You are on page 1of 6

Saint Jude Academy of Mindanao, Inc.

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino


Baitang 9

BOOK REVIEW

Panuto:
 BASAHIN ang NOBELANG NOLI ME TANGERE upang masagotan ang mga sumusunod.
 Sa inyong Journal Notebook, Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
 Pagandahin ang journal na may kalinisan.
 Isumete ito sa MARSO 21, 2019. “DEADLINE IS A DEADLINE!”
 “NO JOURNAL=NO EXAM + NO SIGNING OF CLEARANCE = NO GRADES, CHARGE TO
FAILED”

KABANATA 1 – ISANG SALUSALO


 Kung ikaw ang makaririnig ng mga palagay na ang mga Pilipino ay
mapagpabaya, may masamang hilig, at walang turing, ano ang magiging
damdamin mo? Bakit?
KABANATA 2 – SI CRISOSTOMO IBARRA
 Ano ang ibig palitawin ni Rizal sa pagsasabi sa makata ng nangyari sa isang
manunulat na nagsabing “Ang anak ng leon ay leon din” at ang manunulat na
iyon ay muntik nang mapatapon?
KABANATA 3 - ANG HAPUNAN
 Ano ang ibig sabihin ni rizal sa binanggit ni Ibarra: “lagi nang namamalas ko na
ang pananagana o pagdarahop ng mga bayan ay nababatay sa kanilang
Kalayaan o mga kaisipan … nababatay sa mga pagsusumakit o sa pagiging
makasarili ng kanilang mga ninuno.”
KABANATA 4 – EREHE AT PILIBUSTERISMO
 Anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tao sa pagharap sa mga
problema at mga katotohanan sa buhay? Taglay b ani Ibarra ang mga
katangiang ito? Maglahad ng patunay.
KABANATA 5 – PANGARAP SA GABING MADILIM
 Higit sa pagmamahal sa magulang kaysa sa kasintahan ang binigyang halaga sa
araling ito. Paano ito ipinakita ni Ibarra? isalaysay
KABANATA 6 – SI KAPITAN TIYAGO
 Ano ang uri ng Pilipino ang kinatawan ni kapitan Tiyago? Mayroon pa bang mga
kapitan Tiyago sa kasalukuyang panahon? Patunayan.
KABANATA 7 – SUYUAN SA ISANG ASOTEA
 Bakit ang pangungusap ng mga mata ay lalo pang ganap kaysa pangungusap ng
mga labi?
KABANATA 8 – MGA ALAALA
 Ipaliwanag. “Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan, ikaw ay
paroroon upang tumuklas ng ginto.”
KABANATA 9 – MGA BAGAY-BAGAY NG BAYAN
 Ano ang pakahulugan mo sa sinabi ng matandang paring may sakit: “Labis na
ang paghihirap ko. Siguro, bayad-utang sa maraming pinaghihirap ko.
KABANATA 10 – ANG BAYAN NG SAN DIEGO
 Anu-ano ang mga alamat na lumalaganap tungkol sa gubat sa San Diego?
KABANATA 11 – ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
 Kung ikaw ang pinunong-bayan, ano ang unang-una mong gagawin para sa
bayan mo? Ipaliwanag.
KABANATA 12 – ARAW NG MGA PATAY
 Anu-ano ang mga kaibahan ng pag-alaala sa patay noon at sa ngayon?
Isalaysay.
KABANATA 13 – ANG UNANG BANTA NG SIGWA
 Ano ang maaaring kahinatnan kapag nagpatangay tayo sa silakbo ng ating galit?
KABANATA 14 – BALIW O PILOSOPO
 Pangatwiran kung dapat o hindi dapat makialam sa pagpili ng kurso ng anak ang
isang magulang.
KABANATA 15 – ANG DALAWANG SAKRISTAN
 Sa sarili mong pananaw, paano mo mailalarawan ang pag-uugali ng mga
sacristan noon at ngayon sa simbahan. Patunayan.
KABANATA 16 – SI SISA
 Ano ang nais ipaabot ni Rizal sa mga kababaihang Pilipino sa pamamagitan ng
katauhan ni Sisa?
KABANATA 17 – SI BASILIO
 Ang sakit ng kaling kingan ay damdamin ng buong katawan. Totoo bai to?
Pagatuwiranan.
KABANATA 18 – MGA KALULUWANG NAGHIHIRAP
 Sa palagay mo paano maipahahayag ang tunay na pananampalataya o
pagsamba sa Diyos?
KABANATA 19 – MGA KARANASAN NG ISANG GURO
 Anu-ano ang iyong masasabi tungkol sa pagtuturo noon at ngayon?
Paghambingin.
KABANATA 20 – ANG PULONG SA TRIBUNAL
 Isang masamang hilig ng mga Pilipino ang labis na karangyaan kung piyesta.
Ano ang pananaw mo tungkol dito?
KABANATA 21 – ANG KASAYSAYAN NG ISANG INA
 Pinatunayan sa kabanatang ito ang pagpapahalaga ng isang babae sa kanyang
karangalan. Sa ngayon ba ay may mga babae pa ring katulad ni Sisa? Ihambing
siya sa mga babaeng may asawa sa ngayon.
KABANATA 22 – MGA LIWANAG AT DILIM
 Nakabubuti bas a tao ang pagliliwaliw o pagdaraos ng kasayahan sa labas ng
tahanan? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
KABANATA 23 – ANG PANGINGISDA
 Mabuti ba inaasal noon ng mga dalaga sa kanilang hindi pagsagot sa mga binate
kung sila ay kinakausap? Bakit kailangan pa ng isang binatang maka-anim na
magtanong magkamit ng kalahating sagot? Ginagawa pa bai to ng ating
kadalagahan ngayon? Bakit?
KABANATA 24 – SA KAGUBATAN
 Ang mga Pilipino ay mahilig maniwala sa kapalaran. Naniniwala ka rin ba rito?
KABANATA 25 – SA BAHAY NG PILOSOPO
 Patunayang mahalaga ang paghingi ng payo ng sa matanda.
KABANATA 26 – ANG BISPERAS NG PISTA
 Para sa ano pa ang piyesta? Kailangan ba talagang magwaldas ng salapi para
maipagdiwang ang isang kapistahan?
KABANATA 27 – ANG PAGTATAKIP SILIM
 Kung kayo ang pinakamayaman sa inyong pook o lalawigan, sa paanong paraan
mo gugugulin ang bahagi ng iyong kayamanan sa kasalukuyang panahon?
KABANATA 28 – ILANG SULAT
 Sa kabanatang ito, iba-iba ang nilalaman ng mga sulat tungkol sa mga kilalang
tao na dumalo sa piyesta. Sang-ayon ka bas a ginagawang pagbabalita ng ilan
sa mga pahayagan sa kasalukuyan?
KABANATA 29 – ANG UMAGA
 Batay sa iyong sariling kaalaman, ang pananampalataya ba ngayon ay higit na
matibay, nauunawaan at Malaya kaysa noon? Ipaliwanag.
KABANATA 30 – SA SIMBAHAN
 Sa pagsisimba, anu-ano ang mga napupuna mong hindi kagandahang-asal sa
loob ng simbahan?
KABANATA 31 – ANG SERMON
 Sa ngayon, tama bang gamitin ang pulpit sa pagpaparunggit at pagbabatikos sa
kapwa? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
KABANATA 32 – ANG KALO
 Sa ngayon, ano ang karaniwang ginagawa sa paglalagay ng unang bato sa
itatayong gusali? Bakit daw kailangang isagawa ito?
KABANATA 33 – MALAYANG PAGKUKURO
 Ipaliwanag ang tinuran ni Elias na: “Ang bawat tao ay may kaaway.” Iugnay ito sa
kasabihang “Hindi natin mabibigyan ng kasiyahan ang lahat”.
KABANATA 34 – ANG PANANGHALIAN
 Anong katauhan o kaugalian ang masasabi mong “utang” mo sa iyong ama?
Anong papel ang ginagampanan niya sa paghubog ng iyong katauhan?
KABANATA 35 – MGA BALI-BALITA
 Noong panhon ng kastila, paano kumakalat ang balita? Ihambing ito sa
kasalukuyang panahon.
KABANATA 36 – ANG UNANG SULIRANIN
 Sa iyong palagay, dapat bang makialam ang mga magulang sa mga anak hinggil
sa usaping-puso? Bakit?
KABANATA 37 – ANG KAPITAN HENERAL
 Noon ay iba ang pamamalakad. Ngayon, nangyayari pa ba ang kasabihang
“mahusay ang batas; ang nagpapatupad ang masama?”
KABANATA 38 – ANG PRUSISYON
 Ano ang wastong kaasalan sa Prusisyon? Bigyang puna.
KABANATA 39 – Si DONYA CONSOLACION
 Kung ikaw ay isang maybahay, ano ang dapat mong gawin para manatili kang
kaaya-aya sa paningin at iginagalang hindi lamang ng iyongkabiyak kung hindi
pati ng iyong kapwa?
KABANATA 40 – ANG KATUWIRAN AT ANG LAKAS
 Sa kabanatang ito ay ipinapakita ang pagmamalabis sa kapangyarihan.
Nagaganap pa ba ang ganitong pagmamalabis ngayon? Mag-ulat ng isang
pangyayari upang mapatunayan ang iyong sagot.
KABANATA 41 – DALAWANG DALAW
 Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ibinulong ni Lucas sa kanyang sarili: : “Kung
Malaki ang ibabayad mo ay magiging magkaibigan tayo.” Bakit hindi niya ito
ipinarinig kay Ibarra?
KABANATA 42 – ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAŇA

KABANATA 43 – MGA PANUKALA

KABANATA 44 – PAGSUSURI NG BUDHI

KABANATA 45 – ANG PINAG-UUSIG

KABANATA 46 – ANG SABUNGAN

KABANATA 47 – ANG DALAWANG SENYORA

KABANATA 48 – ANG TALINGHAGA

KABANATA 49 – ANG TINIG NG PINAG-UUSIG

KABANATA 50 – ANG KAANAK NI ELIAS


KABANATA 51 – MGA PAGBABAGO

KABANATA 52 – ANG BARAHA NG MGA PATAY AT MGA ANINO

KABANATA 53 – ANG MABUTING ARAW AY NAKIKILALA SA UMAGA

KABANATA 54 – LAHAT NG LIHIM AY NABUBUNYAG

KABANATA 55 – ANG KAGULUHAN

KABANATA 56 – MGA SABI-SABI AT KURU-KURO

KABANATA 57 – VAE VICTICS

KABANATA 58 – ANG SINUMPA

KABANATA 59 – PAG-IBIG SA BAYAN

KABANATA 60 – IKAKASAL SI MARIA CLARA

KABANATA 61 – ANG HABULAN SA LAWA


KABANATA 62 – ANG PAGTATAPAT NI PADRE DAMASO

KABANATA 63 – ANG NOCHE BUENA

HULING KABANATA

Inihanda ni:

Rhojean Mae B. Lumantas

Guro sa Filipino 9

Inaprobahan ni:

Warlita D. Pascua

Punong Guro ng Sekundarya

You might also like