GABAY SA PAGTATANIM NG
PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA,
Mainam ang lupang buhaghag na sagana
sa_organikong bagay at parating may
tubig. Ang angkop na pH ng lupa ay
6.0-7.5. Itanim sa mga buwan na maiksi
ang araw kaysa gabi upang maiwasan ang
maagang pamumulakak.
PAGPILI NG BINHI
Pumili ng binhing angkop sa kundisyon ng lugar na
pagtatamnan, may mataas na pangangailangan sa
pamilihan kung ipagbibili, at may panlaban sa mga
sakit at peste.
PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN
Araruhin at suyurin ang taniman ng
dalawang beses. Maglagay ng 1 kg na
binulok na dumi ng manok at 300 g na
carbonized rice hull (CRH) kada metro
kuwadrado. Gumawa ng mga tudling na
‘may pagitan na 15-25 cm.
a PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Mag-text'sa Philfice text center 0920-911-1398
ow
rice_mmatters (tuatter), | rice.matters (fecebook)
Bisitahin ang/Pinoy Rice Knowetige Bank www.pinoyrice.com
Kabilang ang mustasa (Brassica juncea) sa_mga
dahong-gulay. Ang mga dahon nito ay may kakaibang
amoy at lasa at kinakain ng hilaw, binuro o nilalahok sa
uulam, Itinatanim din ito para sa buto na pinoproseso
bilang pampalasa at mantika. Mainam na
mapagkukunan ng bitamin A, K, calcium, iron, at
phosphorus ang gulay na ito.
PAGTANIM
Kailangan ng 4-7 kg kada ektarya na
buto. Itanim ang mga ito sa tudling sa
pagitan na 15 cm at lalim na 2.Scm.
Maaari ring magpunla at ilipat-tanim
pagkalipas ng 4-6 na linggo. Mas
maagang anihin ang mga nilipat-tanim
na halaman at mas may panlaban sa
at peste.
PANGANGALAGA
Mag-aplay ng manure tea o fermented
plant juice (FPI) ng isang beses sa 1
linggo o kung kinakailangan pang
maging malusog ang mga halaman.
Diligan ang taniman 2-3 na beses sa
isang linggo o kung kinakailangan.
Tanggalin ang mga damo nang sa gayon
ay walang kompetensya sa sustansya at
araw.
PHILRICEPAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE
‘Ang mga karaniwang peste ng mustasa
ay dapulak, diamond back moth,
paru-paro at uod. Upang makontrol ang
mga ito, mag-spray ng
(100 g sa 16 Lng tubig) na hinaluan ng 1
kutsara ng sabon. Magtanim ng sibuyas,
amarilyo, mais, zinnia, at cosmos sa
paligid upang maitaboy ang mga ito at
mapanatili ang dami ng mga kalbigang
kulisap,
‘Ang amag, pagkabulok sanhi ng bacteria,
pagkatuba, batik-batik sa dahon at
‘mosaic virus naman ang kadalasang sakit
ng mustasa. Maiiwasan ang mga ito sa
pamamagitan ng paggamit ng malinis na
binhi, pagpapanatinili. ng kalinisan sa
taniman at pagtatanggal ng mga
halamang tinamaan ng sakit.
Diamond backmoth Uod 0 cutworm
Pagkabulok 0 black rot Batik-batik sa dahon
oleaf spot
SECURE ED? LIER eRe eT) apes kage y
MGRHGU En TORRE ETS cL
PAG-ANI
Maaari ng anihin ang mga dahon simula
2 buwan pagkatanim o kung ang mga
tangkay ay malutong pa. Tanggalin ang
mga may sira at naninilaw na dahon.
Pagsamahin ang 3-5 na tangkay at talian
ng lastiko.
REFERENCES
Canadian Food Inspection Agency. 2012. The Biology of
Brassica juncea (Canola/Mustard). Petsa ng
pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa
www.inspection.gc.ca.
George RAT. 2011. Tropical Vegetable Production. CAB
International, UK. 225 p.
McCaffery D, Bambach R, Haskins B. 2009. Brassica
juncea in north-western NSW, Primefact 786 2nd
Edition. Department of Primary Industries, New South
Wales. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015
mula sa www.nvtonline.com.au.
Motes JE, Cartwright, Damicone JP. Greens Production
(Spinach, Turnip, Mustard, Collard, and Kale).
Oklahoma Cooperative Extension Service HLA-6031.
Oklahoma State University. Petsa ng pagdownload:
Setyembre 13, 2015 mula sa. pods.dasnrokstate.edu.
Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural
Resources Research and Development. 2014. Organic
Lettuce Production (Pulyeto). PCARRD Information
Bulletin No. 46.
Plant Village. Mustard. Petsa ng pagdownload:
Setyembre 13, 2015 mula sa www.plantvillage.com.
WILLIAMS M. 2012. Organic Lettuce and Leafy Greens.
Cooperative Extension Service, College of Agriculture,
University of Kentucky. Petsa ng pagdownload:
Setyembre 13, 2015 mula sa www.uky.edu.
2015. Mustard (Mustasa) Production Guide in the
Philippines. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13,
2015 mula sa community.farmon.ph.
‘Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi
pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring
kinuha ng buo o isinalaysay sa sariling paliwanag
mula sa pinaghalawan.
‘Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan.