuel Crassus! Pinagpasa-pasahan ako
ng mga kamag-anak ko mula ng mategi ang nanay ko! Hindi ako nakatapos ng pag-aaral
kasi mas inuna ko ang mag-trabaho para mapakain ang sarili ko! Pero hindi ako
nawalan ng pag-asa! Hindi ako sumuko! Kasi cool lang, 'Dre! Cool lang ako!"

Si Hades naman ang nagsalin ng alak sa akin, inisang tunggaan ko lang iyon bago ko
kinausap muli ang madilim

na langit.

"Ipinanganak akong guwapo!" Sigaw ko. "Wala man ako noong nanay, tatay o kapatid!
Kahit na kulang na lang kumain ako ng basura para makakain nong bata pa ako! At
least, mukha pa rin akong mayaman! Mukha pa akong fresh kesa don sa mga naging amo
kong milyonaryo! Itong mukhang 'to! Ito lang ang ipagpapa-salamat ko sa'yo!"

Buong buhay ko, tuwing sinasabi ng mga tao na napulot lang ako mula sa tae ng
kalabaw. Isa lang ang ibinabalik ko sa kanila.

'Saan kayo nakakita ng tae na ganito ka-guwapo? Shit kayong lahat, mga panget!
Saan?! Marami nga kayong pera pero ang papanget ng mukha niyo at panget pa ng mga
ugali niyo!'

Iyon lang naman ang pinanghahawakan ko. Kahit muntik-muntikan na akong ma-molestiya
ng kung sino-sinong bading sa dating lugar na tinitirahan ko. Kahit iyong mismong
malayong tiyahin ko na tinangka akong hipuan nong katorse anyos ako.

Pero dahil din sa mukhang 'to, natatanggap ako sa trabaho. Kahit wala akong
diploma, job-experience ay meron naman akong pleasing personality at sipag! Iyon
lang ang puhunan ko sa buhay noon.

Iyon lang ang pakonswelo ko sa sarili ko. Na ayos lang kahit magdildil ako ng asin,
kahit hindi ako makaligo dahil mahaba ang pila sa poso at kahit wala akong makain.
Guwapo ako. May maaawa at maaawa sa akin.

Sipag at mukha lang!

Pero ngayon ay hindi na sapat iyon. Hindi na sapat ang mukha lang at sipag, kahit
samahan ko pa ng bait at lambing.

Hindi sapat dahil ang napili kong mahalin ay napakahirap abutin. Kung mukha, abs,
muscles, performance at sipag plus pa ang resistensya... hindi iyon

sasapat. Kukulangin pa rin.

Tiningnan ko nang matiim si Hades. "Hindi ako magpapasalamat sa tatay natin sa


perang iniwan niya."

Nakatingin lang din siya sa akin, siguro parehas lang kami ng pinagdaanan. Naging
tulay din ang perang minana niya para maabot ang babaeng minamahal niya.

"Alam mo kung bakit, Hades? Dahil karapatan nating makuha ang manang iyon. At iyon
ang gagamitin ko para makuha naman ang babaeng mahal ko."

"Brod,"

"May isa pa pala tayong namana sa tatay nating matulis." Naalala ko.

"Ito iyong namana natin kay Dad, masyadong mapagmahal." Si Hades na ang nagtuloy.

Ngumisi ako. "Si Martin Luther malala rin. Battered jowa na, push pa rin ang lolo
mo."

Iba-iba lang ang takbo ng buhay namin. Iba-iba ang palad namin. Pero sa babae, iisa
lang ang likaw ng mga bituka namin.

"Hindi mo pa ba alam?"

Nagkibit-balikat siya, nasa mukha ang interes. "Hindi ko alam. Napapansin ko lang
na palagi siyang may malalim na iniisip lately."

"Ikakasal na siya talaga don sa kapatid-kapatiran niyang may sapi."

"Love wins." Dinampot niya ang goblet na bagong salin at ibinigay sa akin. "Sa
ngalan ni Manuel Crassus Deogracia." Kinuha niya rin ang kanya matapos punuin ng
Vodka.

"Sa ipinamana niyang pagmamahal na siksik, liglig at nag-uumapaw."

"Let's cheers to that!"

Oo, mapagmahal ako. Pero kahit gaano karami at nag-uumapaw ang pagmamahal sa puso
ko, iisang babae lang ang gusto kong lunurin sa pagmamahal ko.

Iisa lang.

Sa ganong aspeto, hindi ako nagmana kay Dad.


....

AMERA

ITO

pala ang ipinagbago?

