You are on page 1of 6

ARALIN 6

HUMANISMONG PAGDULOG

Layunin
Ang araling ito ay naglalayon na ipaliwanag at talakayin ang humanismong pagdulog sa
pagsusuri ng panitikan sa Pilipinas. Sa pagtalakay ng pagdulog na ito, inaasahan ang mga mag-aaral
na :

• matukoy ang katuturan ng humanismong pagdulog

• malaman alin ang pinahahalagahan sa pagdulog humanismo
• maipaliwanag ang pagdulog
• masuri ang akda gamit ang pagdulog humanismo.

Introduksyon:
Maligayang Pagdating sa Aralin 6 Modyul 1.
Kumusta ka? Handa ka na bang matutunang muli ang daigdig ng panitikan? Sa araling
ito tatalakayin naman na’tin ang isa na namang pagdulog. Natutunan mo na ang tungkol sa
eksistensyalismong pagdulog, ngayon naman ay panibagong pagdulog ang iyong malalaman.
Sa araling ito matututunan at makikilala mo ang humanismong pagdulog. Matutuklasan
mo rin ang pagsusuri ng akda gamit ang pagdulog na ito. Handa ka na ba? Halika na’t simulan na
natin ang araling ito.

Gawain “ Propesyon ko’y mahalaga”

Panuto: Bilang mag-aaral ng kursong pang-edukasyon na magiging guro balang araw, itala sa kahon
ang mga nais mong pahalagahan kapag ikaw ay naging ganap na guro na.
Analisis:
Matapos kompletuhin ang gawain, narito ang ilang mga katanungan para sa isang mapanuring
pag-iisip. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na nakahanda sa ibabang bahagi ng tanong.

1. Ano ang dahilan bakit mo kailangang pahalagahan ang iyong propesyon balang
araw?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________.
2. Kailangan bang maging maingat ka sa mga galaw mo kapag naging guro ka na?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ng humanismong pagdulog sa iyong
propesyon?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________.

Abstraction:
Natalakay sa aralin 5 ang patungkol sa eksistensyalismong pagdulog na
pinahahalagahan ang kapasyahan o choices ng tauhan sa akda. Handang panagutan ng tauhan kung
ano man ang magiging konsekwensya nito batay sa sarili nitong kapasyahan. Ang humanismong
pagdulog naman ay may kaugnayan din sa eksistensyalismo na tinitingnan ang tao na may kalayaang
gawin ang ninanais, ngunit higit na pinahahalagahan sa humanismo ang dignidad at integridad ng
tao.

Humanista

Pinahahalagahan ang
Buhay

Ang pamamaraan ng pamumuhay ay nakasentro sa pangangailangan at

kapakinabangan ng tao kaakibat ang pagpapahalaga sa tao. Anumang kahirapan at pangit
na karanasan ang dumating sa tao ay pinapanatili pa rin nito ang kanyang pagkatao.
Ang ganitong pananalig ay naaayon sa isa sa mga depinisyon ng humanismo-

“Humanism is the naturalistic philosophy or way of life centered on human concerns and values that
asserts the dignity and worth of humans and their capacity for self-actualization through the use of
reason, and scientific inquiry” (Edwords, http://www.jcn.com/humanism.php4).

Tandaan na sa pananaw na humanismo:

Ang tao at ang kanyang damdamin at saloobin ang paksa/pokus ng akda.

Nangangahulugan lamang na ang tao ang sentro ng daigdig, at siya ang bubuo ng sarili
niyang kapalaran.

Ilan sa mga halimbawang akda na maaring lapatan ng papanaw humanismo:

1. Titser ni Liwayway Arceo (Isang Nobela)
2. Sa Lupa ng Sariling Bayan ni Rogelio Sikat

Aplikasyon:

Panuto: Basahing mabuti ang Bakit Ka nga pala Nagalit?. Suriin ang tula at alamin ang
isyung panlipunang sakop nito.

Bakit Ka nga pala Nagalit?

ni Ligaya Tiamson-Rubin

Sino kamo ako, aba naku naman,

Akala ko nama’y magkakilala tayo
Dahil kilala kita akala ko’y kilala mo ako
Ngunit hindi pala, kaya sige,
Makinig ka’t sasabihin ko kung ako ay sino.

Ako ang galising batang naglilimpiya bota

Sa malapit sa bahay mo
Naglalako ng diyaryo kung minsan
At nakikipaghabulan sa mga sasakyan
Kung minsa’y nagtitinda ng sigarilyo
O kahit malamig na sago
Kung minsa’y naghahalungkat ng mga basurahan
Kapag talagang mahina ang pagtitinda
Aba, hindi mo pala alam ang grasya
Na kayang ibukal ng isang dram na basura.

