You are on page 1of 2

Saint Jude Academy of Mindanao, Inc.

Ikawalong Buwanang Pagsusulit sa Filipino


Baitang 9

Pangalan: ______________________________ Seksyon : ______________ Iskor : ___________

I. Isulat sa patlang ang tinutukoy. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA. (3-


Puntos bawat numero)

____________1. Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
____________2. Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.
____________3. Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
____________4. Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal
na panahon sa San Diego.
____________5. Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
____________6. Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang
ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
____________7. Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
____________8.Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.
____________9. Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
____________10. Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
____________11. Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha
at maling pangangastila.
____________12. Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag- uugali.
____________13. Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
____________14. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.
____________15. Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
____________16. Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
____________17. Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
____________18. Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
____________19. Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
____________20. Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. 
____________21.
____________22. Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
____________23.
____________24.
____________25. Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si
Ibarra.
___________26. Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
____________27. Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
____________28. Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
____________29. Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
____________30. Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
____________31. Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
____________32. Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
____________33. Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
____________34. Akda ni Rizal na nagpaparanagl sa mga Pilipinong Nagkamit ng parangal sa
pagpipinta sa Madrid.
___________35. Salin ng akda ni Rizal na Me Ultimo Adios sa Filipino.
___________36. Salin ng akda ni Rizal na A La Juventud Filipino sa Filipino.
___________37. Salin ng akda ni Rizal na Filipinas Dentro De Cien Años sa Filipino.
___________38. Salin ng akda ni Rizal na Sobre La Indolencia De Los Filipino sa Filipino.
___________39. Salin ng akda ni Rizal na Mi Amor Patrio sa Filipino.
___________40.. Salin ng akda ni Rizal na La Vision de Fray Rodriguez at Par Telefono sa
Filipino.

Inihanda ni:

Rhojean Mae B. Lumantas

Guro sa Filipino-9

Inaprobahan ni:

Warlita D. Pascua

Punong Guro sa Sekundarya

You might also like