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Mindy. Nasa mga mata niya ang pag-aalala. "This
is your first photo-shoot. May kasunod pa..."

Suot ko ang puting silk na roba, sa loob nito ay wala na kahit ano.

"Yeah..." marahang tango ko. Kahit ang totoo ay kinakain ako ng hiya. Nanginginig
ang mga tuhod ko sa takot at kaba.

Walang kaso kung sana ay tamang two piece na lang ang susuutin ko. Pero hindi. Ang
gusto ng Divine ay wala kahit ano...maliban sa pintura. At makikita ng lahat ng
narito sa studio ang katawan ko.

Malalaman ng lahat na pumayag ako sa ganitong proyekto. Pilit ko mang isaksak sa


isip ko na art ang gagawin ko ay hindi ko magawa. Ilang ulit sinabi sa akin at
ipinaliwanag ang dapat kong gawin.

Magpo-pose ako ng daring habang nasa katawan ko ang kakapirasong pintura na halos
kakulay lang din ng balat ko. Lalabas sa mga magazines ang mahahalay kong litrato.
Oo mahalay, dahil iyon ang sinabi sa briefing! Napirmahan ko na at wala akong
pambayad kung aatras ako!

Sisikmurahin kong maglambitin sa pole na hubo't-hubad!

Nakangiti ang intsik na kasosyo ni Sandejas. "Ikaw sexy, ha! Ikaw kiskis dede sa
pole ha! Iyon maganda! Pakita mo matibay pintura! Ikaw the best Divine Project!
Ikaw giling sa video, ha!"

Ikinuyom ko ang mga kamay ko.

Hindi maliit na kuwarto, kundi isa lang bahagi ng studio na may tabing na tela ang
pu-puwestuhan ko. Sa loob niyon ay may nakatayong lalaki; payat, may edad na at
malalim makatingin.

"His name is Pete, siya ang magpi-pintura sa katawan mo, Amera." Ani Mindy.
"Babalikan kita mamayang gabi."

Naiwan

ako kasama si Pete.

"Hello, Miss Amera! Asahan niyo ang pagiging professional ko. Hindi pa ako ganon
katagal sa larangang ito pero maaasahan niyo na gagawin ko ang lahat para maging
maganda ang kakalabasan ng body paint niyo."

Napalunok ako. Nakakakilabot ang klase ng pagkakangisi nito, kumikinang! Hindi ko


tiyak kung tunay na mga ngipin o pustiso lamang ang nasa loob ng nakabukas na
bibig.
"Pektong!!!"

Sabay kaming napalingon sa isang may edad na babaeng chubby na biglang dumating.

"Hindi mo nainom ang vitamins mo! Bakit ba excited ka e hindi naman kagandahan
iyang pe-paintingan mo?! Hindi ako nagseselos I'm just blah-blah-blah..."

Agad namang dumating ang mga guard sa studio para kaladkarin palabas ang babaeng
chubby. Tumikhim si Pete.

"Sorry, stage wife." Nag-peace finger pa ang payat.

Tumango na lang ako, shocked pa rin.

"Sige na, hubad na!" Utos niya, nakangisi.

Seriously? Color gold talaga iyong gilagid ng pustiso niya?

Sure na! Naka-pustiso siya. Pustisong kakulay ng ginto at may glitters pa yata!

Pahubad na ako sa suot kong roba nang makarinig kami ng komosyon sa labas ng
nakatakip na tela.

"Amera!" Malagom na boses kasabay ng pagbagsak ng telang nakatabing sa puwesto


namin ni Pete.

"Joss!" Gulat na bulalas ko.

Nakatayo si Joss, may hawak na itim na jacket habang ang ang nagliliyab na mga mata
ay nakatunghay sa mukha ko. Nagtatagis ang mga ngipin niya at magkasalubong ang mga
kilay.

Mabilis niyang hinagilap ang isang pulso ko at saka ako hinatak.

"Sir, maghuhubad pa siya-" di na natapos ni Pete ang speech niya ng panlisikan siya
ng mga mata ni Joss.

Nagsilapitan naman ang mga crew ng Divine, lahat ay nakatanga at di makapaniwala ng


makilala si Joss.

"Pararaanin niyo kami o pasasabugin ko 'tong studio niyo!"

Nagpulasan ang mga ito, binigyan kami ng daan. Bago umalis ay nilapitan ni Joss ang
intsik na kasosyo ni Sandejas. Iniwanan niya ito ng cheke, halos malula ako ng
mabasa ang nakasulat na halaga ron.

Thirty million pesos!

"Joss..."

Bumaling siya sa akin. "Your worth is more than that."

Hindi ako napatulala dahil in-English ako ni Joss, kundi dahil sa klase ng
pagkakatitig niya ngayon sa akin. Nang isuot niya sa akin ang bitbit na jacket ay
parang tinakpan niya na rin pati ang kaluluwa ko.

"Tara na... hindi ka nababagay dito." At saka niya na ako hinila palabas ng studio
ng Divine.
JAMILLEFUMAH

JFstories

=================

Chapter 20

Chapter 20

PAKALADKAD niya akong hinila papasok sa loob ng isang bakanteng room sa TV6.

"Iyan ba ang gusto mo?! Ha?! Iyan ba?" Nanggi-gigil na tanong niya.

Pigil na pigil ko ang paghikbi.

"Ganyan? Maghuhubad ka na lang sa harapan ng kung sino-sino?! Don sa payatot na


painter na iyon?! Tangina! Putangina!!!"

Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko kayang makita siyang ganito.
Galit na galit siya, para siyang papatay ng tao. Narinig ko na lang ang kalabog ng
pagbagsakan sa sahig ng mga upuan.

"Ganon ba kahalaga sa'yo ang career mo? Ang pagkaguluhan ka ng mga tao? At ano ang
susunod? Magbo-boldstar ka?! Ano pa ang kaya mong gawin para mapanatili ang
pangalan mo sa showbiz?!"

Sunod-sunod ang yabag niya, papalayo. Pagkatapos ay pagkalabog ulit ng kung ano sa
loob ng kuwartong kinaroroonan namin.

"Ako! Halos lumuhod ako sa harapan ng kuya ko para ibigay sa akin ang pagiging VP.
Malaking responsibilidad, Amera! Napakalaki! Pero ginagawa ko ito hindi para sa
punyetang network na iyan! Para lang sa'yo! Narinig mo? Para sa'yo! Oo, sa'yo
lang!"

Humihingal na huminto siya sa paghahagis ng kung ano-anong mga gamit.

"Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng role na gusto mo! Magpo-produce ako ng pelikula
kung kinakailangan! Bakit hindi mo pa mahintay?! Bakit?!"

"B-bakit mo rin ginagawa lahat ng ito?" mahinang tanong ko. "H-hindi ba ang dapat
na pinagkaka-abalahan mo ay ang... k-kasal niyo ni Guada?"

"Kasal?!" Gulat na ulit niya. "Tanginang kalokohan iyan! Saan mo narinig iyan?!
Sino nagsabi sa'yo ng mahila ko ngala-ngala
ng pukinginang iyan!"

Napahikbi ako. Umusod ako palayo pero humakbang siya palapit.

"Ano ba, Amera?! Bakit ba kung kani-kanino ka nakikinig?! Bakit kung saan-saan ka
pa tumitingin?! Nandito ako! Nandito ako sa harapan mo! Ginagawa ko ang lahat para
ibalik sa'yo ang dating buhay mo! Ibabalik ko sa'yo, sinusumpa ko! Kahit ikamatay
ko pasisikatin kita ulit! Kung kinakailangang alisin ko lahat ng artista sa network
at ikaw na lang ang itira ko! Gagawin ko!"

"A-ayaw ko! Hindi!" Kumawala na ang mga luha ko. Ang sikip-sikip sa dibdib. Ang
sakit ang hirap sa pakiramdam.

"Era..." natigilan si Joss.

Umiyak na lang ako. "Para ano, Joss? Lalo akong magmukhang kawawa?! Naririnig mo ba
ang sinasabi mo? Lalo mo lang pabababain ang pagkatao ko! Anong iisipin nila?
Desperada ako? Pati ikaw na VP gagamitin ko? Ano?! Namokpok ako?! Ganyan ang
iisipin nila-"

"Hindi ko hahayaang isipin nila iyon." Matigas na salo niya.

Magsa-salita pa sana ako nang mag-ring ang cellphone niya. Tinalikuran niya ako
saka sinagot ito.

"Hello, Falcon? Good."

Nakatanga lang ako habang kinakausap niya ang kapatid niya. Nang ibaba niya na ang
cellphone ay hinarap niya ulit ako.

"Manood ka ng news."

"Ha?"

Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at saka hinilot ang sintido.
"Pasensiya ka na..."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagtipa siya sa cellphone niya, ilang saglit lang ay
may kumakatok na sa kuwartong kinaroroonan namin.

Si Joss ang nagbukas. Isang babaeng crew ng network ang nasa labas ng pinto, dala
ang mga gamit at damit ko mula sa studio ng Divine.

Sinenyasan niya itong umalis na pagkatapos. Inilapag ni Joss sa harapan ko ang mga
gamit ko.

"Joss..."

Tumingin siya sa akin at saka malungkot na ngumiti. "Magbihis ka na. Wag kang mag-
alala hinding-hindi na kita guguluhin. Pero iyong pangako ko sa'yo, tutuparin ko
iyon. Ibabalik ko sa'yo ang dating buhay na kinasanayan mo."

Nang lumabas na si Joss ng kuwarto ay napatitig na lamang ako sa mga gamit ko


habang hindi maampat ang mga luha sa mga mata ko.
KINAGABIHAN.

"Showbiz chika! Papunta na ang bagitong aktor na si Thad Andres sa SG bukas, mga
ka-chika! Inamin niya na ang tungkol sa ginawa niya kay Amera. At yes, tama ang
nasa blind item, mga kapatid! Si Estelle ang itinuturo niyang kasabwat niya sa
pagpa-plano sa ating beloved Amera. Maraming tumestigo na isa-isa ng lumantad mula
sa ma crew ng hotel na pinangyarihan ng putol na video scandal!"

Napatitig ako nang mabuti sa screen ng flat LED TV ko sa aking sala. Kitang-kita ko
si Estelle habang umiiyak ito at nagtatakip ng bandana sa ulo at hinahabol ng mga
reporters.

Muling nagsalita ang showbiz anchor.

"Grabe po. Hindi rin kami makapaniwala. Pero bukod sa inamin niya na ay lumabas pa
ang isang CCTV footage sa hotel kung saan saglit na nag-usap ang dating mag-ex na
si Estelle at Thad kung saan nagtatalo ang dalawa.

Hindi pa po pumapayag sa ngayon na magbigay ng pahayag si Estelle pero nabinbin ang


lahat ng proyektong iniwanan niya. Samantalang si Thad ay aalis na nga bukas
patungong Singapore! Nagsara na ang restaurant business nito na nalugi na rin pala
dahil

sa hinihinalang pagkalulong sa ipinagba-bawal na gamot.

Sobrang sakit sa part ni Amera dahil sa panghuhusga ng taong-bayan. Pero hindi pa


naman huli para bumawi, hindi ba? Sa mga nagtampong fans ni A, hindi pa huli. Love,
love, love!

Sa bagong chika pala, sa pagbabalik ni Amera, tatlong big projects na agad ang
inihahanda sa kanya ng TV6! Excited na ba kayo sa pagbabalik ng ating primetime
queen?"

Ini-off ko na ang remote.

Mariin akong napapikit.

"Joss... tinupad mo ang pangako mo."

...

PANGATLONG ARAW na. Halos mapudpod na ang mga daliri ko kaka-text at tawag sa kanya
pero wala, nakapatay ang cellphone niya. Wala rin siya sa TV6.

"Nakakulong na si Thad. Nahulihan siya sa airpot ng ilang gramong shabu." Malakas


ang boses na sabi ni Mindy. "Kumakalat na rin ang video kung saan nag-usap ang sila
ni Estelle sa isang resto habang pinagpa-planuhan ka. Si Thad mismo ang nagpa-video
non, ang gago, talagang naniguro."

Kumuyom ang mga palad ko. "Kilala ko na si Estelle, Mindy. Kaya ganoon kalaki ang
galit niya sa akin."

"What do you mean na kilala?" Umupo siya sa tabi ko.

"Estelita Mariano... natatandaan ko na siya. Isa siya sa mga nakasama ko sa


orphanage ng iwanan ako ng yaya ko noon."

"Oh, my God!"

"Siya iyong naampon ng mag-asawang nambu-bugbog... ibinalik siya sa ampunan


pagkatapos. Hindi naging maganda ang pagsasama namin... palagi kaming nag-aaway,
iniintindi ko siya pero sarado ang isip niya, Mindy. Nalaman ko na lang na galit
talaga siya sa akin... dahil ako

ang dapat na aampunin ng mag-asawang umampon sa kanya, pero hindi natuloy dahil
nagkasakit ako noon."

"May pinaghuhugutan pala ang lukaret!" Bulalas ni Mindy. "Sabi na may toyo yon, eh!
Iyong interview palang niya kahapon para siyang baliw!"

"She was a battered child, hindi ko alam kung totoong na-molestiya rin siya. Pero
iisa lang ang alam ko, naging ilag na siya sa mga kapwa-bata namin mula noon.
Nakalimutan ko na rin siya ng umalis ako ng ampunan. Nong pumasok ako sa showbiz at
sumunod siya, hindi ko na talaga siya matandaan. Malaki na ang ipinagbago ng itsura
niya."

