You are on page 1of 8

Ang epekto ng mga ideolohiya, ng

Cold War at ng Neokolonyalismo


sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Module in Araling Panlipunan 8
Fourth Quarter Week 4

BONIFACIO P. GANDEZA
Developer

Department of Education • Cordillera Administrative Region

1
Suriin
Nang matapos ang WWII, wala na sa kanlurang Europe ang sentro ng
kapangyarihan sa daigdig. And United State at Soviet Union ay naging dalawang
pinakamalakas na bansa. Bagama’t may alyansa ang mga ito laba kay Hitler, ang relasyn
sa pagitan ng dalawang gobyerno ay naging malamigsa panahon ng digmaan/ lumala pa
ang relasyong ito sa pagdaan ng mga sumusunod pang taon. Ang namuong alitan sa
pagitan ng dalawang bansa pagkatapos ng digmaan ay tinawag na COLD WAR (hindi
tuwirang labanan). Ang cold war ay matinding kompetensya noong 1940 hanggang 1990
ng dalawang bansa na kapwa ay tinatawag na superpower.

MGA TUNAY NA SANHI:


May mga pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tensyon dahil sa
pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang United State ang pangunahig
bansang demokratiko, samantalang ang Soviet Union ay komunista.

Ang kanilang sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng


Soviet Union ang kapangyarihan sa Silangang Europe,pinutol nito ang pakikipagugnayan
sa mga kanluraning bansa.
 Iron Curtain
Sa panahon ng Cold War, nagtayo ng Soviet Union ng makakomunistang
pamahalaan sa mga karatig bansa, dahil narin sa pangambang masakop sila
ng mga kaaway. Ang mga bansang ito ay nagsilbing buffer zone labansa
mga bansang kanluranin. Noong 1947, tinawag ni punong ministrong Winston
Churchill ng Britain ang mga bansang ito na Iron Curtain. Sakop ng Iron
Curtain ang mga bansang Poland, Czechoslovakia, Bulgaria, Hungary,
Romania, at Silangang Germany.
Sa loob ng tinatawag na Iron Curtain ipinagbawal ang pakikipagkalakalan sa
mga bansang kanluranin. Sinikil dn ang relihiyon at iba pang karapatan tulad
ng malayang pamamahayag.
 Bamboo Curtain
Samantala, namayani naman ang kumunismo noong 1949 sa China sa ilalim
ni Mao Zedong. Tinalo niya ang Kuomintang o Partido ng nasyonaista sa ilalim
ni Chiang Kaishek. Namayani ang komunistang pamahalaan sa North Korea
sa pamumuno ni Kim Il Sung, dahil narin sa suporta ng Soviet Union at China.
Nang maitatag ang pamahalaan ng Democratic Republic of Vietnam sa
Hilagang vietnam, sinuportahan din ito ng China at Soviet. Ang mga
komunistang bansa sa Asya ay kinilalang bilang Bamboo Curtain.
 Doktrinang Truman
Habang pinalalaganap ng Soviet Union ang Komunismo sa iba’t ibang bansa,
gumawa naman ng isnag doktrina si Pangulong Harry S. Trumanng America
na tinawag na Truman Doctrine. Sa simula, ang pangunahing layunin ng
nasabing doktrina ay magpadala ng mga sundalong Amerikano sa Greec at
Turkey upang pigilan ang paglaganap ng komunismo roon. Hindi nagtagal,
pinaniwalaan ng ibang bansa na ang doktrinang Truman ay ginagamit lamang
ng Amerika upang mapigilan ang paglaganap ng komunismo sa buong
mundo. Ito ang dahilang kung bakit kontra komunista ang America. Sa
kalaunan tinawag in itong Containment Doctrine.

2
KOMPETISYON SA KALAWAKAN ng USSR at USA
Naunahan ng Soviet Union (USSR) ang United State (USA) sa pagpapadala ng
sasakyang pangkalawakan. Sinimulan ang palipad ng SPUTNIK I noong oktobre 1957 ang
Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR,
si Yuri Gagarin na unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ang VOSTOK I noong
1961. Ngunit nahigitan pa ng US ang USSR nang makaikot ng tatlong beses noong 1962 si
John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7.

Sinundan pa ito ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang
makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronaut na sina Micheal Collins, Neil Armstrong,
at Edwin Aldrin. Hindi rin nagpahuli sa mga imbensyon ang United State.
Nakagawa ng submarino na pinapatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS Nautilus.
Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng US an lakas atomika kundi pati sa panahon
ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agirkultura, transportasyon, at komunikasyon.
Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang
pangkomunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo s anagawang ito sa US. Sa
pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng ng
palabas sa telebisyon mulsa sa ibang bansa.

