Professional Documents
Culture Documents
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama’y sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Fonema = a
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita
sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging
malinaw ang nais ipahayag.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya]
at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay
napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktot na dati’y [niya] ngayo’y [siya] sa.
Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang
ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng
mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago
ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika
kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya
bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang
[jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na
“bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.