"E, kasi nga retokada!"

Kinuha ko ang isang kamay ni Mindy. "Mindy... ang tungkol pala sa mga kinikita
ko..."

"Alam ko na, Amera." Ngumiti siya at gumanti ng pisil sa kamay ko.

"Ha? Paano?"

"Nasa news na! Ikaw talaga napakalihim mo." Ngumiti siya.

News? Paano?

Nagpatuloy si Mindy. "At talagang humahanga sa'yo ang mga tao. You donated your
money sa mga kawang-gawa. At ang orphanage mismo na pinanggalingan mo ang nagpa-
interview para sa'yo. Sa'yo galing ang mahigit fifty million pesos na ipinangpagawa
sa ampunan, kumbento at ilang gamit ng mga bata roon. Higit pa ron marami ka pang
foundation na sinusuportahan."

Namasa ang mga mata ko. Ginawa nina Mother Superior iyon? Nagpa-interview sila para
sa akin?

"Good things happen to good people... at iyon ang magagandang bagay na mangyayari
sa'yo dahil mabuti kang tao."
Hindi ko naman hinihintay ang kahit anong kapalit. Hinila ako ni Mindy at saka
niyakap.

"Kahit ang tungkol sa pag-papaaral mo sa mga apo ng yaya mo, at sa pagpapagamot sa


yaya mo at sa mga batang patuloy

na sinusuportahan mo sa pagpapagamot, lahat iyon, Amera. Lahat alam na ng mga tao.


Hindi ka totoong nagda-drugs, nagka-casino o nagsu-sustento sa kung sinong lalaki.
Ito ang totoo, isa kang selfless na tao."

Napaiyak na ako sa balikat niya.

"You're back, Amera."

Nang humiwalay ako ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Bakit hindi ka masaya? Nakita mo ba? Bumalik na ang fans club mo. Marami na ulit
pages sa Facebook na sumusuporta sa career mo. Marami ka na ulit offers sa ibat-
ibang kumpanya na gustong magpa-endorso sa'yo."

"Nasaan si Joss, Mindy?" Bigla kong tanong.

Alam kong alam niya na ang tungkol kay Joss dahil sa naglilipanang blind items.
Alam din niya na kaya hindi natuloy ang Divine Project ay dahil kay Joss Deogracia.

"Joss?" Ulit niya.

"Oo! Si Joss Deogracia! Wag kang magkaila na hindi mo alam! Please, nasaan siya?!"

Umiling siya. "Hindi ko alam, Amera..."

Pinahiran ko ang mga luha ko saka ako biglang tumayo. "Pupunta ako sa Isla
Deogracia." Desisyon ko. Kailangan kong makausap si Joss.

"Hindi puwede. May interview ka sa-"

"Ayaw kong magpa-interview!"

"Amera!" Tumayo na rin si Mindy.

"Hindi ko kailangan ng kasikatan na ito!"

"Amera..."

Kumapit ako sa balikat niya. "Mindy... si Joss?"

Malungkot lang siyang nakatingin sa akin, at ramdam ko, nagsasabi siya ng totoo.
Hindi niya alam kung nasaan ang lalaking iyon.

Nang mag-ring ang cellphone ko ay ganoon na lang ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Agad kong kinuha ang fone sa bag ko para sagutin iyon. Nanginginig pa ang mga kamay
ko ng i-accept ko ang call sa isang unregistered number.

"Hello?!"

Walang sagot. Pero sapat na iyong narinig kong buntong-hininga sa kabilang linya.
Mabilis na nagtubig muli ang mga mata ko.

"Hello?! Hello, Joss?! Alam kong ikaw iyan! Kahapon pa ako tumatawag sa'yo bakit
naka-off ang fone mo? Hello, Joss? Magusap naman tayo kasi-"

"Era..."

Oh, God... sobra kong na-miss ang boses niya. Maging ang pagtawag niya sa pangalan
ko sa ganoong paraan...

"N-nasaan ka?" Garalgal na boses na tanong ko.

Buong katawan ko na ang nanginginig. Mamamatay na ako sa kakaisip kung paano ko


siya makikita.

"Joss... please, nasaan ka? Mag-usap tayo, please!"

Pero iba ang sagot niya. "I love you. Mahal na mahal kita..." anas niya sa mahina
at mababang boses.

"Nasaan ka nga?!" Iyak ko. "Joss naman!"