EPEKTO NG COLD WAR


Ang Cold War ay nagkaroon ng magaganda at hind magandang bunga:
 Ang United State at Union Soviet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang
ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng United States na maaayos
ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang ang
International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa
mundo. Kasabay ring naayos ang International Bank Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at
rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev
ang Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban
pa sa digmaan. Isinuong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagigin bukas ng
pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa
ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Union Soviet at Ronald Reagan ng
America na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at
pangangailangan ng nakakarami. Maraming imbensyon ang naisagawa ng dalawang
panig: ang paglipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang
cosmonaut a lumigid sa mundo. An US naman ang nagpalipad sa Friendship 7,
Apollo 11, at mga puwersang nuklyear na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati sa
medisina at komunikasyon.

 Dahil sa Cold War, umigting ag di pagkakaunawaang pampolitika, pang militar at


kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Soviet Union
na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot sa
bunga ng Cold War, iginiit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t
nawalanng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng banta ng digmaan nang
magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty
Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at ikatlong
puwersa o kilusang non-aligned.

3
Détente
> Noong dekada 1970 sa Detente bumuti ang ugnayan ng Soviet Unon at United States,
isang Pranses na salitang nangangahulugan ng “relaxation” o “pagluwag” sa mga
patakaran.

> Nagkaroon ng Détente sa ilalim ng administrasyon ni Richard Nixon ng United States at


Leonid Brezhnev ng Soviet Union.

> Bumisita si Richard Nixon sa Mascow noong 1972, upang makipagpulong kay Brezhnez
tungkol sa pag-iwas sa kompronasyon at pirmahan ng SALT.

> Sa sumunod na taon, 1973, si Brezhnev naman ang bumisita sa Washington.

Ang Pagwawakas ng Cold War


 Isang malaking dagok sa ekonomiya ng Soviet Union ang naganap mula 1970
hanggang 1975. Napag-iwanan ang bansa sa mga makabagong teknolohiya tulad ng
kompyuter, komunikasyon, elektoniks, at mga pagbabago sa industriya at
transportasyon. Ang repormang pangkabuhayan ni Gorbachev ay umasang
bubuhaying muli ang ekonomiya ng Soviet Union pagkaraan ng ilang taong walang
kaunlaran.

 Gumanda ang ugnayan ng Soviet Union at United States mula ng ipatupad and
dalawang patakaran:
a) Inalis ang mga sundalong nakatalaga sa silangang bahagi ng Europa.
b) Nagkaroon ng repormang politikal kung saan ang pamahalaang paderal ay
paiiralin mula sa isang sentrilisadong pamahalaan.

NEOKOLONYALISMO

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdi, lumitaw ang bagong uri ng


pananakop na tinawag na neokolonyalismo. Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa patuloy
na impluwensiyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang
dati nilang kolonya, bagamat wala silang tuwirang militar o politikal na kontrol sa mga ito.

Ang Anyo at Dahilan ng Neokolonylismo


Ang mga bansa sa Asya at Aprika ang madaling mabikima ng
neokolonyalismo. Narito sa mga kontinenteng ito ang mga bansang tinawag na
underdeveloped o mga bansa na nagtataglay ng malaking populasyon at may
mahirap na kabuhayan.

4
 Neokolonyalismong Politikal
 Sa ilalim ng neokolonyalismo, ang dating kolonya ay may kalayaang
politikal, pinamumunuan ng sariling lider, at ma sariling pamahalaan na
nagpapatupad ng sarili nitong batas. Sa kabila nito, makikita pa rin ang
impluwensiya ng mananakop na bansa sa dati nitong nasakop, lalo na
kung sinusunod pa rin ng huli ang pagdikta sa una.
 Neokolonyalismong Militar
 Ang neokolonyalismo ay nakikita rin sa aspektong militar. Ang isa sa
kondisyon bago kilalanin ng bansang kolonyalista ang kalayaan ng
dati nitong sakop ay ang pagtayo ng mga base militar. Madalas,
nananatili ang extraterritoriality sa mga base militar. Sa ganitong
sitwasyon, hindi maaaring kasuhan ng bansa ang sinumang
dayuhang sundalo o opisyal na gumawa ng pagkakasala sa loob ng
teritoryo nito.
 Neokolonyalismong Pangkabuhayan
 Makikita rin ang impluwensya ng mananakop sa aspektong
pangkabuhayan. Bago palayain ng mananakop ang dati nitong
kolonya, nagpataw muna ito ng mga kondisyon na may kinalaman sa
ekonomiya. Mayroon ding mga kondisyon sa pangangalakal tulad ng
hindi pagpataw ng buwis sa mga produktong dating mananakop at
pagpapaintulot ng malayang kalakalan o free trade sa dating kolonya.
Ang neokolonyalismo ay maaring nanggaling din sa mga pandaigdigang institusyon tulad
ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB), at Asian Development Bank
(ADB). Nagpapautang ng pera ang mga institusyong ito para sa programang
pangkaunlaran ng mga bagong layang bansa.

