You are on page 1of 141

------------------------------

TITLE: A Heart's Antidote


LENGTH: 2610
DATE: Mar 25, 2014
VOTE COUNT: 152
READ COUNT: 10220
COMMENT COUNT: 45
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: pixieblaire
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-03-25 03:19:40

------------------------------

####################################
A Heart's Antidote
####################################

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

PROLOGUE

Defying the limits.

Violating the golden rule.

Opposing peace and order.

He never wanted it. Even he himself is a product of a wrongdoing. He's carrying a


distorted life made by his parents' big transgression.

A guy who has no heart.

An immortal who was never been loved.

And a wizard who was never been in love.

Diamond Gemlack-Soverthell is an immortal-wizard. He can do spells, and at the same


time... he's undying. His parents broke the rule. And now he's cursed to die from
the moment he encountered love. But the thing is, he doesn't have a heart.

Literal na puso. Talagang wala.

"Wala nga ba? O nasa kung saan lang?" madalas niyang itanong sa sarili niya.
Magic, spells, charms, wizardry, and power-will any of these help him all the way
in his life's great journey?

Sa mundo ng mga mortal, paano kung isang araw ay matagpuan niya ang isang
pagkakulit-kulit na babaeng patay na patay sa kanya, gustong-gusto siya, at mahal
na mahal siya.

Matutunan niya kaya itong mahalin?

Ngunit paano siya magmamahal kung wala nga siyang puso?

Tinutugis siya at ipinapapatay.

Pero paano siya papatayin kung siya ay immortal?

Not until one day, a secret has risen.

They were now yearning to kill Enikka.

But why?

Will they struggle for each other? Will they fight for love?

And would love be enough for two people facing distress and sacrifices?

Posible bang ang dalawang nagmamahalan ay maghati sa iisang puso lang?

Mond and Enikka-dalawang taong pinageksperimentuhan ng kapalaran.

Both of them are determined.

Both of them are willing.

And both of them are longing for their desires.

"Проспер љубов. Грижи се нема. Нека одат на ракавица. Сакаат тоа, сакаат тоа. Го
почувствува, да ја почувствува. Ние како еден. Љубовта како еден. Една
Направете!!!"

(Prosper love. Worries be gone. Let go of the glove. Wish it, wish it. Feel it,
feel it. We as one. Love as one. Make it one!!!)

A search for a way. A journey for a cure. A struggle for a purpose. And a tale of
conquering love.

A Heart's Antidote.

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Genre: Fantasy | Humor | Romance


Copyright © 2014 by pixieblaire
All Rights Reserved.

A Heart's Antidote is a fantasy tale. This is the side story of my second novel
"Take It or Leave It". Sa mga nakabasa na po nun, ito na po yung story ni Mond. :)

Votes and Comments are highly loved and appreciated. Haha! <3
####################################
1 - Identity
####################################

Paalala: Some parts here are taken from some chapters nung Take It or Leave It.
Chapters 1 to 3 nito ay naencounter/maeencounter niyo rin doon. Pero please read
between the lines pa rin kasi I added lines, events, and other important details
dito sa story. Yun lang mga ka-AHA! XD
==========

Chapter One
Identity

(Mond's POV)

"Mond naman! Kailangan ba talaga merong Mond yung bago mong identity? Puro Raymond
lang oh, eh nagamit mo naman na yan."
"Oo! Pag wala kang nahanap na may Mond, wala kang bonus saken."
"Diamond na lang kase. Eto oh may nahanap ako Diamond din. HAHAHAHA!" bwisit talaga
'to. Sarap kotongan.
Pinandilatan ko siya. "Oh easy. Eto na nga maghahanap na."
"Ayusin mo Kierre ah. Matagal-tagal ko ring gagamitin yang identity na yan."
"Yes bossing!" at saka naghanap muli si Kierre sa Extinct Human List namin dito sa
mansion. Well, puno ng hiwaga naman dito. Magic thing.

Ang totoo kong pangalan ay Diamond Gemlack-Soverthell. Lalaki ako. Walanghiya kasi
yang si Kierre na nagpangalan sa akin nung sanggol pa ako. Siya ang guardian ko
kaya mas gurang yan sakin. Swerte niya lang dahil hindi rin siya tumatanda. Pero
ngayon, kilala ako dito sa lupa bilang Raymond Zalazar na nagamit ko yata ng halos
anim na taon. Nagkataon lang na parehong may Mond ang Diamond at Raymond kaya yun
pa rin ang tawag sa akin ni Kierre. Pero dahil magpapalit na ako ng identity, bye
bye Raymond Zalazar na. At ngayon nga, pinipilit kong hanapan ako ni Kierre na may
"Mond" rin na pangalan para ayos!
Kailangan kong magpalit ng identity dahil nandito kami sa mundo ng mga tao. Bawal
kasi kami doon sa kabilang dimension. I'm banned there. Ang saya lang.
At isa pa, immortal ako. Baka makahalata ang mga tao sa paligid ko na hindi ako
tumatanda. Mahirap na.

"Ayuuun! May nakita na ako! Ayos na ba sayo ang Edmond?" napatigil ako sa paglalaro
ng Gem Stressball ko nang sumigaw si Kierre sa gilid ko.
Napaisip naman ako. "Hmm. Ayos na yan. Basta may Mond." Napahawak ako sa baba ko.
"Saka isa pa, tunog gwapo. Sakto!"
"Tunog manyak kaya. Hahahaha! Manyak ka naman eh, talagang sakto."
"Siraulo! Ikaw ang manyak. Tatahi-tahimik sa harap ng maraming tao pero kung
makatitig sa mga babae. Tss. Teka, anong ichura niyan? Dapat gwapo tulad ng totoo
kong muka ah."
Lumapit sakin si Kierre at pinakita sa akin yung litrato. "Oh yan! Mas gwapo pa nga
yan sayo. Okay na?"
"Mas gwapo pa rin ako. Tingin ng background niyan."
"Ako na magrerecite sayo. Siya si Edmond Sioson. Nabuhay noong ikalabingwalong
siglo. Died from a car accident. Habulin ng mga babae noong panahon niya pero.."
"Pero ano?"
"Pero may gender confusion siya noon."
"Ah. Bakla?"
"Ewan. Confused pa lang nakalagay dito. Hahaha! Akala ko ngayon lang epic ang
generation, noon din pala. Totoo nga yata yung nabasa ko sa facebook nung isang
araw, 50% ng mga gwapo ay bakla, 40% ay manloloko, 6% ay taken, at 4% ay gwapong
single. Buti na lang ako, nasa least percent. Ikaw ba Mond? Dun ba sa 50%? HAHAHA!"
"Tarantado ka talaga Kierre. Ok na yan, pag gamit ko naman yang identity na yan
100% lalaki na yan. Check mo, baka may living relatives pa. Kung meron, palitan mo.
Ayaw ko ng may sabit. Baka mamaya buhay pa yung mga girlfriends niyan or suitors."
"Siraulo ka ba Mond? Ikalabingwalong siglo! Sinong buhay pa ngayon na 1701
pinanganak? Itulad mo saten eh di tayo nadededo. Tsk."
"Oh kalma. Sige yan na. Anong age siya namatay?"
"19. Bata pa. It means, school boy ka! Haha!"
"Tch. Nakakaumay na. Wala bang challenging na identity naman? Kahit tagalinis lang
ako ng kotse, or cook sa isang restaurant."
"Kung challenging ang hanap mo, dapat yung tagagamot sa mga bagang ng buwaya o
pating! Mond, okay na yan. Saka baka napapanahon nang maghanap ka ng lovelife."
"Not interested."
"Ugok ka! Daang taon ka nang nabubuhay, wala ka pa ring nagiging asawa man lang!"
"Ikaw ang ugok! Ang asawa, pang-isahan lang. Wag mong gawing collection! Malala ka
talaga Kierre. Sige na dun ka na nga. Ayusin mo na yan."
"Okay pows."

Nilayasan ko na si Kierre at pumanhik sa kwarto ko. Kailangan ko ng pahinga at


energy dahil mabigat ang dadaanan kong sitwasyon bukas.
Bukas na kasi ako magpapaalam sa press at sa mga fans. Ang banda kong Spice Up,
madidisband na bukas. Syempre dahil yun saken, kailangan ko na kasing magpalit. Ang
paliwanag ko sa grupo'y mangingibambansa na ako and I'll stay there for good.
Nakakalungkot man dahil napamahal na rin ako sa kanila, kasa-kasama ko ang banda
pati ang ilan ko na ring mga naging kaibigan sa buhay kong ito bilang si Raymond
for almost 6 years, pero wala eh.. kailangan na talaga.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa pagpikit ko'y nakakita ako ng mga bituin, maraming
maraming bituin. Am I already dreaming? Pakiramdam ko'y napapangiti ako habang
natutulog.
"Em Em Em Em!"
"Bakit ba?"
"Em Em Em Em!"
"Ano nga?"
"I love you."
"Tss. O'na."
"Bakit yun lang? Em Em Em Em Em naman eh!"
"Ang kulit mo talaga." Nanahimik naman siya at ngumuso na lang sa tabi ko.
Natawa naman ako sa loob loob ko. "Tsk. Ang cheesy naman kasi. I love you too. Oh
yan na."
"Yeeeeeeheeeey!!!" at saka niya ako niyakap at dinamba.
"Para ka talagang bata." Saka ko nilagay ang hintuturo ko sa noo niya.
Kinurot naman niya yung magkabila kong pisngi. "Ikaw rin kaya! Ang cute cute cute
mo kasi." Saka siya ngumiti ng pagkalawak-lawak muli. Haaaay. This girl.
Humiga siya sa balikat ko at sabay kaming nag-i-star gazing. Tulad niya, hindi rin
mapawi ang ngiti sa labi ko.
Hanggang sa tumingin siya sa akin ng direcho. Walang kurap kurap. Her eyes na bakas
ang sobrang tuwa at sincerity. And those eyes.. that I just can't resist.
I kissed her.
Kakaibang pakiramdam pala talaga kapag hinalikan mo ang taong mahal mo. A very
exulting feeling.
We continued looking up the stars nang biglang may kung anong dilim ang pumawi sa
alapaap. At siya ay.. unti-unting naglalaho sa tabi ko at tila hinuhugutan ng
hininga.
"Hindi. Hindi!"
"Moooooooooond! Hindi kita mahawakan! Bakit hindi kita mahawakan!" napuno akong
bigla ng takot dahil hindi ko na rin siya mahawakan. Para bang unti-unti rin siyang
tinatangay ng hangin.. palayo sa akin.
"HINDEEEEEEE! Kumapit ka lang! Mahal kumapit ka lang! Wag mo akong bitawan. Wag
kang matakot. OBCURSO! OBCURSO! Gumana ka! RECENSERE! Hindi ka pwedeng mawala.
Hindi!" iyak siya nang iyak. Pati ako'y naluluha na. "REPUGNO CONTRAVENIO!!!"
Ngunit nilamon na siya ng kadiliman.

"MOND! GUMISING KA!"


"CONTRA! OBCURSO!"
"Huy! Bakit anong nangyare? Bakit ka nagka-counter spell? Anong napanaginipan mo?"
hingal na hingal akong bumangon. Panaginip. Panaginip lang pala.
Isang napakamakahulugang panaginip.

"Kierre, kailangan na nating magmadali. Nakita na nila ako sa panaginip ko. Hindi
maaari. At may babae, may babaeng madadamay."
"Panaginip lang yan Mond. Para namang ito ang unang pagkakataon na may
napanaginipan ka."
"Oo nga, pero halos lahat ng napanaginipan ko nangyari sa ibang paraan. Kierre,
malakas ang kutob ko, hindi lang ito basta panaginip. Kakaiba."
Lalo na't sa panaginip ko ring iyon, mukang mayroon akong minamahal.

"O sige. Ikukuha lang kitang tubig master. At bukas, kausapin na rin natin si
Franzes. May balita na ako sa kanya."
"Sige salamat." Lumabas si Kierre ng kwarto at naiwan akong tulala pa rin sa mga
nasaksihan ko. Anong klaseng sitwasyon iyon? Grabe.

Iniling-iling ko na lang at kinatok-katok ang utak ko. Adik lang Mond? Panong
magiging totoo yung panaginip mong yun eh hindi ka naman marunong magmahal dahil
wala kang puso. Pagkausap ko pa sa sarili ko. Tama. Hindi na dapat ako nag-iisip pa
ng malalalim dahil nakakabaliw.
***
Kinabukasan.
Pinag-usapan na namin ni Kierre yung tungkol kay Franzes-yung taong makakatulong sa
akin para makapagpalit ng anyo. For me to change, I need someone. Para makapagpalit
ako, kailangan ko ng taong mangangailangan rin sa akin. And in Franzes's case, she
badly needs my help.
She's in the middle of choosing between her family and Kyle, her love.
Mahirap ang pamilya nila. Masaya naman nung una ngunit tinadtad siya ng problema.
May malubhang sakit ang papa niya, ang ate naman niya ay nabaliw, at ang kuya niya
napagbintangang kriminal. Kaklase siya ni Kierre kaya mas napadali ang balita namin
sa kanya.
At ngayon nga, I'm about to offer her a deal. Gagawin kong maginhawa ang buhay
niya, yung maayos na ang pamilya niya. Wala ng problema. Wala ng sakit ang papa
niya, hindi na baliw ang ate niya, hindi na criminal ang kuya niya, at lalong hindi
na sila mahirap na pamilya. I can give her all of it by just a mouthful of spell.
But there's a condition, kailangan niyang iwan si Kyle at bawal na siyang magmahal.
That's the compensation. And by that, I can change my identity once na pumayag
siya.
I have no choice anyway. Wala namang ibang kapangyarihan o spell o magic na pwedeng
gamitin aside from the Sacrifice Spell. Kaya sa ayaw ko man at sa gusto, kailangan
ko talagang papiliin si Franzes.
I was busy reading the book of spells nang bumaba si Kierre dito sa sala. Inaaral
ko ulit yung mga spells, kasi baka nakakalimutan ko na. Kung nasa Fortress lang
sana kami ay madali lang dahil maiikling incantations lang ang kailangan kong
banggitin, pero kapag nandito sa mundo ng mga tao, mahahabang spells talaga. Ultimo
yung mga low-class spells lang na Erase at Fly, isa hanggang dalawang sentences
kung ichachant dito. Kung sa Fortress, baka nga isang kumpas lang ng wand ayos na.
Pahirapan talaga. Unlike pag doon, halos shotcut lahat. Bawal naman kasi akong
gumamit ng wand dito dahil baka lalo kaming matrace ng mga humuhuli sa amin.
"Dia, kelan mo na gagawin?"
"Bago ko sagutin yan, gusto mo bang putulan kita ng dila? I told you don't ever
call me that!"
"Oh easy pre! Nakalimutan kong may lahi ka nga palang-." Sinamaan ko nga ng tingin.
"Okay okay, sorry! Chill. What now?"
"Good. I'll do it Kierre.. Kung pwede nga ngayon na eh."
"Ang bilis naman!"
"Ikaw 'tong tanong nang tanong kung kelan na parang atat na atat ka tapos ngayon
magrereklamo ka?" sabi ko. Napakamot na lang siya sa ulo. "Hmm, siguro gusto mo
lang makasama ng matagal si Franzes no?"
"Ah eh, uhm, kinda?"
Binatukan ko nga. "Ang landi mo Kierre. Pa-kinda-kinda ka pa. I knew it. But...
unfortunate you."
"How did... Okay fine, I do care for her but that's just it. Hanggang dun lang yun.
Let's just say, I like her, but Kyle loves her. Magkaiba yun." Sinasabi ko na nga
ba eh. Crush neto si Franzes. But it can't happen. May Kyle na si Franzes. Ay
wait.. mawawala na nga rin pala once na tinanggap na niya ang alok ko.
"Oo na. Drama. Di ko naman sinabing magpaliwanag ka. Ooooh! Look! How sad, but this
is the perfect timing for me." sabi ko sabay turo kay Franzes na pinapanood namin
sahangin. Binubully siya ng maraming estudyante, knowing na napakabilis kumalat ng
balita na kriminal ang kuya niya.
Napa-sigh at napailing na lang kami sa aming nasasaksihan ngayon.
"Don't worry Kierre. Everything will be fine. She'll be alright."

(Yeah right. Pano nga ba naman hindi bubuti ang kalagayan ni Franzes, eh tutulungan
siya ni Mond. Pero kahit saan mo tignan, pangingialam pa rin ang gagawin niya sa
buhay ni Franzes.) nabasa ko ang nasa utak ni Kierre. Well, I can read minds.
"Hey. Bat ako lang? You're included here Kierre. And besides, hindi lang naman ako
ang makikinabang sa mangyayari eh, siya rin. Mutual lang so walang dehado. We may
disappear in her life, pero hindi naman niya tayo makakalimutan. Tama na ang drama
Kierre. Baka gawin kitang bakla."
"Subukan mo lang! Lagot ka rin saken."
"Wooo. Katakot. Tss. I'll be going now. Kelangan ko ng matinding paliwanagan sa
press, sa mga naging kaibigan ko na during this life, and lastly... sa mga fans
namin sa Spice Up. Haaay. This would be hard for me, but I have no choice. Sige
Kierre."
Huminga ako ng napakalalim at saka lumabas na ng pinto ng bahay. Bakas nga yata sa
ichura ko ang kalungkutan, dahil iiwan ko na ang napamahal na sa aking banda.

Iiwan ko na ang buhay ko bilang si Raymond Zalazar.


####################################
2 - The Root of Diamond
####################################

Chapter Two
The Root of Diamond

(Kierre's POV)

Diamond Gemlack-Soverthell is an immortal-wizard. He can do spells, and at the same


time, he's undying. If you'll ask me how old he is? Believe me, mas pipiliin niyong
wag na lang malaman pa. Baka masabihan niyo pang tanders na si master. Pweh! Di ko
pala siya master. But I'm the one responsible to look after him dahil si Mond ay
hindi basta-bastang immortal-wizard lang. Diamond talaga ang pangalan niya. Kaya
pag tinatawag ko siyang Dia o Diamond, nagagalit siya. Pffft. Haha! Nagkataon lang
na yung identity niya ngayon ay hindi nalalayo sa totoo niyang pangalan, Raymond at
Diamond, or in short nga, Mond na lang.

Ako naman, I'm not a wizard. Ang pamilya namin ang naturingang mga tagapagbantay ng
mga Soverthell. Anak ako ng guardian ng ama ni Diamond.. este ni Mond. So common
sense lang yan anu po? Ako ang guardian ni Mond. Mali. GG niya pala ako. Gwapong
Guardian.

Pero kahit hindi ako wizard, as a guardian, I can still do magic... limited nga
lang. Basta may kinalaman or connection sa pagpoprotekta at pagbabantay sa alaga
ko. Teka, oo nga no! Kung tutuusin hindi ako ang alalay dito, siya ng alaga ko.
Okay, scratch that idea. Baka kahit ilang kilometro pa ang layo ko kay Mond,
nababasa niya pa rin ang nasa isip ko.

Ilan lang kami sa mga gwapong kakaibang nilalang na namamalagi dito kay Mother
Earth. Miss ko na nga yung mga chix ko dun sa kabilang dimension eh, kasi naman eh,
bakit kailangan pang dito manirahan si Mond. Pero on the second thought, ayos rin
naman dito, marami ring chix! At sa panahon ngayon, mas liberated pa! JACKPOT! Okay
joke lang. Behave ako.

His parents died, and so as mine. Kaya naman sino pa bang magdadamayan kundi kaming
dalawa lang. Pinatay kasi ang mga magulang ni Mond... because of a very BIG
transgression.
Even Mond himself is a product of a wrongdoing.

At dahil nga wala na ang mga magulang niya, nawala na rin ang mga magulang ko.
Dahil once na namatay ang mga binabatayan namin, mawawalan na rin kami ng powers,
even our titles as guardians. We will no longer be suitable to stay in the White
Kingdom. And later on, die. So ang buhay naming mga guardian, nakadepende sa aming
mga pinaglilingkuran. If they die, we'll also vanish. Kaya naman, pinagbubutihan ko
talaga at kina-career ko ang pag-aalaga kay baby Mond. Nyehe.

Baka sabihin niyong niloloko ko kayo dahil immortal si Mond, pero yung mga magulang
niya namatay. Yun ay dahil hindi naman immortals ang mga magulang niya. It's just
him. He's one of the lucky wizards na nakakuha, or should I say, destined to have
the grant of immortality. Lahat kasi ng bagong silang na wizards, may kanya-kanyang
fate of power aside from being a wizard.

At dahil sa isang napakalaking kasalanan ng mga magulang niya, dinala ko siya rito
sa mundo ng mga tao. Okay fine, I'm older than him. Baby pa lang siya, ganto na
talaga ako, visually teenager. And stucked as it is. At least, gwapo. Salamat
naman. Going back, I brought him here to protect him and hide him kasi kung hindi,
malamang pinatay na rin siya doon. Pero hindi naman pwede yun, dahil hindi nga siya
namamatay. Kaya kapag nalaman nilang may grant of immortality si Mond, lalong
gugulo. Kaya buti na lang, nadala ko na siya rito bago pa man nila malamang
nagbunga ang pagmamahalan ng mga magulang niya.

That's why now, damang-dama ni Mond ang kaakibat na parusa ng mga magulang niya.
Naghihirap siya ngayon, sa pagpapalit-palit ng identity. Kelangan eh. Kung hindi
siya magpapalit, mahahalata ng mga taong... hindi siya tumatanda, kahit pa hindi
ang totoo niyang muka at anyo ang nakikita nila, hindi pa rin talaga siya
tumatanda. Pero Mond's used to it naman. Ako naman, this is my real face, looks,
body, and everything. Wala kasi akong kapasidad na magpalit ng anyo cause I can't
do spells right? Mond has been putting spells on me before para lang magpalit pero
wa-epek. I guess this is one of the limitations of being a guardian. Kaya naman ang
ginagawa ni Mond, binubura niya sa ala-ala ang pangalang Kierre sa mga nakakakilala
sa akin.

Kierre is my real name. Yung surname, pauso ko lang. Nagpapalit ako, pwedeng Cruz,
Corpuz, Fajardo, at iba pa. Pero ngayon, let's stick with Kierre David.

Every 5 to 6 years namin isinasagawa ang tinatawag naming Change and Erase
Operandi. Ang korny no? Well si Mond nag-isip niyan. Nyaha!

Kapag halimbawang kilala ako ngayon as Kierre na estudyante, pag binura ni Mond ang
ala-ala ng isang tao, di na nun ako kilala (natural). But may possibility na
magkakilala ulit, pero syempre parang back to zero ulit. Pwedeng sa mga panahong
yan, isa naman akong supermodel o artista.

Magulo nga kasi ang buhay namin. Di kami normal eh.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung TV dito. Walangya! Si Mond siguro may
gawa nito. Samantala, nabasa ko naman sa balitang...

CONFIRMED! The most famous band on the nation, Spice Up, is now disbanded.

Kaya pala. Pinakita talaga niya saking he's done breaking up with the group. Wala
na. Wala nang Spice Up. Kung ako na lang kaya magprisintang bagong leader nila no?
Oops joke lang! Haha!
Nakita kong panay na ang iyakan ng mga fans nila sa press con while Mond and his
bandmates are comforting them. Mabait si Mond, lalong lalo na sa mga fans niya kaya
naman this is one-hell of a hard decision for him.

Nang maya-maya pa'y nakita kong tumingin sa mismong camera si Mond, teka sakin ba
nakatingin 'to.

His eyes sent me the message...

"Kierre, it's time to prepare."

***

Niligpit ko na ang mga gamit na nakakalat dito sa sala. Kinukumpas kumpas ko nga
ang kamay ko pero waepek pa rin. Ano ba yan, kahit man lang minsan hindi ko
magawang magpalutang ng mga gamit dito. Ang hirap tuloy mag-impis. Kung nashe-share
lang sana ang magic ng wizards. Dagdag pogi points din sana yun oh! Haha!

Nabitawan ko yung librong hawak ko at napaupo sa sahig nang umikot at nagliwanag


ang mga mata ko. Sinugod akong muli ng mga predictions.

"Hindi. Hindi maaari!" muntik na akong mapamura pagkatapos ng mga nakita ko. Na-
trace na nila kami. Ang mga nakatataas na salamangkero, tutugusin na kami. Hindi
maaari.

Kaya pa itong pigilan. Buti na lamang at may kakayahan ang mga guardians na
magpredict ng mga mangyayare. Kailangan ko na itong ipaalam kay Dia.

Nagmadali na akong lumabas ng mansion pero nakalimutan kong wala pa pala yung
kasama ko. Mond nasan ka na ba, bilisan mo na. Hindi ako mapakaling palakad-lakad
dito sa hardin.

"Bakit ka aligaga at nagmamadali?"

"DIAMOND! WAG KANG MANGGUGULAT PARE!" syet 'tong si Mond! Mahilig magpahorror!

"Wow. Pare? Sorry naman. Bakit ba? Anong nangyare?"

"Read my mind then."

"I already did."

"Eh bakit tinatanong mo pa kung anong nangyare?"

"I'm just having fun with your face. Para kang constipated sa ichura mo Kierre.
Chill."

"CHILL? ADIK KA BA? HINAHANAP NA NILA TAYO CHILL CHILL KA PA DYAN!" nakakahighblood
si Mond. Pagkatapos ko siyang itakas noon ganito pa ang reaksyon niya, parang hindi
nababahala man lang.

"Simula pa lang nang isilang ako, hinahanap na nila tayo. Ang tanong, nahanap ba
nila tayo for the past 149 years? Diba hindi? Hay nako Kierre. Masyado kang
paranoid."
"But it's different this time! Iba ang mga nakita ko Mond! Ibang iba sa mga dating
predictions! Mas lumaki na ang pwersa nila, they have Blaite's Gemthell Sword!"

"So? Edi kanila na." Gusto ko nang bangasan si Mond! Grabe napasobra naman yata ang
pagkachill lang niya.

"It's the most powerful weapon in the wizard's race. Baka nakakalimutan mo.
Diamond, I'm telling you. This is a serious business."

"And to tell you, I'm serious too. Let them find us.. kung mahahanap nila." Nakita
kong ngumisi pa ito.

"Kampante ah?"

"Not much. Hindi ko lang pinapahalata. Hindi kagaya mo, ang epic ng muka. Relax
okay? Gumagawa na nga tayo ng paraan eh. Once na nakapagpalit na ako, mahihirapan
nanaman yang mga yan na makita tayo."

"Siguraduhin mo lang Mond. Ayoko pang magdisappear. Tandaan mo, na sa kanila ang
Blai-."

"Blaite's Gemthell Sword. Yeah yeah. Baka nakakalimutan mo rin Kierre, nasa
katauhan ko rin si Blaite. Bukod sa kanya, ako lang ang nag-iisang half-Gemlack
half-Soverthell. Kaya relax. Inhale, exhale. Kaya natin 'to." Lakas makapangumbinsi
ni Mond. Kung nakakabasa lang siguro ako ng utak, paniguradong kabado na rin 'tong
ungas na 'to.

Lumabas na kami ni Mond para puntahan ang kinaroroonan ni Franzes. Syempre alam
niya rin kung saan agad makikita si Franzes. Nakita namin itong umiiyak sa ilalim
ng puno sa plaza. Nilapitan namin siya't pinatahan. Pero nung pinakitaan ng
kaweirduhan ni Mond sa pamamagitan ng magic, parang lalo pa itong ngumawa. Natakot
pa sa amin si Franzes. Demonyo daw ata kami. Ay grabe, ang gwapo ko namang demon.

Pinaliwanag ng maayos ni Mond ang gagawin niyaang pagtulong kay Franzes. In the
calmest way possible. Buti naman at naagagamit niya ang pagkachill niya most of the
time. Sana talaga mapapayag namin siya. Dahil kung nagkataon, hindi lang naman si
Mond at ako ang manganganib dito kundi pati na rin ang buong Magique Fortress-ang
magic dimension, ang aming pinanggalingan, at ang lugar kung saan kami kabilang.

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

(Mond's POV)

"I know, it's really hard for you to absorb this, but Franzes we're telling the
truth. To get things clearer to you, I'm an immortal-wizard and Kierre is my
guardian." Nanlaki lalo yung mata niya dala ng pagkagulat.

Pinunas naman niya yung mga luha niya sa mata at tumingin ulit sakin na parang nag-
iintay pa ng paliwanag ko.
"Okay, it's better kung maupo na tayo ulit doon. Ipapaliwanag sa'yo ang lahat,"
turo ko doon sa ilalim ng puno kung saan kami naka-upo kanina.

Nang mahimasmasan na si Franzes ay nagsimula na akong magkuwento. "We used to live


in the other dimension, pero dahil sa isang kasalanan kaya nandito kami ngayon,
naninirahan sa mundo ninyo."

"Why? Ano bang ginawa mo?" nag-indian sit si Franzes. Now she's getting interested.

"Not me. My parents. Anak ako ng isang Soverthell... at isang Gemlack."

"By the way his real name is Diamond Gemlack-Soverthell. Oh teka! Relax! Kulang ka
sa intro eh! Saka part yun sa pagkukwento ng LAHAT." peste talaga nito ni Kierre.
Buti na lang at tahimik na nakikinig si Franzes.

"Kierre, don't meddle again please. Anyway, yes. It's my real name."

"What's with being a son of a Soverthell and Gemlack?"

"Soverthells are the White Wizards. And Gemlacks are the Black ones. Mahigpit na
ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon ang magkasalungat na grupo. They're not
enemies though, but there will always be a possibility. Either way, they're not
friends. Nagiging magkakampi lang ang dalawang grupo kapag may mga orasyon, new
spells, new rules, or in keeping peace and stability both in the White Kingdom and
in the Black Realm. Black wizards are kind, but they can do dark spells and black
magic, na kinatatakutan dahil masama ring magalit ang mga ito. Ang White wizards
naman, dito sa mundo ninyo, sila lang ang pinaniniwalaang mababait na wizards and I
think that is their edge sa black wiz. Let's just say rin na White and Black
wizards keep the balance between day and night. Hindi sila magka-away but there
will always be a boundary... at yun yung nilagpasan ng mga magulang ko."

Tumango-tango si Franz na tila... lalong ginaganahan.

"My dad fell in love with a Gemlack. Gemlacks can do black magic right? Kahit yung
tinatawag na gayuma. But my mom, she can't do such thing. She's the sweetest. Kaya
naman sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog sila sa isa't isa. Hindi na nila
alintana ang White and Black magics dahil mayroong isang mahikang walang sinuman
ang kayang pumigil. Ang magic of love.

Their love was a secret. Ginamit na nila ang lahat ng spells na alam nila
mapagtakpan lang ang pagmamahalang iyon. At kinalaunan nga'y nagbunga..."

"Ikaw."

"Right. Pero may nakaramdam nito. Ang ilang mga magagaling na wizards. Nagtulungan
sila na hulihin sina mama. Alam na ng mga magulang ko na malaki ang posibilidad na
patayin sila dahil sa paglabag na iyon, handa naman sila. Kaya naman pinabilis nina
mama at papa ang paglaki ko sa sinapupunan ni mama. Sa loob ng tatlong araw lang,
isinilang na niya ako at ipinagkatiwala ako sa mga magulang ni Kierre. At bilang
guardian ko, itinakas niya ako."

"Teka, kung baby ka pa lang tinakas ka na dito, pano mo nalaman lahat ng yan?"

"Kinuwento ni Kierre. And with the help of books and spells too, I'm able to see
what happened in the past."

"Ako naman magkukwento. Kulang kulang magkwento yan tsk." Sa kakulitan ni Kierre,
sige siya na. "Ibinigay sa akin ng mga magulang ko si baby Mond, lahat ng bilin
tinandaan ko. Hindi kasi alam ng mga nakatataas na wizards na nagkaanak ang mga
magulang niya, ang alam pa lang nung mga panahon na yun ay nagkaroon sila ng
relasyon. Pero syempre, wala namang lihim na hindi nabubunyag. Mapasaan pa't
makapangyarihan ang mga iyon. They can trace anything they want.

Pero heto ang thrill. Yung mama kasi ni Mond, her fate of power is the power within
the mind. Kaya niyang itago sa isip niya ang anumang ala-ala na gusto niyang hindi
mabasa ng mga wizards. All wizards can read minds, unlike guardians. Tinago ng mama
niya ang katotohanang nagka-anak sila, binura niya rin sa isip ng ama ni Mond ang
parehong katotohanan kaya naman hindi nalaman ng mga wizards ang tungkol kay Mond.
Ngunit bilang parusa, pinaslang nila ang mga ito.

At dahil nga wala na ang ama ni Mond na binabantayan ng ama ko, pati ang kapatid
nito na pinaslang din dahil napag-alamang kasabwat sa bawal na pag-iibigan, which
is guarded by my mom naman, ayun wala na rin yung mga magulang ko. My parents
disappeared as well because once na patay na ang binabantayan nila, they lose their
power and titles as guardians, hindi na sila bagay pang manatili roon, and later
on.. vanish." Hinimas naman ni Franz ang likod ni Kierre. Siguro'y napansin nito
ang kalungkutan habang nagsasalita.

"It's okay Franz. Ano ka ba, it's been hundred years. Sa akin nakasalalay ang buhay
ni Mond, ang kaisa-isang half-Soverthell, half-Gemlack Wizard. Bago ko siya dalhin
dito sa mundo ninyo, dinala ko muna siya sa power sphere."

"Power Sphere?"

"Doon dinadala ang mga bagong silang na wizards para malaman ang kanilang fate of
power. Aside from being a wizard kasi, mayroong isang kapangyarihan ka pang
maaaring taglayin. At ang Power Sphere ang nagbibigay ng naka-destined sayo. Sa
napakaraming ilaw na nakalutang sa Power Sphere, ang grant of immortality ang
nilapitan ni baby Mond."

"Whooaa. Ibig sabihin yun yung tinakda sa kanya ng Power Sphere na yun."

"Oo, ang Power Sphere ng mahal na Blaite."

"Sino yun?"

"He's the one who created the White and Black wizards."

"Whoa. May panginoon rin pala kayong mga wizards? Parang si Lord namin?"

"Yes, ganun na nga."

"Sige tuloy!"

"After receiving the grant, papangalanan na ang baby." Nanlaki yung mata ni
Franzes. Napatungo na lang ako sa kahihiyan. "Oo, ako ang nagpangalan kay Mond.
Hehehe. Akala ko kasi babae siya nun eh, ang ganda kasi ng mga mata niya, parang
babae. Yan tuloy, Diamond ang napangalan ko. Eh once na binigyan mo na ng pangalan
ang isang wizard, bawal na palitan. Kung ano yung una mong masabi dun sa Power
Sphere, yun na yun. Pero gusto naman ni Mond eh, diba Mond?"

Binatukan ko na lang siya. "Gusto mo muka mo! That's it Franzes. Now, I'm staying
with Kierre for a very long long long time."
"Wait, hindi man lang talaga nalaman na pinanganak ka? Akala ko ba they can trace
anything they want? Kung hindi man nila nalaman sa mismong mga magulang ni Mond,
ikaw Kierre, hindi ka ba nila hinanap at inisip na na sa'yo pala si Mond?"

"Sinoluyunan ko na yan. Bago kami pumasok sa mortal portal, ginamit ko na ang fate
of power ko. Akala mo wizards lang no? Well syempre may limitation nanaman. Yung
fate of power namin, mga middle-class powers lang tulad ng erase power di tulad
nung sa wizards na pangmatagalan at tignan mo yung kay Mond nga, panghabambuhay pa.
Yun yung nakuha ko noon sabi ng nanay ko. Itinatabi ko pa naman yung kakayahan kong
yun kasi pang-isahang gamit lang. Pero dahil isang napakalaking sikreto ang dala
ko, ginamit ko na at binura sa buong dimension ang identidad ko bilang si Kierre
kaya wala nang nakakakilala sa akin, kahit pa yung mga kaibigan kong alitaptap
doon. Then poof, hello humans!"

"So, Mond really is a secret since then," sabi ni Franzes.

Lingid sa kaalaman ni Kierre, something happened. Nung binalikan ko ang nakaraan


gamit ang isang high-class na Time Throwback Spell, nakita ko ang lahat.

Bago pa man ako madala ni Kierre sa Power Sphere ay isinumpa na ako ng mga
nakatataas na wizards. Not directly dahil hindi naman nila sigurado kung naisilang
nga ako. Ginawa nila ang curse na may mga katagang 'kung sakaling nagka-anak sina
Homer at Emily at buhay ang batang iyon...'.

A curse...

That forbids me to love.

Dahil wala akong puso. Like humans, meron akong ibang organs dahil katawang-tao
naman kaming mga wizards. It's just that... I don't have a heart. Tinignan ko yung
loob ko, wala talaga. Invisible? I've been putting vision spells on it pero wala.
But I'm breathing. Galing no? Well, I'm an immortal after all.

Yun ang hindi alam ni Kierre. Pero naiisip ko minsan, hindi talaga ako fulltime
immortal, dahil bago ko pa man yun makuha sa Power Sphere, hindi ba't nauna na nila
akong isumpa na mamamatay ako at matatanggal sa pagiging wizard kapag nagmahal ako.
Ang nakakataka nga lang... bakit wala akong puso? Wala nga ba talaga o nasa kung
saan? Ay ewan. I can feel normal emotions like pagkagulat, o pagkatuwa. Weird
right? Walang heart pero nakakaramdam. Hindi ako manhid. Maybe it's really what we
call LOVE I can't do.

Isip isip ko, sana nga meron na lang ang puso. Dahil kung isinumpa naman nila akong
bawal magmahal edi pwede akong magdisappear at mamatay kesa yung ganito ang tagal
tagal ko nang nabubuhay , nakakasawa.

Pero sa ngayon si Kierre na lang ang inaalala ko. Pag nawala kasi ako, mawawala rin
siya diba? Eh mukang enjoy na enjoy pa naman siyang magliwaliw at mabuhay pa ng
matagal. Tss.

For hundred years of living, I'm still yearning for the truth. The reason why I
exist. Because until now, I still don't know... what's my purpose here.
####################################
3 - Mutual Help
####################################

Chapter Three
Mutual Help

"So now, are you in?" I asked.

"Ano ba kasing gagawin niyo sakin?"

"Simple lang. You wish, I'll grant it using magic spells."

Nabigla siya. "Wish? AS IN YUN LANG? Pag nag-wish ako makukuha ko agad?"

"Of course, may kapalit." Bigla siyang nanghina. "Ayy."

"Ganun talaga. I need to change my identity Franzes. And you need to solve your
problem. We need each other."

"Change your identity? Bakit di ka na lang magpalit ng iyo, kelangan mo pa ako?"

"Kasi for me to change, I need someone. Para kumpleto ang spell. Hindi ako
makakapagpalit hangga't walang nangangailangan rin sakin. You see, it's really
complicated and the Sacrifice Spell is not just an ordinary spell. It's very
powerful."

"Okay fine. I'll tell you my wish. Pero that doesn't mean na payag na payag na
ako." Tumango ako.

"Gusto kong maging maayos kami ng pamilya ko. Yung hindi ganito. Yung hindi na
kriminal si kuya, hindi na baliw si ate, wala nang sakit si papa. Gusto kong
mabigyan sila ng maginhawang buhay, yung hindi na sila dadanas pa ng paghihirap. A-
yokong n-nahihirapan sila... lalo na't..." Nagsimula siyang umiyak at kinakalma
naman namin ni Kierre. "Lalo na't wala man lang akong magawa para matulungan sila."

"You can help them now Franzes."

"But what's your condition?"

"You have to forget about Kyle." Parang nanigas si Franzes pagkasabi ko nun. Sigh.
There's no other options anyway.

"W-what? Y-you want me to forget K-kyle?" I noticed that her tears are heavily
falling from her eyes at this moment.

"Yes. Not just forget, erase him in your life. Leave him."

"What?" she said almost whispering.

"I believe that's it Franzes. You need to sacrifice something. Because change
always comes with sacrifice. They're hand in hand Franzes. And that's in exchange
with what you desire for."

"Then I'll sacrifice anything except that... Please..."

"But I can't think of any sacrifice except that. You love your family, and you love
Kyle too. Franzes, it's a matter of love for love."

Though I'm not on her situation, I can feel her pain. Though I can't feel that
what-so-called love, I know that letting go of your loved one is a very destructive
part on someone in love and committed.

Wala eh. Ganun talaga. I've been on this many times before. Yung iba ring
sacrifices ng mga nangailangan noon is also a matter of love for love. Yung iba
naman, tulad nung bago kay Franzes, nung nagpalit ako as Raymond Zalazar, si Grace,
isa siyang singer sa ibang bansa na lumuwas dito sa Pilipinas dahil namatay ang
kanyang ina, ang kaisa-isang natitira niyang pamilya. She wished for life. And I
granted it, in sacrifice of her voice. Her voice is her life. Nabuhay ang kanyang
ina, ngunit siya ay napipi, hindi na makapagsalita and worse of course... hindi na
siya maaari pang kumanta.

That's the compensation. Sa pananatili ko dito, tuwing magpapalit ako ng identity


ang pinakanakakalungkot na parte para sa akin. Well, so far.

Napaluhod na si Franzes sa pagkalito. Hindi na niya malaman pa ang gagawin.

Kung sino ang pipiliin niya.

Ang pamilya niyang halos buong buhay na niyang kasama o ang minamahal niyang si
Kyle na kasama niya sanang sasalubong sa habambuhay?

"Franzes, we'll give you time to decide. We're not on a hurry... the situation is."

"Are you s-sure there's n-no other choices? How about my life, I'm willing to die
for them."

Lumuhod na rin ako at kinalma siya sa likod. "Franzes, if I took your life, do you
think they would be happy? You'll make Kyle and your family suffer. In that case,
you're not sacrificing because you're choosing both parties. Franzes, sacrificing
is embracing one, and letting go of the other."

Nagtakip siya ng muka at umiyak nang umiyak. Di na napigilan ni Kierre kaya't


niyakap niya si Franzes. "Franzes, whatever you choose, I'm sure that it's for the
better."

"Franzes, be strong. I know you can surpass this. When problems strike you hard,
strike harder. Be stronger." I said encouraging her.

Tumingin siya sa amin ni Kierre na namumugto pa ang mga mata at patuloy pa ring
umiiyak. "A-anong gusto n-ninyong gawin k-ko?"

"Kalimutan mo na ang lahat ng nakaraan mo, magsisimula ka sa umpisa. Sa bagong


yugto ng buhay mo ay wala ka ng mararanasang hirap. Maibibigay mo ang magandang
buhay sa pamilya mo. Pero kalimutan mo na rin ang salitang pagmamahal, dahil simula
ngayon mahigpit na ipinagbabawal."

"It's damn haaaaard." She's crying in pain. Hawak-hawak na rin niya ang dibdib
niya. "How can I forbid myself to love when in the first place, human's nature is
to love?"
Bull's eye. Para akong nasapak doon. Ako kasi, bawal magmahal. Or should I say,
hindi ako marunong? Tapos ngayon parang inilalagay ko pa si Franzes sa sitwasyon
ko. Am I being unfair?

"Well, I'm afraid I can't answer that. I'm not a human anyway. But Franzes, if you
want I'll make your heart numb and torpid para mapabilis ang paglimot mo. But...
that's only momentary. Panandalian lang. Kaya dapat sa short time na yun, nawaglit
mo na siya sa buhay mo."

"Ohmygad. How can you be so ruthless?! Gagawin mo akong manhid? Uwaaaaaaaah." Nag-
iiyak nanaman siya. Samantala, pinakita ko ulit sa kanya ang pamilya niya, at sa
kabila, si Kyle.

"Franzes, that's the sacrifice remember? I'm s-sorry. That's the best I can offer."
Napayuko na lang ako. Hinawakan naman ako ni Kierre sa balikat. Damn. Wizardry. Ang
complicated na nga ng mga tao, pati ba naman spells pinapakomplikado rin. I guess
there's really no easy game, mapa-side man ng tao, angels, wizards, figments, and
other creatures. Haaay.

"What will happen kapag di ko napanindigan yan?" Isa pa yang tanong na yan na
mahirap para saking sagutin. Sigh.

"Simple. Magmimistulang panaginip lang ang lahat. You'll get back in the situation
where you are at your worst." Napanga-nga na lang si Franzes, at haaaay. Namumula
na ang mga mata niya.

"Let's put it this way. You should sustain it, hold your grip. Because once you're
under a spell, you should stand strong in life's great game as well."

"What do you mean? I'll be on a game?"

"No. Franzes, life is a game. The one who plays strong wins, and the opposing
loses. Same goes with life, the one who stands strong succeeds, and the weakling
loses. But that doesn't mean that losers can't start to play again. That's the
cycle Franzes. Always remember that. It's like a substantial survival. Now do you
get the point?"

Tumango-tango siya.

"Mond, eh kung burahin mo na lang sa isip ko si Kyle. Diba't mas madali yun?"

"You still don't get me. If I erased your memories with him, where is the sacrifice
there?"

"That I let you erase him in my life."

"No." Umiling-iling ako. "You should be the one to erase, forget, and leave him.
Not me, not as well my spells. It's just you who holds the trigger Franzes. It's
just you."

"ZES!" Napalingon kami sa kalayuan. Si Kyle.


"K-kyle..." Franzes said habang hawak-hawak yung bibig niya nagpipigil umiyak pero
tulo ng tulo naman ang mga luha.

Tumingin ako kay Franzes. "Franzes, the choice is on you now."

"Zes..." Hingal na hingal man si Kyle ngunit nagawa niyang yakapin agad si Franzes.
"Zes, bakit mo kami tinakbuhan? Alalang-alala na ako sayo. Pag may nangyaring
masama sayo, ikukulong ko ang sarili ko. Zes, wag mo nang uulitin yun ah? Diba sabi
ko stay by my side."

Kumawala sila sa yakap. Tumingin sa kanya si Franzes na mukang tinubuan na ng dagat


ang mga mata. "Shhhh. Don't cry. It kills me. Ipasa mo na lang sa akin lahat ng
sakit, mas gugustuhin ko pa yun kaysa nakikita kitang ganyan. Ohhh gaaad."
Hinalikan niya sa noo si Franzes.

Talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

"I-i'm sorry Kyle. I'm sorry. I'm really sorry. I love you I'm sorry. I love you I
love you I love you I lo-."

"Why are you sorry. It's okay. Ang mahalaga, nakita na kita. Wag ka na mag-alala
ha?" At nagyakap muli sila.

Shit. Nakakainis diba? Ang mga ganitong sitwasyon. Napakahirap. Isip isip ko pa
lang kung ako ang nasa ganyang kalagayan, nako, di ko maimagine.

"Sige na. Kyle, might take her home. She needs to rest. And she needs to compose
her self. She've had enough."

"T-thankyou. Mond, Kierre... for keeping her safe. Salamat. Salamat." Sabi ni Kyle
na may mga matang punong-puno ng emosyon. Ang swerte nilang dalawa sa isa't isa.
Pero ang malas nila sa pagkakataon.

Nagsimula na silang maglakad, magkahawak ang kamay na tila walang makakapaghiwalay


sa higpit. Nang lumingon naman sa akin si Franzes, at nabasa ko ang nasa isip niya.

Please, give me enough time.

***

Kinabukasan.

Muntik ko nang mabuga ang tubig sa bibig ko nang mabasa ko ang text ni Franzes.

'Mond, what time?'


Para akong nakajackpot! Sa text pa lang niyang yan, alam kong payag na siya sa alok
ko.

"Kieeeeerre! Ihanda mo na!" nakarinig ako ng kalabog pababa ng hagdan.

"Ang alin?"

"Yung mga kailangan?"

"Para saan?" langya naman nitong si Kierre. Slow lang?

Naipunas ko na yung kamay ko sa muka ko. "Yung Concatenation Charm at yung


Elemental Girdle!!! Tsk."

"Huwaaaat? Pumayag na?"

"Ipapahanda ko ba kung hindi?" nakakaloko 'tong si Kierre.

Nagmadali siyang pumanhik at kinuha ang mga pinakuha ko. Pumunta naman ako sa
secret headquarters ko dito sa mansion. I kneeled at the center of the room. And as
I close my eyes, the Circle of Insignia appeared-symbols of stars, moon, sun, the
elements, the White hallmark (Soverthell), and the Black Emblem (Gemlack)-all in
one circle. Humingi ako ng gabay mula sa mahal na Blaite.

Never ko pang naencounter ang tinatawag nilang 'calling' mula sa kaataas-taasang si


Blaite. Hindi ko pa siya nakakausap. Ni hindi ko pa rin naririnig ang kanyang
boses. Ayon sa mga nabasa ko, ang nakakausap pa lamang ng mahal na Blaite ay ang
mga hari't reyna sa kani-kanilang linya sa parehong White Kingdom at Black Realm,
maging ang mga beteranong salamangkero at mga nakatataas ring wizards na kung ating
papaikliin ay ang mga namamahala ngayon sa Magique Fortress.

Ngunit kahit ganon ay ramdam na ramdam ko naman ang presensya ng mahal na Blaite sa
tuwing humihingi ako ng gabay mula sa kanya. Tulad ngayon, ang mga simbolo sa
circle of insignia na lumiwanag lamang kanina sa sahig ay siyang nagsilutangan at
pumaikot na sa akin na nangangahulugang, dininggin niya ang aking pagsamo.

At hindi ko naman maikakaila, kahit itinakwil na ako sa aming tahanan, malakas pa


rin ang connection ko sa mahika. Na hinding hindi na nga yata maiaalis sa akin ang
pagiging wizard, lalo pa't mahigpit rin ang kapit ng dugong nananalaytay sa akin.

Sabi nga ni Kierre sa akin noon, ako daw ang bagong Blaite na nabubuhay ngayon. Ang
sabi ko naman sa kanya, kung ako ang bagong Blaite, bakit ako tinutugis at
ipinapapatay ng mga sarili ko pang kalahi? Dahil nga lang ba iyon ba sa takot kay
Blaite dahil sa paglabag ng mga magulang ko, o dahil lang sa takot na maaaring may
mas maging makapangyarihan sa kanila?

Matapang man ako kung titignan, mahina pa rin ang loob ko dahil ang tingin ko sa
sarili ko'y hindi naman ganoon kamakapangyarihan. Parang ordinaryong wizard nga
lang ako. Kulang sa practice? Eh saan naman ako magsasanay ng mahika sa mundong
ito? Sa harap ng mga tao? Hay ewan!

"Moooond! Nahanda ko na! Labas na!" narinig kong sumigaw na si Kierre kaya't tumayo
na ako ako at lumabas ng mahiwagang silid.
***

Daff Plaza.

"Mond."

"Numb spell first?" Tumango siya. "You ready?" Tumango ulit siya bilang tugon.

Kumuha ako ng bato at idinrawing sa sahig ang isang malaking bilog-ang Circle of
Insignia. Nilagay ko sa kanang bahagi ang Concatenation Charm na magcoconnect sa
akin at sa mahika, at ang litrato ng bagong identity na aking gagamitin, si Edmond
Sioson. Isinuot ko na rin ang Elemental Girdle sa akin. Nasa likod ko si Kierre na
may sarili ring mahikang ginagawa na palabasing nag-uusap lang kami ni Franzes sa
mga taong dumadaan. Inakay ko si Franzes papunta sa gitna at siyang ipinorma na nga
ang mga kamay ko, pumikit, at nagsimula nang magsalita.

Power that's heap


Prosper numb so deep
Not so soon, not like leap
Freeze with just sleep

Dumilat ako at nakita kong nanigas ang puso ni Franzes. Naguluhan siya sa
nangyayari sa kanya ngunit kaakibat pa rin noon ang pagkamangha. "Ibig lang
sabihin, gumana na ang spell. Manhid ka na Franzes. Feeling better?" tumango siya
sa akin.

"Now, shall we begin with our real agenda?" tumango siyang muli.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. "Now, I want you to close your eyes. And
devote your focus on the spell." Sinunod niya ang lahat ng sinabi ko habang may
tumakas na isang luha sa kanyang kanang mata. This is it.

"Day and night, holy and bright


I sure to convoke, lend me thy light
Spell to harken, magic to awaken

Need for need, forfend from torment


Need for need, console with consent
Bless to enchant, settle thy grant

Hallowed sun and moon, in time soon


Sacred stars and earth, hail charm's birth
Elements be reeled, wish be fulfilled

If confusion takes over, make all be dim


Throw all back, hinder through a dream
Desire to suffice, behold thy sacrifice

I summon to conjure, let there be cure


Direction is right, bind it with might
I began with will, now seal it just real"

Pareho kaming nilamon ng magkaibang liwanag.

Dumilat akong nasa isang.. teka ano 'to? Nasaan ako?

Narinig ko ang tunog ng bell kaya napatayo ako. Dumungaw ako sa ibaba at napagtanto
kong nasa rooftop ako ng isang... wait, may flagpole, may mga maiingay na
estudyante sa ibaba.. ibig sabihin nasa isa akong eskwelahan?

Bakit dito ako napunta? Sa tuwing nagpapalit ako ng anyo, sa mahiwagang silid sa
mansion ako dinadala. Bakit this time, sa isang eskwelahan? Hindi ko ito inasahan.

"Kierre! Nasan ka? Labas!" tinatawag ko si Kierre at nagbabakasakaling kasama ko


siyang napunta dito sa rooftop pero walang sumusulpot na Kierre sa paligid.

Napatingin ako sa ibabang bahagi ko. Sapatos. Leather. School shoes? At naka-
uniform din ako? Wow! Instant ah! Hindi na namin kailangang asikasuhin ni Kierre
ang pamumuhay ko sa bagong identidad kong ito. Mukang ayos na.

Napatingin ako sa soot kong I.D. Hmmm. Ito na ang magiging ichura ko for 5 or 6
years or so pa. Kailangan ko nang masanay simula ngayon.

Muntik ko nang mailuwa ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan sa I.D.

Edmond Emerald D. Sioson

WTF Kierre? EMERALD? Seriously? WTF!

####################################
4 - Bagong Buhay
####################################

Chapter Four
Bagong Buhay

Gagawin ko talang oranggutan si Kierre! Bwisit yun ah! I thought it was just only
EDMOND! Hindi niya ako ininform na may second name na EMERALD! Alam kong sinadya
niya yun. Haaay. Pangmatagalang gamit ko pa naman ito. Peste. Nakakapanggalaiti.

Dumungaw ako sa ibaba. Ang taas naman ng building na 'to. Pumikit ako at
nakiramdam, shet 15 floors. Ayokong maghagdan. Inunahan rin ako ng utak ko na under
maintenance ang elevator ngayon dito. Tsk. Hinintay kong mawala ang mga estudyante
sa open field.

30 minutes na rin naman mula nung magbell. I guess wala ng estudyante ngayon sa
ibaba. Tatalunin ko na lang ito.

I jumped from the top of this 15-story building. Malaki laki rin palang campus ito.
Great!

Hanggang sa may naramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanan. Shit.

A guy's looking at me with a shocked expression. Relax Mond, you have a remedy.

Nilapitan ko yung lalaki at kinausap. "You saw it?" tumango-tango naman ito sa
akin. Shit talaga. Ang careless ko.

"Wala lang yun. Akala ko kasi, swimming pool. Color blind kasi ako." Best bulok
palusot goes to me. Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumitik ako.

"Избрише твојот спомен. Лечење тоа не средство. Избрише она што е пронајден, да
лежи не се обиде. Лечење она што се гледа, направете го лета!"

(Erase thy memory. Efface it don't pry. Erase what's found, to lie don't try.
Efface what's seen, make it fly!!!)

"DELERE MEMORIAM!"

Nakita kong tumatakas na ang memorya niya mula sa kanya. Good thing. Napaupo siya
pagkatapos at tinulungan ko namang tumayo.

"S-salamat." Sabi niyang nagkakamot pa ng ulo. By the looks of him, I think he's a
nerdy type? Maayos ang uniform, nakasalamin. Or maybe malabo lang mata. Nakasalamin
pero hindi yung malaking eyeglasses. Baka nga malabo lang mata. Anyway, nginitian
ko siya't tumalikod na para lumakad palayo.

"T-teka lang!" lumingon naman ako.

"Yes?" nang magtama ang mata naming dalawa'y binasa ko ang lalaking ito. Muka naman
siyang matino. Good. Maingat ako lagi, hindi pwedeng sa kung sino-sino lang ako
nakikihalubilo. Damn wizardry thing.. again.

"Bago ka ba dito? Ako nga pala si-."

"Yes, bago ako dito. I'm Edmond." Hindi ko na siya pinatapos magpakilala. Maybe I'm
not that interested to meet people. Teka, masyado yatang masungit. Well okay na
'to. Challenging ang bagong role. Ayoko na ng cliché na happy-go-lucky type,
malanding lalaki, malambing, at mabait. Try ko naman ang ganito, masungit. I guess
ganito rin ang ugali at personality ng totoong nagmamay-ari ng katauhang ito. Ito
kasi ang unang ugaling lumabas sa akin ngayon eh. Ang masungit at cold. Usually
kasi ganun. Kay Raymond Zalazar, he's a jolly person kaya naman lagi akong masaya
noon. Chill chill lang. Ngayon sa katauhang Edmond Sioson, sabihin na nating nasa
stage palang ako ng pag-aadjust.