"Ingat ka."

"Joss!"

Wala na.

"Hello? Hello?! Joss?!"

Off na ang kabilang linya.

...

Up next... The Epilogue

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

HINAGOD ni Mindy ang likod ko.

"Tanginang lalaking iyan!" Walang habas ang pagtulo ng mga luha ko.

Mula ng huli kaming magkita ni Joss ay walang araw na hindi ako umiiyak.

"Hindi ba niya maramdaman? Manhid ba siya?! Bakit ba iniisip niya na ang importante
lang sa akin ay ang letseng kasikatan ko?! Bakit ayaw niyang makinig sa akin?!
Bakit ayaw niya akong makita at kausapin?! Bakit?! Marami akong gustong sabihin!
Napakarami!"

Biglang natigilan si Mindy, napanganga ito habang tulala. Nagpatuloy naman ako sa
paglalabas ng nilalaman ng puso ko, pakiramdam ko hindi ko na talaga kaya. Parang
sasabog na ang puso ko.

"Mahal ko siya, Mind! Mahal ko ang kumag na iyon! Kahit saksakan ng daldal iyon
noon, minahal ko na siya! Mahal ko siya, Mindy! Kahit ang korni niya minsan! Kahit
sobrang taas ng confidence niya! Kahit ang sakit niya sa ulo! Kahit pinipigilan ko,
mahal ko siya..."

Wala pa ring imik si Mindy.

"Delayed ako, Mindy. Kung ayaw ng Joss Deogracia na iyan na pag-piyestahan na naman
ako ng media ay magpakita siya-"

"Buntis ka?"

Mindy?

Napatitig ako sa mukha ni Mindy. Bakit hindi ko naman nakitang bumuka ang mga labi
nito. At hindi ganoon katigas at kalaki ang boses nito.

Ako naman ang napanganga. Parang may naghahabulang mga daga sa dibdib ko.

"Buntis ka?"

This time ay tiyak ko na talagang hindi si Mindy iyon. At iisa lang ang taong may
ganoong boses. Iisa lang ang boses na iyon na kayang pakabugin nang ganito ang
dibdib ko.

I bit my lower lip. Marahan ang ginawa kong

paglingon.

"Iiwan ko muna kayong dalawa." Paalam ni Mindy at saka ito naglakad palabas ng
dressing room.

Ilang minuto ang lumipas ng makalabas ng silid si Mindy. Nanatiling nakapako ang
paningin ko kay Joss na ngayon ay nakatayo ilang dipa ang layo sa akin.

Sa wakas nagpakita na ulit siya sa akin...

Seryoso ang mukha niya ngunit nasa mga mata niya ang kakaibang emosyon. Kagaya ng
huli ay pormal ang ayos niya, polo at slacks. Maayos ang buhok niya, kumikislap ang
rolex sa pulso. Naaamoy ko mula sa kinatatayuan ko ang mamahalin niyang pabango.

This is Joss. My love.

Para sa akin, siya pa rin iyong lalaking nakasama ko noon sa isla. Iyong lalaking
makulit, maingay at laging nagpapangiti sa akin.

Kahit ilang ulit ko siyang itinaboy, bumabalik at bumabalik siya sa akin. At


ngayon, hindi ko na siya hahayaang umalis. Hindi ko kailangan ang lahat ng ibinalik
niya sa akin, higit ko siyang kailangan kesa sa ano pa man.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi ni Joss. "Hindi ko pala kayang hindi ka
makita nang matagal. Para akong masisiraan ng ulo."
"Joss..."

"Ang hirap ng work ng isang VP. Ang daming iniintindi, 'tapos hindi ka pa mawala sa
isip ko. Kahit nagmi-meeting kami ikaw pa rin ang nasa utak ko, pati sa kape ko
mukha mo ang nakikita ko. Kailangan kitang makita ngayon, baka kasi mabaliw na
ako."

Sunod-sunod ang paghikbi at pagsigok ko habang nakatingin sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa impis kong tiyan. "Mahal kita... 'tapos buntis ka pa,
malamang ako ang ama."

Oh, God... I miss this man.

"Malamang din kasing pogi ko iyan

kung lalaki man yan. 'Tapos narinig ko, mahal mo rin ako... Wala ka ng takas."
Humakbang siya patungo sa kinaroroonan ko.

Umiiyak na hinampas ko siya sa balikat. Iyak pa rin ako nang iyak nang sagutin ko
ang sinabi niya. "Ang yabang mo talaga... pero namiss kita nang sobra... namiss
kita... nami-miss ko ang kaangasan mo... ang kakornihan mo... ang guwapo mong
mukha... ang lahat sa'yo... saan ka ba nagsususuot... pinag-alala mo ako..."

