ANG ASYA PAGKARAAN ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1. Nagdulot ng malaking pinsala sa ari-arian at buhay ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 2. Maraming Asyano ang naging biktima ng pang-aabuso. 3. Napabilis ang paglaya ng mga bansa lalo na sa Timog- silangang Asya mula sa kamay ng mga mananakop na Kanluranin. 4. Pagbabago sa politikal, ekonomiko at panlipunang aspeto ng buhay sa mga bansang Asyano. 5. Nagbigay ng karapatan sa mga kababaihan sa pagboto ng mga pinuno sa kanilang bansa at nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihang tumangan ng mahahalagang katungkulan sa pamahalaan. 6. Pagkakatatag ng Nagkakaisang Bansa (United Nations) noong Oktubre 24, 1945. Ito ay nilahukan ng mga orihinal na 50 miyembrong bansa. 7. Pagsisimula ng Cold War. Ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet ang dalawang bansa na pinakamakapangyarihan pagkatapos ng digmaan. Nagtunggalian ang dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya, milita at politika.