You are on page 1of 4

_______________________________

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

LINANGIN (SESYON1)

I KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa pamamagitan


ng halimbawa

Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,


magulang)

Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga


kaisipang namayani sa akda

Napahahalagahan ang pagkakaroon ng isang buo at tahimik naa pamilya

II PROSESO NG PAGKATUTO
A. PAMUKAW-SIGLA

“Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y


magkakapantay, mangyayaring ang isa’y higitan sa dunong,
sa yaman, sa ganda…. Ngunit hindi mahihigitan sa
pagkatao.”

1. PANGGANYAK NA TANONG
a)Ano ang bisa pangkaisipan ng pahayag?

B. PAGLALAHAD
1. PAGLINANG SA TALASALITAAN
Basahin at bigyan kahulugan ang sumusunod na mga matatalinghagang
pahayag:

Ipapalagay mo na lumaki ang Ang mga prayle ay mga kawaling


buwaya at ang mga kamag-anak yari sa bakal at siya’y isang
ay sumama sa kanya. palayok na yari sa luwad.

Tayong lahat anak, ay uuwi sa


lupa at ipinanganak na walang
baro.
2. PAGBASA SA AKDA
Pagbasa sa Kabanata 4, Kabanata 7, Kabanata 8, Kabanata 10, Kabanata
30.

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. PAGTALAKAY SA BINASA/AKDA
Ipapabasa ng guro ang sumusunod na kabanata. Hahatiin ang klase sa
apat na pangkat.

Pangkat 1: Kabanata 4-Si Kabesang Tales


Pangkat 2: Kabanata 7-Si Simoun
Pangkat 3: Kabanata 8- Maligayang Pasko
Pangkat 4: Kabanata 10-Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 30-Si Juli

2. KOLABORATIBONG GAWAIN
Pangkat 1 :

KABANATA 4-Si Kabesang Tales


-Ilahad kung anong kaugnayan ni Kabesang Tales sa sumusunod na
umiiral na kalagayang panlipunan sa panahong iyon.

Kasakiman ng tao sa Kahinaan ng isang


hindi kanya mahirap para lumaban.

Kapangyarihan bilang Labanan ng malakas at


instrument ng panggigipit. mahina

Pangkat 2:

KABANATA 7- SI SIMOUN

- Paano mo maiiuugnay ang mga sinabi ni Simoun kay Kabesang Tales at


sa iba pang tauhan.Bigyan mo ng kahulugan at ipaliwanag ang
sumusunod na mahahalagang kaisipan.

Ang buhay ay walang kabuluhan kung hindi nauukol sa dakilang


layunin. -Simoun kay Kabesang Tales
Ang pagpapaumanhin ay hindi kabaitan. Walang mang-aalipin,
kung walang magpapaalipin. -Simoun kay Basilio

Ibulid sa bangin ng kabiguan kahit ito’y mangahulugan ng dugo


at kamatayan. -Simoun kay Basilio

Pangkat 3:

KABANATA 8- MALIGAYANG PASKO

-Ipaliwanag kung ano ang sinasagisag ng mga sumusunod at ilahad kung


ano ang kaugnayan nito sa mga panyayari sa akda:

Sino ang mga nagsa- Pilato :


__________________________________________

Maligaya nga ba ang Pasko ng pamilya ni Kabesang Tales? :


__________________________________________

Pangkat 4:

KABANATA 10- KAYAMANAN AT KARALITAAN

-Isulat kung ano ang sinisimbolo ng alahas at paano ginamit ang salitang
alahas sa kabuuan ng akda.

ALAHAS

Pangkat 5

KABANATA 30- SI HULI

-Paano ipinakita ni Kabesang Tales at Huli ang pagkakaroon ng matatag


na samahan bilang isang pamilya? Isulat ang sagot sa loob ng puso.

Huli Kabesang
Tales
3. PAGBABAHAGINAN NG PANGKAT
4. PAGBIBIGAY NG PUNTOS AT PUNO
Kahusayan ng gawa ------------------20
Kagalingan sa pag-uulat-------------20
Makatotohanan ang sagot-----------20
Paggamit ng mga tamang salita---20
Kaisahan ng grupo--------------------10
Natapos sa tamang oras--------------5
Kalinisan ng gawa----------------------5
5. INPUT NG GURO

Alamin mo muna…

Sa pananaw sosyolohikal, tinatalakay sa akda ang


kasaysayang panlipunan. Tinitignan dito ang interaksyon ng
tao sa tao, ng tao sa lipunan. Ang kilos o motibasyon ng isang
karakter ay dapat naayon sa kanyang kapaligiran, edukasyon,
maga institusyong panlipunan at iba pang puwersang sosyal.

D. SINTESIS

Magtala ka ng dapat gawin ng pamahalaan sa mga taong hindi nabibigyan


ng katarungang panlipunan.

E. KASUNDUAN

Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba:

Ang lipunan ay totoong mallupit sa isang taong mahirap


at mapag-ampon sa isang taong malakas.

You might also like