Biglang humawak sa pulso ko ang mainit na kamay ni Joss, hinila niya ako palapit at
saka ako niyakap nang ubod nang higpit.

"Shhh, tahan na..."

Yakap-yakap niya lang ako sa loob ng ilang minuto habang panay halik niya sa buhok
ko.

"Miss na miss din kita, Era... Miss na miss."

Nang lumuwag na ang pagkaka-pulupot ng mga braso niya sa katawan ko ay saka ako
lumayo nang kaunti sa kanya.

Tumungo siya, idinikit ang noo sa akin. "Mahal mo ba ako?" Magaang tanong niya,
nakangiti pa rin ang mga labi.

Sinalubong ko ang malagkit na titig ni Joss, kahit pumapatak pa rin ang mga luha ko
ay nakangiti na ang mga labi ko.

"Mahal mo rin ako, di ba? Hindi mo lang maamin, alam ko naman. Sige na, Era... wag
mo na akong pahirapan. Gagawin ko naman lahat para sa'yo. Kahit ano pipilitin kong
gawin kahit iyong hindi ko kaya, sisikapin ko pa ring magawa para sa'yo. Please,
gustong-gusto na kitang makasama... mamamatay na ako sa lungkot..."

"Paano kung sabihin ko na, oo? Oo, mahal kita. Na oo ikaw ang ama nito kung sakali
mang buntis talaga ako." Itinaas ko ang isang kamay ko at itinapat sa mukha niya.

Namilog ang mga mata ni Joss nang mapatingin

siya sa singsing na suot-suot ko.

"Natatandaan mo ba ng ibigay mo sa akin ang singsing na ito? Iyong gabi na hindi ko


alam kung mate-turn off ba ako o hahanga sa lakas ng fighting spirit mo. Iyong gabi
na hindi ka na rin nawala sa isip ko. Sabi mo noon, isuot ko lang ito kapag
narealize ko na mahal din kita at itapon ko kung tingin ko hindi talaga kita kayang
mahalin. Hindi ko ito itinapon, Joss. Weird pero itinabi ko ito. Iningatan ko... at
ito na, suot ko na."

"You mean?" Lalo pang namilog ang mga mata niya.

Mahina akong tumawa, para na akong baliw. Umiiyak ako tapos tumatawa. Kinurot ko sa
pisngi si Joss. "Ikaw ha? Naging VP ka lang ingglisero ka na. Pero lalo kang
gumuwapo alam mo ba iyon? You're so hot, baby... and I miss you so much."

"Era..."

"At oo, gusto kong magpakasal sa'yo. Gusto kong maging asawa mo at oo, gusto kitang
makasama habambuhay... Joss, I'm sorry. Sana hindi mo ako tanggihan kagaya ng
pagtanggi ko sa'yo noon. I'm so sorry..."

Nagulat ako nang bigla siyang bumitaw. Humakbang siya patungo sa pinto ng dressing
room at saka ini-lock iyon bago bumalik sa akin.

"Joss, ano ba? Baka-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bihag na ng mga labi ni Joss ang mga
labi ko. Ilang minuto na magkalapat lang ang mga labi naming dalawa. Nang
maghiwalay kami ay saka ko napansin na tumutulo na ang luha niya, umiiyak na rin
siya.

"Mahal na mahal kita." Itinaas niya ang isang kamay ko at dinala sa mga labi niya.

"I love you too, Joss. I love you..." gamit ang isang libreng kamay ko ay hinaplos
ko ang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga

luha niya. "I'm sorry... I'm sorry kasi nasaktan pa kita... I'm sorry..."

Ngumisi siya. Ikinulong ang mukha ko sa pagitan ng mga palad niya, tinuyo ang mga
luha ko gamit ang mga labi niya. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita..."

Maiksi at mahina siyang tumawa. "Mabuti umamin ka na. Alam ko namang mahal mo
talaga ako. Ito bang mukhang 'to, hindi mo mamahalin? Plus romantiko pa at
maginoo?"

Natawa na rin ako. "Kaya nga patay na patay ako sa'yo!"

At muli ay nagsalo ang mga labi namin para sa isa pang mas mainit at mas matagal na
halik.

...

NAKANGITING hinaplos ko ang frame na nasa kandungan ko. Doon sa parteng nakalilok
ang dalawang letra, 'AJ'.