Mga Epekto ng Neokolonyalismo

1) Over Dependece o Labis na Pagdepende sa Iba – Malinaw na umaasa nang labis


ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United
States.
2) Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan – Sanhi ng impluwensiya ng mga dayuha,
nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at
magaling. Ang ganitong paniniwala o isipin ay tinawag na colonial mentality na
isang dahilan kung bakit ang mga tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at
mga produkto.
3) Continued Ensalvement o Patuloy na Pagkaalipin – Totoo ngang ang umuunlad na
bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit tali pa rin sila sa kolonyal at mayayamang
bansa. Hawak pa rin nila ang kabuhayan ng mfa maliliit na bansa sa pamamagitan
ng mga tulong na ipinagkaloob nila na may kaakibat na interes.

5
Isagawa
Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagpapakita kung paano natin mapakikinabangan
nang husto ang mga pagbabagong dulot ng Cold War at ng Neokolonyalismo.

RUBRIC SA GAWAIN
Mga
Pamantayan
Kahalagahan Lubhang Mahalaga ang Dalawa sa Hindi
ng mensahe mahalaga ang tatlo o apat na mensaheng mahalaga ang
lahat ng mensaheng binigyan ng mensaheng
mensaheng binigyan ng interpretasyon binigyan ng
binigyan ng interpretasyon. ay hindi interpretasyon.
interpretasyon. mahalaga.
Paglalahad Lubhang Mabisang Magulo ang Walang
mabisang nailahad ang paglalahad ng nailhad na
nailahad ang mensahe ng mensahe ng mensahe ang
mensahe ng sanaysay. sanaysay. sanaysay.
sanaysay.
Hikayat Masining ang Malinaw ang May kalabuan Malabo ang
pagkakalahad pagkakalahad ang agkakalahad pagkakalahad
ng mensahe. ng mensahe. ng mensahe. ng mensahe.

Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag at bilogan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa labanan namagitan sa USSR at USA pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
a. Cold War c. Civil War
b. World War d. Wala sa nabanggit
2. Sino sa dalawang bansa ang unang nakapagpadala ng tao sa kalawakan?
a. USA c. sabay silang nagpadala
b. USSR d. hindi sila nagpadala
3. Aling ideolohiya ang ginamit ng USSR?
c. Kapitalismo c. Komunismo
d. Demokrasya d. awtoritaryanismo
4. Ang pagpaparami ng armas at pag-espiya ng United State at Soviet Union sa
panahon ng walang direktang labanan ay naging dahilan upang ang mga bansa ay
.
a. Makaimbento ng mga panlaban sa mga makabagong uri ng sandata.
b. Laging handa sa mangyayari
c. Gumugol ng malaking pera sa kanilang proteksiyon.
d. Makadama ng paranoia.

5. Ang pagkakahating ideolohikal ng Europe ay tinawag ni Winston Churchill ng Britain


na Iron Curtain. Ano ang naging bunga nito?
6
a. Pagtigil sa ugnayan sa pagitan ng kanluran at Silangang Europe s iba’t ibang
larangan.
b. Paglalagay ng kurtinang bakal sa pagitan ng mga bansang demokratiko at
komunista.
c. Mahigpit na patakaran ng turismo.
d. Nagkaroon ng Bipolar worlds.

6. Ang patakarang pinairal sa USSR na nangangahulugang “openness” o


pagluwag ay .
a. Détente c. Glasnost
b. Perestroika d. Kibbuts

7. Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng pagbuti ng ugnayan ng USSR at USA?


a. Pagkakaroon ng iisang ideolohiya sa dalawang bansa.
b. Pag-alis ng sundalong nakatalaga sa silangang bahagi ng Europe at
pagkakaroon ng repormang politikal.
c. Pagsisikap ng dalawang bansa na limitahan ang ugnayan sa lahat ng
aspetong pang ekonomiya at politikal.
d. Pagdeklara ng digmaan laban sa pagitan demokratikong bansa at
komunismong bansa.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng Neokolonyalismo?


a. Loss of Pride c. Continued Enslavement
b. Over dependence d. Loss of identity

9. Ito ay tumutukoy sa patuloy na impluwensiyang pang-ekonomiya at


panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya.
a. Kapitalismo c. Neokolonyalismo
b. Komunismo d. sosyalismo

10. Ang neokolonyalismo ay patuloy na ugnayan ng dating mga kolonya ng mga


bansang kanluranin. Ito ay naisagawa nila sa pamamagitan ng .
a. Panghihimasok sa politika ng pamahalahan
b. Paglagak ng Foreign investment sa bansa
c. Pagtatayo ng pamilihan na kanilang surplus goods.
d. Lahat ng nabanggit

7
8

You might also like