"Ooohh. Nice to meet you! Ako naman si Quendrix Kalv Sarrosa." At inabot niya ang
kamay niya sakin with matching malawak na ngiti. Takte, bakla ba 'to? Napaka-lively
yata ng personality niya. At ang pangalan.. tss, mas gwapo pa rin ang pangalan ko.
Just scratch that girly name Emerald. Tch. Speaking of Kierre, I need to catch him
and turn him into a leech!

Inabot ko na lang ang kamay niya. Ayokong magkaroon ng bad image dito, bago pa
naman ako. Mamaya SCO president pala 'tong nerd na 'to. "Likewise Quendrix! Sige,
una na ko. May hahanapin pa ko."

"Anong course mo?" nasapo ko ang ulo ko. Pambihira. School boy na nga ata ang buhay
ko ngayon.

"Ah, BS Legal Management. 3rd year."

"Oh! Anong class mo ngayon?"

"Lit A. EB 203." nabasa ko kasi sa notebook sa bag ko kanina. May nakaready na ring
mga gamit. Ayos.

"Oh! Pareho pala tayo! Sabay na tayong umakyat sa room."

"Pwede bang umabsent muna? Saka bakit ikaw, late ka naman eh."

"Ah may iniutos lang sakin si sir na bilhin. Ito oh, dalawang brown envelope. Anong
day-offs mo?" napakamot ako ng ulo. Hindi ko kasi alam. Yes, may mga bagay pa rin
naman akong hindi alam. At napakamatanong naman nitong Quendrix na 'to. Ang daldal,
unang encounter pa lang naman namin.

"Hindi ko nga alam eh." Kierre nasaan ka na ba kasi. I whispered in the air. Sana
matanggap niya ang mensahe.

Maaaaaster! Tulungan mo ako! Napunta ako dito sa bukana ng lagusan. Hindi ako
makaalis, baka may makakita sa akin dito! (Kierre)

Taragis! Paano napunta si Kierre doon?

"Ah, sige sige. Pakisabi na lang sa sir mo.. ay teka. Wag mo na lang sabihin na
nakita mo ako. Bukas, papasok ako pramis. May emergency lang ngayon sa bahay.
Please?"

"A-ah eh. S-sige Edmond." Saka ako nagmadaling tumakbo.

Waaaah! Kotse? Nasaan ang kotse ko? Fvck! Hindi na nga pala ako si Raymond. Anong
sasakyan ko ngayon nito? Kailangan kong makapunta na sa mansion dahil doon lang ako
mayroong sariling lagusan papunta sa bukana. Hayop ka Kierre, sakit ka sa
kagwapuhan. Bat ka ba napunta dyan.
Nakakita ako ng walis tambo sa may guard sa gate. Yung walis na pambahay. Takte.
Durog ang dignidad ko dito pero no choice.

"Јасно како балон, благослови да биде можно! Да ме невидена, Нека невидливост


победи!"

(Clear as a bubble, bless it be possible! Make me unseen, let invisibility win!)

Ngayong wala ng nakakakita sa akin, kinuha ko na yung walis. Buti sana kung yung
broomstick ko sa bahay. Ngayon lang 'to. Tiis-tiis Mond. Haaay.

"Шаване метла, шаване шаване метла, брзо како Vroom. Крилја се ослободи, летаат и
ослободување!"

(Wiggle broom, wiggle wiggle broom, be fast as a vroom. Wings unleash, fly and
release!)

Gusto ko pa sanang magliwaliw sa itaas kasama ang mga ulap pero naalala ko si
Kierre. Kailangan ko na siyang kunin doon. Sigurado akong may kapalpakang nangyare
kanina sa spell.

***

Gate of Stones

I muted myself as I reached the gateway. Once kasing may narinig na kaluskos,
maaaring magising ang mga lamang lupang gwardya lalong lalo na, ang nakahigang
higanteng bato dahil siya mismo ang lagusan. Nakatagilid siyang nakahiga kaya ang
uwang sa pagitan ng kanyang balikat at muka ang nagsisilbing entrance patungo sa
bukana ng Fortress. Gate pa lang ito, kailangan pang tawirin ang Lawa ng Lason para
makarating sa bukana. Ginawa ang hagot sa pahirapang entry na ito para makaiwas sa
mga trespassing. Hindi kasi maiwasang may mga maligno at ibang nilalang na may
masasamang intensyon ang nakakatagpo sa lugar na ito. Madalang namang matagpuan ito
ng mga tao. Tanging mga katulad lang namin ang pwede sa Magique Fortress.

Bago ako tumuloy ay bumalik muna ako sa totoo kong anyo. Sa anyo ko bilang wizard
na si Diamond.

"Mahal na Blaite, please please please. Wag ngayon. Gabayan niyo po ako. Proteksyon
mahal na Blaite. Salamat po." Pagkausap kong muli sa kanya.

Dahan-dahan akong pumasok sa entrance. Ingat na ingat. Ayokong magising ang higante
dahil kung magkataon katapusan ko na. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, talo na
agad ako. Hingang malalim Mond. Kaya mo 'to.

Gusto kong mang-asar at mag-bleeh doon sa higante dahil nakapasok ako. Bwahahaha!
Lakas kasi matulog yan tuloy.
Naubo naman ako bigla pagkaharap ko. Shit! Napatakip pa ako ako ng bibig ko dahil
baka marinig nila pero nakalimutan kong naka-mute nga pala ako ngayon kaya walang
maririnig mula sa akin. Naubo ako dahil sobrang sakit sa lalamunan at sa ilong ng
hanging nalalanghap ko ngayon. Ang Lawa ng Lason.

Grabe, kahit hangin pa lang pwede na pala makamatay, para sa mga tao at hindi
katulad ko siguro oo. Buti na lang walang epekto ang mga yan saken. Naghanap ako ng
bangka o tulay pero wala. Wais ang mga wizard. Magaling, magaling. Tss. Pano ako
tatawid neto? Mukang katuwang ko nanaman si wonder walis. Kainis.

Sumakay na ako sa.. tss, sa walis at lumipad. Malapit na ako sa bukana. Yes!

Pero biglang...

TEKA ANONG?!!!

Bigla akong bumagsak at nahulog sa lawa. Shit! Shit! May lason 'to! Anong nangyare?
Pesteng walis bakit nawalan ng bisa?!

Muntik na akong makainom ng tubig mula doon. Pero ang balat ko, fvck! Nagiging itim
na. "CONTRA! OBCURSO!"

"REPUGNO CONTRAVENIO!"

Aish! Bakit hindi gumagana ang counter spells!

Malapit na ako sa bukana peste bakit ngayon pa! Binanggit ko na rin yata halos
lahat ng alam kong spell na pangontra, pati sa mga lason pero hindi talaga
tumatalab. I guess this lake is specially made. Hindi gumagana ang kahit anong
spells sa lawang ito. Magaling, magaling talaga.

Bago pa ako mapupusan sa lintek na lawang ito, nilangoy ko na papunta sa bukana. I


can endure the pain pa naman. Buti't soot ko ang aking Soverlace at Ringlack.
Pwedeng ipagpalagay na agimat. Pero in my case, some sort of wizard charms ang
tawag. Nang makarating ako sa bukana gusto kong tadtarin ng mura yung lawa. My
skin, it were all burned. Sirang-sira ang kagwapuhan ko. Taragis.

Di bale, magagamot pa naman ito. First thing's first, nasaan na ngayon dito si
Kierre.

'Kierre, san ka?' I sent him my message. Malupit pa sa text ang communication
naming dalawa. We connect through minds.

'Dito sa puno ng lagim. Maglakad ka ng direcho sa bukana, may makikita kang puno sa
tapat mismo ng transparent walls ng Cloud Castle.'

What the fork? Anong ginagawa niya sa puno ng lagim? Takte talaga ni Kierre oh!!!

Tinungo ko ang kinaroroonan niya. Safe Zone na sa bahaging ito. Wag ka lang
magkakamaling madaplisan o madikitan ang transparent na walls ng Cloud Castle dahil
sa sandaling makaapak ka na sa loob, nangangahulugang nakapasok ka na nga sa
Magique Fortress. At syempre sa lagay ko, lalong bawal akong makita ng mga wizards.
Ang Cloud Castle nga pala ay yung parang terminal na maghahatid patungo sa White
Kingdom o di kaya naman sa Black Realm. Ang sasakyan patungo sa dalawang yun ay
parang LRT sa mundo ng mga tao. Wala nga lang bubong, wala ring side na mga
dingding, yung as in flooring lang. Kaya pag sumakay ka, para kang nasa roller
coaster or ride na walang safety belts, kumabaga bahala ka sa buhay mong
magbalance. Nakakaloko ang dimensyong ito. Sadyang nakakaloko.

Mayroon ding ibang sakayan tulad ng Flying Leaf at Bouncing Bubble pero ang
dalawang yan naman ay patungo lang sa Pixie Hollow, Dwarfville, at iba pang
destinasyon. Pero yung pinakamain na dalawang kaharian, yung special na mga sakayan
talaga. I swear, hindi ko pa natatry makapasok dyan pero garantisadong kakaibang
manirahan sa dimensyong ito. Mas gugustuhin ko pa sa mundo ng mga tao.

"Pambihira Kierre! Bakit ka ba napadpad dito?" pambungad kong sermon nang matagpuan
ko na si Kierre. Sitting pretty pa sa ilalim ng puno. Lupet.

"Oh teka teka teka t-teka lang! Wag ka munang lalapit. Maligno!!!"

"Sira! Ako 'to. Tara na nga, nang maayos ko na 'tong sunog sunog kong katawan.
Bwisit ka naman kasi eh."

"You.. you.. you came? For me? To save me?" sabi pa niyang nagpretty eyes!

"Hinayupak!" kinotongan ko nga. Tara na. Hinila ko na ang braso niya para makaalis
na kami sa taksil kong tahanang ito.

Nagtaka ako dahil hindi ko siya mahila. "Anong?"

Humagalpak ako ng tawa. "HAHAHAHAHAHAH! Hari ng sablay ba Kierre? HAHAHAHAH!" tawa


ako nang tawa dahil yung pwet niya pala ay nadikit sa upuang ugat ng punong ito.
"Puno ng Lagim pa ha! Yan! Yan ang napala mo."

"Hindi ko naman kasi namalayang ugat pala yan ng puno. Saka pagkamulat ko na lang,
nandito na ako agad." Ang ugat kasi ng puno ng lagim ay tila may pandikit. Once na
nahawakan mo yun, hindi ka na makakaalis. Pag nagpumilit kang umalis, siguradong
tuklap ang balat mo.

"Tsk. Ako na nga." I casted an Oppose Function Spell to the root of the tree. Yun
ay para mabaliktad ang function ng ugat ng puno, imbis na sobrang madikit, magiging
sobrang kinis nito. After that, nakawala na nga ng tuluyan ang pwet ni Kierre sa
puno.

Pinalitaw ko ang mortal portal-isa itong balon. Wala itong permanenteng


pinagkakalagyan. Kaya kahit sinong wizard o guardian pwedeng palitawin ang mortal
portal na ito kahit saan sa dalawa, doon sa Gates of Stones o dito sa Bukana ng
Cloud Castle. Alinman lang doon sa dalawa.

Nang makarating kami sa mansion ay nagmadali akong ginamot ang katawan ko.

"Yak. Kadiri. Ang pangit ng ichura mo Mond."

"Bwisit ka kasi. Lahat ng 'to, dahil sayo! Pasalamat ka.."


"Pasalamat akong mahal mo ako?" at nagbyutipul eyes nanaman siya. Taragis!

"Gagawin na talaga kitang bakla Kierre! May kasalanan ka pa sakin!" pagbanggit ko


sa kanya matapos kong lumublob sa tubig ko dito sa bath tub. Tubig na may gamot
siyempre.

"Ha? Ah eh.. Sige tulog na ko ah. Nakakapagod ang adventure kanina. Hooo."

"HOY! Hindi pa tayo tapos!" walanghiyang yun at nilayasan ako. Humanda ka saken
Kierre. Paparusahan kita sa mga kabaliwan mong ginawa sakin.

"Стрела на прдеж, порака на вашата цел. Жалам е меч, ослободете го магичниот збор.
Ако не рече, не би било. Лекцијата од срце, со грантот на свирче прдеж!"

(Dart of fart, release to your target. Sorry's the sword, unleash the magic word.
If said not, be it not. A lesson from the heart, the grant of whistle fart!)

Fart spell would be so perfect. Bwahaha! Napakamabisa. Good luck Kierre.

Now, I'm looking in front of the mirror. How I miss to look like this. Pero dahil
sa parusa sa buhay ko ngayon, maging ang anyong ito, maging ang totoong ako,
ipinagkait sa akin.

Kinuha ko na ang aking Soverlace at isinabit ito sa akin. Ito ang nagpapanatili sa
akin sa ibang katauhan. Para magkubli sa ibang identidad. Bumalik ang tingin ko sa
salamin. Dala-dala ang pagkatao ni Edmond, bagong buhay nanaman ang naghihintay sa
akin.

Bagong buhay. Bagong buhay nanaman na talaga namang nakakasawa.


####################################
5 - Pangitain
####################################

Chapter Five
Pangitain

Kinagabihan ay kumain na kami ng hapunan ni Kierre. Batid ko ang pagkauneasy niya


dahil paniguradong laging nauutot ang pakiramdam niya. Tawa naman ako nang tawa sa
mga reaksyon niya at sa muka niya mismo.

"Ayos ba tiyan natin dyan ha?" sabi kong nang-aasar pa rin.

"Ha? Oo naman. Ayos na ayos. Fwuuuut!" at humagalpak nanaman ako ng tawa.

"Ang baho Kierre! Ano ba naman yan! Ututin ka na ba ngayon ha?" pangbubwisit ko pa.

"Mond, may kinalaman ka dito no? Anong ginawa mo saken!"


"Read my mind then. Hahahahaha!"

"Hindi ako nakakabasa ng isip! Dia naman ibalik mo na sa dati! Dia please!"

"Dia what?"

"Mond! Alisin mo na 'tong.. Fwuuuut!"

"HAHAHAHA."

"Fart spell.. Fwuuut!"

"HAHAHAHA AYOKO NGA. Magdusa ka dyan. Ako pa pinagkatuwaan mo sa pangalan ah.


Emerald? Bakit di mo sinabing may Emerald ang bago kong identity ha? Oh yan, ikaw
naman pagkakatuwaan ko ngayon."

"Huhuhuhu. Mond. Bagay naman kasi sayo ang may pambabaeng name. Mond ibalik mo na
please. Ayoko na nito."

"Sino bang may ginusto ang fart spell? Hahahaha!"

"Huhuhuhuhu. Sorry na Mond. Di na mauulit. Sa next identity mo, pangbarako o


machong pangalan na ang ibibigay ko sayo. Huhuhuhu."

And voila. He said the magic word. Yun lang naman ang pagvoid sa spell na yun.

"Hoooo! Thank you! Sumakit ang pwet ko dun ah!"

"Next time talaga na maga-adik adik ka pa, malilintikan ka nanaman sakin."

"Opo bossing. Pero uy, nakarami ka yatang gamit ng spells ngayon? Baka matrace na
tayo niyan." Bigla akong natauhan. Hala. Oo nga pala. The more na gumagamit ako ng
magic, the more din ang posibilidad na matrace nila kami.

I'm also wondering, yung nangyari kanina, bakit kaya? Bakit kaya sa rooftop ako ng
isang school building napunta at si Kierre naman ay doon sa bukana ng Fortress?
Bakit hindi dito sa loob ng mansion. Tinanong ko si Kierre kanina, hindi niya rin
mapagdugtong ang mga nangyari. Pagkatapos daw ng spell ko kay Franzes sa Circle of
Insignia, namulat na lang daw siyang nandoon na siya sa bukana. Hindi naman siya
makaalis dahil nastuck nga siya doon sa ugat ng puno ng lagim.

Nakakapagtaka. Nakakapaghinala.

Hindi kaya, isa itong pangitain?

Pero pangitain ng ano?

"Kierre, tara sa silid." Niyaya ko si Kierre doon sa silid ko kung saan nakapaloob
ang lahat ng libro, gamit, ornaments, at iba pang related sa wizardry at magic.
Syempre, kahit nandito kami sa mundo ng mga tao, kailangan pa ring may alam kami
tungkol sa aming lahi.
"Sa tingin ko, malapit na ang pagtutuos. Marami ng senyales ang dumating Dia. Yung
predictions ko, yung panaginip mo, at yung nangyari kanina na sa ibang lugar tayo
napunta imbis na dito. Isipin mong maiigi kasi ako, ang lakas na ng kutob ko."

"Pero isipin mo ring maiigi Kierre, bakit nila ako ipapapatay gayong immortal naman
ako? Pano ako mamatay? Sige nga."

"Eh kasi nga, hindi nila alam na immortal ka. Memory gap lang?"

"Siraulo ka ba? Eh kung alam nilang hindi ako immortal edi sana hindi na nila ako
hinahanap ngayon kasi sa malamang ay patay na ako sa panahong ito. Tungaks ka
talaga eh no?"

"Tss. Eh pano na nga? Bakit ka pa rin nila tinutugis? Sige nga kung magaling ka
talaga." At nagmake-face pa sa akin si Kierre. I was left unspoken. Hindi ko rin
alam ang sagot.

"Kita mo na. Speechless ka master. Hay nako, teka makapag-CR nga muna." Sabi ni
Kierre at tumalikod na.

"Oopps. Sorry." Nabangga niya kasi yung isang shelf dito. Nahulog yung aking
Ringlack at yung Elemental Girdle.

Pupulutin niya na sana pero pinigilan ko dahil may napansin ako.

"TEKA! Wag!" saka ako lumapit.

"Yung girdle, hugis puso." Napalingon naman sa akin si Kierre at nagtawa bigla.

"Ang cheesy mo Dia ah! Pati ba naman yang girdle pinagdiskitahan mo? Ano yan ha,
senyales din? Hahahaha! Malala ka na." hindi ko na pinatulan ang pangaalaska niya
at lumuhod ako para pulutin ang mga nahulog.

"Ikaw na mismo ang nagsabi, mula sa mga sunod-sunod na pangitain, ngayon pa ba tayo
magwawalang-bahala? Kahit ang mga simpleng bagay na ganito ay hindi dapat
pinapalampas."

"Okay, so kung senyales din yan. Anong ibig sabihin niyan Dia? Hugis puso. Heart.
THAT'S IT!"

"What?"

"Heart Dia! Heart!"

"Oo nga, heart nga. Oh eh anong meron?"

"Ang puso mo Dia!" napasinghap ako kay Kierre.

"Wala akong puso diba?"

"Baka naman meron na? Try mo." Kahit alam kong mabibigo lang ako, sinubukan ko pa
rin. Tinignan ko ang loob ng dibdib ko, pero wala pa rin. Walang pusong nakalagay
doon. Empty.

"Hmmm. Bakit ganun? Alam mo Dia, nagtataka pa rin ako magpahanggang ngayon. Sa loob
ng daang taon, isip isip ko pa rin.. bakit kaya wala kang puso?"

"Because I was cursed." I decided to break the bulk na. Sinabi ko na kay Kierre ang
lahat. Inamin ko na sa kanya ang nalaman ko. Gulat na gulat pa siya nung una pero
he started wondering again.

"Dia, you're just cursed that you'll die if you love. Pero wala naman sa sumpa na
tatanggalan ka nila ng puso. Right?" he's damn right.

"Yes."

Natigilan siya saglit dahil nag-iisip siya. "I am thinking, baka may mga cast outs
sa sumpa nila?"

"Cast outs?"

"Sa kahit anong spell o sumpa, hindi naman maiiwasang may tumalsik o kumawalang
spirits, elements, o counteracts. Alam mo yan Dia." Oo nga no. Napaisip ako doon.

"So it means..."

"Maaaring meron ka naman talagang puso. Maybe it was just hidden.. or missing."

"At nasa kung saan lang." dagdag ko.

"Sana lang tama tayo Dia. Pero sinasabi ko sayo, don't put your hopes too high.
Alam mo naman ang magic, mapanuya." Iyan ang huling sinabi sa akin ni Kierre saka
siya lumabas na ng silid.

Heart... Do I really have a heart?

Pinulot ko na ang girdle at yung Ringlack ko at tumayo na.

Ringlack is my ring for defense. This came from my Gemlack Clan. Defense sa
masasama. Mayroon din akong galing naman sa Soverthells, ang aking Soverlace na
isang kwintas na mahaba na proteksyon ko naman at ang naagpapanatili sa akin sa
iba't ibang identity. Kasama ito sa mga ibinilin ng mga magulang k okay Kierre
noong itinakas niya ako patungo rito sa mundo ng mga tao.

Ringlack's function is to defend.

Ringlack. Heart shape.

Defense. Elemental Girdle.

Defend. Heart.

Wait! Parang may mensaheng pinaparating. Pagkabit-kabitin natin.

Defend. Heart. Elements.

Defend your heart by all means.

Oh, shoot! That's it!


***

Vonne Western University

Tumambay muna ako dito sa isang puno sa campus. Tanaw-tanaw ang open field. Napaaga
kasi ang pasok ko ngayong araw. Kailangan ko na ulit sanayin ang sarili ko sa
estudyante scenarios araw-araw.

Napukaw ang atensyon ko ng isang estudyante sa may kanan ng field. Dinidiligan niya
yung mga patay ng halaman. Inayos pa niya yung lupa. Natawa pa ako sa kaweirduhan
niya dahil parang pinapalapit niya rin ang hangin sa mga halaman. Saka niya ulit
diniligan ng maiigi yung mga halaman. Nakakatawa. May pag-asa pa bang mabuhay ang
mga halamang naghihingalo na? At mayroon pa rin palang mga taong nag-aabala sa mga
ganyang bagay.

Tuluyan na akong naweirduhan sa kanya nang maaninag kong kinakausap niya pala yung
mga halaman. Akala ko kumakanta lang siya kanina dahil bumubuka buka yung bibig
niya, yun pala.. kinakausap niya. I tried to read her mind, at ang tanging naiisip
niya lang ng mga oras na ito ay "Masayang magdilig ng mga halaman." Pambihirang
yan. Sinto-sinto kaya itong babaeng 'to?

"Uy, Edmond!" nabigla ako sa epal na tumabi sakin. Ay joke lang. Si Quendrix lang
pala.

"Oh, hi!" bati ko sa kanya.

"Patingin ng sched mo." Nilapag niya ang bag niya at nag-indian sit na sa tabi ko.
Aww, nawala ang peaceful moment ko. Binigay ko naman sa kanya yung sched ko.

"Kablock nga kita! Nice. May kakilala ka na ba dito bukod sakin?" umiling ako sa
kanya at lumingon ulit dun sa tinitignan kong babae kanina.

"Ahh. Siya si Eni. Kaklase din natin yan. Lagi siyang hyper. May pagkaweirdo pa.
Tignan mo ngayon, kausap nanaman niya yung mga halaman." Nanaman? So madalas niya
pala itong gawin.

Tumango-tango na lang ako kay Quendrix.

"Tara na Ed. Para makilala ka na rin ng klase. Bakit late ka na nagenroll?"

"Ah kaluluwas ko lang kasi dito." Palusot ko at sumunod na sa kanya. Napalingon


ulit ako dun sa babae at laking gulat kong nakatingin na rin pala ito sa akin.
Maya-maya pa'y ngumiti ito at kinawayan ako. Hala, weirdo nga.

***

Literature class.

Masaya ang klaseng napasukan ko. Lahat ay magiliw na winelcome ako sa block. Hindi
pala ako mahihirapang makisama this time. Sa likod ako umupo katabi ni Quendrix.
Habang iniintay namin yung prof, napansin ko naman ang mga babae sa kaliwa ko.
Tinitignan nila ako at nagbubulungan. Haaaay. Kahit magpapalit-palit yata ako ng
identity, hindi pa rin talaga nawawala ang mga babaeng umaaligid sa akin. Hindi ako
assuming, halata naman kasi talaga. Lalo na ang mga babaeng yun, kahit hindi ko
basahin ang mga naiisip nila, alam kong kinikilig silang tinitignan ako. Iba na
talaga ang appeal ng wizard. Pano pa pala kung yung totoo kong anyo ang gamit ko?
Baka hinimatay na sila. Hohoho.

Ang ingay naman kanina ay nadagdagan nang pumasok si.. Eni? Yung babaeng nakita ko
kanina. Ang laki agad ng ngiti niya. "Helloooooo goodmorning!"

"Goodmorning rin Eni!" ganting bati ng iba.

Nilapag niya ang bag niya sa bakanteng upuan. Sa harap ko. Umupo ito at humarap sa
akin.

"Hi! Bago ka dito no?"

"Ayan na. Ayan na ang bagyong kakulitan ni Eni." Sabi nung ilan naming kaklase.

Tumingin lang ako sa kanya. Wala akong maireact. Pinapakiramdaman ko pa ang babaeng
ito.

Inabot naman niya yung kamay niya sakin. "Ako nga pala si Enikka Dara Tagle. Ikaw
si?" pangungulit niya sa akin na pilit pang iniaalay yung kamay sa akin para
makimagkamay ako. Nakikita-kita ko na, magiging magulo ang pag-aaral ko kapag
kasama ko 'tong babaeng 'to.

"Edmond Em.. Edmond Sioson." Muntik ko nang mabanggit yung Emerald. Pesteks.

"Waaaaaaaaaaah!" nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Ang ganda ng pangalan mo.
Edmond. Edmond. Edmond." Sinabi niya yan with matching tingin sa kaliwa at kanan at
with feelings pa. Takte! Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa kanya.
Haaay grabe, Mond ano ba 'tong napasukan mo?

"Friends na tayo ah? Apir?" natanga na lang ako sa galak na galak niyang ichura.
Yung totoo? Never pa yatang sumimangot 'to.

Tumaas na lang yung dalawa kong kilay.

"Dali. Apir apir apir! Dali na. Dali na!" ay hala! Sobrang kulit niya. Gusto ko
nang sabunutan ang sarili ko.

"Okay eto na." at nakipag-apir na nga ako para manahimik na siya.

"Yari ka pare. Goodluck sayo! Mabagsik yang si Enikka!" at tumawa pa yung ilan.

"Wag kang maniwala sa kanila MonMon. Mabait ako. Promise, honest 'to!!!" at ngumiti
nanaman siya na halos mawala na yung mga mata niya. Nakakaloko. Kierre, palit na
lang tayo. Haaay. And ano daw? MonMon? Da eff?

"Oh! Good morning sayo Quendrix! Kumusta ka? Okay na ba si Ming Ming kitty?"
nandilat ang mga mata ni Quendrix at nagtawa yung mga kaklase namin.

"May alaga kang pusa pare?" tanong nila.


"Wag kang maingay Eni!" sabi niya kay Enikka na may tonong medyo inis. Hahaha!
Ming-ming ang pucha.

Laking pasasalamat ko't dumating na yung prof. I read his mind, I bet the lesson
for today is about myths.

"Goodmorning class!"

"GOOD MORNING SIR POGI!" sigaw ni Enikka.

"Ikaw talagang bata ka. So ngayon, I have a question for the class. Who among you
believes in fairytales?"

"AKO SIR AKO SIR! Fairies, and pixies, and dwarfs, and giants, and mermaids, and
monsters, and witches, and wizards, and.."

"Shhhhhhh." Sabi ko na nagpatawa sa klase. Humarap sakin si Enikka at nag-belat na


lang sakin. 3rd year college na isip bata. Oh great.

"Anyone else? Dahil ang pag-uusapan natin ngayon ay about myths. Totoo nga bang may
mga kakaibang nilalang bukod sa atin dito?"

"No. Hindi totoo ang mga fairies, wizards na yan. Kaya nga myths eh diba." Sabi
nung maangas naming kaklase na pakilala sa akin ni Quendrix ay si Wenjay Arevalo.
Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi ko makakasundo ang taong yan.

"Hindi kaya! Totoo kaya sila. Totoo ang fairies, may pixies at sprites kaya. Meron
ding wizards. May mga mababait at masasamang wizards pa nga eh. Hindi ka ba
nanonood ng Harry Potter?" parang batang nagpout pa si Enikka.

"Nanood ako. Gusto mo sample-lan kita? Expeliermus!"

"It's Expelliarmus." Pagcorrect ko pero mahina lang.

"Anong sabi mo? Kebago bago.."

"Class quiet! Wag niyong pag-awayan ang mga simpleng bagay." It's not a simple
thing. Spells are precious. Kapag namali ka ng chant, maaari pa itong makasama.
Saka isa pa, kinorrect ko na nga siya, siya pa ang galit.

"That will be your project by the end of the sem. Gusto kong gumawa kayo ng 50
pages research about myths. You can use fairies, wizards, or any mythical creatures
you want. Siguraduhin niyo lang na may sense ang mga pinaglalagay ninyo doon. I'll
explain the details later on. For now I'll end the class this early. May meeting
ang English professors. Class dismiss."

50 pages? Sus. Maning-mani. Kahit pa sandamakmak na pages, marami akong mailalagay.


Wizardry and magic at its finest!

"Abrakadabra bulaga!" This girl. Aish! First day na first day ko dito bakit
kinukulit na niya ako ng ganito?
####################################
6 - Nasaan Na
####################################

Chapter Six
Nasaan Na

Defend your heart by all means.

Isa pa ring palaisipan ito para sa akin. How can I defend my heart kung hindi ko
nga alam kung nasaan ito? And if I'm not even sure kung mayroon ako nito? The hell.

Pagkauwi-uwi ko ng bahay ay sumalampak ako agad sa tambayan sa may hardin. Tinawag


ko si Kierre para makapag-isip kami ng plano.

"Akala ko true love lang ang mahirap hanapin, pati pala ang puso mahirap din. Hindi
naman natin pwede isangguni sa lahat ng lost and found yang nawawalang puso mo Mond
diba? Mas lalo namang hindi tayo pwedeng magpagawa ng mga poster na 'Heart missing.
Call this number for details. Reward: 20 million.' Baka paratangan naman tayong mga
sinto-sinto nun. Grabe ano na kaya?"

Nababaliw na ako pag-iisip. Tama si Kierre, hindi namin pwedeng gawin ang mga
kabaliwang tulad nun. Even the Time Throwback Spell can't answer my puzzlements.
Kung pwede lang magpauso ng magic spells, ginawa ko na. Kahit Knowledge Charm man
lang para alam ko na agad kung nasaang lupalop ang kahit anong gusto kong makita.

"Talagang lahat ng nawawala, mahirap hanapin. Tanggapin na natin yan Kierre."

"AHA!"

"Oh ano nanaman yan? Sana may sense ah." Baka kasi mamaya kabalahuraan lang sabihin
nito, umasa lang ako.

"Ang Black Book ni Blaite! Baka makatulong!" natigilan ako pero bigla ring tumayo
at tumungo sa silid para kuhanin ang libro.

"I've read this tons of times Kierre. History lang naman ito ni Blaite at ng
Magique Fortress."

"Saka mga charms na ginamit niya. Na pagmamay-ari ni Blaite. Malay mo meron."

"It's just Blaite's Gemthell Sword in here. Pati description. Oh tignan mo pa."

"HALA!!!" langya naman 'tong mga reaksyon ni Kierre. Pambitin na, pangpakaba pa.
Tss.

"LOOK! May punit na page dito!"

"What the.." ang naireact ko. Bakit ngayon ko lang napansing may nawawalang pahina
dito.
Silence invaded the both of us. After composing myself, "Kierre, baka naman napunit
mo lang yung page na 'to? Ilabas mo na!"

"Sira ka ba? Bakit ko naman pupunitin yan eh ni hindi mo nga pinahawak sakin yan
noon eh." He has a point. But where the heck is that page?

"Ang sumbrero. Ang espada. Ang sumbrero. Ang espada. Mga Sobertel, mga Hemlak.
Palubugin. Kailangang palubugin.."

"Kierre.. you heard that? Yung babae sa labas." Nasilayan ko sa gate ang isang
babaeng naglalakad at nagsasalita mag-isa. Lumabas kami ni Kierre.

"Miss.. Miss." Pagtawag ko ngunit hindi ito lumilingon kaya't kami na ang lumapit.
At sa unang kita ko pa lang, muka siyang wala sa katinuan. Gulo-gulo ang buhok,
tulala, gusgusan, sira-sira ang damit, at walang suot sa paa.

"Miss, anong sinasabi mo kanina???" tumigil ito bigla sa paglalakad pero nakatulala
pa rin, hindi tumitingin sa akin.

"Soverthell. Gemlack. Ang sumbrero. Ang espada. Lahat ng mahika. Ibaon. Ilubog.
Hindi nararapat. Hindi naaayon. Hindi malinis ang budhi. Pabaya si Blaite. Mga
lapastangan. Hindi nararapat. Hindi naaayon. Hindi malinis ang budhi." Nanlaki ang
mga mata namin ni Kierre.

"HALA! MOND!"

THIS GIRL KNOWS SOMETHING!

Nagpatuloy siya paglalakad at paulit-ulit lang na binabanggit ang mga salitang


iyon.

"Kierre mabuti pa, dalhin natin siya sa mansion."

"Miss, anong pangalan mo? San ka galing? Bakit mo alam lahat ng yan? Isa ka rin ba
sa kanila?" sunod-sunod na tanong ni Kierre.

"Ano ka ba Kierre! Wag ka namang sunod-sun-."

"HINDI AKO KAISA NILA! HINDI! HINDING HINDI! BAKIT MO NASABI YAN HA! HA!" saka niya
tinulak tulak bigla si Kierre.

"Ohh easy ate."

"ANO BANG MGA SINASABI MO? HINDI MO BA ALAM? MASASAMA SILA! BAKIT MO AKO
SINASABIHANG ISA AKO SA KANILA? HA!" tinulak tulak pa nito sa dibdib si Kierre.
Galit ang kanyang ichura. Nakakatakot.

"ARAY!" daing ni Kierre nang masugatan siya ng matutulis nitong mga kuko. Maging
ako ay nabahala na sa babaeng ito.
"голо око, ти ќе воздишка. Спиење, да спие. не толку..." oh shit, I forgot the next
lines.

"NO NO NO!" sabi nitong babae.

"Aish!" hindi ko ito inasahan. Nakalimutan ko ang Sleep Spell. Pesteng lengwahe
naman kasi.

And this leaves me no choice, "NAPSUSIAL SLEPENTRE!!!"

"DAMN IT DIA! You used your wand?"

Binuhat ko na yung babae. "I have no choice. Nakalimutan ko ang full spell. Kaysa
naman may makakita pa sating tatlo dito na nagtatalo diba?" ginamit ko na ang
shortcut spell. Tulad ng sinabi ko dati, pwede ka lang gumamit ng short
incantations kapag may gamit kang wand, at lalong lalo na kapag nasa magic
dimension kami.

"Pero sa ginawa mo, lalong lalakas ang track nila sa atin! Tsk. Alam mong pag
ginamit mo ang wand mo, 10 times pa ang bisa nito. Sa paggamit mo pa nga lang ng
spells and magic matetrace na tayo, pano pa kaya ngayon na ginamit mo yan?
Pambihira naman Dia! Pambihira!" ginulo-gulo ni Kierre ang buhok niya habang
aligagang sinasara na ang pinto ng mansion.

"I know! Pero nakalimutan ko nga kasi yung buong sentences! Hayaan mo, last na yun.
Sorry Kierre." Grabe, sa lagay ngayon parang mas under ako ni Kierre. Sabagay mas
gurang nga naman siya sakin. 21 years ahead siya sakin. So it means, 170 years old
na siya. Ako 149 pa lang. Tss.

"Talagang hindi na mauulit dahil hindi na ako makakapayag. Dia, bukod sa pagtaas ng
alta presyon ko, aatakehin na rin yata ako sayo. Pambihira talaga! Akin na nga ang
book of spells mo, kakabisaduhin ko na yang lintek na mga yan nang meron kang taga
remind pag nakalimot ka. Pambihira Mond! Pambihira!!!" hindi maipinta ang ichurang
tugon ni Kierre.

Gusto kong matawa sa kanya pero pinigilan ko dahil serious matter ito na hindi
dapat pinagkakatuwaan. "Sorry na. Kalma. Oh heto, 300 pages back to back na spells.
Good luck."

Natanga si Kierre nang inabot ko sa kanya. Kumamot ito ng ulo. "Ilapag mo na lang
dyan. B-babasahin ko yan mamaya. Pero unahin muna natin yang si baliw na
pinaghahampas ako kanina." Sus. If I know, nagbago ang isip niyan sa pagkabisado.

Umupo kami sa harap ng nakahigang babaeng ito.

I focused reading her mind. "Argh! Kahit tulog siya, ang tanging naiisip niya ay
yung mga binanggit niya rin kanina. Wala ba tayong mahuhugot na kasagutan sa
babaeng 'to?"

"Try harder Dia." Siya na ata bossing ko ngayon. Nice. I tried concentrating again.

"Still. Ganun pa rin, umiikot sa isip niya yung mga salitang yun. Soverthells,
Gemlacks. Ang sumbrero. Ang espada. Aish! Ano bang pinagsasabi niya?"

"As in yun lang?"

"Yes. You know I can't read beyond that. As a mind-reader, ang kasalukuyang iniisip
lang ng binabasa ko ang pwede kong malaman. Ang nakaraan niyang inisip, o ang
iisipin niya ay beyond my capacity na. But sa tingin ko, this girl is cursed kaya
ganyan siya. Malakas ang pakiramdam kong kauri natin siya."

"Wizard? Guardian? Seriously? Kahit isumpa ang sino man sa atin, walang ganyang
ichura. Tignan mo nga muka nang witch! Walang witch sa mundo natin." Grabe talaga
makapanglait 'to si Kierre.

"Ang arte mo. Ipakasal kaya kita dyan gusto mo? Mabuti pa, paliguan mo muna siya.
Ayusan mo, bihisan. Para naman maayos siyang tignan. Dalian mo, habang tulog pa.
Wag mo na ring tangkaing pagsamantalahan siya Kierre."

"Siraulo! Ako? Pagsasamantalahan yan? Tignan mo nga! Pambihira! At paliguan? AYOKO


NGA! Ikaw na lang!"

"You're telling me what to do? Hmm?" sabi ko sa kanya sabay labas ng wand ko.

"I know you can't use it now."

"You know I can use it.. anytime I want."

"No you can't." aba at mapilit ka ha.

"Fart spell again?"

"Ito na nga oh, dadalhin ko na siya sa CR. Tss."

"Good boy." Mabuti na ang nagkakaintindihan kami. Bwahaha! Nasa akin talaga ang
huling halakhak.

Dinala na ni Kierre yung babae. Nagligpit naman na ako dito sa sala. Lumabas ako ng
mansion para ilock na ang gate nang biglang...

"MonMon!" Huh?

May tumakbong bata at humawak sa gate. "E-Enikka?" Si Enikka pala. Naka-ponytail


siya ng pagkalaki-laking ribbon at may hawak na mga bulaklak.

"Uuuuy! Kilala niya ko. Papasukin mo naman ako sa kaharian mo. Grabe, ang laki
laki! Dito ka pala nakatira? Doon lang ako nakatira sa ikalawang bahay sa labas ng
subdivision ninyo oh! Doon. Doon. Lagi akong dumadaan dito namamasyal. Ikaw pala
ang nakatira dito! Wow! Grabe ang yaman yaman mo naman pa-."

"Shhhhh. Ang dami dami mong sinasabi." Dinampi ko ang point finger ko sa labi niya.
It gave jitters all over me. Brrrr. Pinunas ko bigla sa pantalon ko yung daliri ko
dahil may laway niya. Mamasa-masa ang lips. Brrrr. "Sige na, uwi na. Bye Enikka.
Bye. Shoo shooo." Walanghiyang sabi ko sa kanya at sinara na talaga yung gate.

"Eeeehhhhh! MonMon! Papasok na please! Gusto kong pumasok sayo!" WTF? Pumasok
sakin? Ako lang ba talaga ang nagbigay ng 2nd meaning sa sinabi niya, o talagang
manyakis 'tong babaeng 'to?

Katok pa rin siya nang katok pero tumalikod na ako. Bahala ka dyan. Kakikilala ko
pa lang sayo kanina sa school grabe. Feeling close lang? Tss.
Hawak ko na ang door knob ng pinto papasok nang biglang may kumalabit sakin.
"DAIMUS SHUM-." I was about to cast a spell pero bigla niyang tinakpan ang bibig
ko.

"Hi MonMon!" WTF?

"HOW DID YOU GET IN HERE? May sa-pusa ka ba?"

"CHIKRET! Hahahaha! Magaling akong umakyat! Alam mo ba nung 1st year highschool
ako, nanalo nga ako sa paunahang umaakyat sa puno ng niyog eh! Galing ko no? Ayaw
mo kasi akong papasukin kay-."

"Oh ngayon nakapasok ka na, nakaapak ka na. Osige, makakaalis ka na." pagkaladkad
ko sa kanya patungo ulit sa gate.

"Ihhhh. Hindi ko pa nakikita yung loob oh. Itong garden niyo pa.. WHOA! GARDEN!!!
Ang daming flowers! Hmmm. Ang babango nila." At inisa-isa niyang amuyin bawat uri
ng bulaklak dito. Natural, garden nga eh kaya puro bulaklak. Anong gusto niya? Puro
itlog ng manok ang makita niya dito? Tsk. May saltik.

"Aalis ka, o tatawagin ko ang gwardya sa subdiv at paparatangan kitang trespassing


o akyat mansion? Ano mamili ka."

"Wow! Sinong nag-aalaga ng mga bulaklak mo dito? Ikaw lang MonMon? Ang hilig mo rin
pala sa mga bulaklak!" taragis. Nice talking 'to ah.

"I said, get out Enikka. Get out." Isang pitik na lang sakin at mawawalan na talaga
ako ng pasenya sa babaeng 'to.

"Grabe! Pwede ba akong humingi ng isang pasong bulaklak? Kahit itong kulay pink na
cutie cute flower! Waaaaah. Sige na please. Nakakatuwa talaga dito. Lagi akong
bibisita dito sa inyo." Napa-face palm na ako ng literal. Dalawang kamay pa. Walang
tinag grabe.

"ENIKKA! At the count of 3, itutulak na talaga kita palabas. 1.." takte para akong
nanenermon ng bata nito.

"Ang cute cute mo naman dear flower! Anong klaseng flower kayo? Aha! Ako na lang
magne-name sa inyo!"

"2.." she's really getting into my nerves.

"Cutie-Patootie! Yey! Nagustuhan niyo ba? Siyempre! Dadalawin kayo lagi ni ate
Enikka okay?"

"3. That's it." Kinuha ko na ang braso niya at hinila siya palabas. Kung hindi
madadaan sa santong paspasan, pwes dadaanin ko sa dahas.

"Araaaaaaay! MonMon masakit! Aaaaaaah!"

"Hoy anong kababalaghan yan Dia-oh, may bisita ka pala hindi mo sinabi." Binitawan
ko si Enikka at bigla sinugod si Kierre at sinakal.

"KIERRE! NAPAKAEPAL MO KIERRE! AISH!" tumakbo naman palapit itong isa at pinigilan
kami.

Umubo siya at humawak sa leeg niya. "Langhiya ka Mond! Papatayin mo ba ako ha?
Relax! Chill!" at nang-asar pa. Bwisit. Kung noon ang easy-going ko, ngayon ang
hot-tempered ko madalas.
"Hello po sayo." Shit. Nandito pa rin siya. Kung hindi lang sana umepal si Kierre,
edi sana nahatak ko na 'to palabas.

"Oh hi din! Halika pasok ka sa aming munting palasyo." Inakay naman ni Kierre si
Enikka papasok at papito-pito pa ito. PESTE!

"Munting palasyo? Hindi kaya ito munti! Wow! Ang laki at ang ganda!!!" at naaliw na
nga po ang bata. Si Kierre naman nakangisi sa akin at ineentertain si Enikka.

"She needs to get out. I'm serious Kierre. Find a way, or I'll make my final say?"

"Sige lang go. Kakabit naman ng buhay mo ang buhay ko. Pag namatay ka, mamamatay
din ako. At wala na rin akong pakialam pa kung mamatay rin ako. I'm serious too,
Diamond." Seryoso na ang muka ni Kierre. Minsan lang siya maging seryoso, and when
he's serious, he always mean what he say.

"Kahit basahin mo pa ang utak ko. See? Ang inaalala ko lang naman dito ay ikaw.
Dahil sayang naman ang isinakripisyo ng mga magulang mo, pati ng mga.." natigilan
siya ng kaunti. "Pati ng mga magulang ko. Diba? We've done this far Dia. We've
fought for this for damn so long. Ngayon pa ba tayo magloloko? Ngayon ka pa
mananakot sa kung anong kaya mong gawin? Sige, do it. Cast spells for how much you
want. Let them find us, catch us, and kill us. Hindi ko alam kung sa paanong paraan
ka nila gustong ligpitin but I'm telling you Mond, we've reached this far.
Ipinapaalala ko lang sayo. We've lived for hundred years just to remain standing!
For goodness' sake. Hindi ko na nga inaalala ang sarili ko, ikaw na lang. I'm not
protecting you just because I'm your guardian, I am your friend, I'm like your
brother. I'm a family Mond. Or maybe hindi naman ganun ang tingin mo sakin and you
just treat me like your sidekick or chaperone. Ayoko nang isipin." Bumara ang
lalamunan ko sa mga salitang binitawan ni Kierre. For the first time, ngayon ko
lang nakita ang side niyang ito. Sa kauna-unaahang pagkakataon, he have spoken. Am
I really that stubborn?

"Kuyang maputi! Anong tawag dito?" pag-agaw ng pansin ni Enikka na nasa dulo ng
sala hawak hawak yung...

"Yung wand!" sabay naming dalawa. Nagmadali kami para kunin yung wand sa kanya.

"Enikka, pinayagan na nga kitang makapasok dito, nangingialam ka pa ng gamit."


Tinabi ko na sa likod ko yung wand.

"I-I'm sorry." Tumungo siya at halata sa muka niya ang biglang pagkalungkot.

Bumuntong-hininga ako. "Okay. Sige na, baka hinahanap ka na rin sa inyo."

Tumingala siya sa akin, "Pwede ba akong bumalik dito bukas? Sige na please..." at
hinawakan niya ang laylayan ng shirt ko.

Tumingin din siya kay Kierre. Nagkibit-balikat ito. "Sa akin okay lang. Kahit araw-
araw pa. Sa kanya, hindi ko alam."

Bumaling ulit ang mapupungay na mata ng babaeng ito sa akin. "Please please
please..."

"AISH! Oo na. Sige na, sige na."

"YES!!!" tumalon ito sa saya at saka bigla akong... "Salamat MonMon! Sabi ko na nga
ba eh, mabait ka eh! Thank you! Thank you." ...niyakap.
Hinatid ni Kierre si Enikka hanggang sa makalabas ng subdivision namin. Ako naman
ay palakad-lakad dito sa sala at inaabsorb pa rin ang mga sinabi ni Kierre. Hindi
ko naman sadyang masaktan ang ego niya. Ganun naman ako, biro ko lang yun. Pero
syempre, may ilang tinototoo ko.

Pumasok na si Kierre, "Yung babae nga pala kanina, naayusan ko na. Malinis na siya.
Nasa kwarto. Puntahan na natin? Baka gising na at biglang magwala."

"Kierre, sorry." Simpleng sabi ko.

Ngumiti naman siya, "Anu ka? May kapalit yun."

"Ano?"

"Kamustahin natin si Franzes."

"Tinamaan ka ba talaga sa kanya?"

"Hindi naman. Nakakamiss lang. Pag di tayo pumunta, hindi kita papatawarin." Saka
siya ngumisi. Adik talaga. Ibig sabihin niyan, hindi na yan galit.

"Oo na. Salamat Kierre."

"Nawawala. Nawawala. Ang BWC nawawala. Nawawala. NASAAN!" nagulantang kami sa


biglang sumulpot na babae kanina. Niyuyugyog niya ngayon si Kierre. Gising na pala
siya. At maaliwalas na kaya mas lalo kong naramdaman ang presensya niya. Isa siyang
guardian. Gut feelings. Are gut feelings always right? Well, we'll see.

"Ha? Anong BWC ang pinagsasabi mo ha baliw?" tanong ni Kierre dito.

"Blaite's Witted Chapeau. Lagot ka, lagot ka winala mo!" nanlalaki ang matang sabi
nito kay Kierre.

"Blaite's Witted Chapeau? Ano yun?" sabay naming tanong ni Kierre.

Bukod sa sword, may isa pa pala? At kung meron ngang ganun... BAKIT HINDI KO
ALAM???
####################################
7 - Kiss of a Guardian
####################################

Chapter Seven
Kiss of a Guardian

Hindi na namin malaman ni Kierre kung sa paanong paraan namin kakausapin itong
babaeng ito.

"Kailangan ko nang gumamit ng magic Kierre."

"Hala paano na yan. Bawal diba? Hangga't nandito tayo sa mundo ng mga tao, bawal
gumamit bukod sa pagpapalit mo lang ng anyo. Pero simula nung nagpalit ka, gamit ka
na nang gamit! Ano ba Dia?" umatras ang dila ko sa mga sinabi niya. Totoo kasi,
nalibang nanaman akong gumamit ng magic. I just can't help it!

"Pero.."

"Walang pero-pero Dia."

"Hindi naman nila tayo nahahanap e-."

"HINDI PA! Correction. Signs are everywhere. Maaaring ngayon wala pa, paano kapag
isang trigger na lang ang natitira? Pano kung yang spell na yan na gagamitin mo
dito kay baliw ay ang magdala satin sa kanila? Sige nga. At malay natin, tahimik
sila kung tumira. Akala lang natin wala, pero nandyan na pala sa tabi-tabi. Baka
mamaya itong baliw na 'to pala ang ipinadala nila eh."

"I'm confident enough kasi nga they can't kill me. Always remember that Kierre.
Kaya wag kang mabahala."

"Hindi ko alam kung adik ka ba talaga o siraulo. I don't know Dia. Hindi ko alam
kung sa paanong paraan ka nila tutuluyan pero isipin mong mabuti, pano pag nandito
na sila mismo sa harapan mo, natin, sa tingin mo magtititigan portion lang tayo
dito? Okay fine immortal ka, if they find out, do you think wala silang ibang
alternatives? They might make your life miserable. Hindi ka nga nila mapapatay,
pero buong buhay mo pahihirapan ka naman nila. Gusto mo bang magdusa? Kasi ako, I'm
not a hypocrite to admit na talagang ayokong magdusa Dia."

Kierre hit the right words again. I must say, kahit wizard ako, kahit tinagurian
kaming intelligent creatures, we're still not perfect. Kailangan namin ng mga gabay
kaya pasasalamat ko talaga dito sa GG ko.

"Ang galing mo Kierre. Nakakabilib."

"Ngayon ka pa talaga bumilib." Natawa siya.

"Ang henyo mo eh. Iba ang takbo ng isip, laging nasa direksyon. Good for you
Kierre."

"Wala eh. Kaya nga Guardian. Ito ang purpose namin. Ito ang purpose ko, ang
paglingkuran ka and guide you all the way." Buti pa siya, alam ang purpose niya.

"Yeah yeah. Guardians are the brightest creatures in the Fortress. Anyway, sige
hinding hindi na ako gagamit ng magic from this day forward. Sasanayin kong muli
ang sarili ko. You can keep my things Kierre, kahit pa dun sa hindi ko alam."

"You can always know everything Dia." Sabi niya't kinuha yung inabot ko sa kanyang
wand at book.

"Not everything." Pagcorrect ko. Lumingon ulit ako dun sa babaeng nilalaro ang
buhok niya ngayon at nagsasalita mag-isa.

"So if this is the case, no magic, no spells. Do your job Kierre. NOW."

"Ha? Ano?"
"Do your own magic. SA KANYA." Turo ko sa babae.

"What magic? Diba kakapag-usap lang natin na bawal na saka isa pa wala akong
magi-."

"Minsan ang talino mo, minsan naman ang bobo mo. Tsk. You have! KISS HER!"

"WHAT? ANO KA! IKAW NA LANG!" napabuntong hininga ako ng malalim.

"A Guardian's Kiss? Remember?" nanlaki bigla yung mga mata niya at napaupo bigla sa
sofa.

"D-Dia naman. Yang babaeng yan? Hahalikan ko? Dia please don't do this. Hindi pa
ako nahihibang kagaya niyan para gawin yun."

Natawa na lang ako bigla. Ang halik kasi ng mga guardian ay isang mabisang
pangontra sa isang sumpa at sa poisons. Either way, their kiss can also be a
poison. Dual ang gamit. Yung paghalik na may lason ay nagsisilbing defense sa
sarili nila. But this time, I want him to kiss this girl hindi para lasunin kundi
para pabalikin sa ulirat.

"Just do it Kierre. Maaliwalas naman na yung ichura niya oh. Hindi na mukang witch
hindi tulad kanina."

"Kahit na. Nakakatakot pa rin siyang tignan! Sige na nga gumamit ka na nito." At
inabot na niya sakin ulit yung wand at book.

"May isa akong salita Kierre. Sinabi kong hindi na ako gagamit kaya, sorry. Kiss
her na. Yung damn deep and hard ha. Hahahahaha!" pang-aasar ko pa.

Busangot na ang muka ni Kierre pero walang nagawa at lumapit na doon sa babae. This
is exciting! Should I get a camera? Wahaha!

"Dia. Huhuhuhu. Hindi ko kaya. Buti sana kung kamuka niya si Julia Baretto o
Kathryn Bernardo pero hindi eh. Mukang kinahig ng manok ang ichura niya. Huhuhuhu."
Walanghiya! Napakamapanglait niya grabe.

"Wag ka nang maarte."

"Pero tignan mo nga. Hindi pa naman siya matanda pero lubog na yung mga pisngi
niya, lawlaw yung eyebags, ang daming tigyawat, tapos yung lips sobrang dry! May
sugat sugat pa. Taragis Dia! Taragis ayoko na!"

Tawa ako nang tawa. HAHAHAHA. Hinayupak. Buti at wala sa katinuan yung babae dahil
kung oo, baka napatay na niya si Kierre. Numero unong manglalait.

"Eh pano mo yan napaliguan kanina? Nabihisan? Naayusan?"

"Nakapikit ako syempre!"


"I don't believe you."

"Okay fine, pinaliguan ko siya gaya ng utos mo kahit diring-diri na ako. Hindi
naman ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng hubo't hubad na babae." this is
true. Sa muka ni Kierre, hindi rin yan nawawalan ng chix. But believe it or not,
he's still virgin. He's not a cassanova tho, talagang lapitin lang rin ng mga babae
pero wala siyang pakialam at di niya pinapansin ang mga uma-"aura" sa kanya.

"Naks. Gentleman, hindi niya pinagsamantalahan."

"But this is my first time na magpaligo ng babae. Hindi ko ito inimagine. Plano ko
pa naman noon na ang tanging babaeng papaliguan ko ay ang taong mahal ko. Then this
happened. Isang baliw na mukang gurang. Arghhh."

"Okay okay. Wag ka nang manlibang dyan. Just kiss her. Para may mahugot na tayong
mga kasagutan sa kanya."

"Damn it." Pagkayamot pa niya. Hahaha.

Lumapit na kami sa sofa na kinauupuan nung babae. Ako para panoorin ang exciting na
kissing scene, at siya para makipagkissing scene. Bwahaha!

"Hinding hindi na ako hahalik after this. Dahil tatanggalin ko na ang labi ko.
Brrr." Sabi niya with matching pangingilabot pang gestures.

Hinawakan niya na yung muka nung babaeng baliw na may malikot na mga mata at
inosenteng ichura. Nandiri nanaman ang ekspresyon ni Kierre. Haha! Lumunok siya at
pumikit.

At hinalikan na nga niya yung babae. I was starstrucked.

Iminulat ni Kierre yung mga mata niya at tinanggal na rin ang labi niya sa labi
nung babae. Nakamukhasim pa nga siya.

Pero pagkakita sa nangyare, halos lumuwa yung mata niya at akmang hahalikan ulit
sana yung babae pero hinarangan ko na.

"SIRAULO! Hahabol ka pa ng halik dyan. Sabi ko naman kasi sayo kanina, kiss her
damn deep and hard. Anong ginawa mo? Smack ng 3 seconds lang. Ano ka ngayon? Edi
kinain mo rin yang mga sinabi mo." Sabi kong matawa-tawa pa rin.

Pano ba naman? Mukang dyosa pala ang totoong anyo nung babae. Well not to over
react, close to Sandara Park ang itsura niya. I think that's enough of a
description. When Kierre kissed her, nakita kong tumakas na rin ang black spirits
mula sa kanya. I concluded one thing, Gemlacks did this to her.
Ginulo-gulo na lang ni Kierre ang buhok niya sa sobrang panghihinayang at pagsisisi
sa mga sinabi niya kanina.

"Huhuhu. Dia sige na please, isa pa. Pang-21st kiss ko pa lang yun. Matagal-tagal
na rin akong hindi nakakahalik."

"Magtigil ka. Kawawa ka naman. Yan, lait lait pa kan-."

"Sino kayo?"

Nagsalita na yung babae.

"Anong pangalan mo?"

"Sino nga kayo?"

"Should we tell her?"

"Una sa lahat, nasa teritoryo kita binibini. Kaya ako ang unang magtatanong, isa ka
bang kalaban? At bakit ka napadpad dito? Sinong nagpadala sayo ha?"

Bumuntong-hininga ito. "Ako si Lindrenne. At una rin sa lahat, hindi ako kalaban."

"Pwes kung ganon ano ka? Bakit marami kang alam?"

Tumayo ito bigla at tinignan ang kanyang mga kamay. Hinawakan rin nito ang kanyang
muka at narinig kong bumulong-bulong sa sariling "Bumalik na ako sa dati? Bumalik
na nga ba ako?"

Tumingin ulit ito sa amin ni Kierre at laking gulat ko dahil bigla niyang hinalikan
si Kierre... ng damn deep and hard. Syet. Nagulat rin si Kierre pero nakita ko rin
ang pagngisi niya bigla sa labi niya kahit naghahalikan sila ngayon. Ginantihan rin
ni Kierre ng halik yung babae. Natanga na lang ako sa pagkakainan nilang dalawa.

Hanggang sa kumawala sa halik si Lindrenne at tinitigan si Kierre na ngiting-ngiti


naman. Pucha. Siya naman ngayon ang mukang asong ulol. Nakaiskor ng instant ang
siraulo.

"BAKIT? BAKIT HINDI KA NALASON?!"

"ANO? Balak mo akong lasunin?" napawi bigla ang mga ngiti niya.

"Wait.. Lindrenne you mean.."

Nagkatinginan kami ni Kierre. "YOU'RE A GUARDIAN?"

"Dati." Napaupo sa panlulumo si Lindrenne. "Akala ko bumalik na ako sa dati, hindi


na pala." Batid ko ang lungkot sa tono niya. Just as I thought. Iba talaga ang gut
feelings ko, pati yun mahiwaga. Lahat totoo.

"Pambihira. Hinalikan lang pala ako para i-try kung guardian pa siya. Aba, tester
na pala ako ngayon." Rinig kong bulong ni Kierre.

"Tell us.. What happened?"

Nagsimulang magkwento sa amin si Lindrenne. She's the guardian of the current


Gemlack prince. Dreyxin Gemlack daw ang pangalan. Isa iyong Walt Gemlack kaya
makapangyarihan. Walt Gemlacks / Soverthells are the powerful ones, Cryst
Gemlacks / Soverthells are the ordinary wizards, at Nix Gemlacks / Soverthells
naman ang mga apprentice wizards na kung papaiksiin ay mga nag-aaral pa lang ng
mahika. Malalaman mong isang Walt, Cryst, o Nix ang isang wizard base sa letrang
katabi ng White Hallmark o Black Emblem na mistulang nakatattoo sa aming mga pulso
pero nakatago iyon syempre, lumalabas lang pag gusto naming ipakita sa iba. W for
Walt, C for Cryst, and N for Nix. Once na napatunayan mo na ang sarili mo sa
wizardry, ang mga Nix Gemlacks or Soverthells ay nagiging Cryst na. Sa madaling
sabi, parang napopromote. Ang mga royalties naman ang karaniwang nasa Walt na line
of clan.

Pero sa kaso ko, walang letrang nakalagay. Ang dalawang simbolo lang ang mayron ako
sa pulso ko kaya hindi ko alam kung anong uri ako ng wizard.

"Magkaaway na ang Black and White wizards. Nagsimula iyon kila Homer at Emily,
daang taon na rin ang nakakalipas." Ang mga magulang ko iyon. "Nalaman ng buong
Fortress ang tungkol sa kanilang bawal na pag-iibigan. Noong una'y hindi alam na
nagkaanak sila pero sa pagsasanib pwersa ng mga Walt wizards, nalaman nilang
naisilang ang sanggol. Isinumpa nila iyon. At magpahanggang ngayon ay hinahanap
nila. Hindi naman nagtagal ay nag-away na ng tuluyan ang mga Gemlack at Soverthell.
Sinisisi ng Black wizards ang White wizards dahil nagtaksil ang isa sa kanila, si
Homer. Ang ganti naman ng mga Soverthell ay ginayuma at tinukso ni Emily Gemlack si
Homer. Sinubukan naming pag-ayusin ang dalawang grupo ngunit hindi na kinaya pa.
Wala kaming nagawang mga Guardians. Natuklasan ko ang sikreto ng kahariang
pinagsisilbihan ko. Mga masasama silang tao. Kinuha ni Drey ang Gemthell Sword na
nasa Black Realm, sa kanilang kaharian. Ngunit hindi malinis ang intensyon dahil
gusto niyang patayin ang nasa propesiya. Gusto niyang mamuno. Gusto niyang pantayan
pa ang mahal na Blaite."

"Propesiya?" nagkatinginan kami ni Kierre. Hindi namin alam iyon.

"Oo. Isang napakamakapangyarihang wizard na tulad ni Blaite ang nakatakda. Hindi


alam ni Drey kung iisa ba ang nasa propesiya at ang immortal-wizard na anak nila
Homer at Emily. Pero determinado siya kaya gagawin niya ang lahat madakip lang ang
haharang sa mga balak niya. Bilang guardian niya, pinipilit kong ituwid ang sakim
na niyang pag-iisip. Gusto kong nasa tamang direksyon siya pero hindi ko na siya
makaya pa. Gusto niya ring nakawin ang Witted Chapeau na nasa pangangalaga naman ng
mga Soverthell. Lingid sa kanyang kaalaman ay inunahan ko na siya sa mga plano
niya. Ako na ang kumuha sa Witted Chapeau, hindi para ibigay sa kanya pero para
hadlangan siya. Alam ko kasing kapag nasa parehong kamay ng isang Walt wizard ang
Witted Chapeau at Gemthell Sword, siya na ang magiging diktador sa buong Fortress.
Isang malaking gulo nanaman ang mangyayari. Kaya nga ibinigay ni Blaite ang
Gemthell Sword at Witted Chapeau sa magkahiwalay na kaharian ay para ipamayani ang
equality sa Fortress. Tumiwalag ako sa Gemlack clan at sa Fortress, alam kong isa
iyon sa major sins sa ating angkan pero hindi ko na inalintana ang kaparusahan.
Ayokong magtagumpay si Drey sa mga mithiin niya. Mapapahamak ang buong Fortress."
Umiiyak na siya kaya't kinalma namin ni Kierre.

"Anong ginawa nila sayo?"


"Tinanggalan nila ako ng karapatan sa aking pinanggalingan. Isinumpa akong magiging
miserable at magiging isang mortal. Kaya ngayon, heto't ipinatapon nila ako. Wala
lahat ng magic, wala ng title ng pagiging guardian."

"Sino nang guardian ngayon ni Drey."

"Isang beses lang pwedeng magkaroon ng guardian ang isang wizard Dia, kaya ngayong
wala na si Lindrenne sa tabi niya, lalong marupok na ang pag-uugali nung Drey na
yun. Wala na siyang reminder, tagagabay sa tamang daan, at katuwang sa lahat ng
bagay. Kahit pa makapangyarihan na siya, isang malaking kawalan pa rin ang isang
guardian."

"Hindi ganoon si Drey. Mas gugustuhin niyang siya lang mag-isa. Muntik na nga niya
akong patayin sa tuwing pinagsasabihan ko siya."

Napagdesisyunan na rin naming sabihin sa kanya ang lahat. Kung sino ako. Na ako ang
hinahanap nila. Nagulat siya ngunit natahimik na lang pagkatapos. Tinatahan pa rin
siya ni Kierre at pasimpleng nanananching.

"Nasaan na ang Witted Chapeau?"

"Nasa akin. Nandito sa bulsa ko, maliit lang kasi yun, lumalaki sa isang sumbrero
kapag gagamitin mo na. Teka nandit-NASAAN NA? NOOOO!"

Kinabahan ako sa reaksyon niya. "Lindrenne, wala ka sa katinuan nang matagpuan ka


namin, hindi kaya naiwala mo yun?"

"HINDI PWEDE! Mas lalong nakababahalaa kung sa isang mortal iyon mapapunta. Kakalat
ang balita tungkol sa mga nilalang na tulad natin.. ninyo."

"Wag kang mag-alala. Hahanapin natin iyon. Teka pala, ano ba ang nagagawa ng
Chapeau na yun? Sa libro ko kasi, may punit na pahina. Gemthell sword lang ang
nandoon kaya sigurado akong yang Chapeau na yan ang nawawala sa libro. Hindi tuloy
namin alam kung anong silbi nun."

"Ang Witted Chapeau ni Blaite ay ang pinakamatalinong sumbrero sa buong Fortress.


Pag sinuot mo yun, malalaman mo kung anong gusto mong malaman."

"Ibig sabihin alam na nila kung nasaan ako, anong pangalan ko, at kung paano ako
mahahanap?"

"Ang alam lang nila ay naisilang ka, ang pangalan mong Diamond, na mayroon kang
grant of immortality, at narito ka ngayon sa mundo ng mga mortal. Ang kahit anong
nangyari na labas ng Fortress ay hindi na masasagot pa ng mahiwagang sumbrerong
iyon."

Napamura kaming dalawa ni Kierre. Malapit na, talagang malapit na malapit na nila
kaming matagpuan.
####################################
8 - Mission
####################################

Chapter Eight
Mission

Kasagaran ng pagdidiscuss ng professor naming ito na sobrang nakakaantok.


Tanghaling tapat pa naman kaya sobrang sarap tulugan. Isip isip ko nga, ano bang
gagawin ko? Magpaka-good student kaya ako o magpasaway? Tsk.
Last 15 minutes na lang at dismissal na pero itong si lolo prof aba at nagpaquiz
pa. Badtrip. Gusto ko nang umuwi para masimulan na namin ni Kierre yung misyon
naming hanapin ang nawawala kong puso. Ang gay pakinggan, tsk. At saka yung
mahiwagang sombrero, hahanapin na rin namin.

"Pssst. Ed, anong sagot sa number 2. Ed." Pagtawag sakin ng pabulong nitong katabi
ko. Si Quendrix. Nakita niya sigurong tuloy-tuloy ko lang sinagutan yung 20-item
quiz. Akala ko pa naman matalino 'to. Kinuha ko yung papel niya at sinagutan.
Nakakatamad magsenyas senyas.

Nang tumalikod si sir ay binigay ko rin agad sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang
loko. Tapos na ako at ipapasa na sana yung papel ko kaso pinigilan ako ni sir,
sabay-sabay na daw. Kaleche, kating-kati na ako umuwi.
Ito namang babae sa harapan ko ay kumakamot sa ulo niya. Sinilip ko yung papel
niya, hala nangangamote si Enikka. Tss. Yan kase, imbis na mag-aral nanggulo kagabi
sa bahay.
Tumingin ako sa relo ko, 2 minutes na lang dismissal na. Yes! Pero itong si Enikka,
hanggaang number 12 pa lang ang nasasagutan. Hindi ba marunong 'to mangopya o
magtanong man lang sa katabi? Kaibigan naman niya lahat pero bakit nagsasariling-
sikap siya? At bakit ko nga ba pinoproblema ang problema niya sa buhay. Tss.

"Pass your papers now. Class dismiss!" nagsiilawan na ang mga pundidong ilaw sa mga
mata ko at nagmadaling ipasa yung papel, kinuha yung bag ko, at umalis na. Si
Enikka nakaup-nevermind.

Nakalabas na ako ng room pero narinig ko ang bahagyang sigawan ng mga kaklase ko sa
silid na pinanggalingan ko lang kanina. Napaatras ako. Aish, okay titignan ko lang
kung anong nangyari.
Nanlaki ang mata ko. Nagcollapse si Enikka.

I was about to enter the room pero bigla akong nakaramdam ng panghihina. Tinignan
ko ang pulso ko at mabilis na lumitaw at nagliwanag ang dalawang simbolo. Tinakpan
ko agad ng kamay ko yung pulso ko sa kanan. Muntik nang may makakita.
Nanghina ako, pero bakit? May gumuhit sa chest part ko. Kakaibang pakiramdam.
Nakita na kaya nila kami? Natanggalan na ba nila ako ng kapangyarihan? Ano bang
nangyari.
Aligaga ang mga kaklase ko sa room. Binuhat ni Quendrix si Enikka at dinala nila
ito palabas, papuntang clinic. Pati si sir Delmundo ay sumama na kaya naiwan ang
mga gamit niya sa room.
Pumasok ako roon at kinuha muna ang papel ni Enikka. Kulang ang mga sagot.
Sinagutan ko ito nang mabilis at isinama sa mga ipinasang papel kanina sa table
saka ako dumiretso rin papuntang clinic.

Gustuhin ko mang pumasok sa loob pero hindi ko ginawa dahil sigurado akong crowded
na doon. Sumandal ako sa pader at naghintay. Ano kayang nangyari kay Enikka? May
sakit kaya siya?
Nagmuni-muni ako dito sa labas. Tinitigan kong muli yung pulso ko, bakit biglang
lumitaw ang hallmark at emblem. Wag mong sabihing pangitain nanaman ito? Hindi
naman ito ang unang beses na nanghina ako. Noon pa man nararanasan ko na ang
ganitong panghihina. Nakakapagtaka. Ipinagpapalagay ko nga lang na bunga ng stress
at pagod iyon pero this time, wala naman akong ginawang nakakapagod pero nanghina
ako bigla. Nagbend pa ng kaunti yung tuhod ko, tila nanlambot na hindi ko
maintindihan. At sa unang pagkakataon, lumitaw ng kanya yung mga simbolo sa pulso
ko. Hmm, baka katandaan lang 'to. 149 years old na rin naman ako. At least forever
young.

Lumabas na yung ilan kong kaklaseng sumama kay Quendrix at sir kanina. Huling
lumabas si Quendrix.
"Oh Ed."
"Anong nangyari Drix?"
"Nahirapan nanaman huminga." Halata sa muka niya ang pag-aalala.
"Bakit?"
"Meron siyang Congenital Heart Disease. Suki na yang si Enikka dito sa clinic."
Natuliro yata ako sa sinabi niya. May sakit pala sa puso si Enikka?
"Pero napakahyper niya, pano nangyari yun?"
"Ganyan talaga si Enikka. Ayaw niya kasing pinag-aalala ang pamilya niya't mga
kaibigan. Saka hindi naman bawal maging masiyahin ang may sakit sa puso. Ed
talaga."
Tumango na lang ako. "Ahh, nakakataka lang kasi. O-Okay na ba siya?"
"Oo, ayos na siya.. tulog."
"Buti naman. Teka Drix, akala ko ba nawi-weirduhan ka sa kanya?"
"Oo nga. Bakit?"
"Eh bat parang alalang-alala ka?"
"Best friend ko kasi siya. Hindi halata noh?" nagulat ako sa sinabi niya. Best
friend? Magbespren pala sila? Unbelievable. Kumunot ang noo ko.
"Oo totoo. Bagong lipat kasi ako noong nakaraang taon dito, siya ang pinakaunang
naging kaibigan ko dito. Tapos yun, sabi niya kung gusto ko daw ituring ko na rin
siyang best friend. Mabait si Enikka, kakaibang babae nga lang talaga. Para kasing
bata. Pumayag na lang ako, alam mo naman yun makulit."
"Saksakan ng kulit." Dagdag ko pa at natawa na lang kami. Nabasag naman ang
katahimikan nang nagring ng malakas yung cellphone niya.
"Yes hello? Nasa school pa po kasi.. pero hindi po ako pwedeng umalis... pero.. s-
sige po."
"Mama mo?" tumango siya.
"Sige na puntahan mo na. Ako na lang maghahatid dito kay krung-krung tutal malapit
lang kami sa kanila."
"Talaga? Ok lang ba Ed?"
"Oo. Ako nga nag-alok eh. Sige na."
"Sige salamat! Ikumusta mo na lang si Enikka para saken. Bye Ed!" sabi niya't
naglakad na palayo.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Kailan pa ako nagsimulang magkaroon ng paki sa ibang tao?
Hindi ko pa naman maituturing na kaibigan si Enikka, kahit si Quendrix. Siguro
naaawa lang ako sa kalagayan niya.
Pumasok ako sa loob at naabutan kong tulog si Enikka sa clinic bed. Taliwas sa lagi
niyang pang-clown na mukang laging nakangiti, ibang-ibang Enikka ang nakikita ko
ngayon. Maputla at walang sigla.
Umupo muna ako sa gilid at sinandal ang ulo ko sa pader. Iidlip muna ako dahil
mukang mahimbing pa rin ang tulog ni Enikka.

"A B C D, E D M O N D.." nagising ako dahil sa kiliti sa tenga ko.


Pagmulat ko, naduling ako bigla. Muka ba naman ni Enikka ang tatambad sayo, tapos
nakadikit pa yung ilong niya sa ilong ko at ngiting-ngiti nanaman. Tinulak ko nga
palayo, syempre mahina lang.
"Okay ka na?" sabi ko. Nagulat yung muka niya pero maya-maya'y ngumiti nanamang
abot yata hanggang labas ng planetang ito. Tsk. Mukang okay na nga siya.
"Tss. Tara na nga." pagtayo ko bigla at akmang pipihitin na yung door knob.
Kinuha naman niya bigla yung laylayan ng uniform ko sa likod. "Oh?" plain kong
sabi.
Nagulantang pa ako sa sunod na nangyari. Niyakap niya ako patalikod. "MonMon,
MonMon thank youuuuuu! Ang saya saya ko ngayon. Thank youuuu!!!" hyper ang tono ng
pananalita niya.
"O-Oo na. Hindi mo kailangang mangyakap." Ikinawala ko yung mga braso niyang
nakapulupot sa akin. "Tara na, uuwi na tayo." Lalo namang nagliwanag yung mga mata.
Takte. Wrong terms Mond. Uuwi na tayo? Dafak. Ang shunga ng bibig ko ngayon. Tss.

Napahilamos na lang ako sa muka ko at lumabas na nang tuluyan sa clinic.


"Waaaah. Wait wait MonMon, yung bag ko. Intayin mo ako." Rinig kong pagmamadali
naman niya.

***
"May Congenital Heart Disease ka pala." sabi ko sa kanya habang tahimik kaming
naglalakad papunta sa kanila, for the first time hindi siya makulit. Siguro mahina
pa rin ang energy niya ngayon.
Lumingon siya sakin na may mga matang 'pano mo nalaman?'
"Si Quendrix. Sabi niya."
"Sabi ko sa kanya wag niya sasabihin sayo eh. Salbahe talaga yun. Hmp."
"Oh, bakit naman ayaw mong ipaalam sakin?"
"Kasi baka mag-alala ka." Huwaw! Napanganga ako ng literal sa kanya. Ayos ah?
"Ay, assumera lang?"
"Tss. Hindi ka ba nag-alala kanina?" pagtigil niya sa paglalakad at tumitig sa mga
mata ko. Sa titig niyang yun parang ako pa yata ang maiilang sa aming dalawa.
"Hindi. Why would I?"
"Eh bakit mo ako ihahatid ngayon sa bahay?"
"Kasi ibinilin ka ni Drix sakin. May pupuntahan ata sila ng mama niya." Nagkibit
balikat ako. "No choice." Tumungo naman siya bigla.
"Ahh. Akala ko pa naman nag-alala ka sakin."
Hindi ko narinig yung sinabi niya kasi panay ang pagbusina ng mga sasakyan. "Ano
yun?"
Tumingin ulit siya sakin at nagbago na ang ekspresyon ng kanyang muka. "Wala. Sabi
ko, ang cutie patootie ng kilay mong magkasalubong! Tara na dali dali dali!
Ipapakilala kita kila mommy!" sabay hila niya sa braso ko at tumakbo bigla. Akala
ko ba may sakit sa puso 'to? Eh bakit takbo pa nang takbo. Diba't bawal sa ganun
ang mapagod?
"Enikka, wag kang tumakbo. U-uy!" sabi ko sa kanya habang tumatakbo rin. Aish! Ang
tigas ng ulo niya.

***
Bahay ng mga Tagle
Sa unang tingin ko pa lang sa bahay nila, alam kong mayaman sila. Hindi na nila
kailangan pang sa subdiv kasi malaki rin naman pala itong bahay nila. May garage
din, may kotse pala siya pero bakit niyaya niya akong maglakad? Tss. Lakas trip.

Magiliw akong pinaunlakan ng mga magulang niya. Mukang mabait ang dalawa.
"Bakit na-late ka ng uwi anak? May nangyari ba? Mukang maputla ka rin."
"L-Late na po kasi nagpalabas si sir eh. Ay, Momsie! Dadsie! Si MonMon po pala."
Pagsisinungaling niya at pag-iiba bigla sa usapan. Kung ganon, ayaw niyang ipaalam
na nagcollapse siya kanina. Tama si Drix, ayaw niya ngang pinag-aalala ang mga
taong mahal niya.
"Oh, hello MonMon. Nice to meet you. Nililigawan mo ba itong anak namin? Nakuuu, ke
gwapong bata." Halos tumalon yung mata ko sa sinabi nila. Faaak.
"Edmond po. Naku hindi po, kaibigan lang po. Salamat po." Napakagalang ko yata
masyado. Kung pwede lang kumota sa 'po', quotang-quota yata ako dun.

Tumingin naman sa gilid ko si Enikka, tumaas ang kilay ko. Ngumiti nanaman ito.
Pambihira. Never ba 'tong sumimangot? Pero kahit lagi siyang nakangiti, may
kahulugan ang bawat ngiti niya. Bigla kong narealize yung nasabi ko.. 'kaibigan
lang po'. Napapikit ako sa kashungaan. Nasabi kong kaibigan ko siya. Lalong
masalimuot na ang lagay ko nito kay Enikka.

"Momsie, dadsie, pwede po ba akong pumunta sa kanila? Alam niyo po yung parang
palasyo sa subdivision malapit sa park? Yung lagi ko pong pinapasyalan? Doon po
pala siya nakatira. Sige na po please. Please please please." Nagulat ako sa sinabi
niya. Aba, at mas nauna pa siyang magpaalam sa kanila kaysa sa akin na may-ari nung
bahay. Hanep.
"Sige anak pero wag kang magpapagabi ha?"
"Ihahatid ko po siya." Sarap bangasan nung bibig ko. Kung anu-anong sinasabi.
Bwisit.
"Yey! Teka lang Mond, magbibihis lang ako ha. Dyan ka lang ha, wag mo akong iiwan
ha." Ngumiti ako ng kaunti. Grabe, iiwan? Adik talaga.

Inentertain naman ako ng mga magulang niya. Nabanggit rin nila sa akin ang sakit ni
Enikka. Sakit nap ala niya iyon pagkasilang pa lang. 80-20 na nga lang daw ang
tsansang mabubuhay si Enikka. 20 lang. Buti't nakayanan niya. Hindi nga daw nila
alam pero para sa kanila, isang himala ang nangyaring nabuhay pa ang sanggol na
Enikka. Sinabi na ng doctor noon sa kanila na hindi rin magtatagal si Enikka pero
biyayang maituturing mula sa kanilang Diyos ang pagkabuhay ni Enikka.
Hindi ko mapigilang bigyan ng sobrang simpatya si Enikka. Nakakabilib siya.
Nakakabilib siya dahil kinakaya niya ang lahat at napapanatili niyang maging masaya
palagi despite of her heart disorder.

Nakita kong bumaba na ng hagdan si Enikka. Nakasimpleng jeans lang siya, sneakers,
shirt na may nakalagay na CUTE AKO, may sukbit na maliit na bag, at may suot na...
sumbrerong kulay itim.
Naramdaman ko agad na hindi ordinaryo ang sumbrerong iyon. Nakita ko rin ang white
aurang bumabalot dito. "Tara na MonMon. Babye momsie, dadsie!" humalik siya sa mga
ito at nagpaalam na.
Pagkalabas-labas namin ng bahay nila't tinanong ko agad siya. "San mo nakuha yang
sumbrerong yan?" nagtaka naman siya sa tanong ko.
"Muka bang napulot ko lang 'to? Hahaha! Ang galing mo naman MonMon! Napulot ko lang
'to kagabi eh. Sayang naman. Bakit MonMon?"
"I think kilala ko ang may-ari niyan. Tara sa bahay."
"Ohh?" ngumuso siya bigla. "Bagalan natin ng lakad ha? Para magtagal pa kahit
sandali pa itong magandang sombrero sa ulo ko." At humagikgik siya.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. I already found the Witted Chapeau ng walang
kahirap-hirap. Pero ang pusong daang taon ko nang iniisip, na ngayon nga ay balak
naming ipa-search and rescue operation ni Kierre... bakit mukang napakahirap
hanapin.
============
Note: Ang mahiwagang UD . HAHAHAHAHAHAHA PAEXPRESS LANG NG FEELINGS PLEZ. HALOS
MAMATAY AKO SA KILIG SA DIARY NG PANGET! HAHAHAHAHAHA DIZ IZ
SUPERCALIFRAGALISTICEXPIALIDOCIOUS SA KILIG. (WALA AKONG PAKI KUNG MALI SPELLING)
HAHAHAHA! GRABE. KILIG AT TAWA OVERLOAD. MANOOD NA KAYO HAHAHA!
P.S. - AKIN SI JAMES REID. +_____+
####################################
9 - First Time
####################################

Chapter Nine
First Time

"Oh Kierre, bat busangot ang muka mo dyan?" pansin ko pagkapasok namin ni Enikka sa
mansyon.
"Wala. Oh, kasama mo pala yung girlfriend mo. Hi Enikka." Kumuha ako ng unan sa
sofa at binato kay Kierre.
"Hindi ko yan girlfriend. Asa!" naramdaman ko namang bumitaw si Enikka sa
pagkakahawak sa strap ng bag ko.
"Oh bakit? Upo ka muna."
"Uhm, hindi sige doon na muna ako sa garden." Sabay takbo niya papunta.
"Teka.." yung sumbrero kasi baka mapahamak pa.
"Kierre, tawagin mo nga si Lindrenne."
"Ayoko. Bahala siya sa buhay niya." I smell something squiddy.
"LQ?"
"Asa."
"Ah, LQ nga. Inaway mo nanaman ba?"
"Ako pa ang nang-away ah? Bakit di mo siya tanungin. Tignan mo nga pasa pasa na
yung katawan ko. Pinagsusuntok at sipa ba naman ako kanina. Amazona yata yan!
Walang guardian na mapanakit!"
"Mond, nandyan ka na pala. Oh heto, baked mac. Nakita ko sa cook book kanina.
Magmeryenda muna tayo." Sabi ni Lindrenne na galing sa kusina. Mukang may magluluto
na ng pagkain para sa amin ni Kierre mula ngayon. Ayos!
"Ikaw na lang kumain niyan. Baka mamaya lasunin mo pa ako. Tsk." Ano naman kayang
pinag-awayan ng dalawang 'to?
"Edi wag. Tara Mond. Saka may bisita ka ba sa hardin? Tawagin mo na rin."
"Lindrenne, come here." Pinakita ko sa kanya si Enikka na kasalukuyang kalaro
nanaman yung mga halaman. "Is that the Witted Chapeau?"
Napahawak siya sa bibig niya. "Oo! Oo! Yan nga! Buti na lang ang nakita mo."
"Enikka, tara na." lumapit ako sa kanya at kinuha ang braso niya papasok. "Kakain
na."

Habang nasa sala kami't kumakain, kinausap ko na ang kanina pa tahimik na si


Enikka.
"Enikka, siya nga pala yung may-ari ng sumbrero." Turo ko kay Lindrenne. Inalis na
niya sa ulo niya yung sombrero.
"Ahhh oo nga pala. Ate Lindrenne, eto po. Sorry."
Kinuha ni Lindrenne ang sumbrero at nilapag sa center table. "Why are you sorry?
Gusto ko ngang magpasalamat kasi nasa mabuting kamay ito. Salamat Enikka Dara."
"Naku! Masyado naman pong pormal ate! Hahaha! Eni na lang po." At ngumiti siya ng
pagkahyper-hyper. Buti naman at bumalik na ang energy niya. Teka, why am I even
thinking of this?

Pagkatapos ng pagmemeryenda namin ay nakipaglaro ulit si Enikka sa mga halaman ko


sa garden. Talagang mahilig siya sa mga halaman. Kakaibang babae. Most girls
nowadays? Shopping, internet, or outdoor activities ang hilig. Pero itong si
Enikka, kahit yata isang araw siya sa garden hindi siya magsasawa.
"Pano mo nakilala yang chix mong yan Dia?" lumapit sakin yung dalawa dito sa pinto.
Si Kierre sa kanan ko, at si Lindrenne naman sa kaliwa.
"Hindi ko yan chix pwede? Kaklase ko yan. Ubod ng kulit. Sobrang hyper. Ayan,
magpahanggang dito kinukulit ako."
Tinusok naman ni Kierre ang tagiliran ko. "Yieee. Umiibig ka na."
"Sira. You know I can't."
"Gusto mong malaman kung anong totoo? Use the Chapeau." Sabi naman ni Lindrenne.
"Pero diba ang masasagot lang niyan ay yung mga nangyari sa Fortress?"
"Saan ka ba nila sinumpa? Diba sa Fortress?" singit ni Kierre. Pahiya ako dun ah.
Oo nga pala.
"Sorry ah. Okay, mamaya dahil nandito pa yang si kulit."
"Ayiieeeee. Si Kulit. Nice endearment." Pang-aasar pa ni Kierre.
"Tsk. Lindrenne, pwede bang pasapak 'tong si Kierre?"
"Ayoko. Baka manyakin pa niya yung kamay ko."
"Kapal mo! Di ko naman ginusto yun eh."
"Ah, yun ang pinagawayan niyo? Yung pagpapaligo niya sayo?"
"TSEH!" sabay pa nung dalawa at nag-irapan. Nakakatawa sila.
"Uuuy. Bagay." Pambawi ko ng asar.
"TSEH!" at sabay pa nilang sabi sakin at lumayas na sa tabi ko.
"The more you hate, the more you love." Pahabol ko.
"Anong alam mo sa love Dia?"
"TSEH!" sabi ko. Putres, nakakahawa pala yun.

Kaunting sandal rin at nilapitan ko na si Enikka.


"Enikka, baka hinahanap ka na ng parents mo. Tara na?"
"Ihahatid mo ko?" kumislap naman bigla yung mga mata niya.
"Oo, dyan sa gate. Tara na. Pagod na rin yang mga halaman oh, kanina mo pa
dinadaldal."
Ngumuso siya sakin. It's somehow... distracting. "Pwede ba akong mag-uwi ulit ng
flower? Sige na kahit itong isang tangkay lang."
"Okay okay. Get what you want." Kumuha siya ng isang white rose at humarap na
sakin.
"May naiwan ka pa ba sa loo-." Natigilan ako nang bigla niya akong niyakap.
"Thank you MonMon. Masayang masaya ako ngayong araw. Thank you." I suppose to feel
irritated but my subconscious feel flattered. Wala, natalo ako ng subconscious mind
ko. Niyakap ko siya ng mabilis at tinulak na siya palayo sakin.
"You're welcome." Naisip kong magpakabait sa kanya kahit ngayon lang tutal
natulungan niya naman kami dahil nasa kanya yung sumbrero.

Lumabas na kami ng gate at nagsimulang maglakad. Hindi naman matinag ang titig niya
sakin.
"I'll walk with you. Naalala kong sinabi ko sa parents mong ihahatid kita pauwi."
Ngumiti siya at magsasalita na ulit sana pero pinigilan ko. "Enough of the thanks.
Don't say thank you when it's already obvious. Your eyes... have already spoken
your gratitude." I smiled.
Pinunas niya yung ilong niya. "Whoa. Nosebleed! Hahahaha." Saka siya nagtawa.
Natawa rin ako ng kaunti. Enikka's laugh is pretty much like a virus. Nakakahawa.

Narating na namin ang bahay nila kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Patalon-talon
pa siyang pumasok sa kanila. Parang bata talaga.
Naglalakad na ako pabalik nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin.
Narinig ko na parang may lumilipad palapit.
Pagharap ko biglang... "Shit." Nasugatan yung muka ko ng patalim na iyon na
lumilipad.
"Who are you? Lumabas ka!" paghahamon ko sa nagpalipad ng patalim na iyon sa akin.
Until I saw a guy. Hindi ko makita ang muka niya dahil the fact na madilim na, may
takip pa siya sa muka. May suot siyang kapa at hawak niya yung... boomerang na
nakasugat sa muka ko. Tumakbo ako para sugurin siya pero bigla siyang nawala.
I am damn sure na isa siyang wizard. Bullshit!

Tumakbo ako nang mabilis papuntang mansion dahil delikado kung maglalakad pa ako
dito na parang nasa park lang.
Papasok n asana ako ng gate ng may kumalabit sakin kaya itinulak ko ito nang
malakas. "ANO BA!" sigaw ko.
Nanlaki ang mata ko sa nakalupasay na si Quendrix.
"Oh Drix, ikaw pala. Sorry." Sabi ko't itinayo siya.
"Grabe, ang lakas mo tumulak pare. Nakakatakot ka."
"Sorry, akala ko.."
"Akala mo holdapper? Haha. Galing ka ba sa bugbugan? Bakit may dugo sa muka mo?"
hinawakan ko yung muka ko, naghilom na yung sugat na nakuha ko kanina. Dugo na lang
ang naiwan.
"Ah wala wala. Sige Drix, pasok na ko."
"Di mo ba ko papapasukin?"
"Ha? Ah kasi.. andyan ngayon yung mga lolo't lola ko eh. Bawal pa bisita. Alam mo
na. Sige."
"Aww sayang naman. Osige, dadaanan ko pa si Eni." At naglakad na siya palayo.
Pumasok ako sa mansion, pawis-pawisan. That was close.
Walang pakundanga'y sinoot ko na agad yung sumbrero at pumikit. I need to know the
truth!

I was in awe when I found out that Kierre's right. Nagkacast out sa curse, at
nawalay sa akin ang aking puso. And it's location? Mortal world.
Nandito ang puso ko.
Nahimlay iyon nang napakatagal, searching for a perfect donor. Para bang naghintay
lang iyon ng taong gusto niyang paglagian. For hundred years, my heart is yearning
for a rightful owner. Searching for a home.
Pero ngayon, at this very moment, soot soot na iyon ng isang tao. My heart finally
found its home.
But damn it, sa dinami-dami ng tao dito, pano ko kaya malalaman?

I called for a meeting kina Kierre at Lindrenne sa aking silid. Sinabi ko sa kanila
ang mga nalaman ko. We are brainstorming.
"Kung pwede lang bulatlatin ang puso ng lahat ng tao dito. Pano natin malalaman?
Malaki ang mundong ito. Pano pala kung nasa Japan yung nagmamay-ari nung puso mo?
Nasa Korea? Amerika? Europe? Antartica? Grabe. Nakakaloko yan Dia."
"Adik ka ba? Sa malamang nandito rin yun sa Pilipinas. Kung saan napunta ang
nagmamay-ari, it's for sure na pati yung puso dito rin." sumang-ayon naman kami ni
Kierre kay Lindrenne. Tama siya, kung halimbawang sa ibang bansa kami napunta
ganoon rin ang language na sasapi sa amin. Kung halimbawa naman na nasa Fortress
kami, pwede naming gamitin ang kahit anong lenggwaheng gusto namin. At dahil
nandito na kami sa Pilipinas namalagi nang matagal na panahon, mahal na namin ang
wika ng bansang ito. Sabi nga rin ng marami, it's more fun in the Philippines.
"Hmm. How will we know eh wala naman tayong tracker? It's something we can't trace.
Parang ngayon ko lang rin naencounter ang sitwasyon na ito. Wala pa naman kasi
akong nababalitaan noon sa Fortress na nawawalan ng puso. Wala ring encantations
about finding a lost heart. This situation is out of bounds. Saka isa pa, this is
history Mond. Ikaw pa lang ang nawawalan ng puso. Oo nga, ikaw pa lang!!! How
legit." said Lindrenne.

Mahirap talaga kapag kasama mo ang mga guardians (well, kahit ex-guardian si
Lindrenne, she still knows all about being a guardian. Capacity of being one lang
ang nawala sa kanya.) Sasabog ka sa pag-iisip. They're very smart. Lahat ng butas,
may nakahanda silang tanong at sagot dyan. Amusing.

"But for sure kasing sungit ni Dia yung puso niya."


"Ay wow, so umaattitude na rin ngayon ang mga puso? Adik. Going back to the serious
business, should I look for it? O wag na lang?"
"Kaya nga may mga signs eh. You should search for it. Kailangang maibalik mo sayo
yung puso mo Dia."
"Pag naibalik ko ang puso ko sakin, edi hindi na ako immortal. Edi mapapatay na
nila ako. Diba? At pag nangyari yun, mamamatay ka rin Kierre. Lalong magulo, kaya
alam niyo.. wag na lang. Much better na ganito."
"He has a point. And I think we should stop over-thinking. After dinner, matulog na
agad kayo. May pasok pa kayong dalawa diba?" good thing Lindrenne's here to remind
us.
"Ako wala. Diba tumigil na ako?"
"Tsk. Sabado bukas pero meron akong pasok. Bat kasi ganun ang schedule ko?
Ampangit. Monday-Thursday ang off. Hindi tuloy-tuloy. Tsk."
"Eh wala eh. Tumigil ka na lang kung gusto mo."
"Tss. Aha! Mabuti pa Kierre, samahan mo na lang itong si Lindrenne bukas. Birth
certificates, I.D., lahat ng kailangan para maging Filipino citizen. At para
mapangatawanan na rin niya ang pagiging tao."
"I guess this is really the start of me.. being a human." She sighs. Kaming tatlo
nagdudusa ngayon. Si Kierre na nakakabit na ang buhay sakin, si Lindrenne na
ginawang tao, at ako na pinagkaitan ng kapalaran. Life is very complicated most of
the time.

***
Friday.
Ilang araw na rin ang nakalipas, ganun pa rin ang mga pangyayari sa buhay ko.
Papasok ng school, uuwing laging kasabay si kulit dahil lagi niyang binibisita yung
garden ko, pagmamasdan ang pagbabangayan ninaa Kierre at Lindrenne, at matutulog ng
maraming pangamba sa isip.
What a life.

"MonMon, nagtataka lang ako, nasan ang parents mo? Bakit laging wala dito? Gusto ko
rin sana silang makilala." Pagkausap niya sakin habang nakasandal kaming dalawa
dito sa sofa. Sina Kierre at Lindrenne naman ay nandun sa kusina at himalang
magkatawanan habang nagbe-bake ng cake.
"Ah. Wala na sila. Kami lang tatlo ang magkakasama dito sa bahay." Napabangon bigla
si Enikka sa sagot ko.
"Hala. I'm sorry."
"It's okay. Matagal na rin naman yun."
"Kaano-ano mo sila? Si L-Lindrenne ba, g-girlfriend m-mo?" napansin ko ang
pagkautal niya at tumungo siya bigla nang tumingin ako sa kanya.
"Pinsan ko si Kierre. Uhm, kaibigan naman namin si Lindrenne. Ulila na kaming
tatlo." Palusot ko na lang.
"Sorry ulit MonMon."
"Ano ka ba, don't be."
"Eh pano pala kayo nabubuhay niyan? Saka ang laki-laki nito oh. Nagtatrabaho na ba
kayo?" natawa na lang ako sa tanong niya. Very innocent looking, Enikka.
"Let's just say, pamana. We are heirs of our families. And let's say rin na... we
have our ways." At ngumisi ako dito. Yung isang diamante pa lang yata na dala-dala
rin ni Kierre nang itakas ako eh milyon-milyon na ang halaga. Pano pa kaya kung
isang bag nun ang dala niya. Kaya naman hindi na talaga problema samin ang pera at
basic needs. We are bountiful of all. Tumango-tango na lang siya.
"Enikka, hindi ka ba nagsasawa dito?"
"Hindi. Palagi nga akong masaya pag nandito eh."
"Ha? Bakit? Comedy club na ba 'tong bahay ko ngayon?"
"Kasi kasama kita." I saw her blush saka siya biglang tumungo. Oh goody, this is
bad.
"Listen Enikka, don't... I know what you're thinking. Don't like me. I-It's not
healthy to like me."
"Bakit?" she pouted. At yung tono niya, parang batang iiyak na. Haay pambihira.
"Kasi... hindi pwede."
"Eh sabi mo wala kang girlfriend? Saka alam mo ba, ito ang unang beses na nainlove
ako. MonMon naman eh!" The Faak? Is she that straight-forward? Wala man lang
pasuspense? Wala man lang warning? Confess agad? Whoa.
"Enikka, look. How can you love me kung iilang araw pa lang tayong magkakilala.
See?"
"Edi like. Gusto. I like you." At dumamba siya sakin bigla. The faaaak again!
"What the? Enikka!!! O sige, ganito ang gusto mo ha. I'm sorry, hindi kita gusto.
Oh yan. Ang kulit mo. Haaaay."
"Hindi eh. Ayaw mo lang umamin eh. Waaaaah. MonMon please?"
"Hay nako. This conversation is going nowhere. Bye Enikka. Uwi na." at hinila ko na
siya palabas sa gate namin.
"Rejected agad ako?" at ngumuso siya sa akin bago ko isara yung gate.
"Yes." At sinara ko na yung gate. I left her wearing that sad face. Ugh! Bakit ba
mukang nakokonsensya ako. Is it that bad? Sumilip ako sa railings sa gilid at
nakita ko siyang nakaupo sa tapat ng gate. Nandun pa rin siya. Whoa.
"Hmp. Unang beses ko ito. First time kong mainlove. Sabi pa naman nila masaya daw
mainlove, eh bakit ngayon heto ako, malungkot na malungkot na malungkot na
malungkot na malungkot na malungkot na malungkot..." She kept on repeating the last
word while crying. Umiiyak siya. Aish, napapasabunot na lang ako sa buhok ko. I
never saw this one coming. Malay ko bang maiinlove siya sakin?

Binuksan ko yung gate dala-dala ang aking bike. "Hey, don't cry." I wiped those
tears on her very innocent face. Itinayo ko siya at pinaupo sa harap ng bike ko.
"C'mon, I'll take you home."
####################################
10 - Manliligaw
####################################

Chapter Ten
Manliligaw

Buong pagbabike ko papunta kila Enikka ay tahimik lang kaming dalawa. Pero kahit
ganun, alam kong lumuluha pa rin siya. Bukod sa alam ko ngayon ang naiisip niya,
napansin ko rin ang patak ng mga luha sa bag niya.
Habang nagpepedal ako sa bike nagulantang ako sa napansin ko sa magkabilang gilid
ng payapang kalsadang ito, nakalutang yung mga bato. What the fvck? Someone's
definitely playing right now.

"Enikka, kumapit kang mabuti." Sabi ko sa kanya't binilisan ang pagtipa ko sa pedal
ng bike. Natatakot ako hindi para sa sarili ko pero para kay Enikka. Dahil alam
kong yang mga batong yan, at any time ay pupuntiryahin kami.
"Waaaaaahhhh!" sigaw ni Enikka nang inulan na kami ng mga bato. Natamaan rin ang
gulong kaya natumba kaming dalawa.
Tumingala ako sa madilim na ulap at nakita ko ang mga nagliliparang... mga Drakkis
kasama ang pinuno nilang si Betas. Napamura ako ng malutong.
"M-MonMon?" shit! Si Enikka nga pala. Hindi niya pwedeng makita ang mga nasa itaas.
Itinayo ko muna siya't dinala ng mabilis sa tabi ng malaking bush. Tinakluban ko
muna siya nung panyo ko. "T-Teka lang. Wag mong tatanggalin yan. May mga nambabato
Enikka. Gang yata. Wag ka munang gagalaw. Wag mong tatanggalin yan."
Ikinumpas ko ang kamay ko't patatamaan sana ang mga hampaslupang kalaban pero
naalala kong bawal akong sumambit ng spells. Lalo nila akong pupunteryahin, at
mapapahamak si Enikka.
Bigla namang nagsalita ang pangit na si Betas. "DIAMOND GEMLACK SOVERTHELL!!! HA-
HA-HA!!!" at kumislap ang maladugong kulay na mga mata nito. Sinugod ako ng mga
alagad niya kaya napasalampak rin ako. Saka sila lumipad muli sa itaas. Unti-unti
silang naglaho habang nangingibabaw ang malademonyong halakhak ni Betas. Umikot-
ikot ang mga ito't bigla na ngang nawala. Sh*t. Alam na nila. At sa malamang ay si
Betas rin siguro yung nagpalipad sa akin nung boomerang nung isang linggo. Peste.
Ang mga Drakkis ay mga mala-aninong nilalang sa Magique Fortress na katawang dragon
at mga mukang halimaw. Literal na mukang halimaw. Marami silang kayang gawin-ang
manghigop ng kaluluwa, mangain ng mga organs, or ang pinakamild na pagpatay lang.
At ang pinuno nila, si Betas, ang pinakamalaki. Nakakatakot silang tignan. Sila ay
nasa ilalim ng pangangalaga ng mga Black wizards, ng Gemlacks. I wonder, ano naman
kayang balang pangkasa laban sa akin ng mga Soverthells. Nakakatouch talaga ang mga
kauri ko. Imbis na iwelcome nila ako sa kanilang daigdig, hayun at nag-aaway away
pa para lang mauna sakin. Ang ganda pa naman ng thought na pinag-aagawan ka. Pero
in my case, pinag-aagawan nila ako para kanilang alipinin at gawing miserable ang
buhay ko. How very thoughtful of them.

Nilapitan ko agad si Enikka. "Enikka, okay ka lang ba? Ayos ka lang ba? Saan
masakit?" napansin ko bigla ang malaking gasgas sa kanang tuhod niya. "Enikka,
you're wounded!!! Halika dali, gamutin natin yan. May panggamot ba kayo sa bahay?
Come on." At tinulungan ko siyang tumayo.
"M-MonMon, ano yung mga lumilipad? Ayos lang ako, ayos lang ba ikaw?" hinawakan
niya ako sa muka, hinuhuli yung mga mata ko, at sinisiyasat ang katawan ko kung may
galos ba o ano.
"Okay lang ako. Halika na. Delikado dito."
Dahil nasira na yung bike ko ay idiniin kong buhatin na lang siya sa likod ko.
Napakabigat ng babaeng ito. Grabe. Katamtaman naman siya pero ang bigat.
"Ang bigat mo ah." Pagbibiro ko sa kanya. Trying to lighten up the atmosphere.
"S-Sorry."
"Shhh. Ang tahimik mo kasi eh, di ako sanay." Humigpit pa ang yakap niya ibabaw ng
mga balikat ko. And I don't know if it's just me pero parang uminit yung muka
niyang nakadikit sa may tenga ko ngayon. Is she blushing again?

Nang marating namin ang bahay nila ay wala pala ang parents niya sabi ni ate
Maggie, yung since birth nanny ni Enikka. I took the chance na linisin yung sugat
niya, at tapalan ng bandage.
"I'm sorry for what happened a while ago."
"Okay lang MonMon. Sana nga lagi na lang ganun eh para lagi rin kitang nurse."
"Enikka!" I scolded her. "Be careful of what you wish for." Madalas kasi, kapag may
kasama ako na bumabanggit ng word na "sana" or may hiling tapos ako ang kausap,
nagkakatotoo. Hindi ko alam kung parte rin ba ito ng pagkaunusual naming mga
wizard. Na lahat rin nakapaligid samin, apektado.
Tumungo naman siya. I touched her chin up, "Enikka, mula ngayon hindi ka na pupunta
sa amin okay?"
"Halaaaaa! MonMon naman eh! Sorry na, joke lang yung sinabi ko kanina. Promise,
magbebehave na ako."
"It's not about that Enikka. Ayokong mapahamak ka. Kita mo na, I told you, it's not
healthy to love me. Kaya please, whatever you're feeling towards me, please quit
it."
"Hindi ba pwede? Bakit hindi? Ayaw mo ba sa akin? Pangit ba ako?" sabi niyang dala-
dala ang malungkot na mukha.
Kinuha ko ang dalawa niyang kamay. "Enikka, listen to me. Nagpapadalos-dalos ka
lang. Na akala mo mahal mo na ako, pero hindi naman talaga. You're just amused with
the thought na lagi mo akong kasama, lagi mo akong nakakausap, at lagi mo akong
nakikita. Enikka, infatuation is different from love. Know the difference. And one
more thing, pareho tayong walang experience sa love na yan that's why I'm sure that
we won't work. At isa pa, hindi ako marunong magmahal. Masasaktan mo lang ang
sarili mo if you'll continue this. So please, stop Enikka. This is not just an
order, I wish this to you as a favor."
Namuo nanaman ang mga luha niya sa mga mata. Nagbabadya ng pagbuhos.
"I'm sorry Enikka. This is the sincerest." Ayoko mang iwan siyang umiiyak pero wala
na akong nagawa. Umalis na ako at nagmadaling bumalik sa mansyon. I need to be sure
na ayos din yung dalawang guardian.

***
School Cafeteria.
Naiilang pa rin ako kay Enikka. Pero wala naman akong choice kasi kasabay ko sila
ngayon ni Quendrix, kumakain. Bumalik ang pagkahyper ni Enikka na laging nakangiti,
at sobrang bungisngis kung tumawa. Pero batid ko pa rin mula sa mga mata niya ang
kalungkutan tungkol sa nangyari nung Biyernes.
Nagdadaldalan ang magbespren sa harap ko habang tahimik lang akong kumakain.
Nagtataka ako, bakit kaya hindi na lang si Quendrix ang nagustuhan niya tutal mas
close naman sila kumpara sa amin kasi nung isang taon pa sila magkaibigan. Hindi
nga ba talaga natuturuan ang puso kung sinong pipiliin nito? Ewan.
"Huy Ed, magsalita ka naman."
"Oo nga MonMon, dapat ako ang malungkot eh. Magsalita ka na dali. Dadaldalin na
lang kita." Nanlaki ang mata ni Quendrix sa sinabi ni Enikka. Teka, alam niya ba?
"Wala naman akong sasabihin eh." Sabi ko na lang.
"Hmm.. Ako meron MonMon. Hihihi." She said and giggled. Takte, kinabahan ata ako
dun ah? Anong gagawin niya?

Tumayo siya bigla at kinalampag yung baso gamit yung kutsara niya, tinatawag ang
atensyon ng lahat ng kumakain dito na halos lahat yata ay kakilala niya.
"Atensyon mga mahal kong kaeskwela!!!"
"Wooooh! Go Enikka! Anong pasabog yan ha?" sabi ng grupo ng mga lalaki doon sa may
dulo.
"Nakikita niyo ba itong lalaking ito?" turo niya bigla sa akin. Oh shit!
"Enikka!" pinapagalitan ko na siya. Nakita ko namang biglang naagsingitian na yung
mga tao sa paligid namin, kabilang na yung mga kitchen staff ay nakiusyoso rin.
"Go Eni!" pagsuporta naman ni Quendrix. So he knows. How surprising. Tsk.
"Siya si Edmond Sioson, at inlove ako sa kanya." Natanga ako ng literal. Nagsigawan
na lahat sa sinambit ni Enikka. Taragis! Umakyat yata lahat ng dugo ko sa muka. Ang
init!

"Uuuuyyy namumula si Edmond!"


"Ayiieeee namumukadkad na si Enikka!"
"Bukas mag-on na yan! Yihiiiiiie!"
Patuloy na pang-aasar na mga kaklase't kaschoolmate namin. Facepalm. Pinandilatan
ko ng mata si Enikka pero ngumiti pa siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Oo,
nalasahan ko. Bwisit. Nahihiya na ako dito. Gusto ko nang ibato ang mga paa ko
paalis dito.

"Kaya naman, mga kaibigan wag niyong susubukan o tatangkain ah! Walang kaibi-
kaibigan sa akin sa pag-ibig. Ngayon lang ako naainlove alam niyo yan guys! Waaaah
kinikilig ako ngayon pramis. Hooo." Nagtawa bigla sila sa inasta ni Enikka. "Pero
wait, eto na talaga. Mga lalaki, wag niyo 'tong aawayin ah! Mga girls naman, back-
off please, walang agawan ah. Nakooo! Ako talaga ang makakatapat ninyong lahat.
Masama akong kaaway alam niyo yan!"

Nagpatuloy pa rin ang sigawan at pangangantyaw ng lahat. Maging si Quendrix ay tawa


nang tawa sa akin at sa ginagawa ng best friend niya.

"Sino ba namang hindi matatakot sayo, eh nambabayag ka kaya. Tas nanunundot ka rin
ng pwet." Sabi nung isa naming kaklase na lalong nagpaingay sito sa cafeteria.
Sasabog na ako sa halo-halong hiya, inis, lungkot, at galit. Enikkaaaaaaaa!!!
Lumingong muli sa akin si Enikka. She leaned forward kaya muka sa muka kaming
dalawa ngayon. "Kung hindi mo ako liligawan, ako na lang. Liligawan kita MonMon."
At ngumiting tagumpay siya sa akin at tinaas pa ang dalawang braso niya. Para bang
nanalo sa jackpot.

Nagtilian muli ang lahat. Todo support kay Enikka. Si Quendrix naman, minasahe pa
ang balikat ni Enikka na para bang sasabak ito sa boxing. Grabe. Mond, ano na?
Kumilos ka na!

Tumayo ako kaya't nakatingala na ngayon si Enikka sa akin. "I don't want to do this
Enikka. I warned you. And I guess you don't like to accept my favor. Sige.
Liligawan mo ako? Ngayon na ba? Kasi kung ngayon na, meron na rin akong sagot.
Basted ka na." sabi ko't tumalikod na. Hindi ko na hinintay ang reaksyong dadaloy
sa muka niya.

Nagsigawan naman ang lahat, "Owww. Boom Panes!"


"Woooh! Wag susuko Enikka!"
"Magandang teleserye 'to! Aabangan ko 'to! Hahahahaha!" sabi nung mga lalaki.
"MonMon!" pagtawag niya pa sa akin pero tuluyan na akong nakalabas ng café. At isa
lang ang masasabi ko, nakakawindang ang pangyayari ito. Siya? Liligawan ako? Wow.
Very extraordinary, Enikka.

Lumipas ang linggong iyon at talagang walang kupas ang determinasyon ni Enikka.
Tuwing umaga, meron akong tatlong chocolate para daw 'I Love You'. Sa tanghali
naman, kahit umiwas ako susundan niya ako para sabay kami kakain sa café kaya buong
linggo rin kaming headline ng tsismisan at kantyawan. At tuwing uwian, bibigyan
niya ako ng origami na bulaklak na may makadamdaming mensahe ng pagmamahal niya
para sa akin. At sa totoo lang, nakakabaliw ang mga eksenang ito.
Sa tuwing sinasabi ko namang basted siya, ang sasabihin niya sakin, "Paulit-ulit mo
man akong bastedin, paulit-ulit parin kitang liligawan at iibigin." Napapaface palm
na lang ako palagi at gusto ko nang isubsob yung muka ko sa pader. Napaka niya.
Napakatiyaga. Kelan kaya 'to magsasawa?
Lagi rin siyang nasa bahay pagkauwian, dahil kahit hindi ko papasukin ay naaakyat
niya ang bakod. Pambihira. Papataasan ko na talaga ang harang na yan. Nangangamba
nga ako dahil baka mapahamak nanaman siya sa daan kapag uuwi na siya sa kanila
dahil saan man dito ay maaaring sumalakay muli ang mga Drakkis at iba pang nilalang
na tulad namin. Isa pa ngang palaisipan sa akin, kung nakita na pala nila ako,
bakit ba pinapatagal pa nila? Anong trip nila? Tsk.
Pinapasundan ko na lang kay Kierre si Enikka tuwing uuwi ito sa kanila galing dito
sa mansion. Kahit hindi ko na siya pinapansin, patuloy pa rin siya sa pagsuyo sa
akin. At sa totoo lang, nasasaktan na ako sa ginagawa niya sa sarili niya.

"Grabe yung manliligaw mo Dia. Ibang klase talaga si Enikka. Sagutin mo na kase.
HAHAHAHAHAHA!" pang-aasar pa ni Kierre.
"Magsasawa rin yun." Sabi ko na lang at pumikit at sumandal dito sa sofa.
"Hindi marunong magsawa ang isang taong nagmamahal." Hirit na supalpal ni
Lindrenne.
"Does love really make everything positive? Ganun ba talaga pag nagmamahal? Walang
atras, lahat pasulong? Walang pagtigil, lahat sige lang tuloy? Na kahit muka ka ng
kawawa, magsusumikap ka pa rin masuklian lang ng pagmamahal ng minamahal mo?"
tanong ko sa kanila. Sarkastiko pa nga ang tono.
"Yes, yes, yes, yes, and yes. It's amazing to love Diamond." Said Lindrenne.
"Ohh. Kalokohan."
"Sus! Naiinis ka lang kasi hindi mo kayang mahalin si Enikka kahit gusto mo." Sabi
pa ni Kierre. Do I? Do I want to love her? Namulat ako bigla at tumingin kay
Kierre.
Iniling ko ang ulo ko. "Of course not. Bakit ko gugustuhin ang isang bagay na hindi
ko kayang gawin?" and I smirked.

Tumayo na ako para pumanhik sa kwarto ko nang bigla akong mapaluhod. Tila namilimit
ang loob loob ko. Nanikip ang dibdib ko. Damn!

"DIA! MOND!" itinayo ako nung dalawa at ibinalik sa sofa.


"Anong nangyari?!"
"H-Hindi ko din alam." Sabi kong may pagkahingal sa paghinga. Nanghina nanaman ako.

Ikinuha ako ng tubig ni Lindrenne at maya maya pa'y nagring ang cellphone kong
nakapatong sa center table.
(Ed!)
(Oh Drix, napatawag ka?)
(Si Enikka!!!)

***
Ospital.
Nasa tabi kaming apat nina Drix, Kierre, at Lindrenne ng kama kung saan nakahiga
ang nakadextrose na si Enikka.

"Is she always like this?"


Nagkibit balikat si Quendrix. "Sa kasamaang palad, oo. Nanghihina siya kapag
napapagod, over fatigue, at nadedepress."
"Depress?" napalunok ako. Mukang ako yata ang dahilan kung bakit.

Gumalaw ang mga kamay ni Enikka at laking pasalamat namin dahil nagising na siya.
Nang makita niya ako sa tabi niya ay ngumiti agad siya.
Tinapik ako ni Kierre sa balikat at lumabas muna silang tatlo sa room.
"I'm sorry Enikka. I told you, it's not healthy diba? Are you okay? Feeling better?
Haaay. Enikka please.. I'm begging you, you should stop this-"
"Shhhh." Pagpigil niya sakin gamit pa yung kamay niyang may dextrose. I held her
hand.

Nakita ko ang pagtakas ng isang luha sa mata niya pero nakangiti pa rin siya sa
akin. "Akala ko hindi na kita makikita. Natakot ako MonMon... takot na takot. "

==========
Votelalu. Commentsalism. Please.
HAHAHAHAHA! Labyu guyth! Salamat sa mga nagbabasa at nag-aabang. Namomonitor ko
naman ang comments kaya umasa kayo sa dedications. Sa mga masugid, may listahan ako
ng pagdededicate-an. Waits lang kayo dyan. XD Mwah Mweh Mwih Mwih Mwuh! >x)
####################################
11 - I Love You
####################################

Note: Natatawa ako sa last chapter. Mga nagsilabasan ang comments. Keye telege. At
nakakatuwa ang mga naiisip at reaksyon niyo, pero masanay na kayo, alam niyo namang
kontrabida ako. HAHAHAHA! Buti't nakapag-UD rin ako ngayon, dahil wala akong pasok
bukas. Salamat sa holiday! :D Yun lang, bago pa ako dumaldal. Enjoy powss! >x)
==========
Chapter Eleven
I Love You

Hindi ko alam ang irereact ko ngayon sa sinabi niya. Mas takot pa siyang hindi na
ako makita kaysa mawala siya? Ganun niya ba talaga ako kamahal?
To be honest, I have the knowledge about love but I don't have the wisdom about it.
Magkaiba pa rin kasi ang knowledge sa wisdom. Iba ang may alam sa marunong. Alam
kong sa kalakalan ng pag-ibig, kapag mahal mo, mahal mo. Wala ng follow-up
question, wala ng doubts, at wala na ring lingunan dahil ang lahat ay sigurado at
positibo. Na kapag may mahal ka, siya lang at wala ng iba. Sa daang taon ko ba
namang pamamalagi dito, napakarami ko nang nasaksihang love stories, naglibot-libot
na rin ako sa buong mundo at nalaman ang maraming bagay tungkol dyan, pero ang
hindi ko alam... paano?
At kung ano bang mas maganda? Yung pag-aralan mong mahalin ang isang tao o mahulog
ka nang kusa dito?

"Mas matakot kang hindi ka na magising. Paano ang pamilya mo? Mga kaibigan?
Malulungkot sila. Tss. Ang kulit kulit. Ang tigas ng ulo mo, anong sabi ko? Diba
tigilan mo na? Iintayin mo pa bang sabihin ko sayong layuan mo na ako?" alam kong
hindi ko dapat ngayon sinasabi sa kanya ang mga bagay na ito dahil may sakit siya
pero kung hindi ngayon, kailan pa? Ayoko nang patagalin pa 'to.
Kumapit siya sa damit ko at akmang babangon sana pero pinigilan ko. "M-MonMon wag.
Malulungkot ako lalo. Wag. Please. Ikaw ang lakas ko." Nagulat ako sa sinabi niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Enikka, sige na matulog ka na. Kulang ka pa sa
pahinga." I decided to stop arguing with her today. I think it's not a right time
for such conversations. She needs rest.
"Pero.."
"Pero ano?"
"Baka paggising ko wala ka na." I sighed.
"Dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo. Now, sleep."
"Totoo? Promise?"
"Promise. Sleep." Pinahiga ko siya nang maayos at kinumutan siya. Umupo ako sa
tabing upuan ng kama niya at tinignan siyang matulog.

This is not the first time I encountered this kind of situation. Marami na ring
babaeng makulit na naghahabol sa akin noon, pero hindi kasingpursigido ni Enikka.
Lahat ay nadadala ko noon sa masamang tingin, sa salitang "NO", at pag-iwas. Lahat
sumusuko, lahat nagback-out, lahat puro sa simula lang. Namumukod-tangi si Enikka-
full efforts, determined acts, direct words, lahat. Tatagal kaya ito o susuko rin?
Well, I doubt it. Alam kong hindi ganoong tipo si Enikka. All of her amuses me.
Lahat ng gawin niya, ginugulat niya ako. She never fails to shock me. Lalo pa't
siya yung babaeng hindi nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ako.
Eek. I know, it's cheesy. Napapailing na lang ako. Nakakabilib siya. Sobra. I
salute her with all honesty.

Pumasok si Drix na may dalang pagkain at mga prutas.


"Nakapag-usap na kayo?"
"Oo. I'm helpless. Di ko na alam ang gagawin."
Pinatong niya sa side table yung mga pagkain. "Pasensya ka na, hindi kita
matutulungan dyan. Alam mo naman, kapag ginusto ni Enikka, gagawin niya ang lahat.
At saka isa pa, suportado ko ang loveteam niyo. Hahaha!" nagsalubong ang kilay k
okay Quendrix.
"But look, puro pasakit lang ang dala ko kay Enikka."
"Siguro kung naririnig ka lang niya ngayon, kukurutin ka niyan. Sa totoo lang,
ngayon ko lang nakita ang mga ganyang ngiti ni Enikka."
"Lagi naman siyang nakangiti ah."
"Iba ang ngiti ng mga inlove. Mas lively, mas may buhay. Ngiting parang pasikat
lagi ang araw. Yung tipong ngiting parang wala ng bukas. O di kaya, yung ngiting
kahit maraming problema, hindi mapawi-pawi. She loves you Ed, I attest to that."
"Umamin ka nga sakin, inlove ka kay Enikka no?"
"Of course not. I just see her as a friend. Parang family na rin or let's say,
nakababatang kapatid. Saka ano ka ba, may girlfriend ako." Nagulat ako ng kaunti sa
sinabi niya. May gf pala.
"Ah sorry. Asan ang girlfriend mo, hindi ko yata nakikitang kasama mo?"
"Nasa Paris kasi. Naextend ang bakasyon ng family niya. Kaya yun, next month pa ang
balik niya. Miss ko na nga eh." Tumango-tango na lang ako. Siguro mahirap din yung
lagay niya, malayo sa taong minamahal.

Biglang nagring yung phone ko. It's Kierre. Nakutuban ko bigla.


(Anong nangya-.)
(DIA! PINASOK KAMI NG MGA DRAKKIS AT TORCOUN! NAPURUHAN SI LINDRENNE!)
WTF? Pati mga Torcoun?
Ang mga Torcoun ay mga putting ibong may nakakasulasok na huni. Apat ang pakpak
nila kaya paikot sila kung lumipad. At ang mga pakpak nila'y matatalim. Mga
Soverthells naman ang nangangalaga sa kanila. Looks like join forces na ang dalawa.

Muntik na akong makalabas ng silid na iyon nang maalala ko ang pangako ko kay
Enikka.
"Drix, I have an emergency. Kapag nagising si Enikka, sabihin mo babalik ako. Or,
sabihin mo may binili lang ako. Or... aghhh!"
"Oo sige ako na bahala pre." At nagmadali na akong bumalik ng mansion.

***
Sa mansyon.
"Goodness DIA! Dalhin na natin siya sa ospital!"
"What happened?"
"Sasabihin ko sayo but right now dalhin na natin si Lindrenne! Nasa labas pa ba
yung taxing sinakyan mo? Habulin mo!" I run as fast as I can palabas ng mansion
pero wala na dun yung taxi.
Nagmadali rin si Kierre palabas habang buhat si Lindrenne.

"Waaaaaaaaaaah!" nagulantang kami sa babaeng sumisigaw.


"DIAMOND GEMLACK-SOVERTHELL! HA-HA-HA!" si Betas nanaman at... bullshit! May hawak
siyang babae.
"Tulooooooong!"
"Ito ba? Ito ba ang babaeng hinahanap mo? Ang nagmamay-ari ng puso mo? HA-HA-HA!"
halos lumuwa ang mata namin ni Kierre. Betas! Paanong...
"Taragis mo ka Betas! Wag mong sasaktan yan!"
"FINDERS' KEEPERS!" lumipad siya't binugahan pa kami ng itim na apoy na wala namang
epek samin.
"Tuloooooooong!" sigaw pa nung babae pero sinabutuan bigla ng matutulis na kamay ni
Betas! Taragis!
"Kierre, ang wand. Ngayon na!!!"

Biglang lumitaw ang portal at pumasok doon si Betas na malademonyo pa ring


humahalakhak hanggang sa sila'y naglaho.
Umulan ng pagmumura sa bibig namin ni Kierre. Yung puso kong kay tagal naming
pinag-iisipang hanapin kung nasaan, alam pala nila at ngayon nga'y hawak na nila.
"HINDI PWEDE ITO! KAILANGAN NATING PUMUNTA NG FORTRESS!" napapasabunot na ako sa
buhok ko at nasisipa-sipa yung semento dito.
"Dalhin muna natin si Lindrenne sa ospital." Pumara kami ng taxi at tumungo sa
ospital kung nasaan din si Enikka. OH SHIT! HINDI KAYA SI ENIKKA YUNG KINUHA NI...
HINDI PWEDE!
"Manong pakibilis. Yung sobrang bilis. Kahit bungguin niyo na po yung mga sasakyan
basta makaabot lang agad sa ospital."
"Dia, relax. Nawalan lang ng malay si Lindrenne."
"Si Enikka ang inaalala ko."
Nanlaki rin yung mga mata niya. "Baka siya yung-." Hinampas ko na yung upuan dito.
Nanggigigil talaga ako. Baka kung anong nangyari kay Enikka. Baka siya yung kinuha
ni Betas. Gaaaaaaah! Wag naman sana.

***
Ospital
Halos masira yung pinto nang sipain ko iyon.

"Shit! Enikka! Shit!" sinugod ko siya't niyakap bigla. Nabitawan niya tuloy yung
kinakain niyang mansanas.
"M-MonMon..."
"Damn it! I thought I'd lose you! Thank goodness!"
"Anong nangyari?" tanong ni Quendrix.
Kumawala ako sa yakap at humarap sa kanya. "Ah, w-wala wala. Kanina pa ba siya
gising?"
"Oo, inaantay ka nga eh."
I looked at her. "Sorry, napako ang unang promise. Si Lindrenne kasi, nahimatay."
"HALA! OKAY NA BA SIYA? ANONG NANGYARI KAY ATE LINDRENNE?"
"Andun sa E.R. Kierre's taking care of her. Ikaw, ayos ka na ba? I'm sorry I wasn't
here nung nagising ka."
Kinuha niya yung kamay ko't nilagay sa pisingi niya. "Okay na ako MonMon. Tignan mo
oh, nakakasayaw na ako." At saka siya sumayaw sayaw habang nakaupo. Enikka talaga.
I smiled. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko siya yung kinuha ni Betas. But I'll
surely cease that creature! Napakakontrabida niya saken. Bwisit. And I need to save
that girl... who has my heart.
Dumating ang mga magulang ni Enikka na alalang-alala sa kanya. Di naglaon ay
lumabas rin sila ng silid para bayaran ang bills. Lalabas na rin ngayong gabi si
Enikka.
Maya-maya pa'y pumasok sina Kierre at Lindrenne sa room ni Enikka.
Tumakbo naman si Enikka papunta kay Lin at niyakap ito. "Ate Lindrenne, okay ka na
po?"
"Yes beh, ayos na ako. Ikaw ba?" tumango-tango si Enikka na halos matanggal na ang
ulo sa leeg.
Nilapitan naman ako ni Kierre. "Let's go?"
"I need to talk to her first."

Hinawakan ko ang braso ni Enikka at pinaupo siya muli sa kama. I held her shoulders
and looked straight into her eyes. "Enikka, I will leave."
"HA? SAAN KA PUPUNTA? IIWAN MO NA AK-."
"It's not like that. May pupuntahan lang kami ni Kierre. Maybe we'll be gone for 2
days. Babalik kami sa Monday. Hopefully, makabalik kami ng ganoon kaaga."
"Hala ang tagal nun. Dalawang araw kitang hindi makikita, mahahawakan, makakausap.
Mamimiss kita MonMon. Pasama na lang dali."
"Mabilis lang ang 2 days. I promise, babalik kami agad. 2 days. Expect me to be
present sa Monday. I'll miss you too." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Ohh, don't think of it as... you know what I mean. We're friends, and it's
normal." Pagdepensa ko sa sinabi ko.
"Akala ko pa naman gusto mo na rin ako." At ngumuso pa siya, parang bata. Hinawakan
niya ako sa muka. "Iintayin kita. Mag-iingat kayo ah! Haaay, dalawang araw rin
akong mag-aalala."
"Wag kang mag-aalala sakin Enikka. Ayos lang ako palagi, yan ang lagi mong
tatandaan. Saka, sa... sa probinsya lang naman kami pupunta. Sa mga lola't lolo
ko."
She pouted her lips again and smiled. "Sige. Heto, ibibigay ko sayo. Anting-anting
yan. Haha! Joke lang. Kwintas ko ito simula pa nung bata ako. Bigay yan ni daddy sa
akin." At sinuot niya sakin yung necklace niya na may pendant na heart. "Para kahit
umalis ka, parang kasama mo pa rin ako." And she laughed a bit.
Kinurot niya yung magkabila kong pisngi. "Ingat ka ha." She smiled. I was shocked
when she kissed me on my right cheek. She blushed after and I was in a state of
shock.
Nang bumalik ako sa ulirat ko, I patted her head. "I will, Enikka. Mag-iingat ka
rin. Baka pagbalik ko, nandito ka nanaman sa ospital ah. I won't like it."
"Yes boss!"

Sumakay kami sa van ng mga Tagle. Nahihiya nga kami pero they insisted. Si Quendrix
naman ay hindi na sumabay dahil dala niya yung kotse niya.
Nang makarating kami sa kanila'y matinding paalamanan nanaman. Kakalabas pa lang ng
ospital pero parang kiti-kiti na itong si Enikka. Panay ang pagyakap sa akin at
ayaw na daw niya akong bitiwan. "Magbehave ka habang wala ako ah. Dito ka lang sa
bahay niyo, wag ka nang gumala gala at lumabas. Delikado."
"Opo. Behave din ikaw ah. Baka may babae kang pupuntahan dun eh."
"Wala. Wala akong interes. Sige na, maghahatinggabi na rin. You should rest. Bye
Enikka."
"Bye MonMon. I'll wait for you. Babye Kierre, babye ate Lindrenne." Pagkasabi niyon
au tumingkayad siya't lumapit sa may tenga ko.
"I love you." And for the nth time, I was shocked.
Pumasok na nga siya kaya nagsimula na kaming maglakad na tatlo.
"Dia, gusto mo na siya no? Hindi kasi suitable ang 'mahal mo na siya no?'"
Nagkibit-balikat ako. "I care. That's just it." Nagmake-face naman ang dalawa at
mukang di kumbinsido. Kelan ko pa ba sila naconvince? Tsk.
"Yung kanina nga pala, pinasok ang mansion ng mga Drakkis at Torcoun. Wala ako sa
bahay dahil bumili ako ng pagkain sa labas, naabutan kong nagkakagulo sa loob at
wala nang malay si Lindrenne." Ani ni Kierre.
"Naunang pumasok ang mga Drakkis, at sumunod naman ang mga Torcoun. Pinunterya ako
ng mga Drakkis. Last thing I knew, nag-aaway away ang dalawang grupo. Kinain ng mga
Drakkis ang mga Torcoun, ang iba nama'y nakatakas. Things are getting much worse.
We need to get back to the Fortress... laalo na to save the girl." Said Lindrenne.
"You know?"
"Kierre told me."
"Pero Lindrenne, you're a mortal now. You can't go with us. I already have a plan
for you." Sinabi ko sa kanilang magstay muna si Lindrenne doon sa dating condo na
pinagpapraktisan namin madalas ng banda kong Spice Up noon. I still have a spare
key at sure naman akong wala doon ang mga dati kong kabanda dahil meron silang
sari-sariling bahay.

Nakabalik kami sa mansion at parang nagrayot ang limang kabayo nang inabutan namin
ito. Gulong-gulo ang sala. Sinimulan namin itong ayusin. Talagang wala nang
tulugan.
Nagplano kaming tatlo ng mga kailangan naming gawin ni Kierre once na nakarating na
kami doon. At pagkatapos nga'y pinalabas ko na ang portal.

"Magique Fortress, here we come."


####################################
12 - Magic Dimension
####################################

Chapter Twelve
Magic Dimension

Gate of Stones.

Nandito na kaming muli ni Kierre. Bago kami pumarito'y pinaghandaan na namin ang
pagharap sa bwisit na si Betas. Yung libro ni Blaite, yung wand, Soverlace, at
Ringlack lang. Pati na rin yung iba pa naming kailangan. Pero kung iisipin, kahit
pa labanan nila ako, useless. Hindi ako namamatay. Ang kampante lang sa pakiramdam.
Humanda ka Betas, maling-maling kinalaban mo ako.

Gaya ng dati, I muted myself and Kierre para walang tunog kaming malilikha,
maglakad man kami o magsalita. Nakalampas kami sa higateng ito, at muli sinalubong
kami ng nakakasulasok na hangin ng Lawa ng Lason. Sa aking immortal, walang kaso
yan sakin, pero kay Kierre meron. Alam naming dalawa na as long as buhay ako, hindi
rin siya mamamatay. Pero it doesn't mean na hindi siya makakaramdam ng sakit gaya
ng pagkalason, kaya hindi assurance na mananatili pa rin siyang malakas. Habang
buhay ako, buhay din siya pero hindi ibig sabihin na malakas pa siya lagi. Tulad
halimbawa, pag nalason si Kierre, maaaring ilang araw o linggo siyang nakaratay.
Yun lang ang pagkakaiba namin. Ako, buhay at laging malakas. Manghina man ako pero
panandalian lang. Hindi rin ako nagkakasakit. Kapag nasusugatan man ako, naghihilom
agad. Unlike Kierre, nararanasan niya pa lahat kaya naman pinagplanuhan na namin
kung pano siya ligtas na makakatawid sa Lawa ng Lason.

Bago pa man kami tumalon sa balon o sa portal, binalutan ko na siya ng panangga.


Nasa loob kami ngayon ng isang transparent na bula na hindi natitinag ng kahit ano.
Batuhin man ng bato, ilagay man sa lason, tusukin man o ano, hindi mabubutas. Kaya
sa pagkakataong ito, ligtas na makakatawid si Kierre at ligtas na rin ang katawan
kong masunog. Hindi na nakakawala ng kagwapuhan.

Nakatawid kami nang payapa sa lawa at narating na namin ang bukana. Lumabas na kami
sa bula.

"This is it. Isuot mo na yung salamin." Gaya ng sinabi ni Kierre, sinuot ko na yung
salamin. Sa madaling salita, ito ang magiging disguise ko. Sigurado kasi kaming
wanted ang pagmumuka ko dito sa Fortress. Habang soot ko itong salamin, ang
sinumang tumingin sa akin ay hindi ang totoong muka ko ang makikita.

Nakita kong nagtawa si Kierre.

"Oh bakit?" Tawa pa rin siya nang tawa. Ano bang pinagtatawanan nito? "Ano ba
Kierre?"

"Wala wala. Tara na." sabi niyang nagpipigil pa rin ng tawa. Papasok na sana siya
sa transparent walls nang pigilan ko't sinoot ko sa kanya yung salamin.

"Uy Dia!" Ay anak ng! Kaya naman pala tawa siya nang tawa sakin. Kapag soot pala
yung salamin na yun, magmumuka kang ermitanyo. Bwisit.

Binalik niya sakin ang salamin. "Pagtiyagaan mo na lang. Hahaha! Ingatan mo ring
wag matatanggal sayo yan. Handa ka na ba?" tumango ako sa kanya.

Huminga ako nang malalim. Unang beses kong makakapasok dito... sa aking tahanan.

I was in awe nang makita kong nakaapak kami sa ulap. Natatanaw ko na rin sa malayo
ang dalawang kaharian na parehong nakalutang. Isang puting kumikinang at isang itim
na napalilibutan ng nakakatindig balahibong fog. Ang White Kingdom at Black Realm.
Magkalayo ang dalawang kaharian at napansin ko rin ang nagsisilbing boundary ng
dalawa. Ang araw sa White Kingdom, at ang buwan naman sa Black Realm. Ang araw at
buwan ay magkadikit. Sa kaliwa'y maliwanag, sa kanan ko nama'y madilim. Ngunit ang
buong Fortress ay napalilibutan ng napakaraming bituin. Napakaganda pala ng aking
tahanan.

"Ang ganda no? But not as healthy as before."

"What do you mean?"

"Nakikita mo yung mga damo doon sa pinakababa, ayun oh, dati purong-puro ang
pagkakulay luntian niyan, ngayon parang wala nang buhay. Pansin ko rin ang sobrang
pagkapayapa dito. Noon? Hindi nawawalan ng pixies, sprites, at iba pang creatures
na lumilipad-lipad sa paligid. Pero ngayon, tignan mo, walang-wala. Mistulang may
curfew ata sila." Napapailing na lang si Kierre. "Malaki na talaga ang pinagbago.
Marahil ay dahil sa away ng dalawang kaharian. Kaya lahat dito sa Fortress ay
naapektuhan. Tara na?"

"Teka san tayo pupunta?"

"Diba sa teritoryo ng mga Drakkis? Kay Betas?"

"I know but..."

"Ah. Okay itutour muna kita." Saka siya nagtawa. "Siguro naman alam mo na yang
dalawa sa harap mo, yang dalawang malayong yan-."
"Oo alam ko na yan. Itong mga nasa ibaba ang gusto kong malaman."

"Tumingin ka ibaba, welcome to the elemental part of the Fortress. Ang apat na
elemento. Ang apat ay nakahanay sa gitna, dahil ang apat na yan ay para sa parehong
kaharian kaya sinadyang ilagay sila sa iisang linya, iisang hanay, walang kaliwa,
walang kanan. Mismong gitna para patas ang Soverthells and Gemlacks." Mula dito sa
pagkataas-taas na ulap, tumingin ako sa ibaba. Buti na lang at wala akong fear of
heights. "Mula dito sa itaas, tignan mo yang pinakaitaas na bahagi, yan ang Brown
Hole-ang Land Element. Nandyan ang mga Myth Midgets, Dwarfs, Unex Animals, at ang
pinakapinuno nila, ang Land Oread na si Cyrus."

"Lahat may pinuno?"

"Yes. Kapag may meeting ang mga kaharian na kailangan ang mga elemental creatures,
sila ang umaattend. Kumbaga sila ang representative. Saka isa pa, hindi basta-basta
ang mga elemento, kailangan may pinuno sila. Kumbaga sa PBB, sila ang Big Four.
Makikilala mo rin sila pagdating ng panahon." Tumango-tango ako kay Kierre.

"Tumingin ka naman dun sa ibaba ng Brown Hole, yan naman ang Crystal Falls-ang
Water Element. Nasa gitna ang pinaka-falls, at sa paligid noon ay iba't ibang
yamang dagat na. Dyan matatagpuan water creatures na Hydro bugs, Mermaids, at ang
Water Naiad na si Gwen."

Nagpatuloy pa si Kierre sa pagsasalita. "Nakikita mo ba yang lupang biyak-biyak na


may apoy-apoy? Sa ilalim niyan purong apoy, meron ding parang lava ng bulkan. Ang
tahanan ng mga nasa ilalim ng Fire Element. Yan ang Crimson Underground. We can
encounter there the Flame trolls, Monsters, and the Fire Faerie, Sefrie. Dati,
madalas akong bumisita dyan."

"Bakit naman?"

"Chix ko kasi dati yang si Sefrie." Binatukan ko si Kierre. "Kapal mo naman, ang
Fire Faerie chix mo? Hayuup!"

"Oo nga! Well maling term siguro ang chix. Ka-fling lang. Sobrang hot kaya niyan si
Sefrie. Parang gitara ang katawan, saka ang soot niya lang, apoy. Apoy sa nakatakip
sa boobs niya at doon sa alam mo na. Hard limits nga lang yun, pag hinawakan mo
kasi natural mapapaso ka. Pero pramis, totoo Dia. Wala kaming relasyon pero
magkalandian kaming dalawa. Pero honestly, siya ang first love ko. Kaso tinigil na
rin namin nang pinagbawalan na ang affair between Guardians at Elemental Creatures.
Tulad ng wizards, ginawa nilang guardian to guardian na lang ang pwede. Haaay.
Nakakamiss." Humugot ako ng napakalalim na hininga dahil ang hirap i-absorb nung
sinabi ni Kierre. Walangya.

"Oo na sige na, sabi ko ituro mo sakin ang mga yan, wag kang magkwento ng
lovelife!"

"Okay eto na. And lastly, yan ang Wingsen Tower-ang Air Element. Nandyan ang Pixies
and Sprites, Drakkises, Torcouns, at ang Air Nymph na si Pennelope. Yan, dyan tayo
pupunta, sa Drakkis Cave. Ang kweba ni Betas at ng kanyang mga Drakkis."

"Oh ano, tara na?"

"Ano sasakyan natin?" ngumuso sa akin si Kierre, itinuro yung... "Broomsticks?"


tumango siya.

"Ah broomsticks lang pala."

"Kakainin mo rin yang sinabi mo. Tara." At pumunta na kami ni Kierre doon sa
sakayan. Sumakay na kami at halos maisuka ko ang kaluluwa ko, kung meron man ako
nun.

Napamura ako ng malutong pagkarating sa Wingsen Tower. Gusto kong magsuka kaso wala
naman akong maisuka. Tawa naman nang tawa si Kierre sakin. "Sabi sayo eh. Ang
Broomsticks ng Cloud Castle ang pinakamaliligalig na broomsticks sa buong
Fortress."

"Sana lang sinabi mo diba? Tara na nga, nasan na ba yang si Betas."

Nilakbay namin ang pagkalawak-lawak na Wingsen Tower. Sa loob noo'y parang may
panibagong mundo. Nakapahiwaga talaga dito.

"Psst. Dia, hindi dyan, dito." Bulong sa akin ni Kierre. "Hindi ba dito yun?"

"Pugad yan ng mga Torcoun. Pag narinig ka nila siguradong mag-iingay yang mga yan.
Sumunod ka lang sakin, para kang batang nawawala. Shhh ka lang."

***

Drakkis Cave.

Ang inasahan kong kweba, sobrang dilim. Dito kabaliktaran, nakakasilaw sa liwanag.
I casted an invisible spell sa amin ni Kierre. Hindi nila pwedeng malaman agad na
nandito kami. Naglakad pa kami't nakita namin si Betas, may kausap sa hangin,
nakatalikod siya kaya hindi namin makita kung sinong kausap niya.

"Nasaan yung babae dito?"

"Tumingin ka sa itaas. Ayun oh, nakakulong." Tumingala ako, walang malay yung
babae. Walanghiya kang halimaw ka! Anong ginawa mo sa napakainosenteng babaeng ito!

Iniwan ko si Kierre sa isang tabi at gigil na gigil nang lumapit para saksakin si
Betas nang bigla siyang humarap sa akin. Napawi ang hanging kinakausap niya kanina.
Teka, hindi niya ako nakikita, bakit humahalakhak siya sa harap ko.

"आपलेस्वागतआहे!" at patuloy pa siyang humahalakhak.

Hinawakan niya ako sa leeg at biglang sinakal. "ANONG?!"

"तुम्हीकसेआहात" (kumusta ka?)

"BWISIT KANG PANGIT KA! PALAYAIN MO YUNG BABAE! NAPAKAWALANGHIYA MO!" sabi ko sa
kanya habang sakal-sakal pa rin ako. Masakit man pero naiinda ko pa.

"Palayain? Yun lang ba? Osige. Palayain yan!" at nagsunuran ang mga alagad niya.
Pinakawalan yung babae't dinala kay Betas. Sakal-sakal niya rin ito sa kabila. "Mga
Drakkis, hala't humayo kayo!!!"

"WAG MO SIYANG SASAKTAN SABI!" pinipilit kong lumingon sa kanan ko para makita yung
babae.

"SABIHIN MO SAKIN! SINONG NAG-UTOS SAYO HA?"


"SI KAMAHALANG DREY, MAY PROBLEMA KA BA DOON?"

"OO MAY PROBLEMA AKO DON!" saka ko nilabas ang wand ko.

"DAVRANTUS!" pagkasabi ko niyo'y nabitawan niya ako't humawak sa muka niyang


nasaktan ng spell ko. Yun ang spell na binibigkas sa kalaban. A torture spell, I
would say.

Kinuha ko sa kanya yung babae. "Okay ka lang ba? Sabihin mo sakin, sinaktan ka ba
nila? Ha?"

Mapupungay ang mga itim nitong mata. Niyakap niya ako. "Wag kang mag-alala, ligtas
ka na." niyakap ko siya pabalik. Pagkawala ko sa yakap, nagulantang ako sa nakita
ko. Unti-unting nagbabago ang itsura niya.

At narinig ko ang bigla niyang paghalakhak. Isa rin siyang Drakkis! At ang inakala
kong si Betas, isa lang ring hamak na ordinaryong Drakkis! DAMN IT!

"MANLILINLANG! NASAAN SI BETAS!" kinuyom ko ang mga kamay ko. Galit na galit ako.
Hindi ako sinagot ng dalawang halimaw na ito at nagpatuloy lang sila sa
paghalakhak.

"DAVRANTUS! DAVRANTUS!" hala? Bakit ayaw gumana?

Nilapitan nila ako't binuhat na pasakal muli. Nakalutang na kami sa ere.


"DAVRANTUS!" Arghhh taragis bakit ayaw?

"HINDI GAGANA YAN... BAGUHAN!" at humalakhak muli silang malademonyo. Hinulog nila
ang wand ko. Bullshit!

Dahil sa sobrang galit na nadarama ko hindi ko na napigilan. Sinakal ko rin silang


dalawa gamit ang buong lakas ko.

"ANG AYAW KO SA LAHAT, YUNG NILILINLANG AKO AT GINAGALIT! BULLSHIT KAYO MAMATAY NA
KAYO! MAMATAY NA KAYO! MAMATAY NA KAYOOOOOOO!" nagliwanag ang Hallmark at Emblem sa
pulso ko. Nagulat pa ako nang bigla iyong magliwanag nang sobra na nakapagpasabog
sa dalawang halimaw na nambwisit sa akin.

"Whoa.."

Tumakbo palapit sa akin si Kierre at bigla akong hinila. "Tara na, anumang sandali,
dadakpin ka na nila dito! Sa ginawa mo, naalarma ang buong Wingsen Tower! DALI!"
kumaripas na kami ng takbo ni Kierre, palayo. Malayong-malayo sa Tower.

Narating namin ang Crimson Underground na hingal na hingal. "Nilinlang nila tayo
Kierre! Nasaan na yung lintek na Betas na iyon!"

"Mamaya na tayo mag-Brainstorm. Kailangan nating magtago dahil wala ka nang salamin
na soot." Nahulog marahil iyon kanina.

"Saan? Dito sa apoy?" tumango si Kierre at pumunta na kami sa biyak ng lupa, sa


ilalim.

Nasa harap namin ngayon ang nagbabagang lava. Damang-dama ko ang kainitan ng lugar
na ito. "Sefrie, nananawagan ako, magpakita ka." Pagtawag ni Kierre. Mukang alam na
alam niya kung pano tawagin yung... first love niya. Psh.

"Sefrie, magpakita ka."


"ANONG KAILANGAN MO BISITA?" nagulat ako sa biglang pag-ahon ng isang taong apoy
mula doon sa lava. Lumapit ito sa amin, tama nga si Kierre, apoy lang ang tapis
niya sa katawan.

"Ako ito Sefrie, si Kierre."

"Kierre?" halata sa muka niyang hindi niya kilala si Kierre kaya't hinalikan niya
ito sa noo. Ang halik sa noo ang tanging makakapagpabalik ng memorya.

Namilog ang mata ni Sefrie at niyakap bigla si Kierre. "Saan ka nanggaling? Bakit
ngayon ka lang? At bakit kita nakalimutan?"

"Mamaya ko na ikukwento sayo ang lahat Sefrie, kailangan namin ng tulong mo. Itago
mo muna kami dito. Paniguradong tinutugis na kami ng mga taga Wingsen." Lumingon
ito sa akin at namilog muli ang mga mata. "Ang..."

"Oo Sefrie, ang nag-iisang si Diamond. Pakiusap, tulungan mo kami." Pabalik-balik


ang tingin nito sa akin at kay Kierre. "Sige, halikayo. Pasalamat ka sa
pinagsamahan natin Kierre." Ngumiti ito't binugahan ang noo namin ni Kierre ng
apoy, pero hindi ito mainit.

"San tayo? D-dito?" turo ko sa apoy. Tumango ito. "Wag kang mag-alala, hindi kayo
masusunog dyan dahil binasbasan ko na kayo."

Bago kami lumubog sa lavang iyon ay bumulong pa si Kierre sakin "Alam mo bang isang
pribilehiyo ang basbas ni Sefrie."

"Tss oo na."

Pagkalubog namin sa apoy ay bumulaga sa amin ang isang malaking haligi. "Ito ang
tahanan ko. Hindi ako basta-basta nagdadala ng kung sino dito. Kaya ligtas kayo.
Walang nakakapasok ng tahanan ko kundi ako lang at kung sinong gusto kong
papasukin. Ngayon, ipaliwanag mo ang lahat sa akin Kierre." Gaya ng napag-usapan,
kwinento ni Kierre ang lahat at kung bakit kami nandito.

"Hmmm. Napakakomplikado. At hindi ko naman maikakaila, mapusok yang si Betas."

"Diba't nasa ilalim rin kayo ng mga Gemlack?" tanong ko.

"Hindi. Akong Fire Faerie ay walang kinikilingan. Nasa ilalim ako ng parehong
Soverthell at Gemlack. Ang mga fire creatures lang ang may permanenteng amo. Ang
Fire Monsters ay sa Gemlacks, at Flame Trolls ay sa Soverthells. Kumbaga, ako lang
ang nakatataas sa kanilang lahat. Lahat ng balita sakin manggagaling. Ang totoo
niyan, noon pa man, ayoko namang makialam sa away ng mga wizards. Kaming mga
elemental creatures ay wala namang kinalaman sa kanila. Kaya kahit nandito ka
Diamond, wala akong pakialam. Kaya wag kayong mag-alala, hindi ito makakarating sa
dalawang kaharian."

"Salamat Sefrie."

"Walang anuman. Kung tutuusin, dapat nga ikaw na lang ang namumuno sa buong
Fortress. Diba't sunod kang henerasyon ng mahal na Blaite?"

"See Dia? Sabi sayo eh. Ikaw ang 'The One'" hirit ni Kierre.

"Ngunit marami pa akong gustong malaman."


"Sinabi niyo na wala kang puso tama ba?"

"Oo. Pero sabi ng Witted Chapeau, meron daw. At nasa isang tao yon. Ang problema
namin, nasaan naman kaya? Yun ang hindi na masagot ng sumbrero."

"Simple lang. Lumapit kayo sa Golden Goose."

"Ha?"

"Ay oo nga pala. Bagong nilalang iyon dito. Higit limampung taon na yata ang
nakalilipas. Pero para sa inyong ngayon lang nakadalaw dito, bago. Bibigyan ko kayo
ng mapa." Binigay niya kay Kierre ang mapa. "Masasagot ng Golden Goose ang gusto
niyong malaman. Basta't ang tandaan niyo, sinasagot lang niya ang may malinis at
mabuting intensyon."

Sa hindi ko inaaasahang pangyayari, bigla akong napaluhod sa panghihina. Lumabas


muli ang dalawang marka sa pulso ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Namumutla ka Diamond!" inakay ako ng dalawa. Hirap akong huminga. Anong


nangyayari?

MonMon, tulong!!!

"KIERRE! SI ENIKKA! TINATAWAG NIYA AKO!" nanggulat rin ang mga mata ni Kierre.

"SI BETAS! BAKA PINUNTERYA NIYA SI ENIKKA! AT SI LINDRENNE BAKA NASA PANGANIB RIN!"

Paalis na sana kami ni Kierre nang nakarinig kami bigla ng ingay sa ibabaw ng
Underground. "Sefrie, lumabas ka!"

"Si Pennelope iyon. Siguradong hinahanap niya kayo." Umahon na si Sefrie.


Pagkailang sandali'y bumalik siya. "Ayos na. Pero pinahahalughog na kayo sa buong
Fortress. Papunta na sila sa bukana para isara ang Cloud Castle. Magmadali kayo."

"Kierre, maiwan ka dito. Hanapin mo ang Golden Goose. Ako ang babalik."

Enikka, babalikan kita. Parating na ako.


####################################
13 - The Art of Doubt
####################################

Note: Paumanhin po talaga. Kung pwede lang maging wizard din para super girl ako na
limang update agad sa isang araw. Why not?! Haha.
Fanfic pic on the multimedia galing kay theweirdkidinside. Ang kyot kyot talaga
nila Mond at Eni. Hahaha! Salamat muli ng bonggang-bongga! <3
The best kayo guyth! Love love ^.~
Vote / Comment xx
==========
Chapter 13
The Art of Doubt

Umahon kaming dalawa ni Kierre mula sa nagbabagang tirahan ni Sefrie. Siya para
hanapin ang mahiwagang gansa, at ako naman para bumalik sa mundo ng mga mortal.
"Dia, imposible nang makalampas ka sa Cloud Castle. Paniguradong andoon na ang mga
kawal ng dalawang kaharian at ang mga taga-Wingsen!"

Malapit-lapit na yatang magsugat ang mga palad ko sa sobrang pagkakakuyom ko dito.


Kailangan kong makabalik. Hindi ako makakapayag na hindi ako makabalik ng mortal
world. Tinawag ni Enikka ang ngalan ko. Siguradong may nangyaring hindi kanais-
nais.

"Kierre, anong gagawin ko?" I broke my voice. Lost for thoughts. Pre-occupied.
Mahirap palang combination ang stress, galit, at takot. This is an agony! And for a
very unusual time like this, nakararamdam ako ng takot. Natatakot ako sa maaaring
mangyari.
Nakita kong biglang umaliwalas ang muka ni Kierre, nagbabadya ng magandang
suhestyon o ideya. "Patigilin mo ang oras!"
"It's a powerful spell."
"And you're powerful Dia."
"Mayroon ding wizards na makapangyarihan. Maaring naisip na nilang gumamit ng
immunity laban sa anumang spell na banggitin ko. Maaari ding nakapagpalaganap na
sila ng spell o curse na makakahuli sa akin pagbalik ko sa lagusan. 'Di ba? Dammit!
I've never been this hopeless! I have to get back! ENIKKA'S... DAMMIT! THIS IS A
BIG DEAL! ENIKKA'S IN TROUBLE! What to do?" sinabunutan ko na 'yung buhok ko sa
halo-halong nararamdaman. I'm going to outburst at any moment!
Hindi umimik si Kierre. Malalim ring nag-iisip. "But you're an exception Dia. You
are. I witnessed what power you've done a while ago. This is strange. Wala kang
spell na binabanggit at wala ka ring hawak na wand pero napatay 'yung dalawang
halimaw. You just focused on your thoughts then poof, you made it! Your words are
extraordinary. All that composes you. Nakita mo kanina 'diba? Nagsalita ka lang,
paulit-ulit na sinisigaw 'yung gusto mong mangyari at biglang lumandas sa pulso mo
ang dalawang marka. Nagliwanag ito nang sobra at napasabog mo 'yung dalawang
Drakkis. That's right! You can do it without spells! That's a priviledge of being a
two-blooded wizard! Give it a try!" I was astounded sa sinabi ni Kierre. Can I
really do that?
"You think, gagana ito this time?"
"We'll never know if you'll not try. Do it! Time's running! Oras ang kalaban natin
dito. Dali!"

Pinikit ko ang mga mata ko't nagconcentrate. "Kaluluwa ng oras, panawagan ng iyong
basbas. Intensyong malinis ang bahid, hiling na ligtas sa lahat ng panganib. Ako'y
nangangailangan, pagkatiwalaang gantimpalaan. Sa taglay na kapangyariha'y, ngayon
di'y patigilin! Sa taglay na kapangyarihan... parang awa na't iyong dinggin!"
pagkamulat ko'y nakatungo si Kierre.

Walang nagyari.
Pero hindi ako sumuko. Paulit-ulit ko iyong isinisigaw hanggang sa nakita kong
unti-unti nang gumuguhit ang mga marka.
Enikka.
Kaya ko ito. Mahal na Blaite, makisama ka please!

"Kaluluwa ng oras, panawagan ng iyong basbas. Intensyong malinis ang bahid, hiling
na ligtas sa lahat ng panganib. Ako'y nangangailangan, pagkatiwalaang gantimpalaan.
Sa taglay na kapangyariha'y, ngayon di'y patigilin! Sa taglay na
kapangyariha'y...parang awa na't iyong dinggin...
Alay na dalangin, para sa taong... MAHALAGA SA AKIN!!!"
Nabalot muli ng liwananag ang paligid pagmulat ko.

"Now, let's get it on!" paghatak sa akin bigla ni Kierre at isinakay sa broomstick.
"Kapit!"
"Ayoko nga. So gay!"
Pinaandar na niya yung broomstick kaya napakapit ako sa balikat niya. Napahalakhak
naman siya. "Aarte pa eh. But, good job Dia. I knew it!"

Sa bilis ng paglipad nami'y hindi ko na alam kung may mga nasasagasaan na ba kami
ni Kierre na mga nilalang ring nakatigil sa paglipad.
Pagkaapak muli sa ulap ay napatingin kami sa mga tila naestatwa.

"Si Pennelope 'yan. 'Yan naman ang mga pixies at sprites. Iyang mga may kapang
kulay puti at 'yang mga nakahood na itim, mga Walt wizards." Nakita namin ni Kierre
na nakalabas na ang mga wand nila na may mga ilaw na sa dulo nito. And by the looks
of them, mukang bumabanggit na sila ng spells. Just the right time. Buti na lang at
nakaabot.
"'Yung mga nasa ibaba naman na pasunod na sana dito sa itaas, mga Cryst wizards
'yan. Mukang tamang-tama lang ang dating natin. Nakaabot pa. At ito, gusto kong
tandaan mong maiigi ang muka ng lalaking ito." Lumapit siya sa isang Soverthell na
ito na nakanganga't nakataas ang dalawang braso, casting a spell ang pose niya.
"Kung hindi ako nagkakamali, siya si Prince Ralf Soverthell." Tinignan ko ang muka
niya. Ang mga mata niyang kulay green at brown. Pati ang parang perfect cone na
ilong. Matikas ang tindig. Mukang royalty. Hmm, enough for me to mark him on my
mind.
"How'd you know?"
"Of course, the crown." at tinignan ko naman ang soot nitong korona. Ang mga hari't
reyna'y kadalasang sa kaharian lang namamalagi kaya ang mga prinsipe't prinsesa ang
laging handang lumabas sa kaharian.
"Okay! ENOUGH KIERRE! Nagmamadali ako 'di ba? Hanapin mo na ang gansang 'yun. And
hey, get back in one piece." Tumango-tango siya na bagaman nagtawa'y ramdam ko ang
kanyang pagkaseryoso.
Nakahakbang na ang mga paa ko sa transparent walls nang lingunin ko ulit si Kierre,
"Hey. I'll kill you 'pag hindi ka nakabalik. O ako mismo ang maghuhukay ng libingan
mo at sasapakin pa kita. Just..."
"Okay okay. Promise, I'll get back safe. Sige na, take care of Enikka."
"Ingatan mo ang sarili mo." Lumipad na ulit si Kierre gamit 'yung broomstick. Once
kasing makabalik ako sa mortal world, babalik ang oras na itinigil ko.

Pinalabas ko na ang portal. Nagbuntong-hininga muna ako. Never pang nalayo ang
guardian ko sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay
Kierre lalo na't delikado rin siya dito.
Tumalon na ako sa balon at nananalangin na ligtas naman ang aabutan ko doon. Hindi
ko nga alam kung kanino ako nanalangin, kay Blaite ba o sa tinatawag na Diyos ng
mga tao.

Pagkarating-rating ko sa mansyo'y nilibot agad ng mata ko ang paligid. Maayos ang


sala pati kitchen. Aakyat pa sana ako sa itaas nang mapansin kong tila sinalanta ng
bagyo ang garden. Bigla akong kinabahan. Naramdaman ko ang pintig sa dibdib ko.
What? Paano pipintig ang dibdib ko gayong wala akong puso para magpump ng dugo at
tumibok kapag kinakabahan ako ng todo?
Isinantabi ko muna ang naisip ko't sinuri ang garden. Gulo lahat ng halaman,
makalat, at muka talagang may nanira.
Pinulot ko ang isang tangkay ng white Daisy at red Chrysanthemum. Innocence... and
love.
"Enikka, nasaan ka ba?" pagkausap ko sa mga bulaklak. Paniguradong hawak niya ito
kanina. Saan ko ba siya sisimulang hanapin?

Tinakbo ko ang subdiv nami't tinungo ang bahay ng mga Tagle. "Tao po? TAO PO!!!"
gusto ko nang gibain 'yung gate nila ngunit mukang walang tao roon. Wala rin ang
kotse nila. Nasaan na sila?
My last ace. Kinuha ko ang cellphone kong pasasalamat kong nasa bulsa ko pa.
(DRIX... Si Enikka?)
(OH! ED! Nasa ospital siya, pabalik ako dyan sa bahay nila kasama 'yung mama ni
Eni. Kukuhang gamit. San ka?)
(Nandito sa tapat.)
(Sige, malapit na kami.)
(Bilisan mo.) at pinatayan ko na ng tawag.

Dammit! Nasa ospital nanaman siya. Tinawagan ko na rin si Lindrenne na pumunta sa


ospital.
Patuloy pa rin akong nababagabag, ano kaya ang nangyari kay Enikka. Okay lang kaya
siya? Mabuti ba ang lagay niya? Nasaktan ba siya? May mga galos? Mayroon na kaya
siyang malay ngayon?
Tinignan ko ang kalendaryo sa cellphone ko. Monday na pala. Iba kasi ang oras sa
Fortress. At parang nung Sabado lang nasa ospital si Enikka. Ngayon, naroon nanaman
siya. At lalo akong nagi-guilty dahil alam kong hindi na 'yon dahil sa sakit niya
kundi dahil sa lintek na mga nilalang na 'yan.
Ngayon ko lang lalong narealize na hindi pala masayang maging si Diamond.
Napakakomplikado ng buhay ko. Kahit may kapangyarihan, hindi ko naman mamanipula
ang mga mangyayari. Hindi ko mapigilan ang mga nagbabadyang panganib. Kung
mangyayari, talagang mangyayari. Ito na nga ang tinatawag nilang tadhana.

Ang tagal nina Quendrix! Hindi ko na kayang tumanga na lang dito't maghintay.
Pinara ko agad ang unang taxi na dumaan.
"OSPITAL PO. NOW. QUICK."

***
Hawak-hawak pa rin 'yung dalawang bulaklak sa kamay ko, nanginginig akong lumapit
kay Enikka na nakadextrose.
Hindi ko namalayang may nangingilid ng basa sa mga mata ko nang makita ko siya.
Sobrang putla niya't nangingitim ang ilang parte ng katawan niya. Yung labi niya,
pati mga kamay.

"E-Enikka..." hindi ko alam kung paano ako nakapagsalita gayong ang bigat-bigat ng
pakiramdam ko. Parang inugatan yung mga paa ko, naestatwa ang mga lamang loob ko,
at nagtatalo ang mga litid ko sa katawan. Hindi ko tanggap ang nangyaring ito sa
kanya.

Sigurado akong muntik nang mahigop ang kaluluwa niya. Isa lang rin ang walanghiyang
nilalang na naiisip kong gumawa sa kanya nito. Si Betas.
Muntikan na siyang... mamatay. Nang dahil sa'kin.

Pinahid ko ang luha ko't umupo para tignan siya. Ilang oras na ang nakalipas ngunit
ganun pa rin siya. Wala pa ring malay. Hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya,
hindi pa rin siya gumagalaw.
Kwento ni Quendrix, naabutan niya si Enikka na nakahandusay na sa garden ko.
Pumunta siya sa mansyon kahit alam niyang wala kami doon. Napakakulit talaga. Pero
ayoko siyang sisihin, dahil ang bwisit lang naman dito ay yung Betas at mga Drakkis
na 'yan. Buti na lang at naagapang dalhin dito ni Quendrix. Masasabi kong mabuti
siyang kaibigan kay Enikka. Samantalang ako, mukang nakakasama. Ako ang naghahatid
ng perwisyo kay Enikka.
Kinausap ko si Lindrenne na bukas ng umaga'y bumili siya ng kotse dahil nahihirapan
na ako sa ganito. Lalo na't mukang kailangang-kailangan talaga namin ng sasakyan
para mas mapadali. Bumalik muna siya sa condo, at si Quendrix nama'y babalik bukas
para magbantay.

"Enikka... I'm sorry." Bulong ko habang hawak yung isa niyang kamay, umaasang
magigising siya anumang sandali.
"Hijo, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo."
"Wala po akong kasama sa bahay tita. Dito na lang po ako, magbabantay." Ngumiti ako
kina tita Erika at tito Dante. Batid ko ang lungkot nila sa nangyayari sa kaisa-isa
nilang anak. At pakiramdam ko'y nabigo ko rin sila dahil sa kapabayaan ko sa anak
nila.
"Salamat hijo. Lagi kang ikinukwento sa amin ng batang 'yan. Mahal ka na anak
namin. Ngunit kung hindi mo kaya, maiintindihan namin. Sadyang may katigasan lang
ng ulo si Enikka." At nagtawa ng bahagya ang kanyang ama. "Pero kung magiging kayo
man, masaya kami para sa inyo. Makakabuti ka para sa kanya." Ngumiti ang mag-asawa
sa akin. Hindi ko alam ang irereact ko. Makakabuti daw ako sa kanya. Kung alam lang
po ninyo na tadtad ng gulo ang pagkatao ko.

Nakita kong humiga na ang mag-asawa sa kamang nasa kabilang dulo nitong malaking
kwarto ng ospital. Hinilig ko ang ulo ko sa kama ni Enikka't pumikit.
Isip-isip ko ang mga nangyari. Pinalabas ni Betas na hawak niya 'yung babaeng
nagmamay-ari ng puso ko para mahuli ako sa Fortress. Pati si Enikka nadamay sa
gulo. Maging 'yung naramdaman kong pagtibok sa dibdib ko sa sobrang kaba at takot.
Noon hindi naman ako nakakaramdam ng tibok o kabog dito, nanlalamig lang ang mga
kamay ko at hanggang utak ko lang ang pagkakaba. Pero anong nangyari ngayon?
Napakakakaiba.
Gusto kong pagkabit-kabitin ang mga pangyayari pero hindi ko maorganisa. Hindi ko
maintindihan. Lahat ba ng ito'y totohanan, o baka katulad lang ng ginawa ni Betas,
lahat ay pagpapanggap lang. The art of doubt. At sobra itong big deal.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Enikka. Binangon ko ang ulo ko't tinignan
siya.

Babangon sana siya pero pinigilan ko't pinahiga siya ulit. "Shhh. Magpahinga ka
lang. I'm here."

Kitang-kita ko ang takot sa nangingislap niyang mga mata ngayon. Is this trauma?
What the hell did those creatures have done to her? Gustong-gusto ko siyang
tanungin kung anong nangyari pero gusto ko muna siyang papahingahin.

"Enikka, I want you to rest. I won't leave. Bukas paggising mo, ako ang una mong
makikita."
Hinila niya ako sa braso kaya napayakap ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita pero
umiiyak siya. Hindi ko na malaman ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Para
akong naiiyak na nalulungkot na nagagalit na natatakot na nagsisisi.
Pinahid ko ang mga luha niya't dinampi ang index finger ko sa labi niya para
patahanin ang mga impit niyang pag-iyak. "Don't be scared. Dito lang ako sa tabi
mo. I promise. I swear to Earth, I won't leave you. Aalis lang ako kapag kasama
kita."
Nakatitig lang siya sakin at... bigla akong naalarma sa nangyayari sa akin ngayon
pero ipinagpaliban ko muna ang naisip ko.

Hindi ko na pinakita ang halo-halo kong nararamdaman sa kanya dahil kung ipinaakita
ko pa yun ay baka lalo lang siyang maiyak. "Now, sleep." Ngumiti ako sa kanya't
ipinikit ko ang mga mata niya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. But this time,
pinapanood ko siyang matulog.
Bumalik ako sa lubusang pagtataka... BAKIT HINDI KO NA MABASA ANG NASA ISIP NIYA?

Kung tutuusin, dapat alam ko na ang nangyari. Mababasa ko sana 'yun kanina
pagkagising niya. Pero bakit... dammit! Nawawalan na rin ba ako ng powers? Dahil
marahil ito doon sa paggamit ko ng sariling kapangyarihan, without spells. May
effect nga siguro 'pag galing sa mga marka ko. Sana nga'y 'yun lang ang dahilan.
Habang tinitignan ko siya, gusto kong itanong sa tadhanang 'yan, bakit ako
itinakdang maging ganito? Napakakompikado ng buhay ko.
'Yung pakiramdam na akala mo na sa'yo na ang mundo, pero parang unti-unti ka nitong
pinagbabagsakan. I thought being a wizard is having the world-I can have anything I
want, I can make everything easy, I can make anything possible as the word itself
is concerned. But what now? Isa akong wizard na hindi matahimik. Takbo ako nang
takbo palayo sa kanila pero sila itong pilit akong hinahabol. Kung anong gusto kong
maramdaman, hindi ko magawa. 'Yung feeling na minsan gusto kong maranasang
magmahal, pero may pwersang pumipigil sa'kin dahil sa mga katagang "delikado" at
"mapanganib".
Ito ba ang masayang buhay?

Hindi ko namalayang may luha na palang bumagtas sa muka ko. Napakapait ng mga
sitwasyon, at napakailap rin ng mga pagkakataon.
Blaite, Kaluluwa ng Tadhana, Espiritu ng Pagsubok, o Diyos ng mga Tao... alin ba
ang tatawagin ko. Ayoko na ng ganito.

Gusto kong maging normal.


Gusto kong maging tao.
####################################
14 - Accept Me
####################################

Chapter Fourteen
Accept Me

Nagising ako sa pagkakayuko dito sa kamang wala ng nakahigang Enikka.


"Enik-."
"HELLO MON-MON!"
"Enikka! Bakit ka bumangon agad? Hindi ka pa magaling. Humiga ka na ulit." Paano ba
naman, nakaupo na siya sa tabi ko. Nakapalumbaba't nakatingin sa'kin. Mukang
pinapanood niya akong matulog kanina.
"Okay na ako Mon-M-." humawak siya bigla sa mga tuhod niya.
"Tss. Sabi ko naman kasi sa'yo magpahinga ka eh. Ako ang magsasabi kung okay ka na
o hindi. Halika nga." Binuhat ko siya't inihiga ulit doon sa hospital bed.
Pagkahiga ko sa kanya'y nakatitig na siya ngayon sa akin. At tulad kagabi, hindi ko
pa rin mabasa ang nasa utak niya. Hindi ko alam na matagal pala ang side effects
nung nangyari sa Fortress.

"Bakit?"
"Mon-Mon... 'yung mga nasa mansyon mo kahapon, ano sila?" tumigil pa siya ng ilang
sandali saka tumungo. "Kagaya ka ba nila? Edmond... ano ka?" napapitlag ako't
natuyuan yata ang lalamunan ko sa sinabi niya. May bahid ng takot ang kanyang
boses. Hindi lang takot sa mga nakita niya kahapon, kundi takot rin sa akin.
Tinawag niya pa ako sa aking unang pangalan.
"Enikka..." hahawakan ko sana 'yung balikat niya pero lumayo siya ng kaunti. No!
No, Enikka.
"No, please. 'Wag kang matakot. Enikka, sabihin mo sa'kin, anong mga nakita mo?
Anong ginawa nila sa'yo?"
"Nakakatakot. Nakakatakot sila. Halimaw. Mga halimaw na itim. At 'yung isa, binuhat
niya ako sa leeg at parang may hinihigop sa akin. Akala ko mamamatay na ako
kahapon." Kahit maputi ang kulaay niya, napansin ko agad ang mga luhang tumutulo sa
mata niya. Dammit!
Pinahid ko ang mga 'yon. Napasinghap ako sa sobrang galit. Humanda kaa sa'kin
Betas. Humanda ka.
"Hush. Eni, listen. Hindi ako kagaya nila. Hinding-hindi ako magiging katulad nila
ha? Wag kang matakot." Tumingin siya sa aking naghihintay pa ng paliwanag ko.
I heaved a deep sigh. "I'm sorry." Binitawan ko ang kanyang muka't naghanda nang i-
recite ang Erase Spell. Kailangan ko itong gawin. The more na may alam ka, the more
din na apektado ka. At ayoko nang masangkot pa si Enikka sa gulo ng buhay ko.
"Избрише твојот спомен. Лечење тоа не средство. Избрише она што е пронајден, да
лежи не се обиде. Лечење она што се гледа, направете го лета!"
(Erase thy memory. Efface it don't pry. Erase what's found, to lie don't try.
Efface what's seen, make it fly!!!)

Pagkasabi ko noo'y nakatitig pa rin sa akin si Enikka na kumunot ang noo at puno ng
pagtataka ang itsura. DAMMIT! Hindi gumana? How the hell?

"Eni... may naaalala ka pa rin?"


"Mon-Mon, anong nangyayari sa'yo? 'Yan ba 'yung sasabihin mo sa report mo sa
Literature natin?" Faaaak! WHAT HAPPENED?

Bakit hindi na gumagana?


Sinubukan ko ulit ng dalawa pang beses pero wala pa ring nangyayari. Walang
tumatakas na ala-ala sa kanya. Patuloy ang pagkurap ng mga mata niya na para bang
sinusuri kung nababaliw na ba ako o napapraning.

Hinawakan niya tuloy ako sa magkabila kong pisngi. "Mon-Mon! Ang galing mo.
Kabisado mong maiigi ang linyang 'yan. Tungkol sa wizards ang report mo ano? Spell
'yan ano?" napasalampak ako sa inuupuan ko kanina. Walang bisa. Natuluyan na ba ang
wizard life ko?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil tulad ng iniisip
ko kagabi, may posibilidad na pwede akong maging tao. Na baka unti-unti na akong
nagiging tao dahil wala na akong kapangyarihan. Unang proof, hindi ko na mabasa ang
utak ni Enikka. Pangalawa, hindi na gumagana ang mga spells. Mukang unti-unti nang
nanghihina ang aking mga kakayahan.
O di kaya ay malulungkot naman dahil kung mawawalan na ako ng kapangyarihan,
maaaring hindi ko na malabanan ang mga masasamang nilalang na mananakit sa mga
taong mahal...aga sa akin. Paano ko pa poprotektahan sina Kierre, Lindrenne, at...
Enikka.

"Enikka, ganito. Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag ka munang magbabanggit ng


nangyari sa'yo kahapon. 'Wag mong sasabihin ang mga nakita mo, okay?"
Sumeryoso siya bigla. "Edmond, what are you?" Kakausapin ko pa sana si Enikka nang
pumasok na ang kanyang mga magulang pati si Quendrix.
"ENI! ED!" bati nito sa ami't umupo sa tabi ko.
"Eni, kumusta ka na? Ayos ka na ba? Baka inistress ka nitong si Ed."
Umiling-iling si Enikka. "Hindi no! Pinapalakas niya nga ako 'di ba Mon-Mon?"
tumingin siya sa aki't ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
"Muka nga. Ang hyper mo na ulit eh. Teka Eni, mind telling us kung anong nangyari?"

Nagkatinginan kami ni Enikka. Kahit hindi niya pa alam kung ano ako ay alam kong
nakukutuban na niya kung ano talagang hiwaga ang bumabalot sa akin. Lalo na't hindi
ko naman ikinaila kaninang hindi ko alam kung ano 'yung mga nakita niya.

"W-wala Quen. Naabutan ko kasing magulo na 'yung garden, kaya inayos ko. Pero
biglang sumama ang pakiramdam ko." Tuloy-tuloy niyang sabi. Nakatingin lang ng
diretso sa kanya si Quendrix. Nangontrang muli ang akala ko kanina. Dahil sa
pagkakataong ito, nababasa ko naman ang nasa isip ni Drix. Tatanungin niya ngayon
kung nainom ba ni Enikka 'yung mga gamot nito.
"Hindi mo ininom ang gamot mo 'no?" sabi na eh. Pero, bakit ganun? Siya nababasa
ko, si Enikka hindi? WTF?
Kumamot ito ng ulo. "Ah eh, nakalimutan ko kasi sa excitement na pumunta sa
kanila."
Bago pa makapagtanong si Quendrix ng kung anu-ano'y sumingit na ako. "Enikka, dapat
kasi hinintay mo muna kaming makabalik. Wala kami sa mansyon pero pumunta ka pa
rin."
Imbis na magdahilan siya'y nag-sorry na lang siya sa'kin. Pero 'yung mga tingin
niya'y makahulugan pa rin.
"Asus! 'Wag mo nang pagalitan Ed. Lalong sasama pakiramdam niyan sige ka. Saka,
baka namiss ka lang talaga ni Eni kaya binisita niya 'yung garden niyo."
"Mga bata, kain muna kayo. Oh eto." Inabot sa'min nina tito Dante ang ga pagkain.
Hindi pa nga pala kami nag-uumagahan.

Pagkakain ni Quendrix ay nagpaalam ito sa amin para pumasok. Ako naman, hindi na
ako nagdalawang-isip. Talagang hindi ako papasok ngayon. Sasamahan ko si Enikka.
Binisita kami ng doktor at sinabi niyang kailangan pa raw manatili ni Enikka dito
ng dalawa pang araw. Tumutol pa nga itong makulit na si Enikka pero sumuko rin siya
sa huli.
"Kailangang maibalik ang dating kulay at sigla mo. 'Pag nakalabas ka na, doon ko
lang sasabihin sa'yo lahat ng gusto mong malaman." Nginusuan niya pa ako pero
napilit ko rin naman.

Sa loob ng dalawang araw ay hindi ako umalis sa tabi niya. Hindi na ako umuwi sa
mansion kaya naman bumibili na lang ako sa mga kalapit na shop ng pamalit na damit.
Mahirap na, sa lalong paglala ng mga mangyayari, baka mamaya sa isang kurap ko na
lang, mapahamak muli si Enikka.
Siguro'y ito na 'yung tinatawag nilang pagbibigay halaga sa ibang tao. I've never
been this caring and protective to others. Ngayon lang. And I must say, this is a
first.
Ngayong Huwebes ay lalabas na siya sa ospital. Kung tutuusin ay pinagaling ko na
dapat siya, pero naalala kong nakapagdesisyon na ako nung Martes na hindi na ako
gagamit ng kahit anong magic. Dahil tulad rin ng sabi ko, gusto kong maging tao.
Kaya naman, papangatawanan ko na ang pagiging ganito. Magic free, para mas worry
free.
At isa pa, mas gusto kong alagaan si Enikka.
Bilang ano... bilang kabayaran na rin marahil sa perwisyong naidulot ko sa kanya.
Tama. That's it.

Tinulungan ko silang mag-ayos ng gamit. Kasama ko ngayon sina Quendrix at


Lindrenne. Hindi ko mapigilang mabahala dahil hanggang ngayon, hindi pa rin
bumabalik si Kierre.

"Sige Mond, una na kami ni Enikka. Ayos lang naman siguro sa'yo 'no?" tumawa pa si
Lindrenne na hawak-hawak sa kamay si Enikka. Vibes na vibes 'yung dalawa. Naisipan
kasi niyang sumama muna kami sa bahay ng mga Tagle.
Tumango ako. Nakalabas na sila ng silid kaya kami na lang ni Quendrix ang naiwan
dito.
Nagbuntong-hininga ako. Nakatingin pa rin sa pintuang nilabasan nila. "Sana sa
susunod na linggo, wala ng eksenang ganito. Hindi na siya mapahamak at maospital.
Kahit man lang isang linggo. O dalawa na, tatlo. O kahit wag na nga siyang
maospital pa ulit."
Tinapik ako ni Drix sa balikat. "Oo nga Ed. May nararamdaman ka na nga talaga sa
kanya pare."
"Ha? Sino ba naman kasing... hindi maaawa saa lagay niya. Mukang every other day,
naaisusugod siya dito."
"Awa?"
Tumingin pa ako ng kaunting segundo sa kanya. "O-Oo, awa. Ano pa bang tawag dito?"
"Hmm, pagpapahalaga?"
"Edi 'yun. Tama, pagpapahalaga."
"Pero bakit ba natin pinapahalagahan ang isang tao?" tumaas-baba pa ang kilay ni
Drix.
Hindi ako nagsalita't niliitan lang siya ng mata.
"Dahil mahal mo. Kaya mo pinapahalagahan dahil mahal mo." Umubo pa itong pang-asar
saka ako tinapik ulit sa balikat. Kinuha na niya 'yung isang bag dito't humakbang
na palabas.

Kaya mo pinapahalagahan dahil mahal mo.


Ganun ba 'yun? Hindi yata ako nainform na iisa ang dalawang 'yan. Dahil sa
pagkakaalam ko, magkaiba ang mahalaga lang sa mahal.
Totoong lahat ng mahal ay mahalaga sa'yo, pero hindi lahat ng mahalaga ay mahal mo.

Pagkababa sa ospital ay bumalandra sa amin ang isang white Audi R8. Wow! Hindi
naman kaso ang pera, kasi for the past hundred years, I already made money. Ewan ko
na lang kung sa tagal ng panahong 'yun ay 'di mo pa nagawang magpayaman.
"Whoa, kanino 'to?" tanong ni Drix. Nilingon ko naman si Lindrenne na kumindat
sa'kin.
"Thank you po." Sabi ni Lindrenne doon sa nagdrive nung sasakyan. "Try it Mond."
"Wow! Dude this is yours?" nahiya tuloy ako bigla sa magulang ni Enikka, pati kay
Drix. Ngumiti na lang ako sa kanila.
Napansin siguro ni Lindrenne ang pagka-uneasy ko kaya siya na ang sumagot. "Regalo
sa kanya ni lolo. Though nakiki-lolo lang ako sa lolo nila. Ulilang lubos na kasi
ako kaya pamilya nila ni Kierre ang tumanggap sa'kin. Anyway, since hindi makaalis
si Mond, ako na daw bahala kaya 'yan pinili ko. But you can still choose, itong R8,
'yung A1 Sportback, or 'yung compact SUV na Q3. All are great!"
Binuksan ko ang pintuan ng kotse. "2-seated lang? 'Yung may back seat sana." 'yung
dati ko kasing kotse, Benz SLK350, 2-seated lang rin. Dati kasi, pangtravel ko lang
sa shooting, performances, o practice. Nung mga panahong ako pa si Raymond ng
Spice-Up. Kaya si Kierre lang din ang madalas kong kasama sa kotse.
"Kaya nga eh. 'Yun din iniisip ko pero, this one is cool."
"Pwede pa naman po ipapalit." Sabi nung lalaking taga-Audi.
"Sige, I'll switch to either A1 or Q3. Lindrenne?" tumango ito't sumakay na ng
kotse kasama 'yung lalaki. Mas okay kasi kung maraming makakasakay sa isang kotse.
Lalo na't dumami na ang mga katuwang ko ngayon. Baka mamaya niyan... si Enikka lang
lagi ang maisakay ko. Oh, nevermind.
Sumabay kami ni Quendrix sa SUV ng mga Tagle't tumungo sa bahay nila.

Sa kanilang bahay ay tinulungan kami ni Drix sa mga assignments at activities


naming namiss. Naggroup review na rin kaming tatlo dahil may quizzes pala bukas.
Nang maghapon ay umalis na rin si Quendrix dahil hinahanap na daw siya sa kanila.
Kaya kami nanaman ni Enikka ang naiwan, kaya lang hindi ko pa siya makausap dahil
nandito rin sa sala nila ang parents niya.

Pagkalao'y dumating na rin si Lindrenne at inabot sa'kin ang keys, "Audi A1."
Sinilip ko sa labas, kulay puti ulit. Nakapagtataka, akala ko kasi kapag taga-Black
Realm, black na ang favorite. How lame thought this is.
"Thanks Lin." At nakisalo na ito sa'min.
"Ate Lindrenne, pabisita sa condo mo. Please please please?" at nagsimula na naman
ang kakulitan nitong si Eni.
"Pero baka hindi ka pa pwede lumabas. Saka kagagaling mo lang sa hospital."
"Dadz, Momz, pwede po ba? Please po? Sige na po."
"Hay pagkakulit talagang bata. Osige na, Edmond ijo, 'wag mong pababayaan si Eni
ha?" nagtatalon si Enikka't niyakap ang parents niya.
Tutol man akong sumama siya'y wala na akong nagawa. "Opo, makakaasa po kayo."
Nag-apir 'yung dalawa ni Lindrenne at tuwang-tuwa na ang makulit. Nagtatalon pa
silang dalawa palabas. "Mon-Mon dali dali tara!"
Bago ako sumunod ay kinausap ko ang mag-asawa. "Bakit po lagi niyong pinagbibigyan
si Enikka?"
"Ayaw kasi naming sumama ang loob niya. Lalo na't sa kondisyon niya, bawal siyang
madepress. Noon kasing bata pa 'yan, sobrang malungkuting bata. Walang-wala pa ang
sitwasyon ngayon dahil dati mas madalas pa siya sa mga ospital. Mabait naman siyang
bata at alam niya ang limits niya kaya maluwag kami sa kanya. Gusto namin siyang
maging masaya. Gusto naming laging nakangiti si Eni." Ngumiti si tito Dante sa amin
ni tita Erika.

Bigla akong napaisip. Ayoko ring nalulungkot siya, pero anong ginawa ko noon?
Inilalayo ko siya sa'kin. Pero 'yon at dahil lang naman delikado. Hindi ako
makabubuti sa kanya. Ngunit kung ang paglayo ko sa kanya ay mas delikado, mas
pipiliin ko nang lagi siyang samahan. Kung hindi ko man siya maprotektahan gamit
ang spells na 'yan, poprotektahan ko na lang siya bilang isang tao. And I hope
mapanindigan ko na ito. Hindi na ako lalayo sa kanya.

No more running. Pagod na akong magtago't tumakas. Whatever happens, then be it.
Gagawin ko na lang ang nararapat kong gawin-ang pagprotekta sa pamilya't mga
kaibigan ko. Hangga't kaya ko.

Pagkarating namin sa condo'y dumiretso muna si Lindrenne sa kusina para magluto


kaya naman nagkaroon na kami ng pagkakataong mag-usap ni Enikka.
"Enikka, listen. Do you really want to know?"
"Yes. I want to hear it straight from you." Parang natameme pa ako sa pagkaseryoso
niya.
Huminga ako ng malalim. "I'm a wizard."
Nagulat ako sa reaksyon niya. Ngumiti lang siya. Hindi 'yung inasahan kong
magugulat. "Hindi ka natatakot sa'kin?"
"Mon-Mon, bakit naman? Sabi ko na nga ba. Dati kasi kutob ko lang 'yun. Mga 10%
siguro."
"You... knew? Bakit hindi mo sinsabi sa'kin?"
"Unang beses kitang nakita, akala ko kausap mo lang si Quendrix pero nakita kong
parang may usok na hindi ko maintindihan na tumatakas sa katawan ni Quen. Umalis ka
nun, kaya sinundan kita. May binabanggit kang mga salita, tapos bigla kang naglaho.
Nakalutang 'yung walis tapos tumilapon na lumipad. Akala ko noon imagination o
guni-guni ko lang 'yon. Na baka namalik-mata lang naman ako kaya pinagwalang-bahala
ko na lang. Pero habang tumatagal, nadadagdagan ang mga napapansin ko. Hindi ko
naman 'yun sadya Mon-Mon. 'Yung mga lumilipad dati noong pauwi tayo sa bahay, 'yun
rin ang mga halimaw na nakita ko noong Monday. Pero baka isipin mong kaya lang kita
nagustuhan dahil curious ako sa'yo, mali ka Mon-Mon, nagustuhan kita ng kusa.
Minahal kita ng walang dahilan. Basta mahal kita. At kahit ano ka pa, tanggap na
tanggap kita."
Nakita ko nanaman ang papatakas niyang luha. Nangingiyak nanaman siya. Sa sinabi
niya, pakiramdam ko nanlambot lahat ng pwedeng lumambot sa akin. She's very
sincere. How can I resist her? All of her is damn irresistable.
"Enikka. I'm sorry. Ako ang nagdala sa'yo sa kapahamakan."
"Mon-Mon, kahit kailan hindi ko inisip 'yan. 'Wag mong sisihin ang sarili mo.
Things happen unpredictably. Lahat ng bagay may pinagkakalagyan. Wizard ka pala.
Pwede ba akong magwish sa'yo? Alam kong hindi ka genie pero 'diba kaya niyong mag-
magic?"
Pinunas niya ang luha niya. Hindi ako makagalaw. Siguro kahit tignan ko lang siya
buong araw ay hindi ako magsasawa. "Pwede bang humiling na mahalin mo rin ako? I
feel so hopeless, but I promise, this would be the last time. Kung hindi talaga,
I'll accept it. 'Yun lang naman ang magagawa ko, ang tumanggap nang tumanggap. Ang
kaibahan nga lang, acceptance ng rejection o ng masakit na katotohanan." This time,
humihikbi na siya. Oh, Enikka. What to do?

"Mon-Mon... can you accept me too?"


####################################
15 - Heavenly Bodies
####################################

Chapter Fifteen
Heavenly Bodies

Tanaw-tanaw ang malayang himpapawid ay nakasandal kaming dalawa dito sa sofa sa


balkonahe na inilabas ko mula sa sala.

"Ang ganda talaga ng buwan." Lumingon ako sa kanya sa kanan. Nakatingin pa rin siya
ng diretso sa itaas. At kahit ilang ulit ko pang subukan, hindi ko na alam ang
tumatakbo sa isip niya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kasi palagi lang siyang nandiyan. Mapa-araw man o
gabi."

"Kahit naman ang araw at mga bituin. Lagi lang ring nandyan. Hindi nawawala."
Ngumuso siya bago magsalita. "Kahit na. Mas maganda pa rin sa'kin ang buwan.
Nagbibigay ito ng liwanag sa dilim. Mas maliwanag pa sa mga stars at mas kapansin-
pansin. Kung ikukumpara naman sa tao, siya ang nagbibigay pag-asa sa buhay kong
nasasakop ng dilim. Tulad ng buwang umiikot sa Earth, siya rin ang umiikot sa mundo
ko. Alam ko ring lagi siyang nandiyan dahil mas halata ang kanyang pagmamatyag. Na
alam kong siya lang ang buwan, siya lang ang nag-iisa, at hindi kailanman
mapapalitan. That he is my moon. That he is my hope..." ngumiti ito pagkasabi niyon
habang suot-suot ang makikinang na mga mata.

Napapikit ako sa lalim ng sinabi niya. Batid kong may dalawang uri ng taong madalas
na naghahalintulad ng buhay sa mga heavenly bodies tulad ng araw, buwan, at mga
bituin. Ang una ay isang taong malungkot at naghahanap ng kapayapaan sa sarili. Ang
ikalawa nama'y isang taong may malakas na kapit sa pag-asa na kahit ang mga bagay
na tulad ng buwan ay nagagawa nilang pahalagahan.

Alin kaya si Enikka sa dalawa? But I bet, she's both-lonely and hopeful.

"Ako naman, araw ang mas gusto ko. Hindi man natin ito makita ng tuwiran, mas hayag
naman ang paglingap nito sa katagang "pag-asa". At tsaka kung iisipin pang mabuti,
hindi nito hinahayaang malapatan ka ng kahit katiting man lang na karimlan. Hindi
tulad ng buwan."

Lumingon na siya sa akin habang ako naman ang nakatingin sa alapaap. "Hindi sapat
ang liwanag na kanyang dulot para buhayin at mas panindigan ang katagang "pag-asa".
Kaya kung pag-asa lang ang usapan, araw ang mas sapat na panghawakan. Sa araw,
hindi ka rin mapapanglaw. Walang bahid ng kalungkutan. Ngunit tulad ng buwan, lagi
lang nandyan, tayo'y binabantayan, at hindi nang-iiwan. Lumubog man ito, alam rin
naman nating sisikat at sisikat ang araw. Sa buwan, hindi naman laging full moon.
Unlike sa araw, walang half-sun, walang quarter-sun. Ang araw na laging buo, hindi
katulad ng buwan na anumang sandali'y maaari kang mabigo. At higit sa lahat, hindi
ito tulad ng buwan na may kahati sa gabi, na kahati niya ang mga bituin sa
kalangitan. Dahil kapag araw o daytime, ito lang ang tanging nangingibabaw. Na siya
lang at wala ng iba. Ang araw na kayang-kayang sakupin ang kahit anong makamundong
kalungkutan."

Pagkasabi ko niyo'y biglang lumapit sa'kin si Enikka't niyakap ako. Ngumawa siya
habang nakahilig ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya
dahil sa mga sinabi ko o dahil nalulungkot pa rin siya sa sagot ko kaninang, "I'll
try. Sisikapin kong tanggapin ka bilang parte ng pagkatao ko" sa tanong niyang "Can
you accept me too?".

Hindi ko naman siya pinatahan sa pag-iyak. Ewan ko ba, pero parang gusto kong
nakahilig lang siya sa akin. Na nakapahinga siya sa akin. At gusto ko ring
naririnig ang boses niya. Hinimas ko ang ulo niya habang patuloy pa rin siyang
humihikbi.

"Mon-Mon.."

"Hmm?"
"Sana magustuhan mo na talaga ako." Bulong lang niya iyon ngunit narinig ko ng
malinaw dahil gifted akong malakas ang pandinig.

Walang pakundanga'y tila automatic na sumagot 'yung bibig ko. "Gusto ko ring
magustuhan ka, Enikka."

Nanigas ako sa kinauupan. I also stopped stroking her hair pagkasabi ko nun.
Hinintay ko naman ang reaction niya na either hyper na magsasalita ng, "Talaga?
Talaga? Talaga Mon-Mon?" or ang pagkayap niya sa'kin ng halos makasakal-leeg.

Few seconds passed pero wala. Sinilip ko ang muka niya't napagtanto kong tulog na
pala siya. Nakahinga ako ng maluwag. Kung sakaling narinig niya kasi 'yun, maraming
posibilidad na umasa siya, mag-assume, or mag-over think. I don't want to pressure
her. Lalo na't 'yung nasabi ko kanina'y wala naman talagang kasiguraduhan. I don't
even trust myself at a maximum level.

"Oh magsnack mun-."

"Shhh." Pagsensyas ko kay Lindrenne na pumasok dito sa balkonahe.

"Oops. Sorry." Nagpeace-sign siya't pumasok ulit sa loob.

For a moment, I emptied my mind. Walang iniintindi, walang iniisip, walang


pinoproblema. Na ang tanging alam ko lang ngayon ay payapa kong pinagmamasdan ang
payak na langit, at mayroong isang babaeng nakahilig ng mahimbing sa aking mga
bisig. I don't know if I should call this scene a one of a kind serenity or
serendipity.

Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang biglang may nagring. Hindi ko 'yon
ringtone kaya sa malamang ay kay Enikka ito. Kinuha ko 'yung phone niya sa bulsa.
Buti't hindi malalim ang bulsa niya kaya nakuha ko agad.

Si tito Dante tumatawag. Chineck ko ang oras, 8:13 PM. Hala! Hindi ko napansin ang
oras. Sinagot ko ang tawag at sinabing nakatulog si Enikka. Natuwa naman akong
kalmado ang tono ni tito. Binanggit ko ring pakakainin ko muna ng dinner si Enikka
bago iuwi sa kanila.

Ginising ko si Enikka, "Eni." Mukang nagulat pa ito nang maabutan ang sariling
nakatulog sa akin. Kinusot-kusot niya ang mata. "S-Sorry."

"'Yung tono mong 'yan, parang nahihiya. Hmm, si Enikka nahihiya na sa'kin?
Unbelievable." Ngumisi ako. "Okay lang 'yun. Gutom lang 'yan. Halika, may hinandang
hapunan si Lin. Pagkatapos, iuuwi na kita." I patted her head at tumayo na.

Umupo kami saa dining table at hinainan siya ni Lindrenne. "Now, eat." I ordered.

"Hala hala! Ang dami. Ang laki ng serve ng kanin at tatlong putaheng ulam. Waaah.
Ate Lin, hindi ko 'to mauubos." Matipid niyang pagpapanic. Natawa ako sa facial
expression niya. As always, Enikka, ibang klase ka talaga.

"Para sumigla ka. Sige na, kaya mo 'yan." Sabi ni Lin na katabi niya. Ako naman,
pumangalumbaba sa harap niya.

"Mon-Mon..." at tsaka siya nag-pout. Ang cute naman. Nung ano... nung reaction na
pag-pout. Yah. Right. 'Yun.

Tinitigan pa niya saglit 'yung plato niya pero nagsimula na ring kumain. Makalipas
yata ang halos bente-singko minutos ay naubos rin niya. Ang nangyari, parang ginawa
na rin niyang chaser 'yung tubig. Pagkasubo, nguya ng kaunti, tapos inom agad ng
tubig. Para lang maubos. Napailing na lang ako. Pero advantage na rin kasi naubos
niya.

Nagpaalam kami kay Lindrenne at bumaba na.

***

Nagkaroon ako ng pagkakataong imaneho itong bago kong kotse. Hmm, safe ito. Gusto
ko kasi, laging safe cars ang gamit ko. Para namang batang palinga-linga si Enikka
sa loob ng kotse.

"Ngayon ka lang ba nakasakay sa kotse? Hindi naman diba?"

"Gusto ko kasing siyasatin ang kotse mo. Gusto ko lang kabisahin."

"Bakit naman? Para san?" sabi kong nakatingin sa kalsada. Mahirap kasing ma-out of
focus 'pag nagdadrive.

"Wala lang. Gusto kong alam ko ang lahat tungkol sa'yo Mon-Mon. Para naman 'pag
magkasintahan na tayo, alam ko na ang mga bagay na makapagpapasaya sa'yo, mga
paborito mo, kung anong mga tipo mo sa isang bagay, lahat. Lahat ng pasikut-sikot
sa pagkatao mo. At lalo na, 'pag mag-asawa na tayo, 'pag nagtanong 'yung ibang tao,
ako na ang sasagot ng lahat. Dahil mas kilala na kita kaysa sa sarili mo." Sabi
niya habang naka-intertwined hands with matching malapad na ngiti at lively na
boses.

Naubo na lang ako sa lahat ng sinabi niya. Grabe. Sobrang napaka-advance lang? At
isa pa... mangyayari nga ba?

"Posible ba 'yun? Mas kilala mo ako kaysa sa sarili ko?" mahina siguro ang
pagkakasabi ko nun kaya hindi ako narinig ni Enikka. Busy siyang nakatitig sa sa
ulap nanaman.

Akala ko'y buong byahe na lang kaming mananahimik nang magsalita ulit siya.
"Mahilig ka rin pala sa heavenly bodies 'no?" Napakarandom talaga niya. Tumango ako
at ngumiti.

"Ako rin. Kung pwede nga lang hilingin na maabot ko sila. Masulyapan man lang ng
super lapit. Kaso, masusunog daw kapag malapit sa kanila diba. Aish. Hanggang tanaw
sa malayo na lang talaga ako." Sabi niyang humalukipkip at sinandal ang ulo sa
bintana.

Hindi ako sumagot. Kung alam mo lang Enikka, pwedeng-pwede mong makita ang araw,
buwan, at mga bituin ng sabay-sabay sa Fortress. Kung pwede nga lang sana kitang
dalhin doon at ipakita sa'yo ng mas malapitan ang mga 'yan. Napabuntong-hininga na
lang ako sa isip.

Narating namin ang kanilang bahay. Pumasok na siya sa loob at nagpaalam sa akin.
Hiningi niya ang number ko. Hindi na ako tumanggi pa. Parang number lang naman.

Pumasok ako ulit sa kotse't laking tinik sa baga kong naihatid ko siya ng matiwasay
ngayon. Kapag may nangyari nanaman sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Marami pa ring pwedeng mangyari. May mga kakayahan akong hindi ko alam na posible
pala. Baka mamaya, 'pag napahamak siyang muli, bigla na lang akong mag-evolve sa
monster dahil sa tindi ng galit.

Dumaan muna ako sa mansyon. Pagkatapos kong ayusin ang magulong hardi'y dumiretso
ako sa aking wizardry room.

Hindi na ako pwede pang manatili dito. Sigurado akong alam na nilang ito ang aking
pinaglalagian at ito ay aking teritoryo. Itong mansyong ito ang pang-apat pa lang
na pinaglipatan ko. Ngunit iba sa dating paglilipat ko, napag-isip-isip kong 'wag
nang dalhin pa ang lahat ng ito. Ang Soverlace, Ringlack, Elemental Girdle, Witted
Chapeau, Book of Spells, libro ni Blaite, bags ng mga dyamante, at 'yung mga bank
cards ko na lang ang dadalhin ko. 'Yun lang naman ang mahahalaga. Baka kasi may
makapasok, malaman pa niyang ibang nilalang ang naninirahan dito.

Dapat ay isasara ko na ng tuluyan ang silid, o sa madaling sabi'y, maglalaho na ang


silid na ito. Ngunit naisip ko si Kierre, baka dito siya dalhin ng portal. Paano
'pag naglaho na ito, baka hindi na siya makabalik. Hindi ko naman kasi napepredict
ang mga mangyayari.

Umalis ako sa mansyong dala-dala ang ilang gamit at tumungo na sa condo. Doon na
muna kami tutuloy pansamantala. Hindi ko rin alam kung mainam kayang maghanap ulit
kami ng bahay. Magmula rin ng makabalik ako dito, hindi ko pa nakakausap si
Lindrenne tungkol sa mga nangyari.

"So ibig mong sabihin, may umusbong kang bagong kakayahan na hindi na kailangan ng
spells, gamit lang 'yung dalawang marka, and then parang nawawalan ka na ng powers
dahil hindi gumagana kay Enikka ang Erase Spell? Parang contrasting naman. May bago
kang power tapos nawawalan ka ng power. Ano kaya 'yun?"

"'Yun na nga Lin eh. Ano sa tingin mo 'to? Posible bang maging mortal ako?"

Napatingin pa siya sa'kin ng ilang sandali. Nababasa ko naman ang iniisip niya. "Oh
ano, nabasa mo ang nasa isip ko 'no?" tumango ako. Iniisip niyang, kung sa buhay
nga ng tao, walang imposible, sa hindi pa kaya taong tulad ko.

"So it means, may powers ka pa rin. Palutangin mo nga ako. Or kahit anong spells,
basta wag lang Erase at 'yung delikado."

Umiling ako sa kanya. "Ayoko nang gumamit ng magic. Saka, kakalipat lang natin
dito, malalaman nanaman nila ang kinaroroonan natin."

Umiling rin siya. "Kahit pa hindi ka gumamit ng magic, kayang-kaya na nila ngayong
tuntunin. Hindi ko alam kung talagang ngayon lang nila nalaman kung pano ka hanapin
or sinadya nilang patagalin ang pagtugis sa'yo."
"Why would they do that?" nagkibit-balikat naman siya.

I sighed. "But going back, you think it's really possible na maging tao ako? Gusto
kong maging tao. I just realized it."

"I'm not giving you false hopes here but I have a feeling, possible naman. Tignan
mo nga akong guardian noon, naging tao."

"You have a point. Pero alam mo kasi, 'yung pahayag na "Anything is possible" ay
hindi naman constant. Halimbawa, ang kulay blue ay pwedeng maging violet kapag
hinaluan ng red. Second, ang failing grade ay pwedeng maging high grade kapag nag-
aral. Third, ang mahirap ay pwedeng maging mayaman. And all vice versa. Pero hindi
ba? Lahat ng 'yan ay dahil lang mayroong "paraan". Paano kung halimbawa, gusto mong
maabot ang mga bituin? Hindi ba't hindi posible ang mga 'yon? Hindi naman sapat na
sabihing mayroon akong mga kamay kaya kaya kong abutin ang mga bituin. Ang lahat ng
posible ay dala ng paraan na dala naman ng mga kakayahan."

"Naging philosopher ka ba noong unang panahon? Kulang na lang yata irecite mo


sa'kin ang mga fallacies at magbanggit ka ng mga syllogisms. Tss. Adik ka ba? Hindi
naman 'yung pag-abot ng mga bituin ang dapat mong halimbawa dyan. Dahil talagang
literal mong hindi 'yun mahahawakan. Ang pahayag na "Anything is possible" ay
hanggang sa kung saan lang ang kakayahan mo, kung hanggang saang posibleng
kakayahan mo lang. Para bang "Possibility for Possibility". Kung halimbawang tao
ka, hindi mo pwedeng hawakan ang bituin kasi hindi ka naman nakakalipad, hindi ka
rin heat-resistant na makakaiwas sa pagkasunog, tunaw, or whatsoever. At lalong
hindi mo kayang harapin ang sari-saring pressure sa labas ng Earth-walang gravity,
suffocation sa mga universal gases, danger sa mga nakaambang meteorites or comets.
Diba? At lahat ng 'yon ay dahil isa kang tao. At ang mga tao ay nilikha na may mga
limitasyon."

Tumigil pa siya ng kaunti dahil dire-diretso siyang magsalita. "If it's off your
limits, then it's not possible. But if it's within your limits, then you can do
anything possible more than you could ever imagine. Now, you get it?"

Natulala ako ng literal sa sinabi niya. How deep can she go? Tanong ko sa sarili
kong walang halong second meaning at green hazard. Tumango ako sa kanya na naiwan
pa ring lumilipad ang utak.

"And for your information rin Mr. Dyamante, ang pahayag na "Anything is possible"
ay isang makapangyarihang pahayag dahil kaya niyang baguhin ang buhay ng kahit
sino. D'yan pumapasok ang real thought ng statement na 'yan. Hindi lang sarili mo
ang apektado. If you're able to change someone else's life, then you're doing great
with the possibilities. Kaya 'yang iniisip mo kung pwede ba, pwede kaya... stop
thinking, and just go act like you're one. Mas angat ang isang may kapangyarihan sa
wala. Meaning, a wizard is a higher level than human. So, taking the worries far
far far away, someone who's a higher level with another is capable of being the
latter."

Napaatras ako kaya napasandal ako ng tuluyan sa sofa. "Can you not discombobulate
things out? Nagkabanggaan na yata 'yung neurons ko utak."

Humalakhak siya. "Pasimplehin natin, let's say you're number 1, I'm number 0.
Dumaan ka sa pagiging zero right? Mas mataas na ang value mo kaysa sa'kin. That
means you're capable. Another example..."
"Aish. May bahid pa rin ng komplikasyon ang examples mo. Ganito na lang, kunwari
mahirap ako noon. Isang kahid isang tuka, hanggang sa nagsumikap ako sa buhay kaya
yumaman ako. Napagdaanan ko na ang maging mahirap. I now have the world-I have
money and everything. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi na ako pwedeng maging
mahirap. Dahil sa pagkakamali ko lang, pwede akong bumalik sa sinasabi mong second
level na 'yan. Tama? Kaya, kaya kong maging tao, kasi mas mataas akong uri. Pero
ang follow-up question ko, napagdaanan diba? Eh ako, hindi naman. Minulat na akong
ganito. Number 1. Kaya hindi ko naranasang maging tao."

Nagbuntong-hininga siya. "Haay nako. Ewan ko sa'yo. Halughugin mo na nga si Kierre


at siya na lang ang kausapin mo. Ang dali dali lang isipin na "KAYA KONG MAGING
TAO. PWEDE AKONG MAGING MORTAL". Eh ikaw pinapahirapan mo pa ang sarili mo sa pag-
iisip ng mga tanong na "KAYA KO NGA KAYA? PAANO KUNG GANITO GANYAN? POSIBLE NGA
BA?" Haissh. Get a grip Diamond! Stop over-thinking! Gawin mo lang kung anong gusto
mong gawin, sooner or later makikita natin ang outcomes. Okay? Matutulog na ako.
Ikaw rin, nang hindi na nagbo-boxing 'yang mga brain cells mo!" sabi niya sabay
tayo't diretso sa kwarto niya.

Napailing na lang ako. She has the point. She always has. Guardians, such mind-
blowers.

Pumunta na ako sa kabilang kwarto't humiga. May pasok nga pala ng maaga bukas.
Haaay. School. Well, learning is indeed a lifetime responsibility.

Nagvibrate bigla 'yung phone ko.

[Unknown Number]

Mon-Mon! Hulaan mo kung sino ako dali!

Natawa ako sa text. Unang word pa lang, kilalang-kilala ko na. Enikka talaga.
Sinave ko ang number niya, saka sya nireplyan.

To: Enikkulet

Hmm. Ang hirap hulaan. I don't talk to strangers pero I want you to sleep right
now, kasi malalim na ang gabi. May pasok pa bukas. Goodnight, "kung sino ka man" :P

Ewan ko kung magsisisi ako o hindi sa nireply ko. Ang haba pala. I'm not the "long-
talk" type.

Fr: Enikkulet

Hala! Ang dali dali kayang hulaan. Ako ang pinakacute sa buong universe, pati na ng
lahat ng dimension! Osige po daddy, tutulog na po ako. Ikaw rin. Sana masundo mo
ako bukas. Joke! Joke lang. ^o^ Goodnight. 143. ^3^
143? Ano 'yun? Alam na niya ang age ko? Sa pagkakatanda ko 149 na ako. Nilapag ko
na 'yung phone ko sa katabing table ng kama at sinubsob na ang muka ko sa unan.

Matutulog na sana ako pero nagsiilawan nanaman ang mga bumbilya ko sa utak. Tamang-
tama, tulog sa mga sandaling ito si Enikka.

Dream Spell would be a good idea. Pumorma na ako para magconcentrate. Pagkayari ko
sa spell ay pumikit na rin ako.

Let's sleep well Enikka, while we're gazing the skies of my weird yet astonishing
dimension.

==========

Vote & Comment. 'Yan lang po pagkain ko dito sa mundo ng watty. Haha. <3
####################################
16 - Ang Itlog
####################################

Chapter Sixteen
Ang Itlog

Sa kaibuturan ng aming panaginip ay masaya naming pinagmamasdan ang magandang


kalangitan ng Magique Fortress. Gamit ang malinaw na ala-ala ko sa lugar na ito'y
nagawa kong ipasyal si Enikka. Inilibot ko siya sa Elemental Line ng Fortress-sa
Brown Hole, Crystal Falls, Crimson Underground, at sa Wingsen Tower. Naglalakbay
kami ngayon dito sa teritoryo ng mga pixie at sprite sa Wingsen, ang Pixie Lair.
Tuwang-tuwa namang nagtatatakbo si Enikka sa napakalaking hardin na punong-puno ng
naggagandahang bulaklak at halaman, mga punong kay hihiwaga ng mga bunga, at mga
fairies na itong maligayang nagliliparan sa paligid.

"Mon-Mon, tignan mo oh! Ang cucute nila! Pwede ko ba silang iuwi?" sabi niya habang
nakikipaglaro sa mga fairies. "Whoa! Ang cute cute mo! Anong name mo? Ako si
Enikka!" pagkausap niya doon sa isang nakaupo sa kanyang palad.

Lumapit ako. "Siya raw si Athia. At sabi niya, mas cute ka raw."

"Aww, sayang 'di ko sila niintindihan. Teka, sinabi niya 'yun? Baka ikaw lang
nagsabi niyan Mon-Mon ah!"

"Hindi ah! Bakit naman kita sasabihan ng cute eh hindi ka naman cute!" sabi kong
naging dahilan ng pagnguso niya. Nakita ko namang humagikgik ang mga fairies na
nakapaligid sa'min. Sinuotan tuloy nila kami ng flower crowns! Hay, kahit mga
fairies marunong mang-asar. Si Kierre kaya ang nagturo sa kanila? Speaking of
Kierre, maayos kaya ang lagay niya? I hope so.

Hinila ko siya sa kamay at sumakay na kami sa broomstick pabalik ng Cloud Castle.


Humiga kami sa mga ulap at nagsimulang mag-star-sun-moon-gazing. Magsimula yata ng
dalhin ko siya rito'y hindi na mapawi ang ngiti niya. Ang ganda tuloy ng view. Ahm,
ano, nung mga stars.

"Napakaganda! Parang abot kamay ko na sila." Tinaas pa niya't winagayway ang kamay.
"Ay Mon-Mon! Punta tayo doon. Hindi mo pa ako naitu-tour doon oh!" tinuro niya
'yung dalawang kaharian. "Anong tawag d'yan? Saan ka d'yan nakatira?"

"'Yan ang White Kingdom at Black Realm. Gustuhin ko man pero hindi pwede. Hindi pa
nga rin ako nakakapasok d'yan. I think I don't belong here."

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Dito ka kaya galing, ito ang tahanan mo, panong 'di ka
belong?!"

"May mga pagkakataon sa buhay na kahit tahanan mo na, hindi ka welcome. Kahit
magkauri na, hindi ka pa rin nababagay. At kahit wala kang ginagawang masama, hindi
ka exempted na kamuhian." Ngumiti akong parang okay lang ang lahat. "Life is fair
at being unfair."

Kumunot ang noo niya, "Ha? Teka, nakalog yata ang brain skull ko. Ha?"

Natawa ako sa reaksyon niya. Nahawa na yata ako kina Kierre at Lin na malalalim
magsalita. "Life is unfair to all. And that what makes it fair." Nakatingin pa rin
siya sa'kin kaya nilapat ko na lang 'yung point finger ko sa noo niya. "Don't
stress yourself to understand it. Tara na?" tumayo ako't tinulungan siyang
bumangon.

"Alis na tayo? Dito na lang ako titira!"

"Sira!" hinawakan ko siya sa braso. "It's time to wake up in this beautiful dream."

Nagising akong parang totoong nanggaling sa paglalakbay. May kapaguran man pero
masaya ang gising ko. I hope she feels the same. Time check, 5:32am. Since Friday
ngayon, 7:30 ang pasok namin. Bumangon na ako't nabutan kong nagsasaing na si Lin.

Napatigil siya bigla, "Oh? San ka galing? Ano 'yan?" nagtaka pa ako sa tanong niya.
Nginuso niya 'yung nasa ulo ko. Kinapa ko 'yun. Hala, 'yung flower crown. Paanong?

"Wait, gumamit kang spell 'no?" tumango ako. "Dream Spell?"

"Pano mo nalaman? Mind-reader ka na rin?"

"Nope. Halata kasi eh. First use?"

"Oo."

"That explains." Sinabi niyang tuwing gagamitin ang spell na 'yun, mayroon talagang
isang bagay na maiiwan bilang bakas ng ala-ala. Nabahala tuloy ako dahil siguradong
may flower crown din si Eni. Baka mabisto akong isinama ko siya sa panaginip ko.

"Akala ko ba 'di ka na gagamit ng magic? Anyare?" pag-usig niya sa'kin pagkaupo ko


sa dining table.

"Gusto ko lang naman kasing-."


"Pasiyahin siya." Walang bahid ng pang-aasar niyang sabi habang binabalatan 'yung
mga hotdog. Hihirit pa sana ako ng palusot nang magsalita ulit siya. "I thought you
wanted to be human."

"Oo nga! Gusto ko!!!"

"But how are you able to do that if you're good at being a wizard? Tignan mo, ang
paraan mo pa ng pagpapasaya ng iba ay gamit ang mga kakayahan mo."

Napakamot ako ng ulo. "Paano ba?"

"Manligaw? Aba malay ko! Try to ask Kierre once na makabalik siya. Or si Quendrix.
Saka sa mga teleserye, movies, books. Hindi ka ba talaga aware o nagtatanga-
tangahan ka lang?"

"Aray naman! Galangin mo nga ako or else-."

"Or else ano? Ano ha? Tss. Torpe ka lang Diamond."

"Hey! I'm not! Saka ano ba Lin! Hindi ako manliligaw. I'm just asking other ways on
making someone.. uh.. happy?"

"Utut! Ganun na rin 'yun. Pakipot!"

"Hey! You know I can't-."

"Anong pinagkaiba ng gusto mong pasiyahin ang isang tao sa panliligaw? Unless gusto
mong maging clown o entertainer ano po?" she rolled her eyes. Aba't!

"Calm down nga Lin.."

"Ewan ko sa'yo! 'Pag may dumiskarte pa kay Enikkang iba, iyak ka dyan! Bahala ka.
Pinapahirapan mo pa ang sarili mo. Konsultahin mo na lang ang BDO! May slogan
silang We Find Ways! Tsk tsk."

Pailing-iling niya akong nilayasan at sinalang na 'yung lulutuin niya. Grabe!


Pagkatapos namin siyang arugain ni Kierre, kakawawain niya ako. Nagtatanga-tangahan
daw? Torpe? Pakipot? Faaak.

Dumiretso muna ulit ako sa kwarto. Maliligo muna ako. Chineck ko ang phone ko't may
text nga si Enikka.

[Fr: Enikkulet]

Mon-Mon! May ikukwento ako sa'yo! Hindi ka maniniwala! Grabe! Napanaginipan kita!
Ah basta! See you mamaya ha! Good morning ^o^

[To: Enikkulet]

See you! Good morning too =)

Naihagis ko bigla 'yung phone ko sa 'matic kong naireply. Faaak! May smiley face
pa! Brr. Kakilabot. What the heck's happening to my system?

Sabay kaming pumasok ni Enikka. Sinundo ko siya sa bahay nila. Ewan ko kung anong
nakain ko. Siguro kasi ayoko lang mag-isa sa kotse. Lalo na kung kasama ko siya,
paniguradong 'di ako matutuyuan ng laway. Kwinento niya sa'kin 'yung napanaginipan
niya. Inamin ko namang ako ang may gawa. There's no point of hiding anyway.

Kinabukasang Sabado'y walang masayadong magandang nangyari. Bored ako sa buong araw
na klase. Buti na lang at weekends na. Nagyaya pa si Drix ng swimming sa bahay nila
pero napagpasyahan namin ni Enikka na tapusin na 'yung research namin sa Lit na
ipapasa namin by the end of the sem. Kaya naman, sabi niya tatapusin na lang rin
niya 'yung kanya.

Sa condo kami gumawa ni Eni. Gusto ko rin sanang isama si Drix kaso may mga bagay
na ngayon na hindi niya dapat malaman. Ang dapat na full-focus sa Research ay
naging story-telling. Sabi ko nga, wala na rin namang rason para itago kay Eni ang
pagkatao ko. Kwinento ko ang lahat-kung sino nga ba talaga si Diamond Gemlack-
Soverthell.

Lumipas ang Linggo't Lunes nang kay bilis. "Time flies when you're having fun" nga
ba, o "Time flies when you're busy"? Tinapos na namin ni Eni 'yung research.
Tinulungan ko na rin siya para mapabilis. Tungkol sa wizards 'yung akin syempre,
tungkol naman sa fairies 'yung kanya.

"Ano? Natapos niyo na research niyo? Baka ibang research ang ginawa niyo ah! Baka
mamaya, may Edmond Junior na kay-." Binatukan ng malakas ni Eni ang katabing si
Drix. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Tuesday na Tuesday, kung makapagpasada agad
ng asar.

"Joke lang Eni! Ang brutal nito!"

"Ikaw kasi eh. Ang green mo!"

"Woooh! Palusot."

"Tss. Oo, natapos na namin. Ikaw ba?" binalik ko na lang ang topic na research.

"Ah oo, konti na lang ang idadagdag ko. Dinugo nga ang utak ko eh. Nagpauso na lang
ako. 'Yung iba copy-paste. Tungkol san inyo?"

"Wizards."

"Fairies! Kasi kasing-cute ko sila." Sabi ni Eni. Kinurot naman bigla ni Drix 'yung
pisngi niya. Naubo ako bigla.

"Oops. Naks Ed ah! Bumabakod!"

"Quen ano ka ba. 'Wag mong pinepressure si Mon-Mon. Dadating din siya dyan. Diba
Mon-Mon?" tumingin pa siya sa'kin. Naiwas na lang ako ng tingin at sumubo ng kanin.

"Joke lang. Alam ko naman." By the tone of her voice, parang nadisappoint sa ginawa
ko. "Ahm, Quen, tungkol san iyo?" pagbaling niya kay Drix. Aish. Ano bang dapat
kong gawin sa sitwasyong ganito? Napasama ko ata ang loob niya.

Sumipol naman si Drix. "Hmm, sa monsters." At ngumiti ito sa kanya.

"Grabe ka. Sadista ka talaga."


"Parang ikaw lang." at nag-bleeh ito kay Eni. Tumahimik naman pagkatapos ng
conversation na 'yun. Wala akong masabi. Kainis.

"Kayo ngang dalawa, tama na LQ. Lagi ko pa namang dinadalangin na langgamin kayo
lagi sa kasweetan. Saka, I think you should date."

"DATE?" duet namin ni En.

"Yep. You. Guys. Should. Start. Dating. Spread the love!!!" humalakhak pa ito.
Umiling na lang ako. Hindi ko naman magawang tignan si Enikka. Parang nao-awkward
ako. This is bad.

Natapos ang aming klase at papauwi na kami ni Eni. Tahimik lang siya buong byahe.
Hala, galit kaya 'to? Nahihiya o ano?

"Uy. Ayos ka lang?" bahagya siyang napatalon sa kinauupan. "Ah. O-oo. Ayos lang."
saka siya pilit na ngumiti.

Nagdrive na lang ulit ako. Wala talaga akong maisip na topic. Aish! "Ahm.. Eni.
Wala ka bang sasabihin?" Faak! Ang fail nung tanong ko.

"Ikaw Mon-Mon, wala ka bang sasabihin?" Faak! Ang epic din nung tanong niya. Wala
akong maisagot.

Napabuga ako ng mabigat na paghinga. Bahala na nga! "Should I answer that with an
answer or a question?" Bahala na talaga!

"Ha?"

Iginilid ko muna sa tabi 'yung kotse't tumigil. Baka kasi maibangga ko 'to 'pag
pinagpatuloy ko ang pagdadrive habang ito ang topic namin.

"Should we date?"

Pagkasabi ko niyo'y parang tinangay ng hangin 'yung mga paa't kamay ko. Umigting
'yung bagang ko't tila napuwing 'yung mga mata ko. Define UNEASY. Nakita ko namang
panay ang pagkurap ng mga mata niya sa aki't parang halong naiiyak na natutuwa ang
ekspresyon.

Tumango-tango siya. I bet she's out of words too. Pero maya-maya'y tumungo. "Mon-
Mon, okay lang naman. Alam ko namang napipilita-."

"Starting tomorrow hatid-sundo na kita. Please inform your parents. I'll inform
them too. Then, I'll visit your house during Mondays. Or should I visit too on
Sundays? Pero I don't want you to have a lesser time with your parents so, Mondays
na lang 'no? Ayokong pupunta ka mag-isa sa condo ni Lin. Kapag may problema, text
me or call me. Kapag hindi kita kasama 'wag kang sasama kung kani-kanino,
especially boys. Kay Drix lang, I trust him, but please... no physical attachments.
Okay lang na magpaakbay ka sa kanya pero count 10 seconds. Kapag lumagpas, ihagis
mo 'yung kamay niya. No eye contacts rin with him, magbilang ka ng 5 seconds naman
for that. Eye contacts are dangerous. Eye contacts aren't different from touching.
Baka mamaya maakit mo pa si Drix. Then, 'wag ka na ring magdala pa ng wallet. I
won't let you spend a single penny on everything. And hey, miss Tagle, ayoko ring
nakikita kang nakasimangot at malungkot. Please observe smiling all the time. And
please, be good to me. Hmm, what else. Aish, I'm not good at this."

Natulala naman si Eni sa dire-diretso kong pagsasalita. Maging ako ay nahiya sa


pinagsasabi ko pero hindi ko na mababawi ang mga 'yon. Wala rin akong balak na
bawiin 'yon. "Ah! I'm not a "hearts and flowers" type but, what's your favorite
flower? Are you fond of chocolates? Jewelries? Please tell me. I want to know it
all." Hindi pa rin umiimik si Enikka at tutok na tutok lang ang titig sa akin. Para
bang hindi pa talaga siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

Hiyang-hiya na rin ako sa sarili ko kaya pinaandar ko na lang ulit 'yung kotse.
Buong byahe ang abnormal ng pakiramdam ko, habang siya'y nastuck na yata ang titig
sa akin. Narating namin ang bahay nila ng nakaganun lang siya.

"Eni? Enikka... nandito na tayo." Sabi ko sa kanya pero tulala pa rin siya sa'kin.
Grabe! Ano bang gagawin ko? Kung paiiralin ko rin ang pagkahiya, walang mangyayari
sa'ming dalawa. Awkward forever.

Pinitik ko siya sa ilong at sa wakas, gumalaw rin siya. Magsasalita pa sana ako
pero bigla niya akong hinalikan sa noo, ilong, at dalawang pisngi. "Oo. Sige.
Magdate tayo. Bye. Ingat ka." Aligaga niyang sabi saka nagmadaling nanginginig na
lumabas ng kotse ko.

Tumakbo siya sa loob ng bahay nila't kumaway sa akin na ngiting-ngiti. Tumalikod


siya't sinara ang pinto nila. Narinig ko ang pagtili niya. Pasigaw-sigaw pa siya ng
"YEHEY". Akala niya 'di ko naririnig ah. Natawa na lang ako at pinatakbo na ulit
ang kotse.

"DATE? Niyaya mo siyang mag-date? Whoa! VERY GOOD! Pangtao 'yan Mond!" pang-aasar
ni Lin pagkarating ko sa condo.

"Tss. Tulungan mo nga ako."

"Okay. Tara't mag-meeti-." Natigil kami bigla nang may kumalabog sa kitchen.

Nagmadali kaming tumungo roo't naabutan namin si Kierre na nakahandusay. Butas-


butas 'yung damit niya, at hindi maayos ang itsura niya.

"KIERRE! Gumising ka!" tinampal tampal namin siya ni Lin at laking pasasalamat ko
namang nagkaroon na siyang malay. Bumangon ito habang hawak-hawak 'yung ulo niya.
"Ang sakit ng ulo ko."

"Kierre!!! Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Sinong gumawa nito sa'yo? Bakit ang
dungis mo?"
"Sino ka?" parang tumigil bigla ang paggana ng utak ko at walang ibang salitang
alam kundi... "ANO???"

"Joke lang! Namiss kita Dia!" sabay halakhak niya. Sabay tuloy namin siyang
nabatukan ni Lin.

May nilabas siya sa bulsa niya. Isang itlog. "Oh! 'Yan ang kasagutan sa matagal mo
nang katanungan sa buhay."

"Ano 'to?"

"Itlog nga!"

"Anong gagawin ko dito?"

"Baka iinumin! Malay ko ba dun sa gansang 'yun! Sabi niya 'yan daw ang sagot eh.
Bubuksan ko na nga sana doon, pero sabi niya, ikaw daw ang dapat na magbukas.
Buksan mo na."

"Pano ba buksan 'to?" nagkibit-balikat si Kierre. Muka namang nag-iisip si Lin.

Kumuha na ako ng isang mangkok at binuksan 'yung itlog. Ayokong lagi na lang akong
aasa ng sagot sa guardians. Kailangan ko rin namang matuto.

At mula doon, may nabuong mga salita.

You know you found your heart when you already act like you have one.

####################################
17 - Acceptance
####################################

Chapter Seventeen
Acceptance

Nag-abang pa kaming tatlo ng ibang mga salitang mabubuo mula doon ngunit wala ng
iba pa. Isa iyong sagot na puno pa rin ng mga katanungan.

"'Yan lang?" ani Lin.


"Anak ng kalapating uwak! Mapiprito ko talaga 'yung gansang 'yun 'pag nakabalik
akong Fortress! Alam niyo ba ang hirap na pinagdaanan ko makarating lang sa
kinaroroonan ng Golden Goose na 'yan?" makadamdaming sabi ni Kierre na nakahawak pa
sa dibdib niya at ang muka'y parang nasa isang acting workshop na nagsasanay ng
pag-arte. Sa lagay niya, para siyang isang palaboy na kinawawa-madungis, sira-sira
ang damit, gulo ang buhok, at parang nabugahan ng itim na usok. Boy version rin ni
Sisa, pwede.
"Shh. 'Di kami interesado. Nag-iisip ako." Pangbubwisit niya kay Kierre.
"Hindi! Hindi ako papayag na hindi niyo alam ang nangyari sa'kin! Hindi ako
papayag!!!" humawak pa siya sa ulo niya't pailing-iling na parang malapit-lapit
nang mabaliw. Ano nga bang nangyari't ganyan ang kinahinatnan niya?
Lumapit ako sa kanya't hinawakan sa magkabilang balikat. "Huminahon ka muna Kierre.
Inhale, exhale. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa'yo o matatawa. Lin, kunin mo
nga 'yung camera. Kelangan may remembrance tayong minsan nang naging gusgusin itong
si Kierre."
"Dia naman! Pambihira! Nagpakasasa ako sa sakripisyo doon tapos..."
"Joke lang! 'To naman. Syempre nangingibabaw ang pasasalamat ko sa GG ko diba? Pero
bago pa tayo magdrama dito, umupo ka muna. Saka mo ikwento sa'min." Pagkalma ko sa
kanya. Kung sisiyasatin kasi ng maiigi si Kierre, mababagtas mo sa kanya ang pagod
at stress.

Kailangang maging attentive listener kami. Hindi sa gusto kong pakinggan lang ang
saloobin ni Kierre, gusto ko rin kasing malaman kung ano nga ba ang nangyari. Kung
matatandaan ko, isang linggo yata siyang nawala.

Nagsimula na siyang magkwento. "Ayon sa mapang binigay ni Sefrie-."


"'Yung Fire Faerie?" pagsingit ni Lin.
"Oo, 'yung first love ko."
"Tss. Tuloy na!" Kailangan talagang ikabit 'yung pagiging first love niya kay
Sefrie?
"Matatagpuan raw ang Golden Goose sa isang lake sa Crystal Falls. Tinungo ko iyon,
akala ko'y magiging madali lang pero nagkamali ako. Ang Reverse Lake ay nasa Depth
Whirl."
"Hala! Mahirap makalagpas doon ah? Unless water creature ka."
"Kaya nga. Tapos ang Depth Whirl pa ay ang huling destination sa Crystal Falls.
Paikot ang mga yamang-tubig. Unang layer ang dagat, sunod paloob ang ilog, tapos
isang lawa, tapos sa gitna, 'yung falls. Parang target circle ang itsura. At 'yung
Depth Whirl, nasa loob ng talon. Sa tuktok pa naman non nakatira si Gwen, ang Water
Naiad, kaya kitang-kita niya ang lahat na magsusubok pumasok."
"Parang ayoko nang marinig pa ang kwento mo. Baka mamaya, kaya pala sira-sira 'yang
damit mo ay dahil sa mga mermaids, o di kaya nakipagsagupaan ka pa water dragon.
Hindi ko kakayanin." Paghawak ko pa sa dibdib ko, pang-asar lang.
"Neknek mo Dia! Makinig ka. Gusto kitang konsensyahin kaya ko 'to kinukwento."
Aangal pa sana ako pero nagpatuloy na siya. "Ang nangyari, bumalik ako sa Crimson
para humingi ng tulong kay Sefrie. Yaman lang din namang bestfriend niya si Gwen,
sinamahan niya ako sa boundary ng Crimson at Crystal. Kinausap niya si Gwen na
patawirin ako. Kaya 'yun nakarating ako sa Depth Whirl ng walang kahirap-hirap."
"Hay nako, nag-aksaya lang tayo ng oras pakikini-."
"Hindi pa kasi tapos. Pagkarating ko doon, wala akong choice kundi tumalon sa Depth
na paikot-ikot. Halos makapusan ako ng hininga sa pagkalunod."
"Ang OA mo. 10minutes lang naman halos ang pagtagal mong paikot-ikot dun eh."
"Oh! Biruin mo 'yun! 10minutes akong nalulunod! Tsk. Oh eto na nga, nakaligtas ako
dahil gwapo ako. Oh teka joke lang!!! So 'yun na nga, naabutan ko ang Reverse Lake.
Nagtaka pa ako nung una dahil wala akong makitang lawa. Lupa ang natatapakan ko,
inabot yata ako ng isang araw paglalakad-lakad sa malawak na lupaing 'yun,
hinahanap ko yung lake. 'Yun pala, pabaliktad. Bumalik ako sa pinanggalingan ko sa
may bukana nung Whirl, pagsilip ko sa ilalim nung lupa, mistulang nalalutang 'yung
tubig. As in literal na nakabaliktad. Kung ilalarawan dito, kunwari nasa kisame
tayo at nakabaliktad."
"Natural! Oo alam namin. Kaya nga Reverse eh. Nagsayang ka ng araw sa paghahanap
lang nung lawa! Grabe! Mas madalas ka talagang shunga 'no?" sabi ni Lin sa kanya.
Natatawa na lang ako sa pag-aaway nila.
"Oo na! Ikaw na magaling! And then, nanawagan ako sa mahiwagang gansa. Kulay black
ang tubig ng lake na nakabaliktad. Nanatili lang ako doon sa lupa sa ibabaw,
nakaupo na nakasilip sa ibaba. Kapag pumunta kasi ako, natural mahuhulog ako.
Nakakainis lang 'yung nagpauso ng lawang 'yun. Nagtawag ako nang nagtawag ng gansa,
walang lumilitaw parang nice talking lang. Kaya ang ginawa ko, binanggit ko ang
pangalan ni Dia. Biglang sumulpot 'yung golden goose na hindi naman kulay gold,
kulay silver siya. Ang liit liit niyang gansa, pero ang laki ng boses. Ang paraan
pala para makausap siya ay kailangan kong ilubog ang mga paa ko sa tubig ng lawa.
Kaya ang nangyari, gamit ang mga halaman sa ilalim, magic na tinali ang mga paa
ko't binitin akong patiwarik. Hanggang tuhod ko lang 'yung tubig. Pero sobrang
hirap pa rin, hindi nga ako nalulunod pero parang lumuluwa naman 'yung utak ko kasi
nakabitin akong patiwarik."
"Kawawa ka naman pala." Panggagatong pa ni Lindrenne. Humalakhak kami pareho.
Hindi naman iyon pinatulan ni Kierre. "Sinabi ko ang mithiin ko't pakay sa kanya.
Sinabi ko ang tanong ng buhay mo Dia. Kung na kanino ang puso mo. At paano ba
malalaman kung na kanino. Pero ang walanghiyang gansang 'yun, nagbigay pa ng
palaisipan sa akin. Kapag hindi ko raw 'yon nasagot, hindi niya rin sasagutin ang
tanong ko."
"K. Continue."
"Ang tanong niya, "Kung bibigyan ka ng mapa, salamin, at compass... alin d'yan ang
gagamitin mo para makita ang hindi mo nakikita nang buo kapag tumitingin ka sa
paligid?" Dinugo ako d'yan. Alam kong gifted akong matalinong gwapo pero parang
pumilipit ang utak ko sa tanong, dagdag pa na nakapatiwarik ako. Ang hirap lalo
mag-isip." Napaisip rin ako sa tanong. Ano nga ba?
"Teka wait..."
"Tss wag niyo nang isipin kasi nasagot ko na 'yan."
"Sige nga ano?"
"Secret. That's for you to find out, and for me to keep." Ah ganun! Tumingin ako ng
diretso sa mata niya't sinubukang basahin ang nasa utak niya.
"Wala kang ibang mababasa dyan kundi salitang "Secret". Sa tingin ko kasi, it's a
good question for you Dia. And Lin, 'wag mo nang isipin ang sagot. Baka mabasa pa
ni Dia. Itutuloy ko na ang kwento. Pagkatapos kong sagutin, after ilang oras ng
pag-iisip, nagkulay ginto agad 'yung gansa at sumulpot bigla ang isang lumulutang
na itlog. Sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo at iyon na ang sasagot sa lahat ng
tanong mo. Bumalik ako kay Sefrie para naman humingi ng tulong pabalik dito. At
dahil sa apoy lang niya mabisang gawan ng paraan ang pagbabalik ko, sa apoy ng
niluluto ni Lin nga ako sumulpot. Kaya para akong mag-uuling ngayon at nausukan."
Pumalakpak bigla si Lin. "Naks! May silbi ka pala talaga Kierre! Galing! Pero 'yung
sagot talaga nung itlog eh, may kapalpakan pa rin."
"Wala eh. Akala ko pa naman, pangalan ng tao ang sagot na ibibigay niya. Paasang
gansa! Nagpakahirap pa naman ako."
"Mabuti pa, Lin, paliguan mo muna si Kierre." At gaya ng inasahan, napasigaw si Lin
at ngiting-hayup naman si Kierre.
"Teka! Meron naman siyang malay bakit ko siya paliliguan?"
"Ikaw nga baliw ka nung pinaliguan kita eh! Mas mahirap 'yun! Tapos ang pangit pa
ng itsura mo. Eh ako, madungis lang pero gwapo pa rin. Choosy ka pa." I smell World
War.
Natripan ko namang kampihan ngayon si Kierre. Minsan lang naman eh. "Oo nga Lin.
Saka pakigamot na rin 'yung mga sugat niya. At tignan mo 'yung mga kamay niya,
swollen. Mahihirapan siyang magkuskos ng katawan."
"The F? Edi 'wag siyang maligo!"
"Oo! At 'wag ka na rin tumira dito! Kapag ikaw nainlove sa'kin, HA! Tatawanan pa
kita!" ganti ni Kierre.
Akmang magrarambulan na 'yung dalawa nang pigilan ko. "Lindrenne? Kierre? Lakas
niyo lang maka-Teenager ah? Matatanda na kayo para maging immature!"
"Nagsalita! Sino kaya d'yan ang hindi marunong manligaw at nagmumurang-kamatis?"
"Hey hin-."
"Tss. TARA NA NGA KIERRE! BILISAN MO D'YAN! Subukan mong magsalita habang naliligo,
lulunurin kita sa bath tub!" yamot na padabog na naglakad si Lin tulak-tulak sa
likod si Kierre. Kumindat pa 'to sa akin. Natawa na lang ako.

Ang totoo niyan, gusto ko rin kasing mapag-isa para mapag-isipan 'yung sagot ng
gansa.
You know you found your heart when you already act like you have one.
Malalaman ko raw na natagpuan ko na ang puso ko kapag kumikilos na akong parang
mayroon na ako nito. Kakaahon ko nga lang sa malalalim na pag-iisip, kailangan ko
nanamang sumisid. I just want to have a simple life but complications are the ones
entering. Nakakasawa. Siguro nga lahat ng simple ay dumadaan sa komplikasyon. Is
that even a good alibi?

Tapos ngayon may dumagdag pa. Kung bibigyan ka ng mapa, salamin, at compass... alin
d'yan ang gagamitin mo para makita ang hindi mo nakikita nang buo kapag tumitingin
ka sa paligid?
Ayoko na sanang pag-isipan ang tanong na 'yan kaso parang may nagtutulak sa'king
alamin ang kasagutan. Tulak ng subconscience marahil? Sabi pa naman nila, sometimes
one should try not to understand some things, yet better just accept it. Acceptance
daw. Eh may katanggap-tanggap ba sa tanong na 'yan, eh mukang wala naman. Kailangan
talagang sagutin. Pero sa ngayon, ipagpapaliban ko muna. Nakakastress sa
kagwapuhan.

Nagvibrate ang phone ko sa bulsa't alam kong si Eni agad iyon. Sinagot ko ang
tawag.
(Hi.) pambungad ko agad.
(Hello.) shet. Magkahiyaan pa rin ba kami? Akala ko labas na sa stages ang hiyaan.
(Uhm, kumain ka na ba?)
(Hindi pa. Sa mga sinabi mo pa lang kanina, busog na ako Mon-Mon. Ikaw? Nasaang
parte ka ng condo? Anong ginagawa mo?) humalakhak ako sa mga cute niyang
pagtatanong. Daeff. Ito ba ang sinasabing "kilig factor" ng kalalakihan? Natatawa
at parang walang bukas kung makangiti. Kasi ganun 'yung nangyayari sa'kin ngayon.
(Eni, kumain ka pa rin. Ako naman, hindi na yata ako makakakain ngayong gabi dahil
pinuno mo ng halik 'yung buong sistema ko. Nasa kusina ako ngayon, kausap ka.
Kumain ka na, Eni.) narinig ko ang impit niyang tawa.
(Sir yes sir! Magpapakabusog ako para kayang-kaya pa kitang busugin ng pagmamahal
ko. Hahaha! Babye Mon-Mon!) at saka binaba na niya ang tawag.

"AHUM! AHUM!" nagitla ako sa biglang pag-ubo nina Lin at Kierre na maayos na ang
itsura. Ngiting-ngiti 'yung dalawa. Malamang ay narinig nila ang phonecall namin.
Tss.
"Musta ligo?" pang-aasar ko sa kanila.
"Ikaw? Musta lovelife?" saka sila nagmadaling dinaluhan ako dito sa mesa. Hotseat
nanaman?
"Game! Let the meeting begin! Unang arangkada, napakasimple pala ng pag-analyze
doon sa sagot ng gansa." Sabi ni Kierre.
Naghintay kami ni Lin. "'Diba nakakaramdam ka na ng intense na kaba? Gulat? Takot?
Lungkot? At iba pa? Tapos nagkakaroon din ng kabog sa dibdib mo na parang may
pumipintig na puso? Then that's it! Dahil umaakto ka nang parang mayroon kang puso,
ibig sabihin... natagpuan mo na ang heart-heart mo Dia!" and he arrowed his
eyebrows up and down.
"And then?" sabi ko.
"'Yun na nga! Natagpuan mo na 'yung heart mo kasi you act like you already have
one. You already found your missing heart."
"Eh nasaan?" pagtatanong ni Lin.
I sighed in relief. It means natagpuan ko na nga. Ang problema na nga lang, na
kanino.
"Yaan na natin. Diba napag-usapan na nating hindi ko na aalamin pa kung nasaan. Ang
mahalaga alam nating natagpuan na. Kung para sa akin man talagang malaman kung
sino, malalaman at malalaman ko din naman."
"Sabagay. Pero eto, ang tagal kong nawala. Chika naman d'yan. Anong stage na? May
nalagpasan na bang base? First base? Second? Sukdulang base?" Tsismosong
pakikiusyoso ni Kierre.
"Dirty mind! Tss. Niyaya na niyang magdate si Enikka!!!"
"Mahal mo na 'no? Don't look at us like you're asking if it's possible. Of course,
posible na nga diba. Kasi you have a heart. You should know that matagal na. And
hindi puso ang nagmamahal, it's still in the mind that loves. Kumbaga, result of
reactions lang ang mabilis na pagpintig ng puso. Ganun lang 'yun. Kaya starting
from this day, 'wag mong gawing rason ang puso." - Kierre.
"Tama. At kung may nararamdaman ka na nga talaga sa kanya, 'wag kang matakot o
mabahala. Ipagpatuloy mo lang dahil magandang simula 'yan ng pagiging tao. Kung
iisipin mo man na parang ang bilis mo naman yatang mainlove, hindi 'yun masama.
Mayroon ngang sa unang pagkikita pa lang, alam na nila agad na para sila sa isa't
isa. Ganun sa pag-ibig, may mga bagay na dapat pinapakawalan at mayroon ring dapat
hinihigpitan ng hawak. But it your case, it's the latter." - Lin.
"Saka meron pa ngang iba na naiinlove sa pinakahindi inaasahang pangyayari. Kahit
nga sa mga instances na akala mo imposible eh. Mantakin mo 'yun, ang tagal mo nang
nabubuhay pero ngayon ka lang nakaramdam ever ng ganyan. Diba? It's a sign na
napapanahon na para ika'y magmahal ng dalisay. Naks! And last but not the least,
Dia suportado ka namin." Nag-apir pa 'yung dalawa na parang kanina lang ay
magkabangayan.

Inabsorb kong maiigi ang lahat ng sinabi nila. Tama sila, I should pursue this.
Dahil kung ako ang tatanungin, parang ngayon lang nabigyan ng ibang sigla ang buhay
ko. Iba nga yatang talaga ang kapangyarihang hatid ng "pag-ibig" na 'yan.

Pumunta naman si Lin sa kwarto. Lumabas siyang may dalag notebook at ballpen.
Binigay niya 'yun kay Kierre at nagkindatan 'yung dalawa. Wow, vibes ah?
Nakita ko naman ang sinulat ni Kierre sa notebook:
Fundamentals of Courtship
P.S. - 'Yung pantao.
Subject/s: Mond & Eni
Object/s: Nag-lalagablab na Pag-ibig sa isa't isa, flowers, hugs, (dadagdagan pa)
Plans: (paplanuhin pa lang)
"GAME! Eto na. Bago ang lahat, ito na ang jackpot question. Will you, Diamond
Gemlack-Soverthell, accept Enikka Dara Tagle to be your soon-to-be-lawfully wedded
loved one for as long as you both shall live?" pag-aacting pa ni Kierre na parang
pari. Muntimang. Humalakhak na lang kaming tatlo.
Binulungan pa ako ni Lin, "Remember the magic word Mond! It's ACCEPTANCE."
Umubo ako ng peke at ngumiti sa kanilang dalawa. "I do."
####################################
18 - Love Feels
####################################

Thankyou po sa lahat ng sumusubaybay. Hindi ko kayo mapasalamatan isa-isa pero


super thanks to the maximum level! Haha! Salamat rin kasi nagugustuhan ninyo ang
Fantasy genre. :) I appreciate the votes at nakakatuwang comments. Lovelots to the
stars and around! (nye :D) Keep the support! *flying kissable kisses*

==========

Chapter Eighteen
Love Feels

Pagkaraan ng ilang linggo'y wala namang kakaibang nangyari. At sobra ko 'yong


pinagpapasalamat. Nakakapagtaka man pero pinagkikibit-balikat ko na lang dahil
nagpapakasaya ako sa buhay kasama si Enikka. Ang cheesy lang pero it feels like
heaven!

Ngayon ay finals week na namin. Hindi ko pa yata naenjoy ang pag-aaral, ngayon
lang. May anghel ka ba namang palaging nand'yan sa tabi mo, ewan ko na lang kundi
pa lumutang ang pakiramdam mo.

Napag-aralan ko naman na ang lahat ng ito kaya minabuti kong tulungan na lang si
Enikka sa mga aralin. Sabihin na nating nasa ligaw stage pa rin kami. Ehem.

Natapos ang exams at klase namin kaya nagyaya si Drix ng party sa bahay nila. Tutal
mag-isa lang siya dahil nasa states pa ang parents niya at 'yung girlfriend naman
niyang umuwi ngayong buwan dito'y humingi sa kanya ng closure. Daing pa nga niya sa
amin ng araw na 'yon, "Umuwi lang para hiwalayan ako" at saka ito umiyak sa harap
namin ni Eni. Hindi namin mapigilang bigyan ng simpatya si Drix kaya nilibang namin
siya sa ibang bagay nung mga nakaraang araw. Ipinalangin ko nga na sana'y hindi
iyon mangyari sa'min ni Enikka. Hindi pa man kami, pero siyempre... we're getting
there.

Nung araw na 'yun rin ako nakasaksi ng live na pag-iyak ng isang lalaki dahil sa
kanyang minamahal. Totoong kung gaano kalakas ang impact ng ika'y mainlove, doble
pa ang lakas ng impact kapag ikaw nama'y iniwan... dahil masakit.

"Wooooh! Sembreak na!" sigaw ni Drix sabay talon sa pool. Kami ni Enikka'y busy
naman pag-iihaw. Ang iba naman naming kaklase'y naroon din at nagsisipaglanguyan
na. May tugtugan rin, party'ng party talaga.

"Mon-Mon, nasan na daw sina ate Lindrenne?" ininvite na rin ni Drix 'yung dalawa
tutal medyo malaking party rin naman ito't nagkakila-kilala na rin naman sila nina
Kierre noon.

"Papunta na daw sila. Gusto mo na ba magswimming?"

"Tapusin lang natin 'to. Mauna ka na magbihis?" nakauniform pa kasi kami.

"Sabay na tayo." Saka ako ngumiti sa kanya. Grabe, teenager feels talaga ang drama
ko ngayon. Ano 'yung term na sabi ni Kierre? Inlababo daw. Tss.

Natapos ang pag-iihaw kaya nagbreak muna sila sa pagsuswimming at kumain. Kami
naman ni Eni'y pumasok muna sa sala para kunin 'yung gamit at magbihis.

Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Eni 'yung I.D. kong kakasilid ko sa bag.

"ENI!"

"HALA!!! HAHAHAHA!" at nagsimula na siyang tumakbo palayo sa'kin na nakataas pa ang


braso para 'di ko maagaw 'yung I.D. Para namang hindi ko siya kayang abutin, pero
habulin, ang hirap.

"ENI! Akin na 'yan kasi."

"Edmond Emerald? Whoaaa! Ang cute cute! Bakit ngayon ko lang nalaman 'to! Ang
daya!" tawa pa rin siya nang tawa habang ingat na ingat naman akong naghahabol sa
kanya. Baka kasi may mabasag na vase dito kila Drix. Aish! Eni talaga oh!

"Huli ka!" wala akong choice kundi ang yakapin siya patalikod. Pero kahit ganun,
walang epek, tawa pa rin siya nang tawa. Aish! 'Di ba siya marunong kiligin? Sabi-
sabi 'pag niyayakap ang babae, kinikilig.

Sa pagkakayakap ay bigla siyang humarap sa'kin. Nilingon ko 'yung kamay niya pero
wala na dun 'yung I.D. ko. "Hi Emerald!"

"Nasan na?"

Ngiting-ngiti pa rin siya sa'king nang-aasar. "Secret!"

"Eni, where is it?" inemphasize ko 'yung bawat salita.

"Nasa loob ng bra ko. Sige kunin mo. Bwahahaha! Emerald! So cute!" kinuha niya
'yung I.D't saka biglang tumakbo ulit. Aish! Anak ng makulit naman talaga oh-oh!

Pwes! Hinabol ko ulit siya pero sa pagkaligalig ay bumagsak kaming dalawa sa sofa.
Nakahawak ako sa dalawang braso niya't... nakapatong. Oh sh*t!

Nanlaki ang mata ni Eni. Muka sa muka kami tuloy ngayon. Ayoko nang imagine'nin
'yung pwesto namin. Pero bago pa ako makabago'y may nagsigawan na sa sala.

"Wooooh! ANG BILIS NAMAN NIYAN ED! Eni, yari ka kina tito Dante! Pero 'di ko kayo
isusumbong! Wahahaha!"

"May kwarto!"

"Quen pare, doon mo nga sila sa kwarto mo. Malaki 'yun diba?"

"Oh my gaash! Bagay na bagay talaga kayo!"

Mabilis kaming bumango't tumayo ni Eni. Nagkakaiwasan pa nga kami ng tingin. Sina
Drix nama'y pakindat-kindat pang nalalaman.

"Mali kayo ng iniisip. Tumakbo kasi siya kaya-."

"'Wala nang explain explain! Haha! Saka okay lang naman, nakita namin kayong
naghahabulan dahil sa I.D.? Bakit ano bang meron sa I.D. ni Ed?" lumapit siya kay
Eni na tumingin agad sakin. Napalunok ako. Syet.

Tinago ni Eni sa likod niya 'yung I.D. ko pero mabilis na nakuha ni Drix.
"Emerald?" ngumiti ito bigla't nagsisunuran sa likod niya 'yung iba. At ano pa nga
bang aasahan, humalakhak sila't inasar ako. Tss. Ano naman kung Emerald ang name
ko? Big deal ba 'yun? Pero heto ako't matagal ring tinago sa lahat ang second name
ko. Kaloko.

Hinawakan ako sa kamay ni Eni. "Sorry. I'm sorry. Hindi ko si-."

I touched her lips with my point finger telling her that it's okay. Umakbay ako sa
kanya't hinimas ang ulo niya't hinilig sa'kin.
Dumating na sina Kierre kaya nagbihis na kami't umambang magsuswimming na. I never
took my eyes off her kasi naka-two piece lang siya ngayon. Ayokong iwalay ang titig
ko sa kanya hindi dahil sa halay kundi ayokong may babastos sa kanya. Idiniin ko
ngang mag-shorts na lang siya at sando pero sabi ni Lindrenne alam naman ng lahat
na nililigawan ko si Eni at 'wag masyadong sakalin si Eni sa mga ganitong maliit na
bagay. And she's a grown-up na rin daw naman.

Tss. She's not even at legal age. Mag-e-18 pa nga lang siya this coming 20. And of
'course, I have a plan for that.

Hindi pala marunong maglangoy si Eni kaya naman tinuruan ko siya. I was glad na ako
ang nagturo sa kanya ng ganito at sa akin siya nagpaturo dahil kung nagkataong iba,
baka mamassacre ko pa. Dagdag pa na ganito ang soot niya, tapos ibang tao ang
magtuturo? Aish! I want to burn that picture on my mind.

Si Drix nama'y naka shirt na pero sinamahan kami dito sa may pool, nakababad ang
mga paa niya sa tubig. Napansin ko ang makailang sulyap niya kina Lindrenne at
Kierre na naglulunuran at nagbabasaan ng tubig. Hmm, something's... hmm.

Inialis ko agad ang tingin ko kay Drix nang mawala sa tabi ko si Eni. Sumisid pala.
Hinapit ko siya sa baywang. "Stay close to me."

Pinulupot naman niya ang mga braso niya sa'kin, hugging me.

"Hay nako! Makaalis na nga dito! Sweet area pala 'tong natambayan ko." Natatawang
sambit ni Drix at naglakad na papasok.

Umahon na rin kami dahil mag-aalas-diyes na ng gabi. Uuwi pa kami. 'Yung iba'y mag-
oover night pero napili naming umuwi na lang. Ayoko ring umabuso kina tito't tita
na lagi kong inilalabas si Enikka.

Pinupuluputan ko ng towel si Eni. Hinayaan na rin naman niya akong punasan ang
katawan niya. Syempre bukod 'yung private parts. Tinuyo ko na rin 'yung buhok niya.
Tumambay pa kami saglit para maghapunan. May handang mga pagkain si Drix kaya
kumain ang lahat.

"Sige, ingat kayo! Ingat Ed, Eni, Kierre. Ingat ka Lindrenne." Napatitig pa siya ng
kaunti kay Lin bago magsalita ulit, "Salamat sa inyo. Sa uulitin!" nagpaalam na rin
kami sa kanila.

Bago pa ako makalayo'y hinabol ako ni Drix. "Uy, Ed. Lakad mo 'ko kay Lin oh!"
sinasabi ko na nga ba. 'Yung mga tingin pa lang niya kanina eh, makahulugan na.

"Brokenhearted ka lang kaya ganyan. 'Wag mong gawing panakip-butas si Lin."

"Ed naman eh. Makikipagkaibigan lang. Ha! Ipa-good shot mo 'ko ah!" tinapik pa niya
ako't pumasok na ulit. Napailing na lang ako. Pano ba 'yan? Eh team KieLin kami ni
Eni. Madalas rin kasi naming mapag-usapan 'yung dalawa.

***

October 20.

Nandito kami ngayon sa malaking silid kung saan gaganapin ang debut party ni
Enikka. Hindi pa nagsisimula ang piging. Ano kayang itsura ng mahal ko?

Kasalo ko dito sa table sina Drix, Kierre, Lin, tito Dante, at tita Erika. Ang
ibang tables ay puno rin ng mga kaibiga't mga kamag-anak ni Eni.

Napalingon ako sa kabababang mirror ni Lin sa table. Hiniram ko iyon. "Lin peram."
Tinignan ko 'yung itsura ko sa salamin. Ang gwapo kong tignan. Pero mas swerte ako
kay Eni kasi kahit pa tambadan ako ng sandamakmak na sexy at mala-model ang gandang
mga babae, siya pa rin ang pinakacute at pinakamagandang babae para sa'kin.
Naniniwala rin akong wala nang ibang isisilang na kasingganda niya. Siya lang
talaga.

Napansin kong hindi masyadong maayos 'yung tie ko. Nilapag ko 'yung salami't inayos
'yung necktie ko.

...hindi mo nakikita nang buo kapag tumitingin ka sa paligid...

Nagtaka na lang akong bigla kong naisip 'yung bahagi ng tanong. Tinignan ko 'yung
kamay ko, paa, binti. Nakikita ko 'yung ibang parte ng katawan ko pero hindi ang
kabuuan. Tumingin ako sa paligid ko, lahat ng tao'y nakikita ko, sarili ko lang ang
hindi. Iyon nga kaya?

Ibig sabihin ang hindi nakikita nang buo kapag tumitingin sa paligid ay... ang
sarili.

Binuo ko na sa isipan ko 'yung revised na tanong. Kung bibigyan ka ng mapa,


salamin, at compass... alin d'yan ang gagamitin mo para makita ang sarili mo?

Think Mond, think! Simple lang ang sagot dito. Hindi ako dapat lumayo at mag-isip
ng todo. Mapa, aanhin ko naman ang mapa sa paghahanap ng sarili ko. Eh lugar ang
mga naroon. Definitely hindi rin compass, sa tingin ko pampagulo lang 'yan nung
gansa. At itong salamin... kahit gumamit ka ng full-length mirror ay 'di mo
makikita ang kabuuan ng sarili mo pwera na lang kung may mata ka rin sa likod. Pero
alin sa tatlo?

Teka... hindi naman katawan ang usapan dito. Sarili. Paano hanapin ang sarili?

Umilaw ang chandelier ko sa utak!

"Kierre!" pagkalabit ko dito sa kaliwa ko.

"Wala."

"Anong wala?"

"'Yun 'yung sagot sa tanong nung gansa 'di ba? Wala?"

Nakita ko ang pagkurba ng labi ni Kierre. Ngumiti siya na nangangahulugang,


"Finally. Naisip mo rin."

"Ngayon ko lang naman inisip na sagutin eh."

"Sige nga! Bakit wala ang sagot?"

"Kasi hindi naman hinahanap ang sarili, kundi pinakikiramdaman." Naputol ang usapan
namin nang tawagin na ako ni Drix dahil papasok na si Eni. Kailangan na niya
akong... ehem... escort niya.

And dammit! She's so... perfect in my eyes.


***

Pagkatapos ng party niya'y nagpaalam ako kina tito Dante na ilalabas ko si Eni
dahil may surpresa din ako sa kanya. Pagkarating namin sa destinasyo'y nilagyan ko
siya ng blindfold kaya binuhat ko na lang siya habang nasa elevator kami ng condo.
Pinareserve ko ang buong hall sa 5th floor ng condominium.

"Hala! Mon-Mon, bakit ang lamig dito? Sementeryo? Hala!" sabi niya pagkababa ko sa
kanya dito sa malaking silid.

"Hindi! Halika dito." Dinala ko siya sa gitna nung hall. "Stay still." Pinatay ko
na ang ilaw ng, tanging ang naggagandahang ilaw na kumikislap ang nangibabaw sa
silid pati ang mga silver stars na pinaghirapan din naming gupitin nina Kierre.
Punong-puno rin ng halamang bulaklak ang hall. Pumunta na ako sa may dulo kung
nasaan ang piano.

"Mon-Mon! Asan ka! Halaaa!" pagpapanic niya. Madilim na madilim dito pero may 'tila
spotlight kay Eni. Parang bang nasa outerspace kami ngayon na tadtad ng stars sa
paligid.

"Nandito lang ako. You may take away the blindfold now." At siyang nagsimula akong
tumugtog.

♪ What would I do without your smart mouth?


Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright ♪

Kitang-kita ko mula rito ang pagkamangha niya. Nakangiti siya pero may luhang
tumakas sa kanan niyang mata.

♪ 'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you ♪

Matapos ang kanta'y lumapit na ako kay Eni kaya kita na niya ako ngayon. Binuksan
ko ang mga maliliit na ilaw sa outline ng sahig ng buong hall kaya nakita niyang
punong-puno ng bulaklak ang buong silid.

"Happy Birthday, Enikka." Sinuotan ko siya ng necklace na flower ang pendant. At


mula sa likod niyakap ko siya. "Please be my girlfriend." Saka ko hinilig 'yung
baba ko sa balikat niya.

Hinawakan naman niya ang muka ko sa gilid niya na parang minasahe ito. Naiiyak na
parang bata si Eni. Natutuwa tuloy lalo ako sa ekpresyon niya.
"Ang salbahe mo Mon-Mon! Huhuhu. You just made a new planet for me, pano pa ako
makakatanggi! Oo, tayo na!" sabi niyang umiiyak pa rin at humarap na sa'kin para
yakapin ako. I smiled. Super smile pa.

"A new planet?" she nodded on my shoulder.

"A planet on Earth. Para sa'kin ito ang pinakamagandang planet. Tayo lang ang
nandito kasama ang mga 'yan. May mga stars at mayroon namang parang endless garden
of flowers sa paligid. This is the best. Mas maganda pa sa dimension niyo kasi ikaw
ang gumawa nito. Thank you my Edmond."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Yes, yours." Kumawala kami sa yakap at hinawakan ko
siya sa muka. "I love you, Enikka."

Pagkasabi ko nun ay may nangyaring hindi ko inaasahan.


####################################
19 - The Owner
####################################

Chapter Nineteen
The Owner

Sa tagal ng lumipas na panahon, bakit ngayon ko lang ito napagtanto?


Nang sinabi ko kay Enikkang mahal ko siya, bigla kong nakitang nabalot ng hiwaga
ang nasa loob ng dibdib niya-'yung puso niya parang lumiwanag na maihahalintulad ko
sa liwanag sa pulso ko. Maging ang loob ng dibdib ko'y may aurang pumalibot at
talagang nasaksihan ko ang koneksyon ng hiwagang iyon sa aming dalawa. Ako lang ang
nakakita ng mga 'yon. Nakatingin lang sa'kin si Eni kaya bago pa niya mahalatang
may napansin ako'y niyakap ko na lang siyang muli.
Habang nagdadrive ako pabalik ng condo pagkahatid kay Enikka'y hindi 'yon mawala-
wala sa isip ko. Nakita ko ang puso niyang may dalawang marka. Ang mga marka ko.
Enikka has my heart all along.
Pagkarating ko sa condo'y napili kong 'wag na lang munang sabihin sa dalawa. Tutal
palagay ko'y tulog na rin sila dahil dis-oras na ng gabi.
Wala na rin namang silbi pa. Masaya na ako sa lagay namin ngayon. 'Yung pakiramdam
na may mahal ka at mahal ka rin. And that's what matters. Nothing else.
Masaya rin akong malaman na nasa kanya ang puso ko dahil kung nagkataong nasa iba
pala, gugustuhin ko ring na kay Enikka na lang sana. Nakakatawang isipin dahil ang
engot ko. Dapat pala'y sinilip ko na noon 'yung puso niya. Pero sabi nga nila, all
things fall into the right time.
***
Kinabukasa'y nagpunta kami ni Eni sa mall. Ito ang unang pagkakataong nagpunta
kaming mall. Naglaro kami, kumain, nagkaraoke, at binilhan ko siya ng headband.

"Ayan, para hindi na humaharang 'yang bangs mo."


"Ayaw mo ba sa bangs ko?"
"Ayokong natatakpan ang muka mo. Gusto ko malinaw kong nakikita lagi ang muka mo."
Napansin ko naman ang pagblush niya't pagnguso. "Siguro ganyan ka rin kasweet dati
sa mga naging girlfriend mo 'no?"
"Wala akong nun. Ikaw lang. Saka never akong naging sweet, ngayon lang." Napansin
ko naman ang pagkagulat niya.
"HUWEH! Ang tanda-tanda mo na kaya tapos first-timer ka?" aba't nang-asar pa!
"Grabe! Parang gurang na ako ah! Tss. Lika na uwi na tayo." Saka ako biglang
tumalikod.
Bigla naman siyang humawak sa dulo ng shirt ko. "Hala sorry na. Pero, diba matanda
ka na talaga? Naiisip ko nga kung Lolo Baby o Daddy Baby ang itatawag ko sa'yo eh."
Saka pa siya tumawa.
"Ahh ganon? Inaasar mo ako?" lumapit ako sa muka niya't dinikit ang ilong ko sa
ilong niya. Lalong namula ang muka niya.
I'm thinking of kissing her pero pinigilan ko muna. Lumayo na ako't kinuha 'yung
kamay niyang nakahawak sa t-shirt ko. "This hand should be holding this." At
pinagsalikop ko ang mga kamay namin.
"At dahil bad girl ka, bibitinin muna kita." Saka ako ngumuso at kumindat. Hindi ko
alam kung sino ba ang mas kinikilig sa'min-ako o siya. Well, mas expressive ang mga
babae 'pag kinikilig. Ang guys, sa loob lang ang explosion ng kilig. Hangga't
maaari hindi namin ganoon ka-ipinapakita.

Bumili muna kami ng J.Co Donuts bago umalis. Pampasalubong kina Kierre. Baka wala
na silang makain dun at maisipan nilang kainin na ang isa't isa, mahirap na. Oh
dammit! When did I learn to have a dirty mind?
Pagkarating naman nami'y wala kaming kababalaghang naabutan. Nanonood lang 'yung
dalawa sa sala ng, kung 'di ako nagkakamali'y, Harry Potter and the Chamber of
Secrets. Kumpleto ko kasi ang series. Marahil ay nagmu-movie marathon 'tong dalawa.
Pinagsaluhan namin ang pagkai't nakinood na rin kami ni Eni.

"Em-Em! Pa-CR ako." Nabitawan ko bigla 'yung donut na hawak ko. Em-Em?
"Bakit Em-Em na ang tawag mo sa kanya?"
"Em-Em, Emerald kasi diba?" tumawa sila ni Kierre. Si Lin nama'y pinulot 'yung
naihulog kong donut at tuminging nagtataka sa'kin.

Saan ko na nga narinig ang Em-Em? Pinawi ko na 'yon sa isip ko. Baka naman narinig
ko lang sa labas or napanood. Tumayo na ako't sinamahan siya sa kwarto ko't doon na
siya pina-CR. Lumabas ulit ako't nakisalo kina Kierre.
Lin's still eyeing me suspiciously. May gusto siyang malaman. Naisip ko naman,
siguro dapat nga'y alam nila ang tungkol sa natuklasan ko kahapon.

"Sinasabi ko na nga ba eh!"


"Sus! Wala ka namang sinabi!" angal ni Lin kay Kierre.
"Pero navavibes ko na nga na nasa kanya! Kaya pala hindi mo mabasa ang isip niya,
hindi mo rin mabura ang ala-ala niya. Kung pagkakabitin, parang iisa na kayo ni
Eni. Hindi mo nga naman pwedeng burahin o basahin ang isip ng taong pinagkakalagyan
ng puso mo. Amazing!"
"Pakiramdam ko ang shunga ko eh." Honest kong sabi sa kanila.
"Okay lang 'yan, hindi ka nag-iisa. Pakiramdam rin namin shunga ka Dia."
Sinamaan ko ng tingin si Kierre. Nag-iimpit naman ng tawa si Lin. "Mas nangibabaw
kasi sa'kin si Enikka, hindi 'yung puso niya. 'Yung puso ko pala."
"Keso mo pre. Umarangkada nanaman ang kalandian ng bibig neto." Halakhak pang sabi
ni Kierre.
"Enikka has my heart. Nasa kanya pala all this time."
"Buti na lang at natagpuan mo na. Oh ngayon, dapat ingatan mo siya lalo. Don't let
your heart be hurt." Payo ni Lin.
"Alagaan mong maiigi Dia. Arugain mo." Parang may ibang kahulugang dala 'yung
arugaing sinabi ni Kierre.
"Oo syempre. Puso ko 'yun eh. Saka, si Enikka 'yun eh. Of course I'll take
responsibility."
"Whoa. Bago nanaman ito. Love of a wizard and human. An immortal and mortal. Pwede
ba 'to sa angkan natin?" tanong ni Kierre.
Napawi ang sigla sa muka ni Lin. "That... I don't know. You think bawal? Kasi kung
ang white and black wizards nga na magkauri na, bawal sa isa't isa. Pano kaya 'pag
lalong hindi magka-uri? Even guardians, guardian to guardian lang 'diba?"
"'Wag ka ngang nega d'yan! Ang saya-saya na nga ng moment eh."
"Ikaw kaya ang nagdala ng topic na 'yan! Tsk. Mond, pano nga kung halimbawang
bawal?"
"Sa tingin ko hindi. Mananalig akong hindi. Kasi labas naman ang mortals sa rule na
'yun. Kung halimbawang bawal, sabihin na nating mayroon akong representative para
parusahan ako... nandyan ang wizards. Eh kay Eni? Sinong magpaparusa sa kanya dahil
nagmahal siya ng wizard? Presidente? Mga senador? Oh diba? Saka walang batas na
ganun dito. Wala." Napatango naman silang dalawa na sumasang-ayon.
"At saka isa pa, hindi ko 'yun hahayaang mangyari. Lalo na't natagpuan ko na ang
babaeng nagmamay-ari ng puso ko."

Napansin kong ang tagal lumabas ni Enikka. Hindi pa rin siya tapos? Nag-alala na
ako kaya pumasok na ako sa kwarto. Naabutan ko naman siyang nakatayo't malayo ang
tingin sa labas sa transparent glass wall ko dito.

I patted her head. "Tapos ka na pala." Lumingon ito sa'kin. Unreadable face. "Bakit
Eni?"
Natanggal naman ang pag-aalala ko nang ngumiti siya't niyakap ako. "Thank you sa
lahat Mon-Mon."
"Oh, bakit?"
"Wala. Nagte-thank you lang ako." Kumawala ito't ngumiti. Tumunog bigla 'yung phone
niya kaya sinagot niya ang tawag.
"Mon-Mon, nasa baba sina mommy. May pupuntahan daw kami. Babye muna!" tumingkayad
siya't hinalikan ako sa pisngi.
"Samahan na kita."
"No, okay lang. Grabe! Hindi naman ako baby." Saka siya humagikgik. "Sige. Ba-bye."
Hinatid ko siya sa elevator at kumaway na.

Ihahatid ko pa sana siya kina tito pero hindi ko naman matalo-talo si Eni sa
kakulitan. Sayang naman, gusto ko pa sana siyang makasama ngayong araw.
Pagkapasok ko ulit sa condo'y nagpapanic si Lin kay Kierre na... nakaluhod at
mukang nagdedeliryo ang mata. May napepredict nanaman siya?

"KIERRE! Anong nakita mo?"


"May dumating! May dumating!"
"ANO? Ugok ka ba? Diretsuhin mo kami!" sabi niya't binatukan si Kierre.
"Hindi ko alam kung sino. Pero lalaki ito! Hindi ko makita ang itsura! At kung
taga-Kingdom ba o Realm! But for sure, wizard na 'to this time, hindi na halimaw
tulad ni Betas. At for sure rin, may kapahamakang hatid 'yan dito."

Nakaramdam ako ng kaba. Kung kailang masaya na kami, may bigla nanamang eepal. Ano
ba namang klaseng buhay 'yan? Aish.
Biglang pumasok sa isip ko si Enikka. Oh sh~t! Baka...
Nagmadali akong bumaba ng condo't sumakay ng kotse. Pupuntahan ko siya sa kanila.
Ay syet! Wala nga pala siya sa bahay kasi may pupuntahan daw sila. I should call
her. Pero akmang tatawag na ako nang makita ko siya sa gilid ng kalsadang may
kasamang lalaki. WHO THE FAK IS THAT? Niliko ko ang manibela't binalik sa
kinaroroonan nila.

"Enikka!" sigaw kong nakapagpalingon sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mata ni Eni.
"Akala ko ba may pupuntahan kayo nina tito?" galit ako. Oo galit na galit ko. Hindi
ko yata magagawang tignan ang itsura ng kasama niya dahil baka mabigwasan ko agad
ang bungo niya.
"Mon-Mon... kasi..." kinuyom ko ang kamay ko't tinignan na ang lalaki sa kanan ko.
Dammit! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Prince Ralf Soverthell. What the hell is he
doing here?
Sa pagkakatitig ko sa kanya'y bigla siyang nagsalita. "'Why are you looking at me?
Kilala mo ba ako?" naramdaman kong sinusubukan niyang basahin ang utak ko. Inisip
kong hindi. At lalong winaglit ko sa utak kong ako si Diamond. Wala ako sa totoong
katauhan ko. Hindi ko lang alam kung alam niya rin ang disguise ko dito. Kung
babasahin ko naman ang utak niya, malalaman din niyang binabasa ko ang iniisip
niya. Dammit!
"No. I should be the one asking you, why are you with my girlfriend? At kilala mo
rin ba ako?" napansin ko ang pag-igting ng bagang niya. Galit ka? Well, mas galit
ako. Knowing na isa siyang kalaban, tapos kasama pa niya ang girlfriend ko. I'm
angry as hell!
"I should ask you again. Why did you leave her? Kung boyfriend ka niya, hindi mo
siya hahayaang mag-isa." Wala kang alam na ugok ka kaya don't scold me like you
know what happened. Gusto ko na talaga siyang balian.
"Mon-Mon..." hinawakan na ako ni Eni. Siguro kung hindi niya nagawa iyo'y napalipad
ko na ang ulo nito. Bumaling ang atensyon ko kay Enikka.
"You left. You lied to me. Then this, you have someone with you."
"Mali ka ng iniisip Mon-Mon. Muntik na akong mahagip ng kotse kanina kaya
tinulungan niya ako. Hindi ako nagtataksil sa'yo kung 'yun ang iniisip mo.
Tinulungan niya lang ako, iyon lang 'yon. Bago ko lang siyang kaibigan. Mon-Mon,
I'm so sorry." Halos pabulong na niyang sabi ang last words dahil sa paghikbi.
"New friend? Ayokong nakikipagkaibigan ka sa kung sinu-sino lang."
"Whoa there! Kung sinu-sino? Hindi mo ba ako kilala, tagalupa?"
"Tagalupa? Why? Are you from anotther planet? Alien ka ba? At bakit ba paulit-ulit
ka? Hindi ka interesting na kilalanin kaya hindi. Hindi kita kilala." sagad sa
kasarkastikuhan kong sabi. Sa pananalita pa lang niya, halatang royalty. Hindi ba
niya naisip na magbago ng anyo man lang o mag-adjust sa paligid sa pagpunta niya
rito?
"'Wag kayo mag-away please. Mon-Mon tara na..." Nakakapit pa rin siya sa braso ko't
nakatungo.
"Paanong hindi? Hindi mo sinabing may kasintahan ka palang makitid ang utak. Is
this your way of thanking me for saving her life?" hindi ko talaga mahugot ang
salitang salamat. Mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya. Bwisit! Hindi ko alam
ang motibo niya pero kahit ano pa 'yan ay sigurado akong hindi ko magugustuhan.
"Alang-alang sa GIRLFRIEND KO, sige, pasasalamatan kita. Thank you ah? 'Wag na
sanang maulit." Nakita ko namang ngumisi siya. Tumalikod na ako't hinila si Enikka
papunta sa kotse.
"See you again Enikka!" sigaw pa nito kaya nilingon ko. Nakita ko ang laki ng ngisi
niya't ang pagtapang ng green at gray niyang mga mata. Peste, sarap tusukin.
"Don't you dare see that crap again."
"Mon-Mon sorry na oh." Hindi ko siya sinagot at pinaharurot ang kotse patungo sa
isang payapang parke na hindi matao. Kailangan kong huminga. Naiinis ako sa sarili
ko. Next time talaga, 'pag nagpaalam siya sa'kin ng ganun, hindi ako maniniwala.
Instead, sisiguruhin kong makakauwi siya ng ligtas.
Nag-usap kami dito sa may tabi ng puno. "Bakit ka nagsinungaling sa'kin? I'm so
honest with you! Can't you see? Gusto ko na siyang bangasan kanina! Hindi mo alam
na gago't kalahati ang mga estranghero sa paligid! Lalo na 'yung bwisit na 'yun."
"He's name's Ralf. Saka Mon-Mon, tinulungan niya ako. Hindi siya masamang ta-."
"Pinagtatanggol mo ba siya? DAMMIT! He's evil as hell! At unang beses mo lang
siyang nakaencounter! How could you say that! Hindi mo siya kilala!"
Tumulo na ang namuo niyang luha. "Neither am I... to you. Hindi ako sigurado kung
kilala ba talaga kita."
"What?"
"Mon-Mon, mahal mo ba talaga ako? O dahil lang nasa akin ang puso mo kaya ka mabait
sa'kin? Kaya mo ako ginirlfriend dahil nasa akin pala ang nawawala mong puso?"
tuluyan na siyng tumangis at tumungo. Kung ganon... narinig pala niya ang usapan
namin kanina.
"'Yun ba ang dahilan kaya umalis ka kanina?" tumango-tango siya na lalong
nakapagpadurog sa akin. Being aware na muntik na siyang mapahamak sa daan ay
masakit na, malaman pa kayang dahil nanaman sa akin? Sh~t ka Diamond! Ang sarap
talagang murahin ng sarili minsan.
Hinigit ko siya't niyakap. "Hindi totoo 'yan. Mahal na kita bago ko pa man malamang
na sa'yo ang puso ko. At kahit pa wala 'yun sa'yo, hinding-hindi kita iiwan. Ikaw
lang. What do you want me to do para lang mapatunayan ko sa'yong ikaw lang? Dammit
Enikka! This is the first time na nagmahal ako. I just love you so daaamn much.
Kapag may nangyaring masama sa'yo, kahit pa immortal ako, pagtatatagain ko ang
sarili ko. Handa akong puntahan ang lahat ng planeta at iukit mismo sa mga 'yon na
ikaw lang ang babae sa buhay ko. Handa akong buhatin ang mundo. Handa akong itakwil
ang angkan ko. Handa akong maging tao para sa'yo. At handang-handa akong iwan ang
lahat para lang sa'yo. Ganun kita kamahal na mahal na mahal. Enikka, please 'wag
kang magalit. Sampalin mo na ako, suntukin, lahat. 'Wag ka lang mag-alangan sa
pagmamahal sa akin. You're my biggest fear. I am so scared to lose you. I am more
scared to lose you than death. Please don't hate me Enikka." Sinuksok ko lalo ang
muka ko sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Natatakot akong
pakawalan niya ako. "Please don't baby. Please don't."

Humigpit ang yakap niya sa akin. Kumawala siya't hinalikan ang noo ko. Pinahid niya
'yung luha ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga kamay ko't ihinawak ang mga 'yon
sa muka niya. Ngumiti siya na nakapagpabuong muli ng nadurog kong damdamin kanina.
Pinahid ko rin ang mga luha niya.

"You are the only owner of my heart Enikka. Only you."


####################################
20 - Ang Prinsipe
####################################

Chapter Twenty
Ang Prinsipe

"Kierre, tama ka. Isang asungot ang nandito ngayon." Bungad ko pagpasok namin ni
Enikka sa condo.
Napatigil sa pagjajackstone 'yung dalawang damulag. "Oh? The who?"
"Ralf."
"PRINCE RALF?" gulat nilang sabi't tumayo.
Umupo na kami ni Enikka sa sofa at sumunod 'yung dalawa. "Anong ginagawa niya dito?
How'd you met him? Nagkausap kayo? Pinagtangkaan ka ba niya?" sunod-sunod nilang
tanong.
"I saw him, with Enikka." Sabay lingon ko kay Eni. Tahimik naman siyang nakikinig
sa'min habang hawak pa rin 'yung kamay ko. Nagtinginan sina Kierre at Lin.
"So you met him. Anong sinabi niya sa'yo? At ikaw sa kanya?" bumaling rin ang
atensyon nung dalawa kay Eni, "Bakit mo siya kasama?"
Tumingin ako kay Eni na nagsasasabing ako na ang magpapaliwanag ng lahat.
"Nagpalitan lang kami ng kasarkastikuhan. Muntik ko na ring paliparin ang ulo niya.
Magkasama sila dahil muntik na masagasaan si Eni, niligtas niya. Kaya napigilan ko
ng katiting ang galit ko sa kanya. Kung ano man ang dahilan kung bakit siya
nandito, sigurado akong hindi iyon maganda."
"Hala. Okay ka na ba Eni?" sabi ni Kierre. Tumango-tango siya sa tabi ko.
"'Yun lang ang nangyari? Ano daw ang ipinunta niya?"
"Of course hindi ko na 'yun tinanong. Muka namang hindi niya ako kilala, at
pinaramdam ko rin sa kanyang hindi ko siya kilala."
"Sa tingin ko may alam siya. Bakit siya mag-aaksaya ng oras dito kung hindi ikaw
ang pakay niya. Mag-ingat kayong dalawa."
"Gustong-gusto ko nang basahin ang isip niya kanina pero pinigilan ko. Nakakainis.
Kung bakit kasi lahat ng wizards ay mind-readers. Dapat bawal 'yun eh!" nagduda ako
sa biglaang pagtitinginan nina Kierre at Lin. "Bakit?"
"A-Ah w-wala. Oo nga dapat bawal 'yun eh. Tama." Uneasy nilang tugon.
"Anong meron? May hindi kayo sinasabi. Your minds are telling me that you both are
hiding something."
"Aaminin na ba natin Kierre?"
"Ang alin?" iritado kong sabi. Ano nanaman ba ang hindi ko alam.
"Huminahon ka Dia. Ang totoo niyan..." nagbuntong-hininga pa siya. "Hindi lahat ng
wizards ay mind-readers. Iilan lang kayo. Ang mga royalty lang ang mind-readers sa
Fortress, kahit ang mga Walt wizards hindi. Basta royalty lang. Kaya nga nagtaka
ako kung bakit may kakayahan ka ring ganun Dia. At isa pa, ang pagiging mind-reader
ng isang wizard ay naipagkakaloob lang pag naging royalty ka. Kapag naging hari,
reyna, prinsipe o prinsesa ang isang wizard. Automatic na 'yun. Pero 'yung inborn
na tulad mo, walang ganun. Ikaw lang. Itinago ko 'yun sa'yo kasi ayokong mabahala
ka masyado sa pagkatao mo. Baka isipin mong isa ka na ngang produkto ng kasalanan
tapos abnormal ka pa. Diba masakit 'yun?" at ngumiting panloko pa si Kierre.
"Kahit ayokong alamin ang lahat ng tungkol sa'kin, lilitaw at lilitaw rin naman
'yun eventually. And kung pagiging abnormal pala ang ganito, ayos na rin.
Napakinabangan ko ng sobra ang pagiging mind-reader. I take it as an advantage."
Nagkibit-balikat ako sa kanila. "So ganun pa rin, royalty si Ralf, hindi ko pwedeng
basahin ang utak niya dahil mababasa niya rin ang utak ko. Mag-ingat rin kayo sa
kanya. 'Pag nakita niyo siya, sabihin niyo agad sa'kin."

Matapos ang pag-uusap na 'yun ay ihinatid ko na si Enikka sa kanila. Siniguro ko


ring nandoon ang mga magulang niya. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa sa'min
ni Enikka. At tanggap niya kami. Lalo na ako.
Kinabukasa'y kami naman nina Kierre at Lin ang pumunta kina Enikka. Naglaro kami ng
Xbox mula umaga hanggang sa magtanghali'y biglang may umepal.
Tumawag sa'kin ang phone ni Enikka na na kay Ralf pala. Naiwala niya ito kahapon
dahil sa insidente. 'Yun pala, na kay Ralf lang. Kaya pala niya nasabing, "See you
again Enikka". Peste! Is this his plan? I should brace myself then! Paghahandaan
kita. Prinsipe ka lang.
Nakikipagkita siya sa isang coffee shop. Isinama ko ang dalawang guardians.

Nakita namin siyang mag-isang naghihintay sa loob ng coffee shop na iyon. Pumasok
kaming tatlo. "Nasan na ang phone ni Eni?" bungad kong sabi sa prinsipeng ito.
"Oww, wala man lang nice greeting? Hi Enikka! Nice to see you again. And you,
dude." ngumisi pa ito.
"'Di kami nakikipagbiruan."
"Me neither. Upo muna kayo. Sakto pala na itong table na pangmaramihan ang inupuan
ko." At minuwestra niya pa ang kamay niya para paupuin kami.
"Magandang hapon." Sabi ni Kierre kay Ralf at umupo na. Pinandilatan ko ng mata si
Kierre. Hindi porke't prinsipe siya ng angkang pinaglilingkuran niya'y gagalangin
na rin niya ang isang 'to. "Relax ka lang Dia. Let's handle this." Sabi ng utak
niya.

Wala na akong nagawa kundi umupo na rin. Umupo na rin si Enikka. Pinagigitnaan nina
Lindrenne at Kierre si Ralf habang kami naman ni Eni'y katapat nila.

"Heto na ang phone mo binibini." Inabot niya kay Eni ang phone. Ikinairita ko naman
ang pagngiti niya sa girlfriend ko. "Salamat Ralf."
"So ayan, makakaalis na kami. Sige." akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni
Kierre. Pinandilatan din niya ako ng mata. Aish! May dapat pa bang pag-usapan?
"Teka! Gutom na kami. Pakainin mo naman muna kami!" daing ni Kierre na halatang
nagkukunwari. Nagtinginan sila ni Lin. Ano bang balak nitong dalawa? Nakita ko
namang ngumisi nanaman si Ralf.
"Edi bumili kayo. Aalis na kami ni Eni." Ganti ko. Hinawakan ko na sa kamay si
Eni't tumayo na kami. At ang Ralf na 'yun, umeksena nanaman. "Teka lang! Ibibili ko
kayo ng pagkain. Hindi naman ako katulad ng iba d'yan na walang manners." Saka ito
tumayo at tinapik pa si Kierre.
"Dammit! What were you thinking?" inis kong sabi kay Kierre.
"'Di mo ba naisip Dia? Kailangan natin siyang kilatisin. Alamin natin ang kanyang
motibo! Or may posibilidad ring hindi siya si Ralf, na ginamit lang niya ang itsura
ni Ralf! Utak Dia! Pano 'pag may plano siyang ipahamak ka? Pati si Enikka? Calm
down!"
"Onga Mond. Maging natural ka lang."
"Mon-Mon, I'll be okay. 'Wag ka na mahighblood! Madali akong tatanda sa pag-aalaga
ng boyfriend na magagalitin!" saka sila nagtawang tatlo. Pagkaisahan ba naman ako?
Aish.
"Okay fine!" ikakalma ko ang sarili ko. Walang napatutunguhan ang taong galit.
Inhale, exhale.

Pinanood namin si Ralf habang umoorder sa counter. Kung titignan, parang typical na
teenager lang rin siya kung kumilos. Hindi ko alam ang edad niya pero ang tantya
ko'y mga kaedaran ko lang. Mga 19. Kaedad pala nung gamit kong identity na si
Edmond. Face palm!
Inagaw naman ni Eni ang atensyon ko't ngumiti ng malapad sa'kin. Nilapat niya 'yung
dalawa niyang thumb sa tigkabilang dulo ng labi ko at inginiti iyon.
Hinawakan ko ang mga braso niya, "If you want me to smile, just let me see your
face happy. Hindi mo na kailangan gawin 'yun." Saka ako ngumiti sa kanya. Naputol
naman ang moment namin nang nagsiubuhan sina Kierre. Nginusuan ko na lang sila.

After few minutes ay nakabalik na si Ralf. Limang frappe at slice ng cakes ang
inorder niya. Ilalagay na niya 'yung kay Enikka nang bigla ko iyong kinuha. Chineck
ko muna kung ayos 'yung cake at ako na ang naglapag sa harap ni Eni.

Umiling-iling sina Ralf, Kierre, at Lin. "Possessive boyfriend." Sabi ni Ralf


habang nilalapag 'yung ibang order sa table.
"And over-protective." - Lin.
"And over-acting." - Kierre. Aba't ginatungan pa nila! Nagsingisian silang tatlo.
Pati si Eni'y natatawa sa inaasal ko. Wow lang ah, vibes nila si Ralf? Nice. Tsk.
"Kamusta ka na Lindrenne?" tanong ni Ralf kay Lin na nagpagulat sa amin. Nilapag
niya sa kabilang table 'yung tray at umupo na sa gitna nina Kierre. Pano niya
kilala si Lin eh hindi pa naman kami nagpapakilalahan sa isa't isa?
Hindi mapakali si Lin. Nagulat siya kay Ralf. "M-Mond, sinabi mo naman siguro sa
kanya 'yung pangalan ko diba? Tama diba?" Poker face pa rin si Ralf na nakatingin
sa kanan niyang si Lin. Umiling ako sa kanya.
"Sino ba namang hindi makakakilala sa'yo eh ikaw ang guardian ng prinsipe ng
Gemlacks." Nagsilakihan ang mata namin nina Kierre. So... wala siyang balak itago
na siya si Prince Ralf. PERO BAKIT? Bakit wala siyang balak itago 'yon? WTF?
Tumingin sa'min si Ralf at ngumiti. "Tara kain na. Sayang naman kung hindi niyo
gagalawin." Humigop siya nung frappe niya. "Hmm! Sarap pala nito! Maglagay kaya ako
ng shop na ganito sa Fortress?" kung nagkataong may kinakain siguro kami'y
nabilaukan na kaming tatlo. Si Eni naman ay kain lang nang kain habang tahimik na
nakikinig sa'min.

Sabay-sabay kaming nagsihigupan ng frappe nami't sumubo ng isang tinidor na cake.


Saka ulit kami uminom. Pagkatapos ay sabay-sabay kami nina Kierre na pumangalumbaba
at tinignan si Ralf. Ayokong magtanong, at sa tingin ko'y ganun din sina Kierre.
Kaya heto't mag-aabang na lang kami ng paliwanag niya.

"Ganun na ba ako kagwapo para titigan habang kumakain?" sabi niyang ngumiting
mapanloko. Eh kung sirain ko kaya muka mo?!
"Dapat sanay kang pinapanood ang bawat kilos mo, diba prinsipe ka?" hindi na ako
nakapagpigil.
"Oo nga. Pero, pati ba naman dito sa mundo ng mga tao? Aba! Iba na talaga ang
appeal ko kung ganun."
"May prinsipe pala talagang makapal 'no? Mas gwapo ako." Singit ni Kierre at
nilantakan na 'yung cake niya.
"Mas gwapo ako sa inyo. Tss. Baka gusto mo nang magkwento your highness?"
"Like?"
"'Wag na tayong maglokohan o magplastikan dito. Ano bang pakay mo? Bakit ka
nandito?"
"Ang patayin ka." At nagkibit-balikat pa ito habang busy'ng kumakain.
Hinigit ko siya sa kwelyo. Wala akong pakialam kung makita kami ng iba. "Mon-Mon,
relax. Uy." Buti't nandito si Eni kundi baka makasuhan na ako ng murder.
Binagsak niya 'yung tinidor sa mesa't seryoso nang tumingin sa'kin. "Nandito ako
para alamin kung ano bang gusto mo sa buhay mo."
"Ha?"
"Look, may balak ka bang manggulo sa Fortress at maghasik ng lagim?"
"Are you kidding me dude? Muka ba akong may balak manggulo? Eh kayo nga itong
gumugulo sa buhay ko eh."
"So wala kang intensyong mamahala sa Fortress?"
"Wala. Inyong-inyo na, Isaksak niyo pa sa baga niyo 'yang mga korona niyong 'yan.
Kaya pwede ba? Lubayan niyo na lang ako. Gusto kong mamuhay ng normal dito. Gusto
kong maging tao."
"What?" nagulat pa ito sa sinabi ko.
"Yes. Kaya 'yung mga binaabalak niyong pagtugis sa'kin, pakitigil na lang. Useless
rin naman dahil hindi ako namamatay. 'Wag niyo na rin pahirapan ang mga sarili niyo
na gawing miserable ang buhay ko dahil wala naman akong planong agawin ang kahit
kaninong trono. Hindi ako balakid sa inyo."
"You are. You'll always be. Ikaw ang nasa propesiya."
"Who cares with that prophecy! Saka hindi naman porke't nasa propesiya ay kailangan
nang tuparin."
"Mond, they say, if there's a prophecy, iyon dapat ang masunod." - Lin.
"No Lin. Let's say if there's a prophecy, there's also the possibility. Pero I
won't meddle with all those craps. Ayokong gawing komplikado ang buhay ko. At sa
inyo Ralf, hindi ba't advantage niyo na nga 'yon? Na ayaw ko? Tapos ngayon parang
ipagpipilitan mo sa'kin. Nahihibang na ba kayo?"
"So wala ka naman palang plano. Nagsayang lang ako ng oras. Sigurado kang wala?
Kapag pinursue mo ang nasa propesiya, mapapasa'yo ang buong Magique Fortress. You
have everything."
"My everything is here. Si Enikka. Kahit kami lang dalawa ang nilalang sa mundo,
masasabi kong na sa akin na ang lahat." Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni
Eni. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay.

Mahina namang pumalakpak sina Lin at Kierre. Mga adik! Muka rin namang satisfied sa
sagot ko si Ralf. 'Yun lang naman pala ang pinoproblema nila. Ang dali-daling gawan
ng paraan. Buti na lang at naisipan niyang kausapin ako at idaan sa magandang
usapan ang lahat. Hindi katulad ni Betas na susugod basta-basta.

"Prinsipe ka pala. Ang galing. Akala ko sa fairytales lang ako makakakita ng


ganun." Sabi ni Eni.
"Pero hindi lahat ng prince, charming. Saka 'wag kang maamaze sa kanya Eni."
"Selos alert." Pagsingit pa ni Kierre.
Nagtawa naman si Eni sa gilid ko. "May tanong ako. Diba sabi niyo may dalawang
grupo ang wizards? Soverthells at Gemlacks? At bawal mag-ibigan ang magkaiba. Pano
'yun? Kung lahat kayo Soverthell ang apelido edi parang magkakamag-anak kayo? Hala!
INCEST!" natuwa na lang ako sa reaksyon niya.
Sasagot sana ako pero naunahan ako nung asungot. "No Enikka. Hindi naman lahat ng
white wizards ay Soverthell ang apelido. Magiging Soverthell lang ang apelido mo
kapag royalty ka. Pero Soverthells ang tawag sa'min bilang pagkakakilanlan. Kahit
ang mga Nix, Cryst, at Walt wizards ay hindi Soverthell ang apelyido. Sa White
Kingdom may iba-iba ring apelido. Nandyan ang angkan ng mga Ernoll, Krialdan,
Dashean, Parssey, Gyeza, Iliondes. Sa Black Realm rin nandyan ang mga Oretter,
Haflux, Cindroso, Jiquas, Vlontir, Syrwon. At marami pang iba. Kaya hindi porke
taga-Kingdom o taga-Realm ay magkakamag-anak na. Kaya hindi 'yun incest Enikka."
"'Yun. Tama 'yun Eni." Dagdag ko. Takte. Tiga-sang-ayon na lang ba ako dito? Epal
talaga. Tss.
"Ow ganun pala. Eh pano pala kung halimabawa na walang anak na lalaki ang hari't
reyna? Babae lang. Prinsesa. Edi kapag nakapangasawa siya ng alin sa mga angkang
nabanggit mo, hindi na Soverthell ang apelido niya. Mawawalan ng next na hari!"
aba, bright rin ng baby ko!
"Oo nga! Sige nga sagutin mo 'yan!" paghamon ko sa kanya. Nagtatawa naman sina Lin
sa'kin.
"Kung magkataong walang anak na lalaki ang hari't reyna, may piging na ginaganap
para sa pagluklok ng bagong prinsipe. Kukuha ng bagong prince sa mga Walt wizards.
Isa 'yong labanan ng kakayahan. Kapag naluklok ang bagong prinsipe, lalagyan siya
ng dugong royalty. Kaya naman hindi na problema sa mga kaharian 'yun Enikka." Saka
siya ngumiti rito.
"'Wag mo ngang ngitian si Enikka." Humagalpak na ng tawa sina Kierre.
"Tumigil ka nga Mond! Ang seloso mo na masyado!" - Lin.
"Ako na lang ang tanungin mo Eni. Alam ko rin ang lahat ng 'yan."
"Akala ko noon, ako ang madalas na magseselos. 'Yun pala ikaw. Mon-Mon ang cute mo.
Hahaha! Sige na ikaw na ang tatanungin ko. Mag-iisip akong tanong." Humawak pa siya
sa baba niyang mukang nag-iisip.
"Aha! Eh pano 'pag immortal ang hari? Or prinsipe? Pano 'yun?" Napalunok ako sa
tanong niya. Paktay. Hindi ko alam 'yun. Hindi ko natanong kay Kierre 'yon ah.
Lumingon ako sa kanila. Nakangiting-aso pa si Ralf sa'kin.
"Ahm, Eni. May ano... may span of time lang sila. Pag tapos na, edi bababa na sila
sa trono." Sabi ko na lang. Sa tingin ko naman ganun din ang mangyayari eh.
"Mali." Inubos na ni Ralf ang inumin niya. "Kapag nagkataong immortal ang sinumang
lalaking royalty, natatanggalan sila ng grant of immortality. Once na maging hari
ka, automatic na nawalala ang pagka-immortal nito. Ang dalawang kaharian kasi ay
mas mahiwaga pa sa iniisip niyo. Walang sinuman ang nakakaalam kung saan
nanggagaling ang kapangyarihang nagtatanggal ng immortality. Proven na 'yun. Ang
unang patunay d'yan ay si King Leo. Libong taon na ang nakalipas. Bago siya maging
hari ay isa siyang immortal, pero nung naging hari na siya'y napansin nila na
tumatanda na ito paglipas ng panahon. Hindi pwedeng maging hari ang isang immortal
dahil kung magkataon, sa kanya na habambuhay ang Fortress kaya ganun ang
nangyayari. Kung saang parte man ng kaharian nanggagaling ang power na 'yun, walang
nakakaalam. Marahil ay kay Blaite."
"Pwedeng ipatanggal ang immortality?" sabi ko. Parang gusto ko ang kaisipang 'yon.
Gusto ko nang maging full-time... non-immortal. Pero sabi, kapag naging hari lang.
Eh ayoko naman maging hari. Tss. Contrasting thoughts again.
"Oo. Pero walang nakakaalam kung paano." Natahimik na lang kami. Hindi na rin
nagtanong pa si Eni. Maya-maya'y tumayo na si Ralf. "Osiya. 'Yun lang naman ang
pinunta ko dito. 'Yun lang ang motibo ko sa'yo. Ikinagagalak kong makilala ang
kabiyak na katauhan ng mahal na Blaite. Paalam. Kierre, Lindrenne. At sa'yo rin
magandang binibini." Kinuha pa niya ang kamay ni Enikka at hinalikan iyon. Aba't!
"At isa pa, mag-ingat kayo kay Dreyxin." Luminga-linga ito sa paligid. Tatanungin
pa sana ang tungkol sa huling sinabi niya pero bigla na siyang naglaho. Anong meron
kay Prince Dreyxin?

Nakahinga ako ng maluwag ngayon kahit paano. Pero dahil hindi ko matakasan ang
parte ng pagkatao ko na pagdududa, hinihiling kong sana nga'y iyon lang ang motibo
niya. Sana.
####################################
21 - Darkness
####################################

Chapter Twenty One


Darkness

"May alam kayong hiring sa publishing companies?" tanong ni Lindrenne habang


nakaharap sa laptop. Nakatambay lang kami dito sa condo. Kami nina Kierre, Eni, at
Lin.
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"Ay ang ganda. Nagtanong ako, tanong rin ang ibinalik sa'kin. I'm planning to pass
manuscripts."
"Whoa. 'Di ka na tanggap." Pagsingit ni Kierre habang busy naman sa paghahanap ng
CDs sa may TV.
"Letse! Wala kasi akong magawa. I think I should start working. Hindi katulad ng
iba d'yan na may balak yatang maging forever tambay." Ganti niya kay Kierre.
"Hoy! Ngayon lang ako naging tambay for the past hundred yea-."
"SHHHH!" pagsuway ko sa kanila dahil baka magising si Eni na natutulog ngayon sa
mga binti ko. Kagagaling niya lang sa treatment dahil sa sakit niya. Sa tingin ko'y
lifetime treatment ang kailangan ng mga katulad niyang may ganoong sakit. Nabanggit
niya iyon sa'kin. Para lagi siyang nasa kondisyon.
"Hey Lin, try searching. But I know somewhere in QC. Try mo." Tumango ito at
bumalik na ang atensyon sa laptop.

Ako nama'y sumandal na rin at pumikit. Kailangan ko ng peace of mind para maka-isip
ng ideas sa date. Saka nag-iisip rin ako ng magagandang gawin o puntahan para
sulitin ang sembreak. And of course, I want to have a lot of quality time with Eni.
Sa tingin ko kasi, kung may patimpalak siguro para sa "Best Boyfriend" ay parang
kahit contestant ay hindi ako papasa. I want to be the best boyfriend for her.
♪ They're gonna clean up your looks, with all the lies in the books. To make a
citizen out of you, because they sleep with a gun. And keep an eye on you, son. So
they can watch all the things you do... ♪

"KIERRE! Hinaan mo naman!" lumingon ito sa'kin at bigla ba namang nilakasan lalo!
At pasayaw-sayaw pa. Langya!
"Huy!" binato na ni Lin ng unan si Kierre pero wala lang ito sa kanya at nagsimula
pang mag-headbang at sinabayan 'yung kanta.

♪ They could care less as long as someone'll bleed. So darken your clothes or
strike a violent pose. Maybe they'll leave you alone, but not me. ♪

Hindi naman ako makabangon dahil natutulog si Enikka sa'kin. Gumalaw nga ito ng
kaunti. Walangya talaga si Kierre. Siraulo. Dahil sa inis ni Lin ay hinugot niya
ang plug ng speakers. "May natutulog kaya!" at binatukan niya si Kierre. Napailing
na lang ako. Mga tugtugan ba naman ni Kierre. Pang-rockers lang? Tss.
"Osige na. Heto na, payapang kanta na ang papatugtugin ko. Mga KJ 'tong mga 'to
oh." At nagpout pa ang loko. Kinuha niya 'yung ibang mga CD. "Pili kayo. Mayday
Parade, We The Kings, 5 Seconds of Summer, Westlife, Backstreet Boys, Simple Pl-."
"Westlife or Backstreet." Pagputol ko at sumandal na ulit. Mas gusto ko ang mga
kanta nila. Kahit malayo na sa kabihasnan ay hindi pa rin nakakasawa ang mga kanta
nila.

At sa magandang musika'y tuluyan na nga rin akong nakatulog at nakapagrelax.


***
Pagkagising ko'y nagulat ako sa bumungad sa'kin. "Anong ginagawa niyan dito?"
"Hi." At ngumiti pa ito sa'kin. WTF? Si prinsipeng Ralf epal ba naman ay nandito.
Katabi niya si Lin na mukang habang tulog ako ay may tinitignan sila sa laptop. Si
Kierre naman ay nasa kabilang sofa rin opposite sa kanila, na may hawak na librong
The Fault In Our Stars.

Anong meron? Bakit hindi nila pinapaalis itong hinayupak na 'to? At bakit nila
pinapasok dito? Daeff.

"Nagpapatulong sa application form Mond. Relax." - Lin.


"WHAT?" nang marealize kong napasigaw ako'y hininaan ko na ang boses ko dahil
mahimbing pa ring natutulog si Eni. "How can I relax? Joke time ba 'to?"
"Relax dude. I thought we're already settled yesterday? Wala na akong masamang
pakay sa'yo."
"Kung ganun bakit nandito ka pa?"
"Ayoko pa munang bumalik doon. Mag-aapply ako dun sa shop kahapon. Ayaw nila akong
tanggapin dahil wala daw akong résumé."
"Seryoso ka?" hindi makapaniwala kong sabi. Prinsipe? Mag-aaply sa coffee shop?
Tagilid na ba ang ulo niya?
"I won't low my pride to ask for help to you if I'm not. Magtatayo ako ng katulad
nun pagbalik ko sa Fortress." At ngumiti pa siya. Tumingin naman ako kay Kierre na
nagkibit-balikat na lang at nagbasa na ulit. Mukang hindi talaga sila nababahala na
nandito siya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kadali sa kanilang makampante
kay Ralf.
"Kelan ka aalis?"
"Hindi pa nga ako nagsisimulang magtraining at trabaho sa kanila, papaalisin mo na
ako. Ang heartless mo naman pala." the tone of his voice was like asking for
sympathy. Utut mo!
"Tss. Bahala ka. Basta 'pag may ginawa kang kasumpa-sumpa, hindi na kita
pasisikatan pa ng araw."
He raised his hands in surrender. "Yes boss." At nagtawa pa ito. Si Lin naman ay
umiling na lang at bumalik na sila sa paggawa ng résumé nitong isa. Tss.
"One more thing! Pwede bang dito na lang ako tumuloy?" natigil kaming tatlo nina
Kierre sa aming mga ginagawa at tumingin ng matalim sa kanya.
"UTUT MO!" sabayang pagbigkas naming tatlo.
"What?" hindi na namin ito pinansin. Kapal ng muka! Nagpapatulong na nga tapos
makikituloy pa dito? Aba! Ayos ah! Tigas kuko lang brad?
"Seems that the answer is no. Hmm, ito na lang. Pwede ko ba kayong maging friends?"
nagtinginan na lang kami nina Kierre. Hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya.
Neknek niya. If I know, may balak siyang gapangin si Enikka. Akin lang ang
girlfriend ko!
***
Lumipas ang mga araw at wala namang masamang nangyayari kahit madalas bumuntot
sa'min si Ralf. Kasalukuyan na siyang nagtatrabaho sa coffee shop na 'yun.
Nakakatuwa naman dahil madali niyang nakalimutan ang "like a boss" niyang pag-
uugali. Kung sa Fortress ay senyorito siya, dito'y natutunan niya kung ano ang
totoong kalakalan ng buhay ng tao. Nag-enjoy na sa paggawa ng kapeng malamig ang
kumag. Coffee prince lang ang drama.
Well, I can say... okay naman pala siya. Sa tingin ko nga'y wala siyang masamang
motibo. It's been one week at naipalagay ko na rin kahit papano ang loob ko sa
kanya. Kierre and Lin were also convinced enough. Enikka treats him as a friend
too. Pero ako, hindi ko pa rin maibibigay ang buong tiwala ko sa kanya.
Sa susunod na linggo'y simula na ulit ng pasok namin kaya sinusulit na namin. Hindi
ko kasama ngayon si Enikka. Kami lang nina Lin ang nandito ngayon sa coffee shop.
Pinagsisilbihan naman kami ni Ralf na naka-apron pa at may sumbrero. "Maiba ako,
wala ka pang balak bumalik dude? Siguradong hinahanap ka na doon."
"Oo nga eh. Pero, parang ayoko pa. Masaya pala dito. Ewan, siguro one of these
days."

Sa gitna ng daldalan namin ay biglang tumawag si Enikka.


(Hi.)
(Mon-Mon!) narinig ko ang malakas niyang pag-iyak kaya napatayo agad ako.
(Hey! What's wrong? Bakit?)
(Sina momz at dadz. Alam na nila na abnormal ka Mon-Mon) pagkumpleto niya sa
sentence sa gitna ng pag-iyak niya.
(Papunta na 'ko. Intayin mo 'ko d'yan.)

"Mond anyare kay Eni?"


"Alam na nina tito na wizard ako. Pano ko sila haharapin?! Anong sasabihin ko sa
kanila? Baka paghiwalayin kaming dalawa." natataranta na ako.
"Sama ako sa inyo. Teka lang." At nagmadali si Ralf na magpaalam sa manager.
Paktay. Hindi ko ito napaghandaan.

Pagkarating doon ay kinalma muna namin sina tito't tita saka kami nagpaliwanag.
Pasasalamat ko't nandito sina Kierre, Lin, at Ralf na mga back-up ko. Naipaliwanag
namin nang maiigi at payapa ang lahat. Wala namang sabunutan o sampalan o
kaladkarang nangyari. Thank goodness! Pero pinakanahirapan kami sa pagconvince sa
kanila na totoo ang lahat. Though talagang mahirap paniwalaan. The whole time ay
magkahawak lang kami ng kamay ni Eni.
Sabi pa nga ni Kierre, "Saka tito, tita, nakwento niyo po na napakababa ng tsansang
mabuhay si Eni hindi ba? Pero dahil sa puso ni Mond ay naisave niya si Eni." doon
ko lang narealize na siya nga ang napiling "right one" ng puso ko.
"Saka po ang romantic po 'diba? They're meant to be!" - Lin.
"At kami po 'yung mga uri na harmless. Pamilya na rin po ang turing namin kay
Enikka kaya I can assure you na walang gagawin si Mond na ikasasama sa inyong anak.
Ako po ang prinsipe sa isang kaharian doon kaya 'pag may ginawang masama si Mond ay
pwedeng-pwede ko naman siyang parusahan." Gusto ko sanang umapila sa sinabi niya
pero pasasalamat na lang ng nangibabaw. May mabuti ka ring nagawa Ralf. Mahusay.
"Tito Dante, tita Erika, I swear with all honesty na mahal ko po ang anak ninyo at
hindi ko siya kayang pabayaan. Lahat ng panganib handa kong suungin maprotektahan
lang siya. 'Yan po ang ipinapangko ko sa inyo." At ngumiti ako sa kanila.
And at last, tanggap na rin nila ako.
***
Last day na ngayon ng sembreak. Bukas ay school couple nanaman kami. Nagpaalam ako
kay Ralf na kung pwede'y iwan muna kaming dalawa ni Eni dito sa bahay niya. Saglit
lang naman siya dito sa mortal world pero nag-abala pa siyang bumili ng bahay.
Grabe.
Nandito kami ngayon ni Eni sa rooftop niya at nagpipicnic. Medyo iritado pa rin ang
mood ko ngayon dahil sa mga lalaking nagtitiginan kay Enikka kanina sa playground.
At ito namang girlfriend ko, mukang tuwang-tuwa sa muka kong nagseselos. Tss.
"Mon-Mon!"
"Bakit?"
"Mon-Mon!"
"Ano nga?"
"I love you."
"Tss. O'na."
"Bakit 'yun lang? Mon-Mon naman eh!"
"Ang kulit mo talaga." Nanahimik naman siya at ngumuso na lang sa tabi ko.
Natawa naman ako sa loob loob ko. Nawala tuloy 'yung selos mood ko at unti-unting
napapalitan ng tuwa. "Tsk. Ang cheesy naman kasi. I love you too. Oh 'yan na."
"Yehey!!!" at saka niya ako niyakap at dinamba.
"Para ka talagang bata." Saka ko nilagay ang hintuturo ko sa noo niya.
Kinurot naman niya yung magkabila kong pisngi. "Ikaw rin kaya! Ang cute cute cute
mo kasi." Saka siya ngumiti ng pagkalawak-lawak muli. Oh, this girl.

Humiga siya sa balikat ko at sabay kaming nag-i-star gazing. Tulad niya, hindi rin
mapawi ang ngiti sa labi ko. Hanggang sa tumingin siya sa akin ng diretso. Walang
kurap kurap. Her eyes na bakas ang sobrang tuwa at sincerity. And those eyes.. that
I just can't resist.
Unti-unti kong idinampi ang aking labi sa kanya at pinagsaluhan namin ang halik na
tila nagdudulot ng pakiramdam na para kang tinatangay ng hangin.
We continued looking up the stars nang biglang may kung anong dilim ang pumawi sa
alapaap. At siya ay.. unti-unting naglalaho sa tabi ko at tila hinuhugutan ng
hininga. Nakita ko rin ang kakaibang pagliwanag ng puso niya.
Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Biglang nagflashback sa utak ko ang kaganapang
ito. Ang panaginip ko! HINDI MAAARI!
"Mond! Hindi kita mahawakan! Anong nangyayari. Mon-Mon! Bakit hindi kita
mahawakan!" napuno akong bigla ng takot dahil hindi ko na rin siya mahawakan. Para
bang unti-unti rin siyang tinatangay ng hangin.. palayo sa akin. 'Yung panaginip
ko! Ito 'yun! Itong-ito 'yun! Bakit hindi ko napansin kanina pa lang. B~llsh~t!
"Kumapit ka lang! 'Wag mo akong bitawan. 'Wag kang matakot. OBCURSO!" b~llsh~t!
Gumana ka! "Hindi ka pwedeng mawala. Hindi!" iyak siya nang iyak. Pati ako'y
naluluha na.
Ngunit nilamon na siya ng kadiliman. T~ngna.

"KRYENDIO!" pagbanggit ko ng spell na 'yun ay dinala ako sa condo.


"KIERRE! LIN! SI ENIKKA! NILAMON NG DILIM!!" naiiyak na ako. Parang kung sinong
makita ko ay gusto kong patayin!
"NASAAN SI RALF! T~NGNA NIYA! NASAAN SIYA!"
"TEKA TEKA." Nagpapanic na rin ang dalawa. Pero putres na 'yan wala na akong
panahon para idescribe ang ginagawa nila!
Hinawakan ko ang dalawa sa balikat. "KRYENDIO!" gumana ka! Putres! Nagconcentrate
ako. "KRYENDIO!"
Sinugod ko agad si Ralf sa coffee shop kahit maraming tao. Magkamatayan na!
"T~rag~s mo ka!!! ANONG GINAWA MO KAY ENIKKA?!"
"HA?"
"'WAG KA NANG MAGMAANG-MAANGAN G~GO!
Tumingin siya sa'kin na para bang nag-iisip. Kumunot pa ang noo niya. Hinigit ko
lalo siya sa kwelyo. Gusto ko na nga siyang buhatin sa leeg para matuluyan na siya.
"Anong nangyari? 'Yung eksakto."
"ANO KA IMBESTIGADOR? NAGLAHO SIYANG BIGLA! ANO SAGOT NA!"
Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Sumama ka sa'kin sa Magique Fortress."
Sinuntok ko nang buong lakas ang pagmumuka niya dahilan para matakot ang ilang
customer at magsilayasan.. Susuntukin ko pa sana siya pero pinigilan na ako nina
Kierre. Pinagmumura ko rin ang ungas! "BW~S~T MO KA! PINAYAGAN KA NAMING MAGING
KAIBIGAN NAMIN TAPOS ITO LANG ANG IGAGANTI MO? ITO PALA ANG WALANG MASAMANG MOTIBO?
HUWALANGYA KA! IBALIK MO SI ENIKKA! 'PAG MAY NANGYARING MASAM-."
"Sir, pwedeng lumabas kayo dito kung mag-aawa-."
"ISA KA PA! 'NASA SUKDULAN NA AKO NG GALIT TAPOS BIBITININ MO? PAPALABASIN MO PA
KAMI TAPOS DOON NAMIN ITUTULOY ANG PAG-AAWAY? ARE YOU OUT OF YOUR MIND?"
"Dia!"
"Mond!"
"I'm sorry. Hindi ako ang may gawa nito. Kaya nga sumama kayo sa'kin sa Fortress.
Sigurado akong nandoon siya."
"HINDI IKAW? DAMMMIT! EH SINO?" kumukulo na ang dugo ko. Isa na lang talaga at
makakapatay na ako. Mabibigat na ang hinga ko at nararamdaman kong unti-unting
nagliliwanag ang mga marka ko.

"Si Dreyxin."
####################################
22 - Compromise
####################################

Chapter Twenty Two


Compromise

Napaupo ako sa isang upuan dito. Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa nagsusumidhing
galit at takot.

"Dia! Compose yourself first. Walang magandang mangyayari kung galit ang paiiralin
mo." Pag-alalay sa'kin ni Kierre. Tulala lang ako dahil iniisip ko si Enikka.
Ayokong isipin kung anong pagpapahirap ang ginagawa sa kanya nung hayop na 'yon.
"Paghahandaan kong maigi ang pagpatay sa kanya 'pag may ginawa siyang kahayupan kay
Enikka." Nakakumkom na ang kamay ko't tumutulo na ang luha ko.
Lumingon ako kay Ralf. "ANO? MASAYA KA NA?! MASAYA NA KAYO HA?!"
"Nagkakamali ka. Hindi ko ito intensyon. Aaminin ko, nang makarating ako dito'y
kinausap na ako ni Dreyxin sa kanyang mga plano. Ngunit iyon ay nung panahong hindi
ko pa naman alam ang totoo mong hangarin. At isa kang mabuting nilalang na may
magandang kalooban. Ang tingin kasi sa'yo ng lahat ay masamang nilalang dahil isa
kang produkto ng bawal at kasalanan."
"Eh tangina, bakit hindi mo sinabi sa'min?" napapasabunot na ako sa buhok ko. "Ang
bobo mo Ralf! Kulang pa 'yang suntok ko sa'yo. Kulang na kulang pa."
"Mond, Ralf, enough! Ikaw Ralf, naturingan kang prinsipe pero hindi mo alam ang
ginagawa mo. Ako ngang guardian na ni Dreyxin, tinakasan siya. Ikaw pa? Bakit
nagawa mo siyang pagkatiwalaan? Isa pang taga-kabilang grupo? Hindi magkaibigan ang
dalawa diba? Pero hindi mo ba naisip na dahil sa hindi pagkakaibigan na 'yan,
maaaring umusbong ang alitan. Na alinman sa dalawang grupo ay tinuturing na kaaway
ang kabila. O ng isa't isa." Natahimik siya sa sinabi ni Lindrenne.
"That was before. Alam kong rule sa'tin na bawal magkasakitan kaya kampante akong
hindi kayang gumawa ng masama ni Dreyxin. And he told me that this is not his game,
this is our game. Dahil magtutulungan daw kami para mamuno sa Fortress. Which is
true dahil kami naman ang heirs ng tigkabilang kaharian."
"You're also aware that there's a thick line between Gemlacks and Soverthells
because of what happened 149 years ago. Tapos ngayon nakipagkasundo ka pa sa kapwa
mo prinsipe? Dreyxin is not an ordinary prince. The Gemthell sword is in his
hands!"
"Pero sa inyo naman talaga nakalagak ang espadang 'yun."
"Oo nga, pero bawal gamitin ng kahit sino. It's placed in a sacred room sa Black
Realm kasi nagsisilbi iyong source of power ng buong Gemlack clan! Same goes with
the Chapeau of your clan! But what happened? Kinuha niya 'yon for his own good!"
"What?"
"Yes! And he planned to steal the Witted Chapeau too. Kaya nga inunahan ko na siya
bago mapasakamay ni Drey 'yun. Kaya nga ako napatalsik sa Fortress. You know it."
"Dreyxin said you want it for a purpose."
"Dam~ him! Binabaliktad niya lang ako. I may be just a guardian, but I am more than
deserved to be trusted."
"KRYENDIO!" nagteleport ako pabalik sa condo para kunin ang Chapeau. We may use it
against him. Pagkakuha ko noo'y nagteleport ako pabalik sa shop.
"Kinuha ko 'to. This can be our bait against him."
"I can't believe this. Mond, hindi ko talaga alam na ganoon si Drey. Patawad.
Pinapangako kong kampi sa inyo ang angkan ng Soverthells. Pagkarating-rating ko
doo'y ipoproklama kita bilang isang ganap na parte ng buong dimensyon at hindi ka
nila pwedeng kalabanin. Na nasa panig mo kami."
"You can only make that within the White Kingdom, but in Dreyxin's place? I don't
think so." - Lin.
"We should make plans. Ikaw Ralf, pagdating doo'y palabasin mong kakampi ka pa rin
ni Drey para hindi tumindi ang gulo. Titira ka patalikod. Mas magandang malaman
niyang siya lang ang lumalaban, hindi 'yung siya ang kinakalaban. Maghahakot tayo
ng kakampi. Ang Soverthells at ang Elemental Line. Dapat ay makumbinsi mo silang
karapat-dapat kang tanggapin sa buong dimensyon." Wika ni Kierre.
"Ayoko nang tumanga pa. I need to go and get Enikka back." Tumayo na ako at
naglakad palabas.
"Sasama kami. You think hahayaan ka naming umalis mag-isa?" paghabol ina Kierre.

Itinigil ko ang oras dahil may mga taong maaaring makakita. I summoned the Circle
of Insignia.

"Hallowed circle I summon, full focus is all drawn. Calling north for the blessed
emblem and sacred hallmark, reincarnate in me the power of light and dark. I am the
center and I connect the stars in the south. Moon on my west, sun on my east.
Elements on each corner, make me your owner. Chant to surround, thy all be bound.
Diamond's the name, now bring us to Dreyxin's game."
***
Dito kami napunta sa loob ng kaharian na sa tingin ko'y ang Black Realm. Puro kulay
itim ang kumikinang na walls, sahig, at kisame ng malaking sild na ito. Malimit
makakita ng kulay puti. Kung mayro'n man ay mga linings o outlines lang. Ang mga
chandelier ay kulay pula naman. Walang iba dito maliban sa trono na nasa harapan
namin. Ngunit imbis na makita ko ang prince Dreyxin na 'yan, nakatalikod ang
kanyang upuan dahilan para hindi namin siya makita. Tanging ang kumikinang na
gintong korona lang niya ang nakikita namin mula rito.

"That's him. The evil prince."


"Whoa there my lovely Lindrenne. Is that your way of saying "I miss you my master"?
Welcome visitors. What brought you here?" Nagulat kami nang bigla itong nagsalita
at humalakhak ng malademonyo.
"Lovely mo muka mo! Hindi mo na ako laruan! Nasan si Enikka!" inagawan ako ng linya
ni Lin. Hangga't maaari'y kinakalma ko ang sarili ko dahil baka mapatay ko agad si
Dreyxin at lalo lang lumala ang sitwasyon. Hangga't nasa kanya si Enikka, hindi ko
siya pwedeng kalabanin.
"You have a good mind Diamond. Hangga't nasa akin si Enikka, hindi mo ako pwedeng
kalabanin. Excellent thinking!" at pumalakpak pa ito. Sh~t! Nabasa niya ang inisip
ko.
"IBIGAY MO SA'KIN SI ENIKKA! NGAYON DIN DREYXIN!"
"Isa kang lapastangan! How dare you call me by my name? Isa akong prinsipe, at isa
ka lang kasalanan. Know your place."
"YOU AS~H~LE!" susugurin na sana ni Lin ito ngunit pinigilan ni Kierre.
"And as for you Prince Ralf, you did a good job. Nadala mo siya rito nang walang
kahirap-hirap."
"Anything for the good of the Fortress. Ihahanda ko na ang kanyang kulungan."
Nagtinginan kaming dalawa ng makahulugan.
"Salamat kaibigan. Siguruhin mong ang pagkukulungan niya'y isang kulungang hindi na
niya nanaisin pang umalis. Dahil hindi na niya kayang kumawala." Humalakhak muli
ito at kanina pa ako nagpipigil na pasabugin ang bunganga niya.
Humabol pa ito ng sasabihin bago makalabas si Ralf. "At pagbalik mo sa inyong
kaharian, ika'y lubhang masusurpresa." Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa
surpresang iyon.

Umalis na nang tuluyan si Ralf kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito.
Tinignan ko ang nasa magkabila kong tabing sina Kierre at Lindrenne. Tumango ako sa
kanila na hudyat para sugurin namin si Drey. Pero bago pa mangyari 'yon ay
nilalamon na ng lupa sina Kierre at Lin sa gilid ko at napailigiran ng itim na
usok.
"KIERRE! LIN!" hinawakan ko sila pareho sa kamay pero malakas ang hugot ng lupa't
hindi kaya ng pwersa ko ito.
"Mond! Pag-isipan mo ang bawat galaw mo... may... may grant of strength siya." Sabi
ni Lin habang patuloy pa rin ang paghila ko sa kanila. Hindi ko na pinapansin ang
paghalakhak ng demonyo. Gagamitan ko sana ng kapangyarihan pero huli na dahil
nawala na ang dalawa.
"BULLSH~T KA SAAN MO SILA DINALA! LUMABAN KA NG PATAS! ISA KANG PRINSIPE NG
PANDARAYA!"
"HAHAHAHAHAHA! Wow! Kaya ko nga sila pinaalis dito para patas eh. Ikaw at ako. One
on one. Diba?"
"ISA KA NGANG HANGAL! PANO MAGIGING PATAS KUNG ULTIMO 'YANG MUKA MO'Y HINDI MO
MAIPAKITA SA'KIN. HARAPIN MO AKO, 'WAG KANG DUWAG!"
Pero parang hindi siya natinag sa mga sinabi ko at kinumpas bigla ang wand niya.
Nakita ko si... "ENIKKA!" nakahiga siya sa isang kama sa isang malaking lugar na
hindi ko alam. At pinalilibutan siya ng mga Drakkis. Lintek na Betas.
Pasugod na ako kay Dreyxin pero naumpog akong bigla at napahandusay. Dammit!
Anong!!!
"Hindi mo ako malalapitan. Hampaslupa!" may transparent wall pala siyang nilagay
kaya hindi ko siya malalapitan.
"DUWAG! NASAAN SI ENIKKA! IBALIK MO NA SIYA SA'KIN!"
"Ayan nga oh, natutulog. Saka isa pa, pano ko gigisingin ang hindi na nagigising?"
at humalakhak siyang muli. TANG~NA!
"A-Anong sabi mo?" hindi niya ako sinasagot at patuloy lang ang kanyang
paghalakhak. Sana ay mamatay na siya pagtatawa. Bwisit! Anong sabi niya? Hindi na
nagigising si Enikka? TANG~NA!
Nakita ko roon ang biglang pagsulpot nina Kierre at Lin. Doon sila napunta. Ano ba
'yang tarag~s na lugar na 'yan. Kinulong ng mga alagad ni Drey sina Kierre at Lin
sa magkaibang cage. "Ayan, may mga kasama na siya. Makukuha mo lang sila sa isang
kondisyon."
"Dam~ that condition! Ano?"
"Akin na 'yang Witted Chapeau." Ayokong ibigay ito sa kanya pero kung hindi ko
ibibigay, pano ko naman sila maibabalik.
"'Pag hindi ka tumupad, binabalaan kita. Papatayin kita. Papatayin talaga kita!!!"
"Easy. Tumutupad ako sa mga pangako. Now, give that to me."
"SIRAULO KA RIN PALA. PANO KO IBIBIGAY 'TO SA'YO EH MAY HARANG?"
"Who says?" nagtaka ako sa sinabi niya kaya humakbang ako. Wala na ngang harang.

Naglakad ako. Kaunti na lang at makakalapit na ako sa kanya.

"STOP!" bwisit! Bakit ba ako tumigil? Bakit ako nagpapadala sa mga utos niya?
Lalakad pa sana ako pero nagsalita ulit siya. "Ilagay mo sa harap mo ang chapeau."
Wala akong magawa kundi sundin lang ang sinasabi niya. Nilagay ko ang chapeau sa
harap ko, nakalutang lang ito ngayon. Mabilis naman itong lumipad patungo sa kanya.
"IBALIK MO NA SILA! ANO NA!"
"Not so fast. I'm not yet finished."
"PERO SINABI MONG-."
"Oo nga. Pero hindi pa nga ako tapos! May kailangan ka pang ibigay sa'kin."
Nagliwanag ang tip ng wand niya at unti-unting humihiwalay ang paa ko sa sahig.
Pinapalutang niya ako at itinalikod niya ako kaya nakaharap ako ngayon sa pintuan.
Napakataas ko na mula sa ibaba. "IBABA MO AKO!"
"Listen carefully. I want you to give me the Gratis Ensorcelled Stone."

Biglang nag-flashback sa utak ko ang nabasa ko sa libro ni Blaite.


Gratis Ensorcelled Stone is a product of pure power that lies within both courage
and fear.
'Yon lang ang tanging description na nakalagay. Kwento naman ni Kierre sa'kin noon,
hindi ito isang weapon na tulad ng espada at ng sumbrero pero napupuno rin ito ng
hiwaga at kapangyarihan dahil si Blaite rin ang gumawa ro'n. Ngunit ang tanging
ipinagkaloob lang niya ay ang espada na nasa Gemlacks nga, at ang sumbrero na
pinangalaga niya naman sa Soverthells. At itong stone, wala pang ibang nakakagamit
nito bukod sa mahal na Blaite. Kung nasaan man ito ay siya lang ang tanging
nakakaalam. Tanging si Blaite lang.

"Edi kunin mo kay Blaite!"


"Inuutusan mo ba ako hampaslupa? O baka naman, wala lang sa'yo kung kitilan ko ng
buhay ang tatlo?"
"HINDI! OO NA! KUKUNIN KO NA!"
"Magaling."
"Saan ko 'yun kukunin?"

Narinig kong muli ang nakakasulasok niyang paghalakhak. Halos masakal na rin ako
dahil sa paghapit ng kwelyo ko. Ang pwersa ng pagpapalutang niya sa'kin ay nasa
kwelyo ko kaya nasasakal ako ngayon. Bwisit!

"Kaya ko nga inuutos sa'yo. Alamin mo."


"Pero si Blaite lang ang nakakaalam nun."
"Alam ko."
"Oh edi kausapin mo siya!" biglang umigting ang kakaibang ngisi sa muka ko. "Ahh.
Kaya mo sa'kin pinapakuha kasi hindi mo alam kung pano. Hindi mo alam kung pano
tawagin si Blaite. Hindi mo alam kung pano siya kausapin. At alam mo rin sa sarili
mo na kahit kailan ay hinding-hindi ka magkakaroon ng calling mula sa kanya dahil
isa kang kahihiyan sa ating lahi! ISA KANG DEMONYONG PINATAPON NA RIN MISMO DITO NG
IMPYERNONG PINANGGALINGAN MO!!!" bigla niya akong hinagis nang buong pwersa sa
pintuan dahilan para masaktan ako ng sobra. Sh~t! Bumagsak akong puno ng galos at
dugo. Bakas rin sa pintuan ang umbok dahil sa paghagis niya sa'kin. Pakiramdam ko'y
may internal fracture yata akong natamo.
"IKAW ANG KAHIHIYAN DITO! LUMAYAS KA! DALHIN MO SA'KIN ANG GUSTO KO KUNDI... IKAW
MISMO ANG MAGHUHUKAY NG LIBINGAN SA INYONG APAT!!!" kahit hinang-hina ako'y lumabas
ako sa kasumpa-sumpang silid na 'yon. Ngumisi ako dahil alam kong naasar siya sa
sinabi ko.

Humanda ka Dreyxin. Nagtitimpi lang akong saktan ka. Naghahanap ka ng katapat mo?
Pwes, ibibigay ko sa'yo ang hinahanap mo. At ipapakita ko sa'yong maling-mali ang
kalabanin ako.

First thing's first, I need to get that stone to save my friends, and to save my
Enikka. I know it's wrong to trust him but I don't have any aces now but to take
the risk. Wait for me Enikka, I'm gonna get and save you from Dreyxin by hook or by
crook.
####################################
23 - I Am
####################################

Chapter Twenty Three


I Am

Lumabas ako ng kaharian. Matatalim ang tingin sa'kin ng mga kawal ngunit hindi
naman nila ako ginagalaw o pinagtangkaang kalabanin. Marahil ay utos ito ng walang
kwenta nilang prinsipe. Nasaan ba ang hari dito? At bakit ang lakas ng apog ng Drey
na 'yun na maghari-harian. Hindi pa naman nagaganap ang sunod na koronasyon.
Pesteng nilalang!

Hanggang sa makalabas ako ng gate ng kaharian ay hindi pa rin ako tinatantanan ng


mga matang mapansiyasat. May mga bahay-bahay sa paligid. Parang baryo lang. Parang
isang komunidad. Siguro'y ito naman ang community ng iba't ibang angkang nabanggit
noon ni Ralf. Ang mga Oretter, Haflux, Cindroso, Jiquas, Vlontir, Syrwon, at iba
pa.

Sa paglalakad ko'y nakita ko rin ang ilang kabataang nagsasanay ng mahika sa parang
isang malaking field dito. Halo-halong mga Gemlack Walt, Cryst, at Nix wizards.

Napatigil ako sa paglalakad nang mayroong batang pumunta sa harap ko't tinitigan
ako. Hanggang sa malaman ko na lang ay tumungo ito sa akin. He bowed down in front
of me.

Lumapit bigla ang sa tingin ko'y ina nito. "Ano ka bang bata ka! Hindi siya ang
ating prinsipe. Isa siyang ligaw na estranghero dito." Sabi nitong mukang nandidiri
pa sa'kin. Buti naman ang estranghero lang ang sinabi niyang description sa'kin
kahit alam kong batid niya na ako si Diamond. Hinila niya ang bata na nakatingin pa
rin ng diretso sa'kin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

May grupo pa ng mga kabataang mukang maaangas ang humarang sa'kin. Mga nakangisi
pa. "Ikaw ba si Diamond? 'Yung anak ng mga taksil?" talaga bang kakabit na 'yon ng
pangalan ko? Gusto kong malungkot pero ayokong magmukang mahina sa harapan nila.

Tumingin pa ako sa mga marka nila. Mga Nix wizards pero ang lalakas na ng loob
maghamon. "Oo, bakit? Kayo ba?"

"Ako si Death Syrwon. May angal ka? Ano? Idaan natin sa laban." Paghahamon pa nito.
Mukang mapupusok ang angkan ng Syrwon.

"Hindi ako lumalaban sa mga baguhan." Alam kong hindi tamang patulan ko pa ang
paghahamon niya pero hindi ko mapigilan lalo na't ininsulto nila ang rurok ng aking
pagkatao.

Tinulak ako nito dahil sa agarang galit. Nilabas pa nila ang kanilang mga wand.

"Lumaban kayo ng patas. Wala akong wand, kaya 'wag din kayong gumamit ng wand."
Simple't kalmado kong sabi. Nakita ko ang paghigpit lalo ng hawak sa kanilang mga
wand.
"Tama ang sabi-sabi tungkol sa'yo. Hindi ka mabuting salamangkero. Kaya hindi ka
nararapat dito."

"Pano mo 'yan nasabi gayong hindi mo pa napapatunayan? Sabihan mo ako ng masama


kung hinarangan ko kayo at nginisian. Sabihan niyo ako ng masama kung wala naman
kayong ginagawa tapos hahamunin ko kayong bigla. Sabihan niyo akong masama kung
ininsulto ko ang pagkatao niyo. Hindi naman diba? Sino ngayon sa atin ang hindi
mabuting salamangkero?"

Nilagpasan ko na sila at nagsimula nang maglakad. Pero bago ako makalayo'y nilingon
kong muli ang mga kabataang ito. "At isa pa pala, may payo ko sa inyo. 'Wag niyong
tutularan si Dreyxin dahil hindi siya marunong lumaban ng patas. Nawa'y mapabilis
ang pagiging Cryst wizards ninyo." Saka ako ngumiti at tumalikod na.

Nakakailang hakbang pa lang ko'y ngsalita silang muli. "Salamat ginoo. Thank you
your highness." Nanlaki ang mata ko sa itinawag nila sa'kin. Napalilibutan na kami
kanina pa ng mga Gemlacks pero mas lalo yatang dumami nang nakita ko silang lumuhod
at nag-bow sa harap ko.

Bago ko pa sila malapitan ay biglang kumulog ng malakas at kumidlat mismo sa harap


ko. Dumating bigla si Dreyxin... at nakita ko na ang kanyang muka. Wala siyang
binatbat sa pagkagandang lalaki ko. Psh! Nagawa ko pa talagang maging conceited.

Lumuhod ang lahat sa kanya. Wow naman! Kagalang-galang? Ows?

Bago pa madagdagan ang pang-aasar ko sa kanya sa isip ko ay nagulat ako nang


nanggagalaiti niyang binuhat ang mga kabataan gamit lang ang kanyang wand.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Hoy! 'Wag mo nga silang saktan! Kaya nasabi kong
hindi ka magandang ehemplo eh, nananakit ka. Tapos ngayon, pinatunayan mo pa lalo
ang sinabi ko. Ha! Nag-iisip ka ba pre?" inakbayan ko pa siya. Pang-asar lang.
Bahala ka d'yan. Naglalaro ka eh, edi makikipaglaro ako sa'yo.

Binaba niya ang kanyang wand dahilan para lumagpak rin ang mga kabataang 'yon.
"Tumakbo na kayo, baka mag-evolve 'to sa halimaw! Mas pangit pa kay Betas kung
nagkataon!" narinig ng matalas kong pandinig ang ilang pagtatawa sa paligid. Pero
sa takot sa kanilang prinsipe'y pinipigilan nilang magtawa.

Hinawakan niya ako sa baba ko. Ramdam ko ang galit sa sistema niya dahil masakit
ang pagkakahawak niya sa'kin. "Bakit? Anong kinagagalit mo mahal na prinsipe?" saka
ako ngumiti sa kanya.

"Anong pinapagawa ko sa'yo? Hindi ba't ang kunin ang pinakukuha ko? Ano sa tingin
mo ang ginagawa mo?" sabi niyang nakadikit ang mga ngipin. Ipit na ipit ang
pagkakasabi. Galit si kuya. Matatakot na ba ako? Bigla kong naalala si Enikka.
Sh~t! I should be afraid as hell!

"Maglalakbay na sana ako para kunin 'yon kaso umepal ka ngayon. See?" at nagkibit
balikat ako. Lalong dumiin ang kamay niya sa panga ko na pakiramdam ko'y babaon na
ang mga kuko niya. Iginala ko pa ang mata ko sa paligid at bakas ko sa muka ng mga
wizard ang takot sa tuso nilang pinuno. Binuhat na niya ako nang tuluyan. Aray ko!
May balak ba siyang ihiwalay ang ulo ko sa katawan ko? Insecure rin siguro 'to! Ang
dami niyang drama sa buhay!

Itinulak ko siya ng buong pwersa ko pero hindi siya matinag. Humalakhak siya.
"Hindi mo ko kayang saktan hampaslupa!" grant of strength nga pala ang fate of
power niya.

"Who says?" alam kong hindi magandang magtake advantage sa sariling kakayahan at
maging kampante na may alternative powers ako kahit walang wand pero, kinabahan rin
ako dahil bukod sa pwede akong mapahiya ay hindi ko rin mapatunayan sa mga
nakapaligid na hindi ako karapat-dapat tanggapin sa mundong ito. I need to prove
myself in any way I can.

Pumikit ako't nagconcentrate. Naramdaman ko ang paglinya ng mga marka sa pulso ko.
Dumilat akong may mga liwanag na 'yon. Ngumiti ako sa kanya na nanlalaki ang mga
mata.

Nang tumalsik siya'y mabilis akong tumungo sa kanya't inapakan ko ang dibdib niya.
Napansin ko ang pagkagulat ng mga nasa paligid. Ngayon, sabihin niyo sa'kin kung
sino ang tagapagmana ng kahariang ito. Ngumisi ako sa kanya. Nagsilapitan ang mga
kawal. "JIERZE!" sambit kong nagpatigil sa kanila. Hindi sila makagalaw sa
kinatatayuan nila. Kinumpas ko ang kamay ko't nagsitalsikan ang mga wand nila.

"May rule dito na bawal manakit ng kapwa, kaso nauna ka eh." Lalo siyang nagalit at
sinakal akong muli.

"Hindi ka yata na-inform na malaya nang manakit ang kahit sino dito sa Black
Realm... on purpose. Pano mo nga ba naman malalaman, eh hindi ka taga-dito?" naging
kombinasyon ng red at black ang mga mata niya. At sa ngipin naman niya'y kulang na
lang yata'y may lumitaw na mga pangil.

"Sasakalin mo lang ba ako the whole day? Pano 'yung stone? Hindi mo 'ko maaalipin
Dreyxin. May kailangan ka pa sa'kin, pakatandaan mo. Now, if you'll excuse me, may
mahalaga pa akong gagawin. 'Wag na 'wag mo ring maisipan ng masama 'yung tatlo
dahil hindi mo makukuha sa'kin ang gusto mo. Pano na lang ang mithiin mong mapasayo
ang buong Fortress? Diba?"

Ibinaba niya ako kaya nahabol kong muli ang hinga ko. "So, alis na ho ako
kamahalan." Tinapik ko pa siya sa balikat at nginisian. Naiwan siyang nagtitimpi.
Ipinahiya ko ba naman siya sa kanyang nasasakupan. Nakakaawa ang mga taga-rito.
Walang kwenta ang kanilang prinsipe.

Naglakad na ako palayo. Sana tulad ngayon, sa'kin mapunta sa dulo ang huling
halakhak. Sana.

Malawak pala ang lupain ng Gemlack Territory. Natatanaw ko sa malayo ang White
Kingdom. Mistulang may malawak na bangin na pumapagitna sa dalawa. Ang malaking
boundary. Kung titignan mula sa Cloud Castle, parang magkalapit lang ang dalawa.
Pero ang totoo, sobrang layo pala.

Pano ba 'ko pupunta sa kabila? Kailangan kong makausap si Ralf. Baka may alam siya
tungkol sa hinahanap ko. Malay lang naman.

Ay takte! Dapat pala nagteleport na lang ako! Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?!
Nakakahawa pala ang kabobohan ni Dreyxin.

Babanggitin ko na sana 'yungs spell nang may biglang tumusok sa pwet ko. Isang itim
na kabayo. Teka, horse ranch ba 'to? Daming kabayo.

"Saan ka tutungo ginoo?" napaatras ako bigla nang nagsalita 'yun. Nagsalita nga ba
'yun? Hala!

"Ako ba ang kinakausap mo?" umikot pa ito sa'kin.

"I believe it's just you here." Huwaw! Nag-eenglish si horsey! Pero hindi ko
matanggap! Kinakausap ako ng kabayo. Nakakausap ko ang hayop. Diba hayop sa hayop
lang ang nagkakaintindihan? Ibig sabihin asal hayop ako? Pero bago pa ako masiraan
ng ulo'y kinumbinsi ko ang sarili kong magic dimension ito at ang kahit anong akala
mong imposible ay maaaring mangyari.

"Pero... baka ipahamak mo ako. Baka inutusan ka rin ng Dreyxin na 'yun. Baka mamaya
ihulog mo ako d'yan." Turo ko sa Bangin Boundary. Pauso ko lang.

"Edi sana pinagtatadyakan ka na namin kanina pa. Sa'n ang punta mo?"

"Sa White Kingdom san-." bigla niya akong isinakay sa kanya pagputol sa sinasabi
ko. Pano niya 'yun nagawa. Magical horses.

Napayakap ako sa kabayong ito nang tumatakbo na siya sa hangin. Sa malawak na


banging ito. Kahit yata wala kang fear of heights ay bigla kang magkakaroon once na
mapatingin ka sa ibaba.

Mabilis ang takbo, or should I say, ang lipad niya kaya nakarating agad kami. Nang
makaapak ako sa lupain ng mga Soverthells ay nagpasalamat ako sa kabayo. "You are
much better than him." Sabi niya't tumakbo na pabalik sa Gemlack territory. Hindi
ko man lang natanong kung sino 'yung tinutukoy niya. Siguro si Dreyxin.

Tulad sa Gemlack territory ay may mga komunidad dito. Mga angkan iba't ibang
Soverthells-mga Ernoll, Krialdan, Dashean, Parssey, Gyeza, Iliondes, at iba pa.
Nang makita nila ako'y nagsipagluhuran sila sa akin.

"Tumayo po kayo. Ayos lang po." Bati ko sa kanila habang binibilisan na ang lakad
pero magiliw ko rin silang nginingitian. Nakakahiya kasi. Ayoko ng ganitong
pakiramdam, parang artista. Sanay naman na ako noon nung ako si Raymond Zalazar
kasi celebrity identity ang gamit ko nun, pero ibang kaso kasi 'to. Ibang mundo.
Hindi mo alam kung lahat ba ng nagluhurang 'yan ay talagang kakampi mo.

May dalawang uri ng malupit na akala: Ang inakala mong kakampi mo, hindi pala. At
ang inakala mong kaaway mo, siya pa pala ang tutulong sa'yo.

Nang makarating ako sa malaking gate ay pinagbuksan agad ako ng mga kawal at
malugod na itinuro sa'kin ang direksyon sa kaharian. Napatingala ako. Tulad ng
Realm, napakalaki rin ng Kingdom. Pero dito, kitang-kita mo ang ganda ng kaharian.
Ang Realm kasi, itim na kumikinang. Dito kulay puti, malinis tignan. Ayoko maging
bias, pero tutal nabubwisit ako kay Dreyxin, mas maganda para sa'kin sa ngayon ang
White Kingdom. Ang buong Soverthell domain.

Pumasok ako doon at sinalubong ako ng maraming tao. I mean wizards. May piging ba?
Nako naman, kailangang kailangan ko ngayon si Ralf. Nang mapansin nila ang
presensya ko ay nagluhuran sila. Grabe! Hindi naman ganito ang gusto kong
pagtanggap. Okay na sa'kin na ngitian nila ako. Natanaw ko sa harap si Ralf na
nakaluhod sa isang... kabaong? Nilapitan ko siyang bigla.

