You are on page 1of 4

_______________________________

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

LINANGIN (SESYON1)

I KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natatalakay ang mga kaisipang ito:


 kabuluhan ng edukassyon
 kabayanihan
 karuwagan
 kalupitaan at pagsasamantala sa kapwa
 kahirapan
 karapatang pantao
 paninindigan sa sariling prinsipyo

Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay


ng:
 karanasang pansarili
 gawain pangkomunidad
 isyung pambansa
 panyayaring pandaigdig
Nasuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang romantisismo

Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa pamamagitan


ng pagbibigay ng halimbawa

II PROSESO NG PAGKATUTO
A. PAMUKAW-SIGLA

Pumili ng mga lenggwahe na nais mong natutuhan nang lubusan.

Ingles Kastila Intsik

Pranses Latin
1. PANGGANYAK NA TANONG
a)Bakit ito ang nais mong matutuhan?
b)May maitutulong ba ito sa pag-unlad ng edukasyon. Patunayan
B. PAGLALAHAD
1. PAGLINANG SA TALASALITAAN
Basahin at bigyan kahulugan ang sumusunod na mga matatalinghagang
pahayag:

Ang hindi marunong magmahal Ang ugat ng edukasyon at


sa sariling wika ay higit pa sa mapait ngunit ang bunga naman
amoy ng mabaho’t malansang nito ay matamis.
isda.

2. PAGBASA SA AKDA
Pagbasa sa Kabanata 2, Kabanata 14, Kabanata 15, Kabanata 22,
Kabanata 27, 35, 37

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. PAGTALAKAY SA BINASA/AKDA
Ipapabasa ng guro ang sumusunod na kabanata. Hahatiin ang klase sa
apat na pangkat.

Kabanata 2, Kabanata 14, Kabanata 15, Kabanata 22, Kabanata 27,


Kabanata 35, Kabanata 37

2. KOLABORATIBONG GAWAIN
Pangkat 1 :

KABANATA 14-Sa Bahay ng mga Estudyante

-Gumawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa wika na binubuo ng


dalawang saknong na may apat na taludtod

Pangkat 2:

KABANATA 15- SI GINOONG PASTA

- Bigyang pagkakahulugan ang dayalogo na sinabi ni Isigani sa ibaba:

Kung ako po’y magkakaroon na ng ubang katulad niyan, at kapag


inilingon ko ang aking paningin sa nakaraan at nakita kong wala
akong nagawa kundi ang para sa sarili lamang at hindi para sa
baying nagkaloob sa akin ng lahat ng bagay, ang bawat uban ay
magiging isang tinik at hindi ko ipagkakapuri kundi bagkus
ikakahiya.
Pangkat 3:

KABANATA 22- Ang Palabas

- Ipaliwanag ang sumusunod na mga konsepto:

Sa ikauunlad ng bayan disiplina Sa kilos at gawai nababatid ang


ang kailangan. pinagmulan ng tao.

Disiplinang pansariling
namamalas sa pagbuka ng
bibig sa kinakausap

Pangkat 4:

KABANATA 27- Ang Prayle at ang Pilipino

-Kilatisin mo ang tauhan batay sa nasa dayagram

I Pananalita
S
I
G Paniniwala
A
N
I
Opinyong
Inilahad

3. PAGBABAHAGINAN NG PANGKAT
4. PAGBIBIGAY NG PUNTOS AT PUNO
Kahusayan ng gawa ------------------20
Kagalingan sa pag-uulat-------------20
Makatotohanan ang sagot-----------20
Paggamit ng mga tamang salita---20
Kaisahan ng grupo--------------------10
Natapos sa tamang oras--------------5
Kalinisan ng gawa----------------------5
5. INPUT NG GURO

Alamin mo muna…

Sa pananaw romantisimo, higit na pinahahalagahan


ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Namamayani ang
emosyon. Nanalig sa Diyos, katuwiran, kalikasan. Inspirasyon
ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ng tao ang
katotohanan, kabutihan at kagandahan.

D. SINTESIS

a)Matapos nating aralin si Isigani, piliin mo ang hugis sa ibaba na


maglalarawan sa iyong damdamin.

b)Ilahad mo kung bakit ito ang iyong napili.

E. KASUNDUAN

Sa pamamagitan ng lapis at krayola, gumuhit ka ng isang bagay na


sasagisag sa mahalagang konspeto na iyong natutuhan sa ating tinalakay.
Pagkatapos ay isulat mo ang konsepto.

You might also like