You are on page 1of 5

ARALIN 4

NATURALISMONG PAGDULOG

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang naturalismong pagdulog sa
pagsusuri ng panitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito, inaasahan ang mga mag-aaral
na :

• matukoy ang pag-usbong ng naturalismong pagdulog at ang kaugnayan nito sa mga naunang
pagdulog
• maipaliwanag ang pagdulog na naturalismo
• masuri ang akda gamit ang naturalismong pagdulog.

• Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 4 Modyul 1.

Hello! Maghanda ka na’t matututo ka na naman ng panibagong pagdulog na maaari mong

magamit sa panunuring pampanitikan. Sa araling ito matututunan at makikilala mo ang
naturalismong pagdulog. Matutuklasan mo rin ang pagsusuri ng akda gamit ang pagdulog na
ito. Handa ka na ba? Tara na! ☺

Gawain : “BDM Tsart”

Panuto: Punan ang tsart ng mga salitang batay sa natural na katangiang taglay ng Bata, Dalaga/Binata o
matanda. Isulat ang sagot sa espasyong inihanda.

Bata Dalaga/Binata Matanda

1.

2.

3.

Analisis:
Matapos kompletuhin ang gawain, narito ang ilang mga katanungan para sa isang mapanuring
pag-iisip. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na nakahanda sa ibabang bahagi ng tanong.

1. Batay sa sagot mo sa itaas, paano mo nasabing natural ang mga katangiang iyon?
________________________________________________________________________

2. May pinagkaiba nga ba ng katangian ang bata, dalaga/binata at matanda sa pag-uugali?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang katangian ng naturalismong pagdulog sa katangian ng tao?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Abstraction:
Natalakay sa aralin 3 ang patungkol sa realismong pagdulog na ipinapakita ang
totoong pangyayari mayroon ang lipunan batay sa ginawang akda ng awtor.

Isa naman ang naturalismong pagdulog na nakaangkla o may kaugnayan sa realismong pagdulog.
Sapagkat ang mga pagdulog na ito ay nakapokus sa tauhan sa akda. Napabilang ang naturalismo
sapagkat sinisikap ilarawan dito ang kalikasan ng tao ng buong katapatan.

Pesimistikong pagtingin

o negatibong pananaw sa buhay ang isinisiwalat ng mga akdang naturalistiko.

Ipinakikita sa akda ang kawalan ng kalayaan ng tauhang

kumawala sa di magandang pangyayari sa kanyang buhay na
dulot ng mga pangyayari sa lipunan o mga taong nakapaligid sa
kanya.

Ako si Emile Zola, isang

Pranses at tinaguriang
“Ama ng Naturalismo”

-ang isang naturalistang manunulat ay

nagtuturing sa sarili bilang
makasiyentipikong sosyolohistang mag-
aaral ng lipunan at isa ring sikolohista.

Sinusuri nila ang katauhan

ng isang nilalang bilang
bunga ng heredity o
biyolohiya at kapaligiran.
Narito ang mga halimbawa ng mga akdang naturalismo:

1. Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg (Panahon ng Republika)

2. Ungol sa Madaling Araw ni L. Del Mundo (Panahon ng Batas Militar)

Tandaan na ipinapakita sa akdang naturalista na ang tao ay biktima ng kanyang

kapaligiran at biyolohikal na kadahilanan. Hindi kailangang kondenahin ang tauhan sa akda sa halip ay
dapat unawain ito bilang biktima. Mahalaga sa pagdulog na ito ang ugnayan ng sanhi at bunga ng mga
pangyayaring nakakaapekto sa tauhan sa akda. Mahalaga sa pagdulog na ito ang pag-unawa sa
damdamin ng tauhan.

Aplikasyon:

Panuto: Basahing mabuti angTalambahay/Talambuhay. Suriin ang tula at alamin ang isyung
panlipunang sakop nito. Ipaliwanag ang mensaheng nais iparating ng tula sa iyo bilang
mambabasa. Isulat ang iyong sagot sa nakahandang espasyo sa ibabang bahagi.

Talambahay/Talambuhay
Ni Cirilo F. Bautista
(Isang tuala sa panahong kontemporaryo,dekada 90’)

(1)Ang bahay namin sa Balic-balic ay isang (3)Kadalasan, kapag inuutos ni Itay

barungbarong Na humanap ako ng panggatong,
Humuhuni ang hangin sa butas ng bubong Babakbakin at sisibakin ko ang isang bahagi
At dingding na pawid, ng bahay-
Hinahaplos ang pintong kawayan na may Ang sahig kahapon, isang baytang
taling lubid Ng hagdan ngayon-sapat lang upang
Na isinasabit sa pakong-yero magsaing
Upang mapinid kung bumabagyo. At mag-ihaw ng tuyo.
Ang kaisa-isang silid ay puwang na kainan, Kay laking dayalektiko ang kasangkot dito-
tulugan, Dahil sa paghihikahos, napipilitan kaming
At dasalan, at sa likod nito nakakabit, Pumili sa pagitan ng pagkakaroon ng bahay
Gumigiwang na banggera at batalan. O sa gutom ay tuluyang magkikisay.
Nakaupo itong tila isang tisikong sisiw
Sa tabi ng riles ng tren.

(2)Ang buhay naming sa Balic-balic ay baku-

bako,
Nalalatagan ng bubog at tinik ng siphayo.
Araw-araw, di nadampian naming
Ang nagdurugong sugat
Ng pag-asa, hindi ng sulpataysol o tintura de
yodo,
upang kahit paano ay masalamin
sa langib ang lihim na badya na mag-aangat
sa aming kaluluwa. Gula-gulanit an gaming
kaluluwa.
Kung may makakain, kumakain kami,
Kung wala, nilalansi ang bituka
Upang humimlay sa duyan ng guniguni
At doon ay mabusog sa panaginip at
pagkukunwari.
Sagot:
_________________________________________________________________________________

Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Sagutan ang mga sumusunod batay
sa nabasa mong tula at sa natutunan mo tungkol sa naturalismong pagdulog. Isulat ang
iyong sagot sa espasyong nakahanda sa ibabang bahagi ng tanong.

Analisis:

1. Ano ang katayuan sa buhay ng tauhan sa akda?

__________________________________________________________________________

2. Paano sila nabubuhay? Paano nila tinutugunan ang mga kaganapang nagyayari sa kanila?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Humanap ng bahagi ng akda na nagpapalutang sa naturalismong pagdulog. Ipaliwanag bakit

napili ang mga taludtod/linya na iyon.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pagbati! Ikaw ay nagtagumpay sa Aralin 4 ng Modyul 1. Nawa’y marami kang nakuhang

impormasyon patungkol sa araling ito. Handa ka na bang sumabak muli sa isa na namang panibagong
leksyon? Halika na’t dumako na tayo sa sususunod na aralin! ☺

You might also like