You are on page 1of 9

GRADE VI

URI AT KATANGIAN NG PAMAHALAAN

ALAMIN MO

Bansa Bansa Bansa

Kilala mo ba ang mga nasa larawan?


Anong bansa kaya ang kanilang pinamamahalaan?
Anong kapangyarihan kaya mayroon ang kanilang pinamahalaan?

Sa modyul na ito makikilala natin kung ano ang katangian at ang tunay na
kapangyarihan ng pinamamahalaan nila.

Handa ka na ba?

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Katatapos lamang ng aralin na tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan. Nalaman mo na


mahalaga ang pamahalaan para sa ikauunlad ng bansa upang matamo ang kapayapaan, kaayusan
at kaligtasan ng mamamayan.

Narito ang larawan ng bahay.

Basahin ang sumusunod na pangungusap at isulat ang titik nito sa loob ng bahay kung bakit
kailangan natin ang pamahalaan.

Kailangan ng
Pamahalaan

A. Nagpapatupad ng batas.
B. Nangangalaga ng “drug lords”
C. Nakikilahok sa mga digmaang pandaigdig.
D. Nagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.
E. Nangangalaga ng kalusugan ng mamamayan.
F. Pinayayaman ang mga pinuno ng pamahalaan.
G. Pinipili ang relihiyon ng bawat pangkat ng tao.
H. Nakikipag-ugnayang diplomatiko sa ibang bansa.

2
I. Tumutugon sa mga pangangailangan ng pamahalaan.
J. Pinamamahalaan ang kaunlarang Panlipunan at Pangkabuhayan ng bansa.

PAG-ARALAN MO

Ano ang uri ng

?
Ano-ano ang uri ng
kapangyarihang
pamahalaan sa bawat
 Iba’t ibang ipinapatupad sa bawat
bansa?
uri ng bansa?
pamahalaan

 Katangian ng
bawat uri ng
pamahalaan
Kanino nagmumula Sino ang nagpapasya
ang kapangyarihan ng ng pamamahala sa
pamahalaan ng kani-kanilang batas?
bansang Pilipinas?

A. Pag-aralan ang talaan 1

ISA GRUPO O PANGKAT MARAMI

Monarkiya Aristokrasya/ Oligarkiya Demokrasya

Ipinakikita sa talaang ito ang uri ng pamahalaan ayon sa bilang ng namumuno.

3
B. Tingnan at suriin ang talaan 2

MAKADEMOKRATIKO DI-MAKADEMOKRATIKO

Demokrasya Awtoritaryan/ Totalitaryan

Sa talaang ito masusuri ang pamahalaang makademokratiko.

C. Suriin ang talaan 3

Uri ng Pamahalaan Katangian


 Ang kapangyarihan ay madaling
abusuhin dahil maaaring kapakanan ng
sarili o pamilya ang isulong ng
namumuno.
 Ang kapangyarihang mamuno ay nasa
Monarkiya kamay ng isang tao, gaya ng hari, reyna,
emperador, o emperatris
 Ang kapangyarihang mamuno ay
naipamamana sa miyembro ng pamilya,
kadalasa’y ang unang anak na lalaki ang
pinuno.

 Nasa grupo ng elitista o mga taong nasa


mataas na antas ng lipunan ang
kapangyarihang mamuno. Maaring
Awtokrasya mauwi ito sa oligarkiya.
 Tinatawag ding aristokrata ang
namumuno sa ganitong uri ng
pamahalaan.

4
 Kinakatawan ang bawat mamamayan.
 Maaaring manggaling sa anumang antas
ng lipunan ang mamumuno.
 Nakabatay ito sa prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay.
 Malaki ang papel ng masa sa pagluklok
at pagpapatalsik sa kapangyarihan na
Demokratiko namumuno sa pamamagitan ng
pagboto.
 Kinikilala ang pamantayang mayorya.
 Iginagalang ang minorya.
 Pamahalaan ito ng mamamayan,
binubuo ng mamamayan, at para sa
mamamayan.

 Walang demokrasya.
 Ang namumuno ay elitistang grupo, na
gumagamit ng puwersa upang manatili
Awtoritaryan sa kapangyarihan.
 May kapangyarihan ang pamunuan sa
maraming aspekto ng buhay ng mga
mamamayan.

 Kontrolado ng pamahalaan ang lahat ng


aspekto ng pampulitika at pang-
ekonomiyang gawain ng mga
mamamayan
 Ang pinuno ay tinatawag na diktador.
 Walang demokrasya.
Totalitaryan
 Ang pamahalaan ay kontrolado ng isang
partidong pulitikal, gaya ng partido ng
Nazi o partido komunista, na
pinamumunuan naman ng isang maliit
na pangkat, gaya ng politburo o
komiteng sentral.

Ipinakikita sa talaang ito ang mga uri ng pamahalaan at katangian ng bawat isa.

