You are on page 1of 1

3.

Militarisasyon- Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa


Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang
pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa.
Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng England bilang Reyna ng Karagatan

4. Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba ng mga bansang
makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo- ang Triple Entente at ang Triple
Alliance. Binubuo ng Germany, Austria- Hungary, at Italy ang Triple Entente. Sa ilalim ng alyansa,
nangako ang bawat kasapi na magtutulungan kung sakaling may magtangkang sumalakay sa kani-
kanilang bansa. Nais din ng alyansa na pantayan ang lakas ng Triple Alliance. Samantala, sumali ang
Germany sa grupo dahil nais nilang mapigilan ang impluwensya ng Russia sa Balkan. Itinatag naman ni
Basmarck ang Triple Alliance noong 1882. Resulta ito ng di-pagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ng
Russia at France noong 1884 (Dual Alliance), ng France at Great Britain noong 1904 (Entente Cordiate) at
ng Great Britain at Russia noong 1907. Bilang ganti, sumali ang France sa Triple Allianve. Ang Russia
naman gaya ng nabanggit na, ay karibal ng Germany at Austria sa rehiyon ng Balkan. Ang Hague Court of
Arbitration na itinatag noong 1899 ay naging mabisa dahil hindi naman obligado ang isang bansang
mapailalim dito. Ang unang pagpupulong ay ginanap sa Hague noong 1899 na pinannubayan ni Czar
Nicholas II ng Russia. Ang pangalawang pagpupulong sa Hague ay noong 1907, sa mungkahi ni
Pangulong Theodore Roosevelt. Nabigo rin ito. Layunin nitong magpabawas ng armas ngunit nagkaroon
ng unawaan tungkol sa lalong makataong paglalabanan. Sa kasamaang-palad ang mga kasunduang ito ay
nabalewala nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig

You might also like