Ako ang galising batang minsa’y binulyawan mo

Sa gahamang pagtunganga sa’yo
Habang kumakain ka at pamilya mo
Ng pritong manok, pansit at adobo
Sa isang malaking restoran.
Oo, nga pala, bigla kong naalala
Ang matagal ko nang itinatanong sa sarili ko
Nakatunganga lang naman ako
At hindi naman namamalimos
Pero bakit ka nagalit?

Kahapon, ako’y naglalakad-lakad

Baka matisod ng tingga
May narinig akong dumaraing
Sa likod ng isang dram
O, di ba sabi ko nang di mahuhulaan
Ang kayang ibukal ng mga basurahan?

Ikaw pala ang narinig kong dumaraing

Humihingi ng saklolo. Inakupo, ano ito?
Naliligo ka sa sariling dugo mo
Bakit? Bakit, sino ang sumaksak sa iyo?
Subalit dapat ba akong magtaka
Kung ika’y Makita kong duguan?
Diba minsan sa gitna ng isang pang-aapi
Sa isipan ko’y sinasaksak na rin kita?
Ako ang galising batang minsan ay sumilip
Sa harap ng iyong gate, sa rehas mong bakal
Sa panonood sa nagtatakbuhan mong mga anak
Naglalaro ng isang malaking bolang
Kailanman sa kamusmusan ko’y hindi ko natikman.
Ako’y natanaw mo, muling binulyawan
At dinamba ng mga sao mong nagkakahulan.

Ako’y tumakbo nang tumakbo sa matinding gulat

Nang ako’y mahimasmasan
Wala naman palang sa aki’y humahabol
Dalawang araw na taas-lubog ang lagnat ko
Lahat na yata ng santo sa langit
Nadaingan ng nanay ko
Subalit hindi mo narinig ang mga daing na ito
Marahil dahil paos, o ikaw ay bingi’t walang pakiramdam.

Kahapon ako’y naglalakad-lakad

Ika’y narinig kong dumaraing
Daing na humihingi ng tulong
Daing ng isang nangangailangan, di kita natiis
Pagkat sa iyo’y walang ibang makaririnig
Marahil ika’y paos o sila ay bingi’t
Walang pakiramdam.
Nang ika’y ligtas na, ako’y hinanap mo
Nasaan ang galising batang tumulong sa akin
Gusto ko siyang makausap
Ilang sandaling hindi ko matiyak
Kung ako’y tatakbo o lalapit sa’yo
Pagkat possible ring ika’y magalit
Sa hindi ko uling malamang dahilan.

Subalit, may bahagyang ngiti sa mamad mong labi

Dinantayan mo pa ang aking mga daliri
Marami kang sinasabing hindi ko mawari
May sinabi ka pang bibigyan mo ako ng salapi.
Ngunit sa mga sandaling ito’y isa lang talaga ang gusto kong malaman
Ano ang sagot mo sa tanong ko kangina pa?
Bakit ka nga pala nagalit?
Nang minsng ako’y tumunganga sa pagkain mo
Ng pritong manok, pansit at adobo
Sa isang restoran.
Nang sumilip sa rehas na bakuran mo
Sa panonood sa paglalaro ng bola ng mga anak mo
Bakit ka nga pala nagalit?

Kaugnay na mga Tanong:

1. Sino ang sentro o pangunahing pokus ng tula? Ano ang suliraning panlipunan
ang natamasa nito?
_________________________________________________________________

2. Sa tingin mo, pinahalagahan ba rito ang dignidad at integridad ng tao? Kung Oo,
humanap ng linya sa tula na magpapatunay nito.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, nasagot ba ang katanungan ng pangunahing tauhan sa tula?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Analisis:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan.
Bilugan ang titik ng iyong napiling sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinahahalagahan ng humanismong pagdulog?

a. moralidad at dignidad ng tao c. integridad at ugali ng tao
b. dignidad at integridad ng tao d. dignidad at katarungan ng tao

2. Alin naman sa mga sumusunod ang pinahahalagahan ng mga humanista?

a. bagay c. kalikasan
b. buhay d. tao

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mali tungkol sa eksistensyalismong

pananaw?
a. Hindi pinahahalagahan dito ang kalayaan na gawin ang nais ng tauhan.
b. Mahalaga ang dignidad ng tao.
c. Umiikot ito sa buhay ng tao.
d. Kaakibat ang pangit na karanasan ng tauhan ang pagiging ‘siya’.

Magaling! Natapos mo na ang aralin 6 ng Modyul 1. Nawa’y naunawaan mo

ang pagdulog na Humanismo. Handa ka na ba sa isa na namang aralin? Tara na!

You might also like