You are on page 1of 3

TAKDANG PAGSUSULIT SA GEED 10013

Sañga, Efrhaim Angelo C. Prop. M. Pascual


BS Accountancy 1-11 15 JULY 2020

1. Ibigay ang mga matibay na dahilan kung bakit si Rizal ay sumasang-ayon sa rebolusyon
bilang epektibong instrumento sa pagkamit ng kalayaan?

Batid kong mali ang katanungang ito sapagkat hindi sumasang-ayon si Rizal sa rebolusyon
bilang epektibong instrumento sa pagkamit ng kalayaan sapagkat hindi niya nais na dumanak
pa nang dugo o mauwi pa sa pisikalan makamtan lamang ang kalayaan ng mga Pilipino mula
sa mapang-aping Espanyol. Matatandaan mula sa mga naunang talakayan kung saan panulat
o sa pamamagitan ng kaniyang mga sulatin ipinamamalas ang tunay niyang sandata at hindi
riple o espada. Una pa lamang ay malinaw na kay Jose Rizal ang tunay niyang pakay, ito ay
ang pagbabago sa paraan ng pamamahala at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino kung
kaya naitatag ang Kilusang Propaganda.

Sa ilan niyang tanyag na akda, ibinuhos niya ang maalab na damdamin sa pagkamit ng
kalayaan. Ang mga akdang ito ang nagmulat sa mga Pilipinong ipaglaban ang kalayaan.
Mula sa Noli me Tangere kung saan walang pasubaling inilahad niya ang karima-rimarim na
pamumuno ng Espanyol hanggang sa El Filibusterismo naman kung inilantad naman niya
ang natatagong baho ng pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol. Subalit mali ang
akala ni Rizal na magiging malaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol kung
paiiralin ang lahat sa mapayapang paraan. Ang nais na pagbabago sa edukasyon, agrikultura
at reporma sa pamahalaan ay tila nauwing lahat sa abo. Mula pa sa Noli me Tangere,
kabanata 50, lubos ang pagtutol niya sa rebolusyon. Matatandaang sinabi ni ibarra roon, "At
kung ang madlang taong iyan ay makikita kong may sandata ay pipiling ako sa pamahalaan
at sila’y aking kakalabanin, sapagkat di ko aariing bayan ang madlang taong iyan. Ibig ko
ang kanilang kabutihan, kaya’t nagtayo ako ng paaralan; hinahanap ko ang kabutihan niya sa
pamamagitan ng pagdunong, sa unti-unting pagkakasulong; kapag walang liwanag ay walang
landas". Binigyang diin niya ang pagpapatayo niya ng paaralan upang malinang ang dunong
at ang nais lamang ni Rizal ay ang kabutihan, at hindi iyon sa pamamagitan ng dahas.

2. Sa pag-aaral mo ng kursong Life and Works of Rizal, anu-ano ang mga natutunan mo tungkol
kay Rizal. Paano mo isasabuhay ang mga ito sa ating panahon?

Sa pag-aaral ko ng kursong Life and Works of Rizal, marami akong natutunan na tiyak na
magagamit ko hindi lamang sa kasalukuyan maging sa susunod pang mga taon. Unang-una
rito ay ang itinatag na Republic Act 1425 o mas kilala bilang Rizal Law kung saan ito ang
nagmulat sa akin upang alalahanin ang bawat mamamayang Pilipino na nagbuwis ng dugo't
pawis mapagtagumpayan lamang ang kalayaan partikular na ang bayani na si Dr. Jose
Protacio Rizal. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, labis kong nakilala ang imahe sa likod ng
mga bansag na kasulatan tulad na lamang ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na kung
saan ito ang pangunahin niyang sandata upang makamit ang kalayaan na ngayon ay ating
tinatamasa. Tunay ngang wala sa paggamit ng talim o espada ang batayan upang matawag na
tanyag na bayani. Bagamat sa ibang dako ng bansa ay kaiba, hindi maitatangging ang ating
bayani ay tunay na kagila-gilalas sapagkat reporma ang tunay niyang bala at hindi riple o
espada. gugou8790009900000000000000000000000.Bilang isang mag-aaral ng isang
respetado at kagalang-galangang unibersidad, namulat ako sa mga responsibilidad na inilahad
ni Dr. Jose P. Rizal. Sa panahon ngayon kung saan kabi-kabilang katiwalian ang nag-
uusbungan at ang kalayaan ay tila muling binabawi ng ating sariling pamahalaan, ito marahil
ang tamang panahon upang gampanan ang responsibilidad na sa atin ay iminulat. Ika nga ni
Jose Rizal, "kabataan ang pag-asa ng bayan", ngunit sa paanong paraan? Hindi sapat na
maghimagsik at sumulong sa giyera na wala dalang bala. Binigyang diin ni Jose Rizal ang
terminolohiyong "edukasyon" kung saan nais na Rizal na magkaroon ng edukasyon ang
sinuman. Edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit nating mga
kabataan. Sa pagkamit ng kalayaan, edukasyon ang unang hakbang na maaari nating
gampanan bilang isang kabataan na may pagmamahal sa bayan. Sa ganitong paraan, lubos
nating maisasabuhay ang mga gampaning itinatak sa atin ng mga aral ni Rizal.
Mga Sanggunian

rizallifesandworks.weebly.com

https://theculturetrip-com.cdn.ampproject.org/v/s/theculturetrip.com/asia/philippines/articles/the-
life-and-legacy-of-jose-rizal-the-philippines-national-hero/?

plumaatpapel.wordpress.com

You might also like