Alam mo na ngayon ang iba’t ibang uri ng pamahalaan batay sa dami ng bilang ng mga
namumuno, makademokratiko man o hindi. Sa tingin mo angkop ba sa Pilipinas ang uri ng

5
pamahalaang umiiral? Kung ikaw ay papipiliin, ano ang pinakamainam na uri ng pamahalaan at
bakit?

PAGSANAYAN MO

Nabasa mo na nang maayos ang iba’t ibang uri ng pamahalaan? Masasagot mo na ba ang mga
katanungan sa ibaba? Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan.

______1. Ano ang uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga
mamamayan?
A. demokratiko
B. monarkiya
C. diktatoryal
D. aristokrasya

______2. Ano ang uri ng pamahalaan na ang ganap na kapangyarihan ay hawak ng


isang tao lamang at kontrolado niya ang tatlong sangay ng pamahalaan?
A. totalitaryan
B. awtoritaryan
C. aristokrasya
D. demokratiko

______3. Ang kapangyarihan ay madaling abusuhin dahil maaaring kapakanan ng sarili


o pamilya ang isinusulong ng namumuno. Anong uri ng pamahalaan ito?
A. aristokrasya
B. demokratiko
C. monarkiya
D. totalitaryan

______4. Sino ang kahalili sa pamahalaang monarkiya kapag namatay ang namumuno
rito?
A. pangulo
B. pangalawang pangulo
C. sinumang inihalal ng mga mamamayan
D. pinakamatandang anak na lalaki ng hari

______5. Bakit nagkakaiba-iba ang uri ng pamahalaan?


A. dahil sa heograpiya ng bansa
B. dahil sa yaman ng isang bansa
C. dahil sa desisyon ng mga mamamayan ng bansa
D. dahil sa pinanggagalingan ng kapangyarihan ng namumuno rito.

6
Magaling, mahusay kang mag-aaral!

TANDAAN MO

 May iba’t ibang uri ng pamahalaan batay sa pinagmulan ng kanilang kapangyarihan.

ISAPUSO MO

Basahin ang tseklis. Lagyan ng tsek () ang hanay ng naaayon sa iyong sagot.

Paminsan -
Mga Damdamin/Gawain Oo Hindi
Minsan

1. Ikinagagalak ko ang pagkakaroon ng


demokratikong uri ng pamahalaan.

2. Iginagalang ko ang pasya ng


nakararami.

3. Kinikilala ko ang mga namumuno sa


amin.

4. Tumutulong ako sa pagpapanatili ng


katahimikan ng bansa.

5. Nasisiyahan ako sa pamamalakad ng


pamahalaan.

7
GAWIN MO

Sa bawat loob ng kahon ay nakalagay ang mga uri ng pamahalaan. Tukuyin mo kung anong uri
ng pamahalaan ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat mo ang bilang sa angkop na kahon.

Monarkiya Demokrasya Aristokrasya Totalitaryan

1. Naisasalin ang naturang kapangyarihan ng pamamahala lalo na sa kamag-anak.


2. Lubos ang kontrol ng pamahalaan sa buhay at ari-arian ng mga nasasakupan.
3. Karaniwang diktador ang tawag sa namumuno nito.
4. Isang tao ang may kapangyarihan na kung tawagin ay reyna, emperador, hari,
sultan at ang bansa ay tinatawag na kaharian.
5. Mahalaga ang pamantayang mayorya at iginagalang ang bansa ng minorya.
6. Ang kapangyarihan ay nanggaling sa masa.
7. Ang namumuno ay maaaring manggaling sa anumang antas ng lipunan.
8. Walang demokrasya sa bansang ito dahil ang umiiral ay ang mga batas at
kautusan na ipinatutupad ng namumunong elitistang grupo.
9. Madali itong mauuwi sa oligarkiya at nagiging oligarko ang mga may
kapangyarihan.
10. Karaniwa’y diktador ang tawag sa namumuno rito.

Buuin mo ang tsart sa ibaba.


Uri ng Pamahalaan Pinuno Paraan ng Pamamahala

1. demokratiko

2. monarkiya

3. totalitaryan

4. aristokrasya

5. awtoritaryan

8
PAGTATAYA

Isulat ang D kung ang pahayag ay nauukol sa Demokratiko M kung Monarkiya T kung
Totalitaryan at P kung sa Parliyamentarya.

_______1. Ang pinuno at opisyal ay inihahalal ng mga mamamayan.

_______2. Hari o Reyna ang pinanggalingan ng kapangyarihan.

_______3. Mahalaga ang kalayaan at karapatan ng tao.

_______4. Walang maaaring sumalungat sa desisyon ng pinuno.

_______5. Ang punong ministro at ang kanyang gabinete ang namamalakad sa


pamahalaan.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Gumamit ng Ensayklopedia. Magsaliksik ng mga bansa na ang sistema ng pamahalaan ay


nasa sumusunod:

1. Totalitaryan
2. Demokrasya
3. Monarkiya
4. Aristokrasya
5. Parlamentarya

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na


modyul.

You might also like