"Ralf!" lumingon siya sa aking namumugto ang mga mata.

"Ang ama ko Mond. Wala na siya." Sumilip ako doon sa ataul. Hindi ko inasahan na sa
pagbabalik namin ay ganito ang mangyayari sa kanya. Dinaluhan ko siya sa pagluhod
at kinalma siya sa likod. "Malakas pa siya nung umalis ako. Hindi ko alam kung
anong nangyari. Sabi nila'y bigla na lang itong nahimatay. Sabi naman ng
manggagamot ay dala lang ng katandaan. Pero Mond, wala pang 80 si ama. Hindi ko 'to
matatanggap." Ayokong isipin na may kinalaman 'yung demonyo dito.

Maya-maya'y lumapit sa'min si... ito yata 'yung reyna. May korona eh. Itinayo niya
si Ralf at inakap ito. Nag-bow ako sa kanya pero itinatayo niya rin ako.
"Maligayang pagdating. I am Queen Gail. Ituring mo itong tahanan."

"Thank you your majesty. Condolence po." Tumango ito at ngumiti. Si Ralf ay umiiyak
pa rin. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba kinainisan noon ang isang tulad niya.

"Mond, kausapin kita. Halika." Sabi ni Ralf nang siya'y kumalma na. Nagpaalam muna
kami sa reyna at sinusundan ko lang si Ralf.

Pumasok kami sa isang sobrang laki pang silid. Hindi yata uso dito ang maliliit na
silid. Nakakamangha. "Ito ang silid ng namayapa kong kuya. Si Prince Rayzer."

"Anong nangyari sa kanya?"

"Nalunod siya sa Lawa ng Lason."

"May namamatay pala talaga doon?" tumango siya. "Pero bakit siya nandoon?"

"Naglalakbay lang siya dahil gusto niyang galugarin ang bawat parte ng Fortress.
Lahat kami ay nagulat sa nangyari. It was 7 years ago. Ilang buwan na lang sana at
maluluklok na siyang hari." Napatingin ako sa kanya. Parang may kutob nanaman ako.

"Diba pwede lang maging hari ang prinsipe kapag nasa tamang edad na ito?"

"Oo. Pero katulad ng nangyari ngayon, kapag namayapa na ang hari, ang prinsipe na
ang mamamahala. Iintayin na lang ang susunod na koronasyon. Hindi pa ako handa.
Parang sa lahat ng ginawa ko pati na sa'yo, hindi ako karapat-dapat maging hari."

"'Wag mong isipin 'yon. Hindi mo kasalanan. Teka, nasaan ang hari't reyna sa Realm?
Bakit naghahari-harian doon si Dreyxin?"

"Ang reyna ay matagal nang wala. Ang hari nama'y namatay noong isang buwan lang.
Isang linggo bago ako umalis dito papunta sa mortal world. Ang dahilan naman 'di
umano ng pagkamatay niya'y nalason sa kinakain nito. Kaya naman ang tagaluto nilang
matagal nang naninilbihan doo'y pinarusahan ng kamatayan."

"Akala ko ba bawal pumatay dito?"

"Oo nga. Pero kung bilang kaparusahan, pwede." Nagkibit balikat siya. "Ano nga
palang ipinunta mo? Anong nangyari? Sigurado akong alam na ni Drey na nandito ka.
Na hindi niya ako kakampi. Na lahat rin ng galaw mo ay maaaring sinusubaybayan niya
palagi."

"Pinakukuha niya sa'kin ang Gratis Ensorcelled Stone. At nasa panganib sina Enikka,
Kierre, at Lin kapag hindi ko 'yun naibigay sa kanya." Nanlaki ang mata niya sa
ibinalita ko. "Alam mo ba kung pano kunin 'yon?"

"Ang alam ko lang ay makapangyarihan 'yon. Parang pinagsamang Gemthell Sword at


Witted Chapeau. At wala ring nakakaalam kung ano ang gamit ng batong 'yun. Kung
anong function niya. At ang mahal na Blaite lang ang makakasagot niyan."

"Nagkaroon ka na ba ng calling mula sa kanya?"

"Hindi pa. At hindi ko rin alam kung magkakaroon ba. Hindi lahat sa atin ay
nabibiyaan ng pagtawag mula sa kanya." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige. Salamat."

"Wala 'yun. Maiwan muna kita. Babalikan ko pa si papa." Ngumiti ako sa sinabi niya.
Buti pa siya dahil nabigyan ng pagkakataong makasama ang ama niya kahit papano.
Samantalang ako, hindi ko man lang nayakap ang mga magulang ko.

I was about to summon the circle to call for Blaite when I heard a loud explosion
outside. Nagmadali akong lumabas ng kwarto't nakita kong nagkakagulo.

Nakitakbo ako palabas ng kaharian at nakita kong ang malaking hukay sa lupa gawa ng
pagsabog na nangyari. Maraming sugatan at may nakita pa akong batang umiiyak. Sh~t!
Nilapitan ko ang bata't tinulungan siya para madala sa loob ng kingdom.

"Ralf! Anong nangyayari?!"

"Pinasabugan ang ating lupain ni Dreyxin. Bukas na kasi ang ika-150 na taon ng
paggunita sa..."

"Kasalanan ng mga magulang ko. Gunigunita niyo pa pala talaga 'yon dito?"

"Matagal nang itinigil 'yon. Mag-iisang daang taon na. Nagkaroon ng alitan ang
dalawang grupo pero naitigil rin 'yon para mapanatili ang kaayusan. Hindi ko alam
kung bakit ibinalik ni Dreyxin. Ayan na nga't nagsisimula na siya."

Hindi pa kami nakakarecover sa pagsabog nang bigla nanamang nagpasabog ang mga
taga-Realm! BWISIT-EPAL-UGOK-HUKLUBAN KANG DREYXIN KA!

'Yan ba ang gustong mamuno ng buong Fortress? Sa ginagawa niya ngayon, sinisira
niya ang kagandahan nito. Padagdag nang padagdag ang problema ko. Kailangan ko nang
mahanap si Enikka. Nag-aalala na ako. Ang dami na ring naaapektuhan. Dammit!
Pababagsakin kitang Drey ka!

Ngayon ay isa pa ang sinisigurado ko sa pagbabalik kong ito... I am Diamond


Gemlack-Soverthell and I am the real heir of this dimension. It's about time to
claim what's mine.

==========

Cute note: Namumuti na ang buhok ko kakaupdate. Hahahaha! Tulog muna ko. Babush
guyth! <3
####################################
24 - Stone
####################################

Chapter Twenty Four


Stone

Habang ginagamot ko ang bata ay abala rin si Ralf sa pagpapapasok ng mga


Soverthells dito sa kaharian. Safe zone kasi dito sa loob. Kahit pasabugan ang
kaharian ay hinding-hindi ito masisira o matitibag.

"Diamond." Natigil ako sa paglalagay ng bandage sa bata nang may tumawag sa'kin.
Luminga linga ako sa paligid ngunit wala namang tumatawag sa'kin. Guni-guni ko lang
yata.

"Diamond." Boses 'yun ng isang lalaki. Napagtanto kong hindi ordinaryong boses 'yun
na maririnig mo lang kapag may tumatawag sa'yo mula sa paligid. Hindi ko matukoy
kung saan nanggagaling.

"Blaite?" iniwan ko muna sa kanyang ina ang bata at pilit kong sinusundan ang
pinanggagalingan ng boses. Palakas rin nang palakas ang aurang nararamdaman ko
habang naglalakad ako sa hallway-papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Sa
pinahiram na silid sa'kin ni Ralf.

Nakatitig lang ako sa pinto. Halo-halong pakiramdam. Binuksan ko ang pinto't laking
gulat ko dahil iba ang itsura ng loob. Sigurado akong parehong pinto naman ito at
'yung nilabasan ko kanina. Para akong napunta sa ibang lugar. Palagay ko'y isa
itong tore. May mesa at dalawang upuan. Sa mesa naman ay mayroong isang chessboard.
Sumilip ako sa malalaking bintana. Napapaligiran ito ng ulap. Parang kapag tumalon
dito'y walang katapusan. Nasaan ako?

Napansin ko naman ang opposite wall noong pintuan kung saan ako nakatayo kanina.
May mga nakasabit na parang salamin na parihaba ang hugis. Isa, dalawa... maraming
salamin. Ngunit sa mga salamin na ito'y nakikita ko ang mga wizards. CCTV lang?

Lumapit ako doo't nagtaka ako dahil mukang hindi naman pangkasalukuyan ang
nangyayari. Sa isang salamin ay napapanood ko si Drey kung hindi ako nagkakamali.
Nagsasanay siya kasama ang kapwa niya Walt wizards. Sa sumunod na salamin nama'y
pinakitang sinuotan siya ng korona bilang prinsipe. Hala! Ibig sabihin, hindi pala
siya anak ng hari at reyna? Ito 'yung sinabi ni Ralf noon na kapag nagkataong
walang anak na lalaki ang hari't reyna ay paglalabanan ng mga Walt wizards ang
trono. Proclaimed Prince lang pala si Dreyxin Black Vlontir, hindi True Heir.
Nabwisit ako lalo. Binabahiran niya ng masamang reputasyon ang mga Gemlacks.
Sinasayang niya ang pinagkaloob sa kanyang dugo't apelyidong Gemlack.

Tumingin ulit ako doon sa salamin kung saan nakikipaglaban na siya sa ibang Walt
Wizards. Natalo niya lahat. Ang galing niyang makipaglaban. Napansin ko ring
mahusay niyang nako-control ang kanyang wand at matalino niyang pinipili ang mga
spells na gagamitin. Lumingon naman ako sa ibang salamin. Si Dreyxin nanaman.
Grabe! Favorite ba siya nitong mga salamin?
T-Teka... siya ang nagtimpla ng tubig bago maganap ang Walt Battle. At bakit
tinitimplahan niya 'yung tubig? Anong nilagay niya don? Dammit! Nandaya siya!
Pinahina niya ang mga kalaban niya para siguradong siya ang panalo! Nakita ko pang
nakipagtalo sa kanya si Lindrenne at sinampal niya ito.

Muntikan ko nang kuhanin 'yung upuan dito at ibalibag sa mga salamin. Ang dami
niyang kasuklamang ginawa. Kinulong niya ang totoong anak ng hari't reyna ng Realm
na si Prinsesa Shayne sa isang lampara na kung tutuusin ay dapat niyang tinuturing
na kapatid. Pinalabas nilang nagsuicide ang prinsesa dahil hindi nito matanggap ang
kalungkutang hindi siya pwedeng mamuno sa kaharian. Siya rin ang may pakana kung
bakit nalunod si Prince Rayzer sa Lawa ng Lason. 'Yun ay dahil gusto niyang siya
lang ang mamuno sa buong dimensyon-both Realm and Kingdom.

Isa pang kahalangan ng bituka niyang ginawa ay ang patayin ang hari ng Realm. Siya
pala ang pumatay. Ama-amahan na niya 'yun. Tinuring siyang parang tunay na anak
dahil siya ang Proclaimed Prince pero nilason niya ang hari. Siya ang naglagay ng
lason sa pagkain nito. Pinalabas niyang 'yung tagaluto. Pwede naman niyang intayin
na nasa tamang edad na siya, bakit kailangan pa niya 'yung gawin. Ang tamang edad
para maging hari ang prinsipe ay 25 years old. 21 years old na siya. Ganun ba siya
kasakim sa kapangyarihan at hindi siya makapaghintay?

Ito pa ang lalo kong ikinagalit, dinamay niya ang pamilya ni Ralf. He killed the
Soverthell King. Ang sabi ni Ralf dala raw ng katandaan ang sabi ng manggagamot,
pero ang totoo may kung anong lason ang nanalaytay sa litid ng hari. Gawa ito ng
Dark Spell ni Dreyxin. Mayroon siyang malawak na kaalaman sa Dark Sorcery.

At ngayon sigurado akong nasa bingit ng kapahamakan si Prince Ralf.

Hindi ko namalayang nakakumkom na ang pareho kong kamay sa galit. Hindi ko


matanggaap na may naisilang na wizard na katulad niya. Hindi ko rin maaatim na
isang tulad niya ang sasakop sa Fortress. "Hindi ako makakapayag. Humanda ka.
Humanda ka!!!"

Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay kong nakakumkom. "Anak." Ibinuka niya
ang pareho kong kamay.

Nanlaki ang mata ko. "I-Ina?" nakangiti ito sa'kin. Nakita ko rin ang katabi niya.
"Ama?" hindi ko na napigilang lumuha at niyakap ko silang pareho. Ang pag-iyak ko
lang ang umalingawngaw sa buong silid.

"Ina, Ama, 'wag muna kayong aalis. Dito muna kayo sa tabi ko."

"Anak, lagi mong tatandaan na binabalot ng kadiliman ang isang walang panatag na
kalooban. Ang takot, galit, lungkot, at kagahamanan ay hindi magandang pagsama-
samahin. Dalawa lang ang magandang kombinasyon palagi. Hindi tatlo, hindi apat.
Dahil ang isang damdaming maraming sulok ay mahirap kontrolin at mailap kalabanin."

Pagkasabi niyon ni ina'y hinawakan naman ako sa ulo ng aking ama. "Anak,
paninindigan ang susi. Tulad namin ng iyong ina, wala kaming pinagsisisihan dahil
alam namin na pagdating ng tamang panahon ay may magandang kahihinatnan ang lahat.
Mahal ka namin ng iyong ina. Babantayan ka namin palagi." Niyakap nila akong muli.

Pagdilat ko'y wala na sila. Hangin na lang ang aking kayakap ngayon. Wala akong
ibang maorganisang salita kundi "Salamat ina at ama."

"Ijo, pakitulungan naman ako." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Lolo? Muka siyang
ermitanyo. Muka siyang lolo. Lolo ko kaya ito?
Lumapit agad ako sa kanya't inakay siya sa paglalakad. May tungkod pa siya at
uugod-ugod na. "Ikaw po ba ang lolo ko?" nagitla naman ako nang bigla niya akong
pinalo nung tungkod niya.

"Muka ba akong lolo? Umupo ka d'yan." Pagturo niya doon sa upuan. Nahampas pa ako.
Muka naman kasi talaga siyang lolo. Uugod-ugod na nga eh. Nag-alangan naman ako
kasi aalalayan ko pa nga siyang maglakad. "Kayo po muna Lo. Tulungan muna kita."
Hinawakan ko ulit siya sa braso't balikat niya pero ipinalo niya ulit 'yung tungkod
niya sa'kin. Napaaray ako sa sakit.

"Ang brutal pala ng lolo ko." Saka ako tumakbo agad sa upuan kasi baka hampasin
niya ulit ako.

Lalo kong ikinagulat nang naglakad siya patungo rin dito at umupo sa harap ko. Kaya
naman pala niyang maglakad, nagpatulong pa sa'kin. Ipinatong niya 'yung tungkod
niya sa mesa, katabi ng chessboard. "Sabing hindi ako ang lolo mo. At hindi ako
uugod-ugod."

"Eh kaano-ano po kita? Sa inyo po ba ang silid na 'to? Pano po ako napunta dito?
Kayo po ba ang tumatawag sa'kin kanina? Pero hindi naman boses matanda 'yun."
kinuha niya ulit 'yung tungkod niya't ipinalo sa'kin. "Ikaw po ba si Blaite?"

"Ang dami mong tanong. Tumira ka na." Hindi ko namalayang gusto niya palang maglaro
kami ng chess. Hindi pa naman ako masyadong naglalaro nito.

Habang naglalaro kami'y tinitignan ko kung ano ang marka niya sa pulso. Pero wala
akong makitang marka. "Lo, tao ka ba? Bakit wala kang marka?"

"Eh kung ikaw kaya ang gawin kong tao?"

"Ah. Baka walang marka si Blaite. Ikaw po 'yun diba? Pwede mo po ba akong tulungan?
'Yung mga mahal ko sa buhay ay nasa panganib. Maging ang buong Fortress." Tumungo
pa ako sa kanya. Hindi ito tumitingin sa'kin nang diretso sa mata, kahit magmula pa
kanina. Busy pa rin siyang nakatingin sa chessboard.

"Diamond, kahit hindi kita tulunga'y kaya mong isalba ang lahat."

"Pero lo, si Dreyxin. Pano ko siya pipigilan? Tatalunin? Tapos pinapakuha niya pa
sa'kin 'yung Gratis Ensorcelled Stone. Pwede ko po bang mahiram?" tumigil siya
saglit at kinuha niya ang braso ko. Nagulat ako sa biglang paglabas ng mga marka
ko. Nagliwanag sila nang tignan lang ni lolo. Malakas ang pakiramdam kong siya nga
si Blaite.

"Nakikita mo ba ang markang 'yan? Hindi 'yan ipinagkaloob sa'yo para lang
ipangdisplay sa braso mo na kung gusto mong pailawin ay iilaw. Si Dreyxin na
sinasabihan mong bobo ay mayroong matalinong pag-iisip. 'Yun lang ang mayroon siya.
Ikaw, mayroon kang dalawang marka, mayroon kang utak, at higit sa lahat mayroon ka
nito." Tinuro niya ang puso ko.

"Walang makatatalo sa sinumang alam gamitin ng tama ang utak, may likas na
kapangyarihan, at mabuting kalooban. Hindi mo pa rin ba marealize kung gaano ka ka-
espesyal? Hindi mo pa rin ba maabot ang katotohanan ng iyong kahalagahan?" sabi
niya't bumalik sa chessboard para tumira. Namayani ang katahimikan at nagpatuloy
ang aming paglalaro.

Maya-maya pa'y nagsalitang muli si lolo. "At bago ka tanggapin ng lahat ay


kailangan mo munang yakapin ang pagkatao mo." Tumira na rin ako habang nakikinig sa
kanya. "Alam mo rin ba kung bakit kahit nananahimik ka noon ay pilit ka nilang
hinahabol?" umiling ako.

"Simple lang. Walang maghahabol kung walang tumatakbo. 'Wag mong takasan ang sarili
mo Diamond."

Unti-unti ko nang naaabsorb ang mga pangaral niya sa akin.

"Checkmate." Sabi niya. Talo ako. "At tignan mo natalo ka. Kahit marami kang
iniisip, 'wag na 'wag mong kalimutang mag-pokus. Pakatandaan mong maiigi."

"Salamat po mahal na Blaite." Tumungo muli ako sa mesa. Pag-angat ko'y wala na siya
sa harap ko. Nag-isip pa ako ng marahan. Isinapuso ko rin aang lahat ng mga sinabi
niya sa'kin.

'Yung tungkod ay biglang lumiwanag at umiksi-naging wand ito. Kinuha ko 'yun at


tumayo na. Bakit iniwan ni Blaite itong wand. Lalabas na dapat ako pero naalala ko
'yung stone. 'Yun nga pala 'yung kailangan kong kunin. Hindi ko nahingi kay Blaite!
Paktay!

Naglibot-libot muna ako sa sulok sulok nitong tore. Wala akong makita. Sumilip ako
sa nakakahilong bintana. Napakataas talaga dito. Ano kayang lugar ito? Labas na ba
ito ng Fortress? Panibagong dimensyon?

"The source of light and dark." Muntik na akong mahulog dito nang biglang sumulpot
ulit si lolo Blaite sa tabi ko.

"A-Ano po 'yun?"

"The source of light and dark."

"A-Ano nga po 'yun?" binatukan niya ako. "Haaay. Bata ka pa nga. Marami ka pang
dapat matutunan. Basta tandaan mo lang 'yung sinabi ko." Itinatak ko naman sa utak
ko 'yung "the source of light and dark" niyang sinabi.

"T-teka lo, 'wag ka muna magdisappear. 'Yung stone po please. Pahiram lang ibabalik
ko po."

"Kung hihiramin mo, siguradong hindi mo na maibabalik dahil nasa kamay na ni Drey.
Ikingagalak kong makaharap ka ijo." tinignan niya ako ng direkta sa mata. Nakita ko
sa mga mata niya ang dalawang marka. Habang tumitingin ka kay Blaite ay kakaiba ang
mararamdaman mo. Parang napakasagrado sa pakiramdam.

Nabigla naman ako nang ako'y kanyang itinulak sa bintana. "Waaaaaaah!!!"

"Mond!"

"Waaaaaaah!"

"MOND! GISING!" naramdaman ko ang pagtampal-tampal sa'kin ni Ralf. Napabangon ako


bigla. Panaginip? Imposible. Alam kong totoong-totoo 'yun. Lalo na 'yung
pagkakahulog ko mula sa tore. Grabe! Parang ihinihiwalay 'yung kaluluwa ko.
Grabe!!! Hingal na hingal rin ako.
"Si Blaite!"

"Nakausap mo na siya?" tumango-tango ako habang binibigyan ako ng tubig nung


bunsong kapatid ni Ralf. Si Prinsesa Riza.

Napatingin si Ralf sa kamay kong nakakumkom. Pagkabukas ko niyon, isang bato! "Ang
stone!" sabay naming sabi ni Ralf. Nakita ko rin sa kabila kong kamay ang wand.

"Ibibigay mo talaga kay Drey?" tanong niyang nakapagpabagabag sa'kin.

Kapag ibinigay ko ito kay Drey, makapangyarihan na siya. Ang sword, chapeau, at
itong stone ay nasa kanya. Ngunit naalala ko ang ipinarealize sa'kin ni lolo
Blaite, na ako ay hindi basta-bastang wizard. And maybe without my expectations ay
kaya kong tapatan si Drey. Lalakasan ko lang ang loob ko at maniniwala ako sa
sarili ko.

Tumango ako kay Ralf. "'Ibibigay ko ito sa kanya ngunit kapag nakuha ko na sina
Enikka ay pababagsakin ko siya. In any way I can." Tama Mond, tiwala lang.

Dinescribe ko kay Ralf 'yung nakita kong kinaroroonan nina Enikka. At base daw sa
description ko'y alam niyang nasa Charmers Stadium sila. Ang pagkalaki-laki stadium
field na nagsisilbing boundary ng mga kaharian. Nasa dulong bahagi daw 'yon ng
boundary. Nasa Bangin Boundary din 'yon. Hindi ko lang nakita nang dumaan kami ng
kabayo dahil malayo pa raw iyon doon at sobrang bilis din ng lipad nung kabayo.

"Sasamahan na kita." Tumayo na si Ralf.

"Ralf, bago ang lahat... may kailangan kang malaman."

Tinipon ko ang lahat. Ang reyna, prinsesa, si Ralf, at ang iba't ibang angkan ng
Soverthells. May mga naiwan rin sa labas pero sisiguruhin kong sa gagawin ko'y
makikita rin nila ang lahat.

Pinorma ko ang aking mga kamay at pikit-mata kong pinalitaw ang aking mga marka.
Kasabay noon ang pagbuo ko sa isang malaking liwanag at nagsimulang magpakita ang
mga kaganapang nakita ko kanina na malinaw na malinaw pa sa aking ala-ala. Samut-
saring reaksyon ang nakita ko sa lahat. Marami ang nagulat at marami ring galit sa
may masamang budhing si Drey. Lalong lalo na si Ralf.

"Ihanda ang mga kanyon! Ngayon din!" sigaw ni Ralf sa mga kawal.

"Ralf... mapapahamak ang mga inosenteng Gemlacks. Si Dreyxin lang ang kalaban natin
dito."

"A-Anong gagawin ko. Mond, naguguluhan na ako. H-Hindi ko alam kung pano ko
papatayin si Dreyxin."

"RALF! Hindi ganyang pag-iisip ang dapat mong taglayin ngayon. Isipin mo kung paano
mo poprotektahan ang iyong nasasakupan. Ako na ang bahala kay Drey. Ako ang haharap
sa kanya." Tumango tango siyang naluluha pa rin. Sinamahan niya ang kanyang ina't
kapatid na tumatangis rin. Inutusan niya ang mga kawal na 'wag munang ituloy ang
nauna niyang utos.

Sina Enikka, Kierre, Lindrenne, at ang buong Fortress na sa akin ngayon


nakasalalay. Inalala kong muli ang lahat ng words of wisdom na natanggap ko sa
calling ni lolo Blaite. Isa na roon ang kahit marami akong iniintindi'y 'wag na
'wag kong makaligtaan ang salitang "focus".

Tumunog na ang malaking orasan na naghuhudyat na isang panibagong araw na rito sa


dimensyon. Ang araw kung kailan ako isinilang. At ang araw ng aming pagtutuos.
####################################
25 - Final Battle
####################################

Note: Sorry late update. May sakit kasi ang inyong author. This is the last
chapter, wait for the epilogue.

==========

Chapter Twenty Five


Final Battle

Dia! Nasaan ka na? Nanganganib si Enikka!

Nataranta ako lalo nang umabot sa utak ko ang mensahe ni Kierre. Nagmadali akong
sumakay ng puting kabayo patungo sa Charmers Stadium. Nababalot ako ngayon ng takot
sa anumang panganib ang pwedeng gawin ni Drey kay Eni. Hindi ko siya mapapatawad.

Pagkaapak-apak ko pa lamang ay sinugod na agad ako ng mga Drakkis kaya't wala akong
nagawa kundi ang kalabanin sila. "DAVRANTUS!" At dahil lumlipad ang mga ito'y
nahirapan akong kalabanin silang mag-isa. Hindi nawawala ang tamang liwanag sa
aking mga pulso.

Ang natira... ang halimaw na si Betas.

Narinig ko ang paghagulgol ni Lindrenne sa kawalan. Natatanaw kong nasa kaduluhan


sila nitong stadium. Malayong-malayo pa sa kinatatayuan ko. May mga bwisit pa
kasing umeeksena. Lalo na itong Betas na 'to. Pabida. Pero ang ikinakakaba ko,
bakit umiiyak si Lindrenne at binabanggit niya ang pangalan ni Enikka. Tumindi ang
kaba ko.

Ang ganda pala ng balat mo Enikka. So pure and innocent. Masarap haplusin at halik-
halikan.

W-What t-the? Drey... anong ginagawa mo sa mahal ko? Pakiramdam ko'y unti-unting
pinipiga ang mata ko para maglabas ng luha.
Malademonyong humalakhak bigla si Betas sa harap ko at sinakal ako. "Tama ang
dating mo, pero huli ka pa rin." At tumawa nanaman siya. Ayoko nang mag-aksaya ng
oras sa'yong bwisit ka! Si Enikka! Pinagsasamantalahan na ni Drey! Bush~t!

Nilabas ko ang wand at nanggagalaiti kong isinaksak kay Betas. "DIE." Tanging
sinabi ko pero nagawa nitong pasabugin si Betas.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa dulo. May mga alagad pang Gemlacks dito na
pinapatamaan ako ng kani-kanilang wand ngunit hindi ko na 'yon pinansin.
Hinaharangan pa ako ng iba pero pilit ko silang pinapatalsik. Kailangan kong
makaabot kay Enikka. Kailangan kong makarating agad sa kanya. Palapit nang palapit
ay nararamdaman ko ang unti-unti kong panghihina. Sugatan na ako't puro dugo. Pero
patuloy lang ako sa pagtakbo. Diretso ang tingin ko kahit natatabunan ng luhang
nagbabadyang bumagsak ang mga mata ko.

Natigil ako sa pagtakbo nang makita ko na sila. Nabitawan ko lahat ng hawak ko't
napaluhod sa nakita ko. Nakahiga si Enikka sa kamang itim. Hubad na't walang malay
habang nakaupo si Drey sa dulo ng kama't hinahaplos ang hita niya. P*tang~na.

Namumuo ang sobrang galit sa ulo ko. Mabibigat na ang hinga ko at nagpupuyos na
talaga ako sa galit. Malapit na akong sumabog.

"A-Anong ginawa mo sa kanya..." nanginginig kong sabi habang nanggigigil ang mga
nakakuyom kong kamay. Umiiyak si Lindrenne sa kanan habang nakakulong at si Kierre
nama'y tulalang nakulong rin sa nangyayari.

"Oh, nandito ka na pala." Tumigil siya sa paghaplos kay Eni at humarap na sa akin.
Halos malaglag ang ulo ko sa pagkakakabit nito sa leeg ko.

Si Quendrix.

"D-Drix?"

"Ako nga Ed. I mean, Diamond. Nasurprise ka ba? Happy deadly birthday!" sinabayan
niya iyon ng paghalakhak.

"Y-You..."

"Sa lahat ng tanong mo sa isip ngayon, Yes ang sagot ko." Lumapit siyang muli kay
Enikka at iginagala ang daliri sa tiyan ni Eni. Sh~t! Don't...

"Ang Erase Spell na ginamit mo sa'kin nung una tayong nagkita ay hindi naman talaga
umeepekto sa katulad kong may Dark Sorcery. Lahat rin ng kapahamakang nangyari kay
Enikka ay dahil sa'kin. I'm the one and only trouble maker Diamond. How cool is
that?"

Biglang nag-sink in sa'kin ang lahat. Na-organisa ko na rin ang lahat ng kaganapan.
Siya ang nagpatama sa'kin ng boomerang noon kaya pala nandoon siya nang mangyari
'yon. Sa tuwing maoospital rin si Enikka ay laging kasama si Quendrix bago mangyari
ang mga kapahamakan. This is a big set-up!

"Pinagbigyan na nga kita eh. Humiling ka na sana kahit kaunting panahon ay walang
mangyaring masama kay Enikka. See? I have a heart... for the needy." saka niya
hinawakan ang kanang... parte... ohsh~t!

"T*ng~na wag! D-Don't... Wag please. Drix wag. Wag Quendrix, wag." Pagmamakaawa ko
na sa kanya habang iyak nang iyak.

"Masakit ba Diamond?" at nagtawa pa siya.

"Akala ko kaibigan ka namin!"

"Oops, my bad. Pasensya naman, magaling ba akong aktor? Poor idiots, hindi niyo 'ko
kaibigan. Kahit kailan Diamond. Never. This is all planned. Prepare to be doomed!"

Pasugod na ako sa kanya nang bigla naman siyang bumanggit ng spell kaya unti-unting
lumilinya at nabibiyak ang lupa sa harapan ko. B*llsh~t! Tumakbo na ako at tumalon
ng mataas bago pa lumaki ang biyak ng lupa. Naiwan ko pa ang isang pares ng sapatos
ko.

Tinawag ni Ralf ang pangalan ko at nakita kong sumunod siya sa'kin. Tumalon din
siya bago pa lumaki ang biyak ng lupa. Magkalapit na kaming dalawa pero pinalipad
ni Drix patungo sa kanya si Ralf.

"Not so fast Diamond. Nag-eenjoy pa ako sa munti kong palabas." Bumaling ang
atensyon niya kay Ralf na sakal sakal niya sa leeg. "You are a traitor. Anong akala
mo sa'kin? Tanga? Nung nasa mortal world ka pa lang, alam ko nang panig ka sa
kanya. Kumusta ang surpresang malamig na bangkay ng iyong ama? You deserved it. At
dahil isa kang traydor na maihahalintulad sa halimaw, I'll give you what you
deserve. Napaka-generous ko 'no?" may binulong siya sa hangin at napalibutan ng
itim na usok si Ralf.

He turned into a beast.

"'Yan ang bagay sa'yo. To be an idiotic beast. Isang walang silbing halimaw."

Lumapit siya kay Kierre. Bumulong ito sa kanyang wand at nang tumingin si Kierre sa
ilaw sa dulo ng wand niya'y naging itim ang dalawa niyang mata. Inabutan siya ng
mansanas ni Drix. "Eat."

"KIERRE 'WAG!" but it's too late. Nakagatan na 'yon ni Kierre at tuluyan na siyang
nawalan rin ng malay. Humalakhak si Drix at matalim na nakatitig sa'kin. Nilingon
niyang mabilis si Lindrenne.

"You are such a very unloyal guardian."

"Pakawalan mo 'ko Drey. Tutulungan kitang magbagong buhay. Tatanggapin pa rin kita.
Naniniwala akong kaya mo pang magbago. Itigil mo lang ang lahat ng ito."

"Manigas ka." At pagkasabi niya noo'y nabalot ng yelo ang buong katawan ni
Lindrenne. She turned into ice.

"WALANGYA KA! NAPAKASAMA MO!" tumakbo na ako. "DAVRANTUS!" pero tumalbog ang magic
ko sa isang transparent wall na unti-unting umuusbong mula sa lupa paitaas. Ako
tuloy ang sumalo ng sarili kong patama. "HUWAG KANG DUWAG! 'WAG KANG MAGLAGAY NG
HARANG! NAPAKADUWAG MO!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib kong napuruhan.

"I'm not done yet. Keep you eyes wide open Diamond. You're going to enjoy this."
Lumapit siyang muli kay Enikka. Dammit! Not again!

Lumuhod siya sa tabi ni Enikka, nakaharap sa'kin para kitang-kita ko ang pagmumuka
niyang gusto kong sirain. Nilagay niya ang kanyang kamay sa tiyan ni Enikka at
ginagalaw-galaw ang mga daliri niya doon. Dammit! Dammit! Dammit! Nakatingin siya
ng diretso sa'kin habang ginagawa ang mga 'yon. Sinusuntok-suntok ko na itong
bwisit na harang na ito.

Hindi pa siya nasiyahan... he kissed one of Enikka's... OHMYGAAAAAAAH!

"ENIKKA! Enikka ko... Drix, I'm begging you... Please stop. Don't.. D-Don't..."
'Yung pakiramdam na hindi mo siya hinahayaang masakamay ng iba, na para sa'yo isa
siyang kaingat-ingatang yaman, tapos bigla lang ganito. Bukas-mata ko pang
napagmamasdan ang pambababoy sa kanya. Nakakabaliw sa sakit.

"'Yan ganyan nga, magmakaawa ka sa'kin Diamond."

"Nagmamakaawa na 'ko sa'yo. 'Wag mo siyang gagalawin. Ibibigay ko na sa'yo ang


stone. Just... don't... 'Wag mo siyang babuyin."

"You just gave me a brilliant idea." Sabi niya't dinilaan ang leeg at muka ni Eni.
Dammit! Umuulan na ng mura ang bibig ko.

Gigil na gigil kong sinuntok ang harang at nawasak iyon. Pakiramdam ko'y may
sumaping halimaw sa katawan ko at galit na galit kong sinugod si Drix pero mabilis
niyang nakuha si Enikka at tinapatan ng Gemthell Sword ang leeg nito.

"Kill me and you'll kill her too. Do you have any idea why did I badly want to get
her? Dahil kapag si Enikka ang pinatay ko, babalik sa'yo ang puso mo at pwedeng-
pwede na rin kitang patayin dahil hindi ka na immortal." Ngumisi pa siya.

Kahit galit na galit ako'y ibinaba ko ang wand kong dapat ay isasaksak ko na sa
kanya. "Ayan na! Ayan na ang stone. Sa'yong sa'yo na. Akin na si Enikka, na sa'yo
na ang gusto mo."

Tinitigan niya 'yon sa kamay ko't maya-maya'y binitawan si Enikka't kinuha iyon.
Tumayo siya't titig na titig sa bato na para bang sabik na sabik sa kapangyarihan.
Dinaluhan ko naman si Enikka at agad siyang niyakap.

"Enikka. I'm sorry. I'm so sorry... I love you. I'm sorry... What kind of evil have
done this to you." Nanginginig kong hinubad ang aking damit pang-itaas at ipinunas
'yon sa kanya. May mga pasa pa sa kanyang katawan. Halos mapupusan na ako ng
hininga sa pagluha habang ginagawa iyon. Isinuot ko na rin 'yun sa kanya at muli
siyang niyakap.

Pinakikinggan ko ang tibok ng puso niya ngunit wala na akong marinig. Wala akong
maramdaman. Malamig ang kanyang buong katawan. "D-Drix... b-bakit hindi na s-siya
humihinga, anong ginawa mo?"

Natinag ang pagtitig niya sa bato at hinarap ako. "Ikaw ang gumawa niyan sa kanya."

"A-Ano?"

"Hindi mo ba alam? Sabagay wala kang alam."

"ANO SABIHIN MO!"

"Kapag hinalikan mo siya, naisasaling muli sa'yo ang puso mo. May kalahati pang
natira kay Enikka pero hindi iyon sapat para mabuhay siya. Hindi siya tuluyang
patay, pero hinding-hindi na siya magigising dahil sa ginawa mo. Pero alam mo,
kahit malamig na siyang bangkay, ang sarap niya pa rin." Saka ito humalakhak nang
sobra kaya sinugod ko na siya't sinuntok. Kwinelyuhan ko pa siya pero nakangisi pa
rin siya. Nilabas niya ang kanyang wand at pinailaw ang dulo nun. Biglang dumilim
ang buong kalangitan at napupuno ng itim na usok ang paligid. Nagsidatingan rin ang
mga batikang Gemlacks sa isang kumpas lang ng kanyang wand. Dumating rin ang mga
Soverthells. Tanaw-tanaw ko sila sa kalahati ng lupang nabiyak at may galit ang
kanilang mga muka.

"Simulan na!" sabi ni Drix na hudyat ng pagsisimula ng digmaan ng dalawang grupo.

"HAYUP KA! ITIGIL MO 'YAN! BALAK MO BANG IKAW LANG ANG MATIRANG MABUHAY HA?!"

"Hindi ko kailangan ng mahihinang wizards sa aking mundo. Kaya kung sinong matira,
sila lang ang nararapat dito kasama ko. Now Diamond, anong gagawin mo? You choose.
Ang tulungan sila o ang magluksa na lang dito kasama ang bangkay mong kasintahan?"

Binitawan ko siya't napahawak sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Focus. Focus
daw sabi ni Blaite. Pero napakahirap magfocus!

"AKO NA ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA BUONG FORTRESS!"

"No you're not! LISTEN SACRED CREATURES OF FORTRESS, HE IS NOT TO BE TREATED AS OUR
KING! HE IS A DISGRACE! DIAMOND IS IN THE PROPHECY. HE SHOULD BE THE ONE TO LEAD."
Nangibabaw ang mga boses ng mga pinuno ng Elemental Line na sina Cyrus, Gwen,
Sefrie, at Pennelope na biglang sumulpot sa stadium. Natigil ang labanan at tila
naliwanagan ang mga nagsasagupaan.

"Mga lapastangan!!!" galit na utas ni Drix at siyang nakipaglaban naman ang mga
buong elemental creatures sa kanya.

Nilapitan ko agad muli si Enikka.

Utak, puso, at likas na kapangyarihan.

Hindi ako nawalan ng pag-asa kaya't hinalikan ko si Enikka. Isasalin kong muli ang
nawalang kalahati ng puso. Unti-unti kong nararamdaman ang pagsasalin. Hanggang sa
may maramdaman akong sobrang sakit sa likuran ko at nagsimula akong sumuka ng dugo.
Sinaksak ako ni Drix gamit ang Gemthell Sword.
Hindi ko nga ba naisalin ang buong puso kay Enikka? Hindi na nga ba ako nakabalik
sa pagiging immortal kaya nagawa na akong masaktan nang ganito ni Drix? O dahil
lang Gemthell Sword ang gamit niya kaya kahit sino ay tinatalaban nito, walang
exception na kahit immortal ay kayang patayin ng espadang 'yun? Alin ba ang
kasagutan? Katapusan ko na ba? Tuluyan na akong nanghina at napahiga kasama si
Enikka.

Narinig ko ang paghalakhak ni Drix. Soot niya ang sumbrero't hawak naman niya sa
tigkabilang kamay ang espada at bato. Sa pamamagitan noo'y pinaluhod niya ang lahat
sa kanya. Ang mga sugatang wizards at elemental creatures ay walang mga nagawa
kundi ang lumuhod sa kanya. He is the controller.

Naghihingalo na ako nang biglang gumalaw si Enikka kaya unti-unti ring bumabalik
ang tila hinigop kong lakas. Umayos ako ng higa sa tabi niya at hinawakan ko sa
kamay si Enikka at sabay kaming pumikit.

I begin to chant the Unite Spell na dinagdagan ko. "Просперира љубов. Се грижи да
се отиде. Нека одат на ракавица. Сакаат тоа, го чувствува тоа. Сакаат тоа, го
чувствува тоа. Ние како еден. Сакам како еден. Го прават тоа еден!"

Para makasabay si Enikka ay binanggit ko na rin ang translation ng spell. "Prosper


love. Worries be gone. Let go of the glove. Wish it, feel it. Wish it, feel it. We
as one. Love as one. Make it one!"

Pabulong naming pinauulit-ulit ni Enikka ang spell. "Prosper love. Worries be gone.
Let go of the glove. Wish it, feel it. Wish it, feel it. We as one. Love as one.
Make it one!"

"Prosper love. Worries be gone. Let go of the glove. Wish it, feel it. Wish it,
feel it. We as one. Love as one. Make it one!"

"ANONG?" iminulat ko ang mata ko nang naramdaman kong natataranta na si Drix.


Nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa magkahawak naming kamay ni Enikka.
Nakapikit siya't patuloy pa rin akong sinasabayan sa pagbanggit ng spell.

Buong pwersa niyang nilabanan ang liwanag at lumapit sa'min at bigla niyang sinasak
si Enikka kaya bigla siyang napamulat. Kukunin ko na dapat 'yung espada ngunit
lalong humigpit ang hawak ni Enikka sa kamay ko. "PAPATAYIN KO KAYO! MAMATAY KA!"
hinugot niya ang espada sa pagkakasaksak kay Eni at akmang isasaksak na sa'kin nang
biglang bumangon si Enikka, mabilis na inagaw 'yung espada gamit ang isang kamay
niya't isinaksak agad kay Drix.

Hinawakan ko ang kamay ni Enikkang nakahawak sa espada at sabay naming idiniin pa


lalo ang pwersa. "NO!!! Akin ang Fortress.. A-Akin..." unti-unting nagiging abo ang
kanyang katawan mula sa paa paitaas. Hanggang sa tinangay na nga siya ng hangin at
maging ang kaluluwa niya'y sumabog na lang at biglang naglaho.

Hinawakan ko ang tiyan ni Enikka na may saksak at nakikita ko ang pangingitim ng


kulay ng kanyang balat. Pareho kaming nasaksak nung Gemthell Sword. Pero ang saksak
sa'kin ay wala nang epekto dahil bumalik na ako sa pagiging immortal dahil buo na
pala kanina ulit ang puso sa loob ni Enikka.

"I... l-love you MonMon."

"Shhh. 'Wag kang magpaalam Eni. Hindi ka mamatay. Hindi." Tumulo ang kanyang luha.
Niyakap ko na siya at umiyak rin. Hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga kamay.
"Don't Enikka. Hindi ko kayang mawala ka. I'm willing to die for you. Basta ikaw
ang ligtas. Kahit hindi na ako. Don't do this baby. Don't do this."

Niyakap niya ako gamit ang kabila niyang kamay. "I'm willing to die for you too
MonMon. Death won't be a reason for me to stop loving you."
####################################
Epilogue
####################################

EPILOGUE

The feeling is so excruciating when you see the one you love dying-dying from
saving you. Gusto kong hindi na siya makaramdam pa ng sakit pero ayaw ko rin siyang
mawala sa akin. No words can creatively express what I feel.

"M-MonMon..." sabi niya habang hinahabol ang hinga. Inangat niya rin ang kamay
niyang kasalikop ng aking kamay na may liwanag pa rin. Nakita ko ang isang bato.
Saan ito galing? Sa kamay namin ni Eni?

The source of light and dark.

Tila gumanang muli ang mapurol na makina sa aking ulo. Gumanang muli ang aking
utak. Si Dreyxin ay napuno ng kadiliman ang pagkatao dahil nabalot ng galit at
kasamaan ang kanyang puso. Ang isa namang may malinis na hangarin, mabuting
kalooban, at mapagmahal na puso ang siyang pinagmumulan ng kabutihan at liwanag.
Puso ang pinagmumulan.

Napalabas namin ni Eni ang totoong bato dahil sa aming pagmamahal sa isa't isa.
Mabilis kong kinuha iyon pati ang kamay ni Eni. Hindi ko alam ang gamit ng bato
pero humiling na lang ako. "Simula ngayon, pagmamahal ang siyang laging mamamayani.
Pag-ibig ang ugat, pag-ibig din ang bunga. Pag-ibig ang simula, at pag-ibig rin ang
huli. Hanggang sa maging tubig ang bato, at ang bato ay tubig."

Kumunot ang noo ni Enikka habang napapansin ko ang unti-unting pag-akyat ng itim na
kulay sa kanyang balat. "That's forever to remain Enikka. Forever always."
Nagliwanag ang bato at umakyat na ito sa kalangitan kasama ng araw, buwan, at mga
bituin.

Ngumiti siya sa'kin bago pumikit at hiniga ko na siya ng maayos. Sagad sa buto ang
sakit.

Nilapitan na ako nina Sefrie at iniabot sa'kin ang espada at sumbrero. Umiling ako
sa kanila at sinabi kong nararapat iyong ibalik sa magkahiwalay na kaharian.

Sinira ko ang kulungang pinagkakalagyan ni Lindrenne. "Kierre loves you Lin. He


denies it, but I assure it. Please live." Natunaw ang yelong kumulong kay Lin at
nanghihina pa man ay nilapitan si Kierre sa kabilang kulungan. Binato niya at
sinira ang kasumpa-sumpang mansanas na kinagatan ni Kierre. Lumuluha siya ngunit
nagawa niyang halikan si Kierre na ikinagulat ko. Nagising ito.

Napaatras naman ako sa biglang paglapit ng beast na si Ralf sa akin. May kinuha
siyang lampara sa ilalim ng kama ni Eni at kiniskis 'yon ng maraming beses. Nagulat
ako nang may lumabas na babae mula roon. "Prinsesa Shayne." Tumungo sina Sefrie
pagkasabi non. Siya pala ang kinulong ni Drix sa lampara na anak ng hari't reyna.
Niyakap niya ang kahabag-habag na si Ralf. She kissed him and suddenly ay bumalik
ito sa kanyang katauhan.

Wait... What if...

"Dia!" lumapit sina Kierre sa'kin na iika-ika at nanghihina pa rin.

"I lost her." And I break down with tears again.

Pero maya-maya'y ikinagulat ko nang batukan ako ni Kierre. "Tumingin ka sa itaas.


Sa paligid mo."

Nakita ko ang isang makinang bagay sa itaas, sa gitna ng araw at buwan. Ang bato!
Nagliwanag ito na nakapagpabalik sa dating kulay ng Fortress. Ang kaninang madilim
at malungkot na paligid ay napalitan ng masigla at maaliwalas na tanawin. Nakita ko
ring nagyayakapan at nagpapalitan na ng batian ang mga sumabak sa labanan kanina.

"Masaya ang lahat. Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa. This would take
forever to endure the sadness."

Binatukan naman ako ni Lin. Nakita kong nagtatawa sina Ralf at Shayne na
magkaakbay. "Bakit ba? Nagluluksa na nga ako. I need space. Iwan niyo muna ako."

"Ang drama mo kase! Tumingin ka nga." Hinawakan ni Lin ang muka ko at ibinaling kay
Enikka. "Direkta ang liwanag sa kanya mula sa itaas." Lalo akong nalungkot sa
sinabi niya.

"Ibig sabihin kukunin na siya sa itaas."

"Ano 'to? Heaven ang drama? Walang heaven and hell dito Mond. Nasa paraiso tayong
lahat. And when we're here in paradise, everything's magical. Do you believe in
true love's kiss?"

Lumapit agad ako kay Enikka at hinalikan siya ng maraming marami. Hindi pa rin siya
nagigising. Hinarap kong muli sina Kierre na nakatingin kay Eni na soot ang
malulungkot na ekspresyon. Hindi ko magawang tumalikod ulit dahil baka humagulgol
lang ulit ako sa sakit.

"This is a magical place, but this is not like fairytales. Not all are happy
endings."

"Wala kayang happy ending. Dahil kapag ending edi tapos na. Edi hindi 'yun
masaya!!!"
"Oo Lin alam ako." Sako ako tumingin sa kanya.

Naghands-up naman siya. "Hindi ako nagsabi nun." Saka siya ngumiti. Bumaling ako
kay Kierre na nakangiti rin. "Look again Dia."

Pagkalingon ko'y biglang may dumamba sa'kin kaya napasalampak ako sa lupa. "E-
Enikka?"

"Jaraaaaan! Gulat ka 'no!" saka siya ngumiti sa'kin. "Teka, bakit iba ang itsura
mo? Ikaw ba si MonMon ko?"

Tumango ako ng paulit-ulit na tila tuyo pa rin ang lalamunan ko. Hindi ako
makapaniwala. "This is me Eni. This is the real me."

"Whoa! Mas gwapo ah! Pakiss nga!" at mabilis niya akong pinaghahalikan sa maraming
parte ng muka ko at niyakap ulit ako ng mas mahigpit.

Hinawakan ko siya sa muka. "Totoo? Nung hinalikan kita hindi ka nagising."

"Nagising ako. Hindi lang ako mumulat kasi inaantok pa 'ko. Nakakapagod kaya ang
adventure na 'to!" saka niya ako kinindatan. Walang pagsidlan ang saya ko ngayon.
Hindi ko alam kung paano siya nabuhay. Kung dahil ba doon sa bato o doon sa halik
ko. O di kaya naman ay hindi naman talaga nawala si Enikka dahil tumibay ang bisa
ng aming spell kanina. Hindi ko na alam, basta ang alam ko lang ay napakasaya ko
dahil nakikita ko nanamang masaya ang aking Enikka.

Umupo na siya sa gilid ko at nakita ko 'yung... "Sh~t Enikka!" t-shirt ko lang ang
tangi niyang soot. Malaki iyon ngunit makikitaan pa rin siya. "Kierre, Ralf alis
alis!" baka kasi makita nila at pagpantasyahan pa itong mahal ko.

"Oh ngayon balik possessiveness nanaman. Meron akong akin 'no, amazona nga lang!"
saka naman hinigit ni Kierre si Lin sa baywang at hinalikan.

"Akala niyo kayo lang. Meron din ako!" sabi ni Ralf at pumulupot na rin ang mga
braso sa likod ni Shayne.

Nagtatawa naman si Enikka habang pinapanood sila. Nang magtama ang mata namin ni
Enikka'y pumula ang kanyang pisngi. Hinigit ko ang dulo ng t-shirt niya at ibinaba
pa 'yon para hindi makita ang pambabang parte niya at para hindi ko siya masilipan.
Mahirap dito. This is not a romantic place for such deep actions.

Hinawakan ko siya sa pisngi. "I'm sorry for Drix."

"He should be the one sorry to us. Pero oo nga, he's been my friend for a year.
Hindi ko akalain." Napabuntong hininga na lang siya. If only you knew what he have
done aside from the "killing" thing.

"Pero bakit ako nakahubad. Anong nangyari MonMon? Did he..." nag-aalangan niyang
tanong sa'kin.

I sighed. Hindi pa rin matanggal sa isip ko 'yung nasaksihan kong ginawang imoral
ni Drix sa mahal ko. Below the belt. Walang makakapawi ng kasalanang iyon. He's so
evil. "I'll tell you later, but right now I want to take you to a bath." Kailangang
matanggal ko ang lahat ng dungis na inilagay ni Drix sa kanya.
Hiniram ko ang kapa ni Shayne at ipinangtaklob 'yun kay Enikka. Itinali ko 'yun sa
kanyang baywang. Pinahiram naman ako ng kapa ni Ralf para naman ipantaklob ko sa
akin sa pang-itaas.

Pinasalamatan ko ang lahat ng tumulong para proteksyunan ang Magique Fortress. At


higit sa kanilang lahat ay malaki ang pasasalamat ko sa aking guardian na si Kierre
na simula nang mabuhay ako ay nasa tabi ko na at kasa-kasama ko lagi. And this
time, I'm letting him go as my guardian. Alam kong magiging masaya siya kasama si
Lin at bubuo rin sila ng kanilang pamilya. Hindi naman habambuhay ay dapat niya
akong bantayan. Gusto kong sarili naman niya ang isipin niya. Ngunit kahit ganoon
ay hindi magbabago ang turingan naming dalawa. Mananatili kaming pamilya sa isa't
isa.

Kaming anim ay naglakad na palayo sa makasaysayang lugar na 'yon. Kasunod namin ang
elemental creatures at ang wizards. Nagdidiwang ang lahat at hindi mapantayan ang
tawanan at sigawan.

Habang naglalakad kami palabas ng malaking Stadium na ito ay naiguhit ko sa aking


isip ang future ko sa pamamahala sa Fortress. Ako mismo ang magsasanay ng Walt
wizards para sa bagong tagapamahala sa Realm. Samantala, ibibigay ko ang tiwala ko
kay Prince Ralf na maayos niyang mapapatakbo ang Kingdom.

Babalik muna si Enikka sa mundo ng mga tao upang ipagpatuloy ang kanyang buhay
doon. Magtatapos pa siya ng pag-aaral, magtratrabaho, at magtatagumpay sa kanyang
buhay. At habang ginagawa niya iyon doon, ay papanatilihin ko naman dito sa
Fortress ang kaayusan. Hindi man ako hari ng alinmang kaharian ngunit inirerespeto
ako ng lahat bilang kanila ring pinuno.

Babaguhin ko ang mga batas at papalitan ko ng mas makatarungang pamamalakad.


Nakataga na sa buong sakop ng Fortress ang bisa ng bato. "Pagmamahal ang siyang
laging mamamayani. Pag-ibig ang ugat, pag-ibig din ang bunga. Pag-ibig ang simula,
at pag-ibig rin ang huli. Hanggang sa maging tubig ang bato, at ang bato ay tubig."

There will be no more rules against love. Lahat na ay pwede. Dahil kung mayroon man
akong isang mahalagang aral na natutunan sa aking paglalakbay na ito, iyon ay...
ang kahit anong pwede at maaaring mangyari ay hindi dapat kailanman ipinagbabawal.
We can always find ways out from our own possibilities.

Bakit natin pipigilan ang mga taong nagmamahalan? Lalo na't wala naman tayong
nakikitang rason para tuldukan ang pag-iibigan.

I'll always put love first, then happiness, and last is power. That will be my
hierarchy.

I don't also need to find a way to be non-immortal. Dahil magkakabit naman kami ni
Enikka. We are one. Kapag nawala siya ay mawawala na rin ako. We will surely grow
old together and have a happy family. I am sure, that would be the happiest dream
anyone can ever dream of.

And the most magical part I've realized?

Love is just truly amazing.


Napahinto ako sa paglalakad nang harangan ako ni Enikka sa harap. May pinulot siya.
Humarap siya sa'kin at lumuhod.

Isinuot niya sa'kin ang kapares ng sapatos ko. "Nasoot ko na sa'yo ang sapatos.
MonMon, alam na kung anong kasunod!" at tumaas-baba pa ang kilay nito sa'kin.
Nagtatawa naman sina Kierre.

"You are too young for that!"

"Hindi na ako bata! Saka legal age na 'ko MonMon oh!"

"You are still young Enikka."

"Hindi kasi. MonMon kasi."

"If you're not young then why are you my baby?"

"Tara lakad na ulit! Kumokorny na!" sabi nina Kierre at naglakad na ulit.
Nagtawanan ang marami at bumaling ulit ako kay Eni sa harap ko.

"I'm planning for our future young lady. I want it to be a double wedding
celebration. One in the mortal world, and one here. But before that, you'll first
study, you'll graduate, and you'll find your dream job. You'll be successful. And
I'll stay here to serve my fellow wizards. We should first think of our future as
individuals and sooner after, we can plan our future together. We'll get there
Enikka. 'Til death do as part. We'll get there." And I winked at her.

I held her hand and we happily walked again passing by the gates of the stadium.
Habang nakasakay kami sa kabayo at nandito ngayon sa alapaap ay humarap sa'kin si
Enikka. Niyakap ko siya para hindi siya mahulog. Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't
isa at pinagsaluhan ang isang makamundong halikan.

"MonMon.." she said between the kiss.

"Hmmm?"

"You are my heart's antidote."

"I do, baby. I do. And you are to me too. Always eternally. Forever yours."

"Totoo ba talaga ang forever?"

"As long as we love each other, yes there is forever."

THE END ♡

==========

MAGKAKANGIPIN SA PWET ANG HINDI MAGBASA NITO :P

OHMYGOLLYGASH! TAPOS NA MGA BRAD! HEADBANG NA! HAHAHA!


Thank you ng marami sa aking sponsors. Joke! Sa mga nagbasa po nito. Grabe! Amazing
kayo! To the kumpas ng wand to the left and right! Bongga kayo! Salamat po.

NGAYON... SANA MAG-INGAY NA SA COMMENT BOX LAHAT MAPA-SILENT O LOUD READER. TIME TO
SHINE NA MGA BRAD! ITO LANG ANG SWELDO KO, FEEDBACKS NIYO (VOTES & COMMENTS)
HARINAWA MAHABAG KAYO. HAHAHA!

Inaanyayahan ko rin po kayong bumili ng published book kong "Akalain Mo Yun?" sa


mga Precious Pages Outlets and other bookstores. Full details ay nandoon sa last
part ng story na yun dito sa watty. :)

"Take It or Leave It" soon to be published too. Keep updated! :)

Try my new story, visit my profile:


Brainless Heart (Teen Fiction)

FB: PixieBlaire WP
Twitter: CristineStunner

Flying magical kisses :*


- pixieblaire ♡

You might also like