Inililipad ng panggabing hangin na mula sa karagatan ang hanggang balikat kong


buhok. Malamig ang simoy ng hanging panggabi. Bukas ang lahat ng malalaking mga
bintana ng paborito naming cottage, ang Amera Cottage.

Mula sa kinauupuan kong duyan ay tanaw ang mga bituin sa langit at dinig ang hampas
ng mga alon at tunog ng mga nakabitin na sigay.

"Uy," tumabi sa akin sa duyan si Joss sabay halik sa pisngi ko.

"Akin na lang 'to, ha?"

"Sa'yo naman talaga iyan." Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. "Lahat ng sa akin ay
sa'yo. Kahit nga ako, sa'yong-sayo rin."

Oh, I miss Joss so much. Kakarating niya lang kanina from Manila. Dito ako sa Isla
Deogracia na matiyagang naghihintay sa kanya. Pero ngayon ay mas matagal ko ng
makakasama ang lalaking ito.

Hindi na ako bumalik pa sa pag-aartista dahil naging maselan ang pagbu-buntis ko,
at gusto ko rin kasing ipakita kay Joss na handa

kong iwan ang lime light para sa simple at tahimik na buhay na ipinangako niya noon
pero tinanggihan ko.

Lahat din ng may kasalanan sa akin ay pinatawad ko na. Kung hindi naman dahil sa
kanila ay wala ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi na rin nagpakita si Guada sa amin
ni Joss matapos i-announce ng super poging ito ang pag-ibig niya sa akin. Gosh! Ang
haba ng hair ko that day!

Sa tulong din ni Joss ay tuloy-tuloy pa rin ang suporta ko sa lahat ng foundation


na sinusuportahan ko noon. Supportive ang mahal ko sa lahat ng bagay pagdating sa
akin. Nakilala ko na rin ang pamilya niya, at naipakilala ko na rin siya sa mga
nakasama ko noon sa orphanage.

Lahat ng iniwanan kong show ay areglado na ng new VP ng network. Pinapatunayan din


ni Joss sa mga kapatid niya na kaya niya ang responsibilidad bilang VP. Pero ngayon
ay on leave siya para alagaan ako at itong baby na ilang buwan na lang ay lalabas
na sa mundo.

Lahat ay masaya para sa amin. Naging wedding of the year pa ang beach wedding
namin. At syempre, si Mindy ang aking maid of honor. Magagaang halik sa pisngi ko
ang iginawad ni Joss habang hinahaplos ng palad niya ang tiyan ko.

"Mula ng makita kita sa TV noon, sinabi ko na sa sarili ko; shet! para sa akin ang
babaeng iyan. Hindi ako papayag na hindi kami magkatuluyan!"

Humagikhik ako. Kinikilig pa rin ako sa kalokohan nitong mister ko.

"Kahit naaasar ako sa buhay ko non ay masaya pa rin ako kasi ipinanganak akong
guwapo, pera na lang ang kulang 'tapos puwede na tayo."

"Pera?" Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Oo. Syempre, paano kita malalapitan kung ni pamasahe at pang-date e wala ako?
Sikat na sikat ka kaya. Artista ka, syempre maraming lalaki ang gustong maging
girlfriend ka. Pero sorry na lang sila kasi ipinanganak si Joss Deogracia. Pero
kahit hindi ako naging isang Deogracia, magsisikap pa rin ako para maabot kita"

Lumabi ako. "Paano pala kung hindi tayo nagkita dito sa isla?"

"Destiny nga, di ba? Magkikita at magkikita pa rin tayo."


Napatango ako. Yes, it's destiny. "Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, kahit iyong
scandal na sumira sa career ko noon, gusto ko ng ipagpasalamat ngayon. Super
thankful ako kasi dahil don napadpad ako sa paraisong ito... 'tapos nagkita tayo.
Nakita ko ang lalaking nakatakda sa akin."

Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo, may dahilan. Maganda man o mabuti ay may
nakalaang kahulugan, may ibig sabihin at gustong iparating.

"I love you, Misis Amera Deogracia..."

Habang nakatitig ako sa mga mata ni Joss ay nasasalamin ko na rin ang mga susunod
pang pangyayari sa mga buhay namin. Ano mang pagsubok ang dumating, confident ako
na hindi niya ako papabayaan at ganoon din ako sa kanya...

Ako, si Joss at ang future little Joss and little Era. Kahit gaano kasimple ang
buhay sa isla, basta kasama namin ang bawat isa ay wala na akong maihihiling pa...

Oh, good God! Thank you for this beautiful life.

WAKAS

JAMILLEFUMAH

You might also like