You are on page 1of 3

Saint Jude Academy of Mindanao, Inc.

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino


Baitang 8

BOOK REVIEW

Panuto:
 BASAHIN ang awit na FLORANTE AT LAURA upang masagotan ang mga sumusunod.
 Sa inyong Journal Notebook, Sagutan ang mga sumusunod na katanungan hinggil sa
akda ni Balagtas na FLORANTE AT LAURA.
 Ang mga mag-aaral ay pinahihintulutang dalhin at gawin ito sa bahay (BRING HOME
EXAM)
 Pagandahin ang journal na may kalinisan.
 Isumete ito sa MARSO 21, 2019. “DEADLINE IS A DEADLINE!”
 “NO JOURNAL=NO EXAM + NO SIGNING OF CLEARANCE = NO GRADES, CHARGE TO
FAILED”

Kay Selya
 Ano ang nararapat, ang patuloy na panghahawakan ang nakaraan o ang harapin ang
kasalukuyan at paghandaan ang bukas?
Sa Babasa Nito
 Bilang isang mambabasa at manunuri ng kanyang akda, paano mo pahahalagahan ang
kanyang kahilingan.
Pambungad na Tagpuan
 Sa gitna ng paghiling, pagdurusa, pagdadalamhati at kawalan ng pag-asa, anong bagay ang
dapat panghawakan at di dapat kaligtaan ng tao? Ipaliwanag.
Ang Reynong Albanya
 Sa iyong palagay, bakit kaya kinakailangang pagdaanan ng isang tao ang mga pasakit sa
buhay? Anong buti ang hatid ng mga ito? Pangatwiranan.
Pighati ng Nagmamahal
 Sinasabing ang pag-ibig ay isang hiwagang hindi maunawaan ng puso, isang palaisipang hindi
malirip ng isip sapagkat ang puso’y hindi nag-iisip at ang isip ay hindi tumitibok. Ano ang buti’t
samang dulot ng pag-aalay ng pag-ibig? Paano natin ito dapat palaguin sa sandaling ito’y
nakabubuti sa supilin kung ito’y nakakasama na?
Halina, aking Laura
 Sa pag-ibig, tam aba na ibigay ang buong puso sa taong iyong minamahal? Dapat bang
magtira rin ng kaunting puwang sa puso para sa iyong sarili? Paano mo dapat gawin?
Ipaliwanag.
Ang Pagdating ng gererong Moro
 Bakit kung minsan, kahit hindi natin sinasang-ayunan ang kagustuhan ng ating mga magulang
sa bandang huli ay ito pa rin ang ating sinusunod?
Duke Briseo: Amang Kagalang-galang
 Patunayan ang paniniwalang “Magagawang malimutan ng anak ang magulang ngunit hindi
kailanman malilimutan ng magulang ang kanyang anak.”
Dalawang nangangalit na Leon
 Pahalagahan: “Walang halaga ang buhay na hindi iniukol sa isang balak na dakila.”
Ang Tagapagligtas
 Patunayang tayo ay pantay-pantay, magkakaiba man ang kulay ng balat, paniniwala, at
relihiyon.
Mga Mapagpalang Kamay
 Bakit sinasabing hindi dapat itanong ng tao kung ano ang magagawa ng pamahalaan sa
kanya, bagkus ay kung ano ang magagawa niya para sa pamahalaan? Ipaliwanag.
Ang kabataan ni Florante
 Gaano kahalaga ang kamusmusan ng isang tao sa paghubog ng kanyang pagkatao?
Laki sa Layaw
 Naniniwala ka bas a kasabihan na “Spere the rod, Spoil the Child.” Pangatuwiranan.
Nagluluksang Puso
 May kagandahan bang naidudulot ang pagdating ng dagok sa ating buhay? Bakit sa tuwi-
tuwina’y Hindi tayo nawawalan ng mga poblema?
Tinig ng Karanasan
 Saan ka naniniwala, sa tadhana o sa sariling kagagawan ng tao? Pangatuwiranan.
Nanganganib ang Crotona
 Ipaliwanag: “Hindi natin kailanman magagawang makalimot ng isang bagay o pangyayari sa
ating buhay, ang magagawa lamang natin ay sikaping huwag itong maalala.”
Kagandahang Kabigha-Bighani
 Bakit kaya maraming tao ang nabubulag sa kagandahang pisikal at hindi magawang tuklasin
ang kaloob-looban at katotohanan?
Ang Hinagpis ng Gerero
 Sa moralidad, masasabing moral ang isang bagay kung ito’y nagtataglay ng magaganda o
mabuting kalikasan at intension. Kapag Nawala ang mabuting element ng isang bagay hindi
na ito maituturing na moral. Bakit kaya?
Sa bingit ng buhay at kamatayan
 “Sa pagtatapos ng Unos, may araw na sisikat.” Iugnay ang mensahe nito sa kabuktutan o
kaliluhan ni Adolfo. Iugnay din ito sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Masayang Wakas
 Bakit kaya sadyang mahiwaga ang kaparaanan ng Diyos sa nangyayari sa ating buhay?

“Love Never Fails”- 1st Corinthians 13 - 😊

Inihanda ni:

Rhojean Mae B. Lumantas


Guro sa Filipino-8

Inaprobahan ni:

Warlita D. Pascua
Punong Guro sa Sekundarya

You might also like